Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (18)

by: iamDaRKDReaMeR

Isang lalaki ang nakaupo at nag-iisa sa isang sulok.  Pinakatitigan ko munang mabuti at kinilala baka mamaya mapahiya ako.  Pero hindi ako magkakamali dahil bigla siyang tumingin sa akin at nagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi.  “Siya nga!” at agad ko itong nilapitan.

“Ikaw pala ang nagtext.  Musta na?”

“Ito OK naman ako.  Nung isang araw pa kitang kinokontak kaya lang out of coverage ka.  Nalaman ko na lang nagbakasyon ka pala,”  tugon ng kausap ko.

“Sandali!  Paano mo nga palang nakuha ng number ko?  At kailan ka dumating?  Ni hindi ka man lang nag-message sa akin na papunta ka pala dito para naman nakapaghanda ako. “

“Actually two weeks pa lang ako dito.  Nagpakuha ako ng visa sa kakilala ko.  Ayun OK pa nung unang linggo, halos hindi ako pakilusin sa loob ng bahay kaya lang nagkagulo kami kasi feeling ko sobra iyung singil niya sa akin.  Wala namang problema sa akin kaya lang nitong week na ‘to halos lahat yata kilos ko may bayad.  At kaya ako tumawag sa ‘yo kasi itatanong ko sana kung may alam kang bedspace dahil gusto ko na talagang lumipat.  Tutal hindi naman n’ya na siguro ako kargo dahil malaki na ako.  Sige na Ron oh… Tulungan mo na ko.  O, kung gusto mo naman, sa ‘yo na muna ako titira.  Please...” And here we go again the magic word PLEASE.  Ayaw ko talagang nagpi-please ang isang tao sa akin, kasi feeling ko hindi ko mahihindian.


“Ok, sige walang problema sa akin tutal mag-isa lang naman ako sa room.  Pero Enzo, you should know na bisexual ako.  Sasabihin ko na sa yo para kung di ka komportablena may kasamang lipi ni Adan na nabahiran ng dugo ni Eba pwede pang magbago ang isip mo.” Ang diretsahan kong wika dito.

“Talaga tol?!” ang manghang tanong nito.  “Pero panong nangyari, diba bago ka umalis ng Pinas may girlfriend ka?”

“Kaylangan ko pa bang ikwento ng buong-buo?  Hindi ba pwedeng enough na nalaman mo na lang na ganito ako?” ang medyo inis kong tugon.  Ayaw ko ng kinukwestyon ang pagkatao ko.  Walang mali sa pagiging bisexual ko at isa pa wala akong tinatapakang tao.  Hindi ako ang tipo ng tao na gagawin ang lahat makalamang lang sa kapwa.

Matapos ang konting pag-uusap naming ni Enzo ay sinama ko muna siya sa bahay para makita niya ang lugar at ang mga taong maaari niyang makasama kung sakaling matuloy ang paglipat nya sa akin.

Si Enzo o Lorenzo Rivera ay dati kong kasamahan sa hotel sa Pinas pero hindi gaanong matagal ‘yung time na nakasama ko siya sa trabaho dahil na rin kaylagan kong umalis ng bansa at tunguhin ang Middle East sa inbitasyon ng aking tiyuhin.  Maganda ang tindig ni Enzo, mestisuhin, matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata na mapupungay, at malakas ang dating; appealing kung baga.  About naman sa ugali niya hindi ko masyadong maibigay ang details kasi nga hindi kami nagkasama ng matagal na panahon sa trabaho.

“Tol, ok na ko dito.  Next month lilipat na ako kasi di ko na talaga matiis yung ugali ng mga kasama ko don.  Dito mukhang cool ang mga tao,” saad nito habang iginagala ang mata na tila kinakabisa ang bawat sulok ng bahay.

“Akala ko ba gusto mo ng lumipat agad?  Bakit di ka na lang lumipat kung kailan mo gusto?  Tutal mag-isa lang naman ako dito.  Tungkol naman sa bayarin sa bahay, don’t worry nakapagbayad na ko ng rent.  Next month ka na lang magbigay para sa share mo.  Huwag kang mag-alala hindi kita sisingilin ng mahal.  Isa pa, wala ka pang trabaho.  Maghahanap ka pa lang diba?  Tulong ko na rin sayo.”

“Wow! Talaga tol?  Hindi ko hihindian ‘yan.  Grasya na ‘yan eh.”  Sabay guhit ng ngiti sa kanyang labi na nagpatingkad lalo sa kanyang kagwapuhan.  “Sige bukas agad lilipat ako.  Tutal Friday wala kang pasok.”

“Aba, bukas agad?  Papalitan ko pa ang kama ng double deck kita mo naman na double size bed lang ang kama ko.  Alangan naman magtabi tayo?” ang pagtutol ko dito dahil hindi ko inaasahan na ganoon kabilis ang pagpapalit ng kanyang desisyon.

“Ano ka ba tol?  Walang kaso sa akin yun.  Hindi naman ako maselan.  Ok lang sa akin kahit magkatabi tayo.  Hindi ka naman nangangain ng tao diba?” sabay kindat na ikinataas ng kilay ko.

Matapos ang ilang oras ng pag-stay ni Enzo ay nagpaalam na ito upang umuwi at mag-aayos na raw siya ng gamit niya para sa paglipat bukas.

Naiwan akong mag-isa ngayon sa kwarto.  Sila Jane naman ay lumabas.  Iyung ibang tao naman sa bahay nasa trabaho pa.  Naisipan ko ng tawagan si Christian upang sabihin na handa na akong makipag-ayos sa kanya.  Hindi pa man ako nakaka-dial ay tumunog ang cellphone ko.

“Hello. Lee napatawag ka.” takang tanong ko dito dahil sa hindi ko inaasahang tawag mula dito.

“Ron, I just want to talk to you kasi I’ll be leaving tomorrow.  I’ll be moving to Singapore.  And for the last time I want you to know how grateful I am na naging parte ka ng buhay ko.  And even though I caused you pains, you still have the heart to forgive me.  I could never find another one like you.  Sorry for the things I’ve caused you…  And I won’t be bothering you and Christian.  He deserves your love more than I do.  Napatunayan na n’ya iyon ng maraming beses simula ng masataktan kita at hindi ko maitatangging mahal ka niyang talaga. I can feel na hindi ka nya sasaktan.  I’m giving up hindi dahil hindi na kita mahal.  I’m giving up kasi iyon ang dapat.  Kasi kahit anong laban pa ang gawin ko kung ang taong mahal ko naman ay hindi na ako ang mahal, balewala na rin ang pakikipaglaban ko pa,”  pinutol kong saglit ang sinasabi ni Lee.

“Lee, thank you rin and I am wishing you good luck sa desisyon mo.  Tandaan mo naging happy ako ng mga panahon na kasama pa kita.  Parte ka na ng buhay ko at hindi na mabubura yun kahit pa sabihin nating hindi naging maganda ang ending ng relasyon natin.  Masaya pa rin ako.  Dahil sayo nakilala kong mabuti ang sarili ko.  Dahil sayo mas lalo akong naging matatag sa mga pagsubok sa buhay.  Maraming salamat kasi kahit papaano naramdaman ko naman na minahal mo ako.  ‘Yun nga lang hindi nagtagal…  Sorry kung hindi ko na kayang ibalik ang dating tayo.  Maraming bagay ang nagbabago.  Minsan ang dating nasa iyo maaaring mapunta sa iba kung hindi mo aalagaan.  Kaya sana lang Lee sa susunod na magmamahal ka maging handa ka na mentally and emotionally.  ‘Wag mo ng gawin sa iba ang nagawa mo sa akin.  Ingat ka na lang sa bagong buhay na napili mo.  You will always be here in my heart.  Take care.” Habang sinasabi ko ang mga katagang ito ay tuluy-tuloy na dumaloy ang luha ko pero sa pagkakataong ito wala ng hapdi akong naradaman kundi pagpapatawad.  Sa pagkakataong ito nahugasan na ng luha ang mga pait at sakit na aking dinanas.  Mas lalong gumaan ang aking kalooban mas lalong luminaw ang aking isipan.

Dinig ko mula sa kabilang linya ang mga pigil na hikbi ni Lee tanda na umiiyak ito.  “Maraming salamat sa pagpapatawad Ron.  Hindi kita makakalimutan.  Sakaling kailanganin mo ng tulong ko, nandito lang ako para sayo at tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko na hanggang pagiging magkaibigan na lang ang mamamagitan sa ating dalawa.  Sana ay sumaya ka sa piling ni Christian.  See you when I see you.  I need to go now, I have lots of things to do pa.  I love you my dearest friend.”  tumatak sa akin ang huling katagang binitiwan ni Lee.  Hindi ko maaalis na minsan sa buhay ko ay nakilala ko siya at naging malaki ang parte sa pagkatao ko.  Masaya akong natutunan na rin niyang tanggapin ang katotohanan na hanggang pagkakaibigan na lang ang meron kami.

Masarap sa pakiramdam na napakawalan mo na ng tuluyan ang mga pait at sakit na iyong naranasan sa buhay.  Ngayon ko tuluyang masasabing handang-handa na akong harapin si Christian.   Aayusin ko ang bagay na iniwan kong nakabitin.  Bibigyan ko na ng kasagutan ang tanong na matagal ng walang kasagutan.  Mangyayari lang lahat ng ito sa oras na magkausap na kami.

Imbis na tatawagan ko pa si Christian ay napagdesisyunan ko na lang na magpahinga.  Dala na rin siguro ng pagod sa flight pabalik ng Abu Dhabi at pagpasok ko pa ang dami pang paper works na inendorse sa akin ay agad akong nakatulog.  Resulta ng pagod na pag-iisip at katawan.

Sa kasarapan ng tulog ko ay nagising ako sa katok ni Jane.  Agad akong tumayo at tinungo ang pintuan upang pagbuksan ito.

“O, bakit?” pupungas-pungas kong pagharap dito.

“Yung kasama mo kanina, nandyan sa sala. Labasin mo,”  utos nito sa akin.

Dali-dali naman akong nagtungo ng sala upang puntahan si Enzo.

“O, tol.  Anong atin?” Ang bungad ko dito na medyo inaantok pa ang tinig.

“Tulog ka na pala.” Ang naiilang na tugon nito sa akin.

“Kung tulog ako di sana hindi mo ko kausap ngayon.”  Ang may pagkapilosopo kong sagot.

“No, what I mean is nakatulog ka na pala.  Naabala pa kita,” lalong ilang na pagpapaliwanag nito.

“Ano ba kasi yun?” ang inis ko ng tanong dito.

“Tol, kasi napag-isipan ko na ngayon na lang lumipat kung pwede sana.” Ang medyo nahihiya nitong wika.

“Yun lang pala.  Ikaw kung ready na ba ang gamit mo bakit hindi.  Tutal sabi mo naman ok lang sayo kahit magtabi tayo.  Open naman ang room ko kahit ngayong gabi ka na lumipat.”

Nang gabi ding iyon lumipat si Enzo.  Nag-ayos kami ng gamit n’ya.  Inayos ko na rin ang cabinet ko at binigyan s’ya ng space para naman may mapaglagyan s’ya ng mga damit nya.  Habang nag-aayos s’ya, nagluto naman ako ng makakain dahil gutom na din ako.  Natulog akong hindi kumakain at kung hindi lang ako ginising para sabihing dumating ang mokong na Enzo na ‘to, malamang kinabukasan na ako kakain.

Matapos makapagluto ay agad na akong naghain upang makakain na kami ni Enzo.  Konting kwentuhan habang kumakain kami.

“Tol… nga pala, anong naisip mo at napagdesisyunan mong mag-abroad?” Ang pagsisimula ko ng usapan.

“Madaming bagay akong inisip bago ako nakapagdesisyon na mag-abroad.  Kung sa pamilya lang naman kaya naman ng kinikita sa hotel yung pangtustos sa pang-araw-araw namin.  Kaya lang dahil dito kaya ako nandito ngayon,” sabay turo sa puso

“What do you mean?” Ang maang-maangan kong tanong.  “As if namang hindi ko pinagdaanan ‘yan diba?” Ang bulong ng isip ko.

“Umalis ako kasi gusto kong makalimot, gusto kong hanapin ang sarili ko.  Gusto kong bigyang kasagutan ang mga tanong sa isip ko.  Gulung-gulo ako sa sarili ko ngayon.  And as much as possible I don’t want to talk about it.  Hindi ko pa kayang maalala ang sakit.” Ang tila nawalan ng gana sa pagkain habang sinasabi nya ang saloobin.

“Hmmm… Okay, let’s drop the topic at kumain lang tayo.  Dahil sobrang gutom talaga ako.”  Sabay bigay ng ngiti sa kanya.  Nagbigay din naman ito ng ngiti sa akin pilit nga lang.

Naging tahimik ang mga sumunod na nangyari sa hapag.  Akala ko ako lang ng nakaranas ng heartache, may iba pa pala.  Ang sabi ko sa sarili ko  habang natatawa na lang sa mga pinagdaanan ko.

Natapos na’t lahat sa pagkain ngunit talaga yatang nahalungkat ko ang dahilan kung bakit s’ya umalis ng Pinas at nangibang bayan dahil talagang hindi na siya kumibo matapos ko s’yang matanong.  Pumunta na ako ng kusina at hinugasan ang pinagkainan.  Iniwan ko muna s’ya.  Pagbalik ko, nakita ko si Enzo tulala pa rin pero ngayon makikita mo sa kanyang mata ang sobrang lungkot.  Madadama mo sa kanya ang pighati.  Nakita ko sa kanya kung ano ako noong nakaraang mga buwan.  Isang taong nawalan ng pag-asa.  Isang taong pinanghinaan ng loob.  Isang taong nasaktan dahil sa pag-ibig.  Gusto kong kausapin si Enzo upang gumaan ang loob n’ya pero paano kong gagawin, hanggang ngayon hindi pa kami nagkakaayos ni Christian?  Hanggang ngayon nananatili pa rin ang pader na nakapagitan sa aming dalawa.

“Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ha,” pagulat kong wika.

“Wala may iniisip lang,” tugon niya.

“Anong iniisip mo?  Ang paghahanap  ng trabaho o yung dahilan bakit ka nandito?” Ang seryosong tanong ko sa kanya.

“Parehas…”  kita ko sa mga mata nito ang namumuong mga luha na maaaring pumatak ano mang oras na gustuhin nitong kumawala.

“Ooooops! Pwede stop muna tayo sa pag-iyak?  Ilang buwan ko ng ginagawa ‘yan.  Nagsasawa na ako.” Ang pag-awat ko dito.  “Parang habag at awa ngayon lang napahinga ang mata ko sa mga luha na ‘yan tapos makikita ko ang kaharap ko iiyak. Please lang ‘wag naman.” Ang bulong ng aking isipan

Sa totoo lang gustong-gusto ko na talaga siyang i-comfort pero hindi ko magawa.  Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ganoong katatag ang loob ko upang magbigay ng payo. Kahit pa malinaw na ang utak ko at gumaan na ang loob ko dahil sa pag-uusap namin ni Lee, may isa pang bagay akong hindi nagagawa kaya kahit pa anong nais kong tulungan si Enzo sa nararamdaman nito ay hindi ko magawa.

“Kung kaya lang kitang tulungan sa dinadala mo tol ginawa ko na.  Kaya lang,  may problemang puso rin akong hinaharap ngayon.  Kaya kung ano man ang mga tanong mo, hindi ko pa kayang sagutin.  Dahil kahit ako mahihirapan.  Hayaan mo sa oras na matapos ang problema ko tutulungan kita ng walang pag-aatubili.” Pagpapalubag loob ko sa kanya upang kahit papaano ay gumaan ang nararamdaman niya sa pinagdaraanan niya ngayon.  Na kahit papaano ay alam niyang may masasandalan siya kahit pa may problema rin akong pinagdaraanan.

“Ok lang tol, at least alam kong kahit papaano ay may tao akong masasandalan.  Salamat sa ‘yo tol, kasi kahit hindi tayo gaanong nagkasama sa trabaho ng matagal sa Pinas heto ka tumutulong sa akin.”

“Ano ka ba, para ka namang iba.  Kahit naman hindi tayo nagkasama ng matagal sa trabaho magkaibigan pa rin naman tayo.  Matagal tagal na rin akong walang balita sa mga dati nating kasama.  Noong nagbakasyon ako, dumalaw ako sa hotel.  Puro bago na ang nakita, ko wala na akong kilala.” nanatili na lang tahimik si Enzo.  Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan n’ya kaya naman hinayaan ko na lang muna s’ya pansamantala upang makapag-isip.  Lumabas ako ng kwarto upang makapagyosi.

“Oy, Ron ang gwapo ng roommate mo ha.  Infairness mukhang may ipapalit ka na kay Christian.” Ang panunukso sa akin ni Jane.

“Tange!  Kasama ko dati sa trabaho sa Pinas ‘yan.  Pumunta dito kasi broken hearted.  Ayun nga nasa kwarto nagmumukmok.  Grabe rin ‘yung kinuhaan niya ng visa.  Pinagkakitaan s’ya ng husto.”

“Ganon?!  Sabagay alam mo naman ang iba nating kabayan dito tinatalo kahit kapwa Pilipino kumita lang ng pera.”  Ang pagsang-ayon ni Jane sa huli kong pahayag.  “Pero sandali Ron, baka naman ma-inlove ka na naman ha.  Inuunahan na kita.  Kilala na kita.  Magpakita lang ng kabaitan ang tao sa ‘yo nai-inlove ka agad.  Kung pwede lang, ayusin mo muna ang sarili mo ha bago ka pumasok ulit sa relasyon.”

“Ano ka ba kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak mo.  At isa pa, aayusin ko kung ano man ang meron sa amin ni Christian.   After my vacation naisip kong mahal ko pa rin sya.  Kaya ito humahanap lang ako ng tyempo para makipag-usap sa kanya.  Hindi pa rin nya alam na nakabalik na ako, hindi ko pa s’ya tinatawagan.”

“Ay ganon, makikipagbalikan ka?  Matapos kang iwan na lang sa ere ng ganun-ganon na lang isang bakasyon lang bumalik agad ang feelings mo sa kanya?  Astig ha!”

“Siguro naman alam mo ‘yung feeling na kulang ka kasi hindi mo kasama ‘yung taong mahal mo at nagpakita sayo ng pagmamahal.”  Ang depensa ko sa sinabi ni Jane.  “Isa pa, napag-isipan ko ng mabuti ang desisyon ko.  If and only if, my decision fails.  There’s no one to blame but me and besides mahal ko eh,  kaya kong magtiis.”

“Oh s’ya sige, hintayin mo na lang ‘yung rebulto na ipapagawa ko sa Luneta.  Pasok na ako ng kwarto at ng makapagpahinga na.” Ang sarkastikong pahayag nito sa akin.  Bakas pa rin kay Jane ang galit nito sa ginawang pagwawalang bahala sa akin ni Christian.  Hindi ko naman masisi ang kaibigan ko, pero nagmamahal ako.  Sasaya lang ako at makukumpletong muli kung maaayos ang relasyon namin ni Christian.

Naiwan akong mag-isa sa sala ng lumapit si Enzo sa akin.

“Hindi ka pa ba magpapahinga?  Pasado alas dose na.”

“Ikaw pala, maya-maya na siguro.  Ikaw bakit di ka pa magpahinga?”

“Maglilinis na nga ako ng katawan para makapagpahinga na rin.  Sige tol, linis na muna ako ng katawan.”  Agad naman akong pumasok ng kwarto ng makapasok noong si Enzo ng banyo.

Habang hinihintay ko si Enzo na matapos sa paggamit ng banyo ay kinuha ko muna ang cellphone ko at napansin kong may miscall galing kay Christian. “Bakit hindi ko man lang narinig hindi naman naka silent.” takang tanong ko sa sarili.  Tatawagan ko sana siya kaya lang naubos na pala ang load ko kaya naman tumawag na lang ako gamit ang landline sa grocery upang magpadeliver ng load at ng chichirya dahil wala naman pasok bukas at dahil balak kong mag movie marathon.

DING DONG!

Agad kong kinuha ang wallet ko at tinungo ang pintuan.  Upang pagbuksan ang delivery boy.  Matapos  makuha ang pinadeliver ko ay bumalik agad ako sa kwarto.  Inilalabas kong paisa-isa ang mga pagkain ng makakita ako ng isang papel na nakatupi.

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment