Wednesday, December 19, 2012

Tukso (07-09)

by: Daredevil

Part 07

Nabigla naman ang mga kaibigan ko sa pagsulpot ni Mike. Wala sa kanila ang makasagot ng tinanong niya. Ako naman tuloy pa rin sa paghikbi habang nakayakap kay Bea.

"Ano na Ric, sagutin mo ang tanong ko?" si Mike na medyo mataas naang boses. Dahil nasa labas kami nakaupo, di maiwasang magtinginan ang mga taong nakaupo rin at ang mga naglalakad.

"Althea, Nica, iwan ko muna sa inyo saglit si Ric, mag-uusap lang kami ni Mike sa labas." si Bea.
"Sige friend" pagsangayon nila.
"Halika Ric dito ka muna sa amin, kasi naman tong si Bea, sa susunod kasi kape na lang iinumin natin wala nang magdadala ng alak. si Althea.
"Sus kung makapagsalita ito eh umiinom din naman kayo. Tara na nga Mike, labas muna tayo, may pag-uusapan tayong mahalaga." yaya ni Bea kay Mike.

Hindi ko alam ang mga pinag-usapan ng dalawa. Inaalok din ako ng kape ng dalawa pero dahil na rin sa kalasingan, hilo at antok, nakatulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako dahil may nakapa akong tao sa tabi ko. Nang idilat ko ang mata ko, napatayo ako dahil katabi ko si Mike, nakahubad pang-itaas at nakaboxer shorts. Mahimbing parin ang tulog niya. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Tama, nag-inuman kami magbabarkada tapos bigla siyang sumulpot. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Hihikab-hikab akong tumayo sa higaan para maghanda sa pagpasok sa opisina. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo nang mapatingin sa salamin, napasigaw ako. Iba na ang suot kong damit. Dahil doon nagising si Mike at kinatok ako sa banyo.

"Ric, ok ka lang, ano nangyari sa iyo, buksan mo ang pinto." si Mike.
"Wala ito, sige a....ayos  lang ako." sabi ko.
"Sigurado ka, bababa lang ako para magluto ng breakfast natin" si Mike.

Hindi na ako sumagot sa kanya sa halip, tinuloy ko na lang ang aking ginagawa. Naisip ko na baka pinagsamantalahan ako ng mokong, tsinansingan ako. "Arrrrhhh, hindi iyon maaari straight siya" ang napailing-iling kong sabi sa sarili ko.

Pagkatapos, bumaba na rin ako para mag-agahan. Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay ng pagkain. Habang nagluluto siya sa kusina, iniisip ko naman ang mga nangyari. Bakit katabi ko si Mike? Siya ba ang nagpalit ng damit sa akin? May Nangyari ba sa amin? Ah ewan. Kaya napagdesisyunan ko na tanungin siya . Makaraan ng halos 30 minuto, tinawag na niya ako  para kumain.

"Ric, ok ka na ba?" si Mike na may tono ng pag-aalala habang kumakain.
"Ayos lang pero mas magiging ok ako kapag umalis ka na" sabi ko dahil sa naalala kong eksena kahapon.

Nahiwagaan ako sa mga sunod na ginawa niya, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko naman magawang basahin sa mata ang mga iniisip niya. Maya-maya, huminga siya ng malalim at nagsalita.

"Alam ko ang iniisip mo. Yung pagtabi  natin sa kama at ang pagpalit sa damit mo." Aaminin ko, ako ang nagpalit ng damit mo, nasukahan mo kasi ito e, hanggang doon lang, wala na ko ibang ginawa sa iyo." paliwanang niya.
"Buti naman kung ganoon" tugon ko sabay subo ng kinakain.
"Siyempre mataas ang respeto ko sa iyo. Gagawin ko lang ang bagay na iyon sa taong malakas ang loob ipagtapat ang tinatago nitong damdamin sa akin." si Mike.
Parang patama sa akin ang sinasabi niya pero di ko pinahalata na affected ako at tinuloy ang pagkain.
"Ric, alam ko na ang totoo sinabi na ni Bea ang lahat sa akin. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo." si Mike.

Bigla ulit akong naluha sa mga sinabi ni Mike.  Naalala ko bigla ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin.

"Ngayong alam mo na, dapat layuan mo na ako." sabi kong naluluha.
"Hindi, hindi ko gagawin iyon. Ric, alam kong natatakot ka lang masaktan kaya pinagtatabuyan mo ako. Pero sasabihin ko sa iyo, naiiba ako sa kanila. Puputulin ko na ang mga sunud-sunod mong kamalasan." sabi niyang naluluha na ikinagulat ko.
"Aaminin ko nung una nasasaktan na ako sa mga ginagawa mong pagdistansya sa akin. Hindi mo pinahahalagahan ang mga ginagawa ko sa iyo.At ngayong nalaman ko na  ang lahat, naiintindihan ko na kung bakit mo ginagawa sa akin ito. Sana Ric, bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan na di ako tulad ng mga nauna mong nakarelasyon." dagdag ni Mike sabay hawak sa kamay ko.

Gusto ko nang bumigay ng mga oras na iyon. Kitang-kita ko ang sincerity sa mga sinasabi niya. Hindi ko na talaga napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Tuluyang napahagulgol na ako sa mesa. Tumayo naman si Mike sa kinauupuan at lumapit sa akin. Napayakap ako sa kanya.

"Pasensya ka na sa mga nagawa ko, natatakot lang kasi akong masaktan ulit. Masyado na akong nadala e. Mahal Kita Mike." sabi kong habang umiiyak na nakayakap as kanya.
"Ang sarap naman pakinggan. Mahal na mahal din kita, simula ngayon magiging masaya ka na" si Mike na medyo ngumiti na at hinaplos ako sa likod habang nakayakap sa kanya.
"Tama na yan parang nagiging korni na eh. Masyado na tayong matanda para magemote nang ganito." sabi kong nakangiti na rin. Kumalas na ako sa pagkayakap niya  at nagpunas ng luha.
"Ikaw lang naman ang nag-eemote dyan." si Mike sabay batok sa akin.
"Bilisan na natin, malalate na ako sa work." sabi ko.
"Huwag ka munang pumasok ngayon. Tara pumunta tayo ulit ng Tagaytay." ang biglang pagyaya niya sa akin.
"Ngayon na ba, ang dami kong trabaho ngayon sa office e"ang pagulat kong tanggi sa kanya.
"Magpahinga ka naman, dapat binibigyan mo ng oras ang sarili mo na makapag-enjoy kahit minsan, lalo mo lang pinabibilis patandain ang sarili mo e dahil sa kakaisip sa trabaho." si Mike.
"Matanda ka diyan, hindi pa ano. Saka magkasing edad lang tayo? sabi ko sabay batok sa kanya para makaganti.
"Mas gwapo naman ako sa iyo" si Mike sabay kindat at pose ng papogi sign.
"Ay ang lakas ng hangin dito grabe" ang reaksyon ko sa kanya sabay paypay ng kamay.
"Ah basta sasama ka sa akin whether you like it or you like it." si Mike.
"Sige na nga sasama na ko" pagpayag ko narin. Alam kong hindi naman ako mananalo sa kumag na ito.
______________________________________________

Sa totoo lang gusto ko na rin balikan ang isang magandang alaala, ang Tagaytay. Dito ako unang dinala ni Mike noong college days namin. Naalala ko, isang hapon oras ng uwian, sabay kaming umuwi gamit ang kanyang kotse. Nakatulog ako habang nagmamaneho siya at paggising ko ay nandun na kami.

"Saan mo ako dinala, hindi ito ang bahay namin" ang naiinis ko nang sabi kay Mike.
"Pwede bang huwag kang sumimangot, papangit ka nyan e. Tara baba ka na." si Mike.

Habang nakaupo sa damuhan, tumabi siya  sa akin, inakbayan niya ako.

"Alam mo Ric, ikaw pa lang ang unang taong dinala ko dito. Alam mo paborito ko itong lugar. Dito ako nakakaramdam ng kasiyahan at kapayapaan." si Mike.
"Talaga, maniwala ako sa iyo kahit girlfriend mo, sa guwapo mong iyan? ang di ko naniniwalang sagot sa sinabi niya.
"Wala pa kong girlfriend, pero meron na kong napupusuan" seryosong sagot niya na nakatingin lang sa malayo.
"Sino naman iyon?" ang pagkacurious kong tanong.
"Hindi ko muna sasabihin baka kasi mabigla siya at lumayo kasi kakakilala pa lang namin" sagot niyang nakatingin na sa akin.
"Napakaswerte naman ng taong iyon" sagot ko.
"Mas swerte ako sa kanya, siya ang nagbigay ng sobrang saya sa akin" nakangti niyang tugon. Hay nakakatunaw na talaga ang ngiti niya pati ang mata grabe pero di ako nagpahalata.
"Ah ganun ba. Hmmm.... salamat nga pala at dinala mo ako dito. First time ko lang makapunta sa ganitong lugar." ang sabi ko na nakatingin lang sa kanya.
"Hayaan mo, babalik tayo dito sa susunod" si Mike na nakangiti pa rin.
"Alam mo Mike, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na magiging close bestfriends tayo." ang bigla kong nasabi habang nagpupulot ng maliliit na bato at hinahagis palayo.
"Destiny sa atin iyon na paglapitin tayo" sagot niya.
"Naniniwala ka ba sa ganoon" tanong ko.
"Oo naman, at kita mo, compatible tayong dalawa" sagot niya.
"Compatible ka dyan, ahm Mike, may gusto lang ako itanong sa iyo. Bakit ang bait mo sa akin tapos sa dami ng mga tao sa paligid mo, ako ang napili mo maging bestfriend?"
"Sa totoo lang marami naman akong kaibigan, pero iba kasi ang dating mo sa akin, nabanggit ko na rin ito sa iyo sa chat natin nung nagpapanggap ka. Hindi ko maintindihan, basta ang gaan ng loob ko sa iyo." si Mike habang hinahaplos ang ulo ko.
"Ric pwede request" si Mike.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pwede bang pahiga ako sa hita mo sige na" si Mike.
"Iyon lang ba sige" pagpayag ko.

Humiga na siya sa damuhan na ang ulo ay nakapatong sa hita ko. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya habang nakapikit siya. Kaming dalawa lang ang nasa lugar na iyon kaya pakiramdam ko solo namin ang daigdig. Doon ko nalaman sa sarili ko na mahal ko na siya. Ang tanong ganoon din kaya siya sa akin? Ako kaya ang sinasabing napupusuan niya?
___________________________________________

At ngayon makalipas ang mahigit 8 taon niyang pagkawala, nasagot na ang matagal ko ang tanong na iyon. Mahal din ako ni Mike. Masaya ako dahil magkakasama ulit kami na babalikan ang magandang alaala, ang Tagaytay.

Itutuloy. . . . . . . . .

Part 08

Naglakbay kami ni Mike papuntang Tagaytay. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil naranasan ko na ang mahalin ng totoo. Habang nagbibiyahe, di ko maiwasang mapangiti. Napansin ito ni Mike.

"Babe, sana lagi kang ganyan, ang sarap mo kasing tignan, lumalabas ang pagkacute mo" si Mike habang nagmamaneho.
"Bolero, saka wag mo nga akong matawag-tawag na babe, naiilang ako" sagot ko.
"Nag-umpisa ka na naman, ano gusto mo ang buo mong pangalang pangmatanda ang itawag ko sa iyo hehehehe" si Mike na natatawa.
"Ang yabang mo naman palibhasa maganda ang pinangalan sa iyo" sabi ko sabay hampas sa kanya sa braso.
"Hindi lang maganda ang name, cute pa diba tulad ko tsk" sagot niya na nagpapogi sign pa at kumindat.
"Ay, patingin naman ng tiyan mo baka kinabagan ka na saka yung ulo mo baka lumaki na yan dahil sa dami ng hangin" biro ko sa kanya. May karapatan naman talagang magmalaki ang mokong na ito. Natatawa lang siya.

Pagkaraan ng mahigit 5 oras na biyahe, nakarating na kami sa aming destinasyon. Wala pa ring nagbago sa lugar na iyon maliban na lang na mas marami ang tao ngayon.

"Maraming tao ngayon ah, tara sunod ka sa akin" sabi niya sabay hawak sa braso ko. Kahit nagtataka sumunod na ako sa kanya. Dinala lang pala niya ako sa isang lugar na kung saan walang tao para makapagsolo kami. Umupo ulit kami sa damuhan habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid.
"Babe, salamat at tinanggap mo na ulit ako" si Mike na humawak sa kamay ko.
"Sana lang hindi ako nagkamali sa desisyon ko na magpatukso sa iyo" sagot ko.
"Huwag mo naman agad akong husgahan, hayaan mong ipakita ko sa iyo ang totoo kong pagmamahal." si Mike na hinawakan ang pisngi ko.Napatitig na lang ako sa kanya. Maya-maya nilapit niya ang mukha sa akin at naramdaman ko na lang na dinampi niya ang mga labi niya sa akin.

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ko na rin ang mahalikan na hindi pa nangyari sa lahat ng mga nakarelasyon ko. Masaya ako dahil galing pa ito sa taong una kong minahal. Siya ang unang kumalas.

"Alam kong di ka pa nahahalikan, kaya ako ang nagbigay sa iyo ng first kiss" si Mike na nakangiti sa akin. Nahita naman ako sa mga sinabi niya.

"Umpisa pa lang iyan ng pagpapakita ko sa iyo ng aking pag-ibig. Babe, unat mo ulit ang binti mo" si Mike.

Tulad ng dati humiga pa rin si Mike sa damuhan na ang ulo ay nakapatong sa aking mga binti. Hinaplos-haplos ko naman ang buhok niya atdi maiwasang pagmasdan ang mukha niya habang nakapikit. Maamo ito at hindi talagang nakakasawang tignan. Perpekto talaga kahit pa medyo nagkakaedad na. Nasa kasagsagan ako ng pagtitig sa kanya nang bigla akong nagulat dahil sa pagdilat ng mata niya.

"Baka naman malusaw na ang mukha ko sa sobrang titig mo" si Mike na nakangiti lang.

"Hindi ako nakatingin sa iyo ano" nauutal kong sagot sa kanya.
"Bakit nagsisinungaling ka pa, sige lang tignan mo ako nahihiya ka pa" si Mike na umayos ng higa at pumikit ulit.

Inabot na kami ng dilim sa ganoon posisyon. Siya na rin ang tumayo at niyaya akong tumuloy muna sa isa niyang kaibigan malapit lang dito.

"Ngayon ko lang nalaman na may kakilala ka pala dito" sabi ko sa kanya habang nasa loob kami ng kotse.
"Oo, isa siya sa mga matalik kong kaibigan." sagot niya habang nagmamaneho.
"Ah, gaano na kayo katagal magkakilala? ang natanong ko.
"Magkababata kami, nagkalayo lang kami ng landas nang lumipat sila dito." sagot niya.
"Ibig sabihin, kilalang-kilala niyo na ang isat-isa." sunod kong tanong.
"Siyempre naman, alam ko nga ang lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay" sagot niya.
"Bakit naman sila nalipat dito?" ang nacurious kong pag-follow up.
"Sa America sila lumipat nung una sa tulong ng mayaman nilang kamag-anak. Sa pagkakaalam ko, inilayo siya ng mga magulang niya dahil nagmahal siya sa kapwa lalaki."
"Ano, tama ba ang narinig ko kapwa lalaki?"
"Oo, 3 taon na ang nakakaraan, umibig siya sa kanyang boss. Mula nang tanggapin siya nito sa kanyang kumpanya, doon na umusbong ang pagmamahal niya dito. Bilib na bilib kasi siya sa boss niya dahil sa napakatalino nito at hardworking. Nagawa niyang paunlarin ang kompanya sa bata niyang edad. Mabait daw ito sa kanya kaya naging sila. Nang malaman ito ng mga magulang niya, agad silang pinaghiwalay at nangibang bansa. Sobrang lungkot niya dahil hindi siya nakapag-paalam sa boss niya. Hanggang ngayon mahal pa rin niya ito kaya siya bumalik dito ngayong taon. Kung sakaling magkita ulit sila, hindi na niya hahayaang mawalay pa ulit ito sa kanya.

"Ah ganun pala iyon" naalala ko tuloy ang ginawang pagtatakwil sa akin ng aking pamilya. Ito ang ginawa kong inspirasyon para magsumikap. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nagbunga ang aking mga paghihirap.
Makalipas na ang halos isang oras na biyahe, nakarating na kami sa bahay ng sinasabi niyang kaibigan.

"Ito na ang bahay niya, alam mo ba na ang boss niya dati ang naging inspirasyon niya para magsumikap din. Bilib ako sa kanya" si Mike habang nakaakbay sa akin na naglalakad papasok ng gate. Nagsimula na siyang kumatok. Isang matandang babae na nasa 40 pataas na ang edad ang nagbukas nito.

"Ah Sir Mike, kumusta bigla kang napadalaw, sigurado akong matutuwa ang amo ko sa iyo. Hindi ka pa rin nagbabago gwapo ka pa rin. Sino naman yang kasama mo, aba kay gwapo rin nito?" sabi ng matandang babae.

"Ah si Ricardo nga pala yaya. Ric, si Yaya Rosie nga pala" si Mike. Nakipagkamay ako sa kanya.
"Halika pasok, maupo muna kayo sa sala. Tatawagin ko lang si sir nasa taas kasi siya e. Paghahandaan ko na rin kayo ng hapunan." si yaya Rosie.

"Sige po yaya." si Mike.

Mahigit limang minuto na rin kaming nakaupo ni Mike nang marinig kong may nag-uusap sa may kusina.

"O mabuti sir bumaba na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Sir Mike at may kasama siya." boses ni Yaya Rosie.
"Sige, puntahan ko na sila" narinig kong sagot ng kanyang amo. Bigla naman akong kinabahan sa narinig kong boses. Parang pamilyar kasi sa akin iyon. Maya-maya humarap na sa amin ang sinasabing kaibigan ni Mike.
Laking gulat ko nang makita ko kung sino ito.Isang taong kilalang-kilala ko.

"Hindi ito maaari" ang nasabi ko sa sarili ko.

Itutuloy. . . . . . . . .

Part 09

Parang nagbalik lahat sa akin ang nakaraan sa biglang pagsulpot ng isang bahagi nito, si Allan. Halos hindi ako makapaniwala sa laki ng mga pagbabago sa kanya. Sa itsura pa lang, mas lalo siyang naging makisig pero ganoon pa rin ang mata niyang naging dahilan para maakit ako sa kanya. Hindi ko akalain na ang dating empleyado ay isa na ngayong mayaman.

"Ric, parang natulala ka diyan, may problema ba?" si Mike na napuna ang sobra kong pagtitig sa kaibigan niya. Naupo naman kaming tatlosa sofa.
"Ah, wala naman hehehe" sagot ko sabay tawa para di mahalata na nagsisinungaling ako.
"Ok., by the way Ric, ito si Allan, Allan si Ricardo siya yung lagi kong kinukwento sa iyo." ang pagpapakilala sa amin ni Mike.
"Hello Ricardo nice to meet you," si Allan sabay nag-abot ng kamay. Nang magkamay kami, muli naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga palad.Ngumiti naman siya sa akin.
"Allan, makikituloy sana kaming dalawa dito kahit ngayong gabi lang, ginabi kasi kami e" si Mike.
"Oo naman walang problema kahit ilang araw niyo pa gusto" ang sagot niya sabay tingin sa akin. Nabigla naman ako sa mga narinig kong pinagsasabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
"Hindi pwede e, kasi marami pang trabaho itong kasama ko bukas hardworking kasi siya , alam mo bang nagmamay-ari na siya ng isang kompanya sa Makati?" si Mike.
"Talaga, iyan ang gusto ko sa tao" si Allan na nakatingin sa akin. Ako naman umiiwas sa kanya para di makahalata si Mike. Ewan ko parang may patama ang mga sinasabi niya.
"Tama ka, kaya maswerte ako sa kanya, masaya ako dahil nakuha ko na ang loob niya sa wakas" si Mike sabay akbay sa akin. Kita ko ang biglang pagbabago ng mukha ni Allan.

Maya-maya tinawag na kami ni Yaya Rosie para maghapunan. Lahat naman kami ay pumunta na sa dining room. Habang kumakain biglang may sinabi si Allan sa akin ikinagulat ko.

"Ricardo, nagustuhan mo ba dito sa aking bahay? Alam mo ba na isa lang ito sa bunga ng aking mga pagsisikap, kaya laking pasasalamat ko sa aking inspirasyon. si Allan habang kumakain. Nasamid naman ako sa narinig sa kanya.
"Oh ayos ka lang Ric, ito tubig" si Mike.
"Oo, ayos lang ako naubo lang" sagot ko. Napatingin naman ako kay Allan at nakita ko ang seryoso niyang tingin sa amin. Tinuloy na namin ang pagkain.
"Allan, ano na balita sa iyo, nakita mo na ba kayo ulit ang iyong first love?" ang pangangamusta ni Mike habang kumakain. Nagkatinginan kami ni Allan sa isa't-isa.
"Oo, alam mo ba nung pagkakita ko sa kanya, lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya" ang sagot niyang nakatingin sa akin. Sa sinabi niya pakiramdam ko nangamatis na ang mukha ko sa sobrang pamumula. Hindi ko na tuloy naayos ang aking pagkain. "Ano ba ang pinagsasasabi nito?" ang tanong ko sa sarili.
"Ahh, ayos iyan, so ano na ang balak mo? si Mike.
"Siyempre hindi ko na siya pakakawalan pa, at susuyuin ko ulit siya." sagot ni Allan na hindi maalis-alis ang tingin sa akin.
"Teka Mike, CR lang ako saglit" ang paalam ko sa kanya dahil sa hindi ko nakakaya ang mga sinasabi ni Allan. Sa loob ng CR, naghilamos ako ng mukha at tumingin sa salamin.
"Bakit ganito kung kailan nagsisimula nang maging maayos ang buhay ko? Saka babalik ang isang bahagi ng aking nakaraan na muling nagbibigay tukso na minahal ko rin dahil sa kanyang kabaitan, naguguluhan na ako!" ang sabi ko sa sarili.
____________________________________________

Naalala ko ang unang araw nang makilala ko si Allan 5 years ago. Dahil sa bagong tayo ang aking kumpanya kaya naghire ako ng mga tauhan. Ako mismo ang nagiinterview sa kanila. Isang buwan, pagkahiwalay namin ng isa kong karelasyon, pumunta siya sa office ko upang mag-apply ng trabaho.  Nang una ko siyang makita aaminin kong naakit ako sa kanya. Gwapo kasi ito sa kanyang suot na dark fit polo shirt at itim na pantalon. Lahat na yata ng katangian ng isang magandang lalaki ay nasa kanya na.Sayang nga lang at mahirap siya. May katamtamang pangangatawan siya at ang mga ngiti talagang magagayuuma kung sino man ang makakita sa kanya. Nang tignan ko ang kanyang resume at iba pang credentials, nabigla ako dahil isang dyanitor ang inaaplayan niya di angkop sa itsura niyang pangmodelo at artistahin ang dating at sa academic perfromance sa kolehiyo.

"Ok, Mr. Buencamino I think that the position youre applying  is not suitable for you." ang sabi ko sa kanya.
"I know that sir but I will take it as a challenge for myself" ang derestong sagot niya sa akin.
" I appreciate your determination. Ok Youre hired." ang nasabi ko agad sa kanya dahil na rin siguro sa awa sa kalagayan niya isa pa ang sagot na challenge sa kanya ang trabahong iyon.

"Thank you so much sir," ang nagagalak niyang pagpapasalamat sa akin. Nang magkamay kami, may bigla naman akong naramdamang kakaiba sa palad niya. "You may start tomorrow thats all" ang pagtatapos ko ng aming usapan.

Kinabukasan nagsimula na siyang magtrabaho kasama ang iba ko pang na hire na tauhan. Siyempre inoobserbahan ko sila. Napapansin ko ang pinapakitang kasipagan ni Allan sa trabaho. Nakakatuwa siyang tignan kasi kahit mahirap ang ginagawa niya nakangiti pa rin siya. Lalo namang tumindi ang nararamdaman ko sa kanya. Lumipas na ang dalawang buwan na ganoon pa rin siya sa trabaho.

Isang araw, pagkapasok ko ng office galing sa meeting ay nandun siya na naglilinis.

"Good Afternoon sir" ang nakangiti niyang bati sa akin. Medyo nabawasan naman ang pagod ko sa bati niya na nakangiti. Sinuklian ko naman siya ng ngiti rin. Dahil sa ginawa niya di ko maiwasang tignan siya. Nang mapansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya bigla siyang nagsalita.

"Sir baka naman malusaw na ako sa pagtitig niyo sa akin" ang natatawang sabi niya sa akin. Bigla ko namang binawi ang tingin ko dahil sa pagkapahiya. Binuklat ko na lang ang mga papeles ko sa mesa. Maya-maya nagulat ako sa mga sumunod niyang sinabi.

"Sir huwag po sana ninyong mamasamain, napapansin ko kasing malungkot kayo e kita sa mga mata ninyo." si Allan. Magaling pala itong manghula. Tama siya kahit pilit kong pinapakita na masaya ako nakikita pa rin ang aking pagkamalungkutin mula sa pagtatakwil sa akin ng pamilya, hanggang sa pag-iwan ng mga taong nakakarelasyon ko.
"Salamat, huwag kang mag-aalala sa akin ok lang ako. Sige tapusin mo na ang paglilinis" ang sagot ko sa kanya.
"Last na po ito sir. Alam ko pong tungkol sa  pag-ibig ang problema ninyo base sa mga naririnig ko sa iba. "Nais ko lang pong sabihin na parte po ng pag-ibig ang masaktan dahil doon sinusukat ang katatagan ng isang tao. Pero huwag po kayong mawawalan ng pag-asa dahil darating din sa tamang panahon ang taon magmamahal ng tapat sa inyo, malay mo po nasa tabi-tabi lang siya" si Allan. Medyo naliwanagan naman ang isip ko sa mga sinabi niya. Kahit papaano nagkaroon ako ng pag-asang makakatagpo ng tunay na pag-ibig sa hinaharap.
"Salamat ulit sa mga sinabi mo Allan" sabi kong nakangiti sa kanya.
"Ako nga po dapat magpasalamat sa paghire sa akin dito, nahihirapan po kasi akong maghanap talaga ng trabaho e, first year college lang ang inabot ko hindi ko pa natapos dahil nahihirapan na si Inay. Hindi naman kami matulungan na ng mga maykaya naming kamag-anak dahil sa laki ng utang namin sa kanila. Saka iniidolo po kita dahil sa napakabata mong edad ay nakakapagmanage ka na ng isang kompanya." ang deretsahang sabi ni Allan. Hindi ko naman maiwasang maluha.
"Tama na iyan, baka mauwi pa ito sa iyakan" ang sabi kong nagpupunas na ng luha.
Doon pa lang sa sitwasyon na iyon ng pagpapakita ng kanyang positibong pananaw nabatid ko sa sarili na mahal ko na siya.
_____________________________________________

Nasa kasagsagan ako ng pag-aalaala sa nakaraan namin ni Allan nang biglang nakarinig ako ng pagkatok.

"Ric, ayos ka lang ba buksan mo ang pinto" boses ni Mike na nag-aalala na sa akin. Inayos ko na ang aking sarili at binuksan ang pinto para harapin siya.
"Tara na, nagbawas lang ako hehehe" ang nakangiti kong sagot sa kanya upang maitago ang totoo kong emosyon.

Itutuloy. . . . . . . .


allaboutboyslove.blogspot.com

No comments:

Post a Comment