Sunday, January 6, 2013

The Best Thing I Ever Had: Season 1 (01-05)

By: lilvincy
Blog: avinthisismylife.blogspot.com

Author's note:
Hi! ako nga po pla si Vince :) this is my first time to write a story. This story is pure fiction. I hope ya'll like it :)

*any resemblance in this story is just coincidental.*

FORMAT:
Italicized words= mga sinasabi sa aking sarili
Bold Italicized words = mga boses sa aking isip

sana po maintindihan niu ang format :)
----------------------------------------------------------------------------

[01] The Best Thing I Ever Had (Part 1) The Dream Boy
Nakita ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang kagubatan. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon kaya sinubukan kong alalahanin ang lahat ng nangyari sa akin. Ngunit kahit paanong isip ang gawin ko'y wala akong maalala sa mga nangyari. Ang naaalala ko lamang ay nakatulog ako kagabi at paggising ko'y narito na ako sa gubat na ito.


Kinidnap kaya ako at ipinatapon dito?,tanong ko sa aking sarili. Wala naman akong maalalang nagawan ko ng masama para gawin saakin ito. Pero paano nga ba akong napunta dito? panaginip lang kaya ang lahat ng ito?

Gaga! nasa Planet of the Apes ka! ,sabi ng isang boses sa aking isip.

Bugak! Nasa Forks ka! Yung sa Twilight?, sabi naman ng isa.

Lumingon ako sa aking paligid at may nakita akong lalaking nakatayo di kalayuan sa aking kinatatayuan. Noong una'y natatakot pa akong lumapit sa kanya ngunit noong ako'y malapit na sa kanya, pakiramdam ko'y kilala ko siya. Lumapit ao sa kanya at hinawakan ang kanang balikat niya para ibaling ang kanyang katawan paharap sa akin.

"Excuse me po kuya, pwede po bang---"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pagharap niya'y bigla niya kong hinalikan sa labi. Nagulat ako ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking utak at pumikit pa ako nung hinalikan niya ako.

Mukang sarap na sarap ka huh?., sabi ng mataray na boses sa aking isip.

Bigla naman akong kumalas sa aming paghahalikan at nang imulat ko ang aking mga mata'y nakita ko ang isang gwapong lalaki sa harap ko. Nakangiting makapanlaglag ng underwear at nakatitig sa akin. Well-built ang kanyang katawan. Maputi ang kanyang balat, itim ang kanyang semi-kalbong buhok, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, at gray ang kanyang mga mata.

kilala ko siya. "Alastair". Nasambit ko ang kanyang pangalan at biglang nagliwanag ang buong paligid.

Nagising ako. Panaginip lang pala. Pag-lingon ko sa aking kaliwa, nagulat ako sa aking nakita.

"Kuya Van! bakit ka nandito? Anung ginagawa mu dito?". Ang kabado kong pagtatanong.

"O teka lang isa isa lang ang tanong.", huminto siya bigla at tumawa. "Nandito ako para sana yayain kang lumabas. Pinapasok na ako ng mommy mo sa kwarto mo para na rin daw ako na ang gumising sa'yo."

Namesmerize naman ako sa kagwapuhan niya kaya hindi ako kaagad nakasagot.."ahh o-ok. San naman tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.

"Sa mall. teka, nga pala, pagpasok ko dito sa kwarto mo kanina, narinig kong tinawag mo ang pangalan ko. sabi mo pa nga, 'Alastair'. kaya ako lumapit sa'yo dahil akala kong gising ka na. Ngunit hindi pala. Nanaginip ka pa pala." tumawa siya. "Ikaw ha, hanggang sa panaginip ba naman eh ako parin ang iniisip mo?" sabay ng nang-aasar na ngiti.

"Ano? anong sinasabi mo?" sa loob loob ko'y sana hindi ako nag-bblush. "Ikaw ang kapal mu talaga! Guniguni mo lang iyon!" ,palusot ko.

"Naku naku!", sabi niya na parang inaasar pa talaga ako.

"hmmmpt!" na lang ang aking nasabi.

Napansin niya yata na naaasar na ako kaya naman sinimulan niya akong lambingin.

"Bunso,. Sorry na.." ang sabi niya sabay nang maamong mukha na nangungusap para siya'y patawarin.

"whatever." ang sabi ko.

"Av, bunso.sorry na." sambit niya ulit. and this time, nakaakbay na siya sa akin.

Ui kinikilig! nakakakilig naman kayung tingnan para kayung magjowa! ,sabi ng nakaka-ruin ng moment na boses sa aking isip.

Kinikilig naman talaga ako. Hindi ko lang iyon pinahalata dahil ayokong malaman niya na may tinatago akong nararamdaman sa kanya. "O sige na Mr. Vince Alastair Nathaniel Romero. Maliligo na po ako at para makaalis na po tayo.hintayin ninyo na lang po ako dito." ang parang sarcastic na sagot ko sa kanya. Pasalamat ka gwapo ka at malakas ka sakin kung hindi, naku!! arrgghh.

"Ok. bilisan mu lang po Mr. Ace Vince Raven Lopez at baka abutan tayo ng pag-sasara ng mall sa sobrang bagal mong maligo at gumayak." ang sarcastic naman niyang sabi saakin at pagkatapos ay tumawa.

Tumayo ako at padabog kong tinungo ang banyo sa aking kwarto at saka lumingon sa kanya at binigyan ng isang masungit na tingin tsaka tuluyan nang tinungo ang banyo para maligo.

-------------------------------------------------------------------------

Nga pala, ako nga pala si Ace Vince Raven Iglesias Lopez. ako man ay nagulat nang sinubukan kong isulat ang aking initials ay ang lumabas ay "AVRIL". Nagtaka tuloy ako kung sinadya ba ito ng aking mga magulang o hindi. Anyway, "Av" ang tawag saakin ng aking mga kaibigan at pamilya, kumbaga, "A" for Ace and "v" for Vince. Samantalang ang iba naman ay either "Ace", "Vince", or "Raven". Sa dami naman kasi ng pangalan ko, pati ako rin ay nalilito na. hahaha. 16 years old pa lang ako at nag-iisang anak ng aking mga magulang na sina Vincent Lopez at Rosalie Lopez. May-kaya ang aking pamilya.

Si kuya Van naman o si kuya Vince Alastair Nathaniel Bernado Romero naman ay ang aking pinakamatalik na kaibigan na parang magkapatid na kami kung magturingan. Nag-iisang anak din siya ng isang may-kayang pamilya. Magkaklase kami sa isang unibersidad. Mas matanda siya saakin ng isang taon kaya naman kuya ang tawag ko sakanya at bunso naman ang tawag niya saakin.

Paano nga ba kami nagkakilala??Hmmm..

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

until the next episode.lol.
Av.


[02] The Best Thing I Ever Had (Part 2) The First Encounter
-----------MEMORY RECALL-------

4th year highschool na ako nuon. Ilang buwan na lang ay ggraduate na ako. President ako ng Student Council sa aming paaralan. Matalino, cute, at mabait. Yan ang mga salitang ginagamit ng mga tao sa pag-dedescribe sa akin. Syempre kahit totoo, hindi ko namn iyon pinagmamayabang.

Naku! eh panu kasi hindi ka gwapo! maganda ka! singit ni Amor Powers, este yung isang boses sa aking isip.

Tumigil ka nga! Bakit ka nga ba nasa loob ng utak ko? sabi ko na lang.
Ngunit hindi naman ulit sumagot si Amor este ang boses.


It was a hot day. Unusual ang araw na ito dahil kahit December na ay biglang uminit. Epekto siguro ito ng tinatawag nilang climate change. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway nuon ng aming building sa second floor papunta sa office ni Mr. Philip Maglaque, ang adviser ng Student Council. May mga isusubmit kasi akong mga files tungkol sa huling project ng Student Council bago mag-graduation and end of school year.
Sa pagmamadali ko'y hindi ko napansin na basa pala ang sahig at bigla naman akong nadulas.

"Ay sh*t!" ang bigla kong sigaw. Tumilapon ang mga hawak kong files sa sahig.

Nagulat naman ako dahil may nakasapo sa akin. Nang tingnan ko kung sinu ang nakasapo saakin, nakita ko si  Van, ang sinasabi nilang campus crush at basketball hunk superstar. Bigla naman akong napatitig sa mga gray na mata niya na napakaganda.

"Ok ka lang?" ang sinabi niya na mapapansin ang paghabol ng hininga niya na sa tingin ko ay dahil sa mabilis niyang pagkilos para masapo ako.

Ambisyosa! singit naman ng boses sa ulo ko na panira talaga ng moment.

"O-okay lng n-naman ako." hindi ko alam kung nanginginig ako sa takot o dahil nanginginig ako sa kilig.

Tinulngan niya akong makatayo. "Ikaw naman kasi , hindi ka tumitingin sa dinadaanan mu. Yan tuloy nadulas ka, buti na lang nasapo kita kaagad." sabi ni Van sabay bitiw ng isang makapanlaglag ng underwear na ngiti.

"S-sorry, and thank you na rin sa tulong mo." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, chaka ko pinulot ang mga nakakalat na files sa sahig. Buti na lang ay hindi ito bumagsak sa basang parte ng sahig. Whew! pinaghirapan ko ito buong gabi. Buti na lang hindi nasira.

"Tulungan na kita." sabi niya na nakingiti sa akin. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

"O-ok s-salamat". Napangiti na rin naman ako sa kanya na may halong kaba sa aking loob. hindi ko naman maintindihan kung bakit ganoon ang aking nararamdaman.

Nalove at first sight ka teh! sabi ng boses.

Tumahimik ka nga! ang tugon ko naman. Ang hindi ko alam ay nasabi ko pala iyon ng totohanan.

"Hah?" tanong ni Van na may lito sa kanyang mukha.

"W-wala. sorry. and thanks". palusot ko na lang.

"Vince!" napalingon naman kaming dalawa papunta sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Si Coleen. Siya ang bestfriend ko.

"Yes?" sabay naman naming tugon ni Van. Nagkatinginan kaming dalawa na may pagtataka.

"Uhmm sorry Van nakalimutan ko Vince nga rin pala pangalan mo." ang sabi ni Coleen na medyo kinikilig pa. "Etong bestfriend ko ang tinatawag ko. I'm Coleen nga pala." sabay abot ng kamay niya kay Van. Kinamayan naman siya ni Van.

"I'm Van, nice meeting you." sabi niya.

Natulala naman si Coleen na parang statwa na nakatayo sa hallway.

Bigla ko namang naalala na may isu-submit pa kong files kay Mr. Maglaque at baka mapagalitan pa ako nuon kapag hindi ko naisubmit agad. "Ay bes(Coleen) halika na pala kailangan ko pang ipasa tong mga files na to kay Sir Philip. Halika na wala na kong time."sabi ko kay Coleen.

Hinila ko na kaagad si Coleen at kaagad kaming naglakad. Lumingon ulit ako at sumigaw, "Thank you nga pala ulit!" sabay ngiti at tumalikod na patungong office ni Sir Philip. Naipasa ko naman ang files namin at bumalik na kami sa classroom ni bes.

Pagkaupo namin sa upuan, bigla akong kinurot sa tagiliran ni Coleen. "Aray! Para saan yun?!" ang sabi ko na may halong pagkainis.

"Ikaw bes ha, hindi mu sinasabi." ang pang-aasar niya.

"Ano? ano bang hindi ko sinabi sayo? alam mu kaya ang lahat ng tungkol saakin." ang tugon ko sa kanya.

"Anong meron sainyu ni papa Van ha? Ikaw ha? ayiiie!"

"Abnormal ka! kanina ko pa nga lang nakilala yung tao eh! ano ka ba! tumahimik ka nga baka may makarinig sa'yo niyan eh!" ang mejo pagalit na sabi ko sa kanya.

"Ashhooo! ay teka nga pala, napansin ko,." sabi niya,.

"O anu nanaman?"

"Parehas kayung Vince! Ayiiiee! meant to be!" sabay tawa niya at kinikilig kilig pa.

Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi. Naku kunyari ka pa eh kinikilig ka rin naman! sabi ng boses. Hay nako, ewan.whatever.

Natapos ang klase namin na tinutukso pa rin ako ni Coleen sa pag-lilink niya sakin kay Van. Hindi ko naman iyon pinapansin. Palabas na kami sa gate nuon may tumawag sa aking pangalan.

"Vince!" napalingon ako at nagulat ako nang makita ko kung sinu ang tumawag saakin.

"Van!" excited na pasigaw ni Coleen.

"Yes? Can I help you with something?" ang pormal na pagbati ko sa kanya.

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa iyo. Ako nga pala si Vince Alastair Nathaniel Romero, but you can call me Van for short" sabay abot ng kanyang kaliwang kamay at nakangiti sa akin,.

Para naman akong napako sa pagkakatayo ko at buti na lang napansin iyon kaagad ni Coleen at siniko niya ako ng marahan sa tagiliran.

"A-a I'm Ace Vince Raven Lopez, nice to meet you." sabay abot sa kanyang kamay at ngumiting pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kuryente akong naramdaman nuong hinawakan ko ang kanyang kamay na imbis na masaktan ako ay nakaramdam pa ako ng kiliti. "You can call me Av for short."

"Nice to meet you too Av."

 At tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Sige Van, see you around!" Ngumiti naman siya at tumango siya.

At iyon na pala ang simula ng isang magandang pagkakaibigan,.


--The next day, sa lunch room---

Nakaupo kami ni Coleen sa isang rectangular table na pang-apatan malapit sa bintana. Ako ang pumili ng lugar na iyon dahil sa gusto kong kumbaga isolated sa iba.

Ang arte ha.may isolated pang nalalaman. Landi mo teh!

Shut up!

Anyway, habang kumakain kami, nagulat na lang ako ng lumapit sa amin si Van. Nakita ko na siyang papalapit sa amin pero hindi ko siya pinansin and hindi ko naman inaasahang pupunta siya sa amin.


"Hi! Pede makiupo?" ang nakangiting tanong niya sa amin.

Hindi naman ako nakasagot agad.

"Sure!", sagot ni Coleen na abot tenga ang ngiti.

Nagulat ako ng tumabi siya sa akin dahil inaasahan kong kay Coleen siya tatabi. Napatitig tuloy ako sa kanya habang ibinababa niya ang kanyang tray ng pagkain. Napansin naman niya ang pagtitig ko.

"Oh, may dumi ba ko sa muka Av?" tanong niya.

"W-wala wala." sabi ko na lang.

Nagkakwentuhan kaming tatlo. Nag-usap usap ng mga kung anu-anu. Eto namang si Coleen, parang gustong isulat ang biography ni Van dahil sa lahat ng bagay ay tinatanong niya. Para ngang autograph book eh, mula sa name, hanggang sa favorite color at define love. charot. haha.

Naging close kami sa isa't isa dahil sa nagkakasabay kaming kumain sa lunch.

Which makes me think, bakit nga ba parang biglang nakipagkaibigan sakin este samin, tong mokong na to? Ang dami dami namang tao, bakit kami pa?

Alam mo, blessing yan kaya wag mu nang tanggihan! Jojombagin kita jan eh!

Gaga! siyempre curious lang ako.

Isang araw, napag-isipan ko na lang na wag mag-lunch sa canteen at magstay sa isang park malapit sa school. Nakaupo ako sa isang bench habang kumakain ng french fries at pinapanood ang mga batang naglalaro doon. Sobrang naaaliw ako sa mga batang naglalaro doon. Ang cute kasi nila. Napansin ko rin ang mag-kuyang nagkukulitan sa isang bench malapit sa akin. Naisip ko tuloy,

Ang sarap siguro ng feeling kung may kuya ka noh? haay.

Sige mangarap ka lang.

Haaay.

Habang nasa ganoon akong moment. Nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat. Si Van.

"Huy! Mukang seryosong seryoso ka jan ah. hehe." sabi niya.

"O, ikaw pala Van. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kasi kita. Eh sabi kasi ni Coleen, nandito ka daw. Kaya pumunta ko dito." sabay ngiti.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Namiss mo ko?" sabay tawa. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinilig naman ako nung sinabi niyang hinahanap daw niya ko.

Assuming! Conceited much?

"Hmm..parang ganoon na nga.hehe." sagot niya sabay bitaw ng makapanlaglag underwear niyang ngiti.

Ayiiiiee!!! kinikilig siya! Ikaw na! sige na!

Anu raw? OMG, sana hindi ako nag-bblush!

Tahimik.

"Uhhmm. Van, may tatanong ako sa'yo." ang pambasag ng tahimik na tanong ko sa kanya.

"O anu yun?"

"Bakit, bakit sa dinami daming tao sa school, bakit ako ang kinaibigan mo? Sikat ka naman,habulin ng babae, maraming mga taong mas ok kaysa sakin,.pero bakit ako?" tanong ko sa kanya.

"Bakit mo tinatanong yan? Ayaw mo ba kong maging kaibigan?"

"Hindi naman sa ganoon,. Nacurious lang ako."

"Hmm..Wala lang. Kasi iba ka. iba ka sa mga tao sa school. Mayroon kang isang bagay na marami sa kanila ang wala." sabi niya sa akin.

"Anung bagay?" ang curious na tanong ko sa kanya.

"Basta. Iba ka. yun na yun. ok?" tugon niya ng nakangiti.

"Ok". yun n lng ang nasagot ko.

Napatingin ulit ako sa mag-kuyang nagkukulitan. Napatingin din si Van sa kanila.

"Nakakainggit sila noh? Sana may kapatid din ako." sabi niya. Naalala ko na naikwento niya sa amin na nag-iisang anak din siya. Tulad ko. Nangungulila din pala siya sa isang kapatid.

"Oo nga eh." sabi ko na lang.

Tumingin siya sa akin. "Oh bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya. Nakakatunaw ang mga tingin iya kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Gusto mo ng kapatid diba?" tanong niya ng nakangiti.

"O-oo.Sana. Bakit?" sabi ko.

"Edi ako na lang. Tutal wala din naman akong kapatid. Edi tayo na lang." Nakangiti siya sa akin.

Well wala namang masama diba? Why not?

Naku! Kunyare pa, gusto mo naman kasi mas magiging close kayo.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes!" ang tuwang-tuwa niyang pagkakasabi. Inakbayan niya ako. "Simula ngayon, magkapatid na tayo. Kuya na ang tawag mo sa akin dahil mas matanda ako sa'yo at ikaw naman ang bunso ko." Nakatingin siya sa akin at nakangiti.

"Opo kuya." tumawa na lang ako. At iyon, officially, magkapatid na kami. hahaha.

Sabay rin kaming umuwi dahil sa napag-alaman naming on the way pala papunta sa bahay nila ang bahay namin. Lagi niya akong hinahatid sa bahay na parang isang napaka-thoughtful na kuya.

Isang araw nga ay noong magkasabay kaming umuwi ay nakita siya ng aking mommy nang papasok na ako ng gate sa aming bahay.

"O anak nandito ka na pala" ang pambungad sa akin ni mommy.

"Hi mommy," hinalikan ko si mommy sa pisngi at napansin ko na napatingin ito kay Van. Si Van kasi ang pangalawang kaklase ko na dinala sa bahay. Ang una ay si Coleen. "Ay mommy, si kuya Van nga pala, kaibigan ko po.schoolmate ko rin po siya sa school,."

"Good Afternoon po Mrs. Lopez!" ang bati ni Van.

"Tita na lang. Tita na lang ang itawag mo sa akin. Magkaibigan naman kayo ng anak ko kaya parang anak na rin kita. Good afternoon din anak,." sabay ngiti nito kay Van."Halika at pumasok ka sa loob."

Napatingin sa akin si kuya Van na parang tinatanong sa akin kung ok lang ba saakin. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin at tumango naman ako.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Nagpaalam naman ako kay mommy na pupunta lang ako sa aking kwarto para magbihis. Niyaya ko rin naman si Van para na rin makita niya ang kwarto ko.

Nang makapasok na kami sa kwarto ay agad kong ibinaba sa isang tabi ang aking mga gamit at kumuha ng mga pamalit na damit sa cabinet.
"Ang yaman niyo pala bunso!" ang sabi saakin ni kuya Van na may pagkamangha sa kanyang mukha.

"Hindi naman po. kunti lang" saka ko binitiwan ang isang ngiti. "Sandali lang kuya ha? maliligo lang ako saglit."

"Ok" ang tugon ni Kuya Van.

Pagkatapos kong maligo, nagpalit na ako at niyaya ko na siya sa baba dahil tinawag kami ni mommy at kakain na daw. Kumain kami sabay sabay. Ipinakilala ko na rin si Kuya Van kay Daddy. After namin kumain ay nagpaalam nang umuwi ni Kuya Van.Hinatid ko siya papalabas ng gate.

"Ingat ka kuya ha?" ang sabi ko sakanya.

"Sige, sabi mu eh." sabay bitaw ng kanyang killer smile.

Para naman akong mamatay sa kilig nang nakita ko iyon. Buo na kasi ang loob ko na lalaki talaga ang nagpapatibok sa aking puso kaya hindi ko na maikakaila na kinikilig talaga ako.

Ambisyosa! echoserang frog! sabi ng boses sa aking utak.

Whatever. sabi ko na lang.

"Sige bbye na at baka gabihin pa ko ng tuluyan. Bye bunso."

"Bye Kuya".

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap. Nang kumalas kami sa pagkakayap sa isa't isa'y napangiti na lang kami at nagsabihan ng "Good night!"

Tuluyan nang umalis at umuwi si kuya Van.

Hindi pa rin ako makatulog ng gabi na iyon dahil iniisip ko pa rin ang pagyakap sa akin ni Kuya Van. Naramdaman ko ang mga muscles niya sa katawan nuong niyakap niya ako.

Ang sarap palang yumakap ni Kuya! ang sigaw ko na lang sa loob ko.

-------------------------------------------------------------

Until the next episode :)
Av.


[03] The Best Thing I Ever Had - (Part 3) Who's That Chick?
-------------Back to the present--------------------



Nasa ganoon akong pag-i-imagine sa loob ng banyo nang biglang may kumatok.

(Knock.Knock.Knock)

"Bunso anu ng nangyari sayu? Kinain ka ba ng bowl? Nakatulog ka na ba sa bathtub? Nalunod ka na ba? Hahaha!" ang sabi ni kuya Van pagkatapos ay tumawa siya ng malakas.

Shakin my head. Tsk. Tsk. "Malapit na pong matapos, saglit lang po." ang sarcastic kong sagot. Buti na lang ay nadala ko na kaagad ang mga damit ko sa loob ng banyo kaya duon na rin ako nakapagpalit. Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na ko.

"Wow! Fresh na fresh ang bunso ko! Pakiss nga!" sabi ni kuya.

"Yuck! Kiss-kiss mu sa pader!" sabi ko sa kanya sabay tawa.

Naku! kunyari ka pa eh! pakipot ka pa! eh gusto mo rin naman! hahaha., sabad ni kontrabida.

Tumigil ka nga! wag mo kong iladlad! gusto mo tadyakan kita jan?. sabi ko sa boses sa aking utak.

Sige try mu! kung kaya mo! hahah.

Hayy nako.. Anyway, back to the real world.

"Kiss lang naman ah. Wala namang malisya, parang magkapatid naman tayu ah. Unless,." sabi niya sabay bitaw ng isang devilish smile.

"Unless ano? ano na naman?" sabi ko sa kanya na medyo may kaba inside of me.

"Unless hindi kapatid ang turing mu sakin." again, with the devilish smile.

"Tigilan mu nga ako!" sabi ko sa kanya at tumalikod sa kanya para humarap sa salamin. Kinuha ko ang clay doh at nag-ayos na ako ng aking buhok. Niyakap niya ako sa likod na ikinagulat ko naman. "Oh anu nanamang drama yan?"

Ayiiee! kinikilig siya! sabi ni maldita. Che! inggit ka lang! sabi ko naman sa kanya.

"Av, hindi mo na kailangan pang itago sa akin. Alam ko na." sabi niya na nakatingin sa salamin habang yakap pa ko at ngumiti sa akin.

"A-ano? anung pinagsasasabi mo?" Bumilis ang tibok ng puso ko. OMG! Don't tell me na alam na niyang ako'y isang girlalush?! No! baka pagnagkataon layuan na niya ko! OMG! gosh Lord, please wag naman sana.

Hahaha! Buking ka na! Lagot ka!

"Alam ko na, na bakla ka. Matagal na.Pero wag kang mag-alala, ayos lang sa akin yun. Basta wag ka lang ma-i-inlove sakin." sabay tawa niya.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ng isa kong kamay ang kanyang pisngi at ang isa namay inilapat ko sa kanyang machong dibdib. "Talaga? Alam mu na?", ang pag-lalanding sinabi ko sa kanya,.Hinaplos ko ang kanyang mukha at saka itinulak siya palayo sa akin. "Um! Bakla ka jan! Baka ikaw! hahaha"

Tumakbo ako papalabas ng kwarto at hinabol niya ako hanggang sa baba. Nakorner niya ako sa isang sulok kaya hindi na ako lumaban pa.

"O-ok sige na, you win.a-ayoko na" hinahabol ko ang aking hininga.

"Haha! Lagot ka sakin ngayun!" he showed his devilish smile and then sinimulan niya akong kilitiin.

"Kuyaaaaaaaaa!!! Tama naaaaa! hahaha!"

Nilock niya ako gamit ang kanyang mga kamay. Tinulak niya ako sa pader at nagkaharp kami. hawak ng dalawa niyang kamay ang aking mga kamay at inilapat iyon sa pader."Umamin ka!"

"Ano...bang...aaminin...ko...eh hindi...naman...talaga!" na medyo pagalit na sabi ko sa kanya habang hinahabol ang aking hininga..

Nag katitigan kaming dalawa. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Nakapikit ako nuon.

"Huy!", sabi niya sabay tulak sa aking noo. "Nagdday-dreaming ka na naman!"

Hahaha ambisyosa talaga tong bakla na to. sabi ni maldita.

Guniguni ko lang pala na naghalikan kami. Sayang! joke. sana hindi ako nagbblush! Hindi pa rin ako makaimik.

"Halika na nga! punta na tayo sa mall!" ang pangyayaya niya sa akin.

I still feel weak after what he did. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko.

"O, kailangan mo ng tubig? Gusto mo uminon ka muna?" ang concern na tanong niya.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig, pagkatapos ay pumunta na ako pabalik sa kanya para kami'y makaalis na kami.

Sumakay kami sa tricycle. Habang nasa loob, tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig sa aking iPod.Tig-isa kami ng earphone na nakalagay sa tenga.

Ayiiieee! Ang sweet naman nila!

Shhh! Tumahimik ka!

Habang tumutugtog ang kantang to:



Bigla naman akong nakatanggap ng text message. Galing kay Coleen.

--------------------------------------------------------------
Coleen: Oi bes! busy ka? Labas tayo!

Me: Ah eh, papunta n kc aq ng mall ngaun eh kxma si kuya Van. Sowee pde nxt tym n lng? :(

Coleen: Ayiiiee! may d8 sila!! O cia cia, cge nxt tym n lng. enjoy sa date niu! :D

Me: IT'S NOT A DATE! lol. anyway, sowee tlga.

Coleen: Ok lng.cge! ingats!
----------------------------------------------------

"O sinu yang katext mu?" tanong ni Kuya Van.

"Ah. Si Coleen, may tinanung lang." sagot ko naman.

"Ah ok." sabi na lang niya.

Pumunta kami sa mall. Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin. Nakakabit pa rin sa tenga namin ang mga earphones.

Ayiiiiee!!! Napakasweet niyo naman! Ang ganda niyung tingnan! Para talaga kayung Mag-jowa!

Which is totoo naman. Mukha naman talaga kaming mag-jowa sa set-up naming iyon.

"O anung drama to?" tanong ko sa kanya. nakatingala ako dahil mas matangkad siya saakin.

"Wala lang. Bakit hindi ba pwede?".ngumiti siya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot.

Maya-maya'y nagulat na lang ako nang hinalikan niya ako sa noo.

"O para saan naman yun?"

"Wala lang din. Bakit hindi pa pwede?" nginitian niya ako.

Tinanggal ko ang pag-kakaakbay niya saakin at humarap sa kanya. "Kasi po Mr. Van Romero, inappropriate po yung ginagawa niyu sa akin. Ano ko? girlfriend mo? Hello?"

He gave me a sweet smile. "Ok po. Sige na halika na, baka nababagot na yung naghihintay satin."

"Naghihintay? sino?" tanong ko sa kanya because I really have no idea kung "sino" ung naghihintay sa amin,.

"You'll see." sabi niya at nag-umpisang maglakad.

Walang masyadong tao sa mall kaya hindi naman mahirap maglakad. Napansin ko rin ang mga taong nakatingin sa amin.

Naririnig ko na lng ang mga tao na nagsasabi :

"Ang cute naman nung dalawang iyon, mukang mga artista!"

"Ang gwapo naman ng dalawang to!"

Nakarating kami sa second floor. Malapit na kami sa Mcdo nang naaninag ko ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa labas ng Mcdo. Kumakaway siya sa amin. Nang malapit na kami ay tsaka ko lang naalala kung sinu siya.

Si Jenny.


---------------------------------------------------
Until the next episode,
Av.


[04] The Best Thing I Ever Had - (Part 4) Break Even
Si Jenny. Siya ang masasabing isa sa mga pinakamagagandang babae sa balat ng lupa. Sa ganda niya ay pang- miss universe ang dating niya. Maraming mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya para manligaw pero ito'y di na pinagpapapansin. At ito pa ang masaklap. CRUSH SIYA NI KUYA VAN!

OMG! yaan mu teh! mas maganda ka sa kanya! sabi ni maldita.

"Hi babe happy 2nd monthsary!" ang nakangiting bati niya kay Kuya Van na parang excited na excited siyang makita si kuya.

BABE??!! Naguluhan ako sa narinig ko kaya naman ako tumingin kay kuya Van na may pagtataka sa aking mukha. Lalo naman akong nabigla noong hinalikan ni Jenny si kuya Van.

OUCH!

Natulala na lang ako. Pinipigilan kong huwag umiyak sa sobrang sakit ng nakitang pangyayari.

Shocking! and Hurt-ing, whatever. Ok ka lang teh? o wag ka iiyak, wag ka iiyak.

Hindi ako iiyak. hindi ako iiyak. kaya ko to. siguro mamaya na lang pero wag dito. kaya mo to Av. Relax. Pigilan mo sarili mo.

Kumalas na sila sa isa't isa. "Av..Bunso,..Si Jenny...girlfriend ko..."

"Nice to meet you Av." sabi ni Jenny at inabot niya sa akin ang kanyang kamay.

"N-nice to m-meet you too." Kinamayan ko siya at binitawan ng pilit na ngiti.

Nginitian din naman niya ako. Umupo kami sa isang table. Ang sweet nilang tingnan. At mukang ang saya saya nila.

"Excuse me." ang bigla na lang lumabas sa bibig ko at hindi ko na namalayan na bumaba na pala ako sa mall, naglalakad ng tulala. Hindi pa rin maka-get-over sa nakita. Nagseselos ba ko? Pero ala naman akong karapatan diba? Pero bakit biglang may tumusok sa dibdib ko? arrghh! ano ba to!

Lumabas ako sa mall at sumakay na lang ako ng tricycle pauwi. Habang nasa loob ako ng tricycle ay hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang nangyayare sa akin? Lalaki siya, dapat lang na babae ang para sa kanya. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Pinahid ko ang aking mga luha at inayos ang  aking sarili nang mapansin kong malapit na pala kami sa bahay dahil ayaw kong makita ng aking mga magulang ng ganoon ang ayos ko.

Pagkapasok ko sa aming bahay ay nakita kong nakaupo ang aking mga magulang sa sala, nanunuod ng TV. Dali dali akong pumunta sa aking kwarto sa second floor. Pag dating ko sa aking kwarto ay nilock ko ang pinto, hinugot ang aking cellphone at nakita kong may 5 missed calls from kuya Van and 10 messages na galing din sa kanya. Hindi ko na iyon binuksan at ibinaba na lang ang aking cellphone sa study table ko at saka nagmukmok sa kama. Hindi pa rin ako natitigil umiyak dahil sa aking nakita at sa tuwing aalalahanin ko ang pagsabi ni Jenny kay kuya ng "Babe" at ang halikan nila, ay hindi ko mapigilang humagulgol. Bakit hindi niya sakin sinabi na may girlfriend na pala siya? At 2 buwan na pala sila? Siya pa tong nagsabi sa akin na wala kaming isesekreto sa isa't isa pero eto siya, malalaman ko na lang may girlfriend na pala siya.

Bigla na lang tumugtog sa radio ang kantang ito:


Nakakainis naman to! Parang pinatatamaan talaga ko eh?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko'y nagulat ako dahil nasa tabi ko si kuya Van na nakatitig lang sa akin.
---------------------------------------------------------------
"Bakit ka nandito?" ang pambungad ko sa kanya. Namumugto at magang maga ang aking mga mata.

"Anung nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nawala? Nag-alala ko sa'yo. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi mo naman sinasagot. Ano bang problema mo?!" ang sabi niya sa akin na bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.

"Wala." ang matigas na sagot ko sa kanya.

"Anong wala? Eh tingnan mu nga yang sarili mo, namamaga na yang mga mata mo. Umiyak ka ba? Sabihin mo na kasi problema mo bunso!" sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang aking balikat.

"Wala nga eh!" ang pasigaw na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako at akmang pupunta ng banyo pero napigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking kaliwang braso.

"Humarap ka nga sakin! Wala kang problema?! Eh bakit ka ganyan?! Hindi ka naman ganyan kanina ah?! May itinatago ka ba saakin ha?!"

"Sino nga ba sa ating dalawa ang may itinatago ha?!" ang pagdidiin ko sa kanya tungkol sa kanila ni Jenny. Muka namang na-gets niya ang sinabi ko at natahimik na lang siya bigla. Tumalikod ako bigla para pumunta ulit ng banyo pero pinigilan niya ulit ako.

"Ano ba?!" ang galit na sinabi ko sa kanya.

"Sandali lang, magpapaliwanag ako." ang mahinahon niyang tugon.

"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa. Nakita ko na ang lahat." ang sabi ko at hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?"  tanong niya sa akin.

"Bakit ako nagkakaganito? Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito?" ang sabi ko sa kanya.

"Nag-seselos ka ba?" tanung niya.

Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko dahil nasabi ko na lang :

"OO. Nagseselos ako. at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kasi wala naman akong karapatang mag-selos diba? Pero hindi ko alam kung bakit." huminto ako saglit para magpunas ng luha. Napansin ko naman ang pagtataka niya. "OO. tama ang narinig mo. BAKLA ako. at MAHAL kita. sinubukan kitang makalimutan pero hindi ko kaya. sinubukan kong ibaling sa iba ang pag-mamahal ko pero wala eh." Tumingin ako sa kanyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin na may awa sa kanyang mga mata.

Patuloy pa rin ang agos ng luha ko at bigla akong tumakbo palabas ng aking kwarto. Nagulat ako't napatigil dahil naroon pala ang aking mga magulang sa labas ng pinto sa aking kwarto na nakikinig sa pagtatalo namin ni kuya Van. Nagpatuloy na lang ako sa aking pagtakbo pababa ng aming bahay at tuluyan ng lumabas. Narinig ko pang tinatawag ako ng aking mga magulang noong nasa gate na ako ngunit hindi ko sila pinansin.

Tumatakbo pa rin ako ang walang tigil ang pagpatak ng luha ko na sinabayan naman ng pagbagsak ng ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinyaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin.

Makalipas ang ilang minuto, biglang humupa na ang ulan at naramdaman ko rin ang pagod sa aking katawan.Tumingin ako sa paligid. Nasa park na pala ako. Naupo ako sa isang bench malapit sa isang pond kung saan may fountain sa gitna.

Nakatingin ako sa malayo. Hindi ko ininda ang basang basa kong damit at katawan at ang malamig na hangin na umiihip sa aking katawan. Basta ang nasa isip ko lang ay nasaktan ako. Ngayong alam na niya na bakla ako, alam kong lalayuan na niya ako. Mawawala na ang pinagsamahan namin.

Sa oras na iyon, wala akong karamay at ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko.

Nakatingin pa rin ako sa kawalan nang maramdaman ko na lang na may humawak sa aking balikat. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang aking daddy.

"Anak, halika na, umuwi na tayo." ang panunuyo sa akin ni daddy.

Hindi ko naman napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak. "Daddy, I'm sorry.sorry po kung ganito ako."

"Shhh...Wag mu ng isipin iyon anak..halika na't umuwi na tayo, nag-aalala na sa iyo ang mommy mo". tugon ng aking ama.

Tumingin ako sa kanya at tinanong, "Hindi po kayo galit?"

Pinunasan niya ang mga luha ko sa aking pisngi at saka sinabing, "Oo noong una nagalit ako. Pero anu pa bang magagawa ko diba? kung diyan ka magiging masaya, ano bang karapatan kong pigilan ang nag-iisa kong anak?"

Ngumiti ako sa kanya at inakap ulit siya ng mahigpit. "Thanks Dad. I love you daddy."

Hinaplos niya ang aking ulo at saka sinabing, "Mahal na mahal din kita anak ko."

Umuwi na kami sa bahay at naabutan naming naghihintay si mommy sa pintuan. Agad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na akap. Hindi ko na rin napigilang pumatak muli ang aking luha.

Iyakin ka teh?! sabi ng boses sa utak ko.

Che! tumigil ka nga! panira ka talaga ng moment kahit kailan.

"I'm sorry mommy." sabi ko.

"Ayos lang anak. Matagal ko namang alam." sabi ni mommy.

"A-ano po? P-papaano ninyo pong nalaman?" ang tanong ko sa kanya.

"Nanay mo ako. Sa akin ka nanggaling. Kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo. Alam ko kung malungkot ka, o masaya. At saka isa pa, nakakahalata na rin ako sa'yo dahil iba ang saya mo kapag nakikita mo ang kuya Van mo." ang paliwanag sa akin ni mommy.

Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang sila mommy at daddy.

Nagpaalam na lang ako na magpapahinga na ako dahil pagod na ako. Hindi ko na rin itinanong sa kanila kung ano ang nangyari kay kuya Van. Sa panahon kasing iyon, naramdaman kong parang nabawasan ang tinik sa aking dibdib dahil sa alam na nga nila ang totoo. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na makaramdam ng lungkot dahil pumasok din sa isip ko :

Ano na kaya ang mangyayari sa amin ni kuya Van? Panigurado magbabago na ang lahat sa amin. Sana hindi na lang ako magising bukas para hindi ko na siya kailangang harapin pa.

Gaga! wag ka ngang ganyan! wag mong isipin yan! lalaki lang 'yon! there's a lot of fish in the sea! sabi ni maldita.

Hindi ko na lang ito pinansin.

Sakto namang tumugtog ang isang kantang nakakapag-paiyak talaga sa akin.


at iyon na ang huli kong naaalala nuong gabing iyon. Nakatulog ako.
-------------------------------------------------

Nagulat ako noong ako'y magising.

4:30 pm

Ganun ba ko katagal nakatulog at 4:30 na ng hapon?

Lumingon ako sa kabilang side ng aking higaan at laking gulat ko ng makitang naroon si Kuya Van, nakatingin sa akin.

Bakit siya nandito? Diba dapat hindi na niya ako lalapitan ngayon dahil sa alam na niyang may nararamdaman ako para sa kanya?. Ano ba tong nangyayare? bakit parang dejavu?

"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------

Until the next episode :(
Av.


[05] The Best Thing I Ever Had - (Part 5) I love The Way You Lie
"Anung nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nawala? Nag-alala ko sa'yo. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi mo naman sinasagot. Ano bang problema mo?!" ang sabi ni Kuya Van. Bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.

Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at dali dali kong kinuha ang aking cellphone. Tiningnan ko ang date.

Teka, eto yung date kahapon ah. So ibig sabihin. ibig sabihin...

Tamaaaaa!

Tama ka jan! wala pa nga akong sinasabi eh. May tama ka talaga!

Che! Whatever!

Anyway..So ang nangyare kanina, paniginip lang?.Gosh. Pang-best actress ang drama ko kanina tapos panaginip lang pala? Kainis naman! Sayang effort ko!

Gaga! Best actress ka jan? Supporting ka lang dahil akin ang korona. haha.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko nang tapikin ni kuya Van ang balikat ko. "Huy! Tinatanong kita. Ano bang nangyayare sa'yo? O, umiyak ka ba? Sino nang-away sa'yo? Sabihin mo bubugbugin ko!" sabi niya.

Wow! Knight in shining armor ang drama! Kainggit ka teh!

"A-a.e-e." ang pautal kong salita.

A-E-I-O-U. Irecite mo na kaya ang buong alphabet!

"W-wala. wag mo kong intindihin.okay lang ako." ang palusot ko.

Palusot.com

Shhh! Shut up!

"Weh? Sige na bunso, sabihin mo na kay kuya kung anong problema." inupo niya ako sa kama at inakbayan at nilalambing-lambing.

"Oo nga po. okay lang ako."

"Eh bakit namamaga yang mga mata mo?" tanong niya.

Nako patay. anong sasabihin ko? Isip Av.Isip!

Hahaha Tigok ka na jan. Tingnan natin kung paano mo lulusutan yan.

"Ahh eto? Kasi..Uhmm..nanood kasi ako ng movie.eh nakakaiyak kasi.kaya ayan naiyak ako.alam mo naman po ako, mababaw ang luha, iyakin..hehe" palusot ko ulet.

"Ohh.okay sige.basta pag may nang-away sa'yo o nagpaiyak sa'yo sabihin mo lang sakin at bubugbugin yan ni kuya. okay bunso?" sabi niya. Mukha namang naniwala siya. Ewan ko ba, basta pag may sinabi ako sa kanya, maniniwala siya.

Aba, mukang nalusutan mo yan ah. I have to say, magaling ka talaga.

Eh ikaw lang naman ang walang bilib sakin eh. Nakakuha kaya ako ng degree sa course ko.

Anung course naman yan?

Bachelor of Science and Kasinungalingan Major in Palusotan.

Okay na lang.

Hay nako. Inggit ka lang kasi ikaw walang degree sa college!

Hoy ano ka! hindi totoo yan!

Na wala kang degree?

Hinde! Hindi ako nag-college. Gaga!

Anyway. Back to the real world.

"Kamusta naman ang naging date niyo ng girlfriend mo?" siyempre kahit masakit, gusto ko ring malaman kung nag-enjoy ba siya. Okay na na may masaya sa aming dalawa.

Chaka! Plastic mo teh! Tupperwear?

Gaga!

"Ah okay naman. Gusto ka nga daw niyang makilala at makakwentuhan tapos bigla ka naman nawala. Bakit ka nga pala nawala?" ang curious na tanung niya.

"Ah eh.uhmm. Nagtext kasi si mama sa akin. Umuwi daw ako kasi kailangan niya ng tulong ko. Kaya ayun." palusot ko ulet.

"Ahh ganun ba. Eh bakit hindi ka man lang nagpaalam sakin? nag-aalala kaya ako sa'yo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan kasi niya ang kamay ko.

Grabeh!

Maghunos-dili ka! Ang landi mo teh!

Shocks, hindi ako makapag-isip ng palusot. Umisip ka Av dali! baka mabuko ka!

"Ah eh. Ayaw ko na rin kasi kayong istorbohin sa date niyo. Besides, ayoko rin namang mag-stay kasi date niyo yun. ano ko? Chaperone mo?" palusot ko ulit.

Tumawa siya."Okay." sagot niya.

Phew! Buti na lang nakalusot ulit!

Grabeh teh! Isa kang makasalanang nilalang! Paparusahan ka ni Lord!

Tumigil ka nga jan! I only do this on emergencies.

So emergency tawag mo dito?


Oo, emergency to na baka mag-end ang life ko pag nalaman niya ang totoo. Kaya tumahimik ka na jan kung ayaw mong ikaw ang parusahan ko.

Hindi na sumagot ang boses sa utak ko.

sakto namang tumugtog ang song na to:
Grabeh naman parang kinokonsensya naman ako nito. haay.

Nakaakbay parin siya sa akin ng may kumatok sa pinto.

"Anak, may ginagawa ka ba?" tanong ni mama.

"Wala naman po ma, bakit po?" tumayo ako at naglakad papunta sa kanya.

"Pwede ka bang bumili ng catsup sa grocery? Day-off kasi ni manang.Pwede bang ikaw na bumili anak?" tanong ni mommy.

"O sige po mommy."

"Mag-pasama ka na jan sa Kuya Van mo." dagdag pa niya,

"Sige po tita,." sagot naman ni Kuya Van.

Naghilamos ako. Siyempre para fresh. haha. Pagkatapos, kinuha ko ang wallet at cellphone ko at bumaba na kami ni kuya at lumabas ng bahay.

Walking distance lang ang grocery kaya mabilis lang namin ito narating.

"Uhhm kuya, pede ikaw na maghanap kung nasaan yung catsup? May titignan lang ako dito." sabi ko kay kuya Van.

"Ok sige, hanapin na lang kita mamaya." sabi niya.

Naghiwalay kami. Pumunta siya sa aisle kung saan nanduon ang mga condiments. Ako naman ay pumunta sa corner kung saan nanduon ang ice cream.

Ice cream? depressed ka teh?

Hinde! na-s-stress lang ako! na-s-stress ako sa'yo!

kaloka!

Anyway, so ayun nga, nagpunta ko sa freezer thingy, kung anu mang tawag dun, para kumuha ng ice cream. Naghahanap ako ng strawberry flavor dahil iyon ang paborito ko. Pinili ko yung medyo malaki ang size, para if ever na gusto din ni kuya Van, share kami. Pagkatapos kong makakuha ng ice cream, pupunta na sana ako kay kuya Van nang bigla naman akong nadulas.

"Ay Sh*t!" sigaw ko.

Nagulat ako nung may nakasapo sa akin. Ineexpect ko pa naman na tatama ako sa sahig para maalog ang utak ko. Baka sakaling magbago takbo ng isip ko at matutunang hindi kami pwede ni kuya Van kapad naalog ang utak ko.

Anyway,. Tiningnan ko kung sino ang nakasapo sa akin.

Totoo ba to? Siya ba talaga to? Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga! Si Ram!

Grabeh! bagong papa?!

------------------------------------------------------------------------

Until the next episode,
Av. :)

No comments:

Post a Comment