Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (Prologue)

by: Eusethadeus

Habang wala po si James Cornejo, after kasi ng can it be love niya ay mawawala siya pang samantala, kaya ako po muna ang magbibigay ng istorya sa inyo, sana mag-enjoy po kayo. Maraming salamat po.

“Mahal mo ba talaga si R-kei?” tanong sa akin ng bestfriend kong si Genina.

“Oo beshy. Kung hindi ko siya mahal, bakit ako magkakaganito?” Mangiyak-ngiyak kong tugon dito.


“Eh kung mahal mo, ipaglaban mo! Hindi yang ganyan! Iiyak-iyak ka sa isang tabi! Anong gusto mo? Maagaw siya sayo ng walang kwentang babaeng ‘yon? Damn it Lenard! Kung hindi ka kikilos ngayon! Kelan pa?!” Halata mo sa boses nito ang pag-aalala sa akin pero kaakibat din nito ang inis, marahil ay hindi nito nagugustuhan ang aking inaasta.

“Pa’no pa? Eh sila na?” Sa sinabi ko’y tuluyan ng tumulo ang aking luha na kanina ko pang pinipigilang pumatak. Ayaw kong nakikita ng ibang tao lalo na ng bestfriend ko ang aking emosyon. Dahil hindi nito masasabi ng ayos ang kung ano mang dapat niyang sasabihin, bagkus ay kahit ako pa ang mali ay kakampihan nalang ako nito dahil sa awa.

“Shhhhhh.” Pagpapatahan nito sa akin, niyakap ako nito at hinimas-himas ang aking buhok. “Kelan mo ba kasi matututuhang lumaban ng patas Lenard? Ikaw na itong inagawan, ikaw pa itong nagbabait-baitan. Kung bakit ba kasi kinaibigan mo pa yang si Missy eh alam mo namang may gusto yank ay R-kei.” Pag-aalo pa nito sa akin.

“Hindi ko naman kasi akalaing magagawa nila akong pagtaksilan eh.” Bumuhos na ang aking emosyon, ang galit na kanina’y ipinapakita ko sa bestfriend ko ay napalitan ng awa ko sa aking sarili. “Bakit ba ganito? Ang saklap ng nangyayari sa buhay ko, kahit kelan, hindi na siguro ako makakakuha taong magmamahal sa akin.” Parang bata kong pagsusumbong kay Genina.

“Hindi naman ikaw ang may problema Lenard, sila, kaya tumahan ka na, tama na ang tatlong araw mong pagmumukmok dito sa apartment mo, it’s time to show them that you’re strong Lenard. May 3 hours pa tayo bago ang first class natin, kaya we have plenty of time para ayusin mo ang sarili mo.” Sabi nito sa akin at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Lumabas ito ng aking kwarto at pagbalik nito’y dala-dala na niya ang aking tuwalya. “Hala, maligo ka na doon! Pupunta muna tayo sa SM para mapaayos ko yang itsura mo! Tingnan mo nga yang sarili mo! Muka ka ng goons! Iew!”

“Wag mo akong patawanin beshy, hindi nakakatawa.” Parang bata ko namang balik dito.

“Hindi ako nagpapatawa Lenard! Kung gusto mong balikan ka ni R-kei, you should first make him realize kung ano ang iniwan niya! Kaya wag kang bitter d’yan! Dahil kapag nakita ka nila na ganyan ang itsura mo, pagtatawanan ka lang nila!”

Napaisip ako sa sinabing ‘yon ni Genina, kaya’t sumang-ayon nalang ako sa gusto nitong mangyari, kaya mabilis kong tinungo ang banyo panra maligo. Nang makatapos ako’y ayos na ang aking mga isusuot sa araw na ito, inihanda ni Genina para sa akin.

Plain white V-neck na T-shirt, walking short na kulay itim at slip-on na shoes ng sanok na kulay itim. ‘Yan ang mga inihanda ni Genina na damit para sa akin. Genina has been my fashion guru since we met, hindi kasi talaga ako maalam manamit ng maayos kaya siya na ang namimili ng mga bibilhin kong damit.

“Ano nanaman itong ipapasuot mo sa’kin Beshy? Tingnan mo nga itsura ko ngayon, hindi yata babagay sakin ‘yan.”

“Hindi nga yan bagay sayo NGAYON, pero mamaya, after your make-over, am sure, lahat ng babae sa pathway magtitilian pag nakita ka.” Sabi nito at binigyan ako ng malokong ngiti na sinuklian ko naman ng inis na tingin. “Labas muna ako para bumili ng yosi mo, magbihis ka na at baka mahuli pa tayo dun sa stylist mo, tinawagan ko na siya kanina habang naliligo ka kaya umayos ka, alam mong ayaw ni madam Feona na na-le-late tayo.” Sabi pa nito’t lumabas na siya ng aking kwarto.

“Anong nangyari sa master piece ko!!!!!” Sigaw ni Feona nang makita ako nito sa karumaldumal kong hitsura.

“Eh kasi, naghiwalay lang naman sila ng boyfriend niya, kaya iyan, tatlong araw hindi pumasok, at hindi inayos ang sarili. Bitter bitteran ang lola mo neng!” Agad-agad na tugon ni Genina kay Feona na lalung nagpasama ng muka ni Feona.

“Ikaw Lenard, nakakailang boyfriend ka na, hindi ka pa natuto!” Hinawakan nito ang aking braso ng pagkahigpit-higpit at iniupo ako sa upuan kung saan niya ginagawa ang kanyang magic sa pagpapaganda/pagpapapogi sa kanyang mga costomer. “UTANG NA LOOB Lenard, the next time na may jowa ka, wag mo namang idamay ang masterpiece ko! Ano nalang sasabihin ng mga makakakita sayo, ipinalagay-lagay ko pa naman yang picture mo sa labas, wag ganon!” Pangaral nito sa akin.

“Oo na Feona, alam ko na, parehas na parehas kayo niyang si Genina, parang machine gun ang bunganga.” Inis kong wika dito.

“Eh kung inaayos mo ba naman kasi ang itsura mo! Edi sana, hindi kita dinadakdakan ng ganito! Ke-gwapo-gwapong bata, masisira ang itsura, dahil lang sa lalake!” Pa-smeer nitong sabi sa akin.

“Feona, sige na, ayusan mo na ‘yan, 2 hours nalang, malalate na kami.” Seryosong singit ni Genina sa pagdadak-dak ni Feona.

May isang oras din akong inayusan ni Feona, pero dahil na din sa nagmamadali kami ni Genina, pamula kasi SM hanggang school ay 30 minutes ang byahe, ang kaso, rush hour na dahil lunch break ng mga opisina, kaya aabutin kami ng 1 oras na nasa daan.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment