Sunday, February 17, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal 13

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Exactly 1 in the morning ng nagring ang phone ko.

"Hello? Honey? Si Jessica to. Kakarating ko lang from US"

"Ha? Hi… Napatawag ka? 1AM na"

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at kinausap si Jessica sa phone.

"Honey, naayos ko na ang mga papeles mo. Umuwi ako para maasikaso na natin an gating kasal at sa ganoon pwede ka nang sumabay sa akin pabalik ng US"

(SHIT! Isang malaking shit! Paano na ito?) sa isip ko lang. Hindi ako makapagsalita sa balitang iyon.

"Okay Honey, I'll talk to you later. I'm sure natutlog ka na at naisturbo pa kita. Kakausapin ko nalang ang mama mo bukas tungkol dito. Asikasuhin mo na rin ang resignation mo sa skul. Ingat. I love you honey"

Natulala ako sa balitang iyon. Hindi maari. Hindi ko kayang iwanan si Philip. Ngayon na nagkaroon na ako ng lakas na loob para ipagmalaki ang aming relasyon tapos dumating si Jessica. Napasuntok ako sa wall ng bigla ko namang naramdaman si Philip sa likuran ko.

"Paps? Is there something wrong?"

"Ah eh. Wala Naks. OK lang"

"Hindi Paps. Kitang-kita ko na sinuntok mo ang wall. Alam kong may problema ka"

Hindi ko na sinagot si Philip ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ito ni Philip. Aagawin ko pa sana sa kanya ngunit huli na ang lahat.


"Andito na pala ang fiancée mo at magpapakasal pala kayo"

Sasagot pa sana ako ng biglang umalis si Philip at lumabas. Hahabulin ko pa sana siya pero mabilis ang kanyang paglabas. Sumakay sa kotse at umalis.

Tinawagan ko si Philip pero hindi niya ito sinasagot hanggang si pinatay niya na ang kanyang cellphone.

Bumalik ako sa apartment at umupo sa sala. Nag-iisip kong ano ang tamang gawin. Sinusubukan kong tawagan ulit si Philip pero hindi ko na siya macontact. Hindi na ako makatulog dahil sa nangyari. Nagalala rin ako. Hindi ko rin naman pwedeng disturbuhin si Prince dahil pagod na pagod siya at kailangan niya ng pahinga.

5AM na ng gumising si Prince.

"Kuya? Gising ka na pala? Asan si Naks mo?
Sinimangutan ko na lang si Prince at nagtimpla ng kape.

"Kuya, may problema ba?"

"Prince. Bumalik si Jessica"

"Si Ate Jessica? Yong Fiancee mo?"

"Oo Prince at balak nyang magpakasal na kami dahil maayos na ang papeles ko"

"Shit! Paano si Naks mo?"

"Hindi ko rin nga alam eh"

"Sino ba ang mas importante para sa iyo kuya?"

Hindi ko alam ang isasagot kay Prince. Mahal ko pa rin naman si Jessica pero nasaktan ako dahil pinili niyang pumunta ng States over me. Ikakasal na nga sana kami kaso nagdesisyon siyang umalis. Ngayong umiba ang ihip ng hangin at umibig ako sa isang lalaki pero hindi ko rin naman maidedeny sa sarili na importante rin si Philip sa akin.

"Kuya. Masasaktan si Philip!"

"Alam ko Prince. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang aking gagawin"

"Kuya, pag-isipan mo ng mabuti. Alam kong kaya mo iyan. Andito lang ako. Basta palagi mo lang tatandaan na dapat piliin mo ang isang tao na makapagpapasaya sa iyo"

"Salamat bunso"

Niyakap ako ni Prince. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Maya't-maya ay naligo na rin si Prince at inubos ko na rin ang kape. Naligo na rin  ako at sabay na kami ni bunso na pumunta ng skul.

8AM na at magsisimula na ang class ko ngunit wala si Philip. Hindi siya dumating. Sinubukan kong tawagan siya ngunit nakaoff pa rin ang phone niya. Nakita ko si Prince na parang abalang-abala at hindi mapakali sa aking sitwasyon.

Sinimulan ko na ang aking class ngunit halatang-halata naman na wala akong gana sa mga ginagawa ko. Dumating rin si Mr. Araque at hiniram si Prince dahil may practice sila. Umalis silang dalawa at pinagpatuloy ko na rin ang aking class.

Pagkatapos na class ay tinawagan ko ulit si Philip. Hindi ko pa rin siya macontact kaya ng send nalang ako ng message.

"Naks. Please. Mag-usap tayo"

Lumabas na ako ng classroom ng ngring ang cellphone ko.

"Hello anak?"

"Ma, napatawag ka."

"Oo anak. Naparito kanina si Jessica. Nag-usap na kami tungkol sa papeles mo. Anak nasagot na ng Diyos ang matagal mo nang hinihiling. Ang makasama mo si Jessica. Anak. Matutuloy na talaga ang kasal niyo"

Sumakit bigla ang aking dibdib. Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa balitang ito. Alam ko naman na matagal ko ng gustong makasama si Jessica pero sa tagal ng panahon na nawala siya sa akin pero kahit isang tawag or liham man lang galing sa kanya ay wala akong natanggap. Pinilit ko siyang kalimutan pero hindi ko naman maiaalis sa aking sarili na may nakaraan kaming dalawa. Iyon nga lang dahil wala kaming closure kaya siguro akala niya ay kami pang dalawa.

"Anak? Andyan ka pa ba? Luluwas na ako dito in awhile para pagusapan natin ang kasal niyo sa sabado"

"Ha? Agad-agad Ma? Bakit sa sabado na?"

"Ano ba Patrick! Uuwi na kasi si Jessica sa US kaya nga minamadali niya ito ay para makaalis ka na rin sa mga susunod na buwan"

"Sige Ma. Pagusapan nalang natin iyan pagdating mo dito"

"Anak, may problema ba?"

"Wala po Ma. Sige hihintayin ko kayo dito. Sa apartment nalang kayo dumiretso"

"Sige anak. Ingat ka diyan"

"Okay Ma. I love you. Bye"

(Shit! Parang sasabog ako. Ang bilis ng pangyayari. Kahapon lang ay masayang-masaya ako kapiling ang mahal kong si Naks pero ngayon parang mawawala lang bigla. Ano ba ang dapat kong gawin? Diyos ko. Hindi ko alam ang susunod na hakbang)

Aalis na sana ako ng skul ng nagtext si Mr. Araque. May meeting kami para sa acquaintance party. Bumalik ulit ako at tamang-tama naman ay nagkasalubong kami ni Prince.

"Prince. Dadating si mama sa apartment. Umuwi ka muna dahil may meeting pa kami"

"Sige Kuya. Natawagan mo na ba si Philip?"

"Hindi ko siya macontact eh"

"Kuya? Sigurado ka na ba?"

Hindi ko na sinagot si Prince at nginitian nalang siya. Umalis na rin ako sa kinaroroonan namin at pumasok ng dean's office. Mga kalahating oras din an gaming meeting. Nakita kong nakatingin sa akin si Borj at parang nahalata niyang wala ako sa mood.

Lumabas ako ng dean's office at sumunod na rin si Borj.
"Pat, What's wrong?"

"Borj.. hindi ko alam ang aking gagawin?"

"Bakit? May problema ka ba? Pwede naman nating pagusapan iyan. Baka may maitutulong ako"

Pumunta kami sa may parking area at doon kami nagusap.

"Borj, ipinagtapat ko na kay Philip ang aking nararamdaman"

"That's great! Eh bakit parang hindi ka masaya? Hindi k aba niya mahal?"

"Mahal niya rin ako"

"Eh iyon naman pala eh. Bakit malungkot ka pa rin"

"Kasi Borj, umuwi na ang fiancée ko at balak niyang magpakasal na kami sa sabado. Inayos niya na kasi ang mga papeles ko kaya mabilisan ang mga pangyayari."

"Lagot! Malaking problema yan. Alam na ba ni Philip ang tungkol dito?"

"Iyon nga ang masama kasi siya mismo ang nakabasa ng message ni Jessica at ikinagalit niya talaga"

"Syempre naman Pat. Kung ako iyon magagalit rin naman ako. Kasi parang pinaasa mo lang akon eh"

"Kaya ng Borj tinatawagan ko siya para maexplain ko ang side ko. Ngunit hindi niya ako kinakausap. Ang masama pa ay hindi siya pumasok ngayon. Puntahan ko kaya siya?"

"Huwag Patrick. Leave it for awhile. Masakit talaga iyon lalo na kapag minahal ka nga ya. Bakit ano baa ng plano mo?"

"Hindi ko nga alam Borj, gusto ko rin namang makapunta ng US pero hindi ko kayang iwan si Philip"

"Paano iyan pat? Ganito nalang. Pagisipan mo ng mabuti kung ano ang gagawin mo. Basta piliin mo ang taong makapagpapasaya sa iyo"

(Parehong payo ang nakuha ko kay Borj at Prince. Siguro tama nga sila. Aanhin ko naman ang magandang buhay kung hindi naman ako magiging masaya. Oo aaminin ko matagal ko ng pinangarap ang makaalis ng bansa pero dahil nakilala ko si Philip, bumago ang takbo ng buhay ko)

"Salamt Borj, sige.. uuwi muna ako. Dadating kasi si mama at paguusapan namin ang tungkol sa kasal ko"

"Kelan baa ng kasal mong iyan?"

"Sa sabado na kasi"

"Agad-agad? Hindi naman malandi ang fiancée mo no. Joke. Sige ingat ka. Balitaan mo nalang ako"

"Sige Borj. Salamat!"
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa apartment. Pagkadating ko ng apartment ay nakita ko namang kakarating lang ni mama at kausap si Prince.

"Ma! Andito na ako"

"Oh Anak! Ang pogi mo pa rin. Kamusta?"

"Ok lang po Ma. Kayo po ma? Kamusta po kayo?"

"Eto, okay lang naman. Prince, pwede ba iwanan mo muna kaming dalawa ni Patrick? May pag-uusapan lang kaming dalawa"

Umalis rin si Prince at bumili ng pagkain para sa pnanaghalian. Umupo kami ni mama sa sala at nag-usap.

"Anak, ipagtapat mo nga sa akin"

"Ang ano ma?"

"Sinabi na sa akin ni Prince ang lahat"

"What do you mean?"

"Anak. Tanggap ko kung ano ka at sino ka. Ang sa akin lang naman kasi ay ang makita kang masaya"

Hindi ako makapagsalita dahil nagulat ako sa sinabi ni mama. Hindi ko akalaing gagawin iyon ni Prince. (Putik) sa isip ko lang. nahihiya ako at nakayuko lang ng biglang inakbayan ako ni mama.

"Anak. Maiintindihan kita. Kung ano ang magpapasaya sa iyo, doon ka"

"Ma, please…"

"Anak. Huwag mo ng ideny pa. pasensya na kung nalungkot ako sa mga sinabi ni Prince pero hindi ko naman gustong ipagkait sa iyo ang kasiyahan na gusto mong makamit"

Nakinig lang ako kay mama at hindi pa rin makasalita.

"Alam mo anak. Bago namatay ang iyong ama ay humingi siya sa akin ng patawad"

"Bakit po ma"

"Pasensya na kung ngayon ko lang ito ikukwento sa inyo. Mas mabuti na sigurong malaman mo ang totoo"

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni mama. Meron ba siyang sikreto sa kanyang nakaraan na hindi ko alam? Ano kaya iyon?

"Alam mo anak bago pa naman kami naging mag-asawa ng papa mo ay may minahal na akong iba. Minahal ko ang lalaking iyon at alam kong mahal na mahal niya rin ako. Ngunit nagkahiwalay kaming dalawa dahil hindi pabor ang aming mga pamilya sa aming dalawa. Hindi ako gusto ng inay niya at hindi rin siya gusto ng itay ko."

"Naghiwalay kaming dalawa. Hanggang sa hindi ko na siya nakita. Wala na akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Nawalan na ako ng pag-asa pero hindi pa rin nawala sa puso ko ang pagmamahal ko sa kanya"

"Lumayas ako sa amin at naglakad kung saan-saan. Muntik na akong madisgrasya dahil walang laman ang isip ko kung hindi siya. Mabuti nalang at nandoon ang papa niyo. Tinulungan niya akong makatayo. Binuhay niya ang patay kung puso ngunit kahit anong gawin niya ay hindi pa rin magbabago ang pag-ibig ko sa unang lalaki na minahal ko"

"Isang gabi bago kami ikakasal ng papa mo ay gumawa ako ng sulat. Magpapaalam na lang ako dahil hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal. Umalis ako at hinanap ang lalaking minahal ko. Ngunit wala akong nagawa."

"Bumalik ako sa amin at humingi ng patawad sa papa mo. Kaya nagpakasal kaming dalawa. Pagkatapos ng aming kasal ay nakita ko naman ang lalaking minahal ko. Nasa labas siya ng simbahan. Ang sakit-sakit kasi dahil wala akong magawa. Hindi ko naman pwedeng balewalain ang kasal na iyon. Kahihiyan lang ang maidudulot ko kapag umalis ako"

Pinutol ko ang mga kwento ni mama.

"Pero ma, bakit ganon?"

"Anak, hindi ka tunay na anak ng papa niyo. Buntis ako ng mga panahong iyon"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Mama. Parang lumulutang ako sa ere dahil sa natuklasang balita. Ang sakit! Namuo ang aking mga luha pero pinipilit kong tanggaping ito.

"Ma bakit? Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Anak pasensya na. Alam kong magagalit ka kapag sinabi koi to sa iyo pero ito na ang tamang panahon para malaman mo na anak kita sa ibang lalaki. Magkapatid lang kayo ni Prince sa akin. Pero magkaiba ang inyong ama"

Tumayo ako at sinuntok ang pintuan. Humagulhol ako sa sakit na naramdaman ko. Hindi pa nga ako naka getover sa pangyayari tapos nadagdagan pa ng isa. Shit na buhay to!

Lumapit si mama sa akin at niyakap niya ako.

"Anak. Please patawarin mo ako. Alam kong galit ka pero sana maintindihan mo. Hindi naman kami nagkulang ng papa mo sa pag-alaga sa iyo"

"Ma please, you don't have to say sorry. Mas importante sa akin ang andyan ka. Hindi ko man lubos matanggap ang mga sinabi mo pero pipiliti kong tanggapin ito"

Mas hinigpitan ni mama ang pagyakap niya sa akin at hinalikan ko nalang siya sa noo.

Itutuloy…

1 comment: