Sunday, February 3, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 14

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 14"
---Ikalawang Yugto---
By. Iam Kenth

Sinalubong ako ni Ryan sa Airport. Nalaman kong meron siyang sariling sasakyan.

"kelan ka pa natutunong magdrive? hindi ko nasabi sa akin." Nakangiting sabi ko.

"Matagal na, mula noong napatira kami dito. Nag-aral akong magmaneho ng sasakyan, tapos nakakuha ako ng lisensya." Nakangiting sambit niya. Tumingin siya sa akin.

Inabot niya ang kamay ko. At hinalikan iyon.


"Masaya ako at nakarating ka dito..." Sabi niya habang hawaka niya ang aking kamay.

"Mas masaya ako na nakita kitang ulit." sagot ko.

"Pasensiya na kung hindi ako napunta ng Pilipinas noong mga nagdaan taon, nagkaroon kasi ng problema sa Company, kailangan kong magstay dito at asikasuhin iyon." Sabi niya.

"Okay lang. Importante nandito na ako ngayon." Sabi ko, tumingin ako sa dinadaan namin. Ibang iba iyon sa Pilipinas.

Mas matataas na Gusali, kaliwa't kanan ang mga taong nakasuot ng damit pang-opisina. Wala akong nakikitang mga Pilipino sa daan. Kung meron man, hindi ko sigurado kung Pilipino sila, malamang may mga lahi.


"2 Linggo nga lang pala ako dito, pero siguro naman sobra ko ng masusulit ang dalawang Linggo na iyon dahil kasama kita." Nakatingin parin ako sa dinadaanan namin.

"Siguro iyon na ang magiging pinakamahabang dalawang Linggo ko dito sa New York simula ng mapadpad ako dito, simula noong mapatira kami dito."

"Dibale kung hindi ka makakarating ulit sa Pilipinas, ako nalang ang bibisita ulit sa iyo dito. Nakangitin sabi ko sa kaniya.



30 minutos bago kami nakarating sa apartment na tutuluyan ko doon sa loob ng dalawang Linggo.

Maliit na kwarto lang iyon, kasya para sa dalawang tao. Isang kama, desk na malapit sa bintana, maliit na banyo, at sink sa iyong pagpasok sa pinto.

Sumilip ako sa Bintana at kitang kita ko ang malawak na karagatan at kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang malaking estatwa ng Liberty.

Lumapit siya sa akin at yumakap sa aking likuran.

"Ako ang pumili ng kwartong ito, sana'y nagustuhan mo." Bulong niya sa akin.

Pumaikot ako at humarap ako sa kaniya.

Nakayakap siya sa akin.

"Gustong gusto ko Ryan." Sabi ko.

Pinagdikit namin ang bawat dulo ng aming mga ilong, nakatingin kami sa aming mga mata habang may ngiti kami sa aming mga labi.

Dahan dahan humalik siya sa aking labi. Pumikit ako at dinama ko ang kaniyang mga halik.


Ihiniga niya ako sa kama at pumatong sa akin habang hinahalikan niya ang aking leeg.

Napansin ko nalang na kapwa wala na kaming mga suot. Ikinikilos niya ang katawan niya sa ibabaw ko. Patuloy ang paghalik niya sa aking leeg, baba at labi.

Titingin sa aking mga mata at magsasabing...

"I love you..."

ngingiti ako at muli niya akong hahalikan sa mga parteng nais madampian ng kaniyang labi, nakayakap ako sa kaniya ng mahigpit.

Pagkatapos naming pagsaluhan ang sandaling init ng aming pagmamahalan ay magkatabi kami habang pinagmamasdan ang isa't isa.

Hindi kami kapwa makapaniwala na magkasama kaming muli. Kumain kami sa labas. Bumalik ng apartment at sabay na naligo, muling humiga sa kama.


Kapwa kami masaya at nararamdaman ko na iyon ang kaniyang nararamdaman.


"Masyado ng gabi, hindi kapa uuwi muna sa inyo?" Tanong ko.

"Hindi, bukas umaga na ako uuwi, nais kitang makasama sa unang gabi mo dito. Gusto ko na sa pag gising mo sa umaga ay ako ang una mong makikita." sabi niya.

Humalik siya sa aking noo.

Mas inilapit ko ang sarili ko kay Ryan at niyakap niya ako. Pumikit ako na may ngiti sa labi.


Kinaumagahan ay ang nakangiti niyang mukha ang aking unang nasilayan. Tila hindi siya natulog at binantayan lang niya ako sa buong magdamag.

"Goodmorning Myk..." Nangiting sabi niya.

"Magandang umaga din sayo Ryan..."Yumuko ako noong humalik siya sa aking noo.

Nag-almusal lang kami at nagpaalam muna siya.


Naiwan ako sa loob ng apartment. Lumipas ang ilang oras ay nagdesisyon akong maglakad lakad.


Tumingin tingin sa labas. Pinagtitinginan ako ng aking mga nakakasalubong, marahil naninibago sila sa itsura ko dahil ganun din ako sa kanila.

Napunta ako sa isang parke, at nakakita ako doon ng masasayang pamilya na magkakasama, may mga magkasintahan din.

Umupo ako pansamantala sa bench habang pinagmamasdan ang mga tao na nandoon.

Nasa lugar ako kung saan walang nakakakilala sa akin pero pinapansin ako ng kanilang mga pagngiti sa akin.


Bumalik ako noon sa apartment ng bandang alas 2 ng hapon. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Ryan na nasa loob. Agad niya akong sinalunong at niyakap.

"Akala ko umalis ka na." Sabi niya.

"Hindi-- naglakad lakad lang ako. Ayaw ko namang masayang ang mga sandali na nandito lang ako sa kwarto." Sabi ko.

"Sige, ipapasyal kita ngayon." Nangiti niyang sabi.

"Pero, paano trabaho mo?" Tanong ko, nagtaka lang din ako kasi maaga pa at nasa apartment na siya.

"Wag ka mag-alala, boss ako doon. Hehe. Oh paano? Tara na, may pupuntahan tayo." Sabi niya. Ganun lagi ang sinasabi niya noong mga bata pa kami kapag inaaya niya akon lumabas.



Dinala niya ako noon sa isang beach, naglalakad kami sa pangpang habang nakalusong ang aming mga paa. Nakaakbay siya sa akin.


Umupo kaming dalawa sa buhanginan. Nakasandal ako sa kaniya. Nahihiya ako kasi, nasa ibang lugar kami tapos pinapakita pa namin sa ibang nakakakita sa amin na merong namamagitan sa aming dalawa.

"Wala silang pakialam sa atin Myk, hindi natin sila kilala, hindi din nila tayo kilala. Wala naman tayong ginagawang masay. Nakasandal ka lang naman sa akin." Nangiting sabi niya.

Pinagmasdan namin ang pagbaba ng araw sa dagat. ang ganda gandang pagmasdan ang nagaagaw liwanag at dilim at unti unting naglalabasan ang mga bituin. Hinawakan niya ang aking palad.

At pinagmasdan namin ang bituin naming dalawa na malapit sa buwan.


Naging masaya ang mga araw at gabi na inilagi ko doon na kasama siya. Halos araw araw kaming magkasama. Wala kaming problema. Masaya kaming parehas.

Sinusulit lang namin, marami pang lugar na pingadalhan niya sa akin.

Hanggang sa dumating ang araw ng aking pag-alis. Hindi kasi ako maaring magtagal doon dahil limitado lang ang araw ng pagstay ko sa bansang iyon.

"Ako nalang ang babalik dito sa susunod na taon. Gusto ko pang mapuntahan ang mga lugar na hindi ko pa nararating, kulang ang dalawang Linggo, pero para sa akin, napakahaba na niyon dahil kasama kita." Sabi ko kay Ryan, bago ako pumasok sa eroplano.

"Mag-iingat ka sa Pilipinas, iintayin kita dito Myk. Mahal na mahal kita." sabi niya.

"mahal na mahal din kita." sabi ko. Yumakap siya sa akin.

Nagpaalam na ako dahil aalis na ang eroplanong sasakyan ko.


Binigay niya sa akin ang numero ng kaniyang opisina. Kaya pagdating ko sa Pilipinas at tinawagan ko siya.

Noong kausap ko siya, parang ang lapit lapit lang namin sa isa't isa.

araw araw ko siyang tinatawagan, kung minsan naman ay siya ang tumatawag sa akin.

Hindi naging matagal ang paglipas ng isang taon. Kaya muli akong nakabalik doon.

Muli kong nakasama si Ryan.

Kahit sandali lang kami magsama sa loob ng isang taon, ay masaya na ako doon.

Noong nandoon akong muli, gagabi gabi kaming magkayakap. Tuwing umaga at siya ang unang makikita ko.

Walang araw na hindi naglalapat ang mga labi namin.

Sa sobrang saya ng aming pagsasama.

Hindi ko namalayan na somubra sa araw ang pamamalagi ko doon. Pero, hindi ko iyon inalintana. Masaya ako dahil kasama ko siya.

Noong muli akong umalis ay nalungkot siya, pero ipinangako ko na babalik ako sa kaniyang muli.




Pero sa ikatlong pagbalik ko doon at hinarang ako sa paliparan ng amerika, hindi ako nakalabas ng airport. Alam kong inaabangan ako ni Ryan sa labas.

Gustong gusto ko nung lumabas na pero hindi ayaw nila akong palabasin.

"I just need to talk to Ryan outside, he's waiting for me. Please, just let me see him. I'm begging Sir." Sabi ko sa lalaking may mataas na posisyon sa paliparan na iyon.

"I'm sorry Sir, but you need to get back to the Philippines." sabi niya.

Wala akong magawa. Gusto kong lumabas, gusto kong tumakbo dahil alam kong nasa labas lang ng kinalalagyan ko si Ryan. Naghihintay sa akin.Pero hindi ko sila na pilit na makita ko si Ryan. Naiyak ako sa sobrang pagkalungkot na alam kong metro nalang ang layo namin sa isa't isa ngunit hindi pa kami binigyan ng pagkakataong magkita.


Napabalik ako sa Pilipinas.

Malungkot, hindi ko man lang nakita si Ryan. Alam kong nag-aalala na siya.

Kaya pagdating na pagdating ko sa Pilipinas ay tinawagan ko siya.

"Ano bang nangyari? nag-alala ako sa iyo, hindi ka nakarating. nag-abang ako doon hanggang sa last arival ng plane from the Philippines, pero hindi kita nakita. Ano ba kasing nangyari sa iyo? Bakit di ka nakarating?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Ryan, i'd been there. pero hinarang ako sa Airport. Nagkaroon daw ng problema sa record ko noong nakaraang bisita ko. Sumobra daw ako ng araw kaya hindi na nila ako hinayaan makapasok pa ng bansa. Nakiusap ako na makita ka, pero hindi nila ako pinayagan. Naging mahigpit sila sa akin. kaya hindi ko alam kung makakabalik pa ako diyan." Sabi ko habang umiiyak ako.

"Okay lang, okay lang... don't cry. Everything will gonna be alright okay? I understand." Sabi niya sa kabilang linya.


Wala na kaming nagawa.


Pero dahil sa patuloy ang problema sa kanilang kampanya, ay naging malabo ang pagpunta ni Ryan sa Pilipinas. Kaya sa tawagan nalang kami nagkakausap. Nagpapadala siya ng kaniyang litrato.



Iyon nalang ang aming tanging nagawa.

No comments:

Post a Comment