Sunday, January 6, 2013

Torn Between Two Lovers (06-10)

By: Dhenxo
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com

[06]
“Dhen, salamat huh.” Pambungad niya pagkapasok namin sa bahay nila.

“Para saan?” Tanong ko.

“Kasi pinili mong makasama ako ngayong gabi.” Sinsero niyang sabi sakin.

“Adik ka Len alam mo ba?” Pagbibiro ko.


“Kaw talaga. Basag trip ka lagi. Magseryoso ka naman, seryoso kaya ako oh.”

“Oo na seseryoso na po.” Sabay ngiti.

“Ayan ka na naman eh. Niloloko mo na naman ako.”

“Batukan kita dyan eh, seryoso na ako oh. Ewan ko sa’yo bahala ka nga.” At tumalikod na ako sa kanya bitbit ang bag ko kunwari nagtatampo.

“Dhen, sorry na. Naglalambing lang naman ako eh di mo man lang nasakyan.” Hinarap niya ako sa kanya. Yumuko naman ako. “Huy, tumingin ka naman sakin. Di ko na yun uulitin promise.”

“Di bagay sa’yo magseryoso Len. Natatawa ako sa hitsura mo, umayos ka nga.” At napabunghalit na ako.

Dahil sa sinabi ko ay nakatikim ako sa kanya nang napakaraming kiliti. Hindi ko napigilan ang sarili na mapatumba. Hindi pa siya nakuntento at ang mokong di ako tinigilan.

Tawa kami nang tawa. Nang mapagod ay sinuntok ko siya sa braso niya. Mahina lang iyon.

“Walastik ka! Napaniwala mo ako dun huh. Akala ko totoo na, sa susunod di na ako maniniwala sa’yo.” Sabi niyang nakangiti.

Naging pormal mukha ko sa sinabi niya. “Umalis ka na diyan sa ibabaw ko. Nahihirapan na akong huminga.”

“Ah eh sorry.” Tumayo na siya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi ko tinanggap.

“Nasaan ba ang banyo niyo dito? Magsa-shower lang ako.” At binuksan ang bag para maglabas ng maisusuot.

“Doon sa labas may makikita kang palikuran. Teka mag-iigib muna ako nang tubig mo.”

“Huwag na ako na lang tsaka hindi naman ako lumpo para hindi magawa yun.” Pormal kong tugon.

Hindi na siya sumagot at ramdam kong ramdam niya ang biglaang paglamig ko sa kanya. Kinuha ko ang timba at tumungo na sa poso.

Binatak ko ang manggas ng t-shirt ko. Natawa ako sa inasal ko dahil akala mo naman mabigat na trabaho ang gagawin ko.

Kasalukuyan akong nag-bobomba nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pansamantala ko muna itinigil ang ginagawa at asikasuhin muna iyong tumatawag.

‘Hello ate! Napatawag ka?’

‘Asan ka?’ Tanong ng ate ko.

‘Bakit?’ Balik tanong ko sa kanya.

‘May pumunta dito kani-kanina lang hinahanap ka. Mukhang pupunta sa party.’

“’Bakit daw niya ako hinahanap?’

‘Wala namang sinabi.’

‘Natanong mo ba pangalan niya?’

‘Francis daw eh.’

‘Ah okay.’

‘Teka sabi ni mama pupunta ka sa party? Andyan ka na ba?’

‘Oo andito na ako. Ako nang bahala dun sa nagpunta dyan pag nakita ko.’ Pagsisinungaling ko.

‘O sige na.’

At pinutol na namin ang linya. Hindi na nakakapagtaka ang iginawi niya. May kasalanan ako sa kanya pero hindi ko naman magawang sisihin ang sarili ko. Sa tingin ko pa nga tama ang ginawa ko eh. Kitang-kita ko na may pagtingin si Jie sa kanya. Tsaka marami na silang pinagsamahan. Tsaka…

“Ano ba yan, maka-shower na nga at ang init.”

Matapos maglinis ng katawan at makapagbihis ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Wala ni isang miscall or text. Nag-eexpect ba ako? Oo.

Nakadama ako nang disappointment kaya napagpasyahan kong matulog na lang. Nakita ko si Arnel na nakahiga na kaya tumabi na ako.

Kahit nakalapat na ang katawan ko sa kama ay hindi ako dalawin ng antok. Pilit kong binabalik-balikan ang nangyari kanina sa party. Ngayon na lang ako inatake nang hiya sa nagawa ko.

Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi ako mapakali kakaisip.

“Namamahay ka ba?” Tanong niya.

“Hindi.” Simpleng tugon ko.

“Ganun ba?” Naramdaman kong bumangon siya.

“Saan ka pupunta?”

“Lilipat ng higa.”

“Bakit?”

“Baka kasi hindi ka sanay na may katabi pag matutulog eh.”

Nainsulto ako. Gusto kong mag-walk out ulit pero saan naman ako pupunta. Pinakalma ko ang sarili ko. Masyado nang madaming tension ang namamahay sa loob ko.

“Len, huwag ka nang umalis. Tabi na tayo.” Sabi ko pero ang tingin ay nasa kisame.

“Sigurado ka ba na okay lang?” Tumango lang ako.

“Galit ka ba sa akin?” Umiling lang ako.

“Bakit di mo ako kinakausap?”

“Pasensya na may iniisip kasi ako eh.”

Humarap siya nang higa sa akin.

“Hindi kaya matunaw ako?” Pagbibiro ko. Napangiti siya.

“Sarap mo kasing tingnan eh.”

“Tse! Tumigil ka.”

“Dhen.” Lumapit siya.

“Kung ano man ang binabalak mo huwag mo nang ituloy.”

Pero hindi siya nagpapigil. Isinandig niya ang ulo niya sa balikat ko at idinantay ang kamay niya sa dibdib ko.

“Can I stay this way?” Hindi ako sumagot and he took it as a yes.

Ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.

“Len?”

“Hmmm?”

“Bakit ako?”

“Dahil ikaw lang.”

“Ang alin?”

“Ang gusto ko.”

“Bakit nga?”

“Masaya akong kapiling ka. Hindi ka maalis sa isip ko. Hinahanap-hanap kita. Sa’yo lang naman ako nagkaganito eh.” Sunud-sunod na paliwanag nito.

“Eh si Jessa?” Hindi siya nakaimik.

“Sulitin natin kung anong meron tayo ngayon Dhen.”

Alam ko umiwas siya sa tanong ko kaya di na ako nagpumilit pa sa halip napabuntung-hininga na lang ako.

Ilang minuto matapos ang pag-uusap namin, sinilip ko kung tulog na siya. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Parang nahipnotismo ako sa titig niya. Dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin. Hindi na ako nakaiwas pa.

For the first time ay naghalikan kami na para bang wala nang bukas. Isinantabi ko muna ang katotohanan tungkol kay Jessa. I want the moment to last. Mula sa simpleng paghahalikan, nagsimula nang maglakbay ang mga kamay namin sa katawan ng isa’t isa.

Nang makaramdam ako nang boner mula sa kanya, para akong binuhusan ng malamig na yelo. Tumigil ako sa ginagawa ko. Nagtataka siyang napadilat.

“Sorry, hindi pa ako handa sa ganito.” Sabay iwas ng tingin.

“Sorry Dhen, masyado akong naging mabilis. Hindi ko sinasadya, hindi ko na kasi napigilan eh.” Binatukan ko siya.

“Loko ka, pinagnanasaan mo pala ako.” Natawa siya. “Kelan pa?”

“Aba secret siyempre. Hindi ko pwedeng sabihin sa taong mukhang puwet.” Pang-aasar niya.

“Mukhang puwet pala huh.” At inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

Kunwari naman siyang umiiwas pero sa tingin ko nag-eenjoy siya. Hinayaan ko na lang na makaramdam siya nang ganun. Nang mapagod sa kakatawa, naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Likas talagang hindi sanay ang bestfriend ko na tahimik ako kaya naman siya na ang nagkusang bumasag sa katahimikan.

“Dhen.”

“Hmmm?”

“Pwede isa pa?”

“Isa pa ang alin?”

At ngumuso siya sa akin.

“Ano ba yan ang hilig. Teka don’t tell me naaadik ka na sa mga halik ko. OMG!” Pinanlakihan ko pa siya kunwari nang mata.

“Ulol ka.” At tumawa siya. “Sige na Dhen.” Binigay ko na din ang hiling niya. Sobrang nag-eenjoy na akong kahalikan siya.

Naalala ko pa nuong high school kami na pilit kong itinatago sa kanya ang pagkatao ko. Na sa bawat tanong niya sa aking pagkalalaki ay laging ang isinasagot ko ay hindi.

Sa bawat pagtataas ng kilay ng mga kaklase at schoolmates namin dahil sa kakaibang closeness namin noon, siya ang laging nagtatanggol sa akin. Laging magkatabi sa upuan, sabay umuwi, magkatabi sa higaan pag may sleepover at minsan ay nagsusubuan pa.

Kami ang sentro lagi nang tuksuhan sa grupo namin. Ang tawag nga nila samin eh lovebirds. Kinikilig ako sa tuwing magkasama kami at sweet sa isa’t isa. Nakakatawa ngang isipin na minsan ako pa rin ang priority niya kahit na ba may girlfriend siya. Ako pa rin ang punu’t dulo nang alitan nila kaya naman ako na ang kusang umiwas sa kanya.

Naging malungkutin na siya simula noon. Naalala ko pa nga kung paano ako kinausap nung isa sa mga naging girlfriend niya. Halos mangiyak-ngiyak na yung babae dahil sa biglaang panlalamig sa kanya nang bestfriend ko. Hindi niya daw kakayanin na mawala ito sa kanya kaya siya nakikiusap sa akin.

“Arnel, pwede ba tayong mag-usap mamayang uwian sa kubo?” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Bakit?” Malamig niyang tugon.

“May mga bagay tayong kailangang ayusin sa pagitan nating dalawa.”

“Okay.” At bumalik na ako sa nilipatan kong upuan.

Nang sumapit na ang oras, andudun na siya sa kubo. Seryoso siyang nakatingin sa malayo. Umupo ako sa harap niya. Ilang minutong katahimikan. Nag-iipon muna ako nang lakas ng loob bago magsalita.

“May mga bagay na kailangang isakripisyo para maging matagumpay ang isang bagay at kasama na dun ang turingan natin.”

Tumingin siya sa akin at bakas ang lungkot. Hindi ko kaya na nakikita ang taong mahal ko na ganun pero kailangan kong maging firm at realistic.

“Arnel, ayoko mang gawin ang pag-iwas sa’yo pero kailangan.”

“Bakit kailangan mong umiwas?” Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng luha niya.

“Dahil may mga taong nasasaktan sa pagkakaibigan natin.”

“Si Nikki ba yang taong yan?”

“Hindi na mahalaga kung sino pa iyon pero gusto kong ipaintindi sa’yo na…”

“Na ano? Na nahihirapan ka? Na nasasaktan ka sa sitwasyong pinasok ko?” Nag-break down na siya nang tuluyan.

“Nasasaktan? Oo nasasaktan ako pag ang mga babae mo lumalapit sa akin at humihingi nang payo kung anong gagawin nila pag nararamdaman nilang nanlalamig ka sa kanila. Na sa tuwing umiiyak sila, ang laging bukambibig ay kung may iba ba na nagpapasaya sa’yo. Nakaramdam ako nang guilt alam mo ba yun?”

“Kung nasasaktan ka sa paglapit nila sa’yo bakit hindi ako ang kausapin nila?” Iritado niyang tanong.

“Dahil ayaw nilang marinig mula sa bibig mo mismo ang isang kasinungalingan na walang nagpapasaya sa’yong iba gayong iba ang pakikitungo mo sa kanila.” Hindi ko naiwasang medyo tumaas ang boses ko.

“Bakit nga hindi ako ang kausapin nila? Bakit ikaw?”

“Dahil ako ang BESTFRIEND mo!”

“Ang labo mo. Kung bestfriend nga talaga kita dapat nakikita ko ang pagsuporta galing sa’yo at hindi ang pag-iwas na ginagawa mo ngayon. Alam mo bang ang sakit sa dibdib na hindi na tayo gaya nang dati?”

“Hindi na nga tayo gaya nang dati dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon. Pilit mo mang itanggi sa sarili mo pero iyon ang dapat.”

“Hindi iyon ang nararapat Dhen. Sa araw-araw na ginawa nang Diyos simula nung magka-girlfriend ako, nagbago ka na at nasasaktan ako sa pagbabago mong iyon. Alam mo, I missed my bestfriend! At alam mo kung ano ang mas masakit pa doon , I lost him!” At umalis na siya na lumuluha.

Hindi ko maiwasang mapaluha nang maalala ko ang malungkot na bahagi na iyon ng nakaraan namin. Nang muli ko siyang silipin ay mahimbing na siyang natutulog. Muli ko siyang hinagkan.

----------------------------------------------------------------------------------


“Good morning!” Bungad niya sakin ng imulat ko ang mga mata ko.

Tinakpan ko ang bunganga ko at bumati sa kanya. Natawa siya sa inasal ko. Napatakbo akong bigla sa banyo nang maramdaman kong sasabog na ang pantog ko. Nang mai-release ko na ang tension ay nakaramdam ako nang ginhawa.

“Halika na, kaen na tayo.”

Dumulog na ako sa hapag at dinaluhan siyang kumain. Parang bumalik ang mga masasayang araw naming dalawa. Nagsusubuan kami nang pagkain at ine-enjoy ang moment.

“Ano Dhen, sabay tayong maligo?” Aya niya sa akin.

“NO WAY!” Pagsalag ko sa alok niya. Tumawa naman siya.

“Andaya mo, hindi ko pa nakikita yang katawan mo samantalang ako ilang beses mo nang nakita. Unfair ito.”

“Unfair ka dyan. Tse! Hala sige, mauna ka nang maligo dali at ako ang susunod.”

Matapos maligo at makapagbihis ay naghanda na akong umuwi. Bitbit pa rin ang bag ko, umangkas na ako sa motor niya. Inutusan niya akong humawak ng mabuti at sumunod naman ako.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa bahay namin. Agad kaming sinalubong ni mama. Bagama’t may kakaiba sa pagsalubong niya ay dineadma ko muna at inayang pumasok muna si Arnel. Naramdaman niya din ang ibang aura ni mama kaya hindi na siya tumuloy at nagpaalam ng umuwi. Hindi ko na siya pinigilan.

“Nasan ka kagabi?” Sumunod pala si mama sa kuwarto ko.

“Sa party.”

“Party? Bakit andito si Francis kagabi sabi ni ate mo at hinahanap ka eh magkasabay naman kayong umalis dito.” Hindi ako umimik.

“May ginagawa ka bang kalokohan?”

“Wala ma.” Depensa ko.

“Kung ganon, nasan ka kagabi?”

“Pumunta ako kila Arnel nagpasundo ako.”

“Nagpasundo? Bakit?”

“Eh nahihiya akong makitulog dun ma eh.”

“Bakit nung nagpunta dito si Francis malungkot siya? Anak, nag-away ba kayo?”

Umiling lang ako.

“O siya, grounded ka ngyong araw na ito.”

“Ma? Ang tanda ko na para ma-grounded.”

“Parusa mo yan sa pagsisinungaling mo.” At tuluyan na akong iniwan ni mama sa loob.

Ilang buntong-hininga din ang pinakawalan ko bago ko unti-unting pinilit na tanggapin ang kaparusahan ko. Sa totoo lang, wala din naman akong magagawa pag nagdesisyon na si mama. Siya kasi ang batas sa bahay.

Wala akong ibang ginawa sa maghapon kundi ang kumain, magluto, maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Napaka-domestic ng araw kong ito. Lalo pa akong nabagot ng wala man lang nagtext ni isa. Kaka-badtrip talaga.

Pinili ko na lang na mag-stay sa kuwarto ko. Isip-isip ng kung anu-ano.

“May bisita ka.” Si mama.

“Sino daw?” Pero walang tugon akong narinig kay mama kaya naman napilitan akng bumangon para harapin yung bisita ko. Nag-ayos muna ako nang gulo-gulo kong buhok bago tuluyang lumabas.

Ngiti ang sumalubong sa akin. Bagama’t may konting sakit pa rin akong nararamdaman sa puso ko, unti-unti naman itong tinatalo nang katotohanang nag-eeffort siya na puntahan ako rito sa bahay. Nagpaka-pormal ako.

“Hi!” Bati ko.

“Hello kuya. Kamusta ka na?”

“Hmmm, okay lang naman ako. Ikaw ba?” Pilit niyang itinago yung lungkot niya pero hindi niya napigilan.

“Kuya, sorry.”

“Ma, pwede ba kaming mag-usap sa kuwarto?” Sumagot naman agad ito. “Tara dun tayo mag-usap.”

“Sige po.” Tumayo siya at sumunod sa akin.

“Nga pala, juice or coke?” Tannong ko sa kanya.

Umiling siya.

“Water or coffee?”

Umiling ulit.

“Wala ka talagang gusto?”

“Meron.”

“Ano para maihanda ko muna bago tayo mag-usap.”

“Ikaw.”

Waaaaaaahhhhhh, natameme ako. Napatakbo ako bigla palabas. Tumungo ako sa kusina para magtimpla nang iced tea at makaiwas sa sinabi niya. Shet! Kinilig ako. (Hanglande lang!)

“Hala nakalimutan kong magdala nang pambara.” Pagpasok ko na pilit ibinabalik ang composure.

“Huwag na kuya gusto lang kitang makausap.”

“Ah okay, sabi mo eh.” Nate-tense ako. Ano ba yan. Para naman akong dalaga nito na nililigawan.

“Kuya…” hinawakan niya kamay ko. “…patawad sa nagawa ko kagabi.”

“Ikaw naman, lagi kang nagso-sorry kahit na hindi naman ikaw may kasalanan.”

“Mahal kita.”

“Alam ko.” Napatingin siya sa akin at namilog ang mga mata. “Ah, eh, nasabi mo kagabi.” Sabay bawi nang tingin.

“Wala ba akong pag-asa sa’yo kuya?”

“Hala, ibig sabihin ba nito…?”

“Oo kuya, nanliligaw na ako sa’yo.” Toinks, confirmed. Dalaga nga ako.

“Di ko alam paano magre-react Francis. First time ko.” Natawa siya sa huling sinabi ko.

“Huwag mong madaliin ang sarili mo kuya. Willing akong maghintay ng sagot mo.”

“Aaminin ko, gusto din kita. Gusto pa kitang makilala. Ilang beses na akong nasaktan sa mga nalaman at nakita ko sa’yo kaya naman siguro mas dapat na kilalanin muna nating maigi ang isa’t isa.” Sa wakas muli ko na namang nasilayan ang mga ngiting bumighani sa akin.

“Talaga kuya?” Napatayo siya at niyakap ako.

“Whoa Francis! Baka masanay ako at hanap-hanapin ko ito.” Sabay kalas sa yakap niya.

“Walastik ka kuya eh kung hahanap-hanapin mo yakap ko eh di text mo lang ako at yayakapin kita.”

“Palabiro ka talaga.”

“Ang saya ko, okay na tayo ulit.” Niyakap niya ako ulit. Hindi ko na siya sinaway pa. “Nga pala kuya, nagpaalam na ako kay tita na dito ako matutulog ngayon.”

“Wala na akong sinabi.”

At tumawa na siya ulit.

“Mukhang nagkakasiyahan na kayong dalawa diyan ah.” Saway ni mama sa kabila nang pinto.

“Hindi naman ma. May nasabi lang kasi siyang nakakatawa kaya kami tumawa.”

Loko-loko talaga tong taong to. Sana makilala ko pa talaga siya. Napahiga siya sa pagod gayundin ako. Nang makalapat na ang mga katawan namin sa kama, hindi ko maiwasang hindi maghikab.

“Aga pa kuya inaantok ka na.”

“Hindi naman.” Nang tiningnan ko siya ay nakatingin lang siya sa kisame.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Napaka-gwapo niya sa kabila nang mga pimples na nag-trespass dito. Ang lips niya, hmmmm. Shet! Ang sarap halikan. Di ko napigilan ang sarili kong humanga sa parte na iyon ng mukha niya.

Namalayan ko na lang ang mga impit na ungol niya. Oo. Nilalapastangan ko ang mga mapang-akit na mga labi niyang iyon. Hindi naman siya gumawa nang anumang move para pigilan ako. Ang sarap ng feeling na hinahalikan siya.

“Francis.”

“Kuya.”

Tumingin ako sa mga mata niya at muling dinama ang ligayang dulot ng mga labi niyang iyon sa pagkatao ko. Gusto ko talaga si Francis, hindi naman siguro malayong mahalin ko na din siya. Mabait siya, guwapo, matalino, active sa school, may kaya sa buhay. Ano pa bang hahanapin ko sa kanya? All-in-one na nga siya eh kumbaga kumpletos rekados.

Ngunit…

(itutuloy)


[07]
Si Jie. Si Jie na ang tanging alam ko lang ay best friend ni Francis simula pa noong first year high school sila. May hitsura rin ito, matalino, mayaman. Nakakapagtakanga ngang bakit hindi ito nagustuhan ni Francis.

Sa school, inseparable sila. Halos magsasawa ka na nga na palagi mo silang makikitang magkasama. Tipikal na magkaibigan. Harutan, kantsawan at damayan pero bakit may nararamdaman akong mali. Alam ko meron talagang mali sa kanilang dalawa.

“Kuya?” Napatingin ako sa nagsalita.

“Hmmm.” Ang guwapo talaga niya.

“May problema ba?” Tanong niya.

“Wala naman. May naisip lang.”

“Huwag mo nang isipin yun. Andito naman ako eh.” At ngumiti.

Kinurot ko ilong niya. “Ang cute mo talaga.”

“Kaya mo nga ako nagustuhan eh.”

“Nagustuhan pala huh. Ugok mo.” Sabay tawa naming pareho.

“Ugok ka dyan. Totoo naman ah.”

“Whatever.”

“Huli ka kuya.” At pinaulanan ako nang hampas ng unan.

“Aray! Nakakasakit ka na ah. Ganyan ka ba magmahal? Nananakit?”

“Hindi naman. Ganito ako magmahal.” Sabay halik sa aking noo.

Napantastikuhan ako sa ginawa niya. Natawa naman siya sa naging reaction ko.

“Kala mo hahalikan kita sa lips huh.” Sabay labas ng dila.

“Asa ka. Simula ngayon di mo na matitikman tong mga labi kong to. Manigas ka!”

Tumawa lang siya. Narinig kong nagri-ring phone niya.

“Hoy, phone mo!” Tumalima naman agad siya.

Parang tanga pa na tinanong kung ayos lang daw ba na sagutin niya. Nailing na lang ako sa ginawa niya.

“Hello?”

“O napatawag ka?”

“Ah tapos na. Daanan mo na lang sa bahay bukas.”

“Oo eh.”

“Hoy excuse me! Nagpaalam ako kay mama tsaka alam niya kung nasaan ako.”

“Bakit mo tinatanong? Susunduin mo ako ganun?”

“Yup, overnight ako dito.”

“Wala naman problema. Okay lang naman kila tita na makitulog ako ngayon eh. Welcome ako rito.”

“O siya ayaw pa maniwala eh. Heto kausapin mo si kuya.”

At iniabot nga niya sakin yung phone niya.

“Hello?”

“Kuya, dyan ba talaga matutulog ngayon yang si Francis?” Si Jie.

“Nagulat nga ako eh. Kasi ang paalam kay mama may pag-uusapan lang daw kami tapos yun pala may dala na siyang mga damit niyang pamalit.”

“Ganun po ba.” Ewan ko lang huh pero feeling ko nadismaya siya sa nalaman.

“May problema ba?”

“Ngayon niya lang kasi ginawa yan eh.”

“Alin?”

“Maki-sleep over sa ibang bahay.” Napatingin ako kay Francis na may questioning stare. Sumagot naman ito nang ANO. Umiling ako sabay bawi nang tingin.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Never pa siya natulog dito kahit may invitation naman siya.”

“Ganun ba? Ano daw dahilan niya bakit lagi niyang tinatanggihan yung alok mo?”

“Kesyo di raw siya papayagan o kaya naman eh may tinatapos siyang project. Sakto namang wala kaming mga projects or kung ano na pwedeng maging busy siya.”

Napabuntung-hininga ako.

“Sige hayaan mo kakausapin ko siya mamaya.”

“Naku kuya, huwag na. Baka isipin pa niya na nagsusumbong ako sa’yo mag-away pa kami niyan.”

“Eh mag-best friends naman kayo kaya walang issue roon.”

Matagal bago siya muling nagsalita.

“Nga pala, kuya kunin ko nga number mo para text text na lang tayo.” Pag-iiba niya sa usapan.

Ibinigay ko naman sa kanya kahit ramdam kong umiwas siya sa huling sinabi ko. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako at ibabalik ko na kay Francis yung phone.

Hindi na ako nakinig pa sa pinag-uusapan nila bagkus ay natuon ang buong atensyon ko sa nagawang pag-uusap naming iyon ni Jie.

Mukhang tama ako. Jie’s secretly in loved with his bestfriend. Sabi ko sa sarili. Pero. . .

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Francis.

“Kuya ano ba kasi problema?” Tapos na pala sila mag-usap.

“Huh?”

“Huh ka dyan. Kanina ka pa natutulala.”

“Wala ito. Pagod lang siguro.”

“Asus! Sabi ko naman sa’yo, huwag mong isipin yun. Mahal na mahal ka nun.” Pertaining to his self.

Natawa ako sa inasta niya.

“What’s funny? Hay naku.” Patampo niyang sabi pero lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Tahimik pa rin ako.

“Kuya?”

“Hmmmm.”

“Masaya ako kasi okay na tayo. Mas masaya ako dahil finally umamin ka na sa nararamdaman mo sa akin. Mas sasaya ako kapag . . .” Pambibitin niya.

“Kapag ano?”

“Kapag tayo.”

I am lost for words. My heart skips a beat while my mind settles in euphoria. Si Arnel. Biglang pumasok sa isip ko ang imahe niya. Naguguluhan na tuloy ako.

I like them both pero hindi ako papasok sa sitwasyong alam kong madedehado rin ako sa huli.

“Francis?”

“Kuya.”

“Masaya rin ako na okay na sa ating dalawa ang lahat but I can’t assure you of anything. I am confounded with the truth that you are around as well as si Arnel.”

Tahimik siya kaya nagpatuloy ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin giving him the feeling that he has to listen sa sasabihin ko.

“Overwhelming ang presence niyong dalawa. Minsan nga natatakot na nga ako na baka dahil sa lakas ng charisma niyo eh sabay kayong mawala sa akin.”

“No kuya! Hindi iyon mangyayari. I won’t leave you at that.”

“Don’t make promises Francis. I am tired of hearing those. Just do it wala nang need pa na gumawa nang stupid guarantees.”

“I have to.”

“Why?”

“Dahil mahal kita kuya, ikaw ang buhay ko.”

“Don’t say that. Iikot pa rin ang buhay mo without me.”

“Siguro nga pero days would be lonelier kung wala ka.”

“Why?”

“You’re responsible of me.”

“Huh?” Ano daw?

Ngumiti muna siya bago nagsalita. “You’re the reason of my smiles, the reason why I am looking up to a brighter day, my only reason kung bakit ko pinagbubuti lahat ng mga ginagawa ko sa lectures, sa office, sa bahay, sa lahat.”

“I’m flattered Francis but I can’t say the same.” Pagputol ko.

“Naiintindihan ko kuya. Ang gusto ko lang eh sana maramdaman mo na you’re my other half.”

“You’re too fast. Hindi pa tayo remember.” Napatawa kami sa sinabi ko.

“That’s why I love you.”

Natawa ako ulit. Nang makabawi na ako, nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Siya na bumasag sa gap na iyon.

“I’ll be missing this.” Malungkot niyang sabi.

Napabitaw ako sa yakap niya at hinarap siya. Bakas sa mukha ang pagkabigla at naguluhan.

“You’re leaving me?”

“Hindi kuya. I have no guts to leave you baka ikamatay ko iyon.” Binatukan ko siya.

“What’s that for?”

“Masyado ka nang OA.” Napakamot lang siya sa ulo niya.

“Honestly, I am afraid of losing you.”

“Ako rin, I am afraid of losing . . .” Tiningnan ko siya. Nakita ko naman ang anticipation sa mga mata niya. “. . .me.” At tumawa ako na para bang wala nang bukas.

Dahil dun ay nakatanggap ako nang ilang hampas ng unan. Tawa pa rin ako nang tawa.

“Nagoyo mo ako dun kuya huh. Ang korni mo!”

“Mahal mo naman.”

Dinaganan niya ako. Napatigil siya. Nag-uusap ang mga mata namin. Unti-unti niyang nilapit mukha niya sa akin.

“Oops, no kissing. Sabi ko di ba na hindi mo na ako mahahalikan.” Patuloy pa rin niyang nilalapit mukha niya.

“Sisigaw ako nang rape sige ka.” No comment.

“Francis!”

“Beg for me to stop!” May utos sa salita niya.

“Ulol mo. Beg beg ka dyan.”

“Then you can’t stop me.”

Pinigilan kong magkadikit mga lips namin. He moaned for failing but he’s insisting. Tinanggal niya kamay ko at hinawakan palayo kasabay ng paghawak sa kabilang kamay ko. Now I am guard less. Vulnerable.

“Kuya.”

Wala na akong magawa. Pilit ko mang labanan ang sarili pero hindi ko kayang pigilan na muling malasap ang mga halik niya kaya naman pumikit na ako. Without battling an eyelash, I felt his soft, warm lips against mine. The kiss was swift, pure and addictive. Tongues were pressed against each other. Soft moans were heard. Then suddenly we stopped.

“That was intense.” Sabi ko. He smiled.

“I love you kuya.”

“I like you more.”

“Oh bakit like lang?”

“I want to know you more.” He gave me that not-convinced stare. “Basta.”

“Okay.”

“One more?”

“Yes your majesty.”

And naulit ang paghihinang ng mga labi namin.

(itutuloy...)


[08]
“Ugghhh!”

Napadilat ako dahil sa narinig. May umuungol. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may kakaiba pero wala naman. Patuloy lang ang mga ungol na ngayon ay lumalakas na. Nanggagaling yun sa pwesto ni Francis.

Napabangon ako at sinigurong dun nga banda galing. Di nga ako nagkamali kaya naman agad ko siyang pinuntahan. Inabot ko yung switch ng ilaw. Kasabay ng pagliwanag ng paligid ay ang pagkakita ko sa ayos ni Francis na unat na unat.

Patuloy lang siyang umuungol. Ginigising ko siya pero hindi magising. Kinakabahan na ako. Sinubukan ko siyang gisingin muli pero hindi pa rin effective. May nabasa ako sa isang libro noon na pag hindi raw magising ang isang taong binabangungot ay umusal lamang ng prayer. Yun nga ang ginawa ko.

Nagdasal ako sa tabi niya ngunit hindi pa rin. Napahawak ako sa kamay niya habang patuloy sa pagdarasal. Hindi nagtagal ay naramdaman kong humigpit pagkakahawak niya sa kamay ko. Napadilat ako at tiningnan siya.

Wari mo’y naligo ito sa sobrang pawis habang nakaupo sapo ang ulo.

“Saglit kuha ako nang tubig tsaka pamalit mo.”

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

“Kuya huwag mo ako iiwan.” Usal niya habang di mapigilan ang pagtulo nang mga luha niya.

Napayakap naman ako sa kanya.

“Hindi kita iiwan Francis. Tahan na.”

Patuloy lang ako sa pagyakap at paghaplos sa likod niya nang maalala ko na dapat pala ako kumuha nang tubig.

“Saglit lang huh, kuha lang ako nang maiinom tsaka pagbibihisan mo.”

“Kuya dalian mo huh. Ayoko mag-isa.”

Tumalima naman ako agad at kumilos na. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ako sa kuwarto dala ang isang baso nang tubig at bihisan. Inabot ko na iyon agad sa kanya.

“Bakit mo kinukuha unan kuya?”

“Tabi na kasi tayo matutulog. Okay?”

“Opo.”

“Yan good boy. Lika na kay daddy dali.” Sabay pagpag sa katabing space.

Tuwang-tuwa naman ang loko at tumalon pa sa kama.

“Ay excited?”

“Opo daddy.” At nagboses bata pa.

“Yuck!” Natawa na lang kami pareho. Naka-move on na siya.

Inakala kong nakatulog na siya nung tumahimik na siya. Sinulyapan ko. Nakapikit na siya kaya naman napagpasiyahan ko na ring matulog.

“Sorry kuya huh, naistorbo pa tuloy tulog mo.” Rinig kong sabi niya.

“Wala yun. Kinabahan nga ako kasi baka napano ka na eh.”

Tahimik ulit.

“Lika nga dito, lapit ka.” Lumapit naman siya.

Inangat ko ulo niya para sa braso ko siya uunan. Yung isang kamay ko naman ay iniyakap ko sa kanya. Instinct na sigurong maituturing yun para maramdaman niyang secured siya. Napayakap na rin siya sa akin. Ganun ang ayos naming natulog.




“Good morning daddy!” Bungad niya sa akin pagmulat ko.

“Good morning din Francis.” Nagulat pa ako nang halikan niya ako. Nakabawi rin ako agad. “How was your sleep?”

“Never been better.”

“Hus, bolero.”

“True yun kuya ah!”

“Sabi mo eh.”

“Ay di naniwala oh.” Patampo niyang tugon.

“Nagtatampo ka na nyan?”

“Nope.”

“Weh di nga?”

“Nope.”

“Sige bahala kang magtampo dyan.”

Bumangon siya agad at talagang nagtampo nga. Babangon na rin sana ako pero nahihirapan akong tumayo.

“Francis.”

Hindi siya sumagot.

“Francis tulong.”

“Bahala ka riyan tumayo mag-isa.”

“Hindi ko nga maigalaw braso ko paano ako tatayo?” Sa totoo lang kaya ko naman tumayo gamit ang isa ko pang kamay pero inaamo ko lang siya.

“Style mo bulok.”

“Francis!!” Napasigaw na ako bigla. Napahangos naman siya agad sa akin.

“Huwag mong gagalawin! Huwag mong gagalawin!” Hiyaw ko dahil sa biglang sumakit yung braso ko.

“A-anong nangyayari kuya?” Taranta niyang tanong at biglang hinawakan ako sa braso.

“Namamanhid yung braso ko. Ang sakit sobra! Please huwag mo munang gagalawin.” Halos maiyak-iyak ko nang sabi.

“Kuya sorry! Sorry!” Binatukan ko uli siya. “Aray! Pangalawa na yan huh.”

“Bakit ka ba kasi nagsosorry?”

“Eh kaya nagkaganyan yan kasi ginawa kong unan kagabi.”

“Hay naku, mawawala rin ito maya-maya basta di lang magalaw. Parang di ka nursing ah.” Tumawa pa ako para naman gumaan pakiramdam niya kahit paminsan-minsan ay napapangiwi ako pag nasasagi.

Mukhang nagkamali ako dahil napayuko siya. Inangat ko mukha niya gamit yung nangalay na kamay ko na ngayon ay hindi na gaanong masakit.

“Huwag na malungkot huh. Ayaw ko makita kang nakasimangot o kaya naman malungkot kaya naman smile na, please?”

Alangan pa rin ito. Kaya naman nilapastangan kong muli ang mga labi niya bilang pang-aamo ko sa kanya. Saglit lang iyon pero kapalit naman nun ang isang ngiti sa kanya. Sapat na iyon sa akin. Nakabawi na siya maging ako rin.

“Ang aga namang drama nito. Halika na nga at kumain na tayo.”

Lumabas na kami at kumain. Matapos iyon ay agad na itong nag-ayos para umuwi. Bitbit ang backpack niyang iyon ay nagpaalam na siya kila mama.

“Hatid na kita.”

“Di na kuya. Kaya ko na ito tsaka baka masanay ako na may naghahatid sakin eh mahirapan ka pa.”

Oo nga naman. Tama siya dun ah.

“Ganun ba? O sige tawag na lang ako nang tricycle.”

Tinawag ko yung nakapila at lumapit naman ito agad.

“O text mo ako pag nasa bahay ka na huh?”

“Yup. So paano kuya, see you sa school.”

Tumango lang ako. Hahalik sana siya pero pinandilatan ko para sabihing di pwede. Nakuha naman niya agad kaya yumakap na lang.

“I love you kuya.” Bulong niya sabay kalas sa yakap. Ngumiti na lang ako.




“Hays, napagod akong bigla dun ah.” Sabi ko sa sarili nang tuluyan ng mawala sa paningin ko yung sinasakyan ni Francis.

Papasok na ako sa loob nun ng tumunog yung phone ko.

Bez Arnel

Ano na naman kaya nakain ng taong ito at nagtext. Binuksan ko yung message. Parang mas lalo akong napagod sa nabasa ko. Kakatapos ko lang makipagharutan kay Francis tapos heto na naman ang isa. Salawahan lang eh.

“Ma, pupunta raw si Arnel ngayon.” Walang gana kong sabi kay mama.

“Ganun? O siya pupunta muna ako sa palengke. Ikaw na muna bahala rito sa bahay tsaka dyan sa bisita mo.”

“Okay.”

Matapos iyon ay tumungo na ako sa sala at nanuod muna nang TV. Hindi pa nag-iinit yung puwet ko sa upuan ng muli ito magtext. Nasa labas na raw siya. Tumayo na ako para puntahan siya.

“Oh bakit parang pagod ka?”

“Huwag mo na lang pansinin yan. Anong meron?”

“Wow sungit ah. Meron ka ba ngayon?”

“Don’t start with me.” Sabay irap.

“Okay. Anyway, sila tita?”

“Obvious ba?”

Napakamot siya nang ulo. “Oo nga naman.”

“Do you want anything? Merienda?” Habang nakatutok ang mga mata sa paborito kong palabas.

“Ahm, hindi na.” Tumahimik siya.

Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Kakausapin ko na sana nang makita kong nakatulog pala ang loko. Napailing na lang ako. Maya’t maya ko siyang tinitingnan. Ang amo kasing tingnan ng hitsura niya ngayon.

“Baka matunaw ako.”

“Ulol!” Sabay hampas ng throw pillow.

“Aray! Nananakit?”

“Dapat lang sa’yo yan.”

“Pa-kiss nga!”

“Tukmol, di pwede.”

“Bakit naman?”

“Wala tayo sa bahay niyo o kaya sa isang private na lugar. Baka mahuli tayo.”

“Eh wala naman sila di ba?”

“Basta hindi pwede.”

“Ay ang damot naman. Para halik lang eh.”

“Anong para halik lang ka dyan! Len umayos ka nga.”

“Sabi mo eh.” Sabay iling.

“Anong meron?”

“Saan?”

“Wala.”

“Hay naku.”

“Ewan.”

Nakatutok ako sa panunuod samantalang siya ay walang puknat kung makapagtext. Iyon marahil ang paraan naming dalawa para punuan yung gap na naghahari sa pagitan namin. Maya-maya pa ay may tumatawag sa labas.

“Saglit lang po.” Sabi ko sabay tayo.

Mga ilang minuto na rin siguro akong nakatayo sa pintuan habang pinagmamasdan yung babaeng kanina pa nagtatao po sa labas. Nagngingitngit ang kalooban ko.

“Hi.” Labas sa ilong na bati ko.

“Hi Dhen! Andyan ba si Arnel?”

“Ah oo. Saglit tawagin ko.” Sabay talikod.

Nasa pintuan na ako nun ng maalala kong hindi ko pa pala siya pinapasok or inalok man lang na uminom. Ewan. Nagdadalawang isip ako kung papatuluyin ko pa ba siya. Nagtatalo ang pagkainis ko kay Len at sa babaeng ito at yung better side of me. Siyempre nanaig ang hiya ko. Binalikan ko siya para papasukin.

“Hayan siya oh.” Sabay turo kay Len na nakaupo.

“Hi hon! I miss you!” Sabay halik sa pisngi nito.

Lalo akong nag-alburoto. Padabog akong umupo sa sofa. Napatingin pa silang dalawa sa akin. Nakaramdam ako kaya tumingin din ako sa kanila sabay sabi nang sorry at ngiting pilit.

Nakatutok ang mga mata ko sa screen pero tutok na tutok ang tenga ko sa pinag-uusapan nila.

“Ahm hon, bakit mo nga pala ako pinapunta rito kila Dhen? Nakakahiya naman.”

“Na-miss lang kasi kita eh. Kelan na ba kasi ulit tayo huling lumabas?” What the!? Hindi dating place itong bahay!!! Kapal at pinapunta pa rito!!! Buwisit talaga!!!

“Hindi ko na rin maalala eh. Hmmm, two weeks ago?”

“Tama, sa may park tayo nun with matching sorbetes tsaka cotton candy.” Sabay tawa. Malas nga naman oo.

“Oo nga hon. Tapos napag-usapan din natin yung future natin 3 years from now. Remember, nagplan tayo about our wedding?”

Bigla akong napaubo parang nasamid.

“Dhen okay ka lang ba?” Si Jessa.

“Ah, oo. Huwag niyo akong intindihin.”

At nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Medyo tumatahimik si Arnel. Buwisit na buwisit naman ako. Hindi na ako makatiis. Gusto ko nang umalis pero saan naman ako pupunta? Malamang makakaramadam si Francis pag siya ang tinawag ko.

“Ah Dhen, phone mo nagri-ring.” Si Jessa ulit.

“Huh?”

“Phone mo.” Si Len.

“Ah sorry.” Sabay dukot ng phone at sagot dito.

Tumayo ako at bahagyang lumayo.

“Buti tumawag ka!” Halos pabulong kong sabi sa kausap ko.

“Ay anong meron?” Si Xyza.

“Mahabang kuwento Xy. Kuwento ko sa’yo lahat pero may kapalit.”

“Ano?”

“Magdala ka nang float and fries for two rito sa bahay tapos kunwari hindi mo alam na may bisita ako rito sa bahay. Gets?”

“Copy.”

“Okay. Now na.”

At naputol na ang linya kasabay nun ang pagkakita kong nag-smack silang dalawa. Gusto ko nang ibalibag tong dalawa palabas. Feeling ko nananadya itong si Len eh. Lintik lang ang walang ganti!

Nag-ring ulit phone ko.

“Nasaan ka na? Bakit ang tagal mo?” Singhal ko sa tumawag.

“Huh? Kuya?”

“Ay FRANCIS! Sorry. Ikaw pala yan.” Diniinan ko talaga ang pangalan niya para marinig ni Len.

Napalingon naman ito. Palihim na nagbubunyi ang kalooban ko dahil sa nakita kong medyo naningkit ang mga mata nito.

“Anong meron at napatawag ka?”

“Nakalimutan ko kasi kuya yung ano ko.”

“Anong ‘ano’ mo?”

“Yung ano ko sa banyo.”

“Ano nga yun?”

“Yung brief ko.” Natawa ako dahil sa sobrang hina nang pagkakabanggit niya sa brief. “Kuya naman eh. Nahihiya na nga akong sabihin tinawanan pa.”

“Sorry, natawa talaga ako sa pagkakasabi mo nang brief eh.” At ginaya ko ang hina nang pagkakasabi niya.

“Lagot ka sakin. Humanda ka, malapit na ako.”

“Can’t wait!” Sabay tawa ulit.

Pansamantala kong nakalimutan ang dalawang nilalang sa loob ng bahay na kanina pa pinapapak ng langgam. Tingnan ko lang kung anong mukha ang ihaharap mo sakin after this.

Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas. Dali-dali ko itong pinuntahan. Bumukas na ang pintuan at iniluwa noon si Francis na kuntodo porma.

“Oh saan ang date huh Francis?”

“Saan pa nga ba kuya? Eh di rito sa bahay mo.”

“Loko. As if pwede.”

“Malay mo kuya makalusot.”

“Ewan.”

“Ay kuya teka, may nakalimutan ako.”

“Don’t tell me brief din yan.” Natawa lang ito.

“Wait lang huh, kunin ko.” Pandededma niya sa pang-aasar ko.

“Okay.”

Di rin nagtagal ay bumalik na rin siya.

“O nasan yung kinuha mo.”

“Secret. Sa loob ko na lang ibibigay.”

“No! Pakita muna bago pumasok.”

“Guard? Ikaw ba yan?”

“Oo at oo pa kaya dali na. ilabas na iyan.”

“Si kuya naman excited masyado. Hala sige na nga.”

May dinudukot siya sa bulsa niya. Nag-eexpect naman ako na singsing iyon o kaya naman ay necklace or wrist band pero nagkamali ako.

“Ano yan?” Sabay turo sa hawak niya.

“DVD.”

“Harry Potter?”

Tumango lang siya. Sa sobrang kasayahan ay nayakap ko siya nang mahigpit. Natigil lang kami nang may tumikhim sa likuran ko. Napalingon ako. Kita ko naman ang reaction ni Len. Naiinis rin ito lalo pa at naabutan niya kami sa ganung sitwasyon.

“Ah, Francis. Pasok ka muna sa loob.” Anyaya ko. Sumunod naman ito.

“Ah Dhen, alis na muna kami ni Arnel huh. May pupuntahan lang kami.” Maharot nitong sabi.

“Ingat.” Sabay talikod. “Nga pala BEZ, pasara na lang yung pinto pagkalabas niyo huh.” At tumalikod ulit.

Narinig ko na lang ang may kalakasang paglapat ng pintuan. Waring padabog kaya naman sobrang nagbubunyi ako. Kasunod nun ang message ni Xyza na hindi na raw siya makakapunta dahil dumating sa bahay nila yung bf niya.

(itutuloy...)


[09]
Kakatapos lang naming panuorin nun yung DVD na dala niya at napag-isipan naming umorder na lang ng makakain kesa magluto pa ako.

“Kuya anong gusto mo?” Bigla niyang tanong.

“Gaya nang iyo.” Simple kong tugon.

“Ah okay kuya. Order lang ako saglit huh.”

“Sige.”

Inilabas niya phone niya at nag-dial. Narinig ko na lang na sa McDo pala siya tumawag. Matapos niyang ibaba yung phone eh tinanong ko agad siya.

“May float ba tsaka large fries?”

“Oo naman kuya. Hindi mawawala yun.”

“Yes!!!” Parang bata kong sagot sa kanya.

Tatawa-tawa naman si Francis habang pinagmamasdan ako.

Nagkukulitan pa kami nang may biglang kumatok sa pinto. Agad naman itong pinuntahan ni Francis at hindi nagtagal ay bumalik na ito agad.

“Tsaraaaaannn!” Sabay labas ng inorder niya.

Nag-asal bata naman ako na may papala-palakpak pa habang inaabot yung float tsaka fries.

“Francis, lapit ka.” Seryoso kong sabi.

Napakunot noo siya sa sinabi ko.

“Don’t worry, wala akong gagawing masama sa’yo.”

Lumapit naman siya agad. Sumandal ako sa balikat niya.

“Thank you huh.”

“Saan kuya?”

“Sa mga moments na ganito. Sa mga panlilibre mo, sa mga pagpapasaya mo sa akin.”

“Wala yun kuya. Masaya naman ako sa ginagawa ko kaya okay lang sa akin.”

“Hmmmm.”

“Bakit kuya? Hindi ka ba nag-eenjoy?”

Isang kamay ang lumanding sa ulo niya.

“Aray ko huh!”

“Loko ka kasi eh. Mukha ba akong hindi nag-eenjoy?”

Natahimik siya. Gayundin ako. Naramdaman ko na lang na may nakaambang fries sa bibig ko. Napatingin ako dito. Sa halip na ngumanga ay dinampian ko nang halik yung mga labi niya.

Napapikit na lang ako sa ginawa ko. May dulot talagang sensation ang halik na iyon.nang maghiwalay ang mga labi naming dalawa ay nagpakawala ito nang matamis na ngiti. Natawa ako bigla kasi nakaamba pa rin yun fries. Natawa na rin siya.

Ang siste, susubuan niya ako nang fries at ganun din ako. Salitan kami. May mga times na trip naming pagsabayin. Nasa ganun kaming eksena nang may magsalitang babae.

“Ayieee, hon ang sweet nilang dalawa oh!”

Bigla naman kaming naghiwalay ni Francis. Kabadtrip. Di man lang nagpasabi na uuwi na sila agad.

“Kuya, ate, meryenda po tayo.” Nahihiyang sabi ni Francis.

“Naku hindi na. Sige lang. Kakatapos lang din naman naming kumaen eh.” Pagtanggi ni Jessa.

“Ah, ahm, ang bilis niyo naman? May naiwan ba kayo?” sabay tayo ko na may hinahanap kunwari.

Hindi ko kaya yung mapanuring tingin ni Arnel sa akin kaya nagpaalam ako na may kukunin lang sa kuwarto. Isasara ko na sana yung pinto nang may humarang na kamay dito. Pagsilip ko, patay.

Nagkunwari naman ako na parang inosente. Pumasok siya sa loob. I composed myself.

“Yes, anything?”

“Could we talk?”

“We’re already talking.”

“Yung tayong dalawa lang.”

Inisip ko na baka naghihintay na si Jessa sa labas.

“Ahm, some other time na lang. Ayaw ko naman na istorbohin kayo ni Jessa.”

Tumahimik muna siya bago nagsalita.

“Kami o baka ayaw niyo maistorbo intimate moments niyo niyang bisita mo?” With emphasis sa salitang moments.

Medyo nainsulto ako.

“You don’t have any concerns kung ano man yung ‘moments’ namin ng bisita ko dahil bahay namin ito and I have the sole rights kung paano ko ie-entertain mga bisita ko.”

“So that’s your treatment sa akin. Bisita ako rito ah.”

“Bisita yourself! You always slam the door open as if you own this house and yet bisita?”

“You’re being rude na sa akin Dhen. Bumabalik ka na naman sa dati. Is this how you really wanted?”

“Wanted what?”

Nagsusumbatan na kaming dalawa but we kept our voices low pero ramdam pa rin yung intensity nang bawal salitang lumalabas sa mga bibig naming.

“As if you’re itching to kick me out of your life!”

“Anong sinasabi mo?”

“Ramdam ko naman eh. Ramdam na ramdam ko na habang tumatagal lalong tumitindi yung panlalamig mo sa akin. Bakit Dhen? May problema ba tayo?”

Ayoko sumagot dahil ayoko magbreakdown.

“Ano Dhen, bakit hindi ka sumagot?” Hindi na niya napigilang yugyugin ako.

“Marami Len!! Sa sobrang dami hindi ko na alam kung paano ko pa iha-handle!”

“Kaya ba ginagawa mong escape goat si Francis? Hindi ka na naawa sa tao.”

Tiningnan ko siya nang masama.

“How dare you! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! Ni hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ko para sabihin mong pampalipas oras ko lang si Francis! Gusto mong malaman yung totoo? Fine! I want to get rid of you Len! You’re hurting me so much. Kumplikado ka masyado. Hindi ko hahayaang masaktan mo ulit. Once is enough.”

Nabigla siya sa naging reaction ko. Agad niya akong niyakap. This is why I hate dramas.

“I’m sorry for making things so hard for you. Ako rin nahihirapan. We could make things work out. Pro---”

“Hon okay lang ba kayo ni Dhen dyan?” Naputol yung sasabihin niya dahil sa tanong ni Jessa sa labas.

Kumalas ako sa yakap niya. “Leave.” Malamig kong sabi.

“Babalik ako. Hintayin mo ako. Mag-uusap pa tayo.”

“Saka na. Ayaw muna kita makausap.”

Malungkot siyang lumabas ng kuwarto. Dali-dali ko naman inayos sarili ko at naghalughog ng pwedeng gawing alibi nang maalala ko na may binili pala akong brownies para kay Francis.

“Anything wrong kuya?” Bungad ni Francis pagkalabas ko nang kuwarto.

“None. Why?” Sabay abot ng box ditto.

“You seemed uneasy. Come on tell me.”

“Wala Francis, promise.” Sabay taas ng kamay na nagpa-promise talaga.

Alam kong hindi siya convinced kaya naman I flashed him a smile.

“If you’re ready I’m willing to listen kuya.”

Bumuntong-hininga lang ako.

“Hala, yung float ko!” Dinukwang ko yung inumin. “Inubos mo fries ko?”

“Oo kuya. Sayang eh, lumamig na kasi.”

“Aww, sayang naman. Di bale, atleast nabusog ka naman.”

“Hus style mo bulok!”

“Bulok pala huh.”

At inulan ko siya nang kiliti. Malakas kiliti niya sa batok kaya yun pinuntirya ko. Hindi sinasadya na napatid ako at napasubsob ako. Natahimik siya. Ang tagal ko kasing hinalikan yung floor. Todo concern naman siya. Kunwari naman ako na nasaktan talaga.

“Kuya, okay ka lang ba?”

Ungol lang ako.

“Hala, kuya. Saan ang masakit?”

Tahimik.

“Kuya!”

Natatawa ako sa reaction niya kaya hindi ko na napigilang tumawa. Nagulat siya sa reaction ko pero tumawa na rin siya.

---


“Kuya, sa sunod ulit huh.”

“Yeah, anytime basta i-text mo na lang ako.”

“Opo kuya.”

“So, see you soon?”

“Yeah.”

“Ingat sa pagda-drive huh.”

“Opo kuya. Text kita later when I got home.”

Ngiti na lang ako.

“Ngayon ka lang uuwi?” Si Arnel na sumulpot sa kung saan.

Ang bilis ko nagshift mood. Ang bastos kasi nang dating sa akin eh.

“Opo kuya eh.”

“Ingat.”

At umalis na nga si Francis.

Dire-diretso lang ako sa loob. Bahala na siya kung papasok siya o hindi. Labas pasok na nga yan dito sa bahay eh.

“Asan sila tita?”

“Wala.”

“Si bunso? Si ate?”

“Wala.”

“Ikaw lang nandito?”

Tiningnan ko lang siya. Gusto ko na ngang sugurin eh kaso nagpaka-civil na lang ako. Tama ba naman na tanungin kung ako lang ba ang nasa bahay. Stupidity kills.

Ramdam pa rin sa pagitan namin yung tension mula kanina lalo na sa akin.

“Hindi mo pa rin ba ako kakausapin ng matino?”

“Bakit ka nandito?”

“Don’t answer me with a question.”

A gave him a dumb look.

“Please usap tayo. Ayusin natin to.”

“Ayusin? Wala naman tayong dapat ayusin in the first place. Lumalagay lang ako sa dapat paglagyan. I don’t want to interfere with your affairs.”

“Meron Dhen. I’m losing my best friend and I want to win him back.”

“You’re not losing him. Ginagawa niya lang yung dapat niyang gawin for his BEST FRIEND to be happy.”

“But his doing the other way around.”

“Ano ba dapat niyang gawin? Tugunin yung nararamdaman mo? Ang maging kabit? No way Len. Hindi niya gagawin yun.”

“Kabit? Hindi ko inisip na gagawin kitang kabit Dhen.”

“Eh ano?”

“Hindi ko alam.”

Tahimik.

“Am I asking too much?”

“Oo.”

“What do you want me to do? Do you really want to get rid of me?”

“No.”

“Then ano?”

“I want you to be still with your girl. Tama na muna yung affection mo sa akin. Nahihirapan ako, nasasaktan, nagi-guilty. Ayaw mo naman siguro yun di ba? Bigyan na muna natin ng space yung friendship natin. Let’s focus to one situation at a time para iwas complication.”

“Hindi ko maintindihan yung hinihingi mo Dhen pero promise me one thing. Babalik ka. Hindi mo ako iiwan forever. Kasi ako maghihintay ako, I don’t want to lose you. Special ka sa akin.”

“Promise.”

Yumakap siya.

“I’ll wait.”

Nagpaalam na siya pagkatapos. Ang bigat dalhin sa dibdib kasi unang beses kong hiniling sa kanya na pansamantalang layuan ako. Yung yung naisip kong win-win solution and sana tama ako.

After some time, namimiss ko ang best friend ko. But I have to stand on my grounds na kailangan ko nang putulin ang ugnayan namin. It’s more than unfair sa girl friend niya mas lalo na sa akin. I don’t want to be hurt anymore.

History always repeats itself even a thousand folds. Kainis.

(itutuloy…)


[10]
It’s been days nung hiniling ko kay Len na layuan muna ako. Masisisi ba ako? Hindi. I’m just doing what I know is right. Sa sampung mali ko, gusto ko itama ang isa. One at a time ika nga. Mas naintindihan ko how it is being the other person sa isang relationship; nakaka-guilty, nakakainis. Hindi ko ginustong mangyari ito, pinili ko lang na mahalin siya but it has to end. (I hope so.)

Aaminin ko, it’s been lonely since that day kasi wala nang makulit na bestfriend akong umaaligid, wala nang bestfriend na nangungulit, wala nang bestfriend na nagtatampo dahil di ko nagawa yung ganito, yung ganun, wala nang bestfriend na maglalambing. Hays, nakakainis na ewan. Mahirap talagang dalhin pero naniniwala ako I can get over with this.

“Huy girl, anong emote?” Si Xyza.

“Wala naman.”

“Come on, tell us.”

Tahimik.

“May problema to girl.” Si Febbie.

“Oo nga. Mukhang ayaw magsabi eh.”

“Hindi naman girls.”

“Teka lang huh mukhang may idea na ako.”

Sabay naman kaming napatingin ni Febbie sa sinabi ni Xyza.

“Kasi pansin ko lang huh, hindi ko na madalas makitang magkasama kayo ni Arnel. May LQ ba kayo?”

“Gago! Anong LQ ka dyan! Kami ba eh hindi naman.”

“Ay comfirmed na girl.” Sabay apir nung dalawa.

“O dali na. you owe us a kwento of what happened between you and si Arnel.”

Buntong-hininga.

No choice na ako basta pag ganito malakas radar ng dalawa. Gawa na rin siguro na kilala na nila talaga ako. Kinuwento ko sa kanila lahat ng mga pangyayari. Mataman naman silang nakikinig sa bawat sinasabi ko.

“Tama lang ginawa mo girl. Maski ako, ayoko sumabit.” Comment ni Xyza after ng kuwento ko.

“Sinabi mo pa, takot ko lang sa karma.”

“Yun na nga, pinili kong masaktan kesa makasakit sa damdamin ng iba lalo pa at kitang kita ko how Jessa loves him at kung paano niya iyon tumbasan.”

“Papaka-martyr ka na naman girl. Hayaan mo may dadating din na para sayo soon.”

“Wow, kung maka-advice ka Feb ah parang hindi ka pinagsabay din noon.” Si Xyza.

“Fuck you!”

“Thank you!”

Dahil sa asaran nung dalawa, nabawasan kahit papaano yung lungkot ko. Nakisabay na ako sa kulitan nila. Kahit nasasaktan ako, iba pa rin talaga kapag may mga kaibigang dumadamay sa’yo sa mga oras na ganito. Nakakawala nang lungkot.

“Hi kuya!” Biglang sulpot ni Francis sa kung saan.

Napalingon naman ako sa kanya. Nakangiti na naman siya.

“Oh hi! Musta?”

“Okay lang ako kuya. Ikaw ba? Pansin ko kasi na emo ka kanina. May problema ba?”

“Hay naku Francis, yang kuya mo. Pagsabihan mo nga minsan na huwag mag-isip isip ng kung ano-ano. Hala, baka isang araw makita na lang natin yan sa kalsada na ang dungis dungis.” Sabay tawa nung dalawa.

“Ang sweet niyo talaga mga letse kayo.”

Tumatawa na rin si Francis sa kulitan namin.

“Nga pala, isang tanong isang sagot.” Pag-iba ni Febbie.

“Ano po iyon ate?”

Nagtinginan muna yung dalawa na para bang nagkaintindihan sila. Medyo kinabahan ako dahil mukhang may plano itong dalawang ito ngayon.

“Seryoso ka ba dito sa kaibigan namin?” Si Xyza na ang nagtanong.

Nanlaki mga mata ko sa tanong niya.

“Xyza, tigilan mo yan!” Pagsaway ko.

“Ano ba girl, kikilatisin lang namin siya. Hindi naman namin siya sasaktan eh.”

“Nakakahiya. Wag niyo nang ituloy.” Seryoso kong sabi.

“Ayos lang yun kuya.” Sabay flash ulit ng kanyang killer smile.

“See girl, interested din siya. Okay, balik tayo. Nasa hotseat ka ngayon remember and sagutin mo tanong naming dalawa nang may katapatan at katotohanan. Mangako ka.”

“Opo. Promise!”

“Okay by the power vested in me I will now pronounce you as. . .”

“XYZA!!!”

“Okay fine.” Sabay hagikhik niya. “Going back, seryoso ka ba sa kaibigan namin?”

Tumingin muna sa akin si Francis bago sumagot.

“Opo.”

“Paano ka namin pagkakatiwalaan?”

“Hayaan niyo pong patunayan ko sa inyo na seryoso ako sa kanya. I don’t want to overwhelm you with my words mas maigi po atang ipakita ko na lang yun kesa sabihin pa.”

“May point nga naman siya girl.” Sabay tango. “Next question, halimbawang maging kayo nitong damulag na ito. . .”

“Wow ang sweet talaga!” Sarkastiko kong sabi.

“Shut up nga muna dyan, busy kami.”

“Fine. Huwag lang kayo magkakamali!” Pagbabanta ko. Tumango lang ito

“So yun nga, if ever na maging kayo niyang si Dhen, maipapangako mo ba samin na hindi mo siya sasaktan?”

Natagalan bago sumagot si Francis.

“Hindi ko po maipapangako na hindi siya masasaktan dahil sa akin. Ayoko naman pong mangako nang isang relasyong perpekto, na walang away, na walang nasasaktan pero hanggang kaya ko iiwasan kong saktan siya.”

Na-touch ako sa sinabi niya. Totoo nga naman iyon. Walang perpektong relasyon. Lahat dumadaan sa pagsubok.

“I see. Mukhang iba ka sa kanila.”

“Third question, pag nagdate kayo pwede bang dapat kasama rin kami?”

“What?!” Gulat kong sabi.

“Oh bakit? Sosolohin mo?”

“Walastik talaga kayong dalawa pagdating sa pagkain bigla kayong nagiging ewan.”

“Laman tiyan din iyon girl.”

“Mga patay gutom!”

“Busog naman.”

“Hay ewan, kayo talaga!”

Natatawa na naman si Francis sa amin.

”Anong sagot mo Francis? Naku wag kang magkakamali, hindi mo na ito makikita pa kahit kalian.”

Lalong natawa si Francis sa tinuran ni Xyza.

Nagpalitan pa kami nang ilang kulitan at nakikisama na sa amin si Francis. Nakuha na niya kasi ang mga loob nung dalawang gahaman.

“Huy Francis, andito ka pala.”

Natigil kami dahil sa nagsalita. Medyo nagbago mood ko na hindi naman alintana sa dalawa.

“Huy Jie upo ka.”

“Hindi na. Kumain ka na ba? Tara kain na tayo.” Aya niya dito.

“Hala oo nga. Kuya kain na tayo. Sabay-sabay na tayo nila ate Xyza and ate Febbie.”

“Naku hindi na. Busog pa kami di ba?”

Tumango na lang yung dalawa sa sinabi ko.

“Ah ganun po ba? Sige po kain na kami. Nice meeting you mga ate.”

“Nice meeting you rin.”

“Sige kuya see you later.”

Tumango na lang ako bago sila tuluyang umalis.

“Hmmm, what’s with that face girl?”

“Ang slow mo Feb.”

“Huh?”

“Sabi ko na nga ba, pagong ka talagang walanghiya ka.”

“Ay nagsalita ang talipandas na elepante.”

“Che! Anyway, mukhang gumana ang gaydar ko dun sa Jie na yun. Dhen, sino yung kanina?”

“Best friend niya.”

“Teka medyo nakukuha ko na Xyza. Parang ikaw lang at si Arnel yung si Jie at Francis?”

“Nakuha mo rin slow!” Pang-aasar ni Xyza.

“Tama ba kami Dhen?” Pandedeadma niya sa pang-aasar nito.

“Hindi ko alam kung kagaya nga nang situation naming dalawa ni Len. Kasi sa amin, nakikita niyo naman na mahal namin ang isa’t isa pero sa kanila hindi ko alam.” Nalungkot ako sa pagkakabanggit ko sa pangalan ni Len.

“Pero ramdam mo ba na may pagtingin yang si Jie kay Francis?”

“Oo.”

“Ay, kaya pala wala pang development sa status niyo ni Francis?”

Tumango lang ako.

“Naku, ang malas mo naman girl diyan sa mga lalake mo.”

Napabuntong-hininga na lang ako.

“Naku hayaan mo na yan girl. Kung hindi man si Francis iyang para sayo, ipagdadasal namin na dumating na si mister right sa ating dalawa soon.”

“Tama buti pa ako may Ruben.”




--

Mula nang mangyari yung sa batibot palagi na naming kasama si Francis tumatambay doon. Minsan sinusundo siya ni Jie para sabihing kakain na raw sila, o kaya naman ay magrereview, o kaya naman uuwi na. tinataasan na lang nila Xyza and Febbie nang kilay yung mga ginagawi ni Jie. Noon nila mas napatunayan na tama nga yung hinala ko.

Hindi ko naman masisisi si Jie kasi mas matagal na niya itong kilala at mas nauna itong magmahal kay Francis. Civil naman ako sa kanya at ayokong maging rude kasi kahait papaano maayos naman itong makitungo sa akin until one day.

Nasa library ako nun nang dumating si Jie.

“Kuya, pwede ba tayong mag-usap?”

“Oh Jie, sige saglit lang. Ayusin ko muna itong mga gamit ko.”

“Hindi na kuya dito na lang tayo para may privacy tayo.”

“Sige ikaw bahala. Have a seat.”

Umupo naman ito.

“So anong pag-uusapan natin? Mukhang seryoso ito ah tama ba ako?”

Matagal bago siya nagsalita.

“Iwasan mo na si Francis kuya.”

Nagulat ako sa sinabi niya.

“Bakit?”

“Basta.”

“Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na iwasan siya nang walang sapat na dahilan.”

Tumahimik siya.

“Alam ko na. Umamin ka nga sa akin, mahal mo si Francis. Tama ako di ba?”

Hindi siya sumagot.

“Bakit mo ito ginagawa?”

Tahimik pa rin siya.

“Gusto mong layuan ko si Francis dahil gusto mong bumalik siya sa’yo? That’s so selfish of you Jie.”

“Selfish na kung selfish pero iwasan mo na siya.”

“Hindi mo ako pwedeng diktahan Jie! Buhay ko ito at ako mismo ang didiskarte.”

Tumahimik ulit siya.

“I have to go, ayokong dumating sa point na magalit pa ako sa’yo nang todo. I have high respect on you dahil best friend ka niya, huwag mong hayaang masira iyon.” Sabay walk-out.

“I’ll do anything para bumalik si Francis sa akin. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iyo. Tandaan mo yan.” Sa kung saan ay sabi niya.

Tiningnan ko lang siya nang masama bago tuluyang umalis.

Nakita ko sa hallway si Francis pero hindi ko ito pinansin. Nagtaka siya siguro kasi naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko. Humarap na ako sa kanya.

“What’s wrong?”

“Wala.”

“Come on kuya, alam ko may nangyaring hindi maganda sa’yo.”

“Wala ito Francis pagod lang ako.” Sakto namang nakita ko na nasa likod na si Jie. “I have to go.”

Walang lingod-likod akong umalis.

Nag-vibrate yung phone ko kaya naman dinukot ko ito. Nakita ko na may message siya sa akin. Pagkabasa ko ay agad ko itong binalik at hindi na nag-aksaya nang panahon pa na magreply.

Akala ko wala na sila run sa lugar na yun kaya nilingon ko. Laking pagkakamali na ginawa ko yun, nakita kong nakayakap si Jie kay Francis at nakatingin pa ito sa akin na waring sinasabi na One Point for me.

Mas lalo ko tuloy binilisan maglakad. Badtrip na badtrip ako. Kitang kita iyon sa classroom gawa nang pagiging tahimik ko at palaging nakakunot noo. Pag tinatanong ako nang mga prof ko parang out of the world mga sagot ko.

“Anong nangyayari sayo?” Tanong ni Xyza.

“Oo nga naman girl. Alam mo bang obvious ka kanina nung tinanong ka ni ma’am nang anong gamot para sa ulcer tapos ang sagot mo eh paracetamol. Girl, out of this world ka pang-lagnat yun.”

“Bakit may pain naman pag ulcer.” Walang kuwenta kong sagot.

“Uto! Hindi mo kami maloloko. Kahit utot mo alam namin ang ibig sabihin.”

Wala na naman akong ligtas sa dalawa.

“Huwag muna ngayon, wala ako sa mood magkuwento.”

“Ay ang arte! Anyway, sige ikaw bahala. Basta utang mo yan ngayon huh.”

Tumango na lang ako para matigil sila.

Hanggang sa matapos yung araw tahimik lang ako. Ni hiindi ako makausap ng matino nung dalawa. Nang matapos na yung final class ko, nagulat ako nang makitang nasa labas si Francis.

“Oh, kanina pa out mo ah.”

“Hinihintay kita.”

“Bakit?”

“Mag-uusap tayo.”

“Pwede bukas na lang? Pagabi na rin kasi.” Pagtanggi ko.

“Walang problema. Dun ako matutulog sa inyo. Andun na mga gamit ko, dun tayo mag-uusap.”

I threw him a questioning stare.

“Ramdam ko kasi kuya na hindi mo ako kakausapain about dyan sa problema mo kaya ako na gagawa nang paraan. Don’t worry nagpaalam na ako kila tita.”

Wala na akong nagawa. Kaya hayun, sumakay na kami sa kotse niya. Hinatid muna namin yung dalawa ugok sa mga bahay nila bago kami tuluyang umuwi. Pagkadating sa bahay ay agad na kaming dumiretso sa kuwarto.

Pagkapasok ay hindi napigilan ni Francis sarili niya at hinalikan ako. Pinilit kong gumanti pero ramdam niya na may kulang kaya naman tumigil siya. Tumingin sa mga mata ko. Ngumiti.

“I’m sorry.”


(itutuloy…)

No comments:

Post a Comment