Tuesday, January 15, 2013

Ang Lalaki sa Burol 10

By: Mikejuha
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com


Dali-daling lumabas ng reataurant si Sophia, kitang-kita sa mukha ang matinding galit.

Pigil-hininga naman kaming lahat sa labas.

At noong nakalabas na ito at nasilip kaming lahat na parang mga panindang lanzones na nagkumpol-kumpol, parang nagpapapicture lang, sumigaw ito ng, “Anong ginagawa ninyo d’yannnnnn! Trabaho naaaaaaaaaaaaa!!!” nanlilisik ang mga mata.


Parang gusto kong matawa sa inasta ni Sophia. Imagine, ang laki-laki ng aming mga banners at streamers na nagsabing on stirke nga kami ngunit hindi niya ito pansin.

Tahimik pa rin kaming lahat. Syempre, ayaw magslita ang aming mga kasama dahil sa takot.

“Ano pa ang hinihintay ninyo! Punta na kayo sa mga puwesto ninyooooooooooo!!!”

Ramdam kong nanginginig na sa takot ang aming mga kasmahan at lahat sila ay nakatingin kay Ricky na para bang nagtatanong na, “Paano na to? Ikaw ang pasimuno nito? Ano ang gagawin namin?”

Magsalita na sana si Marlon ngunit tumayo si Ricky at nasapawan siya, “A, Miss Sophia... strike po kami. Hindi ba ninyo nakikita ang mga karatula namin?” sambit ni Ricky at itinaas pa sa mukha ni Sophia ang dala-dala niyang karatulang “Strike kami!”

“Aha! Ikaw pala ang pasimuno nito!” ang sabi niya kay Ricky. At baling sa ibang mga kasamahan namin, “O sige... ngayong alam kong itong baklang pangit na ito pala ang pasimuno ng lahat, tanggal na siya sa trabaho eefective ngayong araw na ito! Kaya bumalik na kayo sa inyong puwesto at huwag kayong mag-alala, tataasan ko ang mga suweldo niyo!” at baling uli kay Ricky at sa akin, “Sumunod nga kayo sa akin!” at nagmadaling pumasok sa loob ng restaurant. At noong nasa may pintuan na, huminto siya.

Pumasok rin kami ni Ricky, hinarap siya.

“Hoy! Ikaw!” turo sa akin. “Kung hindi ka dumating sa dito sa restaurant na to, hindi sana kami nagkaletse-letse. Dahil sa iyo, pati itong si Ricky ay naimpluwensyahan mo na. Matindi ang pagka-kontrabida mo talaga no! Panggulo ka eh! Hudas!”

“Miss Sophia, hindi po siya ang nakaimpluwensya sa akin. Ako po ang naka-impluwensya sa kanya. Matagal na po akong hudas. Tiniis ko lang, naghanap ng tyempo. At ngayon, dahil sobra-sobra na ang ginawa mong pang-iinis, lalaban na ako... kaming lahat na mga inapi mo!”

“Ricky... alam kong nasa restaurant pa rin ang puso mo; ang simpatiya mo. May malasakit ka dahil matagal ka na rito eh. At regular ka nang empleyado. Ang restaurant na ito ang tumulong sa iyo upang makapag-aral ka ng ganyan...”

“Opppssss! Opppp!” ang pagsingit ni Ricky. “Klaruhin natin Miss Sohia na pinaghirapan ko po ang aking pag-aaral. HInid po restaurant ninyo ang nagpaparal sa akin kundi ang aking pagsisikap. Hindi nga patas eh. Lugi ako. Mas kumita ka sa aking paghihirap na sobra-sobra sa itinakda sa batas!”

“Ok.. ok... naintindihan kita. Pero itong hampas-lupang oportunistang ito na gustong maka-jackpot kay Marlon, hindi ko matatanggap.” At baling sa akin. “Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasang ito! Alam mo ba iyon? May ibang motibo ka sa pagdidikit mo kay Marlon, ano? O may ibangmotibo ka sa restaurant na ito? Ang kapal mo rin ano? Kaya... layas na. Hindi ka kailangan dito. Alam mo, kung lalayas ka lang agad-agad ngayon... lahat ng mga hihilingin ng mga empleyado ko ay ibibigay ko!”

“Talaga lang ha?” ang sarkastikong pagsingit naman ni Ricky. “Nakailang pangako ka na ba? Sampo, dalawampo? Tatlumpo? May natupad ba? Hanggang ngayon, nagtitiis pa rin kami sa pang-aapi mo!”

Sumingit na rin ako. “Ok... kung ganoong ako lang pala ang gusot mong umalis. kahit ngayon Miss Sophia ay aalis ako. Ngunit kaya mo bang mawala si Sir Marlon? Kasi... sigurado akong sasama siya sa akin kapag umalis ako. At oo... tama ka, may ibang motibo nga ako kung bakit ayaw kong umalis dito. Gusto mong malaman kung ano? Aalamin ko ang tunay na pagkatao ni Sir Marlon! Kapatid ko siya! At hindi ako titigil hanggang hindi ko siya mabawi!” ang galit na galit ko nang pagpatol kay Sophia. Nainis na kasi ako.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Sophia. Natigilan. “Hindi nga ako nagkamali ng hinala! Hindi nga ako nagkamaliiii!!! Gusto mong agawin si Marlon sa akin!!!”

“Oo...” ang kalmante kong sagot. “Kaya magpakabait ka dahil kapag naiinis na talaga ako sa iyo at hindi ko na kakayanin pa ang mga pang-aapi mo sa akin, sa amin ng kaibigan ko” baling ko kay Ricky, “...lalayas ako. Ngunit siguraduhin kong sasama sa akin si Sir Marlon!” At walang pasabing tinalikuran ko si Sophia.

Sumunod naman sa pag walk out si Marlon, iniwan si Sophia sa loob. At noong nakalabas na ng restaurant at sa harap ng mga kasama naming nag-strike, nagsalita siya. “Huwag po kayong maniwala sa mga pangako ni Sophia mga kasama! Ilang beses na ba siyang nangako sa atin? Ilang beses na niyang ipinangako na bayaran tayo ng overtime? Ilang beses na niyang ipinangako na suswelduhan tayo ng tama at sa tamang oras? Nasaan na ang pangakong ito. Hanggang ngayon ba ay magpauto pa rin tayo? Kaya walang dahilan upang maniwala pa tayo sa kanya! Babalik lamang kayo sa trabaho ninyo...” lingon kay Sophia na sumunod na rin sa amin sa labas, “kayo lang ang babalik dahil sinesante na ako eh” baling uli sa mga kasama namin, “...ngunit kapag pinirmahan lamang niya ang kasunduang ito.” Inilabas ni Ricky ang notarized na kasunduan galing sa kanyang bag at ipinakita kay Sophia. “Kung hindi... wala ring babalik sa inyo sa trabaho!” dugtong pa ni Ricky.

Akin na nga iyan!!!” sigaw ni Sophia.

Akmang sunggaban na sana ni Sophia ang papel ngunit mabilis din itong iniwas ni Ricky. “Bakit? Pupunitin mo na naman???”

Hindi na pinansin ni Sophia si Ricky. Baling niya uli sa mga kasama namin. “Sige na... balik na sa trabaho Warren, Lito, Jun, Aljun, Kristoff, Romwel, Jason, Noel, Zach, Enzo, Erwin, Alvin, Andrei... pasok na kayo sa loob. Magsimula na tayo sa trabaho! May mahalagang event tayo... mapahiya ang restaurant natin kapag hindi natin na-honor ang commitments natin sa kanila.” At inisa-isa pa talaga ni Sophia ang mga pangalan sa kwento, este, ng mga trabahante niya. At ang lambing-lambing pa ng boses ha? Hindi bagay.

Nagkatinginan kami ni Ricky na para bang sa loob ng isip niya ay may isinisigaw na “Plastic!”

Ewan kung ano ang mga nasa isip ng mga kasamahan namin. Ang iba kasi ay parang gusto na lang uling pumasok sa loob. Na-engganyo ba sa mga pakiusap ni Sophia o natakot.

At dahil dito ay napilitan akong tumayo, nabuo ang isip. “Miss Sophia... dahil pinaalis niyo na si Ricky, aalis na rin po ako sa restaurant...” Ang nasambit kong may pagbabanta ang mga mata.

Bigla akong tiningnan ni Marlon, ang mga mata ay tila nagtatanong ng, “Sigurado ka?”

Tiningnan ko rin siya. Iyong tingin na nagpahiwatig na sigurado ako sa aking sinabi.

Sumagot si Sophia sa sinabi ko. “Oh well... very goo –“

Ngunit hindi na niya naituloy pa ito gawa nang biglang pagsingit ni Marlon. “Aalis na rin ako... Sasama ako kay Jassim.”

Mabilis ding nagreact si Sophia. “Nononononono! Hindi ka aalis honey. Hindi ako papayag.”

“Kung tanggalin mo si Ricky at aalis rin si Jassim, kaming tatlo ang aalis.”

Nagkatinginan ang mga kasama namin. At maya-maya lang ay may nagsalita. “Aalis na rin po ako Miss Sophia... sasama po ako kina Sir Marlon at Ricky.”

“Ako rin po Miss... sasama ako sa kanila” sambit pa ng isa.

At sunod-sunod na nagsalita silang lahat na aalis na rin, sasama sa amin.

“Oh my God!!! Ano ba ang gusto mong gagawin ko honey?” tanong ni Sophia kay Marlon, ang mga kamay ay itinakip sa kanyang mukha na halatang pressured na pressured ba.

“Itanong mo sa kanila...” sagot naman ni Marlon. “Hindi ako ang issue dito. Sila at ang mga ipinaglaban nila.”

Tiningnan ni Sophia ang mga kasamahan namin. Pagkatapos, tiningnan niya si Ricky atsaka, “O sya... akin na nga iyang papel! Pipirmahan ko na!”

“Huwag niyo pong punitin iyan kung ayaw mong tuluyan kaming magwalk out.” Ang pananakot pa ni Ricky.

At padabog na kinuha ni Sophia ang papel, pati na ang ballpen na iniabot ni Ricky atsaka walang basa-basang pinirmahan ito sa harap namin.

Pagkatapos ninya itong pirmahan at maibigay kay Ricky, nagpalakpakan na ang mga kasama namin.

“Pasok naaaaaaaa!” ang sigaw ni Sophia mga empleyado.

Kaya dali-dali kaming nagsipasukan tuwang-tuwa sa naging resulta ng aming pakikibaka. At hindi lang namin ginalingan ang pagtatrabaho, inspired pa kaming lahat, abot-tainga ang mga ngiti.

At sumunod naman si Sophia sa kasunduan. Hindi na siya nambubulyaw, on time na ang pasweldo, at may record na kami sa mga oras na sobra naming tinatrabaho upang mabayaran kami ng overtime. Tapos, pumayag na rin siyang magkaroon ng centralized na collection sa mga tip kung saan kami ang kumukontrol at ito ay hinahati namin kada katapusan ng buwan. At tuwang-tuwa ang mga empleyado kasi, sabi nila tatalunin daw nito ang sweldo namin kapag pinaghahati-hatian na ang tip. Dati kasi, ang mga tip ay binubulsa ni Sophia kesyo para raw ang mga ito sa sports activities, kesyo, para sa emergency, kesyo para matatanggap namin sa Disyembre o sa pag-finish contract. Puro mga kasinungalingan.

At ang isang magandang nangyari ay sa dining na ako na-assign, kasama si Ricky sampu ng mga katrabaho namin. At syempre, laking pasalamat nilang lahat kay Ricky. Siya yata ang hero naming lahat. At nagpasalamat din sila sa akin dahil ang alam nila, base sa mga kumalat na tsismis, kapatid ko talaga si Marlon at naghintay na lang ako sa tamang panahon na manumbalik ang alaala niya upang tuluyang ma-confirm ito.

So... masaya ang lahat sa naging kahinatnan ng aming ginawa. Tila napawi ang sama ng loob ko sa pagka-rape sa akin. Napalitan ito ng saya sa nakitang tuwa ng mga kasama namin. Iyon bang pakiramdam na may sakripisyo kang nagawa na siyang dahilan upang sumaya at ma-inspire ang ang ibang tao.

“Ricky, hindi ba natin hahanapin iyong mga nang-rape sa atin?” tanong ko kay Ricky noong minsan ay pumasok sa isip kong pananagutin namin ang mga taong iyon.

“Iyan! Iyan... gusto ko rin talaga silang mahanap igan, hinid ko lang masabi-sabi sa iyo...” sagot ni Ricky.

“Ipakulong natin sila?”

“Oo!” ang sigaw niya. “Ipakulong natin ang mga walang-hiyang hayop na mga iyon!”

“Sigurado ka?”

“Oo igan! Sure na sure ako!” at natahimik nang sandali, binitiwan ang isang tingin na may bahid pagkapilyo. “Pero sasama tayo sa loob ng kulungan igan! Gustong-gusto kong ma-rape nilang muli sa loob! I want orgy! Orgy! Orgy!”

Napahalakhak naman ako sa narinig. “Woi! Eskandaloso ka ah! Grabe ka!” sambit ko.

Nahinto siya at tiningnan ako nang matulis. “Bakit ba natin sila hahanapin, tange!? Bakit pa kung ayaw nating maulit ang lahat?!”

“Para nga ipakulong sila ano ka ba... papanagutin.”

“Bakit? Nabuntis ba tayo? Nasira ba ang hymen natin? Ewan ko sa iyo. Pero ako... alam ko may matris ako Charot! Pero iyong hymen, parang wala pa...”

“Idinadaan mo naman sa biro eh...”

“Bakit nga ba sila ang ipakulong natin? Inutusan lang ang mga iyon ni Sophia. Binayaran. Naghahanapbuhay lang ang mga iyon, hindi natin masisisi. Si Sophia ang dapat na makulong. Nagtake advantage siya sa kahirapan ng mga taong iyon at ginamit para sa atin.”

“Eh...” ang nasagot ko na lang. Tama rin naman siya. Si Sophia ang may kagagawan ng lahat.

“O, hindi mo kayang ipakulong si Sophia?”

Hindi na ako nakasagot.

“Igan... kalimutan na natin sila. Huwag tayong maghiganti sa kanila. Kung maghiganti man tayo, kay Sophia, hindi sa kanila. Dahil sila...” napahinto uli siya, “Nasasarapan ako sa kanila igan! Grabeh! Best sex of my life silang lima!!!”

“Ikaw talaga Ricky... para kang gago.” Ang nasambit ko na lang.

“Pero seriously Igan, look at the brighter side na lang. Di ba kung hindi nangyari iyon, e hindi lalakas ang loob ko upang pangunahan ang strike. Tingnan mo naman ang resulta. Masaya ang mga ka-trabaho natin.”

“Sabagay...”

“Ako kasi Igan, simula noong na-frustrated ako sa pag-ibig, nasabi ko sa aking sarili na ayoko nang maging malungkot pa ang buhay ko kung maaari. Ayoko nang magdusa. Bakla na nga ako, tapos, magiging bugnutin pa. Huwag na. Gusto ko na lang i-enjoy ang buhay. Gawin ang kung ano man ang ikaliligaya ko, at kung may maitulong man akong ikaliligaya rin ng iba, lalo na ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan, gagawin ko. Para happy rin sila, happy ang lahat. Di ba?”

“Sabagay, may tama ka...”

“O divah? Kaya kung hindi mo man ma-appreciate ang ginawa nilang pagpapasasa sa iyong inosenteng katawan, isipin mo na lang na napaligaya mo sila – joke” sabay tawa. “Hindi... charge to experince na lang. Ano ba ang purpose ng buhay? Para sa akin? Upang maranasan mo ang lahat ng klaseng experience, lahat ng klaseng emosyon, saya, lungkot, tagumpay, satisfaction, masakit na karanasan, problema... ngunit at the end of the day, tatayo ka pa rin at masasabi sa sariling, kaya ko pala. Matatag pala ako!”

Hindi ko na naman naiwasan ang hindi mapahanga kay Ricky. Ang mga nangyari sa amin ay ginawang biro ngunit may malalim pala siyang prinsipyo at paninidigan. “Oo na... bilib na ako sa iyo” ang nasabi ko na lang. Totoo naman kasi.

“Alam mo igan... matalino ka lang sa school. Pero talo pa rin kita sa ganda!”

At sabay na lang kaming nagtawanan.

“Nasaan na pala ang ibinigay kong bracelet sa iyo?” ang tanong ni Marlon noong nagkita muli kami sa videoke bar na iyon at napansin niya na wala sa aking kamay ang ibinigay niyang bracelet.

Nabigla man ngunit nag-alibi na lang ako. “Eh... itinago ko yak. Baka kasi mawala eh.”

“Ah ok...” sagot naman niya. Sa tingnin ko naman ay naniwala siya. Kapag sinabi ko kasing nawala iyon, sigurado, marami siyang tanong. At madagdagan pa ang marami nang kasinungalingang nasabi ko sa kanya. Kaya, inilihim ko ang nangyari.

Ganoon pa rin siya sa akin, sobrang sweet at pinapanindigan talaga ang pagiging kuya niya sa akin. “Next week yak... uuwi tayo ha? Gusto ko nang makita ang mga magulang natin. Sabik na sabik na ako yak.” Ang pakisuyo niya.

At bagamat hindi ko alam talaga kung ano ang gagawin o kung saan siya dadalhin, sinagot ko na lang siya ng “Oo” para matahimik.

Ang buong akala ko ay magtuloy-tuloy na kami sa ganoong set-up. Akala ko ay natanggap na nga ni Sophia ang lahat. Ngunit isang araw, pinatawag ako ni Sophia sa kanyang opisina. Syempre, kinabahan na naman ako. Hindi maiwasang magtanong ang utak kung ano na naman ang kanyang ipapagawa.

“Jassim, Dalhin mo nga itong sulat na ito sa ating chef, sa kusina. Urgent lang ito ha?” Ang sabi niya noong nasa loob na ako ng kanyang opisina. Ni hindi man lang ako pinaupo dahil iyon lang pala ang kanyang ipagawa.

Nakahinga naman ako nga maluwag. Dali-dali akong lumabas at pumunta sa kusina upang ibigay kay chef ang sulat. Pagkatapos, bumalik na rin ako agad sa dining, tumulong-tulong sa paglinis ng mga mesa, sa pag-floor mop. Hanggang sa tanghali, nagsikainan na ang aming mga customers.

Punong-puno ng mga customers ang aming restaurant sa oras na iyon. Hindi kami magkandaugaga sa pagkuha sa mga orders. May mga customers pang nasa labas, nakaupo sa holding room ng restaurant, naghintay na may maging bakante.

Kasagsagan ng sobrang pagkaabala. Alas 12:30 ng tanghali iyon, masikip ang restaurant dahil sa dami ng tao, halos hindi namin alam kung sinu-sino ang uunahing customers at nagtatakbo pa kami upang mapabilis lang ang aming serbisyo noong nagulat kami sa sunod-sunod na ingay.

“Urrrrkkkkk! Urrrrrkkkk! Urrrrkkkkk!”

Nagsusuka ang maraming customers, ang iba ay namimilipit sa sakit ng kanilang tiyan, ang iba ay hinimatayin, namumutla at nahirapang huminga.

Nagkagulo ang mga tao. Na-shock ang ibang mga kasamahan namin at ang iba ay hindi alam ang gagawin. At may sumigaw ng, “Food poisoning! Food poisoning! Tulungan ninyo kami!!!”

Syempre, biglang nagsitayuan at nagsilabasan ang aming mga customers, hindi nabayaran ang kanilang mga kinain. Natakot ba na baka nakalulon din sila ng pagkaing nakakasira ng tiyan. Ang iba naman ay nag-uusyuso, ang iba ay nataranta sa sobrang pagkanerbiyos.

Nagsilabasan rin si Marlon at Sophia galing sa kanilang mga opisina habang abala kami sa pag-assist sa mga nagsusuka at hinimatay. Tumawag ng ambulansya ang security guard, habang ang iba naman na may mga sariling drivers at sasakyan ay binuhat namin patungo sa kani-kanilang mga sasakyan upang sila na ang magdala sa ospital.

Wala pang 30 minutos, sunod-sunod nang nagdatingan ang mga ambulansya. Hindi naman magkandaugaga sina Marlon at Sophia sa kanilang gagawin. Umalis din sila, sinundan ang mga ambulansiya. Ngunit bago pa man sila umalis, binigyan kami ng instruction na huwag magsalita sa mga media o kahit kanino na magtatanong. Hintayin na lang daw sila.

Sa pagkabilang ko, may mahigit 20 ka tao ang nagsuka, at may 20 rin ka taong hinimatay, nahihilo at namumutla.

Noong kami na lang ang naiwan, ang lahat ng aming mga mata ay nakatutok sa mga taga-kitchen. Syempre, sa kanila nanggaling ang mga pagkain. Sila-sila lang ang naghanda, ang gumagalaw sa loob ng kusina, maliban na lang kung may ibang pumasok doon.

Dahil nag-umpukan na lang kaming lahat sa loob ng restaurant na parang mga basang sisiw, tinanong ni Ricky ang mga taga-kusina na nasa isang sulok din, halos tulala at namumutla sa takot. “Ano ba ang nangyari? Bakit nagkaganoon?” Tanong ni Ricky.

“W-wala namang kakaiba sa aming ginawa eh. Kagaya lang ng ibang mga araw.” Sagot naman ng chef.

“Wala bang ibang mga ingredients kayong nabili, o mga sahog na bago o galing sa bagong suppliers?”

“Wala eh...”

“Wala bang nakapasok na ibang tao sa kusina, taga-labas, hindi kakilala?”

Nag-isip sandali ang chef. “S-sa pagkakalam ko ay wala naman.”

“Kung ganoon, paano nangyari iyon?”

Maya-maya, dumating na si Sophia. Hindi niya kasama si Marlon. Maaring nagpaiwan sa ospital kung saan naroon ang mga nabiktima, baka inasikaso ang mga kalagayan, inaassure na pananagutan ng kumpanya ang nangyari at hindi sila pababayaan.

Ngunit doon kaming lahat nagulat sa pagdala niya ng mga pulis.

“Hayan!” turo ni Sophia sa aking kinaroroonan, sumisigaw, nanlilisik ang mga mata, galit na galit. “Iyan ang naglagay ng lason sa kusina! Ikulong niyo po siya!”

Sa pagkagulat, nilingon ko ang taong nasa aking likuran.

Ngunit sumigaw uli siya. “Ikaw! Ikawwwwwww! Ikaw na nasa harap!”

At napansin kong nakatingin na sa akin ang lahat ng aming mga kasamahan. “A-ako???” turo ko sa aking sarili, hindi makapaniwala sa pagturo ni Sophia sa akin. “B-bakit ako???” ang tanong ko.

Ngunit nilapitan na ako ng mga pulis, pinosasan at kinaladkad na patungo sa kanilang sasakyan.

“Bakit ako??? Bakit akooooo?” ang sigaw ko.

Takbo naman si Ricky, hinabol ako. “Mamang pulis... wala po siyang kasalanan. Kilala ko po siya. Mabait po iyan, wala siyang kinalaman dito.”

“Sa prisinto na lang siya magpaliwanag.”  Ang sambit ng pulis.

“Please po... pakawalan po ninyo siya. Wala po siyang kasalanan.”

“Kung gusto mo, sumama ka na rin.” Sambit ng pulis.

Wala nang nagawa pa si Ricky kundi ang sumama sa amin. “Igan... huwag kang magsalita ha kung wala ka pang abugado. Dapat, lahat ng mga sasabihin mo ay may basbas ng abugado.”

“Wala akong kasalanan Ricky...” ang sambit ko habang nakaupo na ako sa likod likurang upuan ng police patrol at katabi si Ricky.

“Alam ko. May number ka ba kay Sir Marlon? Tatawagan ko siya.” Sambit ni Ricky

“N-nasa bulsa ko ang cp ko. Hugutin mo na lang”

Hinugot ni Ricky ang cp ko atsaka hinanap ang pangalan ni Marlon sa listahan ng mga contact.

”Yak” ang name... sambit ko uli

“Got it...”

Halos magkasabay ang pagdating ng aming sinakyang police patrol sa pagdating din ni Marlon sa prisinto. Sinabihan kasi siya ni Ricky kung saang prisinto kami dadalhin at natumbok iyon kaagad ni Marlon.

“Ako po si Marlon Ibanez, ang manager ng MCJ restaurant...” ang pagpapakilala ni Marlon sa mga pulis. At baling sa akin, “Bakit ka ba inakusahan ni Sophia na ikaw ang dahilan ng food poisoning?” ang tanong kaagad ni Marlon sa akin.

“E-ewan ko.”

“Ang sabi ni Sophia sa amin, pumasok daw ito sa kusina na wala namang kinalaman sa trabaho niya.” ang pagsingit naman ng pulis.

“Totoo ba yak?” tanong ni Marlon, nilingon ako.

“Hindi totoo iyan!” ang matigas kong sagot.

“Paano ka napagbintangan ni Sophia?”

“Ang alam ko, inutusan niya ako na dalhin ang sulat niya para sa chef. May sulat siya sa chef eh. Ngunit hindi ako nakapasok sa kusina kasi noong bubuksan ko na sana ang pinto nito, siya namang paglabas din ni Albert, iyong cook natin kung kaya nakisuyo ako sa kanya na iabot na lang kay chef ang sulat. Hindi ako nakapasok doon. At ayaw ko ring pumasok talaga doon dahil ayokong mangamoy ang aking uniporme. Nasa dining kaya ako naassign.”

Tiningnan ni Marlon ang mga pulis. “May matibay ba kayong ebidensya na siya nga ang may kagagawan ng lahat? May testigo ba kayo na makapagpatunay na kahit pumasok man lang sa kusina itong taong ikukulong ninyo?”

Hindi nakakibo ang mga pulis.

“Puwede ko po kayong i-reklamo ng arbitrary arrest and detention sa ginawa ninyo kung itutuloy ninyo ang pagpapakulong sa kanya. Matinink ang abugado naming, kayang-kaya kayong ipatanggal sa serbisyo.”

Nagkatinginan ang mga pulis. “Eh... ang sabi kasi ni Ma’am Sophia ay may ebidensya siya kung kaya naniwala naman kami.”

“Nasaan?”

Tahimik.

“Pakawalan ninyo po siya Sir. Wala pa pong kasong naisampa sa kanya at lalong wala po kayong hawak na matibay na ebidensyang magpapatunay na may kasalanan nga itong taong gusto ninyong ikulong.”

Kaya wala nang nagawa ang mga otoridad kundi ang pakawalan ako.

Tuwang-tuwa naman kami ni Ricky. At biniro pa ni Ricky si Marlon na kahit pala walang abugado, matinik pala siya.

Bumalik kami sa restaurant. At dahil may klase pa, dumeretso na lang muna kami ni Ricky sa eskuwelahan. Nanggalaiti si Ricky sa galit sa ginawa ni Sophia.

Kinabukasan, napag-alaman namin na pansamantalang isinara ang restaurant dahil sa nangyari. At may isinagawa ring imbestigasyon tungkol dito. At ang magandang balita, ligtas na ang mga nabiktima ng food poisoning. Kung kaya nakahnga kami nang maluwag. Bagamat may mga kaso pa raw na ina-anticipate ang restaurant ngunit ang sabi naman ni Marlon ay mga damyos na lang hinihingi ng mga biktima kung kaya ay puwede na raw na ang abugado na lang ang haharap doon. Ang hinihintay na lang nila ay ang resulta sa imbistigasyon kung paano nagkaroon ng food poisoning; kung inside job ba ito, may nagsabotaheng kakumpetensya ng restaurant, o may iba pang anggulo na hindi pa masagot.

At ako, tuluyan nang tinanggal bilang suspect dahil nakita naman sa camera na hindi talaga ako pumasok; na naroon lagn ako sa labas ng pintuan. Pinatutuhanan pa ito ni Albert, iyong cook na siyang nagbigay ng sulat ni Sophia kay chef.

Gusto mang awayin ni Ricky si Sophia ngunit pinayuhan namin na huwag nang palakihin pa ang issue dahil hindi naman ako natuloy sa pagiging suspect. Pinayuhan rin siya naming na huwag nang mag-agitate ng strike dahil sa kabuuan, maganda na ang nangyari sa restaurant. At isa pa, may kasalukuyang problema ito sa mga customers kung kaya, ang sabi ng mga kasamahan namin ay “Ibalato na lang kay Sir Marlon iyon.”

At pumayag naman si Ricky. Kung kaya, nakahinga rin ako nang maluwag.

Dahil walang pasok, med’yo maluwag ang aking schedule. At nagkataon pang Sabado iyon kung kaya ay bigla kong naisipang umuwi sa aming bayan. Dali-dali akong nagpaalam kay Ricky; ngunit hindi kay Marlon. Ayokong maisipan niyang sumama at makita ang tunay kong pamilya. Baka magalit siya kapag nalamang nagsinungaling ako sa kanya. Sa balak kong pag-uwi kasi ay hahanapin ko ang mga larawan namin ni James. Gusto kong ipakita iyon kay Marlon.

Nasa loob na ako ng bus noon, nakapwesto na nang maayos sa isang upuang walang katabi at inihanda na ang sarili sa malayong paglalakbay. Nakasandal ang aking ulo sa backrest ng upuan at nakapikit pa ang aking mga mata noong biglang may narinig akong tumawag sa aking pangalan. “Jassim!”

Bigla akong napalingon sa aking likuran kung saan nanggaling ang boses.

Si Marlon! At tila hinahanap niya ako.

Dali-dali akong sumandal sa backrest ng upuan, nagtakip ng mukha at nagkunyaring natulog. Ngunit sa paghahanap niya, nakita pa rin niya ako. “Yak! Sabi ko na nga bang nandito ka lang eh.” Sabay tanggal niya sa panyong nakatakip sa aking mukha.

“B-bakit ka nandito?” ang sagot ko, nagkunyaring kagigising ko lang.

“Sabi ni Ricky na uuwi ka raw at nandito ka na sa bus terminal. Sama ako yak please...” sambit niya na parang isang batang nagmamakaawang isama.

“Eh... s-sa mga pinsan ko ako pupunta eh!” ang pag-aalibi ko.

“Ok lang. Puntahan natin ang mga pinsan natin, at mga tita at tito!”

“Nalintikan na!” sigaw ko sa sarili. “P-paano ang restaurant. May mga imbestigasyon pa sa kaso. Si Sophia baka hanapin ka?” ang palusot ko.

“Ok lang ang restaurant. Ang kaso nandoon naman si Sophia eh. At si Sophia, nagpaalam na ako na sa isang branch ako bibisita...”

Napakamot na lang ako ng ulo. Alangan namang sabihin kong huwag na lang akong tumuloy. “Pahamak pala itong si Ricky!” sa iisp ko lang. “Eh... s-sige. K-kung may ticket ka na, umupo ka na d’yan.” Sagot ko na lang.

“Hindi dito...”

Nagulat naman ako. Akala ko, lilipat kami ng upuan. “Ha? Saan?”

Itinuro niya ang bintana. “D’yan.”

Sinilip ko ang labas. “Sa k-kotse mo?”

“Oo. Bakit pa tayo mag bus kung may kotse naman, di ba?”

“M-may ticket na ako para dito eh.”

“Problema ba yan!” sambit niya sabay dukot sa kanyang wallet. “Magkano ba iyan?”

“Bakit?”

“I-refund ko.”

Natawa na lang ako. Kaya wala nang nagawa ang lola niyo kundi ang lumipat sa kanyang kotse. At bago kami umalis, nagbaon pa kami ng maraming pagkain, mga kailangang personal na gamit. Bumili rin siya ng mga pasalubong daw para sa mga pinsan namin, mga sweets, mga de latang ulam, mga t-shirts at kung anu-ano pa. Syempre, may kaba akong nadarama... kung paano ang gagawin kong pag-aalibi kapag narating na namin ang bahay ko.

“Bahala na!” Sigaw ng utak ko. “Sabi nga ni Ricky na i-enjoy raw ang buhay. O di i-enjoy! Problema ba yan!”

Habang umaandar ang kanyang kotse, isinandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat. Parang wala lang akong problemang haharapin sa pagdating namin sa aming lugar. Basta, ini-enjoy ko lang ang sandalingkasama ko siya...

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment