Tuesday, January 8, 2013

The One Who could not be Taken (11 & Finale)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[11]
To those who believed in me. This chapter is made especially for you. Thanks for your support guys!


Chapter 11

Pabiling-biling sa kanyang hinihigaan si Dalisay. Kanina pa siya gising ngunit tinatamad siyang tumayo. Hindi rin niya iniintindi ang kanina pa kahol ng kahol na si Eneru na nasa bakuran niya. Patamad siyang nag-inat at nahagip ng tingin ang orasan.


Alas-otso na.

Usually ay tapos na siyang mag-ayos sa loob ng bahay sa mga oras na iyon. Nakaligo na rin siya at naghahanda ng magtrabaho sa kanyang work-room. Pero tinatamad talaga siya. Hindi naman siya buntis. At lalong wala siyang dinaramdam na kung anoman. Maliban na lang sa isang bagay.

Antisipasyon.

Isang buwan na rin ang nakalipas ng huli silang magkita ni Gabriel. Ayaw man niyang aminin ay gustong-gusto na niya itong makita. Kung sinoman ang nagpa-uso ng kasabihang "Absence makes the heart grow fonder" ay gusto niyang kutusan ng malakas at palakpakan at the same time.

Napabuga siya. Inis na inis sa sariling discriminasyon sa larangan ng pag-ibig. Bakit ba kasi niya hinayaan na mawala si Gabriel sa kanya? Mabibilang sa patak ng ulan ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng interes sa kanya ang mga lalaki at kapwa niya bading dahil na rin sa pagiging mistulang anti-social niya.

Napailing-iling siya at ipinasyang tumayo.

Ang kinasanayang routine ay hindi muna niya ginawa. Kadalasan, nagsisimula siyang magligpit ng pinaghigaan at mag-ehersisyo pagkatapos. Maglinis. Magwalis. Magpakulo ng tubig na may itlog. Maliligo. Maglilinis ng banyo. Magbibihis. Papatayin ang pinakuluan. Ititimpla ang pinagpakuluan ng itlog sa kape. Mag-a-almusal. Aasikasuhin si Eneru. Magdidilig. Saka siya tutuloy para magtrabaho.

Subalit hindi ngayon.

Lahat ng kinasanayan niyang gawin ay nilaktawan niya. Just for this day. Wala naman sigurong mawawala kung hindi niya gagawin ang lahat ng iyon.

Imbes na magligpit ng pinaghigaan ay bumaba siya at lumaktaw sa pagpapakulo ng tubig. Pero wala iyong kasamang itlog.

Bagkus, kinuha niya ang kawali. Isinalang. At nagpasyang mag-omelet.

Kinuha rin niya ang kaning-lamig. Dinurog at isinangag pagkatapos maluto ng itlog. Pinatay na rin niya ang takure saka nagtimpla ng kape.

Napangiti siya.

Hindi niya sukat akalain na ang pagbali niya sa nakasanayang gawi ay magbibigay ng kakaibang kasiyahan sa  kanya. Isinunod niya ang paghahain saka lumabas para pakawalan si Eneru na tuwang-tuwa ng makita siya. Dinamba pa siya nito para dilaan na ikinatawa niya.

"Good boy." Aniya sa alaga.

Nang bumalik siya sa kusina ay nag-almusal siya kahit hindi pa nagse-sepilyo at naghihilamos. Wala namang nakakakita sa kanya kaya dedma lang.

Nang matapos ay inilagay lang niya sa lababo ang mga pinagkainan. Pinakain din niya si Eneru saka ito iniwan para iligpit ang mga gamit niya sa kwarto.

Hindi pa siya nakaka-akyat ng husto ay naririnig na niya ang pag-iingay ng kanyang cellphone. Nangungunot ang noong dinampot niya iyon nang makapasok.

2 Messages Received.

Binuksan niya ang mga mensahe at nakitang galing iyon kay Doc Roblen at Charles.

Kumusta ka? Attend ka naman ng meeting. Hindi ka na nakakapunta rito eh. Anang butihing doctor ni Eneru.

Sige. Anong oras? Sagot niya.

Binuksan niya naman ang kay Charles at nakitang ganoon din ang mensahe maliban sa karugtong nito na may sasabihin daw itong importante. Nag-reply siya ng OK saka ibinaba ang aparato sa side-table.

Nagliligpit na siya ng pinaghigaan ng mag-ring ang kanyang cellphone.

It was Doc Roblen.

Sinagot niya agad ito.

"Hello, Doc. Good Morning!" masigla niyang bati.

"Hi! Buti naman at sumagot ka. Akala ko joke lang yung pagtatanong mo kaya tinawagan na kita," sagot ni Doc Roblen.

"Pwede ba namang maging joke yun?"

"I don't know. May pagka-aloof ka kasi. Hindi ako sanay na sumasang-ayon ka kaagad sa amin. Anyway, bago pa magbago ang isip mo. Mag-start kami ng meeting ng mga one o'clock. Same place. Sa Something's Fishy sa Libis. Pumunta ka. May bago tayong member. Gwapo ito." Sunod-sunod na pag-i-inform sa kanya nito.

Napailing siya sa tinuran ni Doc Roblen. "I will. Kahit wala pa kayong kasamang gwapo. I-kumusta mo ako kina Lance at sa iba pa."

"Sure. See you." Anito at tinapos na ang tawag.

Nangingiting inilapag niya ulit ang aparato saka itinuloy ang mga gawain. Naglinis na rin siya sa bahay at naligo.

Pagkatapos ay saka siya nag-check ng mga e-mails at sinagot ang ilan sa mga iyon. Tinapos din niya ang mga naka-pending na first page credits para sa mga nobela niyang katatapos lang gawin.

Napangiti ulit siya.

He felt accomplished. Light.

Tiningnan niya ang oras. Alas-onse na. Sakto lang para magbihis siya at bumiyahe sa editor niya at pumunta sa meeting nila Doc Roblen na matagal na siyang niyayayang sumali sa entrepreneur's club na pinamumunuan nito.


NAGHAHANAP siya ng pagpaparadahan nang makita niya si Charles na naglalakad. Tatawagin niya sana ito subalit napigilan siya ng makitang may kasama itong pamilyar na pamilyar hindi lang sa kanyang mga mata kundi pati sa kanyang puso.

Medyo nangayayat ang ito subalit hindi noon nabawasan ang kagwapuhang taglay ng nilalang na tinititigan niya. Nagulat pa siya ng makarinig ng malakas na busina sa kanyang likuran. Napa-preno siya ng malakas. Muntikan na siyang makabangga pala sa kakatitig kay Gabriel.

Yes. It was Gabriel who made him unaware of almost everything.

Napapalatak siya. Mabuti na lang at hindi siya nadisgrasya. Mabilis siyang tumingin sa panig nila Charles at Gabriel at laking pasasalamat niya na hindi ito nakatingin sa nangyari.

Hindi niya sukat akalain na ang simpleng pagtanaw dito ay magdudulot ng ganoong pakiramdam sa kanya. Mistula siyang school-girl na natulala ng makita ang crush sa kauna-unahang pagkakataon.

Nang makaparada ay tinalunton niya ang daan papunta sa Something's Fishy. Natanawan niya agad ang grupo nila Doc Roblen na nasa loob na ng establisyimento ng makapasok siya.

Malamig ang hanging bumungad sa kanya pagpasok doon ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit siya biglang nanigas sa kinatatayuan.

Sitting beside Doc Roblen and Charles is the most handsome creature he ever laid his eyes on. Naka-crew cut ito. Exposing his beautiful eyebrows and chiselled chin. Naramdaman siguro nito na may nakatingin dito kaya nagbaling ito ng tingin sa gawi niya.

Their eyes met.

Ang kaninang walang buhay na mata nito ay biglang kuminang pagkakita sa kanya at pakiramdam niya ay ganoon din siya ng mga oras na iyon.

Nagulat pa siya ng tawagin siya ni Doc Roblen. "Dalisay! Mabuti at nandito ka na."

Napapitlag siya ng kaunti at inayos ang sarili. Ngumiti siya ng tipid at sinagot ito habang naglalakad. "I promised to come, hindi ba?"

Nang makalapit siya sa table ng mga ito ay para siyang robot na bilang na bilang ang gagawin. Nahugot niya ang paghinga ng ipaghila siya ng silya ni Doc Roblen katapat ang silya ni Gabriel na hindi siya tinatantanan ng tingin. Ilang na ilang tuloy siya.

"Buti naman at lumabas ka sa lungga mo," si Lance.

Binalingan niya ito at binati. "Hindi kasi ako busy," dagdag pa niya.

"Good," kibit-balikat na sabi nito.

"Dalisay. I want you to meet Gabriel. He's our newest member dito sa club. Gabriel, the incomparable writer Dalisay." Pagpapakilala sa kanya ni Doc Roblen sa binata.

Ngumiti sa kanya si Gabriel at inilahad ang kamay sa pagtataka niya. "Hi, I'm Gabriel."

Na-miss niya ang boses nito. Muntik na siyang mapaluha ng magpakilala ito sa kanya kundi lang niya naalala ang kundisyon na ibinigay niya rito.

We'll treat each other as strangers the next time we meet...

Iniabot niya ang kamay dito and the moment their palms meet, thousands of electric shocks was sent into his system. Bahagya pa siyang kinilig. Dalangin lang niyang hindi nito iyon naramdaman.

"Hello. I'm Dalisay." Kimi niyang sagot.

"Hindi ko alam na may sikat pala kayong member," ani Gabriel na hindi binibitiwan ang kanyang kamay.

"Ah... Hindi pa siya member dito. Magpapa-member pa lang. Hindi ba, Dalisay?" sagot ni Doc Roblen sa inquiry ni Gabriel kahit pa walang partikular na tinatanong ang huli.

"O-oo nga." Nauutal niyang sabi.

Siya na ang kusang bumitiw dito kahit pa ayaw niya. Kung pwede lang, kukunin niya ang lahat ng sadaling maaari silang maghawak o magdikit man lang. Ganoon niya ito na-miss.

"Ok. Since nandito na ang lahat. Pwede na tayong magsimula," putol ni Doc Roblen sa pagmo-moment niya ng mga sandaling iyon.

"T-teka lang..." Si Charles.

Lahat ay takang napalingon dito. Maging silang dalawa ni Gabriel. Sa hitsura at timpla nito, mukha itong constipated na ewan.

"Ano iyon Charles?" tanong ni Doc Roblen dito.

"Ah... Eh... Pwede ka bang m-maka-usap, Jordan?" Charles asked nervously.

Nangunot ang noo niya sa tinuran nito. Ginamit nito ang tunay niyang pangalan kaya malamang ay importante ang sasabihin nito.

"Why?" he asked.

"D-doon sana sa labas. Y-yung tayong dalawa lang." Kabado pa ring sabi nito.

Nagtataka man ay pumayag siya. Sandali niyang sinulyapan si Gabriel na nang mga oras na iyon ay bahagyang nagdilim ang anyo.

"W-we'll be right back." Nahihiya niyang sabi sa mga naroroon.

Nang makalabas sila ni Charles ay mukha pa rin itong tuliro na palad-lakad. Halos makarating na sila sa Richmonde Hotel ay hindi pa rin ito nagsasalita.

"Charles!" tawag niya rito.

"Y-yes?!" natitigilang sambit nito. Tumigil din ito sa paglalakad.

"Wala akong planong sundan ang paglalakad mo buong araw. Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Nakakahiya sa mga iniwan natin doon." Naiinis na sabi niya.

Bantulot itong humarap sa kanya.

"Anong sasabihin mo?" His arms akimbo.

Nakita pa niya ang paglunok nito baga nagsalita. "I-i m-made a mistake. Sana m-mapatawad mo a-ako."

Lalo siyang naintriga sa sinabi nito.

"What do you mean?"

"G-ganito kasi yun. Nakipagpustahan ako kay Gabriel. Y-yung pinakilala sa iyo kanina. And the bet was about someone who could not be taken." Nagkakanda-utal na sabi pa ni Charles.

"What? Anong konek nun sa akin?" asar niyang sabi.

Paglalakarin siya nito sa katanghaliang-tapat sa Libis tapos yun lang pala ang sasabihin nito. Na nakipagpustahan ito kay Gabriel about someone whou could not be taken. Kaloka.

"Taken by whom?" tanong niya.

"B-by him. W-we made a bet na hindi lahat ng bading o bisexual ay makakaya niyang maging boyfriend. I was so frustrated to prove him wrong. K-kaya naman... Kaya naman... naisip kita," pagpapatuloy nito.

Kinabahan siyang bigla. Mukhang hindi niya magugustuhan ang ibig nitong tukuyin.

"W-what do you mean?" kabado na rin niyang tanong.

"I-i told him that there is a particular person who could not be taken by his charms. Na hindi pa niya natutuklasan ang lahat ng planeta. Na hindi niya kayang gawing jowa ang lahat ng popormahan niya. And I told him that you were that someone who could not be taken," dire-diretso nitong sabi.

Natigilan siya. Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. After all this time. Isang pustahan lang pala ang nasa likod ng pangungulit sa kanya ni Gabriel noon. That he was taking him for a fool. At gaga naman siya para magpa-uto dito na totoo ang lahat ng sinasabi at nararamdaman nito sa kanya noon. How cruel!

"J-jordan! Sorry! Sana mapatawad mo ako. I-i lost the bet. Na-in-love sa iyo si Gabriel. He told me himself. Pero hindi ko kayang maging masaya na nanalo nga ako ng two-hundred thousand pero pinagpustahan ka naman namin kahit pa totoo naman na in-love siya sa iyo."

Kung sa ibang pagkakataon ay nagtatalon siya sa tuwa sa deklarasyon na iyon ni Charles. But the revelations just now are difficult to swallow. Wala siyang matanggap sa mga rason na sinasabi sa kanya ng kausap niya ngayon. Pero may isang bagay na malinaw sa kanya. Pinaglaruan siya.

Ito at si Gabriel.

"Jordan..."

Hinamig niya ang sarili.

"Magkano ulit ang pustahan ninyo?" he asked.

"T-two hundred thousand. Saka yung Audemars Piguet watch ko."

Napabuga siya.

"At least, mahal ang pustahan ninyo," aniya sa kontroladong tinig.

Gusto niyang palakpakan ang sarili sa pagkakataong iyon dahil hindi siya nagpapadala sa emosyon niya. Kung iba iyon, malamang umiyak na ng umiyak at nagwala sa galit. Ngunit hindi siya ganoon.

Not Dalsiay Diaz.

"I'm sorry, Jordan." said Charles.

Nagtaas siya ng mukha. "Save your sorry Charles. Kakausapin ko lang ang kaibigan mo. Tatanungin. Ako ang magdedesisyon kung patatawarin ba kita o hindi." aniya rito saka mabilis na tumalikod at bumalik sa lugar kung saan naroon si Gabriel nang mabangga siya sa isang solidong katawan na gad siyang inalalayan.

"Hindi na kailangan. I'm already here."

Mahilo-hilo man siya ay kilalang-kilala naman niya ang taong nagmamay-ari ng katawang iyon. Though his senses was assaulted by the man's scent, he wouldn't let it cloud up his senses. Hindi pwede. Hanggang hindi sila nagkakaliwanagan.

Itutuloy...



DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.


[Finale]
Finally, this I have come up with a proper ending for this story. Sa sobrang tagal kasi na nag-hiatus ang bida ko dito, hindi na ako nakamove-on. Hahaha... Mind you, I took it seriously. LOL.

To Gabriel, keep doing what you are doing right now. I will always cherish the name Kirby Gabriel Fadriquella in my dreams. Sa panaginip ko, totoo siya. Although hindi ko itinatanggi ang existence mo, ikaw at siya ay iisa. Love yourself dear so you could start anew. Malay mo, ikaw ang The One Who Could Not Be Taken ng taong muling paglalaanan mo ng iyong pagtingin.

Hanggang sa muli mga kaibigan.

Nagmamahal,

Dalisay.

Chapter 12


"G-Gabriel..."



It was said in a very soft manner.



Ang buong akala ni Gabriel ay sasalubungin siya ng katakut-takot na panunumbat mula kay Dalisay ngunit ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin ito kumikibo. Ilang emosyon na ang nakita niyang nagdaan sa mga mata nito ngunit wala siyang makitang senyales ng outburst anumang oras.



It was like he's waiting for something he himself could not fathom. Siya pa na ipinangalandakan na sa buong mundo ang kahusayan sa pakikipag-deal sa mga kalahi niyang gustong-gusto niya.



But he thought wrong.



He could not handle the simple, plain yet very unpredictable Dalisay Diaz for that matter. Maling-mali siya.



"Let me explain, please," he said without any conviction.



What is there to explain dude? Sabi ng isang bahagi ng isip niya.



Bumaba ang paningin ni Dalisay sa kamay niyang nakahawak sa braso nito ng muntik na itong matumba dulot ng pagkakabunggo nito sa kanya kanina.



"L-let me go." Said Dalisay. Almost whispering.



"No." He answered.



"Please?"



Napabuga siya.



Hindi siya talaga manalo-nalo dito kahit kailan. Sa debate man o sa pakiusapan. So he did let him go.



For a while. He said to himself.



"Will you hear me out first?" tanong niya kay Dalisay.



Tumingin ito sa kanya at tumango.



Napatingala siya. Parang gusto niyang kumuha ng lakas sa langit sa mahaba-habang paliwanag na sasabihin niya rito. Nang handa na siya ay tumingin siyang muli rito at lakas-loob na nagsalita.



"I know that this just looks like a re-run of everything. But please, maniwala ka sa akin kapag sinabi kong hindi ko sinasadyang lokohin ka," panimula niya.



Nanatili lang na nakatitig at nakikinig sa kanya si Dalisay.



"I made a bet with Charles without thinking that he might be right. Na hindi lahat ng bakla, bisexual o kung sino pa mang kalahi ni Adan ang kabisado ko na pagdating sa pakikipag-relasyon. Na mayroon pa akong hindi nadidiskubreng planeta sa kalawakan. Na hindi pala pwedeng kahit anong takip na lang sa kaldero ang pwede kong gamitin. Mali ako. Kasi nariyan ka."



"Noong nalaman ko na si Dalisay Diaz at yung Jordan na sinasabi niya ay iisa, natakot ako. Na-insecure. Pero dahil sa nakapag-commit na ako, hindi na ako pwedeng umatras. I said to myself, ano nga ba ang kaibahan mo? Mukhang wala naman, pero ikaw lang ang nakapag-paikot sa puwit ko ng ganun-ganon na lang. Ang hirap mong ispelengin. One minute you're mysterious, then you're like any normal Joe. Naguguluhan ako. Then I found out, I'm liking and hating you all at the same time. Pero mas lamang yung pagka-gusto ko sa'yo kaysa pagka-bwisit."



Napangiti si Dalisay pagkasabi niya noon. That gave him enough encouragement to continue.



"I swear to God. Nung magkatabi tayo sa kama. Nung nagising kang nakayakap ako sa'yo. Sinadya ko iyon. But you know what? It back-fired. Ang plano kong pangse-seduce ay bumalik sa akin. Alam kong alam mo iyon. I was so hard when I..."



"Hep! Hep! tumigil ka sa parteng iyon. I-skip mo muna," namumula ang mukhang sabi ni Dalisay sa kanya. Nagtaas pa ito ng kamay para pigilan siya sa anumang sasabihin pa niya.



He caught the pertinent hand and held it firmly. Sinigurado niyang mahigpit na hindi ito makakawala mula sa pagkakahawak niya.



"No. I want you to hear what I did next," sabi pa niya.



"Gabriel! Don't you have any decency at all? Nariyan lang si Charles oh," anito na tumingin pa sa paligid para lang mabigla na wla na ang kinatatakutang audience.



May mangilan-ngilan na dumadaan pero hindi ito pinagtutuunan ng pansin ni Gabriel.



"Hayaan mo na siya," said Gabriel. "So, ganoon nga, makulit na Miss. Ang daya mo. Matapos mo akong halikan, tinakasan mo ako. Alam mo bang binisita ko pa ang shower room para lang hindi ako kahiya-hiya kapag bumaba ako?"



Namula ng husto si Dalisay sa mga mga naririnig mula sa kanya. Nag-enjoy siya tuloy ng husto sa nakikita. Ganito pala ito kapag nahihiya. Sobrang pula.

"Ikaw ang naghalik," pagtatama nito.

Umiling siya.



"Grabe ka, Miss D. Para akong nagso-solve ng puzzle sa ginagawa mo sa akin. Pero alam mo ang pinaka-gusto ko sa lahat?" tanong niya rito.



Nagtaas naman ito ng kilay sa tanong niya. It was like telling him to go on and that he was very curious of what he's going to say.



"Yung halik mo."



Dalisay rolled his eyes with his statement.



"Ayaw mong maniwala? E di try ulit natin," and in a swift move, he cupped Dalisay's nape and lowered his head quickly to claim the doubtful man's lips.



Napaungol agad si Gabriel sa sensayon na naramdaman. It was bliss. Ang tagal niyang hinanap ang katulad ng ganoong pakiramdam sa mga dati niyang karelasyon ngunit hindi siya nagtagumpay. Mabuti na lang nakipagpustahan siya at nakilala niya ang taong ito.



Hindi pa sana siya titigil sa pananakop kung hindi lang siya nakarinig ng malalakas na sigawan at palakpakan sa paligid.



Si Dalisay ang unang bumitiw at na-shock ng makita kung sinu-sino ang mga audience nila. Sila Doc Roblen, Charles at Lance pati na rina ng ilang members ay naroroon at nanonood sa kanila. Mabilis sanang kakawala sa kanya si Dalisay ngunit inunahan niya ito. Niyakap niya ang makulit na writer para lang hindi na ito makawala na sa kanya ng tuluyan.



"G-Gabriel... Hindi ako makahinga!" reklamo nito.



Natawa siya. Bahagya niyang niluwagan ang pagkakayakap ngunit tinitigan niya ito upang ipa-intindi na hindi na ito makakatakas pa sa kanya kahit anong mangyari.



"You're not going anywhere, Miss D. Huli na kita."



Natatawang isinubsob ni Dalisay ang mukha sa kanyang dibdib.



"I'm not going anywhere, Gabriel. Wala akong planong tumakas mula sa'yo."



Nakahinga siya ng maluwag at itinaas ang mukha nito to give Dalisay another round of a kiss ngunit tumanggi na ito.



"Wala akong planong maging center of attention dito, Gabriel. Huwag kang PDA. Nasisira ang reputasyon ko sa'yo." Natatawang sabi nito.



Nakitawa na rin siya.



"I'm sorry." Buong sinseridad na sabi niya.



"Don't be. Besides, hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa'yo." sabi nito.



"I love you..."



"I love you more. Pilit ko mang itanggi, iyon ang isinisigaw ng puso ko. Wala ng dahilan pa para hindi ko pakinggan iyon."



Halos matunaw ang puso niya sa deklarasyon na iyon ni Dalisay.



"Am I dreaming?" halos pabulong niyang tanong dito.



"Yes, you are dreaming, Gabriel," Dalisay replied to him.



Nangunot ang noo niya sa sagot nito.



"Then I don't want this dream to end. Ayoko ng magising pa," buong kaseryosohan niyang sabi na tinawanan lang ni Dalisay.



"Sira ka talaga," sabi pa nito.



"Ikaw kaya ang sira. Nagpapa-cute lang ako sa tanong ko, pinatulan mo naman." Nakasimangot niyang sabi rito.



"Susme, at nag-inarte ang mama. Hindi bagay sa'yo 'oy!" natatawa pa rin nitong sabi.



"Natatawa ka pa? Samantalang seryoso akong nagbubuhos ng damdamin ko sa'yo rito. Pinaglalaruan mo lang ba ako?"



Umingos lang si Dalisay sa sinabi niya. Halatang hindi sineseryoso ang kaunting tantrums niya.



"I agreed that you are dreaming, Gabriel because I know this kind of dream. This is the kind that you control the outcome. What do you call it again? Lucid dreaming? Yeah, I think that's it." Nakangiting paliwanag nito sa kanya habang unti-unting kumakalas mula sa pagkakayakap niya.



"What?" naguguluhan niyang tanong.



"You know, the type of dream where the dreamer gets to choose the right ending for his dream. It's lucid dreaming, Gabriel. And this is the kind of dream that we are into right now. Walang makakapagbago ng desisyon natin para sa finale ng panaginip na ito," paliwanag ni Dalisay sa kanya na tila ba isa siyang bata.



"Hmm... Ganoon ba yun?" napapantastikuhan niyang sabi. "In fairness, may natutunan ako sa'yo. Alam ko ang term na iyon pero hindi ko alam na mangyayari pala iyon sa akin. Dito mismo sa mga oras na ito."



Dalisay chuckled. Hindi matiis na kurutin ang mga pisngi niya.



"Ang gwapo mo talaga!" kinikilig pang sabi nito.



Napangiti siya ng husto. A compliment from the one who taught him almost everything in a span of months. Who would have thought na ang simpleng pustahan nila ni Charles ay mauuwi sa maganda ngunit masalimuot na love story nila ni Dalisay.



"Hindi pa ba tapos iyan?" tanong mula sa grupo nila Doc Roblen na nasa hindi kalayuan.



Napatingin sila dito. Pati na rin sa paligid. May mga nakangiti. May nakataas ang kilay. At meron ding kumukuha ng pictures at videos. Nilingon niya si Dalisay. He was smiling from ear to ear. Ganoon din ang pakiramdam niya. In fact, gusto niyang magtatalon sa tuwa. Ibinalik niya ulit ang tingin kila Doc Roblen.



"We're done. May pinag-uusapan lang kaming ilang bagay," nakangiti niyang paliwanag sa mga ito.



"Pare, baka next month ko na ibigay yung two-hundred thousand mo. Walang-hiya ka. Nakabawi ka kaagad. Akala ko, panalo na ako," ani Charles.



"Tukmol! Wag kang panira ng moment." Nanlalaki ang matang sabi niya rito.



Natawa naman si Dalisay at ang iba pa. Everybody seemed to know about the bet already. Napatingin ulit tuloy siya sa bagong kasintahan ng wala sa oras.



"O bakit?" nagtatakang tanong nito.



"Bakit nga pala hindi ka nagalit sa akin? Sa amin ni Charles."



Ngumiti muna si Dalisay. Saglit na nag-isip bago nagsalita."Actually, I'm really mad kanina. But I don't have any idea kung bakit ang bilis nawala yung galit ko pagkakita ko sa'yo. Sabi ko naman di ba? Kakausapin lang kita sana. Tatanungin. Subalit nung nakita na kita, wala na. Talo na agad ako. Hindi lang ako nagpahalata kasi baka lumaki ang ulo mo bigla. May pride din naman ako kahit paano," mahabang sabi nito.



Napapalatak siya.



"Hindi nga halata kanina na galit ka. I was really afraid to say something kanina. Buti na lang naisip kong it's now or never. Wala atrasan ito. Kesohodang magalit ka pa. Magpapaliwanag at magpapaliwanag pa rin ako sa'yo," sabi ni Gabriel.



"Which I'm glad you did," sagot ni Dalisay habang nakatitig ng buong-suyo sa kanya. "Nawawala kasi ang galit ko kapag nagpapaliwanag ka na. Ako naman kasi, kapag may ginawa sa akin ang isang tao, I tend to get angry at first but iniisip ko din kung ano yung mabuti sa kabila ng hindi magandang nagawa sa akin. Personally, I thought you bring the best and the worst in me kapag magkaharap tayo."



Tumaba ang puso niya sa narinig.



"Thank you." Yun lang ang tangi niyang nasabi na sinagot naman ng ngiti ni Dalisay.



"You're welcome. Halika na. Gutom na ako," yaya nito sa kanya.



"Ako rin."



Nagkakatuwaan ang lahat ng lumapit silang dalawa sa mga kasamahang naki-usyoso sa kanilang moment kanina.



"Tapos na ba? Gutom na rin kami eh." Si Charles.



"Hindi pa, pare. Simula pa lang ito. Hindi ba, babe?"



Tinaasan lang siya ng kilay ni Dalisay sa sinabi niya ngunit nauwi rin sa tawa kaagad.



"Babe?" sabi nito. Tila ninanamnam ang salitang iyon. "I like it."



The statement received an applause from everyone. Nagkaisa silang i-celebrate na lang ang pagkaka-ayos nila ni Dalisay pagkatapos ng meeting ng kanilang club. Hindi magkamayaw si Gabriel sa kakangiti sa durasyon ng salu-salo.



Na dapat lang naman dahil kundi dahil sa kalokohang pustahan na naisipan ng kaibigan niya ay hindi siya matututo ng matinding leksiyon. Hindi sa lahat ng oras ay alam mo ang sagot sa mga bagay-bagay. May mga pagkakataon na bibiglain ka ng tadhana para iparamdam sa'yo na marami ka pang hindi nalalaman. He have Charles to thank for that.



Tapos na ang kanyang paghahanap. Hinding-hindi na siya titingin sa iba. Wala ng hahanapin pa sapagkat nasa tabi na niya ang taong magbibigay ng kakaibang kulay sa kanyang buhay. Kapag naiisip nga niya ang mga panahong sinayang niya sa pagtuklas ng kung anu-ano, nakikita niya ang isang pathetic na nilalang na nagsasabing in-love siya sa mga karelasyon niya kahit hindi naman. All for the sake of having a so-called relationship. At least, with Dalisay on his side, the search for the one who could not be taken is finally over.



WAKAS.



DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

No comments:

Post a Comment