Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (12)

by: James Cornejo

"anong ginagawa mo ditong babae ka!!?" nasabi ko nalang sa tindi ng galit na naramdaman ko ng makita ko si Ezra na nasa aming sala.

"Anak, be nice to your visitor!" pagsita agad sakin ni mommy. "iha, pagpasensyahan mo na yang si James." baling niya kay Ezra

"okay lang po tita, sanay na ako dyan." sagot naman niya sa mommy ko. "uhm, tita, pwede ko po ba masolo si James, para naman magkausap po kami ng ayos." paalam pa niya


"osige, iwan ko na muna kayo" sabi ni mommy, "ahh, hindi pala, james, dun na kayo sa garden magusap, manunuod nga pala ako ng paborito kong teleserye. Samahan mo na tong si ezra duon" biglang bawi ni mommy.

Agad naman ako tumungo sa garden at si Ezra ay nakasunod lang sakin. Umupo ako sa upuan na nasa gitna ng garden namin at naghintay kay ezra na umupo, ngunit nagkamali ako, agad siyang yumakap sa akin ng mahigpit.

"Bhie, i'm sorry for what i've done, sana mapatawad mo na ako, miss na miss na kita..." sabi niya sakin sa malanding boses.

"Bumitaw ka sakin!" at agad kong inalis ang pagkakayakap ng kanyang mga kamay sa akin! "ano ba ang kailangan mo!? wag mo na akong landiin! may iba na ako, at hindi na kita mahal!" sa mataas na boses.

"bhie, all i wanted is for us to be together again! please forgive me, this time, i'll make it up to you..." sabi niya na nanggigilid na ang luha.

"Ezra, 2 years is enough para makamove on ka! ano ba talagang pakay mo dito? at bakit mo ba ginugulo ang buhay ko!?"

"James, tumigil ka jan, lumapit siya sakin para magkaayos kayo!" biglang singit ni daddy sa aking likuran.

"But dad, nasabi nya na ba sayo ang nagawa nya sakin dati? dad, wala kang alam sa mga nangyari, wag ka mangealam dito!" sabi ko kay dad.

Agad naman ako nasuntok ni daddy sa nasabi ko sa kanya. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! anak lang kita at ako naman ay ama mo! kaya susunod ka sa anumang gusto ko para sayo! wag mo ipagmalaki sakin ang mga kaibigan mo lalo na ang bestfriend mo na si RJ!"

shit! ano alam ni daddy! nalintikan na! sabi ko sa isip ko at humarap kay daddy, "hindi ko ipagmamalaki sayo ang mga kaibigan ko dahil mismong kaibigan ko ang tumarantado sakin sa babaeng to daddy!" sabi ko kay daddy at bumaling kay ezra "Ikaw, masaya ka na sa nakikita mo?? umalis ka dito! hindi ka namin kailangan!!"

"ang makakapagpaalis lang sakin dito ay si tito.." ang may otoridad niyang sabi at tumingin kay daddy na para bang nagpapaawa. "lumayas na po kasi ako samin, pwede po bang dito muna ako magstay.."

"Oo naman iha, dun ka na muna matulog sa kwarto ng ate ni James, mamaya din naman ay paluwas na din yun." sabi ni daddy kay ezra. at bumaling sakin "at ikaw james, umayos ka sa pakikitungo mo kay Ezra, siya ang gusto ko para sayo! Hindi ang kung sino pa man!" sabi ni daddy sakin at pumasok na sa bahay.

"You want to be here, I will make your life miserable!" sabi ko kay Ezra at umakyat na sa kwarto ko.

Itinext ko agad si RJ para ipaalam ang mga kaganapan dito sa bahay, ngunit wala siyang sagot, marahil siya ay tulog na.

***tok...tok...tok***

"Sino yan?" sabi ko sa taong kumakatok sa aking kwarto.

"mommy mo to james pwede ka ba makausap?" si mommy nasa kabilang parte nang pintuan ng aking kwarto.

"sige po ma, pasok ka po, bukas po yang pinto ko" sabi ko

Agad naman pumasok si mommy sa aking kwarto at umupo sa aking kama.

"anak, pagpasensyahan mo nalang ang daddy mo, hindi ko nga ba alam dyan kung bakit gustong gusto niya ang malanding babaeng yon, pero gagawa tayo ng paraan para mapaalis siya dito." sabi ni mommy sakin.

"ma?? kakampi kita??" nagtataka kong tanong kay mommy

"Oo anak, alam ko naman lahat ng nangyari sa inyo dati, hindi ata alam ng daddy mo kung ano yon, kaya ganon ang reaksyon nya kanina. wag ka magalala, andito si mommy para sayo" sabi ni mommy at niyakap ako ng mahigpit.

Dahil doon ay napaluha nalang ako ng wala sa oras, ngayon ramdam ko na na may kakampi ako sa aming bahay, andito si mommy sa tabi ko, alam ko kaya ko.

"Mommy, first time ako masuntok ni daddy" pagsusumbong ko kay mommy.

"alam ko anak, kaya nga andito ako kasi alam ko kailangan mo ako."

"mommy, paalisin mo na dito si ezra, hindi natin siya kailangan dito."

"Anak, hindi pwede, nakapag desisyon na ang daddy mo, alam mo naman na kapag siya na ang nagdesisyon ay wala ng makakabali pa nito." sabi ni mommy at pinunasan na ang aking mga luha na dumadaloy sa aking magkabilang pisngi. "anak, baba ka na, kakain na tayo, alam kong gutom ka na kaya halika na, naghihintay na sila daddy mo sa hapunan." pagyayaya pa ni mommy sakin.

"opo ma, sabay na ko sayo." at agad ko na inayos ang sarili ko sa pagharap sa daddy at sa kinaiinisan kong BWISITA namin.

Bumaba na nga kami ni mommy sa papunta sa aming hapag kainan at umupo ako sa tabi nito.

"James, gamitin mo muna yung isang kotse dyan para magkasabay na kayo nitong si Ezra pag pasok, ayoko na makarinig ng kahit anong away sa inyong dalawa ha, kaya wag ka na umangal pa!" sabi ni daddy

"but dad..."

"this conversation is over!" sabi ni daddy sabay tumayo na sa kanyang upuan na hindi tinapos ang kanyang kinakain.

humanda kang babae ka! sigaw ko sa isip ko sa pagkainis habang si ezra naman ay nakangiti lamang na kumakain sa upuan ng ate ko which is nasa kanang part ng daddy ko.

Well, pabor naman sakin ang pagpapadala ni daddy ng kotse sa school, dahil malaya ko na magagawang puntahan ang mga gusto kong puntahan gamit ang kotseng ipinahiram sakin ni daddy, ang malungkot na part lang talaga ay ang pagsabay pa sakin ni Ezra.

"After mo kumain, pakihugasan na ang mga pinggan at paki imis na ang mga kalat dito sa baba, hindi ka namin papatirahin dito para magpakasarap sa buhay."

Sa narinig kong sinabi ni mommy, nabuhayan ako ng loob, totoo ngang ang mga nanay ang pinaka makakainitindi sa kanilang mga anak. dahil din dito ay napangiti na ako at ginanahan na kumain.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto at agad na naglinis ng katawan at humiga na sa aking kama.

well, james, hindi ka pa din talaga nawawalan ng kakampi, wag ka mag alala, konting panahon lang magstay yang babaeng yan dito at magiging maayos na din ang lahat. sabi ng aking isang parteng isipan

"James, tabi nalang tayo..." biglang pasok ni Ezra sa aking kwarto makaraan ang ilang minutong pagkakahiga ko sa aking kama.

"iha, hindi pwedeng bastang pasok ng pasok sa mga kwarto dito!" ang mataray na singit ni mommy sa kanyang likuran.

"ay, sorry po tita, akala ko okay lang kasi..."

"madaming namamatay sa maling akala iha, baka sumunod ka!" sabi pa ni mommy na ikinatawa ko naman bigla.

"mommy, pasok ka, pakisara ng pinto pagpasok mo." sabi ko kay mommy.

"wait james, paano ko?" sabi ni naman ni Ezra.

"diba sabi ni daddy dun ka daw matulog sa kwarto ni ate, kaya dun ka nalang!" sabi ko sa kanya at ngumiti ng nangaasar.

Wala naman na nagawa si Ezra kundi ang sumunod sa sinabi ko, si mommy naman ay tumabi sa akin at "ano anak, ayos ba? umpisa palang yan. hahaha" sabi ni mommy

"opo ma, ayos na ayos, thank you ah." sabi ko sabay yakap kay mommy.

"oh xa, matulog ka na, maaga pa pasok mo bukas." sabi ni mommy sabay halik sa aking noo

"sige po ma, good night." sabi ko kay mommy.

Agad naman umalis si mommy sa aking kwarto at pinatay na ang ilaw sa buong bahay namin.

Ako naman ay mabilis na din nakatulog na may ngiti sa aking labi. Siguro dahil sa ipinagtatanggol ako ni mommy ngayon, kaya natutuwa ako. Hehehe

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment