Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (23): Book 1

by: Lui

Halos lumundag ang puso ni James nang ma-realize niya kung sino ang nakita niya. Mula sa CR ay pasimple siyang tumungo sa exit ng PJ’s.

‘Macapagal!!’, ang sigaw ni Bryan sa kanya.

Napapikit si James nang marinig niyang tinawag nito ang kanyang apelyido. Tumingin siya dito at ngumiti.

‘Bryan!! Kamusta?’, ang kinakabahan niyang paglapit dito.


‘Okay naman. Ikaw?’, ang sabi nito.

‘Okay din. Anong ginagawa mo dito?’, ang sagot ni James.

Ah. May imi-meet lang. Ikaw?’, ang sabi nito.

‘Wala naman. Kumain lang. Paalis na rin.’, ang alangang sagot ni James.

Magkaklase sila noong first year college bago lumipat ng course si Bryan. Halos wala namang pinagbago ang hitsura ni Bryan simula nang huli niya itong makita bukod sa lumaki ang katawan. Matangkad pa rin sa height na 5’10, moreno, matangos ang ilong at may goatee. Nakasuot siya ng polo shirt na navy blue, maong pants at sneakers.

‘Ah. Ganon ba? Tagal na rin simula nung huli tayong nagkita.’, ang sabi ni Bryan habang hawak ang phone.

‘Oo nga e.’, ang kinakabahan na sagot ni James.

Nagpaalam na siya na aalis. Nakatalikod na siya kay Bryan nang biglang tumunog ang phone niya. Hindi pa siya nakakalayo kay Bryan kaya narinig niya ito. Napaharap muli si James dito at nakita niyang nakalapat sa tenga nito ang phone at nakatingin sa kanya.

‘James. Right! Bakit hindi ko agad naisip na ikaw yun?’, ang sabi ni Bryan.

‘Huh? Ako ang?’, ang maang-maangang sabi ni James.

‘I’m Lost?’, ang tanong niya.

‘What are you talking about?’, ang tanong ni James.

‘Cut the crap.’, ang sabi ni Bryan.

Muli niyang tinawagan ang number ni James at muli rin namang tumunog ang cellphone nito. Wala na siyang kawala.

‘You’re found now.’, ang sabi ni Bryan.

Wala nang nagawa si James kung hindi umamin at samahan na si Bryan sa table. Sa simula ay ilang siya dahil ka-close niya ito noong first year college sila bago ito mag-shift pero kalaunan ay naging komportable na siya dito. Naikwento ni James si Darrel kay Bryan at ang naging role nito sa pagbisita niya sa mga ganong sites.

‘I’m trying to be okay. Pero naghahanap ako ng company e.’, ang sabi ni James.

Inabot rin nang mahigit isang oras ang pagkekwentuhan ng dalawa. Naging masaya naman ang muling pagkikita ng dalawa dahil this time ay totoo na sila sa isa’t isa.

‘Tara. Hatid na kita.’, ang sabi ni Bryan nang nagkayayaan nang umuwi.

Hindi naman na tumanggi si James at sumakay na sa sasakyan nito. Gabi na iyon at halos wala ng traffic kaya mabilis silang nakarating sa bahay nina James. Nag-park si Bryan sa gilid ng gate nina James.

‘Thanks, Bry.’, ang sabi ni James.

‘No prob. So, we’ll meet again?’, ang sagot ni Bryan.

‘Sure. Ingat ka pauwi.’, ang paalam ni James.

Pero bago pa man siya makalabas ng sasakyan ay hinablot ni Bryan ang kanyang braso. Ikinulong nito sa dalawang palad ang mukha ni James at siniil ng isang halik. Nagulat naman si James sa ginawang ito ni Bryan at agad na kumawala.

‘I’m sorry.’, ang sabi ni Bryan.

Hindi naman sumagot si James. Hinatak niya ang suot na polo shirt ni Bryan palapit sa kanya at muling naglapat ang bibig nila. Naging mapusok at mariin ang halikang namagitan sa kanila. Ibinaba ni Bryan ang mga labi sa leeg ni James.

‘Bry.’, ang sabi ni James.

Iniangat niya ang mukha nito at magkatapat na ito ngayon. Magkadikit ang kanilang mga ilong. Ang isang kamay ni Bryan ay nasa likod ni James.

‘I haven’t done this before.’, ang sabi ni James.

‘I have.’, ang sabi naman ni Bryan.

‘Gusto mong mag-sleep over?’, ang tanong ni James.

‘Are you ready?’, ang patanong na sagot ni Bryan.

‘With you, yes.’, ang sagot ni James.

***

Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa biyahe na si Symon kasama si Grace. Nag-drive thru sila sa isang fast food chain para bumili ng almusal at baong pagkain ni Symon.

‘Text me kapag nakarating na kayo dun ah.’, ang sabi ni Grace nang malapit na sila sa MSCA.

‘Yeah.’, ang sagot ni Symon.

May limang bus ang nakaparada sa harapan ng school at makikita sa harapan nito ang mga sections ng mga freshman. Humalik muna si Symon sa pisngi ng ina bago bumaba at kuhanin ang malaking bag.

‘Bye. Mag-iingat dun ah.’, ang sabi ni Grace.

Tumango lang si Symon. Nang umalis na ang sasakyan ay agad ring sumakay si Symon sa bus. Naroon na ang mga kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin sila nag-uusap ng mga ito. Naisip niyang sa pinakalikod na lang umupo o di kaya ay solohin na lang ang isang upuan.

Dinaanan niya ang magkatabing sina Lexie at Shane pati na rin sina Jeric at Coleen. Nagkatinginan sila pero hindi man lang nagngitian. Nilampasan niya ang mga ito at naghanap ng bakanteng upuan sa bus.

‘Sy, dito ka na.’, ang yaya ni Gap na mag-isa lang.

Tiningnan niya ito pero tumanggi siya sa alok nito. Nilampasan niya rin ito bago umupo sa bandang likuran ng bus. Sa pandalawahan pa rin siya umupo pero nilagay na lang niya ang bag sa kanyang tabi para walang tumabi sa kanya. Nakita niya pa si Gap na tiningnan siya pero hindi na niya ito pinansin.

Halos dalawang oras din ang binyahe nila hanggang sa makarating sila sa retreat house. Pagkababa nila ng bus ay in-announce ni Erwin ang kanilang mga room assignments.

‘Room 101! Jeric, Agapito and Symon.’, ang unang banggit niya.

Agad ring inabot sa kanila ang susi. Pero bago sila makapunta sa kani-kanilang room ay nagbigay muna ng house rules ang madre na sumalubong sa kanila. Matapos iyon ay binigyan sila ng one hour para mag-ayos ng gamit at magpahinga bago magsimula ang session.

Pagdating sa kwarto ay agad na inilagay ni Symon ang bag sa maliit na kama malapit sa bintana habang si Gap naman ay sa gitna at si Jeric sa kabilang dulo.

‘Ayos ‘to ah. Dami nating bintana.’, ang sabi ni Jeric.

Malamig ang simoy ng hangin. Humiga si Jeric sa kama habang si Symon naman ay nakaupo lang at sinimulan nang ayusin ang mga gamit. Walang umiimik sa kanila hanggang sa makaidlip si Jeric. Tahimik ding humiga si Symon sa kanyang kama habang si Gap naman ang naglagay ng mga gamit sa cabinet.

‘Sy.’, ang paggising sa kanya ni Gap matapos ang ilang minutong pagkakaidlip.

‘Hmm.’, ang ungol ni Symon.

‘Tara na. Nasa activity room na sila.’, ang sabi ni Gap.

Agad namang bumangon si Symon at naghilamos bago nagtungo sa activity room kasabay nina Jeric at Gap.

‘Jeric.’, ang pagtawag ni Symons a kaibigan bago pumasok sa loob ng room.

‘Yup?’, ang baling nito sa kanya.

Nauna nang pumasok sa loob si Gap at naiwan silang dalawa malapit sa pinto.

‘Look, I know we haven’t talked for nearly a month now. But, can I ask you a little favour?’, ang sabi ni Symon.

‘Ano yun?’, ang tanong ni Jeric.

‘I want to talk to all of you later. Can you set it up? Maybe after dinner?’, ang sabi ni Symon.

‘Sure.’, ang pagpayag ni Jeric.

***

‘Good morning.’, ang sabi ni Bryan habang hinahalikan ang leeg ng natutulog na si James.

‘Hmmm.’, ang sabi ni James bago magmulat ng mga mata.

Nakabalot sa iisang kumot ang dalawa dahil wala silang saplot parehas matapos ang mainit na gabi.

‘Would you like to have me for breakfast?’, ang tanong ni Bryan habang patuloy ang paglalambing kay James.

‘Bry. Stop.’, ang halos hangin lang na sabi ni James.

‘I won’t.’, ang sabi ni Bryan bago ipagpatuloy ang ginagawa.

Habang tirik ang araw ay muling naganap ang isang mainit na tagpo sa kwarto ni James. Mahigpit na nagyakap ang dalawa nang sila ay matapos at hindi agad bumangon.

‘I can stay here forever with you.’, ang medyo hingal pang bulong ni Bryan.

‘Please do.’, ang sabi ni James.

Ikinulong ni Bryan sa kanyang braso si James at nakatulog ito sa kanyang dibdib. Nagising na lang muli sila nang tanghalian na. Nag-akyat na lang si James ng pagkain para sa kanilang dalawa.

‘So, what does this make us?’, ang tanong ni James kay Bryan.

‘What?’, ang tanong ni Bryan habang ngumunguya ng pagkain.

‘I mean, we just had sex. Twice. So, what does that make us?’, ang sabi ni James.

‘I don’t know. Friends with benefits?’, ang hindi siguradong sagot ni Bryan.

‘Nagkaroon ka na ba ng relationship sa same?’, ang tanong ni James.

‘Nope. Bakit? Ikaw?’, ang sagot ni Bryan.

‘Hindi pa rin. Pero gusto mo?’, ang sabi ni James.

‘Hindi ko alam. Okay na ako sa paganito-ganito lang e.’, ang sagot ni Bryan.

Parang biglang nag-iba ang mood ni James sa sinagot na iyon ni Bryan. Ang buong akala niya ay may patutunguhang relasyon ang namagitan sa kanila ni Bryan. Hindi lang dahil may nangyari sa kanila. Nakapag-open up na sila sa isa’t isa noon pa man.

Napansin naman ni Bryan ang biglang pananahimik ni James. Tinanong niya ito kung anong problema pero sinabi ni James na wala naman.

‘Oh. Gusto mo ng mas higit pa dito? Gusto mo makipagrelasyon?’, ang tanong ni Bryan nang ma-realize ang dahilan ng biglang pananahimik ni James.

‘No. I mean, yes. Pero hindi naman kita mapipilit kung hindi mo gusto. It’s just that I thought we had a shot at being more than this. Sobrang caring mo nung nagkakausap tayo. Then last night, nalaman ko na ang kausap ko pala ay si Bryan Koh, ang kaibigan ko. That made me think na may possibility na, you know. That’s why pumayag ako na may mangyari. Hindi ko naisip na okay ka na sa paganito-ganito lang.’, ang paliwanag ni James.

‘I’m not being fully honest with you. Nagkaroon na ako ng relasyon once. Iniwan niya ako. Kaya ako napunta dun sa site at naghanap ng kung ano-anong aliw. Masyado pa akong broken para pumasok ulit sa isang relasyon. Sex? Defense mechanism ko lang. Naisip ko na I need to feel good para hindi ako malungkot.’, ang sabi ni Bryan.

‘I’m broken, too. You know that.’, ang sabi ni James.

‘That’s why we can’t be together.’, ang sabi ni Bryan.

‘I beg to disagree. I think that’s why we should be together. Let’s help each other out.’, ang sabi ni James.

‘I don’t know.’, ang hindi kumbinsidong sabi ni Bryan.

‘You need someone. I need someone.’, ang sabi ni James habang hawak ang kamay ni Bryan.

Matagal na tinitigan ni Bryan ang mga mata ni James bago higpitan ang hawak sa kamay niya. Nakikita naman niya ang point ni James pero natatakot siya.

‘I might disappoint you.’, ang sabi ni Bryan.

‘Let’s just give it a try.’, ang sabi ni James.

‘Alright.’, ang pagpayag ni Bryan kahit na may pag-aalinlangan pa ito.

***

Nang matapos ang dinner ay nagkita-kita ang mga magkaka-barkada sa open area ng retreat house malapit sa simbahan. Malamig ang hangin na dumadampi sa kanilang mga mukha at katawan kaya naman silang lahat ay nakasuot ng jacket.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Symon dahil sa pagtawag sa mga kaibigan. Kasama niyang nakaupo sa isang table sina Gap at Jeric habang nakikita niyang papalapit ang tatlong babaeng kaibigan.

‘Hey.’, ang bati ni Lexie nang makalapit na ito sa tinatambayan nila Symon.

Ramdam na ramdam ang awkwardness sa pagitan nilang lahat. Walang umiimik at mukhang walang balak magsalita. Since si Symon ang nagpatawag sa kanila, siya na ang bumasag ng katahimikan.

‘First of all, I’m so sorry sa mga sinabi ko at sa naging treatment ko sa inyo. I didn’t mean it. I’m just out of myself lately.’, ang sabi ni Symon.

‘Ano bang problema? You know, you can tell us what’s wrong. Kaya nga tayo magkakaibigan.’, ang sabi ni Coleen.

‘I can’t tell you, really. I just want you to know that I’m sorry for being such an ass for the past three weeks.’, ang sabi ni Symon.

‘Why? Anong point na pinatawag mo kami dito kung hindi din naman namin malalaman ang problema mo?’, ang medyo masungit na mga tanong ni Shane.

‘God knows how much I wanna share it to you, guys. But I just can’t.’, ang sabi ni Symon bago pasimpleng tumingin kina Jeric at Gap.

Simula nang magpalitan ang mga salita ay tahimik lang si Lexie at nakikinig sa mga sinasabi ng bawat isa. Masyado niyang dinamdam ang sinabi sa kanya ni Symon given na may nararamdaman siya para dito.

‘Why not?!’, ang inis na tanong ni Shane kay Symon.

‘Coz you can’t understand.’, ang mahinang sagot ni Symon.

‘What?’, ang tanong ni Coleen.

‘You can’t understand what I’m going through right now.’, ang sabi ni Symon.

‘Of course we don’t. E hindi ka naman nagsasabi. Look, Sy. We’re your friends. We’re supposed to help each other out.’, ang sabi ni Coleen.
Hindi na makapagsalita si Symon dahil nararamdaman na niya ang takot na malapit nang malaman ng mga kaibigan ang tunay na siya. Natatakot siya na baka hindi siya matanggap ng mga ito. Pero naisip niya na kung sina Jeric at Gap nga na parehas na lalaki ay agad siyang natanggap, bakit mahihirapan ang mga kaibigang babae sa pagtanggap sa pagkatao niya.

‘Come on. Tell ‘em, Sy. It’s for your own sake.’, ang sabi ni Jeric.

Agad namang bumaling si Symon sa biglang pagsasalita ni Jeric na para bang pinu-push siya nito na umamin na.

‘It’s for everybody’s sake.’, ang muling sabi ni Jeric bago tumingin kay Lexie.

‘Tell us what?’, ang tanong ni Shane.

Matagal na natahimik si Symon. Nararamdaman niya na ang atensyon ng bawat isa sa mga kaibigan ay nasa kanya at pakiramdam niya ay sumisikip ang kanyang kinauupuan.

‘Tell us what, Symon?’, ang pag-uulit ni Shane dahil sa pananahimik ni Symon.

‘We don’t need to do this right now.’, ang sabi ni Gap.

‘No. It’s alright.’, ang sabi ni Symon.

Tiningnan niya bawat isa ang mga kaibigan. Nakita niya ang suporta sa kanya ni Jeric. Ang kabadong hitsura ni Gap. Ang naguguluhang mukha ni Coleen. Ang inis na si Shane. At ang nakayukong si Lexie.

‘I don’t know what will happen after this. But I have to tell you, guys, that...’, ang pagsisimula ni Symon.

Parang wala nang ibang marinig si Symon kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ang mabilis na paghinga.

‘I’m gay.’, ang pagsasabi ni Symon ng katotohanan patungkol sa kanyang pagkatao.

Halos wala namang agad reaction ang mga kaibigang babae ni Symon bukod sa biglang paglaki ng mga mata ni Coleen dahil sa gulat.

‘No way.’, ang narinig nilang sabi ni Shane.

Agad na bumaling si Shane kay Lexie na hindi pa rin nagre-react. Nakayuko pa rin ito at parang nagpipigil ng iyak.

‘Lex.’, ang pagtawag ni Shane sa atensyon nito.

Hinawakan niya ito sa braso pero agad itong umiwas. Marahan siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit kay Symon.

‘Lexie.’, ang sabi ni Symon nang makita niyang tumutulo ang luha sa mga mata nito.

Biglang uminit ang kaliwang pisngi ni Symon matapos na malakas at mabilis na lumapat ang kanang kamay ni Lexie dito. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya nito.

‘Ow.’, ang daing niya.

Nakita na lang niya na tumatakbo si Lexie palayo habang si Shane naman ay sumunod dito. Naiwan sila nina Coleen, Jeric at Gap sa table.

‘It’s alright, dude. At least, alam na nila. You just have to deal with it.’, ang sabi ni Jeric.

‘You knew about this all along?’, ang tanong ni Coleen kay Jeric.

‘Yeah.’, ang sagot ni Jeric sa kanya.

‘Seriously, Jeric?! After what I’ve told you? Wala ka man lang sinabi sa akin. That’s nice! Real nice.’, ang galit na sabi ni Coleen dito bago umalis.

‘Anong sinabi sa’yo ni Coleen?’, ang tanong ni Symon.

‘Later.’, ang sabi ni Jeric bago habulin si Coleen.

Naiwan naman sina Symon at Gap sa table. Minamasahe ni Symon ang kanyang pisngi gamit ang malamig na kamay.

‘How’re you feeling?’, ang tanong ni Gap sa kanya.

‘I don’t know. Galit si Lexie sa akin? Bakit?’, ang tanong ni Symon.

‘Hindi ko alam.’, ang tanging nasabi ni Gap.

Wala nang nagsalita sa kanila sa loob ng ilang minuto hanggang sa magtanong si Gap kay Symon.

‘You wanna stay here or gusto mo nang bumalik sa kwarto?’, ang tanong ni Gap.

‘Dito muna siguro. Go ahead kung gusto mo nang magpahinga. I’m okay.’, ang sabi ni Symon.

‘No, it’s alright. Sasamahan na kita.’, ang sabi ni Gap.

‘You know... Uh, nevermind.’, ang sabi ni Symon.
‘What?’, ang tanong ni Gap.

‘Nothing.’, ang sagot ni Symon.

***

Matindi ang pag-iyak ni Lexie. Nakabaon ang kanyang ulo sa isang malambot na unan at maririnig mula dito ang hagulgol ng isang babaeng sobrang nasaktan. Nakaupo naman sa gilid ng kama si Shane at hinahagod ang likod ng kaibigan.

‘Come on, Lexie.’, ang sabi ni Shane habang pinipilit niya itong umupo.

Nanghihina man ay sumunod naman si Lexie sa kaibigan. Inabutan siya ni Shane ng isang bote ng mineral water galing sa bag nito at ipinainom sa kanya. Matapos iyon ay agad siyang yumakap kay Shane at muling umiyak.

‘Sige lang.’, ang sabi ni Shane.

Hindi na makapagsalita si Lexie kahit na napakarami niyang gustong sabihin. Masyadong masakit ang kanyang nalaman para ikulong ito sa mga salita. Tahimik niyang minahal si Symon. Alam niyang wala naman siyang laban lalo na’t ngayong alam niya na ang pagkatao nito.

Samantala, si Coleen naman ay papunta na sa kwarto para damayan ang kaibigan at para layuan si Jeric na kanyang kinaiinisan ngayon. Pero nahabol siya nito bago pa man makapasok sa ladies’ dormitory.

‘Babe.’, ang pagtawag ni Jeric dito.

Tumigil sa paglalakad si Coleen at hinarap niya ang boyfriend. Nakasimangot ito at masama ang tingin kay Jeric.

‘What?’, ang mataray na sabi ni Coleen.

‘I’m sorry for not telling you about Symon. Wala ako sa posisyon na magsabi sa’yo nun.’, ang sabi ni Jeric.

‘Pero sinabi ko sa’yo kung ano ang meron kay Lexie. You should’ve given me a hint.’, ang sabi ni Coleen.

‘I’m sorry, okay? I’m just protecting Symon. He’s our friend.’, ang sabi ni Jeric.

‘But Lexie’s our friend, too!’, ang inis na sagot ni Coleen.

‘I know. Pero intindihin mo ang hirap na pinagdadaanan ni Symon. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin. Kaya nga I pushed him to say it e. Para magkaalaman na. Lexie would be hurting, anyways.’, ang sabi ni Jeric.

‘Don’t you think hindi nahihirapan si Lexie?’, ang tanong ni Coleen.

‘Of course, nahihirapan din siya. Come on, babe. Let’s not fight over this. We should be helping them.’, ang paglalambing ni Jeric.

‘Basta ang alam ko ngayon ay naiinis ako sa’yo!’, ang sabi ni Coleen bago pumasok sa dorm.

Bumalik na si Jeric sa room nila nina Symon pero naabutan niyang wala pang tao dito. Si Coleen naman ay dinamayan si Lexie sa pag-iyak kasama si Shane. Pinalakas nila ang loob nito at sinabing makakahanap pa siya ng isang lalaking mas hihigit pa kay Symon.

***

Niyaya na ni Symon si Gap na bumalik na sa kanilang room nang in-announce na malapit ng mag-lights out. Naabutan nila si Jeric na nakahiga sa kama. Agad itong bumangon nang pumasok sila sa kwarto. Halos kakatapos lang maligo ni Jeric dahil medyo basa pa ang buhok nito.

‘Je, anong nangyari kay Lexie? Anong sinabi sa’yo ni Coleen?’, ang bungad na mga tanong ni Symon.

‘Remember nung house party kina Coleen? Lexie confessed something.’, ang pagsisimula ni Jeric.

Tumango naman si Symon. Nakaupo siya sa kama ni Gap at katabi niya ito. Eager na eager ang dalawa na marinig ang confession ni Lexie kina Coleen at Shane.

‘She has a thing for you, Sy. She loves you.’, ang sabi ni Jeric.

Para namang bumagsak ang panga ni Symon sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa kakasabi lang ni Jeric.

‘Wait. You mean love, LOVE?’, ang pagve-verify ni Symon.

‘No. I mean, love, love, love.’, ang sabi ni Jeric.

‘Kelan mo ‘to nalaman, Je?’, ang tanong ni Gap na gulat din sa nalaman.

‘Last week lang nung magkasama kami ni Coleen sa mall. Bothered siya sa hindi pakikipag-usap ni Symon sa atin kasi malungkot si Lexie.’, ang pagsagot ni Jeric sa tanong ni Gap.

Muli siyang bumaling kay Symon at dinipensahan ang sarili sa ginawang pagpilit niya dito na umamin nang magkakasama pa sila.

‘I’m sorry for pushing you earlier. Mahirap ang position ko na alam ko kung ano at alam kong may nagkakagusto sa’yo na hindi posibleng magustuhan mo. I protected you from Coleen by not saying anything. Pero kelangan ko ring protektahan si Lexie kasi kaibigan ko rin siya.’, ang depensa ni Jeric.

‘I understand, Je. Plano ko na rin namang sabihin sa kanila. Pero hindi ko in-expect na may ganon pala.’, ang sabi ni Symon.

***

Kinabukasan ng tanghali ay nagkita sina James at Bryan sa isang mall para kumain ng lunch. Ito ang kanilang unang date na sila ng dalawa. Kumain sila sa isang Italian restaurant dahil favourite ni James ang lasagna.

‘Are you sure this would work?’, ang tanong ni Bryan habang nasa gitna sila ng pagkain.

‘Nagda-doubt ka ba?’, ang tanong din ni James.

‘To be honest, yeah. Natatakot ako na baka mas masaktan lang natin ang isa’t isa.’, ang sabi ni Bryan.

‘Isa lang ang itatanong ko sa’yo at sagutin mo ako ng totoo.’, ang seryosong sabi ni James.

Ibinaba ni Bryan ang hawak niyang fork at tinitigan ang mga mata ni James. Hindi niya maiwasang maisip na ang isang tulad ni James na gwapo at matipuno ay kasama niya ngayon.

‘Kakakilala lang ulit natin sa isa’t isa. I know medyo mabilis ang mga pangyayari. Pero, do you feel na kaya mo akong mahalin?’, ang tanong ni James.

‘Yes.’, ang sagot ni Bryan.

‘Take this risk with me.’, ang sabi ni James.

‘I will love you.’, ang sabi ni Bryan habang pasimple niyang hinawakan ang kamay ni James na nakapatong sa table.

‘I will, too.’, ang sagot ni James.

‘So, what do you wanna do next?’, ang tanong ni Bryan.

Naisip ni Bryan na baka si James na nga ang kanyang hinihintay. Baka si James na nga ang taong magpapasaya sa kanya ng totoo. Masaya ang pakiramdam niya na kasama niya ito. Hindi lang sex ang habol nito sa kanya. Napansin pa nga niya na kahit wala agad iyon ay magiging okay pa rin sila. Pero naging nature na rin kasi ni Bryan iyon at mahirap nang tanggalin. Pero nararamdaman niyang may patutunguhan ang relasyon na ito. Kailangan lang niyang magtiwala.

***

Ang naging huling activity sa ikalawang gabi ng retreat nina Symon ay may kinalaman sa pagharap sa mga problema o issues nila sa ibang miyembro ng klase. Patay ang lahat ng mga ilaw at tanging mga kandila lamang ang nagbibigay ng liwanag sa room. Nakaupo ang lahat sa sahig nang binigyan sila ng signal na pwede na nilang lapitan ang mga taong kanilang gustong makausap.

Si Jeric ay agad na lumapit kay Coleen. Hinanap naman ng mga mata ni Symon si Lexie. Nakita niya itong kasama si Shane.

‘Babe.’, ang pagtawag ni Jeric kay Coleen.

Umupo si Jeric sa harapan ni Coleen. Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Hindi naman nag-react si Coleen sa ginawa ni Jeric.

‘I’m sorry. I hope you’d understand my position. I was just caught up in the situation. Huwag naman sana na pati tayo maapektuhan ng mga nangyayari.’, ang sabi ni Jeric.

‘I see your point, babe. Sorry kung masyado akong naging harsh kagabi. Naawa lang ako kay Lexie.’, ang sabi ni Coleen.

Habang nagkakapatawaran ang dalawa, sa kabilang side ng room ay lumapit si Symon sa kinauupuan nina Lexie.

‘Lex.’, ang pagtawag niya dito.

‘Stay away from her, Sy.’, ang galit na sabi ni Shane.

‘Please. Let us talk.’, ang sabi ni Symon.

‘It’s okay, Shane.’, ang mahinang sabi ni Lexie sa kaibigan.

Umalis si Shane at iniwan ang dalawa sa gilid ng room. Umupo si Symon sa harapan ni Lexie at tiningnan ang mga mata nito. Kitang-kita dito ang lubos na kalungkutan.

‘Lex, I don’t know what to... Why... Ugh. I’m sorry.’, ang paputol-putol na sabi ni Symon habang pinipigilan ang pag-iyak.

‘Wala kang dapat ihingi ng tawad, Sy. It’s all on me. Hindi mo naman... Hindi mo naman hiningi na mahalin kita.’, ang sabi ni Lexie.

Hindi na napigilan ni Lexie ang muling pag-iyak. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman pero wala siyang ibang masisisi kung hindi ang kanyang sarili.

Kinuha ni Symon ang dalawa niyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Tumutulo na rin ang mga luha niya.

‘Why me? Lex, of all people, bakit ako?’, ang tanong ni Symon.

‘Hindi ko rin alam, Sy. Nagulat na nga lang din ako na iba na ang nararamdaman ko para sa’yo. Hindi ko ginusto ‘to. Kaya nga hindi ako nagsasalita. Ayokong magkaroon ng kulay ang pagkakaibigan natin. Masaya ako sa friendship natin e. I should even be happier now that you’ve already come out. At least, mas magiging close na tayo. Pero hindi e. Ang sakit pala. Ang sakit, sakit na malaman na ang lalaking mahal mo, e hindi ka kayang mahalin kahit ano pang gawin mo. Kasi hindi ang tulad mo ang hanap niya.’, ang patuloy na pag-iyak ni Lexie.

‘I’m very sorry. I should’ve told you sooner. Natakot lang ako. Natakot akong baka hindi niyo ako matanggap.’, ang sabi ni Symon.

‘I don’t know, Sy.’, ang tanging sabi ni Lexie.

‘What can I do to make you feel better?’, ang tanong ni Symon.

‘Just...’, ang naputol na sasabihin ni Lexie dahil umapaw na naman ang emosyong nararamdaman.

Sobrang hirap na rin si Symon dahil nakikita niya ang isa sa mga pinaka-close niyang kaibigan na nasasaktan dahil sa kanya.

‘Just stay out of my life.’, ang sabi ni Lexie.

‘No. Wag naman ganon, Lex. Hindi ko kaya ‘yun.’, ang pagtanggi ni Symon.

‘It won’t be for good, don’t worry. Just let me fix myself first.’, ang dugtong ni Lexie.

‘We’d be okay afterwards?’, ang tanong ni Symon.

‘I don’t know. But I’m hoping. Just leave me alone for now.’, ang sabi ni Lexie.

Nang umalis si Lexie ay saka lang na-realize ni Symon ang impact ng gusto nitong mangyari. Kung kailangan niyang layuan si Lexie, ibig sabihin pati si Shane ay hindi na niya rin makakausap. Ibig sabihin nun, kahit si Coleen ay apektado. Pati sina Jeric at Gap. Magkakawatak-watak na ang grupo.
Just in time sa muling pag-atake ng mga emosyon ni Symon, umupo sa harapan niya si Coleen. Walang kahit anong salita ang kanilang sinabi. Basta na lang sila biglang nagyakap at walang humpay ang pag-iyak ni Symon habang nakakulong siya sa mga braso ni Coleen.

‘I’m sorry. I ruined everything!!’, ang sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

‘Sshhh, Sy. Everything will be alright.’, ang sabi ni Coleen.

‘No, it won’t. I can’t be with you, guys, anymore. Kailangan kong lumayo for the sake of Lexie.’, ang sabi ni Symon.

‘What? No. Hindi naman kailangan pang gawin yun.’, ang sabi ni Coleen habang namumuo ang mga luha sa mga mata nito.

‘Yun ang gusto niya. And I’m willing to do it.’, ang sabi ni Symon.

‘Sy.’, ang pag-iyak ni Coleen.

‘Magkikita pa naman tayo everyday. We can still talk through text. Hindi na nga lang ako sasama sa inyo.’, ang sabi ni Symon.

Muling nagyakap ang dalawa na para bang iyon na ang huli nilang pagkikita. Masakit para kay Coleen dahil alam niyang magbabago na ang lahat.

***

Pagpasok ni Symon sa loob ng kwarto ay himbing na ang tulog ni Jeric. Si Gap naman ay nakahiga na sa kanyang kama at nagsa-sound trip lang.

‘Saan ka galing?’, ang tanong nito sa kanya.

‘Dumaan lang ako saglit sa chapel. Bakit gising ka pa?’, ang sagot ni Symon.

‘Di pa ako makatulog e.’, ang sagot naman ni Gap.

Pumasok si Symon sa CR at nag-wash up bago ipahinga ang katawan sa sariling kama. Mas malamig ang gabing ito compared kahapon. Nakasuot siya ng long sleeves at pajama.

‘Hindi tayo nakapag-usap kanina nung activity.’, ang sabi ni Gap sa kanya.

‘Oo nga e.’, ang sagot ni Symon.

Inilapat niya ang unan sa pader sa ulunan ng kanyang kama at doon sumandal. Nakatingin lang si Symon kay Gap at hinihintay ito na magsalita.

‘Do you wanna say something? Come on. This is our last chance. After this retreat, I won’t be hanging around you, guys.’, ang sabi ni Symon.

‘Anong sinasabi mo dyan?’, ang tanong ni Gap sa kanya.

‘Lexie wants me to stay away from her. Which means I need to stay away from the group.’, ang sagot ni Symon.

Sa kakaulit niya sa sinasabing ito, mas nasasanay na siya at mas magiging madali sa kanya ang gagawin.

‘No way, Sy.’, ang hindi makapaniwalang sabi ni Gap.

‘Yes. Kaya kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na.’, ang sabi ni Symon.

Bumangon si Gap mula sa kanyang kama at umupo sa kama ni Symon. Umurong ng kaunti si Symon para mabigyan ng mauupuan si Gap.

‘Isipin mo na lang na nasa activity pa rin tayo.’, ang sabi ni Symon.

Patay na ang ilaw sa kwarto at tanging ang ilaw na lang sa labas ang pumapasok na liwanag sa kanilang bintana.

‘Gusto kong magpasalamat sa’yo kasi kahit na we had a very, very rough start, here we are. Nakapag-sorry na ako na ako sa mga nagawa ko sa’yo dati. Gusto ko lang malaman mo ngayon na kahit anong mangyari, kasama mo ako.’, ang sabi ni Gap.

Nakatitig lang si Symon kay Gap habang sinasabi niya ang mga ito. Makikita sa kakarampot na liwanag ang sinseridad sa kanyang mga mata. Hindi na muling napigilan ni Symon ang pag-iyak dahil na-touch siya sa maikling sinabi ni Gap. Tinabihan siya nito sa pagsandal sa wall para patahanin siya sa pag-iyak.

‘Bakit sobrang bait mo sa akin? Napansin ko na lagi kang nandyan tuwing nangangailangan ako ng kasama. Nung muntik na akong masagasaan, ikaw ang nagligtas sa akin. Nung nalaman ni Kuya Darrel ang nararamdaman ko sa kanya, sinong kumausap sa kanya para maliwanagan siya? Ikaw. Ikaw rin ang pumigil sa kanya nung susuntukin niya ako sa harap ng PJ’s? Why do you have to do all that? Feeling ko sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa akin.’, ang sabi ni Symon habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

Patuloy naman si Gap sa pagpapatahan sa kanya. Pero lalo lang naiiyak si Symon sa ginagawang ito ni Gap. Umalis sa pagkakasandal si Gap at hinarap si Symon. Kinuha nito ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha nito gamit ang dalawang kamay.

‘Tahan na, Sy. Wag kang mag-aalala, nandito pa rin ako.’, ang sabi ni Gap habang patuloy ito sa paghaplos sa mukha ni Symon.

Sumandal muli si Gap at humilig si Symon sa balikat nito. Walang umimik sa kanila hanggang sa mahimasmasan si Symons a pag-iyak.

‘Gap.’, ang paos niyang pagtawag dito.

‘Hmm?’, ang sagot ni Gap.

Inialis na ni Symon ang ulo niya sa balikat ni Gap at tiningnan ang mukha nito. Wala nang ibang maririnig kung hindi ang mga kuliglig sa labas at ang mahinang paghinga ni Jeric.

‘Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina.’, ang sabi ni Symon.

Humarap si Gap kay Symon. Medyo nagulat siya dahil mas malapit ang mukha ni Symon sa kanya kesa sa kanyang inakala. Pero hinayaan na niya iyon.

‘Bakit kita niligtas sa aksidente, kay Kuya Darrel?’, ang pagve-verify ni Gap.

Tumango lang si Symon bilang pagsagot ng oo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gap. Yumuko muna siya bago tingnan sa mga mata si Symon.

‘I don’t know, Sy. Simula nung nagkaayos tayo, I’ve develop this... I mean, I have this feeling that I need to protect you. Ayokong nakikita na may nanakit sa’yo. Ayokong nakikita kang nahihirapan.’, ang sabi ni Gap.

Nawala na yata ang lahat ng inhibitions sa kanilang dalawa. Biglang yumapos ang mga braso ni Symon sa katawan ni Gap. Lumapit ang mukha nito sa kanyang tenga.

‘Thanks.’, ang bulong ni Symon sa kanya.

Humarap si Gap kay Symon. Halos magkadikit na ang kanilang mga ilong. Nagtama ang kanilang mga tingin. Unang nagbaba ng tingin si Gap sa mga labi ni Symon. Nang muli niyang iangat ito ay nakita niyang dahan-dahan na ipinikit ni Symon ang mga mata. Hinawakan ni Gap ang dalawang pisngi ni Symon bago ipikit ang kanyang mga mata. Naglapat ang kanilang mga labi kasabay ng muling pagtulo ng mga luha ni Symon.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment