Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (Finale): Book 2

by: White_Pal

EPILOGUE: "Like I Am"

Bumukas ang pinto, nakita kong linuwa siya nito. Ang glamorosa, sikat, tinitingala at pinagnanasaan ng mga kalalakihan, ngayon ay nasa aking harapan. Tulala, putol ang dalawang binti, walang kabuhay-buhay.

Sinenyasan ko ang nurse na nasa kanyang likuran na iwan muna kaming dalawa. Pagkaalis ng nurse ay tiningnan ko siya. She totally lost her sanity.

"Kamusta ka na?"


Tulala, hindi siya nagsasalita.

"Alam mo hindi naman dapat humantong sa ganito eh. Yes, your heart is broken and vengeance is what you choose. Ganoon din naman ang ginawa ko noon Steph, pero hindi ko hinayaang kainin ng galit ang buo kong pagkatao." Parang wala akong kausap, I looked at her. Tanging awa ang aking naramdaman. Gusto ko siyang tulungan ngunit wala akong magawa para sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang napakahigpit na yakap.

"Kung iniisip mong wala ka ng pamilya, nagkakamali ka. We're here for you. Ako, si Ella, at ang iba pa. Umaasa kaming darating ang araw na gagaling ka at makakasama ka namin." Tears fell down from my eyes. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa kanya, walang pagkukunwari. Besides, it's been five long years. Dapat nang kalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan namin. Kalimutan ang galit, ang paghihiganti, ang lahat-lahat.

Kumalas ako mula sa mahigpit na yakap. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Her face was expressionless. Tinawag ko ang nurse upang ibalik na siya sa loob.

"See you soon Steph." Sabay bigay ng isang ngiti at tumalikod.

Naglakad ako papasok ng mausoleum. Rinig kong ume-echo ang takong ng aking sapatos sa buong lugar. Ramdam ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha at braso na nagmumula sa stained glass. Marahan kong inayos ang kwelyo ng aking white polo na may shades of black sa collar nito. Patuloy akong naglakad sa mahabang pasilyo. Pansin ko ang pagtama ng sinag ng araw sa sahig nitong gawa sa marble. Nakita ko ang tatlong puntod. I stood in front of it.

"Kamusta na kayo? Kuya Erick... Ely..." Rinig ko ang pag-echo ng boses ko sa buong lugar. I sighed

"Eto na ako ngayon. After five years I've finally found myself. Ako na ito ulit. Ako na ulit si Gab, ang kapatid niyo." Sabay bigay ng isang ngiti.

Out of nowhere I gave a deep sigh. I felt a sudden pang of loneliness in my heart. It's like a little part of me is still missing. Yes I'm happy, but there's this missing piece that I can't find to complete the puzzle of myself, my own mirror. A gush of tears clouded my eyes.

"I'm happy... But a part of me is still missing Kuya Erick... Ate Ely..." Tears fell down from my eyes.

There's a moment of silence. After few seconds, a face of someone appeared on my mind. I started to whimper, after few seconds that whimper became a loud sound of wailing that echoed through the whole place. My chest got heavy as if someone is pushing and crumbling it. The agony that jailed in my heart for five years has now exploded. Hinahanap-hanap ko ang pagmamahal niya sa bawat pagdaan ng araw, bawat gabi'y umiiyak ako sa aking higaan. I felt an incomparable emptiness of his love for every second of my life. I miss the person that I love, the only person that I love wholeheartedly, the person who loved me of who I am.

"Kuya Erick... Ate Ely...Favor naman oh. Paki-sabi niyo naman kay Papa God... Sana maging masaya na ako. Sana magkaroon na ako ng contentment. Sana makumpleto na ako." Sinubukan kong kumalma, ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib. Kinuha ko ang kulay blue na panyo mula sa aking bulsa, I wiped my tears. Inayos ko ang nalukot kong white polo. Muli akong humarap sa kailang puntod, I gave a smile. Kailangan ko maging matatag.

"So paano? Una na ako ha. I miss you... Both of you." Tumalikod ako at dumiretso palabas ng mausoleum.

I looked at him. Nakatingin siya sa bintana, pinagmamasdan niya ang mga gusali, tao, puno, at kung anu-ano pa mang mga dinaanan namin. I sighed. Patuloy ko siyang tinitigan na para bang kinakabisado ko ang bawat parte ng kanyang mukha. Ma-mimiss ko siya ng sobra.

"Baka malusaw naman ako niyan." Biro niya at pagkatapos ay tumingin sa akin. I saw loneliness in his eyes.

"Hindi ka malulusaw, mananatili ka sa mga mata't isip ko." Sabay kindat. Pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. I laughed.

"Kinikilig ka na naman." Dagdag ko habang natatawa.

"Ganyan ka naman eh, bumabanat ka, tapos nahuhulog ako, then after that hindi mo naman ako sinasalo." Sabay sad face na nag-papaawa. Ganito talaga kami mag-biruan ni Ace. It's been five years pero wala pa ring nagbabago sa amin. Nagbigay ako ng isang malalim na hinga.

"I'm gonna miss you Gab."

"Ma-mimiss din kita Ace..."

Tahimik. Ilang sandali pa'y binasag ni Ace ang katahimikan.

"Kamusta ang pakikipag-usap mo sa dalawang mumu?" Tukoy niya kay Ely at Kuya Erick.

"Mumu ka dyan, sige ka dalawin ka ng mga yun." Sabay ngiti. We giggled.

"Eto puro biro eh, ano nga?" Tono niyang nakukulitan na sa akin.

"Ayun, I told them everything. Kinamusta ko rin sila at sinabi ko rin ang kalagayan ko ngayon."

"Ano ba ang kalagayan ni Gabriel Alvarez Montenegro ngayon?" Seryoso siyang nakatingin sa aking mga mata.

"I'm happy."

"Ako pa ba ang lolokohin mo?" Sabay taas ng kanyang kilay.

"I've already told you Ace, I'm happy." Pagpilit ko.

"No you're not."

"Aba't bakit mas marunong ka pa sa akin ha?" Naiirita kong sabi.

"Kilala kita Gab. Isa pa, ikaw kaya ang pinaka-transparent na taong nakilala ko. Another thing is... I saw the truth. In your eyes. kahit kailan hindi marunong magsinungaling ang mga mata mo Gab.

"Anong meron sa mga mata ko? May muta ba?" Biro ko ulit. Imbis na sakyan niya ang kalokohan ko, he answered in a dark and serious tone.

"I saw loneliness, longing for someone you love."

Napayuko ako. I sighed. Tahimik. Tanging buga ng aircon ang aming naririnig. Ramdam ko ang dampi ng malamig na hangin sa aking kamay at mukha.

There's a silence. Ilang sandali pa'y binasag ko ang katahimikan at nag-bring up ng ibang topic.

"Ace... Hindi mo naman kailangang umalis."

"Gab, napag-usapan na natin ito. I want to find myself. Sa loob ng siyam na taon, ikaw ang minahal ko, sa iyo umikot ang buhay ko." He said while staring at me. I saw sincerity and passion in his eyes. His soft whispering voice gave chills to my spine as if his words are double edged sword that thrusts deep in my soul. So true, so sincere, pure of love.

"Pero..." Hindi ko natapos dahil nag-cut in siya.

"At bakit mo sa akin binabaling ang topic huh? Nasa iyo ang topic at kay Jared." Biglang paglakas ng kanyang boses.

"Stop it Ace."

"Why don't you go to him? Bakit hindi mo siya puntahan sa..." Hindi ko pinatapos ang kanyang sinasabi gawa ng ayaw kong malaman kung nasaan si Jared.

"Ace, nangako ako sa nasa itaas. Lalayuan ko siya kapalit ang bagong buhay para sa kanya. At kung magkikita man kami at mahal pa rin namin ang isa't-isa, doon ko masasabing para talaga kami sa isa't-isa. Pero Ace, kung hindi na niya ako mahal o hindi na kami magkita pang muli, ibig sabihin lang noon ay hindi talaga kami ang nakatadhana." Mahabang paliwanag ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Napailing siya, alam kong hindi siya pabor dito. Pero anong magagawa ko? Nangako ako at tutuparin ko iyon.

Ilang sandali pa'y bumaba na kami ng sasakyan, binaba rin niya ang kanyang maleta. Hinatid ko siya sa entrance ng airport. Bago pa man ako makapag-salita'y kinulong niya ako sa kanyang bisig. Napakahigpit ng kanyang yakap. I did the same. I closed my eyes, pinakiramdaman ko ang kanyang bisig at katawan sa akin, it was warm, full of passion. Mahal na mahal talaga ako ng taong ito. I will miss him so much.

"I won't say goodbye Gab. Kasi babalik naman ako eh."

"Dapat lang nuh."

We giggled.

"I will miss you Ace... Sobra."

"I will miss you too Gab."

Kumalas kami sa aming pagyayakapan. He gave me a smile, nakita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Nasa ganoon kaming pagtititigan ng biglang tumunog ang alarm sa kanyang cellphone, senyales na dapat ay nasa loob na siya ng airport.

"Tinatawag ka na."

He smiled.

"So... See you... See you soon." Muli siyang ngumiti at tumalikod na ito habang hatak-hatak ang kanyang maleta. Alam ko sa pagkakataong ito'y umiiyak siya. Tears fell down from my eyes. I sighed.

Tumalikod ako ngunit wala pang tatlong segundo'y bigla kong narinig ang aking pangalan. Lumingon ako, I saw tears in his face. Patakbo siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang napakahigpit na yakap na ginantihan ko rin.

"One request."

"What is it Ace?"

"Can I kiss you? For the last time." Pagkasabi niya noon ay tumango ako at pagkatapos ay tinapat niya ang aking mukha sa kanya. Tinitigan niya ako, parang bawat anggulo ng aking mukha'y kinakabisado niya. I smiled. He wiped my tears and touched my cheeks. Slowly his face approached mine, it was few inches away from my face. Seconds after his lips met mine, it was a sign of letting go of his unrequited love.

Naghiwalay ang aming mga labi. We giggled.

"Sige na, sa kadramahan mo baka maiwan ka na ng eroplano!"

He gave me a sweet smile. Ngunit kitang-kita ko ang matinding kalungkutan sa kanyang mga mata.

"See you soon." He said at pagkatapos ay tumalikod siya at pinulot ang kanyang mga gamit at nagmamadaling pumasok sa loob ng airport. Lumingon pa ito bago pumasok at naka-ngiting kumaway sa akin. Kumaway din ako.

Umupo ako sa labas ng airport, hinintay ang pag-alis ng kanyang eroplano. Medyo matagal rin akong naghintay ng biglang may nag-text.

"Umuwi ka na Gab, para makapagpahinga ka. See you soon. Hindi pa tayo tapos. Hehehe." Text niya. Napangiti ako. Tumayo ako sa aking kinauupuan at dumiretso sa aking puting limousine.

I was in front of the grand entrance door of our house. Wala pa ring pagbabago rito, kulay puti pa rin ito na may shades of gold sa gilid. Dagdag pa ang golden ornaments na nakaukit at nakadikit dito. Nandito pa rin ang dalawang naglalakihang pillars na nasa pagitan sa gilid ng pinto. Hinawakan ko ang door knob at pinihit ito. Pagkabukas na pagkabukas ko'y bumungad sa akin ang maingay nilang bati.

"Welcome home!!!" Masayang bati nila. Nakita ko si Enso, Aling Minda, Aling Nelly, Totoy, at ang mag-asawang si Inday at Kokoy.

"Kuya Gab!!!" Sabay yakap sa akin ni Enso. Ginantihan ko rin siya ng yakap.

"Kamusta ka? Kamusta kayong lahat?" Tumingin ako kay Enso at pagkatapos ay tinuon ko ang aking mga mata kila Aling Minda.

"Okay lang naman kami dito anak." Sabi ni Aling Minda. Bakas sa kanilang mukha ang galak sa aking pagbabalik.

"Ser! Ninong kayo sa magiging bebe namin ni Kokie ko ha?" Sabat ni Inday. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

"Wow! Ang bilis ah. Congrats Inday!" Bakas sa boses ko ang galak.

Nagpunta kami sa hardin ng mansyon at doon nagsalo-salo. Napakaraming ulam ang hinanda nila sa aking pagbabalik, ilan na dito ang lechong baboy, lechong manok, sinigang na bangus, mechado, ginataang isda, adobo, embutido, calderata, paksiw, afritada, spaghetti at carbonara, Dagdag pa ang limang basket ng pandesal at tatlong bandehadong garlic bread. Hindi ko na matandaan ang iba pang mga pagkain gawa ng sobrang dami at para kaming kakatayin kinabukasan sa sobrang dami nito.

Nasa ganoon kaming pagkain nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ella. She was wearing a pink glittering flowing dress with white bollero. Kapansin-pansin din ang wavy nitong buhok. It's been five years pero hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda. I gave her a smile at ganoon din ang kanyang ginawa.

"Hi... Kamusta." She said.

"Eto, buhay pa naman. Teka nga! Parang hindi tayo nakakapag-skype at FB ah." Biro ko sa kanya. We giggled.

Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang napakahigpit na yakap, gumanti rin siya. I miss her so much. Linapit ko ang aking labi sa kanyang tenga at bumulong.

"Conservative ka pa rin." Bulong ko sa kanya sabay pitik sa kanyang bolero. Muli kaming nagtawanan.

"Papa?" Sabi ng boses sa aking likuran.

Kumalas ako sa pagyayakapan namin ni Ella at lumingon sa aking likuran, doon ko nakita ang aking anak. Ramdam ko ang biglang pag-apaw ng kaligayahan sa aking puso. Lumapit ako sa kanya at yinakap ito ng napakahigpit.

"Na-miss kita Papa. Sorry ha, kung hindi na ako nakakadalaw sa iyo sa Canada. Sorry din kung hindi kita nadalaw last month noong nagbakasyon ka sa Paris kasi start na ng school ko last month eh."

"Alam ko naman yun. Na-miss kita anak, sobra." Sabi ko habang yakap at buhat ito.

"Tito Gab!" Tawag sa akin ng isang bata na katabi ng aking anak. Tiningnan ko ito at binigyan siya ng isang ngiti. Binaba ko ang akign anak at pagkatapos ay yinakap ang isa pang bata.

"Kamusta Ge?" Masayang bati ko kay Gabriel Earl na anak ni Jared at Ely.

"Okay naman po."

"Kamusta naman kayo nitong pinsan mo." Tukoy ko sa anak ko.

"Medyo makulit nga itong si EJ eh." Tukoy niya sa anak kong si Erick Jared.

"Hindi kaya! Ikaw nga inaaway mo ako minsan eh." Sabi ni Ej. Natawa na lang ako, naalala ko kaming dalawa ni Jared, lalo na kapag tinitingnan ko ang dalawang bata dahil kamukhang-kamukha namin sila.

"Wag kayong mag-aaway ha. Dapat nagtutulungan kayo, dapat magkakampi kayo. Kasi parang magkapatid na kayo eh di ba?" Sabi ko habang nakangiti.

"Opo Papa. Kuya ko kaya ito, lagi akong pinagtatanggol nito kapag may umaaway sa akin." Proud na proud na sabi ng anak ko. The moment I heard those words, I felt shivers in my spine. Muling nangbalik sa aking ala-ala si Jared. Ganitong-ganito talaga kami.

"O sige na, play na kayo ha? At wag mag-aaway. Usap lang kami ng Mama mo." Sabi ko sabay gulo ng buhok ni Ej at tapik naman sa balikat ni Ge.

Tumakbo papasok ng bahay dalawang bata. Tinuon ko ang aking mga mata kay Ella na kanina pa pa pala nakatitig sa akin.

"May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman. Ang cute mo lang tingnan." Sabay ngiti nito. Tumaas naman ang kilay ko sa narinig. Napansin ko naman ang pagtahimik ng mga tao sa paligid, binigyan ko sila ng isang seryosong tingin senyales na hindi ko nagugustuhan ang pagiging osyosero't osyosera nila.

"Why Ser?" Tanong ni Inday sabay tapik naman ni Kokoy sa kanyang braso at bumulong dito na medyo narinig ko gawa ng hindi naman talaga matatawag na bulong iyon.

"Tanga ka talaga. Chismoso't chismosa kasi tayo kaya ganoon."

"Hoy mga baklesh! Lafang pa tayo lafang!" Sabi ni Inday sabay kinamay ang puto na nasa kanyang plato at pagkatapos ay linaklak naman ang sabaw na nasa kanyang mangkok. Nagtawanan ang lahat at nagpatuloy ang maingay nilang kwentuhan. Nasa ganoon silang pag-iingay nang sinenyasan ko si Ella na lumayo kami sa lamesa.

Nagpunta kami sa parte ng hardin na may malawak na swimming pool. Hinatak ko siya sa tulay na nasa gitna nito. Tiningnan ko siya at nginitian, pagkatapso ay tinuon ko ang aking mga mata sa tubig ng pool, nagrereflect ang kulay nito blue sa aming mga mukha. I gave a deep sigh.

"Why?"

"May naalala lang ako."

"Ano yun?"

"Si Ace... Nahulog kami dati sa swimming na ito noong mga panahong pumasok ako dito bilang isang katulong. Sa swimming pool na ito ako unang nahalikan ni Ace, at sa gilid nito, doon..." Sabay turo sa gilid na parte ng swimming pool.

"Doon niya inamin sa akin ang kanyang nararamdaman." Muli akong nagbigay ng isang malalim na buntong hininga.

Tahimik. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming pagkatao.

"Do you love him?"

"Who?"

"Ace?"

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. I saw sparkle in her eyes. Hindi ko rin maiwasang pansinin ang kanyang mukha habang tinatamaan ito ng reflection ng ilaw mula sa swimming pool. She was so beautiful, like an angel, sobrang amo ng kanyang mukha. Her eyes is one of the most beautiful eyes that I've ever seen. Her nose is perfect, same as her rosy lips. Her skin can be compared to a porcelain dahil sa sobrang kinis nito, parang nahiya ang tigyawat at black heads sa kanyang mukha.

"Gab? Hello?" Pagtawag niya na nagbalik sa akin sa realidad.

"Yeah... Yes... Mahal ko si Ace. Pero hindi gaya ng pagmamahal ko kay Jared." I said while looking in her eyes. Tango lang ang kanyang tugon at pagkatapos ay tinuon niya ang kanyang mga mata sa pool. Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang maliwanag na buwan, bilog na bilog ito.

"I love him... Just as I love you." Sabay tingin at akbay sa kanya. Nakita ko siyang ngumiti.

"Nambola pa."

"Nope. I really do love you Ella. It's just that, hanggang dito lang ang kaya kong ibigay."

"Alam ko... Simula pa lang alam ko na yan di ba?" She said while smiling and elation in her voice.

Tahimik, we're now both looking at the moon. It was so magnificent and peaceful.

"Tuloy ka na ba talaga?"

"Yes."

"Paano si EJ? Ma-mimiss ka nun." Tukoy ko kay Erick Jared na anak namin.

"Nandyan ka naman na eh. Tsaka nandyan ang mga kasambahay mo, plus si Kuya." Napatingin ako sa kanya at pansin ko ang ngiti sa kanyang labi.

"Oh please, stop it Ella." Sabay tanggal ng kamay ko sa kanyang balikat at pagkatapos ay tinukod ito sa kahoy ng tulay at binagsak ang aking baba sa aking kamay.

"Why? I saw it in your eyes Gab. You miss him so much."

"Kailan ka pa natutong mag-assume ha Angela?" Tumaas ang kanan kong kilay at tinaasan niya rin ako.

"My real name is Angel baka nakakalimutan mo."

"Whatever, nag-aassume ka."

"No I'm not. Kitang-kita ko na na-mimiss mo ang kuya ko. The way you look at Ge and EJ, I know na nakikita mo kayong dalawa ni Jared sa kanila." Kapansin-pansin ang pagiging seryoso ng kanyang tono dagdag pa ang mukha nito.

"But it doesn't mean na namimiss or hinahanap-hanap ko ang Kuya mo." Sabi ko sabay kamot sa aking ulo, senyales na naiirita na ako sa takbo ng aming pag-uusap.

"Ako pa bang lolokohin mo Gabriel? Eh ang tagal na nating magkakilala." Sabi niya sabay pamewang.

I gave a deep sigh. I put my hand in the barrier of the bridge made of wood. Napapikit ako.

"In your eyes I saw emptiness. Na-mimiss mo siya, nakita ko at wag ka nang tumanggi pa."

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin. ni Ace, parehas na parehas. Naisip ko tuloy, siguro nga ay transparent akong tao. Kahit si Jared ay hindi ko nalinlang sa totoo kong nararamdaman. Hindi ko rin nalinlang ang lahat na ako pa rin si Gab, si Gab na dati nilang nakilala, naging matapang nga lang.

"Pag-untugin ko kaya kayo ni Ace. Parehas kayo eh." Sabay dilat at tingin sa kanya.

"Kasi kilala ka namin parehas. Ikaw ang pinaka-transparent na taong nakilala ko Gab. Ikaw!" Pagtaas niya ng boses pero alam ko namang hindi ito galit, sadyang alam niya lang na tama siya at pinagdidiinan niya ito.

"Yeah right." Nasabi ko na lang sabay tuon ng aking mga mata sa pool.

Muli ay nabalot kami ng katahimikan. I gave a deep sigh. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng isang mainit at mahigpit na yakap mula sa aking likuran.

"Whatever happens, I'm always here for you. Tumawag ka, may facebook, may skype, basta nandito lang ako para sa iyo."

"Hmph! Ganyan ka naman eh, porket hotel singer ka na sa L.A.."

"Tampo-tampo pa yan."

"Hmph!"

"Batukan kaya kita? Para kang babae at teka lang ha, wag kang magpalambing sa akin ng ganyan dahil hindi ako si Kuya." Sabi niya sabay kindat.

Hindi ko mapigilang mapangiti, siguro nga ay tama sila, pilit kong sinasabi na okay lang ako at kaya kong wala si Jared sa aking buhay pero ang totoo'y sobra-sobra kong namimiss ang pinakamamahal ko. I gave a deep sigh. I looked at the moon, it was really beautiful.

"Tara na nga, baka hinahanap na nila tayo." Sabay kalabit sa aking braso at talikod papuntang bahay.

"Ella."

"Yes?" Sabay lingon. I saw her gorgeous smile. Nakakabighani talaga ang kanyang mala-anghel na mukha.

"Ma-mimiss kita." I said in a whispering tone.

Lumapit siya sa akin at muli akong binigyan ng isang napakahigpit na yakap.

"Ma-mimiss din kita Gab, sabi ko nga sa iyo, babalik naman ako... At sana pagbalik ko, masaya ka na."

"Kailan naman iyon?"

"In right time." She whispered in my ears with sweet tone.

I hugged her tightly as if there's no tomorrow as a sign of goodbye. Tears fell down from my eyes.

I was standing outside the hotel. Ito yung hotel na dati kong pagmamay-ari. Dito kami madalas ni Jared lalo na sa rooftop nito. Naalala ko rin noong mga panahong nagalit ako sa kanya, pinagbawalan ko siyang umakyat dito, isa yun sa paraan ko para makaganti at saktan siya na pinagsisihan ko. I entered the hotel. Binati ako ng mga staffs doon at tumango lang ako. Tinumbok ko ang elevator at dumiretso sa pinakataas na palapag nito.

Memories started to flash-back on my mind. Hindi ko rin maintindihan ang aking nararamdaman. Siguro ay dahil dati akin ang hotel na ito ngunit ngayon ay pagmamay-ari na ng iba. Simula kasi nang umalis ako'y binenta ko ang iba kong properties, samantalang ang iba nama'y binigay ko kay Ace at Jared. Siyempre, binigyan ko rin ng kasulatan na pag nag-18 na ang anak ko ay makukuha niya ang mga natitira ko pang mga ari-arian at properties ng kumpanya. In short, wala akong tinira sa sarili ko. Sapat na pera lang ang tinira ko sa aking sarili para mamuhay sa ibang bansa. Isa lang ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ito, yun ay dahil naging biktima ako ng sobra-sobrang kayamanan. Nang dahil sa pera ay nagbago ako, nagbago ang buong pagkatao ko. Nang dahil sa pera'y nasaktan ko ang mga taong nagmamahal sa akin. Nang dahil sa pera'y may nasirang buhay. At wala akong pinagsisihan sa desisyon kong alisin ang lahat ng iyon sa aking pangalan. Tama lang ang ginawa ko tutal in the first place hindi naman akin yun eh. Sa lolo ko yun at dapat ginamit ko ang lahat ng iyon ng tama.

Pagkabukas ng elevator ay humakbang ako palabas at lumiko sa kanan papunta sa fire exit stairs.

Dahan-dahan akong umaakyat sa hagdan. Rinig ko ang pagpalo ng swelas ng aking sapatos sa sahig. Agad kong binuksan ang pinto pagkahakbang ko sa pinakahuling baitang ng hagdan. Rinig ko ang maingay na tunog nito, limang taon na ang nakalipas ay ganoon pa rin ang pinto, gawa sa bakal at kinakalawang na ito. Inikot ko ang aking mga mata. Nakita kong walang nagbago sa itsura ng rofftop ng hotel.

Inangat ko ang aking ulo sa kalangitan, I saw the redish sky. Kapansin-pansin din ang ganda ng ulap, ang iba pa rito'y makikitaan mo ng silver lining. Napakaganda. Ilang saglit pa'y nahagip ng aking mga mata ang araw, kulay orange ito.

"Sunset..."

It reminds me of someone na kasama ko noon sa baywalk at dito mismo sa kinatatayuan ko ngayon kung saan lagi naming pinapanuod ang paglubog ng araw. I gave a deep sigh. Dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng rooftop, ramdam ko ang haplos ng hangin sa aking mukha. As I approached the edge, slowly I put my arms at the baluster of the rooftop.

Inikot ko ang aking mga mata. Nakita ko ang mga dating gusali na naka-tirik sa paligid ng hotel. Napansin ko rin ang mga bago at ang iba nama'y ginagawang gusali na di kalayuan sa hotel.

"Change is inevitable."

Ngayon ko talaga napatunayan na lahat ng bagay ay nagbabago. Kasama na rito ang takbo ng iyong buhay at buhay ng mga tao sa paligid mo. People stay, but some will go, and some will come back to you. Kasama ng ihip ng hangin ay ramdam ko ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. I gave a deep sigh. Pinagmasdan ko ang unti-unting paglubog ng araw.

Ilang minuto ang dumaan at ang mapulang kalangitan ay unti-unti nang nabalot ng kadiliman. Pumikit ako. Inisip ko ang lahat-lahat ng nangyari sa aking buhay. Sinimulan ko sa clubhouse nila Ely kung saan ko nakilala si Jared, hanggang sa araw na nag-desisyon akong umalis ng bansa at tuluyang iwan siya.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagmuni-muni at nakapikit. All I saw is the past events of my life, para akong nanuod ng isang mahabang palabas. I gave a deep sigh.

"Ever since that day... The day that I met him, doon nagbago ang buhay ko. Tapos natuklasan ko pang matagal na pala kaming magkaibigan, ever since we we're just kids... Ang dami-dami na naming napagdaanan, parang lahat na ata napagdaanan na namin. Naging parte siya ng best and worst times ng buhay ko. Ewan ko ba kung ang dala niya ay swerte o malas. Kasi naman, para kaming nakasakay sa isang roller coaster. Ang gulo-gulo lang. Pero swerte man o malas, isa lang ang alam ko... Hindi ko pinagsisihang nakilala ko siya. At hindi ko pinagsisihang mahalin siya. Kung uulitin man ang buhay ko o kung muli akong mabubuhay sa ibang panahon, gusto kong siya pa rin ang mamahalin ko. Mamahalin ko siya nang paulit-ulit, hindi sapat ang forever para maiparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal." I thought. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon, siguro ay yun talaga ang totoong nararamdaman ko na pilit kong tinago at kalimutan sa matagal na panahon.

I opened my eyes. I saw a dark clear sky, it was so clear that even the tiniest stars can be seen. Naisip ko tuloy na masyadong napatagal ang aking pagmumuni-muni. Kitang-kita rin ang liwanag at ganda ng buwan. Inikot ko ang aking mga mata at nakita ko ang liwanag sa kalsada, billboards at mga gusali.

Muli kong inangat ang aking ulo sa kalangitan, I gazed at the dark clear sky. Ilang segundo ang lumipas at nakita ko ang isang kulay puting linya na dumaan sa kalangitan. Muli kong naalalaa na nakakita ako ng ganito sa clubhouse nila Ely at sa bahay ko, sa parehas na sitwasyon at magkaibang lugar, pagkatapos kong makakita noon ay nakita ko si Jared. Napailing ako, hindi ko alam kung linilinlang ako ng aking mga mata.

"No. No. No..." Biglang nasambit ng aking labi.

Ilang sandali pa'y muli kong nakitang dumaan ang putting linya sa kalangitan. Sinundan pa ito ng isa, nanlaki ang aking mga mata. Sinundan pa ulit ito ng isa pa, at isa pa ulit. I spotted strong and weak lighted meteors in the sky, I was astonished.

I then put and pressed my arms at the baluster of the rooftop while enjoying the epic meteor shower. Slowly, my heart calm down because of the magic that I saw. It was magnificent.

"Excuse me Sir. This place is prohibited." Sabi ng pamilyar na boses sa aking likuran na pumutol sa aking panonood. I felt my heartbeat skipped a beat or two, muling bumilis ang tibok ng aking puso. His voice sent shivers to my spine, I felt a thrust like a double edged sword in my heart and soul. I know that voice.

"Sorry Sir." I said while still gazing at the meteor shower. Hindi ko magawang lumingon sa kanyang direksyon.

Ilang sandali pa'y naramdaman kong may umakbay sa aking likuran, naramdaman ko na lang ang mainit niyang tagiliran sa aking tagiliran. I was shocked. An incredible electricity cloaked my whole body. Ramdam ko rin ang hirap sa aking paghinga at bilis ng tibok ng aking puso. I didn't expect this to happen.

"Freak! This is not happening... No... Not him please." Sabi ko sa aking sarili.

"Ang ganda ng langit nuh?" Sabi niya. Pagkasabi niya noon ay agad akong kumalas sa kanyang pagkaka-akbay at agad na tumalikod, hindi siya liningon. Tinumbok ko ang pinto pababa ng rooftop. Ngunit wala pang tatlong segundo'y bigla siyang nagsalita.

"Ang bilis mo namang makalimot." Sabi niya, bakas ang lungkot sa kanyang boses.

"Sorry Sir. Sorry kasi nag-trespass ako dito. Sorry." Bakas ang panginginig sa aking boses. Pagkatapos ay dire-diretso akong naglakad habang nakayuko.

"Nag-trespass ka na nga, tatalikuran mo pa ako." Sigaw niya. Napahinto ako. His voice was still the same after all these years. Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang ang aking ulo'y nakatutok pa rin sa semento ng rofftop.

"Sorry." I said.

"Nasa baba ba ako? I-angat mo nga yang ulo mo! Para naman akong walang kausap niyan eh." Naiinis niyang sabi.

"I can't."

"Why?"

"I just can't."

Tahimik. Ilang sandali pa'y narinig ko ang swelas ng kanyang sapatos, alam kong papalapit siya sa akin. Nakita ko na lang ang kanyang black sneakers with blue lining na nakatapat sa suot-suot kong white shoes.

"Sorry, hindi ako nakipagkilala. I'm Gabriel Montenegro Cruz. CEO of the AL-UR Inc and owner of this hotel. Nice to meet you." Sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig at napatingin sa kanya. Nakita ko ang matamis niyang ngiti. Muli kong nakita ang napakagandang niyang mga mata, kagaya ng dati, sa paningin ko'y kumikinang ito. Kapansin-pansin pa rin ang matangos niyang ilong at mapulang nitong labi. His skin can be compared to a porcelain, dahil parang nahiya ang tigyawat, black heads, at white heads na tubuan ang mukha nito. Wala pa ring nagbabago sa kanyang mukha, it was still perfect.

"Baka naman malusaw ako niyan." Sabay ngiti na labas ang dimples. Kapanin-pansin ang pantay nitong mga ngipin.

"Gabriel Montenegro Cruz? Why... Bakit mo ginamit ang pangalan ko!" Bulyaw ko sa kanya.

"No! I didn't use your name. Your name is Gabriel Alvarez Montenegro, and I'm Gabriel Montenegro Cruz!" Pasigaw niya ring sabi sa akin.

"Then why the heck did you use MY name and MY surname then pinalitan mo ng apelyido mo at ginawa mong middle name ang surname ko!" Pagsigaw at pag-emphasize ko sa 'MY'. Gigil na gigil ako sa kanya ng mga oras na iyon.

"Uuuyyy... Galit na yan." Sabay kilit sa tagiliran ko.

"Bwiset! Kung isa ito sa mga pakulo mo Mr. Jared Earl Cruz, tigilan mo na! Tigilan mo na ako! Matagal na kitang kinalimutan." I yelled.

"Kinalimutan? Oh really? Kaya pala sabi sa akin ni Angel at ni Ace na hinahanap-hanap mo raw ako." Sabay kindat at ngiti nito.

I froze for a moment. Pakiramdam ko'y wala akong mukhang maiharap sa kanya. Parang gusto ko na lang magtalukbong at umalis sa lugar na iyon.

"Alam mo, kahit kailan transparent ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin si Gab, si Gab na mahal ko. Ikaw yung pinaglaban ko sa pamilya mo, sa pamilya ko, at sa buong mundo." Sabi niya habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Habang ako naman ay umuurong palayo sa kanya.

"Hanggang dyan ka lang putek ka!" Sabi ko sabay urong ng kaunti.

"Baka nakakalimutan mo, nag-tress pass ka sa hotel ko. At gagawin ko sa iyo kung ano man ang gusto ko." Sabi niya, agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. it was so tight, parang madudurog ang aking braso sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

His eyes was staring at me. Para akong yelong nalulusaw ng oras na iyon. Yelo dahil nanlalamig ako sa sobrang kaba. Yelo, dahil para akong nalulusaw sa kanyang tingin, dagdag pa rito ang paglapit at paghawak niya sa akin. Yelo dahil hindi ako makakilos, hindi ko alam ang aking gagawin, napa-praning ako habang may sandamkmak na kabayong tumatakbo sa aking dibdib, parang sasabog ito ano mang oras. Sinubkan kong kumalma, pero hindi ko magawa lalo na't alam kong nandito sa aking harapan ang taong pinapangarap ko.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Pasigaw kong sabi. Bakas sa aking boses ang pagkapikon.

"Gusto mong malaman kung anong gagawin ko?"

Hindi ako kumibo.

"Gusto mo?" He shouted.

"Oo!" Sigaw ko sa kanyang mukha.

Wala pang isang segundo'y linapat niya ang mapupula niyang labi sa labi ko. Muli kong naramdaman ang kapangyarihang dulot ng kanyang halik. My whole body is trembling, ang panlalamig na kanina kong nararamdaman ay napalitan ng init ng pagmamahal ko para sa kanya. I miss him so much.

Kumalas siya, I froze for a moment.

"Ano alam mo na?" Sabi niya pagkatapos nitong kumalas.

Para akong naputulan ng dila sa nangyari. I was just there, standing and staring at his face. Parang nabura ang ganda ng paligid sa aking paningin. Parang siya na lang ang nakikita ng aking mga mata.

"Why did you do that?" Pabulong kong sabi, bakas sa aking boses ang panginginig. I felt a sudden pang of confusion. Hindi ko alam ang gagawin ko, ang sasabihin ko. Gusto ko siyang layuan. Pero alam kong kapalaran na ang nagtagpo sa amin.

"Tinatanong pa ba yan? Mahal kita Gab! Alam mo yan! Kabisado mo na yan. Hindi ko na dapat pang ulit-ulitin yan sa iyo. Hindi ko na dapat pang ipamukha yan."

The moment I heard those words I felt a sudden explosion in my heart. Nabalot ako ng kalungkutan dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya, at the same time, ramdam ko rin ang sobra-sobrang pagmamahal ko para sa kanya. Napansin ko na lang na nakahandusay na ako sa sahig while I whimper. Slowly, that whimper became a loud wail that can be heard in the whole rooftop. Naramdaman ko ang kanyang bisig, napaka-init ng kanyang katawan. Ginantihan ko na rin siya ng yakap.

"Bakit ka umiiyak Gabby ko?" Malambing nitong tono.

"Kasi naiinis ako sa sarili ko, kasi pilit kitang linayuan, pilit kitang tinaboy, pilit akong umiwas, but I can't. Naiinis ako kasi mahal na mahal kita Jared. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita. you loved me at my worst kung saan noong mga panahong iyon mag-isa lang ako sa mundo. And you were there at my best, you never give-up. Inabot mo pa nga ako eh kahit ang taas-taas ng kinatatayuan ko. Walang nagmahal sa akin gaya ng pagmamahal mo Jared. Wala." Nanginginig at namamaos ang aking boses.

"Umiiyak din ako kasi namimiss kita. And all these years, ikaw pa rin ang hinahanap ko, ikaw pa rin ang gusto kong makasama, makasama habang buhay."

Kinuha niya ang braso kong nakatakip sa aking mukha.

"Hey look at me." He said. Umiling ako. Ilang sandali pa'y hinawakan niya ang aking baba at tinutok ang aking mukha sa kanyang mukha.

"You don't have to pretend now Gab. Dahil nandito na ako, at ngayong nakita na kita, hinding-hindi na kita pakakawalan, hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa akin. I love because you're you, I just simply love you, I love you because you're Gab.

Jared... Ikaw yung unang naniwala sa akin, sa kakayahan ko. Lagi mong sinasabi na malakas ako, na matatag, kahit hindi naman, but you saw me that way and believed that I'm that kind of man. You see the beauty inside of me kahit puro pangit ang nakikita ng ibang tao sa akin." I said, tear fell from my left eye. He wiped that tear and touched my face. Ramdam ko ang kuryente at init na dala ng kanyang palad.

"Kagaya ng sabi sa kanta natin, Jared... Thank you... Because you love me... Like I am." Pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Napansin ko rin ang pagtulo ng luha sa kanyang kaliwang mata, he smiled.

"Ever since the day that I met you, wala na akong ginusto pang makasama haban buhay kung hindi ikaw Gab. Gab you bring out the best of me. Ikaw ang nagpakita sa akin noon na dapat akong lumaban, na dapat maging matapang ako. You also helped me in finding my sister, dagdag pa rito ang pagbibigay mo sa akin ng opportunity noon as Sales and Marketing Director ng kumpanya mo. Lastly, ang pagpaparaya mo para saamin ni Ely, para sa anak namin. Gab, gusto ko ring magpasalamat, kasi kahit nasaktan kita ng maraming beses, kahit puro kamalasan ang dulot ng pagmamahal ko sa iyo... Hindi ka sumuko Gab, hindi ka sumukong mahalin ako. Oo, lumayo ka, sinubukan mo akong layuan, but all these years, you still love me not because I'm Jared Earl Cruz na pinapangarap ng mga babae. But you love me, because I'm me." His voice was shaking, as he utter those words, endless tears fell from his eyes. Pinunasan ko ito gamit ang aking kanang kamay. Tinitigan ko siya na para bang kinakabisado ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha. I smiled.

I close my eyes, ilang segundo pa'y muling nagtama ang aming mga labi. Sinimulan niyang pagalawin ang kanyang dila at nakilaro naman ako. Makalipas ang ilang minuto'y may liwanag na pumutol sa aming paghahalikan. Sabay naming binuksan ang aming mga mata at nakita namin ang fireworks na nasa aming harapan. We giggled. Red, blue, green, yellow, violet, white colors started to fill the skye. Pinanuod namin ang sayaw ng apoy sa langit.

Muli nagbalik sa akin ang ala-ala sa clubhouse kung saan ko siya nakita at nagbago ang aking buhay. It started with a wish in a form of wishing star, then a fireworks. Tapos eto kami ngayon, nakatayo sa ibang lugar pero sa halos parehas na sitwasyon. I think it symbolizes one thing... A new beginning... Bagong simula na kasama siya.

Naisip ko lang, mahiwaga ang buhay, para kang nakasakay sa isang rollercoaster. Magulo, nakakakaba, nakakatakot, malungkot, masaya, nakaka-excite, unpredictable. In life, bad things are inevitable, it happens yes, pero ang mga bagay na iyon ang magpapatatag sa ating pagkatao, sabi nga, habang sinusunog mo ang isang ginto ay lalo itong gaganda, kikinang. Each one of us is a gold, a special. Each one of us has a unique characteristics. It's only a matter of acceptance. Dito mo rin mapapatunayan ang mga taong totoo sa iyo. Dahil ang mga totoong tao ay hindi ka iiwan, talikuran ka man ng mundo. I also proved that, good things come... To those who wait. Matagal na panahon akong naghintay na maging masaya, at eto, alam kong eto na talaga ang katuparan ng pangarap ko. Oo alam kong may mga problema pa ring lilitaw, but this time, I'll make sure na hindi ko ito tatakbuhan, kasama ko si Jared sa pagharap sa mga darating na pagsubok sa akin, sa aming buhay.

Life is short, but life is so wonderful if you know how to live it. How? Just be yourself. No matter how weird other people think you are. As I've said, each one of us is a gold, or a diamond. Each one of us is special. Each one of us has this someone, who will love us because we're who we're. I am me... I am Gab.

I look at his face. He was smiling while watching the lights in the sky.

"Jared..." I touched his hand.

He looked at me and slowly touched my face.

"Gab..."

"I love you." We said simultaneously. Then we shared a kiss.

-----Wakas-----


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment