Tuesday, December 25, 2012

Bittersweet (01)

by: Zildjian

Maingay, puno ng usok, nagsisisiksikan ang mga tao. Ganito palagi ang bar kung saan nagtra-trabaho si Andy tuwing araw ng sabado. At isa siya sa mga dahilan kung bakit gano’n na lang kasikat ang bar na iyon sa naturang siyudad.

“Wala ka talagang kupas. Sa lahat ng mga baristang nakilala ko, ikaw ang ang pinaka-cute at pinakamasarap gumawa ng inumin.” Ani ng isa sa mga babaeng nakaupo sa kanyang teritoryo sa bar na iyon – ang bar counter.


“I will agree on that. The reason why we always wanted to hang-out here is because of your notorious drinks and your notorious look.” Pagsang-ayon naman ng isa na sinang-ayunan  naman ng mga kasama nito.

Isang napakatamis na ngiti ang ibinalik niya sa mga papuri at lantarang pagfli-flirt ng mga ito sa kanya. Di na bago para kay Andy ang mga ganitong papuri at pagpapa-cute ng mga costumers sa tuwing matitikman ng mga ito ang mga likha niyang inumin. He was one of the reason kung bakit biglaang sikat ang bar na iyon. Dahil sa kanyang kakaiba at hindi matatawarang talento sa paggawa ng mga inuming nakakalasing.

“May girlfriend ka na ba Mr. Barista?” Ang lalasing-lasing na wika naman ng isa.

Mula sa ginagawang pagpupunas sa mga shot glass ay nabaling ang tingin niya rito at binigyan ito ng isang alanganing ngiti.

“Wala pa ma’am.”

“Really?” Ang tila naman na-excite na wika nito. “I haven’t had a boyfriend who’s good in making drinks, gusto mo bang i-try maging boyfriend ko?”

“Bongga!” Ang sabay-sabay na wika ng mga kasama nito at nagbungisngisan pa.

Nginitian na lamang niya ang mga ito at nagkunyaring walang narinig. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong uri ng kapraningan sa loob ng bar na iyon. Uso doon ang tinatawag ng ilan na indecent proposal.

Mukhang napansin naman ng isa sa mga babae ang ginawa niyang pag-iwas sa proposal ng kasama nito.

“Hindi ka ‘ata type ni Mr. Barista, Mae.” Turan nito saka siya binalingan. “Baka ako ang type mo, magsabi ka lang at hindi ako mahirap kausap.”

“Ako rin!” Singit naman ng isa na sinabayan naman ng mga kasama nito.

Ngumiti na lamang siya sa mga ito kahit pa man sa loob-loob niya ay gusto na niyang humagalpak ng tawa. Iba na talaga ang panahon ngayon, tapos na ang Maria Clara age at hindi na uso na ang mga lalaki ang unang lumalapit sa babae.

“Can I have you tonight?” Biglang singit ng isang lalaki na dahilan para mapalingon ang mga babaeng pinagpyepyestahan siya.

It was his friend Jasper. Bagama’t nabigla sa biglaang pagsulpot ng isa sa kanyang mga kaibigan na may katagalan na niyang hindi nakikita ay hindi niya iyon ipinahalata sa halip ay nginisihan pa niya ito.

“Are you referring to me handsome?” Ang malanding wika ng isa sa mga babae dito.

“Oh, no sorry. I was referring to the person inside the bar counter.”

Lihim siyang napahagikhik.

Nakataas ang mga kilay ng mga babae nang muling bumaling ang mga ito sa kanya. Siya naman ay pilit na ibinalik sa normal ang ekspresyon ng kanyang mukha subalit hindi niya iyon nagawa ng tama dahil sa kalokohan ng kanyang kaibigan.

“Oh, great!” Bulalas ng isa sa mga ito na nagngangalang Mae at eksaharada pa nitong iwinagayway ang hawak na baso. “Now I know why he doesn’t have interest on us, because he’s one of those guys who also like guys.”

Hindi na niya napigilang tuluyang magpakawala ng pilyong ngiti. Kahit kailan ay hindi niya ikinahihiya sa iba ang kanyang seksuwalidad. Para sa kanya, mas mabuti na ang magpakatotoo para na rin makaiwas sa mga katulad ng mga ito dahil kahit pa man tanggap na niyang hindi talaga siya full pledge na kalahi ni Adan, hindi parin niya maiwasang hindi matukso sa mga kalahi ni Eba.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa counter chair ang isa sa mga babae saka hinarap ang kanyang kaibigang hanggang sa mga oras na iyon ay nakaplastar pa rin ang nakakagagong ngiti.

“Here, take my seat para naman makapaglandian kayo nitong si Mr. Barista.”

“Thank you.” Malokong wika nito saka walang pag-aalinlangan na naupo.

Napailing na lamang siya sa lakas ng trip ng kaibigan. Sanay na siya rito na basta-basta na lamang sumusulpot na parang kabute at sa power-trip nito.

“Can I have your order Sir Jasper?” Nakangiti niyang tanong dito na sinadyang tawagin ito sa tunay na pangalan at hindi na muling binigyan pa ng pansin ang mga babaeng sa mga oras na iyon ay sa kanilang dalawa na nakatingin na para bang gustong masaksihan kung papaano sila maglalandian ng kanyang BOYFRIEND.

“Give me the best mixed drink that you can make.” Ang tila naman naghahamong tugon nito na nilakipan pa ng isang kindat.

Narinig niya kung papaano mapasinghap ang mga babaeng nanunuod sa kanilang dalawa at hindi niya maiwasang lihim na mapahagikhik.

Sinimulan na niyang paghulo-haluin ang mga matatapang na inumin sa counter na iyon sa harap mismo ng mga costumer niya. Sa bawat galaw ng kanyang mga kamay at sa bawat pagpapakita niya ng iba’t ibang stunt ng paghahalo ay hindi maiwasang mapabilib ang mga tao na nasa loob ng bar. Kahit ang mga ilan na malayo sa bar counter ay napalapit para lamang makita ang kanyang napakagandang performance.

“Done!” nakangiti niyang sabi and he gracefully filled the shot glass with his new created drink.

Napuno ng palakpakan ang buong bar na iyon na nilakipan pa ng pagsipol ng ilang kalalakihan sa sobrang pagkabilib sa kanya. Isang rason kung bakit hindi siya mabitaw-bitawan ng may-ari ng bar na iyon.

“I’m impressed.” Nakangising wika ni Jasper. “Ano naman ngayon ang tawag mo sa inuming ito?”

“Night wrecker.” Ang nagbibiro niyang tugon na ikinatawa nang mga nakarinig kasama na doon ang mga babaeng kanina lang ay nagfli-flirt sa kanya. Mukhang nakalimutan na ng mga ito ang naramdamang pagkadismaya nang malaman ang tunay niyang seksuwalidad.

Sumimsim ito ng kanyang ginawang inumin at muli itong napangiti.

“Walang kupas, ikaw pa rin ang pinaka the best bartista dito, Andy.” Usal nito. “By the way, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa’yo kanina.”

“Alam ko na yan .” Ang nagyayayabang niya namang tugon. “Anong tanong ba iyon?”

“If I can have you tonight.” May pang-aakit nitong pag-uulit.

Bagama’t hindi niya pinahalata ay medyo nag-alangan siya kung pauunlakan ba niya ang imbestasyon nito pero gusto rin niyang muling makausap ito at makamusta.

“Wag ka nang tumangi. Go na!” Singit ng isa sa mga babae.

“Yeah, go for gold! Best barista like you deserves to be laid tonight. Di ba girls?” Malokong gatong naman ng isa na nilakipan pa nito ng pagtaas ng hawak nitong baso at nakipag-cheer sa mga kasama.

Napahagikhik na lamang silang dalawa ni Jasper at pasimple niya itong kinindatan tanda ng kanyang pagsang-ayon.

Alas-kuwatro ng madaling araw ng tahakin nila Andy ang daan papunta sa bahay kung saan ayon pa rito ay mag-isa lang itong naninirahan doon. Panaka-naka niya itong pinagmamasdan habang nagmamaneho at hindi niya parin mapigilan ang mapahanga rito.

Ilang taon na ba silang ganito? Nasa kolehiyo pa lamang siya nang makilala niya ang mga ito at doon nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Subalit, taliwas sa iba pa nilang kaibigan, ang samahan nila ni Jasper ay kakaiba. Oo, kakaiba ito sa pinaka-kakaiba at hindi niya maiwasang mapailing sa tuwing mabibigyan niya ng pansin ang kanilang turingan.

“Bakit ka napapailing diyan?” Kapagkuwan ay tanong nito. “Kamusta ka na Andy? Na-miss mo ba ako?”

Mataman niya itong tinitigan. Wala pa ring pagbabago sa hitsura nito. Tulad ng dati, guwapo at matikas pa rin ito. At naroon pa rin ang kakaibang confidence na una na niyang nagustohan dito.

“Papaano mo nalamang nandito ako sa teretoryo niyo?” Sa halip ay balik pagtatanong niya.

“Kay Miles.” Pagbangit nito sa isa pa nilang kaibigan. “Siya ang nagsabi sa akin na nandito ka nga raw at kasalukuyang nagtra-trabaho.

“Pambihira talaga iyon.” Naibulalas niya.

Iniwan nito ang tingin mula sa binabaybay na kalsada saka bumaling sa kanya.

“Bakit, ayaw mo bang makita ako? It’s been a while Andy.” Wika nito na sinamahan pa ng isang pilyong ngiti.

Namula naman siya. Sa mga kaibigan niya, ito ang pinaka-unang nakaalam sa tunay niyang seksuwalidad at iyon ay dahil sa isang pangyayari nang magkalasingan sila. At doon nagsimula ang kakaiba nilang turingan sa isa’t isa.

“Yeah, it has been a while.” Wala sa sarili niyang turan.

Tumango-tango ito.

“Ibig bang sabihin ng pagsama mo ulit ngayon sa akin ay hanggang ngayon, wala ka pa ring karelasyon?” Kaswal ang dating ng pagkakatanong nito sa kanya subalit sa di malamang dahilan, nakaramdam siya ng kirot na agad naman niyang pinalis.

Binigyan niya ito ng malokong ngisi. Ngising nagtatago sa tunay niyang nararamdaman na lagi niyang ginagawa. Siya ang tipo ng taong hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga negatibong damdamin na sumakop sa kanya.

“Kapag sinabi ko bang oo, ay sasaluhin mo ako?” Pabiro niyang pagbabalik tanong.

Natawa ito. At sa puntong iyon nakuha na niya ang sagot.

Same old Jasper.

“Sa susunod ‘wag kang magtatanong ng mga imposibleng bagay ha.” Wika niya at binato ito ng nilamukos niyang kaha ng sigarilyo at sabay silang nagkatawanan.

“Wala ka pa ring pagbabago, ikaw pa rin ang pinakamagulong tao na nakilala ko.” Tatawa-tawa nitong wika.

“That’s what made me special.” Tila proud naman niyang sabi na sinamahan pa niya ng paghagikhik.

Dumating sila sa bahay nito. Tulad ng huli niyang punta roon ay walang masyadong nagbago mailman sa matatas na damo sa garden nito. Kailan ba siya huling napunta niya sa bahay na iyon? That was three years  ago at pare-pareho pa silang nag-aaral sa panahong iyon.

Memories suddenly flooded in him. Dito mismo sa bahay na ito nangyari ang hindi dapat nangyayari sa mga magkakaibigan na ilang ulit pang nasundan. Every corner of the house reminded him of the past. Noong mga panahon na nagwawala pa siya.

“Senti mode?” Nakangiting basag sa kanya nito.

Napangiti na rin siya rito.

“Kailan ka pa nakabalik, Toper?”

Napataas ito ng kilay na ipinagtaka niya.

“Oh, bakit?”

“Hindi mo parin pala nakakalimutan iyang palayaw kong ‘yan. Last week lang ako nakabalik.”

“Bakit ka bumalik?” Nakangising tanong niya.

Nagkibit balikat ito.

“For a change. Tara sa kusina may beers ako sa ref.”

Sa kusina ay hinayaan niyang ito ang gumalaw habang siya ay mataman lang na pinagmamasdan ito habang binubuksan nito ang dalawang bote ng beer. Alam niyang may matinding dahilan kung bakit ito nagbalik. May katagalan na rin nang umalis ang mga ito kasama ang pamilya upang mag-migrate sa ibang bansa dahil naroon ang trabaho ng mama nito na isang head nurse sa isa sa mga hospital doon.

Nang maiabot nito sa kanya ang inumin ay naupo na rin ito paharap sa kanya.

“So, tuluyan mo na pa lang tinakasan ang pamilya mo. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nila tanggap ang napili mong buhay?”

“Masyado naman yatang brutal ang napili mong salita. Hindi ako tumatakas at lalong hindi ko kailangan na tanggapin nila ako. Gusto ko lang na mapag-isa at i-enjoy ang buhay ko.”

“Talaga lang ha.” Wika nito kasabay ng pagtunga ng alak. “Ano pala itong naririnig ko na may pinagdaraanan ka raw ngayon?”

“Pinagdaraanan?”

“It seems someone already caught your attention. Ayon kina Miles, may natitipuhan ka na raw ngayon. Dapat na ba akong magselos?”

Natawa siya. Ngayon, naniniwala na talaga siya na mas tsismoso ang mga lalake kumpara sa mga babae.

“Wala talagang kupas pagdating sa katsismosohan ang mga iyon, noh?”

“Sinabi mo pa.” Nakangisi rin nitong tugon. “So, who’s this lucky guy?”

Doon lang niya muling naalala ang lalaking pumukaw ng kanyang interes. Ang lalaking naging hobby na ang bigyan siya ng mga papuri sa tuwing dadayo ito sa bar nila.

“Wala na iyon.” Wala sa sarili niyang tugon. “Masaya na siya ngayon sa buhay niya.”

Mataman siya nitong tinitigan na para bang may kung ano itong inaarok.

“’Wag mo akong titigan ng ganyan Toper at baka maibato ko sa’yo itong boteng hawak ko.”

Taliwas sa kanyang inaasahan na tatawa ito at gaganti ng biro ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Ang sumunod na nangyari ay naramdaman na lamang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang labi.

“Na-miss kita Andy.” Usal nito ng maghiwalay ang kanilang mga labi. “Na-miss ko lahat sa’yo.” At muli nitong pinaghinang ang kanilang mga labi.

Dama niya ang bawat paggalaw ng labi nito na malugod naman niyang tinutugon. Hindi niya maintindihan ang sarili, hanggang ngayon ay nawawala pa rin siya sa huwisyo sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.

Fubu, fucking buddy. Ilan lang yan sa mga pang-aasar na tawag ng mga kaibigan nila sa uri ng relasyon meron silang dalawa. Alam ng lahat sa barkadahan nila ang kakaibang pagkakaibigan na meron sila nito. Ito ang kanyang una at tanging lalaking pinayagan niyang angkinin siya ng buo.

Pero syempre hindi lamang libog o pagnanasa ang meron siya para rito sa tuwing magniniig sila, because the man he was kissing right now was also the same man he once used to love. Subalit, hindi magkatulad ang damdamin nila para sa isa’t isa dahil may nagmamay-ari na ng puso nito at hindi siya iyon.

Sa umpisa pa lang, alam niyang mali itong ginagawa nila subalit kahit anong pagpipigil niya na hindi magpadala rito ay palagi lamang siyang nabibigo. Maybe because of the fact na may damdamin siya para sa taong nangangailangan sa kanya.

Oo, pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa kadahilanang may nasasaktan siya sa tuwing magtatalik sila nito. Subalit mali bang pagbigyan niya rin ang sarili niyang pangangailangan tulad ng pagbibigay niya sa tuwing mangangailangan ito sa kanya?

“Let’s go to my room.” Wika nito na tinanguan naman niya.

Nang marating nila ang silid nito ay nagmamadali itong nagtanggal ng damit. Revealing to him Jasper’s well built body. Hindi niya maiwasang hindi humanga rito nang muli niyang masilayan ang katawan nito na halos ilang taon na niyang di nakita na naging sanhi ng pagkatulala niya. Kung hindi pa ito gumalaw upang tanggalin ang kanyang damit ay hindi pa siya matatauhan.

He can see the need in Jasper’s eyes. Hindi na ito bago sa kanya dahil noon pa man, ito na lagi ang nakikita niya sa mga mata nito sa tuwing magtatalik sila. Ngunit may nagbago na ngayon, wala na ang kirot na nararamdaman niya sa tuwing isang matinding pangangailangan lamang ang nakikita niya sa mga mata nito. Siguro, tuluyan na nga niyang nakalimutan ang damdamin para dito at ngayon, masasabi na niyang pareho na sila ng nararamdaman at iyon ay tawag ng laman.

Unang nagmulat ng mata si Andy. Mataas na ang sikat ng araw at nang tumingin siya sa kanyang relo ay pasado alas-dose na ng tanghali. Binalingan niya ang katabing hanggang sa mga oras na iyon ay mahimbing pa ring natutulog.

Mataman niya itong tinitigan at ngayong humupa na ang matinding tawag ng kanyang laman ay hindi niya maiwasang makonsensiya. Alam niya sa kanyang sarili na dapat ay hindi na niya pinagbibigyan ito. Dahil may masasaktan siyang tao at iyon ay ang kasintahan nito na nasisiguro niyang siya’ng dahilan sa biglaang pagbabalik bansa nito.

Napabuntong hininga na lamang siya at maingat na tumayo. Isa-isa niyang pinulot sa sahig ang nagkalat niyang saplot at isa-isa itong muling sinuot.

Katatapos pa lamang niyang ma-i-zipper ang kanyang pantalon nang magmulat ng mata si Jasper. Pupungas-pungas itong napaupo sa kama.

“Aalis ka na naman ba tulad ng dati na hindi man lang nagpapaalam sa akin Andy?” Seryosong wika nito.

“Ayaw lang kitang maisturbo sa pagtulog mo.” Nakangiti niyang tugon.

“Stop giving me that fake smile. Alam mong hindi iyan bebenta sa akin.” Ang tila galit nitong sabi.

Napabuntong hininga siya. Ito nga pala ang isa sa mga taong nakakakita sa tunay niyang nararamdaman at iyon ang dahilan kung bakit agad siyang umaalis sa tuwing matatapos silang magtalik noon. Dahil ayaw niyang makita nito ang sakit at pait sa mga mata niya.

“Hanggang ngayon ba ––”

“Drop it. Matagal ko nang kinalimutan ang lahat Jasper.”

“Kung gano’n bakit hindi ka makatingin ng diretso sa akin?”

“Dahil hanggang ngayon, mali pa rin itong ginagawa natin.” May diin niyang sabi. “May girlfriend kang tao Jasper, dapat siya ang katabi at kasiping mo sa gabi at hindi ako.”

“Bago yata iyan ngayon Andy. Hindi nga ba’t noon pa man ginagawa na natin ito? Bago pa lang kami ni Ivy, ginagawa na natin ito ng madalas dito sa bahay at dito mismo sa kamang ito.”

“Iba noon, iba ngayon.”

“At ano ang pinagkaibihan?” Ang tila naghahamon nitong sabi.

“Dahil ngayon, nakikita ko na ang mga bagay na hindi ko nakikita noon nang sobra-sobra kitang minahal.”

“Andy…”

“Magkaibigan tayo Jasper, at dapat hanggang doon lang ang turingan natin. Tigilan na natin ito, ayaw kong makasakit ng tao sa bandang huli at higit sa lahat, ayaw na ayaw ko sa pakiramdam na nasasaktan ako na hindi ko maiiwasan kung patuloy nating gagawin ito.”

Agad niyang tinungo ang pintuan ng silid nito kahit pa man hindi pa niya naisusuot ang kanyang damit at walang lingong-likod na umalis.

Imbes na sa apartment niya tumuloy ay naisip ni Andy na maglakad-lakad na lang muna sa mall para makapag-isip-isip. Ito ang nakasanayan niyang gawin tuwing may mga bagay na gumugulo sa kanyang isip.

Inaliw niya ang kanyang sarili para tuluyang makalimutan ang nangyari sa kanila ng isa sa mga kaibigan niya sapagkat ayaw niyang magpaapekto at magpadala sa kanyang emosyon. Nadala na siya noon, no’ng mga panahon na mahina pa siya.

Habang abala sa pagtingin-tingin ng mga damit ay isang pamilyar na tao ang kanyang napansin. Sinundan pa niya ito ng tingin para lamang masiguro kong hindi ba siya linilinlang lamang ng kanyang mga mata ngunit hanggang sa mawala na lang sa paningin niya ay hindi niya nasiguro kong iyon nga ang taong iniisip niya.

Siya ba ‘yon? Bakit parang ang laki naman ng ipinagbago niya?  Ang hindi niya maiwasang maitanong sa kanyang sarili.

Itutuloy. . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment