Monday, January 7, 2013

A Dilemma of Love (06-10)

By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com


[06]
 “There is always some madness in love. But there is also always some reason in madness.”
-Friedrich Nietzsche
----------------------------------------------------------------------
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NANG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!
Halata sa boses niya ang galit, ang sobrang galit. Wala siyang pakialam kahit na may makarinig sa isinigaw niyang iyon, wala siyang pakialam kahit na malaman ng tao na may hindi kami pagkaka-unawaan. At ang huli...
...Wala siyang paki kahit na isang gwapong katulad ko ang sinisigawan niya...
Talagang nawalan na siya ng pasensya. Kitang-kita mo yun sa panggagalaiti ng halos namumula niyang mukha, bakas na bakas mo sa kanyang mga labi at sa nakakunot niyang noo at mga kilay, damang-dama mo sa matalas, nakakatakot, at nag-aapoy niyang tingin.


Pero, teka. Tama ba iyong pagkakarinig ko na isinigaw niya?
“Sandali, Chong...anong...sosolusyunan?” ang nag-aalangan kong naitanong sa kanya. Hindi ako sigurado kung iyan nga ba yung sinabi niya, nangibabaw kasi sa akin ang takot at gulat nung bigla siyang sumigaw.
Saka siya pumikit ng dahan-dahan, ng may paggalang, ng may buong pag-iingat. Huminga siya ng sobrang lalim habang muling pinaghawak ang kanyang dalawang kamay na naipukpok niya sa mesa ng sumigaw siya. Maski ako nakadama ng kapayapaan sa ginawa niyang iyon, parang may dumaan na anghel sa aking harapan dahil doon.
At muli na naman niyang itinuon sa akin ang mga mata niyang salamin ng kapanatagan, ng mga mata niyang sinlamig ng yelo...
...Nasa harap ko na naman ngayon ang Chong na sumisira ng utak ko araw-araw...
“Kapag nagpatuloy kang ganito, mababago ang buhay mo. Kapag hindi mo tinigilan ‘yang nararamdaman mo sa akin, magigising ka na lang isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo. Kapag hindi ka nagpapigil sa kahibangan mo, mamalayan mo na lang ang sarili mong nagsisi dahil namalayan mong ang daming nawala sa iyo...” Para siyang isang magulang na pinapagalitan ang kanyang anak. Kung kanina halos kainin niya ako ng buo, ngayon puno ng pag-aalala ang tinig niya...
...Hindi ko nga lang alam kung nag-aalala siya para sa akin o para sa sarili niya...
Hindi ko pa rin siya masagot. Nanatili akong nakayuko matapos niya akong sigawan. Yung eyeballs ko lang ang gumagalaw kapag tinitingnan siya, at dalawa lang ang direksiyon na pinupuntahan niyon: taas o baba. Gustuhin ko mang sumagot sa kanya, alam ko naman ang pupuntahan nun eh, pwedeng yuyuko na lang ako habang kinakatwiranan niyang mali ako, o pwede ring mabalitang may nakitang chop-chop na katawan ng isang gwapong lalaki malapit sa campus.
“Baka naipagkakamali mo lang sa selos ‘yang nararamdaman mo sa akin dahil lagi kong kasama si Jenilyn? Baka inaakala mo mayaman ako at may mahuhuthot ka sa akin kasi ang refined ng kilos ko? Baka naman...baka naman desperado ka lang talagang makapasa ng Civil Engineering at naghahanap ka lang ng isang taong lagi mong makukuhanan ng mga sagot sa assignments, sa quizzes, sa exams at sobrang pagiging desperado mo, parang pakiramdam mo nagkagusto ka na sa akin? O ‘di kaya, dahil nasabi mo na rin sa akin na hindi ka close sa tatay mo, eh naghahanap ka lang ng father figure at ako lang ang nakikita mong pwedeng tumulong sa ‘yo kung nahihirapan ka sa buhay mo at kung kailangan mo ng advices? O ‘di naman kaya, gusto mo lang talagang makuha ang lahat ng bagay dito sa mundo at hindi mo lang matanggap na hindi kita kinakausap, na naiiwasan kita, na nasisikil kita, na halos isampal ko sa mukha mo na katulad ka lang rin ng ibang tao dito sa campus, na lang hindi ikaw ang nag-iisang may itsura sa mundo? Baka na naman, gusto mo lang talagang subukang makipagrelasyon sa kapwa mo lalaki, wala lang gusto mo lang talagang subukan, something different, libog, experience?” Unti-unti na namang nawawala ang kalmanteng Chong. Dinig na dinig sa boses niya ang kalituhan, ang pagkabalisa, ang takot habang hinahanapan niya ng sagot ang tanong na siya mismo ang nagbigay sa akin.
Ang igsi at ang simple ng tanong niya, pero nakapagbigay siya ng maraming posibleng sagot. Hanep...
Hanep sa liit ang utak ko.
“Chong, sandali, wala talaga, wala eh. Kung meron mang dahilan ‘to, katulad ng ipinipilit mo, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Oo, gusto kita, ‘yun lang ang alam ko. Kung bakit, kailan nagsimula, papaano, hindi ko alam. Ni hindi ko nga alam kung bakit sa lahat ng tao, eh ikaw pa, sa’yo pang lalaki rin. Paano mo ba malalaman kung papaano, kung kailan, kung bakit?” Wala naman talaga eh. Siguro pasakalye nga lang talaga nung sinabi kong walang dahilan ang pagkakagusto ko sa kanya, dahil kailangan ko lang talaga siyang sagutin ng mga oras na iyon, pero alam ko mismo sa loob ko na wala talaga akong maibibigay na dahilan sa kanya. Maibibigay mo ba sa kanyang dahilan na gusto ko siya kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya? Na kapag tinitingnan ko siya ng palihim ay may takot at tuwang nag-aagawan sa puso ko? Kakagatin ba niyang dahilan na hindi ako mapakali kapag magkakasalubong kami sa hallway? Hindi, baka mamaya bigla na lang niya akong pugutan ng ulo...
...Teka, ‘yung ulo ba sa taas, o ‘yung ulo ba sa baba?
Naughty.
“Lecheng hormones ‘yan, oo...”
“Huh?”
“So, tinatanggap mo na talagang magiging BAKLA ka?”
Nagpanting ang tenga ko. ANONG BAKLA? PAANO AKO MAGIGING BAKLA? LALAKING-LALAKI AKONG TINGNAN, MAGIGING BAKLA AKO! SIYA NGA ‘TONG BAKLA TAPOS IPAPASA NIYA SA GWAPONG KATULAD KO!
Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo at kilay. Lalong lumiit ang mga singkit kong mata dahil sa narinig ko. Gusto ko siyang sigawan, gusto kong isigaw sa harap niya na hindi ako baklang katulad niya, gusto kong isigaw sa harap niya na naririndi na ako mga pinaggagagawa niya at sa kakasabi niyang bakla ako.
Pero nakita ko sa pailalaim na sulyap ng kanyang malamlam na mga mata ang purong pag-aalala, ang katapatan, ang kainosentihan. Walang halong pang-uuyam, walang panunuya, walang pang-iinsulto.
Biglang nawala ang bakas ng galit sa mukha ko. Biglang nawala ang angas ko.
“Chong, sandali lang, bakit naman ako magiging bakla? Eh lalaki ako, straight na lalaki...” ang nasagot ko na lang sa kanya sa boses na parang nanlalambing at nanghihina. Kung bakit ganoon ang tono ng boses ko, hindi ko alam. Dapat galit ako eh! Bwisit talaga ‘tong Chong na ‘to.
"AH, lalaki pala. Kaya pala nagkagusto ka sa akin. Kaya pala nagkagusto ka sa kapwa mo lalaki kasi straight ka..." ang sarkastikong sagot niya sa akin.
Oo nga pala. Inamin ko na sa kanya na gusto ko siya. At hindi ko lang sa kanya sinabi, halos ipinagsigawan ko pa sa buong campus. Galing...
"Pwede ba, Carl. Tigilan mo na yung kakaclaim mo na kesyo straight ka, na kesyo lalaki ka, at kung ano-ano pa. It just doesn't make any sense. Saang lupalop ka ng mundo makakita ng STRAIGHT na LALAKING magkakagusto sa kapwa niya LALAKI?" Talagang diniinan niya ang mga salitang straight at lalaki. Talagang gusto niyang ipamukha sa akin hindi ako pangkaraniwang lalaki, na may kakaiba sa akin, na mali ang tingin ko sa sarili ko.
HINDI PWEDE!!! LALAKI 'TO, PRE!!! LALAKI' TO!!!
"Hindi pa rin Chong, lalaki ako. Kahit naman sa mga magkakarelasyon na kapwa lalaki, may itinuturing pa ring lalaki at babae. At yung mga bakla ang nagsisilbing babae sa relasyon nila, kasi, babae naman talaga sila, babae sila sa paningin nila at sa paningin ng karelasyon nila. Kaya papaano ako magiging bakla? Kasi, kahit naman maging magkarelasyon tayo, ikaw naman ang..." Natigilan ako, at saka ko lang naisip kung ano ang mga pinagsasasabi ko...
...Para ko na ring inaming gusto kong makarelasyon si Chong...
Nalintikan na.
Napapikit na lang siya sa mga nasabi ko. Siguro nahalata niya yung totoong laman ng sinabi ko, na gusto ko siyang maging akin. Teka, tanggalin mo yung 'siguro', nahalata talaga niya. Ano ba namang bagay ang makakalusot dito kay Chong, si Chong na halos ang simple mong paghinga ay mabibigyan niya ng isandaang dahilan. Patay kang bata ka! Kung hindi ba naman kasi ubod ng daldal, taena!
"Ang kitid Carl, napakakitid. Kapag ang isang lalaki nagkagusto sa isang bakla, maski siya isa nang bakla dahil nakikita niya sa kapwa niya lalaki ang mga bagay na dapat ay nakikita lamang niya sa mga babae. Ngayon, tutal nasabi mo na rin na maski sa mga homosexual relationships, eh mayroon pa ring itinuturing na lalaki at babae, edi parang sinabi mo na rin na isang lalaki at isang babae lang ang dapat magkarelasyon. Ang isang bakla kahit na anong bihis ang gawin niya, kahit na anong operation ang pagdaanan niya, kahit na anong arte ang gawin niya, ipinanganak pa rin siyang lalaki. At paano mo ituturing na babae ang isang lalaki, papaano? See, ang lakas ng loob mong sabihin sa akin na gusto mo ako, ang lakas ng loob mong aminin dito pa sa mismong harap ko na gusto mo akong makarelasyon, ni hindi mo nga matanggap 'yang mga bagay na iyan. Ni hindi mo matanggap sa sarili mo na ang pagpapatuloy ng mga ginagawa mo, eh pagtanggap na rin na isa kang bakla..."
Wala na lang akong nagawa kundi yumuko at iiwas ang tingin ko mula sa kanya. Lagi naman eh, 'yun na yata ang specialty ko. Wala akong nagawa kundi itago ang mukha ko mula sa kanya, ang mukha kong salamin ng mabigat na nararamdaman ko sa aking puso. Ganoon ba kasarado ang utak ko para sa mga ganitong bagay? Bakit ko nararanasan ang ganitong mga bagay? At higit sa lahat...
Bakit sa lahat ng tao sa mundo, sa kapwa lalaki ko pa mararanasan 'tong mga 'to?
Parang sasabog na ang utak at dibdib ko.Taydana, ka-gwapo kong lalaki, tapos lalaki rin pala ang hahanapin ko! Shit!
"Carl, kapag umibig ka sa kapwa mo lalaki, dapat ihanda mo na ang sarili mong talikuran ang dati mong mundo. Sa ganitong klase ng pag-ibig, sa iisang taong ipaglalaban mo, hindi lang iisa, hindi lang lilimang tao ang mawawala sa iyo. Hindi lang mga magulang mo, hindi lang ang pamilya mo, hindi lang ang mga kaibigan mo ang tatalikod sa inyo. Tatalikuran ka ng mundo. O sige, tanggalin natin yung exaggeration, may mga tao pa ring susuporta sa iyo. Pero matatabunan ang mga taong iyon, ng mga taong iyon na mabibilang mo lamang sa iisa mong kamay, matatabunan sila ng mga pang-uuyam at pang-iinsulto ng mga taong tumalikod sa iyo. Mayaman kayo diba, hindi mo ba naiisip na baka tanggalan ka ng inheritance kapag nalaman 'tong pinaggagagawa mo? May mga kalandian ka ngayon diba, hindi mo ba naiisip kung anong magiging reaksiyon ng mga babaeng ito kapag nalaman nilang may nakarelasyon kang bakla? Idagdag mo pa 'yung possibility na mag-fail yung relationship mo sa isang bakla. Makakaya mo ba 'yung marka na iiwan nun sa'yo habambuhay? I bet, no. Makakaya mo bang ipagpalit ang lahat ng bagay na iyan para lang MAKAPILING ang iniibig mong lalaki? Hindi diba. Maski nga yata sagutin ang tanong na 'yan ng 'hindi' eh hindi mo kaya, kasi napaka-brusko mo, napaka-immature mo, at napakaselfish mo..."
Tama nga siguro siya. Parang sarili ko lang ang iniisip ko masyado, ni hindi ko inisip ang nararamdaman ng ibang tao, ang nararamdaman ni Chong. Masyado akong napalagay na lahat sila eh makukuha ng ngiti ko. Hindi ko inisip na may sarili ring damdamin ang mga taong gusto kong makuha, hindi pumasok sa isip ko na bukod sa itsura ko, wala rin akong ipinagka-iba sa kanila. Pare-parehas lang kaming mga tao, pare-parehas na may sariling isip, pare-parehas na may sariling puso.
“Kung ikaw hindi mo masagot ang tanong na iyan, ako, sasabihin ko mismo sa harap mo ang sagot ko. HINDI. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng iyan. At nalalaman ngayon ng bibig ko na sinasabi ko ang mga salitang iyan. Kaya ko ‘yang isigaw sa harap ng maraming tao nang hindi nauutal, nang hindi magtatago pagkatapos, nang hindi magkukunwaring hindi ako ang nagsalita ng mga iyan. Kaya pwede lubayan mo na ako. Tigilan mo na ‘yung pagpapakababa mo sa sarili mo para lang mapansin kita, dahil habang lalo mo ‘yung ginagawa, mas tumitindi ‘yung kagustuhan kong iwasan ka, mas sumisidhi ‘yung pagnanasa kong saktan ka, lalo ko lang gusto sungalngalin ‘yang pagmumukha mo!”
“Teka, Chong, ang O.A. mo naman! Nasabi ko lang sa iyo na gusto kita, kung ano-ano nang pinag-iisip mo. Gusto lang naman kita ah, ‘yun lang iyon. Hindi ibig sabihin nun na ikaw na ‘yung gusto kong makasama habambuhay. Gusto lang kita!”
Tama naman ako eh. Napaka-overacting talaga ng taong ito. Inamin ko lang sa kanya na gusto ko siya, kung ano-ano na ang nilitanya niya. Kesyo ganyan, kesyo ganoon. Para siyang tanga. Akala naman niya nabawasan ang buhay niya noong inamin kong gusto ko siya. Pasalamat pa nga siya at nagkagusto ang isang gwapong katulad ko sa katulad niyang hindi naman kapansin-pansin ang itsura. Akala mo kung sinong pinagkakaguluhan at sawa na sa atensiyon ng tao. Akala mo naman kung sinong hindi ganoon kadaling tanggalin sa isipan at hindi ganoon kadaling kalimutan...
...Pero, hindi nga ba...
Minsan ‘yan talaga ang downside ng pagiging matalino eh, para ka nang nababaliw. Napaka-overacting, napaka-overthinking, napaka-paranoid.
Nakakabanas.
“Ah, OO NGA NAMAN. Napaka-O.A. ko nga naman talaga. Hindi nga naman ibig sabihin na gusto mo ako, eh, guguluhin mo na ang buhay ko. Napaka-overthinking ko nga naman no, Carl. Kaya pala, kaya pala maski si Sir Villacruel kinotsaba mo para lang maging magkagroup tayo, para lang makasama mo ako, at para isampal lang sa mukha ko na gusto mo lang ako. Wala nga naman akong dapat ipag-alala, kasi normal na gawain lang ng bawat normal na tao ang pakialaman ang mga gamit ng mga taong hindi niya lubusang kilala. Ang galing no, susubukan ko ngang magpakonsulta sa psychiatrist as soon as possible. Napaka-paranoid ko na nga pala, no, Carl.”
Tama. May tama siya.Tamang-tama. Sa sobrang tama, para akong tinamaan ng bulalakaw sa ulo.
“Sige, sabihin mo sa akin mismo ngayon na wala akong dapat ipag-alala. Sige, sabihin mo mismo ngayon sa harap ko na gusto mo lang ako. Ipagduldulan mo ngayon na napaka-overacting ko, na napaka-overthinking ko, at napaka-paranoid ko...” ang sabi niya sa papigil at kalmanteng paraan. Pero sa likod ng kapayapaan niyang iyon, nagtatago ang sarkasmo, ang naka-iinsultong sarkasmo.
“Sandali, Chong, mali ka ng iniisiip, hindi ako ‘yung may kagustuhan na maging magka-group tayo. Si Sir Villacruel yung may pakana nun...”
“Ah, talaga. Eh bakit hindi mo pinigilan? Bakit hindi mo sinabihan na hindi na niya kailangan pang mag-abalang babaan ang sarili niya sa pag-iisip ng paraan para mapaglapit tayong dalawa? Bakit hindi mo pinilit na hindi na niya kailangan pang maki-alam sa mga ganitong bagay? At alam mo Carl, alam ko ang sagot, alam na alam ko. Kasi sa loob-loob mo, gusto mo rin yung ginawa niya. Kasi sa loob-loob mo, hinihiling mo rin yung bagay na ‘yun. Kasi napaka-epal mo at gusto mong maski ang tahimik kong buhay eh guluhin mo. Hindi ba...”
Nanliit na naman ako dahil sa mga sinabi niya. Para akong limang-taong gulang na batang walang magawa kundi yumuko at umiyak na lang sa isang sulok dahil may nagawa siyang kasalanan sa kanyang magulang. At kahit na naisin ng bata na iyon na sumagot at ipagtanggol ang sarili niya, alam niyang wala siyang laban dahil sa salita lamang ng magulang niya, tapos na ang lahat. Mistula akong naghina sa mga oras na iyon. Parang nailarawan niya sa halos tatlong minuto niyang pagsasalita ang eksaktong nararamdaman ko. Para lang akong isang manual na binasa niya noong mga oras na iyon.
“...tama ako Carl?”
Wala talaga akong lusot sa taong ito.
Nanatili na lamang akong tahimik. Wala naman akong magagawa eh. Alangan namang isipin ko ang susunod niyang sasabihin o gagawin, hindi ko kaya ‘yun, at hindi ko alam kung bakit. Kung siya nagagawa niya iyon  ng napakadali na parang humihinga lang, ako, kailangan ko pa yata siyang kalimutan para matutunan iyon. Parang isang maskarang kulay itim ang nakikita ko sa tuwing titingin ako sa kanya, walang emosyon, walang damdamin, parang isang estatwang ni kalungkutan ay wala sa mukha.
“Well, here is the thing Carl, here’s the CLEAR THING. Nachachallenge lang kita. Nakakita ka lang sa akin ng katapat. Hindi mo lang talaga matanggap na hindi mo ako mapa-amo, na hindi mo ako mapasuko, na iba ako sa lahat ng taong nakilala mo. Well, that’s life. You cannot please everyone as I cannot please everyone also. Nalilito ka lang sa nararamdaman mo. Infatuation lang ‘yan, mawawala rin. At kung hindi ‘yan mawawala, kailangan pa rin niyang mawala. Pwede naman kitang tulungan eh. Pwede tayong pumunta sa guidance counselor ng campus, so they can talk with your parents. I know they’ll understand. Kung ayaw mo nun, edi mag-girlfriend ka, yung seryosong girlfriend. Upon doing that, marerealize mo na lang na lalaki ka pala talaga. Ngayon, kung hindi iyon ang dahilan at ang gusto mo talaga ay maging karelasyon ako just for the sake of having fun and just for the experience of having sex with a gay, I cannot and I will not help you with that. Oo, bakla ako, at sa mga katulad kong tinatalukuran ng mundo, respeto lang isa sa mapanghahawakan ko. At hindi ko isasakripisyo ang respeto ko sa aking sarili para sa isang bagay na alam kong hindi at hindi kailanman magtatagal. Well, either way, you are only left with two choices...”
“CHONG!!!”
Bigla kong inangat ang aking ulo at sinuri kung kaninong tinig iyon.
Si Jenilyn.
Saka tumayo si Chong at isinukbit ang kanyang body bag sa kanyang kanang balikat. Itinukod niya ang kanyang magkahiwalay na kamay sa mesa, habang inilalapit ang kanyang mukha sa aking harapan.
“It is either you go insane, or you get over with it...” ang sabi niya sa mahinahon na paraan.
Pagkatapos noon ay umalis siya. Para niya akong iniwan sa kawalan. Oo, exaggeration nga siguro, pero ‘yun ang eksaktong nararamdaman ko. Parang akong nanghihina. Parang unti-unti akong nawawalan ng lakas. Parang gumuguho ang mundo ko. Wala akong nagawa kundi tumingin sa kawalan.
Tama si Chong na kakaiba nga siya sa lahat ng taong nakikilala ko. Tama si Chong na gusto ko siyang makasama. Tama si Chong na gusto kong makuha ang atensiyon niya. Tama, tama siya sa lahat, pwera sa isang parte. Hindi lang dalawa ang pagpipilian ko, kundi tatlo. Oo, pwede akong mabaliw kapag ipinagpatuloy ko ang kahibangan kong ito. Oo, pwede kong tanggapin na lang ang lahat ng bagay na ito at ipagpatuloy ang buhay. Pero may nakakalimutan siyang isang bagay na maaari kong pagpilian...
...ANG MAGING KAMI...
-----------------------------------------------------------------
Napakaganda ng Pangasinan.
Napakaganda ng dagat. Napakaganda ng tubig. Napakaganda ng mga bundok. Napakaganda ng hangin. Napakagandang damhin ng simoy ng hangin. Napakagandang languyin ng karagatan. Napakaganda ng mga luntiang puno. Napakaganda ng mga seashells, ng mga talangka, ng mga alimango na nakikita namin sa tabing dagat. Ganda, sobrang ganda. Napakaganda.
Pero sa pagitan namin ni Chong, mukhang walang magandang mangyayari.
Hanep.
Kapag pumupunta ako sa isang station, pasimple namang aalis si Chong. Ni hindi kami nagkaroon ng chance na mag-usap, o kahit magngitian man lang. Kunsabagay, kailan ba naman tumawa ang taong ito. Eh kapag lagi ko siyang nakikita, lagi siyang naka-poker face, laging walang reaksiyon sa mukha niya.
Pero mali ako, dahil tawa siya ng tawa ngayon.
Kinakausap niya lahat ng mga tao kada station, tinatanong kung anong mga readings, kung tapos na ba sila, kung tama ba ‘yung pagkalevel ng instrument. Ginagawa niya iyon sa lahat ng grupo, pwera lang sa grupo namin nila Fred. Habang siya eh tawa ng tawa habang kasama niya ‘yung mga kagroup niya, ako naman halos puti na lang ng mata ko ang makita dahil sa kakatingin ko sa kanya nang pagilid. Ni hindi ko nga alam, minsan nakatingin na pala sa akin si Fred. Nakatingin siya sa akin, habang nakatingin ako kay Chong. Tapos makikita ko na lang siyang nakunot ang noo. Puta! Baka makahalata siya! Anong gagawin ko? Gusto ko nang tumigil pero hindi ko magawa...
Dumating ang unang araw at unang gabi, dumating silang walang magandang nangyayari sa pagitan namin ni Chong.
Nagswimming sila ni Jenilyn. Putik! Ang sarap kumain ng putik! Parang nagseselos ako habang nagbabatuhan sila ng basang buhangin kasama ‘yung mga orihinal niyang kagroup. Parang gusto ko ako na lang ‘yung kabatuhan niya, kahit na isang truck ‘yung ibato niya sa akin at halos ipakain na niya sa akin ‘yung basang buhangin.
Ngayon, alam ko nang kay Jenilyn ako nagseselos, dahil kasama niya si Chong...
Kailangang mahinto ‘to! Taydana! Eh bakit kailangan mahinto! Basta, kailangan nitong mahinto!
“Jenilyn, wag ka nang lalangoy ah, malalim doon sa parte na ‘yun...” ang sabi ko kay Jenilyn. Halos lahat na kasi nung mga talagang kagroup ni Chong eh nakalublob na sa tubig, sila na lang ni Chong ang nasa dalampasigan. Talagang ‘yun ang sinabi ko kay Jenilyn, talagang mga salita ng pag-aalala. Nag-aalala kay Jenilyn, dahil magandang babae siya at napakaganda niya para malunod siya. Pero higit sa lahat, gusto ko ring mag-alala si Chong, gusto ko siyang mag-alala sa selos.
Pero fail, epic fail. Lumusob na si Jenilyn sa dagat habang nasa dalampasigan naman si Chong, walang reaksiyon, walang pag-aalala, parang hawak niya ang mundo.
Kailangan ko na siguro talagang tumigil. Parang nakakapagod na. Parang ako na lang palagi. Parang ako na lang ang laging nahihirapan, ako na lang ang laging natuturete, ako na lang ang laging napapahiya. Kung para sa akin, halos katumbas ng buhay ko ang ginagawa ko, para sa kanya, wala lang. Walang magbabago ke may gusto man o wala akong gusto sa kanya. Haaayyy. Buntung hininga. Ayoko na. Sawa na ako...
Pero kaya ko ba talagang gawin ‘yun? Kaya ko ba talagang talikuran ang lecheng nararamdaman ko para kay Chong?
Dumating ang huli naming gabi sa Pangasinan...
...At mukhang dumating na rin ang hinihintay kong gabi...
Dahil nga sa huli na naming gabi, syempre hindi mawawala ang inuman. ‘Yung mga prof pa nga ‘yung nag-organize nun eh, akalain mo. Pero okay lang, toma din ‘yun. Kailangan ko ring makalimot...
Halos mag-aalas dose na nang makita ko si Chong sa may dalampasigan nang nag-iisa. Ni hindi man siya natakot kahit na ‘yung bilog lang na buwan ang tanging ilaw niya. Wala namang kakaiba, lagi naman siyang ganoon, lagi siyang nasa dalampasigan. Umaga, tanghali, gabi, nasa dalampasigan. Hindi ko alam kung bakit hindi siya natatakot, eh parang pugad ng alien activities ‘yung dalampasigan kapag gabi. Kunsabagay, hindi naman malayong alien ‘tong taong ‘to. Sa sobrang dami na nang pagpapacute na ginawa ko sa kanya at sa patulay pa rin niyang pagsikil, malamang di nga siya tao.
Teka, ano naman ang gagawin ko? Pupuntahan ko siya sa dalampasigan? Diba sabi ko, tama na? Hindi pa talaga ako pagod no? Hindi pa talaga ako nagsawa? Ayaw nga sa akin ng tao, pagpipilitan ko ang sarili mo. Ayaw niya sa ‘kin, fine, ayaw ko rin sa kanya. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng oras ang mga katulad niya. Andyan naman si Jenilyn, edi sunggaban ko. Kahit may boyfriend, ahasin ko, basta makalimutan ko lang ‘yang taong iyan! Taydana niya! Bumalik ka na sa spaceship niyo! Akala mo habambuhay akong maghahabol sa iyo! Ha, in your face! Masyado akong gwapo para gawin ‘yun...
...pero kung gusto mo namang lapitan siya, bakit hindi...
Tinabihan ko siya sa buhanginan. Pero hindi ako masyadong lumapit, baka mamaya bigla niyang hugutin ang ulo ko at ilublob ako sa dagat. Mahirap na.  Kaya medyo lumayo ako sa kanya.
Kakausapin kaya ako ng taong ito? Malay ko, bahala na...
Isang minutong katahimikan.
Nanatili siyang nakatingala sa mga bituin, parang sinusuri niya bawat bituin na makita niya. Mukha ngang alien ‘tong tao na ito. Pero ang cute niyang tingnan, parang nagsasalita pa nga siya sa sarili niya eh. Para siyang bata na halos kakabukas  pa lang ng isip para sa mga hiwaga ng mundo.
Dalawang minutong katahimikan.
Nahawa na rin ako sa ginagawa niya, napatingin na rin ako sa langit. Napakaganda. Ngayon alam ko na kung bakit siya laging nasa dalampasigan. Kada bituin may kanya-kanyang kinang. Idagdag mo pa ‘yung liwanag ng bilog na bilog na buwan. Hindi ko alam kung bakit, pero nawala ang takot ko, ang takot kong magkaroon ng alien activity doon. Napalitan ito ng saya, saya sa mga nakikita ko. Kung tutuusin nakikita mo rin naman ‘yun sa bahay. Hindi ko alam kung bakit, pero parang iba ang mga bituin ngayon...
Siguro dahil kasama ko si Chong...
Tatlong minutong katahimikan.
“May itatanong ka ba sa akin?” ang biglang pagbasag ni Chong sa katahimikan.
Nagulat ako, lagi naman eh. Hindi ko inaakalang siya pa ang mag-iinitiate ng conversation namin. Siya pa na halos iwasan ako sa buong pamamalagi namin sa Pangasinan. Ano bang itatanong ko sa taong ito? Tanong na hindi siya maiinsulto, tanong na hindi mabribring-up ‘yung lahat ng nangyari sa amin, tanong na mapapangiti ko siya. Teka, may ganoon ba para sa tanong ito, eh parang alam na rin niya lahat. Hindi naman pwedeng tanungin ko siya tungkol sa Surveying. Napakaromantic nun at kaya talaga ng utak ko.
Nanatili na lang akong tahimik.
“Edi, ako na lang ang magtatanong. Okay lang ba?” ang sabi niya sa boses na para kong nakatatandang kapatid, na parang magulang, parang may konting lambing.
Ano na naman ang mahiwagang nakain ng taong ito?
“Ah, sige. Okay lang. Basta...’wag lang ‘yung nakakagulat tsaka nakakainsulto...”
“Haha...” Bigla siyang tumawa. Buong pagtawa. Parang tawa ng taong niloko ng mundo. Nakakatakot talaga ‘tong tao na to, hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip...
“...Pasensiya ka na nga pala kung naging masama ako sa’yo nung mga nakaraan araw. Sorry talaga....” ang sambit niya habang nakatingin sa dalampasigan.
“Pabayaan mo na ‘yun...” Habang siya ay nakatingin sa kawalan, hindi naman ako nagsawang tingnan ang kanyang mukha.
“Sorry nga...”
“Okay na nga. Kalimutan na lang natin...”
“Sorry ulit...”
“Oo nga...”
“Oh, pwede na akong magtanong?”
“Oo, kanina pa...”
Saka siya tumingin sa akin ng nakakunot ang noo, na parang nagtatanong. Sinabayan pa niya iyon ng sulyap na napaka-amo, mistulang batang nanghihingi ng candy, mistulang namamalimos. Ngayon ko lang siya nakitang ganon. Napaka-amo. Mukhang eto na nga ‘yun. Ito na talaga ang hinihintay ko...
“Bakit ang landi ninyong mga lalaki?”
Parang may UFO na dumaan sa harap namin. Eto na naman siya sa mga kakaiba niyang mga tanong.
“I mean, oo, lalaki rin naman ako, pero aminado naman akong bakla ako. Well normal naman talaga sa mga lalaking maging flirt, evident rin naman ‘yung ganoong behavior sa mga primates kapag naghahanap ng mate. Pero bakit kayo, napakalandi niyo, to the point na pati kapwa niyo lalaki eh nilalandi niyo?” ang tanong niyang walang halong pang-iinsulto, walang pang-uuyam, no pun intended.
Nanatili na lang akong tahimik. Tiningnan ko na lang siyang parang nagtatanong din.
“Tsaka bakit habang lalo kitang sinasaktan, lalo kang lumalapit? Sadista ka ba? Hindi ka ba talaga nagahasa noong bata ka?”
Nanatili na lang akong tahimik. Habang nagtatanong siya, may mga lumalabas ding taong sa isipan ko. Ganito ba talaga ‘tong tao na ito. Kakaiba, talagang kakaiba.
Nanatili na lang akong tahimik. Tahimik, habang siya ay tinitigan akong puno ng katapatang naghahanap ng sagot.
“Kunsabagay, bakit ko nga naman itinatanong sa ‘tong mga bagay na ito...”
Biglang nawala ang bakas ng pagtatanong sa aking mukha. Nang-iinsulto ba siya? Porket matalino siya, gaganun-ganunin lang niya ako. Bwisit talaga siya. Pasalamat siya, gusto ko siya, at hindi ko siya masapak. Tiningnan ko na lang siya na puno ng pagtatanong, na puno ng pagbabanta, na puno ng inis.
“’Wag mo akong tingnan ng ganyan, hindi ko naman sinasabing bobo ka. Ang sinasabi ko lang, mas may alam ako sa’yo..”
Edi, sige. ‘Yun naman pala eh. Linawan mo kasi sa susunod. Teka, eh parang nag-iinsulto pa rin siya noon eh.
“Tsaka anong karapatan kong insultuhin ka, eh achiever ka rin namang katulad ko. Achiever na nakakapasa na lang ngayong college...”
Good, kundi baka bumalik na siya sa spaceship niya...
“Nung sinabi mo bang gusto mo ako, ibig sabihin ba noon eh gusto mo akong makarelasyon?”
Nagulat ako, lagi naman, lagi at lagi na lang. Pero iba ‘to, ibang tanong ‘to. Tanong na walang pang-iinsulto, tanong na walang panggagago, tanong na masasagot ko.
“Ah, ah...” saka ko napagtanto na hindi pala ganoon ‘yun kadali. Ang pagsagot sa tunay na nararamdaman ko eh ang pag-iwan ko sa dating ako, ang pagtanggap sa ano mang maaaring mangyari, at pag-amin na mali ako ng pagkakakilala sa sarili ko.
“Oo no...” siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong, pero parang ang sagot niya rin ang gusto lumabas mula sa bibig ko.
“Hati eh, parang oo na parang hindi...” ang sagot ko sa kanya. Hati naman talaga ang nararamdaman ko, pero alam kong isa sa dalawa ang mas nakakalamang.
“Pero mas nakalalamang ‘yung oo...” Hanep, kuha niya, kuha talaga niya.
Hindi ako sumagot, hindi ako tumango, hindi ko alam kung bakit. May naghihilahan sa puso ko eh. Tindi. Hindi ko maipaliwanag.
 “Haaaayyy...” Dinig na dinig ko ang kanyang buntong hininga, parang nanghihinayang. Hindi ko alam, siguro parehas lang sila ni Sir Villacruel ng sasabihin sa akin, na kesyo kailangan kong tigilan ‘to, na mahirap ‘to, at kung ano-ano pa. Ayoko ko nang marinig uli, pero anong magagawa ko kung sasabihin niyang muli yung nga iyon? Wala naman, yuyuko lang ako, yuyuko at tatahimik. Pero bakit nga ba hindi tumatak sa isipan ko ‘yung mga sinasabi nila. Hindi, alam na alam ko eh. Halos kabisado ko na nga dahil paulit-ulit lang nilang sinasabi ang mga ito. Pero bakit hindi ko magawa? Bakit? Ano bang masyadong mahirap kung lulubayan ko si Chong? Ano bang masyadong mahirap kung hahayaan ko na lang ‘tong nararamdaman ko? Ano bang masyadong mahirap kung tatanggapin kong hindi magiging akin si Chong?
Wala akong nagawa kundi laruin ang pinong buhangin sa aking tabi...
“Oh, edi...tayo na...”
Napatingin ako sa kanya at saka ko rin nakita ang nakatuon niyang ulo sa akin. Sinabi niya iyon nang panatag, nang kalmante, nang hindi nauutal, parang he really means it. Taydana, ano na naman ‘to?
“...Ser...yoso...ka...ba....?”
“Hindi kita ganoong kaclose, para biruin kita...” Nabilaukan naman ako. Kung hindi kami ganoon kaclose, eh bakit gusto niya maging kami na. Labo talaga ng taong ito.
“Ayaw mo yata eh, edi ‘wag...” saka siya akmang tatayo...
“Sandali...” saka ko hinawakan ang kanyang kamay. Akala ko magpupumiglas siya, pero hindi niya ginawa. Mukhang sinaniban ang taong ito. Ibang Chong na naman ang nasa harapan ko. Isang Chong na walang katiting na bangis, isang Chong na hindi nakakatakot, isang Chong na maamo. Mukhang eto na ‘yun! Bumigay na talaga si Chong sa akin! Sabi ko na nga ba eh, wala talagang makakahindi sa ‘yo! Sa sobrang gwapo kong ito, walang makakasikil sa iyo! Hanep, ang gwapo ko! At higit sa lahat...
MAPAPASAAKIN NA SI CHONG!!!
Saka siya muling umupo sa buhanginan...
“Pero sa limang kondisyon...”
Nabilaukan ako.
“Ha? Hindi ba parang ang dami naman noon?”
“Edi, break na tayo? Duration of the relationship: 3 minutes...” ang sabi niyang parang hawak niya ang sagot ko, sinabayan pa niya iyon ng pailalaim na tingin.
“Hindi ka naman mabiro. Sige, ano ‘yung mga iyon?”
“Unang-una, hindi ka makakakuha sa akin ng kahit anong uri ng sagot sa assignments, sa quizzes, at sa mga major examinations. At sa pag-gamit ko ng saliting ‘uri’, I meant written and oral. Pwede kitang tulungan kung papaano sagutin ‘yung mga problems kapag assignment o ‘di kaya group work, pero hindi ‘yun pwede sa quizzes at examinations. And take note, ang sinabi ko eh ‘kung papaano sagutin’....”
“Ako  ka ba naman, sabi mo may konti rin akong utak. Tingin mo talaga kaya ako nangungulit sa iyo palagi kasi manghuhuthot lang ako sa iyo ng sagot...”
“Medyo...” ang sabi niya sa parang nag-uuyam sa boses. Sinabi pa niya iyon sa patagilid na mukha, habang nakikita ‘yung neck line niya.
Nabilaukan ako.
“Pangalawa, hindi ka pwede magkaroon ng kahit anong uri ng romantic relationship na labas ng sa atin. Mali, I doubt kung magiging romantic ‘tong relationship natin. Uhmm, erotic? Hindi rin. Uhmm, relationship na lang. In short, hindi ka pwedeng mangaliwa. Hindi ka pwedeng magkaroon ng straight relationships at gay relationships. Maski bromance hindi rin pwede. You must understand na among the five, I give the most importance to this condition. Well, itong second tsaka third conditon and talagang delikado. Kunsagabay, mukhang malabo naman ‘yung gay relationship tsaka ‘yung bromance, kaya ‘yung straight relationship na lang ang mukhang magiging major concern natin...”
Teka, nagseselos ba itong taong ito sa mga babaeng nakapaligid sa akin?
“...Isa lang sa tatlo ang maganap, tapos na tayong dalawa...” saka siya uli tumingin sa dalampasigan.
Napaka-possessive naman ng taong ito. Masyadong mapang-angkin, masyadong agresibo, mas lalong nakaka-excite.
Gusto ko sana siyang aluhin na hindi ako magloloko sa kanya, dahil siya lang ang tanging laman ng aking puso. Hindi ko ‘yun magagawa sa kanya, dahil siya lang ang nakakapagpaligaya sa akin. Gusto ko sana siyang yakapin, para sabihin sa kanyan hindi niya kailangan magselos para sa mga babaing nakapaligid sa akin, dahil nasa kanya lang ang mga mata ko. Gusto ko sana siyang halikan, para pawiin ang pangambang nararamdaman niya.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. Pakaladkad kong iniurong aking katawan papunta sa kanya, at habang iniuunat ko na ang aking maga kamay upang yakapin siya...
“Walang yakapan, walang holding hands, walang halikan, walang dikitan ng balat, walang encounters na lalagpas ng public zone...”
“Ha?”
“...At walang sexual intercourse...” saka siya tumingin sa akin ng patagilid at nang may mababang kilay.
Nasa harap ko na naman ang Chong na palagi akong tinitikis, ang Chong na palagi akong pinapahiya, ang Chong na umaming may gusto siya sa akin.
“’Yan ang pangatlo kong kondisyon...”
Ngumiti siya nang hindi nakikita ang kanyang mga ngipin, na parang nang-iinsulto, parang namamahiya.
“Edi sinong unang sumuko?”
Hindi siya nagsalita.
“Sinong nakasikil kanino?”
Walang salitang lumabas mula sa bibig niya.
“Ang gwapo mo Fonse, SOBRANG GWAPO MO...”


[07]

“Walang yakapan, walang holding hands, walang halikan, walang dikitan ng balat, walang encounters na lalagpas ng public zone...”
“Ha?”
“At walang sexual intercourse...” saka siya tumingin sa akin ng patagilid at nang may mababang kilay.
“’Yan ang pangatlo kong kondisyon...”
Nasa harap ko na naman ang Chong na palagi akong tinitikis, ang Chong na palagi akong pinapahiya, ang Chong na umaming may gusto siya sa akin.
“Teka, paano ‘yun? Nagjojoke ka ba?”
Eh anak nga naman ng UFO, oo. Ano bang klaseng relasyon ‘tong sinasabi niya? Kami na pero hindi ko siya pwedeng lapitan? Karelasyon ko siya pero hindi ko siya pwedeng lapitan? Girlfriend ko siya pero hindi ko siya pwedeng halikan? Tarantado, mukhang nakakain ‘to isang toneladang asin mula sa dagat. Akala ko pa naman, nakajackpot na ‘ko, lalo pa’t siya pa ang parang nanligaw sa akin, tapos ganyan. Putsa, magdadate ba kaming 100 meters apart?
“Tayo ba talaga nyan?”
“Sa malamang, kakasabi ko lang diba...”
Gusto ko sana siyang tanungin kung tumira siya ng pusit noong nagswimming sila kanina eh. Gusto ko sana siyang tanungin kung hindi ba siya sinaniban ng engkanto noong pumunta sila doon sa batuhan. Gusto ko rin sana siyang tanungin kung gusto niya kaming maglambingan sa pamamagitan ng mental telepathy. At gusto koyung itanong ng pasigaw! Loko-loko ba siya? Kung ano-anong pinag-iisip niya. Basta, ngayong kami na, ako na ang dapat magdedesisyon sa kung ano ang dapat at hindi dapat? Dapat ganoon, at ganoon talaga, ako ‘yung lalaki eh.
Tiningnan ko siya na parang gusto ko siyang pangaralan. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi na niya ako pwedeng ganun-ganunin. Gusto niyang maging kami, edi fine, pero hindi siya ang masusunod. Lalapitan, hahawakan, hahalikan ko siya kahit kailan ko gusto. Magsasawa akong gawin sa kanya ‘yun. At kung gusto ko siyang kantutin, gagawin ko ‘yun, wala siyang magagawa.
Taydana, ang sagwang pakinggan! Bwisit!
Pero nang tingnan ko ang kanyang mga mata, wala akong nakita kundi parang isang batang nagmamaka-awa, parang isang batang nanghihingi ng alaga. Kitang-kita mo sa pailalaim niyang tingin ang kainosentihan.
Nawala ang angas ko. Tae talaga oo.
“Eh ba’t ganon? Ser...yo...so...ka...”
“Hindi pa kasi ako tapos...”
“Teka, ‘wag mong sabihing may idadagdag ka pang bawal? ‘Wag mong sabihing bawal mo rin akong makita?”
“Kung pwede lang sana, pero masyado akong romantic para gawin ‘yun. Kaya iniba ko na lang...”
“Eh ano?” May roromantic pa ba sa mga bagay na sinabi niya? At kung  meron nga, ano ‘yun? Na gusto niya akong patayin dahil mahal na mahal niya ako?
“May hangganan ang bawat isa sa mga nasabi ko. ‘Yung encounters na lalagpas ng public zone, bawal ng isang buwan.  ‘Yung dikitan ng balat, bawal ‘yun ng dalawang buwan. ‘Yung yakapan, o di kaya akbayan, bawal ng tatlong buwan. ‘Yung holding hands naman, hindi pwede ng anim na buwan...”
“Eh ‘yung halikan tsaka sex?”
“’Wag kang atat, napaghahalata ka...”
Nabilaukan naman ako.
“’Yung halikan, bawal ng isang taon...”
Napangisi naman ako. Yes! Hindi naman pala talaga siya ganoon ka-adik! Isang taon lang naman eh, kayang-kaya! Ako pa! Ako pang ang pangalan ay Carl Alfonse Santiago...
...‘Yun nga eh, ako nga si Carl Alfonse Santiago. Kaya makakaya ko kaya ‘yun?
“Pero kahit na umabot na ng isang taon, ‘yun ay kung aabot nga tayo ng isang taon, hindi ibig sabihin noon eh pwede mo na akong halikan kahit kailan mo gusto. The same goes sa holding hands. May choice pa rin ako kung hahalikan nga kita o tatagpasin ko ng cutter ‘yang labi o kamay mo...”
“Akala mo naman napaka-kissable ng lips mo para ma-adik ako diyan...” ang tanong ko sa kanya ng pa-angas. Pero ang totoo, napaka-kissable nga talaga ng mga labi niya. Nakakagigil! Makapal kasi ito at kadalasang pula, pero hindi naman siya naglilipstick. Iba naman kasi ‘yung kinang ng labi niya tsaka ‘yung kinang ng labing may lipstick.
“Tingin mo talaga sa akin adik sa halik...”
“90% na oo...”
Namumuro na talaga ‘tong tao na ito.
“Ibobonus ko na lang ‘yung dikitan ng balat na walang kondisyon at kahit kailan eh pwedeng mangyari. Pero ’yung sex, bawal throughout the relationship, bawal talaga...”
“Sandali, bakit mo ba ako dinidiktahan kung ano ang dapat kong gawin? Magkarelasyon na tayo, dapat ako na lang ang nagsasabi kung...” saka ako napahinto. Biglang tumulis ang pailalaim niyang tingin sa akin, parang nagbabanta na tatapalan niya ng buhangin ang bibig ko kapag itinuloy ko ang sinasabi ko.
“..ang ibig kong sabihin, dapat...dapat tayong dalawa ang nagdedesisyon. ‘Yun nga, ‘yun ang ibig...kong...sabihin...” ang sabi ko sa pababang tono.
“Edi break na tayo. Magmukha kang tanga sa kakahabol sa akin. Duration of the relationship: 20 minutes...” saka uli siya pumorma na akmang tatayo.
Teka, tinawag niya akong TANGA! Kung hindi ba naman siya alien! Pero teka rin, break na kami anong gagawin ko...
“Teka, nagbibiro lang...” saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
Tumigil siya. Tumigil siya sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag, ibig sabihin kami pa rin hanggang ngayon. Wala pa akong girlfriend na tumagal lang ng 20 minutes, at wala pa rin akong relasyon na ‘yung babae ang unang nakipagbreak.  Hindi ‘yun mangyayari at hindi ko rin ‘yun mararanasan sa katulad pa ni Chong. ‘Ba, hindi ‘yun pwedeng mangyari sa akin.
Saka ko siya tiningnan, pero nagulat ako dahil hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa kamay niyang hawak ko...
LINSYAK! NAHAWAKAN KO ANG KAMAY NIYA!
“’Wag kang mag-alala. Effective pa lang naman lahat ng kondisyon sa unang araw ng pasok natin pagkatapos ng mga field work natin dito sa Pangasinan...”
Nakahinga ako. Talagang nakahinga ng maluwag. Haayyy!!
“Kinabahan ka ‘no? Ano pa bang ayaw mo sa pagiging tanga? Sa tingin mo ba hindi ka pa nagmukhang tanga nung nagsisigaw ka sa hallway? Oh, di bale nasa pang-apat na tayong kondisyon...”
“May pang-apat pa?”
“Diba sabi ko limang kondisyon? Engineering ang course mo diba, simpleng arithmetic lang...”
“Hindi pwedeng tumawad?”
“Pwede, pero hindi mo na ako pwedeng makita ang magiging pang-apat na kondisyon?”
Tiningnan ko na lang siyang parang nagtatampo, nagtatampo dahil palagi niya akong naiisahan.
“Ikaw lang ang tumatrato sa akin ng ganyan sa lahat ng mga naging girlfriend ko...”
“Well, saying that, leads me to the fourth condition...”
Ano na naman ‘yun? Anong kinalaman ng mga nasabi ko sa kondisyon niyang pang-alien?
“Walang magiging labelling sa relasyon natin. I mean, walang tatawaging lalake o babae sa pagitan natin. Ibig sabihin, hindi mo ako pwedeng tratuhing babae at hindi mo ako pwedeng tawaging girlfriend. Walang magiging babae, bakla, tomboy, hayop sa relasyon na ‘to. Genderless. Kung ayaw mo nun, edi parehas tayong lalaki, ikaw at ako, lalaki. Romantic ‘no. Dalawang lalaki, dalawang lalaki tayong nag-ma-ma-ha-lan...” talagang nilandian at pinabagal niya ‘yung pagkakasabi ng nagmamahalan. Tae talaga.
“May magagawa ba ako?”
“Meron, believe me, meron...”
“Eh ano?”
“Makipagbreak ka sa akin...”
Oo nga naman, bakit ako magtitiis sa mga kondisyon ng taong ‘to, eh pwede nga naman akong makipagbreak sa kanya. Bakit ko magtitiis na gawin niyang parang alagang hayop kung sa isang pitik ko lang eh pwede ko siyang hiwalayan. Tutal, siya naman ‘tong nag-aya sa amin na maging kami, edi malamang habulin niya ako. Takot lang niyang mawala sa kanya ang gwapong katulad ko. Edi, makikipagbreak na lang ako. Siya ang magmukhang tanga sa kakahabol sa akin...
“And not to be vague, kapag naghiwalay tayo, hindi kita hahabulin katulad ng panghahabol mo sa akin at habambuhay na kitang iiwasan. Bilog lang talaga ang buwan kaya naisipan kong maging tayo. Oh ano, edi break na tayo?”
Maniwala ako, walang nakaktiis sa akin. Maski nga siya bumigay ng unang beses, hindi pwedeng hindi ko uli ‘yun magawa ng pangalawang beses. Imposible. Cute ako. Gwapo ako. Heartthrob ‘to.
“At tandaan mong kapag sinabi ko ang isang bagay, sinabi ko ‘yun...” ang sabi niyang parang nagbabanta, na parang ana’t anupaman ang gawin ko, hawak niya ako sa leeg.
Kakaiba talaga ‘to. Bibigyan niya ako ng choice na hiwalayan siya, tapos tatakutin niya ako ng kung ano-ano. Labo talaga!
“Ay...Ayoko...ayokong makipagbreak...”
“’Yun naman pala, eh. Edi eto na ‘yung panghuling kondisyon...”
Tiningnan ko na lang siya ng nakakunot ang noo at kilay.
“Bilang panlimang kondisyon, ako at ako lang ang tanging makakapagpasiya kung anong mangyayari sa arrangement nating eto. Ibig sabihin, ako lang ang makakapagsabi kung kailan tatapusin ang relasyon natin...”
Unfair! Ano ‘yun? Talagang gusto niya maging mas mataas kesa sa akin? Talagang gusto niya siya ang kokontrol sa relasyon namin! Hindi ‘yun pwede! Hindi-hindi pwede dahil ako ‘yung...teka, oo nga pala, hindi nga pala pwedeng ganon. Sasabihin ko ba o hindi? Pero sa isip ko lang naman eh, pwede na siguro, hindi naman niya maririnig. Hindi ‘yun pwede dahil...dahil ako ‘yung lalaki. AKO ‘YUNG LALAKI!
“Be careful lang ah, mahirap dayain ang isip. Baka mamaya bigla mo na lang ‘yang mabigkas...”
“Ha?”
“Kunwari ka pa, eh alam mo naman ‘yung sinasabi ko. Pre, condition number 4...”
Tae, paano niya nalaman iyon? Hanep talaga! Nakagat ko na lang ang labi ko sa takot dahil baka mabigkas ko nga kung ano ang iniisip ko. Bwisit naman oo, mukhang hindi ko madadaya ang taong ito!
Pero, teka. Hindi naman kaya gusto niyang siya ang may hawak ng huling salita sa relasyon namin para pwede siyang mag-extend kapag ayaw ko na? Hindi nga kaya ganon? Wahahaha, tingnan mo, kaya pala niya ako inayang maging kami, dahil takot siyang mawala ako sa buhay niya! Tao nga namang ito, oo. Pahard-to-get pa, hindi na lang kasi amining ako ang buhay niya, kung ano-ano pa ang pinagsasabi eh! Wahahaha! Possessive talaga!
“Don’t worry, hinding-hindi ko gagawin ‘yun...” ang sabi niyang bigla. Hindi ko namalayan na nakita niya na pala akong ngumingiting mag-isa.
“Anong hindi mo gagawin?”
“Na huwag tapusin ‘yung relasyon natin kahit ayaw mo na. Anong tingin mo sa sarili mo, oxygen na kapag nawala, ikamamatay ko...”ang sabi niya sa sarkastikong paraan, sa paraang parang napapagod na sa pagdadahilan ng taong kausap niya.
“Sa tingin mo naman hindi ko nababasa ‘yang mga kagaguhang pinag-iisip mo...”
“Hindi...Hindi ka sigurado ah...” ang nasabi ko na lang natila napahiya.
“Sigurado ako...”  ang sabi niya habang itinutuon ang kanyang ulo sa kanyang kliwa at pailalim na tumitingin sa akin.
“Pwes, ma..mali ka. Ang iniisip ko, eh, paano naman ako makakasiguro na hindi ka magiging bias, na hindi magiging laging panig sa’yo ‘yung mga desisyon mo tungkol sa relasyon natin?”
“So, talagang napangiti ka ng mga ‘yan?”
Nabilaukan na lang ako.
“Believe me, magiging fair ako. Hindi ako ganoong tao. Kung ikaw, sikat ka dahil gwapo ka, ako, sikat ako dahil mukha akong respetado. At hindi lang ‘yun hanggang mukha, sinisikap ko talagang maging karespe-respeto. Habang kayo eh nagkakandarapa sa pagpasa-pasa ng mga sagot at pagtingin sa papel ng katabi niyo kapag exam, ako, hindi niyo ako makikitang ginagawa ang mga iyon. Well, pwera na lang nung isang beses na tapos na ‘yung oras ng exam sa Algebra  tapos nalaman ko na lang na may mga tanong pa pala sa likod ng huling page. Nahiya na rin ako dun sa katabi dahil baka isipin niya na masyado akong nagmamalinis, kinakausap pa man din ako nung tao. Pero hindi naman niya ako pinasahan, sinabi lang niya ‘yung sagot. Sinolve ko pa rin naman ‘yung problem, hindi naman macrecredit ‘yung points nun kung walang solution eh. Tsaka, oo nga pala, noong elementary nga din pala, noong tiningnan ko ‘yung papel ng Top 2 namin habang nagtetest kami sa division. Ako ‘yung Top 1 nun ah, pero hindi ko rin naman tinuloy eh, nanliit ako sa sarili ko. Dalawang beses pa lang ‘yun ah, base nga lang ‘yun sa pagkakatanda ko. Basta magtiwala ka, hindi ako ganoong tao. Kung sa tingin mo may mali ako, edi sabihin mo, titimbangin natin kung tama nga o mali ‘yung desisyon ko tungkol sa relasyon natin...” ang sabi niyang kalmante na sinabayan pa niya ng matamis na ngiti.
Tama naman siya. Respetado naman talaga siyang tingnan, respetado dahil nakakatakot siyang lapitan. Halos hindi ngumiti, iisipin pa ba naming tarantado rin siyang kagaya namin. Pero totoong kahit minsan hindi ko siya nakitang nangopya, maski nga sa assignments hindi ko pa siya nakitang ginawa ‘yun eh. Kung hindi pa niya sinabing nagawa niya ang mga iyon, hindi ko pa nalaman na nakapangopya na pala siya. Kung hindi pa niya sinabi, hindi ko pa malalaman na nagigipit din siyang kagaya ko. Kung hindi pa niya sinabi, hindi ko malalaman na nanliliit din siya minsan na kagaya ng nararamdaman ko.
Nakakatuwa, nakakatuwa dahil nalalaman ko ngayon na may kataranduhan rin pala siya.
“Oh, sige, to exercise my righteousness at para masabi mo naman na kahit papaano eh pinahahalagahan ko ang opinyon mo, kahit na doubtful ‘yun, pagbibigyan kitang magtanong...”
“Ah, hmmm, ‘yung sa condition number 3 sana...”
“Oh, anong meron sa condition number 3?”
“Ibig bang sabihin nun, eh, bawal tayong mag-usap?”
“Oh...ohhhh, I see. Nasa sa iyo na iyon. Kung gusto mo akong kausapin kahit na halos 3 meters tayong magkalayo, pwede naman. Basta ‘wag kang mag-eexpect na makakakuha ka sa akin ng sagot ah...”
Ang righteous, grabe, napaka-righteous niya sa lagay niyang iyan.
“Baka marunong ka ng telepathy, pwede mo rin naman akong turuan...”
Tiningnan ko na lang siya ng may mababang talukap ng mata. Tiningnan ko na lang siyang naiinis at may kunot na noo. Tinanong ko siya ng maayos, tapos kung ano-anong katarantaduhan ‘yung isinasagot niya. Oo, tama naman ‘yung mga sagot niya, pero pwede naman niyang sabihin na parang hindi namamahiya tsaka ng deretsahan. Chong na ‘to, sarap lunurin. Righteous pala ah, righteous niyang mukha niya.
“Oh sige na...” ang sabi niyang halos padabog. “Ganito ang gagawin natin, pwede kitang kausapin, pero hanggang 15 minutes lang. Well, nasa discretion ko pa rinnaman ‘yun, pero hindi pwedeng lumampas ng 15 minutes. At gagawin ko lang ‘yun kapag importanteng bagay ‘yung pag-uusapan namin. At ako pa rin ang magdedesisyon kung talagang mahalaga nga ‘yung bagay na pag-aaksayahan ng laway ko. Okay?”
Good, dapat ganyan. Hindi ‘yung siya lang ‘yung laging nasusunod. Kami na, tapos gusto niya laging siya? Kamusta naman 'yun. Pasalamat nga siya at hinayaan kopa siyang magbigay ng kung ano-anong mga kondisyon kahit na dapat eh salita ko lang ang kumokontrol sa kanya. Dapat naman talaga eh ganoon, syempre ako yung...ako kaya yung...ako yung...
...Wag na nga lang...
"Oh, may gusto ka pang itanong, at ng makita natin kung pwedeng baguhin?"
"Pwedeng lahat?"
"Sige, pero susungalngalin muna kita..."
Tinulisan ko na lang ang nguso ko habang nakatingin ako sa kanya ng matulis.
"Bilisan mo, nawawala na 'yung pagkabilog ng buwan..."
Teka, parang may kulang sa usapan namin eh, parang may kulang sa arrangement naming eto. Ano nga ba ‘yun? Hmmm...
“Ano na?”
AH! OO NGA! Pero teka, kailangan pa ba nun? Baka pagtawanan ako ng taong ‘to. Pero malabo, bakla nga siya eh, sabi na rin niya, baka open naman siya sa ganoon. Ano, sasabihin ko ba?
“Huy, ano ‘yun?” ang tanong niyang nakukunot ang noo, na parang naghihintay ng itatanong ko.
“Ah, wala ba tayong...”
“Anong wala?”
Putik, sige na nga, sasabihin ko na!
“Wala ba tayong...kontrata?”
“...hmmpt...A...no...ka...mo?” ang sabi niyang parang nagpipigil ng pagtawa. Napalitan ‘yung pagtataka sa mukha niya ng pigil na ngiting parang nang-iinis.
“Ang...sabi ko, wala bang kon...trata ‘tong relasyon?” Bwisit, parang dapat yata, hindi ko na lang itinuloy ‘to eh.
Saka naging blanko ang kanyang mukha habang parang sinusuri ako ng buo ng kanyang mga mata.
“Wahahahaha!!! WAHAHAHAHA!!!!” ang bigla niyang pagtawa. Parang hindi na nga ‘yun tawa eh, halakhak na ‘yun eh.
Sabi ko na nga ba eh, pagtatawanan lang ako ng taong ito.
Lalong kumunot ang kilay at noo ko.
“Wahahaha! Adik! Hindi tayo magpapanggap na magkarelasyon. Totohanan ‘to. Wahaha! Bakit ka gagawa ng kontrata, para siguruhin na walang aabuso sa kasunduan natin? Sige, subukan mong abusuhin ‘yung kasunduan natin, pagkalat mong tayo sa lahat ng tao sa mundong ibabaw. Eh, parang gagawin mo naman ‘yun? Ano ka, tumira ng seaweeds para ipagkalat sa buong mundo na may karelasyon kang kapwa lalaki? Wahahahaha!” ang sabi niyang paputol-putol dahil sapaghalakhak niya. Oo, gusto kong nakikita siyang tumatawa. Oo, gusto ko rin siyang mapasaya. Pero ayaw ko namang sumaya siya dahil mukha akong katawa-tawa.
Sige, tawa lang, pagtawanan mo pa ako.
“...Ni hindi man nga tayo magpapanggap na mag-asawa. O.A. nito. Wahahaha!!! Kadiri ka! Kalalaki mong tao, kung ano-anong mga pinapanood mo! Wahahaha!Lalaking-lalaki pala ah, EWWWW!!!”
“TEKA, ANONG KADIRI? ANONG KADIRI DOON?” ang tanong ko sa kanyang halos pasigaw.
“Adik ka sa Koreanovela ‘no. Baka nga maski sa mga teledrama sa gabi adik ka rin eh. Wahahahaha! KADIRI ‘TO!”
“Anong adik! Hindi ako madalas manood ng mga ganyang palabas! Mi...mi...”
“Ano...ano?”
“Mi...minsan lang...” Wala akong nagawa kundi yumuko na parang napahiya.
“Wahaha! Tingnan mo! Yuck! Wahahaha!” Halos lumabas ‘yung ngalangala niya sa kakatawa, sa kakatawa niya sa akin. Ang sarap busalan ng buhangin.
“KAPAL NITO! Bakit ikaw, hindi ka ba nanoood ng mga ganyan?” ang tanong ko sa kanyang pa-angas. ‘di pa siya tumigil sa kakatawa niya, talagang sayang-saya siyang pagtawanan ako.
Saka siya biglang tumigil sa pagtawa na parang baliw.
“MIN-SAN-DIN, though hindi ako nanood ng mga teledrama, mga Koreanovela lang, tsaka pili. Tsaka aminado akong bakla ako, normal lang sa mga kagaya ko ‘yung maging hopeless romantic, ‘yung mangarap na sana mangyari rin sa akin ‘yung mga bagay na parang sa fairy tale lang nangyayari, dahil ipinapamukha sa amin ng realidad na imposibleng maganap ‘yung inaasam namin, though hindi ko naman talaga ginagawa ‘yun. Eh ikaw, ang lakas ng loob mong ipagsigawan sa buong mundo na straight kang lalaki, na lalaking-lalaki ka, tapos anong mga pinapanood mo? Mga Korenovela? Mga teledrama? Yuck!!!”
Ang lakas makapang-insulto, eh isa rin naman siyang nanonood ng mga ganoong palabas...
Pero may tama nga naman siya. Fuck.
“Wahahahaha...”
Lulunurin ko na ‘tong taong ito eh.
“...Tsaka tingnan mo ‘no. Ilang oras ba ‘yung hinahayaan nating kainin ng mga walang kapapararakang palabas na iyan sa panonood sa kanila. Siguro sa iyo mga...20 hours? Haha! Pero sa akin mga 2 o 5 hours lang, pero hindi pa ‘yun araw-araw, tutal Koreanovela lang naman ang pinapanood ko. Okay lang sana kung Korenaovela eh, kasi sa akin lang naman, mas makatotohanan ‘yung mga drama nila. ‘Yung tipong maski ‘yung mga bida, nakakaramdam ng inis, ng galit, at hindigalit na puro paghihiganti lang, tsaka ‘yung mga kontrabida eh hindi lang puro taas ng kilay, puro galit, puro yaman. Sa Korenovelas, maski sila nakakaramdam ng awa, nagdadalawang-isip kung itutuloy ba ‘yung mga plano nila, pinapakita na hindi sila laging nagwawagi, na may pangarap rin sila, na may dahilan kung bakit nila ginagawa ‘yung mga bagay na iyon, at hindi lang palaging dahil sa yaman. In short, sa mga drama nila, talagang tao ‘yung isinasabuhay, totoong tao...”  ang sabi niya habang nakatingin sa dalampasigan na sinabayan pa niya ng pagkumpas-kumpas ng kamay.
Nawala ang inis sa mukha ko. Napalitan ito ng tuwa at pagtataka habang nakatingin ako sa kanyang mukha.
“...hindi katulad sa mga drama natin na dalawang klase ng tao lang ang nag-eexist: ‘yung lalaki at babaeng bida na may mga utak na walang inirirelease na ibang hormone kundi oxytocin, ‘yung hormone ng sympathy, ng pagiging mabait, at ‘yung kontrabidang hayok na hayok sa iisang lalaki at walang ibang fluid sa utak niya kundi hormone ng kasamaan, to the point na parang literal na siyang anak ng demonyo na kung mamakaya niya eh, bibili siya ng atomic bomb para lang pasabugin ‘yung bahay ng santang bida para maagaw niya ‘yung lalaki ng buhay niya. Well, idagdag mo na rin ‘yung mga kaibigan ng mga bida na walang alam gawin kundi sulsulan ‘yung mga bida at kontrabida. Sidedish lang naman sila, eh. Nakakabwisit diba. Tingnan mo, sa dalawang Koreanovela pa lang naman ako naadik eh, sa Queen Seon Deok tsaka sa Baker King. ‘Yung Queen Seon Deok, pautakan, ‘yung Baker King, pag-asa. Eh ‘yung mga drama natin, ano, puro pag-ibig? Maski political drama natin, iikot sa pagibig? Mga anak ba ng demonyo ‘yung mga kontrabida sa mga dramang iyan, hindi. Well, si Mishil, medyo, sino ba namang hindimatatakot sa taong iyon. Pero maski siya natatalo, nauutakan, nawawalan ng pag-asa. ‘Yung sa Baker King, namatay ba ‘yung kontrabida? Hindi, buhay na buhay siya, pinagbayaran niya ‘yung mga kasalanan niya ng buhay siya. Diba, kung titingnan mo, mas masakit ‘yun? Oh, sa mga drama natin, anong nagiging katapusan ng mga kontrabida? Nakakain ng buwaya, namamatay sa sumabog na kotse, nahuhulog sa helicopter, nasasamang sumabog sa building na gusto niyang pasabugin, tapos ano, pagkatapos ng ilang episodes, maiinis ka na lang kasi makikita mo na lang silang parang si Chuckie na may dalang kutsilyo, na buhay na buhay. Tapos uulit nanaman, masasabugan, masusunog, mahuhulog na naman sila sa ending. Pero this time, patay na talaga sila. Eh anong pinagkaiba ng una sa pangalawa, minsan nagiging tatlo pa nga, o di kaya hanggang matapos ‘yung palabas dahil naextend ng naextend dahil ang taas ng ratings ng lecheng palabas na ‘yun. Pinagpapala ba sila ng Diyos dahil masama sila? Ano ‘yun may sa pusa sila? Okay lang sana kung sa isang beses, sa dalawang beses, pero hindi. 'Yan palagi ang nangyayari sa lahat ng mga  drama natin sa telebisyon. Paulit-ulit. Sabihin mo nga, kung may nakatadhanang magkaroon ng isang kontrabida na handang pasabugin 'tong Pilipinas at kailangang mamatay sa dulo ng kwento sa bawat dalawang taong magkarelasyon, 'di sana hindi overpopulated 'yung Manila ngayon, 'di sana hindi pinagdedebatihan ' yung RH bill...” ang sabi niyang para talagang naiinis.
Nagpatuloy akong tingnan siya ng walang reaksiyon sa mukha, na parang naiintindihan ko ang mga sinasabi niya, kahit na alam ko namang hindi.
“...at ang nakakainis pa, tinatangkilik pa sila ng mga Pilipino, ng mga mahihirap na mga Pilipino! Hindi na nga sila magkanda-ugaga sa mga sampu nilang anak, sa TV pa nakatutok ‘yung mga mata nila. Buti nga ngayon, ang laki na ng ibinawas ng mga ratings ng mga lintik na palabas na mga iyan sa TV. Pero parang hindi rin eh, kasi nagsulputan naman ‘yung mga lintik na uploader ng mga videos kaya sa internet naman nagsipiyesta ‘yung mga taong adik sa drama. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig-hilig ng mga Pilipino sa mga dramang ganyan, sa mga dramang puro pag-ibig, puro patayan, puro tarayan. Tapos hindi pa mawawala na kailangan laging may involve na mayaman sa kuwento. Dahil ba talagang escapict tayo? Dahil masyadong mahirap ang mga Pinoy at hindi nila kinakaya ang mga pasakit sa buhay nila at kailangan nila ng inspirasyon para ipagpatuloy nila ang mga buhay nila? Dahil ba feeling nila eh mga bida sila, na gagawin ng mga kapitbahay nila ang lahat para hindi nila makita ‘yung mayamang pedophile na aahon sa kanila sa hirap? Eh lintik naman, ano bang nangyayari pagkatapos nilang manood ng mga dramang iyan? Parang magic bang nagkakaroon ng piyesta sa mga mesa nila? Nagkakaroon ba sila ng magandang buhay pagkatapos nilang manood ng tarayan satelebisyon? Hindi diba. Anong nangyayari sa nakukuha nilang inspirasyon sa paboritong nilang drama? Nagiging libog ba, kaya nagkakaroon sila ng maraming anak...”
Nakakamangha, nakakamangha dahil parang kakaiba na namang Chong ang nasa harap ko.
Saka siya huminga ng malalim. “...Pero, narealize ko rin na sobra na pala ‘yung pangungutya ko. Kahit papaano naman, may mga teledrama namang talagang nagiging insipirasyon ng marami at lumelevel na sa mga drama ng Korea. Ano sa tingin mo?” saka niya ibinaling sa akin ang kanyang ulo. Nakita niya akong nakatingin sa kanya na parang nahihiwagaan na parang nagtataka.
Wala akong nagawa kundi ngisian siya.
“...Kinakausap ko na naman ang sarili ko...” ang sabi niyang parang napahiya at nalilito.
Tumingin na lang ako sa dalampasigan at ngumiti na rin ng pasimple.
“Ganito, tutal alam kong napakaromantic mong tao kaya naghahanap ka ng isang kakilig-kilig na bagay sa relasyon natin, at talagang napakaromantic mo,  to the point na nagraradiate ‘yun sa lahat ng tao dito sa isla, maski sa akin, tsaka alam kong kahit na 1 microsecond pa lang tayong magkalayo eh mamimiss mo ako, gusto ko may isang bagay na kapag nakita mo at nakita ko, eh , magpapa-alala sa atin sa isa’t isa.” ang sabi niyang nakangiti na.
Eh ‘yun naman pala, eh. May konting kalandian rin naman pala ‘tong taong ito para maisip niya ‘yung ganyang bagay. Akalain mo ‘yun.
“Ba, maganda ‘yan. Buti naisip mo...”
“Syempre, ako pa, eh romantic akong tao...” ang sabi niyang parang nagyayabang.
Saka ko inikot ang aking paningin para makakita ng bagay na pwede kong isuggest sa kanya. Eh, ano nga kaya ang pwede? Hmmmmm... teka tutal nandito naman kami sa ilalalim ng mga...
“Ayoko ng bituin...” iniisip ko pa lang inayawan na kaagad niya. Bwisit siya.”...halos lahat naman yata ng magkarelasyon, ginagamit ‘yan. Gusto ko ‘yung unique, maghanap ka ng iba...” ang sabi niya matapos ko siyang tingnan ng nakakunot ang noo at kilay.
Okay, oo nga naman, bakit hindi na lang ‘tong bagay na nasa harap namin, bakit hindi na lang...
“So ayaw mo talaga akong maalala. Para namang may makikita kang bundok sa lugar natin? Ano bundok ng mga building?” ang sabi niyang parang nainis at nag-iinis. Ang gulo ng taong ‘to!
Naghanap na lang uli ako ng bagay na pwedeng isuggest sa kanya. Eh bakit pa ba ako naghahanap, eh nasa harap at taas ko na mismo no. Ang laki-laki, ang liwa-liwanag. Bakit nga ba hindi na lang ang...
“Maski naman ‘yung buwan ‘no. Kung may 4 bilyong couple sa mundong ito, malamang na halos 3 bilyon na ang nakapili diyan sa buwan. Gusto ko ‘yung everlasting, eh ilang bilyong taon na lang sasamang sasabog ‘yang moon sa earth...”
Pinapahirapan talaga ako ng taong ‘to! Putik, romantic ah. Talagang ang romantic ng mukha niya. Tae!
“Tae, ayaw mo. Maraming ganyan sa paligid ng labas ng campus. I’m sure maaalala natin ang isa’t isa sa pamamagitan ng TAE...” saka niya itinuro ang tae ng asona medyo malayo sa dalampasigan. At talagang nilandian pa niya ‘yung pagkakasabi ng tae.
Ang romantic talaga niyang tao. Sa sobrang romantic, parang gusto ko siyang character sa DOTA at sadyang magpa-kill.
“Oh, tutal wala ka namang maibigay na matino at ayaw mo naman ‘yung tae, edi eto na lang...” saka niya inilagay sa aking harap ang isang libro.
“Diba sabi nila, hindi daw mananakaw ang karunungan, edi ‘yan. Well, I doubt that, syempre paano kung patay ka na. Kunsabagay wala naman talagang bagay nahindi matatapos, pero at least mas tiyak natin kung kailan mawawala ‘yung karunungan kasi patay na tayo, ‘yun na yun. Oh diba, ang galing ko, oh edi libro na lang, kahit papaano everlasting...”
“Ang morbid...” Sa lahat naman ng bagay, libro pa. Napakaromantic. Kinonekta pa niya ‘yung kamatayan namin, para namang hangang wakas eh siya ang magiging gir... ay oo nga pala. Oh sige na, karelasyon na lang.
Pero hindi nga ba ‘yun ang gusto ko?
"Paano kita maaalala kung nasa sa iyo 'tong libro?"
"Kaya nga ipapahiram ko siya. Tapos isoli mo kung gusto mo, kung sawa ka ng kakaalala sa akin..."
“May magagawa pa ba ako?”
“Makipaghiwalay ka sa akin...”
“Ayoko nga eh...”
“Edi wala ka ngang magagawa...”
Kinuha ko na lang ‘yung libro sa buhanginan at tiningnan itong mabuti. Teka, parang pamilyar ‘tong libro ah...
“Oo, ‘yan ‘yung librong walang habas mong pinakelaman sa library. Pakialamero...”
Wahaha, oo nga pala! Teka, edi ibig sabihin, nandito rin ‘yun. Teka, ano nga bang page ‘yun. Sandali...
“Page 324, nakahighlight ng red...” ang sabi niya habang nakatingin sa dalampasigan. Parang wala lang sa kanya. Hindi kaya may mata ‘to sa tenga?
Saka ko hinanap ang page 324 at muling binasa ang ang mga linyang nakahighlight ng red. “According to research, reading trivias can suppress the hormone responsible for making us fall in love.”
Teka! Sandali nga! Hindi kaya ang gusto niyang ipamukha eh, hormones lang ang dahilan ng relasyong umiiral sa amin. Hormones lang na kapag nag-iba na ng emosyon, eh, mawawala na rin ‘tong nararamdaman namin, o nararamdaman ko lang? Hormones na napapalitan, nawawalan ng epekto, at pwedeng artipisyal na inumin?
Ang sweet, grabe. Ang sarap sapakin!
“Kaya pala libro ‘yung pinili mo dahil ‘yun ang gusto mong palabasin...” ang sabi ko sanang seryoso at nakataas ang kilay.
“Wow, that’s pretty impressive. For once in your life, nakabasa ka ng isang taong katulad ko. Ang galing, that’s a good step ah...” ang sabi niyang parang nag-aasar pa.
Tinulisan ko na lang lalo ang tingin ko sa kanya.
“Well, hindi naman totoo ‘yung trivia na iyan. Ilang beses ko ng niresearch kung talagang nasusuppress ng pagbabasa ng trivias ‘yung oxytocin, ‘yung hormone na tinutukoy diyan, pero wala namang lumalabas sa internet. Kung kahit papano may katotohanan siya, edi sana kahit isang source lang dapat nakita ko. Eh kaso, wala, wala talaga. Well, kahit papaano naloko ako ng trivia na ’yan ng halos apat na taon, kung hindi ko pa nalaman na peke pala ‘yan baka epektibo pa rin siya sa akin hanggang ngayon.Mind over matter, siguro, may mga bagay talagang nadadaan sa ganoon. Base sa nakita ko sa internet isang hormone lang din ‘yung nakakasupress ng oxytocin, ‘yung testosterone. 'Yung mga lalaking may matataas na level ng testosterone, they tend to get married less often, kasi bihira lang silang makaramdam ng sympathy, ng drive para sa commitment. Kaya nga nagtataka ako eh, sobrang nagtataka ako sa iyo...”
“Bakit naman?” Mukhang aayudahan na naman niya ako ng mga scientific terms. Bwisit talaga ‘tong tao na ito.
“Kasi diba, ang dami mong babae, ang dami mong kalandian, tapos ‘yung mga babae mo pa eh ‘yung halos ipaligo sa mukha nila ‘yung make-up nila at halatang expert sa kama. Tapos...”
“Teka, sinasabi mo bang nakipagsex ako sa mga babaeng ‘yun? Na mahilig ako...” ang pagputol ko sa sinabi niya.
“Kailangan ko pa bang sagutin ng oo ‘yung mga tanong mo? Read between the lines...”
“Hindi...hindi ah, mali ka ng akala...” ang nauutal kong sabi sa kanya.
“WEH?”
“Isa...iisang beses ko pa lang ginawa ‘yun ah...”
“Hindi nakakatawa 'yung joke mo...”
“Oh, sige, dalawa...dalawa lang talaga...”
“Oh, tingnan mo...”
Ibinababa ko na lang sa buhangin ang tingin kong masama. Napahiya ako eh, talagang napahiya.
“Pero bakit kapag nakikita mo ako, nagrerelease ‘yang utak mo ng oxytocin. Siguro nagrerelease rin ‘yan ng testosterone kapag nakikita mo ako. Pero imposible namang malibugan ka kapag nakikita ako, eh ang pangit-pangit ko. Bakit ka naaawa sa akin, ano bang meron sa akin?” saka siya tumingin sa akin na parang nagtatanong.
“Kapag nasagot mo ‘yan, baka maisipan kong ilift lahat ng mga ibinigay kong restrictions sa relasyon natin...”
Tumingin rin ako sa kanya, pero nanatiling blanko ang mukha ko. Wala naman akong mahanap na sagot. Sure naman akong hindi niya kakagatin ‘yung idadahilan ko, ‘yung idadahilan kong “You gave a new dimension to my life,” at kung ano-ano pa. Wala naman akong kaalam-alam sa mga hormones na pinagsasabi niya. Kahit natinackle na ‘yun sa psychology namin, hindi ko na ‘yun matandaan.
Ano pa bang gagawin ko, edi manahimik at tingnan na lang din siyang blanko ang mukha na parang nalulungkot.
Nalulungkot dahil ‘yun lang pala ang tingin niya sa relasyon namin.
“Well, I think that ends our first day of getting-to-know-each-other phase, kahit na parang ako lang ang nagsasalita...” saka siya tumayo sa buhanginan, habang ako naman ay nakatingin lang sa dalampasigan, sa kawalan.
“...At least diba, nalaman kong mahilig ka pala sa mga teledrama, haha. Sumama ka nang makipag-inuman kila Fred kung ayaw mong mahalata nilang may nagaganap na karumal-dumal sa pagitan natin...”  saka niya ipinagpag ang buhangin sa kanyang suot.
Nanatili lang akong naka-upo, nag-iisip kung bakit siya ganoon. Nakaka-inis siya, hindi ba niya alam ang ibig sabihin ng lahat ng ito para sa akin para ituring niyang hormones lang ang lahat ng ‘ito? Ganoon ba talaga siya kamanhid para ituring ako ng ganito, para ituring akong isang taong puro libog lang? Tingin ba niya sa akin, puro babae ang nasa isip?
Ang sama niya, ang sama...
“Pwede pa ba akong magtanong?” ang putol ko sa katahimikan na nagawa ng pagpagpag niya ng buhangin.
“Bakit itatanong mo ba kung pwede na tayong magbreak?” saka siya ngumisi. “Oo, pwede pa naman.”
“Bakit ang lupit mo sa akin? Saka ko siya tiningnan sa mata, ng nagtatanong, ng malungkot.
Saka siya umupo ng hindi sumasayad ang puwetan sa buhanginan.
“Diba sabi ko sa iyo, gusto kita. Noong una pa lang kitang nakita noong naging magkaklase tayo noong second semester noong first year, noong ilang beses mo akong tiningnan, aaminin kong gusto na kita. Ang gwapo mo pre, eh. Ngayon bilangin mo kung ilang buwan na ang nakalipas simula noon, sa tingin mo sa dami ng buwan na iyon, pagkagusto pa rin ‘tong nararamdaman ko?” saka siya tumingin sa akin ng napangiti.
Napangiti na lang ako. Napangiti na lang ako sa mga nasabi niya. Napangiti ako ng pag-amin niyang mahal niya ako.
“’Wag kang hungkag, hindi rin ‘to pagmamahal. Akala mo kung sino. ‘Tong nararamdaman ko, labis sa pagkagusto pero hindi sosobra sa pagmamahal...” saka siya tumingin sa akin ng nakataas ang kilay.
Pero kahit na parang binawi niya ang sinabi niya, hindi ko pa rin maialis ang ngiti sa aking mga labi.
“Kaya ako malupit sa’yo, dahil may espesyal kang parte sa puso ko. Hindi mo man maintindihan ngayon, pero alam ko balang araw, pasasalamatan mo rin ako...”saka siya ngumiti, tumayo at tuluyang umalis sa dalampasigan.
Nanatili lang akong nakatitig sa dalampasigan. Hindi ko na siya sinundan ng tingin. Bakit ganoon, talaga bang ganoon lang ang tingin niya sa relasyon namin? Sabi niya halos apat na taon siyang niloko ng triviang ‘yun, eh halos wala pa ngang tatlong taon nung nagkakilala kami? Paano ‘yun? Sabi niya, gusto niya ako, pero bakit ganoon ang turing niya sa akin. Sabi niya may espesyal akong parte sa puso niya, pero bakit ang daming limitasyon sa pagitan namin? At ano pa ang dapat kongipagpasalamat sa mga ginagawa niya? Ano?
Napakagulo niyang tao. Napakagulo.
Pero kahit na ganoon, may rason pa rin akong ngumiti. Eh inamin niyang may espesyal akong parte sa puso niya! Yahoo! Sabi rin naman niya, eh, mas lamang sagusto ‘yung nararamdaman niya, edi ngingiti na ako. Uy, ngingiti na ako, ngingiti na ‘yan. Uyyyy...
At napangiti nga ako ng mga nasabi niya.
Haaayyy, Chong! Chong ka talaga! Chong, Chong, Chong at Chong!
“Kung ayaw mong may sirenang dumukot sa’yo at humadlang sa relasyon natin, umalis ka na sa dalampasigan...” ang bulong sa akin ng isang taong gumulat sa akin habang parang tangang ngumingiting mag-isa.


[08]
Day 1, Month 0, Year 0:
”… noong ilang beses mo akong tiningnan, aaminin kong gusto na kita…”
”… sa tingin mo sa dami ng buwan na iyon, pagkagusto pa rin ‘tong nararamdaman ko?”
”… dahil may espesyal kang parte sa puso ko…”
Haaaayyyy, ang sarap-sarap ulitin ng mga salitang ’yan, parang mga straight na uno sa grades ko, parang mga sunod-sunod na kill sa DOTA, parang mga babaeng nakahubad sa hara…teka…paano kung kaming dalawa ni Chong ang nakahubad. Teka, parang ang sagwa, parang ang hirap namang tanggapin noon. Balik na nga lang sa hubad na mga babae, pero parang mas masarap kung kaming dalawa ni Chong ’yung nakahubad eh. Puta, hindi pwede, ang sagwa! TANGINA! HINDI KO NA ALAM…ARRRGGGHHH!!!
”…DAHIL MAY ESPESYAL KANG PARTE SA PUSO KO…”
”Excuse me, iho…excuse me. Iho, excuse me!” ang halos nanggagalaiting pigil na pagsigaw ng isang medyo maliit at matandaang babae habang sukbit sa kanyang braso ang kanyang bag. Katabi niya noon si Sir Villacruel na hawak namang leche flan. Nangingiti-ngiti pa si Sir ng makita niya akong matauhan.
Tae. Nananaginip ako ng gising.
”Ah, bakit po?” ang nasabi ko na lang matapos kong mamalayan ang sariling kong nakangiting mag-isa at parang tangang nakatingin sa kisame ng canteen.
”Ay,uulitin ko uli ah, nakakahiya naman kasi sa'yo, sabi ko baka pwedeng makishare ng upuan…” ang sarkastikong tugon niya sa akin.
”Ah, pwede po. Pwedeng-pwede po. Sino ba naman po ako para humindi sa…”
”Good.” Hindi ko tapos ’yung sinasabi ko, umupo na siya kaagad sa katapat kong upuan. Hanep. Kung alam lang niya kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon, kung anong ngiti ang dala ng mga naaalala ko,  malamang siya pa ’tong magsomersault sa canteen sa sobrang kilig.
Kaso kiligin pa rin kaya siya kapag nalaman niyang kapwa lalaki ang dahilan ng halos pagkabaliw ko.
”Ah, aalis na rin po kasi ako. May pupuntahan pa po…”
”Aalis kang halos hindi mo pa nabawasan ’yung kinakain mo. Naku iho, nagsasayang ka ng pagkain...” ang parang nangangaral niyang pagputol sa sinabi ko. Putik, oo nga pala, halos 45 minutes na nga pala ako sa canteen, at hindi ko pa halos nagagalaw ’yung inorder kong pagkain. Nakakapitong subo pa lang yata ako eh, hindi ko naman kasi balak talagang kumain, gusto ko lang tingnan si Chong mula sa mga bakal na benches mga 15 na hakbang mula sa canteen. Hindi ko naman kasi alam ma mapapadaydream ako ng wala sa oras.
”…Napakadaming batang nagugutom ngayon, i…”
”Ah, opo, alam ko nga po. Kaya nga dadalhin ko na ’tong pagkain ko…” saka ko hinawakan sa magkabilang dulo ang plato na halos hindi ko naman nagalaw. ”Sige, enjoy eating po…” pagkatapos ay ngumiti at yumuko ako ng kaunti na parang nagpapa-alam.
Haaayyy, bwisit. Bakit ba ako nawawala sa sarili ko? Oo nga pala, si Chong, si Chong talaga ang dahilan. Eto na ba ’yung tinatawag na love? Ni hindi ko pa naranasan ’to sa kahit kaninong  babae, ’yung tipong ako ’yung naghahanap at naghahabol sa babae, kasi sila ’yung halos pakaladkad na sumusunod sa footprints ko. Haha, ang gwapo ko talaga. Pero, sandali, tapos bigla na lang akong makakaranas ng ”LOVE” sa kapwa ko lalaki? Puta, bakit sa kapwa ko lalaki pa? Teka, hindi ’to pwedeng ”LOVE,” hindi pwede. Eh teka, ano na naman ’tong gagawin ko? Bakit lalapit ako kay Chong? Akala ko ba hindi ’to ”LOVE”? Tsaka bawal nga hindi ba? Eh gusto ko siyang kasama eh! Gagawin ko rin naman ’to dahil sa ”LOVE”. Eh hindi nga ’to ”LOVE” diba? Bahala na nga! Baka hindi naman siya seryoso sa kondisyon niya, malay mo pakipot lang ’yun, pero bibigay din kapag nandoon na ako. Tsaka dapat ako ’yung masusunod dahil ako gir...gir...Putsa, di ko na masabi! Taydana! Basta gagawin ko lang ’to dahil gusto ko siyang makasama, hindi dahil sa ”LOVE”-”LOVE” na ’yan...
”Ang kabataan nga naman ngayon Mr. Villacruel, hindi mo na maintindihan.”
”Intindihin na lang natin Ma’am. Malay mo may pinagdadaanan, malay mo in LOVE...”
Nagpanting ang tenga ko. Muli akong lumingon sa kanila, pero pagkalingon ko, kinindatan lamang ako ni Sir. Wala akong nagawa kundi liitan pa lalo ang ang maliit kong mga mata habang tinitingnan siya ng matulis.
HINDI NGA ’TO ’LOVE’ EH!
Unti-unti akong pumunta sa inuupuan ni Chong. May nag-aagawan pa rin sa loob ko kung talagang tabihan ko si Chong. Seryoso ba talaga siya doon? Hindi naman siguro niya papakadetalye lahat ng bagay ng iyon kung hindi siya seryoso. Hmmmmm, bahala na nga. Pero teka, wala lang namang dikitan ng balat tsaka bawal ko lang naman siyang lapitan, eh hindi naman kami maglalapit kasi sa katapat niyang upuan ako uupo...Niyahahaha, edi ayos, may butas ’yung sinabi niya, galing. Tingnan nating kung makakalusot...
”HI CHONG!!!” ang buong sigla kong pagbati sa kanya.
Pero wala siyang reaksiyon. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa problem na sinosolve niya. Wala lang, parang wala na naman ako. Kahit na anong lakas ng pagkakasabi ko sa mga salitang ’yun, parang ihip lang ng hangin na dumaan ’yun sa mukha niya, na parang isa lang akong taong hinsi niya pag-aaksayahan ng oras niya.
”CHONG!!!” Halos mapatingin na lahat ng tao sa hallway dahil lalo ko pang nilakasan ang boses ko. Eh, hindi siya madaan sa louder eh, eh di sa loudest na.
Kaso wala pa rin.
”Chong, di ba sabi mo walang dikitan ng balat tsaka bawal kitang lapitan. Oh, hindi naman tayo ganoon magkalapit tsaka hindi naman nagdidikit ang mga balat natin...” ang pa-angas kong sabi sa kanya.
Pero hindi na naman siyang sumagot, nasa Statics book pa rin ang mga mata niya habang nasa solution naman ang isip niya. Ako, walang katiting na parte sa utak niya.
”Chong, hindi mo man lang ba ako kakausapin?” ang halos nagmamaka-awa kong tanong sa kanya.
Pero nanatili siyang tahimik.
”Hindi ako aalis dito...” ang pagbabanta ko.
Wala pa rin.
Kaya wala akong nagawa kundi kainin na lang ang pagkain ko habang tinitingnan siyang parang tanga. Para siyang dulce de leche na hindi ko pwedeng kainin dahil mawawala siya kapag hinawakan ko, para siyang Statics test na mapeperfect ko basta ’wag ko lang siyang hawakan, para siyang porn na all-day-all-night magpaplay basta hindi magdidikit ang balat namin. Haaaayyyyy!!!
Wala, ganon talaga eh.
Pero bigla niyang binitawan ang ballpen na hawak niya at saka nagbasa na lang. Titigil na rin yata siyang magbasa at haharapin na niya ako. Mukhang eto na ’yun, hindi na naman niya ako natiis... Wahahaha!!!
Pero mali ako.
Saka niya itinaas ang kanyang braso sa lebel ng kanyang balikat. Nakaharap papunta sa aking ’yung palad niya
Teka, hindi kaya nangangarate ’tong taong ito. Iiiwas na ba ako?
Saka niya unti-unting iniikot ito papunta sa harap ko.
Baka naman sampalin niya ako, pero ang bagal naman. Eh baka nasa dulo ’yung surpresa? Alam mo naman ’tong taong iyo.
Pero hindi dumapo sa leeg, sa balikat, sa mukha, at mas lalong hindi sa pisngi dumapo ’yung kamay niya. Natigil ito sa paggalaw ng maharang ito ng kaliwa kong balikat.
Ano na namang pakulo ng taong ito?
”Intimate Zone is between 6 and 18 inches. The Social Zone is 4 to 12 feet. Public Zone is over 12 feet...”
Nagsalita nga siya. Kinausap nga niya ako. Pero kinausap niya ako habang nakatutok pa rin sa libro ang mga mata niya, na parang wala lang ‘yung ginagawa niyang magmumultitasking, na may ginagawa siya at istorbo ako doon. Halos ingudngod niya sa mukha ko napakaliit kong bagay para pagtuunan ng buo niyang atensiyon.
“...and the Personal Zone is 18 to 48 inches, OR AN ARM’S LENGTH...”
Oo nga naman, oo nga no, tama nga naman siya. Pero ano nga ba ‘yung mga pinagsasabi niya?
“’Walang encounters na lalagpas ng public zone’ ang eksaktong mga salitang ginamit ko sa kasunduan. Ibig sabihin kasalukuyan ka ngayong nasa Personal Zone ko, kasalukuyan kang nasa zone para sa mga taong me...dyo kaibigan ko. At kung susundin natin ‘yung kasunduan natin na hindi ka pwedeng lumagpas sa public zone, dapat ay kasalukuyan kang nasa gitna ng basketball court na ‘yan sa gilid mo, sa katirikan ng araw...” ang sabi niya sa mabagal na paraan, sa paraan na nangangaral na may tono ng sarkasmong nagtatago. At sinasabi niya iyon nang hindi nakaharap sa akin, sinasabi niya ang mga iyon habang nakaharap sa libro.
Para siyang ewan.
Teka, ako yata ang magmumukhang ewan kung gagawin ko talaga ‘tong katangahang iniisip ko eh.
“CHONG, KAU...SAPIN...MO...NA...’KO!” ang pakikiusap ko sa kanya sa halos pasigaw na paraan.
“Sige, kakausapin kita ng matino...”
‘Yan naman pala eh. Be good now! Masyado niya akong pinapahirapan, kakausapin rin pala niya ako. Minsan talaga kailangan binibilog-bilog ng mga baba...ba...ba...BWISIT! BAKIT HINDI KO NA MASABI!  Sa isip mo lang naman eh, bakit hindi ko siya tatawaging baba...baba...
“...kakausapin kita kung maipapaliwanag mo sa paraang maiintindihan ko kung sa papaanong hakbang makakapag-usap at magkakaintindihan ang dalawang tao na magkalayo ng tatlong kilometro ng hindi gumagamit ng mental telepathy...”
Problema ba ‘yun, eh pwede naman ko naman siyang i-text. Akalain mo ‘yun. Naisahan ko na yata ‘tong taong ‘to. Woohoo, no sweat...
“...ng hindi gumagamit ng cellphone, text o calls. Asa ka namang ibibigay ko sa’yo ‘yung number ko. Mamaya magtext ka ng magtext ng linyang puro tarayan na kinuha mo sa Mara Clara...”ang sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro.
Gago. Tingin niya sa akin ganoon kacorny? Hindi ko man nga ‘yun pinapanood ‘yun! Pero medyo maganda daw ‘yun. Pero sandali nga! Wahahahaha, hindi niya naisip na gumamit ng placards! Eh pwede naman kayo ‘yun! Edi naisahan ko na rin siya sa wak...
“...ng hindi gumagamit ng signages at placards. Ano ‘yun? Magsasayang ka ng kartolina at tinta para sa walang kapararakang bagay...” ang sabi pa rin niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro.
Anong ibig sabihin ng ‘walang kapararakang’? Eh pwede pa rin namang kaming mag-usap kapag nagsasign-language kami ah. Oo, nga, tama naman. Kaso, hindi ako marunong nun eh. Pero pwede ko namang matutu...
“...at hindi sa pamamagitan ng sign language. Malabo na ang mata ko makita ‘yung isinesenyas mo. Magsisinungaling  ako kung sasabihin kong marunong ako nun AT nangangarap ka naman ng gising kung iniisip mong matututo ka nun...” ang walang pagbabagong sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro, hanep.
Tiningnan ko na lang siya ng masama at ng may kagat-kagat na labi, parang batang naisahan ng isa pang batang mas bata kesa sa kanya.
Edi ano pa bang maisasagot ko edi, MAHABANG KATAHIMIKAN!
“...See, wala kang maisip na paraan diba. Don’t worry, don’t pity  yourself too much, kasi maski rin naman ako walang maisip na paraan pwera doon sa mga exceptions na binigay ko. Baka masyado ko namang napapababa ang self-confidence mong alam naman nating parehong abot yata hanggang sa undiscovered galaxies...” ang sabi niyang parang nag-aaalala para sa akin, pero parang may sarkasmo, at nanatili siyang nakaharap sa sinosolve niyang problem. “Oh, wait, may naisip akong paraan...”
Tingnan mo. Ang gulo talaga ng taong ito, oo! Halos ipagtabuyan niya ako, halos paligiran niya ‘yung sarili niya ng live wire para hindi lang ako makalapit, tapos, bigla-bigla, siya pa ‘tong iisip ng paraan para makapag-usap kami. Eh, pwede naman niyang ilift na lang lahat ng restrictions eh. Pahirap talaga, oo. Hanggang ngayon pakipot pa rin. Iiintindihin ko na lang siya. Ayaw lang naman niya akong mahirapan eh. Gusto niya akong i-baby, kaya ganoon. Gusto niya akong laging kasama, kahit na halos patayin niya ako. Mahirap ipaliwanag, dahil hindi ko alam ipaliwanag, basta ‘yun na ‘yun.
“...Bakit hindi ka lumayo sa akin ng tatlong kilometro at saka mo ako kausapin? Bakit hindi ka tumayo sa gitna ng court sa katirikan ng araw at saka sumigaw-sigaw...”
OO NA! MALI NA NAMAN AKO!
“...Malay mo magbago ang isip ko at kausapin kita. Alam mo naman masyadong malambot ang puso ko. Oh, what can you say, brilliant ‘no?” ang sabi niya habang nakangiti, kalmante, nag-uuyam, masaya, excited, nababahing, natatae, lahat-lahat na!
OH TEKA! Ano naman ‘yang iniisip mo! ‘Wag mong sabihing...’wag mong sabihing...Namumuro na ‘yan ‘no! Binagbigyan ko na ngang maging kami tapos gaganyan-ganyanin ako! No way! Sandali, eh malay mo dito na bumigay kapag ipinakita mong ibibigay mo talaga ang lahat sa kanya. Eh hindi pa ba sapat yung mga naibigay kong oras na ipinapahiya niya ako? Halos minu-minuto nga eh. Eh kung suntukin ko na kaya? Tama lang naman sa kanya ‘yun! Eh sumosobra na kaya! Oh, ano, sasampolan ko na ‘to? Eh papano ‘yung guidance, papano kung may magreport? Ang malaking tanong eh kung matamaan ko nga siya. Eh papano kung makaiwas siya, eh may sa hayop sa liksi kung makailag ‘tong taong ito eh. Eh bahala na, basta ang mahalaga, maipakita ko sa taong ito kung sinong minamaliit-maliit niya, makita kung sinong iniinsulto-insulto niya. Kailangan niyang maturuan ng leksiyon...
...Pero namalayan ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng court, namalayan ko na lang ang sarili kong tatlong kilometrong malayo sa kanya...
FUCK!
“CHONG...CHONG! ETO NO GINAWA KO NA! OH KAUSAPIN MO NA AKO! KAUSAPIN MO NA AKOOOO!” Buti na lang at konti na lang ‘yung mga taong kumakain sa canteen, kundi baka vinideohan na ako, at baka sumikat na ako sa Youtube dahil sa katangahang pinaggagawa ko. Kung nalalaman lang nila kung para kanino ‘tong ginagawa ko. Maski doon sa lugar kung nasaan kami, konti lang ang nagstay, pero ‘yung kakaunti na ‘yun ang halos pandilatan ako ng mga mata sa pagtatanong kung anong ginagawa ko.
Bullshit! Bakit ba kasi ako nagsisisigaw? Bakit? BAKIT!
Habang para akong tangang nagsusumigaw sa gitna noong court at halos palibutan na ako ng mga taong nakikiusyoso sa kung anong ka-ewanan ang pinaggagawa ko, nanatili pa ring kalmante, panatag, at nagsasagot ng problems ang walang kakupas-kupas na troll na si Chong. Hanep.
“WEEEE! KUYA, AKO NA LANG,  AKO NA LANG ANG KAUSAPIN MO!!”
“TEH, ANG GWAPO! ANG SWERTE NAMAN NG GIRLAlu...”
“BRO, SUKO NA. KUNG AYAW SA’YO, EDI AYAW SA’YO...”
Shit. Pakshit.
Pero biglang tumayo si Chong, tumayo siya at dumaan patungong canteen.
Sabi ko na nga ba eh! Woah! Jackpot ka Fonse! Eto na ‘yung matagal mong hinihintay! Sabi ko sa’yo eh, eto na ‘yung bagay na makakapagpalambot sa puso ng taong ‘yun. Eto lang pala ‘yun. Edi sana matagal ko na ‘tong ginawa. Edi sana sinabi man lang niya na eto ‘yung kailangan kong gawin para makuha ko ‘yung loob niya. Kunsabagay, ‘yun na nga ‘yung challenge eh. Pero, AT LAST! FINALLY! Eh papaano na niyan, wala ng thrill! Basta, ang importante, BUMIGAY NA SI CHONG! AT SA AKIN PA! Ang gwapo mo talaga Fonse, ang gwapo mo talaga...
...Eh ano naman ngayon kung gwapo ako. Talaga bang ‘yun lang ang dahilan ng lahat ng ito? Hindi ba parang ang liit na dahilan para gawin ko ang lahat ng ito? Eh parang hindi ko naman ginagawa ang lahat ng ito para lang patunayan na gwapo ako eh...
Saka naman bumalik si Chong na may dalang plato ng pagkain at plastic na baso para sa inumin. At hindi siya dumiretso sa dati niyang upuan, papunta siya sa court! Mukhang babawi na ‘tong taong ito sa akin. Tingnan mo, nagpabilad ka lang, ang laki ng balik. Mukhang susubuan pa niya ako! Eh malalaman ng mga taong kapwa ko lalaki ‘yung sinusuyo ko! Basta, bahala na! Ang mahalaga, ang sweet na sa akin ni Chong. Woohoohoo! WOOHOOHOO!
Pero bigla niyang inilapag ang plato sa mesang eksaktong nasa harap ko pero halos tatlong kilometro pa rin ang layo, at saka dahan-dahang  isinubo at buong pag-iingat ng ninguya ang chicken roll sa itinusok niya sa tinidor, na para ninanamnam ang bawat parte nito, na parang pagpapamukhang masaya siyang nakakakain habang nasa katirikan ako ng araw...
Sweet! Sobrang sweet!
Tutal naman ang sweet niya, itali ko kaya siya sa puno ng mga antik...
Unti-unti ng nagsi-alisan ‘yung mga taong nakapaligid sa akin. Napa-upo na lang ako sa gitna ng court habang tinitiis ang araw. Wala rin naman kasing nangyari sa pinaggagawa ko. Wala rin namang Chong na hinawakan ang kamay ko at kinumbinsi akong sumilong. Ni wala man nga lang kahit sinong babae o sino mang taong lumapit sa akin, at binulungan akong tumigil na. Wala, wala, talaga. Ipinahiya ko lang ang sarili ko...
“I’ve been looking for you, BA-BY...” ang bulong sa akin ng isang babae kilalang-kilala ko matapos niyang hawakan ang dalawa kong balikat. Talagang sa tenga niya sinabi ‘yung mga salitang ‘yun sa paraang nang-aakit. Halos kagatin na nga niya ‘yung tenga ko sa sobrang lapit ng labi niya.
Si Grace!
“Teka, Grace, anong ginagawa mo dito?” Bigla na lamang akong napatayo dahil sa gulat. Hindi dahil sa ginawa niyang pagbulong dahil lagi naman niyang ginagawa iyon, kundi sa bigla niyang pagsulpot sa ganoong sitwasyon.
“Obvious ba, Honey Bunch? You’re looking for Grace, right! So, here she is, the ever seductive, attractive, and capturing Grace Talavera you has ever known...” ang sabi niya habang papungay-pungay ang kanyang mga mata at parang kiti-kiting dahan-dahang inikot-ikot ang kanyang balikat at baywang. Matapos noon eh inilingkis niya ang kanyang mga braso sa aking katawan, habang ang kanyang mga kamay ay hinaplos-haplos ang tiyan ko at akmang bubuksan ang zipper ko.
“Grace, nasa gitna tayo ng court. Mahuli tayo ng guard!” ang sabi ko sa kanyang nakataas papuntang gitna ang dalawang kong kilay at habang inaalis ang kamay niyang halos dakmalin na ang ari ko.
“Bakit ka ganyan, it’s almost one month na tayong hindi nagkita. Ni wala ka nga man lang text o call sa akin, kahit isa, tapos ganyan ka pa...” pagkatapos ay niyakap niya ako at inilagay sa aking dibdib ang kanyang ulo. “...Tsaka why are you calling me Grace. Tinawag kitang Honey Bunch diba, dapat tawagin mo akong Sugar Cake. Maski ‘yung flirtations ko, parang tinatanggihan mo na. Dati, when I’m grabbing that BIG...SUPER BIG pet of yours, saka mo naman lalamutakin ang BIG...SUPER BIG kong boo...”
Bigla kong itinakip ang kamay ko sa bibig niya, “Puta, ‘wag kang maingay. Marinig ka ni Chong!”
“Wait Babe, sinong CHONG?” ang pagdidiin niya sa pangalan ni Chong.
Ay, tanga.
Paano maririnig ‘yun ni Chong eh halos tatlong kilometro ang layo namin?
 “You’re so mean. Tinawag mo lang akong puta noong dalawang beses tayong nasa kama. And sinabi mo ‘yun as if you’re flirting, habang subo-subo ko ‘yan. Eh, bakit ngayon, parang minumura mo na ako? Wait, sino ba ‘yung Chong na ‘yun? So siya ‘yung dahilan kung bakit hindi mo ako tinetext. Babe, payag naman akong makipagkantutan ka kahit kanino eh, basta you won’t abandon me! Bakit, mas malaki ba ang dibdib niya kesa sa akin?” ang sabi niyang parang batang hindi pinagbigyan ang hiling niyang bilhan siya ng lobo, pero parang naghahanap na rin ng away. Delikado, kilala ko ‘tong babaeng ‘to. Minsan ko na rin ‘tong iniwasan, eh puro katawan lang naman eh, puro dibdib. Kaso binulabog naman niya sa text ‘yung bago kong babae. Nagulat na lang ako nang bigla akong sampalin ni Jemma, sinabi pala sa kanya ni Grace na naikama ko na siya.
Patay tayo nito.
“Sino...Sino bang Chong ang sinasabi mo Gra...Su...Su...Sugar Cake...”
“Babe, hello, hindi nakaharang ang malulusog kong dibdib sa tenga ko! Don’t pool me babe, I’m not a pool. So, hindi pala ako nagkamali ng dinig at talagang Chong ang isinisigaw mo kanina. Sino ba ‘yang Chong na ‘yan, at ng makita niya kung gaanong kalaking dibdib ang binabangga niya...” saka niya hinila ang braso ko at  umabanteng parang naghahanap ng away...
...papunta sa upuan ni Chong!!!
Puta! Alam na ba niya? Alam na ba niya sa si Chong ‘yung bago kong pinag-iinteresan? Alam na ba niyang isang lalaki ang bago kong girl...gir...karelasyon?
“...Puta, Grace! Hindi si Chong ‘yang nasa harap mo...” saka siya niglang natigil dahil bigla kong hinablot ang braso niya.
“Wait, babe, eh nag-iisang lalaki lang kaya ‘yang nasa harap natin, so why on Earth, and on Mars was I make sugod-sugod him? She can’t be Chong because HE is a boy...” ang sabi niyang naguguluhan.
Ang tanga! ANG TANGA!
“Ah, oo nga...sabi ko nga...sino ba naman kasing nagsabing siya si Chong? Eh hindi naman talaga siya si Chong eh, kaya bakit mo siya susugurin...” ang sabi kong parang bata na hindi makatingin sa mata niya ng diretso. Sinulyapan ko na lang kung ano ang ginagawa ni Chong, kung nakahalata ba siya at kung nakikita ba niyang may kausap ako. Pero ganon pa rin siya, payapa at panatag na kinakain ‘yung chicken roll niya habang tumitingin pababa sa palto niya.
Nanatili nakatingin sa akin si Grace habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.
“Oh my God, hone...Alfonse...Don’t tell me, that boy eating like a retarded is actually Chong...”
DIYOS KO! DIYOS KO! ANO PA BA! ANO PA BA!
“...Don’t tell me, bakla ka na?” ang sabi niya habang parang nandidiri ang kanyang mukha.
“ANONG BAKLA, GRACE!!!”  ang bigla kong pagsigaw. “Hindi nga siya ‘yun, hindi siya si Chong, at wala dito si Chong...”
“Kaya pala nagsisigaw ka ng puro sweet words habang parang tangang nakatayo sa gitna ng court kasi wala dito si Chong...” ang sabi niya sa sarkastikong paraan.
Natigilan ako. Tama naman siya, tama naman. Fuck.
“Yuck, Alfonse. All this time, kaya pala hindi ka nagtetext sa akin, it’s because bising-busy kang makipagkantutan sa taong with your same gender!!!”
“Grace, hindi nga. Mali ka ng akala...” Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla siyang tumalikod sa akin at pumunta sa mesa ni Chong. Dali-dali kong siyang pinigilan at hinawakan ang kanyang braso.
“Let go of me, Honey Bunch. Bakit hindi mo na lang sinabi sa aking gusto mo palang sa puwet ipinapasok ‘yang titi mo. I’m sure I can do best than him. I’ll reclaim you from that asshole bitch. Hindi pwede isang bakla lang ang makakatalo sa akin. You’re just mine, Honey Bunch, you’re just mine...” ang sabi niya habang nagpupumiglas.
“Grace, ano ba ‘yang pinagsasabi mo. Wala ngang ganyan eh. ‘Wag kang paranoid, wala dito si Chong, kaya tumigil ka na! TIGIL NA!”
“CHONG! FACE ME! GUSTO MONG AGAWIN SI HONEY BUNCH FROM ME, TALUNIN MO MUNA AKO SA PALAKIHAN NG SUSO. DALAWA LANG ANG BUTAS MO, SA AKIN TATLO!” talagang sinabi niya iyon ng pasigaw. May mga iilan na naman taong titigil sa kinatatayuan namin ngunit bigla ring aalis. Natakot sigurong bakla pumtay ng tao si Grace. May mga guwardiya ring tumitingin sa amin, pero hindi rin lumalapit sa amin. Wala naman kasing nagsusuntukan at nauwaan na rin siguro nilang galit lang ng babae ang dahilan ng kung ano mang nagyayari, galit ng babae na walang patutunguhan at lambingin ko lang eh mawawala na.
“Grace, sige na magkita tayo sa harap ng Sogo, tumigil ka lang, please ‘no pinagtitinginan na tayo ng mga tao...”
“Shut up, Alfonse. Tapos ano, pagkatapos nating magkantutan mamaya, pupunta ka naman sa baklang ‘yan para makipagkantutan. Gusto mo talaga akong magka-AIDS? Hindi pwede, kailangan turuan ng leksiyon ‘yang bakla na ‘yan!”
Fuck! Paano ko pipigilan ‘tong taong ito. Paano kung may prof na biglang lumapit sa amin, diretso guidance na talaga kami nito! Paano kung may pakialamero ng guwardiya na lumapit sa amin? Paano ko ba matitigilan ‘tong babaeng ito! Kailangang may tumulong sa akin. Tumawag na kaya ako ng guard? Kahit na maguidance, basta matigilan lang ‘to. Siya na lang ang ituro kong may kasalanan. Eh papaano kung sabihin niyang dahil may karelasyon akong lalaki kaya siya naghuramentado? Paano kung ipatawag ang magulang ko? Fuck, kailangan na talagang may tumulong sa akin. Tulong! TULONG!
“May problema ba?” ang kalamanteng tanong ng isang tao habang nakangiti ng buo at nakatayo ng matuwid sa harap namin.
Si Chong!
“Oo, at ikaw ang problema namin. So, ikaw talaga ang baklang nagtatangkang agawin si Honey Bunch Fonse mula sa akin. So ikaw talaga iyon?”
Ngumiti lang uli ng buong giliw si Chong at unti-unti ibinaba ang kanyang ulo habang tumitingin ng pailalim. Sasabihin kaya niya, sasabihin kaya niya na siya si Chong? Aaminin kaya niya na may relasyon kami? Fuck! Anong gagawin ko, pipigilan ko rin ba si Chong? Eh paano ko siya pipigilan eh pinipigilan ko rin si Grace? bubusalan ko na ba ng sabay ‘yung mga bibig nila? Anong gagawin ko?
“Hindi...nagkakamail ka. Hindi ako ang hinahanap mo...” ang sabi niya habang nakangiti.
“WEH?” Saka tumingin paibaba si Grace kay Chong. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa ID holder ni Chong...
...Pero wala doon ang ID ni Chong...
“Pasensya ka na, nakalimutan ko kasi ang ID ko sa bahay. All I have here is a gate pass, at nasa mesa ko pa. So forgive me, but trust me, I’m not the one YOU are FINDING...” ang sabi niyang mahinahon habang idinidiin ang ‘you’ at ‘finding’.
“At sa tingin mo maniniwala ako basta-basta sa iyo? Duh, as if? I has met many peoples like you, mga kabit na kahit na alam nilang iisang butas lang ang pwedeng pasukan ng titi ng isang lalaki, eh go lang ng go sa panlalandi. At kung hindi mo naaalala, just let me remind you that YOU ARE GAY, and you cannot take my Honey Bunch away from me!”
Pero nanatiling mahinahon si Chong habang panatag na nakatayo. Saka siya ngumiti ng hindi nakikita ang mga ngipin at kumurap ng dahan-dahan.
“Dear...” saka niya itinaas ang kanyang kilay na parang nakikisimpatya kay Grace. “I understand you, I HONESTLY understand you. You’re just a woman being so deeply in love with a but WRETCHED man. Ganyan talaga ang karamihan ng mga lalaki, and all I can say is don’t let them WIN, by playing their games, let them LOSE...by playing your games. And you cannot do that by being like this...”
“Huh...” ang nasabi na lang ni Grace.
Bigla na namang napangiti ng buo si Chong. “Oo nga pala, paano nga naman maiitindihan ng isang taong hindi alam na ‘have’ dapat ang ginagamit sa subject na ‘I’ at na laging singular ang ‘people’ ang ganoong salita. Kung ang sinabi ko nga lang na hindi ako ang hinahanap mo ay hindi mo kaagad ma-idigest, bakit ko nga naman aasahang maiintindihan mo na kung ayaw mong tumigil sa pandadamay ng mga taong walang kinalaman sa problema mo, eh, tumigil ka para magkaroon ka ng kakarampot na respeto para sa sarili mo...”
Natigilan na lang si Grace. Napatingin siya sa akin na parang napahiya at matulis na nguso.Parang ang gusto niya eh ipagtanggol ko siya mula kay Chong.
Wala akong nagawa kundi itaas ang dalawang kilay ko at ang dalawa kong balikat.
“Lumapit ka, Grace... tama ba ako?”
Tiningnan na lang ako ulit ni Grace na parang nanghihingi ng tulong. Kitang-kita mo sa mukha niya na hindi niya alam kung lalapit siya o hindi kay Chong.
“Psychology ang course mo hindi ba Grace...” Nagulat ako, papano niya nalamang ‘yun ang course ni Chong. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa ID ni Grace. Napahawak na lamang si Grace sa ID holder niya. “’Wag kang mangamba Grace, hindi naman kita sasaktan at hindi rin kita tatarayan. I’m sure alam mong 10% lang ng utak ng tao ang nagagamit niya sa bawat gawain, so papaano ako makakaisip ng mga katarayan sa ganoong kaliit na porsyento at sa ganoong kaliit sa oras. Kung balak ko namang saktan ka, dapat ay kanina ko pa ginawa iyon...” saka siya ngumiti ng buong giliw.
Unti-unti lumapit si Grace kay Chong habang tumitingin sa kanya at sa akin na parang nag-aalinlangan. Tumigil siya matapos niyang makitang halos kasinghaba na lang ng isang ruler ang layo nila ni Chong sa isa’t isa.
Saka ngumiti si Chong...
...at hinila si Grace papunta sa kanya...
“Hindi naman kita tatarayan, TATAKUTIN LANG KITA...” saka niya hinigpitan ang yakap kay Grace ng umakma itong kakalas.”Well, that holds true. Ten percent lang ang nagagamit ng tao sa utak niya. At kung hindi kaya ng sampung porsyentong ‘yun na tarayan ka, kaya ng sampung porsyento na ‘yun na suriin ng buo ang napakababaw mong pagkatao. Parang dalawang porsyento nga lang ng utak ko ang nagamit ko ng gawin ko ‘yun eh. At alam mo, nakita ng dalawang porsyento na iyon na ang utak mong walang alam kundi ipaligo ang make-up at lipstick sa katawan mo, at umiinog sa pesteng lalaking nasa likod mo. And you know what, I don’t give a damn. And that’s a ‘damn’ not a ‘dam’. Kung ikaliligaya mo, bakit hindi mo itago sa freezer niyo ng buhay ‘yang Honey Bunch mo. Gawin mo lahat, wala akong paki. Basta siguraduhin mo lang na hindi madadamay ang pangalan ko sa mga katarantaduhan mo. At bago ka pumutak ng pumutak, siguraduhin mo munang gusto ka pa ng lalaking kinakabaliwan mo, dahil baka mamaya, mamalayan mo na lang sarili mong nakakulong sa mental hospital...” saka niya inalis ang pagkakayakap kay Grace at tiningnan itong nandidilat habang nakangiting nakatago ang mga ngipin.
Tiningnan na lang siya ni Grace na may malaking ilong, na parang nainsulto.
“Let’s go Alfonse...” saka niya hinablot ang braso ko. Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.
“LET’S GO!” ang pagmumumilit niya habang pinadidilatan ako.
“Hindi...Hindi ako aalis...” saka ko tiningnan si Chong. Nakangisi pa rin ito habang nakatingin papalayo sa aming nakataas ang kaliwang kilay na parang naiirita.
Pero nilakasan ni Grace ang paghila sa akin kaya nadala niya ako.
Fuck! Patay tayo, anong gagawin ko? Parang hindi ‘yun ang problema, ang problema ko eh, anong gagawin nila?
Saka naman tumigil si Grace sa paglalakad at lumingon kay Chong. “FUCK YOU!!!” ang sabi niya habang isinesenyas ito sa kamay niya.
Tumingin lang paibaba si Chong nang nakataas ang kanyang dalawang kilay at nakangiti ng buo. Saka niya inikot-ikot ang kanyang ulo ng marahang parang pinagtatawanan ang kababawan ni Grace. “Thanks...”
Wala nang nagawa si Grace kung hindi tumalikod at ituloy ang panghahablot sa akin.
“OH, watch out ah, baka sumabog ‘yang kotse sa harap niyo at magka-amnesia ‘yang lalaki mo, baka magpaplastic surgery ka at hindi ka niya makilala! Oh, baka bumagsak ‘yang puno sa harap niyo!” Napalingon ako kay Chong, pero lalo lang siyang ngumisi at iniyuko ang kanyang ulo ng kaunti paharap sa amin.
Hinila ako ni Grace hanggang sa makarating kami sa tagong parte sa likod ng gym ng campus.
“Teka, Grace, ano na naman ang gagawin mo?” ang tanong ko sa kanya matapos niyang ilagay ang kanyang dalawang kamay sa aking leeg para babaan ito at saka ininguso ang kanyang mga labing naghihintay ng halik.
“Let's do it na Honey Bunch, let’s kiss na. I know naman na this is what you want eh. Sige na, I know you’ll come back to me and you’ll just forget that bakla pagkatapos nating magkantutan...” pagkatapos ay dinilaan niya ang labi kong muntik na niyang maabot.
“Shit, Grace, shit! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi si Chong ‘yun at mas lalong hindi bakla ‘yung kinausap mo...” ang naiirita kong sagot sa kanya.
“Weh? Really? After she acted that way, matapos niyang ngumiti ng napakahinhin, as if she is some sort of a lady, tapos sasabihin mo na hindi ‘yun bakla? Come on now Honey? Don’t tell me you’re the gay one? That really is impossible right? Alam ko magsasawa ka rin sa bakla ‘yun once you have tasted my vagina once again. So don’t resist me Honey, I know you also want this. I’m yours Fonse, you can do anything you desired to your girlfriend... ” saka niya uli tinangkang babaan ang ulo ko at lalong nilandian ang kilos niya.
“Teka, teka, Grace...” ang sabi ko habang inaalis ang pagkakalingkis niya sa akin. “Anong GIRLFRIEND, diba sabi ko sa’yo wala tayong relasyon? Pumayag kitang ikama kita with no strings attached, hindi ba?”
“That’s right baby, and pumayag ka rin na ligawan kita hindi ba. I’ve been doing this for 5 months, Honey, and you’re not still answering me. Well, hindi naman kailangan ng ‘oo’ sa panliligaw ko sa iyo, ang kailangan lang eh ipasok mo ang titi mo sa pekpek ko, and you will experience heaven Honey, don’t you want that?” ang sabi niya habang nakalingkis sa akin at parang nang-aakit na kinakagat-kagat ang mga labi.
“Pakshit, Grace, sinabi ko lang iyon para matahimik ka. Wala akong intensiyon na maging girlfriend ka...i
Biglang siyang tumigil sa paggiling sa harap ko habang nakalagay ang kanyang dalwang kamay sa likod ng aking leeg. Napalitan ang mga mata niyang nang-aakit ng mga matang galit, na parang nasaktan sa mga nasabi ko.
“Ah ganon...” saka niya ako nuyakap at idiniin sa aking katawan ang dalawa niyang malulusog na suso. Damang-dama ko ang malalaki niyang suso at ang kanyang mga tayong-tayo na mga nipples sa katawan ko. Saka niya hinaplos-haplos ang dibdib ko ng kanyang mga palad habang sinsadyang sanggain ang utong kong unti-unti na ring tumatayo.
Shet! Nag-iinit ako! NAG-IINIT AKO!
Shet! Parang unti-unti dumadaloy ang dugo sa ari ko! Shet!
Pakshit, anong gagaiwn ko? ANONG GAGAWIN KO? Tirahin ko na kaya ‘to ng matahimik ‘to? Laman-tiyan din ito, ang tagal ko na ring hindi nakakatikim, maski jakol last month ko pa yata ginawa? Sige gawin ko na, sandali lang naman, wala namang mawawala sa akin kundi tamod, sigurado namang si Grace ang magbabayad ng kwarto sa Sogo dahil hayok na hayok sa akin ang babaeng ito. Papatulan ko na yata, alisin mo na ‘yung ‘yata’, patulan ko na. Kantutin ko na ‘to...
...Teka, papairalin ko na naman ‘yung kahayukan ko sa laman? Di pa ba ako nagsawa, nagsawa sa katawan ni gamit na gamit na katawan ni Grace at sa kakantot? Oo, masarap, pero hindi ba nakakasawa rin? Tsaka parang wala rin kasi hindi ko naman gusto si Grace, siguro noong unang beses ko siya, pero ‘yung pangalawa, hindi na katulad ng dati eh. At ‘yung ngayon wala na talaga. Eh baka mauna pa siyang labasan kesa sa akin? Ano, gagawin ko ba talaga? Parang hindi na yata dapat...
...tsaka papano si Chong? Papano ang usapan namin? Bigla ko na lang ba iyong itatapon, itatapon ng ganun-ganon? Oo, ang igsing panahon pa lang, pero parang halos isang taon na base sa mga naranasan ko sa kanya. Titigil na lang ba akong bigla? Susuko na lang ba akong mapa-amo siya? Susuko na lang ba akong patunayan na sobrang gwapo ko at walang makatitiis sa akin?
...hindi, hindi ko ‘to ginagawa dahil gusto ko siyang amuin, hindi dahil may gusto akong patunayan. Ginagawa ko ito gusto ko siyang makas...
“Shit, Honey, ang laki talaga...” namalayan ko na lang si Grace na ipinasok na ang kamay niya sa pantalon ko at hawak-hawak ang ari ko. “Tingnan mo babe, you can’t really resist me. Just enter this into my hole, and you will be mine, and I am yours...”
“Puta ka Grace, itigil mo nga iyan,” ang sabi ko matapos tanggalin ang kamay niya sa pantalon ko. “Kung mahuli tayo ng guard, anong gagawin mo? Kung uan tayong nahuli muntik na tayong maexpel, tapos uulitin mo na naman...”
“I don’t care babe, expel na kung expel. All I want is that giant DICK of yours...” ang sabi niya habang tinatangka uling hawakan ang ari ko.
“TUMIGIL KA NA!” saka ko hinawakan ang kanyang balikat at iniyugyog siya upang matauhan.
Saka siya tumigil at yumuko na napahiya.
“So, talagang pinipili mo ‘yung bakla na ‘yun over me.” ang sabi niyang habang nakatingin sa akin ng pailalaim at nakataas ang kilay. “Alam mo ba kung ano ang maaarin kong gawin? I could spread the word na may karelasyon kang bading, and worser, na you, yourself, ay isang bakla. Gusto mo ba ‘yun?” 
Fuck, eto na naman tayo...
“Grace, wala siyang kinalaman dito. Hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi tayo. Ayoko lang talaga, sinabi ko na rin naman sa’yo noong una pa lang, ikaw lang naman ‘tong nagpipilit na maging tayo, eh. So please itigil mo na iyan, magkakalat ka lang ng maling balita, kung itutuloy mo ‘yang binabalak mo...” ang sabi ko sa kanyang puno ng pasensiya at nagmamaka-awa.
Pero talagang bang mali ‘yung balitang ikakalat niya?
Galing ko talagang magsinungaling.
“Hindi Alfonse, hindi. Kung walang ibang taong involve, ‘di sana kanina pa tayo nagkakantutan. You could always do that naman kahit na sinasabi kong tayo na at tinatanggihan mo, dahil ginawa mo na ‘yun noongsecond time we hace sex. Nagtatampo na talaga ako sa’yo. Sino bang mas mahalaga sa iyo, ako ba or that gay slut...” ang sabi niyang parang nagbabanta pero palandi pa rin niyang sinabi ang mga iyon.
“Grace, wala akong pipiliin sa inyong dalawa, dahil hindi kita gusto at wala siyang kinalaman sa problema natin. Kaya ‘wag ka ng mandamay. Ayoko lang talaga.”
“Talaga...So, kung wala siyang kinalaman sa problema natin, bakit hindi mo magawang ibigay na lang sa akin ang gusto ko? Bakit? Dahil ba sa Chong na ‘yun? Hindi mo siya pipiliin, dahil on the first place, hindi mo naman siya kailangang piliin dahil girlfriend mo na siya? Ganoon ba?”
“Grace, hindi nga ganoon, hindi ko siya girlfriend...” Hindi ko naman talaga siya girlfriend eh. Hindi ko siya pwedeng tratuhin na girlfriend at parehas naman kaming lalaki sa relasyon namin. Rule number, ah, ewan, basta kasama sa rules.
Eh di this time, hindi ako nagsisisnungaling.
“Eh ano, Alfonse, sex partner, ganoon ba?”
“Hindi nga ganoon...”
“Eh ano?”
Puta, sasabihin ko na ba sa taong ito. Sasabihin ko na ba para matigil ‘to? Tutal wala naman talaga ibang magagawa para manhimik siya at ibang tao kundi sabihin ang totoo. Eh paano sila papa, si mama, si kuya, si kambal? Hindi pa ako handang malaman nila, hindi pa...
“Ano?” ang tanong niyang galit.
“Ah...”
Sabihin ko na kayang karelasyon ko si Chong. Mas mild naman sa girlfriend ‘yung term na ‘yun eh. Eh parang ganoon din ‘yun eh. Fuck, tulong! Tulong!
“’Wag mong hintaying chupain kita sa harap ng guwardiya at maguidance tayo bago mo sabihin!!!”
“Ah, Ka...”
Sabihin ko na kayang kaibigan ko si Chong. Basta makalusot lang ako sa kanya. Taydana naman kasi ‘tong babaeng ito! Eh paano ‘yun, kapag sinabi kong kaibigan ko lang si Chong, aayain na naman ako nitong makipagsex, walang sawang kulitan na naman? Tsaka paano ‘yung kasunduan namin ni Chong? Paano?
“ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Suko na ako! Sasabihin ko nang karelasyon ko si Chong! Bahala na, basta alam na niya ang totoo. Baka maawa naman siya sa akin. Basta bahala na, bahala na talaga...
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA..."


"...Kaibigan...”


[09]
“ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Patuloy na nakatuon sa akin ang kanyang mga matang tila nanlilisik. Nakatingin siya ng ganoon sa akin habang ang kanyang mga braso ay nakapa-krus sa kanyang katawan na tila hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
Taydana, ano ba ang kailangang kong gawin sa ganitong sitwasyon? Sabihin ko na sa kanya ‘yung totoo, ‘yung lang naman ang 'yung paraan na may epektong tatagal eh. Tsaka ‘yun naman talaga ang ginagawa ko dati kapag may babae na naghahabol sa akin, sasabihin ko lang na may iba na akong gusto. Tapos! Ayaw kung ayaw! Kahit na maghabol pa ‘yung babae, wala na siyang magagawa dahil masaya na ako sa piling ng ibang babae…
…wala nga pala ako sa piling ng babae ngayon, nasa piling ako ng isang bakl…bak…lalaking isabit ako sa spaceship ng NASA para ‘di na kami magkita…
FUCK!!!
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA…KAIBIGAN!!!...”
Saka siya tumingin sa akin na ang kanyang mga mata ay tila inaantok na para akong sinusuri, habang ang kaliwa niyang kilay ay nakataas at ang kanyang ngiti habang nakasara ang kanyang mga labi ay tagilid na parang nang-iinsulto.
Mukhang hindi siya naniniwala sa akin…
“Ano ka ba Grace! Matapos ng lahat ng ginawa natin? Matapos mong humalinghing ng humalinghing na parang pusa, humalinghing ng sobrang lakas sa SOGO, tapos hindi ka maniniwala sa akin? Matapos kong…kong…kain…kainin ‘yan, matapos kitang…kitang…paligayahin, tapos pagdududahan mo akong BAKLA?” ang sabi ko sa kanya ng pa-angas. Kailangan kong yabangan ang paraan ng pagsalita ko, kailangan magmukha akong nalalaman ko kung ano ang mga sinasabi ko para hindi na siya magduda.
Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang mautal habang inililitanya ko sa kanya kung anong mga pinaggagawa namin. Hindi ko akalaing nagawa ko ang lahat ng iyon sa katulad niyang babae…
TAE, ANONG NANGYAYARI SA AKIN! HINDI NAMAN AKO GANITO DATI AH!
Inilingkis niyang muli  sa akin ang kanyang katawan habang ang kanyang kanang kamay ay nasa aking leeg. Talagang sinasadya niyang idikit ang ibabang bahagi ng aming mga katawan, ramdam na ramdam ko na itinutuon talaga niya sa pwerta niya ang ari ko, katulad ng ginagawa ko sa kanya dati. “Sabi mo eh,” saka niya ituon sa akin ang kanyang tingin mula sa ibaba at dahan-dahang ibinaba ang kanyang hintuturo mula sa aking labi, papunta sa aking dibdib, at sa aking tiyan.
“I know naman that you’re not gay, eh. I just got enraged dahil you have resisted me for one month. Noon, one week lang, dumiretso ka sa bahay namin, and we immediately had sex kahit na andon ang parents ko…” saka siya tumawa ng pigil na parang bata na may nasabing sikreto. “Well, if that’s the case, I think going to SOGO later might make ‘wala-wala’ my madness…”
Sabi ko na nga ba, eh. Haaaaayyyy!!!
“Grace, hindi ba sinabi ko na sa iyo, ayaw ko na…” ang sabi ko sa kanyang naiirita at naghihina. Siguro dahil nakukulitan na ako sa kanya o pagod na akong gawin ‘yung mga bagay na dati naming ginagawa lalo pa sa katulad niyang narealize kong walang alam kundi landiin ako, sa katulad niyang walang alam gawin kundi magpaganda, sa katulad niyang walang laman. Buti pa si Chong, napakatalino, pero hindi lang puro aral, hindi lang iisang bagay ang alam gawin. Minsan misteryosa, misteryoso pala, minsan tahimik, minsan maingay, minsan malandi. Ang layo niya kay Chong, napakalayo…
TARANTADO, ANO NA NAMANG PINAGSASABI KO? BAKIT NASALI SI CHONG DITO? BAKIT KO SILA PINAGKUKUMPARA?
ANO NA NAMANG NANGYAYARI SA AKIN?
“May sinasabi ka ba…Honey Bunch?” saka niya na naman  niya unti unti ipinasok ang kanyang kamay sa aking brief. “Ahhhh, wow…” ang ungol niyang tila nasasarapan. “Look, Honey oh, medyo matigas pa ‘no. Medyo nagwawala pa. And wait, are you feeling wet? Is this a precum I’m feeling…” Unti-unti niyang hinawakan ng buo ang aking ari at saka ito ijinakol ng parang nambibitin, pataas ng dahan-dahan, pababa ng dahan-dahan.
“Ang sarap diba…” ang sabi niya habang kagat ang kanyang labi.
Pero, wala akong ibang maramdaman kundi panghihina. Oo, unti-unting tumigas ang ari ko, unti-unti itong lumalaki habang patuloy niya itong ijinajakol. Pero pwera doon, wala na akong ibang maramdaman kundi panghihina at kasawaan, kasawaan dahil nakakasawa na talaga at nalaman kong all this time, nakikipagkantutan ako sa taong hindi ko naman mahal. Panghihina dahil alam kong wala akong magagawa kundi magpailalim sa kanya at gawing muli ang hinihingi niya.
Teka, eh pwede namang sumagot ako ng oo, pero hindi ko gawin. Basta ang mahalaga, manahimik muna siya ngayon. Saka na ako mag-iisip ng paraan kung papaano siya iiwasan at paano siya tatakasan. Tutal, ilang beses na rin niya akong tinakot pero wala namang nangyari. Pero maliliit na bagay lang namang ‘yung ipinapanakot niya dati eh. Dati, kesyo sasabihin niyang girlfriend ko siya sa parents ko kahit hindi. Pero iba ‘yung ngayon. Konting parinig lang na BAKA bakla ako, sigurado ako kinabukasan maririnig ko ng BAKLA talaga ako.
Taydana! Ang hirap!
“So, harap ng SOGO, 7:30?” ang tanong niya habang gumigiling ng marahan at ikinikiskis ang kanyang dibdib sa aking katawan. “Promise, mabilis lang, kahit limang putok lang pwede na…” saka niya ako kinindatan habang kagat ang labi niya.
“Si…sige…pupunta ako…” ang sabi ko sa kanyang parang nanghihina. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Hndi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot para sa kanya dahil sa gagawin ko.
Saka ko naramdaman na may mga yabag ng paa na papalapit ng papalapit sa pwesto namin.
“Grace, tanggalin mo na ‘yung kamay mo! May papadating na tao…” ang sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang kamay niya sa brief ko. Dali dali rin siyang sumunod sa sinabi ko at saka inayos ang kanyang damit na nagulo dahil sa pinaggagawa niya.
“Boss, ano pong ginagawa natin?” ang sabi ng guard na nag-iikot sa lugar. Bihira lang kasing daanan ang parteng iyon ng gym, kaya pinapabantayan siya dahil siguradong may potential na maging pugad ng milagro. Buti na nga lang saka siya dumating noong papatapos na si Grace sa mga pinaggagawa niya, kung hindi baka na-expel na kami.
“May pinag-uusapan lang boss, sandali na lang…”
Ngumiti siya na parang nanunukso.
“Dalian lang po natin ah, baka may makahuli po sa inyong prof…” Kinindatan niya kaming dalawa ni Grace, kinindatan niya kaming parang alam na niyang may ginagawa kaming milagro sa lugar na iyon.
Saka umalis ng dahan-dahan ang gago.
“Honey ah, I’ll expect you later. O di kaya dumiretso ka na sa room 202. I’ll just text you kung occupied na siya. ‘Wag mo akong iindiyanin. You know naman what the consequence were be…” ang sabi niyang parang nagtatampo habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko. “I can always spread rumors, you know naman diba. Sabihin ko lang na bakla si Carl Alfonse Santiago, dedbol ka na…”
“OO, alam ko na…alam ko na ‘yun…” ang sabi ko sa kanya kahit na alam ko namang mababa ang tsansang gawin niya iyon. Eh hanggang salita lang naman siya.
“…Well, anyways alam ko namang hindi ka bakla talaga. And if you was really gay, I’ll make sure you’ll be a man once again…” saka siya tumingin ng nang-aakit. “…in my arms…”
Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang ng pilit.
“…Alam ko namang hindi mo sasayangin ang matangos mong ilong…ang singkit mong mga matang parang nag-aangkin…ang mga ngiti mong nakakagigil…ang kilay mong napakakapal na talagang nakaka-akit…at ang mga maninipis mong labi na napakasarap halikan…” saka niya dinilaan ang kanyang labi na parang natatakam.
“Oh, sige na…baka bumalik pa ‘yung guard…” ang sabi ko habang puwersahang inaalis ang kanyang kamay sa aking leeg.
“Teka, Honey Bunch, wala ka bang gagawin…” ang sabi niyang dahan-dahan habang lumalayo dahil sa halos malakas kong pagkaka-alis ng kamay niya.
“Anong gagawin ko?”
“’Yung katulad ng ginagawa mo dati, ‘yung ginawa ko sa iyo kanina…” ang sabi niyang parang namamalimos.
Haaayyy, ano pa bang magagawa ko.
Muli ko siyang hinila at muling idinikit ang ibabang parte ng katawan namin. Idiniin ko ang kanyang harapan sa aking ari na halos matigas pa. Saka ko pinisil ang kanyang puwetan katulad ng dati kong ginagawa.
“Ahhh, shet, ang sarap…Honey, ang sarap” ang kanyang pag-ungol habang parang sarap na sarap na itinaas ang kanyang ulo habang nakapikit. “Kaso parang ang sakit ng pagkakapisil mo, parang napasobra yata…”
Mukhang napasobra nga ang pagpisil ko…kulit kasi.
“Oh, wala bang…” Tapos sy ininguso niya ang kanyang mga labing pulang-pula at napakakapal.
Nanghihingi siya ng halik.
“Mamaya na Grace, sa motel na…” ang magkahalong pag-awat at pagkairitang sagot ko sa kanya.
“Hmmmpp, ang lakas mambitin, kaya talagang nababaliw ako sa iyo eh…” saka niya parang pinalo ang aking dibdib. “Oh sige ah, mamaya na lang tayo magkainan sa SOGO…” At naglakad siya ng napakalandi.
Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad, habang nararamdaman kong unti-unti lumalambot ang ari ko. Habang papalayo siya, saka ko lang naiisip lahat ng mga bagay na pinaggagawa ko, lahat ng mga walang kuwentang bagay na nagawa ko kasama ang babaeng iyon. Dati halos mabaliw ako kapag subo-subo niya sa mainit niyang bunganga ang ari ko, kapag inuunti-unti niya ang pagtaas at pagbaba kapag alam na niyang lalabasan na ako. Halos mabaliw ako sa kakahanap noon, pero dati iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang narealize kong puro kababawan pala ang nagawa sa halos tatlong taon ko sa college. At sa lahat ng iyon, walang nagtagal na kaligayahan, wala akong naramdaman kundi kakulangan.
Natauhan na lamang ako ng mamalayan kong wala na si Grace. Aalis na sana ako ng makita kong nagtatago sa isang eskinita ang pamilyar na tao…
…’yung guard na nakakita sa amin kanina habang nilalandi ako ni Grace…
Saka siya ngumiti na parang gusto niyang ipamukha sa akin na nakajackpot ako sa lotto dahil sa ganda at laki ng dibdib ni Grace.
Kung suntukin ko kaya ‘tong taong ito.
Ningitian ko na lang siya ng pilit habang dahan-dahan akong naglalakad papalayo sa gym. Nanghihina ako, nanghihina. Hindi ko alam kung gagawin ko. Pero buo na rin naman sa akin na hindi ako pupunta sa motel mamaya, na hindi ako sisipot sa usapan naming ni Grace. Kahit naman sabihin niyang ipagkakalat niya na may karelasyon akong lalaki, alam ko namang hindi niya iyon gagawin dahil ilang beses n arin niyang tinatakot kapag hindi ako sumusunod sa kagustuhan niyang magsex kami. Pero iba kasi ’to, usapin ’to ng pagkalalaki ko. Buti sana kung ipagkakalat lang niyang may karelasyon akong ibang babae, kaso hindi, ipagkakalat niyang may karelasyon ako, at malamang kakantutan na ring kapwa ko lalaki. Ang hirap, ang hirap. Bahala na, basta hindi ko sisiputin si Grace, at least naputol ko na kahit mukhang late na, kesa naman pagbigyan ko na naman siya tapos umasa pa rin siya at patuloy na maghabol sa akin. Tsaka hindi ako pwedeng makipag-sex kay Grace, paano si Chong? Lalayuan ako ni Chong kapag ginawa ko ‘yun. Imposibleng hindi niya malaman, imposibleng hindi niya mahalata, konting iwas ko lang ng tingin sa kanya, malalaman na niyang nagsisinungaling ako. Kung hindi naman ‘yun ang gawin niya, malamang direkta niyang tanungin si Grace. Kaya hindi pwede, mawawala sa akin si Chong, kapag ginawa ko ‘yun, mawawala siya sa akin…
…eh ano naman kung mawala siya sa akin? Dati na rin naman siyang wala sa akin eh. Maski nga ngayon parang wala pa rin siya sa akin, matapos lahat ng mga kondisyon na ibinigay niya sa akin. Kung isuko ko na kaya si Chong? Wala naman yata akong mahihita sa kanya eh. Kung nagpapakipot lang siya, edi sana sa Pangasinan pa lang bumigay na siya. Pero hindi, hanggang ngayon tinitikis niya ako. Siguro wala naman talaga siyang intensiyon sa seryosohin ako. Kaya bakit ko siya seseryosohin? Pinaglalaruan lang niya yata ako? Isuko ko na kaya siya? Puntahan ko na lang kaya si Grace mamaya at hayaan ko na lang malaman ni Chong ang lahat…
…pero hindi ba napakadami na ng efforts ko para isuko na lang si Chong. Malay mo, kapag nalaman niyang inayawan ko si Grace sa gusto niya, saka siya maawa sa akin, saka magbago ang pagtrato niya sa akin. Tsaka parang hindi ko kaya…parang hindi ko kayang…kayang mawala sa akin si…
…Teka, si Chong! Nakita niya lahat ng kalandian sa akin ni Grace! Baka nagtatampo na sa akin ’yun! Baka galit na siya sa akin at saka niya ako hiwalayan…
Dali-dali akong bumalik sa court kung saan siya kumakain kanina. Halos takbuhin ko na ’yung daan dahil alam kong hindi papalagpasin ni Chong ’yung mga nakita niya ng ganoon na lang. Shet! Baka hiwalayan na niya ako! Paano kung makita ko siyang nakakrus ang mga braso sa kanyang katawan at nakatingin sa akin ng masama? Paano kung makita ko siyang nakasalumbaba habang ipinapalo isa-isa ’yung mga daliri niya sa mabilis na paraan at nakatingin ng paibaba sa akin? Paano kung nakangiti siya ng magiliw, nakangiti ng magiliw pero umaabot sa langit ’yung kilay, at kapag ngumingiti siya halos ipakita niya ’yung mga ngipin niya na parang kakainin niya ako ng buo? Isa lang ang makita ko sa mga ’yun, malamang hiwalay na talaga kami! Taydana! Hindi pwede! Kahit kaninong tao pwede, pero hindi kay Chong! Hindi kay Chong! HINDI PWEDENG MAKIPAGHIWALAY SA AKIN SI CHONG!!!
Pero kung titingnan mo, baka maging advantage ko pa ito eh. Malay mo magselos si Chong kay Grace! Wahahaha! Hanep ’yun! Eh di hindi na ako natiis ni Chong. Halos ibigay ko lahat sa kanya tapos siya hanggang ngayon ginaganun parin ako. Mukhang may mabuti naman palang idudulot si Grace, may pakinabang ‘din pala. Parang ang sarap tingnan ni Chong na nagseselos, na nagtatanong kung anong ginawa naming ni Grace, kung pumayag ba ako sa gusto niya, at kung ano-ano pa. Sasabihin ko kaya ‘yung totoo, sasabihin ko ba sa kanyang nilandi ako ni Grace? Syempre, parang kailangan, doon masusubok ‘yung tiwala niya sa akin eh. Eh papano ‘yung kasunduan?  Maiisasantabi na nga ‘yun, ayaw nga niya akong mawala eh! Wohoohoo! Exciting!!!
Hinihingal akong tumigil sa upuan kung nasaan si Chong kanina. Halos mapayuko ako dahil sa hingal. At ng unti-unti kong inangat ang aking ulo para makita kung nandoon pa si Chong, nakita ko nga siyang nandoon…
…pero hindi sa paraang gusto ko. nakita ko siyang kalamante, panatag, may buong pag-iingat. Nakita ko siyang seryosong nagsasagot ng mga problems na parang walang paki-alam sa mundo niya, na parang walang nangyari kanina, na parang walang Grace na halos ipinahiya siya kanina kung hindi lang niya sinopla. Wala akong nakitang nakataas na kilay, nakakatakot na tingin at nakakakilabot na ngiti…
Mukhang hindi nagselos ang taong ito. Akala ko pa naman nagselos na siya…
Paano ko kaya mapagseselos ’tong taong ito?
”Ang sama mo talaga…” ang sabi ko sa kanya habang nakangiti na tila natutuwa sa ginawa niya. Pero alam kong hindi talaga ’yun ang gusto kong sabihin, alam kong peke ’yung ngiti ko, okay lang naman kahit anong gawin niya kay Grace eh. Pero ang gusto ko talagang itanong eh kung hindi ba siya nagselos kay Grace? Kung hindi ba siya magtatanog kung anong ginawa namin? Kung hindi ba niya ako pagbabawalang makipagkita kay Grace?
Pero hindi ko na tinuloy. Ni wala ngang katiting na selos sa mukha niya eh, ang kalma-kalmante niya. Sigurado akong napapahiya lang ako…
“Peke ‘yung ngiti mo…”
“Ha?” ang sabi kong nabigla. Paano niya nalaman? Ni hindi nga niya ako nilingon eh, ni hindi niya ako tiningnan, tapos nalaman niya kaagad na peke ‘yung ngiti ko?
“Hindi ko nga lang alam kung peke ‘yan dahil gusto mo na akong sapakin ngayon dahil sa ginawa ko kay Grace o dahil natutuwa ka sa ginawa ko...”
Tae, ano bang iniisip ng taong ito? Bakit iisipin niyang gusto ko siyang sapakin? Kung gusto ko siyang sapakin, kanina ko pa ‘yun ginawa. Bakit naman niya iisipin ’yun, eh alam naman niyang hindi ko magagawa ’yun?
Teka, bakit parang nagseselos siya?
”Hindi! Natutuwa pa nga ako sa ginawa mo eh! Alam bo bang wala pang kumasa sa babaeng ‘yun. Maski yung mga ipinalit kong babae sa kanya...” saka ako natigilan. Tarantado! Hindi ko talaga iniisip na babanggitin ko sa harap ng bago kong karelasyon na ang dami kong BABAE dati, at sa harap pa ng karelasyong kong LALAKI din!
Ang tanga ko!
Biglang napangisi si Chong habang nakaharap sa libro. “Oh, bakit ka natigil. Bakit hindi mo ituloy kung anong sinasabi mo?” ang sabi niya habang nakataas ang kilay.
Mukhang nagalit ko siya. Pero dapat natutuwa ako diba, kasi ako ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Chong. At last, parang nakita ko ring concerned siya sa akin.
Pero nanahimik na lang ako.
”It is far better to be feared than loved if you cannot be both…” ang sabi niya habang nakaharap pa rin as libro.
Ano ‘yun? Dati sa scientific terminologies niya ako nilulunod, nagyon sa kung ano-anong proverbs naman. It is far better to be feared than loved if you cannot be both, anong ibig niyang sabihin doon?
“Ano ulit iyon?” ang sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.”
”Katulad ng narinig mo...” saka niya ibinaba ang kanyang ballpen at dahan-dahang idiretso ang tingin pero hindi nakatuon sa akin. ”Baka ang ibig mong sabihin eh ’ipaliwanag ko aking sinabi,’  hindi ulitin ito. Walang ibang paraan upang mabuhay sa mundong ito kundi mahalin at katakutan. Sa mga katulad kong hindi kaaya-aya sa mga mata, wala ng iba pang paraan para respetuhin ako kundi pangilagan. Nakakalungkot man para sa iyo, ngunit sa aking mga mata ay nakagagalak ang mga iyon. Ang pakiramdam na unang umiwas ng tingin sa iyo ang isang tao kapag tiningnan mo siya ng hindi niya inaasahan, ang pakiramdam na iwasan ka ng mga tao dahil nakakatakot ka, dahil ipinaparamdam mo sa kanilang mas nakatataas ako sa kanila, iyon ang mga damdaming handang bayaran nino man upang makamit, mga damdaming handang buwisan ng buhay ng mga taong inaakala nilang nakalalamang sila sa lahat...” saka siya tumingin sa aking mga mata. ”...hindi katulad mo na tila ituring ngang diyos dahil sa iyong kariktan, ngunit tila isang laruan na kahit anong naising gawin sa iyo, kahit na iyon pa ang maging dahilan ng pagkautas mo, ay wala kang magagawa sapagkat minamahal ka lamang...” Itinaas niya ang kanyang kaliwang kilay na tila nangiinsulto habang kinukuha ang kanyang ballpen at nagsagot uli ng mga problema sa libro.
Pa-deep! Nakakanosebleed!
Teka, hindi kaya ang gusto niyang sabihin, eh, ’yung pinaggagawa sa akin ni Grace? Andoon ba siya nung landiin ako ni Grace? Alam kaya niya lahat ng ginawa ng babaeng iyon?
Shet!
”Ang ibig mo bang sabihin eh si Grace? Na kahit ano kayang gawin sa akin ni Grace?” ang tanong ko sa kanyang nanlalaki ang mga maliit kong mata. ”Hindi ’no, ’yun nga ang parang baliw na humahabol sa kin eh. Kahit ano, gagawin noon para sa akin. Isang pitik ko lang, didilaan na noon ang paa ko, makikita mo. Maski nga kanina...kanina...nilandi-landi niya ako. Halos isuper-glue niya ’yung katawan niya sa katawan ko, pero dahil...dahil iniisip kita, halos ibalibag ko siya dahil ayaw ko ’yung ginagawa niya...” ang sabi ko sa kanyang nagyayabang, na ipinapamukha ko sa kanyang iniwasan ko si Grace dahil sa kanya.
Iniwasan ko naman talaga si Grace eh, bago nga lang niya ako halayin...
”Oh, ang sweet naman,” ang sabi niya habang nakangiti na parang kinikilig at patuloy na nagsusulat.
Wahahaha! Sabi ko na nga ba eh, maging tapat lang ako sa kanya, makikita rin niyang ginawa ko lahat para sa kanya! Malamang ngayon, kinikilig na ito at baka alisin na niya lahat ng kondisyon niya. Yesss!!! Akin na talaga si Chong!!! Akin na siya!!!
Saka unti-unting nawawala ang ngiti sa labi niya. ”Yung zipper mo bukas...”
Patay!
Dali-dali kong kinapa at tiningnan kung bukas nga talaga ang zipper ko, at, anak ng tipaklong, BUKAS NGA TALAGA!
Tanginang Grace ’yun! Tangina!
Ano nga bang bagay ang lulusot kay Chong? Anong bagay ba?
“Ah...ah...nag-CR kasi ako bago kita pinuntahan uli, alam mo na, kailangan gwapo ako ulit bago kita puntahan. Ahahahaha, sa sobrang pag-iisip ko sa’yo nakalimutan ko ng isara ang zipper ko, Ahahahaha!!!”  Oo, nagsinungaling ako. Pero talaga namang iniisip ko siya eh. Kaya nga ako parang tanga tumakbo pabalik dahil inisip ko siya.
“Ah, gusto mo lagi kang gwapo sa paningin ko kaya pumunta ka sa banyo...” ang sabi niyang nakangiti ng magiliw pero nakatingin pa rin  sa libro.Wahhh, tama, tama talaga ‘yan Chong! Mukhang eto na ‘yun! Sikap lang naman kasi ‘yan eh, tingnan mo napalambot ko na ang puso ni Chong. ”...tapos para kang kabayo na parang nangangarerang bumalik dito, para ano, magpapawis? Tingin mo talaga mas gwapo ka kapag nagpapawis ka?” ang tanong niya sa sarkastikong paraan.
Tae naman oo!
“Ah...ah, oo! Oo naman! Hindi ba mas gwapo ako kapag medyo basa, katulad noong mga modelo ng briefs tsaka boxer? Inayos ko pa nga uli ’yung buhok ko para sa iyo. Tingnan mo...” Inayos ko muli ang buhok ko, saka ko siya tiningnan ng mababa ang talukap ng aking mga matang parang nang-aakit, at saka ngumiti habang nakataas papuntang gitna ang dalawa kong kilay na astang hearthrob.
Pero hindi siya tumingin sa akin. ”Oh, I see. Pero hindi ka lang nakabriefs o boxers ngayon eh, naka-uniform ka...”
Tae, ano bang ipanlulusot ko sa taong ito ng wala siyang maikokontra! Nakakainis naman eh. Oh meron nga bang ganoon?
”...and in the first place hindi basa ang buhok at ang mga kamay mo. Oo, maaaring matuyo kaagad ‘yun lalo na sa mga ganitong panahon, pero hindi ganoon kadaling matutuyo ‘yung tilamsik ng tubig sa polo mo. And another thing, magulo ‘yung pagkakabutones ng polo mo, at hindi ‘yan ganyang kanina...” ang sabi niya habang nakatingin pa rin sa libro at sumasagot ng problems.
Nanahimik na lang ako. Teka, nagseselos kaya siya? Tingnan mo...tama na, hihirit ka naman, tapos mapapahiya ka lang.
”...Ibig sabihin, nagulo ’yang damit mo sa pagitan ng mga oras kung saan hinatak ka ni Grace papunta sa gym at ng bumalik ka dito. I bet she chose ’yung lugar sa likod na halos walang dumadaan kundi ’yung rumorondang gwardiya. At dahil imposibleng hindi kayo nakita ng kahit isang guard at wala ka rin naman ngayon sa guidance office, malamang kinunsinte lang kayo ng guard. Bakit nga naman hindi, eh nakapanood din siya ng libreng porn...”
Ano kayang gagawin niya? Hihiwalayan na ba niya ako? Ito na ba ’yung katapusan ng lahat? Dito na ba matatapos ’yung lahat ng paghihirap kong mapasuko ko si Chong? Dito na ba matatapos ’yung kagustuhan kong mapatunayan ko sa sarili kong walang makatiis sa akin kahit na si Chong?
Pero ’yun nga ba ang gusto ko, mapasuko siya? Parang kung ganoon lang, di sana hindi akong nagpapatanga ng ganito. Gusto ko na nga bang ibigay niya sa akin ang lahat ng atensiyon niya? Gusto ko na nga ba talaga si Chong? Gusto ko na nga ba siyang maangkin?
Natameme at napayuko na lang ako.
”...Mukhang nanalo ka ngayon...”
Biglang akong napatingin sa kanya. Nagsasagot pa rin siya ng mga problems sa Statics.
”Ano yun?”
”...may butas ’yung kasunduan, saka ko lang naisip ngayon. Mukhang naisahan mo ako ngayon...”
Teka, paano ko siya naisahan?
”...kung natatandaan mong mabuti, sa tingin ko eh hindi, ang eksaktong salitang ginamit ko doon sa kondisyon ko, eh, ”romantic relationship.” Thinking about it, masasabi kong iba ’yan sa pagkakaroon ng sex. Hindi lahat ng sexual relationship, eh, romantic, katulad ng hindi lahat ng romantic relationships, eh, sexual...” ang sabi niya habang patuloy na nagsusulat. “But of course, kung aaminin mong something romantic ‘yung namamagitan sa inyo ni Grace, to the point na mahal mo na siya, then ibang usapan na ‘yun. If that’s the case, I belive that will be the end of our relationship...”
“Chong, hindi. Mali ka, walang namamagitan sa amin ni Grace. Kung meron man, dati pa ’yun. ’Yung sinasabi kong sex na dalawang beses, sa kanya ’yun. Pwera doon, wala ng iba. Sex lang ang meron sa amin. Siya pa ’yung nagpupumilit na maging kami, pero ayaw ko. Baka sabihin mo sinasabi ko lang ’to dahil nahuli kita, pero hindi. Bago pa man maging tayo, ayaw ko na talaga sa kanya.” ang sabi kong nakayuko at nagmamaka-awa, na parang batang napaka-amo dahil may nagawang kasalanan sa magulang niya.
”...so papaano mo siya maiiwasan, kung pupunta ka sa usapan niyo mamaya?”
Oo nga pala, may usapan pala kami mamaya. Tsaka, papano ba nalalaman ni Chong ’yung mga bagay na ’yan.
”...Oo, nag-aaya nga siya sa Sogo, oo, umoo na rin ako. Pero hanggang doon na lang iyon, wala akong balak na siputin siya. Ginawa ko lang naman ’yun tumigil muna siya, para mawala muna ’yung galit niya dahil...”
”...dahil kapag hindi pumayag sa gusto niya, ipagkakalat niyang may karelasyon kang bakla? Ipagkakalat niyang baklas ka?”
Bigla akong napatingin sa kanya. Kung dati ay nakatingin lang siya sa notebook niya habang nagsasagot ng mga problems, ngayon ay nakatingin na siya sa akin, at nagkasalubong ang aming mga tingin.
”Weel, I bet tinanong ka ng babaeng iyon kung anong namamagitan sa ating dalawa, kung ano ako sa iyo. And I’m 100 percent sure na Ka...” saka niya ibinaba ang kanyang tingin at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat. ”...Ka-i-bi-gan ang isinagot mo sa kanya. So papaano ka hindi makakasipot sa usapan niyo, gayong pagharap nga lang sa katotohanan eh hindi mo magawa. Unless, sa tingin mo nananaginip ka lang...”
”Hindi, puro lang naman ’yung babaeng ’yon. Dati na rin naman niyang sinasabing ipagkakalat daw niya lalo na sa parents ko na girlfriend ko siya kapag inaayawan ko siya, pero hanggang salita lang naman siya, kaya alam ko hindi niya iyon itutuloy kahit na hindi ko siya siputin...”
”Don’t ever underestimate what any people can do...Kung nagawa ka nga niyang gumawa ng kalaswaan kahit na may nanonood ng guwardiya, sa tingin mo hindi niya magagawang ipagkalat na bakla ka?”
Tama siya. Maski naman ako hindi sigurado kung hanggang salita lang naman siya. Buti sana kung babae ang bago ko, kaso hindi.
Ibinaba ko na lang ang aking tingin.
”Pero alam mo, we can solve your problem both in short-term and long term ways...” saka niya inangat ang tingin niya sa akin. “’Yung ginawa mong pag-oo sa kanya is a short term solution, pero pwera doon pwede mo rin siyang ipakulong, kailangan nga lang ng pekeng krimen at pekeng ebidensiya. Well, I think that would be easy for you since mayaman ka naman, kaso masisira mo ang buhay niya. At sa tingin ko naman eh may kakaunti ka pang concern kay Grace para gawin ‘yun. Pwede mo rin siya ipa-expel sa campus, sabihin mong she is harassing you. Kaso hindi naman ganoong katanga ang administration para i-expel siya kaagad. Of course, there would be questioning and counseling, at imposibleng hindi niya masabi ang tungkol sa atin. In the end, baka siya, ako, at ikaw ang ma-expel. And worse, itakwil ka pa ng mga magulang mo dahil bakla ka. Pero pwede mo rin naman hanapan ng ibang makakakantutan, hanapan mo siya ng lalaking magiging boyfriend niya. Though pwede rin itong long-term solution, wala ring kasiguraduhan kung magiging effective siya. Sa tingin mo matapos ng lahat ng ginawa niyo sa kama, makakalimutan na lang niya basta-basta ang lahat ng iyon. Kung makakalimutan na lang niya lahat ng iyon sa isang iglap, malamang hindi siya babae. Pero dahil mayaman ka naman, pwede ka ring maghire ng private security na pwede kang bantayan para ilayo siya sa iyo. Magmumukha ka nga lang tanga, dahil parang napaka-importante mong tao para umasta ng ganoon...”
Wala akong magawa kundi itaas at kaagad na ibaba ang tingin ko sa kanya.
“...Well, ang daming short-term solutions, pero ang dami ding complications. At malamang wala sa mga iyon ang magtagumpay. Lahat ng problema natin kailangan ng panandaliang lunas, pero hindi sasapat kaagad iyon, kailangang lapatan ito kaagad ng pangmatagalang lunas bago mawala ang epekto ng unang lunas na inilagay mo...” saka siya tumingin sa akin. “At alam mo maswerte ka, dahil may isang solusyon na talagang epektibo, na walang masasaktan, walang komplikasyon, at talagang epektibo. At alam mo kung ano iyon?” saka niya itinuwid ang kanyang likod sa pagkaka-upo.
Buong pagtataka ko naman siyang tiningnan, dahil sa paghihintay sa sinasabi niyang solusyon. Halatang-halata sa mukha ko ang pagtatanong.
”...hiwalayan mo ako...” ang sabi niya habang nakangiti.
Tarantado!
”Hindi ko gagawin ’yun gagawin Chong!!” ang halos pasigaw kong sagot sa kanya. ”Kahit na ’yung lang ang solusyon, kung problema nga ba talaga ’tong kailangan solusyunan, hindi ko pa rin gagawin ’yan. Kahit na uliutin ni Grace ‘yung pinaggagagawa niya, iiwasan at iiwasan ko siya. Kahit ilang beses niya akong takutin, iiwasan ko pa rin siya...” ang sabi kong seryoso, na parang nagagalit kung bakita lumalabas sa bibig niya ang ganoong mga salita.
“Talaga...” ang sagot niyang nakangiti habang nakataas ang dalawang kilay at nakatilit ang kanyang ulo sa kanan. “Pero ang tanong, HANGGANG KAILAN?” ang pagdidiin niya sa dalawang salita.
Nawala ang pagiging seryoso ng mukha ko. Napalitan ito ng kawalang pag-asa, kawalang pag-asa at panghihina dahil ganoong mga bagay ang iniisip niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararamdaman kong nagseselos siya. At hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako natutuwa. Dapat nagsasaya ako dahil napapaamo ko na si Chong, dahil napapasuko ko na siya.
Pero hindi ’yun ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako, nalulungkot.
”Kung gusto mo, Chong, idagdag mo na rin sa kasunduan na hindi ako pwedeng makipagsex kahit kanino. Okay lang naman sa akin.” ang sabi ko sa kanyang tila humihingi ng patawad.
”Hindi...Hindi ko gagawin ’yun. Diba sabi ko sa iyo wala tayong kontrata dahil sisiguraduhin kong magiging fair sa ating pareho ang kung ano mang bagay na napagusapan natin. Kapag binago ko ang kasunduan dahil gusto ko lang, pinapatunayan ko sa iyong sinungaling ako, pinapatunayan ko sa iyong wala akong kaibahan sa inyo...” ang sabi niyang kalmante, na parang nangangaral.
”Chong, sorry...” ang bigla na lang lumabas sa bibig ko.
Nakita kong bigla siyang nahinto sa pagsusulat. Biglang nahinto sa pag-iwan ng marka sa papel ang kanyang ballpen na kanina ay parang walang paki-alam na sumusulat.
”...Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. May kasalanan din naman ako. At kung may kasalanan ka talaga, don’t worry, I forgive...” saka siya tumingin sa akin ng nakangiti ng hindi nakikita ang mga ngipin.
Napangiti na rin ako sa kanya, pero ngiting ngiting totoo, na kita ang mapuputing kong ngipin.
”...but I don’t forget, and the best part is...I get even...”
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya.
“CHONG!!!” ang sigaw ng isang babae mula sa canteen.
Si Jenilyn.
Dahang-dahang inilingon ni Chong ang kanyang ulo. “Tae ka, bakit kailangan mong isigaw ang pangalan ko sa harap ng maraming tao...”
”Hay naku, ikaw nga, tinatawag mo akong Jebs mula pang high school, wala akong pake. Tapos ikaw, kung makareact ka parang nakakahiya ’yun...” saka siya lumingon at nakita ako. ”Oh andiyan ka, bakit nakatayo ka lang, hindi ka umupo?”ang sabi niya sa aking nagulat. ”Tsaka bakit hindi mo kasama sila Fred?”
”Ah...kase...” Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanya, dahilan na talagang walang butas. Baka kasi mamaya katulad rin siya ni Chong na kahit ano, eh, makikita.
”Nag-eskandalo kasi ’yung girlfriend niya, eh, inawat ko, napagdiskitahan ako. Humihingi lang ng tawad...” saka siya tumingin sa akin mula ibaba diretso sa mata ko.
Iniwasan ko na lang ang tingin niya.
”Oh, pinapa-upo mo siya, tapos ikaw itong katayo lang diyan...” ang sabi niya kay Jenilyn.
”Sabi ko nga...” saka umupo si Jenilyn sa tabi niya habang inilalapag ang dala niyang platong may lamang chicken barbeque. ”Oh, upo ka na rin, kain tayo no...” ang pagaaya niya sa akin.
”Ah...okay lang ba...?” ang tanong ko sa kanya. Pero hindi ako sa kanya nakatingin, kay Chong ako nakatingin dahil alam ko naman sa kanya talaga may issue dahil sa kasunduan namin.
Nakita ko na rin si Jenilyn na mula sa pagkakatingin sa akin, eh tumingin na rin kay Chong.
”Uy, Chong, okay lang naman diba...” ang tanong niya dito. Siguro alam na rin ni Jenilyn na may posibilidad na umayaw si Chong sa alok niya sa akin. Eh, napakamapag-isa naman kasi talaga ni Chong. Minsan kahit na may mga kasama si Jenilyn at aayain niya si Chong para sumama sa kanila, aayaw na ito kahit na si Jenilyn ang nag-alok. Kahit na nasa pulutong na siya ng maraming tao, hihiwalay at hihiwalay pa rin siya at maglalakad na parang laging nag-iisip.
”Oo, okay lang naman. Wala naman siyang kasalanan para umayaw ako...” ang sabi niyang magiliw kay Jenilyn.
Oo nga pala, hindi siya pwedeng ummayaw kay Jenilyn, dahil kapag umayaw siya at nahalata ni Jenilyn na sobra siyang maka-iwas sa akin, mahahalata na may nangyayari sa aming dalawa!
Edi, makakasama ko na si Chong! YAHOO!!!!
Dali-dali akong pumunta sa upuan ni Chong para tabihan siya. Talagang excited ako na halos ibalibag ko ang bag at wala akong pakialam kahit na mahulog ito.
Pero biglang hinangin ang papel na nasa harap ni Chong. Fuck.
Bigla siyang tumayo at saka kinuha ang scratch paper niyang hinangin papunta sa court at ng pagbalik niya, saka siya umupo sa katapat kong upuan. ”Dito na ako, para medyo maluwag...” saka siya ngumiti ng buo.
Sinimangutan ko na lang siya at ng tingnan ko si Jenilyn, nakita ko siyang inililipat-lipat ang tingin sa aming dalawa na parang nagtataka.
”Oh, Jenilyn, bakit parang ang lungkot mo naman.” ang tanong ni Chong na nakangiti.
”Oo nga Jen...”
”Dahil kay Vince ano?” ang sabi niya kahit na hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko.
“Oo, eh. Malay ko dun, dati wala namang problema kahit na magkahiwalay kami, ngayon nag-aalburoto siya. Edi hindi ko siya sinagot, ginaganun niya ako eh. Bayaan mo...”
“OO, pabayaan mo si...”
“...papabayaan mo siya, pero ang lungkot mo. Sagutin mo na kasi, malay mo humingi na ng tawad.” ang putol niya sa sinasabi ko. ”Maaayos din ’yan, noong mga unang araw nga ng pasok, nagawa niyo, ngayon pa kaya?”
Mukhang i-eetsapuwera lang ako ng Chong na ito ah...
”Intindihin mo na lang.” saka siya tumingin kay Jenilyn. ”Wala nang bagay na mas nakababaliw pa sa mundong ito kundi ang mga bagay na kahit nasa kamay mo na, eh, hindi mo maangkin ng lubos. Kapag hinigpitan mo ang pagkakahawak, maaaring mabasag. Ngunit kapag niluwagan mo naman, maaaring mahulog...”
Ngumiti lang si Jenilyn ng pigil at saka yumuko. Wala naman akong nagawa kundi tingnan na lang si Chong ng nagtataka.
Ngunit nabigla ako ng tumingin siya sa akin at titigan ako.
”...parang napakahahalinang rosas na kapag pinitas mo sa kanyang tangkay, ay hindi maaaring hindi ka matinik. Ngunit kapag hinila mo naman sa puno ng kanyang mga talulot ay maaari mo itong masira at mawala ang ganda nitong humalina sa iyo . Wala kang ibang magagawa kundi tingnan ito mula sa malayo habang patuloy itong lumalago ng napakaganda ngunit hindi mo ito tuluyang maangkin, o maaari mo rin namang hugutin ng tuluyan mula sa mga ugat nito ang halaman at angkinin ito ng buo, ngunit ang paggawa nito ang magiging sanhi ng kamatayan nito sampu ng iba pang bulaklak na kasama nito...”
”...Hay naku, Chong. Inaatake ka naman ng pagiging schizophrenia  mo...” ang pagputol ni Jenilyn sa sinasabi ni Chong.
Bigla na lang napahalakhal si Chong na parang baliw.
”Teka, Jenilyn,may schizophrenia si Chong?” ang tanong ko ng seryoso sa kanya.
Bigla silang nahinto pareho.
Saka ako hinarap ni Chong habang tumatawa, mali humahalakhak pala. ”Wahahahaha!!! Oo, schizophrenic ako...” saka unti-unti nawala ang halakhak ni Chong habang unti-unti ring iniyuyuko patagilid ang kanyang ulo na parang baliw.
Hindi na lang si Chong ang tumatawa ngayon, maski si Jenilyn tumatawa na. At hindi na lang basta halakhak ngayon, humahagalpak na sila sa tawa habang pinapalo ’yung mesa.
At nanatili akong tahimik na parang tangang nagtatanong kung anong nagaganap.
”FONSE!!!” Bigla akong napalingon sa kung saan man nagmula ang boses na iyon. At nakita ko sila Lem at Brix...
Habang si Fred naman ay nakatingin sa akin, na may nakakapasong titig...
”Oh, dito na lang kayo, kumain,” ang pag-aaya sa kanila ni Jenilyn.
Fuck! Bakit ngayon pa!­­­­­­­
”Oh, Bro! Musta, pre! Nag-DOTA kami kanina hindi ka sumama...” saka inabot sa akin ni Lemuel ang kanyang kamay na parang makikipagkamay na katulad na ginagawa ng mga magkakabarkadang lalaki.
”Eh, kasi....kasi...sumugod si Grace kanina dito. Pinahupa ko muna ’yung galit...” ang sabi ko sa kanyang nag-aalangan dahil hindi naman ’yun ang talagang dahilan.
”Ah, oh paano mo pina-amo? Sinabi mong magkikita kayo sa SOGO? Aksyunan na naman ’yan Fonse...” saka humalakhak si Brix at si Lemuel.
”Haha..” Alam kong inaasahan din ni Brix at ni Lenuel na makikhalhak ako sa kanila, pero wala akong naisagot kundi ang pigil kong ’haha’. Eh sino ba naman ang makakatawa sa ganitong sitwasyon? Nasa tabi mo ang karelasyon mong lalaki, at ang malala pa, katabi mo rin ang  mga kaibigan at kambal mong lalaki na hindi nila alam na may karelasyon kang lalaki...
...Oh, HINDE!!!...
”Oh saglit  lang ah, bibili lang ako ng inumin,” ang pagtputol ni Jenilyn sa usapan nila. ”...Chong pakibantay n alang ang gamit ko ah...’
Saka ko tingnan si Chong. Bigla lang itong nagbaba ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsagot sa mga problems sa matapos ngitian si Chong. Bigla akong lumingon at pakaliwa at biglang sumalubong sa akin ang tingin na halos patayin ako...
...Nakatingin sa akin si Fred...
”Bro, parang sobrang close niyo na ni Chong ah? Ano bang meron?” ang tanong sa akin ni Brix.
”Oo, nga pre. Madalang ka na lang ring sumama sa aming maglaro? Anong meron, lagi mong kasama si Chong?” ang sunod na tanong ni Lem.
”Baka naman may nakitang bagong babae...” Bigla kong nilingon kung sinong nagsalita. Si Fred, habang nakatingin pa rin sa akin ng matulis...
Wala akong nagawa kundi iwasan ang tingin niya.
”Oh, pakilala mo naman kami!!!” ang reaksiyon ni Brix na tila nakakita ng hubad na babae.
”Ah...kase...wala naman...Parang hindi ka naman nasanay kay Fred, mapagbiro talaga ’yan. ’Di ba, bro...”
Pero walang nangbago sa reaksiyon ng mukha ni Fred! Mukhang patay talaga tayo nito!
”Sige ka, si Chong ang tatanungin namin...” saka tumingin si Lem kay Chong  na kasalukuyan pa ring nagsusulat. ”Chong, sino ’yung bagong babae ng mokong na ’to? Kilala ba namin? Si Jenilyn ba?”
Pero nanatiling pa ring nagsusulat si Chong na tila walang narinig na tao.
Inayos na lang ni Lemuel ang tindig niya na parang napahiya.
Hindi naman talaga magsasalita si Chong. Syempre kapag kumalat na bakla ako, kahit na hindi...tae, bahala na nga, eh syempre kakalat din sa maski siya ay bakla dahil magkarelasyon kami. Takot lang niya, kung titingnan mo, kaya siya tahimik na ganyan, kasi ayaw niyang mahalata kung ano talaga siya. Kaya wala siyang gagawin na ikakapahamak naming dalawa. Subukan lang niya, katakot-takot na pangungutya mararanasan niya.
Pero biglang huminto sa pagsusulat si Chong at saka itinaas ang kanyang tingin kay Lem. ”Hindi mo pa ba alam...” ang sabi niyang nakangiti kay Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang niyang magdahilan para maloko sila Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag=isip ng dahilan. Halos isang iglap nga lang naisip niyang idahilan kay jenilyn na nagwala si Grace kaya andoon ako. Ang galing diba, kaya wala akong dapat ipag-alala. Ililgtas pa nga ako ng taong ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
”...don’t worry, I forgive
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya ankong patayin sa mga tingin niya.
”...but I don’t forget…and the best part is...”
Dahan-dahangitinuon sa akin ni Chon gang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot. Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
“...I get even...”
PA….TAY!!!!


[10]

”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya na ‘kong patayin sa mga tingin niya.
Dahan-dahang itinuon sa akin ni Chong ang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot. Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
PA….TAY....
Inalis ni Chong ang ngiti sa labi niya. Napalitan ito ng...wala...walang pumalit...poker face...walang reaksiyon...
“...Tumawa naman kayo...Joke ‘yun...” ang sabi niyang seryoso.
ANAK NG...
Shit! Anong gagawin ko! Kailangan kong sumakay! KAILANGAN KONG SAKAYAN ‘YUNG JOKE NIYA PARA HINDI MAHALATANG HINDI JOKE ‘YUN!!!
“Wahahahahaha!!! WAHAHAHAHAHA!!!” Eh kailangan kong tumawa eh! Joke daw ‘yun eh! Eh di kailangang tawanan!
ANAK NG PATING OO! SASABOG NA YATA ANG PUSO KO!!!
“Wahahahaha!!! WAHAHAHAHA!!!” Para pa rin akong tangang tawa ng tawa, mali, halakhak pala ng halakhak. Kahit na parang peke at pilit ‘yung pagtawa ko, kailangan ko pa ring tumawa. Kahit na peke ‘yung tawa na ‘yun, pagtawa pa rin ‘yun...
Taydana talaga oo! Hindi naman ako magmumukhang kung hindi ginawa ni Chong ‘yung mga ‘yun eh!!!
“Ha...ha...” Medyo nakitawa na rin sila Brix at Lem, pero hindi tawang natatawa kundi tawang nag-aalangan. Halatang halata sa mukha nilang hindi maipinta na nawiwirduhan na silang dalawa sa amin ni Chong, parang mali, parang sa akin lang sila nawiwirduhan. Pero mabuti na rin ‘yun, mas ,mabuting isipin nilang baliw na ako kesa malaman nila kung anong nangyayari sa amin ni Chong.
Teka, tatawa na lang ba ako ng tatawa? Baka isipin talaga nula baliw na talaga ako, ibang bagay na rin ‘yun...
“Wahahaha, ang galing magpatawa diba!! Eh sino ba namang ‘di matatawa doon, wahahaha!!!” ang parang tanga kong pagdadahilan. “Kaya nga lagi akong sumasama kay Chong eh, kasi kapag kasama ko siya, walang araw na hindi ako tumatawa, wahahaha!!!” Teka, nagmumukha na talaga akong baliw eh. Alangan naman ako at ako na lang magsasalita dito, kailangan ko ng back-up. Shit, wala si Jenilyn! Si Chong kaya? Shit, parang sasakay naman ‘tong taong ito. Baka mamaya tuluyan na talaga niyang sabihing kami na talaga kina Fred. Eh mas mabuti ng makakuha ako ng sagot sa kanya kesa naman magmukha akong baliw na gumagawa ng dahilan. Shit, bahala na! “Hanep, joker talaga ‘tong Chong na ‘to! Wahahaha!!! Diba Chong?” saka ko siya hinarap at binigyan ng ngiting sarkastiko, kasabay ng pandidilat ng mata ko.
Sasasakay ka hindi ba? Sasabihin mong joker ka? Isesecond the motion mong mapagbiro kang tao? Kailangan ‘yun eh at kung hindi mo gagawin ‘yun, malamang may magawa akong hindi maganda sa’yo. Pero kung hindi mo pa rin gagawin ‘yun...SHET!!! PLEASE SUMAKAY KA NA! HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO KAPAG HINDI KA PA SUMUNOD!!! PLEASE!!! KAHIT NGAYON LANG, PLEASE!!!
“Oo, joker ako...” ang sabi niyang matamlay at walang reaksiyon habang nakatingin sa akin. “...haha...” saka siya kumurap ng dahan-dahan at kampanteng-kampante.
TAYDANA NAMAN OO!!! PERO PWEDE NA RIN!!!
“...Wahahahahaha!!! Oh, sinong hindi matatawa doon? Hahahaha! Wahahaha!!!” saka ako biglang napatingin kay Fred...
...At saka nagtama ang mga mata naming magkapareho ngunit sa mata niya’y kitang-kita ang galit...
...At unti-unti binalot ng katahimikan ang mesang kanina’y pinuno ng halakhak ko at wala akong ibang nagawa kundi yumuko...
“...Kayo naman, hindi na kayo mabiro. Pero alam niyo bang natatawa ako habang tinitingnan ko kayong gulat na gulat. Nakapagtataka lang kasing nagugulat kayo sa mga bagay na dumadako sa isipan niyo at pinag-uusapan habang NAGTATAWANAN...” Bigla akong napatingin kay Chong. Nakangiti lang ito ng buo habang nakatingin sa mesang parang nandidilat ang mga mata. Kahit na may ngiti sa labi niya, para siyang papatay ng tao ngunit nagtitimpi lamang.
Biglang hindi mapakali si Lem habang si Brix naman ay nagkunwaring inubo. Parang silang mga batang nagpalingon-lingon sa aming tatlo nina Fred at Chong. Pero nanatiling tahimik si Fred, nanatiling tahimik habang nag-aapoy ang mga mata. Pero ngayon ay kay Chong na nakatuon ang mga mata niya.
“...Oh, bakit kayo naaligaga?” Itinuon ni Chong ang kanyang tingin kina Lem at Brix. “...Kayo naman, parang sa tingin niyo naman ay hindi ko malalamang pinag-uusapan niyo kung bakla ako o hindi kapag nagkakasalubong tayo...” saka siya ngumiti ng buong giliw sa dalawa na parang nasisiyahan pa. “...sa susunod kasi subukan niyong mag-usap ng mahina, at kung hindi pa rin kaya, subukan niyong magbulungan. At isang bagay pa, hindi dapat ipinaparinig sa taong pinagtatawanan ang mga halakhak na ukol sa kanya, lalo na sa akin. Iyon...ay kung ayaw niyong...nababasa ko kayo ng ganito kadali...” Lalo siyang ngumiti ng buong giliw at itinaas ang kanyang dalawang kilay na parang handang pumatay ng tao.
Walang nagawa sina Lem at Brix kundi umiwas ng tingin kay Chong.
“...Mauuna na ako...” saka siya dahan-dahang tumayo at isinukbit sa kanyang kaliwang balikat ang kanyang body bag.
Kailangan ko na ring tumakas, kailangan kong maka-iwas. Bahala na bukas, basta ang importantem maka-iwas ako. Makakalimutan rin naman nila ‘to. “Teka Chong, sasa...”
Saka siya dahan-dahang lumingon. “Oo, Fonse, sasama ka...sasama ka sa kanila kung saan man kayo magpupunta ngayong araw...” ang sabi niya habang pinandidilatan ako ng mga mata. Parang gusto niyang sabihin na kahit gusto ko o ayaw ko, kailangan kong sumama kina Fred.
Edi wala akong nagawa kundi umupo na lang uli.
“Pakisabi na lang kay Jenilyn na may gagawin ako sa library...” saka siya tuluyang umalis.
...Nabalot uli ng katahimikan ang paligid namin...
Isang minuto.
Nanatiling seryoso ang mukha ni Fred habang kumakain . Nawala na ang tila apoy sa mga mata nito at para na itong nag-iisip ngayon.
Dalawang minuto.
Nanatiling aligaga sina Brix at Lem, ni hindi sila makatingin sa akin ng diretso. At kapag susubo sila ng pagkain at magkakasalubong ang mga tingin namin, agad silang iiwas dito.
Tatlong minuto.
Nanatili akong tahimik, ayokong magsalita, baka lalo lang grumabe ang sitwasyon. Baka kapag nagsalita ako tungkol kay Chong, baka mas lalo akong mahuli, at ayoko rin namang magsalita ng kung ano-ano tungkol kay Chong, na kesyo sinusubukan ko lang kung bibigay talaga ‘yung tao o hindi sa karisma ko. Magsisinungaling lang ako at baka mahuli lang nila ako...
...pero hindi nga ba iyon ang talagang gusto kong mangyari...
“Oh, bakit ang tahimik niyo? Tsaka nasaan si Chong?” saka inilapag ni Jenilyn ang dala niyang inumin at styro ng pagkain.
“Ah, nauna na. May gagawin daw sa library eh...” ang sagot ko kay Jenilyn.
Alam naming nauna nang kumain si Jenilyn sa amin, at ‘yung dala niyang pagkain eh pangalawa na niya. Pero walang pumansin kina Brix noon, hindi pa rin sila makapaniwala sa kung anong pinakita sa kanila ni Chong.
Eh ba’t hindi ko nga ba pansinin para mabago na ‘yung takbo ng pangyayari at may mapagkuwentuhan kami?
“Hanep, Jen, ah. ‘Wag mong sabihing pang-sampu mo na ‘yan...” ang tanong ko sa kanyang natatawa.
“Jen, baliw ba si Chong?” ang biglang tanong ni Brix sa kanya.
ANAK NG BAKA NAMAN OO!!! Inililigaw ko na nga ‘yung usapan, tapos babalikan pa!!!
“Seryoso ka?” ang nagtatakang tanong ni Jen. Pero nawala rina ng pagtataka sa mukha niya ng makita niyang walang nagbago sa mukha ni Brix at Lem. “Hindi, wala naman ‘yung sakit sa utak. Ganoon lang talaga ‘yung tao na ‘yun. Paranoid lang talaga...” ang sabi niyang parang natatawa.
“Pero, bakla ba si Chong?” ang biglang tanong ni Fred habang nakasalumbaba at nakatingin kay Jenilyn.
Biglang napatigil sa pagkain sina Brix at Lem at nakatingin na lang ng parang gulat kay Fred.
ANAK NG...
Biglang nabago ang mukha ni Jenilyn.
“Wahahaha!!! Wahahaha!!!” ang bigla niyang paghalakhak. “Naku, ganoon lang talaga ‘yun minsan. Minsan masaya, minsan malungkot, minsan parang bata, minsan weirdo, pero hindi ‘yung bakla. Ano ba kayo?”
“Ah, ganoon ba...” ang sagot ni Fred na kalmante.
Wala akong magawa kundi humiling na walang sagot na maglalagay sa akin sa alanganin...
 ...Teka, wala pa ba ako sa alanganin nito...
Nawala na rin ‘yung katahimikan sa mesa namin. Dumating na kasi si Jenilyn at dahil kursunada ni Brix at Lem ito, ginagawa nila lahat para makapagpasikat dito. Kaya puro tawanan ang maririnig sa mesa namin. Nakitawa na rin ako, dahil kailangan kong tumawa. Nakakatawa rin naman kasi ‘yung hiritan at pagpapasikat ng dalawa kay Jen, at kailangan ko rin silang iligaw sa kung ano mang nangyari kanina. At kahit na kursunada rin ni kambal si Jenilyn, nanatili pa rin itong tahimik na parang nag-iisip. Kapag tinatanong kung anong nangyari sa kanya, sasabihin lang nitong masakit ang pakiramdam niya. Hindi na rin siya kukulitin nung dalawa dahil inaatupag nila ang magandang-maganda na si Jenilyn.
---------------------------------------------------------------
Day 2, Month 0, Year 0:
Tinginan. Tingingan dito. Tinginan doon.
Mahirap man, pero kailangan ko munang iwasan si Chong. Baka mamaya i-joke naman niya kay Fred na nagsex na kami. Fuck. Kahit hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas kapag nagkita kami at gusto ko siyang lapitan, hindi ko rin naman alam ang gagawin ko kapag nalaman ng ibang tao, lalo nila Fred, mama, at papa, kung anong kalokohan ang ginagawa ko...
...kalokohan pa nga ba sa akin ‘to...
Bahala na, hindi pa naman siguro kami hiwalay. Eh bakit kami maghihiwalay, eh sinusunod ko kaya ‘yung mga kondisyon niya. Para akong tangang sunod-sunuran sa mga kondisyon niya...
...pwera nga lang kahapon, kasi dapat tatlong kilometro ang layo ko sa kanya...
Magkakasya muna ako sa kakatingin sa kanya, kahit na kadalasan para lang akong hangin na iihip sa balat niya.
Day 3, Month 0, Year 0:
Tinetext ako ni Grace. Hindi pala niya ako tinetext, minumura niya ako. Hindi ko kasi siya sinipot sa usapan namin noong isang araw. Edi magsawa siya sa kakamura sa akin sa text, hanggang doon lang naman siya. Hindi naman niya ako makakasama sa kama sa kakamura niya sa akin. Pake ko sa kanya! Ipagkakalat daw niya kung anong meron sa amin ni Chong, eh anong ipagkakalat niya eh iniiwasan nga ako ng taong kahit kami na. At maski ako, kailangan ko siyang iwasan kung ayaw kong magkaheart attack sa edad na 19...
...At kahit meron namang namamagitan sa pagitan namin ni Chong, parang wala rin naman eh...
Shit!!! Bakit ba nagkakaganito dahil lang sa isang tao? At bakit sa lahat ng tao eh sa isang lalaki pa? Bakit hindi ko naranasan kahit kailan sa kahit sinong babae anga ganito? Bakit!!! Bakit!!!
Day 5, Month 0, Year 0:
Sinong nagsabing hindi ko pwedeng makasama si Chong? Sinong nagsabing hindi ako pwedeng lumapit sa kanya? Eh isang click ko lang, makikita ko na ‘yung FB niya! Wahahaha!!!
Tinype ko sa search box ‘yung pangalan niya, at tatlong resulta ‘yung lumabas. Edi ayos! Pero wala akong makitang picture niya sa kahit anong profile doon, kaya inisa-isa ko na lang. Clinick ko ‘yung unang profile, weird lang kasi cartoons ‘yung profile pic non. Lalaking kuba na may bukol sa mata, pero nakangiti, hindi ko kilala kung sinong character eh, at dahil hindi ko nga kilala, sigurado akong luma na ito.
Eh sino namang tao ang maglalagay ng pangit na cartoon character bilang profile pic niya?
Edi sino pa kundi si Chong.
Nakilala kong si Chong ‘yung dahil nakitang kong friend niya si Jenilyn. Lalo ko pang nakumpirma ‘yung ng makita kong parehas kami ng university. Tsaka weirdo nga ‘yung profile pic diba, eh weirdo rin naman si Chong, hindi na nakakapagtakang sa kanya nga ang profile pic na ito.
Unti-unti kong iscroll down ang page niya. Hindi ko akalaing, nakikita ko sa harap ko ngayon ang FB ni Chong! Shit! Hanep lang! Bukod sa hindi ko akalaing may FB pala ang taong ‘yun, hindi ko rin akalaing magiging friend ko na siya. Pero dumating sa puntong wala ng maibaba ‘yung mouse ko sa page...
Puta!!! Ngayon pa nasira ‘yung mouse ko!!! Bwisit naman, papano kung hindi pa ito makaclick? Paano ko mai-aadd si Chong? Tae naman...
Bumaba ka!!! BUMABA KA!!!
Teka...
Nakaprivate pala ‘yung profile niya...
FUCK!!!
Day 32, Month 1, Year 0:                              
Halos isang buwan ko na ring tinitingnan yung profile ni Chong kahit na basic information lang ang nakikita ko. Hindi ko naman siya nakakasama, hindi nakakasama dahil iniiwasan ko talaga siya. Kailangan ko siyang iwasan, eh baka mamaya ulitin na naman niya ‘yung ginawa niya noong kumakain kami nila Fred. At baka mamaya hindi na niya sabihing nagbibiro siya. Mahirap na, kaya mas mabuti na sigurong ganito, mas mabuting sumunod na ako sa kasunduan namin para walang gulo.
Palagi na rin uli akong sumasama kina Fred ngayon. Sa mall, sa paglalaro ng DOTA, sa kabulastugan, at sa group dates, sumasama na uli ako sa kanila. Kaya humupa na uli ‘yung mga pagdududa nila dahil sa ginawa ni Chong. Siguro alam nilang hindi ko magagawang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki, at kung magagawa ko man, dahil lang sa trip at subok.  Ganon naman talaga diba...YATA...Kaya ko sinubukan makipagrelasyon kay Chong dahil gusto ko lang subukan. Pero bakit ganito, hindi ko maintindihan. Kung gusto ko lang subukan, bakit hindi ako makuntentong sinubukan ko lang? dahil ba gusto ko talagang makarelas...Hindi, pero kung hindi bakit ko ginagawa lahat ito, bakit umaasa pa rin ako.
At dahil nga group dates ang pastime namin...o nila...hindi pwedeng wala akong date. At kung sino-sinong babae lang ang idinadate namin. Pagkatapos sa isang babae, hanap na naman ng bago, papalit-palit. Minsan nauuwi sa kama ‘yung mga dates nila Fred, Brix, at Lem, pwera lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit, dati, hayok na hayok ako sa hubad na babae, pero ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nawalan na ako ng gana. Ang dali-dali lang namang humanap ng babae, lalo pa’t gwapo kami. Hindi, may itsura lang. pero bakit hindi ko makuha sa itsura na ‘yun si Chong? Bakit?
Wala akong magawa kundi tingnan sa malayuan si Chong. At dahil magkaklase kami sa limang subjects, medyo madalas ko rin siyang makita. At kapag magkaklase kami, lagi lang akong nakatingin sa kanya. Minsan mahuhuli ako ni Fred na nakatingin sa kanya, pero wala akong paki. Sapat ng iniwasan ko si Chong ng halos isang buwan para lang hindi niya malamang may namamagitan sa amin, pero titingnan at titingnan ko si Chong kahit kailan ko gusto.
Minsan kapag tinitingnan ko si Chong, makikita ko na lang itinataas ang kanyang kilay na parang gusto niyang sabihing nakikita niya akong nakatingin sa kanya. Alam ko naman nakikita niya ako, pero gusto ko pa rin siyang makita, makitang seryoso, makitang masaya, at kung ano-ano pa. Kadalasan, dahan-dahan niyang sasalubungin ang tingin ko, katulad ng dati niyang ginagawa na parang nagbabanta. Pero hindi katulad ng dati kong ginagawang iiwas sa tingin niya, sasalubungin ko pa ito at saka ko siya ngingitian na parang nagpapacute. Pero titingnan lang niya akong parang naiirita, at hindi rin magtatagal, wala akong magagawa kundi ilihis ang tingin ko.
Kung tutuusin pwede naman na akong lumapit sa kanya dahil isa buwan na ang nakalipas at pwede na ang mga “encounters na lalagpas sa public zone.” Pero anong silbing kasama ko siya kung hindi ko naman siya pwedeng hawakan? Wala ‘diba, wala. Nakakainis. Nasa kamay ko na siya, pero hindi ko siya pwedeng hawakan ng buo. Kapag hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya, mababasag siya. Pero kapag niluwagan ko naman, maaari siyang mahulog.
Teka, bakit parang nasabi na niya dati ‘yung mga salitang ‘yan.
‘Di bale, konting tiis na lang. Konting tiis na lang , Alfonse. Malapit na rin naman...
Day 35, Month 1, Year 0:
AHHHHHHH!!!! ANG BAGAL NG ARAW!!! BAKIT BA KASI HINDI NA LANG FEBRUARY 8 ANG DATE BUKAS!!! KAINIS NAMAN EH!!!
Day 40, Month 1, Year 0:
January 13 pa lang ngayon...TAE!!! Halos isang buwan pa!!! Anong gagawin ko sa isang buwan na hindi ko kasama si Chong!!! FUCK!!!
Day 45, Month 1, Year 0:
...Kung sumuko na kaya talaga ako...Seryoso...Tuluyan ko na. Ito naman talaga ang gusto niya eh. Kaya nga siya nagbigay ng mga kondisyon sa “relasyon” namin eh para hindi ko siya hawakan. Eh sa iyon ang gusto niya, eh di ibigay natin!!! Wala akong mahawakan ng buo sa kanya, maliban sa trivia book na ipinahiram niya sa akin. Hindi ko na kaya eh, paasa lang naman siya sa akin...
Day 46, Month 1, Year 0:
...Kung ‘wag ko kaya talagang sukuan...Seryoso...Tuluyan ko na. Ito rin naman talaga ang gusto niya eh. Kaya nga siya pumayag na maging kami, kahit na may mga kondisyon, dahil gusto niya ako. Inamin rin naman niya ‘yun. Tsaka...tsaka...sandali...hindi ko rin yata kayang gawin ‘yun. Kahit na may kasama akong babae, parang siya pa rin ang lilingunin ko...
Day 56, Month 1, Year 0:
ANG TAGAL NG FEBRUARY, TAYDANA!!! Nagsasawa na ako sa kakasamang mag-DOTA kina Fred!!! Nagsasawa na rin ako sa kakatingin sa Facebook profile niyang naka-private!!! FUCK!!!
Day  63, Month 2, Year 0:
Eto na ‘yung araw na iyon, eh. Eto na ‘yun...WAHAHAHAHA!!!
---------------------------------------------------------------
Medyo malamig-lamig pa dahil sa nakaraang Pasko. Kahit na sikat na sikat ‘yung araw, hindi mo mahahalatang sinusunog nun ang balat mo dahil sa lamig ng hangin. ANG LAMIG!!! Ang sarap tuloy ng may kayakap...lalo na kung siguro kung sa kama...SHIT!!!
At mukhang nakita ko na uli ang taong yayakapin ko...’yung yakap muna, parang hindi pa kaya ‘yung sa kama...
Gaya ng dati, ganon pa rin siyang maglakad. Panatag, may paggalang, at may buong pag-iingat. Parang hindi makabasag pinggan. Parang ballerinang hindi masasagi ninuman. Sinabayan pa ‘yung ng pag-ugoy ng body bag niya. Shet, ang sarap niyang tingnan!!!
Nasa gitna siya ng kanyang paglalakad kaya unti-unti ko siyang sinundan para hindi niya ako mahalata.
“Oh kamusta ang BA-BY ko...” saka ko isinandal sa kanan niyang balikat ang braso ko. Talagang idiniin ko ang pagtawag ko sa kanya ng Baby. Syempre, girlf...girl..gir...karelasyon ko siya. At lalo na ngayong pwede ko na siyang hawakan ng hindi magugunaw ang mundo. Kahit kailan pwede ko na siyang yapusin, pwede ng magdikit ang balat habang naglalakad kami sa dalampasigan at tinitingnan ang paglubog ng araw. Pwede ko na siyang subuan ng paborito niyang chicken roll kapag kumakain siya ng hindi niya ako kakagatin. At saka ko siya lolokohin na kunwari eh isusubo ko sa kanya inyo pero ako talaga ang kakain. Tapos magkukulitan at maghahabulan kaming walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao...
Shit!!! Kinikilig ako!!! Taydana!!!
“...Eto, parang gusto niya uling biruin ang kambal mo na kayo na...” ang sabi niyang kalmante habang naglalakad ng dahan-dahan.
Kakilig...grabe...kinikilig pa rin ako...
“Ano ka ba!!! Maging sweet ka naman ngayon, kahit minsan lang!!! Eh diba, pwede na kitang hawakan ngayon kahit kailan ko gusto, pwede ng magdikit ang mga balat natin dahil second monthsary kaya natin ngayon!!!” ang sabi kong pa-angal at padabog sa kanya nang tinanggal ko ang braso ko sa balikat niya.
“Oh, gusto mo akong maging sweet?” ang sabi niyang nakangiti at parang gulat.
“Syempre! Eh sino ba naman ang gustong walang lambingan sa relasyon nila? Kahit sino naman, gusto ng landian kahit minsan...” saka ko siya kinindatan.
Saka naman siya ngumiti ng buong giliw at itinaas ang kanyang kilay na parang umaayon sa akin.
“Gusto mo akong maging sweet...” ang sabi niyang malandi habang tinitingnan ako ng patagilid.
Shet ito na ‘yun eh! Ang tagal kong hinintay nito, ang tagal kong nagtiis! Ang tagal kong hinintay na maglandian kami!
Wala akong nagawa kundi kagatin ang labi ko sa excitement.
“...GRACE!!!” ang pagsigaw niya ng matuon kami sa canteen papuntang Engineering Building.
Fuck! Andyan ‘yung babaeng ‘yun! Ano na namang mangyayari nito!!!
Nagtago na lang ako sa likod si Chong para hindi ako makita ni Grace.
“Bakit mo tinawag ang babaeng iyan!!!” ang papigil kong pagsigaw sa likod niya habang hawak ang dalawa niyang balikat.
“...Diba sabi mo, maging sweet ako sa’yo...” ang sagot niya sa malanding tono. “...oh, gusto mo pa bang landiin kita...”
Kung ganyang siya manlandi, ‘wag na lang!
Isang minuto akong nagtago sa likod ni Chong.
Pero walang naghuramentadong babaeng lumapit sa lugar namin. Wala rin namang babaeng may hawak na kutsilyong sumugod sa amin. Mas lalo namang walang kumidnap sa amin.
Kaya dahan-dahan akong sumilip mula sa likod ni Chong, at doon ko nakita si Grace. Ganoon pa rin naman siya, makapal ang pulbos sa mukha at parang sinuntok sa labi sa sobrang pula nito. Pero hindi katulad ng dati na kapag nakita ako eh ililingkis niya ang katawan niya sa akin, at kung may kasama akong iba ay aawayin niya ito, nanatili lang siyang nakatayo habang hawak niya ang platong laman ang pagkain niya. Nakatingin lang ito sa amin ng patagilid habang unti-unting iginagalaw ang kanyang balikat at ulo. Saka niya dahan-dahang iniiwas ang kanyang tingin sa amin at pumunta sa umalis sa pinagbilhan niya ng pagkain. Parang ipinapamukha niya sa amin na wala siyang paki sa amin at hindi naman namin siya nasaktan.
Siguro may bagong lalaki ‘tong Grace na ‘to.
At hindi nga ako nagkamali, pero nagulat ako ng makita ko ang bago niyang lalaki...
...yung guard na nakakakita sa aming naglalampungan...
Nang magkatabi na silang naglalakad, inakbayan ni Grace ‘yung guardiya at biglang lumingon sa amin at saka kami inirapan.
 “...Mukhang may bagong boytoy ‘yung Grace na ‘yun ah...seems like nakamove-on na siya sa iyo...” ang sabi ni Chong na parang natatawa habang nagpatuloy sa paglalakad. “Sa tingin mo, anong meron ang guard na ‘yun na wala ka, sa tingin mo mas magaling ‘yun sa kama kaya nakalimutan ka na ni Grace...”
“Pinagseselos lang ako nun...” saka ako napangiti at sumunod kay Chong. Eh sino ba naman kasing mag-aakalang papatol ‘yung Grace na ‘yung sa security guard. Eh buti sana kung mas gwapo sa akin, eh hindi naman.
Siguro lagi lang silang nasa SOGO.
“...Oh hindi ka naman ba nagseselos?” ang kalamantenr tanong ni Chong.
“Bakit ako magseselos eh nasa tabi ko ‘yung gusto kong makasama...” saka ko siya tiningnan ng nakangiti.
“Wow, eh kung ayaw kitang makasama ngayon...” ang sabi niyang hindi ako nililingon.
Ang sweet lang. Sobra.
“Chong naman eh, maging sweet ka naman sa akin kahit ngayon lang. Second monthsary natin ngayon ‘no, SECOND MONTHSARY...”
Saka siya umupo sa bakanteng bakal na bench at tiningnan ako ng pailalim na parang naiirita. “Alam ko...kaya nga ang lungkot ko ngayon eh...”
Wala na bang mas lalambing pa kay Chong. Sa sobrang lambing niya parang gusto siyang sakalin...
“...Well, I guess, I’ve underestimated you. Akalin mong tumagal ka ng dalawang buwan, akala ko nga one week lang maghahanap ka na ng babaeng mahahawakan mo ng buo sa leeg.” saka siya ngumiti ng buong giliw na parang nanlalandi. “...at dahil second monthsary natin ngayon, sige, pagbibigyan kita sa gusto mo. Magiging sweet ako sa’yo ngayon.”
‘Yan ganyan! Pwede naman pa lang ganyan eh, hinihintay pa niya akong magwala bago siya maging sweet...
“...At dahil second monthsary nga natin ngayon at sweet rin ako sa’yo ngayon, gusto ko mayroon tayong regalo sa isa’t isa...” ang sabi niyang nakangiti.
PA..TAY...
Biglang nawala ang magiliw na ngiti sa labi niya. “...’yung regalo mo...” ang sabi niya sa seryosong tono habang nakatingin sa akin ng matalim at pailalim.
SHET!!! Oo nga pala, nakalimutan ko siyang bilhan ng regalo. Sobrang excitement ko na rin na magkasama kami, hindi na iyon pumasok sa isip ko. Eh kailangan pa ba niya ng regalo? Bukod sa hindi ko alam ang ireregalo sa kanya, hindi pa ba sapat na nandito sa harap niya ngayon ang isang gwapong lalaking sinusuyo siya ng halos dalawang buwan kahit na halos ipahamak niya ako.
“Tsk, wala ka talagang bilib sa akin. Sa tingin mo naman makakalimutan kong bigyan ka ng regalo? SYEMPRE HINDE!!!” ang sabi ko sa kanyang parang nagyayabang at nagmamalaki.
“...Oh, talaga, eh nasaan ‘yung regalo mo...” ang sabi niyang nanatiling seryoso at pailalim ang tingin.
“Nasa harap mo na...” saka ko siya kinindatan at ngumiti habang kinakagat ang labi kong parang nang-aakit.
“...Ah ganon, so sarili mo ang regalo mo sa akin...” saka siya kumurap ng dahan-dahan na parang inaantok at parang naiirita. “...Sabihin mo nga sa akin, anong kapaki-pakinabang na bagay ang pwede kong gawin sa’yo? Kunsabagay, pwede kitang ibenta sa mga hosto clubs, malamang kumita ako ng 100,000 kapag ginawa ko ‘yun. Pwede rin naman kitang gawing asong tagapagbantay para maging useful ka. Para lubos-lubos na, gagawin na rin kitang alalay. Oh di kaya, para mabawasan naman ang peste dito sa mundo, pwede kitang isako at tsaka itapon sa tulay. Galing no, anong gusto mong gawin ko sa’yo...” ang sabi niyang nandidilat ang mga mata.
“Ang dami mong sinabi, eh pwede mo namang gawing teddy bear ‘tong matipuno kong katawan,” saka ko itinuwid ang tayo ko para umumbok ang dibdib ko. “Oh kung gusto mo angkinin mo na lang ang katawan ko ng walang pag-aalinlangan...” ang sabi ko sa kanya na kagat ang labi.
“...Talaga...” ang sabi niyang nakangiti ng buo, habang dahan-dahang itinatataas ang kanyang kaliwang kilay kasabay ng pagtuon ng ulo niya sa kaliwa. Ginawa niya iyon na parang nanlalandi, parang si Grace kapag gusto niyang ikama ko siya. Shet!!! Kalibog!!! Matagal na rin akong hindi nakakaranas ng ganito. Kung ganyan ba naman siya palagi, edi ang saya sana ng pagsasama namin.
“...Pwede bang ‘yung dugo mo na lang at atay mo ang angkinin, pwede na rin ‘yung puso. Mataas ang bentahan ng lamanloob ng tao ngayon eh...”
Landi. Grabe. Sarap upakan.
“Ayan, ‘yan na ‘yung regalo ko sa’yo...” saka ko inilagay sa harap niya ‘yung trivia book na ibinigay niya sa akin sa Pangasinan. “Dadalhin na sana kita sa mamahaling restaurant eh, o di kaya pupunta tayong Enchanted Kingdom, eh kaso ang sweet mo masyado para sa second monthsary natin...” ang sabi ko sa kanyang parang nagtatampo. “...pero iningatan ko ‘yang trivia book na ‘yan ah. Lagi ‘yang nasa bag ko, para kapag namimiss kita, hahawakan ko lang iyan tapos sasaya na ako ulit. Saka ko maaalala lahat ng napagdaanan natin at kung paano naging tayo. Hindi mo lang alam kung gaano ako nalungkot nung halos dalawang buwan tayong walang usapan...”
“...Wow, ilang taon na ba tayong magkakilala at parang napakarami na nating pinagdaanan? At sa tingin mo naman napakadakilang gawain na hawakan sa loob ng dalawang buwan ang isang libro. Ano ba ‘yung mga libro sa’yo, wrist supporter, virtual hand na pwede mong kaholding-hands? At sasaya pa ako kung binasa mo ‘yan. Itago mo muna ‘yang libro dahil mas marami pang araw na mamimiss mo ako...” ang sabi niyang parang namamahiya.
Wala akong nagawa kundi tingnan siya ng pailalim na parang nagtatampo habang ipinapasok sa bag ko ‘yung trivia book.
“...Oo nga pala, kailangan kong maging sweet sa’yo dahil second monthsary nating ngayon ang I also promised that I would be. At dahil sobrang sweet ko sa’yo ngayon, kahit na wala ka namang talagang matinong regalo sa akin at dapat eh magtatampo ako sa iyo ngayon, ako ay mayroong regalo sa iyo...” saka siya parang batang ngumisi habang binubuksan ang kanyang bag.
Wohohoho!!! May tago rin talagang kasweetan ang taong ito eh. Tingnan mo talagang nag-eefort pa siyang regaluhan ako para sa monthsary namin kahit na wala akong regalo sa kanya. Kung ako siguro ‘yun, hindi ko ibibigay sa karelasyon ko ‘yung regalo ko sa kanya dahil magaling siya. Ba, ano siya, siya may regalo ako wala? Nek-nek niya...
“...At ‘wag na ring maguilty, makonsensiya, at mahiya dahil wala kang regalo sa akin, kahit na dapat eh maramdaman mo lahat ‘yun, kasi ‘tong regalo ko sa’yo eh parang pang couple na rin. So bale, isa sa iyo, isa sa akin...Eto nahanap ko na...” saka siya numiti ng buo na parang batang ang sarap kurutin ng pisngi.
Woah!!! Shit!!! Ang swerte ko namang lalaki!!! Kung ganito ba naman ang karelasyon mo, kahit na lalaki pa, kahit sinong lalaki maiinggit sa akin!!!
Saka niya inilabas ang isang maliit na box na kulay pula at inilagay ito sa gitna ng mesa. Shet!!! Ano kaya ‘yan? Singsing? Kwintas? Parang masyadong maliit ‘yung box. Anklet? Eh sabi niya, isa sa akin, isa sa kanya. Parang ang pangit naman kung anklet ‘yun. Parang mas malaking tsansa na singsing eh, diba, isa sa akin, tapos isa sa kanya? Yes!!! Wahahaha!!! Puta, ang sweet ng taong ito, parang gusto ko siyang yakapin at halikan sa harap ng maraming tao...
...Hindi ko akalaing magiging masaya ako ng sobra ng ganito. At hindi ko akalaing kay Chong ko pa mararanasan ang ganito...
...Saka niya binuksan ‘yung kahon...
...At sana hindi na nga lang niya binuksan. Shet...
“Ano ‘yan?” ang tanong ko sa kanyang dismayado.
“Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng ganito? Ano bang ginagamit niyong pandikit ng notes sa ref niyo, rugby?” ang sagot niyang nang-aalaska at halos natatawa.
Saka niya tinanggal mula sa kahon ang pahaba at maliit na bagay na iyon na nakakabit sa isang pabilog na bakal sa dulo. Keychain ito actually at talagang dalawang ganoon ang nasa loob ng kahon...
...pero kung ano ‘yung palawit ng keychain, isa itong bagay na kapag nalaman ninuman ay matutunaw sila sa kagalakan...
“...Talagang ang regalo mo sa akin eh...” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
“...MAGNET???”
Sweet no. Fuck.

No comments:

Post a Comment