Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 2 (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Kinakabahan si Pat habang pinapanood ang reaksyon ng kaniyang bagong boss, blangko lang ang mukha nito habang minamata ang kaniyang mga drawing. Nagsisimula ng magkuyakoy si Pat at nagsisimula narin siyang mawalan ng kuntrol sa kaniyang kamay dahil nagsisimula na itong manginig. Narinig ni Pat na nagbuntong hininga ang may edad ng lalaki sa kaniyang harapan kaya naman agad niyang sinalubong ang mga mata nito.



Tila nabunutan ng tinik si Pat nang makita niyang lumatay ang ngiti sa mukha ng kaniyang bagong boss.



“I'm impressed. I might pull you out from being a temp. and make you a regular if you keep drawing like this.” nakangiting sabi ng boss sabay inabot ang kamay kay Pat para i-shake ito.


“Thank you.” nakangiti naring balik ni Pat.



Kaya nung araw na iyon ay umuwi sa bahay si Pat ng nakangiti.



0000ooo0000


“How's the first day, son?” tanong ni Lita sa anak habang nagluluto.


“It was great---!” at sinimulan ng ikuwento ni Pat ang nangyari sa bagong opisina at tinapos ito sa reaksyon ng kaniyang bagong boss at ang pahaging nitong sabi tungkol sa planong pagre-regularize sa kaniya.



Habang nagkukuwento si Pat ay nagagalak naman si Lita hindi dahil sa posibilidad na makuha si Pat bilang regular na empleyado kundi dahil napansin niyang bumalik na ang pagiging masiyahin at puno ng buhay ng anak. Mga bagay na nawala nang mag-palitan sila ng maaanghang na salita nung gabing umalis ito sa kanilang puder. Nagagalak siya na unti-unti nang nabubuo muli ang kaniyang pamilya.



“---I stink! Shower lang ako and magpapahinga saglit.” pagtatapos ni Pat sabay halik sa pisngi ng ina, ngumiti na lang si Lita at bago pa man makalayo si Pat ay niyakap niya ito.


“OK. I'll call you for mirienda.”


“Ayt!” masayang balik ni Pat.


0000ooo0000



Nakangiti paring nag-bihis at naglinis ng sarili si Pat, iniisip na nagsisimula ng umayos ang kaniyang buhay katulad nang kaniyang mga nakasiraang kaibigan na sila Jake at Eric, nagsisimula na muli siyang sumiya at makabawi sa lahat ng sakit. Pero ang ngiting iyon ay pansamantala lang, dahil agad iyong nabura nang makita niya si Liam na nasa kaniyang tree house, nakaupo at humihikbi. Mabilis na binuksan ni Pat ang kaniyang bintana at tinwag ang bata.



“Liam!” agad na nag-angat ng tingin ang bata at matamlay na kumaway kay Pat.


“Meet me at the door, yeah?” tanong ni Pat, hindi maitago ang pag-aalala, matamlay na tumango ang bata at bumaba na mula sa puno. Bagsak balikat itong naglakad papunta sa kanilang front door.



Mabilis na bumaba si Pat, ilang tagpo ang umandar sa kaniyang isip, hinuhulaan kung ano marahil ang nakasama sa loob ng bata para umiyak ulit ito ng ganon.



“MOM! I'll be at Liam's!” sigaw ni Pat hindi pa man nakakasagot si Lita ay mabilis nang tumakbo papunta sa mga kapitbahay si Pat.



0000ooo0000



“Hey buddy, what's wrong?” tanong ni Pat sabay luhod at niyakap ang maliit na bata na lalong humikbi sa kaniyang balikat.


“Daddy is always angry.” pabulong na sagot ng bata sa pagitan ng mga hikbi.


“He's just going through a tough time, buddy.” alo ulit ni Pat pero hindi parin tumigil ang paghikbi ng bata. Sa puntong iyon ay biglang may kumalabog sa hindi kalayuan. Nang tignan iyon ni Pat ay nagulat siya nang biglang bumulaga ang si manang na umiiyak.


“Liam, why don't you go to the tree house and play for a bit, I'll be there in a minute. Kausapin ko lang si manang.” humihikbing tumango si Liam at naglakad papunta sa gwi ng tree house.


“Manang, anong nangyari?” tanong ni Pat sa matanda habang tinutulungan ito sa isang malaking maleta na nagsabog ang laman.


“Hay nako, ayoko na dito. Aalis na ako!” humihikbing sagot ni Manag habang inaayos ang nagkalat niyang mga bra at panty.


“Ano ho bang nangyari?” tanong ulit ni Pat saka inalalayan si Manang na tumayo.


“Mas mabuti pa noong lagi siyang nasa ospital tapos si Ma'am Nina lang saka si Liam ang naiiwan dito, mas masaya kami, ngayong andito nga siya lagi para kay Liam madalas naman siyang sumigaw.” natameme naman sa sinabing ito ni Manang si Pat, iniisip niya tuloy kung siya ba ang dapat sisihin dahil sinabihan niya si Kyle na bigyan ng importansya ang anak at dahil narin malaki ang posibilidad na siya rin ang dahilan ng pag-alis ni Nina.


“---OK lang naman sakin na paliguan siya pero yung sisigawan niya ako dahil di ko makuskos ng maayos ang likuran niya at halos ipagtulakan niya ako palabas ng banyo ay ibang usapan na po iyon. Opo kasamabahay ang pusisyon ko sa bahay na ito pero wala siyang karapatan na ipagtulakan ako palabas ng isang kwarto sa tuwing tinutopak siya.” mahabang salaysay ni Manang na ikinagulat ni Pat.



Hindi niya pa lubusang kilala si Kyle pero hindi niya ito makitang naninigaw o kaya naman ay nanunulak. Sa tingin niya ay dahil sa mga splint nito sa kamay kaya masama ang mood nito.



“Manang, kung kakausapin ko ho ba si Kyle at kapag napakiusapan ko po na wag na kayong sigawan at ipagtulakan magste-stay ho ba kayo?” nagbabakasakaling tanong ni Pat, hindi niya kasi makuwang isipin kung pano na lang si Liam kung pati si Manang ay aalis na.


“Ay nako, pasensya na Sir Pat pero ayaw ko na talaga.” umiiling na sabi ni Manang sabay hila ng kaniyang maleta palabas ng bahay. Napabuntong hininga na lang si Pat.



0000ooo0000



“Kyle?” tawag ni Pat sa nakahigang si Kyle, wala itong damit pang-itaas, tanging maluwag na jogging pants lang ang suot nito na baligtad pa ang pagkakasuot. Alam ni Pat na mahihirapan ito maski sa simpleng pagbibihis sa sarili kaya agad nanaman siyang nakaramdam ng awa dito.


“Kyle.” gising ulit ni Pat dito sabay alog sa braso nito, nagulat si Pat nang bigalang hawakan ni Kyle ng mahigpit ang kaniyang kamay at umungol.


“Oh shit.” bulalas ni Pat sa sarili nang marinig ang ungol na iyon. Muli tila may nangiliti sa kaniya katulad nung isang araw nang subuan niya ito para kumain.


“Stop shaking me, nahihilo ako pag niyuyugyog yung kama.” sagot ni Kyle sabay upo at sandal sa headboard ng kama.


“I-I'm sorry.” nauutal na hingi ng tawad ni Pat. Nautal dahil nakita niya ang tayo-tayong buhok ni Kyle na lalong nagpa-cute dito, mamula-mulang mata na kinukusot ng de-splint niyang kaliwang kamay, ang five o'clock shadow nito na lalong dumagdag sa angking kagwapuhan nito at ang mabuhok na underarm nito na napapaligiran ng malabatong muscles.


“Double shit.” bulong ni Pat sa sarili sabay napalunok sa sariling laway.



0000ooo0000



Pinapanood ni Pat si Kyle habang inuulit niya ang napagusapan nila ni Manang. Nakakunot ang noo nito, tanda na malalim ang iniisip at nakanguso ito, tanda naman ng hindi pagsang-ayon sa pangangaral ni Pat pero sadya siyang walang magagawa kundi ang pakinggan ito.



“So who's going to feed you now? Who's going to bathe you? Kyle, hindi maganda yung ginawa mo kay Manang, you know how sensitive she is, hell I know that she's uber sensitive and I only know her for like five days, ikaw naman ilang taon mo na siyang kasama kaya't dapat alam mong hindi niya magugustuhan ang panunulak mo sa kaniya, itinuloy mo parin!”


“But she almost made a crater on my back using the loofa!” parang batang pangangatwiran ni Kyle na halos ikasira ng resolba ni Pat at muntik na niyang ikatawa. Bigla niyang naalala ang batang si Liam sa ginawang ito ni Kyle.


“Alam kong wala akong karapatang mangielam sa buhay niyong mag-ama---” simula ni Pat nang maisip niyang masyado na siyang nagiging intrimitido.


“---you think?---” sarkastikong singit ni Kyle sabay tinaas ang kilay na tila ba nagsasabing 'ngayon mo pa naisip na masyado ka nang nagingielam' na ikinairap naman ni Pat.


“---but I think you need a new nanny.” pagtatapos ni Pat na ikinailing naman ni Kyle.


“No. I don't trust them. I only trusted manang because she was recommended by my Mom before she passed away, pero kung hindi, malamang walang ibang tao na titira dito kundi kami lang ni Nina, Liam at ako.” pagmamatigas ni Kyle na ikinabuntong hininga naman ni Pat.


“Wow. I didn't know you can be very stubborn.” umiiling na sabi ni Pat pero sa kabilang banda ay ikinaaliw niya rin ito dahil naisip niya kung panong ganun din katigas ang ulo ni Liam paminsan-minsan.


“Daddy, Nana Lita is here. She's inviting us for dinner at their house.” nakayuko at natatakot na singit ni Liam sa may pinto. Tinignan ng masama ni Pat si Kyle na tila ba nagsasabing 'look what you did! You're scaring your own son!'


“Pakisabi na susunod na kami ni Pat, magbibihis lang ako.” nagaalalang sabi ni Kyle sa anak na agad namang lumapit at yumakap sa kaniya ng mahigpit.


“I'm sorry if I'm being a bad daddy lately, Liam. I promise I'll change.” bulong ni Kyle habang nakayakap ang anak habang si Pat naman ay nangingiti-ngiti sa tagpong kaniyang pinapanood.


“I love you, daddy.” balik ni Liam sabay talon palayo sa ama at patakbong binalikan si Lita sa baba.


“Good job!” pangiinis ni Pat kay Kyle na tuluyan ng ikinangiti ng huli. Hindi alam ni Kyle kung bakit pero mayroon sa pagkatao ni Pat na siyang nakakapagpawala ng kaniyang bad mood.


“Shut up and help me with my shirt.” nakangiti paring sabi ni Kyle. Agad namang kumabog ang dibdib ni Pat sa narinig pero dinampot niya parin ang isang t-shirt sa hindi kalayuan at isinuot ito kay Kyle, nang mai-ayos na ni Pat ang t-shirt ay saglit na nagtama ang tingin nila ni Kyle na lalong nakapagpakabog sa kaniyang dibdib. Hindi nagtagal ay ngumiti lang si Kyle at isinuot na ang kaniyang flipflops na siyang gumising kay Pat mula sa muntik nang pananaginip.



0000ooo0000



“Sooo--- Kyle is a good looking fella, have you done it with him yet?” nakangising tanong ni Louie sa anak habang iniintay mahainan ang lamesa. Agad na tumingin si Pat sa gawi ng mag-ama at nang masigurong malayo ito upang marinig ang kanilang paguusap ay muli na siyang humarap sa ama.


“What the---?! Dad, he's straight! He has a son for gadsakes!” naeeskandalong balik ni Pat na ikinahagikgik ng ama.


“Kain na!” sigaw ni Lita na kumuwa sa atensyon ng lahat.


“So what are you two talking about earlier?” tanong ni Lita sa kaniyang mag-ama habang umuupo naman si Liam at Kyle sa kabilang banda ng lamesa. Tinapunan ng naniningkit na tingin ni Pat si Louie saka nagpatuloy sa pagsagot.


“Oh, that Kyle needs a new nanny.” sagot ni Pat na ikinasamid ni Kyle sa sariling laway sabay bato ng nakamamatay na tingin kay Pat.


“What happened with manang?” tanong ni Lita habang sumusubo ng pagkain.


“She left after Kyle pushe---”


“We had a little misunderstanding so I had to let her go.” singit ni Kyle sabay bato ulit ng nakamamatay na tingin kay Pat na ikinahagok naman ni Pat.


“Yeah right.” bulong ni Pat.


“Well, I can help you look for a new one.” alok ni Lita na magalang naman na tinanggihan ni Kyle.


“I want to take you on that offer, Lita but there's something about strangers looking after my kid that gives me a very unsettling feeling.” sagot ni Kyle matapos siyang subuan ng kanin ni Liam na ikinangiti ng bawat isang nandun sa hapagkainan na iyon.


“I know what you mean. No one is to be trusted with kids right now.” umiiling na sabi ni Lita.


“Why don't you ask Pat to help you with Liam? I'm sure he can also be of assistance to you while your fingers are in those splints. He can feed you and even bathe you. Liam wouldn't always be there, you know.” singit ni Louie na sabay na ikinasamid ni Pat at Kyle, ikinahagikgik ni Liam na siyang inabot ang kamay para bigyan ng high five si Louie at ikinataka naman ni Lita.



Saglit na iginala ni Lita ang kaniyang tingin sa apat na lalaking kasama niya sa hapagkainan na iyon. Nagtagal ang kaniyang tingin sa asawa na nuon ay ipinababalik-balik ang tingin kay Pat na namumula, kay Kyle na hindi naman mapakali at namumutla sa hiya at kay Liam na nagtataas at baba ng kilay na miya mo mayroon silang agreement ni Louie. Napailing siya ng makuha ang pinaplano ng asawa pero hindi naman siya tutol dito kaya't agad niya itong sinakyan.


“I think that's a wonderful idea!” sakay ni Lita sabay arteng ipinalakpak ang kamay na miya mo isang napakahusay na imbensyon ang naisip ng kaniyang asawa. Tinignan ni Louie ang kaniyang asawa na nagbigay ng makahulugang kindat sa kaniya. Muling napahagikgik ang matandang lalaki habang inaabot ang kamay ng asawa at pinisil iyon.



0000ooo0000



“How do you want to do this?” pabulong na tanong ni Kyle para sana sila lang dalawa ni Pat ang makakarinig nito gayung abala sa paguusap si Louie at Lita at si Liam naman ay abala rin sa paghahati ng kaniyang hotdog. Napansin niyang tumigil sa paguusap si Lita at Louie at tumingin sa gawi ni Kyle at si Liam naman ay tumigil din sa paghahati ng kaniyang hotdog at masuyong tumingin sa kaniyang ama at ipinaling ang kaniyang ulo pakaliwa.


“I-I m-mean you can't keep hopping from this house to ours and uhmmm I- I think I need you more than several hours a day--- kung magpapabalik balik ka baka mahassle ka lang---” kinakabahan nang pagtatapos ni Kyle habang maingat siyang minamata ng mga kasalo niya sa pagkain. Sasagot na sana si Pat na hindi naman niya kailangang sa bahay nila Kyle matulog nang sumingit nanaman ang kaniyang mga magulang sa usapan.


“Oh he can stay at your house if it's OK with you. I'm sure you need him all the time with you---”


“Actually hindi naman po---” singit sana ni Kyle pero parang hindi siya narinig ni Louie.


“The firm haven't given him extra projects yet so I'm sure he can take care of you and Liam while you're on those splints or while you are looking for manang's replacement.” pagtatapos ni Louie na ikinangisi naman ni Lita, ang tono kasi ng boses ni Louie ay tila ba nagsasabi na 'this is not for further discussion!'


“Dad---” parang batang simulang pagtanggi ni Pat pero agad din siyang napatigil nang maisip niyang wala pala siyang maidudugtong pa sa sinimulan niyang sabihin.


“What?” tanong ni Louie.


“What?” balik tanong ni Pat.


“You said 'dad'. Are you going to say something or are you just whining?” nakangising tanong ni Louie, namula naman ang pisngi ni Pat sa hiya habang si Kyle ay hindi alam kung tatawa o maaaliw dahil tila nakikita niya ang sarili sa puwesto ni Louie at si Liam sa puwesto ni Pat ten years from now. Gumising sa pagiisip na iyon si Kyle nang makita niyang umiling bilang sagot si Pat.


“So it's settled then.” nakangisi na ulit na pagtatapos ni Louie sa diskusyunan.


“Dad---” simula ulit ni Pat.


“Seriously, Pat, you should stop doing that, you're starting to sound like a four year old whining kid.” sabi ni Louie sabay tingin kay Liam na pumaling sa kaliwa ang ulo pagkasabi niya nito.


“Sorry, buddy.” sabi ulit ni Louie sa bata sabay ngiti.


“It's just--- how about my clothes and stuff?” palusot ni Pat akala niya ay naisahan na niya ang kaniyang ama pero agad ding natunaw ang kaniyang resolba nang makita niyang lalong lumaki ang ngisi sa mukha ng kaniyang ama.


“Psh! You haven't even unpacked your things from your last move yet.” balik naman ni Louie sabay hagikgik.


“Triple shit!” sabi ni Pat sa kaniyang sarili. Hindi niya lubos maisip kung paano niya pipigilan ang attraction niya kay Kyle gayong sa iisang bahay sila titira, pano niya pipigilan ang sarili sa mga makamundong gawain gayong siya ang magpapakain, magpapaligo at marami pang iba sa lalaking halos isa ng modelo o artista ang tindig.



Itutuloy...


[07]
Maligalig na hinihila ni Liam si Pat paakyat sa pangalawang palapag ng bahay nila, sabik na sabik ipakita sa kaniyang kaibigan ang magiging kwarto nito sa kanilang bahay. Hindi parin mapakali si Pat, pakiramdam niya ay malaking pagkakamali ang pagtira niya pansamantala sa bahay nila Kyle pero hindi rin nun mai-alis kay Pat ang pagka excite.

“This is my room.” sabi ni Liam sabay chest out na miya mo proud na proud sa kaniyang kuwarto. Napangiti at napailing na lang si Pat, imbis kasi ang guest room ang una nitong pinakita ay mas pinili pa nitong ipagmalaki ang kaniyang kwarto.


“I'll show you my sketch pad!” excited na sigaw ni Liam sabay hila kay Pat at tulak sa maliit na kama nito. Saglit na pumunta si Liam sa closet at ipinagtata-tapon lahat ng mga gamit na pumapaibabaw sa kaniyang sketch pad.


“Got ya!” sigaw ng bata sabay takbo pabalik kay Pat at binuksan ang sketch pad. Literal na nanlaki ang mga mata ni Pat sa gulat at pagkamangha.



Nung bata pa siya ay meron din siyang sketchpad katulad ng kay Liam kung saan doon niya rin iginuguhit ang mga bahay na nakakakuha ng kanyang pansin sa tuwing namamasyal sila noon, katulad ng mga bahay na naka-guhit sa sketchpad ni Pat ay magaganda at kaunti na lang ay masasabing mapapantayan na nito ang mga guhit ng isang propesyonal, ang kaibahan lang, hindi lang bahay ang naka-guhit sa sketch pad ni Liam, may mga tao din dito at karamihan ay mga cartoon character na kuwang kuwa ang pagkakag-guhit.


“He's pretty talented huh?” tanong ni Kyle kay Pat sa gawi ng pinto ng kwarto ni Liam. Nakangisi ito na tila ba aliw na aliw sa reaksyon ni Pat.


“Talented? Try gifted. These are amazing Liam. I don't understand, I saw your drawings at the blackboard, they are not this impressive.” manghang-mangha paring sabi ni Pat na lalong ikinangiti ni Kyle habang si Liam naman ay tumatango-tango habang nakatiklop ang mga kamay sa dibdib, miya mo isang professional na sawang sawa ng makarinig ng papuri.


“Drawing on a blackboard using chalks is a new territory for Liam. He's learning to draw using pastel, though I know it's not the same with chalks.” kibit balikat na paliwanag ni Kyle.


“Liam, can I see your drawings using pastel?” tanong ni Pat sa bata habang nakanganga paring inililipat ang mga pahina ng sketchpad at aliw na aliw sa magagandang drawing ng bata.


“OK.” masiglang sabi ni Liam sabay tungo ulit sa closet at muling naghalungkat.


“Saw it!” nakangiting sabi ng bata na ikinahagikgik naman ni Kyle.


Lalong lumuwa ang mga mata ni Pat ng makita ang mga drawing ng bata na ang gamit ay pastel colors. Narinig ni Pat na humagikgik ang mag-ama sa kaniyang reaksyon pero wala na siyang pakielam don.


“Buddy, I know someone who can help you improve your drawings--- I mean these are already good drawings but with formal training you can still improve your skills.” wala sa sariling tanong ni Pat sa bata habang tinitignan parin ang mga drawings, natigilan siya nang makarinig siya ng pag-hikbi. Tinignan niya ang bata at napansin niyang tahimik itong umiiyak. Binaling ni Pat ang kaniyang tingin kay Kyle na napansin niyang biglang namutla.


“Nina already talked to someone, he was supposed to go next month to this school for the arts we don't know if he's still going though. We haven't heard from Nina for the past two days.” malungkot na paliwanag ni Kyle, napayuko naman si Pat at hindi mapigilang sisihin muli ang sarili sa pag-alis ni Nina.


“uhmmm, Liam, have you shown Pat his room yet?” tanong ni Kyle sa anak, halatang gusto nang ibahan ang pinaguusapan. Umiling lang ang bata atsaka pinunasan ang kaniyang mga luha.


“C'mon, Patwick I'll show you your room!” sabi ni Liam sabay hila kay Pat palabas ng kwarto niya at papunta sa katabing kwarto, binigyan ng isang tingin ni Pat si Kyle na tila ba nagsasabi ng “I'm sorry.”


“That's daddy's room---” sabi ni Liam pero alam na iyon ni Pat, dahil dun niya naabutan si Kyle na natutulog kanikanina lang. “---and this is your room.” pagpapatuloy ni Liam sabay takbo papasok ng guest room at nagtatatalon sa kama. Napangiti si Pat dahil nakita niyang unti unti nang bumabalik ang pagiging masiyahin ng bata, hindi alam ni Pat pero nakita niya na lang ang sarili na tumatalon sa kama kasama si Liam at humahagikgik na parang isa ring four year old na bata.


“Don't jump on the bed!” sigaw ni Kyle sa hindi kalayuan na lalong nagpahagikgik sa dalawa.


0000ooo0000



Kumakain si Liam ng kaniyang paboritong hotdog na niluto ni Pat kinabukasan. Matapos magluto ay pinabayaan muna ni Pat ang bata at nagpaalam dito na sisilipin lang muna niya si Kyle, tumango na lang si Liam at nagpatuloy sa pagkain. Nang makarating si Pat sa kwarto ni Kyle ay nakita niya itong nakaharap sa salamin at tinitignan ang pakapal ng bigote at balbas na tumutubo sa kaniyang mukha.


“You should shave.” mungkahi ni Pat na ikinatalon ni Kyle dahil sa gulat, saglit na napangiti si Pat at napa-iling.


“I can't. I might open me a new mouth or a new nose if I do. I can't even bathe myself properly ano pa kaya kung magshe-shave ako.” balik naman ni Kyle sabay buntong hininga.


“I'll help you.” wala sa sariling sabi ni Pat sabay tungo sa kama ni Kyle upang tupiin ang mga pinagtulugan nito. Nang matagal na hindi sumagot si Kyle ay nilingon ito ni Pat at bumungad sa kaniya ang nanlalaking mata at nakanganga sa gulat na si Kyle.


“What?” tanong naman ni Pat.


“I -I don't think giving me a bath is a go-good idea.” namumulang pisngi na sagot ni Kyle na ikina-iling ulit ni Pat.


“I meant shaving. I will help you shave.” umiiling paring sagot ni Pat sabay balik sa pagtitiklop.


“Oh. Yeah. I-I think that's OK.” balik ni Kyle sabay yuko, nahihiya sa kaniyang tinuran.


0000ooo0000


“C'mon! You'll look like Moses if we don't do this now!” naiinis ng sabi ni Pat kay Kyle na lumalayo parin sa tuwing lalapit siya na may hawak na labaha.


“That's dangerous, Pat.” natatakot na sabi ni Kyle.


“Mas OK 'to, mas matagal tumubo yung bigote saka balbas kapag labaha ang gamit. Kung razor miya't miya pa tayo mag-she-shave and to tell you honestly I didn't graduate college just to shave your face every morning.” balik ni Pat na ikinaisip mabuti ni Kyle.


“OK, just please be careful with that.” kinakabahang paring payag ni Kyle. Tumango na lang si Pat at marahang ngumiti.



Lumapit na si Pat kay Kyle at nag-pahid ng shaving vream sa mukha nito. Simula pa lang nung unang makita ni Pat si Kyle ay humanga na ito sa kinis at ganda ng balat nito pero nang makaharapan na niya ito ng hindi lalampas sa labing dalawang pulgad ang layo nila sa isa't isa ay lalo siyang namangha. Ang balat ni Kyle yung tipo ng balat na laging pang-commercial ng mga facial wash at mga derma clinic.


Makalipas ang ilang segundo ay napansin niyang nakakunot noo na si Kyle at nag-iintay sa kaniya. Agad namula ang kaniyang mga pisngi na hindi naman nakaligtas kay Kyle na lalong ikinataka nito. Nagtama ang kanilang mga tingin at wala sa sariling nagtitigan.


Nakaramdam ng pamilyar na kiliti si Pat sa kaniyang tiyan, tila isang teenager na kinikilig habang si Kyle naman ay naguguluhan kung bakit hindi niya mai-alis ang kaniyang tingin kay Pat kaya't laking pasalamat niya nang mag-iwas na ng tingin si Pat, pero bago iyon ay napansin pa ni Kyle na muling namula ang pisngi nito.

0000ooo0000


“Huh?” biglang bulalas ni Pat nang maramdaman niyang umalog ang kaniyang hinihigaan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita si Liam at Kyle na nakadungaw sa kaniya. Ilang linggo na niyang kilala ang mag-ama at magdadalawang buwan narin siyang tumitigil sa bahay ng mag-ama pero hindi parin siya masanay sa kakaibang paraan ng mga ito sa pag-gising sa tuwing nauuna sa kaniya ang mga ito sa pagbangon.


Nung isang araw ay nagising si Pat nang maramdaman niya ang mabigat na katawan ng mag-ama, si Kyle bilang taga tawa at si Liam ay walang tigil sa kakakiliti sa kaniya na halos ika-ihi na niya sa salawal. Isang beses naman ay nakaramdam siya ng tila ba may insekto na gumagapang sa kaniyang mukha at ng hawiin niya ito ng kaniyang kamay ay naramdaman niya ang isang malamig at malagkit na bagay, naisipan pala ng dalawa na lagyan ang kaniyang kamay ng toothpaste.


Ngayong umaga ay hindi na siya nag-abala pa na mag-hilamos muna bago kumurap-kurap at masamang tinignan ang mag-ama. Sa loob ng ilang linggong pag-tira doon ni Pat ay tila naging magulang narin siya para kay Liam at yaya para naman kay Kyle na hindi parin magamit pareho ang kaniyang kamay. Meron paring awkward moments ang dalawa lalo na sa tuwing magpapapaligo si Kyle sa kaniya o kaya naman sa tuwing ipgahahati at susubuan ni Pat si Kyle ng pagkain. Para kay Kyle ay nahihiya siya na kalaki niyang tao ay tila isa siyang baldado na kailangan ng tulong pa ni Pat habang si Pat naman ay nahihiya dahil sa lumalalim na niyang pagtingin kay Kyle.


Hindi magawang aminin ni Pat kay Kyle ang totoo dahil sa takot na mawala pa ang kaisa-isahan niyang kaibigan sa village na iyon at napalapit narin siya sa mag-ama na kung tutuusin ay pamilya narin ang kaniyang trato. Kahit na alam niyang epektibo niyang itinatago ang kaniyang sexual orientation kay Kyle ay hindi parin lubusang maisip ni Pat kung bakit hindi parin ito nagtataka sa kaniyang pagkatao.


Madalas siyang tanungin ni Kyle tuwing kakain kung bakit wala pa siyang girlfriend o nababalitaan man lang na nilalandi nito at ang tangi niya lang sagot ay kibit balikat, alam niyang kapag sinimulan niyang magkuwento dito ay malamang sa malamang ay madulas siya at mapaamin siya tungkol sa kaniyang totoong sekswalidad.



“We're hungry. You overslept again.” sabi ni Liam sabay pout, hindi mapigilan ni Pat na mapangiti dahil sa sobrang pagiging cute ng bata, pinisil ni Pat ang pinsgi nito at ginulo ang buhok. Tinignan niya si Kyle na naka pout din at lalong napangiti si Pat.


Hindi naman talaga niya gustong gumising ng tanghali, masyado lang talaga siyang pagod lalo pa't miya't miya ang pasok ng projects sa kaniya lalo pa't nalalapit na ang kaniyang pagiging regular sa pinapasukang firm, kasabay nito ay ang pagiging abala niya sa pagaalaga sa mag-ama na kahit pa alam naman niyang pwede niyang ayawan ay hindi niya magawa dahil napalapit na nga ang mga ito sa kaniya.



“I need you to cross out the day in my calendar for me.” sabi naman ni Kyle na tila ba isang matandang version ng kanina lang na nagsalitang si Liam.



Kada umaga ay nakasanayan na ni Kyle ang pagpapaligo sa kaniya ni Pat simula sa pag-ahit, pag-hilod ng buong katawan, paghilod ng buong katawan pwera na lang sa banda ng ari dahil kahit pa kumportable na si Kyle sa pagpapaligo at pagaalaga sa kaniya ni Pat ay hindi parin niya maiwasang mahiya dito, pati hanggang sa pagsipilyo ay tinutulungan siya ni Pat kaya ang huli na lang niyang magagawa para maiwasan ang napapadalas na mga awkward moments ay pinili na lang ni Kyle na siya na ang gumawa ng paghuhugas ng kaniyang kaselanan kahit pa nahihirapan siya, ang bagay na ito ay hindi naman ikinadismaya ni Pat dahil narin alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarili kung nagkataong pati ang paghuhugas ng parte ng katawan na iyon ni Kyle ay siya pa ang maghuhugas. Kasama ng pagpapaligo, paghahanda ng ibibihis ni Kyle at ang paghahanda ng pagkain ng mag-ama ay ang pagku-cross out ng mga araw sa kalendaryo ni Kyle hanggang sa araw ng pag-aalis ng splint sa dalawang kamay ni Kyle.



“Good morning too!” sarkastikong balik ni Pat na agad niyang pinagsisihan dahil agad na tinakpan ng dalawa ang kanilang mga ilong. Alam ni Pat na nagkamali siya sa ginawang iyon dahil madalas ito ang ipang-inis sa kaniya ng mag-ama tuwing umaga.


““EWWW! Morning breath!”” sabay na sabi ng mag-ama habang humahagikgik, iniikot na lang ni Pat ang kaniyang mga mata sa socket nito. Alam niyang wala siyang morning breath at iniinis lang siya ng mag-ama.


“That's really getting old, guys. You should think of something new to tease me with.” napipikon na sabi ni Pat sabay bangon sa kaniyang kama at naglakad papunta sa banyo. Agad na nagpalitan ng tingin ang mag-ama. Hindi pangkaraniwan kay Pat ang magising na masama ang mood, ang totoo niyan ay nung umaga lang na iyon masama ang mood ni Pat at hindi yund dahil sa pangaalaska ng mag-ama kundi dahil alam niyang iyon na ang huling araw na makakasama niya ang mag-ama.


Nagulat na lang si Pat nang makaramdam siya ng pagyakap sa kaniyang mga binti.



“I'm sorry, Patwick, please don't be mad.” sabi ni Liam habang nakangudngod ang mukha nito sa binti ni Pat, agad namang natunaw ang resolba ni Pat at nagbuntong hininga. Nakaramdam siya ng isang marahang pag-tapik sa kaniyang balikat, nang lingunin niya si Kyle ay nagbigay lang ito ng isang humihingi ng tawad na tingin, marahan na lang na tumango si Pat.


“It's OK buddy, I'm not mad. I'll just wash my face and then I'll cook you breakfast, OK?” nakangiti nang baling ni Pat kay Liam na marahang tumango at saglit na hinigpitan ang yakap kay Pat saka kumawala dito at kasunod si Kyle ay tumungo na sa kusina. Muling napabuntong hininga si Pat.


0000ooo0000


“I crossed the last day on Kyle's calendar.” saad ni Pat habang kasabay na nag-jo-jogging ang ama. Simula nung umuwi si Pat sa kaniyang mga magulang ay muli siyang sumama sa kanyang ama sa pagjo-jogging tuwing umaga at madalas dun nila pinaguusapan ang ilang mga bagay na nagaganap sa kanilang buhay.


“You still haven't told him?” tanong ni Louie sabay tigil sa pagjo-jog at nagkasya na lang sa paglalakad bilang tanda na tapos na ang kanilang jogging at nagku-cool down na sila.


“There's no point in telling, Dad.” simula ni Pat sabay tigil sa harapan ng gate nila Kyle.


“You still haven't learn?”


“Learned what?” tanong ni Pat sa ama na napabuntong hininga bago magbalik kay Pat ng salita.


“With all that has happened between you and Eric I thought you should've learned by now. I guess I'm wrong.” umiiling na sabi ni Louie, itatanong na sana ni Pat kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang ama nang may sumingit sa kanilang paguusap.


“Who's Eric?” tanong ni Kyle na nakatayo pala sa kabilang bahagi ng gate. Nagkatinginan ang mag-ama, nakita ni Pat ang desedidong tingin ng kaniyang ama na alam na alam na niya, umiling siya dito bilag sabi na “don't you dare out me.” pero hindi ito pinansin ni Louie at sumagot parin.


“He's Patrick's ex-boyfriend.” na ikinagulat naman ni Kyle. Saglit silang binalot ng katahimikan. Si Kyle nakatingin ng mariin kay Pat, si Pat naman ay nagbabato ng isang di makapaniwalang tingin sa ama at si Louie naman ay nakatingin ng mariin kay Kyle, iniintay ang sasabihin nito tungkol sa kalilitaw lang na issue, sa huli ay hindi rin nakapag-intay ang matanda.


“You have a problem with that?” tanong ni Louie, nun lang tinanggal ni Kyle ang kaniyang tingin kay Pat at si Pat naman ay siya na ngayong tumingin kay Kyle at nag-inaty ng isasagot nito sa tanong ng kaniyang ama.


“Oh, of course not. Pat is like a best friend and a brother to me now, I don't care about the kind of human specie he likes to take to bed. I'll go with whatever floats his boat.” sagot ni Kyle sabay kibit balikat na ikinahinga ng malalim ni Pat at Louie.


“---Now I get it why he always seems so keen in giving me a bath every morning, I thought I just smell, but now I guess he just wants to see me nekkid!” sabi ni Kyle sabay taas baba ng kilay na ikinahagalpak sa tawa ni Louie at ikinamula naman ni Pat dahil sa hiya pero hindi nagtagal ay siya namang ikinatawa narin ng huli na siyang tuluyang nakapagbura ng pagaalinlangan sa pagitan nilang tatlo.


0000ooo0000


“Dude! What's wrong with you? You look like hell all day!” tanong ni Kyle nang hindi na niya matiis ang pangingilag sa kanilang mag-ama ni Pat. Matapos malaman ni Kyle ang tungkol sa sekswalidad ni Pat ay akala niya mas lalo pa silang magiging malapit na mag-kaibigan dalawa pero tila ba kasalungat ng gusto niyang mangyari ang nangyayari ngayon base sa ikinikilos ni Pat mag-hapon.


“Oh, it's nothing. I guess this is one of those 'I woke up in the wrong side of the bed thing-y'” sagot ni Pat na hindi naman pinaniwalaan ni Kyle pero hindi na niya itinulak pa ang topic na iyon.


“Here. I thought we should celebrate. Natiis mo ako for two months straight!” humahagikgik na sabi ni Pat matapos i-abot ang isang bote ng beer na matipid na ikina-ngiti ni Pat.


0000ooo0000


“Dude, seriously, what's wrong?! Is it the time of the month for you?” humahagikgik na tanong ulit ni Kyle dahil sa kalasingan. Hindi naman nalalayo si Pat sa pagkalasing ng kaibigan.


“It's just I'm going to miss y—- your son.” sabi ni Pat. Muntik na siyang madulas at sabihing mami-miss niya si Kyle, buti na lang at napigilan niya ang sarili. Napangiti naman si Kyle at tumango-tango. Saglit silang natahimik.


“Dude, I'm spent!” singit ni Kyle, tumango naman si Pat.


“Yeah, I think I need to hit the sac too.” balik naman ni Pat.


Sabay na umakyat ang dalawa, si Pat ay tumuloy na sa kaniyang kwarto matapos magsabi ng goodnight kay Kyle at gayun din naman si Kyle kay Pat pero hindi pa nagtatagal ay narinig ni Pat na tinatawag siya ni Kyle mula sa kwarto nito. Naabutan ni Pat si Kyle na naghuhubad ng pantalon nito, dahil may splint parin ang mga kamay nito ay nahihirapan itong hubarin ang mga iyon.


“Dude, can you please help me with these? I'm all sweaty and sticky I think I'm going to have a shower first before hitting the sac.” nabubulol ng saad ni Kyle kay Pat. Tumango lang si Pat at tinulungan si Kyle, itinapis niya ang twalya sa bewang ni Kyle at hinila pababa ang pantalon at boxer briefs nito. Tinulungan pati ni Pat ito sa pagsisipilyo at inalalayan papunta sa tapat ng shower head. Nagulat na lang si Pat nang biglang tanggalin ni Kyle ang twalya na nakatapis sa kaniya at humahagikgik na ibinato ito kay Pat.


“Wow. That was very mature of you Kyle.” sarkastikong sabi ni Pat atsaka isinampay ang twalya sa di kalayuan. Ibinalik ni Pat ang kaniyang pansin kay Kyle na siyang nagiintay na buksan ni Pat ang shower, tulad ng ilang beses na pagpapaligo ni Pat kay Kyle ay hindi niya magawang tignan ang kaselanan ni Kyle. Lalo pa ngayon na alam na nito ang kaniyang sexual orientation.



Inabot ni Pat ang sabon at binasa iyon at pinabula sa kaniyang mga palad. Sinimulan ng sabunin ni Pat ang mukha ni Kyle na ikinagulat nito at muntik ng ikadulas, mabuti na lang at nasambot ito ni Pat ngunit ang biglaang pagsambot na iyon ni Pat kay Kyle ay nagpabasa ng kaniyang damit.



“You should take off those now.” mungkahi ni Kyle na hubarin na ni Pat ang mga damit nito.


“I don't think so.”


“C'mon dude.” pagpupumilit ni Kyle, wala naring nagawa pa si Pat. Nasa tagpong sinasabon na ni Pat ang likuran ni Kyle nang magsalita ulit ito.


“I haven't had sex for a while now.” humahagikgik at lasing na sabi ni Kyle na ikinakaba naman lalo ni Pat, hindi na siya nagsalita sa pagiisip na mas mabuting palipasin na lang niya ang kalasingan ng kaibigan at wag ng sakyan ang kalasingan nito.


“I'm so fucking horny and I can't even jerk off!” sabi ulit ni Kyle na saglit na ikinatigil ni Pat sa pagsasabon sa likod nito, muli inisip na lang ni Pat na huwag ng sakyan ang kalasingan nito at insip na tapusin na lang agad ang pagpapaligo dito. Pero hindi sila pareho ng iniisip ni Kyle dahil bigla itong humarap, nakangisi at tumungo para tignan ang kaniyang sariling ari. Wala sa sariling yumuko din si Pat at nakita ang tigas na tigas ng ari ni Kyle.


“What about lending a hand, Pat?” tanong ni Kyle habang nakangisi parin. Pinigilan ni Pat ang sarili, tinignan ng deretso si Kyle sa mga mata. Marahil nabasa ni Kyle sa mukha ni Pat na hindi nito nagugustuhan ang nangyayari kaya't inalis nito ang kaniyang ngisi sa mukha at seryosong nagsalita.


“Please.” mahinang sabi ni Kyle. Tuluyan ng natunaw ang resolba ni Pat at wala sa sariling inabot ang ari ni Kyle. Nakita niya kung paano tumirik ang mga mata ni Kyle at naglaho sa likod ng eye lids nito bilang tanda na nasasarapan ito sa kaniyang ginagawa.


Tuluyan ng pinakawalan ni Pat lahat ng pagaalinlangan at nang makita niyang wala ng sabon ang ari ni Kyle ay dahan-dahan siyang lumuhod at ibinuka ang kaniyang bibig. Narinig na lang ni Pat ang pagsinhap ni Kyle---


Itutuloy...


[08]
Hindi parin magawang makatulog ni Pat. May isang oras na siyang nakahiga sa kaniyang sariling kama sa guest room nila Kyle at hindi parin siya makatulog dahil paulit-ulit na tumatakbo sa kaniyang utak ang mga nangyari may ilang oras lamang ang nakaraan sa banyo na kalakip ng kwarto ni Kyle. Hindi alam ni Pat kung ano ang dapat mangibabaw, ang takot o ang pagkatuwa. Takot dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Kyle ang katotohanang may nangyari sa kanila at iyong takot din na iyon ni Pat ang nagtulak sa kaniya na lumipat na sa kaniyang sariling kuwarto nung oras na nakatulog na si Kyle sa pangambang kung hindi pala nito nagustuhan ang nangyari pagkagising nito kinabukasan ay ligtas siya pansamantala sa galit nito. Pagkatuwa naman dahil sa ilang linggo na paglalim ng kaniyang pagtingin kay Kyle ay tila ba katuparan na ng isang pangarap ang nangyari sa kanilang dalawa.



Nasa ganito paring pag-iisip si Pat nang mapansin niyang unti-unti nang lumiliwanag ang kaniyang paligid. Wala sa sarili siyang tumingin sa gawi ng bintana ng kwartong iyon, nun niya lang napansin na umaga na pala. Nakarinig si Pat ng pagkaluskos sa gawi ng kaniyang pinto at nakita niya dun ang pu-pugay pungay pang si Liam.



“Patwick, are we going to wrun today?” tahimik na tanong ng bata na ikinangiti ni Pat, dahil sa alam niya namang hindi na siya makakatulog ay tumango na lang siya.


“Yes, buddy, do yo wanna come with?” tanong ni Pat, hindi na kailangan pa ng sagot ni Pat dahil nakita niyang tumakbo na pabalik sa sariling kwarto si Liam, malamang naghahanda na para sa pagsama sa kaniya sa pagja-jogging.



0000ooo0000



“Hey dad good morning!” bati ni Pat sa kaniyang ama na nagwa-warm up para pagtakbo din noong umagang iyon, napanganga na lang sa gulat si Louie dahil nakita niya ang kakaibang ngiti sa mukha ni Pat.


“What's up with you?” tanong ni Louie at ipinagpatuloy ang pagste-stretch. Nagsimula narin si Pat sa pagste-stretch at ganun din si Liam na magiliw na ginagaya ang ginagawa ng mga matanda.



Nakakalayo at nakaka ilang minuto naring tumatakbo ang tatlo nang bumulong si Louie kay Pat. Bago iyon ay tinignan muna ng matanda si Liam at nang mapansing abala ang bata sa pagtakbo ay siya namang bulong niya sa anak na noong panahong iyon ay miya't miya ang pag-ngiti pero miya't miya din ang pag-kunot ng noo na tila ba naguguluhan sa dapat nitong maramdaman.



“You got laid, did you?!” bulong ni Louie matapos obserbahan maigi ang anak. Muntik naman na madapasi Pat sa pagtakbo dahil sa gulad at agad na namutla.


“W-what?! N-no!” sagot ni Pat sabay kinakabahang tumawa, tinaasan lang siya ng kilay ni Louie. Tumingin muli si Louie kay Liam na abala na nagyon sa paghingal.


“Who was it?” pabulong at naniningkit matang tanong ni Louie sa anak. Yumuko na lang si Pat dahil alam niyang hindi siya makapagsisinungaling sa ama.


“It was Kyle. We were drunk and uhmmm it just happened.” nahihiyang pag-amin ni Pat na ikinailing naman ni Louie.


“What?” tanong ni Pat nang nakitang umiling ang ama.


“Nothing. I just remember something your mother said and seeing you now, I can see that she's right.” kibit balikat na sabi ni Louie na ikinataas naman ng kilay ni Pat.


“What did she say?”


“That when you fall in love you fall hard.” kibit balikat na sagot ni Louie sabay lakad pabalik sa kanilang mga bahay. Naiwang nakatayo doon si Pat, iniisip ang sinabi ng kaniyang ama, may ilang minuto na ata siyang nakanganga na pinapanood ang ama na masuyo namang naglalakad pabalik sa kanilang bahay, natigil lang ang panonood niya sa ama nang makaramdam siya ng paghila sa kaniyang shorts.


“Patwick, I'm tired. Can you cawey me?” tanong ni Liam kay Pat na hindi muli mapigilang macute-an sa bata at mapangiti.


“Sure buddy, hope on.” sabi ni Pat sabay luhod, agad namang ipinulupot ng bata ang kaniyang mga kamay sa leeg ni Pat at inangkla ang magkabila nitong binti sa tagiliran ng kaniyang taga karga.



0000ooo0000



Nang makarating ang dalawa sa bahay ay agad na nakita ni Pat ang nag-aalalang si Kyle. Agad itong tumakbo at hinatak si Liam palayo kay Pat kahit pa nahirapan ito dahil sa nababalot pa ng splint ang magkabila nitong kamay. Ang kakaibang kinikilos na ito ay ikinataka naman ng huli at ng bata.



“What did I tell you about going out of the house without telling me?!” singhal ni Kyle sa bata, nagsimula ng humikbi si Liam, aaluhin na sana ito ni Pat nang magsalita ulit si Kyle.


“Go to your room, we will talk later.” singhal ulit ni Kyle sa ngayon ay ngumangawa nang si Liam. Tumakbo ang bata papasok ng bahay at isinalpak nito ang front door.


“Kyle---” simula ni Pat pero agad siyang siningitan ni Kyle.


“I don't want you near my son ever again.” singhal ni Kyle na ikinagulat ni Pat.


“What?”


“I can live with you touching me, raping me but the idea that you are near my son and possibly molesting him is another thing.” singhal ulit ni Kyle na ikinamutla naman ni Pat. Tila hinigop lahat ng lakas sa buo niyang katawan, ang mga pawis na kaninay dumaloy sa kaniyang balat ay nanlamig bigla at higit sa lahat ay tila inipit sa pagitan ng dalawang naguumpugang bato ang kaniyang puso. Ayos lang sana kung magalit sa kaniya si Kyle dahil sa nagawa niya nung nakaraang gabi pero ang magalit sa kaniya ito dahil sa pagaakalang sasaktan niya si Liam ay talaga namang dumurog sa puso ni Pat.



Napayuko na lang si Pat, itinago ang mga luha na tahimik na umaagos mula sa kaniyang mga mata. Nilakasan niya ang loob niyag magsalita pero tanging hangin lang ang lumabas mula sa kaniyang mga bibig, matiyaga namang nag-intay si Kyle sa paliwanag ni Pat habang tinitignan ito ng masama.



“I'm sorry for what happened last night. I didn't mean to force you to do something you didn't like---” pabulong na simula ni Pat pero agad ulit siyang pinutol ni Kyle.


“I just don't want to see you face here again and I don't want you near my son!” singhal ulit ni Kyle.



Ang marinig ang pinaghalo-halong galit, pagkadismaya, pandidiri at pagkabahala sa boses ni Kyle na iyon ay ikinadagdag pa sa sakit na nararamdaman ni Pat. Tumango siya at naglakad palabas na ng bakuran nila Kyle.



“I just want you to know something first before I get out of this lawn for good. I'm gay, I may have made a mistake with doing something with you last night that you didn't like. I'm gay and I just thought, I assumed that what happened last night was consensual and that is one of the many mistakes I did last night but there is one mistake that I will never do, not in this life time and not in the next, that is to harm Liam and I think deep inside you know that--- I'm gay and not all gay people are pedophiles. I'm gay and I'm not a child molester. I'm gay and not a monster.”



Natameme si Kyle sa sinabing iyon ni Pat. Habang pinapanood niya ang bagsak balikat na si Pat na naglalakad pauwi sa bahay ng mga magulang nito ay hindi niya mapigilang magsisi sa kaniyang mga nasabi. Alam niya sa kaibuturan niya na hindi nga masasaktan ni Pat si Liam, dalawang buwan nilang mag-ama na kasama ito at ni minsan ay hindi naman ito kinakitaan ni Kyle na gagawa ng masama sa kaniyang anak. Nahiya si Kyle para sa sarili.



Alam niyang naisip, nasabi at nagawa niya lang ang mga bagay na iyon kay Pat dahil natatakot siya para sa magiging epekto ng nangyari sa kaniyang buhay at sa kaniyang anak. Alam niyang wala siyang dapat ikatakot pag dating kay Pat dahil sa loob ng dalawang buwan ay ito lang kaagapay niya at wala namang nangyaring masama kaya naman hindi alam ni Kyle kung ano ang pinangangambahan niya at kung may basehan pa ba ang kinatatakutan niya.




0000ooo0000



Naabutan ni Lita ang anak na umiiyak sa harapan ng kanilang bahay. Kagagaling lang nila ng kaniyang kasambahay sa palengke kaya't wala itong ideya sa mga nangyari, palapit na sana siya nang biglang bumukas ang kanilang front door at iniluwa noon si Louie na may dala-dalang baso ng tubig.



“What happened?” tanong ni Lita.


“Kyle kicked him out.” galit na sagot ni Louie.


“I thought he's OK with Pat being gay?” tanong ulit ni Lita sabay upo sa tabi ni Pat.


“Yes, that is before---”



Hindi na narinig pa ni Pat ang palitan ng kaniyang mga magulang. Nanlalambot parin siya , walang tigil sa kakaisip sa mga nangyari at higit sa lahat ay mabigat parin ang kaniyang loob at patuloy parin ang pag-kirot sa kaniyang puso. Alam naman ni Pat na walang ibang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili, hinayaan niyang mahulog pa lalo ang kaniyang loob sa isang straight na lalaki at malala pa ay pinagsamantalahan niya ang pagiging lasing nito.



“Just when things are getting better.” umiiling na sabi ni Pat sa kaniyang sarili. Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan.


“We shouldn't have let him stay with that asshole.” umiiling at nangingilid luhang sabi ni Lita sa asawa na ang nagawa lang noon ay tumango-tango habang pinipigilan ang sarili na sugurin si Kyle sa kabilang bahay.


“I'll just go upstairs and sleep for a while. I didn't sleep properly last night.” paalam ni Pat sa mga magulang, nagbatuhan ng nagaalalang tingin ang dalawang matanda atsaka marahang tumango.



0000ooo0000


“I hate you! First Aunt Nina, then manang and now Patwick!” narinig ni Pat na sigaw ni Liam pagkabukas na pagkabukas niya ng kaniyang bintana. Hindi mapigilan ni Pat ang muling maluha.


“Liam!” sigaw naman ni Kyle. Agad na sinara ni Pat ang kaniyang kurtina para hindi siya makita ng mag-ama.


Humihikbi siyang humiga sa kama at pinilit ang sarili na matulog. Bago pa man lamunin si Pat ng antok ay muli niyang naalala ang kaniyang pangako sa sarili dalawang buwan na ang nakakalipas.


“I will make it. I will be happy--- soon.”



0000ooo0000


“Welcome to our firm.” bati ng bagong boss ni Pat sa kaniya matapos niyang pirmahan ang kontrata ilang linggo ang makalipas. Sa wakas ay may dahilan ulit siya upang ngumiti at may dahilan na rin siya ngayon para maialis si Liam at Kyle na laging nasa kaniyang isip simula nung umalis siya sa mga bahay ng mga ito isang linggo na nag nakakaraan.


Nung isang araw ay nakita niya si Kyle na nagmamaneho palabas ng village, naisip ni Pat na maayos na ang apat na daliri nito sa magkabilang kamay at muli ng pumapasok, habang si Liam naman ay hindi niya pa nakikita, sa hinuna ni Pat ay marahil hindi na ito pinapayagan ng ama na lumabas ng bahay. Ang tangi na lang na gumugulo kay Pat ay kung sinong kasama ng bata sa bahay kapag naiiwan itong mag-isa.



Ang hindi alam ni Pat ay masasagot ang katanungan niyang iyon bago pa matapos ang araw na iyon.



0000ooo0000


“Hey, hey, hey! Congratulations, son!” bati ni Louie pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Pat papasok ng kanilang bahay. Si Lita naman ay malaki ang ngiting iniyakap ang sarili sa kaniyang anak.


“I'll treat you guys when I get my first pay.” nangingiting biro ni Pat sa kaniyang mga magulang, nagtinginan ang mga ito at matamlay na ngumiti sa kanilang anak.


“What?” tanong naman ni Pat habang tinatanggal sa pagkakabuhol ang kaniyang neck tie. Muling nagtinginan ang dalawang matanda na tila ba nagtatalo sa kanilang mga tingin kung sino ang magsasabi kay Pat ng ibig sabihin ng mga ngiting iyon.


“It's just that were worried---” kinakabahang simula ni Louie pero agad na sumingit si Lita bago pa lalong maduwag ang kaniyang asawa sa totoong bumabagabag sa kanila at hindi na ito sabihin pa.


“Why don't you have friends here, Pat? I mean, were really getting worried, after what happened to Eric, Jake and Kyle it's like you shut yourself inside a shell. You've been here for a while already, Pat and you still haven't introduced us to anybody from work or friends you hang out with.”



Ito na nga ang pinangangambahan ni Pat. Alam niyang hindi siya gumagawa ng effort upang makakilala ng ibang tao dahil masyado siyang naka-focus sa kagustuhan niyang maging masaya at mai-ayos ulit ang kaniyang buhay ay nakalimutan na niyang kailangan nga pala niya ng mga kaibigan para maisakatuparan ang mga hinahangad niyang iyon.



Pero ngayon kailangan niya munang magsinungaling sa kaniyang mga magulang para tantanan muna siya ng mga ito dahil kung hindi ay hindi na niya maririnig ang katapusan ng sermon ng mga ito.



“Actually--- uhmmm I'm going out tonight with some guys I met earlier from the office uhmmm we're going to watch a movie and then hang out. I'm here coz I'm going to tell you guys that I'll be out late and don't wait for me--- uhmmm don't worry I'll introduce you guys to them soon.” pagsisinungaling ni Pay, muling ngkatinginan ang mag-asawa.



Hindi naniniwala sila Lita at Louie sa anak, pareho nilang pinalaki si Pat at alam na alam nila sa tuwing nagsisinungaling ito pero habang nagtitinginan silang mag-asawa ay tahimik na sumangayon na hayaan na lang si Pat sa gusto nitong mangyari at palusutin na lamang ang pagsisinungaling nito.



““OK.”” sabay na sagot ni Louie at Lita na ikinadikit ng noo ni Pat.


“OK? That's it? You are not going to give me the third degree about this?” naniningkita matang tanong ni Pat sa mga magulang.


“Patrick, you're already 26 years old. You know what lying will do to you.” sabi ni Lita sabay kibit balikat. Napa-ismid na lang si Pat at dumaretso na sa gawi ng hagdan paakyat ng kaniyang kawrto at kalakip na banyo nito para maligo at maghanda sa isang lakad na inimbento lang niya.



Alam ni Pat ang gustong palabasin ng mga magulang niya. Alam ng mga ito na nagsinungaling siya kaya ngayon hinahayaan siya ng mga ito na panagutan ang kasinungalingan na iyon. Habang naliligo si Pat ay wala siyang tigil sa pagbuntong hininga. Hindi kasi naayon sa kaniyang mga plano ang mga nangyayari sa kaniya ngayon.



0000ooo0000



“Mom, Dad, I'm going to be late don't wait for me.” sigaw ni Pat saka nagtungo na agad sa front door para hindi na siya paulanan pa ng tanong ng kaniyang mga magulang, nakarinig siya ng mahihinang “OK.” bago siya lumabas ng bahay.



Habang nagmamaneho sa kabuuan ng Manila ay hindi malaman ni Pat kung san siya pupunta, hindi niya alam kung san siya titigil para sa gabing iyon at hindi niya rin alam kung saan papunta ang kaniyang buhay. Napansin niya ang isang kilalang club para sa mga katulad niya, agad siyang pumasok sa parking lot nito. Halos kapareho ito ng mga co-ed na club, ang club na ito ay para sa mga kasapi sa third sex, meron ding mga babae na nagpupunta doon. Babae na ang karelasyon ay kapwa din babae. Bago pa man makapasok si Pat ng club ay halos mabuwal na siyang nabangga ng mga babae na masiglang naghaharutan, halatang magkakarelasyon ang mga ito ayon na rin sa mga kilos nila. Humingi ang mga ito ng paumanhin, nginitian na lang sila ni Pat.



“Patrick?! What the hell are you thinking?! Going to a club all by yourself! You look so pathetic!” singhal ni Pat sa sarili niya pagkapasok na pagkapasok niya ng club at nang makitang punong puno ito. Umiiling na umatras si Pat palabas ng club ng may makabangga ulit siya, naramdaman niya ang pagtapon ng isang likido sa kaniyang likuran.


“Oh shit. I'm so sorry.” paghingi ng paumanhin ni Pat sabay punas sa natapunang damit ng babae nang makita niyang natapunan din ito ng inumin.


“Oh. It's OK, Patwick.”


Agad na napataas ng tingin si Pat at natigilan pagkasabi na pagkasabi ng kaniyang nakabangga ng kaniyang pangalan. Agad nanigas ang mga kalamnan ni Pat at pinawisan ng malamig.



Itutuloy...


[09]
Nakanganga at nakapako parin si Pat sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig parin sa mukha ng nakaismid na si Nina. Hindi nagtagal ay nagising din si Pat mula sa pagkakapako na iyon nang marinig niyang humagikgik si Nina at ng ilapat nito ang kaniyang kamay sa balikat ni Pat at akbayan ito. Nagtataka parin si Pat at ang totoo ay akala niya nung puntong iyon ay nananaginip lang siya, dahil alam niyang imposibleng mangyari na maging buddy-buddy sila ni Nina lalo pa ngayon na kasama ng bukol na ginawa niya sa noo nito may ilang buwan na ang nakalipas ay tinapunan niya pa ang damit nitong pang party.



“Dude, don't worry about the dress! I'm too fly to be eyed for a ruined dress.” humahagikgik paring sabi ni Nina nang mapansin niyang sa damit parin niya nakatingin si Pat.

“So what brings you here in this rainbow colored club?” tanong ulit ni Nina sabay tulak kay Pat paupo sa kanilang lamesa, nakuwa ng mga kasama ni Nina na seryoso ang paguusapan ng dalawa kaya pansamantalang iniwan ng mga ito ang dalawa.


“I-I---” simula ni Pat sabay tingin sa makinis na ibabaw ng lamesa, nanginginig ang kamay at nahihiya maigi kay Nina. Pano mo nga ba sasabihin sa kapatid ng namatay na asawa ng dati mong matalik na kaibigan lahat ng nangyari kasama na ang pagpapaalis ng bayaw nito sa kaniya dahil sa isang pangyayari na hindi mo napigilan.


“It's OK, Pat. Liam told me that Kyle kicked you out of the house---” sa sinabing ito ni Nina ay muling nag-tense ang buong katawan ni Pat kahit pa walang bahid ng panghuhusga sa boses nito. “---though we still don't know why he did it.” marahang pagtatapos ni Nina sabay abot sa nanginginig pang kamay ni Pat. Saglit na tinignan ni Pat ang malambot na kamay ni Nina na bumabalot sa kaniyang kaliwang kamay. Habang inaalo ni Nina si Pat ay sumagi sa isip nito na marahil ay nagkabati na si Nina at kyle at ito na ulit ang nagbabantay sa bata. Di niya alam kung bakit pero tila ba nabawasan ang bigat ng kaniyang dibdib sa naisip na ito pero bigla ding sumagi sa isip ni Pat na baka may ibang pakay si Nina kaya mabait ang pakikitungo nito ngayon.


“Why are you being so nice to me all of a sudden?” tanong ni Pat na ikinatawa naman ni Nina. Walang halo ng pagiging maldita ang tawa na iyon.


“I've been always this nice. Mali lang ang timing ng pagkakakilala natin. You see that hermes bag that Liam so artistically destroyed---?” simula ni Nina saka muling tumawa. “---that bag was a gift from my girlfriend. Wait, she's over there.” sabi ni Nina sabay turo sa isang magandang babae na magiliw namang kumaway sa kanilang dalawa ni Nina.



“That's why that bag is so important to me and Kyle knew it, and then you came and gave me a piece of your nasty side. Wala pa, as in wala pang nagsalita sakin ng ganun, in that house I was always the boss but when you showed up its as if Kyle magically grew a pair of balls and stood up to me and then this wild idea entered my mind that I was being replaced. There you are a new comer and Kyle and Liam's new favorite.” umiiling na kwento ni Nina sabay bigay ng isang maungkot na ngiti.


“Ever since Liam was born and my—m-my sister died it has always been me who takes care of Kyle and Liam and when you entered the picture I felt threatened. That day when Kyle said that he had enough of me, I knew it was time for me to leave and think about the things he said and I realized that all of it was true. I became this bossy bitch who pushes everyone around. I realized it all now and I have no plans on becoming that bitch again. I was stupid.” umiiling na pagtatapos ni Nina sabay inom sa kaniyang inumin. Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa, sa puntong iyon ay nakapag-relax na ng konti si Pat.


“So, are you going to tell me what happened between you and my brother in law?” tanong ni Nina, muling tinignan ni Pat si Nina at nakita niya sa mukha nito ang isang katangian na hindi niya nakita doon may ilang buwan na ang nakalipas nung huli silang nagkita. Hindi alam ni Pat kung bakit ngayon niya lang ito napansin o naramdaman pero malakas ang kabig ng kaniyang kalooban na mapagkakatiwalaan niya si Nina.


“Since you are not talking, why don't we just play the guessing game until you get comfotable in telling me what happened. Yeah?” mungkahi ni Nina na marahang tinanguan ni Pat bilang pag-payag sa gusto nito.


“Since you are with me in a gay bar, I'm guessing that you're gay? Am I right?” simula ni Nina.


“Yes.” marahang sagot ni Pat.


“Is that why Kyle kicked you out of his house?” tanong ulit ni Nina. Saglit na namutla at nanlambot si Pat pero sa huli ay marahan na lang din siyang tumango.


“That two faced sonovabitch! He told us way before he knew about me and my brother being gay that he's OK with gay people, that he doesn't have a single homophobic bone in his body tapos ngayon papalayasin ka niya sa bahay niya matapos mo siyang alagaan ng dalawang buwan. I can't believe that my sister married that asshole!” singhal ni Nina, kitang kita ni Pat ang pagpula sa galit ng mukha ni Nina na ikinagulat niya. Agad agad ay pinahinahon niya si Nina.


“I think you should know the whole story first before you cut Kyle's balls.” simula ni Pat nang huminahon na si Nina. Makahulugan ang tingin na binato ni Nina sa kaniya. Nang masiguro nyang hindi na galit si Nina ay nagtuloy na si Pat sa pagkukuwento sa mga nangyari nung gabi bago siya paalisin ni Kyle sa bahay nito.


0000ooo0000


Nang matapos si Pat sa pagkukuwento at nang magtaas siya ng tingin upang sukatin ang reaksyon ni Nina ay naabutan niya itong nanlalaki ang mata at nakanganga, marahil ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniyang bayaw at kay Pat o kaya naman ay dahil gulat na gulat ito.


“Please say something.” pabulong na sabi ni Pat, agad siyang natakot. Ano nga bang dapat mong maramdaman kung may nagsabi sayo na ang bayaw mo at tatay ng pamangkin mo ay ginalaw ng isang kapwa lalaki nang malasing ito?


“I'm sorry. Nagulat lang ako.” sabi ni Nina nang sa wakas ay makabawi ito sa gulat.


“I'm sure you're damn mad at me now so I think I better leave. I—I'm sorry.” sabi ni Pat sabay tayo.


“Sit down. Sa dinami dami ng tao ako pa ba naman ang sasabihan mo na hindi nakakaintindi at magagalit sayo? I understand what you're going thru right now, Pat.” sabi ni Nina sabay hila kay Pat paupo ulit sa kaniyang tabi at uminom uli sa kaniyang inumin. Muli silang binalot ng katahimikan.


“He's straight though.” wala sa sariling bulalas ni Nina at muli silang binalot ng awkwardness.


“What?” tanong ni Pat sa umiinom na muling si Nina.


“I said Kyle is straight.” ulit ni Nina na ikinatawa ni Pat.


“No shit?!” nang sabihin ito ni Pat ay tumawa narin ng malakas si Nina.


“Kung alam mo why did you still went on with the blow job?! I know he's hot and all but Kyle's brain can be a little narrow sometimes!” sabi ni Nina habang patuloy parin sa pagtawa na sinabayan naman ni Pat.


““hayyyy.”” sabay na sabi ng dalawa saka tumawa ulit.


“I heard him calling your name the other night you know. I was on my way to the bathroom when I heard him calling your name in his sleep and from what I heard I'm thinking that it must be quite a dream.” humahagikgik na sabi ni Nina habang si Pat naman ay namula sa hiya. Hindi alam kung malulungkot ba siya o matutuwa sa sinabi ni Nina. Saglit na natahimik si Pat at pinagisipan maigi ang sinabi ni Nina, sa sobrang abala sa pagiisip ay hindi napansin ni Pat na malalim ding nagiisip si Nina habang nakatingin ito sa kaniya.


“Come with me I'm going to introduce you to someone.” bago pa man makasagot si Pat ay napansin na niyang hinihila na siya ni Nina palapit sa girlfriend nito at isang lalaki na masuyong nakikipagkuwentuhan pa sa isang lalaki.


“Guys, I like you to meet, Pat. Pat this is my girlfriend, Marge, Kevin my brother and his boyfriend, Drei.”


0000ooo0000


“Oh, hey guys!” bati ni Pat kay Kevin, Nina, Liam, Drei at sa isang malaking aso na hindi mapakali sa kakaamoy sa paanan ni Pat kinabukasan. Nung nakaraang gabi matapos ipakilala ni Nina ang tatlo kay Pat at matapos ang ilang pagkukuwentuhan ay Napagusapan nilang sumama sa pagja-jogging kay Pat kinabukasan.


““Hey Pat!”” sabay sabay na sabi ng tatlo kay Pat. Tinignan ni Pat si Liam na tahimik lang na nakatayo sa likod ni Kevin at nilalamas ang mukha ng malaking aso na abala parin sa pag-amoy kay Pat.


“Nina, I think I told you that Kyle doesn't want me near Liam?” pabulong na pagpapaalala ni Pat kay Nina upang hindi marinig ng bata.


“Akong bahala.” kaswal na balik ni Nina, nang saktong aayain na ni Nina ang mga kaibigan na magsimula ng tumakbo ay siya namang ring ng telepono ni Drei. Saglit itong nakipag-usap sa telepono at saka marahang tumingin kay Kevin na tila humihingi ng tawad.


“I'm sorry guys, I have to do a rain check. Duty calls--- bye babe.” paliwanag ni Drei at paalam sa kaniyang nobyo na si Kevin.


“OK, babe, see you later.” balik naman ni Kevin na ikinahagikgik ni Liam, ikinatahol ng malaking aso at ikinangiti at ikinainggit din ni Pat.


“Ulk! That is sooooo gay! Gross!” arte ni Nina na lalong nakapagpahagikgik kay Liam.


“And who's this big fella?!” tanong ni Pat sabay luhod sa tapat ng malaking aso at nilamutak ang malaking mukha nito.


“He's Joey and he's also four years old I told you about him before, remember?” sagot ni Liam sabay ipinakita sa pamamagitan ng kaniyang mga daliri kung ilang taon na ang aso. Dun din napagtanto ni Pat na ang aso na sinabi ni Liam sa kaniya kamakailan na kailangan niyang ipamigay dahil sa allergy ni Nina ay siyang aso na nasa harapan niya ngayon at si Kevin ang taong pinagbigyan nito.


“Yeap! I remember.” nakangiting sabi ni Pat na ikinangiti din ni Liam.


Nang makatapos sa pagtakbo ang magkakaibigan ay saka tumuloy ang mga ito sa bahay ni Pat upang kumain ng agahan at tumambay saglit. Masayang naguusap si Kevin at Pat, si Liam at Nina at si Joey na umaamoy-amoy sa bakuran nang buksan ni Lita ang front door.


“Oh, I didn't know you invited company, Patrick.” sabi ni Lita sabay ayos sa buhok at pinasadahan ng kamay ang damit at pilit na inayos ang sarili, kasabay non ay ang pagiisip na totoo pala ang sinabi ng kaniyang anka nung nakaraang gabi na may mga kaibigan siyang kikitain.


“Hi! We're Pat's friends, we didn't mean to intrude, we know it's still early but we have plans to run this morning and we decided to make sure Pat will come with us, your son is not really a social butterfly. I'm Nina by the way.” sunod sunod na sabi ni Nina sabay lagpas kay Pat na naiwang nakanganga at bumeso kay Lita.


“You're not the same Nina that lives next door are you?” tanong ni Lita.


“Oh Pat told you about the bag huh? It was all a misunderstanding, tita...” balik ni Nina sabay kuwento ng tunay na nangyari na ikinairap ng sabay nila Kevin at Pat. Dahil alam ni Pat na hindi na niya makakausap si Nina ay ibinaling na lang niya ang pansin kay Kevin.



Nagkatinginan si Kevin at Pat matapos ang mabilis na paglaho ni Lita at Nina sa loob ng bahay atsaka sabay na nagkibit balikat.


0000ooo0000



Masayang nagkukuwentuhan si Pat, Nina, Kevin at Lita at si Joey at Liam naman sa pagkain ng hotdog nang biglang bumukas ang front door.



“Where's my son?!” sigaw ni Kyle pero agad din siyang napatigil nang makita niya ang grupo ng tao sa dining room.


“What the hell, Kyle?!” tawag ni Nina sa kaniyang brother in law.


“I thought s-something happened to my son. I got worried when I didn't see him in his room after I woke up and checked his room.” paliwanag ni Kyle habang nagsisimula nang tamaan ng hiya.


“Relax, Kyle. He's just with us. No one's going to hurt him like a child molester or something.” bigay emphasis ni Nina sa dalawang salita na ibinintang ni Kyle kay Pat may ilang araw na ang nakakalipas.


“I-I d-di--” nauutal na simula ni Kyle pero hindi na siya pinatapos ni Lita na katatapos lang kindatan si Nina na tila ba nagsasabing: 'good job, girl!'


“Do you want some breakfast, Kyle?” tanong ni Lita kay Kyle na masuyo paring nakayuko sa sobrang hiya.


“I-i--” nauutal ulit na simula ni Kyle.


“I insist.” putol ulit ni Lita dito bilang sabi na wala ng magagawa pa si Kyle kundi pumayag.



Tahimik lang si Pat habang nangyayari ang palitan na iyon ni Kyle, Nina at Lita. Ayaw na niyang tignan pa si Kyle dahil sa takot na baka makakita lamang siya ng galit, pagkadismaya o pandidiri sa mukha nito.



“Hey, are you OK?” tanong ni Kevin kay Pat nang mapansin niyang namumutla ito at pinagpapawisan. Iniakbay ni Kevin ang kamay niya sa balikat ni Pat at hinagod ito.



0000ooo0000


“Poker time!” sigaw ni Nina matapos magligpit katulong si Lita.


“Yes!” sigaw naman ni Kevin na ikinatahol ni Joey at ikinagulat at ikinasinok naman ni Liam.


“What?” kinakabahang tanong ni Pat.


“It's our little traditon. Maski nung buhay pa si Karen gawain na namin yan tuwing bumibisita si Kevin.” nakangiting sagot ni Nina.


“Oh.” sabi ni Pat atsaka yumuko, iniiwas ang tingin kay Kyle, Nina at Kevin.


“You're welcome to join us, you know.” alok dito ni Kevin na marahas na ikinailing ni Pat.


“Uhmmm I don't know, ayokong makaistorbo---” simula ni Pat na ikinatwa ni Nina.


“Istorbo?! Maglalaro lang tayo ng poker, Pat. Sumama ka na and I'm sure Kevin is looking forward to play with you kasi madadagdagan ang taya thus lalaki ang pot money.” humahagikgik na sabi ni Nina.


“C'mon buddy. It'll be fun!” magiliw na aya ulit ni Kevin na ikinangiti at tango na lang ni Pat. Nagsimula nang hilahin ni Kevin si Drei papunta sa bahay nila Kyle at nang makita ito ni Liam ay tumulong na ito sa paghila kay Pat papunta sa kanilang bahay kasunod-sunod si Joey at Kyle na wala paring kibo.


“Tita, do you want to join us?” tanong naman ni Nina kay Lita na abala sa pagaayos ng kakainin para sa tanghalian.


“Oh no, darling, I can't. Louie is inviting his business partners here for lunch and I have to prepare their meal.” sagot ni Lita.


“OK. Thanks for breakfast!” sagot naman ni Nina sabay sunod kay Kyle.



0000ooo0000


“Kyle, can I talk to you for a minute?” tawag ni Nina kay Kyle bago pa ito makapasok sa front door ng sariling bahay. Nagaalangang tumingin si Kyle kay Nina atsaka marahang tumango.


“Why did you kick Pat out of the house again?” biglaang tanong ni Nina kay Kyle na ikinagulat ng huli.


“Huh---?” tanong ni Kyle na halatang hindi kumportable sa kanilang paguusapan. “---Oh, we had a little misunderstanding that's all.” kaswal na pagsisinungaling ni Kyle na hindi naman kinagat ni Nina.


“I thought you guys are best buds? Isn't it a shame to throw a potentially good friendship because of a little misunderstanding? He is the first person to make you laugh like the way my sister did when she was still alive, Kyle and I can see that he's a really good person---” simula ni Nina. Hindi nagugustuhan ni Kyle kung saan papunta ang usapan na iyon. Alam niyang magaling mag-obserba si Nina at ang ideya na kung ano pa ang maaaring alam ng kaniyang hipag ay nakapagpakaba sa kaniya.


“What exactly are you saying, Nina?” putol ni Kyle.


“I was just saying that he's the first person who you warmed up with after my sister passed away, that must tell you something right? After all those people I introduced to you in the numerous party I hosted for you, it was only Pat who made your face lit up like a distressed firework, Kyle. I really think you should fix this 'misunderstanding' you guys have before everything is too late.” makahulugang sabi ni Nina sa kaniyang bayaw sabay pasok sa loob ng bahay.



Naiwan si Kyle sa labas ng bahay na tila ipinako sa kaniyang kinatatayuan. Iniisip kung ano ang maaaring ibig sabihin ni Nina nung sabihin niyang 'I really think you should fix this 'misunderstanding' you guys have before everything is too late.'



Itutuloy...


[10]
Lame. Yan ang tanging salita na siyang makapag-de-describe ng poker game nilang iyon. Wala ni isa kay Kyle at Pat ang nagsasalita, si Kevin naman ay desedidong-desedido na talunin ang lahat habang si Nina naman ay abala sa pagmamasid kila Kyle at Pat. Hindi nakaligtas dito ang paminsan-minsang pag-sulyap ni Kyle kay Pat at patuloy na pagpako ni Pat sa kaniyang mga mata sa sahig.


“I won--- again.” ni hindi na-excite na pahayag ni Kevin na siyang ikinairap naman ni Nina at Kyle.

“I think It's time for me to go home.” sabi ni Kevin sabay tingin sa kaniyang orasan. Ang totoo ay maaga pa para umuwi siya pero hindi na siya nag-e-enjoy at kung papipiliin lang siya ay maaaring kay Liam na lang siya nakipaglaro kung hindi lang ito natutulog katabi si Joey.


“Oh. Uhmm you're leaving already? I mean, we haven't had lunch yet. I thought you guys are going to have lunch here?” gising ni Kyle sa kaniyang malalim na pag-iisip.


“Well it isn't fun staying here, either, Kyle, so I guess that is Kevin's way of saying he's not enjoying anymore.” bulong ni Nina na ikinagawad naman sa kaniya ng palihim na pag-siko mula kay Kevin. Marahang pumito si Kevin, agad namang tumayo si Joey mula sa pagkakahiga sa tabi ni Liam na siyang gumising sa bata.


“Joey, where are you going, buddy?” tanong ni Liam sa aso.


“Uuwi na kami ni Joey, Liam.” baling ni Kevin sa kaniyang pamangkin sabay yakap dito ng mahigpit.


“But I don't want you to leave yet. Can you live here with us?” inaantok na tanong ni Liam sabay kusot sa kaniyang mga mata na ikinahagikgik ng tiyuhin nito.


“I'd liked to, buddy. But there are many dogs waiting for me in the clinic. I can't leave them.” palusot ni Kevin sa bata sabay ngiti.


“OK.” matipid na sagot ni Liam na hindi naman mahirap kumbinsihin.


“I think I better get going too.” pabulong na sabi ni Pat na sa sahig parin nakatuon ang tingin.


“I also don't want you to leave yet, Patwick. I miss you, we don't play anymore.” sabi ni Liam sabay yakap sa mga binti ni Pat na ikinalungkot naman ni Kyle dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nami-miss ng kaniyang anak ang kaibigan na kung tutuusin ay maaari naman nitong makita araw araw dahil kapitbahay lang niya ito.



“I missed you too, buddy.” balik naman ni Pat at hinalikan ang bata sa bunbunan nito.


“Bye, Kyle. It was nice seeing you again.” paalam ulit ni Kevin habang kasunod naman si Pat na sinusundan naman ni Joey at ng humihikbi parin na si Liam.


“Kev, I'll see you tomorrow, yeah?” tanong naman ni Nina sa kapatid sabay yakap.


“Yup.” matipid na sagot ni Kevin sabay ngiti ang yakapan na iyon ng magkapatid ay nag-iwan kay Pat at Kyle na balisang magkaharap at di magawang ibaling ang kanilang tingin sa isa't isa. Si Pat, nahihiya at natatakot dahil baka may makita siyang galit sa mga mata ni Kyle sa oras na tumingin siya don at si Kyle naman ay nahihiya sa kaniyang ginawang pagtataboy kay Pat noon na tila ba wala lang sa kaniya ang kanilang pagkakaibigan at pinagsamahan sa loob ng dalawang buwan.


“Thanks for the drinks.” pabulong na pasasalamat ni Pat kay Kyle na ikinagulat ng huli. Yun ang unang pagkakataon na nagsalita ang isa sa kanila. Ito lang ang nasabi ni Pat dahil wala na siyang ibang maisip na pwedeng ipagpasalamat kay Kyle, kaya naman kahit gaanong ka-lame niyon ay sinabi parin niya ito wag lang silang balutin ng katahimikan at awkwardness habang nagpapaalam sa isa't isa si Kevin at Nina.


“I-I was a-actually going to ask you to stay so we--- C-can we talk?” nakayukong tanong ni Kyle na ikinagulat naman ni Pat. Agad siyang tumingin sa magkapatid na masuyo namang ngumiti sa kaniya.


“Maybe Liam and I should go with you for a while, Kevin.” sabi ni Nina, tututol na sana si Pat at Kyle nang mabilis na lumabas si Kevin, Nina, Liam at Joey sa front door at isinalampak ang pinto sa hamba nito.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa, hindi parin magawang tignan ang isa't isa.


“Do you want some beer?” nagaalangang tanong ni Kyle kay Pat, tumango na lang si Pat at sinundan si Kyle papunta sa kusina pagkasagot.


“Look I'm sorry about what happened last week. I know you're not going to hurt Li---” simula ni Kyle habang nakayuko at kumukuwa ng beer sa loob ng ref, agad na nagsalita si Pat, desperado na gawin lahat wag lang mapag-usapan ang nangyari nung nakaraang linggo dahil sa takot na baka pagsimulan pa iyon ng panibagong away sa oras na may masabi sila sa isa't isa na hindi maganda.


“Hey, it's OK. I should be the one apologizing---” simula naman ni Pat pero dahil pareho silang ng kinatatakutan ni Kyle ay agad din siyang pinutol ng huli sa pagsasalita.


“Hey, we're both sorry and on the wrong that day. We can forget all that has happened and start over. Yeah?” nakangiting mungkahi ni Kyle na umaasang nagustuhan din ni Pat ang mungkahi na iyon. Hindi na sumagot si Pat at simpleng ngumiti na lang ito bilang pag-sangayon sa gustong mangyari ni Kyle.


“Deal.”

0000ooo0000


“I told you he's the killer!” sigaw ni Kyle nang sa wakas ay inilantad na kung sino ang pumapatay sa kanilang pinapanood na CSI.


Nawala na ang pagaalangan sa pagitan ng dalawa at tila ba magic na nabura lahat ng nangyari at muli silang bumalik sa pagiging magkaibigan, pagkatapos nung tagpo sa kusina ay tila ba inalis sa mga balikat ni Pat at Kyle ang bigat ng nangyari noong nakaraang linggo. Masaya si Pat sa panibagong simula nila na iyon ni Kyle pero nagiingat din siya dahil natatakot siya na baka sa simple niyang pagkakamali o kaya naman ay may ikilos siyang hindi nito magustuhan ay muli silang magkaaway ni Kyle, kaya naman nang tumabi sa kaniya si Kyle noong magsisimula pa lang ang palabas ay agad siyang tumayo at lumipat sa kabilang upuan, napansin ito ni Kyle ngunit hindi na lang siya nagsalita tungkol pa doon.


Alam ni Kyle na pareho na nilang handang kalimutan ni Pat ang nangyari noong nakaraang linggo pero hindi parin nakaligtas kay Kyle ang ipinapakitang takot at pagaalangan sa kaniya ni Pat at ito ay talaga namang ikinalungkot niya. Handa siyang gawin ang lahat bumalik lang ang pagkakaibigan nila sa dati, yung tipong mga bata na walang pakielam basta't nagkakasiyahan. Habang nanonood ang dalawa ay ilang beses na sinubukan ni Kyle na bigyan ng kasiguraduhan si Pat na hindi na niya muli itong aawayin o pagbibintangan pero hindi siya dalawin ng lakas ng loob.


“You're good at guessing games, Kyle and I suck at them.” balik naman ni Pat sabay iling, hindi makapaniwala na naisahan nga siya ni Kyle.


“Dude, just admit that you are slow when it comes to figuring out the obvious!” sabi ni Kyle at sabay silang napahagikgik, dahil para kay Pat ay may punto si Kyle. Sasagot pa sana si Pat nang magbukas ang front door at iniluwa noon si Nina minus Liam, Kevin at ang malaki nitong aso.


“Oh hey! Nice to see you guys talking again.” bati ni Nina nang abutan niya ang dalawa na humahagikgik sa may sala.


“Where's Liam?” tanong ni Kyle, hindi pinansin ang pahayag ni Nina sabay tingin sa likod ni Nina, tinitignan kung andun ang kaniyang anak.


“Oh he's outside, he's talking to Pauline.” kibit balikat na


“Pauline? Liam hate's Pauline, are you sure they are just talking and not punching each other?” nangingiting tanong ni Kyle sa hipag.


“Pauline's mom is there with her so Liam has no choice but to stay and listen to whatever Pauline is going to say to him.” umiiling at nangingiting sabi ni Nina. “Hey! You guys didn't answer me! You guys fixed this misunderstanding, yeah?” tanong ulit ni Nina sabay taas ng kilay sa dalawa, tumango lang si Kyle at Pat.


“Good. Pat are you going to stay for dinner?” tanong ni Nina. Agad namang tumingin si Pat sa kaniyang relo at hindi makapaniwala sa nakita doon.


“Oh I can't, Nina. I promised mom when I called earlier that we will eat out tonight since dad closed another major deal earlier at lunch.” sagot ni Pat sabay tayo mula sa kinauupuan at nagbeso kay Nina.


“Patwick, are we going to run tomorrow?” tanong naman ni Liam na ikinagulat ng lahat sa biglang pagsulpot nito, ibinaling ni Pat ang kaniyang tingin kay Kyle na tila ba nagpapaalam dito, masuyo namang tumango si kyle bilang sagot.


“Sure, buddy.” sagot ni Pat sa masuyong nagiintay na bata.


“Yay!”


“What did you and Pauline talked about back there?” tanong ni Nina sabay akay sa bata papunta sa kusina upang maghugas na ng kamay para makapaghapunan na. Nakangiting kinawayan ni Pat si Kyle at tumalikod na at palabas na sana ng front door nang tawagin ulit ni Kyle ang pansin niya.


“Hey Pat, how about we watch another season of CSI? I have 'em on DVD.” nakangisi pero namumula ang pisngi sa hiyang tanong ni Kyle, tumango na lang si Pat atsaka magiliw na ngumiti. Hindi narin napigilan ni Kyle ang mapangiti, nagagalak dahil muling bumalik ang unang pagkakaibigan na kaniyang ginawa matapos mamatay ang kaniyang asawa.


0000ooo0000


“You--- guys--- run--- like--- this--- every--- morning?--- And--- Liam--- comes--- with--- you---?” humihingal na tnong ni Kyle kay Pat at Louie matapos nilang tumakbo.


“Hey, don't under estimate your kid. He's a tough one though minsan gusto niya buhatin ko siya kapag wala siya sa mood.” sabi ni Pat, pabulong na sinabi ang mga huling salita upang hindi marinig ng bata na nakikipagkulitan kay Louie.


“Yeah, he's a tough one---” sabi ni Kyle habang nakatingin kay Liam. “Hey. I think I'm going to join you guys every morning.” habol ni Kyle sabay ngisi.


“Yeah, I think you should. Your as-butt is getting bigger.” pangiinis na sabi ni Pat ka Kyle.


“Careful. Careful. You don't want me to clean your mouth with soap again, right? And my butt is not big! It's sexy! Like J.Lo's” balik naman ni Kyle sabay ngisi.


“J. Lo's butt is sexy! But yours? I don't know dude, it's more like a Randy Jackson butt to me.” balik naman ni Pat.


“Nu uh! I'm sexy and I know it.”


“Well, you're the only one who knows you're sexy and for the rest of the mankind your butt is just uhmmm too big.”


Nang makarating sila sa harapan ng kanilang mga bahay ay patuloy parin sa pagiinisan ang dalawa at hindi ito nakaligtas kay Louie, hindi parin ito panatag sa muling pagbubuo ng pagkakaibigan ng kaniyang anak at ni Kyle, sa pakiwari kasi niya ay tila ba nakalimutan na ng kaniyang anak ang masasakit na sinabi ni Kyle sa kaniya noon lang nakaraang linggo.



“Pat, is our CSI marathon still on?” tanong ni Kyle bago pumasok sa kanilang gate.


“Yeah sure.” sagot naman ni Pat, ibinaling ni Kyle ang kaniyang tingin kay Louie, nakikita niyang hindi parin ito masaya na muling nanumbalik ang pagkakaibigan nila ng kaniyang anak pero hindi nun maiaalis ang respeto dito ni Kyle kaya naman pati ito ay inaya niya.


“How about you Louie? Wanna watch CSI with us?” magalang na tanong ni Kyle, binigyan siya ng mapanuring tingin ng matanda bago sumagot.


“I'll pass.” matipid na sagot ni Louie na ikinahiya naman ni Kyle.


“OK.” tahimik na balik ni Kyle sabay tingin kay Pat na tila ba nagsasabing 'pasok na tayo sa loob, natatakot na ako sa tatay mo.'


“Why don't you go ahead and prepare the CD, I'll just have a word with dad.” pagpapauna ni Pt kila Kyle, nakuwa naman agad ni Kyle ang ibig sabihin ni Pat at tumango na lang ito at mabilis na pumasok sa sariling bahay kasama ang anak.


“Look, I know what you're going to say. I'm sorry if I'm a bit harsh on him. I just don't want to see you get hurt again.” mainit na sabi ni Louie sabay talikod at naglakad pauwi, iniwan na nakatayo sa harapan ng gate nila Kyle si Pat na nakanganga.



0000ooo0000


“PATWICK! Unc Kevin is here! He's looking for you!” sigaw ni Liam pagkapasok na pagkapasok ni Pat sa gate ng bahay nila Kyle. Nakikipagharutan si Liam sa dambuhalang aso na si Joey.


Naabutan ni Pat si Kevin na magiliw na kumakaway sa kaniya sa may front door, si Nina na nakangisi at si Kyle ay may hindi maipaliwanag na reaksyon sa kaniyang mukha.


“Nina invited me for the CSI marathon. I hope you and Kyle don't mind--” banggit ni Kevin nang makalapit si Pat sa may pinto sabay napatungo sa hiya, alam niya kasing tila ba nanghihimasok siya sa mga plano ni Kyle, Pat at Nina pero wala siyang ibang magawa sa bahay at alam niyang mababagot lang siya doon dahil asa out of town si Drei para sa isang business meeting.


Napangiti naman si Pat. Itinuturing niya na rin kasing isang mabuting kaibigan si Kevin matapos siya nitong aluhin kahapon sa agahan nang mapansin nitong hindi siya mapakali nang biglang sumulpot si Kyle na galit na galit at hinahanap ang kaniyang anak, kahit pa kakikilala lamang nila ni Kevin at yung tanging maliit na bagay lang na iyon ang kaniyang maituturing na nagawa ni Kevin sa kaniya ay itinuturing narin niya itong isang mabuting kaibigan. Kaya naman nang mapansin ni Pat na tila ba balisa si Kevin at gustong-gusto ng makakasama ay agad niya itong nilapitan.


“Ha! Get your butt ready to be kicked. I practiced last night. I'm going to beat your butt, I'm going to be hailed the new poker king!” pagmamayabang ni Pat at inakbayan si Kevin na humagikgik na lang matapos umirap ni Nina habang si Kyle ay nagpahuli sa pagpasok sa sariling bahay at pinanood si Pat at ang magkapaitd na tuloy- tuloy na pumasok sa loob ng bahay.


“Poker? I thought we're going to watch CSI?” nagtatakang tanong ni Kyle sa sarili habang pinapanood ang kaniyang mga kasama pumasok ng bahay.


0000ooo0000


Tatlong araw ang lumipas at malungkot parin si Kevin dahil sa hindi parin umuuwi si Drei mula sa business trip nito, kaya naman para hindi mamatay sa lungkot ay naisipan ni Kevin na bunuin ang bawat araw na wala si Drei sa kaniyang tabi sa piling ng kaniyang kapatid na si Nina, brother in law na si Kyle at ang isa na ngayon sa kaniyang matalik na kaibigan na si Pat.


Hindi nakaligtas kay Pat ang madalas na ngayong pag-sama sa kanila ni Kevin kahit pa malayo ang bahay nito. Hindi rin nakaligtas kay Pat ang halatang-halata na lungkot sa mukha Kevin kaya naman maski hindi niya ito sabihin kay Kevin ay ginagawa niya parin lahat maibsan lang ng konti ang lungkot nito. Andyan ang patawanin ito sa tuwing natatahimik ng saglit, ang pilitin itong magkuwento sa tuwing babagsak ang mukha nito kapag may nakapagpapaalala sa kaniya na wala sa kaniyang tabi ngayon ang kaniyang nobyo. Andyan nadin ang paminsan-minsang panglalandi dito maiparating lang na wala siyang dahilang malungkot at ang pagpapaalala dito madalas na namimiss din siya malamang ni Drei na wala sa kaniyang tabi.



Hindi rin nakaligtas kay Kyle ang nagayo'y madalas na pagbisita at pag-tambay ni Kevin sa kaniyang bahay kahit pa ubod ng layo ng pinagtratrabahuhan nito at bahay nito. Hindi rin nakaligtas kay Kyle na nagiging malapit narin si Kevin at Pat sa isa't isa. Sa hinuna ni Kyle ay wala naman siyang problema dito dahil pareho naman ng sexual orientation ang dalawa pero tila ba may tumutulak sa kaniya na pigilan ang paglalapit na iyon ng dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit pero palakas ng palakas ang kagustuhan niyang humdalang sa dalawa lalo na kapag pinapanood niyang nagtatawanan ang dalawa o kaya naman nagbubulungan.


Naisip niya na noon lalo na nung hindi niya magamit ang kaniyang mga daliri ay madalas na sila lamang dalawa ni Pat ang nagtatawanan o kaya naman nag-ga-gaguhan, nagbubulungan kapag may panlolokong ibinabalak kay Liam at sila lamang dalawa ang nanonood ng TV at nagma-marathon ng CSI. Sabay sa naisip na iyon ni Kyle ay napagtanto niyang marahil iyon ang problema, ayaw niyang i-share si Pat sa iba, ayaw niyang may ibang tao na katawanan, kagaguhan at kabulungan si Pat kahit pa brother in law niya ang pinaguusapan dahil naisip niya na siya ang unang naging kaibigan ni Pat kaya't siya lang dapat ang katawanan, kagaguhan at kabulungan nito.


“Oo, yun nga ang problema. Yun lang ang problema.” pangungumbinsi ni Kyle sa kaniyang sarili.


“So when is he going to come home?” tanong ni Pat kay Kevin habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan sa kusina ni Kyle.


“Day after tomorrow.” nakangiti at excited na sagot ni Kevin.


“So I guess I'm not allowed to flirt with you anymore?” taas babang kilay na tanong ni Pat na ikinahagikgik naman ni Kevin.


“I'm sure he won't mind.” taas baba ring kilay na sagot ni Kevin at sabay humagikgik.


Gwapo man si Pat para kay Kevin ay tanging pagkakaibigan lang ang nararamdaman niya dito at alam nyang ganun din si Pat sa kaniya at laking pasalamat niya dito. Kung sa iba siguro iyon ay malamang inakit na siya at mapipilitan pa siyang magkasala kay Drei. Laking pasalamat niya rin dahil kahit papano ay naibsan ang kaniyang pagkalungkot sa tulong ng kaibigan.



Kaya naman kung ang kapalit lang ay ang pakikipaglandian dito pabalik ay bakit hindi niya pa ito ibigay. Alam nilang pareho na walang kahahantungan iyon at tanging libangan lang ito sa kanila.



Ang paglalandian na ito ni Kevin at Pat ay hindi nanaman nakaligtas kay Kyle at Nina. Hindi man nila naririnig ang pinaguusapan ng dalawa ay basang-basa naman ng mga ito ang paglalandian na ipinapakita ng kanilang katawan. Saglit na nagdikit ang kilay ni Kyle atsaka humarap kay Nina dahil hindi na niya mapigilang magtanong, gustong gusto na niyang malaman kung ano nga bang namamagitan kay Pat at Kevin at bakit tila wala na sa kaniya ang atensyon ng kaniyang kaibigan na si Pat. Ang biglaang pagharap na ito ni Kyle at ikinagulat naman ni Nina.



“Geesh, Kyle! Huwag ka ngang haharap basta-basta. For a minute there I thought your head is going to snap off your neck.” si Nina na hindi naman pinasin ni Kyle at itinuloy lang ang pagtatanong.


“Is it just me or are they flirting with each other?” tanong ni Kyle. Napaisip saglit si Nina.


Alam ni Nina na hindi kailanman lolokohin ni Kevin si Drei at alam niya rin na paraan lang ito ni Pat para pasiyahin ang nalulungkot na si Kevin dahil sa saglit na pag-alis ni Drei pero hindi niya ito sasabihin kay Kyle dahil gusto muna niyang asarin ito.


“Why? Are you jealous that Your bestfwend Patwick found someone new to play with?” pa-baby talk na pagaasar ni Nina na ikinaasar naman talaga ni Kyle.


“I'm not jealous and I'm never going to be jealous, Nina. It's just that what if Liam walked on them like that? Pano nila i-e-explain sa bata? Pano kung tanungin ako ni Liam? Anong sasabihin ko?” nanunubok na tanong ni Kyle, kahit pa hindi naman talaga iyon ang kaniyang iniisip na sabihin ay sinabi niya parin ito para lang matameme si Nina sa kaniyang pangaasar. Ang sinabing ito ni Kyle ay isang malaking pagkakamali umirap muna si Nina atsaka mainit na sinagot si Kyle.


“Tell him that there is nothing wrong with a little flirting either it's from a straight couple or a gay one! Sa tingin ko nga mas maganda yung maaga pa lang na-e-expose na si Liam sa mga ganyan para hindi siya lumaking homophobe at makitid ang utak na katulad mo.” mainit na simula ni Nina, hindi niya alam kung bakit pero meron sa tanong na iyon ni Kyle sa kaniya na sobrang kinainis niya at ikinatayo sa kinauupuan at maglakad palayo kay Kyle.


Hindi mapigilan ni Kyle na pagalitan at tanungin ang sarili kung bakit niya hinayaan ang sarili na tanungin ang nakaka-offend ngang tanong na iyon. Alam niyang hindi iyon ang gusto niyang itanong, gusto lang talaga niyang malaman kung magiging malayo niya na bang kaibigan si Pat dahil na kay Kevin na ang atensyon nito.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment