Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (01)

by: James Cornejo

Tok..tok..tok

"gising na james!! ayan na ang tito mo, sinusundo ka na, malelate nanaman ang school bus dahil sayo!" Yan ang palagian kong nakikinig sa nanay ko kapag umaga.

ako nga pala si james cornejo, labing tatlong taong gulang, isang tipikal na estudyante, nagaaral sa isang pribadong paaralan dito sa Calamba. Maayos ang tindig, hindi papahuli ang muka dahil sabi ng mga kaibigan ko ay gwapo naman daw ako. maliit nga lang sa taas na 4'10. Isang bagay lang siguro ang kinalalait ng mga tao sa akin, ito ay ang kalakihan ng ulo ko. wala naman akong hydrocephalus o sakit na naguugnay sa kalakihan ng ulo ko. Matalinong bata ako, sa katunayan, ilang parangal na rin ang naiuwi ko sa larangan ng English at Mathematics.


"opo ma, andyan na. maliligo lang po ako."

"hainako kang bata ka! kelan ka ba gigising ng maaga! kaya hindi ka dapuan ng swerte dahil sa lagi mong late na paggising!" sigaw ni mommy n para bang wala ng bukas.

at ayun na nga, naligo na ako, kumain ng breakfast at sumakay na sa school bus na pagmamay ari ng tito ko. and as as usual, ipinagpapatuloy ko pa din ang pagtulog sa school bus hanggang sa makarating na sa school.

Lunes ngayon, may assembly nanaman sa quadrangle. Pagpapawisan nanaman ako neto ng sobra.

Nang makarating sa eskwelahan, agad akong pumila sa section na kinabibilangan ko. kasama ko sa section ko ang pinakaunang girlfriend ko, si Ezra. Siya ang pinaka magandang babae sa section namin, sa katunayan, siya ang muse namin ngayon. Ilang buwan din ang ginugol ko para lang mapasagot siya, may 3 buwan ata. At nung makamit ko ang matamis nyang oo ay sobrang saya ko noon.

"Bhie, Happy Monthsary, eto oh, gift ko sayo" sabi nya nang makalapit siya sakin.

"ay sh*t! nakalimutan ko, monthsary nga pla namin ngayon!" Sabi ko sa isip ko.

"happy monthsary Bhie, sorry, naiwan ko yung gift ko sa bahay, nagmadali na kasi ako kanina, dumating na kasi si tito nung nagising ako." pagsisinungaling ko sa kanya.

"hai nako bhie, ganyan ka naman palagi kapag nakakalimutan mo monthsary natin" pagtatampo ni ezra na sinabayan pa ng pagpout ng lips na wari mo'y nagtatampo.

"oh, wag ka na magtampo, ayan na si mam, baka mapagalitan pa tayo, balik ka na muna sa pila mo" sabi ko nalang, dahil nakita ko ang masungit naming titser na papalapit sa kinaroroonan namin.

Ayun, isang walang kwentang assembly nanaman na para bang wala ng katapusan ang pagalit samin ng school director ng eskwelahang pinapasukan ko.

Pagkatapos ng assembly, nagtungo na kami sa kinaroroonan ng aming mga silid aralan. Pag pasok ko ng class room, ang iingay ng mga kaklase ko, agad kong nilapitan ang mga kabarkada ko na sina Ondoy, BJ, RJ, Paeng at Mike. Anim kami na magkakabarkada, sa pagwapuhan, nangunguna samin si Paeng, sumunod si BJ, ako, si Mike, si Ondoy, at ang pinaka pangit samin ay ang best friend kong si RJ. Hindi naman sa panlalait, pero aminado naman kasi siya. na yun ang nagustuhan ko sa ugali nya, hindi siya maalam mahiya kahit na alam niya sa sarili niya na hindi siya gwapo. Kaya ko naman siya naging best friend, dahil magbest friend at magkatrabaho ang nanay namin sa isang pribadong ospital dito sa amin.

"Tol, anung balita, nakascore ka na ba?" sabi ko ng mkalapit kay paeng.

"Tae tol, hirap makuha, sobrang pakipot nya eh!" sbi ni paeng na akala mo natalo sa sugal.

"ahahaha, tagal tagal mo na sinusubukan, wala pa din, hina mo tol!" singit ni BJ sa usapan namin.

"eh ikaw james, nakuha mo na din ba kay ezra yung gusto mo?" Sabi ng bestfriend kong loko.

"ah, eh, hindi pa din eh. hehehe. ayoko muna, baka kasi pag nakuha ko, hanap hanapin na nya."

"eh yun naman pala ih, halos lahat tayo dito mga virgin pa! maliban lang kay mike!" singit ni Ondoy.

oo, si mike ang pinaka malibog saming lahat, na animo'y kahit mga bading eh papatulan na nya makapag palipas lang ng saya.

first year Highschool palang ako, naranasan na namin ang lahat ng sarap sa buhay, inom, yosi, sugal, maliban lang sa SEX.

ang pananaw ko kasi sa buhay ay hindi ko muna ibibigay ang kabuuan ko kung hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko at sa taong kinakasama ko.

ganito kami sa araw araw naming gawain, pasok ng maaga, kwentuhan, pagkatapos ng klase ay kung hindi namin kasama ang mga girl friends namin eh kami ang magkakasama. inom dito, inom dyan, yosi dito, yosi dyan.


Dumating ang 3rd monthsary namin ni Ezra...

"Bhie, may itatanong ako, sana wag ka magagalit sa tanong ko huh" sabi nya sakin na parang nanlalandi.

"Ocge bhie, anu yun?" ang maikli kong sagot.

"Handa ka na ba?" sabi nya

"Saan?"

"uhm, kasi parang gusto ko nang gawin eh"

"Ano ba yun?"

"Yung... alam mo na, yung uhm, S-sex??"

"Ezra Dimatulac, wag mo akong simulan ng ganyan, anu nanaman ba nakain mo at bigla kang nagyaya ng ganyan??" sabi ko na medyo napataas ang boses.

"Uhm, kasi, naiinggit ako sa mga kabarkada ko ih, nagkukwento sila sakin ng mga bagay na ganun, tapos ako, hindi makarelate. one time lang bhie, Please" sabi nya na nagmamakaawa na talaga.

"Bhie, hindi naman dun nasusukat ang pagmamahal ng isang tao ih, pero gusto mo na ba talaga? tandaan mo, first time ko, at first time mo din, hindi ko pa alam kung paano, baka mabuntis lang kita, bata pa tayo masyado." pagpapaliwanag ko sa kanya na may himig ng paglalambing.

"Bhie, yun lang ba ang inaalala mo? handa na ko dyan, nagpabili ako ng condom kay tita kanina." Sabay ngiti na nakakaloko.

Oo, alam ng tita nya na kami, at payag naman ang tita nya sa kung ano man ang mngyayari samin. as long as safe. medyo may pagka kengkoy din kasi ang tita nya eh.

ayun na nga, napapayag nya din ako sa gusto nyang mangyari. hanggang sa halos every other week na namin ginagawa ang bagay na yun.


dumating na ang araw na 5th monthsary namin, dahil nga close ako sa family nya, at ang tita lang naman niyang malibog ang kasama niya sa bahay,  bumisita ako sa kanila.

pag dating ko sa kanila...

"uhm, tita, good morning po, nandyan po ba si ezra?" bati ko sa tita nya na may halong nakakalokong ngiti.

"nandun sya sa taas, may kasama, bahala ka na!" ang may galit netong sabi sakin.

"uhm, bakit kaya, nagaway nanaman ba sila? mmmmm. di bale na nga, akyat nalang ako" sa isip ko.

"tita, akyat na po ako huh"

at nagdirediretso na nga ako sa kwarto nya.

hindi pa ako nakakalapit ng marinig kong may nagtatawanan sa kwarto nya, boses ng babae at lalake. nagtaka naman ako kung sino ang kasama nya, pero sa isip ko, baka pinsan lang niya.

kakatok pa sana ako sa pinto niya nang makita kong bukas ng bahagya ang pinto ng kuwarto niya. sumilip ako, at ang ikinagulat ko, HALF NAKED ang girlfriend ko at nakapatong siya sa isang lalakeng hindi ko pa naaaninagan. Binuksan ko ang pinto at...

"Mga walang hiya kayo!!!" yun lang ang nasabi ko nang makita ko ang barkada kong si Ondoy at ang girlfriend kong magkapatong.

akmang aalis na ko nang pigilan ako ni ezra,

"Bhie, it's not what you thi.."

hindi ko na siya pinatapos at binigigyan ko siya nang isang malakas at nakabibinging sampal sa kanang pisngi nya.

"tol, wag mong saktan si ez..." sabat ni ondoy na hindi ko na pinatapos.

"Isa ka pang gago ka!!" at sabay suntok ko sa panga nito dahil nagdilim ang paningin ko sa kanya.

nagtuloy tuloy ako palabas ng bahay nila at pumunta sa bahay nila paeng na kung saan nandun ang iba naming barkada at nag iinom na.

"oh, james, napasugod ka?" sambit ni mike ng makarating ako sa nasabing bahay.

"wala pare, inom nalang tayo" sambit ko naman.

ganun kasi ako, kung galit ako, tatahimik lang ako sa isang tabi, pero ipaparamdam ko naman sa taong kagalit ko na masama ang loob ko sa kanya.

dumaan ang 3 araw at ipinamuka ko kay ezra na makakahanap ako kaagad ng kapalit niya. Dun ko nakilala si Monica, maganda, makinis, basta pang model, kaedad namin siya, at mas mataas ang section niya saamin, section 2 kasi siya.

pero, talaga yatang malas ako pagdating sa mga relasyon, dahil hindi pa man kami nakakaisang buwan, nakita ko na agad siyang may kaHHWW sa labas ng school namin.

umabot ng 3, 4, 5, 6 pa ang naging girlfriend ko, pero ganun din halos lahat ng nangyayari, hanggang sa dumating si lea sa buhay ko, kalagitnaan non ng second year namin at si lea naman ay 3rd year sa ibang school. nakilala ko siya sa Badminton Court kung saan varsity ako ng school namin, at siya naman ay ng school nila.

niligawan ko siya ng my katagalan din, mga 2 buwan, akala ko noon, kami na talaga, pero may di inaasahang pangyayari sa aking buhay...

isang araw ng bakasyon, katatapos lamang ng tournament namin sa manila, May 22 yon, dahil kinabukasan, birthday ko na, nagpasya kami ng best friend kong si RJ na mag yosi sa ilog malapit sa court na aming pinaglalaruan, oo varsity din si rj ng Badminton, para pag usapan sana ang magaganap na birthday ko kinabukasan.

"tol, anu na balak bukas? magpapainom lang ako eh." sambit ko ng makaupo kami sa ilalim ng puno malapit sa ilog.

"syempre, the usual, punta kami sa inyo, tapos punta tayo sa resort nila paeng, dun nalang tayo mag inom."

"sige, gandang ideya yan" sabi ko at tumahimik na akong muli.

"tol, hindi pa din ba kayo magkakaayos ni Ondoy?" ang biglang sabi ni RJ

oo, pamula ng naghiwalay kami ni ezra, hindi ko na siya kinausap pa, mag iisang taon na din pala kaming nagiiwasan, nakailang try din siyang kausapin ako, pero talgang matigas ang puso ko.

nanatili akong tahimik at piniling wag nalang sagutin ang kanyang tanong.

"ok, sorry kung naitanong ko, uhm , may isa pa pala akong tanong." sambit nya

tumingin lang ako sa kanya para ipaalam na nakikinig ako.

"uhm, diba best friends tayo?" sabi niya

"oo naman. bakit, ano ba yun?" sagot ko naman

"uhm, pano kung.... mmmmmmmm...." ang tila nag aalangan nyang sabi.

"ano nga yon?? masyado ka namang pabitin eh!!" sabi ko na tila naiinis na dahil sa pambibitin niya.

"uhm, james, kasi, mmmmm, akala ko.... akala ko kasi bestfriend lang tingin ko sayo, kaso, iba na pala, james, mahal kita!" ang tnahihiya nyang pahayag na ikinagulat ko.

"wag kang mag biro ng ganyan, alam mong galit ako sa bakla!!!" ang nakasigaw ko ng sagot sa kanya sa pagkabigla sa itinuran niya.

"james, sorry, pero mahal na talaga kita, please, pagbigyan mo nararamdaman ko, o kung hindi man, sana wag magbago ang tingin mo sakin" ang nagsusumamo nyang sabi sakin.

"RJ, wala naman ako magagawa sa nararamdaman mo, pero sana hindi mo nalang sinabi sakin" sabi ko sa kanya na masama pa din ang tingin ko sa kanya

"James, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko, sorry, pero mahal kita, ramdam kong mahal mo din ako, kaya please, sabihin mo na, nang matapos na to" sabi niya

"RJ tigilan mo ko, ayoko ng ganito!"

"James, mahal na mahal kita, ayoko nang magpigil pa, hindi ko na kaya, mahal talaga kita!"

sobrang nakukulitan na talaga ako sa kanya, pero hindi ko kayang saktan ang best friend ko, malaking parte na kasi ng buhay ko ay kasama ko siya.

napabuntong hininga nalang ako sabay sabi na "RJ, hindi kita kayang saktan, oo may nararamdaman din akong kakaiba sayo, pero ayoko, siguro nga, mahal kita, pero ayoko din talaga, at alam mong kami ni lea, mahal na mahal ko siya, ayokong mawala siya sa buhay ko dahil lang sa nararamdaman natin sa isa't isa" sabi ko sabay alis sa kinaroroonan namin. iniwan ko siyang nagiisa at nagiiyak sa isang tabi.

kinabukasan, sinundo ako ng barkada sa bahay namin, kompleto, pati ang taong kinaiinisan ko, nandun, si ondoy.

"pare, daan muna tayo sa bahay, may nakalimutan ako, yung surprise ko sayo" sabi ni mike sakin

"ocge tol"

at hayun, nagpunta na nga kami sa bahay nila, laking gulat ko ng makarating sa kanila, nandun si lea. at siya pala ang surprise sken ni mike.

"babe, happy birthday, i love you so much!" ang bungad sakin ni lea sabay halik sa aking mga labi.

4 months na kami ni lea, alam kong mahal ako neto, sa katunayan, gumawa pa siya ng SOBRANG HABANG TULA para lamang sakin, at ganun din ang ibinigay ko sa kanya nung 4th monthsary namin, at isa pa, apat na buwan na kami, pero wala pa din nangyayari samin, dahil sa respeto namin sa isa't isa.

"thanks babe, i love you too. akala ko hindi kita makakasama ngayong birthday ko dahil dito sa mga mokong na to" sabay tingin ko kay RJ, masama ang tingin ni RJ, alam na alam mong may pinaplanong hindi maganda.

pumasok ako sa loob ng bahay nila mike at nagpakita sa mga magulang niya, agad naman nila akong binati at binigyan pa ng pabirthday. "sakto, may pandagdag na pang inom!" sabi ko sa isip ko.

paglabas ko, nakita ko anng best friend ko at ang girl friend ko na naguusap, nagtaka ako dahil parang nagbago ng mood ang GF ko.

"Sh*t, baka sinabi ni RJ, patay na!!" sabi ko sa isip ko.

"o babe, bkit parang sad ka bigla?" sabi ko sa kanya ng may magaalala.

"wala to james, sige na, sakay na tayo"

Nagtaka naman ako, bakit james nalang ang tawag niya sakin. pero ipinagkibit balkat ko nalang muna, dahil nga kaarawan ko ngayon.

nakadating na nga kami sa resort nila paeng, ang ganda ganda talaga ng lugar na to, masasabi mong first class ang lugar na ito dahil muka talagang pang mayaman, pag dating pa lang sa mga gamit, ay alam mo nang pang mayaman.

nag inuman kami sa isang kubo malapit sa pool, nang malasing na, ayun, nagsilundagan na ang mga mokong sa pool na akala moy mga batang paslit na ngayon lang nakapagswimming.

samantalang kami naman ni lea ay nasa kubo lang, dahil pansin ko na talaga sa kanya ang pagkabalisa.

"babe, may problema ba?" pambasag ko sa katahimikan

"james, totoo ba?" ang mahinahon na sambit ni lea

"alin?" ang pagbabalik tanong ko sa kanya

"na nag sabi ka din kay RJ na mahal mo siya? umamin ka!" ang nakasigaw na niyang turan sakin

"babe, wala akong sinasabing ganyan!" ang pagdedepensa ko sa sarili ko

"talaga, e ano to?" sabay abot sakin ng isang recorder.

alam ko na kung anong laman nun, dahil ako mismo ang nagsasalita doon, agad kong inihagis ang tape recorder sa kinaroroonan ng best friend ko na agad naman netong napansin ang galit ko.

"james, wag ka na magpaliwanag pa, alam ko na lahat. maghiwalay na tayo!" sabi ni lea.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment