Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal Finale

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Kanina pang nagsimula ang program. Gusto ko sanang puntahan si Philip ngunit natatakot ako baka ano ang gawin ni Chancellor.

Ayaw ko namang gumawa ng eskandalo. Isa pa andyan si Prince, katabi nila.

Hindi ko na tinawagan si Philip kaya mas minabuti na itext ko nalang siya.

"Naks. I hope you are doing fine. Pasensya na kung ano man ang nagawa ko sa iyo. Palagi mo lang tatandaan MAHAL na MAHAL KITA! - Paps!"

Nagsimula na ang paghain ng mga pagkain sa table.

Nakita ko rin si Prince na parang may hinahanap. I'm sure ako ang hinahanap ni Bunso.

Nagsimula na rin ang pagtugtog ng banda sa stage.

(Bahala na!) sa isip ko lang.

Hawak-hawal ko ang isang bouqet ng rosas at isinabit ang lobo sa kanang bahagi ng belt ko.

Inayos ko ang aking sarili at siniguro kong secure ang mask.

Dahan-dahan akong lumakad papunta ng stage.

Nakita ko rin si Prince na nakatingin sa akin. Ngumingiti siya at sumenyas na approve. Ngumiti rin ako sa kanya.

Hindi ako nakita ni Philip dahil kinakausap siya ni Chancellor.

Umakyat ako ng stage at kinausap ang isa sa mga nagpapatugtog.

Pagkatapos ng kanta ay ibinigay sa akin ang microphone.

"Good Evening everyone!"

Kitang-kita ko na nakatingin ang lahat na tao sa loob ng covered gym sa akin. Medyo kinabahan ako pero nilakasan ko ang aking sarili.

(Ito na ang huling pagkakataon na maibahagi ko kay Philip ang tunay kong nararamdaman. Bahala na Diyos ko!) sa isip ko lang.


Pinagpatuloy ko ang aking pagsasalita

"Pasensya na sa abala. Gusto ko lang naman ipaabot sa taong ito na mahal na mahal kita! Alam kong nasaktan kita pero hindi iyon ang dahilan upang tapusin natin an gating nasimulan. Sorry kung nasaktan kita pero hindi ko ginusto iyon."

Nakita kong nakatingin si Philip sa akin at si Chancellor ay mukhang balisa. Nakita ko rin si Mrs. Cheng na aprang nalilito. Nakita ko rin si Mr. Araque na nakangiti at pinipilit na kilalanin kung sino ang nagsasalita. Pinagpatuloy ko pa rin ang aking lutanya.

"Aaminin ko! Mahal kita! Kaya kong iwanan ang buhay at kinabukasan ko para lang sa iyo. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. Ibibigay ko sa iyo ang lahat na hihilingin mo. Magalit man sila pero wala na akong pakialam. Mag mukhang tangga na maipaabot ko lang sa iyo na MAHAL na MAHAL kita"

Tumayo si Chancellor pero nakita kong pinigilan siya ni Philip. Kaya umupo si Chancellor at uminom ng tubig. Nakangiti na rin si Prince at si Mr. Araque. Nakita ko rin na nagtilian ang mga students.

"Naks! Para sa iyo, gagawin ko ang lahat!  Mahal na mahal kita! Peksman! Mamatay man"

Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng covered gym. Nagsisigawan ang mga students na parang isang artista ang kaharap nila. Hindi na rin pumalag si Chancellor at ang iba pang kasamahan. Nakita kong tumayo si Prince at si Borj.

Sinimulan ko na ang kanta

Kahit ano basta ikaw
Walang problema
Kahit buhay ibibigay
Ito'y pangako ko sinta
Dahil ayokong malayo sa 'yo
Magmukha man akong gago

Kinuha ko bigla ang mask sa aking mukha. Hindi na ako nahihiya. Handa ako sa anong reaksyon ang matanggap ko sa mga tao dito sa loob ng gym. Wala na akong pakiaalam kung ano ang magiging reaksyon ni Chancellor basta ang importante, handa akong ibigay ang lahat para maipakita lang kay Philip na tuna yang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya!

Pagkat minamahal kita
O giliw ko.

Nagsisigawan ang mga students. Nakita kong nagulat si Philip sa mga ginawa ko. Pinagpatuloy lang ang pagkanta.

Kahit ano basta ikaw
Ay aking susundin
Kahit bituin susungkitin
Wag lang akong mabibitin
Siguro ay wala na akong
Dapat pang ipangamba
Sa ganitong paraan
Di mo na 'ko iiwan pa.

Nakatayo na ang mga students at nagpapalakpakan. May sumigaw pa na "Sir Sandoval! I LOVE YOU!"
Patuloy pa rin ako sa pagkanta

Peksman, mamatay man
Basta't iyong kagustuhan
Hindi magdadalawang isip
Ika'y aking pagbibigyan
Buong oras ko
Iuukol lamang sa 'yo

Bumaba ako ng stage at tinungo ang table nila Philip. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang roses. Pipigilan pa sana ni Chancellor si Philip ngunit kinuha niya ang ibinigay kong roses. Iniabot ko rin sa kanya ang isang pulang lobo.

Bulaklak para sa iyo
Piso tumpok ang bili ko
May kasama pang lobo.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at magkasama kaming umakyat ng stage. Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng gym pero wala na akong pakialam!

Kahit ano basta ikaw
Matutupad ang pangarap
Kahit hirap ay sasarap
Habang ako ay kayakap
Huwag ka sanang maniwala
Sa sinasabi nila
Hindi mo ba nakikita
Sa aking mga mata?

Napatayo lang si Philip at parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Patuloy lang ako sa pagkanta habang hawak-hawak ang kanyang kamay.  Nagsitayuan ang mga tao sa loob ng gym at sumabay sa kanta ko. Nagsimulang mag headbang na rin si Philip na animo'y nagugustuhan na rin ang aking ginagawa. Nakita ko si Chancellor na umalis at may kinakausap na mga guards. Bahala na!

Kinuha na rin ni Philip ang microphone at siya na ang nagpatuloy ng kanta ko.

Peksman, mamatay man
Basta't iyong kagustuhan
Hindi magdadalawang isip
Ika'y aking pagbibigyan
Buong oras ko
Iuukol lamang sa 'yo
Bulaklak para sa iyo
Piso tumpok ang bili ko
May kasama pang lobo.

Nagsayawan na ang mga tao sa loob ng gym. Nakisabay na rin ang mga kasamahan ko. Nakangiti lang si Borj pero bakas naman sa mukha ni Mrs. Cheng ang pag-alala.

Pagkatapos ng kanta ay bumaba kami ni Philip sa stage. Kakausapin ko pa sana siya ng biglang lumapit si Chancellor na may kasamang guard.

"How DARE YOU! You have no right to ruin the event! Get out of here. NOW!" pasigaw n autos ni Chancellor.

Hinatak rin niya si Philip papalayo sa akin. Hindi ko naman binitawan ang kamay ni Philip pero pinigilan kami ng mga guards. Nakatingin ang lahat ng mga tao sa amin. Abalang-abala na rin si Prince at lumapit siya sa amin. Ngunit tumingin ako kay Prince na huwag ng makisabay sa gulo.

"Sir! Mahal na mahal ko ang inyong anak. Kaya kong ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa"

"I DON'T CARE! GET OUT! I don't want to see your face!

Hinatak ako ng mga guards papalabas ng skul.

"Sir, pasensya na po. Pinagutusan lang"

"Okay lang mga Sir. Naiintindihan ko. Huwag na kayong magabala pa. Aalis na rin ako"

Umalis na rin ako ng skul at tinawagan si Philip ngunit si Chancellor ang sumagot ng tawag ko.

"Stop calling my son. Otherwise I will call the police!"


Pinutol ni Chancellor ang tawag ko kaya hindi ko na rin kinulit si Philip. Umuwi ako ng bahay. Hindi ko na kinausap si mama hanggang sa dumating na rin si Prince.

Gusto pa sana akong kausapin ni Prince pero hindi ko na siya pinansin. Natulog na rin kaming dalawa dahil sasabak na ako sa isang pangyayari na maari kong pagsisihan sa bandang huli.

Maaga pa akong gumisng. Mabuti nalang at gising na rin si mama.

"Anak, pwede ba kitang mayakap?"

"Oh, ma bakit naman?"

"Wala lang anak. Siyempre mawawala na ang panganay ko dahil magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya"

"Ma, gustuhin ko mang huwag ng ituloy ang kasal pero andito na eh. Isa lang ang makakapigil nito ma."

Nakagising na rin si Prince at sumali sa aming usapan.

"Kuya, sigurado ka na ba talaga? Paano na si Philip?"

"Prince. Maghihintay ako."

Tinawagan ko si Philip pero hindi ko siya macontact. Nagtext nalang ako sa kanya.

"Naks, ikakasal na ako ilang oras mula ngayon. Maghihintay ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Sana makarating ka. Palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Kaya kung iwanan ang babaeng ikakasal sa akin, sasabay lang ako sa iyo."

"Anak, kung ano ang makapagpapasaya sa iyo, iyon ang sundin mo"

Nginitian ko lang si mama at niyakap ng mahigpit. Lumapit na rin si Prince sa amin at sabay na yumakap na rin.

"Sige, I need to prepare now"

Naligo ako at bago pa naman akong lumabas ng banyo ay sinubukan ko pang tawagan si Philip. Hindi ko pa rin siya macontact.

(Naks! Sana huwag mo akong iiwan. Kailangan kita!) sa isip ko lang.

Pagkatapos kung umayo ay sinabihan ko na sina mama at Prince na mauna ng pumunta sa resort. Garden wedding ang naihandang kasal ko.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay tumingin pa ako sa salamin.

(Naks, asan ka man ngayon, hihintayin kita) sa isip ko lang. Sinubukan ko ulit tawagan si Philip pero nabigo lang ako. Hindi ko macontact si Philip. Kaya tinext ko ulit siya. Naks. Papunta na ako doon sa tagpuan natin.

Tamang-tama at nandyan na rin ang sasakyan na inarkilahan ni mama. Bago pa naman kami dumiretso sa resort ay inutusan ko ang driver na dumaan muna kami sa bar kung saan doon kami unang magkita ni Philip. Hihintayin ko siya dito.

Pagkadating namin sa bar ay bumaba ako. Sirado pa ang bar kaya sa labas na ako naghintay. Huminga ako ng malalim at nanalangin sa Diyos.

"Diyos ko. Kahit sa huling pagkakataon. Bago ko pa naman pagsisihan ang lahat na ito sana kahit isang pagkakataon lang, makausap ko si Philip. Sana pagbigyan niyo po ang kahilingan ko." Mataimtim na panalangin ko.

Tinawagan ko ulit si Philip at salamat sa Diyos dahil napagbigyan niya rin ang huling hiling ko. Sinagot ni Philip ang aking tawag ngunit hindi siya nagsasalita. Wala na akong pakialam kung sino man ang nakasagot ng tawag ko.

"Naks or kung sino man po kayo, gusto ko lang malaman niyo na maghihintay ako hanggang sa huling sandali. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Naputol ang tawag ko. Sinubukan kong tawagan siya ulit pero naka off na ang cellphone niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. (Diyos ko. Ikaw na ang bahala)

Pumasok na ako sa sasakyan at nagpahatid na sa resort. Pagkarating ko sa resort ay pumasok na ako at tinungo ang naihandang altar. Nandoon na rin si mama at si Prince. Hindi naman marami ang tao. Wala pa rin naman si Jessica kaya nag-usap kami ni Prince.

"Kuya, sigurado ka na ba talaga? Pwede pa tayong mag-alibi"

"Prince. Maghihintay ako hanggang sa bandang huli"

Niyakap ako ni Prince at niyakapo ko rin siya ng mahigpit. Maya't-maya ay dumating na rin si Jessica. Kasama ni Jessica ang kanyang Ate. Ang ganda-ganda niya. Nabighani ako sa kanyang kagandahan pero hindi pa rin magbabago ang aking nararamdaman.

Pinikit ko lang ang aking mga mata at mataimtim na nanalangin ulit sa Diyos.

"Diyos ko kung ito na ang ibibigay mong tadhana para sa akin ay lubos kong tatanggapin. Ang huling hiling ko lang sana ay gabayan mo si Philip sa anu mang bagay na gagawin niya. Kung maari lang sana na mapigilan ko ang kasalang ito ay kanina ko pa ginawa pero kung ito talaga ang nakalaan para sa akin ay buong puso kong tatangapin"

Pagmulat ko ng aking mata ay nilapitan ko na rin si Jessica at sabay na naming tinungo ang altar. Dumating na rin ang pari na magkakasal sa amin.

Sinimulan na niya ang misa at pagkatapos nito ay nagstart na rin siya ng kanyang litanya.

"Bago ko pa naman ituloy ang kasalang ito, gusto ko lang malaman kung merong bang tutol sa pagiisang dibdib ni Patrick at Jessica?

Pinikit ko ang aking mata at sana dumating si Philip. (Diyos ko) sa isip ko lang. Naramdaman kung mahigpit na hinawakan ni Jessica ang aking kamay at napamulat ulit ako. Pintagpatuloy na rin ng pari ang kanyang litanya.

"Since walang tutol sa kasalang ito, sisimulang ko na ang aking seremonya"

"Patrick, do you take Jessica as your loving wife. In sickness and in health, in richer or poorer"

Nakatingin sa akin si Jessica at tumingin rin ako sa kanya. Bahagyang tumingin ako kay Prince at nakita kung malungkot siya. Walang salita na lumabas sa aking mga bibig. Inulit ng pare ang kanyang tanong.

"Ahem! Patrick, do you take Jessica as your loving wife. In sickness and in health, in richer or poorer"

Tumingin ako sa huling pagkakataon kay Jessica at nakita ko sa mukha niya na parang magsisimulang mabalisa. Hinarap ko ang pare at ng ibubuka ko na ang aking bibig ay may narinig kaming ingay sa labas.

Sasagot na sana ako ng may malakas na tonog ng motorsiklo ang pumasok at dumaan pa mismo sa red carpet patungo sa altar.

"Anong kaguluhan ito?" sambit ng pari.

Humarap kami ni Jessica sa ming likuran.

Nakita naming isang lalaki sakay ang DT. Naka black leather jacket, maong pants na butas-b utas, naka black helmet, black leather shoes, may bitbit na bulaklak at pulang lobo.
May hawak-hawak na isang nakasindi na sigarilyo sa kanyang kaliwang kamay.

"What the hell! Who are you???!!!!" pasigaw na sambit ni Jessica. Tumayo siya at haharapin ang lalaki ng biglang kinuha niya ang kanyang helmet.

Si Philip…

Bumaba si Philip sa kanyang motorsiklo at tinapon ang kanyang sigarilyo. Tinapakan niya ito at humarap sa amin.

"WHO ARE YOU?!!! You have no right to intrude! GUARDS???!"

Hindi pinansin ni Philip si Jessica. Nagsalita na rin si Philip.

"PAPS! Ano? Sasabay ka ba?"

"WHAT! PAPS? What the hell are you talking about? PATRICK! Do you know this GUY??!!!"

Tumayo na ako at hinarap si Jessica.

"Jess. Sorry!"

Ibinigay ko ang singsing kay Jessica. Hinanap ko si Prince ngunit hindi ko siya nakita. Tumingin ako kay mama at nakita kong masayang-masaya siya. Sumenyas si mama ng approve. Sumakay ako sa motorsiklo at sumakay na rin si Philip sa likuran ko.

"Naks! What took you so long?"

Niyakap lang ako ni Philip. Maya't-maya ay tumunog ang isang malakas na sounds. Tumingin ako sa pinangalingan ng sounds at nakita ko si Prince. Pinatugtog niya ang kinata ko kagabi sa gym.

Humarap rin ako kay Jessica.

"I'm so sorry Jessica"

"Tara na Paps!"

PInaandar ko ang motorsiklo at umalis sa resort. Patuloy lang ang pagtugtog ng music at ramdam ko ang pagyakap ni Philip sa akin.

"Diyos ko. Salamat at pinagbigyan mo ako ng pagkakataong makasama ang naks ko. Maraming salamat dahil tinugunan mo  ang aking hiling. Buong puso kong tatangapin ang piniling tadhana. Ang tadhana na magiging masaya sa piling ng Bawal na Pag-Ibig. Salamat Panginoon"

Patuloy lang ako sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang importante ay kasama ko ang naks ko. Mas lalong hinigpitan ni Philip ang kanyang pagyakap sa akin.

"Paps! Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Mas lalo na ito" sambit ni Philip sabay hawak sa kargada ko.

"Naks. Sabi ko nga sa iyo. Ibibigay ko lahat para lang sa iyo. Peksman, mamatay man"

The End…
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa Resort…

"Philip.. Anak???!" pasigaw na sambit ng Chancellor.

"Excuse me! Who are you?" tanong ni Jessica

"I'm looking for my son. I know he went here to get the groom"

"BULLSHIT! Is he your damn son!"

"Hindi pa ako tapos! Pagbabayaran ito ng anak mo!"

Umalis si Jessica. Patuloy pa rin si Chancellor sa paghahanap kay Philip.

Sinubukan niyang tawagan si Philip ngunit hindi siya sinagot ni Naks.

Aalis n asana si Chancellor ng biglang…

"Peter?"

"Peter Silverio?"

Humarap si Chancellor sa taong sumambit ng kanyang pangalan.

Nagulat si Chancellor ng nakita niya kung sino ang nagsasalita.

"Martha?"

Lumapit si Chancellor para siguraduhin kung tama nga ang hinala niya.

"Martha! Mahal ko!"

"Martha. Saan ka nagpunta? Matagal kitang hinanap."

"Peter. Sinubukan kong hanapin ka bago ako ikinasal."

"Nandoon ako ng ikinasal ka Martha. Ang sakit-sakit da…" naputol na sambit ni Chancellor ng bigla siyang niyakap ni Martha.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng biglang lumapit si Prince.

"Ma?"

Humarap si mama kay Prince at nakita niyang nagulat ito.

"MA? Magkakilala kayo ni Chancellor Silverio?"

"Anak Prince.. Siya ang tinutukoy kong lalaki na minahal ko bago pa naman kami ikinasal ng papa mo. Ama siya ng kuya mo."

"Huh? Ano Martha?"

"Oo Peter. Ang panganay kung anak na si Patrick. Anak mo siya. Buntis ako at ikaw ang ama bago pa ako ikinasal kay James"

Sumigaw si Prince sa natuklasang balita.

HINDI MAARI……………………………….. Magkapatid SILA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!



Author's Note:



Thank you for reading the story. Siguro masasabi ko na may mga ups and downs ang kwentong ito pero sa bandang huli maalab pa rin ang magiging relasyon nila. I believe that love begets love as long as it is done with two persons. Astig kong mahal has the most views among the three stories. I'll be waiting for the feedback of the last chapter. This will be my basis to continue the story for the book 2. Thanks and Happy heart's day everyJUAN!

No comments:

Post a Comment