Friday, January 11, 2013

Breakeven: Book 03 (06-Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Masarap ang tulog ko nung gabing iyon, malamang dahil sa mga shots na ininom ko nong kinagabihan at di lang yun, dahil malamig ang temperatura ng kwarto at may isang bagay na malapit na malapit sakin na parang kumot na nagbibigay sakin ng init, bigla akong may narinig na naghihilik, iminulat ko ang aking mata at nakitang magkaharap kami ni Edison ngayon at magkayakap. Dahan dahan kong inalis ang mga kamay niya sa pagkakayakap at ipinalit ko sa aking lugar ang napalanunan naming teddy bear. Daretso lang ito sa paghilik. Dun ko ulit nakita ang gwapong mukha nito.


Abala na ako sa pagaayos ng aking isusuot para sa beach ng bigla kong may narinig na kumalabog. Pagtalikod ko ay nakita ko na lang si Edison na nakahawak sa kaniyang ulo.

“Anong oras na?” bulalas nito.

“9am.” sagot ko naman.

“Nahulog ka ba...?” di ko na naituloy ang aking sasabihin ng makita ko itong pumunta agad malapit sa kaniyang duffel bag at nagpalit ng damit.

“Tara na beach na tayo!” aya nito sakin habang hinuhubad ang kaniyang t-shirt at pinalitan iyon ng sando. Napailing na lang ako at napilitan narin sumama sa kaniya.

0000ooo0000

“Yung totoo, Edison? Aalis ba yang beach na yan dyan?” tanong ko dito habang hatakhatak ako nito papunta sa beach.

“Anong masama sa pagiging excited ng konti?” tanong nito sakin.

“Konti?! Gosh ano pa kapag super excited ka na?” tanong ko dito, humagikgik lang si loko.

Kung ano ano pa ang ginawa namin nung umagang yun, pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagsakay namin sa banana boat para kasi itong mamamatay kung makayakap sakin.

“Hoy! Ok ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong ko dito.

“Ayaw ko kasi yung ginawa natin ngayon ngayon lang.” sabi nito sakin at medyo nanginginig pa.

“Ha! Eh bakit di mo agad sinabi sakin?”

“Eh kasi excited na excited kang sumakay dun kanina, hindi ko na nasabi sayo.” sabi niya habang butil butil ang pawis nito sa noo niya.

“Ha-halika upo muna tayo dun sa isang restaurant.” pigil tawa kong aya dito.

0000ooo0000

“Anong nakakatawa?” tanong nito sakin habang nakaupo kami at iniintay ang aming inorder na pagkain.

“Eh kasi naman pwede kang tumanggi no, kung hindi mo gusto yung gagawin natin sabihin mo lang sakin.” sabi ko dito, umiling naman ito.

“Kahapon nung sa body shots, alam kong ayaw mo ang gagawin natin pero di na kita tinanong, pero kahit ganun game na game ka parin. Nagyon kahit di ko gusto basta sinabi mo dapat game din ako para quits tayo.” sabi nito sakin habang nilalaro ang straw ng kaniyang iced tea. Napakunot ang noo ko at tinignan ito.

“Tunay ba yang sinasabi mo?” tanong ko dito habang lampas sa kaniya ang aking tingin.

“Yup. Yup.” sabi nito habang parang batang makulit na kinakagatkagat nito ang straw niya.

“Then kiss me.” sabi ko dito, nagulat siya at tinignan ako, lilingunin na sana niya ang aking tinitignan ng kabigin ko ang mukha nito at masuyong hinalikan. Sinadya kong ilagpas ulit ang aking tingin at sinigurado ko na makakamtan ng halik na yun ang pakay ko.

Hindi ako nagkamali, nakita ko sa bukana ng restaurant si Pat at Eric. Hinihila ni Eric si Pat dahil mukhang susugurin na nito si Edison na nakatalikod sa kanila at abala sa paghalik sakin. Nang mapansin ni Edison na may tinitignan ako sa bandang likod niya ay marahan itong kumawala sa aking halik at tumalikod, nakita niya si Eric at ang nanggagalaiting si Pat.

Pigilpigil parin ni Eric si Pat, malamang kasi na gusto na nitong sapakin si Edison. Nagulat na lang ako ng biglang humarap sakin si Edison saka ngumiti ng nakakaloko. Siya naman ang kumabig sa aking mukha at hinalikan ulit ang aking mga labi, sa sobrang sarap ng mga halik na iyon ay napapikit na ako.

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Edison na nakatitig sakin na kala mong boyfriend ko na matagal na akong hindi nakikita, may pagtangis sa mga mata niya, pinaandar niya ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi.

“Be careful in what you wish for, it might come true.” bulong nito sakin at unti unti nang nilapit ang kaniyang mga labi sa aking labi. Muli naman akong napapikit.

0000ooo0000

“Now your Ex is totally going to kill me.” sabi nito sakin habang nakaupo kami sa beach at iniintay ang paglubog ng araw.

“Ok lang yun, at least naramdaman mo ang aking kiss.” pangaalaska ko dito.

“Actually its kinda weak.” balik pangaalaska nito sakin.

“Ganun?!” taas kilay kong sabi dito.

“Yup!” sabi nito.

“Rematch?!” tanong ko dito.

“Bring it on!” sabi nito at sinibasib ko nanaman ito ng halik, pareho ulit kaming napapikit at hindi na namin pinansin ang pagtatakip silim.

0000ooo0000

I Love You
You Love me
were a happy family
with great big hug
and a kiss from me to you
won't you say you love me too
I Love you
You Love me
we are friends
like friends should be
with a great big hug
and a kiss from me to you
wont you say you love me too

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang kantang yun. Maliwanag na ang paligid, umaga na pala. Di ko pinahalata kay Edison na nagising ako, nakayakap ako sa kaniya at ginagawang unan ang kaniyang pecs, nararamdaman kong nakanta rin si mokong pero mahina lang. Lihim akong ngumiti at ipinikit ulit ang aking mga mata saka isiniksik ang sarili ko sa kaniya.

Nang muli kong imulat ang aking mata ay medyo mataas na ang araw, pero ganun parin ang ayos ko, nakaunan parin ako sa dibdib ni Edison at siya naman ay natutulog ng nakaupo, tinignan ko ang TV at noon time show na ang palabas doon. Tatayo na sana ako ng bigalang humigpit ang yakap sakin ni Edison.

“Mamya na.” mahinang sabi nito at pinagbigyan ko lang siya, iniangat ko ang aking tingin an nakita ko ulit ang maamong mukha nito, nagiiba ang itsura nito kapag walang salamin, mas nagiging kamukha niya si Ram, pero ang kaibahan lang ay maputi ito kesa sa kapatid.

Di ko alam kung bakit, pero pilit kong inabot ang labi nito, di makapaniwala sa lambot at pula ng mga iyon, mayamaya lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na hinahalikan na ang mga malalambot at mapupulang labing iyon.

0000ooo0000

“Andaya mo! Di kaya Red yun, maroon yun, Edison. Maroon!” sigaw ko dito habang nakahilig ang ulo ko sa mga balikat nito.

Muli kaming nakaharap sa dagat at nakaupo sa buhanginan. May naisipan kaming mapagkakaabalahan habang naka-tanga sa dalampasigan. Sa kaniya ang pula at akin ang asul na mga bathing suit. Paramihan kami kung baga.

“Maroon ba yun?” tanong nito sakin sabay hagikgik.

“Daya amp.” sabi ko dito at lalo naman itong humagikgik.

Hindi ko alam kung ano tong meron kami ni Edison. We kiss, we fuck and we exchange sweet endearments pero alam naming wala pa kaming commitment sa isa't isa. Siguro ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa. Nandito siya para makalimot at sumasama ako sa kaniya dahil masarap sa pakiramdam ang andyan siya, di ko maintindihan pero feeling ko secured na secured ako sa tabi niya, feeling ko tamang tama ang mga halik niya, sapat lang ang mga yakap niya at napapamahal sakin ang kilos niya, the exact same feeling na noon ko pa hinahanap pero di ko nakita kay Pat.

“Malamang wala ka lagi sa tabi niya eh.” sabi ng utak ko

Naalala kong hindi nga lang pala si Pat ang may problema kaya hindi naging maayos ang aming relasyon, meron din pala akong mga kasalanan, kasalanan na kung sana ay di ko ginawa malamang napatunayan din sakin ni Pat na kaya pwede rin akong maging secured sa piling niya, na tamang tama lang din ang halik niya, na sapat lang din ang yakap niya at kaya ko din mapamahal sakin ang kilos niya. Pero hindi mas pinili ko ang trabaho ko.

“Wag mo ding kalimutan ang pagiging insecure mo sa bestfriend niya.” paalala nanaman ng utak ko. Tama ito, isa pa sigurong dahilan kung bakit hindi ko nararamdaman kay Pat ang nararamdaman ko kay Edison ay dahil nabulag din ako sa insecurity ko kay Eric.

“Blue!” sigaw ni Edison sa aking tabi. Tinignan ko ito.

“Sana sayo nalang ako na inlove.” wala sa isip kong bulong dito.

“Sus, akala ko naman kung bakit ka biglang nalungkot. Halika nga dito.” akbay nito sakin at lalo akong idinikit sa kaniya.

“Malay mo pagkatapos nito, pagkatapos mong matanggap ang sainyo ni Pat, malay mo may chance na maging tayo.” bulong nito sakin. Kahit mainit sa paligid ay parang angsarap sa pakiramdam ang init na pinapakawalan ng katawan ni Edison kaya kung maari ko pang isiksik ang sarili ko sa kaniya ay ginawa ko na.

“Sana laging ganito.” sabi ko, tumungo si Edison at tinignan ako nakapako ang aking tingin sa lumulubog na araw, ang ganda nitong tignan lalo na nung naging parang salamin na ang dagat. Inabot ni Edison ang aking kamay at hinawakan iyon.

“Sana nga.” sabi ni Edison, napa tunghay ako, nagtama ang aming mga tingin, kitang kita ko ang sinseridad sa mga iyon.

“Bakit ka ganyan ka gwapo?” wala sa isip kong tanong dito. Napahagikgik lang ito, isiniksik ko pa lalo ang aking ulo sa kaniyang balikat at leeg, nararamdaman ko ang bawat paglunok nito.

“Blue.” sabi ulit ni Edison.

“I think I'm going to win this game.” habol nito, ipinikit ko ang aking mga mata.

“Then win it.” sabi ko dito at ninamnam ko ang pagdidikit ng aming mga katawan.

Naramdaman kong biglang nagbuntong hininga si Edison, pero di ko ito pinansin. Mayamaya pa ay pilit ako nitong itinunghay at tinignan ako ng deretso sa mga mata, dun ko napansing may nagiba na sa kaniyang mga mata, may halo na ng pangamba at pagkainis.

“Dito lang ako.” bulong nito saka sumenyas na tumingin ako sa harapan namin sa harapan namin ngayon ay ang aking ex-boyfriend na si Pat, ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang expression ng mukha ni Edison.

“Pwede ka bang makausap ng saglit?” tanong sakin ni Pat, malungkot ang mga mata nito at miya mo nangungusap. Tinignan ko si Edison, tumango lang ito.

“Dito lang ako.” bulong ulit nito.

Inaya ako ni Pat na lumayo ng konti sa pwesto ni Edison, di ko ito matignan ng diretso hanggang sa iniangat na niya ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang kamay. Nagtama ang aming mga mata.

“Miss na kita. Balik ka na sakin, please.” sabi ni Pat, nakikita kong nangingilid na ang mga luha nito.

“I promise to fix things between us. We will make this work, balik ka na please.” bulong nito, tumingin ako sa kinaroroonan ni Edison, tumango ito sakin na parang sinasabi na pumayag ako sa gusto ni Pat, na parang alam na niya kung anong nangyayari kahit pa malayo kami sa kaniya.

Niyakap ako ni Pat ng mahigpit, nararamdaman ko nang namumuo ang luha sa aking magkabilang mata. Nararamdaman ko ang paghikbi ni Pat habang sinasabi ang salitang “Please.” sa bawat hikbi. Naramdaman ko naring tumutulo ang luha nito sa aking balat.

Muli kong tinapunan ng tingin ang pwesto ni Edison, pero wala na siya doon.

Itutuloy...

[07]
Hindi na ako nakabalik sa hotel room ni Edison nung gabing yun, madami kaming napagusapan ni Pat at napagkasunduan tungkol sa magiging set up namin pagkatapos ng bakasyon na ito. Alam kong hindi na maibabalik yung dati naming pagsasama at sinabi ko sa kaniya yon, pero hindi niya daw ako papakawalan.

“Kung kailangang suyuin ulit kita, gagawin ko.” sabi ni Pat ng hindi ako umimik nung tanungin ako nito tungkol sa aming status.

“Kung kailangan kong magsakripisyo, gagawin ko, wag ka lang mawala sakin.” habol pa nito.

“Bakit?” matipid kong tanong dito.

“Anong bakit? Syempre dahil mahal kita at ayaw kitang mawala sakin.” sabi nito sabay ngiti.

“Pano si Eric?” tanong ko dito, bahagya siyang natigilan, marahil ay di niya akalain na tatanungin ko ito sa kaniya.

“Magkaibigan lang kami ni Eric, hanggang dun lang yun.” sabi nito sakin sabay tungo, dapat sa puntong ito ay naglululundag na ako sa tuwa dahil ikinakatutwa na ni Pat si Eric, pero hindi, para bang may parte ako na hindi kumbinsido sa sinasabi niya.

“Pero taliwas sa sinabi mo ang naabutan kong tagpo nung sumunod ako sainyo dito sa Boracay.” sabi ko sa kaniya, iniintay ko ang kaniyang reaksyon, napansin kong na-tense ang kaniyang buong katawan sa sinabi kong yun. Alam ko ilang minuto nalang lilipad na ang kamao nito sa mukha ko.

“Promise, di ko na uulitin iyon.” matipid na sabi nito sabay yuko.

“It's easier said than done.” sabi ko dito saka tumalikod at lalakad na sana palayo nang bigla ako nitong yakapin.

Agad agad akong bumangon mula sa tabi ni Pat, naisipan kong balikan si Edison sa kaniyang hotel room nang biglang bumalikwas si Pat sa kaniyang pagkakahiga at nagpunta sa kusina at nagluto ng agahan, ayaw ko naman itong bastusin kaya't napakain narin ako ng inihanda nito.

“Babalik lang ako sa hotel room ni Edison.” paalam ko kay Pat. Natigilan ito sa ginagawang paghuhugas ng pinggan.

“Sino ba ang Edison na iyon?” tiim bagang na tanong sakin ni Pat, di na ako sumagot at nagtuloytuloy ng lumabas.

Habang naglalakad ako sa dalampasigan papunta sa hotel ni Edison ay hindi ko mapigilang mapaisip sa huling tanong sakin ni Pat.

“Sino nga ba sakin si Edison?” tanong ko sa sarili ko.

“Dito lang naman kami nagkakilala, hindi naman kami close noon, dito lang kami naghalikan dahil sa isang laro. Pero nag sex din kami, palagay ang loob ko sa kaniya...” agad kong inalog ang aking ulo para matigilan ko narin ang sarili sa pagiisip ng tungkol kay Edison.

“Pero di ko rin maikakaila that something about Edison makes me feel right, makes me feel complete.” sabi ko sa sarili ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ni Edison ay walang tao doon.

“Baka nasa beach.” sabi ko sa sarili ko. Pero nung inayos ko na ang aking gamit ay napansin kong wala na doon ang gamit ni Edison. Agad agad akong nagpunta sa receptionist sa may lobby ng hotel at tinanong doon kung naka check-in pa si Edison.

“Ay naku Sir, you just missed him. Mga ten minutes lang siguro ang pagitan niyo. Siya nga pala ito po pinabibigay niya sainyo.” at inabot nito sakin ang isang sulat.

Jake,

Thanks for the company.

Edison

Itinalikod ko ang sulat at umaasa na may nakasulat pa doon pero yun lang talaga eh. Wala nang iba pang nasasaad doon, agad akong humarap sa receptionist.

“Excuse me, yun lang ba ang pinaaabot sakin?” tanong ko dito.

“Ay, opo sir, yun lang.” at dahil sa sinabi niyang yun ay bagsak baikat akong bumalik sa kwarto ni Edison.

Agad kong ibinagsak ang aking sarili sa kama nang makabalik na ako sa kwarto.

“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ngayong wala na si Edison, ngayon umalis na si Edison... ewan ko parang... parang kulang.” sabi ko sa sarili ko. kinuwa ko ang isang unan at dumantay dito.

Iniyukyok ko ang sarili ko sa niyayakap kong unan, ibang iba ito sa tuwing niyuyukyok ko ang sarili ko kay Edison. Iminulat ko ulit ang aking mata at napansin ang isang bagay sa side table. Inabot ko ito.

“Bakit mo naman iniwan si Marty dito.” sabi ko sa sarili ko, wala sa isip na ang taong kinakausap ko ay wala na sa kwartong iyon. Inikot ko ang laruan at nakitang may nakasulat sa likod nito.

“Smile.”

At hindi nagtagal ay napangiti nga ako, agad kong inilagay ang maliit na laruan sa aking bulsa.

“Ikaw muna kasama ko Marty ha? Iniwan kasi ako ng amo mong isip bata.” wala sa sarili kong sabi dito.

0000ooo0000

Magkasabay kaming umuwi ni Pat sa Maynila, alam kong sinusubukan ni Pat na maangkin ulit ang loob ko, na-a-appreciate ko naman ito, kaso minsan parang pilit na hindi mawari. Alam ko ring minsan kahit na sabihin mong natutuwa ako sa panunuyo niya ulit ay alam kong may kulang. May hindi tama. Inilabas ko ang maliit na teddy bear sa aking bulsa.

“Huy ano ka ba!”

“Anong magagawa ko kung nasusuka ako eh.”

Bigla kong naalala ang tagpong yun nung papunta kami ni Edison sa Boracay. Ngayong pauwi na ako ay wala na akong malapad na likod na hahagudin at bibigyan ng plastik para sukahan nito. Bigla kong namiss si Edison. Tinitigan ko ang teddy bear at nagbuntong hininga, iginalaw galaw ko ang mga kamay nito at paa.

“San galing yan?” takang tanong ni Pat.

“Ah, eh.. sa souvenir store.” palusot ko dito, mukhang nakumbinse ko naman ito at dina muli pang nagtanong.

0000ooo0000

Narinig ko na ang announcement na kailangan na naming ilagay ang aming mga belt dahil magte-take off na ang eroplano, tumingin ako kay Pat at tutulungan sana ito nang makita kong naisuot na niya ang kaniyang seat belt. Muling sumagi sa isip ko si Edison at yung tagpong tutulungan ko itong maisuot ang kaniyang seatbelt.

“Crush mo ba ako?”

“Ahhh, o di sige pababayaan ko na lang na hindi ka nakabelt para pagland nito ay tumilapon ka na nang mabura yang putang kayabang mong ngiti sa mukha.”

“Eto naman, joke lang.”

“Ayan na oh, i-tuloy mo na.”

“Ay! Baldado ka na?!”

Lihim akong napangiti at inabot ulit si Marty mula sa aking bulsa, itinalikod ko ito at trinace ng aking hintuturo ang salitang nakasulat ng pentelpen sa likod nito.

“Bakit kita namimiss ng ganito Edison?” tanong ko sa sarili ko.

0000ooo0000

Nang makabalik kami sa aming inuupahang bahay ni Pat ay di na ito nagaksaya ng panahon na suyuin ako, sa sobrang panunuyo ay minsan ay nasasakal nadin ako.

“Pat, balik lang ako sa office, kukuwanin ko yung mga naiwan kong gamit.” paalam ko dito.

“Gusto mo samahan kita?” tanong nito sakin, di na ako nakatanggi.

Kung ano ano ang kinukwento ni Pat sakin habang nasa sasakyan kami papunta sa aking dating opisina, di ko maintindihan ang sarili ko, noon parang hayok na hayok akong makipag usap kay Pat, pero ngayon parang wala na lang itong sense kausap. Dati papatay ako ng tao, makasama lang ito sa loob ng isang buong oras, pero ngayong magkasama na kami, parang sawang sawa naman na ako sa kaniya.

“Anong floor ka nga ulit?” tanong nito sakin nang makasakay na kami ng elevator.

“32nd floor.” sabi ko dito, inabot niya ang numero sa dingding ng elevator at marahang pinindot ito. Inakbayan ako ni Pat at hinalikan ako bigla sa pisngi.

“Para saan yun?” tanong ko dito.

“Wala, di ko lang akalain na magre-resign ka dahil sakin.” mahanging sabi nito habang nakangiti.

“Di ko rin akalain, di mo lang alam nagsisisi na ako ngayon.” bulong ko.

“2nd.”

Tulad ng nakasanayan ko noon nung doon pa ako sa building na yun nagtatarnaho, sa tuwing sasakay ako ng elevator ay pinapanood ko ang mga numero sa ibabaw ng pinto. Naalala ko bigla yung panahong na stuck kami dito ni Edison. Kating kati ako noon na makatabi agad si Pat lalong lalo na at kare-resign ko lang nun sa trabaho na siya namang akala ko na sagot sa problema namin ni Pat.

Pero ngayong katabi ko na ngayon si Pat ay parang hindi naman siya ang gusto kong makatabi, hindi naman siya ang gusto kong makasama, mahalikan, mayakap at maski makausap.

Naramdaman kong lalong humigpit ang akbay sakin ni Pat pero marahan akong lumayo dito.

0000ooo0000

“Goodafternoon Trish, kuwanin ko lang yung mga gamit ko.” paalam ko sa receptionist namin.

“Ok po.” sabi nito sakin sabay ngiti.

“Yes, Sir Edison.” sabi ng aming receptionist, napatalikod ako bigla, di maintindihan ang sayang nararamdaman sa pagkakarinig ng pangalan na iyon at sa naisip na magkikita kami ulit ni Edison.

Pero laking pagkadismaya ko ng malamang wala pala doon si Edison.

“May problema ba?” tanong sakin ni Pat. Marahil napansin niya ang biglang pagpalit ng reaksyon sa aking mukha. Tumango lang ako.

“Upo ka muna diyan, Pat, kuwanin ko lang ang mga gamit ko sa cubicle ko.” sabi ko dito at ng hindi na ito nakatingin sakin ay agad na akong naglakad patungo sa mga cubicle. Napansin kong parito't paroon ang mga supervisor at head ng bawat department at parang balisa sila lahat.

“Tammy.” tawag ko sa aking kaibigan sa kabilang cubicle.

“Oi, Papa Jake!” sigaw nito, ngumiti lang ako.

“Anong balita dito?” tanong ko dito.

“Ayun, nagkakagulo ang mga big boss. Di pa kasi nabalik from Bora si Sir Edison eh andaming iniwanang trabaho. Ayun.” sabi niya sabay binalik ang pansin sa computer. Natigilan naman ako sa sinabi nito.

“Dipa bumabalik si Edison?” tanong ko sa sarili ko. Bigla akong kinabahan at nagalala.

“Baka ano na nangyari dun sa damulag na iyon.” sabi ko sa sarili ko at naalala na hindi nga pala kaya nun na magisa.

“Bakit ako nagaalala ng ganito kay Edison?” tanong ko sa sarili ko sabay nito ay may naramdaman akong kakaiba.

Itutuloy...

[Finale]
Maganda ang kinalabasan ng aming pagbabalikan ni Pat, dahil narin siguro wala na akong trabaho kaya may oras na ako para sa kaniya. Sa part naman niya ay halos oras oras akong in-u-update nito sa kaniyang ginagawa sa trabaho, pati narin sa ginagawa niya sa labas ng opisina, nagpaalam narin ito tuwing makikipagkita sa kaniyang mga kaibigan at sa tuwing kasama niya si Eric.

Masaya ako, pero nararamdaman ko at nararamdaman narin paminsanminsan ni Pat na may nagbago, kaya naman madalas akong tanungin nito ukol dito.

“May problema ba tayo, Jake?” nung minsang nahuli niya akong tahimik lang, dahil iniisip ko kung anong nangyari kay Edison sa Boracay nung bigla na lang ito umalis.

“Ha? Ah eh, wala may naalala lang.” sagot ko dito.

Lumapit ito sakin, halatang hindi kumbinsido at ng makaharap na ako nito ay tumitig ito sa aking mga mata at siguro nang wala itong makitang sagot duon ay niyakap na lang ako nito.

“Basta kung may problema, wag mong itatago sakin ah?” sabi nito sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

Hindi nga kami nagaaway na ni Pat pero hinihiling ko na sana nagaaway na lang kami, kesa yung ganito na nagpapakiramdaman lang kami, mas gusto ko yung sinisigawan niya ako dahil naghihinala siya, kesa yung ganito, kahit pala naging mabait sakin itong si Pat, nakakasakal parin pala.

Sa loob ng ilang araw ay di ako mapakali at hindi mapigilan ang mapaisip kung ano nga ang nangyari kay Edison. Sinubukan kong tawagan ang dati kong opisina at nagtanong tanong doon.

“Hello Trish, napasok na ba si Sir Edison?” tanong ko dito.

“Oo, kababalik niya lang. Bakit?” tanong nito sakin.

“Ah wala lang kasi nakita ko siya dito malapit samin...” palusot ko.

“Ay nako, Oo, malungkutin na siya ngayon, wala na nga halos pakielam sa paligid eh. Baka may problema.” pagtutuloy ni Trish, tama ang desisyon kong ito ang tawagan, dahil alam kong may latest chismis ito.

“Bulong bulungan, may nangyari daw sa Boracay.” pagtutuloy pa nito.

“Ah ganun ba? O sige sige salamat ah.” sabi ko dito.

“Teka, bakit mo nga pala...?” pero di ko na ito pinatapos pa at binabaan ko na ito ng telepono.

“Ano nga kayang nangyari sa Boracay?” tanong ko sa sarili ko at biglang sumagi sa isip ko ang nangyari saming dalawa.

“Hindi naman siguro yun.” sabi ko sa sarili ko. Tapos ay napatingin ako sa isang picture ni Pat at sinabi sa sariling...

“Si Pat ang mahal ko. Edison is just a summer fling.” pangungumbinse ko sa sarili ko pero imbis na malinawan ako ay parang lalo pa akong naguluhan.

“Arrrghhhh!” sigaw ko sa sobrang pagka frustrate.

0000ooo0000

“Oh bakit?” biglang sulpot ni Pat sa may pinto ng kwarto namin.

“Ah, wala nakakita lang ako ng flying ipis.” palusot ko naman.

“Asan na?” tanong nito.

“Ah eh lumipad na palabas ng bintana.”

“Ah, mabuti naman. Oo nga pala, ok lang ba na dito kumain si Eric? Gusto ka daw niyang makausap eh.” sabi nito sakin na medyo may pagaalangan. Tinignan ko ito, di naman makatingin ng daretso sakin si Pat.

“Ikaw ang bahala.” sagot ko dito. Iniangat nito ang tingin sakin at nang makitang hindi ako nakangiti...

“Kung di ka pa ready na kausapin siya, ok lang sakin na next time na lang, sasabihan ko na lang siya.” nagaalangan paring sabi nito sakin.

“Sabi ko nga diba? Ikaw na ang bahala. Lalabas lang ako at magpapahangin.” sabi ko dito sabay lakad palabas ng apartment.

“Sorry if I have to rub it in, gusto ko lang na magkabati kayo.” sabi nito sakin pero di na ako nagsalita pa.

0000ooo0000

Parang walang nangyari kung umasta si Eric sa harapan ng hapagkainan namin sa apartment na pinagsasaluhan namin ni Pat. Nakukuwa pa nga nitong mag-joke at si Pat naman ay di magkamayaw sa pagtawa sa mga naririnig mula sa kaniyang bestfriend. Ako naman ay ngumingiti lang atsaka babalik nadin sa pagkain.

“Salad?” alok ko kay Eric at inabot pa dito ang isang bowl ng salad pero tumingin lang ito sakin at pagkatapos ay tumingin kay Pat.

“Allergic kasi si Eric sa hipon, Hon.” sabi ni Pat sakin. Natigilan naman ako at parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko.

“Madami talagang alam si Pat kay Eric at sigurado akong ganun din si Eric kay Pat.” bulong ko sa sarili ko at ibinaba na ang bowl ng salad sa aking tabi.

“Ah ganun ba? Sorry to hear that.” sabi ko sabay inom sa aking Icedtea.

“Allergic din yan sa chicken at gravy. Ewan ko ba dyan bakit ganyan na lang yan sa mga masasarap na pagkain.” sabi pa ni Pat. Ngayon hindi lang kutsilyo at tinarak sa aking dibdib, parang niratrat pa ito ng M16, pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.

“Ah eh pero, I'm sure masarap yan.” sabi ni Eric. Pampalubag loob na lang siguro.

“Yup masarap, pity di ka pwedeng tumikim, we wouldn't want you to have an anaphylactic shock in front of your bestfriend, wouldn't we?” sabi ko dito saka ngumiti na parang sarkastiko, muntikan namang masamid si Pat.

Iniligpit ko na ang aming pinagkainan at nakita kong sumunod si Eric sakin, tinulungan ako nitong iligpit ang mga baso.

“Look, Jake, I'm sorry, pero masyado ka ng nagseselos. Sa sobrang pagseselos, parehas na naming nakikita ni Pat na hindi na siya healthy for you.” natigilan ako at parang nagpintig ang aking tenga sa narinig na yun.

“Thanks for the concern, pero kahit sino namang matinong boyfriend kung dalawang beses na nilang nahuhuli ang boyfriend nilang nakikipagsex sa bestfriend nito ay eventually magiging paranoid din diba?” sabi ko dito. Napatigil naman ito.

“Please, Jake, hear me out. Ayaw ko lang na pagbabawalan mo si Pat na nakikipagkita sakin, were friends since college at hindi namin kaya na malayo kami sa isa't isa.” sabi nito.

“Hindi ko kayo pinagbabawalan, Eric.” sabi ko dito, muli itong natahimik.

“Kaya sana sa susunod na maisipan niyo ni Pat na maglaro ng baga habang wala ako, utang na loob. Maglock naman kayo ng pinto o kaya naman ay magbihis muna kayo bago niyo sagutin ang pinto pag may kumatok. Isang beses kayong mahuli, naiintindihan ko pa pero yung dalawang beses na? Katangahan na ang tawag dun.” nanginginig ko ng sabi dito.

“Anyway, Tungkol dun sa sinasabi mong magbestfriend kayo since college? You would want to restate that instead na ganun ang sabihin mo why won't you say na we've been INLOVE since college, baka maintindihan ko pa.” sabi ko dito sabay pinandidilatan na ng mata. Tumalikod na ito at agad agad na nagpaalam kay Pat.

“Ano nangyari dun?” tanong nito sakin.

“Iminulat ko lang ang mga mata niya.” sabi ko dito atsaka pumasok na sa loob ng kwarto ko.

“Jake please, can we talk?” tanong sakin ni Pat sa labas ng pinto ng kwarto namin, pero masyado na akong nasaktan sa gabing iyon kaya di ko na ito pinansin at natulog na lang.

0000ooo0000

Idinilat ko ang aking mata at pilit na inalala ang nangyari kinagabihan, inaway ko nanaman si Pat, siguro dahil napapagod narin ako na maramdamang ako lang ang pumapagitna sa pagmamahalan nila, napapagod narin kasi siguro akong ipaglaban pa yung karapatan ko as boyfriend niya.

Biglang may kumatok sa aking pinto at humiga ulit ako, nagkunwaring natutulog. Naramdaman kong umupo si Pat sa bakanteng bahagi ng aking hinihigaan, hinaplos nito ang aking mukha saka hinagod ang aking buhok. Ramdam kong malungkot ito.

“I Love You.” bulong nito at nagbuntong hininga sabay halik sa aking noo. Para namang kinurot ang aking puso. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

“Goodmorning!” bati nito sakin, halatang binawi lamang ng ngiting iyon ang lungkot sa mukha niya.

“Morning.” malamig ko paring sabi dito. Yumakap ito sakin.

“I made you breakfast.” sabi nito sakin, alam ko na ang ginagawa nito, bumabawi ito sakin.

0000ooo0000

Para akong bato, di ko alam pero parang unti unti nang nagsasara ang aking puso para kay Pat. Alam ko naman na kasi ito dati pa, alam kong mahal nila ni Eric ang isa't isa, di niya lang ito maamin sa sarili niya at ayaw ko lang siyang pakawalan.

Tuloy tuloy lang sa pagkwento si Pat at unti unti ng bumabalik ang sigla nito, pinilit kong ngumiti, pinilit ko ang sarili ko na i-display ang taliwas na emosyon na nararamdaman ko. pinilit kong magpakasaya.

“Nuod tayo sine?” tanong nito sakin, habang namimili kami ng damit sa isang botique. Tinitignan ko ang suot ng manequin na nakadisplay sa window nang makita ko si Edison sa labas nito, nakatitig sakin at binigyan ako ng isang ngiti. Agad naman akong gumalaw ng biglang umakbay sakin si Pat na ikinatumba naman ng manequin.

“Huy! sabi ko nuod tayo ng sine.” ulit nito habang natatawang itinatayo ang manequin na naitumba ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa pwesto ni Edison pero wala na siya doon.

“Ano gusto mong panoorin?” tanong nito sakin habang bumibili kami ng popcorn.

“Ikaw bahala.” sabi ko, tumingin ito sakin at bahagyang kumunot ang noo sabay nagbuntong hininga.

“Pat! Jake!” sigaw ng isang pamilyar na boses na ikinairap ko naman.

“Oh. E-eric. Ano ginagawa mo dito?” tanong naman ni Pat, kunwaring tinignan ko ang cellphone ko at nagtext.

“Ah yung officemate ko kasi inaya akong manood ng sine. Kayo? Manonood din ba kayo? Anong papanoodin niyo?” sunod sunod na tanong nito na lalo kong ikinainis.

“Wala pa nga eh.” Sabi naman ni Pat.

“Gusto niyo sumama na kayo samin?” alok nito.

“Eric?” tawag ng isang lalaki kay Eric, nagulat kami pareho ni Pat, nakita ko ang talim sa mga mata ni Pat na miya mo nagseselos sa lalaking nakaakbay na ngayon kay Eric.

“Nga pala si Mike.” pakilala ni Eric sa aming tatlo. Inabot ni Mike ang kamay ko at tinanggap ko yun at inabot naman nito ang kamay ni Pat pero binalewala lang iyon ni Pat. Matagal kaming nanahimik na apat.

“Ano nangyari kay Tim?” basag ni Pat sa katahimikan. Matalim parin ang mga mata nito. Halatang di kumportable na may kasamang ibang lalaki si Eric.

“Pat, una na ako.” paalam ko dito.

“Ha?! San ka pupunta?!” tanong nito sakin at nagsisimula ng tumulo ang aking mga luha. Natigilan siya.

“Hanggang kailan mo ipapamukha to sakin? Hanggang kailan ako magtatanga tangahan?” tanong ko dito, napayuko ito.

“Si Eric ang mahal mo, ramdam ko, alam ko ring nagseselos ka ngayon kay Mike. Wag mo na akong gawing tanga, ilang beses mo na ding pinamukha sakin yon. Ayoko na.” sabi ko dito at tumalikod na ako pero pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

“Tama na, please.” sabi ko dito at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Pinakawalan ako nito at napayuko na lang. Agad agad akong umakyat ng escalator, babalikan ko na ang sasakyan ko sa level parking, kamalasmalasan namang asa 6th floor pa ito ng Robinsons Ermita.

Habang dahandahang umaakyat ang aking tinutungtungang escalator ay dahandahan ko ring nare-realize na tama ang aking ginawa. Masakit pero kailangan nang putulin. Di ko na kaya pang maging martyr. Itinunghay ko ang aking tingin at nakitang may mamang nakatayo sa dulo ng escalator na sinasakyan ko.

“Edison?” tanong ko sa sarili ko. Nakaamerikana pa ito, gwapong gwapo sa tindig niyang iyon. Nakangiti ito at nang makita ko iyong mga ngiting iyon ay parang gumaang ang aking pakiramdam. Tumigil na sa pagtulo ang aking mga luha. Nang makarating na ako sa dulo ng escalator ay agad ko itong niyakap. Wala akong pakielam sa mga nakatinging tao.

“Whoah! Anong problema?” tanong nito sakin habang isinisiksik ko ang sarili ko sa kaniyang yakap.

“Shhhh. Wag ka ng umiyak. Andito na ako.” at ginabayan ng kaniyang kamay ang aking mukha palapit sa kaniyang mukha.

At sa sinabi niyang yun, alam kong magiging ok na ako sa mga susunod na araw.

-wakas-

No comments:

Post a Comment