Saturday, December 22, 2012

Shufflin' (10): Book 1

by: Lui

Puno ang corridor ng mga estudyante. Nasa pagitan ng mga pintuan ng classrooms ay ang mga lockers. Malalaki ang mga lockers dito. Halos ka-height na ng mga estudyante. Ilang minuto bago mag-bell ay nandito ang halos lahat ng estudyante. Kanya-kanya silang kuha ng gamit para sa afternoon classes.

Hindi binisita ni Gap ang kanyang locker nang umagang iyon dahil dala na niya ang lahat ng gamit para sa morning classes. Matapos kumain ng lunch ay dumiretso na siya dito upang kuhanin ang ilang textbooks. Nagtaka siya kung bakit wala ang padlock ng kanyang locker. at tanging tali lang nagsasara dito. Binuksan niya ito at nalaglag ang lahat ng kanyang mga gamit kasama ang ilang mga basura. Hindi lang iyon. May kung anong powder pa ang lumabas mula sa mga ito na dumumi sa kanyang pantalon. Ang lahat ay nagtinginan sa kanya dahil puno ng basura ang kanyang harapan.


'Shit!', ang galit na sabi ni Gap.

Doon na dumating si Symon na kumakaripas ang takbo. Ang lahat ay napatingin sa kanya dahil sa bigla nitong pagtigil. Nagulat siya nang makita niyang huli na ang lahat.

'I'm sorry.', ang kagat-labi niyang sabi kay Gap.

Sumunod naman kay Symon si Darrel. Hindi naman ito makapaniwala sa nakita.

'What the hell happened?', ang mahinang tanong nito.

Tumingin lang ng masama si Gap kay Symon bago umalis. Gusto niya itong saktan pero mas pinili niyang sundin ang sabi ng kanyang ina.

'Be calm. Wag mo siyang patulan.', ang nanginginig na sabi ni Gap sa sarili.

Nangingilid na ang mga luha niya. Ikinulong niya ang sarili sa loob ng isang cubicle sa CR at doon umiyak.

***

'Are you okay?', ang tanong ni Darrel sa namumutlang Symon.

'Yes, yes.', ang malungkot na sagot ni Symon.

'Did you do that?', ang tanong ni Darrel.

Nagsimula nang mag-explain si Symon at halos wala nang maintindihan si Darrel sa mga sinasabi nito sa sobrang bilis ng pagsasalita.

'Calm down.', ang sabi ni Darrel.

Niyaya niya si Symon sa SC office at doon sila nag-usap. Wala namang tao dito ngayon dahil lahat ng officers ay nasa klase.

'I put the trash last week. I didn't know na magiging okay kami over the weekend. I totally forgot na may nilagay pala ako sa locker niya.', ang malungkot na sabi ni Symon.

'You know you just got back from suspension. Bakit gumawa ka na naman ng isang bagay na alam mong ground for another suspension?', ang sabi ni Darrel na may tonong galit at pag-aalala.

'I don't know. I just have this in me na hindi ako dapat magpatalo. Kapag may ginawa siya sa akin, kelangan malamangan ko iyon. Parang ganon.', ang sabi ni Symon.

'That's not a very good attitude, Symon. Sometimes, kelangan mong magpakumbaba. Lalo na iyan, tingnan mo ang damage na nagawa mo kay JR.', ang sabi ni Darrel.

'I call him Gap.', ang sabi ni Symon.

'Or Gap. Whatever.', ang sabi ni Darrel.

Hindi na sumagot si Symon at nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tila nag-iisip kung ano ang sasabihin at kung ano ang magiging sunod na hakbang.

'Okay, I won't report this to the Discipline's Office para hindi na madagdagan ang kaso mo. Symon, you've got so much potential in you! Gamitin mo yan sa maganda, hindi sa pambu-bully. Pero hindi ko na hawak at labas na ako kapag si JR, I mean, kapag si Gap ang nag-report.', ang sabi ni Darrel.

'Really? You'd do that for me?', ang halos abot-tengang ngiti na tanong ni Symon.

'Yes. But promise me na magso-sorry ka kay JR and you'll stay good.', ang sabi ni Darrel.

'Opo, kuya.', ang nakangiting sabi ni Symon.

'Deal yan ah. O, hindi ka na nakapasok sa class mo.', ang sabi ni Darrel nang tingnan niya ang oras.

'Okay lang po. Mamayang 2PM na lang ako papasok.', ang sabi ni Symon.

'Sige, sabay na tayo.', ang sabi naman ni Darrel.

Nagkwentuhan muna ang dalawa habang nagpapalipas ng oras. Nalaman niyang wala palang nakakabatang kapatid si Darrel at siya na lang ang nag-aaral. Half-Chinese pala siya at ang mga magulang ay lumipat na sa China simula nang nag-college siya. Sa nakatatandang kapatid na lalaki siya nakatira ngayon na may sarili ng pamilya.

***

Minabuti ni Symon na ipagpaliban hanggang mag-uwian ang pakikipag-usap kay Gap tungkol sa nangyari. Nang pumasok siya sa ikalawang subject sa hapon ay nakayuko lang ito. Habang nagtuturo ang professor ay pasimple niya itong tinitingnan at nakita niya ang mga mata nito na parang kakagaling lang sa iyak.

'Symon, ikaw na pala ang bagong Emily sa play. Hindi kakayanin ni Erwin ang maging director at actor.', ang sabi ni Lexie pagkatapos ng ikalawang subject.

'Ha? Akala ko understudy lang ako?', ang tanong ni Symon.

'Oo nga. Since hindi na si Erwin, ikaw na ang papalit sa kanya.', ang sabi ni Lexie.

Masyadong magulo ang utak ni Symon ngayon kaya para wala na lang argument ay pumayag na siya.

'Rehearsals after class. Pina-reserve na namin yung AVR para pati lights and sounds, ma-practice na rin.', ang sabi ni Lexie.

'Okay. Til what time?', ang tanong ni Symon.

'7pm. Buong class naman 'to. And supervised naman tayo ng SC.', ang sabi ni Lexie.

Maswerte ang klase at wala silang last class kaya naman 3PM pa lang ay nakapagsimula na sila ng rehearsals sa AVR.  Pumayag na si Coleen na maging si Mac na dapat sana ay si Shane ang gaganap. Si Jeric naman ay si Anna at si Symon si Emily. Ang eksena na una nilang pa-practice-in ay ang scene nina Coleen at Symon bilang mag-bestfriend. Hindi naman nahirapan ang dalawa dahil tunay na magkaibigan naman sila. Medyo struggle lang sa acting dahil kelangang maging astig ni Coleen at si Symon naman ay dapat maging babae.

'Konting astig pa, Coleen! Symon, lambutan mo naman! Landian mo pa.', ang nakangiting sabi ni Lexie.

'Agapito, spotlight sa dalawa ha. Focus lang. Thanks!', ang sigaw naman ni Erwin.

'Got it!', ang sigaw ni Gap.

Medley ang ginagawa ng dalawa. Unang kakanta (lip-synch) si Coleen at sumunod naman si Symon.

COLEEN (Mac):
'You can count on me like one, two, three
I'll be there and I know when I need it
I can count on you like four, three, two
And you'll be there 'cause that's what friends
Are supposed to do, oh yeah, ooh, ooh'

'You can...


SYMON (Emily):

'Count on me through thick and thin
A friendship that will never end
When you are weak, I will be strong
Helping you to carry on
Call on me, I will be there, don't be afraid
Please believe me when I say, count on'


Palakpakan ang lahat sa magandang team-up nina Coleen at Symon. Unang beses pa lang nila itong ginawa pero halos walang mali sa pagli-lipsynch. Medyo ilang si Symon sa pagkilos babae pero nagawa naman niya.

'Very good, guys! Okay, angles na lang. And Symon, konting lambot pa. and work on the adlibs. Yung first part lang naman ng song kakantahin mo. Try mo kaya mag-cross legs.', ang sabi ni Lexie.

'Lex, mahirap yata yun. Lalaki pa rin ako.', ang natatawang sabi ni Symon.

Nalimutan niyang naka-mic pala siya at nagtawanan ang buong klase sa sinabi na ito ni Symon.

'Sorry naman. Coleen, konting astig pa ah.', ang sabi ni Lexie.

Umakyat sa stage si Erwin at tinuruan ang dalawa kung saan pupunta, saan dapat mag-stop, anong emotion ang dapat ipakita.

Matapos ito ay inulit nila ang pagkanta.

***


COLEEN (Mac) to JERIC (Anna):

'I got a problem and I don't know what to do about it 
Even if I did I don't know if I would quit but I doubt it
I'm taken by the thought of it
And I know this much is true
Baby you have become my addiction
I'm so strung out on you I can barely move
But I like it and it's all because of you'

Matapos ang friends at ligawan scene ay mukhang natuwa naman sina Lexie at Erwin sa progress ng rehearsals.

'That's a wrap, guys! See you tomorrow!', ang sabi ni Erwin.

Nagmadali sa pag-aayos ng gamit si Symon nang makita niya si Gap na palabas na ng AVR. Mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan at hinabol si Gap. Naabutan niya ito sa labas na ng building.

'Gap!', ang hingal niyang sigaw.


Tumigil si Gap sa paglalakad at lumingon ito sa kanya pero hindi nagsalita.


'I'm sorry. I'm very, very sorry!', ang sabi ni Symon.


'So, what happened last Saturday was all bullshit? I should have not trusted you. Tama nga na ikaw ang isa sa actors sa musical natin. Ang galing mo umarte. Believable! Kudos!', ang sabi ni Gap bago tumalikod.


'Hey, hey. Listen to me.', ang sabi ni Symon.


Hinawakan niya ang braso ni Gap at pilit na pinaharap ito sa kanya.


'Last week ko pa iyon ginawa. I didn't know na magiging okay tayo over the weekend. Nawala sa isip ko na may nagawa akong ganon dahil masaya ako na friends na tayo. I'm sorry.', ang sabi ni Symon.


'I don't care. Alright?', ang sabi ni Gap.


Umalis na ito at tumalikod na rin si Symon. Pero humarap muli si Gap may pahabol pang sasabihin.


'Oh, and by the way. We're not friends. Never. Just because you  felt guilty and apologized for mocking my father's name and I accepted it doesn't necessarily mean that we are friends. Alright? And GOOD LUCK.', ang sabi ni Gap na may pagbabanta sa huli.


***


Malungkot na umuwi si Symon. Pagkarating nito sa bahay ay hindi na ito nag-dinner at dumiretso na sa kwarto. Nagdahilan na lang ito na gusto na niyang matulog dahil sa sobrang pagod. Ngayon niya nare-realize kung gaano siya naging kasama kay Gap simula nang mgaing magkaklase sila. Nagi-guilty siya dahil kahit sa sandaling oras na nasa bahay nila ito ay nakita niya kung gaano ito kabait. Buong akala niya ay magiging magkaibigan na sila pero dahil sa isang katangahang nagawa niya ay naudlot ito.


Nakadapa siya sa kama matapos maligo nang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at binasa ang text na natanggap.


Darrel: Hi, Ms. Whitney Houston.:))


Nanlaki naman ang mata ni symon sa nabasa at agad na nagreply dito.


Symon: Kuyaaa!! Napanood mo? Nakakahiya.


Darrel: Yeah. Sabi ni Ms. Ellie, bantayan daw namin kayong mga bata. Galing ah. Count on, count on, count on. Haha!:)


Symon: Waaaaaaaah!! Stop it. Bata talaga?'


Darrel: Galing-galing mo nga e.


Symon: Weh? Bola.


Darrel: Oo nga. Bahala ka kung ayaw mo maniwala. O, how's our deal?


Symon: I've talked to Gap pero galit siya sa akin. :(


Darrel: Nag-report daw ba siya?


Symon: I don't know. Hay, kuya.


Darrel: Ayan kasi. Wag kasi gagawa ng masama sa kapwa. Tingnan mo tuloy ikaw ngayon.


Symon: Opo, kuya. I said sorry na. Pero mukhang kelangan ko pa yatang paghirapan ang forgiveness.


Darrel: Magpakatino ka na kasi!


Symon: Opo.


Darrel: O sige na, naiistorbo na yata kita. Just wanna check up on you and our deal.


Symon: Hindi naman po. Pero medyo antok na. Good night, kuya!


Darrel: Good night, bunso!:)


Paulit-ulit na binasa ni Symon ang huling text ni Darrel. Wrong send ba iyon? O talagang para sa kanya. Nagpa-ikot ikot siya sa kama habang yakap ng mahigpit ang unan dahil sa sobrang kilig.


'OW!', ang daing niya nang nahulog siya sa kama.


***

Abala na ang lahat para sa musical. Malapit na ito kaya naman puspusan na ang pag-eensayo. Syempre, may iba pa silang subjects kaya naman sobrang bilis ng takbo ng araw para sa kanila.

'Yes! TGIF!', ang sabi ni Shane.


'Where to?', ang tanong ni Coleen.


'I don't know. Chill out na lang tayo sa PJ's?', ang sabi ni Shane.


'Sure, sige.', ang sabi ni Coleen.


'Guys, may tatapusin pa tayong paper sa History and may rehearsals pa mamaya.', ang sabi ni Lexie.


'Lex, magpahinga ka naman. Pwede? Kahit ngayon lang.', ang sabi ni Shane.


'Pero..', ang sabi ni Lexie.


'No buts!', ang sabi ni Coleen.


'CLASSMATES, cancelled ang rehearsals later. Bukas na lang daw sabi ni Lexie.', ang announcement ni Shane sa buong klase.


Natuwa naman ang lahat sa in-announce na ito ni Shane bukod kay Erwin.


'Lexie! What the hell?', ang inis nitong paglapit sa kanya.


Tiningnan ng masama nina Coleen at Shane si Lexie bago kausapin si Erwin. Inirapan naman ni Lexie ang dalawa.


'Let's give them a break.', ang sabi ni Lexie.


'YES!', ang sigaw nina Coleen at Shane sa likod ng kaibigan.


'Okay. Let's resume on Monday.', ang sabi ni Erwin.


'Thanks!', ang sabi ni Lexie.


Dumating na galing cafeteria sina Jeric at Symon at natuwa rin nang malaman na walang rehearsals sa araw na iyon.


'Peer pressure much?', ang sarkastikong sabi ni Lexie sa dalawang kaibigang babae.


We just care about you, girl.', ang sabi ni Coleen.


'PJ's later.', ang sabi ni Shane kina Jeric at Symon.

'Okay.', ang sabi ni Jeric habang inaabot kay Coleen ang ipinabili nitong chips.

'Sy?', ang paghihintay ni Shane sa sagot ni Symon.


'What? Sorry.', ang sabi ni Symon.


'PJ's later!', ang pag-uulit ni Shane.


'Okay.', ang sabi ni Symon.


'Sino ba 'yang katext mo? Ikaw ah! May chicks ka na.', ang pagpansin ni Coleen sa pagka-busy ni Symon sa pagtetext.


'Hindi. Friend ko lang 'to.', ang sabi ni Symon pero sobrang lapad ng ngiti nito.


Masaya ang lima nang matapos ang klase para sa buong linggo. Sabay-sabay na silang pumunta sa PJ's. Hindi naman mabitawan ni Symon ang cellphone at maya't-maya ang tingin nito dito.


'Sino bang katext mo? It's so unusual. Buong linggo ka nang ganyan kahit nagkaklase.', ang sabi ni Lexie.


'Wala. Old friend. Ngayon lang kasi kami nagkausap ulit.', ang pagsisinungaling ni Symon.

'Dyan na umiikot mundo mo ah.', ang sabi ni Lexie.


'OA, Lex. Masyado ka namang selosa.', ang pagbibiro ni Symon.


'Girlfriend? Adik ka!', ang sabi ni Lexie na medyo namumula sa kilig.


Natawa naman si Symon sa reaksyon ni Lexie. Pagkapasok nila ng PJ's ay medyo puno na ito. may mangilan-ngilan silang mga kaklase na nakita. Dalawang table ang pinagtabi nila bago um-order. Kilala na ng barista na si Matt si Symon at alam na nito ang lagi nitong order.


'The usual, Sy?', ang tanong ni Matt.


'Yes! Thanks.', ang sabi ni Symon.


'Busy sa school? Ngayon lang ulit kita nakita dito ah.', ang sabi ni Matt.


'Yeah. One month before finals. How's everything?', ang sagot ni Symon.


'Same, same. Here's your drink.', ang sabi ni Matt.


'Thanks!', ang nakangiting sabi ni Symon.


'Anytime.', ang sabi ni Matt.

Halos dalawang oras ding nag-stay doon ang magkakaibigan. Una nang nagpaalam sina Coleen at Jeric dahil ihahatid pa ni Jeric si Coleen. Si Shane naman ay sasabay na sa sundo ni Lexie.


'Ikaw, di ka pa ba uuwi?', ang tanong ni Lexie.


'Later na. I'll stay muna. May meeting pa si Mommy.', ang sabi ni Symon.


'Bakit di ka na lang mag-commute?', ang tanong ni Lexie.


'Ayoko. Di ako marunong.', ang sabi ni Symon.


'What?? First year college ka na, di ka pa marunong mag-commute?', ang gulat na sabi ni Shane.


'So hindi ka pa nakakasakay ng jeep?', ang tanong ni Lexie.


'Nakasakay na. Nung outreach namin nung high school.', ang sabi ni Symon.


'Pero with complete strangers?', ang tanong ni Shane.


'Never.', ang sabi ni Symon.


'Wow! Ikaw na! Ikaw na mayaman!', ang sabi ni Lexie.


Natawa naman si Symon sa reaction ng mga kaibigan. Ilang minuto pa ay dumating na ang sundo ni Lexie. Nagpaalam na sila kay Symon at bumaba na ng coffee shop. Naiwan na naman mag-isa si Symon. Nag-vibrate ang phone niya at naka-receive siya ng text.


'15 mins!', ang nabasa niyang text.


Symon: No rush.


Makalipas ang saktong 15 minutes ay dumating na ang hinihintay ni Symon. Gumala ang mga mata nito sa paghahanap sa kanya. Ngumiti ito nang makita siya at mabilis na umupo sa kanyang harapan.


'Hello, bunso.', ang sabi ni Darrel.


'Pawis na pawis ka, Kuya ah.', ang sabi ni Symon.


'Oo nga e. Wait lang, punta lang ako ng washrooom.', ang paalam nito.


Sinundan niya ng tingin si Darrel habang papunta ito sa washroom. Napaisip siya, sa loob lang ng  4 na araw ay naging close sila ni Darrel. Constant silang nagkakatext at nagkakausap. Ngayon, kasama pa niya ito sa PJ's. Nasasabihan niya ito ng mga problema. Ganon din naman si Darrel. Hindi sila nauubusan ng pagkekwentuhan.


Naramdaman ni Symon na may nakatingin sa kanya at automatikong nabaling ang kanyang tingin sa may counter nang makapasok si Darrel sa washroom. Nakangiti sa kanya si Matt. Nailang siya pero nginitian na lang din niya ito.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


rantstoriesetc.blogspot.com

No comments:

Post a Comment