Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (Finale)

by: James Cornejo

Guys, ito na po ang last part ng simula ng pagbabago ng aking buhay. Sana po ay inyong nagustuhan ang aking buhay at sana din sa mga simpleng scenario sa aking buhay ay na pukaw nito ang inyong mga damdamin. Maraming salamat po sa lahat ng sumoporta nito. Bukas din po ng gabi ay ipopost ko na ang pangalawa kong storya, hindi pa lang ako makahanap ng tamang titulo dito. Sana po ay katulad ng pagsuporta ninyo sa aking unang akda ay suportahan nyo din ang pangalawa, maraming salamat po.


Kay idol zephiel, salamat sa unang unang pagcomment sa part 1 ng aking storya, hehehe.,ü Idol talaga kita sa pagsusulat.ü

Kay Ramy from Qatar, thanks sa pagcomment sa lahat ng parts ng "Ang Simula" the best ka.,ü hehehe.,ü and thanks din sa pagpray mo para makuha ko ang gusto ko, and nakuha ko naman talaga., Registered na ako ngaun., hahaha.,ü

Kay Rue, sana wala kang nakitang mali sa aking akda., hahaha.,ü

Kay Surfer from OZ, wag ka magalala.,ü hindi mangyayari yung sinabi mo sa comment mo, hindi ako ganon, at ayoko maging ganon. hahaha.,ü

Drew, madami akong pupuntahan jan sa san pablo... hahaha.,ü

Makki, thanks sa mga comments mo, hehehe. nakakataba ng puso ang mga comments mo, hahaha. kahit na madami kang demands at gusto ko mang gawin yon, kaso, hindi ko naman kayang ibalik ang past. Sana magustohan mo padin ang last part kahit na... ah basta, basahin mo nalang. hahaha

robert_mendoza94@yahoo.com, malalaman mo kung may something sa magkapatid, subaybayan mo lang ung mga next stories ko., hehehe.,

Nick Deguzman, alam ko susupport ka pa din sa nexts stories ko, pero sana naman, lahat na may comment., hahahhaa.,ü

Michael of Saudi, salamat naman ay nakita mo na ang blog ko, hahaha., hirap kasi magupdate sa BOL eh, hindi pa kasi ako Resident Author dun.

TheLegazpiCity, momi ko, sensya ka na huh, dami lang ginagawa.ü hehehe

Makatiboy, kita kita pa din tayo sa chatbox ni zephie., hahaha., sama mo asawa mo, sama ko momi ko.,ü hahaha

ZROM60, thanks po sa comment

Sa mga anon comments, thanks sa inyo, pero sana magpakilala din kayo and sana isupport nyo pa din mga susunod kong stories. salamat.

Maraming salamat po sa pagwelcome sakin sa mundo ng pagsusulat. MORE COMMENTS MORE FUN guys. and i'm hoping to meet you all in person, bago manlang ako matali. hehehe.ü

"James!! James!! Dali!!! Bestfriend mo!!!" sigaw sakin ng kaklase ko habang ako ay pababa palang ng kotse na pinahiram sakin ng daddy ko.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mangyari ang Highschoo Department party namin kung saan naging masaya naman ang naging outcome nito. At ang after party naman ay puro kulitan lamang at wala ng iba, dumating si Brent sa aming After Party para lang icongratulate kami, makipagkwentuhan sakin, nasabi ko sa kanya na plano ko nang sabihin sa barkada ang tungkol samin ng kuya niya sa lunes at nagssorry siya sakin. Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagsosorry niya. Ang tanging sabi lamang niya sa akin ay "malalaman mo din kung bakit. sana mapatawad mo pa ako. at kung mapatawad mo man ako, may isa pa akong revelation sayo." yan lang ang natatandaan kong sinabi niya at puro swimming, inuman at kung ano anong harutan pa ang ginawa namin nung gabing yon sa resort nila paeng.

"Bakit?! ano nangyari?!" tanong kong nagpapanic na dahil nagpapanic din ang aking kaklaseng kanina pa daw ako hinihintay na dumating.

"Basta!! Bilisan mo nalang!!" sigaw nito at nagtatakbo na, at agad naman ako sumunod dito.

ano nanaman ba to? panibagong problema? waaaaah! hindi na ba matatapos to! sigaw ko sa aking isip.

Nakarating naman kami agad sa classroom namin at nakita kong naiyak si RJ habang ang mga kaklase namin ay nagtatawanan lamang na nakaharap kay RJ.

"Anong ginagawa nyo sa bestfriend ko!!??" sigaw ko sa mga kaklase ko.

Nakita ko naman ang barkada ko sa isang sulok na naguusap usap, at masama ang tingin kay RJ. Agad akong tinawag ni Mike sabay sabing "wag kang lumapit dyan! madumi syang tao!" pangungutya pa nito kay RJ.

Walang ano ano ay sinuntok ko ng isang malakas na bira si Mike dahil sa kanyang itinuran, pero mabilis ang reflex ni Mike at nila paeng dahil nahawakan agan ni Paeng ang aking kamay at nakailag naman si Mike sa ginawa ko.

"ano bang problema nyo kay RJ?!" sigaw ko.

"Wala kaming problema tol!" sabi ni Paeng sabay kuha ng kanyang mobile phone. "eto ang problema! may alam ka ba tungkol dito?!" galit na dugtong pa nito.

Kinuha ko ang mobile phone niya at tiningnan kung ano ba ang nagiging problema nila kay RJ.

Literal na napanganga ako sa nakita ko sa cp ni Paeng, nagulat ako sa aking nakita, ito ay isang sex video ng dalawang lalaki, hindi mo kita ang muka ng isa habang ang isa naman ay si RJ. Naalala ko naman bigla ang nangyari sa amin ni RJ 2 days before magpasukan. At napagtanto kong ako ang nasa video habang si RJ ay tila sarap na sarap na nakaharap at nagpapacute pa sa Video.

shit! bakit hindi ko nun nakita! kaya pala nakabukas ang cabinet niya at dun siya nakaharap! sigaw ko sa aking isip.

"ano tol, may alam ka ba tungkol dyan?" tanong ni Paeng na nagpabalik sa akin sa realidad.

"ah... eh... uhm.... wala tol... siguradong bang si RJ yan? baka naman..." pagsisinungaling ko dahil alam ko naman ng si RJ at ako ang nasa video.

"oo tol. Sigurado! walang duda! inamin na din niya!" biglang singit ni BJ.

shit! nasabi din ba nya na ako ang kasex nya?! sigaw ko sa aking isip.

Hindi nalang ako kumibo at hindi pinahalata sa kanila na may alam ako tungkol sa nangyari kay RJ. Umupo ako sa unahan, tumahimik at nag isip isip.

gago ka RJ, pinagkatiwalaan kita! ibinigay ko sayo, tapos, ginago mo lang ako! magdusa ka ngayon! hayop ka! tang ina mo! mamatay ka na! minahal kitang gago ka! pero ito ang igaganti mo sakin! hayop ka!!! haaaaaayyyyyyoooooooooopppppp!!!!!!!!!!!!!!!! sigaw ko sa aking isip. lahat ng pabor nasayo na! kahit an tutol ako nung una, pinaramdam ko pa din sayo na mahal kita! hindi naman ako nagkulang diba! hindi ako nagkulang! pero ikaw pa ang unang gumago sakin!!! Naging faithful ako RJ!!! wala akong naging iba!!! pero bakit may sex video!!! baaaaakkkiiiittt!!!! at nagsimula ng tumulo ang aking mga luha. pero agad akong umub-ob sa  aking armchair para hindi makita nino man ang aking pagluha. nasan na ang pangako mong sasamahan mo ako sa walang hanggan RJ!!! nasan na!!! pucha!!! dahil sa sex video na yan! sinira mo lahat!!!

"Mr. Cornejo, please go to my office!" biglang narinig ko nalang sa taong ngayon ay nasa pintuan ng aming classroom.

Bago ko nilingon ang taong tumawag sakin ay nagpunas muna ako ng aking luha gamit ang aking panyo at saka ko nilingon ito, nakita kong ang pricipal pala namin ang nagpapatawag sakin. Tumayo ako agad at sumunod sa aming principal. Pero bago pa man ako lumabas ay tiningnan ko muna ang kinaroroonan ni RJ at nakita ko itong nakatingin sakin. Pinukol ko muna ito ng isang masamang tingin bago tuluyang lumabas sa aming classroom. At dumiretso na sa Principal's Office.

"Mrs. Tanyada, ba-bakit nyo po ako ipinatawag?" medyo nabubulol kong tanong ng makapasok ako sa opisina nito.

"We are here to discuss an important matter mr. Cornejo, coz' i find you responsible for the acts of your classmates. Please. Sit down" sabay lahad ng kamay sa upuan katabi ng kanyang table.

Isang tango lang ang aking itinugon sa kanya at umupo na sa itinuro nitong upuan. Pero nanginginig ako at natatakot na baka alam nila na ako ang nasa Sex Video na kumalat ngayon sa buong school namin.

"Mr. Cornejo, I assume you already have an idea why we are here right?" pagbasag ng aming principal sa katahimikang ibinigay ko matapos umupo. Isang tango lang ang ibinigay kong pagsagot dito.

"I know you and Mr. esqueta ar best of friends, but please, wag mo siyang pagtatakpan kung alam mo talaga ang mga sagot sa itatanong ko. Or else you will suffer same consequences we will give to him."

"Okay po mam." sabi ko nalang.

"Okay, first, is he really gay?"

"mam, ano po ba ito? chismisan?" pabalang kong sagot dito dahil hindi ko nagustuhan ang unang tanong nito, para bang isang tsismosa lamang na humahanap ng scoop sa bagong trending na story.

"sorry for my question." agad namang bawi nito. "may alam ka ba sa sex video niya?" biglang pagiiba nito ng kanyang tanong.

"wala po mam, nagulat na nga lang ako kanina nung nakita ko yung sex video eh!" sabi ko dito

"Okay then, pero namukaan mo ba yung kapartner nya? they should both have the consequence of being expelled here in our school mr. cornejo. Alam mo naman na Catholic school to at mahigpit na ipinagbabawal ang mga ganitong pangyayari sa school." mahabang paliwanag ni Mrs. Tanyada.

"alam ko po mam, pero sorry, hindi ko po kilala kung sino ang kasama niya sa video na yon mam, kung wala na po kayong ibang tanong, I believe, wala na po akong dapat pang ipagstay dito, mamimiss ko na po ang klase ko." sabi ko dito, nagawa ko nang pairalin ang pagiging bastos ko, dahil kung hindi, paniguradong maiipit lamang ako sa mga pangyayare.

"Okay, please tell Mr. Esqueta to go to my office, my secretary called his parents and they are on their way here. Mr. Esqueta is officialy expelled here in our school mr. Cornejo." sabi nito at ako naman ay agad ng lumabas ng kanyang opisina.

Dumiretso muna ako sa CR para maghilamos. Habang naglalakad paatungong CR, ako ay lumuluha, wala naman tao sa corridor ng aming building dahil sa kasalukuyan ay nagkaklase na ang mga ito sa kani kanilang classroom.

Nang marating ko na ang CR ay humarap ako sa salamin, nakita ko ang sarili kong parang ang dumi dumi ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin, nagawa kong ilaglag ang sarili kong kaibigan/bestfriend/lover. Pero kung hindi ko gagawin yon, maaring maexpell din ako sa school.

tang ina ka RJ! muntik na akong madamay sa katarantaduhan mo! sigaw ko sa aking isip sabay suntok sa salamin na kaharap ko ngaun. Nabasag naman ang salamin at nagdugo ang aking mga kamay.

Hinugasan ko ang aking kamay at naghilamos na at inayos ang sarili, ang sugat ko naman ay binalot ko ng aking panyo at pumunta na ng aming classroom.

Pagkarating ko sa aming classroom ay naandoon na ang aming Adviser na si Mrs. Vergara. "mam, pinapatawag po si RJ sa Principal's office" sabi ko.

"okay, please accompany your bestfriend mr. Cornejo." sabi nito.

"but mam, mamimiss ko po ang class ko!" pagtutol ko.

"okay, iwan ko muna ang class, ako nalang ang maghahatid sa kanya doon!" mataray na sabi nito.

Ako naman ay umupo na sa aking upuan kung saan katabi ko si Ezra.

"Bhie, are you okay?" biglang sabi nito ng makaupo ako sa tabi niya.

"i'm not!" Padabog kong sabi kay ezra.

Hindi na ito umimik kaya ang aking utak ay nagisip nanaman ng kung ano ano.

Natapos ang amin klase sa maghapon at ako naman ay dumiretso sa kotseng dala ko na hindi ko manlang pinapansin ang kahit na sino pati na ang aking mga kabarkada.

mas mabuti na to para hindi na din sila magtanong ng magtanong! sabi ko sa aking isip.

Naglalakad ako papunta ng aking kotse at sa di kalayuan, may nakita akong tao na nakatayo sa tabi ng aking kotse, hindi ko maaninag kung sino ito dahil nakatalikod ito sa aking kinatatayuan, kaya napagpasyahan kong lumpit na at tingnan kung sino ito.

Isang malakas na suntok sa muka ang ginawad ko ng makita kong si RJ pala ang naghihintay sa kotse ko. "Putang ina ka! hayop ka!" nasabi ko nalang. at kinaladkad siya papasok ng aking sasakyan.

Nang makapasok na sa sasakyan ay pinaandar ko ang makina at mabilis na umalis sa lugar at pumunta sa simenteryo para walang makarinig ng kung ano mang mamamagitan sa amin ni RJ. Sa puntod ng aking lola ko napagpasyahan na kausapin si RJ.

Nang marating namin ang lugar ay isang "BABA!!" na sigaw lang ang sinabi ko sa kanya. At agad naman siyang bumaba ng kotse.

Naglakad ako patungo sa puntod ng aking lola at si RJ naman ay sumusunod lamang sa akin. Agad naman kami nakarating sa puntod dahil hindi naman ito kalayuan sa Parking Space ng sementeryo.

"Gago ka RJ!! bakit mo naatim na gawan tayo ng sex video!!??" pasigaw kong sabi sa kanya. "Wag kang magsisinungaling dahil hindi lang suntok aabutin mo sakin!!" banta ko pa dito.

"sorry ikie, akala ko kasi noong mga oras na yon, malapit na tayo maghiwalay, kaya ko nagawa ang bagay na yon." nabubulol na paliwanag nito.

"e gago ka pala eh!!! ambilis mo mawalan ng pag asa satin!!! tingnan mo nangyari ngayon!!!" sabi ko dito sabay iling.

"sorry ikie..." mahinang sabi nito.

"alam mo RJ, para saan pa ang parak kung lahat naman makukuha sa sorry???!!!" namimilosopo kong sabi dito.

"osige!!! anong gusto mong gawin ko!!?? para lang mapatawad mo ko!!?? bakit!!!??? hindi naman ako ang nagkalat ng video!!?? bakit mo ako sinisisi!!!" biglang sigaw na din nito, siguro ay napuno na sa aking mga sinasabi. "Wag kang magsalita na akala mo ay wala kang kasalanan dito!!"

"ahh, so sinasabi mo, ako pa ang may kasalanan dito!!??" paglilinaw ko sa sinasabi niya.

"oo!! dahil kung hindi ka kumagat sa mga patibong ko, walang mangyayaring ganito!!!"

Ginawaran ko siya ng dalawang malakas na suntok, isa sa kanyang muka at isa pa sa kanyang sikmura na naging dahilan ng pagtumba nito.

"ikaw na ang binigyan ng pabor! ikaw pa ang nagmamataas dyan!" sigaw ko dito. "alam mo RJ, walang problema sayo, masarap ka mahalin, hindi ako nahirapang mahalin ka! pero dahil sa ginawa mo, sinira mo ang lahat ng plano ko para satin! alam mo bang balak ko ng sabihin sa kanila lahat kanina kung hindi lumabas ang issue mo!" sabi ko rito.

Napatahimik naman si RJ sa aking sinabi, at nakita ko nalang na tumulo ang kanyang mga luha, nakaramdam ako ng awa dito kaya itinayo ko siya at pinahid ang kanyang mga luha.

"sorry RJ, kung naging arogante ako, dala lang ng galit." Parang nagbago bigla ang ihip ng hangin para sa akin dahil sa awang naramdaman ko dahil sa aking ginawa.

"sorry din ikie, hindi ko sinasadya" at yumakap siya sa akin.

Iginaya ko siya papalayo sakin para magkatapat ang aming mga muka, at binigyan ko siya ng isang halik, hindi ito katulad ng halik na binibigay ko sa kanya netong mga nakaraan, kundi ito ay isang halik ng pagpapaalam. alam kong ramdam niya na iba iyon kaya naramdaman ko nalang na nababasa na ang aking pisngi ng kanyang mga luha. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at ako ay lumuha na din.

Ako na din ang umiwas sa aming halikan at tumalikod na sa kanya at naglakad na papalayo. habang ako ay papalayo ay hindi ko napigilang lumuha na din, masakit din sakin ang iwan siya, pero kailangan na.

Hindi ko nilingon si RJ sa kanyang kinatatayuan, alam kong alam na niya ang gusto kong ipahiwatig sa aking mga halik at sa aking pagtalikod sa kanya. Ngayon ay opisyal na din na wala na kami ni RJ.

Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas at nawalan na din kami ng balita kay RJ, habang si Brent naman ay palagi kong kasama, pero kapag tinatanong ko ito ng tungkol sa kuya niya ay hindi ito sumasagot, hindi ko naman na ginawang puntahan pa si sa kanilang bahay dahil alam kong tinapos ko na lahat ang sa amin. Gusto ko lang makasiguro sana na okay siya.

Habang tumatagal, ako naman ay unti unti nang lumalayo sa aking mga kabarkada, hindi ko alam pero parang may kung anong nabago sa aking pagkatao si RJ na hindi ko na namalayan dahil sa mga nangyari sa akin.

Naging matalik na kaibigan ko si Mena, siya ang naging sandalan ko sa pagkawala ni RJ sa school, pero hanggang ngayon, wala pa din siyang alam kung ano nga ba kami ni RJ dati. Ang tanging alam lang nito ay bestfriend ko si RJ at nangungulila ako kay RJ...

Ganon nga talaga para sa akin ang love, the more i get serious to a relationship, the more I'm prone to being hurt.

Dahil sa promise of forever ni RJ sa akin dati, nagconclude ako ng isang bagay na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa din: If every mistakes can be overcome by a simple sorry, there will be a perfect world for everyone, but sorry guys, we live on an imperfect world, where nothing stands forever...

RJ is now on his 2nd year college, I don't know the course, pero alam ko, pumapangatlong taon na siya sa kanyang 2nd year. ewan ko kung bakit.

Ang aming barkada naman, matapos kong humiwalay sa kanila ay nagkawatak watak na din, nagkaron ng issue between paeng at BJ. While mike, ondoy and me, after a few months of that scenario, nagkaayos ayos kami, pero unlike before na. hindi na din kami ganoon naging magkakaclose.

Samantalang ang nagpakalat ng video... malalaman nyo... soon....

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment