Tuesday, January 8, 2013

No Boundaries (16-20)

By: emray
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com
Source: theimmaculatedalisay.blogspot.com


[16]
And Desisyon ni Nicco

Matapos ang pag-uusao na iyon sa pagitan ni Dok Matthew at Nicco ay tila ba punung-puno ang puso niya ng pag-asa at unti-unting nabubuo ang loob niya para sa kanyang desisyon. Lumipas ang mga araw ay wala pa ding Andrei at Andrew na nagpapakita sa kanya sa seminaryo. Walang sulat o tawag na mula sa mga ito. Malapit ng magwakas ang 10buwan para masabing nakapagsikap siya ng isang taon sa loob ng seminaryo.

Dumating ang araw, saktong dalawang linggo bago sila pauwiin sa kani-kanilang mga bahay, may hindi inaasahang bisita si Nicco. Ang kanyang mga kuya-kuyahan ay bumalik, matapos ang madaming linggo ay muli nila itong pinuntahan. Magkahalong pananabik at tuwa ang naramdaman niya.

“Niks, pasensya ka na ngayon lang kami nadalaw ulit.” Sabi ni Andrew na nakangiti “madami lang kasing ginagawa.” dugtong pa nito.

“Ayos lang iyon” sagot nito “mas mahalaga at nakadalaw pa kayo”

Tila walang kibo si Andrei ng mga sandaling iyon. Tila baa yaw siyang makausap o kung ano pa man. Hindi makatiis si Nicco sa ganuong siwasyon kaya siya na mismo ang gumawa ng hakbang para mabali ang katahimikan nito “Kuya Andrei, may magandang balita azko sa iyo, pero hindi ko muna sasabihin” pagkasabi nito ay ngumiti si Nicco.

Napaisip ang dalawa lalo na si Andrei – “ito nab a ang hinihintay kong pagkakataon para makasama ka Nicco” tanong ng isip ni Andrei sabay ngiti.

“Malamang tama ang iniisip mo ngayon” nakakalokong saad ni Nicco “basta ba susunduin niyo ako dito pagpinauwi na kami eh” dugtong pa nito.

Nawala ang kalungkutan sa puso ni Andrei, nawala din pagtatampo dahil sa paniniguradong sinabi ni Nicco. Mas nanaig ngayon ang pananabik na makasama ang taong nagpababago sa kanya.

Pagkaalis ng dalawa ay agad na tinungo ni Nicco and opisina ng Rector para sabihin ang binabalak nito. Sa una ay hindi matanggap ng rector ang pamamaalam ni Nicco subalit lubhang mapilit at mapanindigan ang bata kaya pinayagan na din niya.

“Salamat po Father at inunawa mo po ako. Maraming salamat po at pinagbigyan ninyo ako sa gusto kong hanapin pa ang ibang mundo ko. Maraming salamat po at hinayaan ninyo akong ibuka pa ang mga pakpak ko at lumipad ng mas Malaya at mas mataas. Salamt po dahil hindi ninyo ipinagkait sa akin ang posibleng kaligayahan ko. Maraming salamat po talaga sa pagpayag.” Pasasalamat ng batang si Nicco.

“Walang anuman iyon iho. May tiwala ako sa kakayahan mo. Alam ko nais mo lang sundin ang dikta ng puso pmo. Kung sakali mang mapagtanto mong nagkamali ka ng piniling daan, bukas kami lagi para sa isang katulad mo at handa ka naming tanggapin sa oras na dalin ka ulit dito ng puso.” masayang pagwawakas ng pari sa usapan.

Dumating nga ang araw para ang lahat ng seminarista ay makauwi. Alam ni Nicco na iyon na ang huling tapak niya sa lugar na iyon. Hindi na niya iyon babalikan pa sa susunod na buwan at maging sa kasunod pa. Dumating na din ang pinakahihintay niyang susundo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay si Andrei lang ang sumundo sa kanya walang kasamang iba.

“Oh, bakit ikaw lang? Nassan si Kuya Andrew?” tanong nito.

“Di kasi ako mapanatag kung ano ba iyong magandang balita mo sa akin” sagot ni Andrei “kaya pinilit kong ako na lang ang susundo sa iyo at ginawan ko ng paraan para magkaroon siya ng lakad sa araw na ito.” Nakangiting dugtong pa nito.

“Ikaw talaga” tanging nasambit ni Nicco “halika na umalis na tayo, nakapagpaalam na ako sa kanilang lahat bago ka pa man dumating”

Nanaig ang katahimikan sa kanila ng magsalita si Andrei “Ano ba kasi iyong sasabihin mong magandang balita?” tanong nito.

“Hindi na ako babalik sa seminaryo.” Sabi ni Nicco.

Biglang hininto ni Andrei ang sasakyan “Talaga?”

“Opo, buti nga at –“ hindi na natapos ni Nicco ang sasabihin dahil ginawaran siya ng halik ni Andrei sa mga labi.

“Buti naman kung ganuon” sabi pa nito “sa wakas magkakasama na tayo.”

“Napakabilis mo, bigla ka na lang naghahalik” nakangiting sabi ni Nicco. “Sige na paandarin mo na ang makina para makauwi na tayo, kakausapin ko din si Fr. Rex sa bagay na ito.”

“Ano ngayon ang balak mo?” tanong ni Andrei “gusto mo mag-aral ka sa Maynila para magkasama na talaga taya?” dagdag pa nito.

“Mag-aaral ako, kaso wala ako pang-Maynila” sagot ni Nicco “siguro kukuha na lang ako ng scholarship para makapagtapos ako ng pag-aaral o kaya working student.” Dugtong pa niya.

“Hindi mo na kailangan pang gawin iyan.” kontra ni Andrei “kakausapin ko si Papa para siya na ang magpaaral sa iyo.”

“Ayoko, nakakhiya sa Papa mo.” Sagot ni Nicco.

“Hindi iyan, gustung-gusto ka nga niya. Malamang matutuwa iyon na tulungan ka.” Sagot ni Andrei.

“Basta nakakahiya pa din” sagot ni Nicco.

“Saan ka unang pupunta?” tanong ni Andrei.

“Kay Fr. Rex muna.” Sabi ni Nicco “kakausapin ko muna siya para makahingi ng tawad”

“Hihingi ka ng tawad dahil pinagpalit mo ang pagpapari para sa akin?” nakangiting saad ni Andrei.

Gumanti na lang ng ngiti si Nicco. Sa isip niya –“oo, pinagpalit ko silang lahat para sa iyo at walang pagsisisi kong ginawa ito”

Namasyal muna sila bago umuwi. Sa sobrang saya nilang dalawa ay hindi nila namalayan ang oras, basta pakiramdam nila ay hindi na magwawakas ang kasiyahan nila. Tapos na ang huling misa para sa araw na iyon ng dumating sila ng San Isidro. Pagkababa ni Nicco sa sasakyan ni Andrei ay pinakiusapan nito ang binata na umuwi na at hayaan na siyang kausapin si Fr. Rex. Labag man sa kalooban ni Andrei ay iniwan niya ang pinakamamahal na si Nicco.

“Fr. Rex, patawarin mo po ako” panimula ni Nicco.

“Wala kang dapat ihingi ng tawad” nakangiting sinabi ni Fr. Rex “naiintidihan ko kung bakit mo ginawa ang bagay na iyon.” Dugtong pa nito.

“Sinabi na sa akin ng Rector ang lahat” agad sabi ng pari nang mapansin ang pagtataka sa muka ng binatang si Nibbo.

“Alam mo iho, mahirap talagang intindihin kung ano nga ba ang gusto mong gawin sa buhay. Minsan ang akala mong iyon na ay hindi pa pala. Minsan andiyan na sa tabi ang para sa iyo, hindi mo pa napapansin, minsan darating sila kung kailan huli na, minsan darating sila pag kumplikado ang lahat.” saad ng pari.

“Hindi mo pwedeng diktahan ang puso” sabi ulit ng pari “laging naitatama ang pagkakamali, kaya naman, kung sa tiningin mo ay may mali sa ginawa mo, mag-isip ka na lang ng paraan para maitama iyon.”

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. “Ano na ang balak mo ngayon?” tanong ng pari.

“Balak ko po sanang kumuha ng trabaho o kaya ay scholarship para makapag-aral.” sagot ni Nicco.

“Sige, tutal naman bukod tangi ka sa lahat at minahal na kita parang tunay kong anak, ako na ang magpapaaral sa iyo, sa Maynila ko sana gurong pag-aralin ka.” Sabi ng maradang pari.

“Nakakahiya naman po sa inyo” sagot ni Nicco.

“Hindi ka dapat mahiya, tutulong ako ng bukas sa puso ko, may malinis na hangarin” sagot ng pari “Ano naman ang kukunin mong kurso?”

“Nais ko po sanang ituloy ang Pilosopiya, magandang pag-aralan ang Pilosopiya dahil kaya niyang ibigay ang mga bagay at karunungang wala sa iba.” Sagot ni Nicco.

“Maganda iyan iho, basta ako ang bahala para sa mga gastusin mo.” Sabi ng pari “Siya, umuwi ka na, masyado ng gabi papadelikado sa daan.

“Salamt po ng marami Father.” Pasasalamat ni Nicco.

Tulad ng dati wala ni isang anino na nasa bahay nila. Nalungkot man si Nicco dahil walang pinagbago ang ayos ng kanilang tahanan ay natuwa pa din ito sa isiping makakasama niya si Kuya Andrei niya na mag-aral sa Maynila. Nakatulog si Nicco na masaya sa ganitong mga isipin.


[17]
Lihim na Pagsasama sa Kaligayahan

Nalaman na ng buong San Isidro ang desisyon na iyon ni Nicco, at sa bawat isang nagtatanong, isa lang ang lagi niyang sagot “Mahirap po kasing gawin ang mga bagay na hinid naman ikinaliligaya ng puso.” Madami ang nanghinayang, gayunpaman, madami ang suportado ang desisyon niya. Isa na sa mga sumuporta dito ay ang kanyang pamilya.

Isang linggo na din ng makauwi siya ng San Isidro, pagkagaling sa labasan ay inabutan niya ang mga kapatid sa kanilang bahay. Hindi siya sanay sa ganuong pangitain, lalo na at hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito sa bahay nila.

“Magandang hapon mga kapatid ko.” panimula niya, bagamat may pangambang baka ang mga ito ay galit sa kanya ay pinilit niyang itagao ang nararamdaman. “Kumain na ba kayo?” kasunod na tanong nito.

“Nicco” sabi ng Ate Lourdes niya “bakit mo biglang naisipan na huwag ng ituloy ang pagpapari?” tanong nito.

Kahit pinaghandaan ni Nicco ang ganitong posibilidad ay hindi niya alam kung bakit tila nablanko ang isip niya at bigla siyang napipi. Nanatili na lamang siyang nakatahimik.

“Bakit hindi mo man lang sa amin ipinaalam?” dugtong pa nito.

Gusto sana niyang sabihin na “Paano ko sasabihin sa inyo, ni hindi nyo nga ako nabisita sa seminaryo, ni hindi ko kayo makausap” – subalit pinili na lang niyang itikom ang bibig. Pakiramdam niya ay nais tumulo ng luha sa kanyang mga mata sa isiping ang realidad ay may pamilya siyang walang pakialam sa kanya.

“Ano pa ang silbi nang pagiging kapatid namin sa iyo, kung hindi mo kami magawang pagsabihan ng mga balak mo?” sabi naman ng Ate Nica niya “kahit naman ganito kami, inaalala ka pa din namin” saad din nito.

Hindi na talaga mapigilan ni Nicco at umagos na paunti-unti ang mga luha sa mga mata niya. Yumuko na lamang siya ng sa ganuon ay hindi nila ito mapansin. Binigyan lakas niya ang sarili at nagsalita “Mahirap tumupad sa isang bagay lalo na kung paunti-unti ay lumalayo ang puso mo dito. Pakiramdam ko hindi ako masaya sa ginagawa ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Pakiramdam ko mas magagawa kong makalipad ng malaya sa labas ng seminaryo. Higit sa lahat, hindi ko kaya na mabuhay sa isang mundong ipinilit lang sa akin para tahakin.”

Tumahimik ang kapaligiran. “Naiintindihan ka namin” wika ng Ate Antonette niya “basta ba siguraduhin mo na magiging masaya ka sa desisyon mo. Hindi ka namin pipigilan” dugtong pa nito.

Naantig ang damdamin ni Nicco, sa unang pagkakataon, naramdaman niyang bahagi siya ng pamilya ay mayroon siyang pamilya. Natuwa siya dahil sa unang pagkakataon ay nagpakita ng interes sa kanya ang mga kapatid niya. Nasabi na lang niya sa sarili – “Tunay nga, kahit hindi mo maramdaman sa una, sa bandang huli, ang kabutihan na ang mismong magpapakita sa iyo, sa mga oras na hindi mo inaasahan.”

Kinabukasan, nagkita ulit sina Nicco at Andrei sa may lumang bahay ng mga del Rosario, malayo ang bahay na iyon at natitiyak nilang sila lang ang tao sa lugar at paligid. Kasalukuyan silang nasa hardin ay masayang ibinalita ni Nicco kay Andrei ang naging usapan nila ng kanyang mga kapatid. “Edi maganda kung ganuon, kaya pala masaya ang mood ng Nicco ko kagabi” nakangiting sabi nito “bakit hindi mo ikunuwento sa akin ung nung magkausap tayo sa phone?”

“Gusto ko kasi personal kong sabihin sa iyo. Mas maganda kung personal mong malalaman.” Nakangiting sagot ni Nicco.

“Ayos pala. Tayo? Kailan kaya nila matatanggap ang tungkol sa atin? Matatanggap kaya nila tayo?” tanong ni Andrei.

“Kuya Andrei ko, wag ka mag-alala, matatanggap din nila tayo” pagkasabi ni Nicco nito ay natahimik ang pagitan ng dalawa.

“Dahil sa ang buhay ng tao ay karaniwang nakasandig sa relihiyon, nagiging pangunahing angkatan nila ng prinsipyo ang relihiyon. Mayroon lang talagang ibang pinaninindigan ang prinsipyong nakukuha nila mula sa labas ng relihiyon pag nakita nilang may mabuting idudulot ito o kaya naman ay malaking pakinabang para sa kanila at nakararami” pagbasag ni Nicco sa katahimikan “parang tayo, we break free, we move out of the shell, because we know that we can grow more in this world that we are now creating.” tila may pang-aalong sinabi ni Nicco “napa-english ako dun ah” birong dugtong ng binata.

“Tama ka Nicco ko. Kung matatanggap tayo ng simbahan, matatanggap din tayo ng mga tao. Ang simbahan ang pangunahing pinagkukunan ng ideolohiya at kaisipan ng mga tao. Relihiyon ang malaking bahagi ng buhay ng tao. Dito na sila kumukuha ng basihan ng tama at mali, higit sa lahat iyong mga ordinaryong taong nagpapatangay na lang sa agos. Dahil dito, nagagawa ng relihiyon na makapagdikta ng social norms. Bakit madami ang kontra sa paggamit ng condoms? Kasi sabi ng relihiyon bawal iyon, labag daw un sa moralidad. Ibahin natin halimbawa ang sitwasyon, kung natanggap ng relihiyon ang condoms, sana natanggap na din ito ng marami.” paghabol pa ni Andrei.

“Tigil na nga natin itong usapan na ito.” Pag-iba ni Nicco sa usapan “kailan natin sasabihin kay Andrew?” tanong ni Nicco kay Andrei.

“Bahala na, basta darating ang panahon sasabihin ko din.” sagot ni Andrei.

Matagal ding natahimik ang dalawa, dahil sapat na sa kanila ang magkasama sila para lumigaya. “Sumama ka daw sa amin sa Maynila bukas sabi ni Papa” saad ni Andrei na tila may pag-uutos kay Nicco.

“Bakit naman daw?” tila nagtatakang tanong ni Nicco.

“Aayusin na natin ang mga papel mo para duon ka na din makapg-aral” sagot ni Andrei “si Papa na ang bahala sa pag-aaral mo” dugtong pa nito.

“Nakakahiya naman, pinangakuan na ako ni Fr. Rex na tutulungan daw niya ako sa pag-aaral ko.” Sabi ni Nicco.

“Nagkausap na sila ni Papa nung nakaraang araw, at pumayag ni Fr. Rex na ipaubaya na kay Papa ang pag-aaral mo. Sinabi na din ni Fr. Rex na gusto mong ituloy ang ABPhilosophy.” Sabi ni Andrei.

“Ganuon ba, para yatang ipinagbili ako ng hindi ko alam.” wika ni Nicco.

“Kung ipinagbibili ka, sana matagal na kitang binili para simula pa lang alam kong akin ka na.” may himig ng paglalambing kay Andrei.

“Kahit naman hindi mo ako bilin, sa iyo pa din naman ang bagsak ko, kasi ako ang hahanap ng may-ari sa akin.” sagot ni Nicco na may mahinang tawa “loko ka, nambobola ka na naman eh.”

“Kung pambobola ang pagsasabi ng katotohanan, sige nambobola ako” may mahinang tawa din si Andrei.

“Sige magkita tayo bukas para masikaso na natin ang pag-aaral mo sa Maynila. Tamang-tama may ABPhilosophy sa Philippine University”

Hindi na nagpahatid pauwi si Nicco. Naglakad na lang siya mula sa simbahan pauwi at maagang natulog. Masaya niyang inisip ang magandang bukas kasama si Andrei niya.


[18]
Pag-amin kay Andrew ng Katotohanan

“Sa wakas at naayos na din ni Nicco lahat ng papel niya” masayang pagbabalita ni Andrew “talagang dito na siya mag-aral kasama natin”

“Oo nga eh, salamat sa tulong ninyo ah” pagsang-ayon ni Nicco.

“Wala ka dapat ipagpasalamat, ayos lang yun” sagot naman ni Andrew.

“Salamat talaga” giit ni Nicco “buti na lang may mga kuya akong gaya ninyo.” masayang dagdag ni Nicco.

“Siya nga pala, paano na yan, magkakahiwa-hiwalay tayo bukas” sambit ni Andrei.

“Oo nga pala, hiwa-hiwalay tayo bukas” sang-ayon ni Andrew “si Nicco sa College of Liberal Arts, si Kuya Andrei sa College of Engineering at ako sa College of Accountancy”

“Bakit ganuon?” tanong ni Nicco “di ba nakapag-enroll na tayo online? Ano pa ba ang kailangan nating gawin?”

“Kukunin pa natin ung katibayan na nakaenroll na tayo. Papakita natin sa College Offices ung resibo galing sa bangko saka ung pinirint natin galing sa site.” Pagpapaliwanag ni Andrei.

“Ganun ba iyon, di ko alam kasi eh” sabay ang nakakalokong ngiti.

Kinabukasan, maagang nakatapos si Nicco kaya mas nauna siyang makauwi sa tinutuluyan nilang bahay na malapit sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Samantala, kasunod niyang naka-uwi si Andrew at nakita nitong mahimbing ang tulog ni Nicco. Nilapitan siya ni Andrew at kita dito na nakakaramdam ito ng matinding kaba. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng nahihimbing na si Nicco. Napalunok muna siya ng laway bago tuluyang inangkin ang mga labi nito. Sandali lamang at agad din niyang inilayo ang mga labi. Wari niya ay sobra sa kaligayahan ang kanyang nararamdaman sapagkat matagal na niyang inaabangan ang ganuong pagkakataon. Ang pagkakataong masolo si Nicco. Lagi kasing kasama ni Nicco ang kuya Andrei niya. Nasa gitna siya ng pag-iisip at pagnamnam sa mga labi ni Nicco ng dumating ang kuya Andrei niya.

“Andrew” bati nito “bakit ka nakalupasay sa sahig?” tanong nito.

Nagulat si Andrew at nanghinayang dahil anduon na ang Kuya Andrei niya “Wala naman, masyado lang kasi ako napagod kaya dito na muna ako napaupo” agad niyang sagot.

“May gusto sana akong sabihin sa’yo kapatid ko” tila kinakabahang sinabi ni Andrei.

“Ano naman iyon?” magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ni Andrew sa mga sandaling iyon “para atang napakahalaga ng sasabihin mo at seryoso ang dating mo ngayon”

“Seryoso talaga to, tungkol kay Nicco” sabi ni Andrei “pero ipangako mo, walang ibang makakaalam nito. Sa iyo ko lang sasabihin” pahabol ni Andrei.

Biglang nakaramdam ng kaba si Andrew ng mga sandaling iyon, inipon niya ang lakas para makapagsalitang muli “sige, pangako ililihim ko, ano ba iyon?”

Nagdadalawang isip pa din si Andrei kung dapat ba niyang sabihin sa kakambal pero hindi niya napigilan ang sarili para magsalita “Mahal ko si Nicco” panimula niya “at mahal din niya ako” dugtong pa niya.

Tila nawasak ang mundo ni Andrew sa narinig, nanatiling tahimik ang buong paligid “Bro, sana maintidihan mo kung ano ang nararamdaman ko. Simula pa ng una kong makita si Nicco iba na ang pakiramdam ko. Lagi pakiramdam ko ibang Andrei ako.” Sabi ni Andrei.

“Kuya..” sabi ni Andrew “naiintidihan kita, wag kang mag-alala” nakangiti niyang saad, subalit umiiyak na ang puso niya at ang nasa loob niya ay iba –“naiintidihan kita kasi pati ako ay iniibig at minamahal na din si Nicco. O Nicco, bakit ba labis akong nasasaktan dahil sa iyo, kung kailan handa na akong aminin ang nararamdaman ko, saka ko nalamang hindi din pala pwde dahil masasaktan ang mahal kong Kuya.” biglang bumakas ang lungkot sa mukha ni Andrew.

Napansin iyon ni Andrei kaya naman “ayos ka lang ba bro?”

“Oo ayos lang ako” sagot ni Andrei. Pero sa loob loob at kung tunay na nararamdaman “hindi ako ayos kuya, ang sakit.”

Nanatiling tahimik ng magsimulang magsalita ulit si Andrei “Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang sik—“ hindi na nagawa pang ituloy ni Andrei ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Andrew.

“May nangyari na sa inyo?” tanong ni Andrew “paano at kelan nagsimula?” sunod na tanong nito.

“Wala pang nagyayari sa amin, dalawang halik at yakap pa lang” sagot ni Andrei “hindi na hihigit pa dun ang gagawin namin hangga’t hindi pa kami tinatanggap ng mga kapatid niya at ni Papa” dagdag pa niya. Mula duon ay kinuwento ni Andrei ang lahat.

Malungkot man si Andrew ay pinilit niyang huwag ipahalata iyon sa kapatid. “Wag ka mag-alala, ligtas sa akin ang sikreto ninyo.”

Pansin man ni Andrei ang lungkot sa kapatid ay hindi na lang niya pinansin pa. “Salamat bro, salamat. Matutuwa si Nicco dahil alam mo na ang tungkol sa aming dalawa.”

Kinagabihan ay kinausap ni Nicco si Andrew.

“Kuya Andrew” nakangiting bati nito.

Tila nawala ang lungkot sa puso ni Andrew dahil sa tawag na iyon ni Nicco. “Bakit Niccollo Emmanuelle Ray?” nakangiting turan nito.

“Magpapasalamat lang po ako sa iyo kasi natanggap mo kami ni Kuya Andrei” sabi ni Nicco.

“Ah iyon ba, wala iyon” biglang nalungkot si Andrew ng maalalang pagmamay-ari na ng kakambal niya ang pinakamamahal na si Nicco.

Tahimik ang pagitan ng dalawa ng magsalita ulit si Nicco “Hindi tayo dapat magbigay ng limitasyon sa pagmamahal dahil hindi natin hawak ang puso ng bawat isa. Hindi tayo dapat magbigay ng limitasyon dahil hindi natin at hindi kailanman mababasa ang nasa puso at isipan ng iba. Maging ang sarili nga natin minsan ay maaaring hindi natin naiintidihan.” Sabay ang isang ngiting sapat na para mapagaan ang loob ni Andrew.

Sa isang dako ng puso ni Andrew ay tila may nagsasalita “Tama ka walang limitasyon, kaso bakit hindi ako ang napili mo? Nicco, labis akong nasasaktan”

“Halina kayo dito sa loob, kumain na tayo” sigaw ni Andrei sa dalawa at agad din naman silang sumunod sa pinakamatanda sa kanilang tatlo.

Sa katotohanan, mahirap ang buhay na pinagdaanan ng kambal. Lalo’t higit ng mamatay ang kanilang mama. Apat silang magkakapatid at puro mga lalaki. Tila ang pagpasok sa pulitika ng kanilang ama ay isang malaking sumpa. Hindi nila nadanasan ang kumain ng sama-sama o kaya ay mamasyal. Tanging ang kanilang mama lang ang kanilang nakakausap dahil ang papa nila ay laging wala sa bahay. Mayroon din silang limang kapatid sa labas. Iyon ay bunga ng pagtataksil ng papa nila. Higit pa doon, namatay ang mama nila.

Pinatay ang mama nila sa harapan nila. Ang hardinerong labis nilang pinagkatiwalaan at tinuring nilang ama ay siya ang mismong kumitil sa buhay ng ina. Ginahasa muna ito sa harap nila bago pinatay. Wala ang papa nila nuon, maging si Aling Martha at mga kapatid ay wala din. Kalagitnaan ng gabi, mahimbing ang tulog ng lahat, kumukulog at kumidilat, malakas ang ulan kung kayat lalong walang makakarinig sa malakas na iyak ng dalawang bata. May awa naman kahit paano ang hardinerong magnanakaw at tinira silang buhay, sinabit sila sa may malaking bintana na may busal sa bibig samantalang ang kanilang ina ay hinati sa tatlo.

Mula ng araw na iyon ay lalong lumayo ang loob ng kanilang ama sa kanila. Ang mga kapatid nila ay tila nasira ang buhay. Maagang nagsipag-asawa at hindi lang sa iisang babae nagkaanak, hindi sa dalawa kundi sa tatlo o apat. Sila na kambal ay laging naikukumpara sa mga pinsan nila, kesyo mas magagaling sa kanila, mas maabilidad, mas matalino at kung anu-ano pa. Nang minsang maikwento nga ito kay Nicco isa lang ang nasabi niya “we need not to compare ourselves to others because we are different and uniquely designed for something that best suits us.”

Simula ng mamatay ang mama nila ay wala na ni isa sa mga kamag-anak nito ang nagpakita pa sa kanila. Maging ang kanilang lolo at lola ay tila nawala ang amor sa kanila. Hindi din nila malilimutan na isinisi sa kanila ang pagkamatay ng kanilang ina. Tanging sila lang ang naging magkaagapay at nagtutulungan sa buhay. Pag may problema ang isa andyan ang isa at nakaalalay. Pero hindi lahat ng problema ay pwede mong masabi, hindi lahat ng sakit ay pwedeng ihingi ng karamay, dahil sa bagay na pwedeng ikaw ang makasakit sa taong mahal mo pag sinabi mo pa iyon. Ganuong ang naging sitwasyon sa pagitan ng kambal ng dumating sa buhay nila si Stephanie at Nicco.

Pagkatapos ng hapunan ay naghanda na sila ng mga gamit para umuwi ng San Isidro. Pinipilit ni Andrew na ipakitang masaya siya sa harap ng dalawa. Gayunpaman, ramdam ni Andrei ang sakit na naidulot nito kay Andrew kaya naman pinipilit niya itong pasayahin at paminsan-minsan ay gumagawa ito ng pag-alo na hindi mababatid ng kakambal na pansin niya ang kalungkutan nito.


[19]
Pagbabalik ni Stephanie

Dalawang taon na ang nakalilipas buhat ng lisanin ni Nicco ang seminaryo. Isang magandang bagay din at sa pagpasok niya sa unibersidad ay hindi na siya nagdaan sa first year. Hindi nasayang ang isang taon niyang pamamalagi sa seminaryo. Ngayon nga ay bakasyon at pagpasok nila ay forth year college na sila. Siya ay umaasang makakatapos sa oras. Napagtanto niyang napakahirap pala ang kumuha ng ABPhilosophy sa labas ng seminaryo. Isang kursong tunay na pumapanday sa karunungan ng isang tao. Si Andrei ay 5year course, kung kayat may dalawang taon pa itong bubunuin sa pag-aaral. Samantala, si Andrew naman ay hindi kumuha ng mga advance subjects kung kayat ang dapat na 4years ay magiging 5years.

Matagal na ding tumatakbo ang relasyon nila Nicco at Andrei. Hindi maiiwasan ang tampuhan, sa tuwing darating ang mga oras na ganito ay si Andrew ang lagi nilang takbuhan. Natanggap na ni Andrew unti-unti ang kapalarang hindi na magiging kanya si Nicco. Kung kayat naging malaking tulong siya upang lalong tumibay ang samahan ng dalawa.

“Hey, Andrew and Andrei” sabi ng tinig habang kumakain sila sa isang karideryang malapit sa simbahan “Did you miss me?” tanong ng babae.

“Stephanie, is that you?” tanong ni Andrei na may pagkamangha sa itsura ng dalaga “lalo ka atang gumaganda” dugtong pa ng binata.

Hindi alam ni Andrei, dahil sa ginawa niya ay nakaramdam ng inis ang batang si Nicco. Alam ni Nicco ang tungkol kay Stephanie kung kaya’t lalo itong nagpasiklab sa kanyang damdamin upang magselos.

“Yes, it’s me.” sagot ni Stephanie at napatingin kay Nicco “Nicco, ikaw ba yan? Biruin mo nga naman, walang pinagbago.”

“Tama! Same old Nicco. Nothing changes but quality wise, I’m improving, that is what men need to achieve” kasunod ang mahinang tawa.

“Salamat sa mga words of wisdom mo. It helps me so much.” pasasalamat nito. Ginatihan naman ng ngiti ni Nicco ang sinabi ng dalaga.

“Andrew, hindi ka na nagsalita dyan” biro ni Andrei sa kakambal.

“Tara na kuya Andrei, iwan na muna natin sila para makapag-usap” pagkasabi nito ay hinila ni Nicco palayo si Andrei.

Nang makalayo na sila Andrei ay sinita ni Nicco ang kuya niya “Ikaw ah, kung makatingin ka kay Steph parang hinuhubaran mo na.”

“Nagseselos ang Nicco ko, wag ka ng magselos, nabigla lang ako sa itsura n’ya. Pero ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko. Ikaw na ang last at hindi na babalik sila past.” Nakangiting wika nito.

“Sige na nga, tutal naman mahal din kita kaya pinapatawd na kita. Wag ka na lang uulit. Maliwanag ba?” sagot ni Nicco.

“Opo mahal kong Nicco.” nakangiting sagot ni Andrei.

Sa kabilang banda ay nag-usap din si Steph at Andrew.

“Kamusta ka na?” panimulang tanong ni Andrew kay Steph.

“Mabuti naman ako. Ikaw ba?” balik na tanong ni Steph “Hindi na nga pala ako babalik ng Australia.” dugtong pa ng dalaga.

Bumakas ang saya sa mukha ni Andrew “Talaga? Magandang balita.” sabi nito “Iyong tinatanog ko sa iyo dati pa? Handa ka na bang sagutin?”

“Tulad ng sinabi ko dati, makakapaghintay ang ganyang mga bagay. Kung magagawa mo pang maghintay kahit ilang linggo na lang malalaman mo ang kasagutan ko.” Sabi ng dalaga.

Tila nahulaan niya ang ibig sabihin nito kayat ang naisagot niya ay “Oo naman, kung tatlong taon nga ay nahintay kita, ilang linggo pa kaya.” Nakangiting sagot nito sa dalaga.

Mahabang oras din na nag-usap ang dalawa hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Hinatid ni Andrew si Steph sa bahay nito at nagpaalam na din.

Umaasa ang puso ng binata sa magandang kasagutan ni Steph sa kanya.


[20]
Si Andrew at Stephanie

Nang gabi ding iyon muling naalala ni Andrew ang mga pinagdaanan nila ni Stephanie. Sa pakiramdam niya ay lalong nahulog ang loob niya kay Steph ngayong nakita niyang mas naging kaakit-akit ito. “Oh, Steph, akin ka lang” nasabi niya sa sarili.

Magkaklase sina Andrew, Andrei at Steph sa Colegio de San Isidro. Magkatabi ng upuan si Andrei at Steph samantalang si Andrew mula’t sapul ay nagkagusto na sa dalaga kung kayat hindi niya ito malapitan. Si Andrei ang naging daan para magkakilala ang dalawa, hanggang sa lumalim ang pagtitinginan.

Simula nang makita ni Andrew si Steph ay hindi na niya makalimutan ang dalaga. Lagi itong naglalaro sa kanyang isipan. Binabalak ligawan subalit nahihiya siya dahil ayaw niyang masira ang namamagitan sa kanilang pagkakaibigan kung sakaling pumalya ang panliligaw niya. Ayaw niyang malayo si Steph sa kanya.

Samantala, nang minsang gabihin ng uwi si Steph ay may mga lasing na humarang sa kanya. Sakto namang dumating si Andrew na siyang naging daan para makatakas sila. Hinatak siya ni Andrew at sabay karipas ng takbo. Nang mapansin siya ni Andrew na pagod na ay kinarga siya nito at lalong binilisan ang pagtakbo para hindi mahabol. Mas lalo niyang hinangaan ang binata nang imbes na magtago ay dumiretso sila sa police station para magsumbong. Dahil dito unti-unting nahulog ang kanyang loob sa binata.

Napagpasyahang ligawan ni Andrei si Steph ng may magsabi sa kanyang may gusto din ang dalaga sa kanya. Wari bang ito ang maituturing niyang senyales para ligawan ang dalagang iniirog. Sa una ay nahihiya, subalit dahil sa angking kabaitan ni Steph ay pumanatag ang kanyang kalooban.

Hindi maikakailang may gusto si Steph kay Andrew. Lagi itong nahuhuli ng mga kabarkada ni Andrew na nakatingin sa binata. Nang magsimulang ligawan siya ni Andrew ay tila isang panaginip na nagkatotoo. Hindi niya pansin na may gusto din pala sa kanya ang binata kung kayat laking gulat niya ng mag-alok ito ng panliligaw.

Mula second year high school ay nililigawan na ni Andrew si Steph, ngayon nga na nasa kalahati na ang taon ng pagiging third nila ay binalak niyang sagutin ito. Nagkaroon ng pagbabago sa desiyon niya ng makilala niya si Nicco.

Unang nagkausap sila Nicco at Steph ng mapansin ni Nicco na may malalim itong iniisip. Naging magaan naman ang pakiramdam niya kaya sinabi niya dito ang problema.

“Alam mo kasi Nicco, gusto ko na siyang sagutin, kaso iniisip ko, hindi pa ako handa sa buhay na may boyfriend.” Sabi ni Steph.

“Mahirap ang pumasok sa isang buhay na hindi ka pa handa. Pag nagkaboyfriend ka, ibig sabihin may mababago sa takbo ng araw-araw mo. Pag pumasok ka sa isang bagay dapat siguraduhin mong makakaya mong panindigan, para sa huli, wala kang pagsisisi na ganuon ang dinaranas mo.” sabi ni Nicco “baka sa huli manghinayang ka sa mga mawawala sa iyo o sa bagay na pinakaiingatan mo.” Dagdag pa nito.

Iyon na marahil ang pinakanagmarka sa isip ni Stephanie, kung kayat hanggang ngayon ay hindi niya sinsagot si Andrew.

Gayunpaman, hindi bumitiw si Andrew, pero ang tukso ay malapit lang. Kung mahina ang isang tao, malamang na bumigay ito. Gayon na nga ang nagyari kay Andrew, kaya naman agad itong nahulog kay Nicco. Pero tulad nga ng minsang binanggit ni Nicco –“ilang ulit ka mang madapa ay lagi kang pwedeng bumangon, ilang ulit ka mang magkamali ay pwede mong itama, ilang ulit ka mang matukso, alam ng puso at isip mo kung saan ka aakayin pabalik, basta ba nakahanda ka lagi para samahan ito. Natural lang ang matukso at maging marupok, lalo na at malayo ang minamahal mo pero kung iisipin pwede mo namang iwasan kaso pinili mo pa rin ang matukso. Wala kang ibang pagpipilian kundi ang bumalik sa taong mahal mo at dumanas ng karampatang paghihirap dahil sa nagawa mo.”

Sa pagbabalik na ito ni Stephanie ay lalo niyang napatunayang tama si Nicco, dahil ngayon ay pinagsisihan niya at nagkagusto siya kay Nicco – lalo’t higit na kung tinuloy niya ang balak na panliligaw dito.

Sa ngayon ay alam at sigurado na ni Steph na handa na siya para tanggapin ng buong buo si Andrew. Naramdaman niyang kulang ang pagkatao niya ng mamalagi siya sa Australia at walang Andrew na nakabantay at sumusuporta sa kanya. Alam na niyang hindi masasayang ang mga bagay at wala siyang pagsisisihan sa bandang huli.

Sa kabilang banda, si Andrei, tulad ng naramdaman ni Andrew ay nagkagusto na din kay Steph, subalit hindi niya ito kayang ipagtapat sa dalaga. Naging mabait sa kanya si Steph. Mapagbigay, maalalahanin at higit sa lahat pinupuri ang kahit pinakamaliit na nagawa niya. Kakaiba si Steph sa lahat. Mula nuon ay hindi na niya pinapansin ang kahit na sinong babae lalo na iyong nagpapaalam na may pagtinign sila sa kanya.

Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing sa kanya nito. At sa tuwing magkukwento ito ng tungkol kay Andrew at ang pagkagusto niya sa kakambal ay tila ba nadudurog ang puso niya. Nang malaman niyang may gusto din si Andrew kay Steph ay dagli niyang sinabi na may gusto din si Steph sa kanya. Hindi niya alam na nililigawan na pala ni Andrew si Steph. Nalaman na lang niya ito nang mapagdesisyunan niyang ligawan ang dalaga.

Sa ngayon, isa lang ang alam ni Andrei, kahit gaano pa gumanda si Steph, hindi niya ipagpapalit ang nag-iisang Niccollo Emmanuelle de Dios na nagpakilala sa kanya sa bagong katauhan at bumuhay sa isang pakiramdam na naiiba sa lahat at ngayon lang niya naramdam,an.

No comments:

Post a Comment