Sunday, December 16, 2012

Aftermath (05)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com


'Pizza! Pizza! Pizza!', ang pang-aasar nina Angela at Chuck habang idini-distribute ng secretary ng department ang kanilang mga paycheck.

Ito ang unang buwan na sweldo nina Sean at Pat sa trabaho. Kaya naman ganon na lang kung mang-asar ang dalawang boss. Abot-tenga naman ang ngiti ng dalawa habang binubuksan ang kanilang mga paycheck. Lalong nanlaki ang mata ni Pat nang makita niyang sobra sa kanyang ine-expect ang nakasulat sa papel na iyon.

'Pat, okay ba?', ang tanong ni Sean patungkol sa kanilang sahod.

'Yup! Ano, papa-pizza ba tayo?', ang pabulong na sabi ni Pat.

'Sure. Ikaw na o-order?', ang tanong ni Sean.

'Sige.', ang sabi ni Pat bago iangat ang phone.

0*0*0*0

Nagising si Ken sa sunud-sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Mabagal itong bumangon.

'Yeah?', ang pupungas-pungas na tanong niya.

'Aba, Kenneth! Tanghaling tapat na. Kumilos-kilos ka naman dyan! Bumaba ka na at kakain na tayo!', ang pagalit sa kanya ng kanyang ina.

'Hmm.Mmm.', ang sagot ni Ken bago isarang muli ang pinto at humiga pabalik sa kama.

Pumikit siyang muli ngunit hindi na nakabalik sa tulog. Hinanap niya ang kanyang phone. May nagtext sa kanya.

Pat: Ken!! Got my first pay today. Sunduin mo ako? Mwah.

Bumangon na si Ken at naghilamos. Bumaba na rin siya upang sabayan ang mga magulang sa pagkain.

0*0*0*0

'Pat, nandyan na 'yung in-order mong pizza.', ang sabi ng sekretarya sa kanya saktong alas-dose ng tanghali.

'Yay! Thanks po. Sabay na po kayo sa amin ha?', ang aya ni Pat.

'Sige. Salamat!', ang sagot ng magalang na sekretarya bago bumalik sa kanyang table.

Agad namang tumayo si Pat upang pumunta sa lobby upang kuhanin ang in-order na pizza. Nagpaalam ito muna kay Sean at sinabing mamaya na lang niya ibigay ang kanyang share. Hindi nila pinahalata kina Chuck, Angela at sa iba pang officemates na meron silang treat ni Sean. Pagbalik niya ay sakto namang palabas na sina Chuck upang kumain. Laking gulat ng mga ito nang makita si Pat na may dalang 4 na box ng pizza. Malamang sobra ito sa kanila pero mas okay na iyon kesa magkulang.

'Wow!! Mabait 'tong mga bata mo, Charlie!', ang sabi ni Angela.

'Whoa. Dami yata niyan, Pat. Binibiro lang namin kayo kanina.', ang sabi ni Chuck.

'Nako, Sir. Okay lang po. Ngayon lang naman po ito.', ang sabi ni Pat.

Nagtawanan ang lahat sa pagka-prangka ni Pat. Inilagay na niya sa conference room ang pizza at isa-isang nagdatingan ang mga officemates nila. Magkatabi sila ni Sean na namimigay ng mga plates at fork and knife.

'Sean, nalimutan ko palang um-order ng soda.', ang bulong ni Pat.

'What? O sige, bibili na lang ako sa baba.', ang sabi ni Sean.

Tinungo nito ang daan palabas ng conference room ngunit pinigilan siya ni Chuck.

'O saan ka pupunta, Sean?', ang tanong ni Chuck.

'Sir, bibili lang po ng inumin. Nalimutan po ni Pat um-order.', ang sabi ni Sean.

'Wag na. Papabili na lang tayo kay kuyang janitor. Ako na tatawag.', ang sabi ni Chuck.

'Sige po, Sir.', ang sabi ni Sean.

Ngayon lang nakita ni Pat na sama-sama silang magkaka-opisina na mag-lunch. Nakita niya ngayon ang ugali nila habang hindi nagtatrabaho. Napaka-kalog naman pala at hagalpakan ang lahat sa tawa habang nag-aasaran. Pumasok na muli si Chuck sa kwarto.

'Haaaay! Nakaka-miss si Rico!', ang sabi ng isa nilang kasamahan.

Agad siyang tinabig ni Angela sa pagkakabanggit sa pangalan. Natahimik ang lahat ng ilang segundo. Nailang naman sina Pat at Sean kaya't nagkatinginan sila.

'Ay nahulog na kambing!', ang sabi ni Angela nang mabilis na tumulo sa mesa ang hot sauce na inilalagay niya sa slice ng pizza.

Natawa naman agad si Pat sa naging reaksyon ni Angela. Ang lahat ay sumunod na sa pagtawa at balik na naman ang saya.

0*0*0*0

'Hmm. Bango.', ang pambobola ni Ken sa luto ng ina.

'Umupo ka na diyan at saluhin mo na kami ng Daddy.', ang sabi ng ina niya habang naglalagay ng ulam sa plato.

Agad namang umupo si Ken sa gilid ng ama.

'O, Dad. Wala kang pasok?', ang tanong ni Ken.

'I'm on leave. Aalis kami ng Mommy mo.', ang sabi ng ama.

'Wow, honeymoon?', ang pang-aasar ng anak.

'Shut up. Anyways, how's job hunting?', ang tanong ng ama.

'Dad, everyday na lang, iyan ang tanong mo sa akin? I'm getting sick of it!', ang naiinis na sabi ni Ken.

'E kung naghahanap ka na kasi ng trabaho, edi hindi na kita tatanungin. I'm just worried about you, son.', ang sabi ng ama.

'Don't be. And don't rush me.', ang sabi ni Ken.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik na lang si Ken dahil nasira ang kanyang mood dahil sa sinabi ng ama. Matapos kumain ay lumapit si Ken sa ina upang humingi ng allowance.

'My, pahiram muna ng 500.', ang sabi ni Ken.

'O, saan ka pupunta?', ang tanong ng ina.

'Magkikita lang po kami ni Pat.', ang sabi ni Ken.

Agad naman itong nagbigay ng 500 sa kanya. Ngunit pinangaralan din siya ng ina.

'Hindi pang-habangbuhay ay susustentuhan ka namin ng Daddy mo. Ken, malaki ka na. Graduate ka na.', ang sabi ng ina.

'I know. Ingat kayo.', ang sabi ni Ken bago umakyat pabalik sa kwarto.

0*0*0*0

'May sundo ka?', ang tanong ni Sean habang naglalakad sila papuntang elevator.

'Meron. Bakit?', ang sagot ni Pat.

'Wala naman. Uy, hindi ko pa pala nabibigay sa'yo yung share ko. Ok lang, hintayin mo ako, withdraw lang ako?', ang sabi ni Sean.

'O sige.', ang pagpayag naman ni Pat.

Mga limang minuto lang naman ang hinintay niya at bumalik na agad si Sean. Sumakay na sila ng elevator pababa.

'Wait!', ang sigaw ng isang empleyado na hinahabol ang elevator bago ito magsara.

Agad namang inilabas ni Sean ang kamay upang pigilan ang pagsasara ng pinto.

'Thanks!', ang hingal na sabi ng lalaki ng makapasok ito sa loob.

Isang tango lang ang isinagot ni Sean. Ewan pero ang awkward ng feeling habang pababa kami. Tatlo lang sila pero iba ang pakiramdam sa loob ng elevator.

Unang lumabas si Pat kasunod si Sean. Agad naman siyang nagpaalam dahil sa kabilang side ng building naghihintay si Ken.

Habang papalapit si Pat sa exit ay naaaninag na niya ang sasakyan ni Ken na naghihintay sa driveway. Agad siyang sumakay dito at humalik sa pisngi ni Ken.

'May dala akong pizza. Natira kanina. Ang dami naming binili ni Sean e. Nag-treat kami sa office.', ang sabi ni Pat.

'Okay. Hmm. Saan tayo pupunta?', ang tanong ni Ken.

'Ikaw bahala. Gusto mo bang mag-movie? Treat ko.', ang sabi ni Pat.

'Okay lang. Greenbelt na lang?', ang sabi ni Ken.

'O sige.', ang sagot ni Pat.

Nag-drive na si Ken papuntang Greenbelt. Bumili na siya ng dalawang tickets, popcorn at softdrinks. Buti na lang at 15 minutes na lang bago magsimula ang movie kaya naman ay nakapasok na agad sila sa movie house. Bukas pa ang mga ilaw at hindi naman karamihan ang tao sa loob. Umupo sila sa bandang gitna para maganda ang view.

0*0*0*0

'Kanina ka pa tahimik.', ang sabi ni Angela kay Chuck.

Nag-OT sila dahil sa tambak na trabaho. Paalis na si Angela at pinilit na niyang sumabay sa kanya si Chuck.

'Huh? E ang dami kong ginagawa e.', ang sabi ni Chuck.

'Alam ko. Pero kanina ka pa tahimik.', ang sabi ni Angela.

'No, Anj. Kung ano man 'yang gusto mong i-open na topic, wag na. Please.', ang sabi ni Chuck.

'Hindi naman sinasadya ni Mau kanina. Closest friend niya yun.', ang hindi pakikinig ni Angela.

'O? Wala naman akong sinabing sinadya niya ah. It's okay.', ang sabi ni Chuck.

Tiningnan lang ni Angela si Chuck hanggang sa mailang ang huli. Hindi siya matapos sa pag-aayos ng gamit.

'What?', ang naiinis na tanong ni Chuck.

'I've known you for the longest time. Don't dare to play dumb on me!', ang sabi ni Angela.

Nag-walk out ito at naiwang mag-isa si Chuck. Umupo muna ulit siya sa swivel chair habang tinitingnan si Angela palabas ng office.

0*0*0*0

'Ang lamig.', ang sabi ni Pat.

'Huh?', ang tanong ni Ken dahil hindi niya naintidihan ang sinabi ni Pat.

Sobrang focused si Ken sa panonood habang si Pat naman ay hindi masyado dahil nilalamig siya kahit na naka-long sleeves ito.

'Nilalamig ako.', ang pag-uulit ni Pat.

Umalis si Ken sa pagkakasandal at hinubad ang jacket na suot. Naka-shirt na lang ito nang ipinatong kay Pat ang jacket.

'O, suotin mo 'to.', ang sabi ni Ken.

'E paano ka? Naka-shirt ka lang.', ang pag-aalala ni Pat.

'Okay lang ako. Hug mo na lang ako.', ang paglalambing ni Ken.

Isinuot na ni Pat ang jacket ni Ken bago nito ipulupot ang kamay sa katawan ni Ken. Ihinilig ni Pat ang kanyang ulo sa balikat ni Ken.

'Hmmm.', ang sabi ni Ken.

Umakbay siya kay Pat at masuyong hinalikan ito sa noo. Ganon ang kanilang posisyon hanggang sa matapos ang pinapanood na pelikula.

0*0*0*0

Naiwang mag-isa si Chuck sa kanyang office gawa ng pagwo-walk out ni Angela. Malalim ang kanyang iniisip. Sa sobrang lalim, hindi na niya alam kung ano ang kanyang iniisip. Binuksan niya ang pinakababang drawer sa gilid ng kanyang table at inilabas ang isang makapal na libro. Wala itong design. Itim lang ang cover nito. Dahan-dahan niya itong binuksan. Hindi niya maiwasan ang mangiti habang binabalikan niya ang nakaraan. Ngunit nararamdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya pinigilan ang sarili at malayang pinatulo ang mga luha habang pinagmamasdan ang nakaraan.

0*0*0*0

Masaya sina Pat at Ken na lumabas ng sinehan. Suot pa rin ni Pat ang jacket ni Ken.

'Nagugutom ka ba?', ang tanong ni Pat.

'Hindi naman.', ang sagot ni Ken.

'Tara, kain tayo. Kahit saan mo gusto.', ang yaya ni Pat.

'Pat, wag kang masyadong magastos. Baka maubusan ka agad niyan.', ang sabi ni Ken.

'Ngayon lang naman. Tara na.', ang pagpupumilit ni Pat.

'Yung pizza na lang sa sasakyan kainin natin. Bili na lang tayo ng drinks.', ang sabi ni Ken.

'Hmm. Pwede din. Sige sige.', ang pagpayag ni Pat.

Dumaan sila sa isang convenience store bago magtungo sa sasakyan.

'Wait lang, ang init na.', ang reklamo ni Pat.

Hinubad na niya ang jacket at ibinalik na kay Ken. Naglakad na sila patungo sa parking lot. Biglang hinawakan ni Ken ang kamay ni Pat nang wala nang ibang tao. Napatigil naman sa paglalakad si Pat sa ginawa ni Ken.

'Ayaw mo? Sorry.', ang sabi ni Ken.

'Nagulat lang ako.', ang sabi ni Pat.

Pinisil niya ang kamay ni Ken, senyales na gusto rin niya. Umabot na sila sa sasakyan ni Ken. Bumibitaw na si Ken upang makasakay na pero hindi siya binitawan ni Pat. Lalong hinigpitan ni Pat ang pagkakahawak kay Ken at bigla niya itong hinila palapit sa kanya. Bingyan niya ito ng masuyong halik sa labi.

'I think I'm ready now.', ang sabi ni Pat.

Napanganga naman si Ken sa sinabi ni Pat.

'Ayaw mo? Sorry.', ang sabi ni Pat.

'Nagulat lang ako.', ang sabi ni Ken.

No comments:

Post a Comment