Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 2 (16 & Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Kitang-kita ni Kyle ang galit sa mga mata ni Pat. Ang isipin lang na siya ang may gawa kaya't andun ngayon ang galit na iyon imbis na ang madalas na puno ng pag-asa, pag-aalala at pagmamahal na mga mata na gustong gusto niyang tinitignan ay talaga namang nakapagpalungkot sa kaniya. Ang mga mata na mahal na mahal niya. Napansin din ni Kyle ang bumilis at bumabaw na pag-hinga nito bilang tanda na hindi ito kumportable na asa iisa lamang silang kuwarto.


“Hi Patwick.” mahina at natatakot na bati ni Liam kay Pat. Tila naman ang mga simpleng pag-tawag na iyon ni Liam ay tumunaw sa ilang bahagi ng galit sa kaniyang puso. Napansin ni Pat sa gilid ng kaniyang mga mata na tinapik ni Richard ang apo at iginaya ang ulo nito bilang pag-aya na lumabas muna silang mag-lolo upang makapag-usap ang dalawa. Nanlaki saglit ang mga mata ni Liam at saglit ding pumaling sa kaliwa ang ulo nito saka nanliwanag ang mga mata bilang tanda na naintindihan na nito ang ibig sabihin ng lolo.


“Bye Patwick.” mahina ulit na sabi ni Liam sabay hila sa lolo at nang mapadaan sa land lord ay agad din nitong hinila ang kamay ng estranghero. Pinigilan ni Pat ang sarili na mapahagikgik at hindi ito nakaligtas kay Kyle na hindi mapigilan ang sarili na ngumiti.


“What. Are. You. Doing. Here.” ulit ni Pat sa naunang tanong nang makalabas na ang tatlo ng pinto. Ang paguulit ng tanong na ito ni Pat ang siyang bumura sa mga ngiti niya sa labi.


“I rented this out for Kevin, Drei and Joey, they need a place near mine when they open the new clinic near here.” kinakabahang bulalas ni Kyle, pinipilit nitong isalubong ang kaniyang tingin kay Pat pero hindi niya ito magawa.


“And you have to choose the unit that I rented out first, did you?! There are thousands of apartment around town why'd you have to rent the unit I rented out first?!” unti unti na muling umaakyat ang galit sa buong pagkatao ni Pat.


“I didn't know that you're going to rent this apartment! I-I just doubled what the land lord was asking---” simulang palusot ni Kyle pero hindi ito kinagat ni Pat.


“Stop bullshitting me!” balik ni Pat. Sasagot na sana si Kyle nang makarinig sila ng pag-singhap matapos magmura ni Pat.


“Shhh.”


“But grandpa, Patwick swore---” bulong pabalik ni Liam sa kaniyang lolo. Sabay na napatingin si Pat at Kyle sa gawi ng pinto na nun lang nila napansin na naka-awang pala at walang duda na nakikinig ang mag-lolo sa likod nito. Muli, pinigilan ni Pat ang sarili na ngumiti.


“Why are you here, Kyle? Why are you really here.” nanghihina nang tanong ni Pat. Tuluyan nang kumawala sa kaniyang katawan ang galit dahil narin sa batang nagtatago sa likod ng front door ng unit na iyon.


“I-I w-want you b-back, Pat. I also w-want to say sorry.” nauutal na sagot ni Kyle.


“You hurt me, Kyle.” naluluhang saad ni Pat na lalong ikinakaba at ikinahiya ni Kyle.


“I know and I'm so sorry. I--” simula ni Kyle pero napansin niyang hindi lang basta pag-hingi ng sorry ang paraan para mabawi niya ang kalooban ni Pat, kailangan niyang ipa-intindi dito ang lahat simula sa umpisa. “I—I know sorry doesn't cut it pero kung makikinig ka lang saglit sa mga sasabihin mo baka sakaling maintindihan mo kung san nanggaling ang mga masasamang sinabi sayo, alam kong walang sapat na dahilan para sabihin lahat ng iyon at saktan ka pero umaasa parin ako na sana makinig ka at sana kahit papaano ay maintindihan mo kung san ako nanngagaling, Pat.” tinignan lang siya ni Pat ng mariin matapos niyang sabihin ito, nang wala siyang makitang pagtanggi mula sa mukha nito ay ipinagpatuloy na niya ang pagpapaliwanag.


“I spent the whole seven years of my life living in a different country and then when I was about to turn eight my dad and mom's marriage got annulled, mom got the custody and we moved here in the Philippines. I felt like I was zapped to a different world, friendless, alone and miserable. Kids at school kept on making fun of me, that went on for three whole days until Karen, Nina and Kevin decided to be-friend me. I was happy again, Nina, Karen and Kevin brought me out of my shell and I started to make friends again. I swore that I wouldn't let myself be alone again. That I wouldn't be the butt of any jokes and be miserable. When mom died I was already married tp Karen but when Karen died it was only me and Liam and my father who is still in a different time zone from us. It felt like I was back to that first day of school in a different country again, I learned to live with it having Nina help me with Liam every now and then but I still feel alone and then you came along. You're the first friend I made after Karen died and for the first time in four years I saw myself having fun again and the feeling of loneliness disappeared but things got out of our control. I asked you to help me with this need that eventually put a strain on our friendship.” seryosong paglalahad ni Kyle, walang ibang nagawa si Pat kundi ang makinig at pilitin ang sarili na intindihin si Kyle sa mga nagawa nitong pananakit sa kaniya.


“When Kevin came out to their parents, his dad wanted him out of the house, Nina being the typical pakielamera came out as well so as to save his little brother from being thrown out of the house but their dad is stubborn and now wanted for his two children out of his house, but Karen wouldn't want to leave her siblings alone so she left with them. All those years without contact from their parents saddened Kevin, it didn't end there, Kevin got rejected by guys over and over again. We watched him succumb to loneliness and again, having that fear of being alone, I swore that I wouldn't experience what Kevin had gone through. That is why I panicked the day after our little shower scene. I know you wouldn't hurt Liam, I only said that so you wouldn't say anything to him about the blow job. You see Pat, I was never afraid that you would hurt Liam because I know you wouldn't hurt him, I was afraid that if he knew something happened between us, as young as he was he might not want me as his father anymore---” umiiling na sabi ni Kyle, nun lang naalala ni Pat ang mga emosyon sa mukha ni Kyle nung araw na iyon. Puno iyon ng takot, galit at pagkadismaya. Hindi muli nagsalita si Pat at hinayaan na lang niya si Kyle na ipagpatuloy ang kuwento.


“---I found out how easy it is to just throw all the blame at you and accuse you of horrible things, thinking that if I hurt you too much, you would stay away from our lives for good, Liam wouldn't know about the blow job and I wouldn't lose him. Boy I was wrong. If possible I became as miserable as Kevin was when they were kicked out by their parents and got rejected by guys over and over again. I know I have to apologize and ask you to be my friend again because---” napangiti saglit si Kyle bago niya pa ituloy ang sasabihin.


“---as blind and insensitive I was, I couldn't deny the fact that I fell in love with you after you look out for Liam and I for the whole two months that both my hands are on splinst. I couldn't deny it when I feel my stomach turn into a knot whenever you were 2 inches away from me,---” umiiling pero nakangiting sabi ni Kyle habang lumalapit kay Pat hanggang sa may dalawang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga katawan. “---the way you I feel whenever you look at me using those hazel colored eyes of yours---” pabulong na sabi ni Kyle haban tinignan ng daretso sa mata si Pat. “---they way my ears melt whenever I hear your voice, the way I hold my breath whenever I feel the touch of your soft skin every time you bathe me---” pahabol pa ni Kyle sabay kuwa sa kamay ni Pat at idinampi iyon sa kaniyang pisngi. Walang ibang maramdaman si Pat kundi ang paninikip ng dibdib at tila ba paglangoy ng kaniyang utak sa loob ng kaniyang sariling bungo. “---but like what I said, I was insensitive and blind, I didn't know that I was already falling in love with you at that time, akala ko simpleng pagkakaibigan lang iyon. You see Pat, what we had and hopefully what we still have is still new territory to me. Before you I had only one relationship and it was with a girl, my brain was programed that if I'm going to love again it would be with another girl, kaya nung unang beses na nag-away tayo, akala ko, I was just feeling miserable kasi nga ayokong nagiisa at walang kaibigan, yung kaibigan na iyon ay ikaw but then Kevin came and made me realize how I really feel about you at natanggal yung naka programa sa utak ko na sa babae lang ako mai-inlove. Pero hindi parin nun naaalis ang takot. Yung takot na maging katulad ni Kevin at isuka ng aking ama at anak kapag nalaman nila ang totoo. And then Christmas day came and everyone caught our little kiss, I thought all my fears are coming true, I know after that day I'll be losing dad, Lolo ang Liam. Especially Liam. Again, I blamed you because it was so easy doing so, that time. Naisip ko na ikaw ang dahilan ng lahat when in fact pareho naman nating ginusto iyon---” iniwas na ni Kyle ang tingin niya sa mga mata ni Pat at humakbang narin palayo dito.


“It took me a week to realize that the only people I lost that Christmas day are you and Liam. Dad's OK with our relationship so as Lolo. Liam hated me because he saw how much you were hurt. He saw how much I hurt you and you hated me because I couldn't keep myself from blaming you every time I mess up. For making you feel like you were my dirty little secret.” tumalikod na si Kyle at umiling.


“I know sorry wouldn't cut it, Pat. I-I just wanted you to hear where I'm coming from, I didn't tell you all that to make an excuse because there is no excuse for what I did, I just wanted you to know that I was just afraid of things that I shouldn't be afraid of, that I just made everything complicated, that it all became very confusing for me. That I'm a coward.”



Saglit na nabalot ng katahimikan si Pat at Kyle nang matapos sa pagsasalita si Kyle. Nakayuko nang tumalikod si Kyle mula kay Pat at bagsak balikat na sanang lalabas ng pinto sa pagaakala na hindi na siya mapapatawad pa ni Pat dahil sa tagal bago sumagot ni Pat.



“I don't hate you Kyle. I think I'm never going to hate you no matter what you do. I'm just—- I'm also afraid, Kyle—-” pabulong na simula ni Pat, nabuhayan naman ng loob si Kyle at agad ulit itong humarap kay Pat. “---I'm afraid that the next time something fail or something doesn't go your way, you're going to blame me for it. I-- It hurts when you do that, Kyle and to tell you frankly I already had my fair share of pain to last me a lifetime.” nauutal na pagtatapos ni Pat dahil sa pilit niyang pagpipigil sa mga luha na nagbabadyang kumawala mula sa kaniyang mga mata lalo pa ngayon at naalala niya ang mga naunang relasyon.


“What if I promise not to blame you again, that I would do everything to make this work?”


“Promises won't do this time, Kyle---” sagot naman ni Pat na lubusang tumunaw sa kapiranggot na pag-asa ni Kyle na mabawi niya si Pat. Tumango siya bilang tanda na naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Pat at tumalikod na upang lumabas na ng tuluyan sa apartment na iyon. “---why don't we swear that we will talk about everything from now on. All the frustrations, insecurities---” pagtutuloy ni Pat, tila may nag jump start sa puso ni Kyle nang marinig ang pahabol na ito ni Pat. Hindi na niya mapigilan ang mapaluha dahil sa takot niya kanina na hindi na sila muli pang magkakaayos at magkakabalikan ni Pat. “---all the things that we're afraid of, all the things that make us angry etc if we're going to make this work.” nakangiti nang pagtatapos ni Pat, hindi na napigilan pa ni Kyle ang sarili at mabilis niyang sinarhan ang espasyo sa pagitan nila ni Pat at niyakap ito ng mahigpit at mariin na idinampi ang kaniyang mga labi sa labi ni Pat.



“This is my happiness. Kyle and everything that goes with him is my happiness.” bulong ni Pat sa sarili habang masuyong nakikipaghalikan kay Kyle.


“Are we going to clean Patwick's mouth now?” tanong ni Liam sa gawi ng pinto nang makita niyang nagkaayos na ang kaniyang ama at si Pat. Sa wakas ay naghiwalay na ang dalawa sa paghahalikan at sabay na napahagikgik sa pahayag na ito ni Liam.


“Finally! Can we have our new apartment now?” tanong ni Kevin sa may gawi rin ng pinto na may dala-dalang ilang bag.


“Are you guys finished now? These bags are heavy.” singit naman ni Drei na ikinatahol ni Joey at ikinairap ni Nina. Sa pagkaabala ng dalawa sa mga bagong dating ay hindi nila napansin si Liam na masuyong lumapit sa ama at hinila ang t-shirt nito.


“Aren't we going to clean Patwick's mouth yet?” seryosong tanong ulit ni Liam sa ama sabay paling ng ulo sa kaliwa. Napangiti ng nakakaloko si Kyle at tinignan si Pat.


“Kev, Drei. Can you guys help me with Pat?” tanong ni Kyle sabay angkla ng kaniyang malaking braso sa kamay ni Pat bago pa ito manlaban.


““Sure!”” sabay na sabi ng magnobyo.


“NO!” sigaw naman ni Pat, bago pa man mahaltak si Pat sa gawi ng kusina sa apartment na iyon ay nakita niya pa si Liam at Richard na nag-a-apir.


“KYLE! NOT WITH THE SOAP AGAIN!” sigaw ni Pat na lumunod sa buong apartment.


0000ooo0000


“Good afternoon, Sir, Ma'am.” bahag buntot na sabi ni Kyle kay Louie at Lita. Nung nakaraang pasko ay pinagbantaan na ni Louie si Kyle na huwag muling sasaktan si Pat pero nun ding araw na iyon ay pinagtulakan nanaman ni Kyle si Pat at alam na ngayon ni Kyle na malabo pang gumaang ang loob ni Louie sa kaniya kahit pa gaanong kabahag ang buntot niya.


“What the bloody hell is he doing here, Patrick?” singhal ni Louie, kung kanina ay ang pagapoy lang ng mga mata ng ama ang nakita niya bilang tanda na galit nito, ngayon, siguradong- sigurado na siya na galit na galit nga ito dahil buong pangalan na niya ang binanggit nito.


“Louie, calm down.” saway ni Lita.


“I will bloody act the way I want to act in my own bloody house!” singhal pabalik ni Louie sa asawa na ikinataas ng kilay nito.


“You dare talk to me like that in front of our guest---?”


“I will talk to you the way I want to talk to you, Lita---”


“Shut up!” singit ni Pat upang hindi na lumala pa ang awayan ng mga magulang. Sabay na nanlilisik matang tumingin si Louie at Lita sa anak.


“I'm done! I told you that, that guy is trouble and he will do nothing but hurt you! But you wouldn't listen! I'm so tired of watching you destroy yourself for guys who doesn't deserve you---!”


“Dad.” mahinang pagmamakaawa ni Pat sa litanya ng ama pero hindi ito narinig ni Louie dahil patuloy parin ito sa pagsasalita.


“---I'm so tired of watching you get hurt---”


“Dad, please!” medyo malakas ng sabi ni Pat na kumuwa sa atensyon ni Louie. Kinakabahang tinignan ni Kyle si Lita upang bilang tanong kung ano ang kaniyang gagawin pero nagtatanong na tingin din ang isinagot ni Lita sa kaniya.


“Daddy, please.” pabulong ulit na pag-kuha ni Pat sa atensyon ng ama. Agad na nalusaw ang galit sa buong pagkatao ni Louie nang makita niya ang nagmamakaawang mga mata ng anak.


“Daddy, can I have a pet dog, pwease? Daddy?” biglang naalala ni Louie ang alaala na iyon ng kaniyang apat na taong gulang pa lang na anak na si Pat. Ang mabibilog nitong kulay hazel na mata at gulo-gulong buhok. Alam niyang hindi niya ito mahihindian pero ayaw niya ring makitang nasasaktan ito.


“Give Kyle another chance, dad. Please.” pagmamakaawa ulit ni Pat. Wala ng nagawa pa si Louie kundi ang tumango at tinanggap ang pag-yakap sa kaniya ng kaniyang anak. Nang mag-hiwalay ang mag-ama ay nanlilisik matang tinignan ni Louie si Kyle at muling pinagbantaan.


“Hurt him and I will not just cut your bloody balls off! I'll cut your head too! Both of 'em!” napalunok sa kaba si Kyle sa banta na iyon ni Louie, kung noon ay may duda pa siya sa pagbabanta ni Louie, ngayon ay sigurado na siyang tototohanin nito ang banta.



Epilogue
Nakangiting pinapanood ni Kyle si Pat na matulog sa kaniyang tabi. Hindi parin siya magsawa sa kakatingin sa gwapong mukha nito. Kung sino man ang nagsabi sa kaniya nung binata siya na tatanda kasama ang karelasyong lalaki ay malamang tatawanan niya lang ito pero ngayon, alam niya na hindi niya kayang wala sa kaniyang tabi ngayon si Pat. Pinasadahan ng kaniyang kamay ang pisngi nito na ikinagising ng huli.


“Are you watching me sleep again, Kyle?” tanong ni Pat nang magising siya sa pag-dampi ng kamay ni Kyle sa kaniyang pisngi. Nginitian niya ito saglit atsaka humikab. Hindi parin mapigilan ni Kyle ang mapasinghap at saglit na matigilan sa tuwing nakikita niya ang napakagandang ngiti na iyon ni Pat.


“Yes.” sagot ni Kyle sabay nag-sukli ng isang masuyong ngiti. Katulad ng epekto ng ngiti ni Pat kay Kyle ay napasinghap din si Pat nang ngumiti ang huli, tila ba tumigil saglit ang kaniyang mundo.


“I love you.” wala sa sariling bulong ni Pat nang makabawi sa pagkakatitig sa magandang ngiti ni iyon ni Kyle. Saglit na natigilan si Kyle, sumeryoso saglit at kumunot ang noo, pumaling sa kaliwa ang ulo at sa wakas ay ngumiti nadin.


“You say that so randomly, you know? The last time you said it was when you were sitting on the throne and taking a dump---” humahagikgik na simula ni Kyle, napangiti narin si Pat nang maisip na totoo ang sinasabi nito.


“Shut up and just say that you love me too.” balik naman ni Pat sabay hila sa leeg ni Kyle upang magsalubong ang kanilang mga labi. Hindi pa man umiinit ang mga labi ng isa't isa sa pagkakadampi ay naistorbo na agad sila.


“DAD!!!” sa sigaw na ito ni Liam ay agad na nag-hiwalay ang mga labi ni Pat at Kyle at sabay na lang napabuntong hininga.


0000ooo0000


“We're going to be late! Hurry up!” sigaw ulit ni Liam.


“Wait Liam, we have to talk first.” pigil ni Kyle sabay turo sa upuan sa harap ng inuupuan niya bilang sabi na duon dapat umupo si Liam. Narinig ni Kyle na nagbuntong hininga ang anak. Curious na nanonood si Pat dahil hindi niya rin alam kung bakit hindi makapag-intay ang sasabihin ni Kyle sa anak.


“I saw these under your bed.” malamig at puno ng awtoridad na saad ni Kyle sa anak sabay lahad ng mgabagay na hawak-hawak niya. Sabay na nanlaki ang mga mata ni Liam at Pat.


“Dad!” “Kyle!” sabay na sigaw ni Liam at Pat.


“You're too young for these---” simula ulit ni Kyle, nakita ni Pat na rumehistro ang galit sa mga mata ni Liam sabay tayo.


“I'm sixteen years old, dad!” mainit na balik ni Liam.


“Then what will you do if you got some girl pregnant? How will you feed the baby?” tanong ulit ni Kyle, puno parin ng awtoridad ang boses nito. Napairap na lang si Liam at si Pat naman ay tuluyan ng pumasok sa kwarto upang mamagitan na.


“Thus, the condom, dad!” pilosopong sagot ni Liam na ikinagalit na ng todo ni Kyle.


“Don't get smart at me, Liam!”


“I'm being smart because you're being stupid!” mainit din na balik ni Liam. Isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nito sa isa't isa. Kung laki lang ng katawan ay hindi na papahuli si Liam na tila ba ginawa na atang bahay ang gym.


“OK! STOP IT!” sigaw ni Pat na ikinabuntong hininga ng dalawa.


“Condoms are only 75% effective, Liam. Condoms break, Liam, before you know it you have some chick pregnant or worse you might catch some disease! What will you do about two hundred fifty thousand sperm that the condom failed to filter, Huh? What will you do about the 25%?!” pananakot ni Kyle sa kaniyang anak.


“Two hundred twenty five thousand of those sperm will die because of the natural acidic environment of the vaginal canal and the remaining twenty five thousand are defective ones which will eventually die miles before they reach the egg.” pilosopo ulit na sagot ni Liam. Pinigilan na lang ni Kyle ang sarili na batukan ang anak dahil hindi siya naniniwala sa bayolenteng pagdidisiplina kaya naman galit na galit siyang tumalikod dito at umiiling na naglakad palayo. Binalot ng katahimikan si Pat at Liam.


Totoo, sa loob ng labing isang taon na pagsasama ni Kyle at Pat ay marami na silang naging problema at ang isang ito ay isa sa pinakamababaw na pinag-awayan ng kung sino man sa kanila. Andyan yung panahon noong nakipag-away si Liam sa school dahil tinutukso siyang may dalawang ama o kaya naman nung simulan siyang tuksuhin tungkol sa mga braces nito na si Kyle ang may pakana o kaya naman nung narinig ni Kyle si Liam na malutong na nagmumura.


Nagising na lang si Pat mula sa pag-iisip nang maramdaman niya ang pagtitig sa kaniya ni Liam. Nang ibaling ni Pat ang tingin niya dito ay tila muling hinila ng panahon si Pat pabalik nuong limang taong gulang pa lang si Liam. Nakita niya ang bilugang mata nito at ang pakaliwang pagpaling ng ulo nito.


“Err, hi?” bati dito ni Pat na ikinahagikgik ni Liam.


“You're such a dork, Pat!” sabi ni Liam sa pagitan ng mga hagikgik. Pero malungkot na ngiti lang ang ibinigay ni Pat kay Liam. Isa iyon sa mga pagbabagong ikinalungkot niya sa matagal na panahon. Ang paraan ng pagtawag sa kaniya ni Liam ay nagiba na. Hindi na iyong cute na bulol na bersyon ng pangalan niya ang tawag nito sa kaniya. Isang malamig at pinaikling “Pat” na lang ang tawag nito sa kaniya.


“Errr uhmm do you know how to use those? I mean like, how to put it on or something?” tanong ni Pat sabay turo sa mga pakete ng condom na inilatag ni Kyle sa dining table, ang tanong na ito ni Pat ay lubos na ikinamula ng pisngi ni Liam.


“I don't have the reason to use one yet, Pat, since I'm still single.” namumula at nahihiyang amin ni Liam.


“Oh, uhmmm so do you want to know how?” saglit na nagtama ang tingin ni Liam at Pat.


0000ooo0000


“Arrggghhhh! This is so disgusting!” sigaw ni Liam.


“This is serious, Liam! Stop laughing! This is not a joke!” natatawa narin na sabi ni Pat na lalong ikinahagikgik ni Liam. Asa ganitong tagpo si Liam at Pat nang muling pumasok si Kyle sa dining room. Nakita niya ang isang malaking saging na hawak-hawak ni Pat at sinusuutan ito ng condom habang si Liam naman ay patuloy lang sa pagnguya ng kinakaing cereals.


“Patrick!” sigaw ni Kyle kay Pat nang maisip nito kung ano ang itinuturo ni Pat sa kaniyang anak.


“Uh oh.” bulong ni Liam kay Pat nang makita niya ang ama na pulang pula sa galit pero hindi naman papasindak si Pat kay Kyle.


“What?! We can't stop him from having sex you know! He's sixteen for gadsakes! The least we can do is to teach him how to use these properly!” sigaw ni Pat sabay wagayway ng saging na may condom sa mukha ni Kyle. Natameme naman si Kyle, nakita ni Pat kung pano bumagsak ang mukha ni Kyle at kamuntik na niyang pagsisihan ang paninigaw dito.


“Whatever.” naka-frown na sabi ni Kyle sabay walk out. Nagkatinginan saglit si Pat at Liam atsaka sabay na nagkibit balikat.


“Sooo---” pabitin na simula ni Pat.


“Please not another banana-condom lesson.” pagmamakaawa ni Liam na ikinahagikgik ni Pat.


“I was actually going to ask about the girl you're planning to use---” simula ni Pat na ikinabahala ni Liam at tila ba kakampi ni Liam ang tadhana ay sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone.


“I really really like to talk to you more, Pat but Pauline is already waiting in front of her house. I promised to give her a ride to school this morning---” simula ni Liam habang nagmamadali na umaatras palayo kay Pat.


“It's Pauline isn't it?!” tanong ni Pat na ikinamula ng pisngi ni Liam.


“Of course not! Who would like that ogre?!” depensa ni Liam na ikinangiting nakakaloko ni Pat. Hindi kasi totoong pangit si Pauline, sa katunayan ay bagay na bagay ito kay Liam kapag nagkataon dahil parehong artistahing ang dalawa pero si Liam bilang anak ni Kyle at nagmana dito ay hindi na nagtaka pa si Pat kung hirap ito sa pag-amin sa tunay nitong nararamdaman.


“Liam and Pauline sitting in a---” pakantang pangaasar ni Pat habang inihahatid palabas ng bahay si Liam na hindi malaman kung pano mamumula sa hiya dahil nahuli ni Pat ang kaniyang lihim na pagtingin kay Pauline.


“Stop it, Pat! You're such a kid sometimes!” sigaw ni Liam.


“Sooo---”


“So what?!” nangingiting singhal ni Liam.


“When are you going to tell Pauline about your feelings for her?” seryoso at naniningkit na tanong ni Pat kay Liam na lalong namula.


“T-this morning before f-first period.” amin ni Liam dahil alam niyang hindi siya titigilan ng matanda.


“Good! I think she feels the same. You know, the way she looks at you since you guys are five years old is a really big give away.” seryosong saad ni Pat na ikinaliwanag ng mukha ni Liam. Nakangiting sumakay si Liam sa kotse pero bago pa i-start ni Liam ang kotse ay muli itong lumabas at yumakap kay Pat na ikinagulat ng huli.


“Please tell dad that I'm not planning on using those condoms any time soon and that I haven't been sleeping around.” bulong ni Liam kay Pat habang mahigpit paring nakayakap dito.


“Sure.” matipid na sagot ni Pat. Nang mghiwalay sila sa yakapan na iyon ay agad na pumasok si Liam sa kotse at inistart na ang makina nito.


“Thank you, Patwick!” sigaw ni Liam bago pa man magismulang umatras ang kotse palabas ng driveway at pumark sa katapat na bahay kung saan nagmamadali namang nagtatatakbo si Pauline papasok sa kotse ni Liam.


“You're welcome, little buddy.” bulong ni Pat habang kumakaway sa dalawang bata at habang pinapanood ang sasakyan palayo.


0000ooo0000


“Kyle, are you here?” tanong ni Pat habang umaakyat ng tree house. Naabutan niya itong tinititigan ang litrato nilang tatlo ni Liam kung saan naka pang cowboy suit at hat si Liam at Kyle habang si Pat naman ay sinasakyan ng bata bilang kabayo nito.


“Why did he have to grow up?” tanong ni Kyle kay Pat na ikinangiti na lang ng malungkot ni Pat.


“Sometimes I think Liam didn't want to grow up either.” pagaalo ni Pat kay Kyle atsaka sabay na humagikgik. Nagtama muli ang kanilang mga mata at hindi muli nila napigilan ang mga sarili na pagdampiin ang kanilang mga labi.


“Wait. I have something to give you.” sabi ni Kyle nang mag-hiwalay ang kanilang labi ni Pat. Tumayo ito at may hinalungkat sa likod ng taguan ng mga laruan ni Liam nung bata pa ito.


“You didn't get to open this 11 years ago. This was supposed to be my surprise to you for our eleventh year anniversary but I decided to give it to you now.” bulong ni Kyle kay Pat at inabot ang may kalakihang regalo ni Liam sa kaniya nung pasko kung saan muntik na silang hindi magkaayos ni Kyle. Nanlalaking mata na pinunit ni Pat ang lumang gift wrapper na bumabalot sa regalo at bumulaga sa kaniya ang isang painting, isang painting kung saan tampok silang tatlo nila Kyle at Liam. Sa sobrang ganda ng pagkakaguhit ay tila ba isang propesyonal na ang puminta nito gayong alam niya na isang limang taong gulang lang may labing isang taon na ang nakakaraan ang gumuhit non.


“I love you.” bulong ni Kyle habang pinapanood ang manghang manghang si Pat. Ibinalik ni Pat ang tingin kay Kyle at naluluhang idinikit nito ang kaniyang mga labi dito.


“I love you too.” balik ni Pat nang maghiwalay saglit ang mga labi nila sa isa't isa. Magdidikit na sana ulit ang labi ng dalawa nang makarinig sila ng sabayang pagsigaw sa may ibaba ng tree house nila Nina, Kevin at Drei at ang malalakas na tahol ng mga tuta ni Joey.


“KYLE, PAT, ARE YOU GUYS DOING IT AGAIN IN THE TREE HOUSE?! GAWD, THAT IS WHY THAT TREE HOUSE WOULDN'T STOP SMELLING LIKE SEX!”



-wakas-

No comments:

Post a Comment