Friday, January 11, 2013

See Lau Book 2

By: emray
Source: bulonghangin.blogspot.com
annexb.wordpress.com
E-mail: iam.emildelosreyes@yahoo.com


[01]
“I love you Martin!” wika ni Perry saka hinalikan sa labi ang kasintahan.
“I love you more!” ganting wika ni Martin matapos ang isang maalab na halik.
“Gawa na tayo ng baby?” tanong ni Perry kay Martin.
“Loko mo!” tutol ni Martin. “Gumawa ka ng baby mag-isa.” wika pa ng binata saka tinalikuran si Perry.
“Sige na!” pamimilit ni Perry saka niyakap si Martin.
“Tumigil ka nga Percival!” kontra pa din ni Martin. “Wala pa tayong bente-kwatro oras gumaganyan ka na.” habol pa nito.

“Sige na please!” pakiusap ni Perry saka hinalikan sa batok si Martin.
“Eeee! Ano ba?” nakikiliting tugon ni Martin. “Tigilan mo nga yan.” utos pa nito saka nagpumiglas sa yakap ni Perry.
“If I know, gusto mo din.” tudyo ni Perry saka binitawan si Martin.
“Ayoko nga sabi eh.” sagot ni Martin.
“Bakit ayaw mo?” tanong ni Perry.
“There are reasons that only the heart can explain.” sagot ni Martin.
“Huwag mo akong utuin Emartinio! Nag-iinarte ka lang talaga.” sabi ni Perry.
“Hindi kaya!” biglang namulang sambit ni Martin. “Tulog na nga tayo.” aya pa nito sa katipan.
“Sige na! Higa ka na!” utos ni Perry na agad namang sinunod ni Martin.
Naging mapakahimbing ng tulog ng dalawa higit pa at nakayakap si Perry kay Martin at ganuon din si Martin na mahigpit ang pagkakayakap kay Perry.
Isang Linggo na ang nakakalipas –
“San ppnta ang MAHAL q naun?” text ni Perry kay Martin.
“Eh di hahnp ng trbaho.” reply ni Martin.
“Gs2 mo smhan kita?” tanong ni Perry kay Martin.
“Hwag na lng! Jan k nlng, bka mcsnte kpa dhl skn.” concern na reply ni Martin.
“Ganun! Sige na nga! Iingat k lagi.” wika ni Perry.
“Cgeh po. Luv u!” reply ni Martin.
“Love you too! Emartinio Robles Masungkal” reply ni Perry.
“Pare! Bakit ba ayaw mong sabihin kay Martin ang totoo?” tanong ni Jules kay Fierro.
“Hindi pa ngayon ang oras dude!” sagot ni Fierro sabay tapik kay Jules.
“Pare, ayoko ng magsuot ulit ng uniform ng guard.” sabi pa ni Jules.
“Don’t worry! Hindi ka na magsusuot ulit nun.” paninigurado ni Fierro.
“Good!” wika ni Jules. “Back to work na tayo! Masyado na tayong delayed sa deadline.” suhestiyon pa ng binata.
“Kasi si Martin! Ayaw akong tigilan eh!” sisi na sagot ni Fierro.
“Ano naman ang ginawa ng Martin mo sa iyo?” tanong ni Jules sa kaibigan.
“Siya lang kasi ang naglalaro sa isip ko at laging laman ng diwa ko.” nakangiting wika ni Fierro.
“Eh di kayo na!” sabi ni Jules. “Ikaw na may long lost lovelife.” kasunod nito ang isang matipid na tawa.
“Talagang ganun pare!” sagot ni Fierro.
“Sir Fierro!” tawag kay Fierro kasunod ang mahihinang mga katok at pagbukas ng pinto.
“Bakit Jayson?” tanong ni Fierro sa binatang pumasok.
“Si Sir Martin po nasa loob ng mall.” pagbabalita ni Jayson kay Fierro.
“Naku naman!” sagot ni Fierro. “Walang pasabi!” reklamo pa nito.
“Hayaan mo na pare! Baka gusto ka lang i-surpresa.” sabi naman ni Jules.
“Ikukuha ko nap o ba kayo ng uniform Sir?” tanong ni Jayson dito.
“Please and thank you.” pasasalamat at pakiusap ni Fierro kay Jayson. “Paki-remind ang lahat na bawal muna akong tawaging Sir Fierro.”
“Opo Sir!” wika ng gwapong si Jayson saka sumunod s autos ni Fierro.
Sa kabilang banda –
“Si Fierro po?” tanong ni Martin sa taong nasa baggage counter.
“Fierro?” tila nag-iisip na sagot ng lalaki sa counter.
“Si Percival Gutierrez.” sagot naman ni Martin.
“Ahh!” reaksyon nang lalaking kausap ni Martin. “Si Si…”
“Nasa storage room!” biglang singit ng isa pang lalaki sa dalawa. “Kalilipat lang kay Fierro sa storage.” sabi pa nito.
“Ganun ba?” tila nalungkot na sabi ni Martin. “Pasabi na lang dumaan ako.” malungkot pa nitong pahayag.
“Hindi!” pigil ng lalaki. “Jayson nga pala!” sabi pa nito saka abot sa kamay.
“Martin.” pakilala ni Martin saka abot din ng kamay.
“Pagpasensyahan mo na si Mark, bago pa kasi kaya hindi kilala si Fierro. Palabas na din naman iyon.” sabi ulit ni Jayson.
“Martin!” bati ng pamilyar na tinig kay Martin.
“Kuya Perry!” sumayang sabi ni Martin.
Nakita ang gulat sa mukha ni Mark na agad naman hinatak ni Jayson palayo sa dalawa.
“Napadaan ka?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Gusto ko lang na makita ang mahal ko bago ako umalis.” sabi ni Martin.
“Bakit naman wala kang pasabi?” tanong ulit ni Fierro.
“Kailangan pa ba iyon? Eh, dadaan din naman ako dito kaya dinaanan na kita.” nakangiting sabi ni Martin.
“Namiss mo lang ako.” tukso ni Fierro kay Martin.
“Kapal ng mukha mo! Baka ako ang namiss mo.” ganti ni Martin.
“Hindi nga kita na-miss eh.” tutol ni Fierro. “Miss na miss lang!” sagot nito saka bigay ng isang matamis na ngiti kay Martin.
Namula ang pisngi ni Martin sa sinabing iyon ni Fierro. Nakaramdam ng kilig ang binata sa mga katagang binitiwan ng katipan.
“Sige na nga! Alis na ako.” sabi ni Martin.
“Bilis naman!” reklamo ni Fierro.
“Basta, alis na ako.” sabi ni Martin.
“Ingat ka mahal ko.” sabi ni Fierro.
“Ikaw din! Pag-igihan mo.” paalala ni Martin saka umalis.
“Sir Fierro, muntik na kayo dun!” sabi ni Jayson pagkaalis ni Martin.
“Salamat tol! Buti at dumating ka kaagad.” pasasalamat ni Fierro.
“Sorry po Sir! Hindi ko po alam!” paumanhin naman ni Mark.
“Ayos lang yun! Basta sa susunod.” paalala ni Fierro.
Samantala, dalawang interview ang pupuntahan ni Martin ng araw na iyon. Isang beverage company sa umaga at electric company sa hapon.
“Sorry to say but you’re not meant for this position. Over-qualified ka and you deserve better position.” sabi ng interviewer kay Martin.
“Ma’am! Matatanggap ko pa po na under-qualified ako than over-qualified.” pagrarason ni Martin. “I’m sure this is the best position to start my way up.” pakiusap pa ng binata.
“Sorry but I will not let you degrade yourself and your talents be wasted.” giit ng interviewer kay Martin. “Anyways, I’ll refer you to this company and I am sure, mas masusulit ang talent at skill mo dito.” sabi pa ng babae na isa sa may mataas na posisyon sa kumpanya.
“Thank you Ma’am!” pasasalamat ni Martin na bagamat bigo ay may pag-asa pa din dahil sa binigay na recommendation sa kanya.
Pinuntahan nga ni Martin ang sinabing kumpanya sa kanya at agad namang ibinigay ang recommendation letter para siya ay bigyan ng priority. Isang bangko iyon na kilalang-kilala at madaming branches.
“I think you’re the one we’re looking for.” nakangiting sabi ng gwapong interviewer kay Martin.
“Thank you sir!” sagot ni Martin. “Kuya Perry! Ang yummy nito! Hahahaha!” sabi pa ni Martin sa sarili na titig na titig sa mukha ng nag-iinterview sa kanya.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ng lalaki kay Martin.
“Sorry Sir!” biglang bawi ng tingin ni Martin ng mapagtanto niyang natutunaw na ang kaharap niya.
“Natutunaw na kasi ako sa titig mo.” pabirong sabi ng lalaki kay Martin.
“Nice one Sir!” may ngiti na sagot ni Martin.
“Honestly Martin! Nakakatunaw naman talaga kasi lalo na kung ganyan kaganda ang mata ng tumitingin sa’yo.” banat ulit nito.
“Mata lang Sir?” ganting biro ni Martin. “Hay Kuya Perry! Iingitin kita mamaya!” sabi ulit ni Martin sa sarili.
Ngiti lang ang sinagot ng lalaki kay Martin. “Back to business!” sabi ulit ng lalaki. “Since you’re a fresh graduate, can I have your transcript next week?” tanong pa nito kay Martin.
“Sadly, it’s a year long process in my school.” sagot ni Martin. “But I can provide you Certification and Temporary Transcript of Record.” pambawi ni Martin saka inilabas ang temporary TOR niya at Certification.
“Great! Cum laude grade ka pala!” sabi ng lalaki kay Martin.
“Yeah! But I have 5 subjects with a grade of 3 and 2 subjects of 2.75, that makes me not qualified for the title.” pagbabalita pa ni Martin sa kausap.
“I’m kinda loving you!” biglang nasabi ng lalaki kay Martin.
“What is it Sir?” tanong ni Martin sa lalaki. “Hahaha! Gusto ko ditong magtrabaho! C’mon! Gusto kitang malandi! Hahahaha! Sorry Kuya Perry! Hahaha!” sabi ulit ni Martin sa sarili na sanhi para mapangiti ito.
“We’re strict with our policies and we prioritize those applicants with transcript.” sabi ng lalaki kay Martin. “I really love working with you but our policy shall prevail.” malungkot na sabi nito kay Martin.
Malungkot man si Martin ay pinilit na lang niyang iayos ang sarili at ngumiti.
“That’s okay Sir!” sabi ni Martin saka tumayo.
“Be back!” sabi ng lalaki saka inilahad ang kamay kay Martin.
“Thank you Sir!” sabi ni Martin saka inabot ang kamay ng lalaki.
Kinahapunan naman ay pinuntahan ni Martin ang electric company.
“If I were to ask, you deserve to be hired but I must first ask my senior if I will let you pass.” sabi ng babae kay Martin.
Pagkasabi nito ay denial ang phone at animo’y kausap na niya ang senior HR nila sa kabilang linya.
Matapos kausapin –
“Sorry Martin but we are looking for Psychology Graduates and at least 2years of experience.” sabi ng babae.
“I understand Ma’am.” sagot ni Martin saka tumayo at umalis.
Pagkagaling sa hling interview niya ay dumaan na muna siya sa dati niyang eskwelahan, ginabi na din siya ng uwi.
“Kamusta ka na?” tanong ni Cris kay Martin.
“Ikaw pala yan.” gulat na sabi ni Martin.
“Saan ka galing?” tanong ni Cris kay Martin.
“Naghahanap ng trabaho.” sagot ni Martin. “Hirap palang humanap.” nakangiting sabi ni Martin.
“Konting tiis lang at makakakita ka na din.” pagpapagaan ng loob ni Cris kay Martin.
“Sana nga!” sagot ni Martin. “Hindi pala totoo iyong napapanuod ko sa TV!” sabi ni Martin.
“Anung napapanuod sa TV?” nagtatakang tanong ni Cris.
“Di ba sa mga drama, isang interview lang, tapos iyong may-ari ng kumpanya na ang mag-iinterview sa’yo tapos tanggap ka kaagad.” reklamo ni Martin. “Ang dami-dami pa kayang dinadaanan bago matanggap.” sabi pa ng binata.
Napatawa na lanlg si Cris sa sinabing iyon ni Martin saka ginulo ang buhok ng binata.
“Dami mong nalalaman ikaw na bata ka.” komento naman ni Cris.
Tulad ng nakagawian ay libre ng pamasahe si Martin at dahil siksikan ay tumayo siya dahil nga sa libre naman ang pamasahe niya. Bago bumaba ng bus si Martin ay may inabot si Cris sa kanya.
“Ano to?” tanong ni Martin kay Cris.
“Puntahan mo na lang iyan bukas.” nakangiting sabi ni Cris.
“Sabi mo.” tugon ni Martin saka nginitian si Cris.
“Kamusta na ang Martin ko?” bati ni Fierro kay Martin na hinintay sa sakayan.
“Kuya Perry!” biglang sumiglang sabi ni Martin. “Unemployed pa din at jobless!” biglang lumungkot na saad ni Martin.
“Ayos lang yan! Mahal naman kita!” sabi ni Fierro sa katipan.
“Utuin daw ba ako.” kontra ni Martin.
“Ang uto hindi totoo, pero iyong sinabi ko totoong-totoo.” sagot ni Fierro. “Patulog sa inyo ah.” sabi pa ng binata pagkasakay nila ng jeep.
“May damit kang dala?” tanong ni Martin dito.
“Secret! Bakit kailangan ko pang magdamit eh ikaw lang naman ang kasama ko.” biro ni Fierro dito.
“Loko!” sabi ni Martin saka binatukan si Fierro. “Para bukas mo.”
“Ah, meron siyempre.” sagot ni Fierro. “Binilin ka kasi sa akin ni nanay! Sabi niya pupunta siya ng Baguio para sa seminar nila eh wala daw magbabantay sa’yo.”
“Oportunista ka din naman pala!” pagbibiro ni Martin sa kasintahan.
“Siyempre naman! May time na ulit para yakapin kita buong gabi.” sabi pa ni Fierro.
“Ang sweet!” sabi ni Martin saka idinantay ang katawan kay Fierro.
Natigil lang sa usapan ang dalawa ng dumami na ang tao sa loob ng jeep at umupo na ang driver sa upuan nito na katabi nila Martin.
Kinabukasan ay pinuntahan nga ni Martin ang sinabi sa kanya ni Cris para applyan at si Fierro naman ay kasabay na umalis ni Martin ng bahay.
“You’re hired!” wala pa mang sinasabi si Martin ay ito na agad ang bungad sa kanya ng nakatalikod na boss.
“Sir?!” nagtatakang ulit ni Martin na sa wari niya ay pamilyar ang tinig na iyon.
“Pwede ka ng magsimula ngayon.” sabi pa nito saka inikot ang swivel chair paharap kay Martin.
“Cris.” gulat na gulat na nasabi ni Martin.
“Yes Martin!” sabi nito.
“Sorry pero hindi kaya ng pride ko na tanggapin ang trabahong ‘to.” tutol ni Martin.
“Ang pride, minsan kailangang isantabi muna.” sagot ni Cris.
“I want to be hired because I’m qualified and not because I’m a boss’ friend.” sabi ni Martin.
“Without doubt, you’re qualified for the position.” sagot ni Cris.
“Ni hindi mo pa nga ako na-iinterview professionally tapos qualified na ako?” sarkastikong tugon ni Martin. “Sorry Cris, pero hindi ko alam kung papaano ako maniniwalang qualified ako kung nagdududa na ako sa’yo.” sabi pa ni Martin.
“There are things in you na hindi kayang makita sa isang professional interviews. You have characteristics, attitudes and guts na sa isang ordinaryong chitchat makikita. I strongly believe na kahit inexperienced ka pa, o walang transcript o kahit hindi kilala ang course mo, I wont let my company not to accept a great potential like you.” paliwanag ni Cris.
Nanatiling tahimik si Martin sa sinasabing iyon ni Cris.
“Martin! I know you will not fail me.” sabi ulit ni Cris.
“Kaya pala kakaiba ka sa lahat ng kundoktor kasi hindi ka naman pala talaga kundoktor.” sabi ni Martin. “Nagago mo ako Cris!” malungkot na sabi ni Martin.
“Kaya ko lang ginawa iyon kasi gusto kong maging kaibigan ka at ayokong maging kaibigan ka na kilala mo akong isang professional, isang bossing o kaya naman isang mayaman.” paliwanag ni Cris. “Honestly, sinadya ko lahat ng pagkikita natin sa bus. Planado ko lahat iyon at inalam ko ang lahat tungkol sa’yo.”
“Pero bakit?” tanong ni Martin.
“Basta, kakaiba ka kasi!” sagot ni Cris. “Ikaw lang ang nag-iisa sa buhay ko Martin! Mula pa nuong una hanggang ngayon.” Bulong ng isip ni Cris.
“Hindi ko alam kung papaano kita papakiharapan ngayon, pero hindi ko tinatanggap itong trabaho na’to.” sabi ni Martin.
“Forget about your pride! Face the reality that you really need this job!” wika ni Cris. “Patunayan mo sa akin na hindi ako nagkamaling kuhanin ka bilang HR Manager ng buong AGC Ice Cream and Dairy Factory and in the future ng Aguirre Group of Companies.” dugtong pa ng binata.
Walang imik mula kay Martin na tila lutang sa kawalan. Tumayo naman si Cris sa kinauupuan at nilapitan si Martin, hinawakan ang isang kamay at inilagay sa balikat ng binata ang isa niyang kamay.
“Accept the position Martin! I know you can do it.” pilit ni Cris na may simpatikong ngiti saka iniangat niya ang ulo ni Martin.
Tango lang ang naging tugon ni Martn na naguguluhan pa din sa sitwasyon.
“By the way, I’m still single.” habol ng binata.
“Thank you Sir Cris.” wika ni Martin saka humakbang palayo.
Kinagabihan –
“Kamusta na ang mahal ko?” tanong ni Fierro kay Martin.
“May trabaho na.” tila lutang pa rin si Martin.
“Mainam!” saad ni Fierro. “Eh bakit malungkot ka?” tanong ni Fierro.
“Wala lang.” sagot naman ni Martin.
“Saan company?” tanong ni Fierro.
“AGC Ice Cream and Dairy Factory.” sagot ni Martin.
Biglang umasim ang mukha ni Fierro ng marinig niya ang sinabing iyon ni Martin.
“Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Sino ang nagpasok sa iyo dun?” imbes na sagutin ay tanong agad ni Fierro kay Martin.
“Remember Cris?” simula ni Martin. “Iyong kundoktor na pumunta nung grad celeb ko? Boss pala siya dun.” pagbabalita ni Martin.
“Ganu ba?” matamlay na wika ni fierro. “Tara kain na tayo.” suhestiyon pa ng binata. “Cris, ano ba ang binabalak mo ngayon? Hindi pa ba sapat sa iyo ang lahat?” tanong ni Fierro sa sarili.
Pansin ni Martin ang pagbabago ni Fierro ngunit hindi na niya inusisa pa ito. Sa pakiwari niya ay hindi na niya makakaya pa ang kung anuman ang sasabihin ni Fierro pag nagtanong pa siya.


[02]
“Sir Martin, pinapatawag ka ni Sir Cris sa office.” sabi ng Junior HR Assistant kay Martin.
“Sige, susunod na ako.” tugon ni Martin.
“Bilisan mo, urgent ata.” paalala pa ng dalaga.
Ngiti lang ang naging tugon dito ni Martin.
“What’s with him at pinasabi pa kay Glaiza.” tanong ni Martin sa sarili.
“Sir Cris!” simulang bati ni Martin kay Cris.
“Cris na lang Martin.” giit pa ng binata.
“Office hours tayo Sir!” tanggi ni Martin dito.
“Sabi mo eh.” kibit-balikat na wika ni Cris.
“Bakit po ninyo ako pinatawag?” sobrang galang na saad ni Martin.
Unang araw niya sa trabaho at tatlong araw na ang nakakalipas mula ng makuha niya ang posisyong binigay sa kanya ni Cris.
“Kakamustahin ko lang sana ang first day mo.” nakangiting sabi ni Cris.
“Ayos lang naman Sir! Medyo naninibago pa, kasi malaki iyong company, madaming employees at nakakalito pa iyong staffing.” pagkukwento ni Martin.
“Cheer up Martin!” bati ni Cris kay Martin na pansin ang tamlay at lamig ng pakikitungo nito sa kanya. “Basta, sana walang magbabago sa pagitan natin.” pakiusap pa ng binata dito.
“Pipilitin ko po Sir!” sagot ni Martin dito.
“Martin! Please naman! Unawain mo na lang sana iyong rason ko kung bakit ko nagawa sa iyo iyon.” sabi ni Cris.
“Mahirap Sir Cris!” matipid na sagot ni Martin.
“Please Martin!” buong pagsusumamo ni Cris saka hinawakan sa dalawang kamay si Martin.
Matipid na ngiti lang ang itinugon ni Martin sa sinabing ito ni Cris.
“Mamaya ipapakilala na kita sa lahat as HR Manager. Makikilala mo na iyong nasa ibang department pati na iyong ibang empleyado. This evening I will introduce you to the rest of the board members with an early dinner.” sabi ulit ni Cris.
“Got it Sir Cris.” tugon ni Martin.
Kinahapunan nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa mga tauhan ng kumpanya at malugod naman siyang tinanggap ng mga ito. Nagkaroon na din siya ng mga kaibigan at kakilala.
“Mahal! Wat tym ka uwi?” text ni Fierro sa kasintahan.
“Gagbhn ata aq mahal. Ipppklala pdw kxe q s board members eh.” reply ni Martin.
“Pagbthn mo mahl!” reply ni Fierro.
“Opo Mahal! Pra sau gglngan q tlga.” reply ni Martin.
“Luv u!” si Fierro.
“Luv u mor! Wg n reply.” sagot ni Martin.
“Opo, sb mo eh. hahaha” reply ni Fierro.
“Qlt ng mahal ko.” sabi ni Martin.
“Pra mamiss aq ng mahal ko. J” reply ni Fierro.
“Totoong buhay, mamya k nlng reply.” sabi ni Martin.
“Ay! Ayaw n aqng katxt ng mahal q. L” text ni Fierro.
“Tampururot nmn ang mhl q. Bka macsnte ka kxe.” reply ni Martin.
“Bsta ilabyu!” sabi ni Fierro.
“Basta iyabyumor!” reply ni Martin.
“Muahhhhhhhhhhhhhhhhh!” sabi ulit ni Fierro sa text.
“Muaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhugzz. Ayn may hug na.” reply pa ni Martin.
“Cgeh na, bka masbhan kpang tmad jan.” sabi ni Fierro.
“Yabyu uyet!” saad ni Martin at pagkatapos nun ay hindi na siya nireplayan pa ni Fierro.
Kinagabihan nga ay ipinakilala ni Cris si Martin sa iba pang board of members ng AGC Ice Cream and Dairy Factory. Malapit ng mag-ala-nwebe ng gabi ng makauwi siya sa kanila.
“Goedenavond!” nakangiting bati ni Fierro na nakaupo sa labs ng bahay nila.
“Goedenavond zu Percival.” gulat na bati ni Martin sa kasintahan. “I thought you’re home?” sabi pa ng binata.
“Yeah! Di ba bahay ko na din to?” sabi pa ni Fierro.
“Aysus! May ganun.” nakangiting sabi ni Martin. “Bakit ka nasa labas? Si nanay?” tanong pa ni Martin.
“Hinihintay ka!” sagot ni Fierro. “Pinatulog ko na din si nanay, sabi ko ako na ang bahala sa mahal kong asawa.”
“Ows! Talaga sinabi mo iyon?” tanong ni Martin.
“Oo naman! Sabi pa nga niya, pakainin daw kita pag-uwi mo tapos alagaan na daw kita habang-buhay eh.” tugon ni Fierro.
“Loko mo!” sagot ni Martin.
“Kiss nga ako.” biglang saad ni Fierro.
“Kiss ka d’yan. Sa loob na!” sabi ni Martin.
“Ay! Namiss ko gwapo kong asawa eh!” reklamo ni Fierro saka hinawakan sa pisngi si Martin at inangkin ang mga labi nito.
“I love you!” sabi ni Fierro matapos ang isang mapagmahal na halik na iyon.
“I love you more!” nakangiting tugon ni Martin na kita ang ngiti sa mukha sa tulong ng sinag ng buwan na tumatama sa kanilang dalawa.
Sa bahay na nga nila Martin natulog si Fierro at maaga din itong pumasok kinabukasan. Maaga din itong nakauwi nang araw na iyon at balak niyang daanan ni Fierro sa Robinson para kausapin at piliting sa kanila ulit ito matulog.
“Martin!” masayang bati ni Danielle sa kaibigan na sa wakas ay nakita niya ulit.
“Danielle!” sabi ni Martin. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa nito sa kaibigan.
“Pinipilit ko kasi si Papa F na sumali sa Lakan ng Lahi.” sabi pa ni Danielle.
“O, napapayag mo na ba?” tanong ni Martin sa kaibigan.
“Hindi pa nga eh! Ayaw nga niya.” malungkot na balita ni Danielle kay Martin.
“Akong bahala Danielle!” paninigurado ni Martin kay Danielle.
Napapayag nga ni Martin si Fierro na sa kanila matulog. Wala ng pakiusapan o pilitan pa, dahil nga sa nag-iisa lang si Fierro sa bahay nila ay madaling matulog na kasama niya si Martin. Ang balak nga talaga ni Fierro sa ibahay na si Martin sa bahay niya subalit iniisip din nito ang nanay ng kasintahan na maiiwan mag-isa pag-ibinahay na niya ang mahal na asawa.
“Mahal.” sabi ni Martin kay Fierro na nakaunan sa bisig ng kasintahan.
“Ano iyon mahal?” tanong ni Fierro habang nakayakap kay Martin na nakahiga sa bisig niya.
“Sabi sa akin ni Danielle na pinipilit ka daw niyang sumali sa Lakan ng Lahi.” simula ni Martin.
“O, tapos?” tanong ni Fierro.
“Gusto mo bang sumali?” tanong ni Martin. “Kasi ako gusto kitang sumali dun eh.”
“Huh?” nagtatakang sagot ni Fierro. “Bakit naman?” tanong pa nito.
“Wala lang. Basta alam mo iyon, tipong pag nanalo ka, sobrang saya ko na. Tapos pwede kong inggitin iyong iba na asawa kita.” dahilan ni Martin.
“Asus!” turan ni Fierro saka kiniliti si Martin sa tagiliran. “Hindi ka ba natatakot na baka pagpantasyahan ako dun?” tanong ni Fierro.
“Hindi! Hanggang pantasya lang naman sila eh.” sagot ni Martin. “Saka confident ako na sa akin ka lang.” sabi pa ni Martin.
“Asus! Ang asawa ko.” wika ni Fierro.
“Ano go ka na?” tanong ni Martin.
“Ikaw, bahala ka, basta ikaw lang ang manager at handler ko.” pangungundisyon ni Fierro.
“Sure!” masayang tugon ni Martin.
Nagsimula na ang mga activities tulad ng pictorials, trainings and workshops ng Lakan ng Lahi at todo suporta ang binigay ni Martin para sa kanyang katipan na si Fierro.
Sa studio kung saan magaganap ang orientation –
“Mr. Emartinio Masungkal!” bati ng isang pamilyar na mukha at tinig kay Martin.
“You looks so familiar.” tanging sagot ni Martin sa kusap habang si Fierro naman ay todo pagtataka sa nagaganap.
“I interviewed you at Banco de Oriental.” sabi ng lalaki.
“I remembered!” sabi ni Martin. “Mr. Zach Arceo.” napangiting turan ni Martin.
“Who is he?” tanong ni Fierro sabay akbay kay Martin. Napansin agad ng binata ang kakaibang titig na ipinupukol ng lalaki kay Martin kaya naman agad siyang sumingit sa usapan ng dalawa.
“Si Sir Zach, siya iyong Junior HR Assistant sa BDO.” sagot ni Martin.
“Nice meeting you pare!” sabi ni Fierro sabay abot sa kamay niya. “Fierro nga pala.” pakilala pa nito.
“Zach!” pakilala naman ni Zach.
“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Martin kay Zach.
“Pinilit kasi ako na sumali sa Lakan ng Lahi para i-represent ang Marilao.” sagot ni Zach. “Ikaw? Don’t tell me kasali ka?” tanong pa nito.
“Hindi ako, pero si Kuya Perry.” sagot ni Martin sabay tingin kay Fierro.
“Perry? Fierro?” nagtatakang tanong ni Zach.
“Just call me Fierro. Only Martin can call me Perry.” sagot ni Fierro saka bitaw ng mapanghamong titig kay Zach.
“Well, may the best man win!” sabi ni Zach. “Please excuse me for a while.” pasintabi pa nito.
“Kung makatingin akala mo kakainin ka.” bulong ni Fierro kay Martin.
“Selos!” tukso ni Martin kay Fierro.
“Hindi din! Di hamak namang mas gwapo ako dun.” turan pa ng binata.
“Sabi mo eh!” may pigil na tawang tugon ni Martin.
Lumakad na nga ang araw at tuloy pa din ang suporta ni Martin kay Fierro. May mga activities kapag sabado at lingo at laging nanduon si Martin para kay Fierro.
Isang sabado, nahuli nang dating si Martin sa location nila Fierro ay hindi niya inaasahan ang makikita.
“Ang gwapo mo talaga.” sabi ng isang baklang kausap ni Fierro.
“Salamat sagot naman nito saka inakbayan dahil nagpapakuha din ito ng picture kasama siya.
“May girlfriend ka na ba?” tanong naman ng isang babae na nakakapit kay Fierro at humihingi din ng picture.
“Pawis na pawis ka na.” sabi pa ng isa sabay punas sa pawis ni Fierro.
Hindi maintindihan kung bakit may kurot sa kanya ang nakikita. Gusto na niyang takbuhin ang mahal na si Fierro at itago palayo sa mga nakapalibot dito o kaya naman ay pagbabarilin ang mga nakapalibot sa mahal niyang asawa.
“Martiiiinnn” sigaw ng tumatakbong si Danielle papunta sa kanya.
“Eskandalosa!” komento naman ni Martin kay Danielle na isa sa mga organizers ng Lakan ng Lahi.
“Anung drama at may salamin ka pa?” tanong pa ni Danielle.
“Mahirap mag-review ng files. At mahirap mag-O.T. na doble sa regular work hours mo.” sabi ni Martin. “Kakauwi ko lang kaninang madaling araw dahil nireview ko pa lahat ng records ng HR.”
“May good news ako sa’yo. Isa si Papa F sa early favorites.” wika ng dalawa.
“Talaga?” matabang na wika ni Martin. “Maganda.” sabi pa nito.
“Late ka na!” panimulang bati ni Fierro saka lapit at akbay kay Martin.
“So what?” sarksatiko at mahinang tugon ni Martin.
“L.Q.” natatawang tanong ni Danielle sa dalawa.
“May topak ka na naman!” bati ni Fierro saka pisil sa dalawang pisngi ni Martin.
“Sige Mart! Ayusin ko lang iyong nasa likod.” paalam naman ng dalaga.
“Sige Danielle.” sagot ni Martin.
“Ano ba ang problema nang mahal kong asawa?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Tatanong pa!” sarkastiko pa ding tugon ni Martin.
“Nagseselos siya!” tila nahulaan ni Fierro ang punu’t-dulo ng sumpong ni Martin.
“Hindi kaya.” tanggi pa din ni Martin.
“Ikaw ang nagsali sa akin dito kaya hindi ka dapat magalit kung gwapo ang asawa mo.” nakangiting wika ni Fierro.
“Pero unreasonable pa din iyong makipag-lampungan ka sa iba.” sabi ni Martin.
“Eh di lumabas na din iyong dahilan ng sumpong mo.” sabi ni Fierro na may simpatikong ngiti. “Nakikisama lang ako kasi gusto kong manalo para sa’yo.” paliwanag pa ng binata sa mahal niyang si Martin.
“Pero dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon.” sagot ni Martin.
“I love you! Hayaan mo na iyon, mahal naman kita.” sabi ni Fierro.
“Ay hindi! Tandaan mo ang araw na’to.” sabi ni Martin.
Walang anu-ano ay ninakawan ni Fierro ng halik si Martin ngunit sinigurado na muna niyang walang nakatingin sa kanila at walang nakakakita.
Natahimik si Martin sa dapat pa niyang sasabihin.
“Eh di tumahimik ka.” nakangising wika ni Fierro saka inakbayan si Martin at pumunta na sila sa umpukan.
Sa wakas ay dumating na din ang sandaling hinihintay ng lahat. Coronation Night na ng Lakan ng Lahi. Unang lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang National Costume, nagsuot ni Fierro ng Chinese collared Barong-Tagalog na yari sa pinya na may customize design na si Martin mismo ang gumawa at tinernuhan ng kulay gatas na pantalon. Sumunod naman lumabas ang mga kalahok suot ang kanilang Fantasy Costume at ginaya ni Fierro ang suot ng favorite superhero niyang si Batman. Sunod ay rumampa ang mga kalahok suot ang kanilang trunks. Tilian ang mga tao habang rumarampa ang mga kalahok pero mas dumagundong nang lumabas na sina Zach at Fierro. Kita ang pagka-angat sa ganda ng katawan ng dalawa at iwan na iwan ang iba pang kalahok. Pagkatapos ng swimwear ay nag-announce na ng Top five at kasama sila Zach at Fierro. Kasunod nito ay ang sports wear at panghuli ay Casual wear at saka nagkaroon ng question and answer.
“What makes a man a man?” tanong ng host kay Fierro.
“What makes a man as a man is his courage to continue even if there are no more reasons, his strength to stand over trials and fall, his wisdom to do critical and wise decision, his temperance to be on control to his self and most of all, his courage, strength, temperance and wisdom to be against the world to protect what is right and to protect his love for safety. It is his willingness to be the change.” sagot ni Fierro.
“Very well said Fierro.” sabi ng host. “Now you have your top 5 and after a short while, we will announce this years’ Lakan ng Lahi.” pahabol pa ng host.
“Congrats bro!” maagang bati ni Zach kay Fierro.
“Walang pang announcement bakit bumabati ka na?” tanong ni Fierro dito.
“Sure ko nang ikaw ang mananalo.” sagot ni Zach.
“Hindi din! Magaling ka ding contender para sa title.” nakangitng sagot ni Fierro.
“Yeah! Pero pang-runner up lang ako.” sambit naman ni Zach.
“Hindi din.” tanggi ni Fierro.
“But I want to make things clear, kayo na ba ni Martin?” tanong ni Zach sa binta.
“Paano mo naman nasabi iyon?” tila nabibilaukang tugon ni Fierro.
“I can sense it!” sagot ni Zach. “Alam mo naman di ba pag gusto mo iyong isang tao masesense mo kung may umaaligid sa kanya or kung taken na siya? I am sure na-experience mo na iyong sinasabi ko.” sabi pa ulit nito.
“What do you mean? May gusto ka nga kay Martin?” tila naiba ang timpla na sagot ni Fierro.
“Likely! Iba kasi ang personality ni Martin.” diretsong sabi ni Zach.
Nagdadalawang isip si Fierro kung aaminin ba niya kay Zach ang tunay na ugnayan nila ni Martin. Kung siya ang tatanungin ay gusting-gusto na niyang ipagsigawan sa buong mundo na sila na ni Martin subalit may takot pa din siyang nadarama at isinasaalang-alang din niya ang desisyon ng katipan.
“Answer me! Kasi kung hindi pa, bilisan mo ako kikilos na ako para kay Martin.” paalala pa ni Zach.
“Eh kung sabihin kong oo?” tanong ni Fierro.
“Madali naman akong kausap, ayokong sumira ng relasyon ng iba kaya hahayaan ko na lang si Martin sa’yo.” nakangiti nitong tugon.
“Kung sana lahat ng tao kagaya mo Zach!” mahinang usal ni Fierro.
“Congrats ulit pare!” sabi pa ni Zach saka iniwan si Fierro.
“Galing mo Zach!” bati ni Martin kay Zach nang makasalubong niya ito.
“Thanks Martin!” tugon ni Zach.
“Martin, buti at pinapasok ka.” sabi ni Fierro kay Martin.
“Ano pang silbi ng pagiging bibo kid ko kung hindi ko magagamit?” balik na tanong ni Martin kay Fierro.
“Ikaw talaga!” sabay yakap kay Martin at gulo sa buhok nito.
“O.A. ka na!” reklamo ni Martin sa ginagawa sa kanya ni Fierro.
“Fierro tama na yan! Pinapatawag na kayo ulit sa stage.” bati ni Danielle kay Fierro.
“Salamat Dan!” wika ni Fierro saka bitiw ng matamis na ngiti sa dalaga.
“Ang gwapo nya talaga!” wika ni Danielle saka hinampas si Fierro sa balikat.
“Tinamaan ng magalnng!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Kung makahampas ka! Close ba tayo?” biro pa nito sa kaibigan.
“Nginitian niya ako Martin!” sabi pa ni Danielle saka maligayang sinabunutan si Martin.
“Masakit!” reklamo ulit ni Martin. “Bakit ba kayong mga babae pag kinikilig sobrang rahas?” tanong pa ni Martin.
“Malay ko sa’yo friend!” tugon ni Danielle saka parang lutang na bumalik sa trabaho niya.
Maya-maya pa at –
“And the winner is, candidate number…” at kasunod nito ay isang mahabang drumroll.
“Number 21, Percival Gutierrez.” sabi pa ng isang host.
Labis ang kasiyahan ni Martin nang marinig niyang tinawag ang pangalan ni Fierro bilang Lakan ng Lahi. Madami ang bumati kay Fierro, nagpapicture at kumausap, ngunit kahit sino man ang kaharap niya ay lagi niyang kasama si Martin at hindi naalis ang pagkakaakbay niya dito.
“Galing naman ng mahal ko.” bati ni Martin kay Fierro habang pauwi.
“Siyempre, tumupad ako sa pangako ko sa mahal ko.” sagot naman ni Fierro.
“Loko mo!” sagot ni Martin sabay pisil sa pisngi ng katipan.
Kinabukasan, araw ng lingo –
“It’s payback time!” nakangising simula ni Fierro kay Martin habang kumakain sila sa fastfood na nasa loob ng mall.
“Huh?” pagtatanong ni Martin kay Fierro.
“Danielle told me that they are organizing another male pageant and they are looking for contestants.” sagot ni Fierro.
“Kinakabahan ako sa sinasabi mo Fierro.” sabi ni Martin. “Di ba katatapos lang ng Lakan ng Lahi?” sabi pa ni Martin.
“It’s different from Lakan ng Lahi.” sagot naman ni Fierro. “It’s payback time Martin kasi ipinasama ko na ang pangalan mo sa tentative list.” pagbabalita pa ni Fierro.
“Sabi ko na nga ba!” tila asar sa tugon ni Martin.
“Oh! Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Fierro.
“Kasi naman hindi mo man lang ako kinunsulta!” asar pa nitong paliwanag.
“Naisip ko lang naman di ba mas maganda kung ako title holder tapos ikaw magiging title holder din.” pangungumbinsi pa din ni Fierro.
“Pero hindi tama na ipalista mo ako dun nang hindi ko alam.” sagot naman ni Martin.
“Akala ko kasi ayos lang sa’yo.” nalungkot na sabi ni Fierro.
“Next time hindi na sana ganito. You’re deciding for me kahit wala akong kaalam-alam.” sabi pa din ni Martin.
“Sige, ipapa-alis ko na lang iyong name mo din, huwag ka lang magalit sa akin.” sabi pa ni Fierro.
“Sige! May point ka naman din kasi, sumali ka sa Lakan ng Lahi dahil sa akin, sasali na din ako d’yan para sa’yo. Pero make sure hindi mo ako papabayaan.” pangungundisyon pa ni Martin.
“Sure! Akong bahala sa’yo.” nakangiting sagot ni Fierro.
“Anung klase ba yang male pageant na ‘yan?” tanong ni Martin.
“You’ll know it later.” nakangising sagot ni Fierro.
“Kinakabahan ako Kuya Perry.” tugon ni Martin.
“Trust me!” sabi ulit ni Fierro.


[03]
“Good Morning nay!” masayang bati ni Fierro sa nanay ni Martin isang umaga ng sabado.
“Good morning Fierro.” ganting bati ng ginang sa binata. “Si Martn? Tulog pa ba?” tanong pa nito.
“Opo eh.” sagot nito. “Sino poi yang bata nay an?” tanong pa ng binata sa matanda ng makita ang batang nakaupo sa sofa.
“Anak ko.” nakangitng sagot ng matanda.
“Anak? Kapatid ni Martin?” paninigurado ni Fierro na napakamot pa sa ulo.
“Hindi pa ba nasabi sa’yo ni Martin na may kapatid na siya?” tanong ng ginang. “Alam ko naman kasing hindi ninyo ako mabibigyan ng apo ni Martin kaya inampon ko na lang itong anak ng pinsan ko.” nakangiti pa nitong paliwanag.
“Sorry po nanay!” nalungkot na pahayag ni Fierro sa ina ng kasintahan.
“Para saan ang sorry mo anak?” tanong naman nito.
“Kasi ako po ang dahilan kung bakit hindi kayo magkakaapo.” sagot ng binata.
“Hay, ikaw na bata ka. Hindi mo kailangang humingi ng sorry, tandaan mo na mula nang tanggapin ko ang tungkol sa inyo ni Martin ay tinaggap ko ang lahat ng posibleng mangyari. Mas mahalaga sa akin kung papaano magiging masaya ang kaisa-isa kong anak.” paliwanag pa ng matanda.
“Nanay!” malambing na wika ni Fierro saka niyakap ang matanda.
“Kita mo ngayon, dalawa na kayong anak ko.” sabi pa nito. “Basta mahalin mo ang anak ko Fierro. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin.” paalala pa ng matanda.
“May ano at yakap mo si nanay?” bati ng pupungas-pungas pang si Martin.
“Wala hijo!” sagot ng matanda.
“Asus! Si nanay, nakikiyakap lang kay Kuya Perry.” nakangising sabi pa nito.
“Kuya Martin!” sabi ng bata habang hinahatak ang short ni Martin. “Sabi kasi ni nanay kay manong ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin kaya niyakap ni manong si nanay.” kwento pa ng bata.
“Ikaw Gelo ka! Kay bata mo pa chumichismis ka na.” namumulang sabi ni Martin sabay gulo sa buhok ng bata.
“Gelo hijo! Siya si Kuya Fierro mo, ang isa mo pang kuya.” sabi naman ng matanda kay Gelo.
“Siya po pala si Kuya Fierro.” sabi ng bata saka tumingin kay Fierro. “Mas gwapo nga siya kay Kuya Martin.” tumatawang sabi pa nito na halatang inaasar ang bagong bangon na si Martin.
“Kay aga-aga namumuwiset ka.” tugon ni Martin.
“Totoo naman eh!” sagot ni Fierro saka buhat sa batang si Gelo.
“Naku! Magkampi na kayo.” tugon ni Martin.
“Bilisan mo ang kilos Emartinio at baka malate tayo sa orientation ninyo.” paalala ni Fierro sa kasintahan.
“Hala! Nalimutan ko na ngayon nga pala iyon.” napakamot sa ulong wika ni Martin.
“Ngayon iyong briefing kaya dapat nandun ka.” sabi pa ni Fierro.
“Saan ba ang lakad ninyo?” tanong naman ng matanda.
“Gaganti lang po kay Martin.” nakangiting turan ng binata.
Sa orientation –
“Martin, ready ka na ba? Find your seat kasi ipinagreserve ko na kayo.” simulang bati ni Danielle kila Martin at Fierro.
“Thanks Dan.” pasasalamat ni Fierro sa dalaga.
“Okay guys!” simula ng head organizer. “It took us long period of time para i-conceptualize itong male pageant na’to, nahirapan din kaming makahanap ng mga candidates na sa tingin namin ay deserving maging unang title holder. Yeah, masalimuot ang pinagdaanan pero ito na, ang katuparan ay malapit na para sa kauna-unahang...” masayang paglalahad pa nito.
“What?!” malakas na reaksyon ni Martin hindi pa man natatapos sabihin ang pangalan ng patimpalak.
“Is there any problem Sir?” tanong ng organizer kay Martin.
“Can you please clarify things sir? Honestly, I’m clueless!” tugon ni Martin.
“Okay kiddo I’ll explain.” sabi pa ng organizer.
“What? Do I really need to do that? Goodness! Anung kalokohan naman ba itong pinasok ko?”patuloy na pag-iisip ni Martin na hindi kayang isipin ang kung anuman ang napasukan. “This can’t be! Malabo, quit na ako.” saad pa ng isip niya.
Napansin naman ni Fierro ang naging reaksyon ng kasintahan kaya naman agad niya itong tinapik at binulungan.
“Ayos ka lang ba?” tanong ng nag-aalalang si Fierro.
Isang matalim na titig ang ipinukol ni Martin dito bago magsalita –
“You have to explain!” madiin pa nitong sabi na nagpatahimik kay Fierro.
“Any questions?” paglilinaw ng organizer.
“Can I quit Sir?” tanong ni Martin.
“Martin!” nausal ni Danielle sa naging desisyon ni Martin. “He’s kidding Sir!” sabi naman ni Danielle sa head organizer.
“I’m serious Sir!” pamimilit ni Martin.
“Why?” tanong ng organizer. “Not to bother anyone but I can see you kid holding the title.” komento pa nito.
“For some personal reasons sir.” sagot naman ni Martin saka tumingin kay Danielle at Fierro.
“Okay, but If ever you changed your mind we are willing to accept you.” nakangiting sabi pa nito.
“Thank you for understanding.” balik na sagot ni Martin saka humakbang palabas.
“Martin!” habol ni Fierro sa katipan.
“Bakit mo naman hindi sinabi sa akin na ganito pala ang gagawin ko dito?” tanong ni Martin kay Fierro. “Do you think that nanay will be happy if she will see me under that spotlight?” tanong pa ni Martin dito.
“Sorry Martin.” sinserong paumanhin ni Fierro. “I just thought that you’re ready for this. Gusto ko lang ipakita sa lahat ang other side ng sweet, charming and loving Martin.” paliwanag pa ni Fierro saka hinawakan sa kamay si Martin.
“You’re forgiven! Pero sana mahal, huwag mo na akong pilitin na sumali dun.” pakiusap ni Martin kay Fierro na wari bang lumambot ang puso niya sa pakiusap ni Fierro.
“Swear!” nakangiting tugon ni Fierro saka niyakap si Martin.
Kinagabihan ay kila Martin ulit natulog si Fierro –
“Alam mo mahal, gusto ko ng magka-anak.” simula ni Fierro kay Martin.
“Loko!” sagot ni Martin saka binatukan si Fierro.
“Totoo! Gusto kong magka-baby.” pilit ulit ni Fierro. “Iyong papalakihin at aalagaan.”
May tila kurot kay Martin sa sinabing iyon ni Fierro. May isang bagay na wari niya ay sumampal sa kanya. “Eh di mag-ampon tayo.” tanging nasabi ni Martin.
“Gusto ko iyong ako talaga ang gagawa. Iyong sarili kong anak.” giit pa ni Fierro.
“Mag-asawa ka ng babae.” matamlay na sabi ni Martin na sa totoo lang ay may isang damdaming nais kumawala sa kanya.
“Ayoko rin! Maghihiwalay tayo pag-ginawa ko yun eh.” sabi pa ni Fierro saka niyakap si Martin.
“Naman! Ayokong may isang bata na naman na lumaking hindi buo ang pamilya.” sabi pa ni Martin.
“Magkano kaya ang bayad sa baby maker?” tanong na agad ni Fierro.
“Mangungunsinti ka pa ng masamang gawain.” sagot ni Martin na may pigil nang luha sa kanyang mga mata sa isiping may isang bagay na hindi niya kayang ibigay kay Fierro, isang anak.
“Forget about it Martin mahal!” sabi pa ni Fierro. “Tulog na tayo.” aya pa niya sa kasintahan. “Namiss kong yakapin ang asawa ko, kaya matulog na tayo.” saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Martin at hinalikan sa noo.
Kinabukasan –
“Dude! This is it!” sabi ni Fierro kay Jules pagkadating sa opisina.
“Ready ka na ba?” tanong ni Jules kay Fierro.
“Matagal ko nang dapat ginawa to. This is it!” nakangiting sabi pa ng binata sa kaibigan.
“Goodluck bro!” saad ni Jules saka tapik sa balikat ni Fierro.
“Thanks!” sagot ni Fierro.
Samantalang si Martin –
“Miss nandiyan ba si Fierro?” tanong ni Martin sa isang saleslady na nasa loob.
“Si Sir Fierro po ba?” tanong ng dalaga kay Martin.
“Yeah, si Fierro nga.” nagtatakang sagot ni Martin.
“Nasa opisina po, dun sa taas.” sabi pa ng dalaga saka turo sa isang pintuang sa tingin niya ay may hagdan.
“Thanks!” sagot ni Martin saka tinungo ang lugar na sinabi sa kanya ng babae.
“Good Morning Sir Martin!” bati ni Jayson kay Martin saka sinabayan sa paglalakad ang binata.
“Magandang umaga Sir Martin!” bati ni Mark sabay sinabit ang smapaguitang hawak niya.
“Good Morning Sir Martin!” bati din ng guard kay Martin saka sinaluduhan ang binata.
Bumati din ang ibang empleyado ng mall kay Martin at bawat isa ay nagbibigay ng tig-iisang bulaklak, may rosas, orchids at tulips. Wala p;ang tao sa loob ng mall nang mga oras na iyon at sa tingin niya ay hindi pa ito nagbubukas.
Nakapila na ngayon lahat ng empleyado ng mall papunta sa pintuang tinuro sa kanya ng dalagang napagtanungan. Tila ba mga sundalo itong nagbibigay pugay sa kanyang pagdaan. Biglang may tumugtog, isang pamilyar na awitin.
“Only you can make this world seem right
Only you can make the darkness bright
Only you and you alone
Can thrill me like you do
And fill my heart with love for only you
Only you, only you can make this change in me
For it's true you are my destiny
When you hold my hand I understand
The magic that you do
You're my dream come true
My one and only you
Only you, only you can make this change in me
For it's true, oh baby you are my destiny
When you hold my hand I understand
The magic that you do
You're my dream come true
My one and only you”
Mula sa itaas ay may bumagsak na confetti na hugis puso at duon nakasulat ang mga titik na P.L.E. Naguguluhan at hindi alam ni Martin kung papaano magbibigay reaksyon. Pagkadatnig niya sa taas.
“Good Morning Mahal kong Martin.” bati ni Fierro saka inikot paharap ang swivel chair.
“Kuya Perry?” maikling tugon ni Martin na hindi alam kung papaano magbibigay reaksyon.
“I love you!” sabi ni Fierro na mabilis na nakalapit sa kinatatayuan ni Martin at saka ito ginawaran ng mainit na halik. “I love you!” ulit nito pagkabitaw sa maalab na halik na iyon saka niyakap ng mahigpit si Martin.
“Anung mayroon?” tila walang kaalam-alam na tanong ni Martin.
Isa-isang pumasok ang mga empleyado sa opisinang iyon ni Fierro. Tila isang koro na nagsalita – “Isang mensahe nang pagmamahal mula kay Percival Gutierrez para kay Emartinio Masungkal.” saka umawit ang mga ito.
“Ikaw ang pag-ibig ko
Ikaw ang buhay ko
Wala ng hihigit pa,
Sa makapiling ka
At makasama pa.
Ikaw ang pag-ibig ko,
Tanging ikaw ang buhay ko,
Wala ng mahihiling pa
Kung di panghabay buhay din
Ang pag-ibig mo.”
“Salamat dahil minamahal mo ako kahit na ano pa man ang naging katayuan ko sa buhay.” sabi ni Fierro. “Here, I’m sorry kung itinago ko sa’yo kung ano ang totoo. Alam kong hindi magtatagal at malalaman mo din ang lahat kaya bago mangyari iyon, uunahan ko na at aamin na ako sa’yo.” dagdag pa ng binata saka hawak sa pisngi ni Martin.
“What do you mean?” hindi magawang magalit ni Martin kay Fierro dahil mas lamang sa kanya ang saya dahil sa ginawa nito sa kanya.
“I love you and I will always love you!” sabi pa ni Fierro saka muling niyakap si Martin sa harap ng mga empleyado ng mall.
“Sir Martin! Wala bang sagot?” kantyaw ng mga empleyado.
Nakangiting napatingin si Martin sa mga ito at namumulang sumagot – “I love you too!”
Palakpakan ang lahat at saka matapos ang ilang minuto ay napag-isa sina Martin at Fierro.
“Sorry Martin! Sinadya ko ang lahat, mula nung unang araw na makita mo ako dito hanggang sa mga araw na hindi kita sinisipot, ang pagpapanggap ko.” simula ng paliwanag ni Fierro.
“Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa’yo mahal ko, pero mas lamang na masaya ako.” tugon ni Martin. “Tell me everything.”
“Hindi ako mahirap na umuwi ng Pilipinas tulad ng sabi ko sa’yo dati. Sa totoo lang ay pagmamay-ari ko na ang kalahati ng stocks ng mall na’to, may dalawang travel agency sa Manila at isang high class restaurant sa Tomas Morato. So far, biggest achievement ko ay nakuha ko na din ang construction company kung saan punung-puno ng alaala natin, ng ating kamus-musan dahil sa lugar na iyon bumabalik ang alaala ng batang pagmamahal ko sa iyo. Higit sa lahat, I want you to love me as Percival with nothing kaysa sa Percival with everything.”
“I don’t care kahit na ano pa man ang katayuan mo sa buhay, kung ano ang pagmamaya-ari mo. Mas mahalaga sa akin ang puso mo.” sabi ni Martin.
“I want to see if mabubuhay ko sa’yo ang dati mong pagmamahal sa akin kaya ilang beses kitang hindi sinipot.” paliwanag ulit ni Fierro na punung-puno ng sinseridad ang mga mata. “Pero higit pa, gusto kong masigurado kung pagmamahal ba tong nadarama ko bago ako tuluyang malulong sa damdamin ko. Kaya naman nang masigurado ko, hindi ko na pinalampas, kinausap ko na si nanay at humingi ng basbas.” kwento pa ni Fierro.
Napapangiti lang si Martin sa mga sinasabing iyon ni Fierro.
“Sa simula pa lang ay inalam ko na ang kilos mo, I hired an investigator to follow your daily activities, pinahanap kita at humingi ako ng tulong sa isang Philippine based background checker para subaybayan ka.” sabi ulit ni Fierro. “Patawarin mo ako Martin.” pagwawakas ni Fierro saka iniluhod ang isang tuhod sa harap ni Martin.
“I told you!” sagot ni Martin saka itinatayo si Fierro. “Mas lamang na masaya ako kaysa sa galit.”
“Talaga?” tanong ni Fierro.
“Opo!” sagot ni Martin. “Alam mo bang si Cris, iyong boss ko, nagpanggap din iyon na kunduktor para daw maging kaibigan ako.” sabi pa ni Martin. “Ewan ko, basta Percival, mahal na mahal kita.”
Ngiti lang ang reaksyon ni Fierro. “Si Cris? Ano ba talaga ang balak niya sa amin ni Martin? Bakit pa niya kailangan magpanggap at makipaglapit kay Martin! Hindi pa ba siya kuntento?” bulong sa isip ni Fierro.


[04]
Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/ Uno – Dos – Tres – Kwatro “Please Martin! Pumayag ka na.” pamimilit ni Danielle kay Martn mula sa kabilang linya. “Friend! Hindi ko kaya yun.” sagot ni Martin. “Laki ng panghihinayang ni Boss sa’yo.” sabi pa ni Danielle. “Friend, ganito, pag pumayag si nanay, go ako.” sagot ni Martin matapos lang ang usapan nilang magkaibigan. “Sabi mo ‘yan friend ah.” tila naging maligaya ang tinig ni Danielle sa sagot nia iyon ni Martin. “Martin Mahal, sino iyong tumawag?” tanong ni Fierro kay Martin. “Si Danielle, pinipilit akong sumali dun sa contest nay un.” tugon ni Martin. “I told you, sumali ka na kasi.” pamimilit ulit ni Fierro. “And I told you na huwag mo na akong piliting sumali dun!” biglang simangot na sabi ni Martin. “Asus!” sabi ni Fierro saka niyakap mula sa likod si Martin. “Sama ka sa akin mamaya ah.” pakiusap ni Martin kay Fierro. “Saan naman?” tanong ni Fierro na walang maalalang lakad ni Martin. “Huwag ka nang magtanong basta samama ka sa akin mamayang gabi, 9pm at formal attire.” pamimilit ni Martin sa binata. Kinagabihan – “Ang tagal!” yamot na sabi ni Martin habang hinahantay si Fierro. “Martin!” tawag ni Jayson mula sa likuran. “Jayson!” sagot ni Martin. “Saan na si Fierro?” tanong pa ng binata. “Sandali lang daw, saka maaga pa naman daw kasi.” sagot ni Jayson. “Ganun ba? Pwede ko bang akyatin?” tanong ni Martin kay Jayson. “Kaya nga ako pumunta dito kasi pinapasundo ka ni Sir Fierro.” nakangising turan ni Jayson. “Sabi niya din, huwag ka daw aakyat dun hangga’t hindi mo naisusuot itong pinadala niyang damit.” “Loko talaga iyon.” sabi pa ni Martin. Maya-maya pa at umakyat na nga si Martin sa tass kung nasaan ang Kuya Perry niya – “Martin.” nausal ni Jayson na nanlalaki ang mga mata. Inikot ni Fierro ang swivel chair niya paharap kay Martin nang marinig niyang tinawag ito ni Jayson. “Martin.” laki nang paghangan na nasabi ni Fierro saka tumayo. “Kuya Perry.” mas higit ang paghangang nasabi ni Martin. “Tara na!” simpatikong aya ni Fierro kay Martin saka abot sa kamay nito. “Let’s go!” sagot naman ni Martin saka inabot ang palad ng katipan. Nakasuot si Martin ng puting coat na may lining na kulay itim at gray, na tinernuhan ng puting pantalon at ang panloob naman nito ay kulay pink na Chinese collared at may kulay brown na ribbon sa leeg. Bagong gupit at ayos na ayos ang buhok nito na bumagay sa itsura ni Martin, lalong tumingkad ang mala-anghel nitong mukha at kagwapuhan. Si Fierro naman ay nakasuot ng kulay itim na coat na may lining na puti at may burdang kulay gray at tinernuhan din ng kulay itim na pantalon. Kulay pula naman ang panloob ng binata at kulay brown din na necktie. Tulad ng pangalan niyang Fierro ay napag-aalab din ang karakter ni Fierro sa suot niya at napag-alab din nito ang kagwapuhan ng binata. May naging simpatico at kaaya-aya ang anyo nito na mas naging kahali-halina. “Wow! Nice couple!” maibulong ni Jayson sa hangin. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Fierro kay Martin. “Puntahan mo na lang itong restaurant na’to.” komento pa ni Martin. “Good evening Martin!” simulang bati ni Cris kay Martin pagkapasok nito sa loob ng Guilbert’s Place (Local Restaurant sa Plaridel, malapit sa Sta. Rita at Rocka). “Sinong kasama mo?” tanong pa ng binata kay MArtin. “Martin, tara na!” sabi naman ni Fierro na bagong pasok sa loob. “Cris!” muling nasabi ni Fierro nang makita ang kausap ni Martin. Kita sa mukha nito ang pagkabigla ngunit pinilit niyang magpakapormal pa din. “Fierro?” nagulat na sabi ni Cris. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa niya. “Sabi mo kasi magsama ako, kaya sinama ko si Kuya Perry, hindi pwede si nanay kasi maaga ang pasok niya bukas kaya si Kuya Perry lang ang naisama ko.” salong paliwanag ni Martin kay Cris. “Halina kayo.” walang nagawang sabi ni Cris na inaya ang dalawa papasok. “Ma, Pa, I want you to meet Martin.” pakilala ni Cris kay Martin sa mga magulang niya. “Martin, my parents.” sabi pa ulit ni Cris. “Nice meeting you ma’am!” nakangiting bati ni Martin. “Nice meeting you Martin.” sagot naman ng ginang. “Sino iyong kasama mo?” tanong pa nito sabay aninag sa nasa likurang si Fierro. “I am with my brother, Fierro.” pakilala naman ni Martin. “Good evening Uncle and Tita!” pilit pinatatag ang sariling turan ni Fierro. “Percival!” madiing anas ng ginang. “Yes Ma! Si Perry.” sabi ulit ni Cris. “Wait, may ano?” naguguluhang singit ni Martin. “Sorry Martin kung hindi ko nasabing half-brother ko si Cris.” pauna nang hingi nang paumanhin ni Fierro. “So, another trick mula sa inyong dalawa?” pilit ang ngiting tanong ni Martin kay Fierro. “Definitely not!” salo ni Cris sa tanong. “Upo na muna kayo.” sabi pa ng matandang lalaki sa kanila. Pilit na pinahupa ni Martin ang sariling emosyon saka may pilit na ngiting umupo. Samantalang si Fierro naman ay hindi alam kung papaano papakiharapan ang mga taong sanhi nang paghihirap nilang mag-ina. Hindi pa siya handa para makita ang mga ito at wala pa sa plano niyang makaharap ang mga ito. Matapos ang ilang sandal – “Excuse me for a while.” pasintabi ni Martin sa mga ito. Sinundan naman siya agad ni Fierro – “Martin, sorry, sasabihin ko din naman lahat sa’yo.” paliwanag ni Fierro kay Martin. “Sorry Perry, pero teka lang, magmove-on muna ako sa kalokohan ninyo ni Cris.” sagot ni Martin. “Please Martin pakinggan mo muna ako.” pamimilit ni Fierro kay Martin. “Ano ba ba ang sasabihin mo? Ano pa ba ang hindi ko alam? Ano pa ba ang dapat kong malaman? Ano pa banag ang mga itinatago mo? Ano pa ang mga kasinungalingan ninyo?” tanong ni Martin na kita ang pagpipigil ng luha. “Listen to me!” saad ni Fierro saka tinitigan sa mga mata si Martin. “All I need is your trust! Sasabihin ko din sa’yo lahat.” sinserong saad pa ng binata. “Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Martin. “Dahil hindi pa panahon.” sagot ni Fierro. “Malalaman ko din naman yan, sasabihin mo din naman yan, bakit hindi pa ngayon?” tanong pa ulit ni Martin. “Ano to? Sa susunod mukha ulit akong tanga, tulad ngayon?” giit pa ulit ni Martin. “Trust me Martin!” pakiusap ni Fierro. “How can I trust you? Wala na akong reason para paniwalaan ka.” sabi ni Martin. “You love me, right?” tanong ni Fierro. Tango lang ang sagot ni Martin. “That is enough para pagtiwalaan mo ako.” nakangitng sabi ni Fierro. “Ewan ko Perry! Oo, mahal kita, pero nahihirapan akong kumuha ng dahilan para pagtiwalaan ka. Illogical and fallacious iyong sinsabi mo.” sabi pa ulit ni Martin saka iniwan s\mag-isa si Fierro. “Martin!” tawag ni Fierro. “Fierro.” tawag naman ni Cris kay Fierro pagka-alis ni Martin. “Ano ba ang balak mo Cris?” singhal ni Fierro kay Cris. “Sirain ang buhay mo!” sagot ni Cris dito. “Gago ka! Hindi pa ba sapat na winalanghiya ninyo ang buhay namin ni Mama?” tanong ni Fierro dito. “Hindi pa tol! Kung alam mo lang kung anung hirap ang nangyari kay mama nung ipagpalit kami ni Papa sa inyo!” paninisi pa ni Cris. “Nasa inyo na si Papa di ba? Dapat masaya ka na.” sabi naman ni Fierro. “Oo, ibinigay nga ninyo sa amin si Papa pero lantang gulay na siya nuon, hanggang ngayon langtang gulay pa din.” sumbat pa ulit ni Cris. “Kaya ba ipinagpalit na ng mama mo si papa kay Tito Bobi?” balik panunumbat naman ni Fierro. “Malandi din iyang mama mo! Komo ba wala nang mapapakinabangan kay papa, lalandiin naman niya iyong kapatid ni papa?” “Wala kang karapatang lapastanganin si mama!” sabi ni Cris sabay bitaw ng suntok kay Fierro. “Puta! Ikaw! Kayo ang nagsimula nito!” ganting suntok ni Fierro na nagpabuwal kay Cris. “Ibinalik na namin sa inyo si Papa, kahit ipagpilitan naming kami na ang mag-aalaga ayaw ninyong pumayag! Ipinasara ninyo iyong eskwelahang minana ni mama sa lola niya at higit pa, ibinaon ninyo kami sa utang na kayo naman ang may gawa! Namulubi kami sa U.S., dahil sa inyo!” ganting sumbat pa ni Fierro. “Mang-aagaw kasi ang mama mo!” sabi ni Cris. “Maninira siya ng pamilya!” sabi pa nito saka kinuwelyuhan si Fierro. “Tandaan mo Cris! Mas matanda ako sa’yo at di hamak na mas nauna si mama kaysa sa mama mo! Nagkataon lang na malandi iyang nanay mo!” sagot ni Fierro saka tulak kay Cris palayo. “Gago!” sigaw ni Cris saka muling sinalubong ng suntok si Fierro. Nakailag si Fierro sa suntok na iyon kaya naman dumausdos si Cris pababa at tumama ang tagiliran sa dingding. “Matakot ka na Cris! Mararanasan mo kung ano ang ginawa ng pamilya mo sa amin ni mama! Kukunin ko ulit si papa sa inyo. Humanda ka! Malapit nang magsimula ang lahat!” pagbabanta pa ni Fierro. “Hindi mo magagawa iyan! Kukunin ko muna sa iyo si Martin!” ganting banta ni Cris sa kapatid. Sa sinabing iyon ni Fierro ay nakaramdam siya ng takot para sa katipan. Oo, naalala niya, anung balak ni Cris kay Martin at dinidiskartihan ito ng kapatid. “Tigilan mo na din kami ni Martin!” madiing pag-uutos ni Fierro. “Simulan mo nang bumilang ng araw at baka paggising mo wala ng Martin sa tabi mo.” wika pa ni Cris saka isang nakakagagong tawa. Agad na lumabas si Fierro saka tinungo si Martin. Hinablot niya ang katipan at wari ba na walang nakakakita. “Martin! Halika na!” madiin n autos ni Fierro dito. “Ano ba Perry!” tutol ni Martin. Anumang pagpupumiglas ang gawin niya ay baliwala ito sa lakas ni Fierro kaya naman madali siyang naisakay nito sa kotse. “Ano ba ang problema Perry?” galit na tanong ni Martin dito. “Mag-resign ka na kila Cris! Sa akin ka na magtrabaho. Asikasuhin mo na lang iyong Construction Company natin.” utos pa ni Fierro. “Bakit ko gagawin iyon?” sarkastikong tanong ni Martin. “Basta! Huwag ka na lang magtanong!” galit na sigaw ni Fierro kay Martin. Kahit umaandar ang kotse ay pilit itong binubuksan si Martin. “What the hell are you doing?” tanong ni Fierro kay Martin. “Just choose, you’ll stop the car and let me out or I’ll jump!” buo ang loob na tanong ni Martin. “Sorry Martin!” paumanhin ni Fierro saka inihinto ang kotse. “Pag-usapan na lang natin muna to.” pagsusumamo pa ng binata. “Mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay. Hahanap muna ako ng dahilan para pagtiwalaan ka.” malungkot na sinabi ni Martin saka bumaba. “Martin.” tanging nasabi ni Fierro na nangingilid na sa mga mata ang luha. Alas-dose, ala-una, alas-dos, alas-tres, alas-kwatro, alas-singko, hanggang sa makatulog na ang kawawang is Martin ay wala pa ding Fierro na umuuwi sa kanila. Naka-ilang text na din siya sa katipan na nagsasabing umuwi na ito at nakakailang tawag na din siya dito subalit hindi sumasagot o nagrereply. Lungkot! Tanging damdaming may puwang kay Martin, isang pinaghalu-halong emosyon na sa pagsusuma ay lungkot ang sagot. Ala-una na ng hapon nang magising si Martin subalit walang Fierro na nasa tabi niya, wala ding Fierro na nagtetext o nagpaparamdam sa kanya. Walang anu-ano ay tila may sariling buhay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. May kung anung damdaming nagtulak sa mga luhang iyon para kumawala sa kanya. “Tinanghali ka na ng gising.” bati ng ina ni Martin sa kanya at sa kanyang pagkagulat ay may mga bisita sila. “Hinintay ko pa kasi si Kuya Perry eh.” paliwanag naman ni Martin na tila walang pakialam sa mga bisita nila. “Kuya Martin!” sabi naman ni Gelo na hinahatak ang shorts ng binata. “Isasali ka daw nila sa contest.” sabi pa ng bata. Biglang lingon si Martin sa mga bisita nila at ngayon niya napagtanto na may isang pamilyar na mukha duon at ito ay ang head organizer ng contest na tinatanggihan niya. “Danielle told me na kung papayag ang nanay mo, papayag ka na ding sumali.” sabi pa ng head organizer. “Gladly, kasasabi lang niya ng oo bago kau gumising.” nakangiti pa niton sabi. “Huh!” biglang lingon si Martin sa ina at tumango lamang ang matanda. “It’s final and official, you’re our 24th candidate.” sabi pa nito. “Si Danielle?” agad na hinanap ni Martin ang kaibigan. “Sabi niya may inaayos lang daw siya.” sagot ng head organizer. Matapos sabihin lahat ng detalye at impormasyon tungkol sa contest ay umalis na din ang organizers ng Ginoong Lakambini sa bahay nila Martin. Binuksan ni Martin ang binigay sa kanyang papel ng mga ito at binasa. “A change of format in male pageantry, Ginoong Lakambini will showcase that Adam as a creation is not limited into the stereotyped casts. This will change the landscape of male pageantry that real men wore dresses and other female suites yet re-discovering the beauty not only in the physical but more off, the inner sanctity.” sabi sa Mission ng Ginoong Lakambini. “Homosexuals, especially the cross-dressers are not allowed to join the contest.” ito ang nasa unang requirement kung papaano makakasali sa contest. “Candidates must be willing to wear long gowns, dress, wig and other accessories that will make him look like a female.” ito ang nasa ikalawang requirement. Itutuloy pa sana ni Martin ang pagbabasa ng dumating si Fierro sa kanila. Agad siyang niyakap ng kasintahan at siniil ng halik sa mga labi. “I love you Martin!” sabi ni Fierro na naluluha. “I love you more!” sagot naman ni Martin na walang pagsidlan ang kaligayahan at tuwa. Muli niyang naramdaman ang kapanatagan sa nakitang ligtas at kasama na niya muli si Fierro.


[Finale]
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-ma-ang/ - /ba-ha-gee/ Isa – Dalawa – Tatlo – Apat “Martin Mahal, mag-resign ka na ngayon sa AGC.” malambing na pakiusap ni Fierro kay Martin. “Bakit mahal? Nakakahiya naman kay Cris.” tanggi ni Martin. “Please mahal!” pamimilit ni Fierro. “Basta, trust me!” sabi pa ni Fierro saka tinitigan ng sinsero niyang mata ang naguguluhang mata ni Martin. “Hay! Paano ko ba tatanggihan ang gusto ng mahal ko.” napabuntong-hiningang sabi ni Martin. “Sige po, mag-resign na ako bukas.” paninigurado ni Martin. “Salamat mahal!” nakangiting pasasalamat ni Fierro. “Nga pala, official candidate na ako sa Ginoong Lakambini.” pagbabalita ni Martin. “Talaga?” umaliwalas ang mukhang sabi ni Fierro. “Opo, si nanay na kasi ang kausap kaya wala na akong tanggi.” sabi pa ni Martin. “Magaling!” pumapalakpak ang tengang tugon ni Fierro. “Promise! You’ll win and ako ang bahala!” paninigurado pa nito. “Pakapalan na lang ng mukha to!” sabi pa ni Martin. “Eto, month activities ng G.L.” sabi ni Martin saka abot kay Fierro ng isang papel. “Saturday, may pictorial kayo and kailangan ninyo ng male outfits. Casual, formal at barong-tagalog.” simula ni Fierro. “Ako na ang bahala dito, ipagpapagawa kita ng katulad ng ginamit ko sa Lakan ng Lahi.” “Hala! Baka sabihin nila hiram lang.” tanggi ni Martin. “Hindi iyon, siyempre iibahin natin ng konti iyong kulay pero dapat pareho tayo. Para sweet.” sabi ni Fierro saka tumawa ng nakakauto. “Ikaw talaga!” sabi ni Martin saka yakap kay Fierro. “Sunday, aatend kayo ng mass at pictorial ulit para sa promotion.” sabi ulit ni Fierro. “Kailangan na ninyo dito ng female outfits. Dalawang casual, dalawang smart-casual at isang dress.” “Makakakita ka na ng taong gorilla.” sabi ni Martin saka tumawa ng malakas. “Loko mo!” sabi ni Fierro. “Iisipin ko pa nga kung gorilla o tao eh. Siguro binabaeng gorilla.” ganting panloloko ni Fierro. “Sira ka!” sabi ni Martin saka sampa sa likod ni Fierro. Naging mabilis naman si Fierro kaya madali niyang naibuwal si MArtin papunta sa hita niya at duon niyakap at kiniliti. “Honestly, mas maganda ka kay Danielle pag naging babae ka.” bulong ni Fierro kay Martin. “Utuin mo lelang mo!” sagot ni Martin saka napasalampak sa sahig. “Di wag kang maniwal!” sabi ni Fierro. “Inuuto lang naman kita eh.” habol pa ng binata. “Loko!” sabi ni Martin saka muling niyakap ang kasintahan. “Ako na ang bahala sa’yo dito. Pasasamahan kita sa secretary ko at siya na ang bahala sa’yo.” sabi pa ni Fierro saka pisil sa pisngi ni Martin. “Thank you!” pasasalamat ni Martin saka hinalikan si Fierro. Kinabukasan – “Sorry Sir Cris pero simula po ngayon hindi na ako papasok.” sabi ni Martin. “Effective one month poi tong resignation ko, pero gagamitin ko na din po iyong leave of absence ko ngayon.” sabi pa ulit ni Martin. “But why?” na-alarmang tanong ni Cris saka tayo sa upuan nito. “Sorry Sir! Personal po kasi.” paliwanag ni Martin. “Please! Kung dahil kay Kuya Fierro to, forget about this resignation.” pakiusap ni Cris saka hinaplos ang pisngi ni Martin. “Sir, hindi po ito tungkol kay Kuya Perry.” sabi ni Martin. “Then?” tanong pa ulit ni Cris. “Sorry talaga Sir Cris pero…” hindi pa man natatapos ni Martin ang sasabihin ay bigla siyang hinalikan ni Cris. “Sorry Martin!” biglang paumanhin ni Cris kay Martin. “Is that enough reason for you to stay?” tanong ni Cris. “No Sir!” tugon ni Martin. “The other way Sir! It’s enough reason for me to leave your company.” sabi ni Martin saka tumalikod at lumabas sa opisina ni Cris. “Stupid Cris!” sisi ni Cris sa sarili pagkalabas ni Martin saka umupo sa upuan. “I really missed you Martin!” bulong pa ng binata sa sarili. Sa bahay pagkauwi ni Martin ay ikunuwento niya lahat kay Fierro ang nangyari. “Gagong Cris yan!” nanggigigil na wika ni Fierro. “Samahan mo ako at papatayin ko iyong lokong iyon.” sabi pa nito. “Kaya ayokong sabihin sa;yo! Nagiging marahas ka eh.” sabi pa ni Martin. “Pabayaan mo na lang, mas maganda na at nakapag-resign na ako ng mas maaga.” sabi pa ni Martin. “Martin!” sabi ni Fierro saka hinalikan si Martin. “Ayan, nahugasan na ng labi ko ang halik ni Cris!” simpatikong biro ni Fierro kay Martin. “Huwag mo nang isipin iyong papansin na lokong iyon.” nakangiti pa nitong sabi. Pinaghandaan talaga ni Fierro ang gagawing pagsabak ni MArtin sa Ginoong Lakan kaya naman ipinawax niya lahat ng body hair ng binata, ibinili ng wig at iba pang accessories na pambabae at saka kung anu-ano pang magagamit ng kasintahan. Linggo, sa pictorial ng Ginoong Lakambini – “Sir Fierro, naayusan ko na po si Sir Martin.” sabi ng sekretarya ni Fierro na siyang in-charge kay Martin. “Pwede ko nab a siyang makita?” tanong ni Fierro. “Kuya Perry!” malambing na wika ng isang tinig mula sa likuran. Natulala si Fierro sa nakita niyang anyo ni Martin. Pinagsuot ito ng puting off-shoulder na fitted dress na above knee, may raffles sa lining, accented nang bulaklak sa gawing waist. Pinagsuot din ng si Martin ng three inches na heels na halatang hindi pa sanay dahil napapatid-patid pa ang binata. Wavy ang mahabang buhok nito at saka may specialized na dangling na hikaw na de-clip. Bakat na kitang may korte ang katawan nito na talagang bumobote ng softdrink. “Sino ka?” natutulalang tanong ni Fierro sa taong kaharap. “Si Sir Martin po iyan!” sabi ng sekretarya ni fierro. “Mammmmartin.” utal na sabi ni Fierro na hindi makapaniwala sa nakikita. “I do expect na maganda ka, pero I never thought this gorgeous and beautiful.” sabi pa ng binata. Naging sentro ng atensiyon si Martin ng mga oras na iyon. Oo, maraming naging magaganda sa mga lalaking kalahok, pero kakaiba ang naging dating ni Martin. Konting pino lang sa kilos nito at practice sa lakad at pagdadala ng damit ay pwede nang isabak sa beauty contest na pambabae. Lahat ng mata, mapalalake, babae, bakla o tomboy ay nakuha niya ang atensiyon. “Shit Martin! Dapat talaga hindi ka na sumali!” bulong ni Martin sa sarili na kitang namumutla at nahihiya. “Tara na!” sabi ni Fierro na tila ipinagmamalaki si Martin saka inabot ang kamay nito. “Good work Suzane!” bati pa niya sa secretary niya. Napako ang titig ni Fierro kay Martin na hindi makapaniwala sa pagbabaogng anyo ng kasintahan. “Kung naging babae lang talaga yan malamang niligawan ko nay an.” sabi ng isang lalaking malapit kay Fierro. “Sorry kayo! Pero pagmamay-aro ko iyang pinagnanasaan ninyo.” bulong ni Fierro sa sarili na naging dahilan para mapangiti iton ng todo. Sa bahay, pagkatapos ng activity ng G.L. – “Ganda mo talaga kanina!” bati ni Fierro kay Martin. “Utuin daw ba ako.” sagot ni Martin. “Naku nanay! Kung nakita ninyo si MArtin kanina, hindi ninyo aakalaing lalaki.” sabi pa ni Fierro sa nanay ni Martin. “Hay, kaya ko nga pinayagang isali yan duon kasi madami na ding nagsasabing ganuon nga daw ang itsura ni Martin.” pagkampi ng nanay ni Martin kay Fierro. “Nanay naman!” pa-cute na sabi ni Martin. Mabilis na lumakad ang araw at sa wakas, kinabukasan ay ang pinakahihintay ng lahat, ang coronation ng Ginoong Lakambini. “Kaya ko kaya to bukas?” tanong ni Martin kay Fierro. “Kaya mo yan! Kita mo daming na-impress sa’yo.” pagpapalakas nang loob ni Fierro. “Kinakabahan kasi ako, actual na bukas. Malay mo mga poker face lang iyong kalaban natin, tapos bukas sila magboboom.” wika pa ni Martin. “Hindi iyan! Basta naniniwala ako magagawa mo yan! Remember, title holder ang asawa mo, kaya lamang ka na sa kanila!” pagyayabang pa ni Fierro. “Title holder sa kayabangan.” Pang-aalaska ni Martin. “Kaya nga lalo akong napepressure eh.” “Sige, di ba ang bukang-bibig nila, malakas ang laban ni Martin, pasok na pasok iyong 24, angat iyong last candidate.” paliwanag ni Fierro sa kasintahan. “Tapos tingnan mo pasok ka pa sa top five sa talent at magpeperform ka pa bukas. Di ba additional exposure yun?” sabi pa ulit ni Fierro saka kumanta ng “Cause baby you're a firework, come on, show 'em what you're worth, make 'em go, oh, as you shoot across the sky.” “Tahimik ka nga!” sabi ni Martin na nahihiya sa sarili. “Una’t huli ko nang mag-Kathy Perry!” sabi pa ni Martin. “Bagay na bagay nga sa’yo kanina eh.” papuri pa ni Fierro. “Kita mo, ikaw lang ang hindi nag-damit babae sa talent kanina tapos ikaw pa iyong pinakamataas na score sa talent.” “Kinakabahan ako bukas, kasi dib a kailangan lalaki kaming top five sa talent bukas. Kailangan ko na namang mang-surprise.” sabi pa ni Martin. “Kaya mo yan! Basta isipin mo mahal na mahal kita!” sambit pa ni Fierro. “Anung konek ng mahal mo ako sa laban ko bukas?” nag-iisip na sabi ni Martin. “Kasi dahil mahal kita alam mong anuman ang mangyari, nandirito lang ako para sa’yo.” simpatikong ngiti ni Fierro. “Hay! Salamat Kuya Perry!” pasasalamat ni Martin. “Nandun din naman si Danielle kung sakaling kailanganin ko nang assistance.” lahad pa ni Martin. Natahimik ang pagitan ng dalawa – “Speaking of Danielle, bakit kaya ilag sa iyo ngayon iyong babae na iyon?” tanong ni Martin kay Fierro. Biglang natigiilan si Fierro sa tanong na iyon ni Martin. “ewan ko?” tanging nasabi ni Fierro. Kinabukasan, sa gabi nga ng coronation ng Ginoong Lakambini ay buong suporta ang ipinakita ng nanay ni Martin sa anak, nandun din ang ampon nilang si Gelo, Fierro, Zach, Jayson, Jules, Mark, mga kaibigan ni Martin at sa di kalayuan ay si Cris. Si Suzane na secretary ni Fierro ang siyang kasama ni Martin sa back stage para maging personal na assistant at manager nito sa loob. Ilang sandali pa at lumabas na ang mga kalahok suot ang kanilang barong-tagalog. Lutang na lutang ang kagwapuhan ng lahat ng kalahok at dito nagpakilala sila isa-isa. Naging madagundong ang buong stadium nang lumabas na si Martin. Hindi man siya ang pinaka-gwapo ay dala niya ang image na nabuo sa loob ng isang buwan. Pagkatapos nito ay lumabas naman ang mga kalahok suot ang kanilang national costume at sa bihis babae na. Ang ingay ay lalong naging malakas sa oras na ito at tilian ay lalong nagpayanig nang lumabas na ang huling kalahok. Kahit na nga ba ilang beses na nakita ni Fierro si Martin na naka-bihis babae ay hindi pa din niya maikailang na-starstruck siya lagi higit na ngayong pinalutang talaga ni Suzane si Martin. Maging ang ibang supporters ni Martin ay hindi makapaniwala sa transformation na naganap sa kaibigan nila. Matapos ang national costume ay pinarampa naman ang mga kalahok suot ang kanilang sports wear at sinundan ng casual wear. Pagkatapos ng casual wear ay tinawag isa-isa ang top five sa talent para muling magpakita ng husay. Kumanta si Martin ng isang Mariah Carey song na nagpahupa sa ingay ng buong paligid. “Treated me kind Sweet destiny Carried me through desperation To the one that was waiting for me It took so long Still I believed Somehow the one that I needed Would find me eventually I had a vision of love And it was all that you've given to me Prayed through the nights Felt so alone Suffered from alienation Carried the weight on my own Had to be strong So I believed And now I know I've succeded In finding the place I conceived I had a vision of love And it was all that you've given to me I had a vision of love And it was all that you've given me I've realized a dream And I visualized The love that came to be Feel so alive I'm so thankful that I've received The answer that heaven Has sent down to me You treated me kind Sweet destiny And I'll be eternally grateful Holding you so close to me Prayed through the nights So faithfully Knowing the one that I needed Would find me eventually I had a vision of love And it was all that you've given to me I had a vision of love And it was all that you Turned out to be” Kasama ni Martin ang koro ng bayan nila sa ginawang pagkanta at animo’y isang production number sa finals ng American Idol o kaya ng X-Factor ang ginawa ni Martin. Isang mini-concert ang tema ng talent ni Martin. Pagkatapos ng talent ay tinanghal nga si Martin na Best in Talent at saka muling pinarampa ang mga kalahok suot ang kanilang evening gowns. Pagkarampa ay pumili na ng top five para maglaban sa korona at nakasama duon si Martin. Isang question and answer portion na lang ang at malalaman na kung sino ang mananalo. “What is the biggest mistake you did in your life?” tanong ng host kay Martin. “Like what Ms. Venus Raj said, I don’t have major major mistake in my life.” simula ni Martin na naging sanhi ng tawanan ng mga tao. “Seriously, the greatest mistake I can do is to shut my mouth up even if the world is asking for the truth. Stay on the safe side, comfortable and seated while many are dying of hunger and thirsts. The greatest mistake I can do is to act as if I can not be the change this world is asking and needed; to close my eyes just to escape the reality, the cover my ears to prevent the yearnings pass through my hearing and to kill myself and my dignity as a man of many colors.” seryosong sagot ni Martin. “Thank you!” pahabol pa nito na nagsasabing tapos na siyang magsalita. At yumanig na muli sa palakpakan ang buong stadium. “Whoa! What a powerful answer!” tanging nasabi ng host na tila may hang-over pa sa sagot ni Martin. “Now you have your top five, I am sure that everyone here had their bets and just a while we will know our first Ginoong Lakambini.” sabi pa ng isang host. Samantala – “Fierro may sasabihin ako sa’yo.” harang ni Danielle kay Fierro na papasok sana sa loob pagkatapos ng question and answer. “Bakit Danielle?” may pagka-ilang na tugon ni Fierro. “Dun tayo sa walang tao.” suhestiyon ng dalaga saka lumakad papunta sa isang kwarto sa backstage na animo’y tambakan ng props. “What is it Danielle?” tanong ni Fierro na kinakabahan sa kaseryosohan ni Danielle. “Buntis ako at ikaw ang ama.” sabi ni Danielle. Napipi si Fierro sa narinig. Pakiramdam niya ay sinampal siya ng balitang iyon. Hindi niya kung papaano haharapin ang sinabing iyon ng dalaga. Ayaw niyang maniwala at ayaw niyang isipin na maniniwala siya. “Narinig mo ba ako?’ nanginginig sa sabi ng dalaga. “Buntis ako! May nabuo sa ginawa natin nung nakaraan, nung nag-iisa ka at kailangan mo ng kausap.” At tumulo na ang mga luha sa mata ng dalaga. “Paano na ‘ti Fierro?” tanong pa ng dalaga saka hinampas ang dibdib nito. “It’s a joke?” sa wakas ay nakapagsalita na si Fierro. “Sana nga joke lang to pero totoo!” madiing wika ni Danielle. Napailing na lang si Fierro sa balitang ito at muling nagsiksik sa utak niya si Martin at ang kinabukasan niya kasama ang minamahal na binata. Unti-unti na ding tumulo ang luha sa kanyang mga mata, dala ng kalungkutan at kasawiang hindi pa nagaganap subalit posibleng maganap. Ilang minuto din sila sa ganuong posisyon nang may mangalampag at sumisigaw – “Nasaan na si Martin?” tanong ng stage manager ng G.L. “Si Martin daw!” sigaw ng isa. “Hanapin nyo si Martin, 30 seconds na lang at papasok na ulit sila.” sabi pa nito. Naalarma at nag-alala agad si Fierro sa pagkawala ni Martin kaya naman kinalas niya ang yakap ni Danielle at dali-daling lumabas para hanapin ang katipan. “Miss Suzane, nasaan na ang alaga mo?” tanong ng stage director kay Suzane. “Sabi niya C.R. lang daw siya tapos pagkabalik niya gumawa siya ng sulat tapos pinapabigay kay Sir Fierro tapos iyon alam ko pumila na siya d’yan.” kwento ni Suzane. Muling tiningnan ni Fierro ang silid na pinag-usapan nila ni Danielle at nakita niyang katabi ito ng C.R. Puno ng kaba niyang kinuha ang sulat kay Suzane at tulad ng inaasahan at ayaw niyang mangyari – “Tulad ng sinabi ko dati, ayokong manira ng pamilya at ayokong may isang bata ang lalaki na hindi magkasama ang nanay at tatay. Martin” pagkabasa ni Fierro sa sulat ay mabilis siyang tumakbong palabas ng backstage at tulirong hinanap si Martin. Si Martin – Dali-daling nagpalit ng damit at mabilis na tumakbo palayo sa lugar. Pagod man siya ay mas pagod at nanghihina ang puso niya sa kung anumang lihim na nalaman. Gustuhin man niyang ngumiti ay hindi niya magawa dahil wasak na wasak na ang buo niyang pagkatao at durog na ang kanyang puso. Wala sa loob na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at blanko ang isip na palakad-lakad. Nadaan siya sa isang eskinitang may malaking pader at dito ay may namataan din siyang sako ng uling. Kumuha ng uling at nagsimulang sumulat sa pader – “Tama ako sa simula pa lang! Walang kinabukasan para sa lalaki at lalaki, dahil si Eba ang ginawa para kay Adan at hindi ang isa pang Adan!” nakasaad sa sulat ni Martin sa pader. Lalong naging emosyonal si Martin, tumakbo na tila wala ng bukas at nagpakalango sa lason ng gabi. “Mali ka Martin! Nagkamali ka lang nang Adan na pinili at magkamali lang din ang Adan na napili mo.” sabi ng isang tinig na kanina pa nakasubaybay kay Martin pagkabasa sa sinulat ni Martin sa pader. Umupo si Martin sa harap ng Barasoain Church at duon inilabas ang lahat ng hinagpis at lungkot. Iniyak niya ang lahat lahat at pinilit inisip kung papaano sisismulang muli ang lumigaya. “Wala nang Kuya Perry! Wala ng tatawag na mahal! Wala ng mangungulit sa gabi, wala nang yayakap sa akin at magsasabi ng I love you, wala ng papawi sa pagod ko, wala nang magpapalakas sa loob ko, wala na ang planadong hinaharap at higit sa lahat, wala nang Percival na mamahalin ko ng ganito.” himutok ni Martin habang inaalala at sinasariwa ang nakaraan sa pagitan nila ni Fierro. Sa kompetisyon – Labis na nag-alala ang nanay ni Martin sa hindi nito paglabas kasama ang top five. Agad itong pumunta sa backstage para tingnan ang anak. Nawalaan ng mala yang matanda nang malaman niyang wala duon si Martin. Dahil sa pagkawala ni Martin ay hindi ang binata ang tinanghal na Ginoong Lakambini.

No comments:

Post a Comment