Tuesday, January 8, 2013

The Martyr, The Stupid and The Flirt (11-Finale)

By: Dalisay
Blog: theimmaculatedalisay.blogspot.com
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com


[11]
"This is all your fault!"

"Ako pa ngayon ang sinisi mo? Ang kapal ng mukha mo."

"Ikaw ang sumuntok kay Monty."

"Na isang aksidente. Kung hindi ka sumugod sa akin hindi ihaharang ni Monty ang sarili niya. Ipinagtatanggol ko lang ang sarili ko."

"Self-defense my ass! Umalis ka na rito at baka kung anong magawa ko sa'yo."

"I'm not going anywhere. Besides, hindi ba at hindi mo naman talaga mahal si Monty?"

"Anong alam mo sa nararamdaman ko?"

"Alam ko ang utos ng frat sa'yo."

"Akala ko ba hindi ka makiki-alam sa mga activities ng frat?"

"Hindi ko kasalanan kung madaldal ang frat-master niyo at iginagalang niya ang posisyon ng tatay ko."

"Huh, always the daddy's boy. Grow up Ronnie."

"Tell that to yourself Orlando. Hanggang kailan ka makikipagpaligsahan sa akin? Kailan mo tatapusin ang kahibangan mong ito? Pati si Monty idinadamay mo."

"Hindi ko siya idinadamay. Kung magsalita ka parang ako lang ang nakikipagkumpitensiya dito. Hindi ba at ikaw ang nang-agaw ng girlfriend ko dati?"

"Matagal ko ng ipinaliwanag sa'yo ang tungkol diyan. Paulit-ulit ka na lang. Let Monty go. Hindi siya dapat makulong sa pag-ibig na hindi mo kayang ibalik."

"At ikaw ang makakapagbigay nun? Huwag mo akong patawanin. Akin si Monty. Ikaw ang humanap ng para sa'yo."

"Si Monty ang para sa akin. Ayaw mo lang pakawalan. Don't let him out of your sight. Kasi kapag nakalingat ka, aagawin ko siya sa'yo!"

"So inaamin mo ng mang-aagaw ka mahal kong pinsan?"

"Again, hindi sa'yo si Monty. Pakawalan mo na siya."

"Never."


Nananakit ang ulong dumilat si Monty. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding, at amoy antiseptic ang buong paligid. Mukhang nasa clinic siya. Babangon sana siya ng sumigid ang kirot sa kanyang kaliwang pisngi.

"A-aray!"

Naalala niyang nasuntok nga pala siya ni Ronnie. Sa sobrang kaba niya na magpang-abot ito at si Orly ay hindi na niya naisip na pwede siyang masaktan sa gagawin. Nasapo niya ang makirot na pisngi. Siguradong nangingitim na iyon ngayon. Tiningnan niya ang relos. Alas-singko na pala. Hindi na siya nakapunta sa mga klase niya.

Hinanap niya ang gamit at nakitang nasa isang upuan iyon. Pinilit niyang tumayo at humakbang patungo sa mga gamit. Hustong pagkakipkip niya ng mga libro ay siyang pagbukas ng pintuan ng clinic at pumasok ang nurse kasunod si Orly at si Jordan.

"Gising ka na pala. Pwede ka ring lumabas dahil wala ka namang malaking pinsala. Basta next time, huwag haharang sa away ha." nakangiting paalala ng nurse sa kanya.

"Opo."

Tumingin siya sa dalawa, especially kay Orly. Nang bago siya magising ay nanaginip siya ng mga pag-uusap. Naririnig niya ang pangalan ni Ronnie, ng nobyo at sa kanya. Nagtatalo ang mga ito habang tulog siya. Ang hindi niya maintindihan ay parang totoo ang lahat ng narinig niya. Kahit anong tanggi ng puso niya ay ayaw itong sang-ayunan ng kanyang isip.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jordan ng makalapit sa kanya. Marahang sinipat ang kanyang nasaktang pisngi.

Tumango siya. Nanakit na naman ang sulok ng mata niya. Mukhang ang resulta ng pagkakasapak sa kanya ay mauuwi sa maganda. Okay na sila ni Jordan. Na-miss na niya ang kaibigan niya.

"I'm okay friend."

"Good. Kung bakit kasi humaharang-harang ka pa sa away nila, tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Natawa siya sa ginawi ng kaibigan. Napakataray talaga nito at kahit siya ay hindi pinaliligtas. But that's what he love about his friend. Walang hang-ups. Walang pagpapanggap. What you see is what you get.

"Hay naku friend. Wala ka talagang kupas."

Napatigil naman ito sa pagtalak. Nangingiting tumingin sa kanya saka siya niyakap.

"Na-miss kita friend. I'm sorry for not understanding you." nahihiyang sabi nito.

"Sorry rin friend. Nasampal kita." apologetic din niyang sabi.

"Keri lang teh. Huwag na nating pag-usapan yun. Nakapag-usap na rin naman kami nito ni Dyamante." sabay turo kay Orly.

Parang nanikip ang dibdib niya sa pagkakatinging iyon ng kasintahan sa kanya. Kasintahan. Isang napakasarap sa pakiramdam na salita. Pero parang may piping bulong ang hangin sa kanya upang salungatin ang anumang masasayang bagay na nararamdaman niya. Pinili niyang gawing blangko ang mukha ng anumang emosyon.

"H-hi... Kamusta ka na Pet?" nag-aalangang bati ni Orly sa kanya.

"Hindi okay." tapat niyang sabi.

"Masakit pa ba ang pisngi mo?" Bumilis ang pintig ng puso niya pagkarinig ng mapanganib nitong tono at ang kalakip na pag-aalala doon. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. But they have to talk.

"I'll live Orly. Pasa lang ito. But I think we have to talk."

Biglang nalito ang ekspresyon na nakaguhit sa mukha nito. Siya naman, sa isang banda, ay inihahanda na ang sarili sa maaaring kahinatnan ng gagawin.


Hindi mapakali si Orly ng mga sandaling iyon. May mali sa pakikitungo sa kanya ni Monty sa kanya. Napakalamig ng tingin nito. Walang emosyon. At kinakabahan siya.

Kanina, ng makita niyang tinamaan ito ni Ronnie ay talaga namang nagwala siya. Napigilan lang siya ng mga tao at ng sigaw ni Jordan na nawalan ng malay si Monty. Agad nila itong itinakbo sa clinic. Nagtalo pa sila roon ni Ronnie. Natigil lang sila ng ipatawag na sila sa discipline room. Pinagkasundo lang sila at hindi masyadong pinagalitan. Kapwa kasi nagdo-donate sa SBU ang mga magulang nila ng pinsan.

Anong kaba niya ng makitang nakahandusay si Monty. Kahit pala anong gawin niyang kasamaan dito para lang layuan siya ay hindi niya kayang makita na nasasaktan ito. Halos liparin niya ang clinic habang buhat-buhat ito kanina. Binibulyawan niya rin ang mga nakahrang na estudyante sa daan.

Tama naman si Ronnie. Ito ang totoong may gusto kay Monty. Tagilid ang tawag niya sa sexual preference nito. Anong galit niya dito ng agawin nito ang first girlfriend niya. Hindi siya naniniwalang wala itong ginawa para agawin si Samantha sa kanya, pero ang mas ikinagalit niya ng makitang may kahalikan itong lalaki sa isang sinehan.

Isinumbong niya ang pinsan sa parents nito pero siya ang mas nagulat dahil alam pala ng mga ito ang ginagawa ng anak. Hayaan na lang daw niya si Ronnie dahil ang mahalaga ay masaya ito sa pagiging bisexual.

Kaya naman ng makita niya ang pasimple nitong pagtingin-tingin mula sa malayo kay Monty eh naisip niya ang plano na pwedeng gamitin laban dito.

Sumakto naman, ang naging utos sa kanya sa frat ay isang malaking excuse para maisagawa niya ang planong paghihiganti kay Ronnie. Dati rin itong miyembro ng frat pero dahil nga sa pagiging bisexual nito ay hindi ito masyadong naging aktibo gawa ng palagi lang itong napapaaway na sinasalo naman ng tatay nito.

Minalas lang na nadamay si Monty sa lahat ng ito. Kaya naman, sa durasyon ng pagsasama nila ay sinigurado niyang magiging paborable para rito ang bawat araw na lilipas. He was even willing to have sex with him para lang makabawi sa pagkakadawit nito sa awayang iyon.

Besides, hirap man siyang aminin. He found out that Monty's kisses are quite enjoyable. Bahagya pa siyang naiilang noong una pero ang ikinagulat niya ay ng mga sumunod na pagkakataon ay parang normal na lang para sa kanya ang halikan ito.

Hindi man nagtatanong ang mga ka-team niya sa football ay wala naman din siyang naririnig na pangangantiyaw sa mga ito tungkol sa pagpatol niya kay Monty. In fact, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa nangyayari.

Ang hindi lang niya inasahan ay ang pagkakahulog ng loob ni Monty sa kanya. Hindi niya inasahan na ng malaman nito ang tungkol sa frat ay mas ninais pa nitong makasama siya. Na-guilty na siya doon kaya naman itinigil na niya ang paggamit dito pero ito ang mapilit. Sinusubukan niyang itanim sa isipan nitong hindi sila pwede. At least kahit doon man lang ay makabawi siya. Ang akala niya kasi noong una ay ang totoong dahilan na ng pakikipaglapit niya rito ang nalaman nito.

Nakarating na sila sa bench kung saan palagi silang nag-uusap. Katulad kanina, blangko pa rin ang mukha nito. Wala siyang maaninag na emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya.

"Orly..."

"Monty..."

Katahimikan. Papadilim na. Parang nakikisabay pa ang hangin dahil napakalamig ng simoy nito. Mukhang nagdo-double time ang senses niya sa katahimikang iyon.

"Orly. Totoo ba ang narinig ko kaninang pag-uusap ninyo ni Ronnie?"

"Pet..."

"Stop calling me Pet. Saguti mo ang tanong ko." matigas pero salat sa emosyon nitong sabi.

Napabugha siya ng hangin. "Alin doon?"

"All of it. Are you cousins? Bakit di mo sinabi sa akin yan? At ano ang tungkol sa pagganti at kumpitensiya sa inyong dalawa?" mahina pero klarong sambit ni Monty sa bawat salita.

"Yes. Pinsan ko siya. At iyong pagganti, totoo rin. But..."

"Spare me the explanation Orly. Baka paniwalaan lang ulit kita. Alam mo kung gaano ako nagmahal sayo diba?"

"Pet..."

"Orly stop. Stop calling me Pet when all along, ako lang nagmamahal sa'yo. Wala akong ginawang masama sa'yo. Minahal kita Orly." pumiyok ang boses na sambit ni Monty.

Natataranta na naman siya pagkakita ng mga luha nito.

"Pet don't cry."

"A-akala ko. Wala akong hindi kayang gawin p-para sa'yo. P-pero, nagkamali yata ako. Kasi, kahit anong gawin ko pala. H-hindi mo ako mamahalin. At hindi mo ako kayang mahalin." tuluyan ng humagulgol na sabi ni Monty.

"Pet.." sabi niya at akmang lalapit dito ng pigilan siya nito.

"Tama na Orly. Huwag ka ng lumapit. Baka bigyan ko lang kasi ang sarili ko ng mas marami pang dahilan para hindi ka bitiwan. Maawa ka naman sa akin."

"Monty..."

"Isang tanong na lang Orly. H-hindi mo ba talaga ako nagawang mahalin kahit kailan?"

Napayuko siya. Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Hindi naman kasi patas na magsinungaling siya rito para lang mapagaan ang kalooban nito. At matalino si Monty, hindi rin siya paniniwalaan nito.

"I'll take that as a yes."

Marahas na napaangat siya ng tingin dito. "Monty naman... Hayaan mo naman akong magpaliwanag." apela niya.

"No Orly. Tama na. Naiintindihan ko na. Ang tanga ko. Simula't sapol, ako lang pala talaga ang nagmamahal sa ating dalawa. Sabagay, may pagdududa na ako nun, hindi ko lang pinakinggan kasi mahal kita. At ang laki kong tanga para paniwalaan ka. But you know what?" pinutol muna nito ang pagsasalita at nagpahid ng luhang walang patid sa pagtulo.

"Monty..."

"You know what Orly? That punch was an eyeopener. Imagine, kung hindi pa umabot sa pisikalan ang away ninyo ay hindi ko malalaman ang totoo. That only proves na hindi mo ako kayang mahalin kasi kaya mong makita na nasasaktan ako."

Suminga ito sa panyong dala.

"Maybe I should thank Ronnie instead. Pero hindi. Magsama kayong magpinsan. Parehas kayong manloloko."

"Pet..."

"Drop the endearment. Hindi mo na ako Pet simula ngayon. Kasi suko na ako Orly. Hindi ko na kaya, kaya suko na ako. Isinusuko na kita." sambit ni Monty kasabay ng malayang pag-agos ng luha sa mata nito na kanina ay halos wala na.

Itinulos siya sa kinatatayuan niya. Parang may mabigat na bagay na biglang dumagan sa kanya pagkarinig ng mga salitang iyon. Parang may isang malaking kamay na dumakot at pumisil sa puso niya. Hindi siya makahinga. At ang paulit-ulit na salitang umaalingawngaw sa kanyang isipan ay ang huling salita ni Monty.

"Suko na ako Orly. Isinusuko na kita..."

Itutuloy...


[12]
Walang ganang nag-inat si Monty ng umagang iyon. Another boring and restless day for him. Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa eskwela. Noong araw na sumuko na siya sa pagmamahal kay Orly ay umiiyak siyang umuwi ng bahay. Malas at naroon ang kanyang Mommy kaya tuloy nalaman nito ang kanyang problema na balak sana niyang itago sa mga magulang.

"Pumpkin... Are you awake?" ang tinig ng kanyang ina sa labas kasabay ng mabining katok.

Patamad na tumayo siya. Akmang aalis na siya ng kama ng bumukas iyon at iluwa ang kanyang inang si Jean. Patipid siyang ngumiti dito.

"Good Morning Mom."

Ginulo nito ang buhok niya. "Good Morning pumpkin."

Sumandig siya dibdib nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. "How about we do shopping today?" sabi nito sa kanya.

"Mom? Aren't you going to ask me to go to school instead?" amused niyang tanong.

"I've already talked to your Dean and Professors. Alam nilang may pinagdadaanan ka ngayon. Why, your break-up with Orly is quite a news. May nakaalam mula sa school publication about it at naisama nila sa blind item section. But we have done something about it already." nakangiting sabi nito.

"You did what?" he said vehemently. Bigla siyang napalayo dito.

"Oh some damage control lang pumpkin." his mother only smiled to his sudden outburst.

Nahahapong sumandal siya sa headboard ng kama. Now he's an instant star na naman sa buong SBU. Damn those whoe belong to the publication. Siguradong kapag pumasok siya ay magiging tampulan na naman siya ng usapan.

"Why did you do that Mommy? Hindi naman na po kailangan iyon."

"Pumpkin, I'm a mother. It's my job to protect you at all cost. Don't you ever doubt that." sabi nito sabay tapik sa pisngi niya.

Napabugha siya ng hangin at eksaheradong nag-rolyo ng mata. "Whatever Mom."

"Tumayo ka na diyan. Your father's waiting for you. Nakahanda na ang breakfast."

"Susunod na ako Mommy."

"Bilisan mo pumpkin. We'll go shopping afterwards."

Nang maiwan siya ay binuksan niya ang stereo. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang ng marinig ang awitin na biglang pumalit sa naunang tugtog.

The first time ever I saw your face
I thought the sun rose in your eyes
And the moon and stars were the gifts you gave
To the dark and the empty skies, my love,
To the dark and the empty skies.

He shivered. Katulad ng sa kanta, he thought that the sun sets and shines in Orly's eyes. And that he was the empty sky slowly being showered by his light.

The first time ever I kissed your mouth
And felt your heart beat close to mine
Like the trembling heart of a captive bird
That was there at my command, my love
That was there at my command.

Their first kiss felt like heaven. He thought he already died and was sent to a blissful eternity. He felt his tears stung his eyes. Ang realization na talagang wala na sila ni Orly ay unti-unti ng pumapasok. Siya ang nagdesisyon nun pero bakit feeling niya hindi siya masaya?

Gaga! Sabi ni Rubi. Ang bahagi ng isip niya na kontra sa pagmamahalan nila ni Orly.

Tama. Gaga siya. For the first time, sumang-ayon siya sa talipandas na isip niya. Tama lang ang ginawa niya kasi mas masasaktan lang siya kung nagpatuloy pa siya sa pakikiharap dito. Ilang araw ng walang charge ang cellphone niya dahil hindi iyon tinantanan ng tawag ni Orly. Maging si Ronnie nakikigulo pa. Kung ang ibang bakla ay matutuwa na pinag-aagawan siya ng dalawang gwapong lalaki ay hindi siya. In fact, he's willing to bargain everything just so he could turn back time.

And the first time ever I lay with you
I felt your heart so close to mine
And I knew our joy would fill the earth
And last till the end of time my love
It would last till the end of time my love

He thought wrong. Walang happy-ending sa kanila ni Orly. Dahil hindi totoo ang sinasabi ng tibok ng puso nito sa kanya. Katulad ng mga sinasabi nito dati. Kaya nga ngayon ay naroroon siya sa estadong iyon.

Pumasok siya ng banyo at dumiretso na ng ligo. Sa daloy ng tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan ay parang tubig din na rumagasa sa ala-ala niya ang narinig na kumprontasyon na noong una ay inakala niya lang na isang panaginip.

Maybe he was lucid dreaming by that time. Epekto siguro ng suntok na sadya namang napakalakas. At ang lahat ng naririnig niya isang totoong kaganapan and somehow his dreams collaborated with reality to probably end his fantasy with Orly. Ang hayop naman na si Orly ay umamin agad.

Sinubukan niya lang kung totoo. Sinunod niya lang ang gut feeling niya. And he's glad that he did. Kahit masakit, dapat niyang tanggapin na naging kasangkapan lang siya para sa isang maling paghihiganti.

Nang makapagbihis ay bumaba siya at sumabay sa mga magulang na kanina pa naghihintay. Masuyo siyang binati ng ama na sa anumang kadahilanan ay mas nagalit pa kaysa sa Mommy niya ng malaman ang nangyari. Binalak pa nitong sugurin si Orly sa bahay. Napigilan lang ito ng ina. Hindi niya maiwasang mangiti sa naalala.

Feeling floor-length naman ang buhok ng bruha! Si Rubi na naman. Ipinilig na lang niya ang ulo para mawala ito.

"Mukhang masaya ang gising ng baby ko?" ang kanyang ama.

"Daddy. Let's just say I woke up at the right side of the bed." pakwela niya.

"I'm glad you're quite okay na baby. Kasi kung hindi pa ay susugurin ko talaga ang bahay ng mga Diamond." nakangiti ito pero ang mata ay nagbabanta ng katotohanan sa sinabi.

Napailing na lang siya. "Dad, I agreed to go shopping with Mommy kaya huwag mo ng ituloy yang plano mo. Beside's he's not so worth it."

"Of course baby. Of course. So where are you planning to go shopping?"

"Anywhere Dad. As long as it can help me to stop thinking too much."

"How about we go to Manila? Matagal na rin tayong di nakakalayo dito sa San Bartolome." anang Mommy niya.

"Good idea sweetie." ang kanyang ama sabay kindat sa ina.

Lihim naman nainggit sa nakita. Naalala niya na naman ang ka-sweetan ni Orly. "Mom, Dad? Stop it please?"

Kaswal namang pumormal ang mga magulang. Naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagkain.



Naglalakad siya sa park ng subdivision nila ng hapong iyon ng biglang may humagip sa kanyang baywang at isakay siya sa motorsiklo. Hindi agad siya makakilos dahil nagalalang baka mahulog siya kahit pa kilala na niya ang dumagit sa kanya.

Huminto naman sila sa isang ssecluded na area ng parke. Saka lang siya maayos na binitiwan nito.

"What's your problem Ronnie?" galit na galit na sabi niya.

"I'm sorry. I just want us to talk."

Napipilan naman siya ng makita ang may pasa nitong mukha. Naninilaw na ang bahaging iyon tanda ng papagaling na. Buti sa kanya ay hindi naging ganoon ang hitsura.

"What happened to your face?"

"I slipped."

"Habit mo na bang magsinungaling?" inis na tanong niya.

"Are you okay? Kamusta na ang pisngi mo?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang aksidenteng nasuntok nito.

Bigla siyang nailang sa ginawa nito. Ang sweetness ni Ronnie ay hindi nagmaliw. Kahit pa noong una, anuman ang gawin niya rito ay hindi ito naging masama sa kanya. Pero kapag naaalala niya na inilihim nito ang katotohanang magpinsan ito at si Orly ay nagagalit siya talaga.

Tinabig niya ang kamay nito at bahagyang na-guilty ng makita ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kung hindi niya gagawin iyon, malamang ay lokohin na naman siya ng mga nasa paligid niya.

"Don't play sweet with me Ronnie. Anong kailangan mo sa akin?" mataray niyang sabi.

"I know I've already said I love you Monty, pero gusto kong ulitin iyon. I love you at sana, ako na lang ang mahalin mo. Promise I won't make you cry."

Monty was stunned with Ronnie's declaration. Akala niya noong una ay niloloko lang siya nito. Pinaglalaruan. But with those pleading eyes at sa karakas nito, nunca na uulit-ulitin nito ang mga salitang iyon sa kanya kung hindi totoo iyon.

"Mahal na mahal kita Monty. Hindi ko alam kung bakit? I mean, maraming iba diyan. Mas okay kaysa sa'yo. Mas nakahihigit sa'yo. Pero sa'yo lang ako nagkakaganito." desperado na nitong sabi.

"Ha? So anong ibig mong sabihin? Dapat pa akong magpasalamat na nagkagusto ka sa akin? Kung ganon naman pala na marami diyan na mas higit sa akin at mas okay bakit hindi ka sa kanila mangulit? Nang sa ganun din hindi ako nadadamay sa away niyong magpinsan!" humihingal pa siya pagkatapos ng dire-diretso niyang talak.

"That's just the point. Hindi sila ikaw!" sigaw rin nito na ikinatigil niya.

"Don't you get it? Kung sa tingin mo ay pwede kong ibaling sa iba ang pagtingin ko ay bakit ko pahihirapan ang sarili ko sa kakahabol sa'yo. At isa pa. Sorry kung nadamay ka sa galit sa akin ni Orlando. Kasalanan ko lahat ng iyon. Alam niya kasing may gusto ako sa'yo."

Lalo siyang natigilan. Alam ni Orly na may gusto sa kanya si Ronnie kaya nito ginawa iyon? Kaya siya idinamay. Ano ba si Ronnie? Bading rin? Naguguluhan ang bangs niya sa pangyayari.

"A-are you gay?"

"I don't know." sagot nito sa kanya.

"What do you mean you don't know Ronnie?"

"I don't know means I don't know. Maybe I'm gay kasi nagkakagusto ako sa kapwa lalaki kahit pa marami na rin akong nakarelasyon na babae. Some call me bisexual but I'm not really into labels Monty. Ang mahalaga, kung mahal ko, mahal ko. That simple."

Nalulula pa rin siya sa mga natutuklasan. May ganoon pala talaga. Mga AC-DC ang tawag nila ni Jordan doon. Never niyang na-imagine si Ronnie as bisexual kasi napaka-manly nito. Nalilitong tumingin siya dito.

"I don't know what to say Ronnie. The fact still remain that you deceived me. I trusted you like a friend. Even if I didn't know you at all." confused niyang sabi.

"Ang mga taong nagkakaroon ng ugnayan ay nagsisimula sa pagiging estranghero. But since you asked, I'm Ronnie Alfonso, and for starter, I am attracted to you. Can you be mine?" sabay lahad nito ng kamay.

Napamaang na naman siya dito. "Are you for real? Kakabreak ko lang sa pinsan mo!"

"Eh ano naman ngayon? Mas matagal naman na kitang minamahal at totoo kitang mahal Monty. Please say yes!"

"Ewan ko! Nililito mo ako! Tell me this is all just a joke! A big joke!" halos hysterical niyang sabi.

"I wish I was joking too. Para hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ayoko ng nakikiusap Monty pero tinuruan mo ako nun. Hindi mo lang alam. Ang dami mong naituro sa akin ng wala kang kaalam-alam." madamdaming pahayag na naman nito.

"Bakit ba kasi pa ako ang minahal mo?" naloloka na niyang tanong.

Okray ka na teh. Maarte? Si Rubi.

"Shut up!" Hindi niya sinasadyang nasabi.

Nangunot ang noo ni Ronnie pero di nagtanong. "O bakit ka nakatahimik diyan?" puna niya.

"You told me to shut up."

"No, not you."

"Ah okay. I already told you Monty. Hindi ko kailangan ng rason para mahalin ang isang tao."

Naalala niyang iyon ng ang sagot nito sa kanya noon sa floating restaurant. Magsasalita pa sana siya ng biglang may lumabas na lalaki mula sa likuran ng motor. Naka-bike ito. At dahil nakatalikod si Ronnie ay hindi nito napansin agad iyon. May kinuhang kung ano ang lalaki at nalaman niyang camera iyon.

"Oh shit!" anang nabiglang si Ronnie.

"Diyan ka lang Monty. Babalikan kita. Kukunin ko lang iyong camera ng hayup na yun." mabilis nitong sabi saka pinaandar agad ang motor.

"Hey Ronnie wait!" usok at ugong na lang ang naiwan sa kanya.

Nayayamot na nagkamot siya ng ulo at naupo sa isang bench. Mabuti at malilim doon. Napatingala siya at pumikit ng bahagyang masilaw. Nasa ganoong posisyon siya ng maramdamang may sumakop sa kanyang labi.

Hindi niya kailangang magmulat ng mata para malaman kung sino iyon. Kilala na iyon ng puso niya. Kilalang-kilala.


Itutuloy...


[Finale]
It was a soft yet very warm kiss. At ang init na nagmumula sa labi nito ay tumutupok at gumagawa ng landas sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Monty found himself kissing the stranger back. The man groaned and ended the kiss abruptly. Hindi agad siya nagdilat ng mata. Ninamnam niya ang sarap na dulot ng mga labing iyon. Kahit man lang sa huling pagkakataon.

"Pet..."

Napangiti siya sa endearment na iyon. Sinasabi na nga ba niya. It was Orly. The man who dared kiss him even if it was in broad daylight. He could also smell him. Tinatalo ng amoy nito ang sariwang samyo ng hangin. Banayad ang dampi ng natural nitong halimuyak. He really smelled like the woods and of mists.

"Pet... are you okay?"

Monty hummed his answer. Still with his eyes closed he reached for the face above him. He could feel Orly's heat. He breathed to his palm. Gumapang ang init sa kanyang katawan at nagtapos iyon sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Natakot na naman siyang magdialt ng mata.

Ayaw niyang magbukas ng mga mata sa takot na traydorin siya ng puso. Sa takot na hindi mapaglabanan ang sariling damdamin. Aminado naman siya, pagdating sa lalaking ito, He would defy heaven and earth. Not even gravity can withstand his will. Ganoon niya ito kamahal.

"Pet..." marahang yugyog nito sa kanya.

"I'm okay Orly." he whispered softly.

He could feel his ragged breathing. The intensity of their nearness was almost intolerable. Ngali-ngaling tawirin niya ang pagitan ng kanilang mga mukha para pagbigyan ulit ang sarili sa isa pang halik. One last kiss and he would face his demons. Para makawala na rin sila ng tuluyan sa larong pinasok nila. Yes, it was all but games. The games that they played really well.

"Kiss me Orly, and then we will talk." he commanded to man above him. Hindi naman siya nagdalawang-salita dahil sumunod agad ito. Kung may makakakita sa kanila ngayon, siguradong ma-i-eskandalo. Pero wala siyang pakialam. It was what he wanted at the moment and he was definitely getting it.

Orly's kisses somehow felt different than before. He could feel passion. Pain. Need. Para bang nanghihingi ng mas marubdob pang pagtugon. Gustong magwala ng kalooban niya at haklitin ito sa batok pero mas dumiin ang paghalik nito pero hindi niya ginawa. Hindi dahil sa ayaw niya. Kundi, baka hindi na siya bumitaw at ganoon na lang ang gawin nila maghapon. Subalit, ang hindi niya nakayang gawin ay siyang ginawa ni Orly. Itinigil nito ang paghalik sa kanya na nagpadilat sa mga mata niya.

"W-why?" nalilitong tanong niya. Tila nananakit ang batok nitong lumigid para magkaharap sila.

Now that Orly was in front of him. He could see clearly why he loved him so much. His heart only belonged to him. And not even a thousand of Ronnies can make him have a change of heart. Ganoon yata talaga ang pag-ibig. Pagdating sa taong mahal mo, hindi ka marunong kumilala ng rason. Kahit pa nagdesisyon na siya na lumayo dito, isang halik lang nito, wala na naman ang sama ng kanyang loob.

"Hep! Hep! Umaarte ka na naman ng di tama!" Ayan na naman si Rubi, ang kontrabidang parte ng isip niya.

Unti-unti, nagiging entity na ito. Natatakot siyang bigla na lang itong sumulpot isang araw at i-claim ang buong pagkatao niya.

Enough of Rubi. Let's go back to Orly. Please? (Aba, sumasagot sa author? Shutah ka ah!)

"Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ay baka kung ano ang magawa ko." His eyes were so dark with desire.

Napalunok siya. Desire? He couldn't possibly desire him. After-all he told him that.

"C-cut the bullshit Orly. You can't mean those words. Remember what you told me the day I begged to you? Na babae ang talagang gusto mo. Paanong kailangan mong magpigil ng sarili kung hindi naman ako babae." bitter niyang sabi.

Napabugha ito ng hangin. "Yeah. I remember saying that. But times have changed Pet. People change. Thing change. Wala ba akong karapatang magbago ng isip?" frustrated na sabi nito.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito? Was he professing something? Anong ini-insinuate nito?

"Lalaki ka Orly. Straight for that matter. Babae lang ang may karapatang gamitin ang salitang pabago-bago ng isip. Ako, bakla ako. Entitled din ako doon kasi... kasi... well, bakla ako." muntikan na siyang pumiyok sa mga salita niya. Kinailangan niyang tumingala para pigilan pansamantala ang luha sa pagbagsak.

"Ssshh... Don't cry Pet." masuyong sabi ni Orly na akmang lalapit sa kanya.

"Huwag kang lalapit!" Aniyang tinitingnan ito pailalim.

And he stopped. His eyes showed pain. "Anong pwede kong gawin para maniwala kang gusto na rin kita?"

"What?" napatingin siya dito.

"Hindi naman siguro nakakabingi iyon Pet di ba? Gusto kita." he admitted with that maddeningly sexy grin.

Napapikit siya ng mariin saka muling dumilat. It was real. Orly was telling him he liked him. Monty almost melted and controlled his urge to cross their meter of a distance and put his arms around Orly's neck and kiss him until he ran out of breath. He wanted to kick his own ass at the thought.

"Do you think I can forgive you just like that by saying you like me? Ganoon ba ka-gullible ang tingin mo sa akin Orly? How dare you!" mas pinanaig niya ang galit sa sarili. Mas okay iyon. Para di naman siya magmukhang sobrang nakaka-awa.

Orly sighed then smiled again. Napaparalisa na ang katawan niya kakapukol nito ng mga ngiting kinabaliwan niya noon. At ogag siya kung di pa siya madadala doon.

"You have forgiven me already Pet. Sigurado ako dun."

"Huh! You're so full of yourself Mr. Diamond. Paano ka naman nakasiguro aber?" Monty's eyes wide and his arms akimbo. He can't believe Orly's cockiness. Parang siguradong-sigurado na napatawad na niya ito.

"Hindi pa nga ba?" epal ni Rubi.

"I kissed you a while ago." Orly said grinning mischievously.

"So?"

"You kissed me back. Really kissed me back."

Natameme siya. Oo nga pala. Iyon nga pala ang eksena nila kanina. At sa pagkaalalang iyon ay biglang nag-init ang pakiramdam niya.

"Inalala mo no?" tudyo pa nito as if nababasa ang nasa isip niya.

"Eh ano ngayon?" pilit na pagtataray niya.

"It was just a kiss Orly. A simple meeting of our lips and tongues. Nothing more. Nothing less. Besides hindi na kita gusto."

"Sure ka? Kasi ako, matigas pa rin ako mula sa kiss na iyon." sabi nito sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan. Napadako rin ang tingin niya doon at laking-gulat niya ng makitang may malaking bukol nga sa crotch area nito. Napalunok na naman siya.

"You want to have a glimpse of it Pet?" malanding sabi ni Orly na nagpabalik sa katinuan niya.

Umingos siya. "Nah. I'd rather have Ronnie's."

Nagulat siya ng inisang hakbang nito ang pagitan nila at mariin siyang hawakan sa braso na nagpatayo sa kanya. The brown of his eyes were a shade darker because of the sudden fury.

"N-nasasaktan ako Orly."

Tila natauhan naman ito saka siya binitiwan. "I'm sorry." saka ito tumalikod.

"Sorry?" nahimas niya ang medyo nasaktang braso. "What are you saying sorry for Orly? Ang tangka mong pananakit sa akin ngayon lang? Ang panloloko niyo sa aking magpinsan? Ang paggamit mo sa akin laban sa kanya? O ang pagpapaniwala mo sa aking mahal mo ako kahit hindi totoo? Ano... doon?" tuluyan ng naiyak na sabi niya.

"Pet..."

"What can your sorry do Orly?" mapait na sabi niya.

Ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw ay tila dam na nabuksan at walang patid sa pag-agos. All at once. Lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin na hindi niya nasabi ng makipaghiwalay siya rito ay tila newsfeed na tuloy-tuloy at walang humpay na pumapasok sa isip niya.

"I loved you Orly. To destruction. Ano pa bang pakay mo at bumabalik ka pa?"

Nilingon siya nito. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Parang may nagpapahirap din sa kalooban nito na hindi niya mapaniwalaan. Paano nito nakkuhang umarte na nasasaktan gayong siya ang ayaw patahimikin nito?

"I only want to be with you Pet. Iyon lang." malungkot na sabi nito.

"Tell that to the marines. You asshole!"

"I guess I'll let that slip."

"What? Ikaw pa may ganang magalit na minumura ka?"

"If only you would listen, malalaman mo kung bakit ayaw kitang patahimikin ngayon. Please Pet. Just let me explain. Kung pagkatapos nun at hindi mo matanggap ang sasabihin ko, only then I will leave you i peace."

Nabagabag naman siya sa pagsusumamo nito. Ang sinseridad ay damang-dama niya sa pakiusap na iyon.

He-sighed. "Okay, explain."

"Thanks." Lumapit ito at umupo sa bench. Biglang naging nostalgic siya at naalala ang mga pagkakataon na magkasama sila at nakaupo rin sa bench na naging saksi ng masasayang araw nila. AY hindi pala ng mga inakala niyang masasayang araw nila ni Orly.

Pinagpag nito ang katabing espasyo. "Sit down Pet. Promise, I won't touch you." nagtaas pa ng kamay ito. "But not if I can't help it." he jokingly added. Inirapan niya ito.

"Ronnie and I are cousins. Sa mother side na kaya magkaiba kami ng apelyido. Our Lolo used to spoil us kaya naman ng lumaki kami, nagkaroon kami ni Ronnie ng silent war. At iyon ay ang makuha ang undivided attention ni Lolo." panimula ni Orly.

"How childish!" hindi mapigilang komento ni Monty sa narinig.

Orly chuckled from his sarcasm. "You bet."

"So what happened?"

"Nung high school kami. I had a girlfriend. Dahil payat pa ako nun at si Ronnie ay medyo on the bulky side, na-attract sa kanya ang girlfriend ko. Nahuli kong hinahalikan siya nito na nauwi sa suntukan naming magpinsan. Nagpaliwanag siya, yung girlfriend ko raw ang humahalik at hindi siya tumutugon. He was only too gentleman para itulak ito palayo. Though he admitted that he enjoyed the thought of having my girlfriend in his arms. Since then, ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para sirain siya. But I always fail. Until you came in the picture."

"But Ronnie said he's Bisexual. Totoo ba yun?" curious niyang tanong.

"Yes. I caught him with a man too. Don't you think its too ironic that I always end up catching him instead of getting even with him? Ilang beses ko ng hinamon yang si Ronnie, pero hindi pumapatol. Sabagay. I could only give him a decent fight considering he's a black-belt."

Natawa siyang kaunti. "Paano akong napasok sa eksena Orly?"

"I caught him again. Watching you from afar. His eyes were shining habang tinititigan ka sa play ninyo. Iyong "The Taming of the Shrew."

"From there you assumed that Ronnie's got the hots for me? Parang ganoon ba?" napangiwi siya sa sariling kayabangan.

"Conceited aren't we?"

"Kumpara sa kayabangan mo Orlando. Magkwento ka na nga lang." he said blushing.

"Well, nalaman ko na may gusto siya sa'yo ng marinig ko siyang ipinagtatanong kung ano ang pangalan mo at kung anong kurso mo. You know, the stuff that you do kapag interesado ka sa isang tao."

"Then?"

"That's when I decided na kukunin ko ang atensiyon mo. Swerte pa na crush mo ako kaya naging madali ang lahat."

Naalala niyang bigla ang sirkumstansiya ng pagkakalapit nila. It really was too good to be true.

"But what about the frat master's order? Nakapa-conincidental naman nun sa pakay mo."

"Tama ka. I used that as a tool, para kung sakaling ibi-break na kita ay iyon ang dahilan na magagamit ko."

Para siyang sinapak uli sa tuwirang pag-amin nito.

"You're cruel Mr. Diamond." tanging nasabi niya.

"Yeah."

"What now? Do you think by admitting all of that ay mapapacify mo ang kalooban ko? And by saying na gusto mo rin ako? Ganun ba ako ka-estupido sa paningin mo?" nagiinit na naman ang matang sabi niya.

"No."

"Then why?"

"I was hoping you'll reconsider Pet. Kahit ako naman ang pahirapan mo."

Natigilan siya.

Ang ganda mo teh. Ikaw na nga.

"I don't know what to believe anymore Orly. Aaminin ko. A part of me wants to take your offer. Pero para saan? Para ma-redeem ko ang sarili ko? No effin' way Orly."

"I knew you'd say that." malungkot na sabi nito saka tumayo.

"But for the record. Ayokong-ayoko na makitang umiiyak ka Monty. Lalo pa at ako ang dahilan ng pag-iyak mo. I guess ito na ang karma ko sa pangloloko at pangbabalewala ng pagmamahal mo."

Lumakad na si Orly palayo sa kanya. Para namang ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginawa nito.

O ngayon may ganyan kang emote. Kaloka!

Napangiti siya sa reyalisasyon. Bakit nga ba pinahihirapan pa niya si Orly eh sinabi na nga nitong gusto na rin siya nito?

With Orly walking away from him, he felt a strong stab on his chest. Pero wala na siyang maramdamang sakit. Kasi hawak pa nito ang puso niya. Orly is walking away with his heart.

"Orlando Diamond."

He stopped on his tracks. Naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Kung gusto mo rin ako, bakit ka lumalayo?"

Slowly, Orly turned to him with anticipation in his brown eyes. Hesitant ang hitsura pero mukhang punong-puno ng pag-asa. He decided to played with it a little. Aba! Hindi birong luha ang iniyak niya sa tinamaan ng magaling na ito.

"Does it mean, gusto mo pa rin ako Pet?"

Monty smiled from the endearment. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso niya. Teka? Paano niya naramdaman iyon kung na kay Orly pa ang puso niya? Weird.

"I don't like you Orly. I loved you. Pero noon iyon."

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito sa narinig. Napabugha ito ng malakas. "Oo nga mahal mo ako noon."

"At hindi ba tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto kong gawin mo para maniwala ako na gusto mo rin ako?"

Tumango ito.

"What are you willing to do Orly?"

"Anything. Just ask me to."

"Then why are you walking away?"

"Pet..." Orly sighed helplessly. "I'm walking away kasi hindi ko kayang makita na parang ayaw mo ng hawakan kita. I'm walking away kasi ayokong marinig na hindi mo na ako gusto. Na hindi mo na ako mahal. Aaminin ko, nagkamali ako. Pero ng lumayo ka sa akin, ilang araw pa lang parang mabaliw-baliw na ako. It was only then na na-realize ko na gusto na pala kita. Itinatanggi ko lang sa sarili ko kasi, imposible naman na magustuhan din kita kasi parehas tayong lalaki."

Naantig ang puso niya sa sinabi nito. Pero konti pa. Papakilig muna siya ng husto. Babawi siya.

"Nakalimutan ko bang sabihin sa'yo? Na kapag ako ang nagustuhan mo, mahirap akong kalimutan."

Napangiti ito ng mapakla. "Maybe you're right. Kasi the moment na nakipaghiwalay ka, it was like you took my heart with you."

Napapikit siya sa narinig. So, nasa kanya ang puso nito. Habang ang kanya ay naririto. Funny how fate weave its magical thread para paglapitin ulit silang dalawa.

"So Monty, what do you want me to do?"

"Stay. And never leave my side again Orly."

"What?"

"You heard it."

Nagmamadali itong lumapit sa kanya then took him to his arms and kissed him. A wild and wet kiss. It was like coming home. He was home, finally.

"Don't ever hurt me again Orly. Baka hindi ko na kayanin ang kasunod." saka siya humilig sa dibdib nito.

"I won't. I'll try my best not to hurt you again. Hindi ko kasi kayang makitang umiiyak ka. Huwag mo na ring sasabihin na ayaw mo na sa akin, kasi gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para ibalik ang damdamin mo sa akin."

Napangiti siya sa sobrang saya. Yumakap na siya dito ng tuluyan para lang biglang bumitiw ng may maalala.

"Huwag ka ng magtangkang lumayo ulit Orlando. Malilintikan ka sa akin."

Orly chuckled. "Takot ko lang na iwan mo ako. Ako nga ang natatakot kasi hindi ba madali kayong magsawa?" medyo insecure na sabi nito.

A shadow of smile crossed his eyes. "Never." "Kung iiwan mo ako ulit Orly ay aalis na ako ng tuluyan dito sa San Bartolome."

Inilayo siya nito ng bahagya at tinitigan. "Bakit?"

"Because if I can't have you I can't be reminded of you all the time dahil mababaliw ako kakaisip sa'yo. Kailangan kong lumayo para masigurong intact pa ang katinuan ko."

Bumakas ang kaligayahan sa mukha nito. Para namang inilipad siya sa alapaap ng makita iyon. He finally have Orly's heart. Only his for the taking. And for his heart-warming confession, Monty was rewarded by an equally heart-warming kiss.

isang tikhim ang nagpatigil sa kanilang halikan at ka-echosan. Nabungaran nila ang nakangiting si Jordan at ang madilim ang mukhang si Ronnie at isang mukhang anime na lalaking may hawak na camera at hawak ni Ronnie sa kwelyo.

"Guys!" masayang sabi niya sa  mga ito.

"This is not a lovers lane!" his friend reflected his own happiness.

"Ngayon lang naman." natatawang sabi niya.

"I'm happy for you friend."

"Thanks."

Tumalikod si Ronnie. Hila-hila pa rina ng lalaking mukhang anime na hawak nito.

"Hey! Stop it already. Nagkaayos na sila o!" reklamo ng pobre kay Ronnie.

"Magdusa ka! Kinuhanan mo sila ng litrato ng walang paalam pati ako tapos nilagay mo sa school paper. That's invasion of privacy." kalmado ang boses ng pinsan ni Orly.

"Hey! That's my job. Saka ano bang ginagawa sa camera? Hindi ba at ginagamit para makakuha ng picture?" pamimilosopo nito.

"Yeah right." "Hey Orly." tawag nito sa pinsan kahit nakatalikod at huminto pansamantala sa paglalakad.

"Bakit?" sagot ng nobyo niya.

"Ingatan mo si Monty."

"Hindi mo na kailangang sabihin iyan."

"Ipinapaalala ko lang." Saka ito nagpatuloy sa paglalakad.

"Ronnie..." tawag niya rito.

"Yep?"

"Thanks. For whatever it's worth."

"Yeah."

"And can you take your hands off me now?" epal ng atribidang lalaking dahilan ng publicity ng break-up nila ni Orly.

"Hindi pa." saka ito kinaladkad ulit ni Ronnie.

"Who's that guy?" tanong niya kay Jordan.

"Si Jay. School photographer natin. Friend siya ni Friea."

"Ah..." ang tanging nasabi niya.

"At ngayong ayos na kayong dalawa, pwede ko bang hiramin muna itong friend ko at may scenes pa kaming tatapusin para sa Dyosabog?"

"Ay oo nga pala. Sorry friend. Pati ikaw naabala ng pagkabaliw-baliw ko."

"Okay lang. Kahit naman ako maaaning kung may dalawang hombreng hunkylicious at papalicious ang mag-aagawan sa akin. Lumevel-up na ang ganda mo friend."

Natawa silang dalawa ni Orly sa sinabi nito. Indeed it was a roller-coaster ride. Nakakahilo ang naging adventure nila. But it's worth it. Lahat ng sakit. Lahat ng pait. Lahat ng iyon wala na. At ngayon, totoo na silang dalawa ni Orly sa isa't-isa.

"Pwede bang bukas na lang Jordan?" tanong ni Orly sa kaibigan?

"At bakit Dyamante?"

"Babawian ko muna itong isang ito. Siyempre, isang linggo rin kaming hindi nagkita. Marami-rami itong naipon ko." makahulugan nitong sabi.

"Tse! Kinu-corrupt mo ang kadalisayan ng isip at pagkatao ko. Humayo na kayo at magpakahalay!"

"Mismo!" natatawang sagot ni Orly.

"Siyang tunay friend." dagdag pa niya.

"Mga imoral!"

Napuno ng tawanan ang bahaging iyon ng parke. Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Orly at tinahak ang daan papunta sa bahay ng mga ito. Marami pa silang dadaanang pagsubok pero kapit-kamay nila iyong susuungin. Sa ngayon, gusto na rin siya ni Orly, okay na siya doon. gagawan na lang niya ng paraan ang fairytale niya na maging totoong happy-ending.

A girl can dream so can he. Walang imposible sa mundong ito kung totoo ka sa sarili mo. Lahat naman nabuhay sa pangarap. He was only lucky that his dreams came true. At sana yung piping hiling din ng ilan ay magkatotoo.

He sighed dreamily. He was the martyr, the stupid and the flirt after all. :)


FIN

No comments:

Post a Comment