Wednesday, January 30, 2013

Against All Odds Book 2: 22

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Kahit mag-iisang oras ng nakahiga si Ryan sa kaniyang kama at kahit medyo napagod siya sa paglabas nila ni Dan nung gabing iyon ay hindi parin magawa ng kaniyang mga mata na sumara at mahimbing ng makatulog. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa kaniyang isip ang magandang ngiti ni Dan, ang malalambot na kamay nito, ang boses nitong musika sa kaniyang pandinig at ang ugali nitong hindi papadaig sa kaniya sa tuwing sinisinghalan niya ito.

Hindi rin maalis sa kaniyang isip ang halos pagdampi ng mga labi nila at ang tila ba pag-aalinlangan ni Dan na lubos niyang ipinagtataka. Ito ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa kaniyang pinto. Hindi niya ito sinagot, iniisip na baka ang kapatid niya lamang ang nasa labas at mangungulit lamang ito kapag pinagbuksan niya kaya naman laking gulat niya nang marinig niya ang marahang pagtawag sa kaniyang pangalan ni Dan.

“Ryan?” nagaalangang tawag ni Dan na ikinabalikwas ni Ryan sa pagkakahiga sa kama.

“I-I'm sorry to w-wake you up. I'll c-come back tomorrow--- I'm sorry.” nauutal na saad ni Dan sabay tatalikod na sana nang pigilan siya ni Ryan.

“It's OK, Dan. Di rin naman ako makatulog---uhmm--- tuloy ka---” saad ni Ryan na nagtulak kay Dan na pumasok sa loob ng kwarto ng huli.



0000oo0000


Namumula ang pisngi, hindi mapakali at nakatitig lang sa kaniyang mapuputing paa. Ganyan ang itsura ni Dan sa loob ng maglilimang minuto nang asa loob ng kwarto ni Ryan, habang si Ryan naman ay matiyagang nagaantay ng sasabihin ni Dan habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Maaaring tumagal ng isang buong magdamag ang dalawa sa ganitong tagpo na hindi napapansin ng mga ito.


“---uhmm--- I-I like to ask y-you something that's why I-I'm here.” simula ni Dan na siyang gumising kay Ryan sa pagtitig sa mga mukha nito.


“OK.” marahang pagpayag ni Ryan sa gustong mangyari ng huli.


“W-why did you hold my hand the whole night while we were at the park and inside the cab? Why do you act like a jealous boyfriend and were you about to kiss me earlier at the front door?” lakas loob na sunod sunod na tanong ni Dan sa gulat na gulat at natatamemeng si Ryan.


“Uhmmm--- I just felt like holding your hands---” simula ni Ryan pero agad din siyang pinutol sa pagsasalita ni Dan.


“Please---” pagmamakaawa ni Dan. Kitang kita ni Ryan na gumugulo ito ng sobra kay Dan kaya naman umamin na rin siya.


“I-I like you, Dan.” pag-amin ni Ryan sabay buntong hininga.


“Like?” pagkukumpirma ni Dan.


“Yes. I like you. I was attracted to you since the first time I saw you. Pinigilan ko lang yung sarili ko because I was seeing someone at the time. I tried hiding it by being an ass to you which is a convenient cover since I was trying sooo hard to be an ass to my brother so our parents would think that I hate being here and I want to transfer back to my old school but you were acting so cute all the time that it makes my heart melt whenever I try being an ass to you, you kept on being so sweet even when I'm pushing you away that I can't help but like you even more---” sunod sunod at mabilis na pag-amin ni Ryan habang nakatingin ng daretso sa mga mata ni Dan.


“But you're still involved with someone else.” singit ni Dan na siyang gumulo sa isip ni Ryan.


“What?” tanong ulit ng huli.


“I saw you kiss this guy a few blocks away from Gustav's.” paglilinaw ni Dan sa kaniyang gustong iparating.


Saglit na natigilan si Ryan, hinahalungkat ang sariling utak kung kailan maaaring naganap ang pangyayaring iyon na tinutukoy ni Dan. Kumain pa ng ilang saglit bago pumasok sa isip ni Ryan ang huling paghahalikan nila ng lalaking minahal niya ng ilang taon.


“That kiss is the last kiss we shared, Dan. I broke it off with him since I realized that I like you.” sinserong sagot ni Ryan. Ang sinseridad na ito ni Ryan ay hindi nakaligtas kay Dan, kitang kita ito ni Dan sa mga mata ng huli, basang basa sa mga labi nito at dinig na dinig sa boses nito.


“Is that why you kept on pushing me away this past few weeks?” tanong ni Ryan atsaka dahan-dahang tumayo mula sa kaniyang kama at unti-unting lumapit kay Dan na hindi makapaniwala sa kaniyang mga naririnig.


“I don't want to get into trouble if ever you're still in a relationship. I don't want to ruin things between you and that guy---” hindi na naituloy pa ni Dan ang kaniyang mga gusto pang sabihin nang ilapat ni Ryan ang kaniyang hintuturo sa mga labi ng huli.


“Does that mean you like me too?” pabulong na saad ni Ryan saka idinikit ang kaniyang katawan sa katawan ni Dan. Namula ang mga pisngi ni Dan, alam niya kasing wala na siyang kawala pa at ang tangi na lang niyang magagawa ay ang umamin, wala rin sa sariling napayuko si Dan, hindi maisalubong ang kaniyang tingin sa mga tingin ni Ryan at nagtense din ang kaniyang buong katawan dahil sa lapit nila sa isa't-isa.


Marahang inabot ni Ryan ang mukha ni Dan at marahang itinaas ang tingin nito pasalubong sa kaniyang mga tingin. Tumango si Dan bilang sagot sa tanong ni Ryan na ikinabilis ng tibok ng puso ni Ryan na tila ba nagtulak kay Ryan na isalubong ang kaniyang mga labi sa mapupulang labi ni Dan.

0000oo0000


“Where the hell did you sleep last night?!” bulaga ni Bryan na nagdulot sa magkatabi at magkahawak kamay na si Dan at Ryan na mapatalon palayo sa isa't isa.


“Uhmmm I fell asleep at the couch. I couldn't sleep last night after talking to you so I decided to watch the T.V. and fell asleep on the couch.” nauutal na sagot ni Dan habang humaharap dito, hindi pinapahalata ang kakaibang paglapit ng kanilang mga katawan ni Ryan kanina sa kakambal nito.


“Yeah right.” naniningkit matang pambabara ni Bryan kay Dan na ikinamula ng mga pisngi ng dalawa.


“I'm hungry. What's for breakfast?” biglang singit ni Bryan na ikinahagikgik ni Ryan at ikina-iling na lang ni Dan matapos nilang magpalitan ng isang makahulugang tingin.


“You two are being weird.” singit ulit ni Bryan sabay kagat sa hawak hawak na pandesal nang mahuli niya ang dalawa na nagpapalitan ng makahulugan na tingin. Nang hindi nakasagot ang dalawa ay muling nagsalita si Bryan.


“Are you guys fucking each other now?” walang prenong tanong ni Bryan na ikinasamid ni Ryan at ikinalambot at ikinamutla naman ni Dan.


“DUDE!” “BRYAN!” sabay na saad ni Dan at Ryan nang makabawi sa gulat.


“That's none of your business---” “Stop being a jerk---” sabay ulit na protesta ng dalawa na tumagal pa ng ilang saglit. Sa dinami dami ng sinabi ng dalawa ang lahat naman ng iyon ay idinaan na lang ni Bryan sa pagkibit ng balikat.


“HOLD YOUR HORSES! I was just asking you know! Dami dami niyo ng sinabi.” kaswal na sagot ni Bryan saka nagpatuloy sa pagkain, muling nagkatinginan si Dan at Ryan.

0000oo0000

“DAN! ANDITO NA SI BRYAN!” sigaw ng gwardya ng Gustav's pagkatapos ng shift ni Dan.


“MANONG! HINDI SI BRYAN YAN! SI RYAN YAN.” humahagikgik at namumulang pisngi na saad ni Dan habang inaayos ang kaniyang mga gamit bilang paghahanda bago umuwi. Ang totoo niyan nung wala ng pumapasok na customer ay tinapos na lahat ni Dan ang kaniyang dapat gawin at tumambay na sa tapat ng bintana kung saan kitang kita niya ang gate kung saan madalas siyang sunduin ni Bryan dati at ngayon ni Ryan. Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita niya ang papalapit na si Ryan, hindi mapigilan ng kaniyang puso ang tumibok ng mabilis at hindi mapigilan ang sariling mga paa na manginig dahil sa antisipasyon.


Ang mga nakakatuwang bagay na ito ay hindi nakaligtas kay Jase na alam na alam ang ganoong pakiramdam lalo pa't dalawang beses na niya itong nararamdaman.


“Ipakilala mo nga sakin yang kinahuhumalingan mo kaya ka hindi mapa-pirmi dito sa restaurant nang makilatis at para malaman kung karapat dapat ba siyang ika excite mo.” nakangising saad ni Jase sa likod ni Dan na ikinagulat nito. Nang makita kung sino ang nagsalitang ito ay agad na ngumiti si Dan.


Hindi ikinakaila ni Dan sa kaniyang boss ang tungkol sa kaniyang sekswalidad dahil alam naman niyang maiintindihan ito ng huli kaya naman hindi magiging mahirap sa kaniya na ipakilala dito si Ryan.

0000oo0000

Hindi na pinansin pa ni Dan ang mapanuring mga mata ng gwardya na hindi parin naniniwala na siya si Ryan at hindi ang kakambal niyang si Bryan na madalas nitong kakuwentuhan dahil abala na siya sa pag-iintay sa tanging tao na kaniyang ipinunta doon. Si Dan. Iniintay ang oras na bumukas ang kulay itim na pinto na siyang nilalabasan ng mga nagtratrabaho doon sa restaurant na iyon.


“Hindi ka ba talaga si Bryan?” tanong ulit ng gwardya na ikinahagikgik naman ni Ryan.


“Hindi po, manong. Kapatid ko po yun.” nakangiting saad ni Ryan na ikinakunot ulit ng noo ng gwardya, hindi nagtagal at tila ba naniwala na ito kaya naman tumango-tango na ito.


“Oo nga, hindi ikaw si Bryan, hindi ka madaldal eh.” saad naman ng gwardya sabay talikod kay Ryan na tila ba wala na itong gana dito makipag-usap na ikinailing na lang ni Ryan, iniisip ang mga klase ng mga tao na kinakaibigan ng kaniyang kapatid ay mas matindi pa ang sapak kesa sa kaniya.


Nang sa wakas ay narinig na ni Ryan ang pagpihit ng door knob ng itim na pinto na iyon ay biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Dahan dahan siyang humarap sa gawi ng pinto at pinanood itong bumukas. Nang makita niya ang nakangiting mukha ni Dan ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti pa lalo ng malaki.


Pero ang ngiting iyon ay unti-unting nahupa nang makita niyang may kasama si Dan.

0000oo0000

Nangunot ang noo ni Dan nang makita niya ang sasalubong sa kaniya na si Ryan ay nakasibanghot ang mukha at halos mag-dikit na ang nguso at ang matangos na ilong nito. Hindi rin nakaligtas kay Dan ang nakatiklop nitong mga malalaking braso sa dibdib at ang pagtapik ng kaliwang paa nito sa lupa kung saan siya nakatayo.


“Hi Ryan!” nakangiti paring bati ni Dan kahit pa naniningkit ang tingin nito sa kaniya.


“Uwi na tayo.” malamig na balik ni Ryan saka lalong nanghaba ang nguso na hindi naman nakaligtas kay Jase na alam na alam na ang kilos at tingin na iyon.


“Yup uwi na tayo---” masayang simula parin ni Dan sa kabila ng malamig na salubong sa kaniya ni Ryan. “---but first I have to introduce you to my boss, sir Jase, this is Ryan, Ryan si Sir Jase.” pakilala ni Dan kay Jase at Ryan.


Tila naman bumalik sa pagkabata si Jase at muling lumikot ang isip nito para gumawa ng isang kalokohan. Nang i-abot ni Ryan ang kaniyang kamay kay Jase ay hinila niya ito payakap sa kaniya at binulungan. Ang lakas ng bulong na iyon ay sapat lang para sa kanilang dalawa, malayo para sa mga tenga ni Dan.


“Huwag na wag mong sasaktan si Dan or I swear you'll never have him.” may lason na sabi ni Jase kay Ryan na natigilan pa saglit.


“Never. I'll never hurt him.” balik naman ni Ryan saka agad siyang pinakawalan ni Jase upang hindi na mahalata pa ni Dan ang kanilang palihim na paguusap.


“Nice to meet you, Ryan.” nakangisi pero matalim na tingin na sabi ni Jase kay Ryan.


“Same here.” matipid na balik ni Ryan.


“See you tomorrow.” baling naman ni Jase kay Dan sabay yakap ng mahigpit dito na ikinagulat ni Dan, hindi na siya nagdalawang isip pa na ibalik ang yakap na iyon ni Jase dahil alam niyang wala itong intensyon na masama sa kaniya. Itinuturing na niya ito at ang nobyo nito bilang mga nakatatandang kapatid na hindi na kailangan pagdudahan pa ang intensyon. Hindi man ito maipaliwanag ni Dan sa sarili, pero pakiramdam niya ba ay alam nila Jase at ng nobyo nito ang kaniyang pinagdaanan kaya naman alam niyang hindi sila nito sasaktan.


Kinuwa ni Jase ang pagkakataon na ito upang lalong asarin si Ryan na alam niyang inis na inis na sa kaniya. Tumingin siya sa naka sibanghot na mukha ni Ryan at nag-make face. Agad namang namula ang mukha ni Ryan dahil sa galit at hindi nga nagtagal ay pinutol na niya ang pagyayakapan ng dalawa.


“Ehem. I would like to go home now.” malamig na saad ni Ryan.


0000oo0000


“Hey. Why are you so quiet?” tanong ni Dan nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ni Ryan nang makasakay na sila ng dyip pauwi.


“Nothing.” matipid at tila isang batang natatakot na sagot ni Ryan.


“C'mon. You can tell me.” nagaalala ng pagpupursigi ni Dan kay Ryan sabay simpleng abot ng kamay nito na pinakamalapit sa kaniya. Hindi mapigilan ni Ryan na mapatingin sa malambot na kamay na iyon ni Dan na siyang bumabalot sa kaniyang kamay. Ang paghawak na ito ni Dan sa kamay ni Ryan ang nagtulak sa huli na itanong na ang bumabagabag sa kaniya.


“D-do you like him also? I-I m-mean do you like him like the way you like me?” parang bata ulit na tanong ni Ryan kay Dan na ikinagulo man ng isip ni Dan ay ikinabahala niya rin dahil kitang kita niya ang pangamba sa mga mata ni Ryan.


“Huh?”


“Your boss. Do you like him like the way you like me and like the way I like you or are you just really close to him?” paglilinaw ni Ryan. Saglit na naguluhan si Dan pero nang makuwa na niya ang ibig sabihin ng huli ay hindi niya napigilan ang sarili na mapangiti.


“Is that why you're so cold to him earlier?---” simulang tanong ni Dan, pinipigilan ang sarili na mapatawa ng malakas. “B-because you're jealous?” nauutal na pagtatapos ni Dan dahil sa pinipigilang tawa.


“Who wouldn't be?! I mean, He's rich, he's handsome he has everything every gay guy would want---” nababahala paring simula ni Ryan na agad namang pinutol ni Dan.


“Hey. He might be rich, handsome and everything a gay guy could ask for but I still don't like him the way I like you because he's not you---” simulang pagpapapanatag ng loob ni Dan kay Ryan. “---and besides, Sir Jase is so in-love with his boyfriend it's not even funny anymore.” paniniguro pa ni Dan kay Ryan na tila naman unti-unti ng nagigising sa kaniyang katangahan.


“H-he told me that I'll never have you if—if---” simula ulit ni Ryan sa isa pa sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Napa-iling na lang si Dan sa sinabing ito ni Ryan, iniisip na dahil sa gusto siyang protektahan ni Jase ay pinagbantaan pa nito si Ryan na ikinakabagabag naman ng loob ni Ryan.


“Shhhh--- he's just bluffing, Ry.” nakangiti ng paniniguro ni Dan kay Ryan na hindi naman napigilan ang sarili na madala sa mga ngiting iyon ni Dan.


“So are you OK now? Di na magdidikit yang nguso at ilong mo?” sunod sunod na tanong ni Dan na ikinamula ng pisngi ni Ryan.


“Yes. I'm going to be OK.” sagot ni Ryan atsaka sila muling nagpalitan ng ngiti. Ang mga magagandang ngiti na iyon ang nagbigay ng isang magandang ideya kay Ryan na siya namang nagtulak sa kaniyang susunod na gagawin.


“Manong para!” malakas na saad ni Ryan na ikinataka ni Dan at ikinatigil naman ng kanilang sinasakyang dyip.


“Pero hindi pa tayo dito bababa, Ry.” pigil naman ni Dan.


“Basta!” parang batang excited na excited na saad ni Ryan sabay hila pababa kay Dan ng dyip.


0000oo0000


“Time for a change of scenery.” nakangiting saad ni Ryan sa takang taka parin na si Dan habang naglalakad sila papasok sa isang ferry.


“I don't think this is something to be called a scenery.” kunot noong saad ni Dan saka iginala ang tingin sa paligid ng ferry kung saan madaming batang kalye na nagkalat malapit sa daungan ng ferry pati narin ang gabundok ng basura na amtagal ng hindi nakokolekta malapit sa pinaglalaruan ng mga batang ito. Narinig ni Dan na humagikgik si Ryan kaya't tinignan niya ito ng mariin.


“Believe me it'll get better.” matipid na saad ni Ryan sabay pisil sa kamay ni Dan na ikinangiti at ikinamula ng pisngi ng huli.


Hindi nagtagal ay umandar na nga ang ferry, hindi nagtagal at nag-iba na nga ang paligid, andyan ang mga likod ng isang malaking paaralan, mga tulay na puno ng kotse dahil sa trapik, mga tore ng simbahan na hindi niya napapansin kung sa dyip siya nakasakay pauwi at mga likod ng nagtataasang building na ibang-iba sa harapan nito dahil sa natatakpan ito ng mga naglalakihang billboards sa high way. Mukha man itong ordinaryo ay kakaiba ito para sa nakasanayang tagpo ni Dan, hindi niya inakala na makikita niya ang kagandahan ng mga ito sa ibang anggulo.


“Wow.” saad ni Dan na ikinangiti na lang ni Ryan.


“There's more.” saad ni Ryan na lalong ikinangiti ni Dan.


“There's more?” parang batang hindi makapaniwalang tanong ni Dan na ikinatango naman ni Ryan.


“Look.”


Pagkalingon ni Dan sa bintana ng ferry ay hindi niya napigilan ang sarili na mamangha. Ang bahagi na iyon ng ilog ay walang kahit na anong gusali na nakatayo, napanatili ng kung sino mang nangangalaga dito ang mga puno at halaman na karaniwang makikita sa tabi ng ilog sa mga probinsya. Lalong nanlaki ang mga mata ni Dan nang makita niya na tila ba sinilaban ang isa sa mga matataas na puno na iyon dahil bigla itong nag-ilaw.


“Those are not christmas lights either.” bulong ni Ryan sa manghang mangha na si Dan. Ilang pulgada lang ang layo ng bibig ni Ryan mula sa tainga ni Dan kaya naman gulat na gulat si Dan na humarap kay Ryan dahil akala ng huli ay malayo ito sa kaniya.


Nang biglaang humarap si Dan ay agad na nagtama ang tingin ng dalawa. Saglit lamang ang itinagal ng titigan na iyon dahil wala sa sariling inabot ni Ryan ang mukha ni Dan at dahan dahan na inilapit ang kaniyang mga labi sa labi ng huli. Sabay na napapikit ang dalawa bago pa man magsalubong ang labi ng mga ito.


Nang magtama ang labi ng dalawa ay hindi nila mapigilang maramdaman ang mabibilis na pagtibok ng kanilang mga puso, ang pakiramdam na tila ba ang kanilang ginagawang iyon ay isa sa bagay na kanilang matagal ng pinkahihintay. Hindi lang maalab ang halikan na iyon, punong puno din ito ng emosyon at walang pagaalinlangan.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment