Friday, February 8, 2013

The Accidental Crossdresser 11

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


“Cmon Alexis? Wag mong sabihing hindi na ganun ka-intense ang panglaban mo sa alcohol?” wika nung Sam na nakasumbrero sabay offer sa akin na uminom ng pinakabago umanong drinks ng Bar 101.


Hindi naman ako lumaki sa bundok.... Ok lumaki ako sa bundok.


Hahahaha. Denial Queen lang ang peg? Chaka.


Lumaki ako sa bundok para magtraining at sanayin ang aking fighting skills. Doon rin sa isolated na bundok na iyon ay may isang pribadong building na pagmamay-ari  ng Black Society, doon kami nag-aral ng parehong mga aralin na natutunan ng ibang ordinaryong bata sa isang normal na paaralan.


Kaya naman ng bumaba na sila dito ay daig pa nila ang mga sopistikadong mga tao sa kanilang mga natutunan. Bumaba sila mula sa kanilang training ground ng handa at bagong tao. Wala silang record sa NSO o sa anupamang ahensya ng gobyerno. Ang kanilang apelyido ay pinalitan ni Gustav Robredo, ang kanilang Master Black. Kaya naman napakadali lang sa kanila ang magpalit ng katauhan kung kinakailanagn ito sa isang misyon. Documents can be forged.


Kinuha ko ang inumin na inaalok sa akin at sinimsim ko ng kaunti gamit ang straw.


“That’s my girl...” excited na cheer nito sa akin.


Pinakiramdaman ko ang iniinom kong alak. Sabi ko na nga ba... may inihalo silang kakaiba sa iniinom ko. Pumupunta rin naman ako sa mga bar yun nga lang ay hindi ako naglalalabas dito sa Ilocos dahil narito nga ang Black Society, mas maiigi na walang nakakakilala sa kanya sa lugar kung saan siyanag nagta-trabaho. He treated Ilocos Norte as his personal work space... no extra monkey business. Saka ko lamang nagagawa ang ginagawa ng normal na tao sa mga lugar kung saan ako nadedestino para sa isang misyon.



Biglang nanginit ang aking pakiramdam. Its as if, parang kumukulo ang bawat himaymay ng aking kalamnan.


“Let’s dance?” yaya sa akin nung Sam na nagoffer ng maiinom.


Sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla akong napatingin sa isang direksyon, kanina ko pa kasi nararamdaman an parang may mga pares ng mata na tumitingin sa akin. At nang lumingon ay nakito ko si Lester. Hawak niya ang kanyang cellphone ay nakita kong binawi nito ang kanyang mga mata ng tumingin ako sa kanya. Bumalik ito sa grupong pinuntahan ko kanina ngunit hindi naman ito nakikipagkwentuhan o anuman. Hawak lang nito ang cellphone niya.


Pero sandali, imposible naman yatang nagtetext to sa sobrang pagkakaharap ng cellphone sa aking direksyon.


Shunga! Kinukuhanan ka niya ng picture!


Kung kinukuhanan nga niya ang ng larawan, ano ang intensyon niya? Well, I know he’s a photographer pero bakit? Ako ba ang next subject niya?


Ilusyunada agad? Uso ang magising sa katotohanan teh.


Hinayaan ko na lang na mahila ako ni Sam sa dancefloor. Yung kasama naman nito na si Justine ay ngingiti-ngiti lang habang agresibo akong hinihila ni Sam.


Nasa gitna na kami ng dancefloor ng nilingon ko uli ang direksyon kung saan nakaupo si Lester. At huling huli ko nga na itinutok niya ang kanyang cellphone sa akin. Madali kong binawi ang aking tingin bago niya pa mahalata na siya mismo ang tinitingnan ko.







I feel so unsure... As I lay my hand and lead you to the dance floor... As the music dies... Something in your eyes...


Lintik na, bakit ito pa ang timing na tugtog!!??? Nagulat na lang ako ng humawak sa aking baywang ang lalaking kaharap ko. Hindi pa naman ako lasing ngunit parang nahihilo ako na hindi ko alam. Parang may mali sa mga nangyayari.


Ngunit mas lalo ko pang ikinabigla ang pagkabig ng lalaking ito sa balakang ko para magdikit ng husto ang aming katawan. Wala ng distansiya ang nakapagitan at nakahiga ang kanyang ulo sa aking braso at nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg.


Anong nangyayari?


Pinilit kong magpumiglas ngunit masyadong malakas ang mga kamay niyang ngayon ay nakayap na sa aking katawan. Lumaki naman bigla ang aking mga mata ng maramdaman kong may matigas na bagay na bumubundol sa aking puson.


Dakota-Harrison.. Winner!!!


Pilit kong sinakayan ang kung anumang ginagawa ng pangahas na lalaking nilalagyan ng kissmark ang aking leeg. Masyado ng wasted ang mga tao, kung anumang kalaswaan ang ginagawa sa kanya ng lalaki ay malabo ng makita ng iba pang nasa dance floor.


Nang mapansin ng lalaki na nagugustuhan ko ay medyo niluwangan na nito ang pagkakahawak sa akin. Nagkaroon ako ng tsansa na umikot at magkapalit kami ng pwesto. Una kong tiningnan ang mesang pinanggalingan namin.


Teka.. Sabi ko na nga ba. Huling huli ko sa akto na may inilagay siyang tableta sa iniinom ko. Kung hindi ako nagkakamali ay isa iyong ecstasy. Alam kong meron na silang hinalo sa inumin ko kanina pero malabong tamaan ako niyon kung sisimsim lang ako ng kaunting likido. So gusto nila akong magwala na parang aso na kating-kati?


Sa mga nasaksihan ko ay napagdugtong-dugtong ko ang gusto nilang mangyari. I just wished na sana ay ginalingan pa ni Lester ang pagpaplano sa kanyang munting palabas. Unfortunately, Im not her real sister.


“Babe, punta tayo doon sa upuan?” malandi kong yaya sa kanya ng pigilan ko siya sa patuloy na paghalik sa aking leeg.


Sarap na sarap si koya oh? Hahahaha.


“Huh? Bakit naman babe? Ang sarap kaya dito” wika nung Sam sa akin at bumalik uli ito sa leeg ko para ipagpatuloy ang patuloy na pagdila sa ngayon ay pulang pula ko ng balat.


Ay? May neck fetish? Next time, wag kang maghihilod para flavorful! Char.


Bago pa man niya maituloy ang balak gawin ay marahas ko ng pinigil ang kanyang ulo at ska ako nagsalita.


“Babe.. tara na dun.. May little, surprise ako sa iyo” wika ko sabay kuha sa kamay niya at pinahawak ko sa kanya ang boobs kong na-push up.


Wahahaha. Malandi! Pwe!


Ngumiti naman ito ng makahulugan at matapos masapo nito ang gusto kong ipahawak sa kanya ay ito na mismo ang kumuha sa aking mga kamay at pumunta sa dati naming pwesto.


Habang naglalakad pabalik ay palihim ko na namang sinulyapan si Lester. Panay talaga ang kuha ng litrato ng gago. Nang sulyapan ko naman ang grupo namin kanina ay wasted na rin ang mga ito at si Harold naman ay para yatang nakalimutan niya na kasama niya ako sa lakad na ito.


Nang makarating kami sa kinalalagyan ni Justine ay agad kaming binati nito.


“Naks pre.. mukhang may bebot ka ngayon ah!”


“She’s my shit tonight pare!” wika nung Sam saka naki-high five sa kausap.


Shit pala ah... Mamaya magmumukha kang shit!!


Bumaling naman sa akin si Justine at pagkatapos ay inalok sa aking naiwan kong baso kanina.


“Alexis.. tong inumin mo oh... Mahal din to ah.. At saka we only treat ladies like you with this drink.. Ayaw mo ba?” wika ni Justine.


“Are you kidding me?Its my new fave!” nakangiti kong sagot.


Kung ito ba talaga ang ikakasaya ni Lester ay ibibigay ko to sa kanya. In this place mas may better angle siyang makukuha. He wants good pictures? Fine. I’ll give it to him.


Naputol ang aking pagiisip ng sumabat muli itong si Sam na hindi pa binibitawan ang kamay ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa ‘Heaven’ drink.


“Babe.. nasaan na yung surprise mo?”


“Ah yun ba?” tanong ko at saka ko siya itinulak sa upuan.


Nabigla itong napaupo sa aking pagtulak at bago ko pa man siya lapitan ay itinungga ko ng buo ang inumin na ibinigay ni Justine. Bahala na.


“Whoah! Palaban to pare.. Game na game!!!” natatawang wika ni Justine.


Tatayo na sana muli si Justine ngunit pinigilan ko siya at ako na mismo ang bumukaka at umupo sa kandungan niya. Inabutan muli ako ng kaparehang inumin ni Justine habang nakaupo paharap kay Sam.






I never thought na ganito lang kadali pala ang pinagplanuhan namin. Grabe. Mapupuno ata itong 8 gig memory ko sa dami na nakuha kong pictures ni Alexis. And now, mas magandang anggulo to para sa isang close up dahil medyo malapit na sila sa kinauupuan ko.


I havent seen any hesistance sa ginagawa nung dalawa kong kabarkada kay Alexis. Parang nagugustuhan nga naman nito. But at some point, lalo na ngayon na nakakandong si Alexis kay Sam.. biglang kumakabog ang puso ko. Hindi ko alam kung kaba ba ito o ano.


Like something's not right. Parang nararamdaman ko ang urge na hilahin na si Alexis mula sa mga kabarkada ko. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong konting inis.


Siguro dahil kapatid ko pa rin si Alexis at naawa ako?


Awa?


Hindi.


Alexis deserves to be exposed as a fugly slut who live by sucking cocks. Lahat naman ng bakla ganun. Kung wala ang pagkalalaki ng mga lalaki, hindi sila mabubuhay. Wait until, Mom sees this. Tingnan natin kung siya pa rin ang perfect daughter ng pamilya. Walang kalulugaran tong awa na to.


Sunod kong nakita na hinila si Alexis sa banyo ng dalawa. After a couple more shots on my phone ay ibinaba ko na ito. I glanced my other tablemates at nagkakasayahan naman ang mga ito. Sabog na rin ata itong si Harold at hindi niya na napansin ang kaibigan niya na ngayon ay dinala na sa CR, they will definitely shoot the most awesome sex video ever! I pour tequila on my shot glass.


“Cheers to you my sister!” and I smiled like Im the happiest man.

*****


“Bakit mo ko dinala dito?” tanong ko kay Sam ng makapasok kami sa Men’s CR.


May naabutan kaming isang lalaki na nasa loob ngunit kaagad naman itong umalis ng makapasok kami. Nilingon ko si Justine at sinigurado naman nitong nakalock ang pinto mula sa loob parang walang makakapasok mula sa Bar.


May nagtangkang pumasok ngunit hinarang kaagad ito ni Justine. Sinadya talaga nialang mapagisa kami sa loob ng CR. Kung hindi ako nagkakamali ay masyadong malalim ang gabi, baka nga nagsisiuwian na rin ang mga tao sa oras na iyon.


“Syempre dito na natin itutuloy yung little surprise mo” nanunukso na wika ni Sam sabay hubad ng Tshirt nito. Nang ilaglag nito ang T-shirt ay sinunod na nitong buksana ng zipper.


“Ah sandali lang iihi muna ko ah” pagpapalusot ko at tinalikuran ko siya na kasalukuyang nakabrief na lamang.


“Samahan na kita” wika nito sa akin at pumunta na rin sa may pintuan ng cubicle.


“No wag na.. I can manage” nagsisimula na kong mataranta. Hindi ko alam kung epekto ito ng nangyayari o epekto ito ng ininom ko kanina.


“Babe wag ka ng makulit..” matigas na sabi nito at pinupuwersa niyang buksan ang pinto habang nakasilip lang ako mula sa labas. Nagsisi pa tuloy ako na hindi ko nilock ang pinto ng mabilisan.


“Please hintayin mo na lang ako diyan sa labas”


“Tang ina mong bakla ka... ikaw na nga tong roromansahin ayaw mo pa..” pasigaw na wika nung Sam at saka niya itinulak ang pinto. Npasandal naman ako bowl na nasa loob ng kubeta at tuluyan na itong nakapasok sa loob.


“Wag ka na kasing magpakipot.. jackpot ka naman dito” nadedemonyong wika ni Sam sa akin habang nilalamas nito ang kargada nitong natatakpan ng puting brief.


Nakadagdag pa yata sa sakit ng aking ulo ang pagkapalo ng aking likod sa bowl. Nang makita kong papalapit na siya sa akin ng dahan-dahan ay inihanda ko ang aking stilettos. Nang matantiya ko ang distansiya niya ay isinipa ko ang takong ng aking sapatos sa ipinagmamalaki niyang pagkalalaki.


“Fuck!!! Shit... Aw Aw...” sigaw nito na parang naputulan ng hinliliit at ssapo nito ang natamaan ng aking takong. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na ilock ang banyo at ikulong ang sarili ko sa loob.


Narinig ko ang sigawan ng dalawa sa labas ng cubicle.


“Aw...Fuck... Aw...Aw..”


“Sam? Anong nangyari?”


“Tangina pare... Papatayin ko yang baklang yan.. Gag.. tulungan mo kong buksana ng cubicle”


Maya-maya ay narinig ko na lamang na lumalagabog ang pinto ng cubicle. Palakas ito ng palakas na para bang nagbabadya ng aking katapusan. Konti na lang bibigay nna ang lock nito sa lakas ng pwersa ng dalawang lalaki. Narinig ko ang sigaw ni Sam na nakabawi na yata mula sa pagatake ko sa kanya.


“Lagot ka saking bakla ka... Papatayin kitang hayop ka!!!”


Sa mga salitang iyon ay may bumalik na mga ala-ala sa kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kundisyon ko ngayon.


“Hoy Bakla”

“Bakla kinakausap ka namin ah”


Sigaw iyon ng dalawang bata sa akin ng papunta ako sa banyo. Hindi ko na sila pinansin.


Nabigla na lamang ako ng lumapit yung isang bata sinuntok ako sa panga. Napaupo ako sa sahig. Sinalat ko ang aking mukha. Dumudugo na pala ang kaliwang bahagi ng labi ko.


Yung isang bata naman ay tinulungan akong  makatayo. Akala ko nga tinulungan niya na talaga ako eh, hinila naman niya ako papasok ng banyo. Itinulak niya ako sa loob ng isang cubicle at dali-dali nitong isinara ang pinto.


“Palabasin niyo ko dito.. uy....” pagmamaka-awa ko sa kanila habang tinutubtob ko ang pinto.


“Diyan ka bagay na bakla... masyado kang pabibo... bagong salta ka lang dito!!!”


Narinig kong isinara nila ang main door ng banyo at sa ka nagtatawanang umalis.


Ilang beses na naulit ang ganung pangyayari. Ilang beses na pinipisikal siya ng mga batang naroon. Pero wala siyang magawa kundi magpaubaya dahil kapag lumaban siya. Siya rin ang talo. Marami sila. At siya... siya lagi yung luhaang bakla sa istorya.


Natatarantang binuksan ko ang pouch na nadala ko. Patagal ng patagal ay lumalabo na ang aking paningin at nagiinit ang aking pakiramdam. Ilang segundo na lang din at bibigay na ang lock.


I scanned my contacts. Una kong napili ang numero ni Harold.


“Sumagot ka sumagot ka... please....”


Parang nabuhayan ako ng pag-asa ng sumagot si Harold sa kabilang linya.


“Hello? Alexis asan ka na nga pala?”


“Nandito ako sa banyo...”


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.



*****


“Guys.. guys? Nakita niyo ba si Alexis?” parang natatarantang wika ni Harold sa iba pa naming kasamahan sa mesa.


Binalingan ako ni Harold at nagtanong itong muli.


“Lester... nakita mo ba kapatid mo?” tanong nito sa akin


I shrugged my shoulders. Ano ako bale at sasabihin kong nasa CR sila ngayon?


“I think I saw them sa CR kanina.. may kasama tong dalawang guy?” wika nung isang baklang kasamahan namin sa table.


“Bwisit. Kahit kailang bakla talaga malas sa buhay ko. Mamatay na sana kayo!!” wika ko sa aking sarili. Hindi pwedeng mabulilyaso ang plano.


“Guys.. i received a call from Alexis.. Nasa banyo raw siya.. Im worried mukhang sabog ang boses eh. Parang natataranta”


“Hayaan niyo na yun.. Alexis can take care of herself.. Saka we’re here to party right?” wika ko na itinatago ang aking kaba sa mga nangyayari. Hindi ko na nagugustuhan ang pinagsasasabi nitong si Harold.


“Lester... Alexis is my best friend.. Now if you dont care about her... Kung wala lang sa iyo ang kapatid pwes ako may paki-ala... Guys. puntahan natin si Alexis sa banyo.. sa Men’s CR ba?”


“Oo” kumpirma nung baklang nakakita kila Alexis kanina.


“Fuck!!! Tangina!!” lihim kong sigaw sa sarili


*****


“Hawakan mo ang kamay... para di na makapalag” utos nung Sam kay Justine at pumunta ito para hawakan ang dalawa kong kamay.


Para akong napaparalisa. Wala akong mahugot na lakas para labanan ang dalawang lalaking ito. Pumikit na lang ako at naghintay sa susunod na mangyayari.


“Tangina parang bebot lang ah.. ang kinis...Hahahaha” wika ni Sam at tumawa na parang demonyo.


“Hindi nga nagkamali tong si Lester no.. Pwede sa trippings tong utol niyang bakla... Hahaha” dagdag ni Justine.


Dahan-dahan na nilang hinuhubad ang aking damit ng biglang may kumalabog sa labas ng cubicle. Naputol namang ang ginagawa ni Sam sa aking tube at nabitiwan na rin ni Justine ang mga kamay. Hindi man klaro ay narinig ko pa rin ang usapan sa labas nang maiwan ako sa loob at lumabas ang dalawang lintik na lalaking iyon para tingnan ang ingay.


“Ito ba yung nakita mo kanina?” dinig kong tanong ni Harold. Nakilala ko agad ang boses niya.


“Oo.. kasama nila si Alexis kanina”


“Asan ang kaibigan ko?”


“Huh...ah...” nauutal na sagot ni Sam.


Bigla akong may narinig na papalapit na mga yabag sa kinaroroonan ko. Mayamaya pa ay nakita ko ang gulat na gulat na reaksyon ni Harold.


“Oh My God sis!!!!....” sigaw nito at saka lumabas muna ng panandalian sa cubicle. “Guys... bugbugin tong mga to... Mga hayop kayo.!!! Anong ginawa niyo sa kaibigan ko.. Alam niyo bang Saavedra to huh? Gagawa kayo ng kalokohan sa kaibigan ko”


“Teka teka sandali.... nautusan lang naman kami... Si...si Lester siya yung may gawa”


Nangt marinig ko ang pangalang Lester ay parang may kung anong nabuhay na galit sa dibdib ko. Naalala ko ang pagbaba-bait-baitan nito kanina. Ang tunay na motibo kung bakit ako narito sa lugar na ito. Nahihilo man ay pinilit kog tumayo.


“Sis... wag ka munang gumalaw... nahihilo ka pa ata.. tell me.. anong ginawa nitong mga gagong to sa iyo” nagaalalang wika ni Harold sa akin.


Hindi ako sumagot. Bagkus ay lumabas na ako ng cubicle. Nang tuluyang makita ko kung sino ang mga tao sa labas ay nakita kong lahat ng mga taong nasa mesa namin kanina ay naroon. Hati ang mgfa mata nito. Ang iba ay nakatingin sa kila Sam at Justine. Ang iba ay nakatingin sa akin. At ang iba ay nakatingin sa nakayukong si Lester.


Walang gustong magsalita.


Lumakad ako papalapit sa kanya. Dahan-dahan kahit na masakit pa rin ang aking ulo. Kahit na para akong napaparalisa sa pisikalan kanina.


Nang matapat ako sa harap niya ay bigla itong tumingin sa akin. Bakas sa mga mata nito ang pinaghalong hiya at takot.


“I hope nakuha mo lahat ng anggulong kailangan mo.. Congrats.... Kuya Lester” at lumabas ako ng banyo at lumakad palabas ng bar na iyon. Tuluyan akong nakalabas at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.


*****


“What Lester? How can you explain all of this?” singhal sa akin ni Harold ng makalabas si Alexis.


Hindi ko alam ang sasabihin. Parang sa mga oras na iyon, gusto ko ng magsisi sa mga ginawa ko. Lalo lang nagpapaulit-ulit sa aking utak ang mga sinabi ni Alexis kanina.


“I hope nakuha mo lahat ng anggulong kailangan mo.. Congrats.... Kuya Lester”


“Ano na Lester? How can you explain all of this?” pagbibigay diin uli ni Harold sa tanong niya.


“Wag mo kong sisigawan Harold... pwede ba.. hindi niyo alam ang tunay na nagyayari.. Kaya wag kayong makialam!” sa huli ay nanaig pa rin ang pride ko. Hindi nila alam ang rason kung bakit ako ko to nagawa. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan ko.


“Fine!!! Sige pairalin mo yang pride mo” huli nito sa akin at saka nagpatuloy itong magsalita. “Oh ano hindi mo man lang susundan ang kapatid mo? Damn, Lester? Anong klaseng kapatid ka? Or better yet? Anong klaseng tao ka?”


To save myself sa kahihiyan ay lumabas na ako ng CR na iyon. I instantly took the van at hinanap ko si Alexis. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin sa kalamnan ko ang kahihiyang ginawa ko. I dont know. Sinasabi ng isip ko na tama ang ginawa ko. Im just being rational. Na tama lamang na maranasan man lang ni Alexis kahit kaunting sakit na hindi naman niya maikukumpara sa napagdaanan ko.


Pero ang puso ko...


Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko? Mayroon nga ba ako nun pag dating sa kapatid ko?


Pinakiramdaman ko ang sarili ko.... Sinasabi ng puso ko... Hay.. Ewan!!


Biglang lumiwanag ang puso ko ng makakita ko ng naglalakad na babae sa gilid ng daan. Bitbit nito ang sapatos habang naglalakad ng marahan. Hindi ako nagkamali, si Alexis nga.


Nagpreno ako ng malakas para mapansin niya ang ako. Pero hindi siya lumingon. Napagpasyahan kong bumaba na lamang sa sasakyan at habulin siya.


“Alexis tara na sa loob ng sasakyan... uuwi na tayo” marahan kong sagot at sinubukan kong kunin ang kanyang kamay para pigilan siya sa paglalakad.


Nagulat ako ng humarap siya bigla at dumapo ang palad niya sa mukha ko. Ang malakas na sampal na iyon ang nagpatulala sa akin. Kitang kita kong lumuluha siya sa harpan ko at pulang pula ang mga mata nito.


“Ano masaya ka na? Masaya ka na hah? Alam mo... ang hirap kasi sa iyo... akala mo.. sa iyo lang umiikot ang mundo.... Akala mo ikaw lang ang taong may problema sa mundo!!.. Pero nagkakamali ka!!! Gago ka!!! Naranasan mo na bang maging bakla? Huh? Naranasan mo na ba yung pakiramdam na lalakad ka sa daan, pagtitinginan ka ng tao tapos bigla silang tatawa.? Naranasan mo na ba iyon? Alam mo ba yung pakiramdam na kailangan mong maguilty dahil iba ka sa paningin nila. Na isang kang basura... Na isa kang salot!!! Putang....Ina!!! Lester...  Ni hindi mo naransan yung hirap na itago mo sa iba kung ano ka dahil natatakot kang hindi ka tanggapin ng ibang tao sa kung sino ka o ano ka. Lester... hindi nga siguro refundable ang pagiging lalaki.. pero hindi namin kailangan pagbayaran ang katauhan namin sa mga taong hindi namin pinagkakautangan.. So you can now savor those pictures for your personal consumption!! God forbid kailangan mong magkaroon ng kapatid na bakla!!!!”


At tinalikuran niya ako matapos niyang sabihin sa mukha ko iyon.. Ilang hakbang lang nakita kong bumagsak siya sa kalsada.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment