Tuesday, December 25, 2012

Bittersweet (12)

by: Zildjian

“Was it just me?” Ang pabulong na tanong sa kanya ni Nhad habang magkasabay silang kumukuha ng pagkain sa mahabang buffet table.

“Huh? Bakit?” Takang tanong naman niya rito.

“Normal na lang ba talaga sa mga kaibigan ng ate mo ang mga katulad nila?” Ani nito sa mahina pa ring tinig sabay pasimpleng sinipat ang mesa kung nasaan nakaupo ang mga kaibigan ng kanyang kapatid.


Dala ng kyuryusidad ay napalingon na rin siya sa mga ito at doon niya nakita na sa kanilang dalawa rin nakatuon ang mga mata ng mga ito. Kita niya kung papaano gumuhit ang ngisi ang mga kaibigan ng kanyang kapatid na ngayon ay mga kumare at kumpare na nito.

Agad siyang nagbawi ng tingin. Kung ang mga kaibigan niya ay nuknukan ng baliw, itong mga kaibigan naman ng ate niya ang mga master sa kabaliwan kaya alam na niya kung ano ang mga nasa isip ng mga ito.

Mukhang mali ang pagdadala ko sa kanya dito. Naiwika niya sa kanyang sarili patukoy kay Nhad.

“I mean, tulad ng kuya Ace at kuya Rome mo.” Pagpapatuloy pa nito.

Hindi niya maiwasang mapatingin rito na sa mga oras na iyon ay sa grupo pa rin ng ate niya nakatingin. Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala sa nakikita subalit hindi rin nakatakas sa kanya ang inggit na nagkukubli sa mga mata nito at nasisiguro niya kung para saan iyon.

“Huwag mo silang kainggitan Nhad.” Ang naiwika niya dahilan para mapabaling ito sa kanya. “Marami rin silang mga pinagdaanan noon bago sila humantong sa nakikita mo ngayon. At oo, normal na sa kanilang magkakabarkada ang ganyang relasyon. Tanggap nila ang isa’t isa. Ganyan ka solid ang samahan nila.” Mahaba niyang wika.

Ngumiti ito sa kanya. Ang ngiting palaging nagpapalakas ng kabog ng kanyang puso.

“Iba ka talaga, pati ‘yon napansin mo sa akin. Well, tulad nila ay ginusto ko rin ang maging masaya sa piling ng taong mahal ko. And seeing how contented they are with their partners beside them, I can’t help myself not to envy them.” Seryoso nitong wika.

Muli siyang napatingin sa grupong tinutukoy nito. At doon niya napagtanto na hindi nga imposibleng kainggitan ang mga ito ng mga katulad nilang wala ng ibang ninais kung hindi ang maranasan ang maging maligaya sa piling ng taong gusto nila.

“Tama ka, nakakainggit nga sila.” Pagsangayon naman niya sa sinabi nito.  “Pero wala tayong patutunguhan kung iyon ang paiiralin natin di ba? Kaya, imbes na mainggit tayo, gawin na lang natin silang inspirasyon na p’wedi rin tayong maging masaya sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Dahil nandiyan sila na magpapatotoo na walang pinipiling sekswalidad ang totoong pagmamahal.” Ang mahaba niyang naiwika na sa mga ito pa rin na katingin.

“Ang haba ng sinabi mo, ah.” Ang wika naman nito dahilan para mapabaling siya rito. Kita niya na malapad na ang ngisi nito at wala na rin ang kaninang nagkukubling negatibong emosyon sa mga mata nito. “But you’re right, I’m glad na nakilala kita. Ikaw ang nagpapaalala sa akin sa mga bagay na nakalimutan ko dala ng pagkabigo ko. You really are my cure, Andy.”

Syempre pinamulhan siya sa mga huling salitang binitiwan nito at hindi niya napigilan ang makadama ng kiliti pero hindi niya iyon pinahalata dito. Sa halip, pabiro niya itong sinutok sa braso.

“Binanatan mo na naman ako.” Tatawa-tawa niyang sabi kahit pa man ang totoo ay gusto niya nang manginig dala ng sobrang kilig.

“Dahil alam kong kikiligan ka.” Ngingisi-ngisi naman nitong tugon.

“Asa ka pa.”

“Denial! Ayan nga’t halata na ang pamumula mo, eh.” Sabay nanggigil na pinisil nito ang kanyang pisngi.

Dala ng hiya sa pagkabuking nito sa kanya ay agad niyang pinalis ang kamay nito at binalingan muli ang mga nakahilirang ulan sa mahabang buffet table.

“Puro ka kalokohan. Bilisan na nga natin ang pagkuha ng pagkain at nagugutom na ako.”

“Oi, umiiwas siya.” Ang nanunukso naman nitong wika na nilakipan pa nito ng pabirong pagsiko sa kanyang tagiliran na tinugon lang niya ng isang malokong ngisi sabay binusalan ang bibig nito ng lumpia. Napahagikhik na lamang siya ng hindi ito makaiwas.

“Bad ka.” Ani nito nang sa wakas ay malunok nito ang lumpia.

“Salamat.” Tugon naman niya at nagpakawala ng malokong tawa.

Parehong puno ang platong bumalik sila sa umpukan ng kanyang mga kuya at ate. Ayaw niya sanang sa lamesa ng mga ito umupo subalit napilit siya ng kanyang ate. Hindi naman siya nakahindi dahil batid niyang linalambing lamang siya ng kapatid at alam naman niyang mababait ang mga kaibigan nito na naging malapit na rin sa kanya.

“Mukhang natapos rin ang harutan niyo, ah.” Nakangising buska sa kanya ng kanyang kuya Dave nang makaupo na sila sa mesa ng mga ito.

Kita niya kung papaano ito pasimpleng kinurot sa tagiliran ng katabi nitong kasintahan.

“Igagawa mo kami ng napakasarap na inumin ngayon Andy, ah.” Ani naman ng kanyang ate Tonet. “Ngayon lang ulit ako iinum ng bonggang-bongga at dahil iyon sayo.”

“Susubukan ko po ate.” Napapakamot niya sa ulong naisatinig.

“Ako rin, gusto ko ring matikman ulit ang mga likha mong inumin. At ‘yong paborito ko dapat ang gagawin mo, ah.” Ani naman ng kanyang kuya Red.

“Ako rin.” Pagsali naman ng katabi nitong isa sa pinakasikat at matinik na abogado.

“Ayaw ko sa’yo kuya Dorwin, palagi kang nalalasing kapag pinapatikim kita ng inumin ko. Baka pagalitan ako ni Kuya Red.” Pagbibiro niya naman dito na siyang ikinatawa ng mga kaibigan nito.

“Ang tahimik naman yata ng kasama mo Andy. At hindi mo pa siya pormal na ipinapakilala sa amin.” Pagsingit ng kanyang ate Mina ang bestfriend o mas tamang sabihing pinaka-close sa ate niya.

“Nagugutom na kasi siya.” Pabiro naman niyang tugon saka binalingan si Nhad na halata ang discomfort sa mukha. “Magsalita ka raw.”

“Ah… Eh… Kuwan.”

“Wala kang dapat ikahiya sa amin pare. Mas mag-i-enjoy ka kung makikisali ka sa amin.” Nakangiting wika ng kanyang kuya Niel.

“Akalain mong tumatama ka pala minsan?” Buska naman dito ng kanyang kuya Brian na siyang ikinatawa muli ng mga kaibigan nito.

“Mamaya niyo na lang kaya sila kulitin. Hayaan na lang muna natin silang kumain bago pa makabalik ulit ang babaeng machine-gun ang bibig.” Suhestyon ng kanyang kuya Ace.

“Tama si Supah Ace ko, pakainin na muna natin sila bago natin i-interrogate.” Ang ngingiti-ngiti namang pagsangayon ng kanyang kuya Rome.

“Asan nga pala iyon? At bakit di ko pa yata nakikita si bayaw?” Takang tanong naman niya sa mga ito.

“Gumagawa ng panibagong lahi sa k’warto nila.” Nakangising tugon sa kanya ng kanyang kuya Dave.

“Gago ka talaga Renzell Dave.” Ang pagsingit naman ng kanyang bayaw na papalapit na sa kanila karga ang kanyang pamangkin.

Agad siyang napatayo. Talagang na miss niya ang pamangkin at lalo siyang natuwa ng makita ang pagbabago dito simula ng huli niya itong makita.

Walang pag-aatubili namang ipinakarga sa kanya ng kanyang bayaw ang pamangkin.

“Ang laki mo na George.” Ang may panggigigil niyang naisambit ng tuluyang makarga ang bata. “Naalala mo pa ba ako?”

“Naaalala ka niyan, dahil lagi ka naming ikinuk’wento sa kanya.” Singit naman ng kanyang ate na papalapit na rin sa kanila.

Muli niyang ibinaling ang atensyon sa pamangkin at may panggigigil itong hinalikan sa pisngi. Ngayon, masasabi na niya kung kaninong lahi ito nagmana.

“Ang cute mo. Mabuti na lang at di ka sa mommy mo nagmana.”

Tuluyang umapaw ang pananabik niya sa pamangkin ng ngitian siya nito at abutin ang kanyang damit.

“Tito.” Ang wika nito.

“Wow!” Ang galak na galak niyang naiwika. “Kilala niya ako.”

“Shunga ka talaga. Kasasabi ko lang di ba? Palagi ka naming ikinuk’wento sa kanya.” Ani naman ng kanyang ate. “Siya, mamaya mo na siya kargahin at kumain ka muna.” Sabay kuha ng anak nito sa kanya.

Ayaw pa sana niyang ibigay ito subalit naisip naman niyang ilang araw pa niya itong makakasama kaya hinayaan na lamang niya muna ito sa kapatid at naupo ulit sa tabi ng wala pa ring imik na si Nhad.

“Mabuti at nag-decide kang totohanin ang pagpunta rito. Akala ko kailangan pa kitang sugurin at kaladkarin, eh.” Ang wika ng ate niya sa kanya saka binalingan ang nakamasid lang na kanyang kasama. “Nhad right? Salamat at sinamahan mo siya dito. Alam kong isa ka sa mga dahilan kung bakit narito ngayon itong mailap kong kapatid.”

“Ahh… W-Wala ho iyon.” Ang nag-aalangan namang tugon nito na nilakipan pa nito ng alanganing ngiti.

“They look good together.” Biglang sabat naman ng kanyang ate Mina na bakas ang mukha ang pagkagiliw sa kanilang dalawa. “At base sa nasaksihan ko kanina habang pinanunuod namin silang nagbibiruan sa may buffet table, they have a connection.”

“I agree.” Tatango-tango namang pagsangayon ng kanyang ate Tonet. “Habang tinitingnan ko sila kanina, `di ko maiwasang hindi maalala ang mga masasayang pinagdaanan natin bago tayo umabot sa puntong ito ngayon.”

“Para lang silang kami ni Supah Ace ko.” Nakangiting sabat naman ng kanyang kuya Rome.

“Nakita ko sa kanila ang kaparehong kislap ng mga mata namin ni Dorwin noong nag-uumpisa pa lang kami.” Ani naman ng kanyang kuya Red.

“Naalala ko sa kanila ang rason kung bakit si Alex ang pinili kong mahalin.” Nakangiti namang wika ng kanyang kuya Dave.

“Pare-pareho lang tayo ng naramdaman.” Pagsangayon naman ng kanyang kuya Carlo. “Weird man kung iisipin but seeing them together reminds us about our past –the good one.”

Sabay-sabay na napatango ang mga kaibigan nito tanda ng pag-sangayon habang siya naman ay halos matunaw na sa hiya sa mga oras na iyon. Ngunit hiya nga ba ang nararamdaman niya? Napatingin siya kay Nhad at doon nakita niya na sa kanya rin pala ito nakatingin.

“Bagay daw tayo.” Ani nito na nakangiti sa kanya.

“Bagay na bagay.” Nagkakaisa namang wika ng mga kasama nila sa lamesa.

“Ligawan kaya kita?”

Hindi niyan inaasahan ang sunod nitong sinabi kaya naman dala ng gulat ay nasamid siya at ang sunod na nangyari ay ang pag-abot nito sa kanya ng baso ng tubig habang may kakaibang ngiting nakaguhit sa mukha nito.

Magdadawang oras na silang naroon sa bahay ng ate niya. At habang tumatagal ay lalong nagiging masaya ang birthday party ng kanyang pamangkin. Kanina, matapos ang hindi inaasahang proposal sa kanya ni Nhad ay medyo nakaramdam siya ng pagkailang rito. Gusto niyang isiksik sa kanyang isipan na nagbibiro lamang ito at sinasakyan lamang ang mga kaibigan ng ate niya subalit, may parte naman sa kanya ang hindi niya maintindihan kung iyon ba ay excitement o takot sa maaraming kalabasan ng lahat.

“Andy, paalis na sina mama. Hindi mo ba sila lalapitan man lang?” Ang pagbasag sa kanya ng kanyang kapatid.

“Hindi na ate.” May bahid ng lungkot naman niyang tugon. “Mukha namang hindi nila nagustohan na narito ako.”

Ilang saglit lang matapos ang nakaka-gulat na sinabi ni Nhad ay dumating ang kanyang mga magulang na dahilan para maputol ang panunukso ng mga kaibigan ng ate niya sa kanila. At tulad ng una na niyang inaasahan, muli niyang nakita ang pagkadisgusto sa mga mata ng kanyang mga magulang ng makita siya ng mga ito.

“Hindi naman ––”

“Pagamit muna ako ng CR. Kanina pa gustong sumabog ng pantog ko.” Pagputol niya sa iba pa nitong sasabihin saka deretsong tinungo ang banyo ng bahay na iyon.

“Huwag na nating ipilit ang hindi p’wedi. Masasaktan lang lalo ang kapatid mo.” Ang narinig pa niyang wika ng kanyang bayaw.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Inaasahan niya na ang gano’ng klase ng pagtanggap sa kanya ng mga magulang subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan. Oo, muli na naman siyang nasaktan lalo pa’t hindi manlang siya kinumusta ng mga ito. Muli na naman niyang naramdaman na wala na talagang pakialam ang mga ito sa kanya.

“You’re strong Andy.” Ang biglang wika sa kanya ng taong hindi niya napansin na nakasunod na pala sa kanya sa loob ng cr na iyon.

Dali-dali niyang pinahid ang mga luhang sumasalamin sa kanyang tunay na nararamdaman sa mga oras na iyon; galit at pighati. Galit siya hindi sa kanyang mga magulang kung hindi dahil sa katotohanang kahit magdadalawang taon na ang nakakalipas, hindi pa rin siya matanggap ng mga ito. Pighati, sapagkat muli na naman niyang naramdaman na nag-iisa na lang talaga siya at wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya.

“Hindi mo naman kasalanan kung hindi ka pa rin nila kayang tanggapin. You only did what is right Andy. Naging totoo ka lang sa sarili mo. I may not have the right to say this pero sasabihin ko pa rin. The problem is not you. Not with the life you chose to take. It’s your parents at ang kakitiran ng mga utak nila.” Mahaba at seryoso nitong pagpapatuloy.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko Nhad. Gusto ko lang namang ulit maramdaman na may pamilya ako.” Ang naiwika niya rito dala ng sobrang frustration.

Lumapit ito sa kanya at mahigpit siya nitong yinakap.

“May pamilya ka pa rin Andy. Nariyan pa ang ate mo at ang bayaw mo kasama ang anak nila. Sila ang pamilya mo na tanggap kung ano ka. Huwag mong kakalimutan iyan.”

Siguro ay dala ng kanyang nararamdaman ay tuluyan na rin siyang napayakap rito.

“Huwag ka nang malungkot. Pinapatawag ka na ng ate mo at mga kaibigan niya. Gusto na raw nilang matikman ang mga inuming gagawin mo.” Muling wika nito sa kanya gamit ang boses na nang-aalu.

Tinupad nga nito ang dahilan ng pagsama nito sa kanya at iyon ay ang pagaanin ang kanyang loob. Sa pamamagitan ng pagyakap nito sa kanya at marahang paghagod ng kanyang likod ay nakuha na naman nitong pagaanin ang kanyang loob kasama ang pagkailang na naramdaman niya rito kani-kanina lang.

“Salamat Nhad.” Ang paulit-ulit niyang naisambit.

Magaan na ulit ang kanyang pakiramdam nang tunguhin nila ang mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ng kanyang ate. At iyon ay dahil ulit sa lalaking ngayon ay nakaabay na sa kanya.

“Anong ingay iyon?” Pagpansin niya sa naririnig na echo at guitara.

“Isa rin sa mga dahilan kung bakit ka na nila pinapatawag. Dinala ng ate mo ang bandang tumutugtog sa bar nila para daw lalong pang pasayahin ang gabi at ngayon nagse-setup na sila sa may hardin.” Nakangiti namang tugon nito sa kanya.

“Wow may banda? Ang dami talagang alam ng kapatid kong iyon.” Nakangiti na rin niyang sabi.

“She just wanted the best for her son at para na rin daw hindi mo pagsisihan ang papunta rito. `Di mo naman nasabi sa akin na mahilig ka pala sa mga banda.”

“Hindi ka naman kasi nagtanong.” Ngingiti-ngiti niyang wika.

“Oi, kanina lang indecent proposal pa lang. Ngayon, may paakbay-akbay na kayo.” Buska sa kanila ng kanyang kuya Dave ng mapansin sila nitong papalapit na.

“Mukhang idinadaan yata sa bilis si Andy natin, ah.” Ani naman ng kaibigan nitong si Brian. Alam niya talagang ang dalawang ito ang mga baliw sa grupo ng kanyang bayaw.

Binalingan naman niya ang naka-akbay pa rin sa kanyang si Nhad para tingnan kung ano ang reaksyon nito at nang makitang ngingiti-ngiti lang ito ay doon na niya pabirong siniko ang tagiliran nito.

“Bakit?” Nakangisi nitong tugon.

“Bakit ka riyan. Tanggalin mo na ang pagkaka-akbay mo sa akin kung ayaw mong dumugin ulit tayo ng tukso ng mga ‘yan.”

“Hayaan mo lang sila.” Ngingiti-ngiti nitong tugon at lalo pa niyang naramdaman ang paghigpit ng pagkaka-akbay nito.

Lakas rin ng sayad ng isang ‘to. Napapailing na lamang niyang naiwika sa sarili.

Isa-isang nagsitayuan ang mga ito.

“Saan kayo pupunta?” Takang tanong niya.

“Tapos na ang childrens party. Oras na para mag-party naman ang matatanda.” Nakangising wika sa kanya ng kanyang kuya Red. “Sa labas na tayo, naroon ang banda ng seventh bar at doon mo ipapamalas sa amin ang galing mo sa paggawa ng inumin.”

“Bongga talaga ito!” Ang excited namang wika ng kanyang ate Mina.

Nang tuluyan silang makalabas ay doon lamang niya naintindihan ang ibig sabihin ng kanyang kuya Red. Ang mga pambatang upuan na kanina lang ay naroon sa malawak na hardin ay napalitan na ng mga bar tables. Sa tabi naman nito ay ang mahabang mesa kung saan naroon ang iba’t ibang klase ng alak at mga shot glass. Nagkakalat na rin ang mga naka-unipormeng waiters na siyang nagsisilbi sa mga bisitang naroon.

“Wow.” Naibulalas niya. Hindi niya inaasahan ang malaking pagbabago ng set-up sa hardin ng kapatid niya.

“This is the true party for us. Kanina, para sa mga bata iyon at ngayon tayong matatanda naman ang mag-i-enjoy.” Wika ng kanyang bayaw.

Nabaling ang tingin ng mga taong naroon sa kanila. Nakangiti ang mga ito. Ang iba ay pamilyar sa kanya habang ang iba naman ay hindi. Kung hindi siya nagkakamali ay mga kaibigan, katrabaho, at empleyado ng kanyang kapatid at kaibigan nito.

“First of all, my hushand and I would like to thank Claude and Laurence Samaniego for providing us the best food and services. Hindi man sila makakadalo ngayon at masasamahan kami sa pagdiriwang na ito, ay hindi naman nila kinalimutan ang obligasyon nila sa kanilang inaanak sa pamamagitan ng pagpapadala nila sa catering crew ng Yolandas dito.” Ang narinig niyang boses ng kanyang kapatid at ng muling mabaling ang tingin niya sa mini-stage ay naroon na ito.

Palakpakan.

“Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipang mangibang bansa ng dalawang iyon, eh. Ayan tuloy hindi tayo kompleto.” Rinig niyang komento ng kanyang kuya Ace.

“At syempre, gusto ko ring pasalamatan ang mga kaibigan ko na tumulong sa amin para mapaghandaan ng husto ang birthday ng anak namin. Guys, thank you so much.” Pagpapatuloy naman ng kanyang ate.

Muli, nagpalakpakan ang mga bisitang naroon.

“Mukhang nagiging emosyonal na ang numero unong baliw sa atin, ah. Sign of aging na ba ito?.” Ngingisi-ngisi namang wika ng kanyang ate Mina na ikinatawa ng mga kaibigan nito.

“And tonight. My friends, and also our extended friends want to enjoy this evening. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-enjoy dala ng may mga tali na kami at mga anak na ubod ng kulit. At ngayong tulog na ang mga tsikiting kasama ang mga yaya nila. Party time na!”

Umugong ang sigawan sa mga bisitang naroon dala ng excitement. Maski siya, nakakadama na rin ng excitement sa mga oras na iyon.

“Pero syempre kulang ang party kung walang inuman at walang performer na magpapasaya pang lalo sa gabi natin di ba? Kaya naman dinala namin ni Red dito mismo ang mga taong magpapagana sa gabi natin ngayon. Everyone, I would like to introduce to you our barista for this night who also happened to be my only brother, Andrew Miguel Mijares.”

Muling umugong ang palakpakan na siya namang dahilan  para makadama siya ng pinaghalong excitement at kaba. At syempre, hindi niya maiwasang hindi makadama ng tuwa sa ginawang pagmamalaki sa kanya ng kanyang kapatid sa harap ng mga bisita nito.

“Do your best babes.” Ang bulong naman sa kanya ni Nhad na nilakipan pa nito ng nakakalokong ngisi. “Make us all proud.”

“Babes ka riyan.” Balik bulong naman niyang wika rito saka pasimpleng tinanggal ang pagkaka-akbay nito sa kanya at tinungo ang mahabang mesa kung saan naroon ang mga iba’t ibang klase ng inumin.

Lahat ng tao ay sa kanya nakatingin lalo na nang simulan na niyang paghalo-haluin ang mga malalakas na alak. At tulad ng palaging nagiging reaksyon ng mga costumers niya sa bar na kanyang pinagta-trabahuan tuwing ipapamalas niya ang talento ay napabilib niya ang mga ito. Ang ilan ay hindi maiwasang mapa-sipol ng simulan niyang ipamalas ang kanyang mga kakaibang stunt sa paghahalo habang ang ilan naman ay hindi mapigilang mapa-palakpak.

“Wow! Ang galing niya!” Naibulalas ng isa sa mga ito kasabay ng hiyawan at palakpakan sa hardin na iyon.

“Kapatid ko ‘yan! Ngayon naman, para mas maging masaya ang gabing ito kasama ang alak na gawa ng kapatid ko ay dinala ni Red ang tinatangkilik na ngayong banda ng seventh Bar para kantahan tayo ng mga kantang magpapabaliw sa atin ngayong gabi. Everyone, the Skyband!”

Kasabay ng palakpakan ng mga bisita ay ang pagsimula namang pagtugtog ng banda na lalong nagpasaya sa mga taong naroon sa party na ‘yon lalo na ng magsimulang kumanta ang bokalista.
Abala na siya sa pakikinig ng banda habang ang mga kaibigan ng kanyang ate ay nagkanya-kanya na ng usapan. Nakikita niya kung gaano kasabik ang mga itong makapag-bonding at iyon ay naiintindihan naman niya. Minsan na lang din kasi ang mga itong makumpleto dala ng trabaho at pagiging busy sa kanya-kanyang pamilya.

“Ang mgakanta ba talaga ng banda ang kinahihiligan mo o ang mga hitsura ng meyembro?” Basag sa kanya ni Nhad. Silang dalawa lamang ang naka-ukupa sa isa sa mga bar chair na naroon.

“At ano ang ibig sabihin mo sa tanong mong iyan?” Nakangiti naman niyang balik pagtatanong rito.

Binigyan siya nito ng mapang-akit nitong ngiti.

“Baka lang kako kaya hindi mo maiwas ang tingin mo sa banda ay dahil sa mga hitsura ng bumubuo nito at hindi dahil sa talagang hilig mo ang manuod ng mga local bands na nagpi-perform.”

“Sira! Bakit naman ang mga mukha nila ang titignan ko eh nariyan naman ang mukha mo na mas komportable akong tingnan?” Huli na ng marealize niya na nadulas na siya ng tuluyan na siguro ay dala ng tama sa kanya ng iniinum na alak.

Kita niya kung papaano kuminang mga mata nito at kung papaano gumuhit ang amusement sa mga ito.

“Did I hear it right? Komportable kang tingnan ang mukha ko? Does it mean that you’re attracted to me?”

“Attracted agad? `Di ba p’weding nag-e-enjoy lang akong pagmasdan ka?” Depensa naman niya.

“I miss that glimmer in your eyes.” Ang wika nito sa halip na patulan ang kanyang walang k’wentang pagiging defensive. “Iyan ang kinang na nakikita ko noon sa tuwing pupurihin ko ang mga inuming gawa mo.”

Again, hindi niya napigilan ang kanyang pusong magrigodon sa kaalamang napapansin pala nito noon kung papaano siya sumasaya sa tuwing makakatanggap siya ng mga papuri mula rito.

“And wan’t to know how do I find it?” Wika nito sa naglalambing na boses na talagang lalong nagpakaba sa kanya.

Kinakabahan siyang tumango.

Inilapit nito ang mukha sa kanyang tenga.

“I find it attractive.” Ang pabulong nitong wika.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment