Friday, January 11, 2013

Ang Mang-aagaw (16-18)

By: Unbroken
Blog: strangersandunbrokenangels.blogspot.com
Facebook: Iheytmahex632@gmail.com
Twitter: @roviyuno


[16]
Gab was left in the coffee shop. Hindi na rin sya nakapagreact ng tama sa mga nangyari. People there were all eyeing him. Hindi nya maipaliwanag ang lungkot at galit na nararamdaman.


Why did he fool me? Akala ko ba ako lang? Then all of a sudden i'll find out that he has another guy again. Paano na ba yun?

He took his last sip. Then closed his eyes. Nakita nalang nya ang pagharurot ng sasakyan na kinalalagyan ni Roj at Philip.

“Fuck.”



“Sakay!”

Getting so furious, Roj got in the car.

He sat there, not talking. Hindi nya alam kung ano ang dapat maramdaman. Must he be happy dahil sa nakita nya muli si Philip or must he be really sad that the latter busted his plans of dating Gab? Hindi nya alam. Nakita nya nalang ang pagpasok ni Philip sa loob ng sasakyan, shutting the door.

“Kuya, sa bahay tayo,” nakangiti nitong sabi.

Naginit ang ulo ni Roj nang makita ang pagngiti ni Philip.

“What the hell did you do?”

Philip was then alarmed to hear Roj's voice. Alam nya sa tono nito ang galit. Pinilit nyang wag magpaapekto.

“Trying to save you, I suppose,” tahimik na sagot nito.

“Save me fro what?”

Ramdam pa rin ni Philip ang irita sa paraan ng pagtatanong na yon ni Roj. He drew himself closer to him and let him smell his masculine scent. Umaasa sya na tatalab yon para kumalma ang isa. Roj looked more pissed. Kinuha nya ang kamay nito. Pinilit na ilock sa kanya. Naramdaman nya ang mariin nitong pagtanggi.

“You're mad, Roj?”

“Very. I am very mad at you.”

Natahimik si Philip. Para syang nabuhusan ng malamig na tubig.

“You must not be,”

“Why?”

“Because he's not gonna love you, the way I will,”

Philip was then alarmed with what he said. Hindi nya alam ang dahilan kung bakit nalang nya biglang nasabi yon. Yun ba talaga ang nararamdaman nya? O gusto nya lang muling laruin ang litong isip ng kanyang kaibigan?

Roj was dumbfounded after hearing Philip. Pakiramdam nya ay parang nakuryente sya sa mga linyang yon. Those words sent tons of electrical waves to his system. Hindi nya na alam ang sasabihin. Pakiramdam nya sya ay nanlalambot.

“S-stop playing with me,” nauutal na sagot ni Roj.

“I ain't,” seryosong sagot ni Philip.

Nautal na si Roj. Right then and there, alam nyang lalambot na ito. Mabilis nyang kinuha ang mga kamay nito and made it locked in his. And he was right, they were now holding each others' hands.

“So who is he, Roj?”

“He-he's someone special.”

“Special. Now that's new. Becoming a retired playboy, eh?”

“I-i think so,”

Mas hinigpitan ni Philip ang pagkakahawak sa kamay ni Roj.

“Where did you meet him and why do you like him?”

Fuck. Why I was asking him these questions? Am I really interested? Am I really into my bestfriend? Philip thought

“Somewhere. I like him because he likes me,” nauutal pa rin nitong sagot.

“Drop it. You're just needy for affection.”

Napailing si Roj. Tama nga si Philip. Gusto lang nya ng affection pero hindi nya talaga alam kung kaya nyang panindigan si Gab. He knew to himself that he is a person that doesn't know what contentment is and he's a playboy but hindi lang nya maipaliwanag kung bakit parang hooked na hooked sya kay Philip. Hindi kaya ngayon lang yan pero kapag nakuha na nya ito ay mawala na rin ang matinding atraksyon?

“Because you're not giving me any,” sagot nito.

Fuck. Why did I just say that? Anong iisipin ni Philip ngayong narinig nya na I want his affection? Baka isipin nya naghahabol ako. Baka isipin nya na gusto ko sya at magpapakagago ako. Baka isipin nya na i'm playboy-no-more? That can't happen. Roj thought

Philip smiled after hearing those words. Hindi nya alam kung bakit at parang nakaramdam sya ng saya nung narinig ang mga salitang yon. Could it be that he's falling for him too? Or he likes his bestfriend so much?

“Anong hindi? I do, ikaw lang tong di namamansin,” sagot ni Philip sabay ngiti.

They both became silent. Awkward.

Fine. Fine. I have to do this. To set things straight.

Fine. Dapat malinaw to kung ano ba to.

Philip looked at Roj. Gumanti ito ng tingin sa kanya. Mas naging madiin ang pagkakakapit ng kanilang mga kamay. Dahan-dahang nilapit ni Philip ang kanyang mukha, nagtama ang kanilang mga ilong. Naamoy ni Roj ang mabangong hininga ni Philip. He felt his heart thumping so hard. Parang gustong sumabog ng kanyang dibdib sa sobrang kilig. Ganun din si Philip. Hindi na sya nakapagpigil at dumampi na ang kanyang labi kay Roj. He felt how soft those lips are.

It was a smooch. They let go. It was a sweet kiss. Nagtitigan silang dalawa. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay pareho silang nangiti. Pareho na sila ng nararamdaman?

Inangkla ni Roj ang kanyang mga kamay sa leeg ni Philip, making him drew closer to him. Walang pagtangging sumunod si Philip. He was making his face closer to Roj when the latter quickly pulled him and give him a kiss. This time, it was wilder yet passionate. They could feel their lips fighting. Ramdam rin nila ang kanilang mga impit na paghinga. Philip was biting his lower lips sa sobrang panggigil that brought him to a state of euphoria. The second kiss was way longer than the first one.

“Sir, nandito na po tayo sa bahay nyo,” sabi ng driver.

Nagulat sila sa narinig. They got so carried away to the point that they actually forgot that they are making out in the car.

“Ah. O-okay kuya. Sa-salamat,” nahihiyang sabi ni Philip.

Namula rin ng husto ang mukha ni Roj sa nangyari.

“Sir bababa na po ako.”

Seconds after, naiwan nalang silang dalawa sa loob ng sasakyan. They bursted a heartily laugh. Then there's silence.

“Ga-galit ka pa ba sakin, Roj?”

“Galit saan?”

“Sa-sa ginawa ko sa coffee shop with Arvin at sa ginawa ko sa coffee shop with Gab?”

Napabuntong-hininga si Roj.

“Wa-wala na tayong magagawa ron eh. Tapos na,”

Philip gave him a quick kiss on the cheeks.

“Pwede bang bumawi sayo?”

Napalunok si Roj sa narinig.

“Paanong pagbawi naman yan?”

Ngumiti sa kanya si Philip.

“At bakit ka babawi?”

“Dahil gusto ko? At gusto kitang makasama ng mas matagal?”

Nakaramdam ng kilig si Roj ngunit hindi nya pinahalata. He let a smile.

“Does that smile mean a yes?”

“I suppose,” nakangiting sagot ni Roj.

“You look more handsome when you smile. Please always do that for me,”

Nanlaki ang mata ni Roj sa narinig. Inside him, he was actually wanting to explode. Hindi nya na mapigilan ang kanyang nararamdamang kaligayahan. Finally, nakasama nya na ulit si Philip. Ang lalaking dahilan ng kanyang kalungkutan at pagkabalisa these past few days, ang kanyang bestfriend, at malamang, ang kanyang minamahal.

“Yes,” tugon nya.

“Last favor.”

“And that is?”

“Can you make some lugar for me?”

“Why?”

“I'm a bit sick. Pwede na ring magpaalaga Roj?”

“Fine,” he smiled.

Philip gave him a kiss. A sweet one.

“Nasasanay ka ng halik ng halik ha?”

“Ayaw mo ba?”

“Gu-gusto,” nauutal nyang sagot.

Philip gave him one more. Then they held each others' hands as they got in the house.




Charles kept on finding his stuff.

Shit. Where did I put that stuff? Hindi pwedeng mawala sa bulsa ko yun. Hindi pwede makita ng ibang tao yun.

He was then very mad.

Where did I put that? Alam ko nasa bulsa ko lang yun. Pero bakit ganun? Bakit wala na?

Nagisip sya sa mga nangyari. Everything went normal. Kung iisipin nya kung sino ang mga taong nakahawak sa kanyang katawan ay sila Dalisay at Philip lang yun. He remember Dalisay touching his ass commenting on how round those are. He then remembered Philip and him making out on the comfort room.

Could it be Philip? Impossible, dahil we were so hot at alam kong hindi gagawin ni Philip na kunin yun. At isa pa, wala syang idea na nagdadrugs ako.

He was already on his way home. Kahit gaano karami ng tao sa lugar na yon ay di pa magambala ang kanyang pagiisip.

Si Dalisay kaya? Pero impossible namang makuha nya yon habang hinawakan nya pwet ko? Mararamdaman ko yun.

He took a deep breath.

Hindi kaya nalaglag ko somewhere? If yes, sino ang nakakuha?

Lumiko sya papasok sa kanto malapit sa kanyang bahay. He felt a hand on his shoulder. Nagulat sya sa nakita.

“Mr.Despabiladeras?”

Nagpawis siya ng malamig. Butil-butil ito sa kanyang noo.

“Ba-bakit po?”

Bakit may pulis? Could it be?

“Gusto po sana namin kayong imbitahan sa presinto,”

“Para saan?”

“Para po sa laman ng bag na dala nyo ngayon,”

Charles looked so nervous.

“Gamit ko ang laman ng bag ko,”

“Maari po ba nating tignan?”

Binuksan ng dalawang pulis ang laman ng bag. Charles went to his knees. Puno ng shabu ang kanyang bag.

“Hi-hindi akin yan! Wala akong alam! Hindi akin yan! Maniwala kayo sakin! Naset-up ako! Naset up ako!”

“Sa presinto na po kayo magpaliwanag.”

The policemen had his arms cuffed. Sinakay na sya sa mobile.


Itutuloy..


[17]
“Nagawa mo na ba?”

“Yes po,”

“Dahil wala na ang manager, nasa sayo na ang posisyon.”

“Oo nga po eh. Salamat po sa tip, Sir,”

“Ayos lang yan, Aldrin. Ang mahalaga, nahuli na ng pulisya si Charles. At automatically, ikaw na ang bagong manager.”

“Oo nga po eh.”

“So kamusta ang bagong manager?”

“Nakakapagod nga po eh,”

“So ano ang sinabi mo sa mga tao? Hindi ba hinanap si Charles?”

“I informed them that Charles was arrested by the office due to drug trafficking,”

“Well done, Aldrin. Dahil nagawa mo ng maayos at malinis, bibigyan kita ng extrang bayad,”

“Salamat po,”

The conversation ended.

That's what he deserves. After humiliating me way back, Charles, yan ang dapat sayo. Kung tutuusin nga ay kulang pa yan, but thanks for making it easier on my part. If I didn't know you're dope, hindi ako magkakaidea. Salamat ng marami at sana,magdusa ka sa kulungan. And yes, the sex was good. Which I could have spanked you more.




“Si-sino ka?”

“Ako si Kenji. Ako ang nakabangga sayo.”

“Nabangga? Saan? Ba-bakit?”

Napatulala si Kenji sa narinig.

“Ahh. Tagasaan ka?”

Natahimik si Jhaspher. There's a sign of frustration in his face.

“Tagasaan ka? I just know your name Jhaspher. Sino ang pwede nating tawagan sa mga kamaganak mo?

“Wa-wala,” maiksi nitong sagot.

Nagtaka si Kenji. Napakamot ito. Nagpakawala ng isang buntong hininga.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wa-wala,” sagot ni Jhaspher. Litong-lito.

“Anong wala?”

“Wala akong maalala.”

Tila napagsakluban ng langit at lupa si Kenji sa narinig.





“Lugaw, oh.”

“Salamat. Namiss ko to,”

“Bakit ka naman nagpaluto ng lugaw, may sakit ka ba?”

Philip looked at him.

“A bit. Medyo masama lang ang pakiramdam. Maybe I overworked,”

Roj sat near him.

“Sino ba naman kasi may sabi sayo na kailangan mong magtrabaho ng husto?”

Philip placed his head on his right shoulder.

“I need to work for my family, and ofcourse, for my future,”

Roj got the bowl. He got some lugaw in his spoon at sinubo ito kay Philip. Para silang mga bata. At they never thought that they would get so intimate. Wala sa isip nila na magkakaroon sila ng romantic attachment. Romantic nga ba?

“You already have a lot of money. Why still work?”

“Because in the future, I will be having another soul to take care of. Papakainin ko lagi ng masarap, dadalhin ko sa mga magagandang lugar at ipapasyal sa ibang bahagi ng mundo,” Philip sounded so sincere.

Roj felt a pang of jealousy upon hearing the idea of Philip having another soul to nurture.

“Ipapakilala ko sa mundo bilang my other half. Whom will I treat as my spouse, confidante, friend, companion, sex buddy and stuff. Someone na mamahalin ko till my last breath,”

“He must be a very lucky guy,” maiksing tugon nito.

“Sobra. And I think nakita ko na sya,” dugtong pa ni Philip.

Feeling so hurt, napangiti nalang si Roj. Trying to hide his disappointment when he didn't hear Philip say he was the one he wants to spend his life with.

“Swerte nya, sana ako rin makakita na,” mahinang sagot nito.

Philip smiled. Alam nyang nagseselos ang kanyang bestfriend. He gently touched his nose, Roj smiled. Nakaramdam sya ng isang toneledang kuryente sa kanyang katawan. He doesn't know how Philip was able to make him feel real good. Infact, he was driving him crazy.

“And yes, you're one hell of a lucky guy for it's you who i've chosen to spend the rest of my life with,”

Roj got so surprised with what registered to his ears. Hindi nya napigilan ang ngumiti. Hindi lang ang labi nya ang nakangiti ng mga sandaling yon, maging ang kanyang puso. Magsasalita na sana sya nang maramdaman nya ang pagtapal ng labi ni Philip sa kanya. They were kissing already. It was intense. They could feel each others' longingness to have one another. Alam nyang iba na ang nararamdaman nila ngayon sa isa't-isa. One move, they both let go. They were both smiling after the kiss. To his surprise, he then saw Philip crying.

“Why are you crying?”

“Ma-masaya lang ako,” humihikbing sabi ni Philip.

“Ba-bakit?”

“Finally, i'm home.”

“Home?”

“Home, your heart. That's where I want to live. Noong una ay ayaw kong aminin sa sarili ko. Pero nung mga panahong hindi kita nakita, at mga panahong hindi ko alam kung nasaan ka, anong ginagawa mo, balisa ako. Dun ko napatunayan sa sarili ko na ikaw na nga talaga,” patuloy ito sa paghikbi.

“Do we feel the same?” tanong ni Roj.

Philip nodded.

“Make me one promise,” naiiyak na ring sabi ni Roj

“And that is?”

“Don't cry anymore. I'm here to make you happy. And I won't let you cry.”

Philip cried harder. Admittedly, this intimate moment made him realize how much he longed for his bestfriend. Alam nya sa sarili nya na mahal nya ito from the very beginning. He made different lovers but he knew, that it was just him, and only him.

Roj hugged him tighter. He felt his vulnerability. He knows that he appears so strong and fierce outside but when you take a deeper look inside, he's just a piece of glass that has to be handled with care for it not to break.

“I-I promise.”

“And another thing,” Roj added.

“Yes?”

“Stop your revenge, just focus on us. Alam mo kung gaano ako kaseloso,”

Philip looked at him. And took a deep breath.

“Let me just do this. I won't compromise us. That's a promise,”

Kahit na hindi talaga sya sang-ayon sa mga plano nito, he just nodded.

Muling nagtama ang kanilang mga labi. They reminisced everything that night. They both waited for something that didn't come out. Marahil ay hindi pa panahon para sa mga salitang iyon. Marahil makakapagantay pa yon sa tamang panahon.




Lumipas ang ilan pang mga buwan at naging mas maayos ang kalagayan ni Jhaspher. Tutok na tutok si Kenji sa naging progress nito. Naging maayos na ang pisikal nitong kalagayan pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang ala-ala. Dahil na rin sa gusto nyang maalagaan pa si Jhaspher, nagpasya si Kenji na dalhin ito sa kanyang pad.

Habang lumalaon ay tila ba nahuhulog ang loob niya rito. Hindi nya alam pero napakalambing ni Jhaspher. Sa t'wing umuuwi sya galing sa trabaho ay makikita nya nalang ito na nagluluto nalang ng kanyang paboritong pagkain. May mga panahon na rin na bigla nalang sya nitong bibigyan ng masahe kapag alam nyang napapagod na ito.

Alam rin nya na palagay na ito sa kanya dahil minsan na ring nasabi nito na,

“Sana di na to matapos no? O kaya kahit bumalik na ala-ala ko, sana ganito pa rin tayo.”

Hindi nya alam ang isasagot nya nung mga panahon na yon. He just found himself feeling so happy that Jhaspher has found a new home with him.

“Kenji! Kenji!”

That brought him back to reality. Then again, he was daydreaming.

“Yes Jhaspher?”

“Nagluto na ako. Kain na tayo. Alam kong pagod ka sa trabaho ihhh.”

Ihhhh talaga dapat. At wag kayong kokontra dahil ako ang writer nito.

“Ahh, sige sige Bem.”

Napatingin sa kanya si Jhaspher.

“Si-sino si Bem? Bem ba talaga ang pangalan ko?”

Napangiti si Kenji.

“Wa-wala lang. Gusto lang kitang tawagin na Bem,” sabi nito, waring nahihiya at kinikilig na parang Highschool student.

“Bem?”

Napaangat ng ulo si Kenji.

“Sige sige. Bem nalang tawagan natin. Mukhang maganda nga yun,” nakangiting sabi nito.

Naghain na sa mesa si Jhaspher. Natapos na rin itong magsandok ng kanin maging ang ulam na niluto.

“Kainan na!” masiglang sabi ni Kenji.

Yes, Ladies and Gentlemen patay gutom po talaga siya. Chos.

“Ayyy saglit lang,” pagputol nito.

“Ba-bakit?”

“Maglolotion lang ako.”

Napataas ng kilay si Kenji.

“Alam mo lagi kang ganyan. Mula ng makarating tayo sa bahay, since day one, pansin ko na laging lotion ka ng lotion.”

“Hindi ko nga alam. Parang kusa nalang sakin na naglolotion ako lagi.”

“O sya sige. Kain na tayo.”

Things went differently on that dinner. Kenji couldn't help but wonder why Jhaspher became even sweeter. Hindi nya maipaliwanag kung bakit pero parang ramdam na that the latter was becoming more caring. Or was it just me? Hindi kaya sya lang ang nakakaramdam nito dahil na rin sa kanyang lihim na pagtangi rito?

Hindi nya na mapigil ang kanyang sarili. He wanted to ask him questions.

“Jhaspher.”

“Yes po Bem?”

“Nagtataka lang ako. Why are you doing all these to me?”

“Ang alin?”

“Ang pag-aalaga.”

Kenji blushed after saying the term. Jhaspher just looked at him.

“Nahihiya na kasi ako. After mo kong kupkupin, ang dami mo ng gastos sakin. Tapos ayun, syempre natural naman na bumawi ako sayo.”

Nakaramdam ng disappointment si Kenji pero di nya pinahalata.

“Ahhh, yun lang pala..”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wa-wala,”

Tumitig sa kanya si Jhaspher. Those dark brown eyes almost melted his existence.

“At isa pa, masaya at gusto ko ang ginagawa ko.”

Their eyes met.

“Gusto kong inaalagaan ka,” dugtong pa nito.

He almost fell from his seat.


Itutuloy..


[18]
There was an awkward silence. Hindi nila alam kung sino ang mauunang magsalita. With Kenji's face painted in deep rep, Jhaspher could easily tell that he was surprised with what he heard. Hindi maipaliwanag ni Jhaspher ang sarili. Para bang ang dali sa kanyang sabihin ang lahat ng yon, kung tutuusin ay wala pa silang ilang buwan na magkasama pero tila ba ay napakagaan na ng pakiramdam nya. Hindi nya rin masabi kung bakit parang napakalakas ng atraksyon na kay Kenji, ito kaya ang patunay na isa syang beki bago pa man mawala ang kanyang ala-ala? Bigla nalang syang napangiti nang pumasok sa kanyang kukote ang hinuhang ito:

Kapag ang bakla ba nagkaamnesia, bakla pa rin?
Muli syang napatulala kay Kenji.

“So-sorry,” nauutal nyang sabi.

“So-sorry saan?”

“Sa na-nasabi ko,” at bigla syang napayuko.

Kenji finally got to his feet again. He was like a curious kid rooting for all explanations Jhaspher has to give him. Does the latter really have to explain himself? Or he just wants to be sure to avoid assuming?

“A-anong ibig mong sabihin sa nasabi mo na..”

“Na?” pagputol ni Jhaspher.

Their eyes met. Kenji wants to faint. Ang lamig ng bahay nya pero nagpapawis sya sa init, pakiramdam nya'y umiiyak na ang kanyang kilikili.

“Na gu-gusto mong..,” nanginginig nitong sabi.

“Inaalagan kita?” Dugtong ni Jhaspher.

“O-oo,” sagot nya sabay tanong.

Tumahimik si Jhaspher.

“Yes. Hindi ko alam kung sino ako or ano ako in the past maliban sa mga sinabi mong nagtatrabaho ako sa LVC at ang pangalan ko ay Jhaspher. Pero alam ko, sa ilang buwan na pamalalagi ko sa bahay mo, na masaya ako. Masaya ako sa mga simpleng bagay na ginagawa mo at sa mga nagagawa ko para sayo,” mahinang sabi ni Jhaspher.

“Ba-bakit ka masaya?”

Kenji fished for more. Hindi nya alam pero parang lullaby na nagduduyan sa kanya para managinip ang mga salitang iyon ni Jhaspher. Kenji was panting. Jhaspher was also flushing in deep red despite his sexy chocolate complexion.

“Da-dahil gu-gusto kita kasama,” nahihiyang sabi nito.

“Ba-bakit mo ko gusto kasama?”

“Hi-hindi ko rin alam,”

Kenji let a sigh. He was then again, panting.

“Dahil mabait ka. Dahil inaalagaan mo ako. Dahil nandyan ka lang para sa akin,” dagdag ni Jhaspher.

“Dahil lang ba don?” tanong ni Kenji

“A-ano bang gusto mong marinig?” tanong ni Jhaspher.

Kenji spoke no more. He was then staring at Jhaspher's eyes.

“No-nothing,” sagot ni Kenji.

Jhaspher smiled.

“Oo,” sagot nito.

Nabalot ng pagtataka si Kenji sa OO na iyon ni Jhaspher. He doesn't know what he means. He frowned.

“Oo, nandito ako kasi gusto kita kasama. At gu-gusto kita,” Jhaspher then fainted in deep red.

Kenji couldn't help but to flash a smile. Seconds after, they found themselves kissing.

Huminto sila at nagtitigan. Naglock ang kanilang mga kamay. Ramdam nila sa kanilang mga sarili ang malakas na pagpintig ng kanilang mga puso.

“It feels so good,” sabi ni Kenji.

Tumango si Jhaspher. “Does that mean gusto mo rin ako?”

“From the start,” tugon ni Kenji.

They both grinned. Alam nila na sobrang kilig ang kanilang nararamdaman.

“I'm thinking what I have to be here and deserve you,” Jhaspher replied while having his hand brushing Kenji's hair.

“What you deserve? Everyone deserves to be happy. Yun ang alam ko. Maybe, you deserve this time, I mean we deserve to be happy this time,” naiiyak na sabi ni Kenji.

They kissed again. Tumayo sila at magkahawak kamay na tinungo ang kwarto. Mabilis nilang itong isinara. Kenji grabbed Jhaspher and kissed him torribly. They could feel each other. Ramdam nila ang kanilang mga laway na napapasa sa isa't-isa. They felt passion. They were burning. Jhaspher instantly grabbed Kenji's arms and pushed him to the door.

“Hindi ko alam, Bem. Basta ang alam ko, this feels to good to stop. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay, just hold me at makikita natin kung hanggang saan tayo aabot. Basta ang alam ko lang gusto kitang makasama. Ngayon, hanggang sa pagtanda,” pabulong na sabi ni Jhaspher.

Tumulo ang kanilang mga luha. Muling nagtama ang kanilang mga labi.

“Gustong-gusto kong hinahawakan mo ako. I feel like a woman. Hindi ko alam. Just keep on holding me, and never let me go,” malanding sabi ni Kenji.

Mabilis na inangat ni Jhaspher ang mga kamay ni Kenji at matagumpay nyang naalis ang damit nito. He's on working on his pants. Hindi sya huminto hanggang sa malaglag lahat ng tela sa katawan nito.

“I won't let this go,” at nagtama ang kanilang mga labi.






“Kalbo! May bisita ka!” sigaw ng warden.

Mabilis syang lumabas at nakita si Aldrin na nakaupo sa visitor's area.

“Sir Charles..”

“A-Aldrin.”

Aldrin eyed his former boss. Kita ang pagpayat nito. Hindi nya alam kung bakit pero hinuha nya na maaring dala lang ito ng stress.

“Ka-kamusta ka po, Sir?”

“Bu-buti naman nadalaw ka, eto hindi ako okay. Ang pamilya ko hindi pa nakakarating. Ilang linggo na rin ako rito,” nangingiyak na sagot nito.

Nakaramdam si Aldrin ng guilt.

“A-ano po bang nangyari Sir? Nagulat nalang ako nang malaman ko na nandito kayo. At sa akin na po nila ibinigay ang pagmamanage ng restaurant. Ang bilis po ng mga pangyayari,” sagot nito.

Napabuntong hininga si Charles.

“Hindi ko rin alam pero pauwi ako, may pulis na humarang sa akin at puno na ng shabu ang bag ko. Malinaw to, naset-up ako. Kailangan ko ng tulong,” may pagmamakaawa sa kanyang tono.


“A-anong tulong po?”

“Yung CCTV. Narecord ng CCTV lahat. So ibig sabihin lahat ng pumasok sa locker natin ay kita. Makikita don kung sino ang naglagay ng shabu at nagset-up sa akin. Tulungan mo ako Aldrin, kailangan kong makalaya.

Nagitla si Aldrin sa narinig. Kung sakaling makuha ang CCTV ay lalabas na sya nga ang naglagay ng shabu sa bag ni Charles. Tiyak na malilintikan sya. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Hindi sya nagpahalata.

“Yun nga po ang problema, Sir. Ang totoo po ay hinanap ko ang CD. Pero sa hindi malamang dahilan ay wala po ang CD para sa araw na yon,” pagsisinungaling ni Aldrin.

Napapalatak nalang si Charles.

“So set-up talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin si Aldrin. Kailangan nyang makuha ang CD para hindi masira ang kanyang ginawa.

Mabilis nyang kinuha ang kanyang cellphone. He instantly called someone.

“Hello?”

“Hello, si Aldrin po to. Nakalimutan ko pong sabihin na may CCTV sa locker.”

“Putangina naman. Ang tanga mo. Sana una palang sinabi mo agad para di na umabot sa ganito!”

Napalunok si Aldrin.

“Ms.Dalisay, gagawan ko po ng paraan,”

“Dapat lang Aldrin. Kung di mo aayusin yan at magkaroon ng bistuhan, sinisiguro ko sayong wala kang tulong na makukuha sa amin ni Philip,” may pagbabanta sa boses nito.

“O-opo. Ga-gawan ko po ng paraan,” namuo ang pawis sa kanyang ulo.

Muli syang napalunok.




“You have to do this for the family, Roj.”

“Dad! I won't,” pagmamatigas nito.

“Anak, you have to do this. Alam mo ang stocks ng kumpanya.”

“Ano ako? Alahas? Na isasangla nyo para lang kumita? Para lang magkapera?”

“Think of the long term benefits na magagawa nito para sa atin, isipin mo kami ng Mama mo, Roj. Wag matigas ang ulo!” nagsisimula ng magalit ang kanyang ama.

“How about me? Paano naman ako sa bargain na yan? Kayo ang magbebenefit tapos ako ang kawawa?”

“It's about time you get married anak. Di ka rin bata. And Adia is a very beautiful lady,” pagkumbinsi sa kanya ng kanyang ina.

“I won't. Hindi ako business. Anak nyo ako. Tao ako! Kaya wag na wag nyong sabihin sa akin kung paano ko papatakbuhin ang buhay ko!”

Mabilis na tumayo si Roj sa kanyang kinauupuan.

“Wala kang kwentang anak!”

Nagpantig ang tenga nya sa narinig.

“Mas wala kang kwentang ama!”

Mabilis na nadampot ng kanyang ama ang baso at inihagis sa kanya. Mabuti nalang at may taglay syang liksi kaya nakaiwas ito.

“Wala kang kwentang ama! Puro pangsariling sarap lang ang nasa utak mo! Hindi nyo iniisip kung sasaya ba ako sa kasal na yan!”

Mabilis syang umakyat ng kwarto.

“Sa ayaw at sa gusto mo! Ikakasal ka kay Adia sa mas madaling panahon!”

He slammed the door.

He tried to call Philip, but the latter didn't answer. Patuloy nalang syang umiyak.

Itutuloy...

1 comment: