Wednesday, January 30, 2013

Huling Gabi Bago Ang Palabas (Complete)

Huling Gabi Bago Ang Palabas
Part 1 at Part 2 (Last Part)


[Part 01]
"I love you."

Pati ako nagulat n'ung lumabas ang mga salitang ‘yun sa bibig ko. Hindi ko na lang pinahalata.

Natigilan din si Kiko, saka umubo-ubo. Nahirinan yata.

Lahat ng mga kaklase namin eh natigilan din. Tumahimik bigla 'yung hilera ng table na kina-uupuan namin sa canteen.

"Huwag ka ngang ganyan," ang sabi ni Ella, sabay subo ng kinakain niyang adobo. "Baka mamaya may ibang makarinig sa 'yo, kung ano pa ang isipin," ang dagdag pa n'ya.

Natawa ng kaunti si Kiko, sabay inom ng tubig. "Buti na lang sanay na ako sa iyo. Kung hindi baka atakihin ako sa puso."

Tumahimik na lang ako at walang ekspresyon ang mukha na bumalik sa pagmememorya ko ng script.

"ANTIGONE" by Jean Annouilh. Ito ang produksyon nang aming University Theater group sa taong ito.


Alam naman ng mga classmates ko ‘yung eksenang minememorya ko. Ako si Haemon, ang anak na Prinsipe ni Creon, ang bagong Hari ng Tebas. Umiibig ako kay Antigone, ang rebeldeng anak na dalaga ng dating haring Edipo. Si Antigone ay nakababatang kapatid ni Ismene na siyang napili ng aking mga magulang upang aking maging kabiyak. Pero hindi matuturuan ang puso ng isang prinsipe, at handa siyang ipag-laban ang pagmamahal niya kay Antigone.

Gaya na rin ng matatag na paninindigan ni Antigone na ipaglaban ang karapatan ng kanyang mga namatay na mga kapatid na magkaroon nang matahimik na kaluluwa sa kabilang buhay. Ito ang dahilan kung bakit niya sinusuway ang utos ni Creaon na pagkaitan ng libingang bangkay ng isa sa kanyang kapatid matapos itong mamuno sa isang malawakang pag-aalsa laban sa Tebas.

"T'was my father who made the choice, not I. My heart beats only for you," ang sabi ko nang pabulong, habang parang nagko-concentrate ako na nakatutuk ang mata sa harapan ko. Paminsan minsan ay sinusulyapan ko si Kiko.

Hindi na ako pinapansin ng mga kaklase ko.

Hindi na rin ako pinansin ni Kiko. Itinuloy na niya ang pagkain.

"Alam mo, kumain ka na kaya," ang sabi ni Hope. "Nalilipasan ka na yata."

"You send me to where my heart does not wish to be," ang sagot ko kay Hope na parang naiiyak. "Ismene is but like a sister to me. I wish to be your protector," sabay bigay ng script kay Kiko na umiinom na ng tubig.

"Buti naman tapos ka na," ang sabi ko na medyo seryoso. "Dali, throw lines tayo."

"Mamaya na pag rehearsal," ang sagot n'ya.

"Ikaw ang SM," ang paalala ko sa kanya. "Kasama sa trabaho mo ang tulungan akong mag-memorya. Dali, basa!"

"A married life is not for me. For I have chosen a path only I can take," ang sabi ni Kiko habang binabasa ang lines. "Go to her."

"Let me follow you," ang sabi ko na nag susumamo.

"We all have roles to play in our lives. And we must all play them to the end. Just as your father must play the King and enforce the law, so has it fallen to me to protect my kin. Your role is to marry Ismene. To be a husband to her, and to inherit your father's crown. Take your lot in life and live with contentment."

"You lie, for you love me too," ang sagot ko kay Kiko.

"I know. And that is what makes our story sad…" ang sagot naman ni Kiko habang binabasa ang linya ni Antigone.

Ang cheap ng thrill ko, noh.

But at least, and let me point this out, no one will accuse me of not attempting to make my fantasy a reality.

Kina-career ko talaga ang tragic persona ni Haemon. In all things, nakaka-identify ako sa kanya. In preparation for my role, i walked around the campus with a tortured look on my face.

Kung minsan, hinahayaan kong medyo magulo ang buhok ko, tapos parang laging nag-iisip.

"Ano na naman ang nahitit mo?" ang laging pabirong bati sa akin ni Kiko. Ewan ko kung naaliw siya sa gimik ko, o talagang concerned lang siya.

At least, masaya ako na lagi kong kuha ang attention n'ya.

Tatlong taon na kaming magkasama ni Kiko sa Teatro. Nag-umpisa kami na parehong assistant stage managers. N'ung katagalan na, eh hindi na nabibigyan ng roles si Kiko. Talaga yatang wala siyang talent sa acting.

Pero magaling siya sa ibang bagay. Marunong siyang magtimpla ng kulay ng mga ilaw at mag-design ng gobo. Maganda rin ang mga nade-design niyang mga stage at furniture props. Pero ang talagang talent ni Kiko ay sa stage management. Nang tumuntong na kami sa Third Year, siya na ang resident Stage Manager namin.

Sinubukan kong sumawsaw sa trabaho niya pero madalas akong pumalya. Matapos ng isang produksiyon, ayaw ko na.

"Umarte ka na lang," ang sabi pa niya sa akin n'un. "Pa-iilawan na lang kita kay Jun nang magandang-maganda."

Lumulukso ang puso ko kapag nagsasalita siya ng mga kagaya nun. Kahit pabiro, sineseryoso ko ang mga yun.

Taga-Zamboanga si Kiko, kaya likas na malambing. Halatang-halatang nalahian ng Kastila ang dugo nila. I love his big light brown eyes at ang lips niya na medyo manipis. Tuwang-tuwa ako kapag ngumingiti siya dahil hindi niya ibinubuka ang labi niya. Nagmumukha tuloy siyang pilyong bata.

Kapag sobra na siyang natatawa, eh pipikit na lang siya at saka tutungo.

Hindi rin masyadong masalita, ‘di gaya ng karamihan sa mga laking-Maynila na masyadong opinionated. May breeding talaga ang probinsiyanong ito. Napaka-polite. Napaka-pino.

Natawa nga ako nung minsang nag-Chavacano siya habang kausap niya ang sister n'ya sa cell phone. "Parang halo-halong bisaya, Ilonggo at Spanish ang narinig ko, ah," ang sabi ko pa.

Hindi naman artistahing gwapo si Kiko, pero tama lang ang timpla ng pagka-mestisuhin n'ya. Hindi siya dapat mag-exert ng effort para maging malakas ang appeal. Kahit sa pagdadamit, hindi siya maporma. Sa simpleng puti itim na de kuwelyo, lutang na agad ang kakisigan n'ya. Kampante si Kiko sa sarili niya kaya kaya niyang dalhin ang kahit ano'ng suot niya. Hindi niya iniisip kung ano ang isusuot niya. Kung ano ang nahablot niya sa cabinet n'ya, 'yun na 'yon.

Kahit ang buhok niya, hindi sunod sa uso. Pagkatapos naming mag CMT, pinahaba na niya ito. Natural siyang kulot at balingkinitan ang katawan. Bilugan ng kaunti ang mga pisngi n'ya, at may malalalim na biloy sa magkabila kapag siya ay ngumiti. Kaya pag nakita mo siyang naglalakad sa malayo, iisipin mo tomboy. Mabuti na lang ngayun at medyo hinahayaan na niyang magka bigote at goatee siya nang kaunti. Kung minsan, gumagamit siya ng leather na tali para i-pony tail ang buhok niya.

But what makes him truly endearing eh yung kanyang peaceful nature. Para s'yang malamig na hangin sa gitna ng summer.

Tuwang-tuwa nga ang mga ka-klase naming babae sa kanya dahil ang dali niyang madrastahin. Hindi siya pumapatol kapag inaaway siya ng babae nang walang kadahi-dahilan. Utusan mong bumili nang meryenda at susunod lang siya. Ito naman ang dahilan kung bakit paborito siyang biruin ng mga girls.

Paborito rin siyang imbitahing escort sa mga parties kapag walang ka-date ang mga babae naming classmates.

Ang mga mata ni Kiko ang bumubuhay sa buong mukha niya. Nasanay kasi siya na makipag-titigan sa kausap niya. Hindi niya ‘yun consciously na ginagawa. Kahit kapag may pinag didiskusyunan kayo sa libro, titingin lang siya sandali sa libro, bago titingin uli sa ‘yo. Basta't hindi tapos ang usapan ninyo, hindi niya aalisin ang tingin niya sa mata mo.

Kung may sasabihin ka sa kanya, tititigan ka rin niya sa mata. Mararamdaman mo na para bang napaka-importante mong tao, at mahalaga ang mga sasabihin mo.

Pamatay ‘yun. Kahit teacher namin sa Math, kinikilig sa mga mata ni Kiko.

Minsan, tinitingnan ko siya kapag naka-suot siya ng ear monitor sa backstage at matamang sinusundan ng mga mata niya ang script, gusting gusto ko siyang halikan.

Simpatiko at charming. ‘Yun na siya.

Hindi naman talaga umiinog ang buhay namin sa kanya. May kanya-kanya kaming buhay, at mga relasyon. Natutuwa lang talaga kami kay Kiko kapag kasama namin siya. Kung wala siya sa paligid-ligid, hindi naman naming siya hinahanap, o nami-miss.

At least, ‘yun ang paniniwala naming lahat, hanggang ‘nung may i-announce si Direk nuong n'ung Dress and Technical rehearsal naming.

"Let us all thank Francis for having been an excellent Stage Manager," sabi ni Direk, na sinundan naman ng palakpakan naming. "This will be his last project with us."

Pare-pareho kaming natigilan.

Ngumiti lang si Kiko, na parang nahihiya.

"Bakit naman?" ang tanong ni Hope.

"Pauwi na kasi ako sa Zamboangga pagkatapos ng semester. Duon na rin ako tutuloy na mag-aral," ang sabi niya. "Kailangan kasi, para makatipid. Tsaka nasa Hospital si Papa namin. Mas mabuti na nanduon kami lahat."

Bumagsak ang energy ng ilan sa amin. Lalo na ako. "Isang taon na lang naman, eh," ang bigla kong nasabi. "Dito mo na tapusin dahil sayang naman."

"Gusto ko nga sana," ang sabi niya na nakangiti, "kaso na-settle na namin ng sister ko."

Tumahinik ulit ang grupo.

"Gusto mo ampunin ka namin?" sambit ni Ella na nakatira sa White Plains. "Okay lang ‘yun kina Daddy, kasi generous naman sila."

Ngumiti lang si Kiko at umiling.

Hindi pa man, nararamdaman na naming lahat ang pagkawala niya sa amin. Bakit ganun? Bago namin nalaman na mawawala siya eh parang okay lang kung nandiyan siya o wala?

Lalo na ako. Akala ko kasi, lagi siyang nandiyan, at kung aalis man eh papunta siguro sa abroad para humanap ng mas magagandang opportunities na alam kong kaya niya.

Hindi ‘yung balik probinsiya project na kung saan eh ang tingin ko eh magiging limitado ang choices n'ya.

Natapos naman ang DressTech namin, pero talagang masama ang timpla. Hindi performance level 'yung iba. Wala namang aamin, pero sigurado ako, karamihan eh nami-miss na si Kiko.

Pagkatapos kaming pagsisigawan at pagalitan ni Direk dahil sa aming "awful excuse for a performance," eh nagsimula na kaming magligpit at umuwi.

Kagaya nang dati, ang mga taga-backstage ang huling aalis. Sila ang mga magliligpit ng mga props at sets. Nakaalis na 'yung ibang mga actors nang matapos akong magbihis.

Talagang nagpaka-tagal tagal ako na naghintay, dahil gusto kong kausapin si Kiko. Nang Makita kong lumabas na ‘yung mga tao sa Technical Crew, saka ako pasimpleng pumunta sa Backstage.

Inabutan ko si Kiko na nagka-catalog ng costume accessories. "Mag-isa ka na lang?" ang tanong ko.

"Oo," ang sagot n'ya na parang pagod na pagod. "Pina-uwi ko na nang maaga ‘yung assistant ko para maaga siyang makarating bukas."

"Ano'ng oras ka uuwi? Sabay na tayo," ang aya ko.

"Dito ako matutulog ngayung gabi," ang sabi n'ya. "Marami pang dapat ayusin para sa opening ng show bukas."

Wala akong masabi kaya medyo natahimik kaming dalawa nang medyo matagal-tagal.

"Kain muna tayo," ang aya ko. "Sige na, ililibre kita."

"Talaga?" ang tanong niya na kunyari ay tuwang-tuwa. "Mapera ka yata ngayun?" ang usisa n'ya.

Gusto ko sana siyang ilibre sa mas may class na kainan. Sabi niya ay huwag na, pero mapilit ako. Alas-nuebe na kaya hindi kami kaagad nakahanap ng bukas na makakainan. At dahil gutom na rin kaming dalawa, ang ending ng libre ko eh sa McDonald's din pala.

"Okay naman dito ah," ang sabi niya. "Bakit ka pa ba maghahanap ng mas mahal?" ang tanong pa niya nang nakatingin sa akin, gaya ng dati.

"Gusto ko lang. Bakit ba?" ang sabi ko na medyo naiinis.

Tahimik naming kinain ang order naming. Paminsan-minsan eh nagko-comment siya tungkol sa kapalpakan ng rehearsal namin, pero deadma lang ako.

"Tahimik ka yata masyado ngayun," ang usisa n'ya nang naglalakad na kaming pabalik sa campus. "Ano a naman ang nahitit mo?" ang biro pa n'ya.

"Bakit ba ganyan ang lagi mong tinatanong sa akin? Kung ano ang nahitit ko? Mukha ba akong adik?" ang sagot ko.

"Ano ka ba? Nagbibiro lang po," ang alo niya.

Tumahimik uli kami hanggang sa makarating kami sa harap ng University Theater.

"Papasok na ako," ang paalam n'ya. "Thank you sa hapunan ha."

Hindi ako agad nakasagot. Tumingin lang ako sa kanya nang matagal.

"Sorry kung lagi ka naming inuutusan na bumili nang meryenda, ha," ang sabi ko sa kanya nang medyo mahina. "Hindi mo naman talaga trabaho ‘yun eh."

"Sus, wala ‘yun," ang sabi niya nang nakangiti. "Okay lang 'yun."

"Pagpasensiyahan mo na rin sana iyong mga tempers namin ha," ang sabi ko na medyo naluluha.

Bigla siyang natahimik.

I knew I was already saying too much, pero hindi ko mapigilan ang sinasabi ko.

"Sana, dito mo na tapusin ang kurso mo," ang sabi ko na halos maki-usap. "Lahat ng opportunities nandito."

"May iba pang darating na opportunities," ang marahan niyang katuwiran. "Iba lang kasi talaga ang sitwasyon sa amin ngayun. Hindi ko maiwasan."

Bahagya niya akong hinawakan sa balikat at pinaupo sa hagdanang bato sa harap ng teatro. Iniabot niya sa akin ang kanyang panyo para makapag-punas ako ng luha, saka niya ako inakbayan. "Ano ka ba," ang pabiro niyang alo. "Hindi naman ako mamatay, ah. Magkikita pa tayo ulit."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko nang bigla ko siyang halikan sa pisngi. Saka ako umiyak nang umiyak habang nakayakap ako sa kanya nang mahigpit. "Mami-miss kita," ang sabi ko nang paulit-ulit habang humihikbi.

Inaantay kong sapakin niya ako, pero hindi umiimik si Kiko. Bagkus ay panay lang ang hagod niya sa likod ko habang ako'y kanyang pinatatahan.

Nang medyo kumalma na ako ay inaya niya akong pumasok na sa loob ng teatro. "Dito ka na lang matulog dahil gabi na. Maaga pa tayo bukas," ang sabi niya nang mahinahon.

Ipinaglatag niya ako ng folding bed sa Green Room. "Matulog ka na," ang sabi niya. "Tatapusin ko lang ang ginagawa ko."

Nahiga lang ako at pilit na pumikit. Actually, nahihiya ako dahil sa kakaiba kong inasal kanina lang.

Shet! Where did that come from?

Trenta minutos na akong nakahiga at nagkukunwaring natutulog. Ang dami-dami kong naiisip. Ang dami-daming bumabagabag sa damdamin ko. Alam ko naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Maya-maya pa ay dahandahan na akong tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Kiko.

Inaayos na naman niya ang plotting ng ilaw. Hayun, at nakatungtong siya sa ibabaw ng step ladder at ipinipihit ang direksiyon ng mga spot lights and flood lights.

Inalis niya ang kanyang t-shirt kaya wala siyang suot na pang-itaas. Tagaktak na ang pawis niya.

Bagay na bagay sa kanya ang kanyang hapit na jeans.

Dinampot ko ang isang tuwalya na naiwan sa stage floor at lumapit ako sa kanya.

Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang paglapit ko. "Gising ka pa?"

"Hindi ako kasi makatulog," ang sagot ko. "Halika at pupunasan ko iyang likod mo. Baka ka mapulmunya."

Tiningnan niya ako at ngumiti siya nang pagka-tamis-tamis. "Ano na naman ba ang nahitit mo? Kanina ka pa nasesenti," ang pabiro n'yang tugon.

Lumapit siya sa akin at naupo nang nakatalikod sa akin. Pinunasan ko naman ang kaniyang pawis. "Huwag mong hayaan na matuyuan ka nang pawis. Wala na kami duon sa Zamboanga para mag-alaga sa 'yo."

Tulad nang dati, napayuko si Kiko at ngumiti. Pumihit siya at hinawakan ang kamay ko. "Salamat ha," ang sabi niya habang nakatitig sa akin. Kagaya nang dati. Matagal.

Hindi ko napigilan ang muling maluha. Pinunasan niya ng kanyang daliri ng luha sa pisngi ko. "I know..." ang sabi niya ng pabulong. "And that makes our story sad..." ang dagdag pa n'ya.

He's quoting Antigone.

Nagpasya na ako na pakawalan ang tunay kong damdamin. Kahit ngayung gabi lang. Hinalikan ko si Kiko sa labi. Mahigpit. Matagal. Mapusok. Sa bawat halik, ang pakiramdam ko'y mapapatid ang aking hininga.

Sinapo ko sa aking mga kamay ang kanyang ulo upang idiin pa ang kanyang mga labi sa akin. Kasabay naman nuon ay ang paghigpit nang kanyang yakap sa akin. Mainit. Nagliliyab.

Para akong nilalagnat at nagdedeliryo.

Naramdaman ko na naglalaban ang aming mga dila. Naghahalo ang aming mga laway. Sa pakiwari ko napapatid ang isang kakaibang uhaw na aking anraramdaman sa pamamagitan ng pag-inom ng isang napakalamig, napakasarap na sariwang tubig na tanging siya lamang ang nakakapagbigay.

Biglang umatras sa akin si Kiko. Nagdudugo ang kanyang labi. Tinitigan niya ako na parang nagtatanong. Nalilito sa bilis ng mga pangyayari.

Nakita ko ang aking sariling repleksiyon sa kanyang mga mata. Para akong nahulog duon at nagsimulang lumubog. Nagsimulang malunod. Marahan kong dinampian ng aking labi ang kanyang mga mata, at muli ay hinalikan ko ang kanyang mga labi.

Matamis para sa akin ang lasa ng kanyang dugo. Nakakabuhay. Nakakahibang.

Bahagya akong itinulak ni Kiko palayo. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

Hindi ko maintindihan ang tanong niya. Ano bang hindi malinaw sa ginagawa naming dalawa ngayon? Sinubukan kong yakapin siya pero pinigilan niya ako.

Sinapak ko siya sa mukha, saka niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Pilit kong pinagsasanib ang aming mga katawan. "Huwag mo akong iiwan…" ang pagmamakaawa ko sa kanya. "Huwag mo akong iiwan."

Napakasarap ng init ng kanyang katawan sa aking balat. Ang kanyang sariwang-sariwang amoy. Ang alat ng kanyang pawis. Habang yakap ko siya ay para akong nagliliyab. Parang natutupok.

Hindi na siya umiwas o nanlaban ng halikan ko siyang muli. Sa bawat halik ko na dumampi sa kanyang labi, sa kanyang pisngi at leeg ay wari'y ko'y lumilipat sa akin ang kanyang lakas.

Tuluyang napahiga si Kiko sa sahig. Marahil ay sa sobrang pagod na rin kung kaya't siya ay napapikit. Patuloy kung hinalikan ang kanyang leeg na parang tumitikim ng kakibang putahe. At sa bawat halik, lalong nanghihina at nanlulupaypay si Kiko, habang ako naman ay parang lumalakas. Nauulol.

Bahagya kong kinagat si Kiko sa gilid ng kanyang leeg. Napahawak siya sa aking buhok at bahagya niya akong sinabunutan, ngunit hindi ko siya tinigilan.

Napangiwi ang kanyang mukha, tanda na siya ay nasasaktan. Pero hindi niya ako pinigilan.

Itinuloy ko ang paninibasib ng halik sa kanyang dibdib, at muli ay kinagat ko siya nang bahagya, ngayon naman ay ang isa sa kanyang utong. Napahigpit ang yakap ni Kiko sa akin. Lalong lumalim ang kanyang paghinga. Kagat-kagat niya ang kanyang labi at nakapikit ang kanyang mata.

Pinagapang ko ang aking palad mulasa kanyang dibdib, dahan dahan papunta sa kanyang tiyan. Ramdam na ramdam ko ang parang alon na pag-indayog ng kanyang kalamnan habang bumibilis ang kanyang paghinga.

Umungol siya ng bahagya. Parang nadadarang sa apoy.

Sandali syang dumilat at napansin ko na halos tumitirik ang kanyang mata.

Binuksan ko ang butones ng kanyang pantalon. Napatingin siya sa akin habang hawak ko na ang kanyang zipper. Hinalikan niya akong muli habang dahan-dahan kong binubuksan ko ang kanyang zipper upang pakawalan ang naninigas niyang titi.

Nakaramdam ako ng basa. Nuon ko napansin na nilabasan na pala si Kiko at basangbasa na ang namumukol at nangingintab niyang brief na kulay grey. Hinimas-himas ko ito ng sandali saka tuluyang ibinaba.

Madulas na madulas ang titi ni Kiko dahil sa kanyang masaganang tamod, pero hindi ko ito kinakikitaan ng panlalabot. Bagkus ay nanatili itong matigas.

Pakiramdam ko ay ako naman ang mapapatiran ng hininga sa tindi ng kanyang halik, at halos higupin ni Kiko ang aking kaloob-looban habang sinisimulan kong dyakolin ang kanyang naninigas na titi.

Pinaglaro ni Kiko ang kanyang mga daliri sa aking buhok, habang tuluyan na niyang ipina-ubaya sa akin ang kaniyang katawan.

At sa bawat impit na ungol na naririnig ko sa kanya, ang pakiramdam ko naman ay lalo akong lumalakas, at lalong tumitindi ang aking kapangyarihan.

Kayang-kaya ko na siyang patayin kung gugustuhin ko, para kailan man ay hindi na niya ako iiwan pa. Nang sa gayun ay palagi ko na siyang makakasama.

"Angkinin mo na 'ko" ang bulong ni Kiko.

Isinubo ko ang halos nanlalagkit at naninigas niyang titi. Napapikit ako habang nanuot sa aking pandamdam ang matapang na halimuyak ng kanyang pagka-lalaki.

Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko kay Kiko.

Hindi ako marunong tsumupa. Ito ang kauna-unahang beses ko. Kaya't dahan-dahan kong iniluwa ulit ang titi ni Kiko. Muli kong isinubo ang ulo nito na mistulang isang makatas na strawberry. Nilaro-laro ko ito ng aking dila, at dahil ito nga ay pinadulas na ng kanyang tamod ay lalo namang nakiliti si Kiko.

Ilang sandali pa ay hinila ko nang pababa sa kanyang tuhod ang kanyang pantalon at basang-basa na brief. Binuksan ko na rin ang aking pantalon saka ito ibinaba hanggang tuhod, kasunod ng aking brief. Dyinakol ko sandali ang aking titi bago ako pumatong kay Kiko.

Nagtapat ang aming mga titi at bayag na nagdulot sa akin ng kakaibang sensasyon. Niyakap ko nang mahigpit si Kiko habang hinahalikan kong muli ang kanyang leeg. Minsan ko pang kinagat ang tagiliran ng kanyang leeg habang patuloy kong iniindayog ang aking katawan.

Isang makapangyarihang sayaw ang nagaganap. Isang hindi matatawarang obra.

Untiunting dumiin ang ngipin ko hanggang sa naabot ko ang sukdulan.

Si Kiko naman ay wari'y mauubusan na ng hangin.

At sa sandaling iyun ay napapikit ako. Damang-dama ko ang paghinga ni Kiko. Ang tibok ng kanyang puso. Ang galaw at ritmo ng kanyang katawan ng sandaling iyun.

Humahalimuyak din ang pinaghalong amoy ng aming mga pawis at tamod.

At sa hindi ko pa maipaliwanag na paraan, damang-dama ko na nagsanib nang sandali ang aming pagkatao.

Sa mga sandaling iyun, hindi na kami dalawa, kundi iisa. Si Kiko at ako ay iisa na.

Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin kami makahanap ng sapat na salita upang makapag-usap.

Pero kahit sa katahimikan, nagtatagpo at nagkakaunawaan ang aming mga damdamin at isipan.

May banayad na ngiti sa kanyang mga labi habang naninigarilyo si Kiko at nakatingin sa akin.

Hindi pa rin niya isinasara ang kanyang butones at zipper ng pantalon. Katulad ko, hindi pa rin siya nagti-t-shirt.

Ako naman ay nahihiyang pasulyap-sulyap sa kanya habang humihigop ako ng mainit na kape.

Ni hindi namin pinunasan ang naghalo naming tamod at pawis nakakalat sa bahagi ng aming tiyan at pababa.

Inalok ko siya na uminom sa aking tasa, na siya naman niyang pina-unlakan. Saka niya ako hinalikan. Isang halik na mas makahulugan, at mas malalim.

Mag-aalas-sais na ng umaga. Alas-otso ang schedule ng aming unang palabas.

"Magbihis ka na kaya," ang sabi ni Kiko. "Darating na 'yung iba."

Inubos ko na ang aking kape saka ako tumayo at pumunta sa green room. Nilingon ko siya sandali. Naka-upo pa rin siya at nagsusuot ng t-shirt. Hindi pa rin niya pinunasan ang bakas n gaming pagtatalik sa kanyang katawan.

Napansin ko rin na payapa ang kanyang mukha.

We had six successful performances in our two week-end run. Laging puno ang audience. At n'ung final curtain call, nuong sa huling pagkakataon ay namatay ang mga ilaw ng tanghalan sa aming set, ang pakiramdam ko naman ay nagdilim nang tuluyan ang aking buhay.

Namatay din, kasama ng mga ilaw, ang aking karakter na si Prinsipe Haemon, na umiibig ng wagas kay Antigone.

Bukas na bukas din ay babaklasin na nga mga taga-property and set. At itatago na rin ng mga costume mistresses ang mga kasuotan naming ginamit.

Wala na si Kiko nuong Cast Party namin. Kailangan pa niyang magmadali para bumili ng ticket dahil bukas na ang kanyang uwi.

During the week, in between performance weekends, ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. Kailangan niyang mag-concentrate sa aming mga final exams para nga naman magaganda ang grades na maipapakita niya sa lilipatan niyang paaralan sa Zamboanga.

Hindi namin nagawang pag-usapan ang naganap sa aming dalawa. Hindi nagawang unawain kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman namin sa isa't-isa.

Gusto ko sana siyang bigyan ng regalo na makapagpapaalala sa kanya ng pagkakaibigan namin.

Habang nagsasaya ang buong cast sa isang matagumpay na palabas, pakiramdam ko naman ay may isang malaking butas sa dibdib ko. Isang kawalan na mabigat isipin.

Inanunsyo naman ng aming Artistic Director ang susunod naming palabas para sa second semester.

"Henrik Ibsen's GHOSTS. I need two women and five men, plus alternates. Auditions will be on Wednesday during the semestral break," ang sabi n'ya.

Natapos din ang party at nagsimula na akong magbihis. Binubura ko ang aking make-up nang may mapansin akong papel na nakakabit sa aking salamin. Isang tula galing kay Kiko.

"Masarap ang maglakbay
"At harapin ang hamon ng buhay.
"Kung minsan ay masaya
"Kung minsan ay malungkot.
"Kung minsan ay may naiiwang sugat
"Masakit sa loob.

"Tandaan mong lagi na ang gabi ay natatapos
"Lumilipas ang hapis, Lumilipas ang unos.
"Kung tayo'y maghiwalay man
"Sa ating paglalakbay
"Tandaan mong hindi dito nagtatapos
"Ang tunay na ligaya ng buhay

"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."

Kalagitnaan na nuon ng Oktubre. Magtatapos na ang unang semester. Paglabas ko ng tanghalan ay sinalubong ako ng kakaibang lamig ng simoy ng hangin.

Nalalagas na rin ang ilang mga dilaw na dahon sa mga puno. Tanda nang patuloy na paglakad ng panahon, at ng papalapit na tag-lamig. Alam kong mas magiging maginaw ang aking Pasko ngayong taon.


[Part 02]
"Kamusta ka na?

Natigilan ako nang marinig muli ang boses niya. Ang tinig niya na nagbabalik sa akin sa isang bahagi ng aking buhay – isang gabi ng pinaghalong kaligayahan at kalungkutan.

"Nand'yan ka pa ba?" ang tanong ni Kiko.

Sandali kong tinitigan ang telepono. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin.

"Love, sino 'yan?" ang tanong ni Ivy na galing sa kusina, dala ang masarap na hapunan na ipinangako niya sa akin.

Isa sa dalawang pangako na aking haharapin ngayung gabi.

Tinakpan ko ng palad ko ang speaker-end ng telepono para hindi marinig ni Kiko ang sasabihin ko. "Wala," ang sabi ko kay Ivy. "Ito yata 'yung kausap ni Bubbles na gustong mag-sponsor ng show mo."

Si Ivy ay nakilala ko nang ako'y nagtratrabaho na bilang Artist in Residence ng isang professional Theater Company sa Metro-Manila. Si Ivy ay nagtra-trabaho bilang isang Sales Executive sa isang malaking Insurance Company. Ang Tanghalan ay isa lamang dibersyon sa kanyang mapaghamong buhay. Katulad ng iba na nagkaka-interes sa Tanghalan, nagsimula si Ivy sa pag-attend ng mga workshops tuwing summer. Gumanap siyang Laura Wingfield sa dulang The Glass Menagerie ni Tennessee Williams. Ito ang kanilang showcase production.

Ako ang kanilang Stage Manager. That was three years ago.

"Imbitahin mong mag-dinner," ang payo ni Ivy. "Marketing ploy din 'yun. Amina, kausapin ko," dagdag pa niya, sabay akmang pag-abot ng telepono.

"Hindi, ako na," ang dagli kong sabi. "My friend would like to know if you can join us for dinner tomorrow," ang tanong kong bigla – kay Kiko.

Si Kiko, ang pinaka-espesyal na ala-ala ko sa buhay estudyante ko nuon; may pitong taon na ang nakararaan. Nasa Third Year ako, unang semester. Tatlong taon na ng mga pangarap sa tanghalan ang magkakasama naming binuo nila Kiko at ng iba ko pang mga ka-klase. Mga pangarap na natupad naman din, pero sa ibang paraan.

Dahil humiwalay si Kiko. Dala ng mga hindi maiiwasang pangyayari ay napilitan siyang umalis ng Maynila at umuwi sa Zamboangga kung saan ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Kasabay ng kanyang pag-alis ay ang pag-usbong naman ng katotohanan ng aking pagtatangi sa kanya, at ng pagtanggap, at pagyakap ko sa aking tunay na pagkatao.

"Si Francis ito, ano ka ba?" ang sabi ni Kiko. Tulad ng dati ay malambing at malamig sa pandinig ang kanyang tinig, kahit pa siguro nalilito siya sa kakaiba kong inaasal. "Ano na naman ba ang nahitit mo?" ang tanong niyang pabiro.

"Five-thirty, tomorrow?" ang sagot ko. "That's okay, I'm free. Say, sa Mega Mall? ‘Yung Korean Resto sa fourth floor?"

"Busy ka yata," ang sagot ni Kiko na parang may hint ng disappointment sa kanyang boses. "Anyway, nandito ako ngayon sa Maynila. I have some business to attend to. Sige, kita tayo sa Mega Mall bukas," ang sabi niya, at walang paalam na pinatay ang cellphone niya.

Talagang natagirgir ako sa tawag n'ya. Alam ko. Kasi naka-apat na basong tubig yata ako bago ko malunok ‘yung isang kutsarang pagkain na isinubo ko.

"Are you dehydrating ba?" ang pabirong tanong ni Ivy, saka siya tumawa.

"Masarap…" ang sagot ko naman, saka ako sumubo ng isa pa. Ewan ko kung nagka-intindihan kami.

May sinasabi si Ivy, pero hindi yata Tagalog. Ewan ko kung ano, kaya itinuloy ko na lang ang pag-nguya.

"Funny, di ba?" ang sabi niyang bigla.

Tumawa naman ako, at tumungo.

"Bakit ka natatawa?" ang tanong ni Ivy na parang naiinis. Honest, talaga, hindi ko alam kung bakit.

"Ano ba ‘yung sinabi mo ulit kanina?" ang tanong ko na medyo mahina.

"Sabi ko, it was a weird day yesterday. Imagine, paglabas ni Mama ng bathroom, na-slip s'ya sabay bagsak sa sahig. So we had to scoot her off to the hospital, where suddenly eh may Power failure. She nearly died from all that pain. Tapos saka ko nakita sa calendaryo na it's a Friday the thirteenth pala. I said I grew up not believing in superstition, tapos these things would hit me in the face. I find that kind'ah funny, don't you? Not funny as in nakakatawa. Funny as in, weird. Strange. Di bah?" ang sabi niya na ewan ko kung humihinga.

I didn't know exactly what to say, kaya itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

"So, will you meet him tomorrow?" ang tanong ni Ivy. "I'm warning you, ha."

Shet, may alam ba si Ivy tungkol kay Kiko? "Bakit, ano bang akala mong gagawin namin?"

Ivy looked genuinely shocked. "Ano ka ba, Gabriel? The last time you went out with prospective sponsors eh nalasing ka, tapos you picked a fight with the guards. Pinagsasabihan lang kita na sa susunod mong gagawin ‘yan, we won't bail you out."

Ano ba talaga ang nagustuhan ko kay Ivy? Bakit ba hinahayaan ko siyang imadrasta ako nang ganito? Hindi naman perpekto ang skin niya. Medyo tabingi pa nga yata ang pisngi n'ya. Pero for some strange reason eh na-involve ako sa kanya.

Baka talagang iba lang ang epekto ng stage lights sa Theater. Kapag nag-halo na ang pula at ang asul, at dahil nga sa stage make-up, eh nabubura na ang blemishes mo.

Nagbabago ang hitsura mo.

And then you create this perfect illusion of a character – someone who is far removed from who and what you really are. Parang ‘yung mga mumunting laruang kristal ni Laura – isang pintuan sa daigdig ng ilusyon.

Baka nga ‘yun si Ivy, para sa akin. Isang Ilusyon.

Natatandaan ko ‘yung Ivy na ‘yun. S'ya ‘yung kasama ko nuon sa rooftop ng Shangri-La, pagkatapos ng aming palabas.

Sa Shangri-La pa nuon naka-base ‘yung group namin.

"Why do you want to be an actress sa theater?" ang tanong ko sa kanya nuon.

Ngumiti lang siya at tumingala sa kalangitan. Maliwanag nuon ang buwan at kitang-kita ang mga mumunting tala. At dahil walang ibang pinanggagalingan ng liwanag sa ganuong kataas na lugar, mas maliwanag ang buwan, at may kakaiba-itong kagandahan.

"Did you know what the ancients believed about actors and actresses?" ang sabi niya na parang isang napakahiwaga at napakagandang panaginip sa gabi ng gitnang tag-araw. "Sabi nila nuon, ang mga actors daw ang nagsisilbing tinig ng mga diyos at diyosa. Kaya nga nagsimula ang teatro bilang isang religious festival hindi ba?"

‘Yun ang tingin ko sa kanya nuon. Isang diyosa. Isang tula. Isang napakamasidhing prosa. Parang nananahan sa kanyang pagka-tao ang lahat ng palaisipan at kasagutan ng buong kasaysayan.

I remember crying when she "lost her baby" as the enigmatic Hedda Gabler. I cried again when her husband Jason betrayed her as the tragic Medea. And when I designed the set para sa local production ng Evita, I made sure that her Casa Rosada scene would be grand. I used materials that were barely seen. Nothing should block the view to her full splendor.

She was perfect in her white gown and glittering jewels, as she sang "Don't Cry For Me Argentina."

"I had to let it happen. I had to change.
"Couldn't stay all my life down that hill,
"Looking out of the window, staying out of the sun.
"So I chose freedom, running around,
"Trying everything new.
"But nothing impressed me at all.
"I never expected it too…"

That was the Ivy I fell in love with.

"Why are you singing that song?" ang bigla niyang tanong. Si Ivy ang nagtanong.

Nasaan na ba ako? Oo nga pala. I'm here, at her house. And we're having dinner. At kanina lang, eh naka-usap ko si Kiko.

Si Kiko, na may pangako.

"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin..."

"You know what. I really need to go home now," ang sabi ko. Sabay tayo.

"You've barely touched your food," ang sabi ni Ivy.

"That's right," ang sabi ko. Sabay tingin sa pagkain. "What is this anyway?"

"Lamb chops," ang sagot n'ya.

"How can you!" ang kamuntik ko nang sigaw. "You eat cute little, huggable lambs? That's disgusting!" ang sabi ko, sabay talikod at naglakad papunta sa kotse ko.

Ewan ko kung ano ang reaksiyon n'ya dahil hindi ko na tiningnan pa.

Hindi ko matandaan kung talaga bang naging kami ni Ivy. Kung niligawan ko ba s'ya, o basta na lang kami laging magkasama. She calls me "love," pero that's her term of endearment for everyone she knows.

She kisses me, yes. But she also kisses everyone she knows.

We have dinner every now and then. We share stories. We share our dreams. Does that mean anything at all?

O isa lang ba s'ya sa maraming taong nakilala ko sa aking mahabang paglalakbay sa buhay?

"Masarap ang maglakbay
At harapin ang hamon ng buhay.
Kung minsan ay masaya
Kung minsan ay malungkot.
Kung minsan ay may naiiwang sugat
Masakit sa loob."

Shet, saan ko nga ba nabasa ‘yun? Alam ko tula ‘yun. Na-discuss yata namin nuong college, sa Panitikang Pilipino...

"Tandaan mong lagi na ang gabi ay natatapos
Lumilipas ang hapis, Lumilipas ang unos.
Kung tayo'y maghiwalay man
Sa ating paglalakbay
Tandaan mong hindi dito nagtatapos
Ang tunay na ligaya ng buhay"

It's playing in my damn head! At my boses na ngayon. Boses ni Kiko! Schizophrenic na ba ako?

Araw – araw kong binabasa ang tula niyang ‘yun nuon. ‘Yung tulang iniwan n'ya sa salamin ko sa dressing room. Dahil hindi na kami nag-kita pagkatapos ng huling palabas.

‘Yung tula niyang ‘yun ang patuloy kong pinanghawakan. Patuloy kong iniyakan ng kung ilang buwan din. Isang tanda ng masarap na ala-ala. Isang gabi ng hamunin ng pagmamahal ang puso ko. Naging masaya, na nauwi sa kalungkutan.

Parang may sugat na naiwan sa puso. Mahapdi sa pandamdam.

May kung ilang buwan ko rin siyang kinakausap sa mga pangarap ko. Lagi ko siyang napi-picture out na kasama sa kuwarto ko. Kasabay sa paglakad ko. Kasabay ko sa pagkain, at kahit sa trabaho ko sa backstage.

Palagi ay iisa lang ang kanyang hitsura. Ang hitsura niyang naiwan sa aking isipan n'ung huling gabi bago ang aming palabas. Ang kanyang matang nangungusap. Ang kanyang mga ngiti

"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."

Ito na ba ang araw na sinasabi niya?

Tiningnan ko sandali ang aking itsura sa salamin. Marami nang nagbago. Iba na ang ayos ng buhok ko. Sumusunod na ako sa mga uso ngayun, hindi katulad nuon. Nuong simple pa lang ang buhay ko sa College. Nuong dapat pa akong magtipid dahil naka-budget ang pang-araw-araw ko. Nuong kuntento na ako sa fishballs, kikiam at maanghang na pusit duon sa stand na naka-pwesto malapit sa Abelardo Hall.

Bakas na rin sa aking mukha ang ilang mga dinaanan kong problema sa buhay.

‘Yung unang credit card ko na hindi ko mabayad-bayaran.

‘Yung panganganak ni Ate Salve na umubos sa lahat ng laman ng savings account ko.

Pitong taon na ang nakalipas nang huli kaming nagkita. Marami nang nagbago – sa loob at sa labas.

May kumakatok sa bintana ng kotse ko. Si Ivy. I rolled down the window.

"Akala ko ba aalis ka? Fifteen minutes ka na na nand'yan," ang sabi niya na parang naiirita.

Nasaan na ba ako? Mabilis na umikot ang mga mata ko. Nasa loob ako ng kotse ko, hawak ko ang manibela. Nasa parkway ako ng bakuran nila Ivy, at nakaharap ako sa bukas nilang gate.

Walang sabi-sabi na pinaandar ko agad ang kotse, saka umalis.

Isang laksang tanong ang umaandar sa isipan ko. Punyetang Kiko yan. Bakit ba ganyan ang epekto n'ya sa akin? I'm usually a rational and very level headed person. Bakit ba ako nagkaka-ganito?

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako agad sa bathroom. Pinaandar ko ang shower at hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa aking buong katawan.

Huli na nang mapansin kong nakadamit pa pala ako. At kasabay na nabasa ng damit ko ang mga bills ng kuryente, ng tubig at ang account billing ko sa Globe.

Nagkarelasyon din naman ako ng dalawa pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kiko. Nagka-girlfriend ako ng isa (si Ella, na classmate ko), at isang boyriend - si Greg ('yung pumalit na resident stage manager pagkatapos ni Kiko.)

Kung tutuusin nga eh mas masidhi pa ang nangyari sa amin nina Ella. Walang-wala sa nangyari sa amin ni Greg, at lalo naman sa nangyari sa amin ni Kiko na parang larong bata lang.

So, bakit ba ako nagre-react ng ganito?

"Ito ay isang pangako na aking tutuparin
"Sa aking pagbabalik, puso mo'y aking aangkinin."

Parang multong bumabalik-balik sa isipan ko ang mga huling katagang ito sa kanyang tula.

Aaminin ko na matagal kong hinintay na tuparin niya ang ipinangako niya. Matagal akong nagbaka-sakali na tatawag siya. Ito ang dahilan kung bakit pinaka-ingatan ko ang aking cell phone number. Hindi ako nagbago ng numero, at nagging maingat ako sa pag-gamit ng telepono in public para hindi ma-snatch ang unit ko.

Hanggang sa nawala na sa uso ang gamit kong phone. Hindi pa rin ako nag-palit. Hanggang sa napagod na lang ako ng kahihintay. Hindi ko pa rin pinalitan ang number ko, dahil may mga ibang contact ako na nakalagay sa list ko. Natatandaan ko n'ung binura ko ang pangalan ni Kiko sa list.

May kaunting kirot at pait. Pero dapat magpatuloy ang buhay. ‘Yun ang payo ko sa sarili ko.

At nakilala ko nga si Ivy.

Tama, naalala ko na.

It was during her last night of performing the role of Evita. The local producers agreed to incorporate Madonna's song, "You must love me" mula sa film version. She was wearing this magnificent white, glittering gown. And she has just ended her scene with the enigmatic Che.

She stood high at center stage, a tragic image of a dying heroine who is valiantly fighting to the very end. She looked at me then, at my dark little corner at down-stage right, behind the wings.

"Where do we go from here?
This is not where we intended to be.
We had it all, you believed in me…
I believe in you…
Certainties disappear.
What do we do for our dreams to survive?
How do we keep all our passions alive like we used to do?
Deep in my heart I'm concealing,
Things that I'm longing to say.
Scared to confess what I'm feeling…
Frightened you'd slip away…
You must love me…"

Everyone who was with me at the wings were looking at me. Because I was crying. Hindi ko alam kung bakit.

And when the final curtain fell amidst the audience's applause, I approached her. Everyone was looking at me. At us, as we quietly looked at each other.

The actress and the stage manager. She in her wonderful costume. Me in my black attire and head set.

She was smiling, looking at me as if unsure of what to do next.

And when we finally hugged each other, and kissed, the cast broke into an enthusiastic applause.

It came at the trail of long months of cat fights. We always disagreed on a lot of things, before we became good friends. Then we'd do casual dates with a group of friends, watching movies and concerts. Eating out and having beer. Doing the rounds of museums.

She was a complete, orgasmic experience, in an artistic kind of way.

But then, like all things art, it is never clear where reality and imitation part ways.

Shet. Hindi kaya nasosobrahan lang ako ng kape?

The following afternoon, five-fifteen pa lang ay nasa Mega Mall na ako. Nakasuot ng simpleng t-shirt at jeans. Sinadya kong magtigil muna duon sa shop directly opposite sa Korean Resto, para Makita ko ‘yung mga pumapasok sa loob.

Five-thirty dumating si Kiko. Nasa oras pa rin.

My jaw fell and made clattering noises as it hit the floor.

Everything about him is exactly as I remember him. Mula sa ponytail niya hanggang sa black leather sandals na hindi na yata niya pinalitan.

The brown eyes. The thick eye brows. The aquiline nose at medyo bilugang mukha na may biloy.

The tall tale signs of his Filipino-Spanish pedigree.

Kung may nagbago man ay mukhang lumusog siya ng kaunti, pero kaunti lang. Tamang-tamang nagka-laman ang dati ay balingkinitang frame.

Bagay na bagay pa rin sa kanya ang jeans.

Pagka-upong pagka-upo niya ay inilabas niya ang kanyang cell phone.

Nag-ring ang phone ko.

"Nasaan ka na?" ang tanong niya ng nakangiti.

"Parating na ako," ang sagot ko.

And then it all came back. The hamburger we ate for dinner. The quiet walk back to the theater house. Nang paupuin niya ako sa may steps sa harap ng teatro para patahanin.

"Ano ka ba," ang pabiro niyang alo. "Hindi naman ako mamatay, ah. Magkikita pa tayo ulit," ang sabi niya nuon.

At heto na nga siya ngayun.

Nagulat pa si Kiko nang makita niya ako.

Kahit ako, nagulat. Dahil naroon na pala ako sa tabi niya. Sa tabi ng silyang inuupuan niya.

Tumayo siya para batiin ako.

Ewan ko kung bakit bigla ko siyang hinalikan sa labi. Matagal. Punong-puno nang pananabik. Ng pagmamahal.

Ramdam na ramdam ko ang mga mapang-usyosong mga tingin ng iba pang mga costumers at crew sa restaurant, pero wala akong paki-alam.

Bigla kong tinigilan ang paghalik sa kanya, sabay sampal sa kanyang mukha.

Saka ako tumalikod at lumabas ng walang sabi-sabi. Alam kong sinundan niya ako pagkatapos ng ilang minuto.

"Ano ka ba?" ang paangas niyang tanong habang sinasabayan ako sa paglalakad. "Palagi mo na lang akong sinasaktan. Ang tagal-tagal nating hindi nagkita, tapos sasampalin mo lang pala ako. Ano na naman ba ang nahitit mo?"

"Bakit ba ‚yan na lang ang lagi mong tinatanong sa akin? Kung ano ang nahitit ko?" ang paangas ko ring tanong. "Mukha ba akong adik-adik?"

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa kotse ko. Tahimik pa rin kami habang nagda-drive. Paminsan-minsan ko siyang binabato ng tingin pero hindi siya sumulyap man lang sa akin. Nakakunot ang kanyang nuo, halatang naiinis sa iniaasal ko.

Eh bakit nga ba nagkakaganito ako?

Dumiretso ako sa bahay, at tahimik na bumaba sa kotse. Sinundan pa rin niya ako.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay hinila niya ako. "Ano ba talaga ang problema mo?" ang tanong niya.

Hindi na naman ako nakasagot, dahilo siniil ko ulit siya ng halik. Mas masidhi kesa kanina. At ginantihan din naman niya ako. Mas mainit. Mas mapusok.

Nasa ganuon kaming ayos habang pumapasok kami sa loob ng bahay. Isinara ko ang pintuan habang hinahabol ko ang paghinga.

Napakatamis pa rin ng kanyang labi. Parang binubukalan ng isang kakaibang malamig na tubig na tunay na nakapagpapatid ng uhaw.

Para akong tinatakasan ng katinuan, nang mapansin ko na lamang na maliwanag ang loob ng bahay.

Natigilan ako at tumingin sa paligid.

Naroon si Ivy, at ang mga kasama namin sa Tanghalan. May kaunting handa. May mga lobo, at isang banderang yari sa kartolinang puti at crayola. "Happy Birthday Gabs, we love you!" ang sabi nito.

Parang nasaniban ng kung ilang demonyo ang mukha ni Ivy. "I can explain this," ang nasabi ko lang, bago ako sinampal ni Ivy at pinag-walk out-tan.

Wala akong nasabi. Hindi na ako nakapag-isip. Tahimik na umalis paisa-isa ang iba pa naming mga kasama.

Hanggang si Kiko na lang ang natitira. Nilapitan niya ang maliit na larawan naming dalawa ni Ivy. Yakap-yakap ako ni Ivy sa larawan at hinahalikan sa pisngi. Matagal niya itong tiningnan, saka siya humarap sa akin.

"Alamin mo munang mabuti kung ano talaga ang gusto mo sa buhay," ang mahina niyang sabi. "Saka na lang ako babalik kapag maliwanag na sa iyo ang lahat."

Pinunasan niya ng kanyang kamay ang luhang tumulo sa kanyang mga mata, saka siya tahimik na umalis. Katulad ng iba.

Nag-file ako ng indefinite leave sa Company Manager ng aming group. Dala na rin siguro ng sobrang hiya sa iniasal ko.

Matapos ang dalawang buwan, nalaman ko na lang na wala na sa grupo si Ivy. Nag-resign na rin siya sa kumpanyang pinaglilingkuran niya.

Sinubukan kong tawagan ang si Kiko sa kanyang Cell Phone, pero laging out-of-coverage-area.

Ako naman ay nagpasyang bumalik sandali sa pag-aaral. Nag-enrol ako ng Masters Course sa Production, duon na rin sa pamantasang pinanggalingan ko. Mabilis na lumipas para sa akin ang dalawang taon. Kasabay nito ang paghilom ng pinaka-huling sugat na ininda ng aking puso : ang pagkawala ni Ivy, at ang muling pagkawala ni Kiko.

Pagkatapos na pagkatapos ko ng masteral ay inanyayahan ako ng aming Dean na magturo sa aking salik. Tinanggap ko naman ang hamon. Ewan ko kung dahil talagang gusto kong magturo, o gusto ko lang na may mapagtuunan ng pansin para maibaling ang aking atensiyon mula sa kalungkutan na aking nararamdaman. Ikalawang taon ko na ngayun sa pagtuturo.

Lubusan na ring nagbago ang aking hitsura. Umikli na ang aking buhok na mas bumagay sa aking bagong propesyon – ang pagtuturo.

At dahil nga sa tanghalan pa rin ang aking buhay, I was assigned to direct one of the plays na ipapalabas namin sa aming susunod na season.

Ang dula, "Antigone" ni Jean Anouilh. Sa ika-sampung taon matapos kong gampanan ang character ni Haemon ; matapos ang masidhing ala-ala ng huling gabi ng pagsasama namin ni Kiko bilang mag-kamag-aral, ay heto na naman ang mapag-larong dulang ito na talaga yatang batik at sumpa sa aking pagkatao.

Maraming ala-ala ang parang mga multong nagbabalik sa akin. Sa loob ng dating tanghalan. Sa rehearsal hall. Sa dressing room. Mga multo ng kahapon. Pero matapos ang mahabang panahon, ay wala na ang hapdi at kirot.

Sa huling gabi ng aming palabas ay mas marami ang mga taong nagsidalo. Karamihan ay mga estudyante, at mga magulang ng mga nagsiganap.

Mabilis na natapos ang kaunting handaan ng cast and crew, saka umuwi na ang lahat. Ako na lamang at ang stage manager ang natira. Ang estudyante kong si Mae Ann. Nasa stage ako nuon, naka-upo sa may set habang abala si mae Ann sa pagliligpit ng mga gamit.

Bukas na bukas din ay babaklasin na ng production design crew ang set.

Pagkatapos magligpit ni Mae Ann ay nag-paalam na rin siya. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang bote ng Champagne, kasama ang isang kopya ng aming playbill.

"Ano to?" ang tanong ko na medyo natatawa.

"Ipinaabot sir, nu'ng dalawa duon sa audience," ang sabi niya, saka tumalikod at umalis.

Nanlamig ang buong katawan ko. Tumingin ako sa madilim na audience gallery, at pilit na inaninag ang dalawang tao na naka-upo ruon. Tumayo naman sila, isang lalaki at isang babae, na naglakad papalapit sa harap ng stage.

Sila Ivy at Kiko.

Malaki na ang kanilang ipinagbago. Mas naging stylish si Ivy. Si Kiko naman ay tumuwid na ang dating mahaba at kulot niyang buhok. Nag-pa rebond yata ang kolokoy, saka ipinaputol ng shoulder's length ang buhok niya.

Mas bagay.

Umakyat sila sa stage at sinamahan ako sandali. Pinagsaluhan namin ang bote ng champagne gamit ang mga tirang plastic cups mula sa cast party. Nagkamustahan. Nagkwentuhan.

Kadarating lang nilang pareho galing sa abroad. Si Ivy mula sa New Zealand kung saan eh natanggap siya to portray Maribelle sa isang franchised production ng Beauty and the Beast. Naka dalawang taon din siya. Si Kiko naman eh katatapos lang ng stint niya sa Europe where he portrayed Enjolras sa touring production ng Les Miserables.

Pareho silang nasa Pilipinas ngayon, cast sa isang palabas ng PETA.

"Artista ka na rin pala," ang nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sabi ko naman nuon ‘di ba. Marami pang opportunities na darating," ang sagot niya.

"Congrats nga pala sa directorial debut mo," ang sabi ni Ivy. Ngayon ko lang napansin na talaga palang napaka-sincere niya. At talagang maganda.

"Sorry ha," ang mahina kong sambit. "Because I was a total asshole."

Natawa siya nang bahagya, bago tumayo. "Huwag mo nang isipin ‘yun. Saka, may asawa na ako ngayun. I'm Ivy McLaughin na ngayon," ang sabi niya.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago kumaway sa aming dalawa, saka siya tumalikod at umalis na.

Saka ko napansin na nakatingin sa akin si Kiko. Nakangiti.

"What is it with you and Antigone," ang bigla niyang tanong. "Ano bang karma ang meron itong play na ito sa ‘yo?"

"Ewan ko ba," ang sagot ko na medyo natatawa rin, kahit pa tumutulo ang luha sa aking mga mata. "Lagi na lang akong pinaiiyak ng letseng dulang ito."

Tumayo bigla si Kiko at pumunta sa madilim na bahagi ng wings. Biglang bumaba ang curtains ng stage na siyang nagtatakip rito, takatago sa mga mapanuring tingin ng kung sino mang maaring maparaan.

Kami na lang ang nadoon, sa set ng Antigone. Parang nuon, sampong taon na ang nakakaraan. Nilapitan ako ni Kiko at marahan akong hinalikan.

Tumigil siya sandali at tiningnan ako ng diretso sa mata. Katulad ng dati. Katulad ng nakagawian niyang gawin.

"Pagod na akong maglakbay," ang bulong n'ya. Saka ako inakap ng mahigpit.

Ginantihan ko ang kanyang mga halik. Bumuhos ang aking pananabik sa aming muling pagtatagpo. Dito kung saan ay nagsimula ang lahat.

Hinalikan ako ni Kiko sa labi. Mahigpit. Matagal. Mapusok. Sa bawat halik, ang pakiramdam ko\'y mapapatid ang aking hininga. Parang nalulusaw ang buo kong pagkatao.

Hinila ko ng aking palad ang kanyang ulo upang idiin pang lalo ang kanyang mga labi sa akin. Para kaming nilalagnat at nagdedeliryo.

Nalasahan ko ang kaunting alat sa kanyang labi. Saka ko napansin na may bahid ito ng dugo. "Sori," ang bulong niya, sabay punas ng kanyang daliri sa kaunting dugo na dumadaloy sa isang munting sugat sa aking labi. Saka niya ako muling hinalikan.

Pakiramdam ko ay nalulunod ako ng unti-unti sa kanyang pagkatao. Para akong apoy na nauupos sa kanyang mga halik na dumidilig sa aking init. Parang madudurog ang aking mga buto sa higpit ng kanyang mga yakap.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na tahimik na umiiyak, habang ang mga kuko sa aking kamay ay bumabaon sa kanyang likuran.

"Huwag mo na uli akong iiwan," ang bulong ko sa kanya na nagmamaka-awa. "Huwag mo na uli akong iiwan."

Napakasarap ng init ng kanyang katawan sa aking balat. Ang kanyang sariwang-sariwang amoy. Ang alat ng kanyang pawis. Habang yakap ko siya ay para akong nagliliyab. Parang natutupok.

Hindi na ako umiwas o nanlaban ng bahagya niyang kagatin ang aking leeg. Sa wari ko ay biglang nagliyab ang buong paligid, at unti-unting tinutupok ng apoy ang kahot na set at ang telon. Umiikot ang aking paningin habang hinahabol ko ang aking kinakapos na pag-hinga.

Unti-unti akong nanghihina, habang sa pakiramdam ko naman ay lalong lumalakas ang mga kamay ni Kiko. Sa bawat halik niya na dumadampi sa aking labi, sa pisngi at sa leeg ay parang lumilipat sa kanya ang lahat ng aking katatagan.

Inihiga ako nang tuluyan ni Kiko sa malamig na kahoy na sahig ng tanghalan. Marahil, dahil na rin sa pagod ng damdamin ng matagal na panahon kong paghihintay sa katuparan ng sandaling ito ay tuluyan akong nanghina at napapikit.

Naramdaman ko ang pagbaon ng mga ngipin ni kiko sa aking leeg. Tumulo ang aking luha dahil sa magkahalong hapdi at kaligayahan.

Maya-maya pa ay bumaba sa aking dibdib ang nagbabaga niyang labi, saka ako muling kinagat sa aking kaliwang utong.

Naramdaman ko rin ang dahan-dahang pagpisil ng kanyang palad sa bukol na nasa pagitan ng aking mga hita.

Binuksan n'ya ang zipper ng aking pantalon, bago niya tuluyang ipinasok ang kanyang palad sa loob ng aking brief.

Halos tumiklop ako sa labis na kuryenteng naramdaman ko nang himasin niya ang aking titi. Alam ko na mayroon na akong precum dahil sa madulas kong nararamdaman na kasabay sa paghimas ng kanyang kamay.

"Angkinin mo na 'ko" ang bulong ko kay Kiko.

Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko mula sa kanya.

Ibinaba ni Kiko ang kanyang mukha, at naramdaman ko ang pag-pisil ng kanyang mainit na labi sa aking titi.

Nababaliw na ako sa labis na init. Tumirik ang aking paningin sa labis na sensasyon.

Sa aking isipan naman ay parang nagliwanag. Para bang kahit sandali ay natanaw ng aking paningin ang kaduluduluhan ng kalawakan. Naabot ng aking mga mata ang makukulay na bituin, at ang mapaglaronmg mga kometa sa kabilang panig ng santinakpan.

Dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso. Damang-dama ko ang daloy ng aking dugo sa buo kong katawan.

Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman kong nagsanib ang pagkatao naming dalawa. Si Kiko at ako, ay naging iisa.

"Will you be my lover?" ang marahas niyang bulong sa aking tenga.

"Yes," ang sagot ko.

Hinalikan niya ako sa labi, parang akong isang alay na walang laban sa katulad niyang wari ay paganong diyos na pinag-alayan ko ng aking dugo at laman.

"I love you," ang bulong niya.

Sa ganung ayos na kaming nakatulog, duon din sa tanghalang iyun kung saan kami unang nagslo sa kaligayan, sampung taon na ang nakakaraan.

Nasundan pa ang pagtatalik na iyun, dahil nagsama na rin kami ng tuluyan.

Dalawang buwan pagkatapos ng tagpong iyun ay sa ibabaw naman ng ibang tanghalan ko nakita si Kiko – kasama si Ivy, sa remake ng sarswelang Pilipinas Circa 1907 na isinadula ni Nicanor G. Tiongson, at itinanghal naman ng PETA.

To think na n'ung estudyante pa lang kami eh nahihirapan siyang kumuha ng mga roles dahil hindi daw siya marunong umarte. At ako naman ay talagang tanga kaya hindi ko kinakaya ang trabaho ng isang Stage Manager.

Iba talagang magbiro ang panahon.

Marami pang ibang tauhan ang binigyang buhay ni Kiko, sa mga produksiyon ng Tanghalang Pilipino sa CCP, sa Gantimpala Theater Foundation, sa Repertory, at kahit din duon sa dati naming grupo, sa college, kung saan kami nagsimula pareho.

Katulad ko, inanyayahan din siya ng aming Dean na magturo sa salik na kanyang larangan, na siya naman ding pinaunlakan.

Pagkatapos ng tatlong buwan ay naka-isip kaming mag-ampon. Isang batang babae na pinangalanan naming Antigone.

Huwag n'yo nang itanong kung bakit.

Nang nagkasundo kaming isa-publiko ang aming pagsasama sa pamamagitan ng isang isang maliit na Ceremony of Union, dumating ang ilang mga taong naging bahagi ng aming buhay. Mga dating guro at kaklase, at mga dating katrabaho.

Tumutulo ang luha ko nang basahin ko ang mga pangako ko sa kanya.

"I am your equal, your partner and your friend. And though at times I may wear the face of an enemy, never forget the love I have for you. For that love leads me by the hand, in all my decisions that concerns you. I am your twin flame, and am completed only in you, and through you. And as we face the future, and the passing of time and age, I hope to be beside you still when you breathe your very last – as your equal, your partner and your friend."

Si Ivy ang umawit ng aming wedding song. At dahil pang-Broadway nga ang talents n'ya, pinili n'ya ang tanging awit na sa tingin daw niya ay bumagay sa aming dalawa.

Ang awit ni Christine sa Phantom of the Opera.

"No more talk of darkness, forget these wide-eyed fears;
I'm here, nothing can harm you, my words will warm and calm you.
Let me be your freedom, let daylight dry your tears;
I'm here, with you, beside you, to guard you and to guide you.
Say you'll love me ev'ry waking moment; turn my head with talk of summertime.
Say you need me with you now and always; promise me that all you say is true,
That's all I ask of you."

"Let me be your shelter, let me be your light;
You're safe, no one will find you, your fears are far behind you.
All I want is freedom, a world with no more night;
A and you, always beside me, to hold me and to hide me.
Then say you'll share with me one love, one lifetime; let me lead you from you solitude.
Say you want me with you, here beside you, anywhere you go, let me go too,
That's all I ask of you."

"Say you'll share with me one love, one lifetime. Say the word and I will follow you.
Share each day with me, each night, each morning.Say you love me...
(You know I do.)
Love me, that's all I ask of you."

Alam n'yo, agree ako sa kanya.




Source: bioutloud.net

1 comment:

  1. Who ever wrote this story is truly amazing.. i realized that is was crying while reading this.. i really love the last part..

    ReplyDelete