Thursday, January 3, 2013

Idol Ko Si Sir: Book 1 (06-Finale)

WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.

-------------------------------

Philippine Copyright 2009
By: Michael Juha

ISBN No. 978-971-011-022-3

All rights reserved

-------------------------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 6)

Natulala si Ricky nung masabi ko ang pangalan ni Sir James. “O, ano, bubugbugin mo na ba?” hamon ko.

“Hah? Indi ah! Ala akong sinasabing ganyan. Ano ka... gusto mong ma-kick out ako sa school? At pareng Carl, ano ka ba naman... Maghanap ka lang ng lalaki sya pa? Kadami-daming lalaki jan sa campus, iba nalang, plis. Kung gusto mo yung sekyu sa main gate, may hitsura yun at sa palagay ko, may crush sa iyo ang tangina dahil kapag pumapasok ka na ng campus, ang lagkit ng tingin sa iyo, e! Kung yun na lang ang pag-tripan mo kaya, makikisimpatiya pa ako, akin yung night shift guard, ehehehehe!


“Gago ka, kahit kailan puro ka katarantaduhan! At akala ko ba sabi mong susunggaban ko pag may opportunity? May pa percent-percent ka pa jan. Ngayon, bubuwelta kana! Atsaka, hindi ako naghahanap ng lalaki, isaksak mo yan sa kokote mo. Para kang di mo ako kilala e!”

“Ok, ok, biro lang po! Pero yung opportunity na sinasabi ko, hindi suicide yun! Magpapakamatay ka na yata eh! Atsaka, nanahimik na yung tao, di ka na pinag-iinitan nun. Wag mo nang buhayin ang nakaraan. Teka...” napahinto sandali si Ricky sabay bitiw ng pilyong ngiti “Di ba nanggagalaiti ka sa galit sa kanya? Uyyyyyy, aminin! Tangna, mukhang kikiligin na ako sa estorya neto ah, ‘the more you hate the more you love’? Yun ba yun? Syeeeeeeeeeeeet!”

“Yun na nga eh. Nagsimula lang naman to nung na-realize ko ang pagkakamali ko at nakita kung paano nya ibinuhos ang oras at attention para lang ako mapatino at kung gaano nya ako binigyang halaga. Nung makita ko ang tatag, ang paninindigan sa kabila ng kung anong hirap ang pinagdaanan nya sa buhay, naaapreciate ko na lahat ng bagay sa kanya. Tangina. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko eh! Naaawa, humahanga… at gusto kong nanjan sya palagi sa tabi ko; makita, makausap. Hinahanap-hanap ko na sya, bro!”

“Grabe ka rin ano? Kung makapagsalita ka’y parang babae yang object-of-desire mo, tangina na yan. Hindi kaya ang hinahanap mo lang ay yung sinasabi nilang father-figure? Puslit ka pa kasi nung mamatay ang dad mo, di ba? O kaya‎’y naghahanap ka ng kapatid, dahil nag-iisa ka lang sa family, o di kaya‎’y sadyang bakla ka na talaga nung idinuwal ka na ng mommy mo, ehehehehehe!”

“Babatukan na kaya kitang tado ka. Ewan, hindi ko alam.”

Nahinto nalang ako bigla, dala ng tinamaan sa sinabi ni Ricky. “Baka nga siguro... naghahanap lang ako ng father-figure. Simula nung puslit pa lang ako, hinahanap-hanap ko na ang pagmamahal ng isang dad, tinatanong sa sarili kung ano ang feeling kapag ang isang pamilya ay buo at may dad na kalaro, kasama sa pamamasyal, nag-aalaga, nagpo-protekta, nagtuturo ng kung anu-anong bagay, nagbibigay ng advice at guidance sa mga problema...” At muling sumiksik sa isipan ko ang mga sandali na napapaiyak nalang dahil tinutukso sa school, o kaya’y nakikita ang ibang mga batang merong mga daddy na kasama sa pamamasyal. At bumalot na naman ang matinding pangungulila, di namalayang tumulo na pala ang luha ko. Sa hiya, bigla kong tinalikuran si Ricky.

“Hey Bro! Anong nangyari? May nasabi ba akong hindi maganda? Hey! Sama ako, san ka pupunta?!”

“Magpakamatay!” sagot kong pagmamaktol.

“A, ok... Sige, solohin mo nalang” ang biglang pag-urong ni Ricky. Alam niya na pag ganung umaalis na lang akong bigla, gusto kong mapag-isa. Alam ko rin, naguguluhan si Ricky at di makapaniwala sa nalaman nya.

Nagbukas ulit ang school year. Panghuling taon ko na yun sa college at kagaya ng nakaraang taon, pinag-igihan ko ang pag-aaral at mga gawain sa school. Ibinoto pa rin akong student council president at ginalingan ko lalo ang pag-aaral dahil gusto kong makakuha ng honors sa graduation.

Ngunit bumabagabag pa rin sa isipan ang hindi mamatay-matay na naramdaman para kay Sir. Habang tumatagal ito, lalong tumitindi. At kahit masakit, tiniis ko iyon; walang humpay na pagtitiis.

Second semester nung mapagdesisyonan kong gumawa na ng hakbang para dito. At nasumpungan ko ang payo ni Ricky na kapag dumating ang isang pagkakataon, i-grab iyon habang nanjan pa.

“Malapit na kaming maghiwalay ni Sir James. Bago pa man maging huli ang lahat, gagawin ko na ang bagay na to. Malay natin?” ang pag-encourage ko sa sarili.

Sa buong linggo na iyon, pinag-igihan kong maging mas malapit at maging mas sweet pa kay Sir James. Nanjan yung sadyang sasabay talaga ako sa kanya sa pag-uwi at pasakayin sya sa kotse, bibigyan ng kung anu-ano, gaya nalang ng polo shirt o pantalon, mga pocketbooks na paborito nya, souvenir items na binibili ko kung saan-saan, pagkain. At tinatanggap naman nya ang lahat ng ibinigay ko. Hanggang sa nung pinadalhan ko na sya ng mga bulaklak kunyari para sa office nya, kinausap na nya ako tungkol dito.

“Carl, first of all I really, really appreciate your effort and thoughtfulness. I am happy to have seen how you have changed and how you have become the person that everyone looks up to and emulate. As your mentor and friend, I am very proud of you; I mean it. I appreciate all the commendable things that you have done for the studentry and for the school. And there is no doubt that everyone is happy with your performance...”

“So...?” Pag interrupt ko habang nag-iisip sya sa sunod na sasabihin, tila nahirapang i-open ang issue.

“I have just observed that our closeness” pag emphasize nya sa katagang ‘closeness’ “seems to be sending a wrong signal...”

“I don’t get it James, can you go direct to your point?” Ang pag cut ko sa sinabi nya; may halong protesta at pagkainis sa narinig na katagang “wrong signal”.

“Ok... I want to keep a distance.” ang diretsahan na nyang sabi.

“What?!!” Ang nasambit ko sa pagkabigla sa binitiwan nyang salita. “Bakit? Anong nagawa ko?”

“Nothing. I just want it that way, Carl and I hope you will respect that.”

“Sir naman...? Wala naman akong masamang intensyon sa pagbibigay sa iyo ng kung anu-ano ah...”

“Are you sure, Carl?” at tumalikod na patungong pintuan.

Para akong sinuntok sa malaman at matalinghagang sagot na yun ni Sir. “Mukhang natunugan niya ang plano ko...” ang tanong ng utak kong naturete. “Sir, wag naman ganyan. Ano ba ang ginawa kong masama...?” Pahabol kong sigaw habang binubuksan na nya ang pinto palabas ng office. Ngunit hindi na nya ako pinansin.

Simula noon, iniiwasan na ako ni Sir James. Hindi na sya sumasakay sa kotse ko kapag niyaya ko at kapag may ipinabibigay ako sa kanya, ipinababalik nya. Kung pupunta naman ako sa office para i-refer ang mga proposals, iba na ang pakikitungo nya. Kumbaga, purely official business nalang. Hindi na sya nakikipag-usap tungkol sa mga personal na bagay. Sobrang nasaktan ako sa nakitang pagbabago. Kaya isang araw, naisipan ko na lang na gumawa ng sulat at inilagay iyon sa ibabaw ng tray nya.

“Dear Sir James, I am so sorry if I may have bothered you with this letter. But I have no other recourse than to put my thoughts in writing. For the past days, I have observed that you have changed; you are not anymore the professor whom I used to know; the friend who was so accommodating, so thoughtful, and so open with everything; the friend who pays attention even to the senseless things that I say, laughs at my corny jokes, and takes a little of the food that I am about to put into my mouth. You have no idea how this abrupt change has affected me and turned me crazy. Certainly, there must be a reason; a reason that I deserve to know and for which you owe me. Tonight, I will be coming over to your flat. I beg you to please allow me. I need to know what’s going on. Carl Miller.”

Alas 8 ng gabi nung dumating ako sa lugar... Bagong paligo, nilinis at siniguradong mabango ang lahat ng parte ng katawan, at suot-suot ang bagong t-shirt at maong, nakatayo ako sa harap ng gate. Syempre, ibayong kaba ang naramdaman, hindi magkamayaw kung tatanggapin ba nya ang request kong makipag-usap o kusa na lang ba nya akong pagtaguan. Naalala ko ang una kong pag-punta doon.

Halos walang ipinagbago ang kabuuang anyo ng flat ni Sir. Nandun pa rin ang mga matitingkad na pulang bougainvilleas na walang humpay sa pamumulaklak at nagsilbing arko at shade ng gate, ang kulay puting pintura ng mga metal grills, at ang sementong upuan sa gilid nun. “Deja vu?” ang nasambit ko sa sarili at malalim na buntong hininga ang binitiwan.

Hawak-hawak ng kabilang kamay ang isang supot na puno ng setserya at bote ng imported na alak, kumatok ako. Nakailang beses din. Akala ko hindi na ako ulit makakapasok pa sa kwarto na yun nung biglang bumukas ang pintuan. Si Sir James, naka shorts at t-shirt, at halatang bagong paligo. Parang lumundag sa tuwa ang puso ko sa di akalain na paghintay nya sa akin at sa nakitang anyo. Bakat na bakat sa suot nya ang matipunong katawan at ganda ng ipinamalas na ngiti. Ang nasambit ko na lang ay, “Hi James!”

“Hi Carl! Natanggap ko ang note mo so I expected na darating ka. What’s up?” ang sambit nya habang tuluyang binuksan ang pinto at pinapapasok ako.

“Heto, ok lang naman sana but I got some things to clear up...” hindi ko na itinuloy ang sinabi. “Heto pala may dala akong imported wine at pulutan” sabay upo sa sofa.

Tiningnan nya ako. “Sorry but I don’t drink, Carl. Soda drink na lang ang sa akin. Ayokong mangyari ulit yung nangyari dati… Nangyari lang naman iyon dahil you trapped me into doing it, right? Alam mo yun.”

Mejo natigilan ako sa narining. “Ibig sabihin, naalala pa pala nya ang nangyari sa amin...” sabi ko sa sarili na may magkahalong kaba at kiliting naramdman sa pagbukas nya sa issue na yun. “OK, fine... Kinorner kita nun para makainum. At, I’m sorry sa ginawa ko na iyon. I was mean. Pero, alam mo naman na talagang salbahe pa ako nun, diba?” ang pag-amin ko habang inilagay ang wine at mga pulutan sa mesa. “So, ako na lang ang iinum netong dala ko? Isn’t it a little impolite on the part of the host if his guest takes a drink and he’s not joining?” pagparamdam ko.

“Yeah, I think so.” ang mabilis nyang sagot. “But don’t forget that the host can also be polite by showing the door to his guest... Ano, you want me to do it the polite way or the impolite one?”

“Hahahahaha! Ang tindi mo talaga James. Ok, it seems I have no choice.”

Napangiti siya at tumango, “So impolite it is!” Kumuha sya ng isang baso, isang bucket na may ice at inilagay iyon sa mesa. Kumuha din sya ng isang soda drink sa refrigerator, binuksan at habang hawak-hawak, “OK, so ano ba ang napakaimportanteng pag-uusapan natin na kailangan mo pang maglasing?”

Binuksan ko ang bote, nilagyan ng ice ang baso, itinagay ang wine, at pinaikot-ikot ang laman nun saka tinungga. “Ahhhhh, sarap talagang uminom, James, di ka ba nainggit?” sabay lagay ulit ng wine sa baso at ulit, tinungga.

“Hey! Don’t beat around the bush, Carl. I don’t have a day!”

“Wait ka lang, James... sandali lang ha?” at ulit tumungga ako, at tumungga pa. Kitang-kita ko sa mukha ni James ang pagka-asar. Mejo naramdaman kong umiikot na ang paligid nang magsalita na ako. “Pwedi ba, James umupu ka sa tabi ko, please?”

Gusto kong matawa sa request ko sa kanya. Lumakas ang kabog sa dibdib at parang nakikiliti sa naglalarong hindi maganda sa isipan.

Kalmanteng umupo nga si Sir sa tabi ko, malapit pero may konting gap. “Ok, para lang matapos to... Now, go ahead Carl.”

Nag-isip muna ako ng malalim. “Hindi ko alam kung panu sisimulan ngunit ako ay sobrang nasaktan sa pagbabago ng pakikitungo mo sa akin, James. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali na kailangan mo akong iwasan. It drives me crazy, James... believe me” ang seryoso at malungkot kong sabi.

“Carl, una sa lahat, hindi kita iniiwasan. Gusto ko lang mag-set ng distance, a certain code, kumbaga. I feel that we have become too close for comfort. Para kasing nasasakal na tayo without even knowing it. Di mo ba napansin ang tingin ng ibang mga estudyante sa ginawa mong pagdidikit sa akin? Hindi lang ako teacher Carl, remember that; I am also an administrator. You should undestand that point. I have a code of ethics to follow; someting that prevents me from being inappropriately and dangerously close to any student – not just you.”

“You mean that our closeness is “inappropriate” or “dangerous”?

“Honestly? Yes. It has become inappropriate. Especially when you sent me those flowers? I felt like a – ugh! – shit.”

“Well then, if it’s the flowers, let go of the flowers. But please James, wag mo akong iwasan. Ibalik natin yung dating closeness natin.”

“Carl, you don’t get me, do you? It’s not about the damn flowers, ok? It’s about sense of propriety and respectability. Don’t you still get it? People are talking about us!” ang pasigaw nyang sabi.

Nagulat ako sa laman ng sinabi nyang iyon. “So, natakot ka sa kung ano man ang sasabihin ng ibang tao kaysa kung ano ang naramdaman ko, ganun ba yun? ang sagot kong pasigaw din.

“Oh I see... I forgot about you. Ok... Bakit, ano nga ba pala ang nararamdaman mo, Mr. Carl Miller? Bakit ba para kang mamamatay na sa maliit na bagay na hiniling ko? Sige nga, sabihin mo!”

Para akong sinampal sa tanong ni James na iyon. Sumisigaw ang isip kung sasabihin na hindi maliit na bagay ang hiniling nya at hindi maliit na bagay ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngunit nanaig pa rin sa akin ang matinding takot. At akoy napayuko na lang at napahagulgol na parang bata.

Marahil ay dala an rin ng matinding awa, nagulat nalang ako nung yakapin ako ni Sir James na parang may alam sya sa paghihirap ng kalooban ko. Hinaplos nya ang likod ko, ang buhok... Niyakap ko na rin sya, mahigpit na mahigpit... hanggang sa gumapang ang mga kamay ko sa mukha nya. Marahang hinaplos ng mga daliri ko iyon, tinitigan ko sya na ang mga mata ay animoy nakiusap at nagmamakaawa. Hanggang sa unti-unti kong inilalapit ang mga labi ko sa mga labi nya...

(Itutuloy)

---------------------------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 7)

Mabilis ang mga pangyayari at naalimpungatan ko na lang na naglapat na ang mga labi namin ni Sir. Hihilahin ko na sana siya pahiga sa sofa nung bigla na lang syang kumalas sa pagkayakap ko at tumayo. “Carl, I have to ask you to leave...” ang tugon nya, habol-habol ang paghinga.

“James, I don’t understand!” sagot kong biglang nanlaki ang mga mata sa pagkalito.

“Just leave Carl, OK?” diin nyang mejo tumaas ang boses.

Parang nag-init ang tenga ko sa narinig at sa naunsyaming halikan. “No, James, unless you give me a really good reason why I should leave. Ano ba ang nangyari sa iyo? Palagi ka nalang ganyang gumagawa ng hakbang na hindi ko maintindihan? Dahil ba sa halik ko? Bakit, di mo ba nagustuhan ang halik ko, ha?” ang pasigaw kong sabi sabay duro sa kanya.

“Wag mong pag-initin ang ulo ko, Carl. I said leave now at baka masaktan pa kita”

“Di saktan mo ako kung gusto mo! Magaling ka naman sa martial arts e, kayang-kaya mo ako!” ang paghamon ko sabay kuha sa bote ng alak at tinungga iyon, at tinungga ulit hanggang sa halos maubos na ang laman nito.

Wala ng magawa pa si Sir kundi ang pagmasdan ako. At para mainis sya lalo, hinubad ko ang t-shirt ko at sumayaw-sayaw sa harap nya. Subalit sa sobrang hilo, naduwal ako na agad naman nyang naagapan at nasalo ang katawan. Pinaupo nya ako sa sofa. Hindi ko na nakayanang tumayo pa at sumuka na lang ako ng sumuka, nagkalat sa carpet at sa sofa. At pati pantalon ko’y nasukahan din. Yun na ang huli kong natandaan.

Mga 9am kinabukasan nung mahimasmasan na ako at magising. Masakit ang ulo, mahapdi ang sikmura, at tila disoriented. “Kaninong kwarto ba to? Bakit ako nandito?” ang tanong ng utak ko. Kinapa ko ang katawan, wala akong suot na damit pang-itaas. Naka shorts pero di ko alam kung kanino. Pilit kong ni-recall ang mga pangyayari hanggang sa naalala ko ang pag-inum, ang pagsasayaw, at ang pagsuka. Bumangon ako at paika-ikang lumakad patungong kusina. Sumalubong kaagad sa pang amoy ko inihandang almusal ni Sir James, nakalatag sa mesa ang fried rice, hotdog, scrambled egg at daing. “Hmmm, ang sarap!” sabi ko sa sarili. Dumeretso na ako sa may wash basin para maghilamos at pagkatapos ay umupo na sa may hapag kainan kaharap ni Sir james na nakaupo na rin at naghintay na lang sa akin.

“Morning Carl! Coffee or milk?” ang tanong niya na nakahanda ang mga kamay na ipasa sa akin ang kung ano man ang pipiliin ko.

“Morning James, coffee please...!” ang maiksi kong tugon at bitiw ng napakagandang ngiti. “Hmmm, ang sarap ng daing! Na-miss ko tong ganito kina Tatay Nando ah!” sabay tanggap sa kapeng ipinasa nya.

“Hahaha! Yeah, sa kanila nga galing yan, dala ni Maritess. Kumusta ka na at kumusta ang tulog mo?”

“Mejo masakit pa ang ulo pero inspired...” Di ko na dinugtungan pa ang sinabi. Nag-uumapaw pa kasi sa isipan ang sarap na nararamdaman bunga ng paghalik ko sa kanya nung nakaraang gabi. Pero sa loob-loob ko, gusto kong magtanong sya kung bakit ako ‘inspired’. “Ganda ng tulog ko, grabe! Wala akong matatandaan kahit na ano. For the first time in my life iyon pa siguro ang tulog kong dire-diretso... Pasensya kana pala sa akin kagabi ha? Ang naalala ko sumasayaw ako tapos yun na, deretso nang bumagsak at nagkalat.”

“Hahaha! Oo nga, lasing na lasing ka. Paanu ba naman, inubos mong mag-isa ang buong bote ng alak.”

Mejo na-disappoint ako ng di sya mag-follow up kung bakit ako inspired. “Ok, fiine” bulong ko sa sarili. “Sorry talaga James, pasensya na... Oo nga pala, sa kama mo ako natulog ah. Ikaw, san ka natulog?” ang tanong ko’ng na-excite sa possibility na nagtabi kami.

“Sa kama ko, syempre. Anlaki nyan eh, kahit isang buong pamilya pa ang hihiga jan, walang problema...”

“Talaga?”

“Talaga!”

“I mean talagang jan tayong dalawa natulog?”

“Oo nagtabi tayo. Bakit may problema ba?”

“Hehehe! Wala naman. E yung pagpalit ng shorts ko, panu mo ginawa?”

“Kakatuwa naman yung mga tanong mo. E di syempre, hinubad ko yung jeans mo. Pinunasan ko pa nga ang buong katawan mo ng hot towel dahil para kahit papanu makakatulong iyon para mawala ang pagkalasing mo?”

“Talaga? Ginawa mo yun? Ahhh, kakahiya!” ang sabi kong kunyari hiyang-hiya, di nagpapahalata na parang malaglag na ang puso sa sobrang galak. “E... di naka-brief lang ako nung pinunasan mo?

“Oo, yeah... yeah” tumango-tango sya, naka-concentrate lang sa pagkain.

“Kakahiya talaga! Shiiiit! E... yung anu ko, hindi naman nagwala?”

“Anong ‘ano’?”

“Hmmmm, kunyari pa to!” bulong ng utak ko. “Yung ano, ito... junior ko” turo ko sa harapan ko, mejo kinilig.

“Ah, hahaha! E... di ko na matandaan eh. Wala naman akong malisya jan, pareho naman tayong may ganyan...”

“Panis! Panis talaga!” sabi ko sa sarili. “E, bakit mo naman naisipang punasan ang katawan ko?”

“Wala akong choice e. nandito ka sa poder ko I have to do what is necessary. Kahit kanino, gagawin ko iyon. Pero so far, ikaw pa lang naman ang may malakas ang loob na uminom dito sa flat ko ng walang pakundangan kung kaya pa ba ng katawan o hindi.” sabay iling at bitiw ng ngiting nang-aasar. “Teka, bakit ganyan ang linya ng mga tanong mo?” dugtong nya.

“Wala lang... nahiya lang ako sa iyo, e. Baka isipin mong bumalik na naman ang pagka-bad boy ko.” palusot ko.

“Don’t worry, I understand...”

“Thanks James. Ambait mo talaga. Teka... nung magtabi tayo sa pagtulog, wala ba akong ginawa, o ginalaw?”

“Wala naman, good boy ka. Kaso, nagsasalita ka habang tulog.”

“Talaga? May naiintindihan kaba”

“Hindi masyado pero yung ‘i love you’ lang. Sino ba yang love interest na yan?”

Feeling ko humigpit ang balat ng mukha ko sa tanong niya. “A, e...” Di ko itinuloy ang sasabihin. Tinitigan ko lang si Sir James.

“Ummm, ano? Bat ganyan ka kung makatitig?”

“Wala lang...” Sandaling nag-isip kung itutuloy bang sabihin ang nilalaman ng kalooban. “A, e... James, pwedi ba akong magsabi sa yo kahit na ano?” ang kagat-labi kong tanong.

“Syempre naman, ikaw pa. Kahit nag-set na ako ng ‘distance rule’ para sa iyo, subalit dahil nandito ka na sa bahay ko, i- suspend ko muna iyan, wala akong magawa. At lubos-lubusin mo na dahil sa susunod, baka hindi na kita payagan pang pumunta dito na nag-iisa, alam mo na ang ibig kong sabihin...”

“Pero promise hindi ka magalit sa maaaring itanong ko?”

“Try me.”

Huminga ako ng malalim. “James... yung nagsasalita ako habang tulog?

“Yes?” sabay subo nya ng pagkain, pinagmasdang maigi ang mukha ko, tila inip na inip at excited sa susunod na bitiwan kong salita.

“Para sa iyo yung ‘I love you’!”

Nabilaukan bigla si Sir, napaubo at kumuha ng tubig habang ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya at di maintindihang bilis na pagkabog ng dibdib.

“Carl, wag kang magbiro ng ganyan, ok?”

“Totoo yan, James. Since last year ko pa nadama sa iyo to, nung simulang magbati tayo at narealize ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. Tiniis ko lang, James. Isang taon akong nagtiis. Kaso, hindi ko na talaga makayanan e. Kung napapansin mo minsan kapag nag-usap tayo, malungkot ako. Ikaw palagi ang nasa isip ko, James. Maniwala ka, di ako gumagawa ng gimmik. Di ako nagbibiro. Di ako lasing o naka-droga. Di ko maintindihan ang sarili kung bakit ako nagkaganito. Litong-lito talaga ako, James. Kaya sensya nang nasabi ko to, di ko na talaga kayang itago pa.”

Napailing si James, nag-isip. Di malaman kung matawa o seseryosohin ang narinig. Tinitigan nya ako. “Ok, granting na maniwala ako sa sinabi mo, ano ngayon ang gusto mong mangyari?”

“Yun lang... ang malaman mo kung ano ang naramdaman ko para sa iyo, at ang malaman ko din kung may naramdaman ka sa puso mo para sa akin. Yun lang.”

Natahimik sya ng saglit tila nag-isip kung ano ang isasagot. “Alam mo Carl, hindi issue dito kung may naramdaman ako para sa iyo o wala. Ang issue dito ay kung tama ba o mali – ako, bilang guro at part ng administration ng school at ikaw, bilang estudyante. And in my prudent judgment, that is wrong Carl.”

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at biglang nanlumo. “Ok James, nandun na ako, it’s wrong if you say so, based on some code of something, whatever. But just this question... may naramdaman ka ba para sa akin? Sugutin mo ako, James... and look at me, please?”

Yumuko lang si James, walang binitiwang salita. Dahil dito, nagduda ako na meron din syang naramdaman para sa akin at sadyang itinatago lang nya dahil sa position nya sa school. At ito ang nagpalakas ng loob kong i-convince sya at pakawalan iyon.

“James, I don’t believe in right or wrong sa pag-ibig. Ito’y walang kinikilalang code of conduct, walang rules. Kaya nga hindi mo pweding husgahan ang pag-ibig kung tama o mali ito e, di ba? Ito nga, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nagkaganito. Can you blame me? Can you say I am stupid? Can I say God is stupid too because he gives me this feeling? But I feel it James. I don’t know why, but that’s the truth and it hurts, and it’s killing me. I can’t deny it, I can’t ignore it, I can’t suppress it. It just came up from nowhere, and that’s it. I know James na sa ginawa kong ito, there is a huge price to pay. But I am willing to give up everything, James – everything, maipaglaban ko lang ang nararamdaman ko para sa iyo!”

“Hindi ko talaga alam, Carl kung matawa o anu. But ok, you are correct in saying that we can’t judge feelings. Feelings per se are amoral. You can’t say if it’s right or wrong, or if it is good or bad. It’s part of being human. But what you do about your feelings makes the difference. If you kill because of love, then that is wrong. If you shoot down a teacher just because you love him, that is selfishness... and it’s not right, is it Carl?”

“So... you mean to say that you have feelings for me too, right, James? And the reason why you don’t want to open it up is because you are bound by your stupid code of ethics, your rules, your professional etiquette or morality standard whatever; because if I ‘shoot you down’ as you said, I am selfish, and that is wrong, am I right, James? Tell me... tell me James!” ang sabi kong pasigaw sa kanya.

Mukhang napikon si Sir sa sinabi ko. “I think you are missing something here Carl and I don’t think this discussion is gonna end up somewhere. I suggest we continue our breakfast and talk things over later, ok?”

“O yeah, now I’m missing something, ha? Hindi naman ako nakikipag-argumento James e. I just asked a simple question and all I need is a simple yes or no. Do you love me? That’s my simple question. Why is it so hard for you to answer that?”

“Babalik na naman ba tayo? I answered you already. And my answer was – and I will say it again – ‘that is not the issue’! Why is it so hard for you to understand? OK, ganito na lang, di ba in two-week’s time ay graduation na? The night before the graduation, I can invite you over. Bale treat ko yan sa iyo because I know that you are a candidate for the top honors. After all, it’s the end of the school year, and maybe we can have a nice, clean bonding before you leave the College and the people you’ve met here. What do you say?”

Kahit bitin na bitin pa ako sa walang kalatoy-latoy na sagot nya, pumayag na rin ako. At least, pumayag sya na mauulit muli ang pagtatagpo namin sa flat nya. “Baka sa pagkakataong iyon, mapilitan na talaga syang sabihin sa akin ang nararamdaman nya o kaya’y bibigay na din syang kusa” bulong ko sa sarili. “Do I have any choice?” ang sagot ko nalang sa tanong nya.

Dumating ang takdang araw, ang araw bago mag graduation at kung kailan kami muling mag-usap ni Sir. Di ko lubos mailarawan ang tunay na naramdaman. Masaya dahil sa wakas, ga-graduate na. At hindi lang basta gagraduate, may honors pang makamit at malamang may mga leadership awards din. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maitatwa ang lungkot ding nadarama. Masakit isipin na bilang na lang ang mga araw ko sa campus. Hindi pa ako handang baguhin ang mga routines na nakasanayan, ang mawalay sa pananaw ang mga lugar sa school na palaging pinupuntahan, ang iwanan ang mundong naging bahagi na ng aking buhay. Sa likod ng utak ko ay sumiksik din ang takot ng pagharap sa bukas, ang pagtahak sa landas kung saan ay susuungin ang mga panibagong hamon. Pakiwari koy kulang pa ako sa kakayahang harapin ang mga ito. O baka nga lang siguro, dahil ayaw pa ng kaloobang tanggapin ang pagbabago, ang mawalay sa mga taong natutunan kong mahalin sa tatlong taon kong pag-aaral at pagsisikap sa lugar na iyon, ang mga masasayang alaala, at lalo na ang taong syang nagpapabago ng pananaw ko sa buhay, iniidolo, at sa kalaunan ay minahal – si Sir James. Sumiksik muli sa isipan ang mga nagdaang araw kung saan minamaliit ko pa ang eskwelahan at mga tao doon, ang matinding galit ko kay Sir hanggang sa naituwid nya ang baluktot kong pananaw at tuluyang hindi na sya maiwaksi-waksi sa isipan. Nagsusumigaw ang puso na sana maibalik pa ang panahong iyon o kayay mahabaan pa ang mga araw. Ngunit wala akong magawa kundi ang tanggapin ang masakit na katotohan na kinabukasan o sa makalawa ay ibang klaseng mundo na ang tatahakin ko...

Maaga akong nag-report sa school sa araw na iyon. Palibhasa, may final rehearsals sa graduation at syempre, nakaukit na sa isipan ang pagkikita namin ni Sir James sa gabi ding iyon. Kahit papano, may excitement din akong nadama.

Nasa gate pa lang ako ng campus nung may tumapik sa balikat ko. Si Ricky. At sadya palang hinintay ako para tanungin kong may alam na ba ako sa isang video clip na tinagurian nilang “mother of all scandals” na umiikot sa campus simula pa nung isang araw.

“Asus... pati ba naman ikaw e, nakikisawsaw sa mga intriga na yan? Kadami-daming may mga video clips jan e. At napakadami na ring scandal dito sa campus na to. Yung iba jan gawa-gawa na lang para may mapag-usapan.”

“Bro, iba to, maniwala ka, magkakainteres ka dito, sigurado ako”

At bakit mo naman nasabi yan, aber?”

“Dahil ang taong involved dito ay malapit sa puso mo.”

“Ha? Sino?” Ramdam ko ang biglang paglakas ng kabog ng dibdib.

“Si Sir James!”

(Itutuloy)

------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 8)

Matinding kaba nag naramdaman ko nung marinig sa bibig ni Ricky ang pangalan ni Sir James na syang sentro ng tinaguriang “mother of all scandals”.

“Hah! Panu nangyari yun? At anong ginawa nya? Sinong kasama nya?” ang taranta kong tanung kay Ricky.

“Hinay-hinay lang, pareng Carl. Kaw naman masyado kang excited. Heto, naka-kuha ako ng copy, mejo mainit-init pa. Dun tayo sa may likod ng campus at panuorin natin.”

Nung pini-play na ni Ricky ang video, si Sir James nga ang nandun. Sa bibig nya ay naglabas-masok ang ari ng isang lalaki, ang isang kamay nung lalaki pwersahang dumidiin sa ulo ni Sir James na kaitang-kita ang kalasingan. Pawang ibabang parte lang ng katawan nung lalaki ang nakikita sa video. Halos di ako makapaniwala sa nasaksihan. Yun din ang video clip na gagamitin ko sanang pang-blackmail kay Sir James.

“Shiiiittttt! Paano nangyaring nakalusot yun? Arrrggggghhh!” ang sigaw ng utak kong halos sasabog na sa naghalong inis, matinding takot at pagkalito.

“O, di ba si Sir James yan, klarong-klaro!” Napansin ni Ricky na mejo hindi ako mapakali. “Sandali, bakit para kang namumutla ha, Carl? May alam ka ba dito?”

“Wala ah! E, ngayon ko nga lang nakita yan e. Parang di naman si Sir yan!” Ang tangka ko sanang pagdepensa kay Sir, at pag-iwas na rin sa tanong nya.

“Ano ka? Kahit pagbalik-baliktarin mo pa yan, mukha talaga ni Sir James yan, walang duda. Kahit sino ang tatanungin mo, si Sir James yan. Ano, gusto mong itanong natin sa iba pang kaklase?”

“Wag na! Wag na!” ang mabilis kong tugon dala ng sobrang pagkatakot. “E, yang lalaki, sino naman daw?”

“Eh, maputi e. Ang iniisip ng lahat ay baka ito daw yung dating tsinitsismis nilang na-link kay Sir James, yung dating nagturo din dito na mestiso Chinese, Henry ang pangalan? O, ano, love mo pa rin ba yan?”

Agad-agad akong tumalikod upang bumalik sa apartment. Nagtaka si Ricky sa bigla kong pag-alis. Marahil inisip nya din na nasaktan lang ako. “Saan ka pupunta? May rehearsals pa tayo. Hoy, lalaki lang yan! Tangna… Carl! Magpapakamatay ka na naman ba?” ang may halong pang iinis na sigaw ni Ricky.

“Hindi. May papatayin akong tao!” sagot kung di malaman kung ano ang gagawin.

Biglang bawi naman si Ricky. “Ah… hindi ako yun. Biro lang yung sa akin, hehe. Ga graduate pa ako bukas no! Sige, good luck! Patayin mo sya ng maayos ha?”

Bumalik ako sa apartment at hinanap ang memory card kung saan natandaan kong naka store yung video clip na nalimutan ko na sa tagal at hindi ko rin pala nabura. Ang alam ko, nakasaksak iyon sa luma kong cp. Nung tingnan ko ang cp wala na doon ang memory card. Naalala kong huling pinaayos yung lumang cp na iyon at malamang na tinanggal yung memory card at nalimutang ibalik. At nung mapansing may lamang scandal material, kinopya na at ibinenta sa mga intrigerong gutom sa tsismis.

Bigla akong nanlumo, pinagpapawisan at pakiwari koy umiikot ang paligid sa sobrang inis at galit sa sariling kapalpakan habang awa at pagkahabag naman ang nadarama para kay Sir James. Iniisip kong puntahan ang shop at kumprontahin ang may-ari subalit nangibabaw ang takot na baka lalong lalaki ang issue at mapagdudahan nilang ako ang lalaking nasa video. “Malamang di na nila natatandaan kung sino ang may ari nung memory card na iyon dahil sa tagal na nun” sa isip isip ko lang.

Agad akong bumalik ng campus at hinanap si Sir James. Ngunit hindi pa raw nakapagreport sa office sa araw na iyon. Tinanong ko na rin pati ang gwardiya at lahat sila nagsabi na hindi pa raw pumasok ng school si Sir James.

Pinuntahan ko ang flat nya. Kumatok ako at nabigla nung nandun lang pala sya, naka t-shirt at shorts, nagligpit ng mga gamit na para bang aalis na at sa tingin koy wala nang balak magreport pa sa work.

“James... ba’t hindi ka pumasok?”

Binitiwan lang nya ang isang pilit na ngiti, “Tinanggal na ako sa work, Carl. Kahapon ko natanggap ang notice at ang effectivity ay ngayon. At siguro naman ay alam mo na rin ang dahilan.”

Nanginginig ako sa magkahalong sobrang pagkadismaya at awa sa kanya sa narinig. “Oo alam ko yung sa tape. At bakit ang bilis naman nilang maghusga? Ni hindi man lang nila pinatapos ang closing ng school period o graduation man lang? It’s unfair!” sigaw kong pagrerebelde sa naging decision ng school.

“Wala tayong magawa, Carl, ganyan sila kahigpit...” Napahinto si Sir James na parang pigil ang sariling ilabas ang naramdaman. “Pero, ok lang. I have accepted it dahil totoo naman eh. Yesterday I was invited by the school director to her office and she asked me just one question – whether it was me in the video or not.”

“And you admitted it?”

“Yes, Carl... yes.” Ang mapagkumbaba at walang pagdadalawang isip na sagot nya.

“Di ba walang due process ang daliang pagtanggal nila sa iyo?”

“Mabuti na rin ang ganun, Carl. Prolonging the process could be tormenting; investigations will be made and things could get out of hand.” Tumingin sya sa kain “At pati ikaw, madamay. I believe that the management did a good job in addressing the case. They acted swiftly, I was spared from extreme embarrassment and the agony of facing a series of panel interrogations, and the school was spared too from being dragged down further into the mud. Kumbaga, they cut, and cut it clean.”

“Hindi ka man lang at least nag explain sa side mo?”

“What for...? And besides, there’s nothing to explain, Carl. I accepted responsibility and that’s it. May ginawa o nagawa akong mali, hindi ko itinatwa yun and I acknowledged my mistakes. Masakit, pero you reap what you sow, diba? Sabi ng iba, it’s karma. And I believe it. I deserve the punishment. At harapin ko ang punishment na iyan ng buong tapang dahil it’s what makes me a man. At dapat kong paninindigan ang pagharap sa consequence. Importante yun para sa akin. Kapag ang isang tao ay walang paninidigan, o kayay tinatakbuhan ang responsibility sa mga maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya. Gaano man ka hirap o kasakit ang punishment sa ngawang pagkakamali basta pinanindigan ang pagharap nito, buo pa rin ang pagkatao ng isang tao at hindi mawawala ang respeto nya sa sarili at ng ibang tao sa kanya. It hurts, of course and it requires a great amount of courage and fortitude but ganun talaga, ‘truth sometimes hurts’. Magpakalalaki ka lang. And for me, I would rather look at the bright side. And it’s that the truth will set me free. At least nabayaran ko na ang pagkakasala ko at maluwag ang kalooban. At...” sabay hawak nya ng balikat ko “kagaya mo, isasara ko na rin ang kabanata ng buhay ko sa school na to, babangon muli, at bubuksan ang panibagong yugto ng hamon at pagsubok.”

Malalim ang mga katagang binitiwan ni Sir James. At nararamdaman ko rin ang iba pa nyang saloobin lalo na sa sinabi nyang panibagong hamon dahil sa nasa ganung sitwasyon din ako at ganun ang nadarama. Ang kaibahan lang siguro sa akin ay ang haharap ako sa panibagong pagsubok na puno ng pag aalinlangan at takot. Lalo akong humanga sa ipinamalas na tapang ni Sir James at sa paninindigan nya. Ang pagdepensa at pag protekta nya sa akin at ang positibo nyang pananaw sa kabila ng matinding daguk na kinakaharap.

“Napakabuti niya. Hanggang sa huli, kapakanan pa rin ng ibang tao ang iniisip. Ako kaya... kaya ko kayang pantayan ang paninidigan nya; ang tanggapin ang pagkakamali at harapin ang kaakibat na ‘punishment’? Paanu ko kaya maramdaman ang sinasabi nyang ‘the truth will set you free’?” Ito ang matinding mga katanungang nagpaantig sa puso at isipan ko.

Hindi ko na magawa pang magsalita. Nilapitan ko si Sir James, niyakap ng mahigpit at humagulgol na parang bata. “James, patawarin mo ako, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung paano ako makaganti sa kabutihan mo. Utang ko sa iyo ang lahat. Sa kabila ng mga kapalpakan ko, heto, ni hindi ka man lang nagpakita ng galit sa akin at bagkus, ikaw pa itong nagdurusa sa mga kasalanan ko.”

Hinaplos nya ang balikat ko. “Alam ko namang di mo sinadyang ikalat yung video clip e. Kaya walang dahilan para magalit ako sa iyo. Don’t cry over spilled milk; wala na tayong magagawa sa mga nangyari na. Ang magandang gawin na lang natin is to learn from this experience. Ang mga kamalian at sakit na dulot nun ay dapat kalimutan ngunit palaging tandaan ang mga naging leksyon nito sa buhay. Dahil jan sa mga pagkakamali natin tayo natututo, naging matatag. Higit sa lahat, naniwala ako na ang lahat ng mga pangyayari ay may dahilan...”

Tinitigan ko si Sir James. Binitawan nya ang isang ngiting animoy nang-aamo at bakas sa mukha ang katatagan, paninindigan at katapangan.

“Go Carl, hinihintay ka na sa rehearsals. Tomorrow is your big day. Enjoy it and make everyone proud of you. Kahit hindi ako makapunta, isipin mo palagi na ang mga ginagawa ko ay para sa iyo. And I am so proud of what you have achieved and made of yourself. Wag mo akong intindihin. Maaring naharap ako ngayong sa matinding pagsubok, ngunit tatayo ulit ako, mas determinado, mas matatag, at mas handang humarap sa mas malalaki pang pagsubok.”

Hinalikan ko ang isang pisngi ni Sir at dali-dali na akong bumalik ng school, mabigat ang damdamin ngunit baon-baon ang malalalim na aral na natututunan mula sa kanya.

Hindi na natuloy ang takda sana naming pagkikita ni Sir James sa gabi ng araw na iyon. Pinayuhan nya ako na mas makakabuti iyon para wag akong madamay at wag nang lalala pa ang issue lalo na kapag may nakakakitang pumunta ako sa flat nya. Kahit masakit sa kalooban at ang isip ay nag alinlangan, sinunod ko rin ang payo nya kahit sa kabila ng katotohanang maaring yun na ang huli naming pagkikita. Napag alaman ko na sa araw ng graduation ay aalis sya, hindi sinabi kung saan. Sa gabing iyon, hindi ako makatulog at si Sir James lang ang laman ng isip. Parang kumakawala ang puso ko at sumisigaw na puntahan sya at damayan. Ngunit nanaig din ang takot na baka hindi makatulong ang pagsuway ko sa payo nya, at lalong malagay kaming dalawa sa alanganin.

“Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Paano kaya ako makabawi sa lahat ng ginawa nyang kabutihan? Kailan kaya kami magkikita muli?” Ito ang mga katanungang bumabagabag sa isipan.

Araw ng graduation, perfect ang lahat – program, set-up ng lugar, stage decorations at ang mga bulaklak na nagsilbing palamuti, backdrop, coordinations ng mga taong naka-assign sa iba’t-ibang kumite, atbp. Nandun din ang lahat ng mga teachers. Well, halos lahat. Sumipot lahat ang mga guests, ang mga madre sa congregation na may hawak ng school. Higit sa lahat, full force ang mga ga-graduate sampu ng kanilang mga magulang. Ramdam ko ang saya sa puso nilang lahat. At sigurado ako, proud na proud sila, pati na rin ang mga magulang nila.

Ngunit sa lahat gumraduate, ako ang pinakaproud, at ang mom ko ang pinaka-proud na magulang sa lahat. Nalala ko na simula pa nung bata, wala akong natatandaang achievement sa school kung hindi ang puro pagpapahirap sa kanya, pagpupunta nya sa guidance coucilor o sa principal dahil sa pambubugbog ko sa kaklase o sa iba’t-ibang mga kalokohang ginagawa. Alam ko, abot-langit ang kagalakang nadama ng mom ko sa sandaling iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nun ko lang sya nabigyan ng karangalan, at sulit naman. At dama ko yun sa mga nakakabinging palakpakan ng mga tao sa pagtawag na ng aking pangalan, “Mr. Carl Miller, Summa Cum Laude!” At paulit-ulit ko pang tinamasa yun sa pabalik-balik kong pag akyat ng stage upang tanggapin ang iba’t-iba pang awards. Pakiramdam ko, ako lang ang nag-iisang gumraduate dahil ang lahat ng atensyon ay nakatutok sa akin.

Nung magbigay ako ng speech, sinabi ko kung ano ang naramdaman sa mga sandaling iyon at ano ang mga dapat pang gawin naming mga graduates pagkatapos matanggap ang mga diploma. Binigyang inspirasyon ko silang lahat sa pag emphasize sa mga katagang “katatagan” “determinasyon” at mga “hamon” sa buhay.

Sa kalagitnaan ng speech, hindi ko maatim na hindi lingunin ang isang upuang nabakante sa side ng mga administrators. Napahinto ako sandali at tila isang sibat ang tumama sa puso nung bigla na lang nag-flash sa isipan ang nang-aamung ngiting huli kong nakita sa mukha ni Sir James. At ang nasambit na lang ng isip ko, “Sir, para sa iyo ang lahat ng ito; kung hindi dahil sa iyo, wala sana ako ngayon dito.” Naalala ko ang kabaitan nya, at ang paghihirap sa kaparusahang dapat ay ako ang umako at magdusa. Habang tinatamasa ko ang tagumapay, matinding dagok naman ang kanyang pinagdusahan.

Pilit kong nilabanan ang pagdaloy ng luha. Nag-crack ang boses ko habang ipinagpatuloy ang speech. Ang buong akala ng lahat ay nadala ako sa sobrang kaligayahan sa nakamit na tagumpay. Nung matapos na ang talumpati ko, nakakabingi ang palakpak ng mga tao.

Nakababa na ako ng dalawang baitang sa hagdanan ng stage pabalik na sana ng upuan nung tila hinila ako ng mga sariling paa upang bumalik ulit sa podium. Nagtaka ang lahat sa bigla kong pagharap muli sa mikropono.

“A...” Ang nasambit ko lang, di malaman kung panu simulan habang ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib, nag-aatubili kung itutuloy pa ang pagsasalita o hindi na lang, lalo na nung makita ang audience na dahil sa hindi inaasahang pagbalik sa podium, lahat sila ay nakatutok, excited sa kung ano man yung importante ko pang sabihin.

Nakakabingi ang katahimikan. Sumiksik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni sir James, “Kapag ang isang tao ay walang panindigan, o kaya’y tinatakbuhan ang responsibility sa maling nagawa, balewala na rin ang pagkatao nya.”

“I just would like to add a few words. I haven’t prepared this one but something in my heart tells me that I must share this...”

Huminto ako ng sandali, nag-isip kung ano ang isusunod.

“Everyone knows that I came from the big city. I grew up there and was used to the ways of hustles and bustles. Since I can remember, I have always been a huge headache to my mom and to everyone in every school I enrolled in. I was stubborn and stupid and carefree and misbehaved. I was hooked in cigarettes, alcohol, and drugs. I experienced getting jailed and kicked out from school several times... I was practically a lost person. Because of that, Mom decided to transfer me here, ‘for a change’ she said, although at the backseat of my mind I knew that it was for something else. And this something else was to change me for the better. This change I called ‘rehabilitation.’”

Tawanan ang audience sa term na ginamit ko, at yung iba ay napatingin sa mom ko na natawa na rin.

“From the very first day of my stay in this school, I never really believed that there was any difference; and neither did I believe that the nuns or any teacher in this school could deliver the ‘change’ that my mom wanted in me. In fact, when I saw the idyllic campus for the first time, my mind screamed that the place was so good I could organize a gangster or some kind of a mafia with me as the boss and the nuns as the mafiosos.”

Tawanan, palakpakan ang lahat.

“You can just imagine how hopeless my case was. I believed that everything in this world has its corresponding price; money that is, just like the shoes that are being displayed in supermarket stalls. And every single one of us has our own asking price too, just waiting to be named. So whatever Carl wants, Carl gets. At least, that’s how I looked at life. But... all that changed when –”

Napahinto ako sa pag aanticipate sa maaring reaction nila sa susunod kong sasabihin.

“I met Mr. James Cruz, my professor in Sociology.” Ang dugtong kong nag-crack na ang boses at pilit nilabanan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng emosyon.

(Itutuloy)

---------------------------------------

Idol Ko Si Sir (part 9)

“When I first met Professor James Cruz, I thought he was no different. I was wrong. He is one teacher whose dedication to duty goes beyond addressing the so-called intellectual sine qua non of his students. He understood my world and led me to see life from different viewpoints. With him, I learned the value of discipline, sacrifice, and fair play. With him I learned the true meaning of happiness, peace of mind, and inner satisfaction. With him, I regained my dignity and self-respect. And here I am a changed man, a living testament to his commitment. For the first time in my life, I have become truly proud of myself. For the first time in my life, I have made my mom the happiest person on earth. And there’s no doubt in my mind that many other graduates and students of this school feel the same way too; graduates and students like me with whose lives Professor Cruz had touched...” Tuluyan nang tumulo ang luha ko at nakita ko ang iba pang mga estudyanteng nagpapahid din ng luha.

“But recently things have turned out terribly bad for Professor Cruz. He had been hounded by a very serious controversy which has resulted to his expulsion from school. Many of us are aware of this, and many have been affected by what had happened. And although no one could tell for certain what real story that video clip holds behind it, Professor Cruz took full responsibility and accepted the punishment. It was so humbling, but yet so unfair on his part. This is the very reason why I decided to bring this matter up here – because there is another side of truth that only I know; the other part of the story which deserves to be unraveled if only to clear all air of doubts.

I remember the words Professor Cruz had said to me, ‘If you can’t stand by what you believe in or if you turn your back from the consequence of your misdeeds, you are worth nothing’. It breaks my heart to be here savoring the sweetness of success while the very person – innocent of any accusations and instrumental in all my triumphs – grieves in silence.”

Natahimik ako ng sandali, nag atubili sa susunod na kasuklam-suklam na mga katagang ibubunyag habang pinapahid ng mga kamay ang luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi.

“I am the other guy in the video.” ang tuluyan ko nang pagbulalas sa tinatago-tagong sikreto, ang boses ay halos di maintindihan dahil sa pigil na pag-iyak.

May narinig kaagad akong nag-boo at pansin sa mga mukha ng iba ang pagka-mangha, ang iba ay nagbubulungan.

“Yes, I am. I tricked Professor Cruz into drinking and when drunk, I forced him to do it on me. I recorded it without his knowledge so I could use the clip to blackmail him in case he didn’t give me a passing grade. But all my plans backfired. Instead, I realized how wicked I was… until the video clip made its way to some unscrupulous hands wrecking havoc on the dignity of the very person whom I learned to admire and idolize.”

Patuloy pa ring nag-boo ang ibang mga estudyante habang ang iba naman ay patuloy ding nagpapahid ng luha.

“I know that no amount of remorse could repair the damage I’ve made. And I take full responsibility for everything. I am deeply sorry to have caused pain and suffering to all those affected by my wrongdoing and lack of heart, especially our beloved Professor Cruz. I am the one who should be punished; I am the one who should be there suffering in his stead. I know that I have breached propriety by dragging Professor Cruz’s name into this solemn occasion. But this very school has also imbibed in me the value of truth and justice. And my heart aggrievedly screams justice for Professor Cruz. He is NOT the villain; I am. He is the victim and the aggrieved, and I am the scoundrel... and I deserve all your wraths!”

Nilingon ko ang upuan ng mga administrators at nakita sa mga mukha nila ang pigil na pagka-inis sa mga binitiwan kong salita.

“But all that I fervently hope is that the administrators of this school find compassion and understanding in their hearts to forgive Professor Cruz and reinstate him back to his job. I humbly ask you: punish me, or give back the dignity of Professor Cruz!”

Para akong natulala, hindi makapaniwala sa mga nasabi at halos mapako na sa pagkakatayo sa harap ng podium. Maya-maya, may narinig akong isang mahinang palakpak, at may sumunod pa, at lumakas ito, at may mga sumunod pa ulit, hanggang sa nakakabingi na ang mga palakpakan.

Nagsitayuan ang mga estudyante, nagsigawan, “We want Sir James back! We want Sir James back! We want Sir James back!” Tiningnan ko ang mom ko, tumayo na rin sya at nagsunuran ang iba pang mga magulang. Nakita kong nagpapahid sya ng luha ngunit dama ko ang matatag nyang suporta at pagmamalaki sa panindigang binitiwan ko.

Natapos ang graduation na di maipaliwanag ang tunay na naramdaman sa nangyari. Habang kitang-kita ko sa mukha ng mga graduates ang saya, kabaligtaran naman ang naramdaman ko. Tila biglang naglaho lahat ang excitement at ang pumalit ay pangamba, lungkot, pag-aalinlangan at pagkalito sa kung ano ang maaaring takbo ng buhay kinabukasan o sa susunod pang mga araw; kung saan ako patungo o paano magsimula. Nung umandar na ang sasakyang dala ng mom patungong apartment, walang tigil pa rin sa katatanong ang isipan. “Ano ang sunod kong gagawin? Magkita pa kaya kami ng mga kaklase at kaibigan ko? At si Sir James kaya, saan na sya? Magkita pa kaya kami ulit?”

Walang imik ang mom habang nagpapatakbo ng sasakyan. Marahil ay batid nya ang saloobin ko lalo na sa nangyaring nakakamanghang pagbunyag – sa mismong graduation ko pa man din – sa ginawa kong eskandalo na syang naging dahilan ng pagpapatalsik kay Sir James.

Ilang sandali lang nag-stay ang mom sa apartment ko. Tiningnan lang nya ito at dumeretso na kaming dalawa sa pinaka-sikat at mamahaling restaurant sa kalapit-syudad at doo’y nagsalo-salo. Dama ko ang sobrang tuwa na naramdaman nya para sa akin, sa mga nakita nyang pagbabago at sa nakamit na karangalan. Ngunit ipinaabot din nya ang lungkot sa nangyari kay Sir James.

Pinag-usapan din namin ang mga plano ko. Nag-suggest sya na mag proceed ako ng master’s degree o tumulong na lang sa pagma-manage ng negosyo namin.

Ngunit naging blangko ang isip ko at walang maisagot sa kanya. “Mom, can I think it over please? I need sometime to figure things out. Naguguluhan pa ako e... I think I need to sort out the mess which I created with Sir James.”

Pinagbigyan naman nya ako at pinaubaya na ang pagdedesisyon para sa sarili. Ngunit hindi rin nakalampas sa kanya ang intriga tungkol sa amin ni Sir James at sa maaaring parusang ibigay ng eskwelahan sa akin.

Nagulat nalang ako nung tinitigan nya ako at tinanong. “Son, ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Professor James Cruz? It’s like something strange is going on. I mean, I’m sorry to open this issue but I am a little worried...”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, maaaring dala ng hiya dahil sa di maipaliwanag na saloobin. Ang sagot ko nalang na di makatingin-tingin sa kanya, kunyari naka-concentrate sa pagsubo ng pagkain “Mom, there’s nothing strange, believe me. I know what you mean... I’m not gay, ok?”

“Well, then I’m glad you say that. Remember, gustong-gusto ko nang magkaroon ng apo, son… at sana malapit na iyon” sabay ngiti at haplos sa pisngi ko.

“Of course Mom, yeah...” Parang may tumama din sa puso ko sa sinasabi ng mom na gusto nyang magkaapo, at syempre ang magkaroon ako ng isang normal na pamilya ang ibig nyang sabihin. Ngunit pinalagpas ko na lang yun sa kabilang tainga. “Doon naman talaga ako patungo e” bulong ko sa sarili.

Ngunit nung biglang pumasok na naman sa isipan ko si Sir James. “Ah... ewan ko ba talaga. Bahala na!” sagot naman ng isang parte ng utak kong natuliro.

“OK then, when you have finally made up your mind, tell me, son. Sana ikaw na ang mag manage sa negosyo natin para naman makapag-retire na ako.” sabi nyang pabiro sabay tawa. “Ngunit kung ano man ang gusto mong gawin pa sa buhay, I’ll be right behind you. Bata ka pa rin naman, you can take your time and enjoy.”

Naunang bumalik ng syudad ang mom at nagpaiwan muna ako sa apartment dala ng paghahanap pa rin marahil sa dating mga nakagawian. Nung sumapit ang gabi, nababagot akong di mapakali. Sumudot-sundot sa isipan ang di mamatay-matay na naramdaman para kay Sir James. Nasumpungan ko nalang na pumunta sa flat niya. “Bahala na kung ano ang sasabihin ng mga tao kung sakaling makita man nila ako dun. Tutal, tinanggal na nila si Sir James sa school, ano pa bang pwedi nilang gawin?” sabi ko sa sarili.

Ngunit wala na pala dun si Sir James, nakaalis isang araw na ang nakalipas at walang makapagsabi kung saan nagpunta. Pinigilan ko ang sariling lumuha, hindi malaman kung saan dideretso at kung anong gagawing pag-aliw sa sarili. Tinawagan ko si Ricky para sana may makausap at maging karamay. Ngunit umuwi na rin pala siya sa lugar nila pagkatapos na pagkatapos kaagad ng graduation. Feeling ko nag-iisa na lang ako sa mundo. Pumunta na lang ako ng bar at doon sinarili ang matinding kalungkutan, hanggang sa malasing.

Kinaumagahan, nag-pack-up ako ng konting gamit, hindi tiyak sa gagawin at kung saan patungo. “Siguro naman, ngayong tapos na ako ng pag-aaral, problema na ng puso ang hahanapan ko ng lunas upang makalaya na akong tuluyan...” at binitiwan ang malalim na buntung-hininga.

Pumasok bigla sa isipan na puntahan sina Tatay Nando sa bukid. “Baka nandun si Sir James o kaya’y alam nila kung saan sya nagpunta.” sigaw ng utak ko.

Nakarating nga ako kina Tatay Nando. Lahat sila ay sumalubong sa akin: Nanay Narsing, Maritess, Anton, Dodong, Clara at si Letecia. Kumpleto silang lahat.

“Carl, napadayo ka!” sigaw ni Tatay Nando.

“Opo, tapos na kasi ang pasukan at graduate na po ako... at malamang babalik na rin sa malaking syudad pagkagaling dito. Nagpunta lang po ako upang magpaalam.” ang sabi kong malungkot ang tono ng pagsasalita. “Heto pala Tay, may biniling mga pasalubong ang mommy para sa inyong lahat”

Inilabas ko ang isang malaking bag ng mga damit, shirts, sapatos, at pantalon. “At alam nyo po, nag-offer ang mommy na sya na ang magpapaaral kay Maritess at Anton sa darating na pasukan, at pati na rin kina Dodong, Clara at Letecia pag nagka-college na sila. Bibisita daw po sya dito isang araw para po makilala kayo at pati na rin ang lahat ng mga kinakapatid ko dito.”

“Talaga, Carl? A, e... hindi ba nakakahiya? Narsing! Narsing! Papag-aralin daw ng mommy ni Carl sina Maritess at Anton!” ang buong kagalakang hindi magkamayaw na pagbalita ni Tatay Nando habang narinig ko namang nagsisigaw at naglulundag sa tuwa sina Maritess at Anton pagkarinig sa sinabi ng ama.

“Salamat naman Carl at hindi na namin po-problemahin ang panggastos sa pagpapaaral sa kanila. Si Anton talaga ay hindi na muna nag-aral ng College yan para lang matustusan namin si Maritess. Tinutulungan pa nga kami ni James sa mga gastusin, e. Hiyang-hiya na ako kay James. Kaya maraming-maraming salamat!” ang sagot ng halos halos mangiyakngiyak na si Tatay Nando. “Halika, dito tayo sa loob ng bahay. Kumain ka muna. Tapos na kaming lahat kumain ngunit sasabayan na kita. A... Anton!” sabay lingon kay Anton “Maglagay ka ng tuba sa pitsel! Mag-inuman kami ni Carl! At sumali ka na rin sa amin dito. Narsing!” tawag naman nya kay Nanay, “maghain ka at kakain kami ni Carl!”

“Tamang-tama po, Tay at ako po’y gutom na gutom na. Na-miss ko na rin po talaga ang mga luto ni Nanay Narsing.” sabi ko habang iniikot ang mga mata sa paligid nagbakasakaling makita si Sir James.

“Tamang-tama, maya-maya lang siguro darating na si James at makakasalo din natin sa pagkain.”

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang galak sa narinig. Ngunit di ako nagpahalata. “Nandito po si Sir James Tay? Saan po ba sya nagpunta?”

“Kay Kapitan. May plano syang gumawa ng project dito at nag-usap sila ngayon. Maganda ang naisip nyang proyekto, siguradong makakatulong sa buong baranggay. Bilib talaga ako sa batang yan, Carl! Magaling sa ano mang bagay. Napakabait pa. Nagtaka nga lang kami kung bakit napaaga ang uwi. Ang alam namin may graduation pa sa school eh. Pero sinabi na rin nya ang dahilan...”

“Talaga po? Alam nyo na po ang nangyari? Hindi po ba sya galit sa akin?”

“Hindi. Hindi… Mabait ang batang iyan, Carl.” ang maiksing tugon nya.

Tamang-tama ngang dumating si Sir James nung maihain na ni Nanay Narsing sa hapag kainan ang mga pagkain. Abot-tenga ang ngiti at hindi man lang na-sorpresa nung makita ako. Para akong na-hypnotized at lumutang sa ulap sa sobrang kaligayahan.

“Ey Carl! Naligaw ka yata ng pupuntahan. Sigurado ka bang dito talaga ang pakay mo?” Ang pabiro nyang sabi sabay kamay sa akin.

Tinanggap ko ang shakehand nya. Nagpapawis kaagad ang kamay ko at nakakabingi ang kalampag ng dibdib sa sobrang excitement sa mainit na pagtanggap nya sa akin. Sumigaw ang puso kong yakapin sya ngunit naunahan na ako ng hiya.

“Ok naman ako, James, kaw? Balita ko may project ka raw na gagawin dito?”

“Oo. Magpapagawa ako ng isang classroom, non-formal education para maturuang magsulat at magbasa ang mga Nanay at Tatay, pati na rin ang mga binata’t dalaga dito na hindi nakapag-aral. Ang layo-layo kasi ng lugar na ito sa paaralan at maraming hindi na nakapag-aral dahil sa layo. Kahit papano sa project na to, matulungan ko din sila...”

“Walang sweldo?” ang bilis kong tanong.

“Wala... tulong nga e.”

“E, panu ka kikita? Ang mga pangangailangan mo?”

“Yan ang challenge, Carl. Jan dapat paganahin ko ang utak ko.” Tumawa sya. “Di ba sabi ko sa iyo, mabubuhay ako kahit saan. I am not afraid to take challenges. The bigger and the more difficult the challenge, the better and the bigger are the rewards. Kailangan lang ay sipag, tyaga, determinasyon, at paniniwalang makamit mo ang goal mo. Pag pumalpak, e di simula nalang ulit...”

“Grabe ka talaga, James. Hindi ka nauubusan ng magagandang ideas! E... Kung tutulungan kaya kita?”

“Wag na baka mamalasin na naman ako.” ang casual nyang sagot sabay bitiw ng napakalutong na halakhak.

Tumawa na rin ang lahat.

“No, seriously, I can help you. My mom is thinking of a charity project for this baranggay and she’s having some problems trying to figure out what it is and how to get it started. Alam mo kasi, malaki ang pasalamat nya kina Tatay Nando, ng pamilya nya at sa mga tao dito sa pagtulong sa akin. She wants to return the help to everyone. In fact, she wants to meet you too, and thank you personally.”

“Wow! At may instant sponsor na kaagad ako!” ang masayang sambit ni Sir. “Ang swerte ko rin naman pala, kahit papano dito kay Carl...”

Parang may sumundot sa puso ko sa narinig na iyon.

“Nahihiya nga ako sa iyo, eh... sa malaking kasalanan ko” ang seryoso kong sabi. “Pero babawi din ako sa iyo, James, promise.”

Hindi na sya sumagot. Binitiwan lang ang isang nakakabighaning titig.

Ewan ko ba ngunit pakiramdam ko, kahit mga limang segundo lang syang tumitig sa akin, parang isang buong oras na nya akong tinitigan, at animoy yelo akong unti-unting natutunaw. Parang may halong kasabikan din ang mga titig nya, nakikipag-usap at nagtatanong.

At namalayan ko na lang ang pagtapik nya sa balikat ko. “Ey! Nandito ka pa ba? Lumilipad yata ang isip mo ah! Tingnan mo, namumula na naman ang mukha mo. Lalo ka tuloy pumogi, naiinsecure na ako sa iyo e!” Sinasampal-sampal nya ang mukha ko na parang gigil na gigil at sabik na sabik sa akin. “Biro lang... ito naman, di na mabiro e.”

Tawanan kaming lahat.

Nag-inuman nga kami, ako, si Tatay Nando, si James at si Anton. Coconut wine na ang tawag ay tuba, at tagay system. Kwentuhan, biruan, ini-experience ang pagtakbo ng oras na walang hinahabol, walang iniisip na deadline, ini-enjoy ang preskong hangin, ang mga berdeng tanawin, ang ingay ng mga ibon at nagkikiskisang dahon ng mga kahoy at halaman habang nalalanghap naman ang bango ng binabarbecueng manok at inihaw na mais nina Anton at Maritess. Nakikisali na rin sa umpukan sina Nanay Narsing at iba pang mga anak nila.

Napakasaya ko sa mga oras na iyon.

Gabi na nung matapos kami, mejo lasing na ang lahat. At dahil pinigilan ako ni Tatay Nando’ng bumalik sa apartment ko, doon na rin ako natulog.

“O, James, bahala ka na kay Carl ha? Wala tayong ibang kwarto. Malilit ang kwarto ni Anton at kasama pa nya doon si Dodong. Kaya sama nalang kayo ni Carl?” tanong ni Tatay Nando kay Sir James.

“Opo, Tay, walang problema. Ako nang bahala dito” ang may pag-aalangang sagot ni Sir sabay tingin sa akin.

Walang magawa si Sir James kundi ang maglatag ng banig sa kwarto nya para sa aming dalawa. Naglagay din sya ng mosquito net dahil marami daw lamok sa gabi at shorts lang ang suot nya sa pag tulog. Single lang ang mosquito net nya, wala na daw mahagilap na iba pa. Bago kami nahiga, naligo muna sya at pagkatapos ay ako naman. Dahil wala akong dalang shorts, pinahiram na rin nya ako. Naalala ko na naman ang huling pagkakataon na natulog kaming magkatabi sa flat nya. Lasing na lasing ako nuon, pinunasan nya buong katawan ko at pinasuot ng shorts nya.

May kilig at kiliting sumundot sa akin. “Hmmm, sana nagpakalasing na lang ako para punasan nya na naman ang buong katawan ko...” sambit ng utak kong malisyoso.

Pareho kaming naka-shorts lang. Nung mahiga, walang imikan. Nakaka-bagot ang katahimikan. Pakiramdaman, hindi ko alam kung anong posisyon ako hihiga. Nanjan yung tatagilid, titihaya, dadapa... Ngunit wala pa ring kibo si Sir kahit na paminsan minsan, ang balat namin ay nagdidikit at ang paa ko sa kapipiglas ay nasasagi sa paa nya.

Sa lapit namin sa isa’t-isa, nalalanghap ko ang amoy ng katawan nya at ang presko nyang hininga. At dahil sa patay ang ilaw, pilit kong inaaninag ang posisyon nya sa pagtulog. Nakatihaya lang, ang isang braso ay nakapatong sa ulo. Alam ko, gising pa sya at nagmamanman sa mga kilos ko, naghihintay kung ano ang susunod na mangyari. Sumisigaw ang isip na ipatong ang kamay ko sa dibdib nya o kaya’y hablutin ang katawan nya at yakapin ng mahigpit. Ngunit natakot din akong baka magalit sya o kaya’y mapahiya ako’t iwaksi ang kamay.

Maya-maya tumagilid na lang ako paharap sa kanya, nag-isip kung ano ang gagawin para mabiyak ang pakikiramdaman namin sa isa’t-isa.

”I-patong ko kaya ang hita ko sa hita nya? O... yung binti ko nalang sa binti nya, kunyari di ko sinasadya? Ah... bahala na. Bugbugin man nya ako, ok lang. Gagawin ko na talaga to” pag-udyok ng utak ko.

Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib habang ang utak ko naman ay nagbibilang, “Isa, dalawa, tatlo... Ummpptt!” Ang pagpigil ko sa sariling wag gagawa ng ingay. Unti-unti kong inangat ang paa ko at dahan-dahang ipinatong iyon sa mismong umbok ng harapan nya.

(Itutuloy)

-----------------------------

Idol Ko Si Sir (part 10)

Madilim ang kwarto, malakas ang kabog ng dibdib sa naghalong kaba at excitement. Dahan-dahang dumampi ang hita ko sa harapan nya. Nakiramdam ako. Hindi sya kumibo, hindi kumilos, hindi man lang tinapik iyon. Pinabayaan lang nya ito. Dama ko ang umbok ng pagkalalaki niya at lalong bumilis at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ilang sandali din ang lumipas at hindi pa rin sya kumilos. Natuyu ang lalamunan ko sa di maipapaliwanag ang naramdaman sa pag-antabay sa maaring sunod na mangyari. Napalunok ako ng sariling laway, tuliro ang utak, nag-isip kung galawin ang hitang nakapatong o idiin yun. Kinikilig, nakikiliti at nag-iinit ang aking katawan.

Lumakas ang loob ko sa pagbale-wala nya sa ginawa ko. Ipinatong ko na rin ang isang kamay sa dibdib nya at iniusog ang katawan, ang bibig ko ay halos madikit na sa tenga nya. Naaamoy ko ang shampoong ginamit nya sa pagligo nung gabing iyon. Nanatili syang walang kibo, hindi gumalaw.

“James... I love you.” Bulong ko.

Tahimik.

“Bakit ka nandito?” Sumagot sya ng pabulong din, seryoso ang tono. Nanatiling hindi sya gumalaw at painabayaan pa rin ang kamay at hita kong nakapatong sa kanya.

“Hindi ako mapakali kung hindi kita nakikita at nakakasama...”

“Bakit?”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong nanjan ka palagi sa piling ko.”

“Bakit?”

“Yan ang sinasabi ng puso ko, James... at ikaw ang tinitibok nito.”

“Bakit?”

“Ewan...”

“Paanu kung nagsisinungaling ang puso mo?”

“Hindi ako magsasayang ng oras at panahon sa pagpunta dito kung alam kung hindi totoo ang sinasabi ng puso ko...”

“Bakit mo ako minahal?”

“Dahil iyon ang nararamdaman ko. Ikaw lang ang taong nagpapatino sa akin. Ikaw lang ang alam kong taong iniidolo ko. Ikaw lang ang taong alam na alam ang buong pagkatao ko, ang buhay ko, ang taong nakakaintindi sa akin, ang nagbalik ng tiwala ko sa sarili, at ang nagturo sa akin kung paano tahakin ang buhay sa mabuting paraan. Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang ang nakapagtitibok at nakapaghihinto nito ng sabay. Pag hindi kita nakita, napakalungkot ng mundo ko, walang kahulugan ang buhay, walang kulay...”

Mejo napangiti ako nung tinanong nya. “Di ba corny?”

“Corny, yeah. And love should be, and OA, and --”

“Stupid.”

“Yeah” ang maagap kong sagot, at sabay naming binitiwan ang pigil na tawa habang nakapatong pa rin ang kamay at hita ko sa kanya.

“Salamat sa pagdepensa mo sa akin sa graduation. I hated you doing it...”

“Bakit”

“Dahil you’ve blown up the issue”

“Yeah, but it straightened the record, case closed.”

“And you’re punished.”

“Yeah. And I don’t care a bit. I don’t need those medals anyway. I need you...”

Tahimik ulit. “Bakit ako ang napili mong mahalin?”

“Hindi ako ang pumili sa iyo, James, puso ko, at di ko alam kung bakit. Yan din ang tinatanong ko.”

“Paano kung mali ang iniudyok ng puso mo?”

“Kung ganun, ayoko nang maging tama pa ito.”

“Nasa alaala ko pa, Carl ang nangyari sa atin... at ang kapahamakang nagawa nito. Gusto mo bang maulit uli yun?

Tahimik. Niyapos ko sya. Idiniin ko ang mukha ko sa ulo nya, ang mga labi ko ay idinampi sa tenga nya. Hindi pa rin sya kumibo. Hinayaan lang nyang magdikit ang mga katawan namin.

“I’m sorry James sa mga nagawa ko. Ngunit mahal kita at handa kong paninindigan ang nararamdaman ko para sa iyo. Iba iyong nangyari sa atin noon James, sinugatan mo ang puso ko at matindi ang galit ko sa iyo sa panahong iyon. At alam mo ding magulo ang buhay ko noon. Nagbago na ako, James... dahil sa iyo.”

“Paanu kung susugatan ko uli ang puso mo?”

“Kung liligaya ka sa gagawin mo, wala akong magawa. Malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisi na ako. Ngunit kung kailangan ko pang i-pakita sa iyo kung gaano kalalim ang pagsisisi ko, gagawin ko. Tatanggapin ko kung anu man ang parusang ipapataw mo.”

“Hanggang kailan mo ako pweding mahalin?”

“Walang hangganan.”

“Habang may buhay?”

“Oo”

“Ayaw mo ba magkaroon ng normal na pamumuhay, na may pamilya, asawa, at anak? Ayaw mo bang bigyan ng lubusang kaligayahan ang mommy mo na mabigyan sya ng apo? Ayaw mo bang magkaroon ng anak at ibigay sa kanya ang hindi mo naranasan simula nung ika’y bata pa?”

Hindi ako nakakibo. Sumiksik ulit sa isipan ang huling binitiwang salita ng mommy na gusto nyang magkaroon ng apo. Naalala ko rin ang mga sandaling nahahabag ako sa sarili kapag nakita ang ibang mga bata na may daddy na kalaro o kasama sa pamamasyal.

Nagpatuloy sya. “Kaya mo bang habang namamasyal tayo, titingnan tayo ng mga tao at pagkatapos ay magtitinginan silang may bahid-malisya? Kaya mo bang habang nagsasama tayo sa isang bahay, may mga dadaang tao at titingnan tayong ang turing ay parang mga taga-ibang planeta o hindi normal na mga tao?”

“Kakayanin ko, James.”

Tahimik.

“Anong gusto mong mangyari ngayon?”

“Sana, magsama tayo palagi, gaya ngayon...”

“Hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay?”

“Bakit... wala ka bang nararamdaman para sa akin?”

“Magkaiba ang dalawang bagay na yan, Carl; ang magmahal at ang mangarap”

“Bakit, ano ba ang pangarap mo?”

“Ang magkaroon ng pamilya, ng asawa’t anak... ng isang normal na buhay, ng mga supling na nagtatakbuhan at nagkukulitan, na inaalagaan, na binibigyang pansin at mag-aalaga sa aking pagtanda; ang magkaroon ng isang babaeng maging ina nila, na dadamay at katuwang sa buhay. Ikaw ba hindi sumiksik sa isipan ang ganun?”

Parang tinusok ang puso ko sa narinig. Dama ang namumuong luha sa mga mata ko. “Gusto ko rin, syempre. Pero, bata pa tayo, James. Twenty lang ako at ikaw, 25. Kailangan na ba nating magdesisyon sa mga bagay na yan ngayon?” ang sabi kong halatang nasaktan sa sinabi nya.

Hindi pa rin sya kumilos. “Oo, dahil kung gusto mong magtagumpay sa buhay, kailangang may direksyon ka, may plano.”

“Hindi mo ba ako mahal?”

“Bakit mo sisirain ang buhay ko at ko at ang buhay mo? Bakit mo sisirain ang pangarap ko?”

Tuluyan na akong naapektuhan sa diretsahang sinabi nya. Tinanggal ko ang kamay at hitang nakapatong sa kanya bilang pagpapahalata sa di nagustuhang tono ng kanyang pananalita. Tumihaya ako, inilagay ang isang braso sa ibabaw ng aking ulo. “Bakit? Bawal ba ang magmahal ng ganitong klase? Lahat ba ng taong nagmahal ng ganito ay nasisira ang mga buhay nila?” ang sabi kong halata sa tono na nasaktan.

“Hindi.”

“Yun naman pala eh. Bakit ganyan ka kung makapagtanong?”

“Dahil naniniwala ako na ang lahat ng klaseng pagmamahal ay dapat may focus, may target, may direksyon. Hindi lang basta nagmahal ka ngayon at bahala na kung ano ang mangyayari bukas. Naniniwala ako sa pagmamahal na hindi lang puso ang umiiral kung hindi, pati na ang isipan... Ganyan ba ang pagmamahal mo?”

“Hindi ko maintindihan.”

“Give yourself sometime away from me...”

“Bakit?”

“Kung mahal mo pa rin ako after a year kahit malayo ka sa akin, jan ko malalaman na ang pagmamahal mo ay di lang umiiral sa puso...”

“Ba’t di mo nalang sagutin ang tanong ko ngayon? Kung mahal mo rin ba ako.”

“Love is patient... love knows no bounds. Love goes to where it’s meant to be.”

“Mahal mo ba ako?” ang pangungulit ko.

“Do you believe in destiny?”

“What’s the relevance?”

Hindi na sya sumagot. At sumiksik sa isip na talagang hindi nya ako mahal at imposibleng mahalin pa. Iniisip ko na naghanap lang sya ng excuse upang lumayo ako, malimutan sya, at hindi na guguluhin o kukulitin pa. Tuluyan nang dumaloy ang luhang kanina lang ay namumuo sa mga mata. Hinayaan kong bumagsak ang mga ito sa unan, sa papag na hinihigaan.

Hindi na ako kumibo, hindi na kumilos upang hindi mapansin ang paghikbi at hinanakit sa mga sinasabi nya. Pilit kong isiniksik sa isipan na kaya kong labanan ang sakit na nararamdaman, at ang pag-reject nya sa nararamdaman ko. Pilit kong inamo ang sarili na ang lahat ng tagpo namin at mga alala sa kanya ay pawang panaginip at kathang-isip lang.

Tahimik.

Maya-maya, tumagilid sya paharap sa akin. Nagulat na lang ako nung dahan dahan nyang ipinatong ang isang hita nya sa harapan ko at ang isang kamay nya sa dibdib ko. Hindi na ako kumibo. Ini-usog nya ang katawan palapit sa akin, ang bibig ay nakadikit sa tenga ko. Binulungan nya ako, “Carl, I love you. I do... Pero sana naintindihan mo ang sinasabi kong panagarap.”

Niyakap nya ako, mahigpit. Pinunas ng kamay nya ang luha sa pisngi ko. Nghalong saya at pagkalito ang naramdaman sa narinig at sa una nya nang mga nasabi. Akala ko, hindi mo ako mahal. Akala ko – hmmmpp!

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin nung idinampi nya ang mga labi nya sa labi ko. Nagyakapan kami na animo‎’y wala nang bukas pang darating, nag-aalab ang pagnanasa sa isa’t-isa. Sa pagkakataong iyon, batid ko ang nilalaman at isinisigaw ng puso niya. Puno ng pagmamahal at pananabik. Para kaming mga batang puslit, walang mga saplot, walang pakialam sa mundo at uhaw na uhaw. At tuluyan nang nagdikit ang aming mga katawan, ang sabay na pagpintig ng aming mga puso, ang pag-iisa ng aming isip at damdamin. Para kaming lumulutang sa ulap. At nang marating na namin ang ruruk ng kaligayahan, di maipaliwanag na kasiyahan ang nadarama. Tinamasa namin ang sarap na iyon ng ilang ulit pa, sa buong magdamag...

Nung humupa na ang pag-aalab ng aming mga katawan. Bumulong sya. “Kung talagang para tayo sa isa’t-isa, layuan mo muna ako, isang taon, walang contact. Kung nandito pa ako sa pagbalik mo… maaring para nga tayo sa isa’t-isa. Ngunit kung sa pagbalik mo’y nakahanap na ako ng babaeng pakasalan, sana matanggap mo rin iyon, ang marating ang sariling pangarap. Ngunit kahit pa mangyari iyon, pangakong hindi kita buburahin sa puso ko.

Tahimik.
Nagpatuloy sya. “Ikaw, maipangako mo ba sa akin na babalik ka, at na kung mahanap ko man ang sariling pangarap, matatanggap mo?”

“Oo. Babalik ako, at ano man ang madadatnan ko sa pagbabalik, tatanggapin ko ito ng buong puso….”

“Salamat Carl. Salamat…” sabay dampi ng mga labi nya sa pisngi ko.

Kinabukasan, lumuwas ako patungo sa malaking syudad, sa bahay ng mom. Yun na ang huli naming pagkikita ni Sir James. Batay sa pinagkasunduan, isang taon ko syang layuan. Walang kasing sakit ang mawalay sa taong mahal. Ngunit tiniis ko ang lahat, maipamalas lang kung gaano kalalim ang pag-ibig ko sa kanya.

Anim na buwan ang nakaraan at wala kaming contact sa isa’t-isa, at di ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya, except sa sinabi ng secretary ng mom ko na syang nagmo-monitor sa charity project nila ni Sir James. Successful daw ang implementasyon nito at maganda ang feedback ng mga tao. Na-feature din sila sa iba’t ibang news programs at mga magazines maging sa labas ng bansa. At dahil na rin sa success na natamasa, nakahanap sila ng iba pang mga malalaking sponsors at donors na syang dahilan upang mag-expand at mag-open na rin ng formal school.

Anim na buwan pa ang hihintayin at babalikan ko na ulit ang lugar na iyon upang tutuparin ang isang pangako. Hindi ko alam kung ano ang maging mangyari; kung ganun pa rin ba sya, o may iba nang tinitibok ang puso.

Ngunit ang mahalaga, ay maipamalas ko sa kanya na ang pagmamahal ko ay hindi lang sa puso umiiral. Ano man ang madatnan sa pagbalik, tatanggapin ko ito ng buong tapang, ng buong pang-unawa kahit ito’y nangangahulugan ng katuparan ng pangarap nya sa buhay – ang magkaroon ng sariling pamilya, asawa’t mga supling.

Matatanggap ko ang lahat dahil naintindihan ko na ang ibig sabihin ng sinasabi nyang pangarap. At ito na rin ang pinapangarap ko para sa sarili...
(End of Book 1)

-----Wakas-----


BLOG: michaelsshadesofblue.blogspot.com

No comments:

Post a Comment