Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 11

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


"Mr. Silverio, where are you going?"

Hindi sumagot si Philip at patuloy lang siya sa paglakad.

"Pat, sige na sundan mo na siya at kausapin mo" utos ni Borj Araque

Dali-dali akong lumakad at hinabol si Philip. Patuloy ko rin siyang tinatawag ngunit hindi siya humaharap at patuloy din siya sa kanyang paglakad.

Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa naabutan ko siya. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinablot siya.

"Ano ba Sir! Bitawan mo nga ako!"

"Ano ba ang problem Mr. Silverio?"

"Hindi ba obvious?!"

"Kung ano man ang iniisip mo, mali iyan"

"Oo nga. Tama ka nga. Mali nga ang lahat kaya nga aayusin ko na ang bawat gusot na ginawa ko!"

"What do you mean?"

"Just leave me alone. Uuwi na ako sa amin"


Hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong galit nag alit si Philip. Pero bakit naman siya magagalit? Eh di ba siya nga itong nagpapakita ng bagay na ikinaseselos ko. Hinayaan ko nalang siya ngunit sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay nakita ko namang may 3 lalaking nakaabang na parang nag-uusap at tinuturo siya. Inobserbahan ko lang silang 3 hanggang sa malapit ng magtapat si Philip sa kanila ay bigla naman silang kinorner si Philip.

Dali-dali akong tumakbo upang maabutan si Philip. Nakita kong susuntukin na ng isang lalaki si Philip ng hinarap ko ang kanyang kamao. Sapul ang ulo ko at maya't-maya ay nagsitakbuhan sila. Nakita rin nang mge security guards ang nangyari kaya hinabol nila ito. Napahandusay ako sa lupa. Namamaga ang aking mukha sa tinamong suntok ng lalaki.

"Paps!"

"Ok lang ako naks. Ikaw? Ok ka lang ba?"

Sasagot pa sana si Philip ng nasa likuran na rin namin si Borj.

"Pat. Okay ka lang ba?"

Tinulungan ako ni Borj sa pagtayo ngunit iniwan kami ni Philip at bumalik nalang ulit sa loob ng skul.

Pagkatayo ko ay tumakbo na rin ako at hinabol si Philip.

"Mr. Silverio. Please wait for me. I need to talk to you" pasigaw kong tawag sa kanya habang hinihimas ang namamagang mukha ko.

"Naks! Please magusap tayo."

"Ano pa ang pag-uusapan natin? Malinaw na ang lahat sa akin Sir. Okay lang naman sana sa akin na hindi mo ako kayang mahalin pero ang ipaglandrakan mo sa aking mukha ang pagmamabutihan niyo ng ulol na iyon ay iba na ang kwentong iyon"

"Hindi mo ako naiintindihan naks."

"Please tama na ito. Sorry sa lahat na ginawa ko. Mas mabuti na tapusin na natin ito. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako sa mga ginawang kagaguhan ko sa iyo. Pero umaasa ako na sana balang araw ay matutunan mo rin akong patawarin"

"Naks. Hindi sa ganyan. Ang gusto ko lang kas…" naputol kong sambit ng biglang nagsalita ulit si Philip

"Sir. Starting today, please stop calling me Naks"

"Pero.. Na…"

"I saide stop it!"

Umalis si Philip sa harapan ko at tinungo ang parking area. Pumasok siya sa kotse. Hahabulin ko pa sana siya ngunit mabilis niyang pinaandar ang kotse at umalis.

Umuwi rin ako ng bahay at baka sakaling doon siya pupunta ngunit wala si Philip. Naghintay ako. Tinawagan ko siya ngunit hindi siya sumasagot sa tawag ko. Tinatawagan ko siya hanggang sa hindi ko na siya macontact.

Umupo ako sa sala at nag-isip kung ano ang susunod na hakbang. Maya't-maya ay dumating si Prince.

"Kuya. What happened?"

"Ok na ako Prince. Walang problema. Aksidente lang ito"

Lumapit sa akin si Prince at hinaplos niya ang aking mukha. Tumayo siya at kumuha ng ice pack. Nilagay niya ito sa namamagang pisngi ko. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng tinanong ko si Prince.

"Prince. May itatanong sana ako eh"

"Ano po iyon kuya? Tungkol ba kay Philip?"

Sasagot na sana ako ng pinagpatuloy ni Prince ang kanyang pagsasalita.

"Kuya, halatang-halata naman eh. Alam kong mahal mo si Philip. Nagtataka nga ako bakit ka nagkaganyan"

"What do you mean?"

"Kuya naman. Huwag ka na ngang magdedeny pa diyan. Sa umpisa pa lang na nakita ko kayo, alam ko na meron kayong kaugnayan"

"Eh ikaw? Di mob a siya gusto?"

Hindi nakasagot si Prince ngunit kinukulit ko siya para malaman ko rin ang kanyang saloobin.

"Prince. Please be honest with me. Gusto mob a si Philip?"

Huminga ng malalim si Prince. Hinarap niya ako at hinawak ang aking kamay.

"Kuya, huwag kang magagalit ha? Unang kita ko pa lang kay Philip, alam kong mabuting tao siya. Hindi ko nga akalaing ganito pero gusto ko siya."

Hindi ako makapagsalita sa kanyang sinabi. Nagulat din naman ako dahil alam kong lalaki si Prince at chickboy iyon. Ngunit hindi ko naman kayang utusan ang kanyang sarili na pigilan kong saan siya magiging masaya.

"Kelan ka pa naging ganyan Prince?"

"Ewan ko kuya pero masaya ako kapag kasama ko si Philip. Mabuting tao si Philip kuya. Iyon nga lang, minsan naiinis ako dahil palaging ikaw ang kanyang ikinukwento sa akin. Palagi siyang nagtatanong tungkol sa iyo."

"Huh? Bakit naman?"

"Basta Kuya. Please huwag na nating pag-usapan iyan"

"Kuya?"

"Ano iyon Prince?"

"Pwede po bang akin nalang si Philip?"

Tumingin ako sa mata ni Prince para malaman kung totoo ng aba ang kanyang mga sinasabi. Hindi ko lubos maisip at matangap ang kanyang mga sambit dahil na rin ayaw kong mawala sa akin si Philip. Pero ano ng aba ang magagawa ko? Mahal ko nga si Philip pero wala naman akong lakas na loob upang upagmalaki ang ganitong uri ng relasyon.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Prince?"

Nginitian lang ako ni Prince habang patuloy pa rin niya akong ginagamot gamit ng yelo. Maya't-maya ay nagsalita na rin siya.

"Kuya, bakit ang daming bandaid sa leeg mo? Hanggang dito baa ng mga tinamo mong sugat?"

Sasagot pa sana ako ng bigla naman niyang kinuha ang isang bandaid sa kaliwang bahagi ng leeg ko.

"Aray! Shit naman Prince hu!"

"Ay. Sorry Kuya. WOoooooooooo! Parang hindi naman ito gawa sa suntok Kuya ah!"

Tumayo ako sa kauupo at umalis papalayo sa kanya. Hawak-hawak ko na rin ang yelo na dinidiin sa aking pisngi.

"Mind your own business Prince!"

"Hahahaha! Kuya ha! Alam ko kung ano iyan. Markang romansa iyan no?"

"Ulol!"

Nilapitan ko siya at sinapak sa ulo!

"Aray! Kuya naman eh!

"Pasensya na Prince pero sa totoo lang na miss kita talaga bunso"

Habang kinukulit ko si Prince at ginugulo ang kanyang buhok ay bigla naman niyang kinuha ang isa pang bandaid sa kanang bahagi ng leeg ko.

"Shit! Nakakaintindi k aba ng sakit Prince?"

"Woooooooooooooooooo! Another one! Ay sobra naman yata ang pagkakagawa. Isa, dalawa, tatlo, apat, Kuya ang dami! Don't tell me lahat na natatabunan ng bandaid na iyan ay may markang romansa?!"

Sinapak ko ulit si Prince sa sobrang inis dahil sa kanyang kakulitan. Isa pa medyo nahiya na rin ako sa mga natuklasan niya.

"Kuya ha! Sino ang may gawa niyan? Hahaha! Siguro kung sino man ang gumawa niyan alam kong maalab na maalab ang moment ninyong dalawa"

"So what? Ano baa ng.." naputol kong sambit ng biglang may pumasok sa apartment.

"HELLO!" si Philip

"Bro! Saan ka ng galing? Nag-alala agad ako kasi iniwan mo ako kanina. Musta ka? Nasaktan ka ba? Kasi sinabi ni Sir Araque na muntik na ka na raw suntukin ng mga palaboy sa labas. Mabuti na lang at nandyan si Kuya. To the rescue ang DRAMA"

Lumanding agad ang kamay ko sa ulon ni Prince.

"Aray naman Kuya!  Hindi ka pa ba quota niyan? Ang sakit na kaya!"

"Iyan kasi ang mga dapat na maranasan ng mga taong suwail at pakilamero!"

"Talaga? Hmmmmmmm"

"Bakit?"

"Bro, lumapit ka nga dito. May sasabihin lang ako sa iyo"

Tiningnan ko si Prince at parang naamoy ko na ang kanyang balak. Lumapit rin si Philip sa tabi ni Prince ng biglang ininspect niya ang leeg ni Philip.

"AHA!" sigaw ni Prince

"Bakit?" sabay na sambit namin ni Philip

Hindi na sumagot si Prince at kinuha niya ang isang bandaid sa likurang bahagi ng leeg ni Philip.

"Damn! Ano ba trip mo Bro?"

"WOooooooooooo! Don't tell me…." Naputol na sambit ni Prince ng bigla ko namang ipinasok ang hawak-hawak na yelo sa bibig niya.

"Bwaaaaaaaaaaa! Kuya ano ba!"

"Medyo mainit na kasi ang bibig mo parang umuusok sa init kaya nilagyan ko na ng yelo. Tara Philip bili tayo ng makakain para sa panghapunan" sambit ko sabay hatak kay Philip.

Hindi ko alam kong bakit bigla-bigla na lang napalitan ang galit ko kanina sa inasal ni Philip ng kasiyahan. Hindi na rin umimik si Philip at sumabas sa akin palabas. Pero alam ko naman na hindi magpapatalo si Prince at hinabol rin kami sa labas. Nagulat na lang ako ng biglang sumingit si Prince sa gitna namin at inakbayan kaming dalawa.

"Excuse me. Hehehehe! Umamin nga kayong dalawa. Kayo ba?"

Nagtinginan kami ni Philip na parang nangungusap ang aming mga mata. Humahanap ang bawat isa sa amin ng maisasagot.

"Oo!" sagot ko
"Hindi!" sagot naman ni Philip

"Ay! Ano ba iyan! Busted ka kuya?"

Huminto ako sa paglalakad dahil sa nangyari. Humarap din si Philip at Prince sa akin.

"Joke! Syempre naman!" sambit ni Philip

"Hay naku! Parang nagseselos naman ako niyan" si Prince

Ngumiti ako dahil na remedyuhan naman ni Philip ang kanyang sinabi kanina.
"Talaga Phi.." naputol kong sambit

"Ehem! Ganyan ba ang tawagan natin Paps?"

"Ay sorry! Oo Naks!"

"Weeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Paps at Naks? Ang dami namang endearment diyan eh bakit iyan pa ang tawagan niyo?" Ano ba ang significance niyan?"

Tumingin sa akin si Philip na parang humihingi ng basbas ngunit umiling lang ako dahil hindi pa ako handa sa mga bagay na maaring matuklasan ni Prince. Alam ko namang hindi bobo si Prince para hindi niya malaman ito. Syempre ano ba naman ang palaging ginagawa ng magjowa? Iyon nga lang, sa sobrang alab ng aming pagtatalik ay sa hindi tamang lugar pa nangyayari.

"Wala lang. Kasi siyempre Paps for papa ko siya at Naks for Anak niya ako"

"Oh WOW! Kelan pa naging kayo? HOY Kuya ha! Hindi ko akalaing isa ka palang agila!"

Sinapak ko ulit si Prince at kinurot naman siya ni Philip.

"Kuya sobra ka na! Alam kong quota ka na, kanina pa. Pero okay lang naman na kurutin mo ako Philip. Nakakaisa ka pa lang at isa pa handa akong masaktan, mapasaya ka lang"

Tumawa ng malakas si Philip dahil sa sinabi ni Prince.

"Makatang-makata ang dating mo BUNSO! Pero pasensya ka na ha. Akin na kasi si Naks eh"

Humarap sa akin si Philip at nakita ko na parang namumula siya. Namumuo rin ang luha sa kanyang mata. Siguro dahil masaya siya sa mga sinabi ko.

"Talaga paps? Mahal mo na ako?"

"Aaminin ko na sa iyo Naks. OO! Mahal kita kaya nga medyo nagseselos ako sa inyong dalawa ni bunso dahil parang AAGAWIN ka pa niya sa akin eh!"

Tumawa naman ng malakas si Prince dahil sa mga sinabi ko. Maya't-maya ay bigla silang nag-apir.

"See! Sabi ko na sa iyo Bro. Lahat na mga plano ko ay nagkakaroon talaga ng magandang resulta!"

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Prince kay Philip. Ano ba ang plano niya at bakit parang masayang-masaya silang dalawa.

"Aha! Siguro nagkuntsaba kayong dalawa para lang mapaamin niyo ako noh?"

"Kuya nga kita! Alam mo naman lahat na kabalastugan ko pero hindi ka pa rin nadadala!"

Sasapakin ko pa sana si Prince ng biglang tumakbo siya papalayo sa amin.

"Bleeeeeeeeeeeeeee! NAKS at PAPS! WOW! Hahahahaha"

Itutuloy...

1 comment: