Monday, January 14, 2013

When a Gay Man Loves 09

Source: darkkenstories.blogspot.com


Part Nine
-----------------------
Edward
-----------------------
            It was one of the happiest day of my life. Sa wakas! Nasabi ko na kay Brian na gusto ko siya. Wala ng kyeme kyeme pa. Baka mamaya kasi, mawala pa siya. Kailangan, maunahan ko si Matthew.

            Oo, si Matthew. Alam ko naman na hindi talaga bestfriend ang turing niya kay Brian. Higit pa dun. Alam kong gusto din niya si Brian. At eto namang si Brian, alam ko ng mahal din niya yung isa. Mas higit pa sakin. Tanga tanga din 'tong si Matthew eh. Sobrang dami niya nang pinalagpas na chance para masabi kay Brian ang nararamdaman niya. Pero ano? Hindi niya parin sinabi.


Ako: Brian?
           
           Text ko sakanya pagkauwi ko. It was already 10PM

Brian: Bakit?
Ako: Wala lang :) Miss na agad kita :)
Brian: Talaga lang ha? Basketball player ka talaga...
Ako: Pick-up line ba yan? Sige. Bakit?
Brian: Napaka-bolero mo kasi!
Ako: Awww :( Totoo naman eh...
Brian: Ito naman! Biro lang!
Ako: Di mo ba ko namiss?
Brian: Hindi... Halos buong araw na kita ksama eh... tapos ka text pa kita ngayon...
Ako: Awww ulit :(
Brian: O sige na... Namiss na... Pero konti lang :)
Ako: Grabe ka naman...
Brian: :D
Ako: Masaya ka ba?
Brian: Oo naman...
Ako: Bakit?
Brian: Madami kasing magandang nangyari ngayon...
         
            At ayun na. Humaba na ang usapan. Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa mga ginawa namin kanina.

            12:30AM. I decided to call him para mag-Good Night. Agad naman niyang sinagot

"Oh? Bakit ka pa tumawag?" sagot niya
"Masama po ba? Mag gu-good night lang..." sabay nagtatampo na tono
"Pwede namang i-text mo nalang eh.." sabi niya
"Gusto ko ako mismo... hindi yung text pa..." sabi ko
"Arte..."
"Okay..."
"Sige na... Good night na... Maaga pa ko bukas..."
"Good night Baby... I love you..."
"Baby ka jan?! I love you agad?"
"Ayaw mo po ba?"
"Hindi naman sa ganun.. Thank you..."
"Wala bang I love you too jan?"
"Hmmm.. Eto na... I love you too BABY..."
"Yes! Haha! Babye... Kita tayo ha?"
"Ha? Late na ah... Saan?"
"Sa Dreamland ko... Bisitahin mo ko dun..."
"Daming alam... sige na... Good night na..."
"Good night!"
"I love you..." sabi niya. Take note. Siya ang nauna!
"Ayiiieee... I love you tooo... Baba mo na..."
"Ikaw na mauna..."
"Ikaw na..."
"Ikaw..."
"O sige... Bibilang ako hanggang tatlo... pagka-three, baba na natin.."
"One, two, three!" sabay naming bilang tsaka namin ibinaba

-------------------
Matthew
-------------------

            Bulletin Board.

"Pre, si Bryan 'to diba?" sabi sakin ni Crix nang mapadaan kami sa Bulletin Board ng school namin. Journalists ang mga karaniwang nagpopost ng mga write ups or any stuffs na maaaring pagusapan ng school.

"Oo nga... tsaka si Edward yung isa?" sabi pa ni Karl
"Patingin nga..." sabay hawi ko sa dalawa

            Oo nga... si Bryan 'to...

"Pare! Basahin mo yung buong article!" gulat na sigaw naman ni Karl

            Friday.

                        The classes ended earlier. It was around four in the afternoon when my friends wanted to hang out. We decided to stay in SM around here in Cebu City.

                        We played for a while in Quantum upon our arrival. But, one of my friends, Becca, noticed a student wearing the same uniform of our school. He seems to be in the Education Department because of his uniform. Later we found out that he was Bryan Anthony Nicholls, Freshmen, and he's enjoying the company of Edward Harold Kiefer.

                        They played Basketball Arcade together and seemed very happy, specially Bryan. Like Professional Ninjas, we followed them secretly. After playing Basketball, they sang in one of the Videoke Rooms. The two of them seemed to be sweet to each other. And again, we followed them near the cashier area. Bryan gave plenty of tickets to the Amusement Personnel to redeem prizes. We're shocked of what happened next. Edward gave a huge Stitch stuffed toy to Mr. Nicholls! And, also, they redeemed a Spongebob plushie, for Edward, and Patrick Star plushie for Bryan. Sweet doesn't it?

                        We are still following them, very curious of what will happen next. Both of them ate in the Foodcourt. Seems like it was Edwards treat? They started to eat. It looked very simple. Two guys eating together. Edward also bought Ice Cream for himself, and for Bryan. Another thing happened. Edward wiped the Ice Cream marks in Bryan's nose using his hanky! Now we can say that they were like sweet couple.

                        When we are about to leave, someone shouted "I love you!". Being curious who that brave guy is, we looked back. It was Edward who shouted. He repeated the phrase twice! Now everyone in the area is giving them such attention. "Pumapayag pa ka ba, Brian Anthony Lacua Nicholls na ligawan ko?" asked Mr. Kiefer to Nicholls. We can hear the crowd shouting stuffs like "YES na yan! Wag mo na pakawalan! Ang gwapo na niyan oh! Yes na! Wag na magpatumpiktumpik pa! Yes yes yes! Hooooo!!! Nakaka kilig! Nakaka-inggit! Ang keso!" and etc,. Bryan, looked very confused, and shocked at the same time, said 'yes' with enough confidence. What do you think guys?

                                                                                                                                                -ECP

"Fuck..." nasabi ko nalang bigla.
"Tara na mga tol... time na..." singit naman ni Crix.

            Nakakapanghina. Nakakawalang gana. Umagang umaga, ganon ang nabasa ko? May mga pictures pa na hawak hawak ni Edward yung kamay ni Bryan. Arghhh! Sarap manapak!

            Koya, ang bagal mo naman kasei! Idinahilan mo pa si Artemis nung Friday para lang maka-lusot! sabi ng utak ko.

            Eh malay ko ba na ganun pala ang plano nung gagong yun?!

          
            Pre, ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka! Mananakawan ka! sabat ni Mr. Straight Brain

            Sige... pagtulungan niyo pa ko...
            Fafa, pano na ngayon itech? Naunahan ka na ni Fafa Edward...
            Bahala na...

            Buong magdamag akong balisa. Daig ko pa ang bangag sa inuman. Tulala. Hindi na nga rin ako nakakain ng lunch.

            "Ang lakas din naman ng loob mo na agawin si Edward samin 'no..." sabi ni Bianca. General Science naa ng subject namin nun.. Kaklase ko si Bryna sa subject na 'to. He was caught off guard. Halata sa mukhaniya ang takot.
            "Wala akong inaagaw sainyo, kaya pwede ba, padaanin niyo na ko..." matapang parin na sabi ni Bryan.
            "Eh pano kung ayaw namin?!" sabat pa ni Mariz.
            "Hindi ako nag-aral dito para gumawa ng eskandalo o gulo... kaya padaanin niyo na ako..." sabi ni Bryan
            "Hindi nagahhanap, eh gumawa ka na nga ng gulo? Kung ayaw mo ng away, kami gusto namin. Boys! Simulan niyo na!" sigaw ni Dianne
            "Ano ba! Bitiwan niyo nga ako! Wala akong ginagawa sainyo!" sigaw ni Bryan. Halata sa boses niya na anytime eh babagsak na ang luha niya.

            Agad ko naman tinawagan sila Crix, Karl, Sam, Mac, at yung kambal. Resbak. Hindi ko naman kayang ipagtanggol si Bryan ng ako lang mag-isa. Ang dami kaya nung nakahawak na lalaki sakanya. Ang lalaki pa ng mga katawan, parang mga bouncer!

            Dumating naman sila agad.

            "Bitawan niyo nga siya!"  sigaw ni Edward
            "Oh, ayan na pala yung isa pang BAKLA! HAHAHAHAHAHA!" sigaw nung isang lalaki na nakahawak kay Bryan
            "Ano bang kelangan niyo sa kanya, ha?!" sabat ni Crix
            Unti-unting lumapit sila Bianca, Dianne at Mariz kay Edward. Lumingkis sila dito na parang mga ahas.
            "Si Edward lang naman ang gusto namin..." malanding sagot ni Bianca.
            "Ayan na yung gusto niyo oh, hawak niyo na... Pakawalan niyo na si Bryan.."  sabi ni Karl
            "Ganun nalang yun? Syempre, bubugbugin muna bago yan... Simulan niyo na..." sabi ni Dianne sa mga lalaki

            Agad-agad din kami sumugod. Mas marami naman kami kesa sa kanila. Tumulong na din sila Bea, Naevia at Romina, mga kaibigan naming babae. Maririnig ang hiyawan sa buong corridor. Buti nalang at nagkaroon ng biglaang meeting ang Professors namin kaya magagawa namin 'to ng wlaang pipigil.

Uhm! Yan ang bagay sayo! sabi ni Romina habang nakadagan siya kay Mariz habang sinasampal sampal ito

Away pala gusto mo ha?! Sige! Ayaaan!!! Follow me doggy! sabi naman ni Bea kay Dianne habang sinasabunutan niya ito at kinakaladkad sa buong kahabaan ng hallway. Nagsitabihan naman ang mga estudyante para bigyang daan ito.

How dare you babaeng palaka na mukhang baklang pating na pagong na may lahing dalagang bukid! Sino may sabi sainyong pwede mong saktan ang kaibigan namin ha?!! sabi naman ni Naevia kay Bianca. She is really a warrior. Sinasabutnutan niya ito habang nakaluhod sa harap niya at sinasampal.

            Kinuha naman agad ni Edward si Bryan.

            Tinigilan na namain ang pambubugbog sa kanila. Yung mga kasama naming mga babae, parang walang nangyari sa kanila. Ganun parin. May make up pa! Sisiw ang pambubugbog para sa kanila. Yun nga lang, nabali yung ilang kuko nila dahil sa pagkalmot. Kaming mga lalaki naman, puro pasa sa mukha at putok ang labi. Pero mas grabe yung sa kalaban namin. Ang messy ng hitsura!

            Lumapit ulit sila Bianca.

            "Edward... I'm so sorry..." sambit niya habang umiiyak iyak pa.
            "No... hindi sakin... kay Bryan..." sabi naman niya
            "Bryan... Sorry..." halata ang kaplastikan sa mukha nito. Halatang Made in China
            "It's okay..." sabi naman ni Bryan
            "Edward, sorry ulit..." tumingkayad siya at akmang hahalikan si Edward sa labi. Lumayo at umiwas si Edward sabay...

PAKKKK!!!

            Binigyan niya ito ng isang napakalakas at malutong na sampal. Kita sa mukha ng mga estudyante ang pagkagulat. Nakakabingi kasi talaga yung pagsampal ni Edward.

            "Tandaan mo 'to Bakla, hindi pa tayo tapos.." sabi niya sa mukha ni Bryan at sabay walk out. Nag-flip pa siya ng buhok niya na pumitik sa mukha ni Bryan.
            "Teka lang Bianca.." sabi ni Bryan at hinila ang buhok niya na nagpaharap sakanya papunta kay Bryan
            "Pasampal pwede?" hindi niya na hinintay ang approval ni Bianca at agad na sinampal ito sa kaliwang pisngi.
            "Ayan.. pantay na siya..."
            "You'll pay for what you did..." biglang banta naman ni Bianca kay Bryan.
            "Magkano ba? Paki sabi nalang kay Daddy, or maybe, paki swipe nalang 'tong credit card jan sa clevage mong maitim!" pang aasar pa ni Bryan. Nagtawanan naman ang lahat ng nakasaksi.
            "Everyone! Tapos na po ang palabas! Maraming salamat po sa panonood!" sigaw ni Karl
------------------
Bianca
------------------

          Worst day ever.
          
            I rushed home after that fight. Kasama ko parin sila Dianne at Mariz hanggang sa bahay. We stayed there. Ugh! It was that fag's fault! Hindi sana kami mapapa away kung hindi dahil sa kanya! Kasi naman 'tong Edward na 'to eh. Mangliligaw na nga lang, sa bakla pa! Bwiset! Tanggap ko pa sana kung sa ibang babae eh, kaso sa bakla pumatol!

            "Girl are you okay?" isang nakakalokang tanong ni Mariz.
            "Who the hell would be okay after a goddamn fight?! Sige nga! Are you STILL okay after kang sampal sampalin at ipahiya!?" sabi ko kay Mariz
            "Sis, kalma lang... Kami din naman napaaway..." sabi ni Dianne
            "Humanda sakin yang baklang yan... Hindi pa kami tapos..." sabi ko habang ginagamot ang mga pasa ko sa mukha
            "So, ano ng plano?" sabi ni Mariz
            "I already have a plan... It will be very fun... Bwahahahahahaha! I will let that faggot live and burn in hell!"

To be continued....

No comments:

Post a Comment