Tuesday, January 8, 2013

Breakeven: Book 02 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com



[06]
Hindi ako magkamayaw sa paghilot ng aking kaliwang kamay, masyado kasing naparahas ang paghila doon ni Ram kanina. Dinala ako nito sa conference room at, nakakunot ang noo nito at nakatitig lang sa aking mukha.

Breakeven: Book 02 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com



[01]
Sabay ng aming mga halinghing at iniipit na ungol ay ang pagbagsak ng aking mga luha. Unti unti kong ibinaba ang aking sarili sa kaniyang naghuhuminding kaselanan. Isang pigil na pagsigaw ang aking ginawad, masyado siyang malaki. Banayad niyang hinawakan ang aking mukha at pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata.

Breakeven: Book 01 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Ano bang binabalak nitong kumag na ito?”



Tanong ko sa sarili ko habang andun ako at naiwan sa lamesa naming dalawa, akala ko nung una may nasabi akong di maganda kaya bigla itong umalis, pero bigla naman itong sumulpot sa entablado at masayang nagbububulong sa miyembro ng banda, may tinawag pa itong isang tao at na may hawak na saxophone, lalong nangunot ang noo ko.

Breakeven: Book 01 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
Di parin ako makapaniwala na ang kumpanya ng magazine na aking pinagtatarbahuhan for three months already ay binibigyan ako ng isang malaking break.

Love at its Best: Book 4 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
“POLLLLLLLLL!!!!”



Naibagsak ko ang kurbyertos na aking ginagamit, dahil sa sigaw na iyon. Katatapos lang namin mag jogging ni Kiko. Nauna na siyang maligo. Napatakbo ako papuntang CR dahil sa sigaw ni Kiko na yun.

Love at its Best: Book 4 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
“I'm leaving my rest house in Tagaytay to my son, Paul Andrew Simmons, so that when he needs a breather he could have a place to do it.” Mahabang salaysay ng abogado ng aking ama. Sa kabilang parte ng kwarto ay kitang kita ko ang pagtutol ng aking madrasta.

Love at its Best: Book 3 (06-Finale & Bonus Chapter)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
“I can't believe this! Pinagdrive mo ako hanggang dito, para lang kumain ng MAMI sa bangketa!” sigaw ko kay Drei sa sobrang inis.

Love at its Best: Book 3 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
Naramdaman kong may mainit na kung ano ang dumampi sa mukha ko, inimulat ko ang aking mata at sinubukang sanayin ito sa liwanag ng buong kwarto. “umaga na pala.” bulong ko sa sarili ko. sinubukan kong alalahanin ang nangyari kinagabihan, uminom ako, nagpakasaya, nagtapon ng problema. Nasa ganito akong pagmumunimuni ng biglang may gumalaw sa tabi ko. Isang babae, mahaba ang buhok, may mala porselanang balat, balingkinitang katawan at may magandang mukha. Tumingin ako sa paligid, nagkalat ang aming mga damit nung nakaraang gabi sa kabuuan ng kwarto. “naka jackpot nanaman pala ako.” bulong ko sa sarili ko.

Love at its Best: Book 2 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Sabi ko na nga ba, mali ang naging desisyon ko na iwan si Lorenso sa puder mo eh!” sigaw ng isang babae.


Nakahiga ako sa isang malambot na kama, may makirot sa kaliwang kamay ko at pangmamanhid sa halos buong katawan ko, unti unti kong dinilat ang mata ko, nasisilaw ako. Masakit ang ulo ko. May makirot sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Nang masanay ang mata ko sa liwanag nakita ko ang aking nanay, katabi nito ay ang aking kuya, sa kabilang bahagi ng kwarto ay si Dad.

Love at its Best: Book 2 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
“Simon Apacible shoots and scores!” nakakairitang sabi ng commentator. “kailangan bang sumigaw ng nakamicrophone?” isip isip ko. Dumadagundong ang buong gymanasium. Nagtitilian ang mga babae at bading at ang mga lalaki naman pumipito at pumpalakpak. Ang iba winawagayway ang mga posters na gawa nila “we just want SAM of that!” sabi nung isang poster “you are the SAM of all things!” sabi nung isang poster. I was never a fan ng sport na to, natalo lang kasi ako sa pustahan, kaya napilitan akong manood. I just don't see the point on wasting precious time watching such non sense and wasting more time in making posters, I'd rather read a 200 page book from cover to cover than watch a game like this.

Love at its Best: Book 1 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
“Shit!”

sakit ng ulo ko paggising nung umagang yun, halos di ko maibukas ang mata ko sa sobrang sakit nito, feeling ko namamaga. “Sino ba naman kasing may sabing umiyak ka magdamag?” sabi nanaman ng utak ko. At naalala ko nanaman ang pinagkakaganito ko, si Ed, at naalala ko nanaman ang nangyari. Pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

Nakita ko namang nagva-vibrate yung telepono ko at umiilaw nakalimutan ko pa lang alisin yun sa silent mode. Si Cha tumatawag.

Love at its Best: Book 1 (01-05)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
“Cha, I really really have to pee! Stop the car naman for a while kasi!” sabi ko sa bestfriend ko na si Ms. Charity Sandoval... my fag hag (though lagi niyang pinapaalala na hindi ko siya faghag) she always say that she's too smart to be my fag hag... sa totoo naman matalino si Cha, mabait, may pagkalukaret nga lang minsan saka model material yan... may sapak nga lang ang ugali kung minsan... at higit sa lahat mayaman... maraming lupa sa probinsya... may mga business sa Manila... filthy rich kung baga.. At ako? Ako si Miguel, Migs ang tawag nila sakin... isa akong bisexual, discreet... average looking, nasa middle class mabait kung sa mabait at mabait parin sa mga di gaanong mabait... nagkakilala kami niyan ni Cha nung college...

Fresh Start (6-Finale)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[06]
Alam na alam ko kung kaninong kotse yun, alam ko talaga fucking XRH 136, alam ko na sa kanya yun, after 4 months? After 4 months ngayon ko lang ulit sya makikita, and bakit andito sya, ano pakay nya sa Subic? Ang layo ng pinaggalingan nya ah, o baka naman nandito sya para mamili lang ng something, tapos punta sya samin (asa!) basta! Nagulat ako nandun nalang sya. I was waiting na lumabas yung tao na nasa loob ng kotse at laking gulat ko ng nakita ko ang lumabas sa kotse nay un. What? Alam ko kotse ni Arvin yun ah, bakit iba yung lumabas, pagkalayo ng lalaki na papunta sa Lighthouse hotel, agad akong nagpaalam kay Ivan na titignan ko lang yun kotse, and paglapit ko, tumpak! Kay Arvin nga, pero bakit iba yung may gamit? Eh only child si Arvin, parents nya nasa ibang bansa? Hala, sino yung lalaking yun, hindi ko sya nakita ng malapitan kasi medyo malayo and naka shades (imagine gabi naka shades diba? Pero pamilyar, yun lang) hala, pero hindi si Arvin, yun, kahit magiba ng buhok si Arvin, mag salamin, mag makapal na prostetics, kilala ko yung ex-lover ko na yun, kahit kuko o dulo lang ng buhok ipakita mo, kilala ko si Arvin. Basta, basta alam ko na kotse ni Arvin yun

Fresh Start (01-05)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[01]
“God takes something away from you for a reason, for different reasons that is, but assure that when something has been taken away from you, it may not always be replaced with better trades, but sometimes it goes away to teach you that you are more than what you think you already are”

Super Luna (Finale)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


Nagising si Kalion matapos ang pagkawala ng mga sumpa ng mga Grospe

“Anak, nawala na ang mga sumpa sa mga Grospe, nasagot na ang katanungan mo” sabi ni Mama

“Sino sya?” tanong ni Kalion

“Siya si Joseph, kapatid mo!” sabi ni Mama

“Matagal ko nang nasagot ang katanungan na iyon Ina! Matagal na, sino ang nakatanggal ng sumpa ina? Sino?” tarantang tanong ni Kalion

“Si Joseph anak” sagot ng ina ko

Biglang napatingin si Kalion sa akin at parang nagiba ang tingin

“Lumayo ka samin! Lumayo ka!” sigaw saakin ni Kalion

“Anak, bakit mo siya ginaganyan, kapatid mo sya” sigaw ni mama sakanya

“Basta Ina, palayuin mo yan dito” sigaw ni Kalion

Nang hindi ako gumagalaw ay agad akong hinatak ni Kalion at kinaladkad palabas ng komunidad ng mga Kaspyan at kasunod naming ang mga Kaspyan na nagtataka sa mga nangyayari

“Anak, Kalion, tama na! Anak!” sigaw ni Mama habang nagmamakaawa sa kapatid kong bitawan ako

“Hindi mo naiintindihan Ina!” sagot ni Kalion “ganyang ganyang ang nangyari dati, ganyang ganyan, nasagot ko lahat ng mga katanungan ko, kung papaano ililigtas ang mga Grospe sa sumpa, kasi si Kat, si Kat ina! Ginawa nilang Grospe, kaya nalaman ko na mga normal silang tao na minalas na madapuan ng sumpa, kaya’t gumawa ako ng paraan para maisalba sila”

“Ano ba tong sinasabi mo ha? Hindi ko maintindihan” sabi ng ina habang nakatulala lang ako sakanilang dalawa at magisa sa gitna ng daan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kapatid ko

“Si Grospidio! Ang tanging Grospe lang talaga, o ang nagbuo sa mga Grospe, ang nagbigay ng sumpa sa mga tao, ay naglagay lamang ng isang paraan para mawala ang sumpa, iyon ay ang tunay na pagibig sa isang Grospe at isang Kaspyan, at alam nya na hindi mangyayari yun kasi magkagalit ang parehong panig sa isa’t isa kaya hindi nya naisip na mangyayari ang bagay na iyon. At iyun ang ginawa ko, patuloy ko lang minahal si Kat kahit naging Grospe sya, sinamahan ko sya hanggang sa mawala ang sumpa sakanya” sabi ni Kalion

“Oh! Eh ano, bakit mo ginaganito ang kapatid mo” sigaw ng ina

“Kasi kaakibat ng pagkawala ng sumpa sa lahat ng mga Grospe ay ang sumpa sa Kaspyan na nagtanggal ng sumpa sa lahat ng kaalyado nya. Ina! Kahit anong oras mababalot ng sumpa si Joseph! Kahit anong oras kukunin na siya ni Grospidio, iyun ang kapalit ng pagsalba sa mga tao!” maiyak iyak na sabi ni Kalion

Kumulog ng malakas at nabalot ng itim na ulap ang kalangitan

At tanggap ko na ang mangyayaring kasunod. Basta ang mahalaga, ligtas na si Eros sa ngayon

Ang panalangin ko nalang bago mangyari ang dapat mangyari, ay sana maging mapayapa din ang lahat sa huli

Nakaisip ako ng paraan kahit sa mga huling sandali

“Kalion” sigaw ko sa aking kapatid “Ilabas mo ang kahit sinong elemento na nasasaiyo” sabi ko

“bakit” tanong ni Kalion

“basta!” sigaw ko habang lalo pang lumalakas ang hangin at nakikita ko na ang pababang dilim mula sa kaitaasan

“Sige” sagot nya… tinawag ni Kalion si Heat, ang apoy na phoenix

“patayin mo ko” sigaw ko kay Kalion

“Hindi” sabi ni Kalion

“Patayin mo ako! Iyun lang ang paraan” sagot ko

“Anak… wag” sigaw ni Ina saakin “Wag”

“Sige na Kalion, para ito sa ikabubuti ng lahat” mas malakas kong sigaw sa kanya “Sige na bilisan mo andyan na sya” dagdag ko pa

“Kahit ayoko, para sa lahat to!” sagot ni Kalion “Heat! Blaze of Eternity! Paliyabin mo ang buong katawan nya”

Agad na bumulusok saakin ang apoy na nanggaling kay Heat at habang nasusunog ako ay nakangiti parin ako. Tinignan ko ang kapatid ko at si Mama at Papa ko sa huling pagkakataon, at hiniling ko nalang ang kaligtasan para kay Eros, na gustong gusto ko Makita pero hindi na pwede. Nasunog nga ang buong katawan ko ngunit hindi kalian man masusunog ang puso ko. Ang puso ko na handing magtanggol…. Hanggang sa huli…. kahit kapalit pa nito ay ang sariling buhay ko…

“Joseph” namulat ang mga mata ko sa narinig ko, pagtingin ko sa paligid ay hindi ko alam kung nasaan na ako “Nasaan ako” tanong ko sa lalaking nakatalikod na hindi kalayuan saakin

“Maligayang pagdating Joseph, ako si Grospidio, at ikaw ang tutupad sa mga adhikain ko”

(END)

Super Luna (Prologue-05)

By: K.G. Fadriquella
Facebook: gabifad@yahoo.com
Blog: gabrielfads.blogspot.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[Prologue]
Isang malaking itim na bola ang lumabas sa mga kamay niya, wala akong nagawa kung hindi titigan lang ang malaking bilog na itim na hawag ni Dark G. at alam ko na kahit anong oras ay bibitawan na nya at ibabato patungo saakin. Agad kong tinawag ang kaibigan kong si Galdium

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ako, sumipol ang malakas na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas, sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.“Galdium” sigaw ko sakanya, agad syang lumapit patungo saakin at agad akong sumakay sakanya nung nakalapit na sya, umangat ako sa himpapawid para narin mapantayan ko kung gaano kataas si Dark G., “Galdium, ilayo mo ang bolang itim, gamitin mo ang kaibigan mong hangin” sigaw koAgad na ibinuka ni Galdium ang mga pakpak nya at ipinagaspas ito, sobrang lakas ng hangin ang naibigay ni Galdium patungo kay Dark G. ngunit parang hindi ito sapat para mailayo ang bolang itim at tanggalin sa mga kamay ni dark G.Binitawan ni Dark G. ang itim na bola at patungo ito saakin, agad kong inutusan si Galdium na lakasan pa ang pagaspas para matangay ang malaking bola papalayo, ngunit parang wala itong magawa, wala akong maisip na ibang paraan para maitaboy ito, ang nagawa ko lamang ay patigilin si Galdium at lumpipad kami papalayo para maiwasan ang pagtama ng bola sa akin. Mabilis na lumipad ang bola papalapit saamin kaya’t inutusan ko nalang si Galdium na lumipad papatas“Galdium, tumaas tayo, iwasan mo ang itim na bola” utos ko sakanyaMabilis na lumipad si Galdium papataas para maiwasan naming ang paparating na panganib, sobrang bilis nya pataas, mahigpit akong humawak sakanya, mabilis din naming lumapit saamin ang bolang itim, sabay ng pagtaas ni Galdium ay paglapit din sa amin nito.Sige taas pa, kaunti nalang, sige pa Galdium, iyun lang ang naiisip ko, hanggang halos makadikit na saamin ang malaking bola, napatigil si Galdium sa paglipad, natamaan sya sa may ilalim na bahagi nya, ang lakas ng pagkakatama sakanya kaya’t pati ako ay napabitaw sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya, nahuhulog ako mula sa ere, mabilis na mabilis, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang sarili ko, sa sobrang lakas ng hangin na kinakalaban ko ay natanggal ang natatanging pangtago ko sa iniingatan kong pagkatao, sa iniingatan kong pangalan, natanggal sa pagkakasuot ng aking maskara. Pero hindi ko na naisip iyun, tinawag ko si Galdium para tulungan ako sa pagkakahulog ko mula sa kaitaasan.“Galdium!!!!” sigaw ko. Papalapit na ako sa lupa, ng biglang may sumalo sa akin at tinangay ako sa kanyang likuran, si Galdium sugatan, at kahit sa huling pagkakataon, ay isinagip nya pa rin ang buhay ko, sumadsad kami sa lupa at kitang kita ko na hirap na hirap na si GaldiumTumawa ng malakas si Dark G. na halos rinig sa buong syudad, mabilis syang lumipad patungo sa kung saan nakahandusay ako at si Galdium at parang may itim nanaman na bola syang binubo samay mga kamay nya, papalapit saamin habang humahalakhak ng malakas, hindi ko alam kung anon a ang gagawin ko, tumayo ako at nagisip ng maari kong gawin pagkalapit nya, nagulat nalang ako na ng malapit na sya ay bigla syang napahinto at parang nakakita ng multo nung Makita nya kami ni Galdium ng malapit, unti unting lumiit ang binuo nyang itim na bola sa kamay nya at parang bigla syang nanghina, inisip ko kung ano ang ginawa ni Galdium, o kapangyarihan ko din ba yun? Hindi ko alam, basta nagulat ako na parang nanghina sya at bigla syang tumalikod at mabilis na lumipad papalayo.“Hindi pwedeng takasan nya lang tayo ng ganito” sambit ko, tinignan ko kung kaya pa ni Galdium lumipad para masundan ko si Dark G.“Galdium, kaibigan kaya pa ba?” tanong ko“Opo, Master, para sainyo po” sagot ng tusong kaibigan kong agila, agad akong sumakay sa likod nya at parang sing bilis ng ilaw lumpiad si Galdium patungo sa tinahak na daan ni Dark G. na parang wala syang sugat. Mabilis, nakita ko na malapit na sa amin si Dark G. kaya’t inutusan kong ipagaspas ang mga pakpak ni Galdium para matangay ng hangin pababa si Dark G. Sobarng lakas ng hangin na nanggaing sa mga pagaspas ng pakpak ni Galdium, tumama ang malakas na hangin sa kalaban kaya’t patuloy ito sa pagkawala sa balanse nya at hindi nalabanan ng hangin, hanggang tuluyan na siyang bumagsak sa lupa“Galdium, sundan mo ang binagsakan niya” utos kong muli kay GaldiumPagkadating ko ay nakahandusay sa damuhan si Dark G. walang pakialam habang papalapit ako sakanya kasama si Galdium.“Eto, eto ang tanggapin mo, hayop ka!” sa sobrang galit ko, may mga apoy na lumabas sa mga kamay ko at ihahagis ko na ito patungo sakanya ng bigla syang nagsalita“Sandali lang… Wag” sabi nya saakinHindi ko alam kung bakit natigilan din ako sa gagawin ko sana, bigla nalang na sinunod ko ang sinabi ng kalaban, napahinto ako sandali at napatitig lang sa nakahiga sa damuhang si Dark G.“Wag, Joseph, wag!”Nagulat lalo ako na alam nya pala ang pangalan ko. Bakit? Sino ka? At paano mo nalaman ang pangalan ko. Kung sino ka man, magpakita ka, iyun lang ang naiisip ko nung mga panahon na iyun…Ako si Joseph, ang itinakdang magtanggol sa lahi ng mga Kaspyan, ako ang huling tagapagligtas, ang nagmamayari ng sagradong bato ng Luna, ang nakatakda kong gawin, protektahan ang mga kapwa ko Kaspyan at ang mga normal na tao laban sa mga nagtatangkang sumakop sa mundo na mga Grospe.

Itutuloy...


[01]
“Helios, wag mo iwanan si Lucas dyan, HELIOS” sigaw ni Sophia nung iniwan ni Helios ang sanggol na si Lucas sa harap ng isang malaking bahay na nadaanan nila sa pagtakbo ni Sophia

“Mas ligtas sya dyan Sophia, papaano pag nahabol tayo ng mga Grospe?” sagot ni Helios

“Wala syang kalaban laban Helios” sagot ni Sophia

“Iniwan ko sakanya ang sagradong bato ng Luna, hindi sya malalapitan ng mga Grospe” sagot ni Helios

-------------------------------------------------------------------------------------

“Aba! Bakit may bata dito, Honey! May bata dito sa labas ng bahay natin” sabi ni Elison, ang asawa ni Asya na may ari ng bahay

“Baka eto na yung hiniling natin sa diyos Elison” sagot ni Asya

Limang taon na magasawa sina Elison at Asya ngunit kahit isang anak ay hindi sila makagawa. Naisip nila na marahil eto na ang sagot ng Diyos sa lahat ng mga hiling nila…. Ang Kaspyan na magiging huling tagapagligtas ng mga tao at Kaspyan laban sa mga Grospe

“Salamat panginoon” sigaw ni Elison sa kalangitan habang hawak hawak ang iniwang batang si Lucas “Simula sa araw na ito ikaw na si Joseph, si Joseph, ang matagal na naming hinihintay na anak” sabi ni Elison habang nakatitig sa sanggol na hawak nito

At dito nagbago ang buhay ni Lucas, o ngayon ay mas kilalala nang si Joseph


Alalang alala ko ng unang beses kong nalaman na iba ako sakanila…. Hindi ako katulad ng mga kalaro ko sa eskwelahan. Hindi ako tulad nilang mabilis masaktan… hindi ako tulad nilang…


NORMAL


“Anak naman! Gumising kana!” sigaw ng aking ina saakin “Malelate ka na sa school oh! First day mo!” dagdag pa ni Mama

“Opo gigising na po” masunuring sagot ko

Unang araw ng pagiging ganap kong estudyante sa Elementarya, galing ako sa ibang eskwelahan, hindi ko kilala lahat ng mga mukang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit pag pasok ko ng silid aralan ay pinag tatawanan nila ako, hindi ko alam kung bakit walang ni isang pumansin sakin kundi ang isang bata rin na pinagtatawan nila, si Eros, walang mali sa itsura ko, wala din naman akong nakikitang mali sa itsura ni Eros, bakit nila kami pinagtatawan

Nagsimula na ang unang klase namin ng habang masipag akong nagsusulat ng lahat ng mga ipanasulat ng aming guro, ay hindi parin ako tinitigilan ng mga bagong kaklase ko, binabato ng mga papel na binilog, pero pinalaki ako ng maayos nila Mama at Papa, at sinabi nila sakin na huwag ako papatol sa mga salbahe, kasi magiging salbahe din ako kapag pumatol ako.

Pinipigilan ko lang ang sarili ko sa kung ano ang maaring magawa ko sakanila, ayoko manakit ng iba at hindi din naman ako sumbungero, basta tinitiis ko lang lahat ng ginagawa nila, inisip ko nalang na mapapagod din ang mga iyan. Ngunit pagkatapos nila ako inisin ay isinusunod nila si Eros, mahina ang pampigil ko kapag may nakikita akong ibang taong inaagrabyado kahit wala naming ginagawa ang taong iyun. Bago pa ako sumabog ay tumigil na sila sa pangiinis kay Eros, Buti naman, sabi ko nuon, kung hindi ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

Sabi ko nalang sa sarili ko, Makita ko ulit na nananakit sila ng iba MAKIKITA NILA YUNG HINAHANAP NILA!

Natapos ang klase at papalabas na ako ng iskwelanhang unang araw palang ay isinumpa ko na. Nakita kong pinagkakatuwaan nila ang isang bata na nung papalapit ako ay si Eros, naalala kong muli ang sabi ng mga magulang ko, tumulong ako sa mga taong naagwabyado, kasi walang taong pinanganak para pagkatuwaan at gawing laruan lang, kundi ipinangak sila na may sari sariling misyon sa mundong ito.

“Tigilan nyo nga siya!” sigaw ko sa aking mga salbaheng kaklase

“Sino ka ba ha? Eh kakalipat mo palang dito ang yabang mo na!” sagot ng isang kaklase ko

“Hindi tama yang ginagawa nyo” sagot ko sakanila

Mabilis na tumakbo papalapit sakin ang lalaking nakasagutan ko at mukang inaambahan ako, wala akong ginawa kundi isangga ang mga kamay ko, at laking gulat ko na kusa kong inihagip sakanya ito at hindi normal ang kinalagyan nya pagkatapos, siguro kung susukatin mo ay mga tatlong dipa sya tumalsik sa pagkakahagip ko sakanya. At naisip ko sa sarili ko

WALANG BATANG PITONG TAONG GULANG ANG MAKAKAGAWA NA PATALSIKIN ANG ISA PA NA MAS MALAKI PA SAKANYA NG ISANG GANUN LANG.

Wala akong magawa ngunit simula nung araw na iyun ay isipin kung bakit ganuon na lamang ang nangyari. Agad nagtakbuhan ang mga kasama ng lalaki at naiwang nakahandusay sa lapag si Eros at nakaupo, hindi matulungan ang sarili

Agad ko syang hinatak at nagpasalamat sakin at siniguro ko sakanya na walang ibang mananakit sakanya

“Simula ngayon, kaibigan na tayo, at kung sinong mangaaway sayo, lagot sila sakin!” sabi ko sakanya habang nakaakbay ang isang kamay ko sa mga balikat nya.

“Salamat Joseph ah! Tinulungan mo ako sa kanila, Thank you! Tsaka, simula ngayon, ikaw na bestfriend ko” sagot ni Eros saakin

Simula nung araw na iyun naging bestfriend ko si Eros, kapag pumapasok kami sa loob ng silid aralan, walang kumikibo, lahat nakatahimik, hindi ko nga alam, nawala ng parang bula ang nahagip kong umaaway kay Eros, hindi na siyang muli nagpakita sa eskwelahan namin.

Hindi padin ako makapaniwala nung mga oras na iyun kung anong lakas ang lumabas sakin nung tumilapon ang salbahe kong kaklase sa isang hagipan ko laman, na kung iisipin mo rin ay hindi hamak na mas malaki saakin, kahit na pareho lang kaming pitong taong gulang, mas malaki sya at mas mabigat, kaya’t nung araw nay un, alam ko na hindi normal ang nangyari.

Saan ako dadalin ng mga bagong natuklasan ko sa sarili ko. Simula nung araw na iyun, tumatak na sa isipan ko na hindi nga ako isang normal na tao!


Itutuloy...


[02]
Paano ko din ba makakalimutan ang mga oras na nadiskubre ko na hindi lang basta kakaibang lakas ang taglay ko, kung hindi mayroon pa, ang apat na pinakamahahalagang elemento sa mundo, hindi ko alam kung bakit at papaano iyun nangyari, Limang taon makalipas ang pagkadiskubre ko sa kakaibang lakas ko. Ika anim na baiting ako sa elementarya nuong mag karoon kami ng camping trip sa school naming, ika-12 kaarawan ko nuon at Isa isang naglabasan ang iba’t ibang kakayahan ko

Ang elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa

“Anak, Nagready ka na ba para sa camping nyo?” tanong ni Mama sakin habang tahimik lang akong nakaupo sa kama ko

“Opo” sagot ko sakanya

“Mag-iigat ka duon anak ha? Wag ka lalayo kay teacher mo ah anak?” paalala ni Mama sakin

“Opo, di ko po kayo hahayaang magalala Mama!” pa-sweet kong sagot sa Mama ko

“Happy Birthday Anak, mahal na mahal ka ni Mama” sabi sakin ni Mama habang may mga luha na lumalabas sa mga mata nya

Bahagaya din ako naluha at niyakap ko nalang sya, at ibinulong ko sakanya “Thank you po Mama, I Love you too po”

Umalis ako sa bahay, sumakay sa bus kasama ang mga kaklase ko na simula Grade 1 ay hindi ko padin makalimutan ang ginawa katabi ko sa bus si Eros, at pagdating naming sa campsite ay agad nagkaroon ng contest kung sino ang unang makakapagpaapoy ng mga kahoy ng hindi ginagamitan ng posporo o kahit anong pang paapoy

Sumali ako dahil atrebido akong tao, gusto ko I-try lahat ng bagay at gusto kong may mapatunayan. Hindi ko alam na habang pagd na pagod ako magkiskis ng dalawang kahoy para makabuo ng init at mapaapoy ang mga kahoy, ay biglang naginit ang buong katawan ko, nagulat ako na unti unting lumabas ang mga malilit na apoy sa mga palad ko at biglang nagliyab ang mga kahoy sa harapan ko, alam kong hindi nila nakita ang mga apoy na syang naglabasan sa kamay ko. At laking gulat ko na pagkatapos ako purihin ng aking mga guro sa pagkapanalo ko ay agad akong naghanap ng tubig para mainom ay biglang may isang parang lobo na umaapoy ang nakita ko at lalo akong nagulat ng bigla syang nagsalita


“Master! Ilahad nyo po ang inyong mga kamay” sabi ng umaapoy na lobo sa harapan ko. Agad kung inilahad ang mga kamay ko at umagat ng bigla ang lobo at pumasok ito sa mga palad ko. Isang pulang marka ang naiwan sa mga palad ko at naiwan ang gulo sa pagiisip ko, hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari nuon.

Hindi parin ako makapaniwala sa umaapoy na lobo, ng tila bigla nanamang may nagpakitang isang nilalang na isang kathang isip lamang para sa isang normal na tao, kalahating tao, at kalahating isda ang tumambad sa mga mata ko

“Nauuhaw po ba kayo Master?” tanong ng serena

“ahhh.. o..o… me…dyo.. nga!” iyun lang ang nasabi ko sa mga panahon na iyun dahil na rin sa pagtataka ko sa mga nagaganap

Agad naging isang parang alon ang serena at bigla nalang rumagasa patungo saakin, nagtakip ako ng aking mga kamay at gulat na naramdaman ko na may tubig na pumasok sa katawan ko ngunit pag tanggal ko sa mga nakasangga kong kamay ay wala ni isang bakat ng tubig ang nakita ko sa katawan ko, hindi ako nabasa, ngunit napawi lamang ang uhaw ko, agad ko ding napansin na may asul na marka na dumagdag sa palad ko. Kakatapos lang ng pagpasok ng upaapoy na lobo sa katawan ko, ngayon naman ay isang serena ang gumulat sa akin nuon

Pinili ko na magisa muna dahil sa mga naranasan ko at nagiisip ako sa isang sulok ng campsite ng bigla akong nilapitan ni Eros

“Joseph okay ka lang ba?” tanong ni Eros

“Hindi eh” sagot ko

“Eh bakit?” tanong niya pa

“Basta mahirap sabihin Eros” sagot ko sakanya

“Wag ka na malungkot” kulit sakin ni Eros

“Hindi ko kaya eh, basta may gumugulo sakin” sabi ko sakanya

“Kahit regalo mo nalang yung ngiti mo ngayon para sa birthday ko okay na eh!” sabi ni Eros

Nagulat ako nuon sa sinabi nya at kung tama ba ang pagkakarinig ko, birthday nya rin ngayon?

“Birthday mo rin ngayon Eros?” tanong ko sakanya

“Oo, ngayon nga birthday ko, bakit? Birthday mo rin Joseph?” tanong niyang pabalik saakin

“Oo, magkabirthday pala tayo, yehey!” biglang nawala sa isip ko nung mga panahon nay un ang mga kakaibang nagnyari ang naisip ko lang, ka birthday ko pala yung bestfriend ko, nuong oras ko lang na iyun nalaman, sa 5 taon na naming mag kaibigan

Nag iba ang gabi ko at buong gabi lang kaming naguusap, nagtatawanan, mga bata pa kami nuon, hindi alam kung ano nga ba ang dapat seryosohin at hindi, kung ano ang pagkakaiba ng DSL at broadband, kung paano mabuhay ng magisa, di alam kung paano kikita ng pera, ang alam lang ay ang maging masaya at mairaos ang araw ng maayos at masaya. Kami ay mga batang wala kaalam alam sa pag-ibig, at kung ano ang nagiging parte nito sa bawat buhay ng isang tao, kung paano ito nakakapagbago ng tao at kung paano nito buoin at sirain ang buhay na isang tao. Pero iba na ngayon, kung dati simpleng tawa at saya lang ang naibibigay nya. Ngayon, ngiti, saya, tuwa, pagpapahalaga sa tuwing nakikita ko sya. At sa tuwing aalalahanin ko na hindi pwede mahulog ang loob ko sakanya kasi pareho kaming lalaki, nasasaktan ako, kasi mahal ko na si Eros, mahal ko siya.

Sinasabi ko na eh, sa simula palang hindi na ako NORMAL

Espesyal ang camping na iyon para sa aming dalawa, parehas naming birthday nung araw na iyon, nakakgulat lang na bakit ni hindi ko man lang alam na birthday din nya ngayon, basta ang alam ko nun masaya ako kasi sabay ang birthday naming ni Eros. Ng matapos ang gabi ay nagpahinga na kami ni Eros, tabi na kami sa higaan naming at as usual, mga batang nagkukulitan sa ilalim ng kumot, kung ano anong iniisip, magtatakutan at magtatawanan

Nakatulog na kami at pag ka gising naming nung susunod na araw ay oras na para umuwi, napansin ni Eros ang kakaibang marka sa palad ko at tinanong nya ako

“Joseph ano yan? Tattoo?” tanong nya sakin

“Ahhh, oo, kasi gusto ko mag ka tattoo dati pa kaya eto, naglagay ako” sagot ko sakanya at kinakabahan kung tatanungin nya ako ulet dahil hindi kapanipaniwala ang palusot ko, pero what the heck, bata kami, walang tanong tanong, Oo nalang.

Pauwi na ang bus na sinasakyan namin, kaming dalawa ni Eros ay magkatabing naguusap at nagtatawan sa may likuran ng bus ng biglang nataranta ang driver ng bus, itinanong ng mga teacher naming kung ano ang nangyayari, nawalan daw ng preno ang sasakyan namin. Wala akong nagawa kung hindi umupo sa likod katabi ang bestfriend ko at mangamba sa kung ano ang pwedfeng mangyari, nakapikit lang ako at nakahawak sa kamay ni Eros, mabilis parin ang takbo ng bus at hanggang hindi na ito nakontrol ng driver at dumeretso kami patungo sa isang bangin, sobrang lakas ng sigawan ng mga kasama naming sa bus, mga nagiiyakan, habang mabilis na bumabagsak ang bus na sinasakyan naming sa matarik na bangin.

Biglang naghintuan ang mga sigaw at iyakan ng biglang huminto ang sinasakyan naming bus, na para bang pumatag na sa lupa, himalang, may binagsakan kaming lupa na tila hindi alam kung saan nagmula, at para bang may gumawa ng paraan para hindi malakas ang pagbagsak naming. Imbis na magtaka, nagyakapan ang mga guro at tuwang tuwa ang makikita sa mga muka ng mga iba pang estudyante, maya maya ay may nakita akong nakasilip sa may bintana kung saan ako nakaupo. Isang berdeng ibon at isang nilalang na may mga pakpak at parang may hawak na baston na may nakaukit na simbolo


“Master, ayan ligtas na po kayo” sabi ng agila habang naging isa syang nakakasilaw na liwanag at biglang pumasok sa akin, pati na rin ang nilalang na may pakpak, na mukang sa itsura ay diwata ng lupa, ito rin ay mabilis na pumasok sa katawan ko, at pagkatapos ay tinignan ko si Eros, parang walang nangyari saakin, ni hindi nya napansin ang pagpasok ng mga kakaibang nilalang sa katawan ko. IN short, wala syang nakita, ako lang ang nakakita ng pangyayari. Ang berde at brown na marka lamang ang naiwan ng dalawang nilalang sakin.

Pagkauwe ko ay hindi ko na lamang binaggit sa mga magulang ko ang nangyari sa akin, at pati na rin ang pagkaka aksidente ng bus na sinsakyan namin, alam ko naman kasi na mag aalala lang sila, kaya’t nanahimik nalang ako.

Paano ko rin ba makakalimutan ang araw kung saan, wala man lang akong magawa habang nakikita ko silang unti unting nilalamon ng kadiliman.

2nd year highschool ako nuon, sa parehong eskwelahan parin kami pumasok ni Eros, medyo sa puntong iyon, iba na ang nararanmdaman ko, kasi, binate na to no! marunong na makaramdam ng kilig at marunong na makaintindi ng sobra na sa pagkakaibigan. Hindi ako nag a-assume pero alam ko na kahit papaano, may konti din akong space sa puso ni Eros, alam ko yun, tao ako, hindi ako manhid, everytime na sinasabi nya sakin na “salamat bestfriend ah” alam ko na more than that pa ang ibig sabihin nya. Ewan! Diba? Hindi nga ako normal sa lahat ng paraan, iba ang pakiramdam ko pag magkasama kami. Isang beses inaya ako ni Eros sa bahay nila para duon kami mag gawa ng homework.

“Joseph, sa bahay nalang tayo gumawa ng homework! Okay lang ba sayo?” aya nya sakin

“Ahhhhhh, hindi pwede eh………” nagiba ang muka nya nung sinabi kong hindi pwede, paraan ko lang yun para makita ang reaksyon nya pero sa totoo, gustong gusto ko syempre “Joke lang Eros, sige tara, pakainin mo ko ah!” pabiro ko pang sabi

“Oo naman! Ano ba gusto mo pagkain, kakain tayo hanggang di na tayo makatayo” sagot nya sabay tawa ng malakas

Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong binati ng nanay nya at bilang galang ay nagmano ako dito at nagulat ako ng biglang nagiba ang tingin sakin ng Mama niya, parang may gumulo sa isip nung nagmano ako sakanya sabay tanong nya saakin

“Iho ano yang nasa kamay mo, yung apat na bilog na yan?” tanong ng nanay niya

“ahhhhmmm… tattoo po to tita” sagot ko sakanya

Narinig ko ang binubulong nya “Paano napunta sa normal na batang yan ang apat na elemento ng Kaspyan” hindi ko alam nung mga oras na iyun kung ano ang ibig sabihin nya pero may kutob ako nuon palang na may alam sya sa apat na magkakaibang kulay na bilog sa kanang palad ko.

“Ano po yun?” tanong ko sakanya

“Ayyy.. wala yun iho! Let me meet you’re parents sometime okay? You seem like a good kid” sagot nya sakin

“Sige po Tita, sure po, pag may oras!” sagot ko sakanya

Inihatid ako ng Mama ni Eros pauwi, ewan ko gusto daw niya makilala ang mga magulang ko, edi payag nalang ako, pag dating ko sa bahay ay agad ko syang ipinakilala kay Mama at Daddy ko, pinaakyat muna ako ni Mama para magbihis pero hindi mapanatag ang loob ko, nagtago ako sa likod ng kusina para Makita at marinig ko ang pinaguusapan nila

Normal ang usapan nila ng pagkatapos ng mga ilang minute ay bigla kong narinig na tumaas ang boses ng nanay niya.

“Nasaan ang Bato ng Luna?” pasigaw nyang tanong, hindi ko alam kung anong bato iyun dati, pero iyun pala ang magiging dahilan ng pagkawala ng 2 sa pinakamahalagang tao sa buhay ko

“Wala po kaming alam dun” sagot ng Mama ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak nung nakikita ko na biglang may lumabas na madilim na usok na maya maya ay naging korteng haliwamaw, ngayon? Nasaan itong apat na nilalang na pumasok sa akin, bakit hindi nila ako tulungan, iyak ako ng iyak habang nilalamon ng kadiliman ang Mama at Daddy ko, hindi ko magawang lumabas, kasi wala akong maitulong, gusto ko lumabas ang apat na nilalang sa kamay ko bago ako lumabas para matulungan ko sila pero wala, ang nagawa ko lang utmakbo sa kwato ko at maghanap ng lugar para makalabas ako, kasi alam ko ako na ang susunod. Hindi na rin ako nangahas na humingi ng tulong, kasi ano ang magagawa nila? Paano nila matatalo ang halimaw? Baril? Malayo! Wala akong nagawa kung hindi tumakbo lang ng tumakbo ng tumakbo

Wala na si Mama, wala na si Daddy, umiiyak ako sa isang gilid ng kalsada,hindi na ako nakakapasok sa eskwelahan, hindi ko na nakikita si Eros, namimiss ko na siya kahit sa ginawa ng Nanay nya sa mga magulang ko. Naging palaboy ako sa kalye, hanggang sa nakalahad nalang ang mga palad ko at nanghihingi ng limos pantawid sa gutom ko. Tatlong taon ako naging palaboy sa kalye, nakikipag agawan sa mga pagkain na naiwan sa basurahan, walang maayos natirahan, walang kaibigan, walang karamay, hanggang sa araw kung saan itinakda na mangyari ang dapat mangyari, sa ika-labinlimang kaarawan ko.

Habang abala ako sa panglilimos ay may nakasalubong akong babae na tila pamilyar saakin. Pagkabigay nya ng sampung piso ay bigla syang napatitig sa mga palad ko kung saan nya nilagay ang pera at kung saan nanduon ang apat na bilog na marka.

“Bata, paano ka nagkaganito?” tanong ng babae saakin

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabing tattoo ang nasa mga palad ko, iba ang sinabi ng utak ko na sabihin ko “Mahabang istorya ho! Basta kakaiba” sagot ko sakanya

“Lucas. Anak ikaw ba yan?” tanong ng babae

“Hindi po, ako po si Joseph, hindi po Lucas pangalan ko” sagot ko sakanya

“Birthday mo ba ngayon bata?” tanong pa ulet ng babae

“Ang galing nyo po! Paano nyo po nalaman?” tanong ko sakanya

“Basta, mahirap ipaliwanang, meron ka bang palawit sa kwintas na parang hugis ng buwan? Tapos kulay ginto?” tanong ng babae

“Opo, meron po, pero hindi ko po binebenta yun ah, sabi kasi ng Mama ko, mahalaga daw yun, magagamit ko daw yun pag dating na panahon”

Iyun pala ang ibig sabihin nila Mama Asya at Daddy Elison, na magagamit ko balang araw ang palawit na korteng buwan na iyon, iyon pala ang magdadala sakin sa mga tunay kong magulang

Iyon pala ang magpapakilala sakin bilang ako

Iyon pala ang magsasabi saakin ng tungkulin ko

Iyon pala ang sagradong bato ng Luna, na dahilan din ng pagkamatay ng mga magulang kong umampon saakin

Ang magiging dahilan din ng pagbabago ng buhay ko...

Itutuloy...


[03]
Unti unti kong nalaman ang sikreto sa pagkatao ko, ako? Ang huling tagapagligtas ng lahing Kaspyan? Wow! Ano ba itong mga to, suddenly, nagiba ang mundo ko, hindi ko alam kung paano mag aadjust, hindi ko alam kung paano tatanggapin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang pag ka miss ko kay Eros. Wala kaming komunikasyon, araw ng kaarawan naming dalawa hindi ko sya nabati, at hindi nya rin naman alam kung paano ako makikita.

“Anak, Lucas?” tawag sakin ng nanay Sophia ko

“Bakit po?” tanong ko

“Ahhhm anak, pag sapit mo na ika labing walong taong kaarawan mo, kailangan mo pumunta sa Kaspilla, kasi pagtungtong mo ng labing walong taong gulang, tsaka ka magiging handa para makontrol ang apat na elemento, kaya’t ngayon pa lamang ay maghanda ka na.

Inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang pwede mangyari sa darating na ikalabing walong kaarawan ko.

Habang naglalakad ako sa isang mall sa Maynila, may biglang nagtakip ng mga mata ko

“Guess who?” sabi ng lalaking boses na alam na alam ko kung sino, pagtalikod ko ay gulat kong nakita si Eros, ibang iba na ang itsura nya nung huli kaming magkita, 3 taon na ang nakakaraan,

“Eros! Sobrang namiss kita! Sobra!” sabi ko sakanya

“Ikaw din Seph, namiss kita, kamusta? Bakit hindi ka na pumasok sa school? Ahh bakit nga pala hindi ka na nagparamdam?” tanong nya saakin

“Mahabang kwento eh, pero gusto mo tara lunch tayo kwentuhan nadin” aya ko sakanya

“Sorry sorry sorry talaga, nagmamadali hinihintay kasi ako ni Mama sa bahay, pasensya ka na ah” malungkot man na hindi kami nagkasama nung araw na iyun ay ayos naman kasi at least nagkita na kaming ulet, nagpaitan kami ng cellphone numbers para narin ma contact ang isa’t isa, bigla nalang pumasok sa isip ko ang kahayupang ginawa ng nanay nya, o nanay nya nga ba talaga? Sa mga magulang ko, ewan ko, hindi ko masabi, kasi parang wala naman syang alam, kaya’t minabuti ko nalang na itago ito sakanya.

Lagi kami nagkakausap ni Eros sa pamamagitan ng text pero ni isang beses hindi ko sya nakita simnula nung huli naming pagkikita sa mall kung saan ibinigay nya sakin ang number nya. Halos tatlong taong ganun, dumaan ang dalawang birthday naming na hindi ko sya nakikita, paano espesyal ang araw na iyun, birthday naming dalawa, pero hindi ko sya nakita.

Sumapit ang ikalabing walong kaarawan ko, at agad agad na ipinaalala sakin ni Mama Sophia ang tungkol sa pagsasanay ko sa Kaspillo

“Anak, happy birthday, ngayon handa kana bang pumunta sa Kaspillo?” tanong niya

“Opo Ma, pero pwede bang bago ako pumunta dun, magpaalam muna ako sa bestfriend ko?” tanong ko sakanya

“Oo naman Anak, birthday mo ngayon, gawin mo kahit anong gusto mo, Happy birthday ulet anak” masayang sabi ni Mama sakin

Nagtext ako kay Eros nuon at tinanung ko kung nasaan sya at kung pwede ba kami magkita, kasi sinabihan ako ng mga Kaspyan na ilalayo muna ako sa Mundo para dalin sa Kaspillo, ang lugar kung saan ako tuturuan ng lahat ng kailangan ko malaman, gusto ko sya Makita para bago man lang ako umalis, at mabati ko sya sa kaarawan naming dalawa at para narin masabi ko sakanya ang nararamdaman ko.

Nagkita kami sa isang fastfood chain sa isang mall at sinabi ko sya na sobrang miss ko na sya pero hindi ko masabi sakanya ang nagnyari saakin kung bakit ako nawala sa eskwela, at kung ano nangyari kay Mam at Daddy, kung ano ginawa ng nanay sya sa magulang ko, basta ang nanaig yung pagibig ko sakanya, hindi ko maisip lahat yun, basta ang alam ko, kaialngan ko na sabihin sakanya yung nararamdaman ko

“Happy birthday Eros” bati ko sakanya

“Salamat! Happy birthday din Joseph” nakangiting sabi ni Eros

“Eros, may sasabihin sana ako sa’yo!” sabi k okay Eros

“Ano yun?” sagot nya

“Ahhhhmmm… kasi… basta” sagot ko

“Ano nga yun?” tanong nya

“Ahhhh… ano kasi… ano yun eh…. Ganito kasi wag ka magagalit ahhh… ehh…” nagulat ako ng biglang tinapos ni Eros ang dapat ay sasabihin ko


“Mahal mo ko?... ganun? O edi sasagot ako, mahal din kita Joseph! Oh okay ka na ba torpe?” panginis nya pang sabi sakin.

Napangiti nalang ako bigla at parang nahiya nadin sa nangyari. Basta sobrang saya ko ng Makita ko yung ngiti nya nung sinabi nya yun

“Gusto ko ako tatapos…. Eros mahal kita… “ sabi ko sakanya…. Niyakap nya ako at wala syang pakialam kung may makakita saamin, tumitig sya sa mga mata ko at unti unti nyang inilapit ang mga labi nya sa labi ko, he kissed me na para bang ang tagal tagal nya na gustong gawin yun, hindi nya lang magawa

“Eros?” sabi ko

“Oh?” sagot nya

“I love you, Happy Birthday ulet” sabi ko sakanya

“Thank you? Ako ang dapat magpasalamat. You are the best gift that I had in my 18 years of being” sabi nya saakin

Hindi ko mapigilan yung sarili ko kiligin sa sobrang sweet ng mga lumabas sa mga labi ni Eros, na para bang ayaw ko na umalis papuntang Kaspilla, pero hindi pwede, kailangan talaga eh, medyo naiiyak ako habang nagpapaalam ako sakanya at pinangako ko sa sarili ko na mag sasanay ako sa Kaspillo ng mabuti kasi pagdating ng araw, isa si Eros sa mga taong maipagtatanggol ko sa mga Kaspyan

The day ended, magkasama kami, I also told him that I am leaving for some time, para mag asikaso ng mga bagay bagay.

“Basta, promise mo sakin babalik ka ah” sabi nya pa. napaiyak ako ng kaunti nung sinabi nya yun saakin, parang ayaw ko na sya iwan pero hindi pwede eh, naghihintay sakin ang tungkulin ni Lucas, kahit hindi ko gustong maging ako si Lucas, kailangan, kahit anong itawag nila sakin, ako parin to, Lucas man o Joseph, walang nabago saakin.

At sa huling pagkakataon nagpaalam ako sakanya at iniwan ko lang sakanya ang mga matatamis na ngiti na ipapatago ko sakanya habang wala ako sa tabi nya “ I LOVE YOU EROS” huling sambit ko bago kami maghiwalay..

(to be continued...)


[04]
At ang lahat ng iyun ang mga ala alang hinding hindi ko makakalimutan.

Eto ako ngayon, papunta na ng Kaspilla para malaman ang mga kailangan kong malaman, mabigat man sa kalooban ko pumunta duon, wala akong magawa, eto ang itinakda para saakin. Pag dating ko duon ay namangha ako sa itsura ng lugar, ibang iba sa mundong kinalakihan ko, ibang iba sa itsura na inaakala ko, isang magandang paraiso kung saan marami ang nagsasanay para lumakas, isang paraiso kung saan lahat ay abala para balang araw ay maipagtanggol ang mga Kaspyan.

“Maligayang pagdatin sa Kaspillo Lucas, aking anak” laking gulat ko na tawagin akong anak ng lalaking sumalubong sakin. Siya pala ang tunay kong ama na si Helios

“Joseph nalang po itawag nyo sakin, hindi po kasi ako sanay ng Lucas” sagot ko sakanya

“Aba’y dapat masanay ka na, kasi dapat kang kilalanin dito anak” sabi nya sakin sabay pabulong na sinabi “Siguro naman nasabi na ng Nanay Sophia mo na ikaw ang huling tagapagligtas” sabay kindat saakin

“Okay na po talaga yung Joseph para sakin” mahinhin kong sagot sa aking ama

“Kung iyun ang nais mo, pero Lucas padin ang itatawag ko saiyo” sagot nya saakin

Nagsimula ang ensayo ko kasama ang aking itay, itinuro nya saakin ang mga pinakasimpleng bagay na kailangan ko malaman, tulad ng martial arts, at iba ibang uri ng self defense. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Eros habang tumutulo ang mga pawis ko sa katawan. Naalala ko nung huli naming kita, yung sinabi nya sakin na mahal nya din ako, kaya nga’t ginagawa ko lahat dito sa Kaspillo para makabalik ako agad sa mundo. Halos dalawang linggo din ako nagsasanay kasama si Tatay Helios at sa tingin ko naman ay nakukuha ko naman lahat ng tinuturo nya

“Anak! Bukas papakilala ko naman sa’yo si Trence, sya yung magtuturo sa’yo ng mga Mahika at Salamangka.” Sabi ni Tatay Helios

“Wow! Parang magic? Ganun bay un ‘tay?” tanong ko sakanya

“Oo nga ganun nga anak! Wag ka masyado exited. Hindi madali matuto ng mahika” sabi niya

Nang matapos ang araw ay iniisip ko si Eros, ang nagawa ko na lang, ibulong ang pangalan nya at magdasal sa kaitaasan para sa kanyang kaligtasan.

“Lord, ingatan nyo po lagi si Eros, mahal na mahal ko po siya” dalangin ko sa may kapal habang naiisip ko kung ano na nga kaya ang nagyayari kay Eros ngayon

Then silence prevailed….


Nagising ako kinabukasan sa gising sakin ng isang alagad ni Tatay Helios

“Sir, pinapagising na po kayo ni Sir Helios” sabi ng lalaki

“Sige po pakisabi susunod na ako” sagot ko sa lalaki, habang papaplayo ang lalaki iba ang tingin nya sa mga palad ko ng nakita nya ang apat na marka dito, agad ko sya tinanong kung bakit

“Bakit po kuya? May problema pa po ba?” tanong ko sakanya

“Wala na po Sir, di lang po ako makapaniwala na pagkatapos ng 15 taon, nandito na po ang huling tagapagligtas, at ang tanging itinakda para makontrol ang apat na elemento ng Kaspyan” sagot nya sabay ngiti at paalam saakin.

Nagbihis na ako para makapagsimula na din ng ensayo ko sa araw na iyon, pagkatapos ko magbihis ay agad akong bumaba at habang papalapit ako kay Tatay Helios, may nakatalikod syang kausap, hindi ko alam kung sino

“Oh ayan na pala yung anak ko, Lucas anak tara dito” sigaw niya habang papalapit ako sakanya

Tumingin bigla sa likod nya ang lalaki para tignan ako, shet! Pagtingin nya sa likod, sobrang gwapo nya, at halos may hawig kay Eros, kaya’t naisip ko tuloy si Eros nuong tumingin sya saakin.

“Anak! Eto si Trence, sya ang magtuturo sa’yo ng mga magic at spells” sabi ni Itay, pareho lang kaming tahimik ni Trence, hindi ko alam kung bakit nakatitig lang din sya saakin. Hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya, ng bigla syang lumingon papalayo

“Nako! Sir Helios, mukang mahina itong anak nyo, Titig palang ang ginagawa ko, nagpapadala na sya” sabi nung lintek na Trence nayun.

Sinasabi ko na nga ba, hindi titig may gusto yung ginawa nya sakin, ngunit isa din pala iyun sa mga kapangyarihan nya.

Nagsimula na ang training ko sakanya at sinigurado ko na hindi ako magpapadala sa gwapo nyang muka at yummy nyang katawan (ano ba yung nasabi ko) basta focus! Focus!

“Patingin ako ng mga palad mo Lucas” sabi ni Trence sakin. Pagkatapos ko ipakita ang mga palad ko ay agad syang namangha sa apat na bilog na marka na nakita nya “WOW!” iyun lamang ang nasabi nya

“Bakit Trence?” tanong ko sakanya

“Wala, nagulat lang ako na totoo pala na may isang nakatakdang Kaspyan na kaya kontrolin ang apat na elemento ng mga Kaspyan.

“Hindi ko nga alam kung papaano” sabi ko sakanya

“Kaya nga andito ako diba? Tuturuan kita. Ang ibig ko sabihin kanina ay walang may ibang kakayahan na patirahin ang mga espirito sa katawan nila at gamitin, ikaw lang Lucas” at bigla nanaman nadaan ang mga mata ko sa mga mata nya, at sobrang sarap tumingin sa mga mata nya, pero nilabanan ko, alam ko na pagsubok nya lang iyun para sakin. Inilihis ko ang titig ko at bigla syang ngumiti saakin at sinabing “Magaling Lucas”

“Alam mo ba kating kati ako palabasin itong apat na to nung pinapatay ng isang Grospe ang mga umampon sakin. Pinatay nila ang Mama Asya at Daddy Elison ko” sabi ko kay Trence

“Ganun ba? Hindi kasi sila basta basta lalabas, mayroon silang sari-sariling paraan kung papaano sila tatawagin” sabi nya saakin.. “Eto tignan mo ilahad mo ang kamay mo at sabihin mo …” sabay tumingin sya ng malalim sa mga mata ko at sinabi ang mga kakaibang katagan na kung normal kang tao ay sasabihin mo ay jologs ang mga ito, pang pokemon o mga anime freaks kung baga. “Kailangan mo sauluhin ito kasi hindi ka pwede magkamali kahit ni isang salita lang, eto at eto lang ang makakapag palabas sa kanila sa katawan mo. Ilalahad mo ang mga kamay mo at isisigaw mo..

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka…. at tawagin mo ang isa sa mga apat na nilalang na magsisilbi sa’yo”

Si Altas, ang apoy na lobo, siya ang pinakamalakas na lobo sa mundo nila, napakatapang nya, kapag tinawag mo sya wala syang kahit anong laban na uurungan.

Pwede mo ding tawagin si Krisha, ang reyna ng mga sirena, sa kapangyarihan ng tubig at hiyelo mo maasahan si Krisha, matalino si Krisha at hindi basta basta sumusuko

Pangatlo ay si Galdium, ang pinaka tusong agila sa lahat ng mga kasama nya. Matalino din si Galdium, alam nya ang dapat gawin, at kaya ka rin nya dalin sa iba’t ibang lugar, maari kang sumakay sakanya. Parang si Krishia, kahit anong parte ng tubig dadalin ka nya kung kailangan.

At ang huli, si Ertia, ang pinakamalakas na diwatang lupa, hawak nya lahat ng kapangyarihan ng isang diwata, madami syang kayang gawin kaya tawagin mo sya pag kailangan mo sya.

“Ngayon subukan mo silang tawagin” sabi ni Trence habang nakatitig parin saakin

Kinabahan ako kasi ngayon ko lang ito gagawin, naalala ko na huli ko silang nakita nung labingdalawang taong gulang pa lamang ako, sa camping namin, nung unang beses na pumasok sila sa loob ng katawan ko.

“Sige na wag ka matakot, sundin mo lang yung mga sinabi ko ,sige ilahad mo ang mga kamay mo” sabi pa nya habang kinakabahan parin ako sa gagawin ko

Inilahad ko na ang mga kamay ko at sinunod lahat ng itinuro nya saakin. Sumigaw ako ng sobrang lakas na halos madinig ito sa buong Kaspillo

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Altas” sabay na lumiyab ang mga kamay ko at unti unti unting bumalot ang apoy sa aking katawan. Habang nagliliyab ang buong katawan ko ay unti unting may mga apoy na pumoporma na palang lobo at papalayo sa katawan ko, di katagalan ay nabuo mula sa apoy sa katawan ko si Altas ang apoy na lobo

“ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo Master?” tanong ni Altas na kitang kita na nakalabas ang mga pangil at handa nang lumaban

“Puksain mo si Trence… hahaha” pabiro kong sabi kay Altas, susunggab na si Altas na tila hindi nakakaintindi ng biro “Altas, nagibibro lang ako” kitang kita na nakasalag na si Trence at nakatingin ng masama sa akin

“Hangal ka ba Lucas? Papatayin talaga ako nyan kapag inutusan mo sya, hindi nakakaintindi yan ng biro” pagalit na sigaw ni Trence

“Relax, sorry, pasensya na talaga” sabi ko sakanya sabay paawa na gamit ang mga mata ko

“Ngayon bahala ka kung papaano mo maibabalik yan sa katawan mo” sabay sabi sakin ni Trence

“Uy! Trence joke lang, sige na tulungan mo na ko ibalik to

“Ayoko” pagmamatigas na sagot nito

“Sige na please! Please naman o” pangungulit kong sabi

“Sige, pero may kapalit ‘to ah Lucas” sabi ni Trencel

“Oo… sige sige, kahit ano!.. sige na sorry na” paumanhin ko ulet kay Trence

“Sige tutulungan kita pero, sakin ka matutulog mamayang gabi” pilyong sagot ni Trence

“Ano? Trence bading ka ba?” sabi k okay Trence

“Hindi ako bading, bisexual ako, malaki kaibahan nun, tsaka bakit may problem aka bas a mga bakla?” pagalit na sabi ni Trence

“Wala” maikling sagot ko sakanya

“Kasi ang mga bakla, kahit ganun sila, wala naman silang ginagawang masama, pinili lang nila kung saan sila masaya, hindi sila dapat ginaganun kasi wala naman silang naagrabyadong tao, wala silang pinapatay, wala silang inaapakang ibang tao” paliwanag ni Trence

“Alam ko Trence, wala akong problema sa kanila, bi ako Trence, hindi kita tinanong kanina kung bading ka dahil may problema ako sa mga bading, ang bilis mo kasi! Yung lang yun” sagot ko sakanya nakita ko ang gulat sa mga mata ni Trence kasi alam ko na nagbibiro lang siya kanina tungkol sa pagtulog naming na magkasama, pero ganito ang reaction ko.

“Edi maganda, hindi ako mahihirapan sa’yo” sagot pa nya sakin. Lumapit sya sakin at dahan dahan niyang nilapit ang mga labi nya saakin. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit naisip ko si Eros


Hahalikan ko na ba to o magiging tapat ako sa taong pinakamamahal ko,hala...... :(

(to be continued...)


[05]
“Edi maganda, hindi ako mahihirapan sa’yo” sagot pa nya sakin. Lumapit sya sakin at dahan dahan niyang nilapit ang mga labi nya saakin. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit naisip ko si Eros, bigla kong pinigilan ang mangyayari at nagdahilan nalang ako

“Trence!! Si Altas, turuan mo na ako” sabi ko sakanya

“Ai..ahh.. oo nga… sorry, ahhhm.. ano..” sabi nya

“Ano!!!!? Pano?” pasigaw kong tanong ko sakanya. Biglang naging seryoso si Trence at ipinatuloy ang pagturo sakin na mga kailangan kong malaman

“Madali lang naman, sasabihin mo lang, bumalik ka na Altas, ganun lang” turo nya sakin “Oh! Sige na ibalik mo na si Altas” dagdag pa nya

Sinubukan ko ang itinuro nya saakin “Bumalik ka na Altas” sabay naging isang malaking apoy si Altas at lumipad ito patungo sa katawan ko, napansin ko na kanina ay nawala ang pulang marka sa kamay ko at pagkabalik nya ay bumalik ang marking ito.

Ngayon, sunod kong ituturo sa’yo ay ang pagtatago mo ng iyong kaanyuan bilang isang normal na tao, kailangan mo ng pangtago sa iyong anyong normal, dahil hindi pwedeng Makita nila ang tunay mong hitsura. Eto ang pinakamadaling parte ng ituturo ko sayo, ang sasabihin mo lang

“Bato ng Luna, balutin mo ako ng iyong kapangyarihan, pero bago mo sabihin yun, ay kailangan ay hawak mo ang bato ng Luna sa mga palad mo” sabi nya sakin “Ngayon subukan mo” sabi ni Trence

Inilabas ko ang sagradong bato ng Luna mula sa bulsa ko at matapang kong isinigaw

“Bato ng Luna, balutin mo ako ng iyong kapangyarihan” biglang umihip ang malakas na hangin, nabalot ako ng liwanag, hindi ko makontrol ang katawan ko, lumutang ako ng bahagya at pag dikat ko ng mga mata ko, nakasuot na ako ng isang magarang pulang kasuotan at dilaw na kapa, at isang makinang na maskara.

“Wow! Ngayon ko lang nakita yan” sabi ni Trence

“Panget? Di bagay sakin?” tanong ko sakanya

“Bagay na bagay nga eh, gwapo! :)” sabay tawa at ngiti nya saakin

“Ang Sagwa ng itsura, bakit bakat yung…. Yung… ano! Yung ano ko!” tanong ko

“Ganyan po talaga Super Luna, hindi ako gumawa ng costume nyo! Sisihin mo sila, wag ako” sabi nya

“Super Luna? Bakit iyun tawag mo sakin?” tanong k okay Trence. Super Luna? Isa pang Jologs!

“Kasi iyun ang dapat itawag sa’yo, ang dapat itawag sa itinakda” sagot ni Trence

“Oh sige na sige na, wala naman ako magagawa eh” mahinahon kong sabi sakanya

“Ahhhh, so… bali… iyun na ang mga kailangan mo malaman…, okay… na” sabi ni Trence na parang nag puputol putol ang sinasabi

“Thank you Trence ahhh…” pasasalamat ko sakanya sabay isang matamis ang iniwan ko sakanya

“Ahhhm… Lucas…”

“Joseph nalang, yun nalang itawag mo sakin” sabi ko sakanya sabay ngiti ulet

“Ahhh… Joseph?”

“Oh? Bakit?”

“Yung kanina, joke lang yun ah, hindi mo naman kailangan matulog kasama ko, Joke lang talaga yun” sabi nya saakin sabay paumanhin nadin. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo pala ni Trence, ang cute nya lalo na pag ngumiti sya, ang sarap nya ngumiti, pampahulas ng pagod, hahahaha

“Ahhh… oo alam ko, alangan naman seryoso yun. Uy nga pala, sensya hindi natuloy ah” sabi ko pa sakanya

“Alin?” tanong nya

“Yung kiss! Yaan mo pag kaya ko na, tutuloy ko yun, hahaha!” piyong sagot ko sakanya sabay tawa

Ilang linggo narin ako sa Kaspillo kaya’t namimiss ko na si Eros, hindi ko alam kung kamusta na sya, kung ano na ginagawa nya, baka mamaya, kung sino na ni dun, eh akin yun! Akin yun eh! Agad ko naming pinuntahan si Tatay Helios para itanong kung kalian ba matatapos ang pageensayo ko sa Kaspillo

“Tay! Kailan po ba tayo babalik sa mundo?” seryosong tanong k okay tatay helios

“Malapit na anak, nalaman mo na ang lahat ng mga kailangan mo malaman” sagot ng tatay ko saakin

Biglang dumating si Trence habang naguusap kaming mag ama.

“Kamahalan aalis na po ba kayo ng Kaspillo?” tanong ni Trence

“Maaring bukas din Trence” sabi ni Tatay Helios

“Ganun po ba? Maari po ba ako sumama sa inyo” paalam ni Trence


“Bakit anong gagawin mo sa Earth?”

“Gusto ko lang po mabantayan si Joseph, baka pumalpak po yan eh”

“bakit hindi ba maayos na natutunan ni Lucas ang mga kailangan nyang malaman?”

“Natutunan naman po, pero po gusto ko lang mabantayan baka kailanganin nya pa ako sa mga iba pang pwede nya pang malaman” sagot ni Trence

“Edi sige, mag ayos ka ng mga gamit mo, at bukas ay aalis tayo” sagot ng tatay ko

“Salamat po kamahalan, salamat po” matuwang sabi ni Trence. Paalis na si Trence at hinabol ko sya para makausap

“Bakit ka sasama samin? Crush mo ko no?” pabirong sabi k okay Trence

“Oo! Bakit? Gusto kitang bantayan eh” sagot nya sakin. Agad naman akong napangiti sa sinabi nyang iyon pero, sa bawat beses na nangingiti ako kay Trence ay lagi kong naiisip si Eros, na sa wakas ay makakamusta ko na siya, pagkauwi naming sa mundo bukas. Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba kay Trence na may mahal akong iba? Na si Eros ay napangankuan ko na babalikan ko sya? OO sobrang gwapo ni Trence. Sobrang bait, sobrang maalalahanin, pero mahal ko si Eros eh.

Natulog na ako para narin makaipon ng lakas dahil narin sa pagod sa pag eensayo buong araw, hindi ko alam kung naiisip ko yung nagnyari kanina, yung muntik na magdikit yung mga labi naming ni Trence, ewan! Bakit nga ba iniisip ko yun? Shet! Hindi ko alam, basta alam ko, sobrang bait sakin ni Trence, hindi ko kaya ipagpalit yung nararamdaman ko para kay Eros, kasi siya yung nagiging inspirasyon ko para pagbutihan yung kung ano man yung ginagawa ko ngayon, siya yung lagi kong iniisip, at iniisip ko, isang araw, tutulungan ko din ulet sya, katulad nung pagtulong ko sakanya nung mga bata pa kami, hindi ko alam kung alam nya ang tungkol sa nanay nya, na Grospe ang nanay nya, pero kahit ako sa sarili ko hindi ko alam kung Grospe nga ba sya, pero sa mga sinabi sakin ni Mama Sohpia, lahat ng mga katangian ng isang grospe ay nasa nanay nya, pero bakit nasa puder nya si Eros, walang kapangyarihan si Eros, walang mga katangian ng isang grospe, hindi sya maaring maging isang grospe. Habang tahimik akong nagiisip ay bigla naming pumasok si Trence sa kwartong tinutuluyan ko

“Ahhh, Joseph,.. ahm.. nakapag ayos kana ba? …ng mga gamit mo? Handa ka na ba bukas?” natatarantang tanong ni Trence sakin

“Sandali lang, bakit ba pag kinakausap mo ko nanginginig yang boses mo ha?” nagtatakang tanong ko sakanya

“Wala! Nahihiya lang kasi ako, ano ba naman ako, isang tagapagturo lang ng mahika, ano ka ba? Ikaw lang naman yung huling tagapagligtas ng mga Kaspyan!” sabi nya sakin

“Eh ano naman? Eh ikaw lang naman ang tumitingala sakin ng ganyan. Ako sa sarili ko, isa lang akong normal na kaspyan” sagot ko sakanya

“Eh kahit na!” sagot nya sakin

“Shhhhh! Walang kahit na! ako si Joseph, kahit na Lucas, kahit ano, kaibigan mo ko Trence, hindi mo dapat ako tinitingala ng ganyan, oo ako nga ang tagapagligtas, pero hindi ko pinagmamalaki sainyo yun, kasi sa sarili ko isa lang ako sa inyo, tagapagligtas nyo, kaya nga andito ako diba? Tsaka thank you nga pala Trence ah?” pasalamat ko sakanya

“Bakit ka nagte-Thank you?” tanong nya sakin

“Dahil paano ko kayo maililigtas kung hindi mo tinuro sakin na makontol ko sila Altas at yung iba pa diba?”

“Nyek! Hindi mo kailangan magpasalamat, trabaho ko yun! Ikaw! Thank you kasi hindi mo tinalikuran lahat ng mga Kaspyan”

“Haha, di mo nadin kailangan magpasalamat, iyun naman ang tungkulin ko” sagot ko sakanya

Nakangiti lang sya at nagpaalam na sakin para makatulog na sya at makapagpahinga.

“Trence?” tawag ko sakanya

“Baket?” tanong nya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama ko at lumapit ako sakanya at hinawakan ko sya sa mga balikat nya “Bakit?” tanong nyang muli. Hindi ko alam basta ang ginawa ko lang ay hinatak ko sya papalapit saakin at idinikit ko ang mga labi ko sa sakanya, at dahan dahan ko ipinikit ang mga mata ko, at hindi naman ako nabigo, he kissed me back, sobrang sarap humalik ni Trence, nawala ako sa mundo ng mga ilang Segundo hanggang sinarado nya ang pinto at nung nagbalak na syang itaas ang suot kong damit ay pinigilan ko sya

“Oh Trence, sobra na yan! Yan lang muna kaya kong ibigay bilang pasasalamat” sabi ko sakanya

Agad naman syang tumigil sa pagtaas ng damit ko at agad din syang nagpaumanhin sa ginawa nya “Sorry ulet, pero salamat pinagbigyan mo ko this time” sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko at nakangiti saakin. “Oo nga pala, I was not testing you kanina nung tinititigan kita, tinitigan kita kasi sobrang gwapo mo, kasi gusto ko Makita kung ano yung gustong sabihin ng mga mata mo sakin” sabi pa nya, hindi ko alam kung tama pa ban a hinalikan ko sya, ngayong nasa tamang pagiisip ako, bumalik sa isipan ko si Eros, at halos pagsisihan ko na nagpakita pa ako ng kahit kaunting motibo kay Trence “Joseph, I like you” sabi nya habang nakatitig padin saaking mga mata. Hindi ko pa din alam kung ano ang isasagot ko sakanya, ang ginawa ko nalang ay ibahin ang usapan para nadin makapagpahinga na ako at pukpukin yung ulo ko sa katangahang ginawa ko sakanya

“Ahhhm, Trence, maaga pa tayo aalis bukas, tulog na!” sabi ko sakanya

“Ahhh, oo nga pala, sige Joseph goodnight, thank you ulet” sabi nya sakin habang patalikod sya at naglakad sya papalayo sa akin, sa huling beses ng gabing iyun, tumingin sya papalikod at binigyan ako ng isa pang matamis na ngiti na tila nagpapaalam saakin.

Paghiga ko sa kama ko ay halos mabaliw ako kakaisip kung ano bang katangahan yung ginawa ko kanina nung hinalikan ko si Trence, feeling ko, I’m being unfair to Eros, he’s waiting for me to come back, tapos ako, dito, nagpapakatanga at parang nahuhulog na sa isang taong ilang oras ko palang nakikilala, pero parang ang tagal ko na kilala si Trence, basta, mahirap ipaliwanag.

Nakatulog na ako kakaisip sa mga gumugulo saakin at naghangad na lang ng isang magandang umaga pag ka gising ko

Pag silip ng araw ay agad akong tumayo sa hinihigaan ko at kinuskos ang mga mapupungay kong mata at naghanda na para sa pagbalik naming ni Tatay Heios at ni Trence sa Earth. Maya maya ay tinawag na ako ng itay para tanungin kong handa na ba ako

“Lucas anak? Handa ka na ba?” Tanong ng tatay ko saakin

“Opo, nakahanda na po lahat” sagot ko sakanya

“Sige, mayamaya ay aalis na tayo” sabi niya

Maya maya lamang ay umalis na kaming tatlo nila itay sakay ang kakaibang sasakyan pangkalawakan na ginamit din naming papunta dito sa Kaspillo, habang nasa biyahe kami ay nakatingin saakin si Trence saakin

“Bakit ka nanaman nakatingin Trence?” pabulong kong sabi sakanya para hindi kami marinig ni tatay Helios

“Wala lang!” sagot nya

“Hmmm papapansin ka nanaman” pabiro kong hirit

“Hindi ah! Hehehe, ang cute cute mo kasi” sabay pisil nya samay kaliwang pisngi ko

“Mukha mo!” makulit kong sagot sakanya

Ilang oras na rin ang nakalipas at nasisilayan ko na ang mundong kinalakihan ko, ang Earth, nasilayan ko palang ito ay agad ko ng naisip si Eros, kamusta na kaya sya. Paglapag na sinasakyan naming sa komunidad ng mga Kaspyan ay agad na nakaabang ang aking ina sa labas

“Lucas, anak” sabay niyakap ako ni Mama at kitang kita ang tuwa nya na nakabalik na ako sa mundo kung saan ako lumaki at nasanay

“Helios” sabi nito ng Makita ang aking ama na apat na taon na nawalay sakanya, niyakapa nya si tatay helios at tuwang tuwa ako ng Makita ko ang pagmamahalan ng mga tunay kong magulang, bigla ko tuloy naalala si Mama Asya at si Daddy Elison, lalo ding lumakas ang loob ko na ipagtanggol ang iba pang taong guguluhin ng mga Grospe.

Agad kong kinuha ang cellphone at pinadalhan ko ng mensahe si Eros

“Kamusta na kaya si Eros? Hmmm 1 buwan ko sya hindi nakita, kamusta na kaya yung mahal ko” sabi ko sa isang text sakanya

Buong araw ako naghihintay sa sagot ni Eros, ngunit wala! Kahit isang blank message wala akong narecieve mula sakanya, bakit ganun! Bago ba yung number nya? Parang hindi naman kasi tinatawgan ko nag riring ang number nya, pero hindi nya sinasagot, inisip ko na siguro ay busy sya, baka bukas ay magrereply na sya saakin

“Anak… ANAAKK!!” sigaw ng Mama Sophia saakin

“Bakit po?” taranta kong sagot

“May mga Grospe na nanggugulo sa siyudad” sabi ni Mama

“Akon a bahal dyan!” matapang kong sagot

Agad akong nadhanda at tumakbo papalabas ng bahay namin, kinuha ko ang bato ng Luna na laging nasa isa sa mga bulsa ko at sumigaw

“Bato ng Luna! Balutin mo ako ng iyong kapangyarihan” sigaw ko sa hangin, bigla nanamang umilaw ang buong katawan ko at ang kasunod nito ay pagsilay ko sa weirdong costume ko! At least kumikinang yung maskara, hahaha, ako si Super Luna, Jologs man ang pangalan, gwapo naman pag tinignan, oye! May bago akong tagline! Agad ko din namang tinawagan si Galdium, ang kaibigan kong agila, sa lahat naman kasi ng kapangyarihan, ang paglipad pa ang ipinagkait saakin, kaya’t si Galdium ang magiging tagapaghatid ko sa mga laban ko

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ko, sumipol ang malakas na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas, sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.

“Kaibigan dalin mo ako sa siyudad, hanapin mo ang nanggulong Grospe” utos k okay Galdium

“Opo Master” sagot ni Galdium

Lumipad kami sa himpapawid patungo sa siyudad kung saan nandoon ang Grospe. Pagkadating namin ay agad kong nakita ang isang umaapoy na nilalang na nakalutang sa hangin, halos sunugin na nito ang buong Maynila

“Hoy! Sinong nagpahintulot sa’yong mag babato ng apoy dito ha?” sigaw ko sa Grospe

“Sino ka ba ha?” sagot nya sakin “Ang pangit ng suot mo” dagdag pa nya

Alam ko na panget ang costume na suot ko pero pati ba naman sya sasabihin pa iyun. Agad kong naisip si Krishia, ang aking kaibigang sirena! At pati na rin si Ertia, malaking tulong din ang buhangin naisip ko para sa pagtupok ng apoy!

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Krishia, lumabas ka rin Ertia”

Pagdating ni Krishia at Ertia ay agad ko naman silang inutusan para magpaulan ng tubig at lupa para malabanan ang sunog na bumabalot sa buong siyudad.

Umulan ng malakas at gaya ng inaasahan ko, hindi nakatagal ang lokong apoy na Grospe na iyun, napangiti ako dahil nanalo ako sa pinakauna kong pagtatanggol sa mga tao

“Sabi ko naman sa’yo adik! Don’t play with fire” sabi ko

Natapos ang araw ko ng maayos, pinarangalan ako ng mga Kaspyan dahil sa pagkakawagi ko laban sa apoy na grospe. Ngunit hindi masaya ang araw ko lalo na’t wala man lang akong balita kay Eros, sobrang miss ko na sya, anon a kayang ginagawa nya. Yun lang ang natirang tanong sa aking sarili.

Habang nagdidiwang ang iba ay nakita ko si Trence sa isang tabi ng lugar, nakatunganga at mukhang malungkot

“Trence? Okay ka lang ba?” tanong ko

“Oo naman! Masaya ako para sa’yo! Good job on your first fight Joseph” sabi nya

“Salamat Trence, hehe, hindi ko naman mapapalabas yang sila Altas, Galdium, Krishia tsaka si Ertia kung di din sayo eh” pasasalamat kong sabi

“Nyek! Sabi ko naman sayo trabaho ko yun” sabi nya pabalik saakin

“Kahit na, salamat parin” sabi ko habang nakangiti ang mga labi at mata ko

“Joseph, I might be too fast, pero, wala iyun talaga eh, Mahal na kita Joseph” sabi nya saakin. Natulala lang ako sa sinabi nya, syempre gulat, ay hindi pala, unexpected na ganun kabilis madevelop ang lahat, hindi ako makasagot sa sinabi nya kaya’t natahimik ako bigla. “Assuming na kung assuming Joseph, alam ko na kahit papaano, pwede pa ko sumiksik dyan oh” sabay hawak nya sa kailwang dibdib ko at tinuro ang puso ko

Hindi ko parin alam kung papaano ko sasabihin sakanya na hindi! Hindi pwede, kasi may mahal akong iba, kasi naman ako tong si tanga, hinalikan ko pa, nginingiti ngitian ko pa, ayan nag assume si Magic teacher ko, patay tayo dyan, yun lang naisip ko. Huminga nalang ako ng malalim at kumuha ng lakas sa kung saan man ako makakakuha sabay tunmingin ako diretso sa mga mata nya at tinangal ko ang kamay nya sa dibdib ko at hinawakan koi to ng mahigpit para masabi ko ang kailangan ko’ng sabihin

“Trence listen, and sana maintindihan mo” sabi ko sakanya

“Diba! May space pa naman dyan? Para sakin? Para satin?” maluha luhang sabi ni Trence

“Trence….


…I’m sorry, as much as I want to tell you that we’re on the same track! I couldn’t,, because I would be lying, and someone like you don’t deserve lies, dahil sobrang bait mo, pero I’m sorry… I’m really sorry Trence”

“Tawagin mo nga si Altas” sabi ni Trence

“Ha? Baket?” seryoso kong tanong

“Papasunog na ako, para hindi ko na maramdaman yung sakit” sabi pa nya. EEEEEEEEEEEMMMOOO!! Sa isip isip ko lang, bakit di nalang sya maglaslas, sabay itinaas nya ang ulo nya at ngumiti “haha, joke lang, naiintindihan kita” sabi nya “Tsaka, kung saan ka man masaya, masaya narin ako para sa’yo” dagdag nya pa.. awwwww! Na touch naman ako sa sinabi nyang yun.

At simula nung araw na iyun, naging normal nalang kaming magkaibigan ni Trence, may mga dumaan din naman akong mga laban na lahat naman ay natalo ko hanggang dumating ang isang laban na hindi ko inaasan ang kinalabasan, isang malakas na Grospe ang nakaharap ko, si Kalion. Tinawagan ko na si Krishia, Altas at Galdium, ngunit ni isa sa kanila ay hindi gumalaw, bakit? Tanong ko sa sarili ko.

Maging si Kalion ay may sariling elemento sa mga palad nya, 4 na elemento rin katulad ng saakin, ang kaibahan nga lang, ang sakanya ay hiyelo, kuryente, apoy at hangin, 2 ang ipinagkaiba nya sa mga elemntong hawak ko

“Galdium, Altas, Krishia, gumalaw kayo” sigaw ko sa tatlo kong ka alyado, pero wala parin hindi parin sila gumagalaw, wala akong nagawa kung hindi tawagin si Ertia, ang huling elementong natitira saakin.


“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Ertia”

Pagkalabas ni Ertia ay agad ko syang inutusan na gawin ang kanyang makakaya para talunin si Kalion

“Hindi po maari Master” sabi nya

“Bakit?” tanong ko

“Siya po si Master Kalion, ang tagapagligtas ng mga kaspyan” ha? HA? Tama ba yung narinig ko nay un? Tagapagligtas ng Kaspyan? Nahihibang na ba ako sa mga naririnig ko? Akala ko ako ang tagapagligtas, ang itinakda? Sino si Kalion “Pero alam ko po kung anong gagawin sakanya Master” sagot ni Ertia

May mga maliliit na “waves na lumabas mula kay Ertia at agad naman itong tumama kay Kalion, nagtakip ito ng tainga na para bang nabibingi sa ginagawa ni Ertia, nakatigil lang ako sa taas ni Gladium at nagtataka parin sa sinabi ni Ertia kanina, maya maya pa ay nagulat ako ng biglang may itim na parang kaluluwa na lumabas mula kay Kalion at mabilis syang bumulusok pababa sa lupa mula sa pagkakalutang nya sa hangin.

“Master, kuhanin nyo po ang katawan nya, dalin po natin sya sa mga Kaspyan” sabi ni Ertia, ako? Eto ako na nagtataka parin kung sino ba itong si Kalion na ito, na halos patayin na ako kanina, ay dadalin pa rin namin sa mga Kaspyan

Pagdating namin sa Kampo ng Kaspyan at gulat na tumingin saakin ang mga Kaspyan at parang nakakita ng multo ng Makita akong pasan pasan si Kalion

“Anaaak” sigaw ni Mama ko

“Po?” sagot ko

Nagulat ako ng tumakbo si Mama at hindi saakin tumungo at sa nakapasang kalaban sa likod ko. Lalong lumaki ang duda ko na isa nga syang katulad namin, at ang mas malupet, ano kaya ako? Pekeng tagapagligtas? Ako daw ang nakatakda, pero sino itong si Kalion. Ewan! EWAAAAAN

Lahat ay naging klasro saakin pagkatapos ipaliwanag saakin ang katotohonan… Si Kalion, ay aking kapatid, na matagal nawala, huli syang nakita na naghahanap ng kasagutan sa tanong na

“Ano ang makakatapos ng sumpa ng mga Grospe?”, muli ulit akong naguluhan sa ipinaliwanag saakin ng mga Kaspyan, maging sila ay hindi nila alam ang sagot sa mga huling salita ng kapatid ko bago ito lumisan para maglakbay at alamin ang katotohanan. Ipinakita saakin ng aking ina ang sulat na iniwan ni Kalion bago sya lumisan at agad ko naman binuksan ang sulat dahil nagaabang ako kung ano ang laman nito

Ma, Pa,
Pasensya na po kung aalis ako ng pansamantala, may kaliangan po ako alamin, kailangan ko malaman kung papaano ko maisasagip ang mga Grospe sa sumpang natatamasan nila, ayon sa isang matandang nakausap ko pagkatapos ng laban ko sa isang Grospe ay kinausap ako at sinabi nyang hindi ko dapat patayin ang mga tinatawag nating Grospe, hindi sila masasama, mga normal silang tao na biniktima ng itim na mahika, walang Grospe Ma at Pa Wala!

At iyun ang mga huling sinabi ng kapatid ko, hindi pa man din malinaw saakin ang lahat, gusto ko man siyang kausapin tungkol dito, ay hindi maari kasi hanggang ngayon sy hindi parin sya nagkakaroon ng malay. Mga Normal na tao ang mga Grospe? Na nasa ilalim ng isang sumpa? Anong sumpa? At bakit? Ngunit nung paglisan nya ay ipinatuloy parin ng mga Kaspyan ang buhay nila, na puno ng takot, dahil ang itinakda ay hindi na muling nagpakita, hanggang sa ang hindi inaasahan ay dumating, nabuntis nanaman ang aking ina na dapat ay hindi na nangyari, kasi isang beses lang mabuntis ang isang Kaspyan, at isa lamang ang ipapangak nila, at sa estado ng aking Ina, ang tagapagbantay, magmumula ang itinakda na maglitas sa lahi ng mga Kaspyan, na si Kalion, ang aking kapatid, ngunit ng nawala sya ay misteryo nga na nabuntis ulit ang aking ina, na hinala ng mga Kaspyan ay regalo ng Hari ng mga Kaspyan lalo na’t nawala na ang unang tagapagligtas.

Ang aking kapatid ang nagmamayari ng unang apat na element ng mga Kaspyan, at masasabi kong mas malakas parin ang mga elementong nasasaakin, ang pangalawang grupo ng mga elemento, akala ko ba apat lang ang element ng Kaspyan?

Dyan ako nagkamali, kasi nung nawala ang apat na elemento ng mga Kaspyan ay agad binigyan ng Hari ang komunidad ng bagong elemento at bagong mga Kaspyan na alam ang lahat tungkol sa mga elemento na ito, at iyun nga, iniluwal ako, ang nakatakda, daw? Ewan basta ngayon ay gulong gulo ako.

Bakit ng Makita ako ng bantay sa Kaspillo ay sinabi nya na “Totoo pala na may makakapag control sa apat na elemento ng Kaspyan” kung una na itong nakontrol ng kapatid ko

At si Trence, bakit hindi din sya makapaniwala na totoo ang apat na elemento, kung meron ng nauna pang apat

Ang sagot? Kasi sila ang mga bagong ipinadala ng Hari na alam lahat tungkol sa mga elementong sila Altas, Krishia, Ertia at Galdium. Wala silang alam kina Frio, Electrica, Heat at Wendy, o sa apat na unang elemento ng mga Kaspyan.

Wala akong magawa ngunit habang nakikipaglaban sa mga Grospe ay isipin ko nga na hindi sila masamang tao, na may sumpa lang, pero hindi padin mawala sa isip ko ang ginawa nila sa mga magulang ko na umampon saakin. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila.

Dumating ang isang araw na bumago sa buong pagkatao ko.

Bumago kay Lucas, kay Joseph, sa mga iniisip ko at sumagot sa lahat ng mga tanong ko

Agad ibinalita saakin na ang pinakamalakas na sandata ng mga Grospe ay ipinadala para patayin ang mga tao at isunod ang mga katulad naming kaya’t agad akong tumungo sa para mapigilan ko ang kahangalan ng Grospeng iyun at pagdating ko ay ibang aura ang naramdaman ko mula sa isang itim na Grospe na naka maskara at nagbabato ng itim na lumiliyab na bola patungo sa siyudad

“Hoy! Sino ka para sirain ang magandang siyudad na ito” sigaw ko sa Grospe

“Haha! Ikaw pala Super Luna, ako nga pala si Dark G. at dyan ka nalang manood ka habang unti unting lalamunin ng dilim ang buong mundo” sabi nya

“Hindi ako papayag”

Agad na humarap sya saakin at hindi ipinagpatuloy ang pagsira sa siyudad, agad nyang itinaas ang kaliwang kamay nya at parang biglang humigop ng lakas sa kung saan.

Isang malaking itim na bola ang lumabas sa mga kamay niya, wala akong nagawa kung hindi titigan lang ang malaking bilog na itim na hawag ni Dark G. at alam ko na kahit anong oras ay bibitawan na nya at ibabato patungo saakin. Agad kong tinawag ang kaibigan kong si Galdium

“Mula sa mundo ng mga espirito, tinatawagan kita, ilabas ang kakayahan, ipakita saakin ang tunay mong anyo, lumabas ka Galdium” sigaw ako, sumipol ang malakas na hangin, nabalot ako ng kulay berdeng hangin, lumabas ang berdeng liwanag na nagmula sa kalangitan, ang mga hangin na bumabalot saakin ay tumungo pataas, sabay ang paglabas ni Galdium, ang pinakatusong agilang kaibigan ko.

“Galdium” sigaw ko sakanya, agad syang lumapit patungo saakin at agad akong sumakay sakanya nung nakalapit na sya, umangat ako sa himpapawid para narin mapantayan ko kung gaano kataas si Dark G., “Galdium, ilayo mo ang bolang itim, gamitin mo ang kaibigan mong hangin” sigaw ko

Agad na ibinuka ni Galdium ang mga pakpak nya at ipinagaspas ito, sobrang lakas ng hangin ang naibigay ni Galdium patungo kay Dark G. ngunit parang hindi ito sapat para mailayo ang bolang itim at tanggalin sa mga kamay ni dark G.

Binitawan ni Dark G. ang itim na bola at patungo ito saakin, agad kong inutusan si Galdium na lakasan pa ang pagaspas para matangay ang malaking bola papalayo, ngunit parang wala itong magawa, wala akong maisip na ibang paraan para maitaboy ito, ang nagawa ko lamang ay patigilin si Galdium at lumpipad kami papalayo para maiwasan ang pagtama ng bola sa akin. Mabilis na lumipad ang bola papalapit saamin kaya’t inutusan ko nalang si Galdium na lumipad papatas

“Galdium, tumaas tayo, iwasan mo ang itim na bola” utos ko sakanya

Mabilis na lumipad si Galdium papataas para maiwasan naming ang paparating na panganib, sobrang bilis nya pataas, mahigpit akong humawak sakanya, mabilis din naming lumapit saamin ang bolang itim, sabay ng pagtaas ni Galdium ay paglapit din sa amin nito.

Sige taas pa, kaunti nalang, sige pa Galdium, iyun lang ang naiisip ko, hanggang halos makadikit na saamin ang malaking bola, napatigil si Galdium sa paglipad, natamaan sya sa may ilalim na bahagi nya, ang lakas ng pagkakatama sakanya kaya’t pati ako ay napabitaw sa pagkakahawak ko ng mahigpit sa kanya, nahuhulog ako mula sa ere, mabilis na mabilis, hindi ko alam kung paano ko isasalba ang sarili ko, sa sobrang lakas ng hangin na kinakalaban ko ay natanggal ang natatanging pangtago ko sa iniingatan kong pagkatao, sa iniingatan kong pangalan, natanggal sa pagkakasuot ng aking maskara. Pero hindi ko na naisip iyun, tinawag ko si Galdium para tulungan ako sa pagkakahulog ko mula sa kaitaasan.

“Galdium!!!!” sigaw ko. Papalapit na ako sa lupa, ng biglang may sumalo sa akin at tinangay ako sa kanyang likuran, si Galdium sugatan, at kahit sa huling pagkakataon, ay isinagip nya pa rin ang buhay ko, sumadsad kami sa lupa at kitang kita ko na hirap na hirap na si Galdium

Tumawa ng malakas si Dark G. na halos rinig sa buong syudad, mabilis syang lumipad patungo sa kung saan nakahandusay ako at si Galdium at parang may itim nanaman na bola syang binubo samay mga kamay nya, papalapit saamin habang humahalakhak ng malakas, hindi ko alam kung anon a ang gagawin ko, tumayo ako at nagisip ng maari kong gawin pagkalapit nya, nagulat nalang ako na ng malapit na sya ay bigla syang napahinto at parang nakakita ng multo nung Makita nya kami ni Galdium ng malapit, unti unting lumiit ang binuo nyang itim na bola sa kamay nya at parang bigla syang nanghina, inisip ko kung ano ang ginawa ni Galdium, o kapangyarihan ko din ba yun? Hindi ko alam, basta nagulat ako na parang nanghina sya at bigla syang tumalikod at mabilis na lumipad papalayo.

“Hindi pwedeng takasan nya lang tayo ng ganito” sambit ko, tinignan ko kung kaya pa ni Galdium lumipad para masundan ko si Dark G.

“Galdium, kaibigan kaya pa ba?” tanong ko

“Opo, Master, para sainyo po” sagot ng tusong kaibigan kong agila, agad akong sumakay sa likod nya at parang sing bilis ng ilaw lumpiad si Galdium patungo sa tinahak na daan ni Dark G. na parang wala syang sugat. Mabilis, nakita ko na malapit na sa amin si Dark G. kaya’t inutusan kong ipagaspas ang mga pakpak ni Galdium para matangay ng hangin pababa si Dark G. Sobarng lakas ng hangin na nanggaing sa mga pagaspas ng pakpak ni Galdium, tumama ang malakas na hangin sa kalaban kaya’t patuloy ito sa pagkawala sa balanse nya at hindi nalabanan ng hangin, hanggang tuluyan na siyang bumagsak sa lupa

“Galdium, sundan mo ang binagsakan niya” utos kong muli kay Galdium

Pagkadating ko ay nakahandusay sa damuhan si Dark G. walang pakialam habang papalapit ako sakanya kasama si Galdium.

“Eto, eto ang tanggapin mo, hayop ka!” sa sobrang galit ko, may mga apoy na lumabas sa mga kamay ko at ihahagis ko na ito patungo sakanya ng bigla syang nagsalita

“Sandali lang… Wag” sabi nya saakin

Hindi ko alam kung bakit natigilan din ako sa gagawin ko sana, bigla nalang na sinunod ko ang sinabi ng kalaban, napahinto ako sandali at napatitig lang sa nakahiga sa damuhang si Dark G.

“Wag, Joseph, wag!”

Nagulat lalo ako na alam nya pala ang pangalan ko. Bakit?

“Sino ka? At paano mo nalaman ang pangalan ko” sigaw ko sa nagmamakaawa nang si Dark G.

Agad naman akong tumungo sa nakahilatang katawan nya at hinawakan ko ang dawalang kamay nya at tumingin ako sa mga mata nya.

SHIT!. Hindi ako nakapaniwala sa mga nakita ko. Alam na alam ko ang nagmamay ari ng mga matang iyon

Hindi pwede.

Hindi nya kayang gawin to

Hindi sya ito

Hindi sya mananakit ng ibang tao

Hindi ganito ang pagkakakilala ko sakanya

Hindi ganito si Eros

Tumulo bigla ang luha ko habang unti unti kong tinatanggal ang maskara na nakaharang sa muka nya, at ng Makita ko sya, hindi ko alam kung bakit kahit halos mamatay na ako kanina ay nagawa ko parin syang yakapin

“Eros!” sambit ko. Hindi sya nagsasalita hanggang sa inilapit ko ang mga labi ko sakanya at hinalikan ko sya.

“I miss you Joseph, I miss you” sabi nya saakin.

Unti unting natanggal ang mga itim nakabalot sa katawan ni Eros, may mga parang itim na kaluluwa na lumipad sa langit, at nagmula sa iba’t ibang bahagi ng siyudad. Iyo na nga ba ang pagtatapos ng sumpa? Paano? Hindi ko alam kung papaano ko nagawa. Basta sana nga tapos na


At sana mabuhay na kami ni Eros ng tahimik…

Itutuloy...