Monday, December 17, 2012

Afterall (Special Chapter)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

“Mahal, alis na ako.” Ang sabi nito sabay halik sa akin. “Bakit ang init mo? May sakit ka ba?” Dagdag wika pa nito bakas ang pagaalala.


“Hindi ko alam mahal, Nilalamig ako eh. Masama na talaga pakiramdam ko kagabi pa nung umuwi tayo galing sa bahay ng lola mo akala ko hangover lang nung birthday nang inaanak natin.”


“Teka, tawagan ko si Lor di ako papasok.”


Agad nga nitong tinawagan ang kanyang sekretarya.


“Lor, please cancel all my meetings today may sakit si Red.” Ang rinig kong pakikipagusap nito sa kanyang sekretarya habang may hinahanap na kung ano sa Cabinet. “Yes I know, thank you Lor.”

Afterall (Finale)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Natapos ang gabi na walang Dorwin na dumating. Hindi ako makatulog ng maayos sa pagiisip sa nalalapit naming pagkikita. Napapangiti ako tuwing maiisip ko ang balak namin sa kanya. Excited? oo, excited ako sa pagkikita namin ni Dorwin. Excited ako sa magiging reaksyon nito sa gagawin namin. Nakatulog ako na may ngiti sa labi.


Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad kong tinungo ang banyo para maligo balak kong magpagupit at bumili nang bagong damit para mamaya. Gusto kong makita nito ang kakisigan ko para mas lalong kapani-paniwala ang gagawin namin.


“Oh, san ang punta mo?” Bati sa akin ni mama nang makita ako nitong nakabihis.


Afterall (22)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Red

“Bakit mo kasi pinagtataguan yung tao?” Tanong ni Mina sa akin nang tuluyan nang makaalis si Dorwin.


Nasa likod lang ako nang bar. Napansin ko kanina ang sasakyan ni Dorwin kahit na doon nya pinark ito sa malayo. Matagal na rin kaming hindi nagkikita at ngayon ako naman itong hindi handang makipagusap sa kanya. Masyado akong nasaktan sa ginawa nya sa akin. Parang naapakan ang pagkalalake ko sa pambabaliwala nya sa mga ginawa ko.


“Ayaw ko lang syang makausap dahil baka matalo lang ako sa nararamdaman ko sa kanya.” Sinsero kong sabi.


Afterall (21)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kasalukuyan kong binabaybay ang daan patungo sa lugar kung saan kami unang pinagtagpo ni Red, ang lugar kung saan aksidenteng pinagtagpo ang aming mga puso, ang aming tadhana.



Red, asan ka na? Sabi nang isip ko habang hawak ko pa rin ang manibela.



Hindi naglipas sandali ay nasa tapat na ako nang bar nila. Ipi-nark ko ang kotse sa lugar na hindi madaling mapapansin o makikita nang kahit na sino sa mga kaibigan niya.



Inayos ko muna ang sarili bago tuluyang bumaba. Habang papalapit ay ibayong kaba ang nararamdaman ko. Sana andito ka Red. Sana makausap na kita.


Afterall (20)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Dorwin

Dalawang lingo na ang nakakaraan mula nang umalis si Red sa bahay. Dalawang lingo na rin akong tulala at hindi makapagisip ng matino. Puno nang pagsisisi ang aking nararamdaman sa mga nagawa ko kay Red.


Alam kong sobra kong nasaktan si Red sa pambabaliwala ko sa kanya sa nakalipas na dalawang buwan. Gulong gulo ang aking isip dahil pareho ko silang mahal ni Niel, pareho din nila akong kailangan. Napaka hirap mamili sa dalawang taong nagmamahal sayo. Si Niel na iniwan ang kanyang nobya para lang mapatunayan sa akin na ako pa rin ang mahal nya at si Red na inalay ang buo nyang pagmamahal at pagintindi sa akin.



Afterall (19)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Dumaan ang mga araw, lingo, at buwan nakilala nang mga kaibigan ko ang mga kaibigan ni Dorwi doon ni Angela na kilala si Vincent. Nung una umurong ang dila ni Angela nang hayagang magpakita nang interes sa kanya si Vincent hindi nito alam kung paano magrereact. Napagalaman nalang namin isang lingo matapos ang pagpunta nang mga kaibigan ni Dorwin sa bar na liniligawan na pala ni Vincent si Angela. Sinusundo ito sa bar para magdinner, binibigyan ng flowers at chocolate. Hindi na nagpakipot pa si Angela dahil siguro sa sobrang tagal na nitong naghihintay na may isang taong magpapakita nang interes sa kanya ay sinagot nya ito sa pangalawang lingo. “Grab the opportunity” yon ang sabi nya nung magreact si Mina sa mabilisan nyang pagsagot kay Vincent.


Dalawang lingo matapos ikasal si Kuya Dan, pinsan ni Dorwin ay nagpasya nang bumukod sina Rome at Ace. Pagkatapos nang problema kay Amber ay naging mas malalim pa ang relasyon nang dalawa. Nag trabaho si Rome sa bagong negosyo nang mga magulang ni Ace para makapagsimula silang mabuhay na hindi humihingi sa kani-kanilang mga magulang. Balita ko ay nung una ay nagalangan ang mga magulang nila sa desisyon nang dalawa, pero dahil sa disidido na talaga silang bumukod ay wala rin itong nagawa kung hindi ang suportahan ang mga anak nila.

Afterall (18)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Halata ang kaba sa mga mata ni Amber ng makita ang buong barkada na nakatayo sa harap namin. Para itong nawalan ng dugo literal na nagcrack ang lipstick nitong pulang pula siguro sa sobrang kaba.


“Kahit kailan talaga wala kang magawang maganda.” Ang wika ko sa kanya bago ako pumunta sa panig ng mga kabigan ko.


Kita ko na nagtitimpi si Rome na masapak o mapagbuhatan ng kamay si Amber. Nakakuyom ang mga kamao nito at dinig ko ang mga ngipin nitong nanggigigil.


“Hindi ka lang pala talaga maharot, mukhang pera ka pa!” Malakas na sabi ni Rome. Agad itong hinawakan ni Carlo at Chad sa magkabilang braso.


Afterall (17)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

“May…” Ang nagaalangan nitong sabi.


“Pare wag ka nang mag-attempt na magisunangaling sa amin. Nagsawa ka na ba sa relasyon niyo ni Ace?” Pagbutt-in ni Carlo.


“Hindi pare! Hindi ko pagsasawaan si Ace mahal ko yon!” Maagap nitong sabi.


“Eh, kung ganun anong dahilan mo at dumedistansya ka ngayon sa kanya? Di mo naman Gawain yan ah.” Sabat ko sa usapan.


Kita kong pinagpapawisan si Rome nang malamig halatang kinakabahan ito. Ako man ay nakaradam din ng kaba sa nakikita ko sa kanya. Halatang may bumabagabag dito, hindi ito simpleng tampuhan lang.

Afterall (16)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

“A-ace?” Ang di ko makapaniwalang sabi nang makita ko ang taong nakatayo ngayon sa harap ko.


“A-ano ginagawa mo dito?” Dagdag wika ko pa sa kanya.


Hindi ito sumagot sa akin sa halip ay hinawi ako nito para makadaan sya.


“We need to talk Red.” Ang sabi nito nang makaupo sa sofa.


Napakunot naman ang noo ko kung ano ang paguusapan namin. Akala ko kasi natapos na lahat kagabi ang mga bagay na dapat naming pagusapan.


Afterall (15)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kinabukasan nakaramdam ako nang uhaw kaya ako nagising. Nang mapatingin ako sa wall clock ay magaalas onse na pala. Ibinaling ko ang aking tingin sa taong ngayon ay mahimbing na natutulog katabi ko. Nakaunan ito sa aking kanang braso at nakayakap sa akin. Halos abutin kami nang sikat nang araw kanina sa aming ginawa. Napangiti ako nang magbalik sa aking alala ang mga nangyari.


Dahan-dahan kong inihiga ang ulo nito sa unan at tumayo na. Kailangan kong maghanda para sa aming tanghalian. Pinulot ko ang nagkalat naming saplot sa ibaba nang kama at tinungo ko ang banyo para maghilamos at makapag toothbrush na rin. Nang makapag bihis ay isinunod kong ligpitin ang mga bote nang RH at mga supot nang mani na binili namin at dinala na ito pababa.



Afterall (14)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Mabalis pa sa alas kwarto na tinungo ko ang sasakyan ni Rome. Agad ko itong pinasibad para hanapin kong nasaan si Dorwin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para tawagan sya. Nakailang ring din ito bago nya sagutin.


“He-hello?” Ang tila lasing nitong sagot sa akin.


“Great! Lasing kananaman asan ka ba?” Nagpapanic kong tanong sa kanya. Baka kasi matulad nanaman ito nung huling malasing ito na hindi na kaya pang tumayo at magmaneho.


“Nasha bar kami.” Ang lango nitong sagot sa akin. Wala akong makukuhang magandang impormasyon sa kanya kaya naman pinutol ko nalang ang tawag. Pero dinig ko ang tawanan at maingay na tugtog paniguradong nasa isang disco bar ito. Ang alam ko lang naman na sikat na disco bar sa lugar namin ay nasa may downtown area malapit sa isang Hotel. Agad kong binaybay ang daan papunta doon.

Afterall (13)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Maski  man ako ay nagulat rin sa taong nasa labas ngayon ng pinto. Napa taas ang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na wari mo sinusuri ang buo kong pagkatao.


“And who are you?” Sa wakas na sabi nito matapos akong suriin.


Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa ginawa nitong pagtitig sa akin na para bang isa akong criminal .


“Red.” Matipid kong sagot sa kanya dahil sa hiya.


“Red?” Muli nitong tinitigan ang mukha ko at sinuri. “Di ba ikaw yung isa sa kaibigan ni Ace?”


Afterall (12)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Napatingin kami nang mga kaibigan ko sa gawi nang babaeng papasok ngayon sa bar. Pamilyar ito sa akin at may apat itong kasama at masayang nagtatawanan nang mabaling ang tingin nang babae sa umpukan naming. Rumeshistro rito ang pagkabigla habang ako ay nakatingin lang sa kanila na di alam ang gagawing reaksyon.


“Oh my God! Are my eyes deceiving me? Red is that you?” Sabi nito nang makalapit sa mesang kinauupuan namin. Ganun pa rin sya maganda, seductive at sexy.


“Amber?” Ang tugon ko rito sa pagkabigla.


Agad itong yumakap sa akin at binigyan ako nang halik sa labi na ikinagulat nang lahat. Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito para akong bato sa aking kinauupuan.


Afterall (11)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Kita ko ang pagaalangan sa kanyang mga mata. Dinig ko rin ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa katahimikang namayani sa amin sa loob ng kwarto nya.


“Ano ang paguusapan natin? Maaga pa kasi ako bukas.” Ang tila pagiwas nya sa akin pero hindi ko hinayaang palampasin ang pagkakataon. Ngayon na ang tamang panahon para makusap ko sya tungkol sa mga bagay na gumugulo sa akin. Gusto ko na rin lagyan nang tuldok ang kung ano mang agam-agam tungkol kay Dorwin.


“I just want to know kung ano ba talaga ang entensyon mo nang ayain mo akong dito matulog sa bahay mo.” Seryoso kong tanong sa kanya.



Afterall (10)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Sobrang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Angela at Carlo dahil parang nabawasan ang bigat nang damdamin ko sa mga sinabi at pinakita nilang pagintindi sa akin. Ito lang naman kasi ang gusto ko ang may umintindi at magpakita sa akin nang pagaalala.


Nasa byahe na kami ni Dorwin pauwi nang bigla itong lumiko sa isang kalsada. Nagtaka ako kung saan kami pupunta kaya naman tinanong ko sya.


“San tayo pupunta?”


“Daan muna tayo sa Andoks bili lang ako nang pagkain mo.” Sabi nito sa akin na nakatuon parin ang atensyon sa kalsada.

Afterall (09)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Hindi na ako nag hapunan pa sa bahay ni Dorwin hindi rin ito nagtext sa akin kung nasaan sya. 6.30 nang umalis ako para pumunta sa bar. Panay ang text sa akin nang mga kaibigan ko tungkol sa drinking session na mangyayari mamaya.


Mga alas nuebe nang isa-isang dumating ang mga kabarkada ko. Naunang dumating si Carlo at Tonet sumunod naman sa kanila si Mina, Chad, at si Angela na talagang pinaghadaan ata ang gabing ito. Agad akong linapitan ni Carlo at ipinaalala sa akin na kailangan naming magusap mamaya. Tango naman ang isinagot ko rito.


Nagsimula kaming maginuman. Napagusapan namin ang tungkol kay Ace at Rome. Lahat sila ay masaya para sa dalawa habang ako ay pilit itinatago ang tunay kong nararamdaman. Alam kong napapansin ito nang bestfriend ko dahil panay ang tingin nito sa akin pero pinili nitong manahimik nalang muna at wag nang ungkatin pa sa harap nang barkada ang saloobin ko.


Afterall (08)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Habang nasa banyo muli kong naalala ang sinabi ni Dorwin nung magkaroon kami nang oras na makapag usap sa loob ng CR.


“You already know what I want. You can either do what makes me happy or choose to disappoint me.” Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin nya sa sinabi nyang iyon. Sisiguraduhin kong hindi lang ikaw ang sasaya sa laro mong to Dorwin. Wika ko sa aking isip.


Pinagiisipan ko ang mga gagawin kong hakbang para sa laro namin ni Dorwin hindi ako papayag na sakanya papabor ang sitwasyon. Nag isip ako nang mga gagawing hakbang para maging paborable sa akin ang sitwasyon. Napangisi ako sa aking mga naisip.


Afterall (07)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Alam kong sobrang aga pa para pumunta sa bar. Isang tao lang ang naisipan kong pwedi akong matulungan sa ngayon.
Nakasakay na ako sa jeep. Swerte naman na konte lang ang pasahero kaya malaya akong nakapag isip-isip. Kung buhay lang sana si papa hindi sana ganito ang buhay ko ngayon. Napapikit ako nang muling bumalik sa akin ang mga nangyari sa bahay, ang naging sagutan namin nang magaling na asawa ni mama at ang pinakamasakit sa lahat ang hayaan ni mama na palayasin ako nang kanyang asawa. Pumatak ang isang luha sa aking kaliwang mata na pinunasan ko naman agad para walang makapansin sa aking pighati.
Ilang minuto ang nakalipas at nasa tapat na ako nang bahay nang nagiisang taong naisip ko na makakatulong sa akin. Pinindot ko ang door bell nang dalawang beses na magkaksunod. Iniluwa nang pintuan ang isang babae at pinagbuksan ako nang gate.

Afterall (06)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Ibayong kaba ang nararamdaman ko habang binibigyan ko nang masamang tingin si Dorwin. Panigurado maghihinala ang mga kabarkada ko dahil sa pagsisinungaling ko at isa pang kinakatakot ko baka sabihin ni Dorwin sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila ako nakitulog.
“Yup! Sa bahay ko sya natulog.” Pambabaliwala nya sa binigay kong tingin sa kanya.
Para akong binuhusan nang napakalamig na tubig nang sabihin ni Dorwin ang totoo. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Napatingin sa gawi ko ang mga mata nang mga kabarkada ko. TInging nag tatanong ang ibinigay nila sa akin. Hindi ako maka react sa sobrang kaba.
“Nakitulog sya sa inyo? Ganun na agad kayo ka close?” Ito ang kinakatakutan ko ang pagiging mausisa ni Tonet.
“Nakita ko kasi sya kagabi na umi….”
Agad kong pinutol ang sasabihin nya.


Afterall (05)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Napakunot noo ako nang makita ang pangalan nang caller sa main screen. Nag aalangan man ay napag desisyunan kong sagutin nalang ito baka sabihin pa nya na ako ang talo sa ginagawa nyang pakikipag laro sa akin. Di ako mag papatalo sa laro mo gago ka. Ang nasabi ko sa aking isip habang nagpupuyos sag alit.
“Ano ang kailangan mo at paano ako nag karoon nang number sayo?” Agad kong bungad sa kanya.
“Relax lang. Ako nag lagay nang number ko dyan sa cp mo habang mahimbing ang tulog mo kanina.” Ramdam ko ang panunuya sa boses nito kaya naman uminit bigla ang tenga ko.
“Ano pa ba ang gusto mo sa akin? Nakuha mo na ang gusto mo ano pa kailangan mo?” Ang galit kong tanong sa kanya sa sobrang pagkapikon.


Afterall (04)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Nagising ako dahil sa nanunuyot ang lalamunan ko napatingin ako sa relo ko. Hala mag aalis tres na pala nang hapon. Ang nasabi ko sa aking sarili.
Sobrang sakit nang ulo ko isama mo pa ang bigat nang pakiramdam dahil siguro sa lakas nang tama nang nainum ko kagabi. Hindi pamilyar sa akin ang amoy nang kama na kinahihiyagaan ko iba ang amoy nito sa kama ko. May kaba man ay dahan dahan akong tumingin sa taong naka higa sa tabi ko. Laking gulat ko nang makita ang mukha ni Dorwin na mahimbing na natutulog. Shit what the hell happened? Ang nasabi ko nalang sabay hawak sa aking noo na parang pilit inaalala ang mga nang yari kaninang madaling araw.
Mas lalo pa akong nan lumo nang mapansin ko ang mga nag kalat kong saplot sa baba nang kama. Don ko lang na pansin na hubot hubad pala ako. Muli tiningnan ko ang tulog na si dorwin pareho kaming natatakpan nang makapal na kumot. Gumalaw ito sa pagkakahiga at nag palit nang posisyon dahilan naman para makita ko na wala rin pala itong suot na pang itaas. Umusbong ang matinding kaba sa akin. Halos tumalon na ang puso ko sa lakas nang pagkabog nito.

Afterall (03)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com


Habang pinag masmasdan ko ang papalayong sasakyan ni Rome. Unti-unti namang pumapatak ang mga luha ko. Mga luha nang panghihinayang at kasawian. Alam ko na nung oras na binuhat ko si Ace para isakay sa sasakyan ni Rome ay ang oras ng pagsuko ko sa nararamdaman ko sa kanya. Pero bakit ganito ka bigat ang nararamdaman ko hindi ba dapat masaya ako para sa kanya? Para akong unti unting pinapatay habang papalayo sa aking paningin ang pinaka unang taong pinahalagahan ko.
Nasa ganun akong posisyon nang biglang may tumapik sa aking likod. Napa lingon ako sa gawi nya. Kita ko ang pagkabigla nito nang makita ang mga luhang umaagos pa rin sa aking mga mata.
“Okey ka lang ba?” Ang tanong nito sa akin na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Tango lang ang naisagot ko sa kanya dahil natatakot akong mag salita sa pagkat alam kong sa oras na ibuka ko ang aking bibig ay kasabay nito ang paglabas nang lahat ng emosyon na aking pinipigilan.


Afterall (02)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Mga 6.30 palang nasa bar na kami para sa blessing. Sobrang busy na kami dahil marami nang tao sa loob. Mga kaibigan namin noon nung high school at mga ka pamilaya ng barkada ko na sinusuportahan sila. Ako, walang kapamilya na darating dahil ang mga magulang ko ay hindi mahilig sa mga ganito. Ang mama ko ay house wife lang na takot sa asawa nya kaya hindi makalabas ng bahay. Pagsinabi ng asawa nya na hindi pwedi hindi talaga pwedi. Bata palang ako nung namatay ang tunay kong ama dahil sa isang shootout. Makaraan ang dalawang taon nakapangasawa ulit ang mama ko nang isang business man na hindi ko makasundo. May dalawa silang anak.


“Red nasan naba si Ace?” Kita ko ang pagkainis ni Tonet.

“Malamang nag lalaro pa sa computer yon.”


Afterall (01)


By: Zildjian
zildjianstories.blogspot.com

Nagising ako sa lakas na tunog ng alarm clock ko. Sakit parin ng ulo ko kung hindi sana napasarap ang inuman namin kagabi ng barkada hindi ko sana nararamdaman to ngayon. Pilit akong tumayo para maligo kailangan kasi naming puntahan ngayon si Rome para mamaya. Iyon ang surpresa namin kay Ace. Kahit masakit para sa akin kailangan kong gawin dahil nangako ako kay Ace na hindi ako hahadlang sa relasyon nila.


Ramdam ko ang bigat ng aking damdamin. Sobra akong nagsisisi kung sana nasabi ko kay Ace ang tunay kong nararamdaman noon pa ako sana ngayon ang taong mahal nya. Pero huli na sa akin ang lahat ang magagawa ko nalang ay tulungan si Rome para tuluyang maging masaya ang taong mahal ko.
Pagkalabas ko ng banyo. Agad akong nakatangap ng tawag mula kay Tonet.