Sunday, December 16, 2012

Anong Pakiramadam ng Walang Maramdaman (06)

by: Lui
rantstoriesetc.wordpress.com

Nagising ako nang maramdaman ko ang bigat na nakapatong sa akin. Puro hingal ang naririnig ng aking mga tainga. Kakaibang hapdi na naman ang bumabalot sa aking puwet. Iminulat ko ang aking mga mata pero wala akong  makita. Sinubukan kong galawin ang aking mga kamay at paa pero parehas itong nakagapos. Sumigaw ako pero nakatali rin ang aking bibig. Paano ako napunta rito? Nanaginip ba ako?



Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga sa literal na pagkirot ng aking katawan. Mainit ang aking pakiramdam na para bang sasabog na ako anytime. Basa na ang aking piring dahil sa aking pag-iyak. Halos mapigtas na ang aking ugat sa leeg sa aking pagsigaw. Masyadong masakit ang aking nararamdaman para maging isang panaginip ito.
Pamilyar na ungol ang aking narinig. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan bago niya hugutin ang nakapasak sa aking butas. Naramdaman ko ang pagsirit ng kanyang likido roon. Mabilis niya akong inihiga ng patihaya at hinawakan ng mahigpit ang aking panga. Lalong lumakas ang kanyang mga ungol habang nababasa ang aking mukha. May ilang mga talsik ang tumama sa aking labi at halos masuka ako nang malasahan ko iyon.
Ilang minuto akong nakahiga. Wala akong maramdaman. Alam kong dapat sumakit ang aking hita na tumama sa sasakyan. Akala ko ay magiging okay na ako. Wala akong saplot. Malakas at malamig ang buga ng hangin mula sa aircon pero hindi ko iyon maramdaman. Parang ang kapal ng balat ko. Nang marinig ko ang mga papalapit niyang yabag, kinabahan ako at naramdaman ko na naman ang pagkabasa ng aking mga mata. Mahigpit niyang hinatak ang aking buhok hanggang sa mahulog ako sa kama.
“Didn’t I tell you that you’re gonna regret leaving work? Tell anyone and Xavier will be dead. Naiintindihan mo?” ang sabi niya.
Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ni Xavier. Paano niya nalaman? Mas matatanggap ko pang patayin na lang niya ako kaysa sa paulit-ulit niya akong babuyin ng ganito pero nahanap ni Boss John ang kahinaan ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay at kung nasaan ako. Nang makatayo ako ay hirap akong maglakad dahil magkadikit ang aking mga paa. Isa pa, nagpupumiglas ako sa kagustuhang makatakas. O di kaya ay masaktan lang siya ng bahagya. Pero ako ang nakatanggap ng mas marami pang pananakit. Tadyak sa aking tagiliran at sapak sa aking mukha. Isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo. Nawalan ulit ako ng malay.
Nagmulat ako ng mga mata nang maramdaman ko ang masusuyong haplos sa aking kamay. Amoy gamot ang paligid at parang lumulutang ang utak ko. Hindi na ako nakapiring. Nasilaw ako sa ilaw sa kisame ng silid. Puti ang lahat ng nakapaligid sa akin. May isang nakabukas na TV sa aking gawing kanan pero hindi ko marinig ang tunog nito.
Ibinaling ko ang atensyon sa kamay na nakadaop sa aking nanghihinang kamay. Malaki at maugat ang mga iyon. Naalala ko ang mga kamay ni Boss John na umipit sa aking mga panga. Bago ko pa makita ang mukha na nagmamay-ari ng kamay na iyon ay naihablot ko na palayo ang sariling kamay at takot na takot na lumayo sa kanya.
Nakilala kong si Xavier siya. Pero hindi mawala ang takot ko. Para bang si Boss John pa rin ang aking nakikita. Hindi ko alam kung dahil siya ang laman ng isip ko o talagang magkamukha sila. Ang mga mata nila ay halos parehas. Ang tanging pinagkaiba lang ay ang paraan ng pagtingin nito sa akin. Ang kay Boss John ay puno ng pagkahumaling, habang ang kay Xavier naman ay puno ng pag-aalala, ng pagmamahal.
“Huwag kang lumapit sa akin!!!” ang sigaw ko sa kanya.
Aligaga si Xavier kaya’t mabilis siyang tumakbo sa pinto at tumawag ng doctor. Agad namang may dumating na nurse at pinakalma ako. Naging komportable ako nang mapansin kong babae ang nurse na humahawak sa akin. Muli akong bumalik sa pagkakahiga. Ang daming naglalaro sa aking isip, hindi ko magawang makapag-focus sa kahit isa sa kanila.
Humahangos na pumasok si Seb sa aking kwarto. Nakatingin lang ako sa kanya nang walang emosyon. Inilapat niya sa aking dibdib ang kanyang stethoscope. Matapos ang ilang sandali ay bumaling siya kay Xavier na nakatayo, halatang nagpipigil ng iyak, sa kanyang likod.
“Xav, give us a minute?” Mabilis namang sumunod si Xavier. Lumabas siya at isinara ang pinto sa kanyang likod. Kinabahan ako bigla, pero hindi tulad ng kaba na naramdaman ko kapag nandyan si Xavier. Ano ang alam ni Seb? Base sa mga tingin niya sa akin ay may mabigat siyang sasabihin.
“Lucas, anong nangyari?” ang mahinahon niyang tanong sa akin.
“Hindi ko alam. Ang huli ko lang na natandaan e nasagasaan ako. Hindi naman iyon kalakasan pero natumba ako sa daan.” ang pagbabalik-tanaw ko.
“Tapos?”
“Tapos…” Naalala ko ang sakit ng pagkakagapos ko. Ang piring sa aking mga mata. Ang tali sa aking bibig at ang hapdi ng buo kong katawan. Pero hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya. Naalala ko ang boses ni Boss John sa aking tainga nang banggitin niya ang pangalan ni Xavier. Hindi ko kayang i-risk na may ibang makaalam.
“Iyon lang ang natatandaan ko.” ang pagsisinungaling ko.
“Come on, Lucas. You can trust me.” ang pasimple niyang pagpilit sa akin.
“Seb, iyon lang talaga.”
“Alam mo bang malapit sa squatters area dito ka nakita? Wala kang malay. Hubo’t hubad at nakatali ang kamay at paa. Akala ng mga nakakita sa’yo ay na-salvage ka. Hindi ko iyon sinabi kay Xavier. Kaya, Lucas. Tell me what happened. Hindi mangyayari sa iyo iyon kung nasagasaan ka. Don’t lie to me.”
“I’m not lying… Totoong nasagasaan ako. Pero… Seb, no. Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo.” ang pagdadalawang-isip ko dahil sa takot.
Alam ko ang kakayahan ni Boss John nang sabihin niyang papatayin niya si Xavier. Kung ako nga, nagawa niyang lapastanganin, anong pinagkaiba noon sa pagpatay ng tao? Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Lumapit sa akin si Seb at niyakap ako. Ilang minuto niya akong hinayaang umiyak at panay lang ang hagod niya sa aking likod. Hindi ako natatakot kay Seb. Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa kanya.
“Lucas, you can tell me. I’m your doctor. I deserve to know lalo na’t may halong semen ang blood samples na nakuha from your behind.” ang mahinahon niyang turan.
“No. Baka nagkamali ka lang.”
“Nagtaka rin ako, Lucas. Ilang ulit kong tiningnan ang samples. Nandoon talaga. Ayokong paniwalaan ang unang pumasok sa isip ko pero… Lucas, were you raped?”
Para akong binagsakan ng malalaking tipak ng yelo. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at huminga ng malalim. Hinanap ng aking kamay ang kanyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Sa ginawa kong iyon, naintindihan ni Seb na “Oo” ang sagot ko sa kanyang tanong. Ayokong aminin sa aking sarili na biktima ako ng isang karahasang tulad ng ganito.
“You can’t let Xavier know. No, you can’t let anybody know.” ang pagsisimula ko sa pag-iyak.
“Lucas…” ang pagtutol niya.
“You’re my doctor! I’m your patient. There’s confidentiality in here!!!”
“I understand. Pero, Lucas, kailangan mo ‘tong i-report sa pulis.” ang sabi niya habang hawak pa rin ang aking kamay.
“Seryoso ka ba, Seb? Anong gusto mong mangyari? Pagtawanan nila ako? Na sa laki kong ‘to, naabuso ako ng kapwa ko lalaki? Maniniwala ba sila kapag may nag-report sa kanilang isang bakla na ginahasa?!”
“May ebidensya tayo.” ang depensa ni Seb.
“That won’t be enough. Hindi nila seseryosohin kung mag-report man ako. Tsaka… Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko, ng mga kapatid ko?”
“Hindi pa rin nila alam ang tungkol sa inyo ni Xavier?” Umiling ako. Ilang beses ko nang sinubukang umamin sa kanila pero hindi yata talaga kami magkaibigan ng pagkakataon. Nang bumukod ako sa kanila para magsama kami ni Xavier, sinabi ko lang na gusto kong makahanap ng lugar na mas malapit sa aking pinagtatrabahuhan. Nag-asawa na ang kuya ko at sa bahay na kinalakihan ko sila tumira. Simula noon, ang mga magulang ko ay sa probinsya na nanirahan para mas payapa raw.
“At least, go to counseling. I’ll make it as private as possible. Lucas, this is serious.”
“I know. Pag-iisipan ko, Seb. Pero, please. Huwag mong sabihin kay Xavier. Please.” Tumango siya bago niya ako iwan mag-isa sa kwarto. Wala pang isang minuto ay nakabalik na si Xavier sa aking tabi. Pasimple kong inilayo ang aking katawan sa kanya.
“Kailangan mo pa raw mag-stay dito for a few more days sabi ni Seb.” ang bati niya sa akin.
“Great.” ang sarkastiko kong sagot.
Hindi ko siya pinapansin. Lumipas ang mga oras at nakaramdam ako ng antok. Hindi ko alam kung anong oras na. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong sobrang lamig na sa aking kwarto. Nakita ko si Xavier na nakahiga sa sofa malapit sa bintana. Mahimbing ang kanyang tulog pero bakas sa mukha ang labis na pagod. Nakapatong sa mesa ang laptop at ilang papeles. Dinala na niya sa hospital ang kanyang trabaho.
“Xav…” ang paggising ko sa kanya mula sa aking kama.
Narinig ko ang paghilik niya kaya naman binato ko sa kanya ang unang bagay na aking nahawakan. Gulat na gulat siya nang tumama sa kanyang mukha ang plastic na baso. May kaunti pa itong laman kaya naman nabasa siya. Medyo natawa ako sa reaksyon niya na para bang nalunod siya.
“Sorry. Hindi ka kasi magising eh.” ang sabi ko.
“Babe, may kailangan ka ba?” ang tanong niya.
“Pakihinaan naman nung aircon. Nilalamig ako.” ang utos ko.
“Gusto mo tabihan na lang kita?” ang paglalambing niya.
“Nope.” ang direkta kong sagot.
Kinuha ni Xavier ang remote sa tabi ng pinto at hininaan ang aircon. Humarap siya sa akin. Magulo ang kanyang buhok, bakat sa kanyang pisngi ang linya ng sofa at gusot ang suot na damit. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko magawang hayaan siya na lumapit sa akin. Hindi ko kaya. Natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin sa akin.
“Can I at least hold your hand para makatulog ka ulit?” ang patuloy niyang paglalambing.
“Umuwi ka na para makapagpahinga ka ng maayos. Okay naman ako dito. May mga nurses naman sa labas.” ang sabi ko.
“Ayoko. Dito lang ako. Ayokong mawala ka ulit sa paningin ko. Dahil sa pagmamatigas ko, dalawang beses ka nang nagkaganyan. Babe, sorry.”
“Huwag mong sisihin ang sarili mo. It’s not your fault, okay?” Gustuhin ko mang magalit sa kanya dahil hindi niya ako sinundo nang ikalawang beses akong binaboy ni Boss John pero hindi ko magawa. Nagbago ang nararamdaman ko nang malaman kong alam ni Boss John ang relasyon namin ni Xavier.
Hindi na siya nagpaalam pa at hinawakan na niya ang aking kamay. Marahan niyang ikiniskis ang kanyang malambot na pisngi doon at makipot na ngumiti. Tinitigan ko siya. Siya pa rin naman ang taong mahal ko, siya pa rin ang taong pinaglaban ko. Pero ako pa ba ang taong mahal niya, ang taong pinili niya kapag nalaman niya ang nangyari sa akin?
“Sorry kung pinili kong kay Seb magpatingin. Honestly, I did that just to piss you off. Ang kulit mo kasi.” ang pagpapakumbaba ko.
“Shhh. Okay lang iyon. Ang mahalaga ay inalagaan ka niya. Tsaka, Lucas, kung ano man ang namagitan sa amin noon, tapos na iyon. That’s part of history. Ang importante e ‘yung ngayon. Your hands are the one I’m holding.” Inilapat niya sa kanyang dibdib ang aking kamay. Nilabanan ko ang kagustuhan kong bumitaw. Kinagat ko ang aking labi at ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kalmadong pagtibok ng kanyang puso.
“Hey, look at me.” ang utos niya.
Marahan kong binuksan ang aking mga mata. Paulit-ulit kong binabanggit ang kanyang pangalan sa aking isip para paalalahanan ang aking sarili na siya ang aking kasama at hindi si Boss John. Nangungusap ang kanyang mga mata. Malakas ang pintig ng kanyang puso.
“Ikaw ang dahilan kung bakit tumitibok ‘to.” ang kanyang sinabi.

No comments:

Post a Comment