Monday, January 14, 2013

Bullets for my Valentines 47

By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Facebook Page: www.facebook.com/pages/Dylan-Kyles-Diary/108358679208615


[AJ’s POV]

“What’s going on?” tanong sa akin ni Rizza ng makarating kami sa bahay.

“I don’t know...”

“Sabi na at hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking yun. Bakit ba kasi hindi natin sinugod?”

“Stop it.” Sabi ko.

“Wag kang tanga Arwin...”


“Please...”

“AJ naman..”

“Please! Ayokong pag usapan...masakit...sobrang sakit...”

Napaluhod na ako at saka umiyak. Daig ko pa ang sinaksak ng ilang ulit sa aking likuran. Naiiyak na lang ako sa nakita ko.

Ano bang meron? Bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sarili kong mata? Ayokong maniwala. Hindi, sabi ko sa sarili ko. Sa kanya lang ako maniniwala.. sa explanation niya.

“Hey.. stop crying... he’s not worth for it.”

“Ang sakit.... ang sakit sakit...”

“Dapat kasi pinapatay na ganung mga lalaki...”

“Hindi ako maniniwala sa nakita ko.... sa kanya lang ako maniniwala...”

“Wag ka ngang mag pakatanga...”

“Mahal ko siya at sabi niya kapag sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal doon lang daw ako maniniwala...”

“Pero ano ang nakita natin?”

“Hindi natin alam kung ano ang nangyari sa likod nun.. we should not jump to any conclusions...”

“Pero...”

“Ayoko ng pag usapan.. please...”

Pinahid ko ang luha ko. Tumayo at inayos ang sarili.

“Iakyat na natin ang gamit mo...”

Tinulungan ko siyang iakyat yung mga gamit niya doon sa taas. Mga alas singko ng hapon ng dumating sila mama. Inexplain ko kung ano ang gagawin ni Rizza sa pamamahay namin.

Pumayag sila at masaya sila na magbabkasyon ito sa amin. Alas sais na ng gabi ng biglang dumating si James. Si Rizza, nagtikom agad ng kamao.

“Hey... cut it out... It’s okay.” sabi ko.

“Nandito ka pala Rizza..”

“Hindi...picture lang ako...”

“Yeah.. jokes mo...”

“Oo, Joke nga. Baka makamatay ako. Ay joke lang. Sige akyat muna ako....” sabi ni Rizza.

Agad kong niyakap si James at pilit pinipigilan ang umiyak. Ayokong magtanong, gusto ko sa kanya mismo manggagaling ang mga sasabihin niya.

“Kamusta ka?” tanong niya.

“Eto miss na miss ka...” sagot ko. Sabay pahid ng luha. Di ko na kasi mapigilan.

“Hey.. don’t cry...”

“Ma-masaya lang ako....”

“Wag na iyak... hey... pwede ka ba ngayong gabi? Labas tayo? Miss na kita eh...”

“Wait....” tumalikod ako at tinawag sila mama.

“Ma... lalabas daw kami ni James...” paalam ko.

“Good evening mama...” sabi ni James.

“Good evening din.. naku gabi na....” sabi ni mama.

“Mama... overnight naman po.. miss ko lang po itong anak ninyo...”

“Ay siya ingat kayo ah.. hoy lalaki.... wag mong kalimutang dalhin yung gamot mo...”

“Bakit po mama may nangyari ba kay AJ?”

“Wala naman.. eh incase.... para di kayo mag panic...”

“Thank you mama...” sabi ko. Tumaas na ako para mag bihis.

Sa kwarto ko, nandun si Rizza at nagcomputer.

“Ei.. aalis kami...” sabi ko.

“Saan kayo pupunta?”

“lalabas daw kami.”

“Nag usap na kayo?”

“Di pa...”

“Hoy. Wag ka masyadong tanga ha....”

Ngumiti lang ako sakanya. “Wag mo akong ngitian...” sabi niya.

“Ipag pray mo na kayanin ko kung anuman ang mangyari sa pag uusap namin..”

“Basta tawag ka lang sa akin kapag may nangyaring masama...”

“Yup... overnight daw eh kaya di nakita masasabayan matulog...”

“Okay sige... ingat kayo... behave”

“Salamat ng marami....”

Pagkabihis ko umalis na agad kami. Pareho lang kaming tahimik. Di kumikibo at diretso ang tingin. Nakakapanibago si James talaga. Haixt.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Candle light dinner pala. Haixt. Si James talaga. Buti at di pa ako kumakain.

Habang nakain kami tahimik pa rin ang paligid. Kaya ako na ang nagsimulang makipag usap.

“Bakit di ka nagparamdam ng isang linggo?” tanong ko.

“Busy lang...”

“Saan?”

“Marami...”

“Tulad ng?”

“Basta...”

“Ano nga?”

“Sa requirements...”

“Ah okay...”

“Sorry.”

“Okay lang...”

“Kamusta ka?” anong niya.

“Okay naman ako.. eto buhay pa... miss ka ng sobra... haixt.. kung alam mo lang.. ilang araw kitang tinatawagan pero di mo sinasagot... pinupuntahan kita sa bahay ninyo, kaso wala ka naman lagi... nakakapagtampo lang talaga...”

“Sorry.. busy lang talaga... miss din naman kita eh.... sobra,... kung alam mo lang...”

“Akala ko nga na nang chi-chicks ka lang eh...hahah..” pagbibiro ko, pero mukhang sineryoso niya.

“Yan ba tingin mo sa akin?”

“Just kidding... sorry...”

“It’s a bad joke.”

“Salamat pala...” sabi ko. What a night, nag dinner pa kami eh di naman kami nag-uusap. Daig pa namin ang strangers eh. Haixt.

“Saan?”

“Dito... salamat.. napasaya mo ako..”

“I love you....”

“I Love you too...” at tinuloy na namin ang pagkain.

After namin kumain, nag stroll kami sa may park. Ganda doon, maraming magagandang tanawin. HHWWMPSSP pa nga kami eh, Holding hands while walking may pa sway-sway pa. Oh diba.

“Don’t do this again..”

“Ang alin?”

“Make me worry... make me miss you.. ang sakit kasi eh... sobrang sakit...”

“Sorry...”

“Kwento ka naman mga nangyari sayo buong linggo?” magsalita ka naman.. please. Ang sakit kasi na parang may iba ka na... na parang pinagsawaan mo na ako.

“Ayon.. okay naman...”

“Si Khail kamusta?”

“Ayon naman.. okay siya... tumataba...”

“Wag mo kasi masyadong pakainin...”

“Di mapigilan eh.. hahaha.” Sabay tawa.

Sa wakas tumawa siya. My heart makes smile. “Salamat at tumawa ka na...”

“bakit ba parang kalkulado mo galaw ko?” taong niya.

“Wala naman... I miss you lang..”

Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa labi. In public pa talaga. Pilyong pilyo pa nga siya eh.

“Sa harapan ng maraming tao.?” Tanong ko.

“Bakit ba?”

“I love you...”

“I love you too.”

“Gaano mo ako kamahal?”

“Nasusukat ba yun?”

“Hindi... pero sabihin mo sa akin kung gaano mo ako kamahal...”

Binitawan niya yung kamay ko at tumungtong sa may upuan. Humarap sa may tao at nagsisigaw.

“Mahal na mahal ko si Arwin Jake Montederamos.... siya lang ang nag-iisang mahal ko.. siya lang at wala ng iba.... sana ako lang ang paniwalaan ni AJ... sana ako lang ang mahal niya... umalis man ako sa tabi niya.. sana maisip niya na mahal na mahal ko siya.. kahit anong mangyari.. mahal na mahal ko siya... yung puso ko nasa kanya na.. at sa kanya lang yun.. wala ng iba pa...” sabi nito.

Napaluha ako sa sinabi niya. Halos di ko mapigilan ang mapaiyak. Nakita ko rin na umiiyak siya. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Feeling ko iiwan na niya ako. Feeling ko mawawala na siya sa akin. Feeling ko, argsh.... wag sana.. Lord please.

10 pm na ng gabi ng umuwi kami sa bahay nila. Diretso kwarto at inaantok na ako. Nagbihis ako at pinahiram niya ako ng boxer at t-shirt. Ako ang unang humiga at sumunod naman siya.

Pagkahiga niya niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa batok.

“I miss you..” sabi niya.

“Me too.” Humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya. Gumanti siya.

Unti-unti nakaramdam ako ng sensitibong pakiramdam. Isang feeling na kung saan nagsasabing kaaya aya ito. Unti-unting gumala ang mga kamay niya sa katawan ko, maging ang halik niya gumagalaw na rin.

“I will make this night memorable..” sabi niya.

Ang sakit. Sobra. Feeling ko tama ang hula ko na nagapaalam na siya sa akin. Sobrang nasasaktan ako kaya hindi ko na lang pinahalata na umiiyak ako.

Hinubaran niya ako ng damit, maging ako hinubaran ko na din siya. Malalapad na pagyayakapan at mainit na halik ang namuo sa aming dalawa sa loob ng kanyang kwarto.

Nag alab ang mga pagnanasa namin sa isa’t isa. Yung feeling na bumalik ka sa unang pagkakataon na nangyari sayo ito.

Ng naramdaman kong malapit na kaming mag isa, niyakap ko siya nag mahigpit at unti-unti naramdaman ko na nagsanib ang aming katawan. Masakit, pero hinayaan ko lang. Basta alam kong masaya ako na naibigay ko muli ang sarili ko sa kanya.

Tumagal ang pagnanasang ito ng ilang minuto. Ewan ko pero sinusulit ko na rin itong pagkakataong ito. Madami na ata ako masydaong iniisip.

Ilang sandali lang din ay natapos ang pagnanasa naming iyon. Ilang oras din matapos niyon ay nagkaroon pa ng pag uulit. Masaya ako sa nararanasan ko pero ang sakit ng nararamdaman ko. Sa kaloob looban ko, feeling ko mamatay ako sa sakit. Nahihirapan ako sa nangyayayari. I hate this damn feelings.

[Chad’s POV]

Nandito kami ngayon sa mall ni James. Nag gagala kami. Niyaya niya akong lumabas. Masaya ako, bakit? Kasi siya ang kasama ko. Kasi nasa akin siya at alam ko na nag aalala siya sa akin.

Bawat lakad namin, para akong heaven. Daig pa namin ang mag on. kung ano man ang nangyari sa kanila ni AJ, wala akong pakialam ang mahalaga eh nasa akin si James. Nung isang gabi di siya umuwi sa bahay namin, may pupuntahan daw siya eh.

“Anong ginawa mo nung isang gabi...” tanong ko habang nakain ako ng ice cream

“May ginawa lang..”

“Ano nga?”

“Kinausap dati kong kaibigan...”

“Sino?”

“Si Mark...”

“Baka naman si AJ...” pagmamaktol ko. Di siya sumagot. Hindi naman ako tanga na sabihing hindi na niya mahal si AJ. Ramdam ko yun. Baka nga napipilitan lang siya sa akin ngayon eh, pero wala, hindi naman ako nag beg sa kanya. Basta na lang siya lumapit sa akin at eto na.

“Mahal mo pa ba siya?” stupid question.

“Wag na natin pag usapan...”

“Okay... tara nood tayo movie...”

“Ano gusto mo?”

“Kimmy Dora 2... hahahha....”

“yeah.. wait bili lang ako ng ticket.”

While he was buying tickets, ako naman eh bumili ng pagkain namin. Then afterwards nanood kami ng movie.

Feeling ko panandaliang nawala yung sakit ko, bakit kamo? Kasi naman sobrang hagalpak ako sa kakatawa. Well, for your information, nag set na ng formality yung doctor ko.

Sabi niya I need to go surgery, pero ayoko, why? Natatakot ako, natatakot ako na baka habang nasa loob ako ng operationg room, mawala sa akin si James. Oo alam kong naawa lang siya sa akin.

Hindi lang yun yung dahilan, nahihirapan na din naman kasi ako. My operation is schedule after 5 months. di na daw dapat mag exced ng 8 months yung sergery ko. Stage 2 na kasi yung sakit ko at kailangan ng matanggal yung mga tumors sa katawan ko.

After ng movie, bumaba kami papuntang food court. Doon kami kumain. Madami na naman akong kumain. Nabusog ako lalao kaso sobrang sweet sa akin ni james. Sinususbuan na niya ako.

“Salamat..” sabi ko.

“For what?”

“Dito.. alam ko napipilitan ka lang...”

Di siya sumagot. “I love you...” at ngumiti lang siya.

Shit, ang sakit, ang sakit na ipamukha pa sa sarili ko na wala akong puwang sa puso niJames. Bakit kasi si AJ pa? Si AJ pa yung lalaking minahal niya.

After namin kumain, pumunta kami sa Quantum. Naglaro kami ng basketball at as usual, talo ako. Player kasi tong mokong na to.

“Ang daya mo talaga eh..” sabi ko.

“Diskarte lang yan...”

Hinawakan ko ang kamay niya at naghanap pa kami ng malalaruan, hanggang sa makarating kami sa isang videoke stand. Yung tipong live ung kantahan.

Nagulat na nga lang ako ng makita ko si AJ na nakatayo doon kasama ang isang babae. Nakanta siya.

“Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo ako? Nakakasiguro ka ba ngayon sa bago mo?”

“Sana ay mahalin ka niya at wag kang sasaktan.... kahit di tayo.. problema mo’y sabihin lang...”

His voice is soft as an angel. Nakakdala talaga. Haixt. Naramdaman ko na hinihigit ni James ang kamay ko paalis. Ayoko pa sanang umalis pero wala akong magawa. Nakita kong napatingin sa amin ni AJ.

Agad naman kaming lumayo doon. Hinigit niya ako.

“Hey... nasasaktan ako..” sabi ko. Napatigil siya

“Sorry.”

“Tara starbcuks tayo...” hinila ko ang kamay niya at doon na nga kami nag punta.

“sarap talaga dito... kahit amoy kape..” sabi ko.

“Malamang kepehan to eh..”

“Seryoso ka masyado...”

“Hahahah.”

Mayamaya, may napansin kaming nakatayo sa likuran namin. At yun na nga, si AJ at yung kasama niyang babae. Tumayo ako at tinitigan si AJ.

“hey...” ang nasabi ko.

Hindi makatingin si James kay AJ. Nagsalita yung babe, “Wow, huling huli talaga kayo..”

“Sino ka ba?”

“Shut up you boblax brain...”

“Kapal mo ah...”

“Please Rizza... let’s go.. ayoko na dito.. biglang sumama pakiramdam ko.. ayoko ng gulo....” sabi ni AJ.

“James... kapal ng mukha mo.. nakakinis ka...”

Kinaladkad naman ni AJ yung babaeng kasama niya. Boblax brain talaga, how dare she.

“Tara uwi na tayo...”

“Malasin ka sana... masktan ka sana... masagasaan ka sana. Walang hiya ka... sinaktan mo na naman yung best friend ko. Hinding-hindi kita mapapatawad!”

“RIZZA!!!” sabi ko.

“Okay.. wala na akong nagawa...”

[AJ’s POV]

Para na akong timang dito sa kwarto ko kasama si Rizza. Iyak lang ako ng iyak.

“Bakit ba kasi nagpapakatanga ka doon sa walang kwentang lalaking yun?” sabi sa akin ni Rizza

“Mahal ko siya Rizza....”

“Pero sinasaktan ka niya...”

“Mahal ko talaga siya...”

“Wag ka ngang magpakababa... madami pa jang iba...”

“Madaling sabihin yan pero masakit lang talagang tanggapin....”

“hay naku.. sa lahat ng taong aambunan ng katangahan, ikaw pa.... ikaw pa ang sumalo ng lahat...”

Ang sakit. Takte. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Sabi niya mahal niya ako, pero bakit? Bakit kasama niya si Chad? Sila na ba? Takte yan ang sakit. Daig ko pa ang tinapakan. Ahas talaga si Chad. Walang hiya siya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Rizza. “Ang sakit best.. ang sakit...”

“Sige iiyak mo lang yan... nandito lang ako para sayo...”

“Hindi ko maintindihan kung bakit?”

“Bakit kasi hindi mo tinanong?”

“Natakot ako.. ayaw kong alamin.. kinakabahan.. hindi ko alam kung kakayanin ko bang marinig na hindi na niya ako mahal.. na nakikipag hiwalay siya sa akin.. feeling ko mamatay ako pag nangyari yun.. feeling ko hindi ako mag susurvive... kaya ayon.... kaya hindi ko tinanong...” tuloy pa din ako sa pag iyak.

“Weh ikaw din naman pala may kasalanan eh.. haixt... yaan mo na.. makakarma din yung lalaking yun...”

“Pero mahal ko siya.. mahal na mahal...”

“Dapat kasi hindi mo na lang siya minahal eh...”

“Walang magagawa ang puso ko... mahal ko talaga siya...”

“Wag mo ng paulit-ulitin...”

“Salamat.. salamat at nandito ka... hindi ko alam kung saan ako tatakbo kung sakaling wala ka dito....”

“Siya tahan na.. wag mong sayangin ang luha mo sa walang kakwenta-kwentang tao.”

Nag simula na akong may ayos ng sarili. Ayokong malaman pa nila mama tong nangyari.

Gabi na ng pumunta sa amin si James. Di ko inaasahan na pupunta pa siya dito sa amin. Di ko alam kung kaya ko ba na kausapin siya. Feeling ko bibigay ang puso ko sa mangyayaring pag uusap namin eh.

“Good evening po mama.” Bati niya kay mama.

“Oh iho.. gandang gabi din.. kumain ka na ba?” tanong ni mama.

“Opo...” sagot ni James.

“Sa tingin ko nga tita busog yan.. busog na busog sa ibang kandungan...” pahabol ni Rizza.

“Shhh... stop...” sabi ko.

“Usap tayo..” sabi ni James sa akin.

“Mag uusap pa? Eh kitang kita na kanina eh...”

“Best..”

“Oo na tatahimik na...”

“Doon tayo sa labas.”

Agad akong nagtungo sa garden namin. Para incase na umiyak ako sa pag uusap namin, madali akong makakaakyat ng kwarto ko. May daan kasi dito, may shorcut.

Niyakap ko siya. Ewan ko, nagpapakamartir na ata ako sa sarili ko. Nagpapakatanga sa taong mukhang hindi naman ako magagawang ipag laban.

“Kamusta?” tanong ko.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan...”

“Alam mo na naman kung okay ako o hindi eh...”

“Sorry...”

“un na lang ba lagi mong sasabihin?”

“Nangako ako na hindi ka sasaktan pero heto.... heto ako at sinasaktan kita...”

“Eh kagustuhan mo yan eh...”

Umupo siya sa bench at tumabi naman ako sa kanya.

“Tungkol sa kanina?” sabi niya.

Takte ayokong umiyak.. ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.

“Ah.. yun ba.. kamusta pala ang lakad ninyo? Dapat sinabi mo na lalabas kayo para nasamahan ko kayo...”

“Pero...”

“Kamusta na ba si Chad? Galit pa ba siya sa akin? Kasi ako... galit sa kanya eh.. galit na galit.. alam mo ba kung ba....”

“Stop... please.... stop...”

“Bakit?”

“Sorry...”

“Utang na loob. Sorry na naman? Papakainin mo na lang ba ako sa sorry mong yan? Bubuhayin mo na lang ba ako sa mga pangako mo?”

“Mali ako...”

“Oo maling-mali ka... dapat kasi sinabi mo.”

“Hindi ko alam kung paano.”

“Tanga kasi ako kaya ginaganyan mo ako... napakatanga ko... at isa pa... oo nga naman, kailngan makuha mo muna ulit yung katawan ko bago ka lumipat sa iba...”

“Kung yan ang gusto mong isipin...”

“Oo yan talaga. Gago ka!”

Di siya umimik.

“Bakit mo ginagawa sa akin ito? Sabi mo mahal mo ako pero nasa piling ka ng iba? Bakit?”

“Hindi ko na kaya?”

“Paanong hindi mo na kaya?”

“Makikipag hiwalay na ako sayo....”

That was the most painful moment ever. Ang makipag hiwalay siya sa akin. Hindi ko na napigilang umiyak noon. Bumagsak na ang luha ko sa mga mata at ang sarili ko ay hindi ko na nakayanan kaya napaluhod na lang ako mula sa pagkakaupo.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment