Saturday, December 29, 2012

Demon Loves Angel (01-05)

by: seniorito aguas

Part 01
"an angel loving a deity of demons? disaster" revedent amaro carlos *satanist layer 103*

-----
sabi ng nakararami.. walang sinu man.. o ano man ang maaring makapaghiwalay sa dalawang uri ng tao na nagmamahalan

na ang pagibig ang pinakamalakas at mataas ng kapangyarihan sa lahat

totoo nga ba ito?


kahit ba langit at impyerno ay maaaring kalabanin para lamang sa tunay na pagmamahal ng dalawang uri ng tao?
-----

"tandaan mo ang mga bilin namen anak.. maging mabait ka roon sa kumbento ... sundin mo ang mga utos ni father at gawin ang mga gawain mo"

bilin ni aling metring sa kanyang anak na si wanson habang tinutulungan itong magimpake ng ilang kagamitan

isang binatang sakristan si wanson.. maayos ang uri ng pamumuhay, at nasa dugo na ng kanilang pamilya ang pagiging pari, madre at sakristan

nasa hanay ng kanilang pamilya ang uri mga taong nagsisilbi sa simbahan at matapat sa panginoong jesus

"opo nay" sagot naman nito sa bilin ng kanyang ina at isinuksok pa sa bag ang ilan pang mga bagay na kakailanganin niya
-------

"tol wag mong kalimutan ah? yung meeting ng kulto mamaya"
pabulong na sabe ni kerwin kay jerson

"tsang ina naman tol meeting nanaman? puta puro kantutan lang naman mangyayare don eh.. wala ako sa mood kumantot ngayon" pagmamaktol naman na sabe ni jerson

"putang na yan tol ilang meeting kana hindi nakakaattend baka ipamassacre kana ni master amaro niyan"
pagbabanta naman ni kerwin

"wag kang mag-alala tol.. favorite nun burat ko... hindi ako ipapapatay nun.. di na niya matitikman to oh" sabay naman turo nito sa babang bahagi ng kanyang katawan

"loko loko"sabi ni kerwin at sabay ng mahinang batok kay jerson

si jerson ay isang taong.. masasabing napariwara sa buhay, taong nagiisa.. taong nangangailangan ng kalinga at pagmamahal, kaya sinalihan niya ang isang grupo na...

na sumasamba sa tinatawag na panginoon ng lahat ng demonyo... pinaka mataas , pinaka masama..

si satanas

sa buong buhay ng pagkabata ni jerson.. siya lamang ang bumubuhay sa kanyang sarili... nagiisa...nagsisikap at naghihirap, hanggang sa dumating sakanya ang pagkakalinga ng mga kabrod sa satanista.. dun niya naramdamang mahalaga siya sa ibat ibang paraan
---------

magkaibang tao... magkaibang paniniwala...

pagtatagpuin ng tadhana...
ano kaya ang magiging resulta?

gulo? o tunay at wagas na pagibig?


Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


Part 02

"wanson wanson!!!"pagtawag ni abraham kay wanson

kararating lang nuon ni wanson sa kumbento

napalingon naman siya at hinintay na makalapit sa kanya ang kaibigan

"tol bute nalang kasama kita dito sa kumbento noh? kung hindi talagang mababaliw ako rito, sabe nila ang dame daw hindi pwdeng gawin dito eh, dameng mga patakaran"
ang sabi nito ng makalapit na kay wanson

"natural tol, lugar ito kung saan maaring makipagugnayan sa ama, at tayo ang mga taong susunod na magpapakalat ng mabuting balita, kaya dapat i train tayo ng maigi,"sagot naman ni wanson

"kung di lang talaga para sa nanay ko tol"sabi naman ni abraham
sabay ng pagiling

"kaya pagbutihan mo tol, para sa bilin ng nanay mo" sabi naman ni wanson

ilan pang hakbang ang kanilang nilakad upang makarating sa kwartong paghahatian nila habang na nanatili sa kumbento

nang makarating sa kanilang kwarto inayos na agad ni wanson ang mga kagamitan sa lalagyanan..di naman ito ganuon kalakihan sakto narin para sa dalawang tao, si abraham naman ay inilapag lang ang mga gamit sa kama nito at lumabas na

habang nagaayos naman si wanson rinig niya ang mga ingay sa bintana lamang ng kwarto nila..

ingay ng mga batang tila ba may mga kinatatakutan..

"mga batang binubully!"ang sigaw ng utak ni wanson

agad siyang tumingin sa bintana

hindi nga siya nagkamali , may mga batang nakaputi na mukang mga angel at mga mas matatandang bata na gusgusin , tinatakot ng mga batang gusgusin ang mga batang nakaputi

agad na bumaba si wanson at tinunton ang lugar na iyon

nang makarating si wanson sa lugar.. agad niyang sinitsitan ang mga bata

"mag siuwe nga kayo!" ang sigaw niya dito

nang umalis na ang mga batang gusgusin

"ayos lang ba kayo?"tanung ni wanson sa mga batang nakaputi

"salamat po kuya"sabi nito sa kanya

"cge na pumasok na kayo ng kumbento" utos ni wanson sa mga batang ito

pinauna na ni wanson ang mga bata, nangmakapasok na ang mga bata ilang minuto pa na nanatili sa labas si wanson

tinitingnan ang paligid.. nagmamasid...

nang di katagalan ay may narinig siyang mahinang palakpak
at di rin nagtagal ang palakpak na ito ay unti unting bumigat at lumakas

liningon ito ni wanson

nang makita niya ang itsura ng lalake, makinang ,nakakaakit, parang dyamante

"sino ka?!"malakas niyang sambit dito

"ikaw ang dapat kong tanungin niyan?!, sino ka? anong ginagawa mo sa mga bata ko? ikaw nanaman ba ang bagong tagapagtanggol ng mga batang puti?!" galit na sabi nito kay wanson

"ako si wanson tordillas, mga bata mo?... yung mga batang nangbubuly kanina? tingin mo ba kinalulugod ng dyos ama ang pananakit ng kapwa tao?" ang nakataas noong sabi ni wanson

"dyos ama?"sabi nito sabay ng malakas na tawa

"si jesus ang sinasabe mo noh? isa karin pala sa mga bobong uto uto,"sabi pa nito

"a-ano--"sabi ni wanson na hindi naipagpatuloy dahil nagpakilala na ang taong nasa harap niya

"ako si jerson lopez, isang tunay at buong satanista.. taong sumasamba sa panginoon ng kamatayan... taong may tamang utak. at taong may talino, hindi tulad mo.. uto utong bobo!"
pasigaw na sabi nito kay wanson

hindi makapag salita si wanson.. nagkaruon na siya ng ibat ibang balita tungkol sa mga taong sumasamba kay satanas.. puro sa kwento at babasahin niya lang ito nakikita.. at ngayon nga na may tunay na satanista sa harap niya.. hindi niya alam ang gagawin niya

"oh?! wanson ang ngalan mo hindi ba?, bat hindi ka makapagsalita? , natatakot kaba?"sabi ni jerson habang unti unti itong lumalapit kay wanson

sa paglapit na iyon ni jerson unti unti namang umaatras si wanson hanggang sa napasandal na si wanson sa pader ng kumbento

'patay, macocorner niya ko' sabi ni wanson sa kanyang utak

hanggang sa di nga nagtagal na corner ni jerson si wanson sa pader

"lumalakas ang tibok ng puso mo wanson, natatakot kaba? wag kang matakot...."sabi ni jerson at unti unti nang lumalapit ang labi nito sa labi ni wanson


Itutuloy. . . . . . . . . . .
 

Part 03

"HOYYYYYYYYYYYYYYYY!"sigaw ni abraham sabay ng pagtulak kay jerson

"sino kaba!? bakla ka noh! bastosing bakla!!!" matunog na sigaw ni abraham

"tol ayos ka lang ba?"pagbaling na tanung nito kay wanson

tumango na lamang si wanson

"magkikita pa tayo anghel"sambit ni jerson at sabay ng pagtayo nito at umalis

"gagew!! wag ka nang babalik!! bastoseng bakla!"sigaw pa ni abraham habang paalis na si jerson

pumasok na agad si wanson ng kumbento... tinungo ang palikuran

ilang minuto rin siyang naruon nagiisip...hanggang sa maabsorb na ng utak niya ang lahat ng nangyayare..

napakaraming mga katanungan ang pumasok sa kanyang isipan

"bakit ganun ang pakiramdam ko?"
"bakit gusto ko rin ang mga mangyayare"
"ano bang nangyayare saken!"

halos mabaliw ng kakaisip si wanson sa mga nangyare...

hanggang sa marating ni wanson ang sukdulan ng konklusyon

"hindi pwde to!!!.. isa akong bakla? hindi!!" sigaw nang utak ni wanson

maya maya pay bigla nang kumatok ang ilang mga kasamahan ni wanson sa kumbento kasama na si father

"iho iho buksan mo ang pinto,, ayos ka lang ba jan?"buong pagaalalang tanung ni father

wala nang nagawa si wanson kundi buksan ang pinto

"ayos ka lang ba iho? bakit ba tila namumutla ka?"tanung nitong muli

"ayos lang ho ako father"pagsagot nito at lumabas na ng banyo

"dalhin nyo siya sa salas, sisimulan ko na ang pagpapaliwanag ng paligid ng kombentong ito"sabi ni father at tumalima naman ang iba..

nang nasa salas na ang lahat nagsimula nang magpaliwanag si father

"ang paligid ng lugar ng ating kumbento ay pinalilibutan ng mga taong taliwas ang paniniwala sa ating paniniwala...

naniniwala tayo sa kapangyarihan ng panginoong jesus... ang ama.. ang tagapagligtas.. ang nagbigay ng hiram na buhay sa lahat

at ang mga tao naman sa labas... at mga taong naniniwala.. sumasamba sa isang kilalang nilalang ng bibliya na hindi dapat sambahin o sundin.. yon ay si satanas

dito na nagsisimula ang ating mga mission.,. mission nateng ipakalat ang salita ng dyos.. at sagipin mula sa nagaalab na apoy ang mga kabataan at mamamayan na nasa labas ng kumbentong ito na may maling paniniwala

maaasahan ko ba kayong mga mabubuti at masunuring tagasunod ng amang jesus na tulungan ako sa aking mission?"tanung nito para sa lahat

"oho father"sagot naman ng lahat


Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
 

Part 04

nang matapos sa pagpapaliwanag si father agad na umakyat ang lahat ng seminarista at iba pang tagapaglingkod ng simbahan

kasama na rito si wanson

tulalang nakahiga si wanson sa kanyang kama

"tol, ayos ka lang ba?! sumula nung nangyare kanina sa labas halos di kana nagsasalita ah?"pagbigay pansin sa kanya ni abraham

"ayos lang ako tol"pagsagot niya rito

wala nang tinanong pa si abraham at di narin ito nangulit pa

nakatulog si wanson ng pagiisip sa mga nangyare at sa kanyang nararamdaman..

"hindi ko hahayaang mangyare to"
sambit niya na paniniguradong hindi siya magiging isang BAKLA
--------------------

"tol!! jerson!" pagtawag ni kerwin sa kaibigan

"oh ano?! wag ka nang magalala tol pupunta ako sa meeting" pagsagot naman ni jerson sa kaibigan

"tol hindi yung meeting ang pinuntirya ko sayo dito eh, pumunta ka raw malapit sa kumbento, magkwento ka naman, ano nabang nangyare don?" paguusisa ni kerwin

"natural paren tol, patuloy paren ang serbisyo nila sa kinikilala nilang panginoon, pero mukang marame nang mga bago, ang pari nalang yata nila ang natitirang pinaglumaan na ng panahon"sambit ni jerson sabay ng isang matipid na ngiti

"tol anung ngiti yan?, ngayon nalang ule kita nakitang ngumiti ng ganyan ah?, may binabalak ka noh?.wag mong sabihing kakadyutin mo yung pari nila, tol grabe kana" sambit naman ni kerwin na naka-ani ng batok kay jerson

"gago!"mura ni jerson dito

"nak ng tinapa saket nun ah, pero tol seryoso, may binabalak ka noh?"ulit na tanung ni kerwin

"natural, may bago na akong mapagtitripan sa kumbento"sambit ni jerson, kasabay ng matalim na mga mata ang pagbuo ng mga plano laban kay wanson

"tama na yan tol, tinatawag na yata tayo sa head quarters!"sambit ni kerwin at sabay ng paghila kay jerson

wala nang nagawa pa ang binata kundi sumama at pumunta sa meeting ng satanistas

nang makarating rito, agad na naupo ang dalawa

maya maya pay dumating na ang tagapagsalita

"may mag bagong kautusan na nararapat na ipatupad sa lalong madaling panahon" ang sambit ng babaeng nasa harapan, nakasuot ito ng belong itim , at itim ng palda

"inang!"pagbigay ng pansin ni jerson

"hindi ho ba masyado nang marame ang kautusan sa ating samahan? baka naman ho masakal na ang ating mga kasapi ng dahil sa mga kautusan na iyan"ang pagbigay ng opinion ni jerson

"wag ho kayong mag-alala senior, hindi ganuon kabigat ang mga bagong kautusan na ibibigay"ang pagsagot ng babae rito

senior ang tawag kay jerson sa samahan dahil mayroon siyang position sa samahang ito, mataas na position na dapat respetohin ng iba pang satanista

wala nang nagawa pa si jerson kundi umupo

maya maya pay inihatid na ang mga bagong kautusan

'tingnan naten kung marame ang susunod jan' sambit ni jerson sa kanyang isipan

nang matapos na ang pagbigay ng mga kautusan

"kailangang sa lalong madaling panahon ay maipatupad na ang mga kautusang ito, magandang gabi sa lahat, ngayong naibigay na ang mga kautusan, maaari na kayong bumalik sa inyong mga lugar" sambit ng babaeng nagsasalita

isa isa namang tumalima ang lahat at nagsibalikan sa kanilang tuluyan


Itutuloy. . . . . . . . . . . 


Part 05

sa umagang iyon

"wanson, wanson gising na tol"pag gising ni abraham kay wanson

agad namang napatayo si wanson sa kanyang hinihigaan

"magandang umaga ho"pagbati naman ng isa pang binatang seminarista

"magandang umaga rin oh, pagpasensyahan na ho sana ninyo ang aking paggising"pagbati at paghingi ng paumanhin ni wanson

isang matamis na ngiti lang ang ginawad na sagot ng binata at tumalikod ito

agad namang naghilamos si wanson at nagpalit ito ng damit

nangmakalabas na si wanson galing sa banyo nagpakilala naman ang binatang seminarista

"ako nga pala si michael, pinadala ako dito ni father upang ipaliwanag pa sa inyo ang ilang mga lugar at mga bagay bagay dito sa ating lugar"

"pwde bang magtanong?"sambit ni abraham

"cge ho ano ho ba ang nais ninyong malaman?"pabalik na sambit ng binata

"seryoso ba talaga si father nung nagpapaliwanag siya?, kase parang napaka hirap paniwalaan nito, isang kumbento , simabahan ng panginoong jesus, pinalilibutan ng ibat ibang barangay na sumasamba kay satanas?, parang ang hirap paniwalaan nito ah" ang sambit na opinion ni abraham

"totoo nga hong hindi kapanipaniwala ang mga bagay na nangyayare, pero tunay hong nangyayare ito, kaya narin ho siguro pinatayo ang simbahang ito sa gitna ng mga barangay na katulad ng nasa labas.. upang imulat sila mula sa kahibangan at maling paniniwala"pagpapaliwanag naman ng binatang si michael

"at inaasahan nyo kameng mga baguhang seminarista na tumulong lahat sa inyo?"ang tanong na nasambit ni wanson

"kayo ho ay naririto dahil kayo ang mga napiling tumulong samen, may kanya kanya kayong mga kakayahan upang tulungan ang mga taong nasasadlak sa maling paniniwala"
sambit muli ni michael

katahimikan ang sunod na namutawi sa buong paligid

"kung wala na ho kayong tanong pa , maghanda na dapat tayo dahil ipapaliwanag at ililibot ko po kayo sa ibat ibang barangay dito sa ating lugar"ang sambit ni michael at sabay ng paglabas ng kwarto

"sandali!"si wanson

"ilang barangay mayroon ang lugar na ito?"ang pahabol na tanung niya rito

"tatlo ho, sa maikling oras ho ay lilibutin naten ang san arinto, san huwaquin,at san tyermo"pagsagot nito sa katanungan ni wanson

"sige, salamat"sambit ni wanson

nang makalabas na ng kwarto si michael

"tol sigurado ka? sasama tayo sa pagpunta sa ibat ibang barangay?"pagtatanung ni abraham

"oo"maikling sagot nito

hindi na nagsalita pa si abraham at naghanda na rin ito

'oo dahil may lalake akong kailangang iligtas mula sa kamay ni satanas' sa isip na sambit ni wanson


Itutuloy. . . . . . . . . . . . .



senioritoaguas.blogspot.com

No comments:

Post a Comment