Saturday, December 15, 2012

Si Kulot at Si Blondie

video

Si Titong Jakolero

Snapshot


Their HOT VIDEO........


video

Jakolerong Batang Payat

Snapshot


Their HOT VIDEO........


video

Tuhugan

video

Tatlohan

video

Jakol 05

video

Jakol 04

video

One Message Received (28 & Epilogue)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 28


Ryan. Ryan.', ang pagkatok ni Mama sa aking pinto.

Agad naman akong bumangon at hinarap ang ina.

'Hmm?', ang sabi ko habang nagkakamot ng mata.

'Nandyan si Gino sa baba. Mukhang hindi maganda ang lagay.', ang sabi ni Mama na may tono ng pag-aalala.

Para namang na-jumpstart ang buong sistema ko. Nagising ako bigla at bumaba ng hagdan. Si Mama naman ay sumunod agad sa akin. Nakita ko si Gino na nakaupo sa sala at nakayuko.

'G. Ano nangyari?', ang tanong ko sa kanya.

Kumakabog ang dibdib ko dahil kahit hindi ko na siya tanungin ay alam ko na ang nangyari. Nagtaas ng mukha si Gino. Ang pilit niyang pagpipigil ng iyak ay hindi umubra. Umiling lang siya at nagsimula nang umiyak. Agad naman akong umupo sa kanyang tabi at sinubukan siyang patahanin.

'Ano bang nangyari, hijo?', ang tanong ni Mama.

Nagkatinginan kami ni Gino sa tanong na ito ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Parang hinihintay ko si Gino na magsalita pero alam kong sobra-sobra na ang mga nangyayari sa kanya.

'Pinalayas po ako sa amin.', ang sabi ni Gino sa pagitan ng mga paghikbi.

'O bakit naman? Ano bang ginawa mo? Nasaan ang mga gamit mo?', ang pag-aalala ni Mama.

'Nasa labas po. Tita, nahihiya po ako at kayo pa ang naistorbo ko. Pasensya na po kayo.', ang sabi ni Gino.

'Hindi iyon problema. Para na rin kitang anak. Pero bakit ka ba pinalayas?', ang tanong ni Mama.

Papalit-palit lang ang tingin ko kay Gino at kay Mama. Hindi ko na alam ang gagawin.

'Ry?', ang pagbaling sa akin ni Gino.

Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko muna ang aking ina at pinakiramdaman siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na sana ay maintindihan niya ang sitwasyon namin ni Gino.

'Ma.', ang pagsisimula ko.

Mga nangungusap na mata ang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung tama ba na ngayon ko sabihin kay Mama. Paano kung mapalayas din ako? Saan na kami pupulutin nito?

'Ryan?', ang pagtawag sa akin ni Mama nang mapansing hindi na ako nagsalita.

'Ma, hindi ko alam kung paano mo matatanggap. Pero gusto kong malaman mo na may namamagitan sa amin ni Gino.', ang diretsong sabi ko kay Mama.

Para namang walang naintindihan si Mama sa aking sinabi at nanatili lang itong nakatingin sa akin. Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mama ng mga oras na ito.

'Tita, nahuli po kasi kami ni Mama kanina kaya niya ako pinalayas. Hindi ko po sinasadyang mahalin ang anak niyo pero ipagtatanggol ko po siya. Ipaglalaban ko po kung ano man itong namamagitan sa amin.', ang matapang na sabi ni Gino.

Hindi pa rin umiimik si Mama. Nakatingin lang siya sa amin ni Gino na blanko ang mukha.

'Ma. Say something.', ang umiiyak kong sabi sa kanya.

'Ehem. Ryan. Matagal ko nang tinanggap sa sarili ko. Ako ang nagsilang sa'yo. Alam ko ang lahat sa'yo kahit hindi ka magsabi sa akin. Dalawa lang tayo na nag-aalaga sa isa't isa. Simula pa lang nang naging magkaibigan kayo ni Gino, nakita ko na ang kakaibang tingin mo sa kanya. Ayokong aminin sa sarili ko nung una. Mahirap. Kasi gusto kong magkaapo...', at doon na nagsimulang umiyak si Mama.

'...pero unti-unti ko namang natanggap iyon. Nakikita kitang masaya ka sa kanya. Wala na akong karapatang pahirapan ka. Sobra na ang paghihirap mo sa paglaki mo na iisa lang ang magulang mo. Mahal kita, anak. Tanggap kita. Tanggap ko kayo.', ang pagpapatuloy ni Mama.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa mga narinig ko. Niyakap ko ng mahigpit si Mama at nagpasalamat ng sobra-sobra. Siya naman ay walang tigil sa pag-iyak. Tumayo na rin si Gino at yumakap kay Mama.

'Salamat po, Tita.', ang sabi ni Gino.

'Sshhh. Magiging okay din ang lahat. Maging matapang ka lang sa pagharap ng mga problema mo.', ang sabi ni Mama.

'Ay, shoot. Yung maleta ko!', ang biglang sigaw ni Gino at agad na tumakbo sa labas.

Natawa naman kami parehas ni Mama. Gumaan ang pakiramdam sa loob ng bahay. Parang lumiwanag lahat. 

'Bakit hindi ko nakitang may dala ka?', ang tanong ni Mama nang makapasok si Gino dala ang malaking gamit.

'E. Nahiya po ako. Kaya pasimple ko lang pong pinasok nung nakatalikod kayo.', ang sabi niya habang nagkakamot ng ulo.

'Ikaw talagang bata ka. O siya, matutulog na ako. Magpahinga na rin kayo ah.', ang paalam ni Mama.

'Opo.', ang sagot ko.

'Thank you po ulit, Tita.', ang sabi naman ni Gino.

0*0*0*0

Kinabukasan ay maagang nagising si Gino. Nakataklob siya ng kumot habang malalim na nag-iisip. Nakatingin lang siya sa akin.

'Don't try to seduce me.', ang sabi ko sa kanya pagmulat ko.

'I'm not! Nag-iisip ako kung paano ako makikipag-usap kay Mama.', ang seryoso niyang sabi.

'Oh. Sorry.', ang maikli kong paghingi ng tawad.

'Buti pa si Tita tinanggap tayo. Bakit kaya hindi iyon magawa ni Mama sa atin?', ang tanong ni Gino.

'O, agang-aga nagda-drama ka.', ang sabi ko sa kanya.

'E kasi naman...', ang pag-iyak niya bigla.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at ikinulong siya sa aking mga braso.

'Ang sakit sakit na mapalayas ng sariling magulang. Lalo na at hindi niya tanggap ang pagkatao ko. Masaya ako sa ating dalawa. Bakit hindi niya kayang maging masaya para sa akin?', ang pagtangis ni Gino.

'Shhhh. Maiintindihan din tayo ng mommy mo. Someday.', ang sabi ko sa kanya.

Patuloy lang sa paghikbi si Gino habang ako naman ay tahimik lang na pinapatahan siya. Nagdesisyon siyang puntahan ang ina ngayon upang ipaliwanag ang sarili matapos maiiyak ang lahat ng umagang iyon.

'Bahala na.', ang sabi niya bago magtungo sa CR at maligo.

0*0*0*0

Minabuti kong samahan si Gino sa pagbalik sa kanilang bahay. May basbas din ito ni Mama nang magpaalam kami at sinabi niyang she is hoping for the best. Pilit kong pinapakalma ang sarili upang hindi na mahirapan si Gino kahit na halos dumadagundong na ang puso ko sa kaba.

'Anong ginagawa niyo dito?', ang masungit na bati sa amin ng mommy ni Gino.

'Ma, pakinggan niyo naman ako. Please? Nagmamakaawa na ako.', ang sabi ni Gino sa ina.

Pinagsarahan lang sila nito ng gate. Kinatok pa ni Gino ang gate at tinatawag ang ina ngunit hindi na talaga ito nagpatinag. Pinigilan ko na si Gino sa kanyang ginagawa.

'Tara na. May klase pa tayo.', ang sabi ko sa kanya.

Sobrang nadudurog ang puso ko habang nakikita si Gino na nahihirapan. Halos hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil tinitingnan ko lagi ang lagay niya.

'Ry, are you and Gino okay?', ang tanong ni Alicia sa akin nang matapos ang huling klase namin.

'Honestly, hindi. Nalaman na ng mom niya ang about sa amin. Pinalayas siya. Please, don't tell anyone.', ang sabi ko.

'Oh. I'm so sorry to hear that. Saan siya ngayon nagse-stay?', ang pag-aalala ni Alicia.

'Sa bahay. Alam na rin ni Mama pero tinanggap niya kami. Thank God.', ang sabi ko sa kanya.

'Buti naman. Ry, worried lang ako kasi finals na next week and graduating tayo. Baka maapektuhan ang pag-aaral niyo. So, if there's anything I could do, just let me know. Okay?', ang sabi ni Alicia.

'Sure, thanks a lot!', ang sabi ko sa kanya bago lumapit kay Gino.

'Tara na. Uwi na tayo.', ang yaya ko sa kanya.

Hindi na nagsalita si Gino at nagpauna na palabas ng room. Nauuna siya sa akin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking.

'Where's my car?', ang mahinang tanong ni Gino.

Wala naman akong nasabi nang makita kong bakante na ang space kung saan namin iniwan ang sasakyan kanina bago magpunta sa klase.

'DAMN IT, WHERE IS MY CAR??', ang sigaw ni Gino.

Sinuntok niya ng malakas ang pinakamalapit na poste at umupo matapos gawin ito. Agad naman akong lumapit sa kanya at tiningnan ang kamay. Nagdudugo ito.

'Gino. Hindi mo dapat ginawa yun. Ayan tuloy...', ang sabi ko.

'HUWAG MO AKONG HAWAKAN!!!', ang sigaw niya sa akin.

Itinulak niya ako palayo kaya naman dumausdos ako sa lapag. Pinipigilan ko ang sarili ko na patulan siya o maiyak dahil alam kong tuliro lang siya ngayon at kailangan lang niya mailabas ang nararamdaman. Kahit na masakit sa dibdib ang pagkakatulak niyang iyon ay lumapit pa rin ako sa kanya at sinubukan siyang itayo.

'Tara na, uwi na tayo.', ang mahinahon kong sabi sa kanya.

'Sobrang mali ba na minahal kita? Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi sa'yo pa?', ang tanong sa akin ni Gino habang hawak niya ang kamay ko.

Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo pero hinawakan lang niya ito ng mahigpit habang nakayuko. Naiyak ako sa mga tanong na kanyang binanggit. Kahit na masakit ang mga sinabi niya, hindi ko na ito pinakita sa kanya. Tinulungan ko siyang tumayo. Agad na akong pumara ng taxi nang makalabas kami ng school.

'Akin na nga 'yang kamay mo.', ang sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay niyang nagdudugo at binalutan muna ito ng panyo.

'Ow.', ang daing niya.

Nang makarating kami sa bahay ay wala pang tao. Marahil ay nasa trabaho pa si Mama.

'Akyat na ako.', ang malamig niyang sabi sa akin.

Tiningnan ko lang siya bago ako magtungo sa kusina para kumuha ng panglinis ng sugat. Umakyat din naman agad ako at dinatnan siyang nakadapa sa kama. Nakatanggal lang ang sapatos at polo pero naka-pantalon pa rin at t-shirt.

'Gino. Halika, lilinisin ko yung sugat mo sa kamay.', ang sabi ko matapos maipatong ang kinuha kong batya na may tubig at betadine sa baba. Agad naman siyang umupo mula sa pagkakahiga. Hindi kami nag-uusap pero hinayaan niya akong gamutin ang sugat niya sa kamay. Tahimik lang kami.

'Okay na.', ang sabi ko sa kanya matapos mabalot ang kamay niya sa benda.

'Matutulog na ako.', ang paalam niya.

'Hindi ka ba muna kakain?', ang tanong ko sa kanya.

'Hindi ako nagugutom.', ang malamig niyang sagot sa akin.

0*0*0*0

Ganon ang lagay namin hanggang finals week. Magkasabay kaming papasok, sabay kakain, pati sa pag-uwi pero halos hindi kami nag-uusap. Tuwing susubukan ko siyang lambingin ay lumalayo siya.

'Gino, ano nang balita sa mommy mo?', ang tanong ko sa kanya nang matapos ang pinakahuli naming exam.

'Hindi ko alam.', ang sagot niya sa akin.

'Kausapin mo naman ako ng matino.', ang mahina kong sabi sa kanya.

'Sinasagot ko naman lahat ng tanong mo ah! Ang kulit-kulit mo. Araw-araw na lang, tanong ka ng tanong!', ang sigaw niya sa akin.

Napatingin ang ilan sa mga kaklase kong nasa loob pa ng room ng sigawan ako ni Gino. Tumakbo ako palabas dahil na rin siguro sa pagkapahiya.

'Ry!', ang pagtawag sa akin ni Alicia.

Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Alicia na tumatakbo palapit sa akin.

'Tara.', ang yaya niya sa akin.

Hinatak niya ako papunta sa park. Kakaunti na lang ang mga tao marahil nag-eexam pa ang iba. Pagkaupo namin ay hindi na nagsalita si Alicia. Tiningnan lang niya ako at alam ko na na pwede na akong mag-rant.

'Feeling ko gusto na niyang sumuko sa aming dalawa. Ang cold niya sa akin simula last week pa. Nasasaktan na ako. Pilit ko siyang iniintindi pero parang ayaw na niyang magpaintindi sa akin. Ano bang dapat gawin ko? Mahal na mahal ko siya pero it's killing me kapag nakikita ko siyang nahihirapan ng husto. Kailangan ko na ba siyang i-let go para maging maayos na sila ng mom niya? Pero parang hindi ko kaya mabuhay na hindi siya kasama. Feeling ko unti-unti na siyang nawawala sa akin.', ang pag-iyak ko kay Alicia.

'Ry, sa tingin ko, hindi na option ang pagsuko dito. Bakit sa tingin mo ba kapag iniwan ka ni Gino ay mababawi na sa mommy niya yung idea na sa same gender siya nagkakagusto? Hindi naman diba? Pag naghiwalay ba kayo, magiging okay ka ba? Magiging okay ba siya? Hindi naman diba? Giving up is not an option here! You just gotta fight for it! Yun lang ang dapat mong gawin. Ang dapat mong sabihin kay Gino na gawin. Hindi 'yang ganyang hinahayaan mo siyang malunod sa nararamdaman niya. Ga-graduate na tayo in one week, sana naman bago tayo magkahiwa-hiwalay ay makita ko kayong masaya ni Gino. You love him. Fight for him!', ang sabi ni Alicia sa akin.

0*0*0*0

Daig ko pa yata ang na-enlighten sa sinabi na iyon ni Alicia. Maganda ang point niya. Dapat ko lang na makausap na si Gino para harapin na itong problema namin.

'Kamusta exams?', ang tanong ko sa kanya nang nakahiga na kami para matulog.

'Okay naman.', ang sagot niya.

Yumakap ako sa kanya.

'Ga-graduate na tayo next week. Parang ang bilis no?', ang paglalambing ko sa kanya.

Tinanggal niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya.

'Mainit.', ang reklamo niya.

'G naman. Kelan mo ba ako kakausapin ng matino?', ang tanong ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot. Bumalikwas siya at ngayon ay nakatalikod na sa akin. Humiga ako ng diretso at tumingin sa ceiling. Pinakiramdaman ko ang paligid. Alam kong gising pa siya.

'Sumusuko ka na ba? Sa atin?', ang tanong ko sa kanya.

One Message Received (25-27)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 25


'Gino! Ano nangyari kay Ken?', ang humahangos na tanong ni Patrick nang makarating ito ng ospital.

'Wala pang sinasabi ang mga doctor. Hintayin na lang natin. Nandun ang mga magulang niya.', ang sabi ni Gino bago ituro ang kinauupuan ng mga magulang ni Ken.

Umupo ang dalawa sa sofa sa waiting area at tahimik na naghihintay. Maya-maya pa ay nakuha ng atensyon ni Gino ang pag-iyak ni Patrick.

'Pat.', ang pag-alo ni Gino.

'Gino. Paano kung hindi siya makaligtas? Siya lang ang higit na nakakaintindi sa akin ngayon. Sa mga nangyari sa akin, sa atin. Paano na ako, pag nagkataon?', ang pag-iyak ni Patrick.

'Shhhh. Kakayanin yan ni Ken. Para sa'yo.', ang sabi ni Gino.

0*0*0*0

Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang inilalabas nila si Papa mula sa kwarto niya patungo sa morgue.

'Ryan.', ang pagtawag sa akin ni Mama.

Tumakbo ako palabas ng kwarto dahil sa sobrang galit sa sarili. Hindi ko lubos maisip na ganon lang kabilis magbabago ang nararamdaman ko dahil sa pagkawala ni Papa. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Tinungo ko ang elevator pababa sa lobby.

Nagbukas na ang elevator at agad akong lumabas. Ang bilis ng aking paglakad ngunit bigla akong napatigil nang makita ko ang dalawang pamilyar na mukha sa may waiting area. Ang isa ay umiiyak habang ang isa pa ay inaalo ito. Muli naman akong napako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa dalawang tao sa aking harapan.

'Fuck my life!', ang sigaw ko sa aking isip.

Pinagpatuloy ko na ang mabilis na paglalakad palabas ng hospital. Naramdaman ko ang pagsakit ng aking mga paa kaya naman ay binagalan ko na ang aking lakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko, kelangan ko lang maglakad palayo.

0*0*0*0

Iniluwa ng elevator si Mama sa sumunod na pagbaba nito. Nagpasabi na lang siya sa nurse na babalik agad at susundan lang ako. Kinakabahan si Mama sa aking kalagayan ngayon. Nakita rin niya ang mga pamilyar na mukha sa lobby. Nagtataka man ay kinausap niya ang mga ito.

'Gino? Patrick?', ang pagtawag niya sa dalawa.

'Tita!', ang gulat na bigkas ng dalawa.

'Anong ginagawa niyo dito? Nakita niyo ba si Ryan?', ang nag-aalalang tanong ni Mama.

'Naaksidente po kasi yung isa naming kaibigan. Nandito po si Ryan?', ang nagtatakang tanong ni Gino.

'Oo. Kakamatay lang ng Papa niya. Nag-aalala ako at bigla siyang umalis. Baka kung anong gawin nun.', ang sabi ni Mama.

Bigla ang kaba na naramdaman ni Gino sa sinabi ni Mama. Si Patrick naman ay tahimik lang.

'Sige, Tita. Ako na po ang maghahanap kay Ryan. Dito na lang po kayo.', ang sabi ni Gino.

'Salamat, Gino.', ang sabi ni Mama.

Umalis na si Mama at inasikaso na ang mga papers ni Papa. Habang si Gino naman ay bumaling agad kay Patrick.

'Pat, hahanapin ko lang si Ryan.', ang sabi nito.

'Go ahead. I'll wait for Ken.', ang malungkot na sabi nito.

Agad nang tumakbo si Gino palabas ng hospital para hanapin ako.

0*0*0*0

Nagpalinga-linga si Gino nang nasa may main road na ito sa tapat ng hospital. Kakaunti na lang ang mga tao kaya't madali niya akong nakitang mabagal na naglalakad. Tinakbo niya ang direksyon kung nasaan ako.

'Ry.', ang hingal na hingal niyang pagtawag sa akin.

Nagulat naman ako sa boses na aking narinig. Agad akong tumingin sa kanya.

'I've heard what happened.', ang sabi nito sa akin.

'Uwi na tayo.', ang tangi kong sinabi.

Agad naman siyang pumara ng taxi at dinala ako sa bahay nila. Habang nasa sasakyan ay tinext ni Gino si Mama at si Patrick at sinabing magkasama na kami at sa bahay niya muna ako magse-stay.

Ramdam ko ang awa na nararamdaman ni Gino para sa akin lalo na nang akbayan ako nito at hinayaan akong magpahinga sa kanyang dibdib. Wala siyang pakialam kung makita kami ng driver sa ganoong ayos.

0*0*0*0

Sobrang pagod na ako. Wala na akong lakas para umiyak, para makipag-away, para magsalita. Inalalayan na ako ni Gino paakyat sa kanyang kwarto. Ayoko nang kumilos. Ayoko ng makaramdam. Si Gino na rin ang nagtanggal ng aking sapatos. Siya na rin ang nagbihis sa akin. Ipinasuot niya sa akin ang isa sa kanyang mga sando at hinayaan lang na ako ay naka-boxers. Humiga na kami at sinubukan kong matulog.

'Ry. I'm so sorry. For everything that has happened. I know I've been a child for acting up like that. Sinabayan pa ng pagkawala ng Papa mo. Sorry.', ang sabi ni Gino.

Ngunit parang wala na akong naririnig. Sobrang clouded na ang utak ko at pagod na ang katawan ko. Nakatulog yata agad ako pagkapikit ko.

0*0*0*0

Ang bigat ng pakiramdam pagkagising ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Pero madilim pa ang kapaligiran. Bumangon na ako at naghilamos. Kailangan kong samahan si Mama sa pag-aasikaso ng libing ni Papa dahil mag-isa lang ito.

'Ry. Ang aga pa. Magpahinga ka muna.', ang sabi ni Gino nang makita sa orasan na 5AM pa lang.

'Hindi na. Kailangan ko nang puntahan si Mama.', ang malamig kong sagot sa kanya.

'Sasamahan na kita.', ang sabi ni Gino pagbangon nito.

'Wag na. Magpahinga ka na lang.', ang pagtanggi ko.

Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang nakita ko kagabi nung magkasama sila ni Patrick. Wala namang kakaiba. Hindi ko lang talaga kayang nakikita silang magkasama. Bakit nga ba sila magkasama dun? Hindi ko pa din alam. Pero ayoko munang i-open up yun dahil may mas mahalaga pa akong kailangang pagtuunan ng pansin.

'Hindi, sasamahan kita. Ok?', ang pagpupumilit ni Gino.

Hindi na ako sumagot at nagbihis na. Sa bahay na lang ako maliligo. Habang si Gino naman ay nagpunta na sa CR at mabilis na naligo.

0*0*0*0

Nagising si Patrick sa paggalaw ng kamay na kanyang hinahawakan.

'Ken?', ang sabi niya.

'Patrick.', ang pabulong na sabi ni Ken.

Nakaligtas ito sa aksidente na kinasangkutan. Kailangan niyang ma-confine dahil sa mga butong nabali sa kanyang kanang hita.

'May masakit ba?', ang tanong ni Patrick.

'Wala naman. Si Gino?', ang tanong ni Ken.

'OK naman siya. Pinuntahan niya si Ryan.', ang sabi ni Patrick.

'Salamat sa pagpunta.', ang sabi ni Ken.

'Wala iyon. Umuwi lang sandali ang parents mo. Babalik din sila maya-maya.', ang sabi ni Patrick.

'Wag mo akong iiwan.', ang sabi ni Ken.

'Oo, dito lang ako.', ang sagot ni Patrick.

Hinawakan niyang muli ang kamay ni Ken hanggang sa makatulog ito muli. Pinagmamasdan lang niya ang payapang mukha nito.

'Magagawa ko bang sumaya sa iyo? Magagawa ba kitang pasayahin kahit na alam kong hindi ko pa talaga nalilimutan si Gino. Natatakot akong mawala ka sa akin.', ang pakikipag-usap ni Patrick kay Ken sa kanyang isip.

0*0*0*0

Dagsa ang mga tao sa unang gabi ng burol ni Papa. Naroon din ang aking mga kaibigan na sina Katie, Doris, Alicia at Mona. Hindi naman umalis si Gino sa aking tabi. May mga moments pang pasimple niyang hinahawakan ang aking kamay. Si Alicia naman ay medyo iwas kay Gino at sa akin sa takot na baka magkaaway na naman kami ni Gino.

'Ry, condolences ulit. Mauuna na kami ni Alicia ha. Balik na lang ulit kami.', ang paalam ni Mona.

'Sige. Ingat kayo ha. Hindi ko na kayo maihahatid.', ang sagot ko naman.

Pasimple na lang akong nginitian ni Alicia bago umalis kasama si Mona.

'Inaantok ka na ba? Gusto mo na magpahinga?', ang tanong sa akin ni Gino.

'Hindi. Ok lang ako. Ikaw, umuwi ka na.', ang sabi ko sa kanya.

'Maya-maya na.', ang sabi ni Gino.

Kasama namin noon sina Katie at Doris na mahinang nagkekwentuhan. Si Mama naman ay busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kamag-anak.

'Ry. Si Patrick nandyan.', ang sabi ni Doris nang makita ang kaibigan sa may entrance ng mortuary.

Napalingon naman kaming tatlo nina Gino at Katie. Palapit siya sa aming apat dala ang isang malungkot na mukha.

'Ryan. Condolences.', ang sabi niya sa akin.

'Thanks.', ang mahina kong sagot.

Ang awkward. Sobrang awkward lang. Ramdam mo ang tensyon sa aming tatlo nina Gino at Patrick. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang bastos ko naman kung iiwan ko sila.

'Pat, kamusta si Ken?', ang tanong ni Gino.

Napalingon naman ako kay Gino sa tinanong niya kay Patrick.

'Anong nangyari kay Ken?', ang tanong ko sa kanilang dalawa.

Malamang iyon din ang tanong nina Doris at Katie.

'Nasagasaan siya kagabi. Kaya kami nasa ospital din kami ni Patrick kagabi.', ang sagot ni Gino.

'O my God. Bakit?', ang gulat na sabi ni Doris.

'E bakit ka kasama?', ang tanong ko kay Gino.

'Kami ni Ken ang magkasama kagabi bago siya masagasaan.', ang sagot ni Gino.

'Okay na si Ken. Nagpapagaling na siya sa ospital. Pabalik na rin ako doon ngayon. Gusto ko lang makiramay dito.', ang sabi ni Patrick.

'Sige, dadalaw na lang ako bukas.', ang sabi ni Gino.

Tahimik na lang ako habang nandoon si Patrick. Napapaisip ako kung bakit magkasama sina Gino at Ken. At bakit ito nasagasaan? Parang ang putol ng kwento ni Gino sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpaalam na rin si Patrick na aalis na. Nagpasalamat naman ako sa pagdaan niya. Pag-alis niya ay umalis na rin ako sa kinauupuan at nilayuan si Gino.

'O bakit mo kami iniwan dun?', ang tanong sa akin ni Gino nang makalipat ako ng upuan sa harap.

'Gusto ko lang mapag-isa.', ang sagot ko.

'Ry. Galit ka ba sa akin?', ang tanong ni Gino.

'Pwede ba, Gino? Hindi mo ba nakikitang nagmo-mourn ako sa pagkawala ni Papa? Ayoko munang isipin kung bakit kayo magkasama ni Patrick sa hospital, kung bakit kayo magkasama ni Ken bago siya masagasaan.', ang mahina kong paglalabas sa kanya ng sama ng loob.

'Sorry na. Gusto ko lang naman pagaanin ang loob mo e.', sng sabi niya.

'Umuwi ka muna sa inyo. Magkita na lang tayo pagkalibing ni Papa. Hindi ko kaya na magsabay-sabay kayong lahat. Mababaliw na ako!', ang sabi ko bago lumabas ng room.

Mukhang naintindihan naman ni Gino ang pangangailangan ko. Sinundan niya pa rin ako sa labas pero hindi na niya ako pinilit na makipag-usap. Niyakap lang niya ako at hinalikan sa labi.

'Sorry. Hindi na muna kita guguluhin. Tawagan mo na lang ako kapag ready ka nang makipag-usap.', ang pagpapaalam nito.

0*0*0*0

Hindi muna dumiretso si Gino pauwi matapos makapagpaalam sa akin. Binisita nito si Ken sa ospital upang i-check ang kalagayan nito.

'Hi, Pat. Gising ba si Ken?', ang tanong ni Gino nang pagbuksan siya ni Pat ng pinto.

'Yeah. Akala ko bukas ka pa pupunta?', ang tanong ni Patrick.

'E naisip ko ngayon na lang.', ang sagot ni Gino.

'Si Ryan? Okay lang ba sa kanya?', ang tanong ni Patrick.

'Gising ba si Ken?', ang tanong ni Gino na parang hindi narinig ang huling mga sinabi ni Patrick.

Pinapasok na ni Patrick si Gino sa kwarto ni Ken. Naroon ang mga magulang niya at ang isang kapatid.

'Dude. Kamusta?', ang tanong ni Gino sa kanya.

'Okay naman ako. Eto, bali lang ang buto. Ikaw?', ang natatawang sabi ni Ken.

'Okay din. Sorry ha. Ako may kasalanan sa nangyari sa'yo.', ang sabi ni Gino.

'Shh. Baka marinig ka nina Mommy. Pero hindi ikaw ang may kasalanan. 'Yung driver ang sumagasa sa akin. Siya ang mananagot sa nangyari sa akin, hindi ikaw.', ang mahinang sabi ni Ken.

'E kahit na. Nagtatalo tayo kaya tayo umabot dun. Sorry kung naging makitid ang utak ko. Masyado lang talaga akong takot mawala si Ry sa akin. Akala ko kasi trip mo siya e.', ang seryosong sabi ni Gino.

'At least ngayon alam mo na. Nga pala, nabanggit mo na ba kay Patrick?', ang tanong ni Ken.

'Hindi. Hindi naman ako ang dapat na magsabi nun diba?', ang natatawang sabi ni Gino.

'Ayoko namang sabihin sa kanya na ganito ang lagay ko.', ang sabi ni Ken.

'Wag kang magmadali, Ken. May tamang panahon para diyan.', ang sabi ni Gino.

Lumapit si Patrick mula sa pagkakaupo.

'Sorry, kanina pa kasi kayo nagbubulungan diyan. Gusto niyo ba munang lumabas kami nina Tita?', ang sarkastikong sabi ni Patrick.

'Hindi. Okay na. Sorry.', ang sabi ni Ken sa kanya.

'Gino, pwede ba tayong mag-usap mamaya?', ang tanong ni Patrick sa harapan ni Ken.

Tumingin muna si Gino kay Ken bago sumagot.

'Okay.', ang sagot ni Gino.

0*0*0*0

'O, anak. Nagpaalam si Gino sa akin. Ayaw mo daw muna siya makita? Bakit? Nag-aaway na naman ba kayo? Ngayon mo kailangan ng kaibigan. Hindi mo yata dapat ginawa iyon.', ang sabi ni Mama sa akin.

'Masyado na pong kumplikado ang nagyayari ngayon. Saka na lang po kami mag-uusap ni Gino pagkalibing ni Papa.', ang malungkot kong sagot sa kanya.

'O siya, dito ka muna ha. Asikasuhin mo ang mga nakikiramay. Magpapahinga muna ako.', ang sabi ni Mama.

Tumango lang ako at tinungo na kinauupuan nina Doris at Katie at hiningi ang tulong nila sa pag-aasikaso.

0*0*0*0

'Gino, tell me what happened.', ang seryosong sabi ni Patrick habang sila ay nasa cafeteria.

'With Ken?', ang tanong ni Gino.

'Yeah. Why'd he end up like that?', ang tanong muli ni Patrick.

Ikinwento ni Gino ang nangyari simula nang makita niya si Ken na nakaupo sa may gutter sa may parking lot hanggang sa nag-iinuman na sila sa bar. Pero hindi sinabi ni Gino ang sinabi sa kanya ni Ken bago ito masagasaan.

'Ugh! Ako ang may kasalanan nito.', ang sabi ni Patrick.

'Bakit?', ang tanong ni Gino.

'Sinabihan ko siyang huwag na muna kaming magsama nung gabi ring 'yun. Kaya siguro siya nandoon sa may parking lot. Dapat kasi sasabay ako sa kanya. Pero umalis ako. Iniwan ko siya.', ang sabi ni Patrick.

Tahimik lang si Gino na nakikinig sa kanya.

'Gino, wala akong ibang pwedeng sisihin sa mga nangyari kung hindi ang sarili ko. Hindi pa rin kita malimutan kahit alam kong may Ryan ka na. Masakit pa rin sa akin. Kahit na gusto ko nang mag-move on, parang may pumipigil pa rin sa akin. Si Ken lang ang nandyan na tumutulong sa akin pero ayokong sanayin ang sarili ko na nandyan siya. Natatakot ako na baka maulit lang lahat ng nangyari. Natatakot ako na baka ma-fall ako sa kanya tapos siya hindi. Hindi ko na kayang pagdaanan ulit ang lahat ng iyon.', ang sabi ni Patrick.

'Pat. Kalimutan mo na ako. Si Ryan talaga ang mahal ko. Huwag kang matakot. Di ba nga dapat mas maging matapang ka? Di ba dapat mas alam mo na ang gagawin mo ngayon kasi napagdaanan mo na yan dati? E ano kung masakta ka? Ganyan talaga, nagmamahal ka e. Maybe Ken is the one for you. Believe me, you gotta try. Open your heart up to him. Malay mo, siya pala ang makakapagpasaya sa'yo. Kalimutan mo na ako.', ang sabi ni Gino sa kanya.

Para namang biglang naliwanagan si Patrick sa mga narinig niya.

'Salamat. Susubukan ko. Healing takes time.', ang nakangiting sabi ni Patrick.

'It does.', ang sagot ni Gino.

Part 26
Nailibing na si Papa tatlong araw makalipas ang unang kanyang kamatayan. Balik na ulit sa normal ang lahat kahit na alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay. Sabay kami ni Mama na kumakain ng hapunan.


'Nag-uusap na ba kayo ni Gino, anak?', ang tanong ni Mama.

'Hindi pa po.', ang mahina kong sagot.

'Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi ba bestfriends kayo?', ang sabi ni Mama.

'Ma, we're going through a rough patch. Ganon naman kapag magkaibigan diba?', ang sagot ko sa kanya.

'Mabait na tao si Gino. Alam kong safe ka 'pag siya ang kasama mo.', ang sabi ni Mama.

'Stop it, Ma. Para naman akong babae. I'm safe by myself.', ang sagot ko.

0*0*0*0

'I'll be discharged tomorrow.', ang masayang pagbabalita ni Ken kay Patrick.

'Wow! That's great. O magpahinga ka lang muna sa bahay ah.', ang paalala ni Patrick.

'Sure. Pupuntahan mo ako?', ang tanong ni Ken.

'If you want me to be there.', ang nakangiting sagot ni Patrick.

Napag-isip isip ni Patrick ang mga sinabi ni Gino sa kanya nung nag-usap sila. Tama siya. Wala nang reason para umasa pa siya na magiging sila ni Gino. Kailangan na niyang makalimot at maging masaya on his own. Magagawa lang niya ito kung bubuksan niyang muli ang puso niya sa isang taong tatanggap at mamahalin siya.

'Of course, pag di ka pumunta, hindi ako gagaling.', ang sabi ni Ken.

'Ganon ba yun? Ano bang tingin mo sa akin? Tablet? Syrup?', ang pagloloko ni Patrick.
'Hindi no! Syempre dapat aalagaan mo ako.', ang sabi ni Ken.

'Aba! "Dapat" talaga? Abuso na yan ah.', ang patuloy ni Patrick.

'Edi wag na nga.', ang pagtatampo ni Ken.

'Joke lang. Siyempre pupuntahan kita. Ipagluluto pa kita, kung gusto mo.', ang sabi ni Patrick.

Hinawakan niya ang kamay ni Ken at nilaro ito.

0*0*0*0

Umakyat na ako sa kwarto nang iniisip ang mga sinabi ni Mama. Kinakabahan ako kasi parang may laman ang mga sinabi niya kanina. Alam na kaya niya ang namamagitan sa amin ni Gino. Kasi yung pagkabanggit niya ng 'best friend' kanina e parang diniin niya talaga. Pati yung comment niya na safe ako pag nandyan si Gino. Kung ano-ano na ang naiisip ko.

Nanonood lang ako ng TV matapos kumain nang maisip ko ang mga sinabi ko kay Gino tatlong araw na ang nakakalipas.

'Magkita na lang tayo pagkalibing ni Papa.', ang sabi ko sa kanya.

Agad akong tumayo at nagpaalam kay Mama. Bumalik ako sa kwarto at nagtungo sa CR para maligo. In less than 30 minutes ay nasa sasakyan na ako papunta kina Gino.


'Hi, Tita! Si Gino po?', ang tanong ko sa mommy niya nang pagbuksan ako nito ng pinto.

'Ayun, nasa kwarto niya. Hindi pa iyan lumalabas simula kanina. Hindi na nga sumama sa libing ng Papa mo e. Kamusta ka na ba? Ang mommy mo?', ang malugod na pakikitungo sa akin ng ina.

'Hindi pa po siya kumakain? Okay naman po kami. Coping up na po. Kayo po? Balita ko po babalik daw po ulit kayo sa States.', ang sabi ko sa kanya.

'Oo. 2 weeks from now. Maiiwan na naman mag-isa si Gino dito. Akyat ka na lang sa kwarto niya.', ang sabi nito.

'Sige po. Gusto niyo po akyatan ko na din siya ng pagkain?', ang tanong ko sa mommy niya.

'Mabuti pa nga. Nako, napakaswerte ng anak ko at may kaibigan siyang katulad mo. Kung pwede lang na maging babae ka na lang.', ang sabi ng ina ni Gino.

Natigilan naman ako sa sinabing ito ng mommy niya.

'Hijo, wala akong ibang ibig sabihin dun. Natutuwa lang ako sa pag-aalaga mo sa anak ko.', ang sabi niya.
Nangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.

'Ganon din po kasi si Gino sa akin.', ang nasabi ko lang bago umakyat.

Tahimik akong umaakyat sa hagdan pero ang ingay ng isip ko.

'Bakit ba parang sabay pang nakakahalata ang mga ina namin? Hindi kaya nag-uusap ang dalawa at napapansin na rin ang kakaiba naming ikinikilos? Ang weird lang.', ang mga tanong ko sa aking isip.

Kinatok ko ang pintuan ni Gino. Isang sigaw ang isinagot niya.

'BAKIT????', ang sigaw niya.

Hindi ako nagsalita. Gusto ko magulat siya na ako ang makikita niya. Kumatok lang muli ako. Isang malutong na mura ang narinig ko.

'Do you swear like that sa mommy mo??', ang pagalit kong sabi nang buksan niya ang pinto.

Natulala naman siya nang makita niyang ako na nakatayo sa harap niya. Pero mas natulala ako nang makita kong tanging briefs lang ang suot niya.

'Ry!!', ang tangi niyang nasabi.

'Pwedeng magsuot ka naman ng disenteng damit?', ang sarkastiko kong sabi sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at inilapag ang dalang pagkain sa mesa.

'Bakit, di mo ba gusto ang nakikita mo?', ang tanong niya sa akin.

'Seriously?', ang inis-inisan kong turan sa kanya.

Agad naman siyang nagsuot ng shorts at sando. Nang disente na siya sa aking paningin ay agad ko siyang niyakap at binigyan ng isang masuyong halik sa labi.

'I miss you.', ang sabi ko sa kanya.

0*0*0*0

'Grabe, instant sleepover 'to ah.', ang sabi ni Doris kay Katie.

'Oo nga e. Badtrip kasing paper 'yan. Biglang bukas na yung deadline. Ang hirap tapusin. Buti pinayagan ako.', ang sagot ni Katie.

'Oo nga e. Hay. Nakaka-miss na 'yung iba. Hindi na tayo nakumpleto ulit. Ako, ikaw, sina Ryan, Gino at Patrick.', ang sabi ni Doris.

'Oo nga e. Ano ba kasing nangyari sa tatlong 'yun? Mukhang nagka-in love- an yata.', ang sabi ni Katie.

'Sa tingin mo?', ang tanong ni Doris.

'Ewan. Pero malakas ang kutob ko na 'oo'. Wala naming problema sa akin 'yun e. Nakakatampo lang na hindi nila sinasabi sa atin. Ano pa't naging kaibigan tayo diba?', ang sabi ni Katie.

Natahimik na lang si Doris at pinagpatuloy ang kailangang tapusing requirement.

0*0*0*0

'O, kumain ka na. Hindi ka pa daw lumalabas simula kanina sabi ni Tita.', ang sabi ko sa kanya.

'Pumunta ako sa libing ng Papa mo kanina. Hindi nga lang ako sumabay kay Mommy. Alam ko naming ayaw mo ako makita dun.', ang sabi nito bago magsimulang kumain.

Hindi naman ako nakasagot sa sinabing ito ni Gino.

'O bakit ang tahimik mo?', ang sabi niya habang ngumunguya.

'Wala. Tapusin mo na muna 'yang pagkain mo.', ang sabi ko sa kanya.

Humiga muna ako sa kama at pumikit. Hinayaan ko muna siyang makatapos sa pagkain. Nagmadali yata si Gino at ang bilis niyang nakatapos.

'Done!', ang sigaw nito.

Bumangon naman ako. Siya naman ay umupo sa tabi ko.

'Done? Ano ba yan, may catsup ka pa sa may baba.', ang sabi ko sa kanya.

Ako na ang nagtanggal ng catsup sa kanyang baba gamit ang aking panyo. Magkalapit na ang mga mukha namin at malalim ang titig sa akin ni Gino. Tiningnan ko rin siya at hindi ko na namalayan na nagsasalo na pala kami sa isang matamis na halik. Na-miss ko siya sa tatlong araw naming hindi pagkikita pero may mga bagay kaming dapat pag-usapan.

'Gino.', ang pagpigil ko sa kanya.

'Sorry. Na-miss lang kita.', ang sabi niya.

'I know. Ako rin naman. Pero may mga dapat pa tayong pag-usapan.', ang sabi ko sa kanya.

'Right.', ang sabi nito sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Humilig ako sa kanyang balikat.

'Ang sama-sama ko bang anak? Hindi ko man lang nasabi kay Papa na pinapatawad ko na siya bago siya mawala.', ang sabi ko sa kanya.

'Hindi. Naparamdam mo naman sa kanya na ama mo pa din siya. Hindi man iyon ganon katagal o hindi man niya iyon nakita habang nabubuhay pa siya, sigurado akong alam niya na napatawad mo na siya. Nakita kita kanina kung gaano ka nasasaktan makita ang Papa mo na nililibing', ang sabi ni Gino.

'Sobrang sakit. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ko hinayaan ang galit ko na kumontrol sa akin. Ngayon, wala na si Papa.', ang pag-iyak ko sa kanya.

'Shhhh.', ang pagpapatahan niya sa akin.

Ilang minuto rin akong umiiyak sa kanya. Inuubos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Papa para maka-move on na ako. Matapos kong maiiyak kay Gino ang lahat, medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero may mga tanong pa ring bumabagabag sa isip ko.

'G.', ang pagtawag ko sa kanya habang nilalaro ko ang kamay niya.

'Yes?', ang pagsagot niya.

'Bakit kayo magkasama ni Ken bago siya maaksidente?', ang tanong ko sa kanya.

'Niyaya ko kasi siyang uminom. Iyon 'yung gabi na nag-away tayo. Bad day 'yun sa aming dalawa. Kasi 'yun din 'yung araw na sinabihan siya ni Patrick na huwag na muna sila magkita.', ang sabi ni Gino.

'Sila ba?', ang tanong ko.

'No. Not yet, I guess.', ang mabilis niyang sagot.

'Nung gabing iyon, nasapak ko si Ken. Nagulat kasi ako at alam niya ang lahat ng nangyayari sa atin. Including yung kay Pat. Akala ko may gusto siya sa'yo.', ang kwento ni Gino.

'Kaya mo siya sinapak?', ang tanong ko.

Tumango naman si Gino bilang sagot sa tanong ko.

'Wow. Okay. E paano siya nasagasaan?', ang tanong ko.

'After ko siyang masaktan, naglakad ako palayo. Lasing ako nun. Nahihilo ako pero sobrang kumukulo ang dugo ko. Hinabol ako ni Ken. Inungusan niya ako. Hindi naman naming napansin na nasa gitna pala siya ng daan. Hindi ko naman siya nagawang iligtas kasi na-shock ako sa sinabi niya.', ang patuloy na kwento ni Gino.

'Bakit? Ano bang sabi niya?', ang tanong ko.

'Gusto daw niya si Pat. Matagal na. Simula nung umpisa pa lang na maging close kami.', ang sabi ni Gino.

'Ah. Kamusta na siya ngayon?', ang tanong ko.

'Okay naman na. Hindi ko lang alam kung kelan siya lalabas ng hospital.', ang sagot ni Gino.

'Alam mo bang nakita ko kayo ni Patrick nun sa hospital? Nakita ko kayo nung umiiyak si Patrick.', ang sabi ko.

'E bakit hindi mo ako nilapitan? Nakita nga kami ni Tita nun e. Kaya kita nasundan.', ang sabi ni Gino.

'Ayoko lang. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko nun.', ang sabi ko.

'Hindi ka nagselos?', ang tanong niya sa akin.

'Hindi. Kampante naman ako na ako ang mahal mo. Pero, honestly kahit ganon, hindi ko kayang makita kayo ni Patrick na magkasama.', ang sabi ko.

'Parang ang gulo nun ah.', ang puna ni Gino.

'Basta. Alam ko na mahal mo ako at hindi mo ako kayang saktan. But as much as possible, ayokong makikita ka malapit kay Patrick. It brings back memories. Bad memories.', ang sabi ko.

'Okay. Sabi mo sir e.', ang pagloko niya sa akin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ganon din siya sa akin.

'Akin ka lang ha?', ang bulong niya sa akin.

'Okay.', ang bulong ko rin sa kanyang tenga.

0*0*0*0

Kinabukasan ay maagang na-discharge si Ken sa hospital. Hindi na nagtungo doon si Patrick. Busy ito sa pagluluto ng ilang putahe para sa pagbabalik ni Ken sa kanilang bahay. Sa loob ng mga araw na nasa ospital si Ken ay nakapalagayan na niya ng loob ang pamilya nito. Alam nila ang orientation ni Ken kaya naman ay malugod nilang tinanggap si Patrick.

'Welcome home.', ang sabi ni Patrick dala ang isang chocolate cake.

Halos abot-tenga ang ngiti ni Ken nang makita si Patrick sa kanilang bahay. Lalo na nang malaman nitong siya ang nagluto ng lahat ng nakahanda.

'Wow! Ang sarap nitong spaghetti. Grabe, mapapasabak yata agad ako sa kain ah.', ang sabi ni Ken.

Ngiti lang ang tanging isinagot ni Patrick sa kanya.

Matapos makakain ay inihatid ni Patrick si Ken sa kwarto habang ang mga magulang niya ay bumalik na sa trabaho.

'O, kayo na muna ang bahala dito ha. Ang mga gamot mo, wag kalimutan. Patrick, paki-alagaan muna si Ken ha? Wala munang apo, okay?', ang sabi ng Mommy ni Ken.

'Mom!!!', ang sigaw ni Ken na halatang na-embarrass.

'Sige na. Bye!', ang paalam ng ina.

Nag-stay lang kami sa kwarto ni Ken at napagdesisyunang manood na lang ng movie sa DVD. Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang magsalita si Patrick.

'Ken.', ang pagtawag niya.

'Yep?', ang pagsagot ni Ken.

'Bakit ka nga pala nasa gitna ng kalsada nung naaksidente ka? Hindi kasi sinabi sa akin ni Gino.', ang tanong ni Patrick.

'Kasi kailangang malinawan si Gino. Akala niya kasi may gusto ako kay Ryan. Alam mo ba?', ang sabi ni Ken.

'Ano yun?', ang tanong ni Patrick.

'Na that was the first time I professed my love to you?', ang pagtatapos ni Ken sa sentence niya.

Speechless si Pat sa sinabi na ito ni Ken.

'Sayang nga lang. Hindi ikaw 'yung kaharap ko.', ang dagdag ni Ken.

Hindi pa rin makapagsalita si Patrick. Parang sa sobrang daming pumapasok sa utak niya ay wala na siyang maisip ng matino.

'Anything to say? Violent reactions?', ang nakangiting tanong ni Ken.

'Well. Pwede mo naming ulitin diba? But this time, wala nang masasagasaan. At ako na ang nasa harap mo.', ang sabi ni Patrick.