Friday, January 11, 2013

Taking Chances (16-20)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[16]
Naririndi na si Dom sa sigawan ng dalawa, hinahayaan niya lang ang mga ito dahil natatapos naman ng mga ito ang trabaho sa kabila ng pagbabangayan nila, ang totoo niyan, mas marami pang trabaho ang natapos kesa sa ine-expect ni Dom. Pinaliwanagan na lang niya ang iba niyang staff na pagpasensyahan na ang dalawa, pero nagulat siya nang wala sa mga ito ang nagre-reklamo dahil ayon sa mga ito ay natutuwa pa nga silang panoorin na mag-away ang dalawa. Napailing na lang si Dom.



Nanggagalaiting bumalik si Chino sa kaniyang upuan sa tabi ni Dom. Pinigilan ni Dom ang mag-comment o humagikgik sa tabi nito, halatang halata kasing mahal pa ng dalawa ang isa't isa at sa ibang paraan nila ito inilalabas bilang bahagi ng frustration sa na-udlot nilang relasyon. Nagulat na lang si Dom nang biglang magsalita at maglabas ng hinanakit si Chino sa kaniya.



“I can't believe this is happening! One minute he's this let's-be-professional-for-Dom's-sake-type-of-guy and the next he's this I'm-still-the-asshole-who-messed-you-up-guy, I mean, meron na kaming kasunduan na ayusin ang trabaho para sayo! Nakakainis! Once an asshole, always an asshole!” bulalas ni Chino, pinigilan parin ni Dom ang mapatawa.



“It's like he's still more of the I'm-still-in-love-with-Chino-and-I'm-jealous-of-Charlie-type-of-guy.” pangiinis ni Dom, tinignan siya ng masama ni Chino at may sasabihin pa sana ito tungkol sa sinabi ni Dom nang makuwa ng modelo ang atensyon nito.



“Chris! What is she doing?!” sigaw ni Chino.


“Mas maganda kung nakahiga siya sa motorcycle!” balik ni Chris.


“Ganun? Eh ano pa ang silbi ko dito? Ikaw narin kaya ang maging direktor---!” nanggagalaiting balik ni Chino.



Hindi na mapigilan ni Dom ang mapahagikgik habang pinapanood si Chino papunta malapit sa puwesto ni Chris para mag-away ulit.



0000ooo0000


“You shit head!” singhal ni Chloe sabay batok sa kaniyang nobyo nang pumuntang CR si Chino at nagpunta naman sa counter para umorder ng pagkain si Chris.



“What?! I tried telling them that they're going to work for each other but they wont let me finish first!” natatawang sagot ni Dom.



“You did that on purpose!” singhal ulit ni Chloe.



“Yeah, I did.” proud na sagot ni Dom, napangiti naman si Chloe.



“Gawd you're hot when you're being mischievous!” balik ni Chloe sabay halik kay Dom.



0000ooo0000


Nang matapos kumain ang magkakaibigan ay nagpasya na silang bumalik sa tent at tapusin na agad ang trabaho, pinauna na ni Chino si Chris at Dom para humingi ng payo kay Chloe.



“What will I do?” tanong ni Chino matapos niyang ikuwento sa kaibigan ang nangyari kanina sa photo shoot.


“Nothing.”


“Wait. What?” tanong ulit ni Chino.


“It's obvious, he still wants you, Chino, unless you still like him then try being in a relationship with him again, If not, then do nothing.” kibit balikat na sagot ni Chloe na hindi naman nakuwa ni Chino.


“I don't like him anymore!” singhal ni Chino pero hindi ito kinagat ni Chloe.



“Then ditch him!” singhal ni Chloe. Natigilan si Chino, hindi niya maintindihan kung bakit pero parang ayaw niya namang basta na lang bale-wala-in si Chris, parang may pumipigil sa kaniyang bale-wala-in si Chris. Lalo lang naguluhan si Chino sa payo ni Chloe.



0000ooo0000



Nang matapos ang kanilang photo shoot ay parehong napahinga ng malalim sina Chris at Chino, iniisip na tapos narin ang pagbabangayan nila sa isa't isa, napansin ni Chris na nagtetext si Chino, muli niya itong pinagmasdan katulad nung araw na magisa sila sa iisang coach ng isang ferris wheel, nakakagat dila ulit ito, nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata. Hindi mapigilang mapangiti ni Chris, hindi niya napansin na sinulyapan siya ni Chino.



“Ano nanaman kayang katarantaduhan ang iniisip nito?” tanong ni Chino sa sarili niya nang makita niya ang mga ngiti sa mukha ni Chris.



Nakahinga ng maluwag si Chino nang mag-text na si Charlie, nagsasabi na nasa labas na siya at nagiintay, di na siya nagaksaya ng panahon, agad na siyang lumabas iniisip na mabuti nang wala na siya doon bago pa man masimulan ni Chris ang binabalak nito.



Agad na lumatay sa mukha ni Charlie ang ngiti nang makita niya si Chino na naglalakad palabas ng tent, hindi pa siya nakakakita ng katulad ni Chino, reserved ito sa kaniyang palagay pero sa kabila noon ay sweet ito, tila makakalimutan niya lahat ng problema niya kapag ngumingiti ito kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na kaibiganin ito.



“You don't have to do this, Charlie, kaya kong umuwi magisa.” bati ni Chino dito sabay yakap.



“And I told you that I like doing this. I want to see you arriving safely at work and at home.” balik dito ni Charlie, na-touch si Chino, inaamin niya na alam niya kung anong nais mangyari ni Charlie para sa kanilang dalawa.



Pero kahit anong pilit niya na ibalik kay Charlie ang pinapakita nitong pagpapahalaga sa kaniya ay hindi niya ito magawa, hinahanap niya parin yung magic, yung fireworks na nararamdaman niya sa tuwing nagkikita sila ni Chris.


“Magic and fireworks.” iiling iling na bulong ni Chino sa kaniyang sarili, ito ang kaniyang naramdaman nang matapos ang limang buwan ay nagkita ulit sila ni Chris nung umagang yon.


“Is everything OK?” nagaalalang tanong ni Charlie.


“Yes, something's wrong! I want it to be you, Charlie! I want to feel something for you!” sigaw ng isip ni Chino, ilang beses na niya itong hiniling, simula nang sabihin sa kaniya ni Charlie na may gusto siya kay Chino ay hiniling na nito na sana si Charlie na lang ang kaniyang mahalin.


“I'm just tired, Charlie.” palusot ni Chino.


“OK.” nagaalala paring sabi ni Charlie pero hindi na niya kinulit pa si Chino tungkol dito. Pinagbuksan ni Charlie ng pinto si Chino, pasakay na ng sasakyan si Chino nang lumabas si Chris ng tent, nasa hindi kalayuan ang sarili nitong sasakyan, pinagmasdan ni Chino si Chris, pinanood niya itong nglalakad papunta sa kotse nito na may malalaking tripod na dala.


Inilagay nito ng mga iyon sa trunk ng kaniyang kotse nang umikot na ito para sumakay sa sasakyan ay agad itong natigilan, nagtaka si Chino, kasabay nun ay ang marahang pagandar ng kanilang sinasakyan. Nakita niya kung pano sipa-sipa-in ni Chris ang gulong ng kotse nito. Nagulat siya ng tumigil ang kaniyang sinasakyan sa tapat ni Chris.


“Pare, may problema ba?” tanong ni Charlie, natigilan si Chris, agad niyang tinignan si Charlie, nakita ni Chino ang pamumula ng mukha ni Chris sa nangyari o sa pagtanong ni Charlie, hindi niya alam.


“May bumutas ng gulong ko. wala pa naman akong dalang spare saka walang nasasakyan dito.” sagot ni Chris sabay tingin sa paligid kung saan wala kang makikita kundi magagarang bahay at magandang subdivision kung saan walang tricycle na pinapayagan na bumiyahe.



“Sabay ka na samin. Papahiramin sana kita ng spare kaso wala din akong dala, saka hassle pa yun kung ngayon ka pa magpapalit ng gulong.” alok ni Charlie na ikinagulat ni Chino at Chris agad na nagpanic si Chino si Chris naman ay tila nalunod sa malalim na pagiisip.


“Charlie, wag na, I'm sure siya rin ang bumutas ng gulong niya!” balik ni Chino na ikinagulat ni Charlie. Naisip ni Chino ang ngiti kanina ni Chris bago siya lumabas ng tent. Ang nakakagagong ngiti na nakikita niya lang kapag may gusto itong gawing hindi maganda.



Hindi maintindihan ni Charlie kung san nanggagaling ang sobrang galit na iyon ni Chino, marahil ay may nagawang mali dati si Chris dito kaya ganun na lang ito mag-react. Hindi niya alam kung san nanggagaling ang side na ito ni Chino at desedido siya na alamin ito.



“Why will I do that to my own car? And besides, ilang minuto ka lang naunang lumabas, nakita mong kalalabas ko lang din! Paanong mabubutas ko ang gulong ko kung kalalabas ko lang rin?” singhal ni Chris dito. Natameme naman si Chino, si Charlie ay sinusukat ang reaksyon ni Chris at ni Chino.



Kitang kita niya ang inis sa mukha ni Chris pero may iba pa siyang nakikita dito bukod sa pagkainis. Nang maisip ni Charlie kung ano iyon ay diniktahan niya ang sarili na wag kalimutang tanungin si Chino tungkol doon. Sunod niyang tinignan ang reaksyon ni Chino, may pagkainis din doon at katulad ng nakita niya sa mukha ni Chris, nakakita siya ng pagtangis doon. Tila ba ipinapakita lamang ng dalawa na naiinis sila sa bawat isa pero sa likod nun ay nami-miss nila ang isa't isa at idinadaan lamang iyon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng nakasasakit na salita.


“Chino, we're in the middle of nowhere, we can't just leave him here---” simula ni Charlie pero agad siyang pinutol ni Chris.


“OK lang pare, magtatawag na lang ako ng tulong.” sagot ni Chris sabay lakad papasok ng kaniyang kotse, agad na na-guilty si Chino sa kaniyang ginawa, nabasa ito ni Charlie sa kaniyang mukha at lalong nagpatibay iyon ng kaniyang hinala.


“Chino, I think you should talk to him. We can't leave him here.” simula ni Charlie, alam ni Chino na tama si Charlie, hindi niya rin alam kung bakit ganun na lang niya tratuhin si Chris, sinaktan siya nito, Oo, pero hindi iyon sapat na rason para iwan siya sa gitna ng kawalan.


Wala sa sarili siyang bumaba ng sasakyan at lumapit kay Chris, naabutan niyang nagte-text si Chris sa loob ng kaniyang sasakyan. Kunot noo itong nagtetext, kitang kita niya ang sakit na siya mismo ang may gawa nang pakawalan niya ang pagbibintang patungkol sa pagbutas ng sarili nitong gulong.


“Chris.” tawag ni Chino sa pansin nito.


Nang magtama ang kanilang mga mata ay...


“There it goes again. Magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili. Saglit siyang napatitig sa mukha ni Chris at nagulat siya ng magsalita ito.


“Look, Chino, I know that you're still mad at me, I get it, but now I don't have someone to call to come and pick me up. I really need your help.” halos pabulong na sabi ni Chris dahil sa hiya.


“I'm actually here to ask you to ride with us. I'm sorry I said all those things. Di ko alam kung san galing yun.” nahihiya ring balik ni Chino, tumango si Chris. Pumunta sa tapat ng kaniyang trunk at inilabas ang kaniyang mga gamit. Bago niya ito ilipat sa sasakyan ni Charlie ay nagsabi muna siya rito...



“Sorry, pare, wala akong matawagan eh, OK lang ba na sumabay ako sainyo? Kahit hanggang sakayan lang ng bus.”


“Wala yun, pare. Kahit hanggang sa bahay mo pa, walang problema yun sakin.” sabi ni Charlie sabay kibit balikat, wala sa sariling tinulungan ni Chino si Chris na magbuhat ng malalaking gamit nito. Palihim na natuwa si Chris sa ginawang ito ni Chino.


Habang inaabot ni Chino kay Chris ang isa sa malalaking tripod ay hindi sinasadyang mahawakan ni Chino ang kamay ni Chris. Nagtama ang kanilang mga tingin at ilang segundong tumagal iyon.



“Magic and Fireworks.” agad naalala ni Chris ang sinabing iyon ni Chino nang halikan niya ito noon. Saktong sakto iyon sa nararamdaman niya ngayon.

Agad na binawi ni Chino ang kaniyang kamay at pakikipagtitigan kay Chris.


“And there goes my magic and fireworks.” umiiling na sabi ni Chris sa sarili niya, nanghihinayang sa biglaang pagkalas ng kamay ni Chino sa pagkakahawak nito sa kaniyang mga kamay.



0000ooo0000



Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan, nasa malalim na pagiisip si Chino, si Chris naman ay di mapakali at si Charlie ay pinapanood ang dalawa at ang kalsada. Naisipan ni Charlie na alamin ang namamagitan sa dalawang lalaki na nasa loob ng kaniyang sasakyan.



“So, Chris, how did you know Chino?” tanong ni Charlie sabay abot ng batok ni Chino at minasahe ito, madalas itong gawin ni Charlie lalo na sa tuwing napapansin niyang pagod na pagod si Chino sa sa trabaho nito. Hindi nakaligtas ang simpleng pagmasahe na ito kay Chris.



“I yelled at him in his first photo shoot with male models then I called him incompetent and unprofessional.” sagot ni Chris sabay kibit balikat. Wala sa sariling napatingin si Charlie sa rear view mirror at tinignan maigi si Chris.



“Bakit?” tanong ni Charlie, si Chino ang sumagot nito dahil hindi niya inaasahan na sumagot ng maayos si Chris.



“Because he's an asshole.” sabay na napatingin si Charlie at Chris kay Chino sa sagot niyang ito.


“I'm not an asshole! I just got so into you that I want all your attention for myself, kahit na sa pamamagitan iyon ng pagsigaw.” bulong ni Chris pero rinig na rinig iyon ni Charlie at ni Chino na para bang isinigaw iyon at may gamit pang mega phone. Agad na nagpintig ang tenga ni Chino.


“Well you got my attention when you outed me to all my production staff! You got my attention when you decided to land one of your elbows to my nose, making me bleed to death! You got my attention when you---” agad na natigilan si Chino nang maisip niya ang susunod niyang sasabihin.


“---I got your attention when I cheated on you.” bulong ni Chris nang tila ba nabasa niya ang iniisip ni Chino. Bayolenteng lumingon si Chino at minata si Chris mula sa kinauupuan nito.


Muli nanamang binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Hindi na sinubukan pa ni Charlie na magsimula pa ng panibagong usapan. Ngayon, kahit papano ay may ideya na siya kung ano ang nangyari kay Chino at kay Chris noon, mas pinatibay ng sinabi ni Chris ang kaniyang hinala. Nahalata na niya iyon nang una pa lang na nagsalita si Chino nang alukin ni Charlie kanina na sumabay na si Chris sa kanila pero sa sagot na iyon ni Chris siya nakumbinsi na may nakaraan ang dalawa.

0000ooo0000


Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ni Chino habang bumabiyahe sila pauwi, lahat ng iyon ay umiikot kay Chris. Iniisip niya kung paanong posible parin siyang may nararamdaman dito gayung wala itong ginawa kundi gawin siyang miserable. Oo, may magic and fireworks nga, may koneksyon nga sa pagitan nila pero sapat ba yun?



Nasa ganitong pagiisip si Chino nang tumigil ang sasakyan sa isang gasulinahan, nagising lang siya ng mapansing lumabas si Charlie ng sasakyan at kinausap ang gas boy, may itinuturo ito sa gulong ng kaniyang sasakyan. Umuusok ilong siyang humarap muli kay Chris.



“Still the asshole who keeps ruining my life, huh?!” singhal ni Chino dito, natigilan naman si Chris, nang makita ni Chino ang reaksyon ni Chris ay agad niyang pinagsisihan ang pagsasalitang iyon laban kay Chris. Nakikita ni Chino ang sakit na nararamdaman ni Chris na dulot ng kaniyang mga sinabi.


0000ooo0000


Nang makarating sila malapit sa tinitirhan ni Chris ay agad na nagpaalam si Chris sa dalawa, pinilit si Charlie na huwag nang ipasok ang sasakyan sa village at rerenta na lag siya ng tricycle.



“Sure ka, pare?” tanong ni Charlie. Tumango si Chris.


“I'm sure dadaan pa kayo sa ospital. So di ko na kayo aabalahin pa.” agad na lumatay sa mukha ni Charlie ang pagtataka sa sinabing iyon ni Chris, si Chino naman ay natigilan.


“Ospital?” tanong ni Charlie.


“Yup, laging pumupunta si Chino sa ospital para bisitahin si Francis, diba?”


Agad na tumakbo ng ilang milya ang isip ni Charlie, nagtatakang tinignan ni Charlie si Chino, si Chino naman ay tila natulala sa mga sinabi ni Chris, naisip ni Charlie na hindi iyon ang tamang panahon para tanungin si Chino kaya naman nagpaalam na lang siya kay Chris.


“Ah, Oo nga pala, pare.” palusot ni Charlie pero hindi iyon kinagat ni Chris, naisip agad ni Chris na hindi pa alam ni Charlie ang lahat ng tungkol kay Chino at lihim siyang natuwa.


“Sige, hindi ko na kayo aabalahin pa. Ingat sa pagda-drive, pare, Chino.” sabi ni Chris kay Charlie sabay tango kay Chino, tila naman hindi siya narinig ni Chino. Nang makalayo na si Chris ay tinignan ni Charlie si Chino.


“Are we going straight to the hospital or are we stopping at your apartment first?” tanong ni Charlie.


“Hospital, I want you to meet someone first.”


Itutuloy...


[17]
Pumasok na si Chino at Charlie sa kwarto ni Francis, wala paring pinagbago ang kalagayan nito, maliban sa mga gumaling ng ilang mga sugat ay iniintay parin nila itong magising. Pinagmasdan maigi ni Charlie ang lalaking nakaratay, maputla ito na tila ba matagal na panahon nang hindi nasisikatan ng araw. Halos buto't balat nadin ito pero hindi nun naaalis ang maamong mukha na miya mo ginaya mula sa isang mukha ng anghel.



“Francis? Remember Charlie? Yung sinabi ko sayo na idini-date ko? Heto siya oh.” sabi ni Chino habang inaayos ang kumot ni Francis.



“Charlie this is Francis, my best friend.” pakilala ni Chino.



“I-I don't understand, Chino.” umiiling na sabi ni Charlie.



“Sit down and I will tell you everything.”


0000ooo0000



Matapos sabihin ni Chino ang lahat, mula sa relasyon nila ni Francis at sa paghihiwalay hanggang sa na-udlot na relasyon nila ni Chris ay iniintay na lang ni Chino ang magiging reaksyon ni Charlie, tahimik lang ito, malalim ang iniisip. Ibinalik na lang niya ang kaniyang tingin kay Francis at nagpasyang inatyin na lang ang susunod na sasabihin ni Charlie.



“And there I was thinking that I know you.” umiiling na sabi ni Charlie pero nakangiti ito. Nagtaka si Chino, akala niya ay sarkastiko ito.



“Why didn't you tell me?” tanong ni Charlie.



“Because I want to forget all of it. I know I will tell you about Francis once I made up my mind about my feelings for you---”



“What exactly are your feelings for me, Chino? If you don't mind me asking.”



Saglit na natigilan si Chino at nang mapagisipang mabuti ang kaniyang isasagot ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin ito kay Charlie.



“You're a good friend, Charlie---”



“But?” tanong ulit ni Charlie, alam niyang laging sumusulpot ang salitang 'but' o kaya 'pero' sa mga ganitong usapan. Tinignan ni Charlie si Chino, halata niyang nahihirapan si Chino na sabihin sa kaniya ang tunay na nararamdaman nito para sa kaniya.



“But we're just going to be friends, right? Hanggang dun lang diba?” pagkukumpirma ni Charlie, nagaalanagng sumagot si Chino, ayaw niyang saktan si Charlie, alam niyang napagusapan na nila 'to noon, na wala dapat asahan kung sakaling walang patutunguhan ang kanilang sinusubukan. Pero hindi parin mapigilan ni Chino ang malungkot, ayaw niyang mawala bilang kaibigan si Charlie.



“You're still in-love with Chris, aren't you?” tanong ulit ni Charlie, nagulat si Chino nang walang marinig ni katiting na hinanakit sa boses ni Charlie kaya naman wala siya sa sariling sumagot agad.



“Yes.” bulong ni Chino.



“Then why do you keep on pushing him away?” tanong ulit ni Charlie.



“Because I'm af---” simula ni Chino pero hindi na siya pinatapos ni Charlie.



“Because you're afraid that he will hurt you again? You know what, Chino? After I saw you guys biting each others head earlier in my car, di ko maiwasang maisip na walang pagkakataon na maging tayo, it's obvious that you guys still have feelings for each other and that you are meant for each other.”



“I'm sorry, Charlie.” nangingilid luhang sabi ni Chino, umiling naman si Charlie at binigyan siya ng matipid na ngiti.



“Di ka dapat mag-sorry, Chino, ayos na sakin yung nakilala kita at binigyan mo ako ng pagkakataon na mapalapit sayo sa loob ng limang buwan, para sakin enough na 'yon.” sabi ni Charlie, nagulat ito nang bigla na lang siyang yakapin ni Chino ng mahigpit.



“You don't know how much I wished and prayed that it will be you, Charlie.” sumisinghap na sabi ni Chino habang mahigpit paring nakayakap kay Charlie.



“Sometimes we just have to stick with the one who is meant for us, Chino, we're not meant to be together, friends maybe but not lovers, that spot is for Chris only. Give him a chance, Chino, it might make the both of you happier.”



Napaisip ulit si Chino.



0000ooo0000



Malalim ding nagiisip si Chris tungkol sa mga nangyari nung hapon na iyon, naaalala niya kung gaano kalapit ng katawan ni Charlie kanina kay Chino, kung gano kakumportable si Chino makipagusap kay Charlie, alam niyang may namamagitan sa dalawa, hindi pa man magkasintahan ang mga ito ay sigurado niyang papunta na ang mga iyon doon.



Sumagi din sa isip ni Chris na tigilan narin niya si Chino, tutal wala narin naman siyang magagawa pa kung mas mahal na nito si Charlie, bakit pa niya ipagsisiksikan ang kaniyang sarili dito. Pero kahit gaanong kadali niya iyon sabihin ay siyang hirap naman gawin, alam niyang mahihirapan siya na ipaubaya na lang basta si Chino pero wala narin naman siyang magagawa para bawiin ito dahil masyado niya itong nasaktan.



“Still the asshole who keeps ruining my life, huh?!”



Muling tumakbo ang mga sinabing ito sa kaniya ni Chino si isip ni Chris, nun niya lang napagtanto na ganun pala ang naging epekto niya kay Chino, kaya ngayon mas napapaisip siya kung hahayaan na lang nga ba niya si Chino kay Charlie at titiisin na lang niya ang sakit o gagawin niya ang lahat mabawi lamang ito kahit pa ang ibig sabihin nun ay maaaring marami siyang masagasaan.



Nakatulog na sa sobrang pagiisip si Chris, hindi parin nito alam kung paano ang gagawin niya kay Chino. Habang si Chino naman ay nagiisip kung hahayaan niyang pumasok ulit si Chris sa kaniyang buhay na sa loob ng limang buwan ay pinagbuti at pinagtibay niya. Napangiti si Charlie nang makitang pinagiisipan maigi ni Chino ang kaniyang mga ipinayo at sinabi.



0000ooo0000



“You look like shit!” bati ni Dom kay Chris nang makita kung pano namumugto ang mga mata nito.



“Yeah goodmorning, dude.” walang ganang balik ni Chris.



“What happened, I thought the 'zombie curse' got lifted yesterday when you saw Chino again after five months?” tanong ni Dom, pilit na nangingisda ng impormasyon sa maaaring nagiging takbo ng relasyon ng dalawa niyang kaibigan.



“Well that's what I thought too, but after I got a little trouble with my car and getting a ride with Chino and Charlie to get home and after some heated words thrown at each other in front of Charlie, I hardly doubt it if the 'zombie curse' will be lifted. Ever.”



“Wow, butas na gulong? Malamang masira nga ang buong linggo ko.” balik ni Dom, agad na tinignan ni Chris si Dom.



“How did you know that my tire got sabotaged? I don't remember telling you what kind of trouble I had with my car yesterday and I got early today to fix it before you get here, so what gives?” naniningkit na usisa ni Chris kay Dom.



“Wha---? Oh I think I saw the flat tire yesterday before going home---”



“And you still decided to go home not thinking that I might need your help?” naniningkit pa ulit na tanong ni Chris.



“I was in a hurry---”



“You sonovabitch! You stabbed my car, didn't you! You prick!” sigaw ni Chris, sasakalin na sana niya si Dom nang pumasok si Chino ng tent.



Agad na tumigil si Chris sa kaniyang binabalak na pagsakal kay Dom, agad na sumagi sa isip ni Chris na wala pa pala siyang napagdedesisyunan tungkol sa gagawin niya sa kaniyang nararamdaman kay Chino, it's either stay or stay away. Napagdesisyunan niyang umiwas.



Ibubuka na sana ni Chino ang kaniyang bibig at kakausapin si Chris nang magsalita ulit ito.



“We'll talk later, Dom.” puno ng pagbabanta ang sinabing iyon ni Chris, di mapigilan ni Chino ang masaktan, akala niya ay nagalit na ng tuluyan sa kaniya si Chris dahil sa sinabi nito dito kahapon. Di na niya nagawa pang pigilan si Chris dahil padabog itong naglakad palayo.



0000ooo0000


“YOU WHAT?!” sigaw ni Chino.


Matapos umalis ni Chris ay tinanong ni Dom si Chino kung ano ang nangyari kahapon sa kanila. ikinuwento ni Chino lahat ng nangyari, simula sa nakakalokong ngiti ni Chris bago siya lumabas ng tent, ang pagkakita ni Chris sa kaniyang butas na gulong, sa pagalok ni Charlie na sumabay sa kanila si Chris pauwi, ang pagbibintang niya kay Chris tungkol sa pagbutas ng gulong, ang pahapyaw ni Chris sa nakaraan nila na ikinagulat ni Charlie, ang pagsinhal ni Chino kay Chris nung nagpapagas si Charlie at ang huli ay ang pagkukuwento ni Chino tungkol sa kaniyang nakaraan, simula kay Francis hanggang sa panloloko ni Chris sa naguguluhang si Charlie at ang pagpapaubaya ni Charlie para kay Chris at Chino.


Hindi mapakali si Dom, iniisip kung aaminin na sila ni Chloe ang bumutas ng gulong ni Chris para mapilitan si Chino at Charlie na isabay ito.



“We stabbed Chris' tire.” amin ulit ni Dom, hindi napigilan ni Chino ang abutin ang batok ni Dom at haklitin ito.



“No wonder, galit na galit sakin si Chris nung pagbintangan ko siya!” singhal ni Chino.



“Sorry.” bulong ulit ni Dom, inirapan na lang siya ni Chino.



Saglit na tumahimik ang dalawang magkaibigan.



“So you and Charlie are not dating anymore?” nagaalangang tanong ni Dom, tinignan ulit siya ng masama ni Chino pero hindi na nito nagawa pang sigawan ang kaibigan, nagbuntung hininga na lamang ito at tumango para sagutin ang tanong ni Dom.



0000ooo0000


Sa tuwing sinusubukan ni Chino na lumapit kay Chris ay umiiwas ito, naisip tuloy ni Chino na huli na ang lahat at sumuko na si Chris sa pagtya-tiyaga nito sa kaniya. Naiinis siya sa sarili niya at sa kaniyang matalas na dila. Sinubukan niya na kontrahin lahat ng gusto nito bilang photographer para sa shoot na iyon para kahit papano ay makapag-usap sila pero kahit gaano kapangit at kasama ng kaniyang ideya ay hindi siya tinutuligsa ni Chris katulad kahapon.



“I think it's better if we have the model swim on a small pool.” suhestyon ni Chino, binigyan siya ng nagtatakang tingin ng mga taong nakarinig sa kaniya na tila ba nagsasabi na 'are you for real?' pero wala siyang pakielam dun, gusto niya lang na kontrahin siya ni Chris tulad ng ginagawa nito nung nakaraang photo shoot, sa isip isip niya ay mas mabuti nang magusap sila habang nagaaway kesa naman hindi siya nito pinapansin.



Pero wala siyang nakuwang bayolenteng reaksyon kay Chris, nagkibit balikat lang ito bilang sagot, tila naging isa itong puppet na kung saan kahit anong ipagawa ni Chino ay papayagan nito.



“You're not going to shout at me and say that what I said is the lamest thing you heard?” nanunubok na tanong dito ni Chino.



“You're the director, I'm just a photographer.” walang emosyong sagot ni Chris sabay kibit balikat, tila naman sinipa sa likod si Chino sa reaksyon na iyon ni Chris.



“Then maybe we can find a transparent kiddie pool and have the model swim in it, you can have your set up below the pool and shoot from there.” subok ulit ni Chino, saglit siyang tinignan ng masama ni Chris, sinong photographer nga naman ang hindi titingin ng masama sa kaniya eh ang hirap ng suhestiyon niyang iyon.



“As you wish, Sir.” wala ulit na emosyong sagot ni Chris sabay kalikot ulit ng camera.



“Sir, are we going to call the prod staff for a ---err--- transparent kiddie pool?” tanong ng isa sa staff ni Chino habang tinitignan ang clipboard. Napairap naman si Chino.



“No cancel that, let's go with the original plan.” bawi ni Chino nang hindi niya nakuwa ang kaniyang inaasahan reaksyon mula kay Chris.



Nagsisimula ng ma-frustrate si Chino.



“Since our photographer is being an asshole again and doesn't cooperate then we have to stick with the original sequence of the shoot.” sabi ulit ni Chino, pinagmamasdan niya ang mukha ni Chris , nagiintay ng kahit kaunting pagkainis sa kaniyang mga patutsda pero wala siyang nakita sa mukha nito.


“I'll have the models make up retouched.” sabi ulit ng isa sa staff ni Chino na umiiling habang pinapalipat lipat ang tingin kay Chino at Chris at naglakad na palayo.


“I'm sorry for being the constant asshole in your life.” bulong ni Chris, natigilan si Chino, rinig na rinig niya ang lungkot sa boses ni Chris, agad siyang nagsisi sa masasakit nanamang salitang binitiwan.



“Chris---” tawag niya dito pero mabilis na itong nakalabas ng tent.


0000ooo0000


“Why don't you talk to him?” tanong ni Dom kay Chris nang makita niya itong pinapanood si Chino sa di kalayuan.


“I'm still mad at you for the tire scene, so please don't talk to me!” singhal ni Chris, nagtaas ng dalawang kamay si Dom na miya mo sumusuko.


“Chloe and I will pay for it. I'm sorry our plan backfired.” paghingi ulit ng tawad ni Dom. Nagkibit balikat si Chris.


“Doesn't make a difference now.” sagot ni Chris,


“You're giving up on him?” tanong ni Dom sabay iling. Saglit na napaisip si Chris, alam niyang hindi magiging masaya sa kaniya si Chino dahil madalas niya itong inisin, saktan at isa pa alam niyang na kay Charlie na ngayon ang kaligayahan nito. Tumango si Chris bilang sagot sa tanong ni Dom.


“Well that's too bad lalo na ngayong nagpaubaya na si Charlie para magkalapit ulit kayo ni Chino.” pahapyaw ni Dom.


“I'm sure it's just--- Wait. What? They're not dating anymore?” paglilinaw ni Chris, nagkibit balikat naman si Dom.


“Ask Chino yourself.” nangiinis na sagot ni Dom.


“Asshole! You still owe me a tire!”


“I will help you with Chino as long as you let me off the hook.” alok ni Dom. Agad na nagliwanag ang mukha ni Chris.


“Deal!” sagot ni Chris, habang hindi maiwasang mapangiti at matuwa sa narinig na balita.


Itutuloy....


[18]
Hindi alam ni Chris kung ano ang ibig sabihin ni Dom sa sinasabi nitong tulong. Hindi na niya iniiwasan si Chino pero hindi rin naman siya nagfe-feeling na close dito dahil sa takot na mainis nanaman ito sa kaniya at mawala pa ang kakapiranggot na pagasa niya dito. Sa tuwing tatanungin ni Chino ang kaniyang opinyon ay kaswal niya lang itong sasagutin.



Nang magsimula ng mag pack-up ang mga staff ay saka napansin ni Chris na may pinaplano si Dom. Pinagmamadali nito lahat ng staff, di ito pangkaraniwan kay Dom dahil madalas nitong intayin si Chino na kilos pagong at ngayong wala ng Charlie na susundo kay Chino ay mukhang iiwan pa ni Dom si Chino magisa umuwi. Dun sa puntong iyon umilaw ang bumbilya sa ulo ni Chris.



“Iiwan nila si Chino para wala itong magawa kundi sumabay sakin pauwi. Nice, Dom.” nangingiti ngiting sabi ni Chris sa sarili niya, saglit na nagtama ang tingin ni Dom at Chris at bago lumabas ang mga staff at si Dom ay kinindatan siya nito na tila ba nagsasabing 'ikaw na bahala sa kaniya'



0000ooo0000


Natigilan si Chino nang makitang wala na ang van na sasakyan niya pauwi.



“Oh no, not again.” sabi ni Chino sa sarili habang lumi-lingon lingon, isang sasakyan lang ang nakikita niya na nakaparada pa sa parking lot.



Naisip ni Chino na tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil saktong paglingon niya ay siyang labas naman ni Chris na abala sa pagbubuhat ng mabibigat na tripod. Saglit na nagpanic si Chino, hindi alam kung pano kakausapin si Chris na isabay siya pauwi. Alam niyang may galit ito sa kaniya matapos niya itong pasaringan nung umaga.



Kunwari ay natigilan pa siya nang maabutan niya si Chino na nagaalangang nakatingin sa kaniya, pinilit niya ang sarili na huwag mapangiti.



“I thought everybody left already.” arteng bati ni Chris kay Chino. Iniwas ni Chris ang kaniyang tingin, itinuon niya ito sa kaniyang bag at kunwari ay naghahanap ng susi para hindi niya makita ang mukha ni Chino, dahil kung titignan niya ito ay siguradong hindi niya mapipigilan ang mapatawa.



“They did and they left me behind--- again--- I--- uhmmm--- Chris, p-pwede ba akong---” kinakabahang simula ni Chino, muling ibinalik ni Chris ang tingin niya kay Chino at inintay na tapusin nito ang paghingi ng pabor, pero masyadong kinakabahan at nahihiya si Chino. Pinipigilan ni Chris ang kaniyang sarili na abutin ang maamong mukha ni Chino at paulanan ang mga labi nito ng mga halik.



“Makisabay?” pagtatapos ni Chris nang hindi na niya matiis na panoorin si Chino na nagkakandahirap magtanong sa kaniya. Nakita niyang namula ang mga pisngi ni Chino, napangiti si Chris pero agad niya iyong inalis sa mukha niya sakaling tumingin sa kaniya si Chino.



“Sure Chino, you don't have to ask.” kaswal na sagot ni Chris sabay kibit balikat at tumuloy na sa pagkakarga ng kaniyang mga gamit sa trunk ng kaniyang sasakyan. Habang si Chino naman ay hindi mapagpasyahan kung sasakay na siya ng sasakyan o iintayin niya pa si Chris matapos.



Napili niyang maintay.



Nagulat si Chris nang makita niyang nagaalanagan paring nakatayo si Chino sa labas ng kaniyang sasakyan, gustong gusto niya itong banatan ng pangiinis pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Pumunta siya sa tapat ng pinto ng passenger seat at pinagbuksan si Chino ng pinto.



Hindi alam ni Chino kung magugulat ba siya o matutuwa sa ginawang iyon ni Chris, ni sa hinuna niya ay hindi niya inisip na may parte pala ng katawan ni Chris ang pagiging sweet, tanging pagiging asshole at paminsan minsang pagpapakita ng lambing lang kasi ang pagkakakilala niya dito. Ngayon, sa kumbinasyon ng pagiging asshole at sweet, hindi na alam ni Chino kung pano pa pipigilan ang kaniyang nararamdaman ulit kay Chris.



Nakangiting umikot si Chris papunta sa driver side at sumakay na para masimulan ang biyahe pauwi.



0000ooo0000


Tahimik ang buong kotse, iniintay ni Chris na si Chino ang magsimula ng usapan dahil kung siya nanaman ang magsisimula ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili na huwag magsabi ng kung ano mang ika-iinis nanaman ni Chino. Makalipas ang trenta minutos ng nakakabinging katahimikan ay nagsalita na si Chino.



“Sorry nga pala kanina, Chris, dun sa mga sinabi ko.” nahihiyang sabi ni Chino.



“It's nothing, dapat nga ako pa ang nagsorry sayo dahil sa mga sinabi ko kahapon.” natigilan si Chino sa sinabing ito ni Chris. Sa pagkakakilala niya kay Chris at nung minsang naging close sila ay alam niyang hindi madalas magpakumbaba si Chris at aminin ang pagkakamali. Hindi na nagsalita pa ulit si Chino, tinanggap na lang nito ang paghingi ng tawad ni Chris sa pamamagitan ng pagtango.



“So where's Charlie?, I mean, I know that it's none of my business but I don't think Charlie is the kind of guy who leaves the guy he cares about behind.” kaswal ulit na sabi ni Chris pero ang totoo ay pinipiga niya sa impormasyon si Chino.



“We're not dating anymore.” pagamin ni Chino sabay tingin sa labas ng binatana.



“Oh shit,I'm sorry, Chino, is this because of something I might've said yesterday?” nagaalalang tanong ni Chris.



“No, it's not about yesterday---” saglit na natigilan si Chino na tila ba nagaalangang tumuloy sa pagsasalita. “---we decided that it's better for us to remain just friends.” kaswal na sagot ni Chino pero ang totoo nun ay kinakabahan na siya kung saan maaaring humantong ang paguusap nilang iyon.



Muling binalot katahimikan ang buong sasakyan. Maya- maya pa ay nakaramdam ng pagkagutom si Chris, hindi nakaligtas ang pagkalam ng sikmura ni Chris kay Chino lalo na't rinig na rinig ito laban sa katahimikan ng buong sasakyan. Napahagikgik si Chino, di naman mapigilang mapangiti ni Chris.



“It's still early, Chris, we can still eat---” simula ni Chino, agad na nanlaki ang mga mata ni Chris sa gulat.


“You will eat with me?” nagtaka naman sa sinabing ito ni Chris si Chino.


“Unless you don't want me to.” bawi ni Chino.


“No! Uhmm no, it's not that, it's just I didn't think that you would want to eat with me---”


“Yeah, well, eating with an asshole can be good sometimes.” nangingiting sagot ni Chino, agad namang natahimik si Chris, hindi niya napansing nagbibiro lamang si Chino kaya naman agad siyang nasaktan sa sinabi nito. Pinili niyang tumahimik na lang at wag na lang magbalik ng pasaring kay Chino.



Napansin ni Chino ang biglang pagtahimik ni Chris pero hindi na lang niya ito pinansin dahil nakita niyang papasok na sila sa parking ng isang fast food chain. Napailing na lang si Chino dahil hindi niya inakalang ang isang dating modelo at may pamatay na katawan ay nakukuwang kumain ng mga masebong pagkain at ni hindi madagdagan ng miski kapiranggot na taba ang katawan.



0000ooo0000


Kunot noong pinapanood ni Chino si Chris, simula nung huling usapan nila sa kotse bago kumain sa fast food ay hindi na muli ito nakipagusap ng maayos sa kaniya, mga isang salitang sagot lang lagi ang nakukuwa niyang sagot dito na talaga namang ikinatataka niya. Habang pinapanood niya si Chris ay di niya maiwasang mapansin ang paminsan minsang pagkunot ng noo nito na tila ba may malalim na iniisip, nang hindi na matagalan ni Chino ang ganung tagpo ay naisipan niyang tanungin na si Chris.



“OK! That does it!” singhal ni Chino sabay pigil kay Chris sa pagsubo niya ng burger na ikinagulat ni Chris.


“Wha--?”


“Why are you being quiet?”


“Wha--?” simula ulit ni Chris.


“Well at first you're this cocky sonovabitch who always wants to make my life miserable and then you make me--- you make me fall in love with you then you cheat on me which is by the way hurts like a bitch and then you go all quiet on me?!” frustrated na singhal ni Chino sa loob lamang ng isang hingahan sa gulat na gulat paring si Chris. Saglit silang nagtitigan dahil iniintay ni Chino ang sagot ni Chris at si Chris naman ay hinahayaang mag-sink in ang sinabi ni Chino sa kaniya.


“Well, being always referred to as 'the constant asshole of my life' by a person I care a lot is kinnda unnerving.” balik ni Chris, ngayon naiintindihan na niya kung san nanggagaling si Chino. Napangiti siya sa sarili niya.


“This is Chino's way of coming on to me. This is his way of saying 'I still like you, can we be boyfriends?'” nangingiting sabi ni Chris, tama siya, mahal parin siya ni Chino kaya't hindi nito tinanggap ang nararamdaman ni Charlie, ngayong akala ni Chino na ayaw na sa kaniya ni Chris kaya naman nafru-frustrate ito at sinusubukang inisin si Chris para bumalik sila sa dati.


At pagbibigyan siya ni Chris.


“I'm sorry.” bulong ni Chino. Umiling si Chris.


“What?! You can't forgive me?! Alam mong biro lang ang pagtawag ko sayo ng asshole!” depensa ni Chino.


“Well it kinda hurt!” balik ni Chris, nagulat si Chino, hindi niya inaasahang sisinghalan siya pabalik ni Chris, pinilit niyang itago ang ngiti na nangungulit na lumabas sa mga labi niya. Iniisip niyang unti unti nang bumabalik sa dati ang kanilang pagsasama.


“Welcome back, asshole!” sabi ni Chino sa sarili niya nang ma-realize na nakuwa na ni Chris ang gusto niyang mangyari.


“Since when did you become a sensitive prat?!” balik ni Chino.


“Since I met you! Since when did you become an insensitive bitch?!” balik naman ni Chris sabay tuon sa lamesa at iniaplip ang mukha kay Chino na nagulat sa biglaang pagkilos ni Chris ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila.


“Well let's see---” pangiinis na balik ni Chino, kunwariy nagiisip pa. “--- since I met you of course!” tapos ni Chino sabay hawak sa pisngi ni Chris na para bang hahalikan niya ito, natigilan si Chris sa ginawang ito ni Chino at laking gulat niya nang makaramdam ng malagkit at mamantikang bagay na isinampal sa kaniyang pisngi.


“What the---” simula ni Chris habang iniaalis ang mga parte ng dumikit ng cheeseburger sa kaniyang pisngi. Tinignan niya ng masama si Chino na nakangiting aso.


“Now you see how much grease those things have?” nangaalaskang turo ni Chino sa burger na isinampal niya kay Chris.


“I like you more when you were shy.” umiiling na sabi ni Chris, napahagikgik naman si Chino.


Alam at sigurado na nila Chris at Chino na nakuwa na ulit nila ang atensyon at nararamdaman ng isa't isa.


0000ooo0000



“Where are we going?” nagtatakang tanong ni Chino nang ibang street ang nilikuan ni Chris palayo sa kaniyang apartment.


“To the hospital.” simpleng sago ni Chris.


“Oh. I thought we're going to talk for a while in my apartment.” tila ba dismayadong balik ni Chris.


“We have time to talk later after we visit Francis, kung pupunta pa tayo sa apartment mo baka ma-miss na natin yung visiting hours.” kibit balikat na sagot ni Chris. Napamaang si Chino, agad siyang naimpress sa sinabi ni Chris, hindi lang ito handang isugal ang kanilang oras para sa isa't isa ginagawa niya rin ito dahil sa alam nitong importante kay Chino ang makita ang kaniyang kaibigan.


“There's something different about you.” wala sa sariling bulalas ni Chino, hindi niya sinasadyang ipaalam kay Chris ang tungkol sa kaniyang iniisip, baka kasi magiba nanaman ng ugali ito. Napatingin naman sa kaniyang repleksyon si Chris na tila ba makikita niya dun ang kakaibang sinasabi ni Chino tungkol sa kaniya, napahagikgik naman si Chino.


“I mean, sa ugali, Chris, may nagbago sayo.” paglilinaw ni Chino. Napangiti naman si Chris.


“Well, I wanted to change so I can have something I lost, back.”


“Keep that up and you might get it back.” makahulugang balik ni Chino, parehong napangiti ang dalawa.


“I will do my best to have you back, Chino.” desedidong sabi ni Chris sa sarili niya.

0000ooo0000


Masayang lumapit si Chino sa tabi ni Francis, sa loob ng pitong buwan ay wala paring pinagbabago ang kundisyon nito. Katulad ng nakagawi-an ay inayos ni Chino ang kumot at ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Francis, sa ganitong paraan lang kasi naipapakita ni Chino na mahalaga parin ang kaibigan sa kaniya. Itinataon niya ang kaniyang pagbisita sa oras na wala na ang mga magulang ni Francis o kaya naman ang nobya nito, pero iba ang gabing iyon.


Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan katulad ng mga nakaraang gabi na pagbisita niya doon.


“Huy, gising ka na. Madami na akong ikukuwento sayo.” bulong ni Chino, saglit na sinulyapan ni Chino ang kabuntot paring si Chris na nuon ay nakaupo na sa isang mahabang sofa at naglalaro ng games sa telepono ni Chino.



Naririnig ni Chris ang mga pagbulong ni Chino sa kaibigang si Francis, hindi rin naman kasi kalakihan ang kwarto at nakadagdag pa ang tahimik na paligid ng buong ospital, pero pinili niyang magkunwaring hindi niya naririnig ang mga iyon.


“Baka minsan na lang pumunta dito si Charlie kasi may iba ng magsusundo at maghahatid sakin---” bulong ulit ni Chino, pinigilan ni Chris ang mapangiti.


“---napalapit narin sayo si Charlie kaya gusto niya kapag gumising ka, sabihan ko agad siya.” tuloy ni Chino sabay haplos sa kamay ni Francis.


“Francis, gising ka na. Namimiss na kita, dami akong hihinging advise sayo, saka promise, papayag na akong maging best man mo sa kasal niyo ni Laura.”



And as if on cue, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Francis at bumulaga kay Chino at Chris si Laura. Saglit na natigilan si Laura nang makita niya ang nakakapit na kamay ni Chino kay Francis, tila may pumitik sa loob ng ulo niya at agad iyon naginit. Hindi siya makakapayag na abusuhin ni Chino ang natutulog na si Francis, hindi niya papayagang manyakin ito, porke hindi ito makaka-hindi.



“Get the hell away from him! You just won't quit, do you?! Francis is straight! He doesn't do gay guys like you.” singhal ni Laura na ikinagulat ni Chino, hindi niya alam kung panong nalaman ni Laura ang tungkol sa sexual orientation niya, alam niyang out na siya sa trabaho pero sa mga magulang ni Francis at sa iba pa nilang kakailala ay hindi siya out. Sinubukan niyang kumalma, tila naman napansin ni Chris na malapit ng mainis si Chino kaya't nilapitan niya ito, pinaramdam dito na andun siya sa kaniyang tabi at hindi siya iiwan.


“We're best friends, Laura, and I know na hanggang dun na lang yun---”


“Good! Now I want you to leave and I don't want to see your face in here again! Kung pupunta ka ulit dito, mapipilitan akong i-request sa mga nurses na immediate family member na lang ang payagan na bumisita.” singhal at pagbabanta ulit ni Laura.


“Bitch! You can't do that---” palag ni Chino pero hinawakan ni Chris ang kaniyang kamay na ikinatigil niya.


“Who are you again?” tanong ni Chris, lalong uminit ang ulo ni Laura lalo na nang makita niya ang magkahawak na kamay ni Chino at Chris.


“I'm Laura, soon to be Francis' wife.” bigay tuon nito sa salitang 'wife' habang nakatingin kay Chino na tila ba ipinapamukha ito sa kaniya.


“I see, well, kung hindi pa kayo kasal ni Francis, I think pareho lang kayo ng karapatan ni Chino tungkol sa pagbisita kay Francis at sa tingin ko rin wala ka pang karapatan na piliin kung sino ang dapat bumisita dito in behalf of Francis, sa tingin ko mga parents ni Francis ang may ganung karapatan. Unless ikasal kayo ngayon ni Francis dito at magkaroon ng himala at sumagot siya sayo ng 'I do' habang natutulog.” pagdidiin ni Chris, lalong namula sa inis si Laura.


“What are you, a lawyer?” singhal ni Laura.


“Nope, he's just an average joe who uses his common sense.” balik ni Chino, aabutin na sana ni Laura ang pisngi ni Chino upang sampalin nang saluhin ni Chris ang kamay nito.


“Touch him and I'll break your wrist.” banta ni Chris, tila naman natakot si Laura at binawi niya ang kaniyang kamay. Inaya na ni Chino si Chris paalis dahil sa takot na baka may magawa pa itong hindi maganda sa babae. Tahimik silang lumabas at iniwan ang gulat na gulat pero inis na inis paring si Laura. Sa pagmamadali nila Chris at Chino palabas ng kwarto at sa naiinis at gulat na estado ni Laura ay hindi nila napansin ang marahaang paggalaw ng isang daliri ni Francis.



Nasa malalim na pagiisip si Chino, iniisip niya kung panong nalaman ni Laura ang tungkol sa kaniya pero hindi pa man siya nakakapagisip ng maaaring dahilan ay agad siyang natigilan nang mapansin niyang hindi sumusunod si Chris sa kaniya, agad siyang kinabahan at bumalik. Nakita niya itong nakikipagusap sa nurse, nilapitan niya ito at naabutan ang pinaguusapan nila ng nurse.


“---you shouldn't let someone like her visit our friend, I know they're engaged and all but you can't let her kick everyone who tries to visit Francis out, she even tried to hit Chino when we refused to go!” arte ni Chris, agad namang kinabahan ang nurse.


“I see, I'll do anything I can, sir.” sagot ng nurse, nagpasalamat naman si Chris di pa nakakalayo ng nurse's station sila Chris at Chino nang marinig nilang may kinausap ang nurse sa telepono.


“Hello, security? Yes I just got a complaint against one of our visitors here---” hindi pa narinig ni Chino ang sumunod na sinabi ng nurse nang biglang tumigil si Chris sa tapat ng isang drinking fountain.


“Thirsty.” sagot ni Chris sa nagtatakang itsura ni Chino sabay kindat. Napangiti si Chino nang malaman kung anong pinaplano ni Chris. Sa di kalayuan ay nakarinig ng sigaw si Chino, hindi siya maaaring magkamali na si Laura iyon.


“WHAT?! I'm a visitor here! Francis is my boyfriend, how dare you ask me to leave his bedside!--- I don't care about that stupid complaint---!”


Nang dumaretso ulit ng pagkakatayo si Chris ay kinidatan nanaman nito si Chino at nakangiti siyang inaya pauwi. Magkahawak kamay silang naglakad pabalik sa sasakyan ni Chris.


Hindi mabura ang ngiti sa mukha ni Chino habang bumibiyahe sila pauwi ng kaniyang apartment. Alam niyang tama ang kaniyang pagsugal at bigyan ulit ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon ni Chris.



Itutuloy...





[19]
Napansin ni Chris na tahimik parin si Chino habang bumibiyahe sila pauwi. Naisip niya rin na kung siya rin naman ang gaganun ng katulad ni Laura ay baka matahimik din siya at baka magisip din ng malalim, lalo na sa sitwasyon ni Chino kung saan hindi alam ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa naging relasyon ng mga ito dahil sa takot ni Francis na ipagtabuyan siya ng kaniyang mga magulang, dumagdag pa sa panggulo si Laura na alam man ang totoong sexual orientation ni Chino ay mukha naman walang alam sa naging relasyon ni Francis at ni Chino.



Sinusulyap sulyapan ni Chris si Chino, ayaw niyang nagkakaganito ang tong kaniyang pinapahalagahan.



“Sooo?” simula ni Chris, tila naman nagising si Chino sa kaniyang malalim na pagiisip.


“So what?” tanong ni Chino.


“Are we boyfriends now?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay niya. Napailing si Chino.


“We're going to take it slow like before, Chris.”


“But we already had it slow, can we go fast this time?” taas babang kilay ulit na tanong ni Chris, di naman mapigilan ni Chino ang mapahagalpak sa tawa lalo na ng maisip niyang may iba pang kahulugan ang tanong na iyon ni Chris.


“No! We will still take it slow and see where this thing is going to take us.” diin ni Chino, napairap naman si Chris.


“We already now where this is going to take us, Chino. We're in love, we're attracted to each other, we even want to make children here in my car now, for pete's sake!” ubos pasensya ng balik ni Chris, hindi niya maintindihan kung ano pa ang pumipigil kay Chino.


“What the hell?! You and your perverted brain! We will take it slow and besides, hindi ka pa bumabawi sa ginawa mong pangga-gago sakin noon no!” singhal ni Chino, napasimangot naman si Chris.


“Fine! We will take it slow but I want to have sex later!” sigaw ni Chris na ikinanganga naman sa gulat at sa hindi pagkapaniwala ni Chino.


“I demand a rough and steamy sex!” sigaw ulit ni Chris sabay tapik sa manibela na tila ba nakaisip siya ng isang magandang ideya.


“Asshole!” di parin makapaniwalang saad ni Chino habang si Chris naman ay humahagikgik.



0000ooo0000



“I said no!” sigaw ulit ni Chino sa nangungulit na si Chris. Ayaw niya itong papasukin ng bahay dahil sa takot na ipilit ni Chris ang gusto nitong mangyaring sex at sa takot din na baka bumigay siya sa pangungulit nito.


“Why the hell not?! I just want to look at your new place!” balik ni Chris, naguguluhan sa mga ikinikilos ni Chino.


“NO! You can see it some other time and besides it's late---” simula ni Chino sabay tingin sa kaniyang relos, ito naman ang iniintay ni Chris kaya't agad niyang itinulak ang pinto, halos mawalan ng balanse si Chino buti na lang at bago ito mabuwal ay nasalo na siya ni Chris.


“Asshole!”


0000ooo0000



“Nice place!” puri ni Chris nang makita ang bagong apartment ni Chino, tinitignan naman siya ng masama ng huli.


“That couch looks comfy.” bulalas ulit ni Chris sabay upo, abot sa remote at nood ng tv.


“Nice TV!” excited na sabi ni Chris, napairap naman si Chino lalo na nang makita niyang baka matagalan pa bago umalis si Chris dahil nakita niya ang pinapanood nito, basketball, at ngayon alam na niyang imposible na ngayong mapaalis niya ito.


“I'm going to take a shower, once the game hit half break you haul your ass out of here!” singhal ni Chino habang si Chris naman ay tila walang narinig.



0000ooo0000


Nang matapos nang mag-shower si Chino ay napansin niyang wala ng ingay na nanggagaling sa speaker ng tv sa may sala. Napangiti siya dahil alam niyang makakatulog na siya ng maayos lalo na't wala na si Chris, pero laking gulat niya nang makalapit siya sa sala at nakarinig siya ng mahinang paghilik.



Si Chris, natutulog sa sofa.


“Asshole!” singhal ulit ni Chino sabay lakad papuntang kwarto para matulog na, hindi niya narinig ang mahinang paghagikgik ni Chris.



Nang magumaga ay nakaramdam ng kakaibang saya si Chino, noon lang kasi siya nakatulog ng ganung kahimbing, madalas noong nakalipas na limang buwan ay pagising-gising siya sa kalagitnaan ng tulog at madalas napupuyat. Pero ang sayang iyon na kaniyang nararamdaman ay agad napalitan ng gulat at pagkainis lalo pa nang maramdaman niya ang pagtusok ng isang matigas na bagay sa hati ng kaniyang puwit.


“CHRISSSS!!!”


0000ooo0000



Sabay- sabay na nagulat si Dom at kaniyang mga staff nang makarinig ng pagsisigawan sa gawi ng bukana ng tent. Hindi nagkamali si Dom sa pagiisip kung kaninong boses ang kanilang naririnig nang bumulaga si Chino at Chris.



“You did that on purpose, don't mess with me!” singhal ni Chino.


“The couch doesn't feel comfy as it looks!” balik singhal ni Chris.


“Edi sana umuwi ka na lang at sa bahay niyo natulog!”


“At three in the morning, are you nuts?!”


“I'd rather have you on an accident than poking me in the back while sleeping!”


“It was Morning wo---”


“OKAY! We have no time to talk about your marital issues, guys, we have to finish the shoot!” sigaw ni Dom, saktong sakto ang pagsingit nito dahil sa takot na baka kung ano pa ang mailantad ng dalawa tungkol sa kamunduhang nangyari sa kanila habang nagaaway.


“You are so going to pay for that!” singhal ni Chino kay Chris.



0000ooo0000



“Dammit, Chris, we're working!” singhal ni Chino kay Chris na mapansing wala itong ginawa kundi kuwanan siya ng candid shots.


“The models are not ready yet.” simpleng sagot naman ni Chris.


“Well--- they will be in a minute---”


“Where do you want to have dinner later?” biglang tanong ni Chris.


“Wha---?”


“There's this restobar in Ortigas that I would like to go to, what do you say?” tanong ulit ni Chris habang si Chino naman ay pinupruseso pa ang mga sinasabi ni Chris.


“Isn't Ortigas a little bit too fa—-”


“Great! It's a date then! It's perfect! After we go see Francis I can bring you home then go home myself and start packing.” tuloy tuloy paring sabi ni Chris habang kinukuwanan ng mga candid photos si Chino at habang si Chino naman ay naguguluhan at gulat na gulat paring pinuproseso ang mga sinasabi ni Chris.


“S-start P-packing?” parang eng eng na tanong ni Chino.


“Yes, I have to pack my things, clothes and those that are important first then I can bring some of the furniture for your apartment if you want and have the rest be put on sale or something.” kaswal na sagot ni Chris habang kinakalikot ang kaniyang camera.


“Wait. WHAT?!” sigaw ni Chino nang sa wakas ay nakuwa na nito ang ipinapahiwatig ni Chris.


“I'm going to move in with you, you know, since we're boyfriends and all, I can help you with the rent or I can shoulder it and you can pay for---”


“YOU. ARE. NOT. MOVING. IN. WITH. ME.” diin ni Chino na nakakuwa ng atensyon ng lahat ng tao sa paligid.


“Why?” tila ba dismayadong tanong ni Chris, nakita naman ni Chino na tila ba nasaktan si Chris sa sinabi niyang yun, binibigyan siya nito ngayon ng tingin na madalas ibigay ng mga pusang nagmamakaawa.


“I mean, Chris, I thought we're going to take this slow?” tanong ulit ni Chino, tila naman naguguluhan si Chris sa sinabi nito.


“I-I t-thought you want us to be together again?”


“I-I d-do, Chris, but we have to take it slow, I have to see if this is going to work, I don't want to get hurt again, not when there's all kinds of 'Rhoda' around, some in the body of a beautiful model, some---”


“I will not hurt you again, Chino.” saglit na nagkatitigan ang dalawa, wala ng iba pang maisagot si Chino at napansin at naramdaman ito ni Chris kaya't nagbigay ito ng isang magiliw na ngiti.


“So it's settled then! We'll be moving in together!” sigaw ni Chris na ikinakuha nanaman ng atensyon ng lahat ng tao doon, ang ilan ay gustong pumalapkpak, iba naman ay excited n nagbulungan at ang ilan ay may ngiti sa mga labi nila, tanging si Dom lang ang di makapaniwala at umiiling.


“Can we talk about this first?” singhal ulit ni Chino pero mahina lang ito para si Chris lang ang nakakarinig.


“We can talk about it, yes, later, maybe, but talking will not do any good now, now that it's official.” tiyak sa sariling sabi ni Chris sabay lingon sa lahat ng taong andun. Napalingon din si Chino at nakita niyang pinaguusapan na ang pagsasama nila ng buong staff.



0000ooo0000



Natutulog pa si Chino nang makarinig siya nang pagkalabog sa front door ng kaniyang inuupahang apartment. Lulugolugo siyang bumangon sa kaniyang kama, tulog pa ang utak niya at wala pa sa kundisyon ang mga kalamnan niya kaya naman kung saan saan na buma-bangga ang katawan niya habang naglalakad papunta sa front door.



Inis na inis si Chino ng buksan niya ang pinto, andun sa harapan niya si Chris na miya mo adik na binigyan ng gramo gramong shabu, napairap na lang si Chino at dahil sa inaantok pa nga ay hindi niya napansin ang ilang malalaking bag at mga kahon sa likod nito.


“Chris, it's 6 in the morning! What the hell are you doing here?!”


“Wellll---” pabitin ni Chris na lalong ikinainis ni Chino.


“Well what?! Well What?!” naiinis na sigaw ulit ni Chino na ikinakaba naman ni Chris.


“Ehe, I'm here to cook you breakfast. Geesh! Not a morning person are you?!” umiiling na sabi ni Chris, nagaalangang pinapasok ni Chino ang huli at muling bumalik ng kwarto para matulog ulit, iniisip niya na andun lang si Chris para mangulit, ang hindi niya alam ay ang binabalak ni Chris na paglipat sa apartment nito.



0000ooo0000



Groggy parin si Chino na bumangon ulit ng kama, may nakita siyang kakaiba sa kwarto niya, tila ba dumami ang kalat at nakabukas ng kaunti ang kaniyang aparador, ikinibit balikat niya lang ito dahil sa gutom pero nang makarating siya ng sala para dumaan papuntang kusina ay nagulat siya nang makita ang ilang patong ng kahon na maayos na nakatabi sa may pader.



Agad na nagising ang diwa ni Chino lalo na nang mapansin niyang may pangalan at return address lahat ito ni Chris. Narinig niya ang ilang pagkalabog sa gawi ng kaniyang kusina kasunod nun ay paggising ng kaniyang ilong nang may naamoy siyang katakamtakam na sinundan naman ng malakas na pagpalag ng kaniyang sikmura dahil sa gutom.


“Good morning, sleepyhead! I was about to wake you for breakfast.” masayang bati ni Chris na ikinagulat naman ni Chino.


“What are you doing here?!” singhal ni Chino.


“I live here!” balik ni Chris.


“No you don't! I said we will talk about it first before we---” natigilan si Chino at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga kahon sa sala. Nun niya lang na-realize na naisahan nanaman siya ni Chris.


“Naisip ko na hindi mo naman talaga ako papayagang lumipat ng ganun ganun na lang kaya hindi na kita binigyan ng pagkakatong mag effort na magisip kung palilipatin mo ako o hindi at lumipat na ako ng kusa.” nakangiting sagot ni Chris na para bang proud na proud siyang naisahan niya si Chino. Agad na naningkit ang mga mata ni Chino at lumapit sa mga kahon, binuhat niya ang pinakamalapit sa kaniya at laking gulat niya ng mas magaang ito kesa sa inaasahan niya, binuksan niya ang kahon at nagulat na wala itong laman, tinignan niya ang iba ay wala ring laman ang mga ito.


“I hope you don't mind, I already got settled in.” nakangiti paring sagot ni Chris.


“By saying settled in---” umpisa ni Chino pero si Chris na ang nagtapos na ito.


“Yes, I already unpacked my things---”


“You did not!” singhal ni Chino sabay takbo pabalik ng kwarto at tinignan ang aparador, laking gulat niya nang makita niya na kaya pala ayaw nang sumara ang kaniyang aparador ay puno na kasi ito ng kaniyang mga damit at mga damit ni Chris at basta na lang nakasalampak ang mga iyon duon.


Agad na nainis si Chino, hindi lang nanghihimasok ngayon si Chris sa kaniyang personal space, ginugulo niya pa lahat ngayon, bilang neat freak ay agad hindi mapakali si Chino at nalulunod na sa sobrang pagkainis.


“You immature sonovabitch! I told you that we will talk about this first, didn't we?! Didn't I said we will take this slow?!” singhal ni Chino, kitang kita ni Chris ang pagkainis sa mga mata nito.


“But we already had it slow and we already know where this is going to lead so why do we have to wait?--- and besides there is no time.” kinakabahang balik ni Chris agad na nagdikit ang mga kilay nito sa pagtataka.


“No time for what?!” singhal ulit ni Chino na lalong ikinakaba ni Chris.


“Uhmm, I kinda told someone that I'm moving in with you, my boyfriend and she's expecting me to introduce you to her---”


“Wait. What?!”


“Chinooooo! Alam mong mahal kita, diba? At mahal mo din ako, diba?” pagpapaligoy-ligoy ni Chris na lalong ikinainis ni Chino.


“WHO. DID. YOU. TELL. AND. WHAT. DID. YOU. TELL.THEM.” naiinis na ulit ni Chino.


“Uhmmm, I think I just told my mother that we kinda move in together last week and that we are so in love with each other and that we will be partners forever.” kinakabahan ulit na sabi ni Chris.



Natigilan si Chino, kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka na-cute-an at na-touch pa si Chino sa mga sinabi ni Chris pero iba ngayon, nararamdaman ni Chino na nape-pressure si Chris sa mga sinabi nito sa kaniyang ina kaya't nagmadali itong lumipat sa bahay niya at doble ang pressure na iyon sa kaniya, halata niyang natatakot din si Chris sa sasabihin ng kaniyang ina at kung iisipin ni Chinong maigi kung pano lumaki at kung pano ang ugali ni Chris bilang adult ay malamang hindi naiiba ang nanay nito sa kaniya. Sasagot na sana si Chino sa huling sinabi ni Chris nang matigilan siya nang makarinig sila ng katok sa front door.


Sabay na tinungo ni Chris at Chino ang front door at nagaalangang binuksan ni Chris ang pinto.


“Ma.” bati ni Chris sa babaeng nakatayo sa harapan nila, agad na nanlaki ang mga mata ni Chino sa gulat at tinignan ang babae na tinawag na 'Ma' ni Chris. Nakataas ang kilay nitong kinikilatis si Chino, napalunok ng sariling laway si Chino. Alam niyang magiging mahaba ang umagang iyon para sa kaniya.



Itutuloy...


[20]
Magandanag babae ang ina ni Chris, hindi nakakapagtaka kung saan nakuwa ni Chris ang gwapo nitong mukha pero hindi rin maikakaila ni Chino na dito rin nakuwa ni Chris ang pagiging arogante nito. Nakataas parin ang kilay nitong tinulak patabi si Chino para kahit wala man lang nagimbita sa kaniya papasok ay makakapasok naman siya ng pinto, tila naman nainsulto sa ginawang ito ng ina ni Chris si Chino, dahil kagigising lang din ay napagpasiyahan niyang wag magpatalo sa matanda. Tinignan niya ng masama si Chris, si Chris naman ay nagbato sa kaniya ng nangungusap na tingin.


“The place looks good. Who's your interior designer?” tanong ng matanda, napangiti si Chino sa sarili niya dahil ine-expect niya na kapag nagsalita ito ay boses ni Bella Flores ang lalabas sa mga bibig nito.


“I designed the place myself, Ms---” pabitin ni Chino bilang sabi na hindi niya alam kung anong itatawag niya sa matanda.


“Amanda. Call me Amanda.” sagot ng matanda sabay tingin ulit kay Chino. Agad na nakaramdam ng kaunting kaba si Chino.


“No wonder the place looks gay.” pasaring ng matanda kay Chino, napalunok si Chino habang si Chris naman ay kinakabahang nakayuko sa isang tabi, bahag ang buntot.


“Thank you, Amanda.” balik ni Chino. Nagtaas ulit ng kilay ang matanda.


“Why don't we all take a seat.” singit ni Chris pero walang pumansin sa kaniya.


“What did you do to my son? Why is he so in love with you?” taas kilay paring tanong ng matanda kay Chino, nagtaas ng kilay si Chino bilang tugon sa matanda.


“I didn't do anything to your son, Amanda. Actually, I don't want to do anything with him then because he's such an asshole but eventually I started liking him, asshole or not, your son is actually sweet when he wants to be, an attitude that I'm sure he didn't get from you.” malamig na balik ni Chino sa matanda habang inaanyayahan itong umupo sa sofa. Lalong tumaas ang kilay ng matanda. Napa singhap si Chris sa sinabing iyon ni Chino at mukhang malapit ng umiyak.


“And what made you say that?” malamig na balik ng matanda.


“Because you have been nothing but a first class bitch for the last 5 minutes that you're here.” malamig na sagot ni Chino, pilit na tinutumbasan ang pagiging malamig ng matanda.


Saglit na natigilan ang tatlo, si Amanda at si Chino ay tila ba nakikipagpaligsahan sa pakikipagtitigan, si Chris naman ay hindi parin mapakali, miya mo nangangati ang puwitan nito habang nakaupo. Ilang saglit pang tumahimik ang buong kuwarto, magsasalita na sana si Chris para mabawasan ng konti ang tensyon nang biglang tumawa ang kaniyang ina.


Nagulat si Chris sa pagtawa na iyon, pati rin si Chino, dahil puno ng kasiyahan ang tawa na iyon, hindi peke at nagulat si Chino dahil mali ulit siya ng akala, akala niya kasi mala Bella Flores din kung tumawa ang matanda.


“I like him, Chris.” saad ni Amanda sa kaniyang anak na naguguluhan parin sa mga nangyayari. Sa unang pagkakataon nung umagang iyon ay narinig ni Chino ang malambing na tinig ng isang ina mula sa bibig ni Amanda. Napangiti siya.


“Don't be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino sabay tingin kay Chris. Wala sa sariling napangiti si Chino nang makita niya ang lalaking marahil nga ay mahal na mahal niya.


“Do you want something to drink, Amanda?” saad ni Chino sabay ngiti, nagulat si Amanda at si Chris.


“Yes, please.” nakangiti naring sagot ni Amanda. Natigilan si Chris, lalo na ng magkahawak kamay na naglakad ang kaniyang ina at si Chino papuntang kusina. Nang maisip na wala na siyang magagawa ay napailing na lang siya at sumunod na papuntang kusina.


“What happened here?” tanong ni Amanda nang makapasok sila ng kusina.


“Your son. That's what happened.” umiiling na sabi ni Chino sabay ngiti, nakita niyang nagbaba nanaman ng tingin si Chris dahil sa hiya sa ginawa niyang kalat sa kusina.


“I see, alam mo Chino, nagulat nga ako dahil nito lang nung tanungin ako ni Chris kung saan magandang mag-take ng cooking lessons. Tinanong ko kung bakit, sinabi niya it's for someone special to him, now I know kung sino yung someone na sinasabi ng kumag.” humahagikgik na sabi ni Amanda, si Chris naman ay namula at si Chino ay napahagalpak sa tawa.


“Well, sa tingin ko hindi successful si Chris sa pagluluto, kung gusto niyo ako na lang ang magluluto.” alok ni Chino, napangiti si Chris at Amanda at miya miya pa ay narinig na nga nila ang pagkalam ng sikmura ni Chris na ikinahagalpak ulit nilang tatlo.



0000ooo0000


“Look, Mom, Chino made waffles!” parang batang excited na excited na sabi ni Chris sa kaniyang ina.


“Yes, Chris. I think I haven't had waffles for breakfast since---” malungkot na simula ni Amanda agad na natigilan si Chris at nabura ang ngiti sa mukha nito.


“Since Dad died.” tapos ni Chris nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Chino.


“Well, from now on I will cook waffles for breakfast for the both of you.” nakangiting sabi ni Chino, umaasa na kahit papano ay mapapagaang niya ang atmosphere ng kwarto, hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Amanda, agad itong tumayo at niyakap siya, naramdaman niya ang marahang paghikbi nito.


“You're so sweet, Chino, I'm glad my son found you. Now I know why he's head over heels in love with you.” humihikbi paring sabi ni Amanda. Napahagikgik si Chris.


“Excuse her, she has this flair for the theatrics.” humahagikgik ulit na sabi ni Chris habang nilalantakan ang may limang waffles ata ng sabay sabay. Agad na binalot ng hagalpakan muli ang buong kusina.


0000ooo0000


Nagulat si Chino nang biglang sumulpot si Amanda sa kaniyang tabi habang nagliligpit siya ng pinagkainan, ayaw niya sanang maiwan magisa kasama ito pero inatake ng pagsakit ng tiyan si Chris kaya't wala na siyang nagawa. Tinignan niya si Amanda, nahuli niya itong pinapanood ang bawat galaw niya.


“Do you love my son, Chino?” tanong ni Amanda, saglit na natigilan si Chino.



Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Chris pero hindi pa siya handa na ipagsigawan iyon, natatakot kasi siya na baka masaktan nanaman siya tulad nang nangyari noong nalaman niya ang ginawa nito kasama si Rhoda, pero may kakaiba sa mga tingin ni Amanda na hindi niya matanggihan. Wala sa sarili siyang napatango bilang sagot.


“What? I didn't hear your answer, Chino.” pangungulit ni Amanda, di parin makapaniwala si Chino kung gaano kapareho nito ang kaniyang anak.


“I love him, Amanda.” walang pagaalinlangang sagot ni Chino, hindi niya napansing bumalik na si Chris at mataman na siyang pinapanood, narinig lahat ng pagamin kanina ni Chino, pero may isang bagay na pumipigil kay Chris para magdiwang at iyon ang kaniyang aalamin.


“Then is it OK if I ask you to kiss him in front of me?” nanunubok na sabi ni Amanda. Agad na napatalikod si Chino at nagulat nang andun sa Chris, namula siya sa pagkapahiya dahil sigurado siyang narinig nito ang pagamin kanina. Nakayuko siyang lumapit kay Chris.


Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa nang makalapit na si Chino, sapat na lapit para magsalubong ang mga labi nila.


“Chino, you don't have to prove anything---” simulang pag-alo ni Chris.


“Shhh.” saway ni Chino kay Chris para tumahimik ito, inabot ni Chino ang labi nito atsaka tumuon para ang labi naman niya ang dumampi sa malalambot at mapupulang labi ni Chris.



“There it is. My magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kanyang sarili habang sinasamsam niya ang halik na iyon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay saglit ulit silang nagtitigan, ilang saglit lang ay pareho na silang napangiti.


“I love you, Chino.” bulong ni Chris sabay dikit ng kaniyang noo sa noo ng huli. Saglit na natigilan si Chino.


“I love you too, Chris.” nahihiyang balik ni Chino, lumatay sa mukha ni Chris ang isang ngiti.


“OOKKAAAYYYY! My job here is done! I'll see you two later! Chris, don't lose this one, I like him.” sabi ni Amanda na may kakaiba ring ngiti sa kaniyang mukha. Maglalakad na sana ang dalawa para ihatid ang matanda sa may sasakyan nito nang magsalita ulit ito.


“Oh and Chris, sabi ko naman sayo di na kailangan ng tulong ko para malaman mo kung mahal ka ni Chino o hindi eh.” sabi ni Amanda, agad na napatingin si Chino kay Chris, si Chris naman ay di matawaran ang pamumula.


Nang makasakay na si Amanda sa kaniyang sasakyan at nang makaliko na ito sa kanto at pareho na nila Chris at Chino hindi makita ang sasakyan ay agad na humarap si Chino kay Chris, di matawaran ang pagkainis na makikita sa mata nito kaya't agad namang kinabahan si Chris.


“YOU ASKED YOUR MOTHER TO SCARE ME SO THAT I CAN TELL YOU HOW I REALLY FEEL?!” nanggagalaiting tanong ni Chino habang tinutusok ng hintuturo niya ang matipunong dibdib ni Chris.


“It worked.” maangas na balik ni Chris sabay kibit balikat.


“And what if I take all I said back?!” tanong nanaman ni Chino, napangiti na lang si Chris.


“I know you wouldn't.” maangas paring balik ni Chris sabay upo sa sofa.


“And why is that.” taas kilay na tanong ni Chino.


“Because you love me.” nakangiting asong sagot ni Chris, pinigilan ni Chino ang sarili na mapangiti.


“Asshole!” singhal ni Chino, binuksan ni Chris ang TV at tinapik ang espasyo sa pagitan ng kaniyang mga paa, nagsasaad ng paanyaya niya kay Chino na doon maupo. Di na nagmatigas pa si Chino at umupo sa pagitan ng mga hita ni Chris at sumandal sa matipunong dibdib nito.


“I love you.” bulong ni Chris sabay halik sa bunbunan ni Chino.


“I love you, too.” bulong din ni Chino. Hindi na mabura ang ngiti sa mukha ni Chris pagkatapos nun.


0000ooo0000


Nagising si Chris sa malakas na pagring ng telepono ni Chino. Hindi niya napansin na nakatulog na pala silang dalawa ni Chino sa may sofa. Agad niya itong sinagot para hindi magising pa si Chino, natigilan si Chris sa sinabi ng kausap niya sa kabilang linya. Marahan niyang inalog si Chino, nagising ito at binigyan siya ng isang nagtatakang tingin, sinabi ni Chris na may tumawag sa kaniyang telepono, lalong nagtaka si Chino.


“Who was it, Chris?” tanong ni Chino, nakita niyang nangunot ang noo ni Chris.


“It's Jed, he's in the hospital---”


“Oh my Gawd!” sigaw ni Chino dahil sa pagaalala kay Jed.


“He's fine, it's Francis, he said you should go there immediately.” balik ni Chris, agad na tumayo si Chino at magtutungo na sana sa kwarto nang mapansin niyang hindi kumikilos si Chris.


“Move it, Chris! We have to go to the hospital. Now!” saad ni Chino.


“Jed said that 'you' should go to the hospital not 'we'. ” nahihiyang balik ni Chris. Lumapit si Chino kay Chris at hinalikan ito sa labi.


“We will go together, Chris. You're my boyfriend. I need you there.” balik ni Chino na nakapagpabalik ng ngiti sa mukha ni Chris.



0000ooo0000



Nang makalapit sila Chino at Chris sa tapat ng pinto ng kwarto ni Francis ay agad silang natigilan nang makita nila ang mga magulang ni Francis, si Jed at Laura na puno ng luha ang mga mata at pisngi, agad na nanlambot si Chino at nakaramdam ng matinding takot. Ayaw niyang mawala ang kaibigan niya, ayaw niyang mawala si Francis. Tanging ang pagsigaw lang ni Jed ang gumising sa kaniyag nagaalalang isip.


“There he is, Mom, Dad, tell him the truth! You owe him the truth! You've caused Francis and Chino pain and they are nothing but sweet, caring and loving towards you guys! You owe Chino the truth!”


Hindi maintindihan ni Chino ang mga sinasabi ni Jed at kung bakit ito nanggagalaiti sa galit, ang tangi niya lang gusto ay malaman kung ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan na si Francis. Tatanungin na sana niya ang lagay ng kaibigan nang magsalita ang ama ni Francis.


“This is all our fault, Chino---” umiiling na sabi ng matandang lalaki pero hindi na nito maituloy ang sasabihin dahil napangunahan na ito ng paghikbi.


“The day I told you about the wedding, hijo, I swear, di ko alam na may relasyon pala kayo ni Francis, nagulat na lang kami nang biglang umuwi si Francis na malungkot at hindi namin makausap ng maayos---”


“That's because Chino thought that Francis cheated on him, he thought that Francis betrayed him and never talked to Francis again! That's why Francis was so down, Ma!” singit ni Jed, nanggagalaiti parin ito sa galit habang pinagdudugtong dugtong ang mga nangyari.


“I swear! I didn't know!” depensa ng ina ni Francis sa kaniyang sarili.


“Yes, you didn't, pero may ideya na kayo! Aminin mo, Ma! Let's stop with the charades! You've done enough damage already! You were always this manipulative, Ma! You've thrown me out of the house when I said I'm not going to marry Bea and you practically have Francis on an arranged marriage without him knowing! May ideya ka na sa maaaring totoong relasyon ni Chino at Francis pero mas pinili mong wag munang kausapin sila tungkol dito at sa halip ipinagpatuloy mo parin ang pagpapakasal kay Francis at Laura!” sumbat ni Jed sa kaniyang ina.


Natigilan ang matandang babae na lalong humagulgol sa kakaiyak, indikasyon na lahat ng isinumbat ng kaniyang anak ay totoo. Hindi makapagsalita si Chino, tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan.


“Chino, hijo, we're so sorry. Francis didn't know about the wedding, akala niya kinakapatid niya lang si Laura, hindi niya maintidihan kung bakit ka biglang lumayo sa kaniya, nasaktan siya, akala niya may nagawa siyang mali and after a month nalaman niya ang about sa engagement nila ni Laura, nagalit siya samin, nagkasagutan kami ng mga tita mo and then he told us about your relationship, di kami makapaniwala nung una, dun pa lang naisip na namin na mali ang aming nagawa and that we haven't learn a thing sa mga nangyari kay Gerard at inuulit pa namin ang mga iyon sa aming bunso.” amin ng matandang lalaki habang inaalo nito ang kaniyang asawa.


“Yun din yung gabi na nagmamadali siyang makausap ka, Chino, gusto niyang i-explain sayo lahat ng nangyari, gusto niyang sabihin na hindi ka niya niloko, pero hindi na siya nakaabot sayo dahil sa aksidente, Chino.”


Nanlambot si Chino, halos mapaupo na ito sa sahig sa mga nalaman, buti na lang at naka abang si Chris sa kaniyang likod at inalalayan siya para makatayo ng daretso. Nanlulumo rin si Chris sa kaniyang mga narinig, ibig sabihin nun, hindi sinaktan ni Francis si Chino tulad ng akala nito, alam niyang malaki ang pag-asang magkabalikan ang dalawa kung sakaling ipaglaban ni Francis ang pagmamahal niya dito kung sakaling nagising siya.


Tumatakbo sa isip ni Chino ang pagmamatigas niya sa loob ng isang buwan kay Francis, hindi siya nakipagusap dito kahit gaanong pagmamakaawa ang gawin ng huli, ngayon nagsisisis siya kung bakit hindi niya pinakinggan noon ang kaibigan. Naiinis siya sa sarili, nagagalit siya sa mga magulang ni Francis at ngayon naiinis siya kasi wala na siyang magawa. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Chris sa kaniyang mga balikat na tila ba nagpapapansin na andun lang siya para sa kaniya, wala sa sariling isinandal ni Chino ang kaniyang sarili sa matipunong dibdib ni Chris. Naramdman niya ang pagtibok ng puso nito.


“Why tell me all these things now?” nanginginig na tanong ni Chino, di alam kung ano ang maaaring isagot ng kaniyang mga kausap.


“Francis is awake, Chino. He's asking for you that's why we want you to know the truth first before you talk to him. Before you tell him about your relationship with Chris.” umiiling at naluluhang sagot ni Jed habang ang dalawang matanda ay nagulat sa sinabi ng kanilang panganay na anak.


“Look what you've done, Ma! Akala ni Chino that Francis has nothing more to offer him other than friendship and he settled with that, looked for someone else to love, he found Chris, who, by the way loves Chino as much as he loves his own life! Ngayon, pano mo i-e-explain sa kagigising palang na si Francis na wala na siyang babalikan? Na huli na ang lahat para sa kanila ni Chino?! You're so caught up with your manipulative ways that you missed all the consequences!” sumbat ulit ni Jed.


Tila naman nabingi na si Chino sa pagsusumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at walang ibang pumasok sa kaniyang isip kundi ang kung ano ang gagawin niya. Napatingin siya kay Chris na masuyong nakaalalay sa kaniya at nakikinig sa mga panunumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at sa pinto ni Francis na masuyo namang nagiintay sa kaniya.


Kailangan niyang mamili.


“It's time for me to take my chances again.” bulong ng isip ni Chino habang nagpapabalik balik parin ang tingin niya kay Chris at sa pinto ng kwarto ni Francis. Hindi nagtagal at kumawala na siya sa umaalalay na mga kamay ni Chris at mabagal na naglakad papasok sa kwarto ni Francis.

No comments:

Post a Comment