Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (04)

by: Apollo22

Pagkatapos kong napalo ay awang-awa ang mga classmate ko sa’kin at wala nalang akong ginawa kung hindi ngumiti nalang ng pilit sa kanila kasi mahapdi pa ang kamay ko at sa tingin ko ay lahat ng makadama nito ay iiyak ng walang humpay.

Pag balik ko sa upuan ko ay siniko ako ni Sedrick at sabay simangot sakin.

“bat mo ginawa yon ahh” ang tanong nito na tila naiinis.


“wala trip ko lang” ang sagot ko naman na nangiinis.

“hindi mo naman kaylangang gawin yun ahh, kala mo ba matutuwa ako sa ginawa mo?” hindi parin mabago ang ekspresyon ng mukha nito.

“aba dapat matuwa ka, kasi sinalo ko yang katamaran mo, tignan mo nga yang bag mo, ano ba yan bag ba yan o wallet ang liit liit parang isang ballpen ko lang ang kakasya dyan” sabay tingin sa bag nya.

“eh ano naman at least pumapasok parin, atsaka bat iniiba mo ang usapan, hindi ako natutuwa ahh” sabay simangot sakin at alis ng tingin.

“nako ikaw pa ang galit ikaw na nga ang pinag takpan dyan” sabay simangot
Ngunit hindi parin ito tumingin sakin at wari’y nag tatampo.

Hinyaan ko ito  at hindi rin pinansin, kunwari ay nag susungit-sungitan rin ang drama ko.

Makalipas lang ng ilang minuto habang nag-tatalakay ang Guro ko ay siniko  ako nito ng may pag-iingat.

“Salamat ahh” ang bulong nito na halos magdikit ang labi nya sa tenga ko.

Nagulat naman ako sa ginawa nya at alam kong namula ako kaya sa taranta ay napalayo agad ang ulo ko at  tumango nalang.

“uy! sabi ko salamat” ang mahinahon nitong wika.

“oo na nga!” ang inis-inisan kong sabi pero sa totoo lang halos lumundag ang puso ko sa tuwa at napapangiti ako ng sobra.

Natapos ang klase ng wala ako sa sarili, pati nga ang mga guro ay pansin yon pero wala parin, patuloy parin kabog ng kabog ang puso ko, syempre hindi ko naman pinapahalata yon baka kala pa nila baliw ako na ngingiti-ngiti sa isang sulok.

“hoy! Ano kaba tara na!” ang wika ni Mimi sa akin.

“bkit?” ang tanong ko naman.

“ay nako wala ka ata sa sarili mo ngayon? Ang saya mo pa, napalo ka nanga d’yan, Uwian na kaya” ang wika naman ni Nina na halata ang pag tataka sa mukha

“ay oo nga pala, eh bakit di pa kayo mauna” ang sabi ko pa.

“nako talaga! Diba napag-usapan natin na gagawa tayo ng projects natin kina Mimi” ang wika ni Nina.

“ay sorry naalis sa utak ko” paghingi ko ng dispensa at napakamot nalang sa ulo.

“ano ba kayo hayaan nyo nanga tong bro ko at lalo nyo pang ginugulo ang utak nya” ang pagtatanggol sa akin ni Sedrick sabay akbay sa akin.

Napangiti nalang ako sa mga pinagsasabi nito, ewan ko ba at ano ang nakain ng mokong na ito ay ang sweet sweet nya sa’kin, alam nya na kaya na may nararamdaman akong kakaiba sakanya kaya sinasamantala nya ito at pinag lalaruan lang nya ko.

Nakarating  kami sa mala mansyon na bahay nila Mimi ng masaya ang nagkukwentuhan, lagi naman kaming magkatabi ni Sedrick at lagi nya rin ako inaakbayan siguro wala lang ‘to sa kanya pero sa akin malaking bagay ito, iniisip ko nalang na sana ay hindi nya malaman na may nararamdaman na ako sakanya.

Ang bango talaga ni Sedrick, para akong nasa langit ‘pag inaakbayan ako nito, hindi ko mapigilan ang amoy-amoyin ito habang nakatalikod ito minsan sa’kin.

“hayyyy nako konti nalang at matatapos narin natin ang mga projects natin” ang wika ni Nina

“kala mo naman Nina pagod na pagod ka ehh halos wala ka namang ginawa kung hindi tumitig dyang kay Gary”  pag-bibiro ni Sedrick.

“hoy! Nag salita ang maraming ginawa”  sabay snub kay Sedrick at napatawa nalang kaming lahat.

“nako kung hindi dahil kay Prince at Mimi tingin ko ay hindi natin matatapos agad to” ang sabat naman ni Gary.

“nako hindi ko muna agad ito tatapusin para makapag bonding pa tayo ng matagal” ang tugon naman ni Mimi sabay ngiti.

“oo nga” ang pag-sang ayon naman si Sedrick at tumingin sa akin sabay kumindat.

“alam nyo ba guys may naisip ako ngayon? Tutal wala naman ang mga magulang ni Mimi, pano kaya kung mag-inuman tayo?” ang pakulo ni Sedrick.

“bongga yan!” ang pag-sang ayon naman ni Nina

“sige ba!” ang wika naman ni Mimi at Gary

“oh ikaw baby bro ok lang ba sayo?” ang pagtanong naman ni Sedrick sakin

“baby bro ka dyan! Sige ok lang naman sa lahat ehh so sino naman ako para sirain yun diba” ang wika ko ng may ngiti pa sa labi.

bumili nga sila Sedrick at Nina ng alak sa may grocery store malapit sa bahay nila Mimi  limang  tanduay ice, tatlong boracay rum at  limang redhorse

“ano kami nga tumador? Ang dami naman nyan diba lima lang tayo” ang tanong ko.

“aba ang konti nga lang nyan baby bro” ang tugon naman ni Sedrick.

“nako para sayo! Syempre  tumador ka eh, pano naman kami?”  ang wika ko naman na nang-iinis pa.

“tama na baby bro ang dami mo pang satsat, tunggaan na!!” ang sigaw naman nito na parang uhaw na uhaw sa alak.

Nag inuman kami ng hanggang gabi at walang humpay na sayahan, biruan, halakhakan at mga kapilyohan ang mga ginawa naming, hindi na namin napansin ang oras at hindi ko napansin na isa pala ako sa maraming nainom at hingi pa ako ng hingi ‘pag ubos na ang baso ko marahil sobrang enjoy na enjoy ako sa company naming lahat.

Napaka pipilya at pipilyo ng mga kasama ko ngayon pero enjoy ako at nakilala ko ang mga mokong na ito halos umapaw ang saya na nadarama ko, siguro ganon lang talaga ako mababaw ang kaligayahan pero madali rin namang mapikon or mainis pero ngayon kahit ano pa ang gawin ng mga kasama ko wala talaga akong maramdaman kung hindi saya at ligaya sa puso.

Malalim na ang gabi at malalalim na rin ang usapan namin may nag-o-open na ng kanilang mga problema at naiiyak ng hindi nahihiya sa isa sa amin, marahil sa maikling panahon ay naramdaman na rin naming ang kapanatagan sa isat-isa.

Ako naman puro kinig lang at halatang hapong-hapo na sa kalasingan minsan nga ay napapa sandal ako kay Sedrick na  hindi ko alam hinahayaan lang naman ako nito.

Nakatulog kaming lahat sa sobrang kalasingan dahil kahit pasuray-suray ang lakad ni Nina ay bumuli pa ito ng tatlong the bar at linaklak lahat namin ito dahil sayang naman kung itatapon namin, mahal din tong mga to.

Nagising ako ng alastres ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng kaylangan kong umihi, nakita kong tulog narin ang lahat, natatawa nalang ako dahil si Mimi at Nina ay nakanganga pa at si Gary naman ay gwapong natutulog sa isang sulok at ang amo parin ng mukha kahit tulog na.

Tinungo ko ang banyo pagkatapos kong titigan si Gary at ang iba pa naming kaibigan at umihi.

Nang pabalik na’ko kung saan ako naka higa ay nagulat ako ng Makita ko si Sedrick na nasa pintuan at isinara pa ito.

“ma-mag babanyo ka rin?” ang tanong ko rito na medyo kinabahan.

“hindi eh” naka ngisi nitong tugon na animoy may binabalak.

“ah eh sige mauna nako” kinakabahan kong sabi sakanya.

Lumakad ako patungong pintuaan pero hinarang ako nito, sinubukan ko paring maka labas, para kaming nagpapatintero sa may pintuan. At nang magsawa ito ay itinulak ako nito ng bahagya sapat na para mapaatras ako ng ilang hakbang.

“hmmppp……. Ano kaya ang pwede kong gawin sa banyo hmmmppp???” tanong nito at nakangiting nakakaloko

“m-maligo ka nga!” ang sagot ko dito na alam ko na namumula ako.

“tara!” ang sagot nito at hindi mapawi-pawi ang kalokohan nito sa mukha

Lumapit ito sa akin at dahan-dahang itinulak ang dibdib ko gamit ang kanang kamay patungo sa may pader.

“S-Sedrick…..” ang sabi ko na hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita.

“shhhhhh…… akong bahala” ang sabi pa nito at ngungumisi

Dahan dahang nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin at wari’y pinag mamasdahan ang bawat hugis ng mukha ko, napag masdan ko rin ang mukha nito na parang lumungkot at sinasabing may mali, gusto ko mang lumayo pero hindi ko magawa dahil naka sandal na ako sa may pader at nakahawak parin ang kamay nito sa may gitna ng dibdib ko.

at nagulat ako sa sunod nitong ginawa, hinalikan ako ng sobra at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, mga sampung Segundo ang halik nyang iyon sa akin, at gumanti narin ako, nag halikan kaming dalawa ngunit naiisip ko na mali itong ginagawa namin kaya tinulak ko ito ng bahagya.

“bakit?” ang tanong nito sa akin na nagtataka ang mukha.

“lasing kalang” ang matipid kong sagot at aktong papaalis na.

Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan nya ito ng sobrang higpit, itinulak ulit ako nito sa pader and this time nasaktan na ako sa pagtulak nito.

“ano ba! Tumigil ka Sedrick” ang tugon ko rito.

Inilapit nito ang bibig nya sa tenga ko sabay bulong ng “hindi ako lasing”

Itinukod nya ang mag kabila nyang kamay sa pader para hindi ako makaalis pero sakto namang may kumatok sa banyo, hindi ko alam kung sino iyon pero nakahinga ako ng maluwag ng mga oras na yon pero mas nagpapasalamat ako dahil hindi ito binuksan agad ng kumakatok sa pinto.

Bakas naman ang pagkadismaya sa mukha ni Sedrick at agad ko itong tinulak, nagpunta ako ng lababo upang mag “hilamos” daw.

Nang Makita kong bumukas ang pinto ay si Nina na sobrang pasuray-suray parin kahit nakatulog na.

“hoy! Anong ginagawa nyo rito ahh…. Baka may ginagawa na kayong kababalaghan dito ah” ang biro nito na sa totoo lang ay natawa ako.

Kung alam mo lang ang nasabi ko sa sarili ko sabay balik sa guess room, humiga ako sa sofa at  inisip ang nangyari sa banyo,hindi ko napansing hinahawakan ko na ang labi ko, ngumingisi na parang may topak, nakatulog ako sa gano’ng sitwasyon.

Kinabukasan ay hindi ko alam kung papaano ko papansinin si Sedrick nahihiya kasi ako eh.

“Good moring bestfriend!” ang masiglan wika ni Sedrick sa’kin

Hindi ko pinansin dahil naaalala ko ang ginawa nya kagabi sa akin, may halong hiya at pagkainis sa ginawa nya.
Pero sa tuwing nakikita ko syang ngumingiti ay nanlalambot talaga ako, crush ko na ata si mokong.

“guys kain na tayo, pinahanda kuna yung pagkain natin kay manang” ang alok naman ni Mimi.

“hayyyy nako mabuti panga kasi gutom na gutom nako noh!” ang walang atubiling sabi ni Nina.

At bumaba nanga kami ng sa hapag kainan para kumain, habang kumakain naman ay nagtatama ang tingin namin ni Sedrick at agad naman akong umiiwas dahil naiinis lang ako, halata naman sa mukha nito ang pagiging malung kot.

“Mimi asan ang mga magulang mo?” ani Gary

“ahhh… baka abala sa trabaho kaya hindi umuwi” tugon naman ni Mimi

“ay hindi ko keri na wala ang magulang ko sa bahay” ang sabat naman ni Nina

“ako rin hindi ko matiis na hindi kasama ang magulang ko” ang pagsang-ayon  ko kay Nina.

“ano ka? Parang hindi ka lalake ahh?” ang pangiinis ni Sedrick sa akin halatang nag papapansin.

“ahh TALAGA??!! Dahil ba mahal ko ang magulang ko hindi na ako lalake?!” ang galit kong tugon “pwes kung ganon din pala ang basihan ng pagiging lalake  ay ang babaw mo pala! ” ang madiin kong sabi at pilit na ginagawang normal ang boses ko dahil sa loob loob ko gusto ko syang sigawan.

Natahimik naman ito sa mga narinig sa akin marahil hindi nya inaasahan na magiging defensive ako, pero hindi naman talaga siguro ako maiinis ng ganoon kung hindi rin dahil sa ginawa nya kagabi, dahil sanay naman ako sa pangiinis nya  pero na pikon na talaga ako.

“nakakawalang gana” ang nasabi ko nalang sabay tayo

“oh san ka pupunta” ang tanong naman ni Gary

“doon sa labas magpapahangin lang, may masamang hangin dito eh” ang pagpaparinig ko sabay alis.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com


No comments:

Post a Comment