Tuesday, January 15, 2013

Bullets for my Valentines 52

By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Facebook Page: www.facebook.com/pages/Dylan-Kyles-Diary/108358679208615


[AJ’s POV]

Nagising ako sa kwarto. Isang panaginip kaya ang nangyari kagabi. Haixt.

Pagbangon ko nakita ko si Martin na nakaubob sa may kama.

Hawak niya ang kamay ko.

Nagising naman siya nung tanggalin ko ito.



“Mabuti at gising ka na.” Sabi niya.


“Bakit? Anong meron?”


“Mukhang nakalimutan mo na nga. Hahah.”


“Ano nga ang nangyari?”


“Inatake ka ng sakit mo kagabi.. kung hindi pa kita nakita....” sabi niya


“Ibig sabihin totoo ang nangyari kagabi.” Ang nautal ko sa sarili ko.


“Oo...” nagulat na lang ako sa sinabi niya


“Nakita mo?”


Ngumiti lang siya sa akin. “Bakit ka naninilip?” napahiya naman ako ng bahagya.


“Hindi ko naman kayo sinilipan ng kapatid ko habang ginagawa yun... nagkataong nagising ako noong mga panahong iyon. At buti na lang at gising ako kung hindi baka namatay ka na doon.”


“salamat...” ang nasbi ko.


“Cheer up.” Sabi niya.


“baba na tayo..” aya niya.


Hinawakan niya ang kamay ko pababa.

Pinagtinginan ulit nila kami at para bang sumasang ayon na sa aming set up.

Naroon si James, ayaw tumingin sa akin.

Matapos niyang sabihin yun sa akin, nasaktan ang puso ko, nadurog.

Lagi kaming nag-iiwasan.

Buong araw ata na ganun lang kami ng ganun.

Gabi na ng magkausap kami ni Martin ulit.

Ang sweet niya sa akin.

Daig pa niya si james grabe. Hindi ko mapigilan maikumpara silang dalawa.

Inihilig ko ang ulo ko sa mga dibdib ni Martin.

Nakaakbay naman siya sa akin.

Mas komportable ako doon, ang landi nga lang eh. Hehehe.

Naabutan kami ni Rizza at Jaysen sa ganong posisyon.


“Aba teka.. may hindi kami alam dito.” Sabi ni Rizza


Siniksik ko pa lalo ang ulo ko sa dibdib ni Martin. “Hoy landi mo teh....” sabi ni Rizza sabay kurot sa tagiliran ko.


‘Hoy ang sakit...” sabi ko.


“Teka... iba na ata to.. pre.... aba aba.... better get off to my boy...” sabi niya


“Your boy? Talaga lang ah..” tapos tumawa si Martin.


‘Aba teka..” pinigilan siya ni Rizza


“Grabe lang papa Jaysen.... easy lang..” at nagkatawanan kaming lahat.


“Nagseselos ako..” mukmok ni Jaysen. Tumabi siya sa akin at niyakap ako.


“Hoy... tapos na kayo..” sabi ni Martin.


“Bakit ba?” tapos kiniss ko sa pisngi ni Jaysen.


“Kaloka ka... grabe ka. Dalawa-dalawa? Hindi pala, tatlo pala.” Sabi ni Rizza


“Oi hindi ah..” ang nasabi ko na lang.


“Mukhang walang buhay ka ngayon ah.? Nag away kayo ni papa James?”


“No comment...”


“Aysus... siya siya lalabas na kami.. ituloy na ninyo paglalambingan ninyo.” Hinila ni Rizza si Jaysen palabas at sinarado ang pinto.


Humiga ulit ako at hinila ako ni Martin at niyakap. “Ang sarap ng ganito.” Sabi niya.


“Bakit naman?” tanong ko.


“Maaliwalas... sarap ng feeling... walang iniisip. Kasama ka. Payapa.” Sabi niya.


“Minsan naiisp ko kung katulad ka namin.” Sabi ko.


“Bakit naman?”


“Well... hinahalikan mo ako... nanaching ka sa akin.... ang sweet mo sa akin.... sana ikaw na lang...” ang nasagot ko.


“Gusto mo ba?” tanong niya


“Ang alin?” tanong ko.


“Yung ganito?”


“Wag.. sayang... gwapo ka... at tsaka... mas bagay na sa babae ka kaysa sa amin.... paramihin mo lahi ninyo..” sabi ko.


“Sige pararamihin natin ang lahi namin...”


“tangek ka...” sagot ko.


‘Ano bang nangyari sa inyo ni James?” tanong niya


Ikinuwento ko sa kanya ang lahat.

Habang ikinukwento ko iyonsa kanya, hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Bumuhos ang lahat ng sama ng loob ko.


“Yung moment na sinabi niya sa akin yon daig ko pa ang namatay sa sakit na nararamdaman ko.” Sabi ko.


“Kaya naman pala... haixt... my brother is such a fool.... makikita niya talaga.” Sabi ni Martin.


“Gawin nga natin.. please.. para maipamukha ko ang lagi niya sinasabi... na mas magaling ka...” sabi ko.

Oo nawawala na ako sa katinuan.


“Ah eh.. anong sinabi mo?”


‘Dali na.. please!” sabi ko.


“Wag kang gumawa ng bagay na pagsisishan mo...” sabi niya.


Pero wala na ako sa sarili ko at pumatong ako sa kanya.

Agad siyang siniil ng halik at wala na siyang nagawa kundi ang magpaubaya.


[James’ POV]


Muli kong naalala ang nangyari kagabi.

I can’t forget that moment.

His eyes, they are crying.

My heart stomp a beat.

Ang sakit makita na umiiyak siya sa harapan ko.

Pero nasaktan ko siya. Dapat hindi ko na lang sinabi yun.

Ang sakit ng tama sa kanya niyon.

Gusto kong mag sorry. Haixt.

Mag sosorry ba ako o hindi? Nakakita ako ng bulalak sa kwarto at saka ko kinuha.

“Mas sossryy o hindi.. sorry.. hindi.. sorry.. hindi.. sorry.. hindi.. sorry.. hindi.. sorry.. hindi.. sorry.. hindi......” nakakailan na ako.. ilan na lang ang natitira


“Hindi.... sorry.. hindi.. sorry....hindi... sorry.. hindi..” and down to last petal.

“SORRY!” tumayo ako at lumabs ng kwarto.


Kumatok ako. Oo mag so-sorry ako kay AJ.

Nakailang katok ako ng makarinig ako ng kalabog sa loob kaya binuksan ko na lang ito at tinignan kung ao ang nangyayari.

Daig ko pa ang binihusan ng mainit na tubig sa nakita ko. Nasa lapag silang dalawa.

Si kuya nakapang-ibabaw sa kanya.

Wala ng t-shirt si kuya pati narin si Arwin.

Nakabuka ang mga binti ni Arwin at si kuya naman ay hawak ang mga ito. Nakayapos si AJ dito.


“Sorry.. naistorbo ko ata kayo...” sabi ko saka lumabas ng kwarto.


Masakit sobra.

Eto ang tama sa akin.

Ang tamaan ng karma.

Pumasok ako ng kwarto at natulog na.



Kinabukasn panibagong araw na naman.


Baba na sana ako ng kausapin ako ni Chad.


“Mahal mo pa ba siya?” tanong nito.


“Don’t ask me a stupid question...” sabi ko.


“You are lying to me.... nakita ko kayo... nung isang gabi... ngayon mo sabihin na hindi mo siya mahal...”


“Ano bang pakialam mo ha?”


“Boyfriend mo ako... tayo na at hindi na kayo ni AJ.”


“Then stop ruling me.. hindi ganyan si AJ. Let me be.”


“Hindi kita hahayaan.. hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya.”


“Nasayo na naman ako diba? Sayong sayo.” Sigaw ko.


“Oo nasa akin siya pero ang puso mo na kay AJ. Mahal kita James... mahal na mahal.. please.... wag kang bumalik sa kanya... wag mo siyang mahalin...”


“Hindi ko mapipigilan ang puso ko.. alam mo yan...”


“Alam ko naman na ginagawa mo ito dahil sa favor nila mama eh... alam ko yan.... pero matapos ang ginawa sa akin ni AJ.... hindi ako papayag na aagawin ka lang niya sa akin... hindi siya karapat-dapat sayo...”


“Bakit? Ano bang ginawa niya sayo?” tanong ko.


“Wag na... baka hindi mo ako paniwalaan.. baka sabihin pa ni AJ na binaligtad ko pa ang kwento ko.”


‘Ano nga ginawa niya?”


“Nung isang araw.. nagkausap kami... sinaktan niya ako.. sinampal niya ako kasi inagaw kita sa kanya!”


Nagulat ako sa rebelasyon na ito akya lumabas agad ako ng kwarto at hinanap si AJ.


“Arwin!” sigaw ko.


Lahat sila ay nagulat sa sigaw ko.


Nakita ko siya kasama si Martin. Sinugod ko siya at sinigawan.

“ANONG KARAPATAN MO NA SAMPALIN SI CHAD?!” kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni AJ.


“Anong.. anong sinasabi mo?” sabi niya


“Bakit mo sinampal si Chad? How dare you?”


“Pero.. siya. Siya ang sumampal sa akin.. siya... hindi ako.”


“Sinabi na niya yan.. na baka baligtarin mo ang mga bagay bagay...”


“How dare you? Siya pa ang paniniwalaan mo?!”


“Oo.. mas kapani-paniwala siya sayo...”


Sinampal niya ako. “Oo.. ako na... ako nag sumampal.. o anong gagawin mo ngayon? Sasampalin ako. Sige SAMPALIN MO AKO!” sabi niya


“Wala kang awa.... hindi mo ba alam ang kalagayan ni Chad ha? Wala kang kwentang kaibigan!”


“Wala kang karapatang sabihin yan dahil hindi mo alam kung ano ang kalagayan ko ngayon!” sagot ni AJ.


“Bakit? Mamamatay ka ba? May sakit ka ba? May sakit si Chad.... at hindi mo maiintindihan yon dahil makasarili ka.. wala kang karapatn na ganyanin si CHAD!” ang nasabi ko sa kanya.


 Ramdam ko ang galit sa aking puso.


[AJ’s POV]


“Bakit? Mamamatay ka ba? May sakit ka ba? May sakit si Chad.... at hindi mo maiintindihan yon dahil makasarili ka.. wala kang karapatn na ganyanin si CHAD!” sabi niya sa akin.


May sakit si Chad?

 Totoo ba ito?

Pero paano?

Hindi ko naman alam na.


“Ano napa maang ka ha? Buti ka nga eh malusog at walang inaalala!” sabi niya sa akin.


“Stop that you brat...” sabi ni Martin.


“At isa ka pa kuya.. umuwi ka na nga.. mga kalandian ninyo na ginagawa dito.. nakakasuka!” sabi ni James


“Hindi mo alam ang sinasabi mo! Hindi mo alam ang kalagayan ni AJ!”


“Shhh... tama na Martin.” Sabi ko.


“Pero kailngan na niyang malaman.”


“Ang alin?” tanong ni James.


“Na...”


“Tama na diba? Sabi ko tama na!” sigaw ko.


“wag na wag kang makakalapit kay Chad.” Sabi niya.


“Bakit? Bakit siya lang inaalala mo? Bakit siya lang?! Paano ako? Ang kalagayan ko!” sigaw ko.


“UNAWAIN MO NAMAN! MAY SAKIT SI CHAD!”


“Paano ako? May sakit din naman ako ah! May sakit din ako! Anong gagawin mo? Nasasaktan ako..... paano ang kalagayan ko?”


“Anong ibig sabihin mo?”


“Eto.. masakait... eto oh nasasaktan.... ang sakit ng puso ko....”


“You are crazy... napaka makasarili mo.... puso lang yang nasasaktan sayo.. wala ka namang sakit sa puso.... kung i-cocompare mo kay Chad mas malala siya... ikaw emotion lang nasasaktan sayo.. pero kay Chad? PWEDE SIYANG MAMATAY!”


Bakit ganun?

Hindi niya maintindihan?

May sakit naman ako ah?

 Paano pa ako?ang sakit.


“Mukhang mas mahalaga siya sayo.. ang sakit.. grabe ang sakit!” ang nasigaw ko.


“Wag kang umarte na para kang maysakit... palibhasa di mo nararansan. MAGKASAKIT KA SANA SA PUSO PARA MALAMAN MO PINAGDADAANAN NI CHAD!” ang sabi niya sa akin.


BOOM!

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Daig ko pa ang binomba ng ilang ulit.

Maya maya nakita ko nalang na bumagsak si James sa lapag dahil sa suntok ni Martin.


“Ang kapal ng mukha mo na sabihan niyan si AJ!” inawat sila nila Dylan.


“Bakit? dapat lang.. hindi naman niya nararanasan eh.. hinding-hindi niya nararanasan!”


“Wala kang alam sa sinasabi mo!”


“Bakit ikaw maraming alam? Kasi gabi-gabi inaaliw ninyo sarili ninyo sa makamundong ginagawa ninyo! Hindi ninyo ba alm ang sakit? Nasasaktan ako?! Nagseselos ako! Sobra!”


“Wala kang karapatang masaktan dahil INIWAN MO AKO!” sigaw ko.


Natahimik siya at hindi nagsalita. “OO MAS MAGALING ANG KUYA MO! Yan ang sagot ko sa ilang beses mong tinatanong sa akin.”


Nakita ko ang pagkawala ng buhay sa kanyang mga mata.

Kumawala siya kila Johan at pumasok ng bahay.

Pinagtitinginan na kami ng ilang mga tao na naroroon.

Habang ako napupo na lang sa malambot na buhangin.

Iniiyak ko ang lahat ng ito.

So yun pala ang iniisip niya sa nakita niya nung makita kami ni Martin kagabi. Haixt.

Ang kitid ng utak niya.


(Flashback)

“Gawin nga natin.. please.. para maipamukha ko ang lagi niya sinasabi... na mas magaling ka...” sabi ko. Oo nawawala na ako sa katinuan.

“Ah eh.. anong sinabi mo?”

“Dali na.. please!” sabi ko.

“Wag kang gumawa ng bagay na pagsisishan mo...” sabi niya.

Pero wala na ako sa sarili ko at pumatong ako sa kanya.

Agad siyang siniil ng halik at wala na siyang nagawa kundi ang magpaubaya.

Nahubad na namin ang mga damit namin.

Tuloy pa rin ang tensyon at pagsasanib ng aming mga labi. Ngunit napatigil ako.

“What’s wrong?” tanong niya.

Hinawakan niya ako. Tumingin siya sa akin at nagsalita muli. “Okay ka lang ba?” tanong ulit niya

“Hindi ko pala kaya.. hindi ko kaya....” sabay iyak.

Agad niya akong niyakap.

Bumangon siya at yumakap sa akin ng mahigpit.

“Sabi ko naman sayo eh... tama lang ginawa mo...”

“Sorry.. na carried away ako...” sabi ko.

Maya maya may kumatok at tinangka kong tumayo ngunit napatid ako sa kumot at nahulog.

Naagapan naman agad ako ni Martin ngunit merdyo huli na kaya sa di inaasahan ay nahulog kami pareho.

“Ouch...” tanging nasabi ko.

“Masakit ba?”

“Oo... umpft... awww.”

Pero nagulat kami ng magbukas ang pinto at iniluwa si james. Natigilan kami pareho sa isang awkward na posisyon.

Nakita ko siya na matiim na nakatingin sa amin.

(End of Flashback)


Dumamay ang lahat sa akin.

Kahit na pinagtitinginan kami ng mga tao, tuloy pa din ang aking pag iyak.

Niyakap ako ni Rizza, ni Jaysen at ni martin.


“Hey... cheer up AJ.” Sabi ni Johan.


“Salamat.” Ngumiti ako ng bahagya bago magpahid ng luha.


“Tara pasok na tayo guys... mas okay kung mananatili na muna tayo sa loob ng bahay.” Suggestion ni Dylan.


“Hindi.. ayos lang.. ituloy na natin pag swimming.. ayaw kong masira ang mood ninyo ng dahil sa akin.. let’s be cheerful.” Ang nasbi ko na lang.


Ngumiti silang lahat sa akin at hinila ako papuntang tubig.

Di ko pa rin maiwasn ang umiyak habang naiisip ang mga nangyayari.

Unti-unti sumasakit ang dibdib ko.

Naninikip ito kaya lumapit ako kay Martin.


“May problema ba?” tanong niya


“Yung... yung gamot ko... kunin mo... hindi... hin... hindi ako.. mak.. makahinga...” ang nauutal kong sinabi.


Agad kaming lumusong at iniupo ako sa may bench.

Tinawag niya si Rizza at siya na muna ang nagbantay sa akin.

Agad naman na tumakbo papasok si Martin at kinuha ang gamot ko.

Ilang sandali lang at bumalik na  siya.

Ininom ko agad ang gamot ko at saka nagpahinga.

Inagapan ko ang hininga ko at unti-unti nakaramdam ako ng kaaliwasan.


“Okay ka na ba?” tanong ni Rizza sa akin.


Hindi lingid sa iba ang nangyayari sa amin. Sabi ko sa kanila na act like nothing. Ayokong maging pangit ang bakasyon namin ng dahil sa akin.

“Okay na ako.. salamat...”


“tara na banlaw na tayo... hindi ka naman okay eh...” sabi ni Martin.


“Ayos lang ako.. masaya dito.. maaliwalas.. baka lumungkot lang ako sa itaas.”


“Pero...”


“Yaan mo na muna siya.... okay lang siya.. siabi niya yan eh.” Pagpipigil ni Rizza.


“Okay.. basta pag may problema.. sabihin agad ah..”


“Opo...”


Pinabalik ko na sila sa may dagat.

Iginala ko ang aking mga mata sa kapaligiran.

Maaliwalas at maraming tao. Sana di ko na lang pinatulan si Chad.

Ako pa tuloy ang lumabas na masama.

Pero may sakit si Chad na tulad ko, ayon ang nakikita kong dahilan kung bakit nagkaganu si James.

Sa tingin ko para kay Chad ang lahat ng iyon.

Napaka mapaglaro naman talaga ng tadhana.

NAunahan pa ako ni Chad.

Mas nakakasama at nakakapiling pa niya si James. Haixt.

Yung moment kanina, pinigilan ko ang sarili ko.

Buti na lang at hindi niya anintindihan na ang ginawa kong pag amin kanina ay totoo. Na may sakit ako sa puso.

May dahilan pa ba ako para mabuhay gayong ang buhay ko ay inagaw na ng iba.

Panahon na ba para sumuko?

Mahal ko si James pero wala rin naman mangyayari dahil galit siya sa akin.

Ang tanaga ko kasi di ko inamin sa kanya.

Ako ang may kasalanan.

Pinigilan ko pa aksi ang sarili ko na sabihin sa kanya dati. Sana nga sinabi ko na sa kanya eh. Haixt.

Pero para saan pa?

Para kaawaan ako?

Para mag hirap siya?

No way.

Hindi na dapat. Ano pa ba ang gagawin ko ngayon talo na ako.

Napadako ang mga mata ko sa kwarto nila Chad.

Nakita ko si Chad na nakatingin sa akin. Nakangiti ito.

Haixt buhay. Bumalik na ako sa paglalangoy.

Sinulit ko na lang ang paglalangoy.

Ilang araw na lang at uuwi na kami.

Im sure after nito eh tapos na ang lahat.

Matamang ako na nag isip sa mga susunod kong gagawin.

Kinagabihan, magkatabi kami ni Martin sa itaas ng balkonahe.

Pinagmamasdan ang hampas ng alon at pinapakinggan ang ingay ng alon ng dagat.

Nagpapatugtog ako ng mga tunog na kung saan nagbibigay ng kasiyahan sa aking kalooban.


“Talo na ako..” ang bigla kong sabi.


“Sumusuko ka na?” tanong niya


“Ano pa ba ang gagawin ko? isisingit ang sarili sa kanya? Napapagod na ako.. ang sakit na.. nasasaktan na ako... hindi naman ibig sabihin na sumusuko na ako eh ititigil ko na ang pagmamahal sa kanya.. lilipas din ang panahon at sa tingin ko eh ngayon na ang panahon para tanggapin na wala na akong magagawa.”


“mahina ka pala eh.”


“Oo mahina ako.. nagpatalo ako..”


“Kung sinabi mo sa kanya na may sakit ka? Hindi siya magdadalawang isip na samahan ka sa tabi niya.”


“Ayokong magpaawa.. ayokong kinakaawaan ako.”


“Kung gayon.. mag paopera ka...”


“Noon.. natatakot ako na baka hindi ko na makita sila.. ang laaht ng minamahl ko... pero ang pinaka sentro ng kinakatakutan ko eh baka hindi ko na muli makita si James. Na baka masaktan siya na mawal ako... pero ngayon,... mukhang hindi na.. mas mahal pa niya si Chad kaysa sa akin. Masakit sobra...”


“Hindi pa naman huli ang lahat ah.”


“Haixt. Sa ngayon wala muna sa isip ko ang magpaopera...”


“Nanjan naman si Khail.... siya ang gawin mong dahilan.. kahit siya lang...”


Tama si Martin. Hindi lang naman si James ang nagmamahal sa akin, hindi lang aman siya ang importante sa akin. Ngunit siya ang PINAKAIMPORTANTE sa lahat.


“Sasabihin ko na kay Khail.” Sabi ko.


“Sigurado ka?”


“Oo.. lahat sasabihin ko sa kanya...”


“Paano na lang yan? Magkahiwalay na kayo ni James.. paano si Khail?”


“Ipapaliwanag ko naman sa kanya yung term na mauunawaan niya.”


“Kung yan ang desisyon mo.. ikaw ang bahala.. di naman ako mangingialam eh...”


“Yakapin mo ako.. please...” pakiusap ko.


Niyakap niya ako at ipinakita na nanjan siya para suportahan ako.

Natulog na kami makalipas ang ilang saglit at kinabukasn, hinarap ko ang bagong kabanata ng buhay ko.

Maghapon wala akong ginawa.

Bukas uuwi na rin naman kami eh. Haixt.

Maghapon, nag isip lang ako ng nag isip.

Kung itutuloy ko ba ang mga balak ko.kung tama ba ang desisyon ko na tapusin ang lahat.

Gabi na ng magpasya ang lahat na mag inuman.

 Tulad nung isang gabi.

Since last time na yun eh cease fire na rin yun.

Maaga din naman yun natapos.

Wala ni sinuman ang uminom ng higit sa dalawang bote para daw mas okay.

Nagdesisyon na akong kausapin si James.

Matapos umakyat ng lahat, naiwan kaming apat.

Nilapitan ko si James at humingi ng permisyon na makusap siya.


“Bakit ka nandito?!” bungad sa akin ni Chad.


“I come in peace... gusto ko lang kausapin si James.” Sabi ko.


“Ayoko..” sabi ni Chad.


“Si James ang gusto niyang makausap at hindi ikaw.” Biglang sabat ni Martin.


“Pero.. hindi ak...”


“Sige... Chad taas ka na muna.” Hindi na nakasabat si Chad.


Naiwan kaming dalawa.

Nakaupo siya samatalang nakatayo ako.


“Yung tungkol kahapon.” Panimula ko.


“Anong tungkol kahapon? Malinaw na naman yun diba?” sabi niya


“Yup.. malinaw na.. malinaw na malinaw...”


‘Anong arte pa ito?”


Ang sakit. “Gusto lang kitang makausap. Kahit saglit lang. Bago ko iwang ang puso ko na duguan.”


Di siya umimik. “May ibabalik ako sa sayo.”


Kinuha ko ang kamay niya at ibinigay ang singsing, kwintas ang bracelet na bigay niya.

Nakita ko ang pagtataka niya.


“Wala na tayo kaya binabalik ko iyan.. nung binigay mo sa akin yan eh mahal mo pa ako.. ngayon binabalik ko na yan.. kasi di na ako ang nag aangkin ng puso mo,.”


“Hindi na kailngan.. sayo na to..”


“No.... ibabalik ko yan sayo.. dapat lang... mas okay na yan.. since wala na tayo.. para mawalan na tayo ng connection.. para makalimutan na kita...” sabi ko.


“Gusto mo akong kalimutan?”


“Yung totoo? Hindi... pero kailngan.. ayokong umasa.. magpakatanga.. maging kawawa....”


“Pero...”


“tama na ang pero pero.. tapos na tayo jan.. lagi naman diba? Malay mo we become friends... after ilang taon...”


“Ayoko...” sabi niya


‘Gusto ko.. please.. lumayo ka na...”


“Pero..”


“Si Khail pala.. sa akin muna siya kahit ngayong buwan lang...... di ko siya kukunin sayo.. ipapaliwanag ko lang ang lahat...”


“Teka.. baka magulat ang bata...”


“Ayokong paasahin ang bata na okay tayo gayong hindi naman.. ayokong lokohin siya... ayokong maging mangmang siya.. kaya hanggat maaga ipapaliwanag ko na sa kanya...”


“Teka lang...’


“Final na yun....”


Tumayo siya at lumapit sa akin. “AJ.. wag mong... wag mong gawin to..”


“Kailangan.. mas okay na mag simula tayo sa simula... ituring mo ako na wala.. na hindi mo kilala... mahal kita James pero mukhang hindi mo na ako mahal.. masakit pero kailngan.”


Yayakap siya sa akin ngunit pinigilan ko siya.

“Wag... baka lalo akong masaktan.. sige akyat na ako.. ingatan mo si Chad.. sorry pala.. ako ang sumampal sa kanya... sana naman maniwala ka na.. inamin ko na ang pagkakamali niya.. sige.. bye...”


Habang tumutulo ang luha ko, isa-isa kong inihahakbang ang mga paa ko.

Mabibigat ang mga yabag ko at para bang napupunit ang puso ko sa nangyayari.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment