Monday, January 7, 2013

Nang Lumuhod si Father (11-15)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[11]
Siya si Alden, ang nagmahal sa akin sa kabila ng aking pinagdadaanan kay Aris

at ito ang aming kuwento...
Chapter 11

Sa ilang buwan na magkasama kami ni Alden sa iisang kuwarto ay siya ang madalas lumalapit at suyuin ako. Sobrang pinadama niya sa akin na kahit hindi ko siya napapansin ng siya ay matiyaga niyang ipinapakita ang kaibahan niya kay Aris. Ngunit nauna si Aris sa buhay ko. Bahagi siya ng malaking porsyento ng nakaraan ko at parang hindi ganun-ganon lang kadaling bigyan ng puwang si Alden.

“Uyy! Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.
“Galit ka ba?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Lumabas siya ng kuwarto. Patapos na noon ang unang taon namin. Magsesecond-year na din kami. Malapit na noon ang finals at noon ko naisip, halos isang taon na palang araw-araw kong nababanggit si Aris sa kaniya. At noon ko lang siya nakitang nagalit at nanigaw ng ganoon. Noon lang niya ako tinignan ng matalim bago lumabas ng kuwarto. Naiwan ako doong napaupo sa aking kama at muling binalikan ng alaala ang ilang buwan na din niyang paghihintay.

Isang gabi noon habang nilalaro niya ang mga daliri ko at nakaunan ako sa kaniyang tiyan.
“Mahirap lang kami. Ulila ako sa ama. Nanay ko labandera lang din.  Lumaki din ako halos sa kumbento dahil aktibo ako sa pagtulong sa kahit sinong pari na madestino doon.” Pagsisimula niya.
“Talaga. Halla, parang si Aris ganyan na ganyan din. Ang pinagkaiba lang ninyo ay may nanay ka. Siya kasi ulilang lubos na. Kaya buong buhay niya sa kumbento na siya tumira.”
“Ah, talaga? Puwede bang buhay ko na muna pag-usapan natin?” tumingin siya sa aking mga mata. Nakangiti.
“Sige. Tuloy mo. Pasensiya na.”
“ Kahit naghihirap kami pinalaki kami ni nanay na palasimba kaya siguro iyon ang dahilan kumbakit naging pangarap na niya na sana magkaroon ng anak na pari. Iyon lagi ang sinasabi ni nanay, na sana, maging pari na lang ako. Wala akong pampaaral sa sarili ko pero dahil sabi nila matalino naman ako ay tinulungan ako ng simbahan at nang pari sa amin na makatapos ako ng pag-aaral. Hanggang napagdesisyunan ng lahat na sayang ang katalinuhan ko at kabaitan kung hindi ko ipaglilingkod sa simbahan.”
“Yung pari ba na sinasabi mo ay hindi humingi ng kahit anong kapalit sa tinutulong niya sa iyo?”
“Hindi naman. Wala. Mabait lang talaga yung paring ‘yun.”
“Eh kasi may tumulong na pari kay Aris din noon…”
Nakita kong hininto niyang himas-himasin ang mga daliri ko. Tinignan ko siya. Binaling niya sa iba ang kaniyang mga tingin.
“Sige, tuloy mo ang kuwento mo.” Sabi ko at ako naman ang kumuha sa mga daliri niya at pinisil pisil ang kaniyang hinlalaki.
 “Alam mo bang pangarap ko sana maging abogado o kaya inhinyero? Kaya lang wala akong ibang option. Paano ko sasabihin sa mga umaasa at nagpapaaral sa akin na hindi ko talaga pangarap ito? Gusto kong umasenso ang pamilya ko. Gusto kong maibigay ang pangarap ni nanay sa akin. Gusto kong mabayaran ang utang na loob ko sa mga tao at paring tumutulong sa akin at ito, sa paraang ito lang ang alam kong puwedeng gawin para magawa ko iyon.”
“Bakit hindi mo subukang sabihin sa kanila? Si Aris nga nagawan niya ng paraan na makatapos na hindi umasa sa pari? Kaya alam ko, kaya mo din ‘yun.” Mabilis kong sinabi iyon kaya huli ng makita ko siyang napailing.
“Dati naman pinangarap ko talaga maging pari, noong  high-school ako. Kaso nang tumuntong ako ng third year college ay biglang nagbago ang gusto kong tahaking landas. Wala kasi akong makitang sign na ito nga talaga ang gusto kong gawin sa buong buhay ko. Wala na sa puso ko ang pagpapari. Gusto kong maging isang mahusay na abogado o isang inhinyero ngunit lahat ng nagpapaaral sa akin ay umaasang magiging isa akong mahusay na alagad ng Diyos. Di ba puwede naman akong magsilbi sa Diyos na hindi ko na kailangang maging pari? Puwede kong tulungan ang mga taong naaapi, mga taong nakukulong na walang kasalanan? Di ba puwede ko din ipalaganap ang salita ng Diyos at maging aktibong kasapi sa simbahan kahit hindi ako pari?”
“Puwede naman. Kaso iba parin talaga kung pari ka. Pero ikaw lang naman kasi ang makakapagdesisyon para sa sarili mo. Walang ibang puwedeng magbago sa buhay sa paraang gusto mo kundi ikaw lang din. Kaya pag-isipan mong mabuti kung saan ka ba talaga masaya.”
“Alam mo bang ikaw ang isa sa dahilan kaya hindi ako sumusuko dito? Kaya kahit papano nagiging makabuluhan ang bawat araw ko kung nakikita at nakakasama kita. Hindi ko ramdam ang pagkabagot, hindi ko napapansin ang paglipas ng araw. Masaya akong nakikita ka sa labas kahit hindi tayo nagkakasama. Makita ko lang na nakangiti ka sa akin, kumpleto na ang araw ko. Ano pa kaya kung mga ganitong gabi na yakap kita o nahahalikan. Sana mahalin mo ako ng tulad ng pagmamahal mo kay Aris. Sana makita mo ako ng ako at hindi siya ang nakikita mo sa akin.”
“Nasa seminary tayo kaya hindi yata puwedeng mangyari ang gusto mo.”
“Bakit hindi puwede? Ginagawa na natin ngayon ang ginagawa ng magkarelasyon. Kulang na lang iyong sabihin mo na mahal mo din ako. Pakiramdam ko nga lalo tayong nagkakasala sa ginagawa natin sa loob. Para natin binababoy ang simbahan nito.”
“E di mas lalo na tayong nagkakasala kung gusto mong maging official na tayo. Tama na muna ‘to. Masaya naman tayo e.”
“Mas masaya sana kung tayo. Hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita.”
“Salamat po.”
“Ganun? Salamat lang?” nilayo niya ang palad niya sa mga kamay ko. “Sige na, matulog na nga tayo. Maaga pa tayong magising bukas.
“Pinapalipat mo ako sa kama ko?”
“Hindi naman sa ganoon, ikaw lang naman nasusunod sa atin e. Kung saan mo gusto e di doon ka. Wala naman nasusunod na kagustuhan ko kaya ikaw kung saan mo gustong matulog.”
Niyakap ko siya. Nang una tinanggal niya ang kamay ko. Tumalikod ako.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ilang sandali lang mula nang tumalikod ako.
            “Hindi kasi kita kayang tiisin kaya ako nahihirapan ng ganito.” Paanas niyang sinabi sa aking tainga.
Maiidlip akong nakangiti.

           Iyon ang naalala kong mga tagpo sa amin noon. Dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga ginagawa ko, idagdag pa ang katotohanang napipilitan na lang siyang gawin ang isang bagay dahil mas nakakarami ang nangangarap na magiging isang mahusay siyang pari. Iyon bang pakiramdam niya ay siya lang ang may gusto pero lahat ng taong nakapalibot sa kaniya ay iba ang gustong ipagawa sa kaniya at para sa nakakarami, kahit gaano kasakit na isuko ang pansariling kagustuhan ay ginawa niyang pumasok sa seminary. Mahusay nga naman talaga siya sa kahit saang larangan. Siya ang isa sa mga pinakamatalinong seminaryo.
Pati sa relasyon namin, hindi rin niya kayang ipilit ang gusto at sumusunod lang siya sa kung ano ang gusto ko at kaya kong ibigay. Alam kong mas nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Mahabang panahong nanahimik siya. Tiniis niya lahat kahit alam kong nasasaktan siya sa tuwing si Aris pa din ang bukambibig ko kahit siya ang nasa harapan ko. Ilang buwan siyang hindi nagreklamo. Ngunit kahit gaano pa kabait ang isang tao ay dumadating din sa puntong mauubusan na siya ng pasensiya.
. Alam kong napuno na siya at wala na siyang pagsisidlan pa ng pang-unawa sa akin. Nagsawa na din siya sa katatanong kung ano nga ba talaga kaming dalawa. Siguro, tuluyan na nga din siyang naniwalang walang magiging kami ngayon at lalong hindi magiging kami sa hinaharap. Gamitan. Iyon ang alam kong tumatakbo sa isip niya lalo pa’t sa tuwing sinasabi niya noon na mahal niya ako, ang laging tugon ko ay salamat po. Hanggang sa napagtanto niyang solohin na lamang ang nararamdaman at huwag nang umasa na may patutunguhan ang sa amin.
                Nang  nagtanghali ay sinikap ko siyang senyasan sa pamamagitan ng pagpupunas sa nguso ko ngunit hindi siya pumansin. Parang wala siyang nakita ngunit nag-asume ako na susundan niya ako. Tatlumpong-minuto na ako sa loob ng kuwarto namin at labinlimang minuto na lang ay matatapos na ang break ngunit wala pa siya kaya nagdecide na akong lumabas.
Lalo akong nag-init nang makita kong kausap lang pala niya si Jake. Ang matagal ko ng napapansin na lagi niyang kasama na barkada daw niya ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Naisip ko, puwes, mamayang gabi magtutuos tayo. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na ako ng selos sa kanila. Ayaw kong maniwalang nahulog na ang loob ko kay Alden ngunit ganitong-ganito ang naramdaman ko noon kay Aris. Ganitong-ganito ang tibok ng aking puso, nang inis noong may kasama siyang iba nang recess namin noong high school palang kami. Mahal ko na ba si Alden?
                Kinagabihan ay hinintay ko lang na magiging tahimik ang lahat. Nakahiga na siya sa kama niya noon. Tahimik at nakatalukbong. Alam kong gising pa siya. Ayaw lang niya ako kausapin at imikan.
                “Mag-usap nga tayo.” mahina ngunit galit kong sinabi. Hinila ko ang nakatalukbong niyang kumot. Tinignan ako ng masama saka niya muling nagtalukbong.
            “Sabi ko mag-usap tayo.” Muli kong tinanggal ang kumot.
                “Ih! Ano ba! Tungkol san? Tungkol kanino…kay Aris?” bumangon siya  at pumuwesto ng upo. 
        “Bakit napasok si Aris dito?”
“Di ba nga wala ka ng ibang bukam-bibig kundi si Aris? Kahit yata ako napagkakamalan mong si Aris na.”
“Tungkol sa iyo at kay Jake.”
“Anong tungkol sa amin?”
“Kayo ba?”
“Ohh, come on…kami ni Jake? Gumagawa ka ba ng pag-usapan? Alam mong kaibigan ko si Jake. Sa kaniya na nga lang ako nakikipag-usap ng kahit ano sa mundo at hindi iisa ang subject tulad ng sa iyo. Aris… Aris… Aris..nakakasawa at walang kamatayang Aris! Kahit nagkukuwento ako ng buhay ko, nagagawa mo paring isingit si Aris sa usapan natin.”
“Bakit ba pilit mong isinisingit si Aris sa usapan natin ngayon!”
”Dahil sa Aris na iyan nag-uugat ang lahat ng ito. Dahil siya ang lagi mong nakikita sa akin….dahil siya laging laman ng kuwento mo…dahil nagseselos ako sa wala dito at higit sa lahat dahil alam kong siya parin ang mahal mo!”
“Iyon na nga eh, kailangan mo bang magselos sa nakaraan ko? Kailangan mo bang makipagkompetensiya sa taong may asawa na at wala dito ngayon?”
“Alam mo, simple lang sana naman ang sagot diyan e, HINDI! Hindi ko dapat sanang pagselosan yung nakaraan mo, hindi ko dapat pagselosan iyong may asawa na at wala dito pero alam kong alam mo na hindi ko masasagot iyon ng ganoong sagot dahil ang totoo niyan ay OO. Nagseselos ako sa kaniya. Wala akong karapatan sa iyo Rhon. Hindi tayo. Ayaw mong i-commit ang sarili mo sa akin. Pakiramdam ko, gamitan lang tayo sa ‘lang-hiyang sex. Ni hindi ko alam kung ano ako sa’yo. Masakit sa akin na alam mong mahal kita ngunit ako, hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Ginagamit mo akong pantapal kay Aris o kaya pangkamot kapag kinakati ka. At alam mo kung bakit. Ngayon, huwag mo akong matanong-tanong kung bakit kailangan kong magselos sa nakaraan mo dahil ni hindi ko alam kung ako ba ang kasalukuyan mo!”
Hindi ako umimik. Alam kong tama siya.
“Alam ko namang alam mo eh pero kailangan kong sabihin sa iyo dahil gusto mong marinig na alam ko din ang alam mo.” Pagpapatuloy niya. Nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata. Pinipigilan niya ang tuluyang pagluha.
“Hindi mo ako mahal. Nakikita mo lang ang katauhan ni Aris sa akin. Gusto mong ako ang Aris na nasa utak mo. Pero sana malaman mo kahit kailan hindi eh, ako si Alden. Iba si Aris kay Alden. ‘Tagal kong nanahimik. ‘Tagal kitang inunawa. Akala ko kung mananahimik ako darating yung panahon na maisip mo at matanggap na ako ito. Hindi kahit kailan magiging siya ang ako. Kailan mo ba maisip na sinasaktan mo na ako? Hanggang kailan mo bubuhayin si Aris sa katauhan ko?
“Iyon ba ang akala mo?” gusto kong magsinungaling para kahit papano ay maibsan ang nararamdaman niyang sakit. Tuluyan niyang ginigising ang mali kong pagturing sa kaniya. Tumatama ang lahat sa kaibuturan ng aking puso.
“Lupit mo! Tagal kitang binigyan ng panahon na marealize mo kung ano ba ako sa iyo at kung sino si Aris at Alden sa buhay mo. Napakatagal kong nagiging tanga. Masarap nga namang maging tanga dahil sa tindi ng ginagawa natin sa kama. Masarap nga din magpakamanhid dahil sobrang gwapo at sulit naman sa galing sa kama ng kasiping ko. Ngunit sana gano’n lang kasimple iyon eh. Pero yung ikumpara mo ako araw-araw sa kaniya at iyong siya lang lagi ang nasa kuwento mo at hindi mo na ako napapansin pa..’yun…’yun ang sobrang sakit. Kaya huwag mong ibaling sa amin ni Jake ang problema. Wala sa amin ang problema, Rhon, nasa sa iyo.|
Dahil sa narinig kong iyon ay natauhan ako. Tama siya.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” tanong ko. Gusto kong marinig kung paano ko maitatama ang mga nagawa kong pagakakamali sa kaniya.
“Tinatanong mo ako kung anong gusto ko? Baka mas mainam na tanungin mo ang sarili mo kung sino ba talaga ang gusto mo? Pasensiya ka na Rhon, pero mas mainam na alamin mo muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo bago mo ako tanungin kung ano ang gusto ko. Hindi na mahalaga pang pag-usapan kasi dito kung ano ang gusto ko. Mas mainam na pag-isipan mo kung ano nga ba ang gusto mo.”
“Paano ko maayos ito kung ayaw mong sabihin sa akin.”
“Matalino ka eh! Dapat alam mong gusto kong ipaintindi sa’yo! Gusto kong ayusin mo muna ang sarili mo. Pag-isipan mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo dahil hindi ka makakagawa ng tama para sa iba kung sarili mo ay hindi mo alam kung ano nga ba ang nais mo. Bumalik ka na sa kama mo. Gusto ko nang magpahinga.” Pagkatapos no’n humiga na siya, tumagilid patalikod sa akin at nagtalukbong.
Magmula noon ay hindi na niya ako pinansin. Binigyan ko na rin lang siya ng laya hindi para tuluyan siyang kalimutan kundi gusto kong hanapin siya sa puso ko. Gusto kong siya na ang nakikita ko at hindi si Aris. Mabuti siyang tao. Wala siyang kasalanan para gamitin ko ng ganito.
Naisip ko na siguro naging mabilis lang ang pangyayari. Hindi ko na muna hinintay na maghilom ang sugat na likha ni Aris sa puso ko at tumalon ako sa isang pagtitinginan na ang mahal ko ay si Aris parin. Isang Linggo na lang at bakasyon na. Iyon ang pagkakataong hindi ko makikita si Alden at ang mga panahong magkalayo kami ay subukan ko siyang hanapin sa puso ko. Subukan kong palayain na nang si Aris sa puso ko at papasukin si Alden.
Gabi bago ang bakasyon..
“Puwedeng tumabi?” paalam ko sa kaniya habang nakatihayang tanging boxer short lang na puti ang suot.
Hindi siya umimik pero umusod siya. Binibigyan niya ako ng puwesto. Tumabi ako. Tumihaya. Nakiramdam. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kisame. Malungkot. Nang bawiin ko ang aking tingin ay nilingon niya ako. Nagtama ang aming mga mata. Nanatiling walang gustong magsalita. Bahagya kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Tumitig lang siya sa akin. At ilang saglit pa ay tuluyan ko ng nilapatan ng matamis na halik ang kaniyang mapupulang labi. Nang una ay hinayaan lang niya ako ngunit nang naglaon ay hinawakan na din niya ang aking batok at muling nag-init an gaming mga katawan. Ginalugad ng kamay ko ang kabuuan ng kaniyang katawan. Tinulungan niya akong hubarin ang aking sando at boxer short hanggang sa tuluyang sinakop ng init ng aming katawan ang lahat ng di namin pinagkakaunawaan. Pinagsaluhan namin  ang pinakamainit naming pagniniig. Nilasap namin ang sarap ng pinagbawal naming langit. Mas mapusok. Mas mainit ngunit naramdaman ko ang igting ng kaniyang pagmamahal. Alam ko nang gabing iyon ay siya na ang lalaking humahagod ng halik sa aking likod. Siya na ang nagbibigay ng kakaibang sarap at kiliti sa aking kabuuan. Naroon ang kakaibang pagsinta kasama ng maluwalhati naming pagpaputok ng rurok ng sarap. Bago ako iginupo ng antok ay ikinulong ko siya sa aking mga bisig. Tanda ng aking pagmamahal. Ngunit hindi ko pa iyon nasasabi. Hindi pa ako handang sabihin na bukod kay Aris, naroon na siya sa puso ko. Mahal ko na rin siya.
Kinabukasan ay wala siyang imik. Nakiramdam ako. Maingat niyang sinilid ang kaniyang mga naiiwan pang damit sa luma niyang bag. Pilit niyang isiniksik doon ang kaniyang mga gamit.
“Gusto mong hiramin itong isang bag ko?” pambabasag ko sa katahimikan.
“Okey lang. Nagkasya ito nang dumating ako dito, wala naman akong dinagdag na gamit kaya sigurado mapagkakasya ko din lahat ngayon. Kung sana puwede ko lang ibagahe yung naipon dito sa dibdib ko na sakit at lungkot, sana hiramin ko yung isang bag mo baka sakali mas madali sa akin ang paghinga. Bakit ganun? Pumunta ako dito na dala lang ang isang pangarap para sa mga taong umaasa sa akin, bakit ngayon at uuwi ako, napakabigat ng pakiramdam ko.”
Hindi ako nagsalita. Niyakap ko siya.
“Gusto mong sumabay na lang sa akin? Susunduin ako ng tito kong pari. Idadaan ka na lang namin sa paradahan ng bus sa Cubao papuntang Pampanga.”
“Huwag na, nasabi ko na kay Jake kahapon na sa kaniya na lang ako sasabay.”
Natabangan ako sa sagot. Tinanggal ko ang aking pagkakayakap. Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na ang bagahe ko at walang imik na tinungo ang pintuan.
“Ganu’n na lang iyon? Basta ka na lang aalis?” pahabol niya.
“Di ba nga sasabay ka kay Jake?” hindi na ako lumingon. Bahagya lang akong huminto. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay pinigilan niya ang kamay ko. At sa isang iglap ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi.
“Mag-iingat ka. Mamimiss kita Rhon. Alam mong mahal na mahal kita. Huwag ka ng sumagot. Alam ko. Basta ingat ka lagi. Kita-kits na lang next school year.” Yumakap siya sa akin.
Binuksan niya ang pintuan. Ngumiti sa akin pero halata ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nang lumabas ako ay agad na niyang isinara ang pinto. Minabuti kong umalis na din lang.

                Sa kumbento kung saan nadestino si tito ako tumuloy at doon ko balak gugulin ang buong bakasyon. Dumating ako at pinakiusapan ko siyang wala munang balita tungkol kay Aris dahil nagsimula nang nagagamot ang galit sa puso ko. Naroon parin ang pilat ngunit magsisilbing mga alaala na lamang ang lahat ng iyon. Ang pilat ng nakaraan at ang tanging naiwan ay ang wagas na pagtatangi sa kaniya. Ngunit sa mga sandaling iyon ay pilit kong isinantabi si Aris. Gusto kong iwanan na siya sa nakaraan. Itago siya doon at harapin kung ano ang kasalukuyan at maaring sa hinaharap. Gusto kong hanapin si Alden sa puso ko. Ninais kong bigyan siya ng lugar doon nang hindi ko siya kailangan ihambing sa aking nakaraan. Iyong solo niya ang trono. Iyong hindi ko na siya ihahambing pa kay Aris dahil totoo nga naman, siya ay siya at si Aris ay si Aris.
                Tama ngang kapag hindi mo nakakasama at hindi nagpaparamdam ang taong hindi mo napahalagahan ng husto ay doon mo lang maramdaman ang tunay na kahalagahan niya sa iyong buhay. Sa isang Linggong hindi ko nakasama at nakikita si Alden ay naramdaman kong hinahanap ko siya. Gusto kong madinig ang malutong niyang mga tawa, ang garalgal niyang boses, ang haplos niya sa aking katawan, ang init ng kaniyang labi, ang likot ng kaniyang dila at ang init ng kaniyang katawan. Noon ko lang naisip ang lagkit ng kaniyang mga titig, ang bango ng kaniyang hininga, ang tigas ng kaniyang katawan at ang masuyo niyang paghalik sa aking mata, ilong pisngi na tumatagal sa aking mga labi. Inaamin ko, namimiss ko siya. At sa sulok ng aking puso, naroon siya. Mahal ko na din siya kahit sabihing mas mahal ko si Aris ay naroon si Alden na hindi ko lang pinansin noon.
Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka naghihintay sa baba?” bungad ni tito sa akin.
Hindi ko alam kung tatanungin ko siya dahil wala akong inaasahang magiging bisita. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.

[12]

Isang araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos ka anak, may bisita ka, naghihintay sa baba?”
Hindi muna ako lumabas. Tinanong ko muna kung sino.
                “Si Aris ba ‘yan tito?”
                “Aris? Ikaw na mismo nagbilin na ayaw mong pag-usapan natin si Aris tapos si Aris agad ang pumasok sa isip mo. Ano ba talaga Rhon? Nakapag-move on ka na ba talaga o in denial ka padin?”
            Hindi ko na lang sinagot si Tito pero tinignan ko siya na parang nagtatanong ang aking mukha.
            “Hindi si Aris.”
                “E, sino?”
                “Kaya nga lumabas ka para makita at makausap mo siya.”
                “Basta siguraduhin ninyong hindi si Aris ‘yan.”
                “Hindi nga…kulit ng batang ‘to.”
                “O, siya, susunod na ho ako sa baba.”
                Pagbaba ko sa hagdan ay kinagulat kong makita kung sino ang aking bisita. Parang hindi ko alam kung lulundag ba ako sa tuwa o babalik na lang sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung yayakapin ko siya o basta na lang ordinaryong paglapit at uupo.
                “Kumusta na, anak?”
                Anak? Tinawag na muli niya akong anak? Akala ko ba ayaw na niya akong makita? Akala ko ba kinahihiya niya akong magiging bahagi ng kaniyang pamilya?
                “Okey lang po Pa. Sorry po.” Tumulo ang pinigilan kong luha.
                Lumapit si papa sa akin. Nakita kong mamasa-masa din ang gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan lang niya ang pagluha.
                “Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo, anak.” Pumiyok ang boses niya. Halatang hindi sanay sa ganoon. Pinisil niya ang balikat ko. “Pasensiya ka na, nabigla si Papa. Hindi ko kasi alam. Saka ayaw kong sana maging ganiyan ka dahil ayaw kong magiging ikaw ang paksa ng mga panlalait ng mga tao. Nang nawala ka, doon ko napagtanto ang kahalagahan mo sa pamilya. Noon ko naisip na kahit ano ka pa, ikaw ay galing sa akin. Na kahit ano pa ang pagkatao mo, ikaw ay anak ko at iyon ay isang katotohanang hindi maitatanggi. Noong nawala ka sa amin, napagtanto ko kung gaano ko naramdaman na parang may kulang sa buhay namin. Kaya sana mapatawad mo kami, anak.”
                Para sa akin, isa iyong bahagi ng buhay ko na sadyang ipinagpasalamat ko. Ngayon, kung aking iisipin, parang over-acting ang ginawa kong pagyakap kay Papa at paghagulgol bilang paglabas sa lahat nang naipong sakit sa dibdib ko. Ngunit noong ginagawa ko ang bagay na iyon ay hindi ko naisip na korni o OA dahil iyon ay sadyang galing sa aking puso. Isang likas na kinikilos na nagagawa ng kahit sino sa ating nagulat sa isang pagdating ng hindi inaasahang kasiyahan at pagkabuo ng pagkatao. Napakasaya ko nang araw na iyon. Sinabi ni papa na hindi siya aalis na hindi niya ako kasamang umuwi sa bahay.
 Isang paghahanda ang gustong ipagdiwang ni Papa. Lahat daw ay gusto niyang pagsasama-samahin at minsanang ipagdiwang ang lahat ng mga okasyon sa buhay ko na hindi siya nakasama. Ang aking pagtatapos ng college, ang pagpasok at pagtapos ko ng unang taon ng pagkapari at ang muling pagkabuo ng kaniyang pamilya. Iisa ang pumasok sa isip ko noon na gustong makita ang kasiyahan kong iyon. Ang isang taong nakinig at dumamay ng ikuwento ko sa kaniya ang ginawa ni papa sa akin. Taong napaluha dahil naramdaman niya ang bigat ng aking dinadala. Isang nagmahal sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang at pagkakamali. Taong dinamayan ako para makabangon sa sakit na likha ng aking nakaraan…si Alden.
                Dalawang araw ang paghahanda bago ang okasyon ay nagpaalam ako kina Mama at Papa para sunduin si Alden sa Mabalacat, Pampanga. Gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko hindi isang boyfriend kundi kaibigang nagpahalaga sa akin sa loob ng seminary. Gusto kong makilala niya ang pamilya ko. Gusto kong makasama siya sa labas ng walang takot, na walang iniisip na masama ang aming ginagawa katulad nang takot namin noong nasa loob kami ng seminary. Gusto kong maging malaya kami sa paggawa sa alam naming tama ngunit kasalanan sa nakakarami. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman. Iyong siya ang nakikita ko at hindi iba. Iyong hindi ko mabanggit ang pangalan ni Aris kapag pinupuri ko siya.
                Halos dalawang oras din ang biyahe ko mula Makati hanggang sa Mabalacat. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Excited na sobrang kinakabahan na masaya. Basta halu-halong emosyon ang salit-salitang pumapasok sa aking sistema. Mabuti na lang at mahusay ang memory ko kung paano pupunta sa kanila. Hindi nga ako nabigo. Nahanap ko ang bahay nila. Noon ko nakita ang pagkasalat nila sa buhay.
                Tinanong ko ang isang ginang na abala noon sa paglalaba.
            “Magandang umaga po.  Dito ho ba nakatira si Alden?”
            Ngumiti siya. “Dito nga. Ako ang nanay niya. Sino sila?”
“Ako po si Rhon, kasamahan po ako ni Alden sa seminary. Gusto ko lang po sanang makausap ho siya.” Magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at hanapin ang aking sadya.
                “Wala siya dito. Isang Linggo na yata sa Baguio. Malungkot kasi nang umuwi dito. Laging tulala at gusto laging mapag-isa. May pumunta ditong kasamahan niya sa seminary, James? Jay? Hindi ko kasi masyadong matandaan ang pangalan?”
            “Jake? Baka ho Jake ang pangalan nung kasama niya.” Kumpirmasyon ko
“Oo nga, Jake nga ang pangalan. Yayain daw niya sa kanila si Alden nang makalimot daw kahit sandali.”
                “Makalimot? May problema ho ba siya?” tanong ko kahit alam kong ako ang dahilan ng kaniyang kalungkutan.
“Naku pasensiya ka na, hindi din niya sinabi sa akin ang kabuuan ng kaniyang pinagdadaanan.”
“Ah, magkasama po sila ni Jake? Matatagalan ho ba daw siya doon?”
                “Mga dalawang Linggo. Isang Linggo na siya kahapon. Sabi niya, baka daw sakaling makalimot siya sa nararamdaman niyang kakaiba. Gusto daw niyang mawili nang tuluyang makalimutan ang pagkabigo.”
                “Pagkabigo daw ho sa ano?” dahil siya na din lang ang nagsimulang pag-usapan ito kaya naman naglakas loob na din akong magtanong.
                “Hindi ko alam, tinatanong ko siya kung may babae ba sa seminary para mabigo siya sa pag-ibig e, di naman sumagot. May mga babae ba doon sa sa inyo?”
                Nagulat ako sa tanong ng nanay niya. Hindi din ako nakasagot agad-agad. Nag-isip na lang ako ng idadahilan.
                “Nabigo siguro siya dahil hindi ho niya na-perfect ang finals namin. Sanay po kasi si Alden na perfekin ang mga exams.”
                “Gano’n ba! Akala ko naman kung anong pagkabigo ang sinasabi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang nalungkot iyon na parang laging tulala at wala sa sarili. Lalim ng mga hininga. Ayaw nga sana niyang sumama kay Jake pero napilitan din ito nang sinabihan kong kailangan niyang magrelax lalo na at bakasyon naman ninyo.”
                Hindi na rin ako nagtagal pa. Hindi ko din naman kasi alam ang address ni Jake sa Baguio para sana masundan ko siya doon.
            Si Jake. Nang una kong makita si Jake, akalain mong hindi siya yung tipong nababagay magpari. Mayabang at presko kung kumilos. Siguro dahil astang lalaking-lalaki isabay pa dito ang maganda niyang katawan. Maputi, tamang tangkad at magaling pumorma. Kadalasan fitted na t-shirt ang suot na lalong nagpatingkad sa hubog ng kaniyang pangangatawan. Matangos ang tamang tubo ng ilong na binagayan ng may kakapalang kilay at mapula-pulang labi. Expressive ang kaniyang mga mata. Kaya naman hindi ko talaga maiwasang pag-isipan sila ng hindi maganda. Natatakot ako na ang atensiyon ni Alden na dapat ay akin lang ay mapunta kay Jake. Kung walang hitsura si Jake, mapapanatag pa sana ako. Sa dinami-dami ng seminaryong hindi naman talaga kaguwapuhan ay bakit si Jake pa ang napili niyang kaibigan?
 Noon ko naisip kung gaano dinamdam ni Alden ang sakit ng pagkabigo sa akin. Nakonsensiya ako sa aking ginawa. Parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko sa kaniya. Gusto kong maramdam niya ang pagmamahal ko. Napakabigat ng nararamdaman ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko kayang magpakasaya dahil alam kong sa mga sandaling iyon ay may taong nasasaktan dahil sa hindi ko sinasadyang mga pagkakamali. Pinilit kong inenjoy ang party sa bahay kahit sa sulok ng aking puso ay naroon ang guilt na nararamdaman ko para kay Alden. Isang guilt feelings na alam kong mawawala lamang kung makausap ko siya at maipadama sa kaniyang nagsisisi na ako sa panggamit sa kaniya para makalimot kay Aris, ginawa ko siyang panakip butas, nakikita ko siya ngunit hindi tinitignan. Nahahaplos, nayayakap at nahahalikan ko siya ngunit hindi ko siya nararamdaman at gusto kong sa muli naming pagkikita ay maiparamdam ko iyon sa kaniya. Gusto kong itama ang aking pagkakamali.
                Naging mabilis ang paglipas ng araw at dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagkikita naming muli ni Alden. Ang pagsisimula. Nauna akong dumating sa kuwarto namin. Nakapaglinis na ako at nakatulog. Nagising ako sa pagdating niya. Ngumiti siya ng tipid sa akin nang maibukas ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang oras, ala-una ng hapon. Hindi pa ako nananghalian.
                “Kumusta ang bakasyon?” tanong ko. Uminat- inat muna ako. Nang tuluyang mahimasmasan ay saka ako bumangon at umayos ng upo.
                “Okey lang naman.” Matipid niyang sagot. Hindi siya nakatingin sa akin.
            “Nananghalian ka na? May dala akong pagkain.” Alok ko.
            “Tapos na, kumain na kami sa daan kanina.”
            Gumamit siya ng “kami”, hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang kasama niya. Bumuntong-hininga ako. Minabuti kong huwag na lang munang pag-usapan ang tungkol kay Jake.
                “Pumunta pala ako sa inyo.” Nakangiti akong lumapit sa kaniya.
                “Alam ko. Sinabi ni nanay sa akin.”
                “Imbitahan sana kita sa bahay no’n kaso nasa Baguio daw kayo.”
                “Pasensiya ka na, huwag na lang pag-usapan.”
            Naisip ko, huwag pag-usapan? Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa lakad nila ni Jake? Bakit?
                “Galit ka ba sa akin, Den?” tanong ko. Umupo ako sa kama niya.
                “Wala ako karapatang magalit. Saka tapos na lahat ‘yun. Wala na sa akin. Kalimutan mo na lang lahat ang mga nangyari noon.”
                Hinubad niya ang kaniyang pantalon at t-shirt. Tanging boxer short na lamang niya ang naiwan. Nakaramdam ako ng kakaiba. Tumingin siya sa akin. Pumuwesto ako ng upo. Inihanda ko na ang sarili ko sa kahit anong mangyari. God…namiss ko ang katawang iyon…ang kaniyang mga hininga, ang labi niya, ang halik…ang pagmamahal.
                Nagkamot siya ng ulo. Para siyang gumawapo sa paningin ko. Parang umitim siya ng bahagya. Lalo tuloy silang nagkahawig ni Aris ngayon. Ahhh! Hinding-hindi ko na dapat pang iniisip si Aris o mabanggit-banggit si Aris kay Alden. Si Alden na dapat ang tuon ang puso at isipan ko. At narito siya ngayon.
                Nanginginig na ako. Gusto ko na siyang hilain sa kama ngunit parang may pumipigil sa aking gawin ko ‘yon. Tinanggal ko na din ang damit ko at tanging boxer short na rin lang ang naiiwan. Bahagya akong sumandal sa mga unan.  Umupo siya sa kama. Tumalikod.
                “Pagod kasi ako. Baka puwedeng mahiga sa kama ko.”
                Parang nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa narinig ko. Pero sa tulad kong nasasabik at malakas ang tiwala sa sariling mahal na mahal ako ng taong nasa harapan ko at nakahubad ng pang-itaas ay hindi ganoon kadali tatalab ang sinabi niya. Kailangan kong ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko. Kailangan kong ipakita sa kaniyang nagbago na ako kahit daanin ko iyon sa init ng romansa, ng halik at sex basta ang importante ay maramdaman niyang siya na ang gusto kong mahalin at hindi ang nakaraan. Niyakap ko siya. Hinalikan sa likod ng tainga at kinalikot ko ang kaniyang mamula-mulang utong. Tinanggal niya ang aking mga kamay doon. Bahagyan niya ako itinulak.
            “Bakit ayaw mo? Hindi mo ako na-miss?” napahiya kong tanong.
            Huminga siya ng malalim.
                “Hindi mo ba ako narinig, Rhon? Sabi ko pagod ako at baka puwedeng mahiga ako sa kama ko. Inaantok kasi ako. Please?”
            “Okey, fine. Sorry.” Mabigat ang pagkakasabi ko no’n. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa akin ngunit walang emosyon sa kaniyang mukha. Blangko.
                Parang natauhan ako. Kinuha ko ang damit ko at bumalik sa aking kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Sobrang napahiya ako sa nangyari. Nahiga ako at pumikit. Naroon ang sakit ng loob. Naroon parin ang pride. Kung ayaw niya di huwag. Feeling niya pipilitin ko siya. Tignan natin kung sinong hindi makakatiis.
                Ilang minuto palang akong nakahiga at alam kong hindi parin siya nakakatulog nang may mahinang katok sa aming pintuan. Nagkunyari akong tulog kaya siya ang tumayo para buksan iyon.
                “Oh, akala ko matutulog ka?” dinig kong tanong ni Alden. Naroon ang saya ng kaniyang tinig. Hindi katulad nang kausap niya ako kanina.
                “Di ako makatulog eh. Di ba nakita mo namang an’sarap ng tulog ko sa bus kanina?” boses ni Jake. “Nandiyan na ba si Rhon?”
                “Oo, tulog na yata.”
                “Do’n na lang sa kuwarto ko ikaw magpalipas muna ng oras. Wala pa kasi yung roommate ko. Wala akong makausap. Bukas pa daw ang dating kasi galing pa ng Batanes iyon. Saka sa isang araw pa naman ang regular class natin.”
                “Okey lang ba? Baka pagalitan tayo.” paanas niyang tanong. Alam kong ayaw niyang marinig ko ang pag-uusap nila.
“Ayos lang ‘yun. Di naman nila malalaman.”
“Sandali lang, magdadamit ako. Lakas pa naman ng boses mo. Magising mo pa si Rhon.”
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Ayaw kong umiyak ngunit parang nasanay na ang mata ko sa pagluha.  Wala akong magawa kundi iluha ang pagseselos. Tama. Nagseselos ako. Sa tuwing nasasaktan ako ay parang ang pagluha na lamang ang paraan para ilabas ang sakit na aking nararamdaman.
Gabi na nang bumalik si Alden sa kuwarto namin. Kinuha niya ang unan at kumot niya. Di ko napigilan ang sarili kong magtanong.
“Sa’n ka matutulog?”
“Kina Jake.”
“Magkasama na nga kayo buong bakasyon, doon ka parin matutulog ngayon?” halata na ang pagmamaktol ko. Di ko na maitago ang nararamdaman kong selos.
“May gusto ka bang ipakahulugan, Rhon.”
“Obvious ba? Sabi mo kanina matutulog ka dahil nga pagod ka. Dumating si Jake, hindi ka na pagod at ilang oras ka ding nawala.”
“Nagseselos ka?”
“Kadarating lang natin dito, nagkasama naman kayo nang bakasyon, hindi mo lang ba ako kukumustahin?” pilit kong ibinaling sa iba ang tanong niya. Hindi ko kayang aminin sa harap-harapan na nagseselos nga ako.
“O, kumusta ang bakasyon mo?”
 “Ewan ko sa’yo!” sagot ko
“Tignan mo? Hindi ko alam kung ano ba talaga kasi ang gusto mo. Kinakamusta kita pabalang ang sagot mo.”
“E kasi naman mag-isa ako dito, tapos sa kuwarto ni Jake ka naglalagi!”
“Eh, ano nga naman ngayon sa iyo ‘yun?”
“Wala lang.”
“Wala lang naman pala e? Maliban na lang kung nagseselos ka. Pero, bakit ka nga ba naman magselos e, hindi naman nga tayo? Ano nga ba talaga tayo Rhon?”
Natigilan ako sa pagbalik ng tanong niya sa akin.
“Iwan mo ako dito ngayon mag-isa? Hindi mo ba ako na-miss?” gusto kong ibahin ang usapan. Sa tuwing natatalo ako at walang maisagot, iyon na lagi ang ginagawa ko, ang ibahin kung anong usapan.
“Namiss?” Ngumiti siya. “Bakit naman kita mamimiss. May karapatan ba akong mamiss ang tulad mo?”
“Baka naman…”
“Uyy bilisan mo, kakain pa tayo sa labas, ano ba!” singit ni Jake na biglang bumulaga sa pintuan. Hinila niya si Alden at natatawa namang sumunod ang isa.
Naiwan akong napatulala. Hindi ko na nagawang sabihin pa ang mga gusto kong sabihin. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng gabing iyon. Napakadaming tanong sa isip ko kung bakit biglang nanlamig at nagbago si Alden. Sobrang selos at inis ko kay Jake. Hindi ako mapakali ng gabing iyon. Labas-masok ako sa kuwarto. Gusto ko silang katukin sa kanilang kuwarto ngunit ano naman ang karapatan ko para gawin iyon? Ano ang sasabihin ko? Para akong nasisiraan ng ulo. Ansakit ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isipin para mawala yung selos at galit na nararamdaman ko.
Bumalik ako sa kuwarto at pilit kong kalimutan ang mga ideyang sadyang nagpapasakit sa aking kalooban…ang ideyang baka nagkadevelopan na sina Jake at Alden… baka sila na ngang dalawa ngayon… Ano kaya ginagawa nila ngayon sa kuwarto ni Jake? Naghahalikan? Nagyayakapan? Nagsesex? Gusto kong isipin na naghihiganti lang si Alden, na ako parin ang mahal niya. Ginagawa lang niya ito para paselosin ako. Gusto niya lang ipadama sa akin ang dating naramdaman niya noong puro Aris ang bukambibig ko. Sa tulad kong nagseselos, ang tanging paraan para maibsan ang sakit ay ang tiwala. Tiwalang mahal niya ako at hindi niya magagawang ipagpalit ako kay Jake. Tiwalang ginagawa lang niya iyon para lalo ko siyang mahalin at mahanap siya sa puso ko. Ngunit sa likod ng tiwalang iyon na gusto kong isiksik sa isip ko ay tinatalo padin ng takot. Tinatalo ng negatibong pag-iisip. Hindi ko nagawang pagkatiwalaan si Aris nitong mga huli, sinira na iyon ni Aris kaya paano pa ako magtitiwala ngayon kay Alden?
Sa tulad kong nag-iisa at sobrang namimis ang taong wala sa aking tabi. Sa tulad kong nag-iinit at nagagalit ay isang idea ang ginawa ko. Kinuha ko ang gamit nang boxer short niya. Hinubad ko ang boxer short ko. Kinuha ko ang lotion at nilagyan ko ang kamay ko. Nahiga ako sa kama niya. Pumikit ako at nilaro, hinimas ang aking alaga. Pinagalaw ko ang aking imahinasyon. Ibinalik ko sa aking alaala ang mga ginagawa namin ni Alden hanggang uminit ako ng uminit. Si Alden ang pilit kong nilaro sa aking balintataw, ang kaniyang magandang katawan na may ritmong sumasabay sa aking pag-indayog, ang kaniyang mga labi sa aking labi. Ang kaniyang mga dila na sumasalubong sa aking dila. Ang kaniyang galit na galit na alaga at nang maabot ko ang rurok ng aking ginagawa ay biglang si Aris ang pumasok sa aking isipan. Si Aris ang nasa aking imahinasyon nang bumulwak ang aking katas. Nag-iwan iyon sa akin ng hindi maipaliwanag na kaisipan.
Kinaumagahan ay sinikap kong simulan ang pakipaglaro sa kanilang dalawa. Gusto kong malaman kung pinapaselos niya ako. Kung ganoon man, kailangan kong ipakita ko sa kaniyang hindi ako apektado. Kung sa tingin niya ay masasaktan ako sa ginagawa niya ay iparamdam kong wala akong pagmamahal sa kaniya. Gusto kong gawin iyon. Ngunit sa tuwing nakikita kong masaya sila ni Jake ay lumalabas ang tunay kong nararamdaman. Nagseselos nga ako ngunit ayaw kong patalo. Pride sa pride. Ayaw ko silang pansinin ngunit kahit hindi ko sila nakikita ay hindi ko matanggal sa aking isip na magkasama sila at masaya. Sana ako ang kasama ni Alden, sana ako ang naroon ngayon.
At isang araw, isang hindi ko nakayanang tagpo ang sumambulat sa akin na siyang naging sanhi ng paghanga ko sa tunay na pagmamahal. Isang pagmamahal na noon ko lang natuklasan. Pagmamahal ni Alden na hindi ako makapaniwalang nagawa niya.

[13]
Naging mahirap na ang subjects namin sa second year. Nagkaroon na kami ng subject na  Logic, Cosmology and Psychology, Ethics, Apologetics at  Church History. Hindi parin nawawala ang Sacred Scripture  na mahirap kong intindihin ngunit kailangan dahil iyon ay isang subject na incorporated hanggang 6th year. Bilib ako sa mga kaklase kong pinag-iigihan at naka-focus sa kanilang pagpapari. Iyon bang, ginagawa nila ito dahil gusto nilang maglingkod sa Diyos. Ilan kaya sa amin ang may pinagdadaanan katulad ng sa amin ni Alden at Jake. Kung nakikita kaya nila ako ay tulad din ng pagtingin ko sa kanilang may takot sa Diyos at determinadong pagsilbihan ang simbahan at ang mga nagtitiwala dito?
                Hindi ang mga subjects na iyon ang sadyang nagpahirap sa akin. Sisiw lang iyon sapagkat utak lang naman ang kailangan gamitin. Tamang reasoning, mahusay na pag-intindi, at sapat na panahon sa pagbabasa siguradong pasado ka na. Ngunit bakit kapag usapin na sa puso ay hindi ganoon kadaling pag-aralan ang lahat. Hindi dahil matalino ka, kayang- kaya mo ng panatilihin ang magandang takbo nito. Kahit gaano mo ito planuhin at pag-igihan ay hindi mo parin kayang i-perfect ang relasyon. Kahit gaano kadaming libro na ang basahin ay hindi parin kayang pagandahin ang takbo nito kung wala na ang tiwala at pagmamahal. May mga kulang parin at sobra. May mga sandali paring iiyak at magdusa. Sadya ngang walang kasiguraduhan ang relasyon. Hindi ito kayang i-memorize…hindi din puwedeng basahin lang at intindihin. Parang laging hindi tugma, laging hindi sapat at tamang ang dapat lang na pinaiiral ay pagsabay sa bawat pagbabago… makiagapay sa bawat sayaw nito at maging masaya at kuntento sa tuwing kakatok ito sa ating puso. Kapag nariyan na, hindi lang sapat na magpasalamat ka at ariin ito sa walang katapusang saya dahil dumadating yung puntong iiyak ka at ang tanging kailangan mong gawin ay handang matuto sa hatid nitong alaala kung tayo ay iiwan na nang tuluyan. Wala kang control sa damdamin at desisyon ng iba. Ang tangi mo lang magagawa ay kung paano mo tatanggapin ang mga desisyon na iyon. Hindi dahil mahal ka niya ngayon ay mamahalin ka ng habang-panahon. Hindi dahil masaya ka ngayon ay hindi na puwedeng darating ang kalungkutan. Tandaan na ang bawat nasimulan ay may kaakibat na hangganan. Bago dumating ang katapusan ay dapat nakahanda na ang puso mo’t isipan na tanggapin na ganoon talaga ang buhay. Nothing lasts forever, ‘ika  nga.
                Sa pagdaan ng mga araw, napansin ko na ang lagkit ng tingin ni Jake kay Alden. Hindi na rin matanggal pa sa isipan kong may relasyon ang dalawa kasi sa tuwing nilalapitan ko si Alden ay nakikita ko kung gaano kasakit ang mga titig sa akin ni Jake. Titig na may kaakibat na pagseselos. Mga pasaring niyang hindi lang isang kabigan ang turing niya sa taong unang naging akin. Kulang na lang sabihan niya ako na wala na akong karapatan pang manghimasok sa kanila.
                Noong una ay gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Gusto kong makipagsabayan kay Jake ngunit natatakot akong lumaki lang ang isyu na magreresulta sa pagkakatanggal naming lahat sa seminaryo. Hindi alam ni Alden kung gaano ko iniiyakan ang mga sandaling masaya silang nag-uusap habang kami ay kumakain. Hindi niya alam kung paano ako nagseselos sa tuwing nakikita kong sila ang magkasamang maglaro ng chess, kung kahit gabi na ay nasa kuwarto parin namin si Jake at masayang nagkukuwentuhan sila sa kama niya. Paanas man ang pag-uusap nila ngunit sobrang sakit sa akin na masaksihang ang dating mahal ko ay may mahal na yatang iba.
                “May nabubuo yatang kakaiba sa inyo ni Jake. Mag-ingat lang kayo.” Naibulalas ko isang gabing hindi ko na makayanan pa ang pagseselos ko.  Hindi ko lang kasi talaga maideretso sa kaniyang nagseselos ako at hindi ko na kaya pa.
                “Nabubuong ano?”
“Relasyon. Ano pa ang puwedeng mabuong iba sa inyo?”
“ Kung iyon ang tingin mo, wala na akong pakialam pa dun at hindi ko naman siguro kailangang magpaliwanag maliban na lang kung…”
                “Kung ano?”
                “Kung nagseselos ka sa amin?”
                “Ako? Magseselos? Excuse me. Hindi siguro?” napalunok ako.
Ang totoo niyan e, ansakit-sakit na pero mataas ang pride ko at nangako ako sa aking sarili na hindi ako patalo sa kanila. Na kahit gaano kasakit na ay hindi ko dapat ipadama sa kaniyang natatalo na ako.
                “So, anong problema mo ngayon sa amin?”
            “Ewan ko. Di ko alam.”
            “’Yan ang mahirap sa’yo, matalino ka pero napakarami mong hindi alam na pati sarili mo yata kailangan mong lokohin. E, tutal naman pala at hindi ka nagseselos, siguro naman, wala ka na din sanang pakialam pa sa kung ano ang nakikita mo sa amin, hindi ba?”
                “Wala nga. Pero ang akin lang ay yung mahuli kayo at baka matanggal kayo dito. Concern lang ako sa’yo. Akala ko ba mahalaga sa’yo ang pangarap ng nanay at mga nagpapaaral sa’yo?”
                “Concern ka lang ba o may iba kang ipakahulugan. Ako, handa akong umalis dito kung kasama ko ang mahal ko. Kasi hindi lang ang sarili ko ang niloloko ko ngayon, niloloko ko na pati ang Diyos. Handa kong talikuran ang pagpapari kung sana kasama ko lang lumabas ang taong mahal ko.”
                “E, di kausapin mo si Jake. Kung gusto ninyong lumabas, dapat ngayon palang kausapin niyo na sila nang magiging graceful ang paglabas ninyo at hindi pa magiging kahiya-hiya.”
            “Pag-iisipan ko ang payo mo.”
Tumitig siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Nakikita ko sa kaniyang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya kayang ilabas. Hanggang nagbaba na lang siya ng tingin at pumunta sa kama niya.
                “Nahihirapan na ako. Sobrang hirap na hirap na ako.”
            “Saan ka nahihirapan? Dahil sa sitwasyon niyo ngayon ni Jake?”
            Tumingin siya sa akin. Bumunot ng malalim na hininga.
                “Gusto mo bang lumipat ng kuwarto nang hindi na kayo mahirapan pang dalawa?” pang-aasar ko.
                Nagbuntong-hininga siyang muli. Mas malalim ang hiningang iyon.  Naghubad siya ng sando. Tanging boxer short na lang niya muli ang naiwan. Dalawang buwan ng walang nangyari sa amin. Dalawang buwan na rin akong nagpipigil. Dalawang buwang sobrang namimiss ko na ang dating ginagawa namin. Ngunit siya, parang wala lang lahat. Ni hindi niya ako tinitignan sa mata. Ni parang nandidiring pagmasdan kapag nakahubad ako. Maganda naman ang katawan ko, makinis, maputi, hindi man balbon pero may abs naman ako, maumbok din ang dibdib ko pero parang sa tuwing nakahubad ako ay tumatalikod siya na parang walang nakikita.
                Nang muli kong mapagmasdan ang maganda niyang katawan ay biglang nag-init ako. Hindi ko alam kung tinutukso niya ang kahinaan ko pero nang makita kong tanging masikip na boxer short lang ang suot niya habang nakatihaya siya na hindi nagkumot ay napalunok ako. Halatang nakatigas ang alaga niyang bahagya niyang nilalaro dahil nakasuksok ang palad niya doon, kaya kita ko kung paano niya paglaruan. Nawala ako sa sarili. Umibabaw ang kalibugan ko. Nanginginig akong lumapit sa kaniya. Nakapikit siya. Hinawakan ko ang maumbok at matigas niyang dibdib at hinalikan ko ang parang nag-aanyaya niyang labi.
Ohhh! God! How I missed him. Sobrang namiss ko ang lambot ng kaniyang labi at ang init ng katawan. Hindi gumalaw ang labi niya. Ako lang ang humahalik. Hindi din niya pinigilan ang kamay kong bumaba sa kaniyang abs hanggang sa garter ng boxer short. Sandaling nakiramdam ako kung susuwayin niya ako at ilang saglit pa ay tuluyan ng pumasok at humalili doon sa kamay niyang naglalaro. Hanggang narinig kong nagsalita siya.
                “Anong ginagawa mo? Huwag mong gawin ‘yan dahil lang nalilibugan ka o gusto mong may mapaglabasan ka ng init ng iyong katawan. Hindi mo kailangang gawin ‘yan dahil namimiss mo si Aris at nakikita mo siya sa akin. Hindi mo dapat gawin ‘yan dahil trip mo lang.” Binunot niya ang kamay ko na nakasuksok doon.
                Tumingin ako sa kaniya. Sinalubong niya ang mga tingin ko. Ibinaba ko ang aking paningin dahil muling lumakbay ang kahihiyan sa aking kabuuan. Ginapi ng pagkapahiya ang kanina’y umiigting na pagnanasa.
                “Bakit ka ganiyan sa akin?” Tanong ko.
            Ngumiti siya at umiling. Parang sinasabi niyang, “anong bang klaseng tanong ‘yan.” Parang gusto niyang sabihin iyon pero pinigilan ang sarili.
“Bakit mo nga ginagawa ito?” tanong kong muli.
                “Ikaw ang dapat kong tanungin, Rhon, bakit ka ganyan? Bakit mo gustong gawin ito.Ano bas a iyo ang gagawin natin? Libog lang ba?”
                Sa sandaling iyon ay gusto kong sabihing mahal ko na siya ngunit naunang umusbong ang pride. Ginapi ng tuluyan ang ugali kong mapagmataas ang tunay kong nararamdaman.
                “Wala lang.” kaswal kong sagot. Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.
                “Hindi puwedeng wala lang Rhon.”
            “Namimiss na kita, Den.”
“ Namimiss mo na ako? Namimiss mo ang ginagawa natin? Gano’n lang ‘yun?”
                “Oo. Bakit ikaw?”
                “Wala. Huwag mo na akong tanungin. Matulog na tayo. Bumalik ka na sa kama mo. Libog lang ‘yan.”
            Kinuha niya ang kumot. Nagtalukbong at tinalikuran na niya ako. Tumayo ako at bumalik na lang ako sa kama ko. Badtrip na badtrip ako sa nangyari kaya pinangako ko sa sarili kong hinding- hindi ko na siya uli papansinin. Lagi na niya akong pinapahiya. Laging ako na nga lang ang lumalapit sa kaniya, ta’s ako pa yung tinatanggihan. Sobra na ito. Gusto niyang makipagtaasan? Puwes di niya kakayanin ang pride ko.
                Kinaumagahan ay para akong walang nakita o kasama sa kuwarto. Hindi ko siya kinausap, hindi ko siya pinansin. Kahit sa klase namin ay pinakita kong aktibo ako. Lahat binabati ko, lahat kinakausap ko. Kung nandiyan siya nakikipagbiruan ako sa iba. Masayang-masaya. Walang iniisip at hindi ko siya tinitigan. Kung dati pinaparamdam ko na masama ang loob ko sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Jake sa mga nagdaang araw parang hindi ko na sila pinapansin. Parang wala akong nakita. Parang wala akong narinig. Parang wala akong pakiramdam. Kaso, parang ganun lang iyon.
                Kung nakakasalubong ko sila sa daan, para lang silang hangin na hindi ko makita ngunit nararamdaman. Tinutulugan ko sila kung nag-uusap sila ng paanas sa kuwarto namin. Kung dati panay ang buntong-hininga ko at pagdabog nang mga nakaraang araw, nitong huli, pinadama ko sa kanilang hindi na ako apektado at makakatulog ako kahit ano pa ang gawin nila ngunit sa totoo lang, sobrang sakit ng lahat sa akin. Ilang pagluha din, ilang paghinga ng malalim at ang pagmumura din ang ginagawa ko para maibsan ang naiipong sakit ng loob sa tuwing mag-isa lang ako.
Hanggang unti-unting nahalinhinan ng galit ang dating pagmamahal ko kay Alden. Galit na nabuo dahil sa hindi pagpansin sa akin. Galit dahil hindi na niya naibibigay ang ligayang nagustuhan ko sa kaniya. Galit dahil hindi niya sinusuklian ang pagmamahal ko sa kaniya. Pagmamahal? Naramdaman ba niyang mahal ko na din siya? Sinabi ko na ba sa kaniya kung ano na siya sa buhay ko? Ngunit dapat alam na niya iyon. Hindi ko man sinasabi pero dapat sa mga kinikilos ko pa lang ay napapansin na niya ang pagtangi ko sa kaniya. Hindi ko na nababanggit si Aris sa kaniya. Pero paano ba niya iyon mapapansin e, hindi naman na kami madalas magkausap. Hindi naman na niya ako kinukunwentuhan. Parang sasabog na ang puso ko. Nahihirapan na din talaga ako.
               Tuwing tanghali kasi ay tumatakas ako papunta sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. Gusto kong maghilamos, magpabango at maglagay ng polbo sa likod ko. Pagpasok na pagpasok ko ay huling-huli ko na nakayakap si Jake kay Alden na magkahinang ang mga labi. Naghahalikan sila sa tanghaling tapat at sa mismong kuwarto pa namin at sa oras pang alam ni Alden na darating ako.
               Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Alden ay nakatingin lang din sa akin. Parang pinag-aaralan niya ang aking ikikilos. Naghihintay ng maari kong reaction. Sa pagkabigla ko ay parang wala akong puwedeng sabihin. May hinala akong sila ngunit hanggang hinala lang iyon at hindi ako nakahanda nang masaksihan nang lahat ng iyon. Dati nga, kaya kong supilin ang hinalang iyon sa isip ko ngunit sa nakita ko, paano ko ngayon dudugasin ang sarili kong may relasyon nga sila?
                Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko kasi alam ang dapat kong gawin? Wala naman akong karapatan na sigawan sila dahil hindi naman na naging malinaw kung ano kami ni Alden. At anong isusumbat ko? Na niloko niya ako? Anong sasabihin ko? Manloloko siya? Two timer siya? Na walang hiya siya dahil ginawa niya sa akin iyon? May karapatan ba akong murahin siya? Pero ang tanging alam ko ay masakit na makitang may kahalikan siya sa mismong kuwarto namin. Masakit parin palang mapatunayan ang matagal ng hinala. Ang tanging nagawa ko ay lumuha. Iyon naman lagi ang ginagawa ko mula no’n. Ang umiyak ng umiyak ng umiyak. Lagi akong nasasaktan. Lagi akong pinagpapalit sa iba at awang-awa ako sa sarili ko. Tinignan ko sila at nakita ko sa ngiti ni Jake na nagtagumpay siya ngunit iba ang tingin sa akin ni Alden. Nang nagmamadali akong lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
                “Please, huwag kang lumabas. Magapapaliwanag ako. Makinig ka! Please! Sandali lang!”
                Isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ko. “Huwag na huwag mo akong kausapin! Mga hayop kayo!”
            “Mag-usap tayo, sandali lang.” sapo niya ang kaniyang sikmura. Namumula ang kaniyang mukha dahil siguro, nahihirapang huminga dahil nanigas ang sikmura niya.
            Nilingon ko siya. Gusto ko pang magsalita. Gusto kong isambulat ang naipong sakit sa dibdib ko ngunit sa huli mas naisip kong wala naman talaga akong karapatang magalit. Ano ba kami? Hindi ko dapat siya sinuntok, hindi ko dapat siya sinigawan dahil kahit saang anggulo man tignan, hindi ko siya pag-aari. Wala akong pinanghahawakang katibayan na may relasyon kami. Nang makabunot ako ng ilang malalim na hininga at alam kong natuyo na ang luha ay binuksan ko ang pintuan at iniwan sila. Lumayo ako sa kuwarto, umiwas sa mga alam kong makakasalubong ko. Gusto kong mapag-isa kahit ilang minuto lang muna.
                Pinakalma ko muna ang sarili ko bago umattend ng klase. Pagpasok ko sa silid-aralan namin ay nalingunan kong wala si Alden. Naroon si Jake sa kanilang classroom nang mapadaan ako dahil nagtama ang aming paningin. Siya ang nagbaba ng kaniyang  paningin dahil siguro nakita niya sa aking mga mata ang pagpupuyos. Ngunit wala si Alden, hindi siya kahit minsan lumiban sa aming klase. Tinanong ako ng paring instructor namin kung nasa’n siya ngunit hindi ako makaisip ng idadahilan kaagad-agad. Inulit ng instructor ang kaniyang tanong at sinabi ko na lamang na masama ang kaniyang pakiramdam. Patawarin sana ako ng Diyos sa aking pagsisinungaling. Ngunit naisip ko, mas malalala pa ba sa ginagawa kong pagsisingungaling sa aking sarili? Mas malala ba ang ginawa kong pagsisinungaling sa mali naming nakagawian nina Alden at Jake?
            Nang nagkaroon kami ng break na labinlimang minuto ay naisipan kong magpahangin sa may grotto. Tahimik doon, sariwa ang hangin at alam makakapag-isip ako. Naroon pa din kasi ang sakit na aking naramdaman. Walang pumasok sa utak ko sa aming lecture kanina. Nakatingin ako sa aming instructor ngunit siya ang nakikita ko. Naririnig ko ang mga sinasabi niya ngunit wala akong naiintindihan. Si Alden ang laman ng aking utak.
            “Puwede ba tayong mag-usap?”
            Lumingon ako. Si Jake. Hindi ako sumagot ngunit hindi din ako umalis. Ibig sabihin handa kong pakinggan ang kaniyang sasabihin.
            “Mahal mo ba si Alden?” tanong niya sa akin. Diretsuhan, walang paligoy-ligoy.
            “Ikaw, mahal mo siya?” balik tanong ko.
            “Mahal ko siya. Kung hindi mo siya kayang mahalin, tapatin mo ‘yung tao. Hindi nakakatulong sa kaniya ang ginagawa mong ganyan. Hindi naman kayo pero kung umasta ka o kaya kung nakikita mo kaming dalawa, daig mo pa ang tunay na dyowa.”
            “Anong karapatan kong tapatin pa siya e nakikita kong kayo na.”
            “Balita ko, matalino ka. Bakit hindi mo magamit ang katalinuhan mo sa pagdedesisyon kung ano nga ba talaga ang gusto mo. Sa ginagawa mong ganiyan marami kang napapaasa at nasasaktang tao. Baka isang araw pagsisihan mo lahat ng ito.”
            “Kung magsisi man ako, huwag kang mag-alala, hindi ako hihingi ng kumpisal sa iyo. Lalong hindi din ako maging abala sa napakaperpekto mong buhay. Ano bang gusto mo sa akin? Nasa sa’yo na si Alden, ano bang pinagkakaganyan mo?”
            “Totoo nga pala, mahirap kang kausap. Iprokrito! Takot ko lang baka totoo din ang hinala kong user ka!”
            “Huwag kang magsalita ng ganiyan dahil hindi mo ako kilala.”
            “Paano kita makikilala e, pati yata sarili mo hindi mo kilala?”
            “Tigilan mo ako, Jake. Wala kang alam sa akin. Inagaw mo na sa akin si Alden, ta’s pati buhay ko gusto mong panghimasukan? Wala kang pinagkaiba sa amorseko, mahilig sumabit sa damit ng kahit sinong madikitan niya.”
            “Inagaw ko sa’yo si Alden? Bakit ko aagawin ang isang bagay na hindi naman sa’yo? Saka ang lalaki hindi yan katulad ng mga isang bagay na puwede lang agawin, kusa yang lumalapit at naghahanap ng mas nakakapagbigay sa kanila ng ligaya at pagmamahal. Mukha ka namang masarap e, kaso masyado ka lang maraming kaartehan sa katawan. Para ka lang durian, masarap sana kaso umaalingasaw ang baho ng palpak na diskarter mo.”
            “Alam mo ikaw, kahilera mo sa hitsura sina Jake Cuenca, Piolo Pascual at Gerald Anderson kaya lang ‘te, ugali mo, daig pa ang pinagsamang Lolit Solis at Annabelle Rama. Nanahimik ako kaya puwede tigilan mo ako.” Napikon na talaga ako kaya bago maubos ang pasensiya ko ay minabuti kong iwanan na lang siya.
Kinagabihan,  nakita kong naka-empake na ang ilan sa mga gamit ni Alden. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit wala na akong pakialam sa kaniya o sa kanila. Ilang sandali pa ay dumating si Jake. Ako naman ay nahiga na at hinayaan kong umagos uli ang luha. Naisip kong baka lilipat na siya ng kuwarto. Sinusundo na siya ni Jake.
                “Huwag mong gawin ito, Den.” umpisa ni Jake.
            Naghihintay ako ng sagot ni Alden ngunit nagulat ako nang may umupo sa kama ko. Hindi ko nilingon.
            “Puwede bang mag-usap tayo?” si Alden. Sa nakikiusap na tono ng boses.
            Hindi ako nagsalita. Mas pinili kong magkunyariang tulog. Gusto kong magpakamanhid na lang. Gusto kong tumakas sa sakit katulad nang ginawa ko noon kay Aris. Alam kong mas makakayanan ko ang pagkawala sa akin ni Alden dahil nakayan ko nga kay Aris, siya pa kaya?
            “Mag-usap naman tayo.” Naroon pa din ang pakiusap ngunit mas mabigat na ang bawat bitaw ng kaniyang salita.
            Hindi pa din ako sumagot.
“Rhon, alam kong gising ka. Gusto kong mag-usap tayo ngayon din.” maawtoridad ang boses niya.
“Hindi na dapat pa tayong mag-usap.” Napilitang sagot ko.
                “Wala kang karapatang diktahan na ako ngayon kung anong dapat at hindi dapat.”
                Bumangon ako. Naroon ang pagpupuyos sa aking dibdib kaya matalim ang mga mata kong tumingin sa kanilang dalawa.
                “Anong sasabihin mo? Anong gusto ninyong pag-usapan? Anong gusto ninyong ipaliwanag sa akin?”
                “Mali ang iniisip mo tungkol sa amin ni Jake. Yung naabutan mo kanina, it’s not really what you think?
            “Mga gasgas na linya sa mga pelikula. Kapag nahuling may ginagawa ang isa, sasabihin ng nanloko na, “it’s not what you think”. E, anong dapat isipin ng nakahuli sa ginagawa ng nahuli sa akto? Naglalaro lang sila? Ooops! Joke lang ang lahat? Pero dahil hindi naman talaga tayo, kaya huwag kang mag-alala, wala akong iniisip.”
            “Oh my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro niya ang bunganga ko at nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko.
            Napabuntong-hininga ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin. Ngunit nang marinig ko ang lahat ay kasabay naman niyon ng kaniyang desisyon. Isang desisyong kailangan kong manindigan. Desisyong malaki ang magiging epekto sa aming kinabukasan.

[14]
“Oh my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro niya ang bunganga ko at nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko.
Napabuntong-hininga ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin.
Tulad ng sinabi ko kanina, hindi dahil nakita mo kami sa ganoon na tagpo ay tama na ang iniisip mo sa amin. Ganoon ang nakita mo dahil iyon ang gusto naming palabasin. Pinapaselos kita, inaamin ko dahil gusto kong umamin ka sa akin na mahal mo ako. Napakahirap mo kasing sabihin ang gusto mo. Nangangapa ako. Naguguluhan ako. Noong bumalik tayo dito, binigyan ako ng idea ni Jake na paselosin ka, napapayag ako dahil sobrang desperado na akong malaman kung ano ang totoo. Nang gumawa ka ng move nang dumating ako, hinintay kong sabihin mong narealized mong mahal mo nga ako kaya mo ako pinuntahan sa bahay noon. Nang natulog ako sa kuwarto ni Jake, hinintay kong kakatok ka at ipaglaban ako. Hindi ako nakatulog magdamag dahil umaasa akong pupuntahan mo ako doon at sabihin mong hindi mo kayang mawala ako sa iyo. Umasa akong kung mahal mo ako ay lulunukin mo ang pride mo. Mahirap bang sabihin kung ano ang tunay na laman niyan?” galit niyang itunuro ang bahagi ng sa puso ko.
 “Sa akin kasi, mas mahirap magpanggap kaysa sabihin ang totoo.” Pagpapatuloy niya. “Madaling magpanggap kung minsan lang ito ginagawa ngunit kung ang pagpapanggap ay matagalan na’t kasama na ang puso at isipan ang patuloy mong niloloko, iyon ang alam kong di ko kakayanin.  Kaya nga heto ako, hirap na hirap ng magpanggap pa. Matagal na akong sumusuko sa napag-usapan namin ni Jake. Kasi ako yung lalong nasasaktan e. Kaya naniwala akong hindi mo nga talaga ako mahal dahil napakatagal kong umasa at naghintay ngunit hanggang ngayon wala parin akong naririnig mula sa’yo. Parang pinadama mo sa aking wala akong silbi sa iyo dahil wala kang ginagawa o lalong wala kang sinasabi.”
                “Iyon ang alam mo, Den. Sobrang sakit sa akin ng pinaparamdam mong wala na akong halaga sa iyo. Sobrang sakit at hindi ko alam ang gagawin ko nang maramdaman kong tuluyan ka nang inagaw ni Jake sa akin. Nang dumating ako dito, hinanda ko na ang sarili kong ibuhos ang lahat ng panahon at isip ko sa iyo ngunit naunahan ako ng pagseselos at pag-iisip ng tungkol sa inyo ni Jake. Hindi mo alam pero sobrang nasasaktan akong makita na kayo na.”
                “Hindi kailanman naging kami. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Rhon, palabas lang ang lahat. Mahal na mahal kita.” Namuo ang luha sa kaniyang mga mata at mabilis itong dumaloy sa kaniyang pisngi na mabilis niyang pinunasan gamit ang kaniyang palad.
                “Den, alam mong mahal kita. Kahit pagpapanggap lang ang ginagawa natin, alam mong para sa akin totoo lahat iyon.” singit ni Jake.
                “Pwede ba tama na Jake! Ikaw ang nagpasimuno nito, e. Noong pinuntahan mo ako sa bahay, maliwanag na sinabi ko sa iyong kahit dalhin mo ako sa Baguio o kahit saang bahagi ng mundo, hindi mawawaglit ang isip at pagmamahal  ko kay Rhon. Hindi mawawala ang alaala niya sa isip ko. Hindi siya mabubura sa puso ko. Sabi mo, magtiwala ako sa iyo. Ideya mo ding pagselosin siya. Ikaw din ang may pakana ang lahat ng ginagawa natin dahil sa halos isang taon ay nawalan na ako ng ideya kung paano ako mahalin ni Rhon ng ako at hindi si Aris. Lahat ng mga gusto mong gawin natin ginawa ko dahil nga sabi mo, magtiwala lang ako sa iyo. Ngunit anong nangyari, lalong lumayo sa akin si Rhon. Lalong nagkagulo lahat. Sa tuwing iniiyak ko sa iyo ang sakit ng mga pinagdadaanan namin, lagi mong sinasabing aayusin mo kaming dalawa. Pinangakuan mo ako pero nitong huli halata nang pagkamakasarili mo.”
            “Hindi ka niya mahal, Den. Nandito ako. Mahal kita. Handa kong talikuran ang lahat basta mahalin mo lang din ako.” Mamasa-masa ang mga namumulang mata ni Jake.
            “Kung sana natuturuan lang ang puso, Jake. Kung sana ganun lang kadaling ibaling sa’yo ang pagmamahal ko kay Rhon.”
            “Kasi nga hindi mo sinusubukan. Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon dahil laging si Rhon ang gusto mo lang makita. Wala naman kayong pinagkaibang dalawa e.  Ginamit mo din lang ako.”
            “Ginamit kita? Tama ba yung narinig ko na sinabi mong ginamit kita, Jake? Come on! Nakapakatagal ko nang sinasabi sa’yo na tigilan na natin ‘to. At itong huli, tinaon mo talaga na halikan ako sa labi nang alam mong buksan na ni Alden ang pintuan. Saka nagtatalo tayo nang sandaling iyon a, ta’s bigla mo akong hahalikan? Hindi ko napaghandaan na gagawin mo ‘yun, wala naman sa usapan ‘yun ah. Walang pisikal di ba? Ngunit ginawa mo parin? Para saan? Para lalong lalayo si Rhon sa akin at isipin niyang may relasyon tayo kapag nakita na niyang naghahalikan tayo? Pagod na ako sa halos araw-araw nating pag-aaway Jake. Alam mong napipilitan na lang akong sumama sa’yo dahil wala na akong ibang kaibigan dito kundi ikaw lang. Siguro ikaw, kaya mong magmukhang masaya tayo kapag nandiyan si Rhon na nakatingin sa atin pero ako, Jake, hirap na hirap na akong magsinungaling. Huwag na huwag mong sabihing ginamit kita dahil ikaw ang gumamit sa pagkakataon dahil alam mong sa paraang ganoon ay maibabaling ko ang pagtingin ko sa’yo. Alam mong desperado na akong malaman ang tunay na nararamdaman ni Rhon. Kung sana hindi ako naniwala sa iyo at kung sana hindi na kita pinapasok pa sa buhay namin, hindi na sana lumala ang lahat. Hindi ako tanga, Jake. Alam kong ito ang gusto mong paraan. Gusto mong maangkin ako. Sinabi ko na sa iyo na kaibigan lang ang turing ko sa iyo at kahit kailan ay hindi kita kayang mahalin dahil mahal ko si Rhon. Tama na Jake. Tapos na ang palabas natin. Lalo lang kaming nagkakalayo at tama ang hinala ko na ginawa mo lang iyon para lalo kaming masirang dalawa. At uulitin ko sa iyo ito, kahit kailan, hindi kita kayang mahalin. Puwede ka ng umalis at madami pa kaming pag-uusapan ni Rhon. Pasensiya ka na ngunit napuno na ako sa pagpapaikot mo din sa akin.”
             Hindi na sumagot si Jake ngunit umagos ang luha sa pisngi niya. Umiiyak siya, parang may gusto pa siyang sabihin ngunit bigla na lamang siyang tumalikod at lumabas ng kuwarto. Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapagsalita sa mga rebelasyong nalaman ko. Nanatili ang katahimikan. Walang gustong magsalita.
                “Lalabas na ako ng seminaryo.” Pambabasag ni Alden sa katahimikan.  “Hanapin ko ang buhay ko sa labas. Sinabi ko sa iyo dati na kaya kong lumabas dito para sa mahal ko. Para sa ikakatahimik mo, lalabas na ako. Baka sa paglabas ko ay tuluyan mong mahanap ang iyong sarili at maituon mo ang buhay, puso at isip sa pagkapari.”
                “Paano ang mga taong umaasa sa iyo? Ang mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan?”
            “Pasasaan din at maintindihan nila ako. Mabibigo ko sila ngunit hindi ko na kaya. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon, hindi ito ang buhay na para sa akin. Babawi ako kay nanay, sa mga kapatid ko at sa lahat ng taong umaasa sa akin. Hindi sa paraang gusto nila ngunit sa paraang alam kong magiging fair sa aming lahat. Magalit na sila sa akin ngunit buhay ko ito, mas may karapatan akong gawin ang gusto kong gawin sa alam kong tama at ikabubuti ng hindi lang sila kundi naming lahat.”
            “Noong natapos natin ang first year, bakit ka pa bumalik kung alam mo na palang hindi mo na itutuloy pa ito, bakit ka pa pumasok muli dito kung hindi ka masaya dito sa loob?”
                “Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako narito. Ikaw lang ang binalikan ko dito. Pagkatapos ng first year natin, wala na talaga akong planong bumalik dito dahil gusto kong gawin ang matagal ko ng pangarap sa buhay, gusto kong maging inhinyero o kaya ay abogado. Bumalik lang ako sa seminary para ayusin ang gusot natin at malaman kung ano ako sa iyo dahil hanggang ngayon hindi parin malinaw sa akin kung mahal mo din ako. Hindi ko kayang takasan ang tungkol sa atin, Rhon. Kung sana kaya ko ang ginagawa mong iiwas na lang o kaya ay hindi ipaglaban kung ano ang makapagpapaligaya sa iyo tulad ng ginawa mong pagpapalaya kay Aris kahit alam mong mahal ka pa niya at kahit sa huling sandali ay ipinaglalaban niya ang tungkol sa inyo. Kung sana kaya kong kalimutan na lang kita at harapin ang buhay ko pero hindi e, hindi ko kayang basta na lang tumakas sa mga bumabagabag sa akin.”
            Natamaan ako sa sinabi niya ngunit sana malaman niyang ginawa ko iyon para sa ibang tao din. Para kay Angelie na umaasang sa mga huling araw ng buhay niya ay maramdaman niyang may nagmamahal sa kaniya ng buum-buo. Bakit para sa iba mahirap intindihin iyon? Ngunit siguro nga tama siya, duwag akong ipaglaban ang talagang gusto ko. Ngunit katulad niya, buhay ko ito, may karapatan akong patakbuhin sa paraang alam ko.
            “Ibig sabihin bumalik ka dito para isama mo ako sa paglabas mo?” garalgal kong tanong. Pinigilan kong muling maiyak.
“Nandito ako para kunsakaling mahal mo ako, kukumbinsihin kang kasama kong lumabas. Hindi tayo nababagay dito Rhon. Hindi ang katulad natin ang dapat para sa Kanya.”
“Hindi namimili ang Diyos, Den, kahit tayong mga alanganin ay puwedeng maglingkod sa Kaniya?”
“Mali ka Rhon, nagkakasala tayo lalo sa ginagawa natin dito sa loob. Ibigay na natin ito sa mga karapat-dapat. Hindi ko sinasabing dahil mga ganito tayo ay wala tayong karapatang maglingkod sa kaniya ngunit maaring para sa ibang kabaro natin na may paninindigang si Jesus lang ang kanilang mamahalin at hindi ang iba pang Adan at Adonis. Hindi ang katulad natin, Rhon. Alam kong alam mo ang tinutumbok ko. ”
            Hindi ako makasagot. Hindi ganoon kadaling magdesisyon sa bagay na ‘yun.
            “Gusto ko lang malaman yung totoo, Rhon.  Mahal mo ba ako o nakikita mo lang si Aris sa akin kaya ginawa mo ito?”
                “Mahal kita, Den. Totoong nalito ako sa inyo ni Aris ngunit noong bakasyon, nasiguro ko, mahal kita. Mahal ko si Aris oo, nandun na tayo ngunit nakaraan ko na iyon at kung sana mahal mo ako, mahalin mo din kung ano ang nakaraan ko. Ngunit sigurado ako, mahal din kita.”
                “Wala naman ako pakialam sa pagmamahal mo kay Aris e. Hindi ko hiniling na kalimutan mo siya ngunit tao lang din ako, nasasaktan na ihambing ako sa nakaraan mo. Hindi mo ako nakikita noon na ako. Kaya kahit gusto kong intindihin ay hindi ko magawa dahil nag-eefort din naman akong gumawa ng mga bagong alaala natin para tuluyan mong makalimutan ang sa inyo ni Aris ngunit sa tuwing binabanggit mo siya sa akin ay parang pilit mong ibinabalik ang nakaraan sa katauhan ko.”
“Sorry Den, sorry. Sana mapatawad mo ako. Inaamin ko. Nagkamali ako. Pero maniwala ka, mahal na mahal kita.”
Niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdam ko ang pagyakap niya sa akin at ang marahan niyang paghaplos sa aking likod.
“Bakit ngayon mo lang nasabing mahal mo din ako? Halos dalawang taon akong naghintay na sabihin mong mahal mo ako at hindi ang namimiss mo lang ako. Simpleng salita lang, simpleng pag-amin ng iyong nararamdaman at sana okey na lahat pero bakit ngayon lang. napakarami pang kailangan mangyari bago mo sa akin aminin. Sana hindi na tayo umabot pa ng ganito e.”
                “Dahil ngayon mo lang ako binigyan ng pagkakataon. Dahil laging si Jake ang pumipigil sa lahat.” Pagdadahilan ko ngunit alam kong hindi na iyon lulusot pa.
            “Napakarami nating pagkakataon, Rhon. Ilang beses kitang tinatanong. Sana marunong kang tumanggap sa mga pagkakamali ng iba para madali rin lang ang pagpapatawad nila sa iyo sa tuwing makagawa ka ng hindi tama. Sana matuto kang ipaglaban kung ano talaga ang gusto mo. Huwag mong pairalin ang pride dahil hindi nakakatulong ‘yan na iangat ka lalo. Siguro kaya ka ganyan dahil lahat ng maibigan mo noong bata ka binibigay sa’yo. Kung nagtatantums ka kahit hindi sana puwede ay pinagbibigyan ka ng mga taong nagpalaki sa’yo. Ngunit hindi ka na bata Rhon, may sarili ka ng isip.”
            Hindi na ako sumagot. Yumuko ako tanda ng pagkatalo.
                Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Sobrang higpit at hinanap ng labi niya ang labi ko. Nagkasalubong ang aming mga luha sa aming mga pisngi.  Sobrang namiss ko ang halik na iyon. Nakapikit kong pinakiramdaman ang bawat galaw ng kaniyang labi sa aking labi. Sabik akong masamyo ang kaniyang hininga. Ang halik na iyon ang nagpapalusaw sa aking pride.
                “Mahal na mahal kita. Kung sana inamin mo ito noon pa, hindi na tayo umabot sa ganito. Hindi na sana kita pinahirapan, hindi mo na sana ako nasaktan at malayong lalalim pa sana ang pagmamahal ni Jake sa akin. Sobrang nahulog na ang loob ni Jake sa akin at hindi na niya halos kayang labanan. Hindi na sana siya nasali sa gulo natin.”
                “Mahal na mahal kita. Sorry if mas inuna ko pa ang pride ko kaysa sa tunay kong nararamdaman sa iyo.”
            “Sana makakabawi pa ako sa’yo.”
            Ngumiti siya ng tipid. Umupo sa kaniyang kama. Tinignan niya ang kaniyang maleta. Pinakawalan niya ang isang malalim na hininga.
             “Nakausap ko na si Father. Lalabas na ako bukas. Sumuko na ako. Hindi tama yung ginagawa natin sa loob. Isang napakalaking kasalanan. Hiling ko lang, samahan mo ako sa labas para ipagpatuloy natin ang nasimulan natin. Sasama ka ba sa akin?”
                Tumingin ako sa kaniya. Nag-isip. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kumuha ako ng tubig sa maliit naming ref. Nagsalin ako sa dalawang baso. Iniabot ko ang isa sa kaniya. Sabay naming sinaid ang laman niyon.
                Parang napakabilis ng lahat. Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon. Hindi ko din inisip na sa gabing iyon ay haharapin ko ang isang napakalaking desisyon na siyang magpabago ng lahat sa akin. Niyakap ko siya. Mahigpit na yakap habang mabilis na naglakbay ang utak ko.
                “Mahiga muna tayo. Hayaan mong makapagrelax muna ang utak ko ng ilang oras. Hayaan mo munang pag-isipan ko ito pero gusto kong sa dibdib mo ako uunan. Gusto kong madinig ang pintig ng puso mo…gusto kong maramdaman kita, gusto kong mayakap ka para maibalanse ko ang gusto ng puso ko at ang kung ano ang tama na dapat kong gawin na ididikta ng isip ko.”
                Tumingin siya sa akin. Ngumiti.
                “Drama mo pero sige pagbibigyan kita. Ako man ay pagod na sa kaiisip maghapon at gusto ko din marelax ang isip ko.” Dumantal ang puno ng pagmamahal na halik sa aking labi. Sinuklian ko din iyon ng halik ngunit naglalakbay na ang aking utak. Ano ba ang dapat kong gawin?
                Kung makikinig at gagawin ko ang gusto ng puso ko, kahit sa sandaling iyon ay puwede na kaming umalis. Ngunit minsan, hindi lang kung ano ang tibok ng puso ang mahalaga. Hindi lang kasi tayo nabubuhay ng “ako” lang sa mundo, hindi mo puwedeng sabihing “ako at ikaw” lang kundi kailangan talaga ng “ako, ikaw, siya, sila at tayo”.
                Kung ako lang ang tatanungin, isang kasiyahang maituturing ang samahan siya sa labas at ipagpatuloy ang aming pagmamahalan. Kung ako lang din ang masusunod, kaya kong tiisin ang lahat ng hirap makapiling lang siya. Sa kaniya ako sasaya. Siya ang magiging buhay ko. Magiging kumpleto ako sa kaniya. Iyon ay sa ganang akin lang.
                Siya? Alam kong mahal niya ako. Alam kong ako ang isa sa mga makapagpapasaya sa kaniya ngunit madami pa siyang gustong makamit sa buhay. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong marami siyang minimitihi na gustong marating. Marami din siyang pangarap para sa kaniyang pamilya. Magiging masaya kami, ngunit kaya ko ba siyang ikulong sa pagmamahal ko? Ngayon, oo, nasasabi niyang kumpleto na siya sa akin. Ngunit sa paglipas ng buwan at taon, mangingibabaw parin ang tunay na kahulugan ng buhay. Ang buhay na kailangan mong maging maginhawa at magawa lahat ang gusto mong gawin dahil hindi lang naman pagmamahal ang mahalaga sa mundo kundi kung ano din ang mga hinangad mong nakamit. Sa mga gusto niyang marating, kailangan niya ng buong puso at konsentrasyon. Sa katulad niyang hindi pinagpala sa estado ng buhay, kailangan niyang kumayod at gawin lahat para makamit ang minimithi. Sa hirap ng buhay, hindi na ganoon kadaling maabot ang pangarap na hindi sinasamahan ng determinasyon, sipag, tiyaga at konsentrasyon.
                At paano sila? Si Papa na nagsabing natutuwa siyang malaman na kahit ganito ang pagkatao ko ay sinisikap kong magbago? Paano na ang pagbibida niya sa mga kaibigan niya na ehemplo ako ng mga alanganin na magiging tagapagsilbi ng Diyos kahit hindi nabigyan ng tamang damdamin alinsunod sa kanilang pagkatao. Paano na ang pangako ko kay Papa na tatapusin ko ang pagkapari kahit ano pang mangyayari? Ano ang sasabihin ng aking pamilya kung ipagpapalit ko sa isang lalaki ang naipangako ko sa lahat? Kailangan bang ipalit ng sarili kong kaligayahan lang ang kanilang pangarap at kasiyahan para sa akin? Kailangan ko ba silang biguin na isinuko ko ang aking paglilingkod sa Diyos sa kagustuhan ng puso at sa tawag ng laman?
                At paano din sila? Ang nanay at tatay niyang umaasa na magiging mabuti siyang alagad ng Diyos? Paano ang mga nagpapaaral sa kaniya at nangangarap na makakapagpatapos sila ng matalinong pari? Paano ang mga kapatid niyang umaasang matutulungan niya din silang mapag-aral? Ano ang sasabihin niya at paano niya ipapaliwanag sa lahat na lumabas siya sa seminary dahil lang sa katulad ko? Paano ko sila haharapin? Paano ko siya tutulungan ipaliwanag ang lahat. Para sa mga taong umaso at nabigo, sapat na lang ba ang katagang…”kasi nagmamahalan kami” na sagot sa kanilang mga tanong? E, kung palayain ko siya? Lumabas siya sa simabahan, hanapin niya ang gusto niyang buhay, magiging Engineer siya o kaya ay abogado. Matutulungan niyang iahon ang pamilya. Magawa niyang ibalik sa ibang pamamaraan ang tulong na ibinigay ng mga kabaryo. Makapaglingkod siya sa ibang tao bilang sukli sa kabutihan sa kaniya. Siguro nga mas madaling ipaliwanag sa mga taong nagpapaaral at ng simbahang kumalong sa kaniya ang sagot na.. “hindi ko mahanap sa puso ko ang pagpapari…gusto kong maglingod sa kaniya sa ibang paraan…makatapos bilang engineer o lawyer para matulungan ko ang iba pang naghihirap na katulad ko” kaysa sa magiging sagot niya sa kanila na “minahal ko si Rhon, handa kong talikuran ang pagpapari para sa kaniya.” Siguro sa mga nakakaintindi sa ganoong relasyon, papalakpakan siya at ititirintas ang mahaba kong buhok pero ilan kaya ang may ganoong pag-iisip. Sa panahon ngayon, bihira lang ang ganoon at alam kong batikos at pagkamuhi lang ang maririnig niya sa lahat.
                At paano kami? Sapat na lang bang mahal ko siya? Saan tutungo ang aming relasyon? Tatagal ba ito ng tulad ng inaasahan namin ngayon? Paano kami sa labas? Ngunit paano ako dito sa loob kung iiwan niya ako. Paano ang pagmamahalan namin kung tutuldukan na lang sa ganun at hindi ako sasama sa kaniya. Alam kong sa kaniya ay liligaya ako. Alam kong mahal na mahal niya ako. Alam kong tama siya sa sinabi niyang hindi kami nababagay sa loob. Mas lalo kaming gumagawa ng kasalanan.
            Nahihirapan akong magdesisyon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gulung-gulo ang isip ko.
                Nadinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Narito ang isang taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako kaysa sa pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa akin.
                “Nakatulog pala ako. Pasensiya ka na ha?” uminat siya.
                “Oo nga eh. Sarap nga ng tulog mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang labi.
                “Bakit ka umiiyak? Nakapagdesisyon ka na ba?”
               Nag-unan ako sa maumbok niyang dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako.

[15]
Nadinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Narito ang isang taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako sa pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa akin.
                “Nakatulog pala ako. Pasensiya ka na ha?” uminat siya.
                “Oo nga eh. Sarap nga ng tulog mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang labi.
                “Bakit ka umiiyak? Nakapagdesisyon ka na ba?”
               Nag-unan ako sa maumbok niyang dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako. Ngunit hindi ko kayang sabihin ang pinag-isipan kong desisyon.

                “Den, alam mong mahal na mahal kita. Pero sana maintindihan mong…”pagsisimula ko.
                “Hindi mo kailangang magpaliwanag. Alam kong hindi sapat ang tulad ko para talikuran mo ang pagpapari. Siguro nga, hindi ganoon katindi ang pagmamahal mo sa akin ngunit alam kong kapakanan ng lahat ang iniisip mo. Doon ako bilib sa iyo, kahit sa mga discussions natin, laging lumalabas ang pag-iintindi mo sa ibang tao kaysa sa sarili mo. Iyong kung ano ang nakakabuti sa iba at hindi yung sarili mong kapakanan. Sana darating din yung araw na maisip mong ipaglaban hindi dahil sinabi ito ng iba kundi iyon ang gusto mo at binubulong ng puso mo. Doon ka lang magiging tunay na maligaya. Bago pa kita tinanong, alam ko na ang sagot mo. Hindi ka papayag na lumabas kasama ako, di ba?”
                Umiyak ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap din niya ako. Sobrang sakit ng loob kong hindi ko siya masamahang lumabas. Iyong nilalabanan mo ang talagang gusto ng puso mo. Yun bang gustong-gusto mo, ang ideyang makasama ang tunay na nakapagpapasaya sa iyo ngunit alam mong hindi tama at dapat dahil madami ang maapektuhan sa gagawin mo? Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba. Pilit niyang tinataas ang nakatalungko kong mukha.
                “Tumingin ka sa akin. Gusto kong mangako ka.”
                “Anong gusto mong ipangako ko?”
                “Kung sa tingin mo, tama ka sa desisyon mo, gusto kong patunayan mo ito sa sarili mo, sa taong umaasa sa iyo at higit sa lahat, sa Diyos. Minsan sa tulad mo, kailangang isakripisyo ang isang bagay na pinakamahalaga. Kahit sino sa atin dito, iyan ang isa sa mga pinakamatinding kailangang labanan, ang pagtalikod sa laman at kagustuhan ng puso dahil iyang pusong iyan ay iaalay na ng buo sa Diyos at sa lahat ng mga sumasampalataya sa kaniya. Gusto kong ipangako mong huwag ka ng magkakaroon pa ng iba dito. Tama na yung kasalanang ginawa natin. Pinili mo na din lang ang bokasyon na iyan, kaya nararapat lamang na ituon mo ang talino, puso, panahon at dedikasyon sa Kaniya. ”
                “Pangako ko iyan sa iyo.” Humihikbi kong sagot sa kaniya.
                “May hiling din ako… gusto ko kasing abusuhin ka ngayon he he.” mapait ang tawa niya. Halatang pilit niyang pinapasaya ang katahimikan.
                “Hilingin mo na lahat huwag lang ang lumabas ako.” Mapait ding ngiti ang sinagot ko sa kaniya.
                “Ipagdasal mo ang pagtatagumpay ko sa daang gusto kong tahakin. Hiling ko din na sana hindi mo ako makakalimutan. Kung sakaling darating ang panahong magkikita tayo sa labas at ganap ka ng pari, irerespeto ko ang suot mong puti ngunit kung sa kabila ng iyon at hindi ka parin masaya kahit ganap ka ng pari, hindi ka tinatali ng Diyos. Diyos siya kaya nakaya niyang magpapako para sa kasalanan ng lahat ngunit tao ka lang para hanapin mo ang tunay na makapagpapasaya sa iyo ngunit kailangan lamang na wala kang maagrabiyadong ibang tao.” Sinusuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang mga palad.
                “Kung sakaling pari na ako at hindi ako masaya, tapos ikaw pa din pala ang hanap ko sa buhay ko, matatanggap mo pa kaya ako?”
                “Burahin mo na sa isip mo ‘yan. Hindi na tamang mangarap ka pa ng ganiyan. Pinili mo ‘yan kaya nararapat na panindigan mo. Kung ‘yan din lang pala ang iniisip mo ay sumama ka na lang sa aking lumabas. Hindi nakakabuti sa’yo na isipin na kung di ka masaya sa bokasyon mo ay babalikan mo ako? Hindi trial and error ang pagpapari, Rhon. Tandaan mo ‘yan. Apat hanggang limang taon pa? Hindi natin hawak ang puwedeng mangyari. Ayaw ko ding mangako. Hindi ako katulad ni Aris. Mangyari ang mangyari. Basta ang importante, tapusin mo ang pinili mo.  Kung sakaling magkita tayo sa labas at mahal mo parin ako o mahal parin kita, alam kong hanggang doon na lamang iyon. Kapag matapos ka sa pagpapari, ibig sabihin no’n ay nagpakasal ka na sa Kaniya kaya isang malaking kasalanan ang aagawin pa kita. Maging tapat ka sana Diyos, huwag mo nang isipin ang bagay na iyan. Tamang gawin mo muna ay ituon ang isip at puso mo sa pagpapari  para mahanap mo ang tunay na kahulugan ng iyong buhay. Kapag nakatapos ka at sa tingin mo ay hindi pala iyon gusto mong mangyari, maiintindihan ka ng Diyos sa kung paano mo siya pagsilbihan at gawin ang sa alam mong ikakukumpleto ng iyong pagkabuhay sa mundo.”
                “Salamat sa pang-unawa.”
                “Huwag mo akong pasalamatan, wala ‘yun. Ako ang dapat magpasalamat sa pagmamahal.”
                Hinalikan niya ako. Humalik din ako sa kaniya. Lahat ay matiyaga kong inipon, ang kilos ng kaniyang labi, ang galaw ng ganiyang dila, ang paghugot at pagbuga niya ng hininga, ang sensasyon, ang kiliti at buong sarap ng kaniyang halik. Nang kumilos ang kaniyang mga kamay para hubarin ang aking damit at boxer short ay nagpaubaya ako. Hinayaan kong gawin niya sa akin ang gusto niyang gawin at alam naman niyang napakatagal ding panahong inasam kong mangyari iyon sa amin. Nang wala na akong kahit anong naiwang saplot sa katawan ay siya naman ang naghubad. Nahiga lang ako at pinagmasdan siya. Tumabi siya sa akin. Hinaplos niya ang hubad kong katawan. Kasunod niyon ang mainit niyang dila mula sa likod ng aking tainga, leeg at dibdib hanggang bumalik iyon pataas sa aking labi. Dama ko ang init ng kaniyang katawang dumampi sa aking katawan. Uminit ng uminit ang aming halikan. Nagkaroon ng kaunting sensasyon ang pagkadikit ng naghuhumindig niyang pagkalalaki sa akin ngunit alam kong iba ang gusto niya. Alam kong may higit pa dun na inaasam niyang makuha. Isang pinagkakait kong maulit na mangyari sa akin. Ngunit sa gabing iyon ay kahit anong hilingin ni Alden ay kusa kong ibibigay. Hinaplos niya ang likod ko. May kung anong nilagay doon at alam kong nilagay din niya sa ari niya. Nakatalikod na ako ngunit humahalik parin siya sa aking labi. Pumikit ako. Alam kong masakit ang gagawin namin ngunit inihanda ko na ang sarili ko. Nandito na ito. Pikit-mata kong gagawin sa kaniya. Dahan-dahan ang pagpasok nun ngunit dama ko parin ang kakaibang sakit. Sakit na hindi ko maipaliwanag ngunit hindi ko siya pinigilan. Idinaan ko na lamang iyon sa paghinga. Ang pagpasok na iyon ay naulit. Dama ko ang pag-iisa ng aming katawan. Parang pinagdugtong ng nakalawit na iyon ang hubad naming katawan at sa paglabas-masok niya sa akin ay nakapagbigay sa akin ng magkahalong sakit at sensasyon. Bumilis ng bumilis. Dumiin ng dumiin ang halik niya sa akin at lumalim ang kaniyang paghinga. Hanggang sa sinabayan ko na lamang siya sa ritmong kaniyang ginawa at alam kong nang nagmura siya ay hindi dahil sa galit siya kundi sa sarap at ligayang hatid ng pinagkaloob ko sa kaniya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinaplos niya ang labi ko at dumantay uli ang di nakakasawang halik niya. Ngumiti ako. Ngumiti din siya at kasabay ng halik niya ang katagang…”Salamat. Sobrang mahal na mahal kita!”
                Kinaumagahan ay parang sasabog ang puso kong makita siyang dala-dala na ang maleta niya. Nakaupo siya sa aking kama. Ako naman ay nakatingin sa kisame. Pilit nilalabanan ang pag-agos ng aking luha. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagyuko at pinagmamasdan ang aking mukha. Muli niyang sinusuklay-suklay ang aking buhok. Hinalikan niya ang nook o, ilong, dalawang mata at tumagal sa aking labi. Nagpaubaya ako. Nang iniangat niya ang labi niya sa labi ko ay muli niya akong tinitigan. Hinawakan niya ang aking kamay.
            “Gusto kong tanungin kita sa huling pagkakataon, sasama ka ba sa paglabas ko?”
            Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga. Nakatingin pa din siya sa akin. Naghihintay ng aking sagot. Nasa kaniyang mga mata ang pang-unawa kahit ano pa ang itutugon ko sa kaniya.
            “Sorry…” bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko ay hinalikan na muli niya ako at pumatak sa aking pisngi ang kaniyang pinigilang luha. Alam kong alam na niya ang sasabihin ko at para hindi na siya lalong masaktan ay minabuti niyang huwag na lang marinig na ituloy ko pa ang aking sasabihin.

Isang desisyon ang ginawa kong sobrang tumusok sa damdamin ko ngunit alam ng utak kong tama ang ginagawa ko. Para akong nanghihina sa sakit nang yakapin niya ako at halikan sabay sabing…
                “Paalam. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo ngunit alam kong ang nangyari sa atin dito ay mananatili sa puso’t isip ko. Magiging bahagi iyon ng aking pagkatao. Sana magkikita pa tayo paglabas mo at lagi mong isiping sobrang minahal kita. Mahal na mahal ngunit kailangang gawin ko ito para sa iyo, para sa akin at para kay Jake. Alam kong kapag nandito ako ay hindi tayo matatahimik na tatlo. Kailangan kong hanapin ang sarili ko sa labas. Susundin ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ko kayang idepende sa gusto ng iba ang pagpapatakbo sa aking buhay. Alam ko sa paraang gusto ko ay doon ako liligaya at hindi ko din bibiguin ang mga taong umaasa at nagmamahal sa akin. Paalam mahal ko.”
                Hindi ako makapagsalita. Tanging magkahalong luha at ngiti ang naipabaon ko sa kaniyang pag-alis. Nang nakalabas na siya sa kuwarto ay sinundan ko siya at tinatanaw ang malungkot niyang paghakbang. Habang naglalakad siya palayo sa seminaryo ay parang hinihiwa ang pagkatao ko.
Hinabol ko siya. Lumingon siya sa akin.
“Sasama na lang ako sa iyo. Hindi ko kaya.”
“Sigurado ka?” may ngiting sumilay sa kaniyang labi.
“Hindi ko kayang isipin kung anong buhay ko ngayon dito. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka. Paano ko harapin ang araw na ang dating realidad ngayon ay makukulong na lang sa pangarap.”
Umupo siya. Binaba niya ang kaniyang bagahe. Tinignan niya ako.
““Tinatanong kita Rhon kung sigurado ka. Kung nagdadalawang isip ka, kailangan mong mag-stick sa unang desisyon mo. Ayaw kong masisi mo ako kapag lumabas ka at sa huli gusto mo din palang bumalik. You have still enough time to think. Kung gusto mo talagang lumabas, kahit hindi ngayon, kahit bukas, sa makalawa, sa susunod na Linggo, sa susunod na buwan. Basta ayaw kong magdesisyon ka ngayon na nalulungkot ka. Pag-isipan mong mabuti.”
Hindi ako makapagsalita. Parang sasabog ang dibdib ko.
“Tatanungin kita ngayon, nang pumasok ka sa seminaryo, inisip mo bang makakasama mo ako? Inisip mo bang mababago ang buhay mo sa akin?”
“Hindi.”
“Paano mo nakayanan na mabuhay nang mawala si Aris sa iyo? Kung nakaya mo sa kaniya, makakaya mo rin sa akin. Sumama ka sa akin kung iyon ang sinasabi ng utak at puso mo. Kung puso mo lang ang bumubulong niyan at hindi kasama ng utak, may mali diyan. Pag-isipan mo ang lahat kapag kalmado ka na.”
“Ayaw mo bang sumama ako sa iyo?”
“Hindi sa ayaw, gustong gusto ko ngunit hindi ako makasarili. Ayaw kong pagdating ng araw magkakasisihan tayo. Gusto kong sasama ka sa akin ayon sa sarili mong desisyon. Minsan may mga bugso ng damdamin talaga na sa una akala mo iyon ang tama ngunit kapag bumalik ka sa iyong katinuan, doon mo malalamang nagkamali ka pala dahil ang tanging umiral ay bugso ng damdamin at hindi inin-in ng utak.”
“Si Aris, hindi ko naipaglaban, sumuko ako, lumayo…kahit lumaban siya. Ngayon, hahayaan ko na naman bang lumayo ka ng hindi ako lumaban?”
“Huwag kang umiyak. Magpakatatag ka. Nakikita mo sila? Yung mga kasamahan natin dito? “
Tumingin ako sa mga iba pang seminary.
“Naisip mo ba kung ilan kaya sa kanila ang iniwan ang kanilang girlfriends o boyfriends para sa Diyos. Ilan din kaya ang hindi nakaranas magmahal at mahalin nang dahil dito? Ilan kaya sa kanila ang makakakaya pang harapin ang iba pang hamon ng buhay? Sa pagpasok ng bokasyong ito, kasabay niyan ng pagtitiis at pagsasakrispisyo ng ilang kaligayahang hatid ng laman.”
Bubuhatin na sana niya ang bagahe niya nang dumating si Jake.
“Iiwan mo na pala talaga kami.” Malungkot niyang tugon kasabay no’n pagluha ngunit pinunasan niya ng hawak niyang panyo.
“Salamat sa mga alaala dito sa loob, Jake. Humihingi na din ako ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa ko. Malapit ka nang makatapos. Isipin mo na lamang na isa akong tukso na dumating sa buhay mo. Tuksong nakayanan mong mapaglabanan at alam kong mas matatag ka nang labanan ang mga darating pang tukso sa buhay mo. Sana maging mabuti kayong magkaibigan ni Rhon dito sa loob o kung hindi man ay sana mawala ang mga galit o tampuhan ninyo sa isa’t isa. Maraming salamat sa lahat-lahat. Sana mas magiging makabuluhan na ang buhay mo ngayong lalabas na ako at mas maitutuon mo na sa Diyos ang buong panahon mo at pagmamahal. Hanggang sa muling pagkikita kaibigan.”
“Hindi kita makakalimutan, Den. Salamat din at patawarin mo kung higit pa sa isang kaibigan ang pagmamahal na naibigay ko sa’yo. Tanggapin ko ang pagkatalo para sa ikatatahimik nating lahat. Patawarin mo din ako.”
Nagyakapan ang dalawa. Tinapik ni Alden ang likod ni Jake.
“Nawa’y maging mabuti kayong magkaibigan dalawa at isang araw, makita ko kayong nakasuot na ng inyong mga sotana.” Nakangiti niyang sinabi sa amin. Muli niya akong niyakap at pagkatapos ay tinapik niya muli sa balikat si Jake bilang pagpapaalam.  Muli niyang binitbit kaniyang mga dala-dala at hindi na siya lumingon pa. Mabilis ang kaniyang paghakbang. Mabilis ding nag-unahan ang mga luha ko sa pisngi. Mga luha ng sakit sa kaniyang paglisan.
            Masakit ang paglisan ni Alden lalo pa’t nakikita ko ang kaniyang kama ang buong bahagi ng kuwarto na naging piping saksi sa aming mga pinagdaanan. Nag-request ako na magpalipat ng kuwarto dahil hindi na ako nakakatulog sa iniwan niyang alaala sa bawat sulok ng kuwartong iyon. Natapos ang pangalawang taon sa aking bokasyon. Isang araw lang akong nagpahinga at pumunta ako sa bahay nila ngunit hindi ko na siya nadatnan pa doon.
            “Nagulat nga kami sa biglaan niyang desisyon nang umuwi dito at hindi na daw talaga niya kaya. Nang una, hindi ko siya maintindihan at nahihiya ako sa mga taong tumulong sa kaniya sa kaniyang pag-aaral ngunit mahusay niyang ipinaliwanag ang lahat. Naintindihan naman namin ang gusto niyang mangyari. Naghintay muna siya ng ilang buwan dito sa bahay. Nagpahinga. Pero parang araw-araw ay parang may hinihintay siyang bibisita sa kaniya. May nangyari ba sa loob Rhon?” tanong ng nanay niya sa akin.
            “Sarili niya hong desisyon iyon. Matagal na daw kasi niyang pangarap ang mag-inhinyero o kaya maging abogado. Nasaan na ho siya ngayon?” tanong ko. Gusto ko siyang makitang muli at makausap.
            “Pasensiya ka na Rhon pero nang umalis siya dito, hindi na niya sinabi sa akin kung saan siya nakatira. Umuuwi lang dito paminsan-minsan. Basta ang alam ko ay mas nagiging masaya na siya ngayon kumpara noong nasa seminary siya.”
            Sa sinabing iyon ng nanay niya ay alam kong masaya na din siya sa pinili niyang buhay. Ilang saglit pa ay minabuti ko na din magpaalam.
          
                Hindi naging madali ang pagpapari. Ang apat na taong hindi ko kasama at nakita si Alden sa seminary o ang anim na taong walang balita kay Aris ay parang buhay sa isang malayong planeta. Naging tao akong walang emosyon. Tanging mga alaala ang kasama ko sa gabi. Mga nakaraaang iniiyak kung malungkot, nginingiti kung masaya at paglalaro sa alaga ko kung mainit na eksena. Hindi na ako muling nagmahal pa. Hindi ko na binuksan pa ang puso ko sa iba. Nangako ako kay Papa, Tito at kay Alden na magtatapos ako. Kahit gaano kahirap, kahit sobrang lungkot ay naging determinado naman akong tapusin ang lahat.
Naging Diocesan Priest ako. Pagkatapos akong maordain ay nadestino na ako sa isang malayong lugar. Akala ko tuluyan na akong nakalayo sa bangungot ng nakaraan. Akala ko hindi na ako muli pang iiyak sa dagok ng buhay-pag ibig ngunit isang pagkakamali. Para lang isang multo ng nakaraan na pabalik-balik para lalong guluhin ang aking kasalukuyan at kinabukasan. Lalong sumisidhi ang pangungulila ko sa tuwing Linggo at nakikita ko ang dalawang ka-edad kong guwapo na sa unang tingin pa lamang ay may namamagitan sa kanilang mabilis lang na mahalata ng katulad ko. Naroon sila laging nakikinig sa aking pagmimisa kasama ng guwapong edad labin-anim hanggang labinwalo. Nakikita ko sa dalawa ang kakaibang ligaya sa kanilang mukha. May mga sandaling gusto ko silang kausapin at gustong makaibigan ngunit nauunahan ako ng hiya. Pagkatapos ng misa ay mabilis din kasi silang umaalis. Kung ipinaglaban ko ang pagmamahal ko kay Aris o kay Alden, magiging ganoon din kaya ang buhay ko katulad ng dalawang kabaro kong iyon?
            Naging malungkot ang bawat araw sa akin lalo na kung ganoong wala din naman akong service kaya napagdesisyunan kong tanggapin ang inaalok sa akin na magturo ng Theology sa isang private and catholic school. Dahil unang taon ko pa lamang sa pagpapari kaya fresh pa sa utak ko ang lahat ng natutunan ko sa seminary.
Unang araw noon, tahimik naman sila nang pumasok ako pero normal na sa mga estudiyanteng kabataan ang may mga naririnig kang…
“Grabe, guwapo ni sir.”
“Sayang ang guwapo ni father. Pari kasi siya.”
“Nakakakilig ano? Guwapo talaga niya.”
Napapangiti lang ako nang marinig iyon. Pinatayo ko muna sila at ako muna ang nag-lead ng aming prayer. Pagkatapos ay pinaupo ko sila at ipinakilala ko ang aking sarili. At dahil wala akong kilala sa kanila kaya kinuha ko ang classcards at isa-isa ko silang tinawag para makilala isa-isa ang mga una kong istudiyante.
At nang tinawag ko ang pangalang “Orlando Benitez Jr.” ay tumayo ang isang guwapong kabataan. Napaisip ako. Familiar ang guwapong batang ito? Nakikita ko na siya di ko lang agad matandaan kung saan at kailan. Nang matapos ang aming klase ay dumaan siya sa akin habang inaayos ko ang aking dalang bible at libro.
“Yes? Anything I could help, Mr. Benitez?”
“Wala po Father. Gusto ko lang pong sabihin na lagi po kaming nakikinig sa misa ninyo. Kasama ko ho mga Daddies ko.”
“Daddies?” gusto kong lang linawin kung tama ba ang narinig ko.
“Opo. Dalawa po kasi ang daddy ko.” Mahina ang pagakasabi no’n na ginamit pa niya ang isa niyang palad para itago ang pagbuka ng kaniyang bibig na parang natatakot may makarinig na iba.
“Ahh, ok.” napapangiti kong tugon. “Orlando, right? Kung di ako nagkakamali, Lanz o Lando ang palayaw mo.” biro ko.
“Hindi ho, Lando ang palayaw ng daddy ko ho. Jay-ar naman po palayaw sa akin.”
At doon nagsimulang unti-unti akong namulat sa mga katotohanang sa buhay na pilit kong tinakasan. May mga dumating na bagong kaibigan na tuluyang nagpagising sa aking maling desisyon sa buhay na naging dahilan ng tuluy-tuloy kong pagbulusok sa kasalanan.

No comments:

Post a Comment