Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (13)

by: Apollo22

Naging  magkaibigan nga kami ni Sedrick at paminsan-minsan ay nagbibiruan kami at naglalambingan na parang magkasintahan, pero may limitasyon kami sa isat-isa, naging masaya ang aming pagkakaibigan at nakumpleto ang highschool ko sa kanya.

Minsan ng ay sa bahay na ulit ito natutulog tulad ng dati, panay parin ang lambing nya na nakakgigil sa kanya, yung tipong ang sarap nyang kagatin amoy-amoyin at pisil-pisilin(parang aso lang), pero yun nga ay pinipigilan ko, kumakain na rin kami sa labas at namamasyal kung saan-saan, malaki ang progress ng relasyon namin kahit hindi kami na napaka sarap sa pakiramdam.


J.S prom na namin ngayon at excited ang lahat sa pagpasok sa bulwagan kung saan gaganapin ang J.S namin, masaya ang lahat dahil masusuot na nila ang damit nila sa J.S na matalagal na nila inireserba December pa.

Pati ako’y excited na dahil ngayon na nasa kotse ako at GGSS (gwapung-gwapo sa sarili) sa suot na Aqua Blue na tuxedo at humahalimuyak na pabango na aking katawan, excited din ako na Makita ang mga kaibigan ko. Kung ano ang suot nila at kung ano ang kanilang itsura, alam ko naman na gwapo at magaganda ang mga ito.

Pagpasok ko ay nakita ko ang aking mga kaibigan sa isang table, nakatitig naman lahat ng babae sa akin at halatang kinikilig, alam ko yun kahit hindi nila sabihin, sinalubong naman ko ni Sedrick na nakasuot ng pure white na tuxedo at shoes, ang gwapo! Ngumiti ito at inakbayan ako habang papunta sa table kung saan sila nakaupo.

“wow! ang gwapo mo ngayon ahh?” ang bati nito.

“ang gwapo mo rin ahh…” ang sabi ko rito at ngumiti.

Nang makalapit na kami sa upuan ay may nakareserba palang upuan sa akin.

“O.M.G ang gagwapo ninyo, sarap nyong titigan”  ang tili ni Nina

“oo nga Prince ang gwapo mo sa damit mo pati ikaw Sedrick at ikaw rin Gary para kang prinsipe sa pure black at may kumikinang na something d’yan sa dibdib mo” ang papuri ni Mimi.

“nako gurl! Design nyan ang pogi nila no? at ikaw din mukha kang donya sa blue mong gown at mukha naman ako Reyna sa royal red kong Gown diba ang bongga gurl.” ang lakas na loob na sabi ni Nina

“oo nga ang gaganda nyo girls.” ang dagdag pa ni Gary.

Halos pagtitigan na kami ng mga babae tuwing lalakad kami sa harap nila, hindi confident naman kami dahil talaga naman kailangan magwapohan ka sa sarili mo lalo pa’t J.S.

Si Sedrick ang napiling King of the night at si Nina naman sa Queen of the night ang saya nga nung napili sila, no doubt naman na ang gwapo ni Sedrick sa damit nya at tindig nya, hindi ko namang inaasahang ako ang mapipiling Star of the night at isang babae na hindi ko kilala, si Gary naman ang nag-award sa akin dahil sya ang nanalong Mr. St. Mark Univ. at si Mimi naman ang napiling Best dress sa mga babae at si Tom naman ang sa lalake.

Ang saya nitong gabing ito, parang ayaw ko nang matapos ang kaligayahang  kasama ang aking mga kaibigan.

Nang matapos ang awardings ay nagsalita ang speaker.

“ok be ready love birds, this song is for you” ang sabi ng speaker.

Tumugtog ang kantang Thank God I Found you, nakakakilig ang kantang ito at nakakadala ng emosyon, wala naman akong alam na isayaw kung hindi sina Mimi at
Nina at  nakapag kwentuhan pa kami habang sumasayaw, after ko silang isayaw ay sila Gary at Sedrick ang nagsayaw sa kanila, masaya ang lahat dahil nakasayaw nila ang kanilang mahal.

Ako naman ay medyo naiinis dahil ni hindi man ako inalok isayaw ni Sedrick hanggang matapos ang ilang kanta. ih! Kainis. Ang nasabi ko nalang at nagmaktol nalang sa may upuan habang kumakain ng finger foods na inihatid nung waiter.

“ok be ready naman para sa may mga crush d’yan, isayaw nyo na ang mga crush nyo habang may pagkakataon pa!” ang muling sabi ng speaker.

Tumugtog naman ang kantang Please Be Mine ng Jonas Brothers sakto ang meaning, at nakakainlove naman ang mga boses nila, wala naman akong crush talaga kung hindi si Gary at si James syempre iba si Sedrick kahit magkaibigan muna kami ay unti-unti muling bumabalik ang pagkagusto ko sa kanya pero kahit gano’n gusto ko paring isayaw nya ako sa kahit anong kanta, wala naman ako pakialam sa sasabihin ng iba eh.

 Nagulat ako nang yayain ako ni Tom para sumayaw, hindi naman ako tumanggi kahit nakatingin ang iba ay hindi ko na pinansin, medyo natutuwa nga daw sila dahil ang cute daw naming tignan ayon sa bulong nila na naririnig ko naman. Yung iba inggit dahil sinasayaw daw ako ng crush nila, wala naman kaming napag-uusapang mahalaga habang sumasayaw nagkakahiyaan siguro pero nagkumustahan rin kami at nagbiruan ng kaunti.

Mga isang minuto rin ‘yon at nang ibabalik na nya ako sa upuan ko ay bigla akong hinila ng marahan ni Gary, ikinagulat ko naman ‘yon. Bakit naman ako isasayaw nito? para sa may crush lang ito. Nagseryoso ang mukha nito at pumikit.

“hayaang mong isayaw kita hanggang matapos ang kanta.” ang banayad nitong sabi.

Mataman na nakatitig si Sedrick sa amin at wari’y nakikiramdam habang
Nagngitngit naman ang mga babaing may mga crush kay Gary, ang sama ng tingin nila sa akin, lalo na no’ng kabigin ako ni Gary sa baywang hanggang sa sobrang magdikit na kami, hindi ko alam ang nangyayari at parang nawala ang mga tao sa paligid.

“masaya ako para saiyo” ang wika nito habang sumasaw kami

“ah? para saan?” ang tanong ko naman.

“para sa inyo ni Sedrick”  at ngumiti ito.

Nako salamat ah, ayun ang kaibigan mo ni hindi man lang sya nag-aksaya ng panahon na yayain akong sumayaw, bwisit! Ang nasabi ko sa sarili

“salamat, at salamat din dahil hindi ka umalis sa tabi ko ahh, nuong magkasakit ako” ang paglilinaw ko.

“wala yun para saan pa at naging magkaibigan tayo” ang wika nito sabay tapos ng kanta at napalitan sa pangmasayang kanta at nagdisco ang lahat.

Sayaw nang sayaw ang lahat at sobrang indayog sa bawat beat ng kanta, maski ako ay niyaya nilang magsayaw, para kaming ewan sa sobrang kaadikan, may nagdodogie at may nag susuperbass dance step ni Viceganda. At sa bawat pagtama ng ilaw sa aming katawan ay syang ganda ng aming kapaligiran.

Mahigit sa limang kantang pangdisco ang pinatugtog at siguro napansin ng speaker at D.J na pagod na ang lahat.

“ok guys kanina pang magkasintahan at pangcrush ngayon naman, para sa mga may EX gf at bf d’yan” ang wika ng speaker.

At tumugtog nga ang kantang “You Lost Me” by Christina Aguilera, nakakaiyak na kanta at nakakawala ng kasiyahan, marami-rami rin ang nagpunta at nag-‘aya sa gitna ‘kala ko kasi konti lang baka kasi bitter pa yung iba, pero nice! ang daming game na game at sports pa.

 Binabawi ko na ang sinabi ko kanina,dito sa kantang to ayaw ko na isayaw ako ni Sedrick kasi kahit hindi na kami,  ay complicated pa rin ang lagay namin at magbabalikan rin kami ‘pagkalaunan. Sana.

Ngunit nagkamali ako, ako ang unang tao na pinuntahan nya at inalok ang kamay ko, nasasaktan ako kasi hindi kotanggap na ex na nya muna ako kahit ako mismo ang nagsabing hindi pa pwedeng maging kami, nakaka-inis sya dahil gusto ko sanang sa kantang sweet nya ako isayaw at hindi sa kantang halos maluha-luha ako pagnaririnig.

“masaya kaba?” ang tanong nya habang sumasayaw kami.

“oo” ang masungit kong sabi

“oh bakit ata ang taray mo d‘yan?” ang tanong nito ng nakangiti.

“ay ewan ko sayo!” ang tugon ko lang.

“galit kaba?” ang malambing nitong sabi.

“hindi! Bakit naman ako magagalit” ang sagot ko.

“weh? ‘Di nga? Halos kainin mo na ako sa mga tingin mo eh” malambing pa rin ito.

Tumalikod ako sa kanya at umalis, gusto kong maluha dahil naiisip ko na hindi kami ni Sedrick, pumunta ako sa banyo at humarap sa salamin after maghugas ng kamay.

Siguro nga nakapag-isip na ako, si Sedrick nga ang gusto kong makasama habang buhay, sya ang lalaking nagpapatibog na puso ko ngayon at kailan man, kaya ako na mismo ang magkikipag balikan sa kanya. Ang buong lakas ng loob na sinabi ko sa sarili.

Dali-dali akong bumalik sa kinauupuan namin, nakita ko silang nakalupong.

“o bakit hindi kayo sumasayaw doon?” ang tanong ko sa kanilang lahat habang hinahagilap ko si Sedrick.

“may sasabihin daw si Sedrick eh” ang sabi ni Mimi

“oh ayan na pala sya” ang sabi ni Gary

“sino ang kasama nya?” ang tanong ni Nina sa amin.

“hindi ko alam” ang sabi ko naman.

Nang makalapit sa amin ng may ngiti sa labi.

“guys, may papakilala ako sainyo, si Carol kaibigan  ko” ang anunsyo nito sa aming lahat

Kaibigan? May kaibigan bang magkaholding hands? Ang sabi ko sa isip ko at naiinis ako ng todo.

“pare ‘kaibigan’ mo ba talaga o ka-i-bigan” ang biro ni Gary na ikinainis ko.

“pare naman wala namang ganyanan, nakakahiya sa kanya, sya pala yung kinukwento ko sainyo na bestfriend ko sa text na taga rito rin pala nag-aaral” ang tugon nito.

Nag taka ako, bestfriend? Ano raw? Bakit hindi ko alam to? Bakit sa akin hindi nya ikinukwento, akala ko ba mag kaibigan kami? Sabay tingin kay Nina para magtanong kung ano ito.

“guys wait lang ahh, kukuha lang ako ng drinks natin” ang wika ni Nina. At sabay hablot sa akin habang papalayo.

“ang cute nila noh?” pang-iinis nya.
Napakunot ang nuo ko at tinignan ko ito

“joke lang, alam ko namang gusto mo talaga sya eh, kaso pakipot ka pa kasi, may nalalaman kapang pag-iisip eh pwede namang kayo habang nagiisip ka” ang pangdidikdik na sabi nito sa akin.

“iba parin ‘pag hindi kayo at Malaya kang nakakapag isip noh” ang tugon ko naman habang kumukuha kami ng juice at palingon-lingon sa sa table namin, mukha silang masaya. Grr nakakainis!

“hindi ka pa ba tapos mag-isip?” ang wika ni Nina

“alam mo kanina no’ng pumasok ako sa banyo? Narealize ko na mahal ko na ulit si Sedrick at n’ong paglabas ko ay gusto ko nang makipag balikan sa kanya” ang malungkot kong sabi.

“ay bakit hindi ka nakipagbalikan” ang sabi nito.

“nako,tignan mo naman ilang linggo palang ang nakakalipas ay napalitan na nya ako” ang tampo kong sabi.

“bingi kaba? Ang sabi bestfriend sa text” ang paglilinaw nya.

“bestfriend? Eh naka holding hands?” sabay turo sa kanila.

“ay nako ‘yan ang hindi ko alam” sabay taas ng dalawang balikat.

At bumalik na kami sa table, masungit pa rin ako kay Sedrick kahit tinitignan nya ako at pangiti-ngiti.

“sya nga pala Carol I need to introduce you to my other bestfriend, Carol si Prince, Prince si Carol” ang kaswal na pagpapakilala nya sa amin.

“hi Prince” pagkumusta ni Carol.

“hi” ang sabi ko nalang sabay ang ngiting aso.

Siniko ako ni Mimi sa tagiliran at napalingon ako sa kanya, “obvious ka” ang wika nito.
“ nako hindi naman” ang sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

Masakit na nakikita ko silang dalawa na naglalampungan sa harap ko actually nagtatawanan lang sila pero ayoko pa rin yung makita.

Natapos ang J.S namin ng hati ang nararamdaman ko, kalahati masaya kasi masaya talaga kasama ang mga barkada ko, nagtawanan kami na parang wala ng bukas, kalahati naiinis na naiiyak kasi nakikipag-usap na sa iba si Sedrick ngayon, mabubuhay nalang ba lagi ako nang iiyak ng dahil kay Sedrick. Wala na bang katapusan ang pagluha ko sa kanya.

After ng party sa sobrang sama ng loob ko ay tinawagan ko si James at nagpasundo, dapat nga ay mag-i-sleep over kami kina Nina kaso nasakit talaga ang puso ko at nagbago ang isip ko.

4am na ng madaling araw at  inaabangan ko si James sa labas. Nang may humila sa braso ko.

“sumama ka sa amin ok?” ang wika Sedrick.

“hindi ayaw ko” sinabi ko ito na hindi nakatingin sa kanya.

“bakit ba anong problema mo?! Kanina mo pa ako hindi kinakausap?” ang tanong nito.

“wala” simple kong sabi.

“yung totoo?” ang pagpipilit nito

“pano kasi-!”naputol ang sasabihin ko nang may bumusina sa gilid ko, kotse pala ni James at bigla syang lumabas ka kotse.

“James!” Masaya kong sabi.

“Kuya?” ang takang sabi ni Sedrick.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment