Friday, January 11, 2013

Taking Chances (06-10)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[06]
Halos isang minuto bago maisara ni Chino ang kaniyang bibig dahil sa sobrang gulat. Natuloy sila ni Dom sa kanilang planong kumain sa labas, nasa isa silang magarang restaurant ngayon. OK ang lahat, romantic ang ambiance ng lugar, presko at higit sa lahat, pakiramdam ni Chino ay nagde-date sila ni Dom pero asa harapan niya ngayon ang isang napakagandang babae, tila isa isang dyosa na bumaba sa lupa at ang malala pa don...




“Chino?” pagtawag ulit ni Dom sa kaniyang pansin.



“Wha--? Oh, I'm sorry, I spaced out again.” palusot ni Chino sabay pakawala ng isang kinakabahang ngiti. Ngumiti din ang magandang babae sa kaniyang unahan.



“Chino, this is Chloe, my girlfriend. She has this one big mighty crush on you.” humahagikgik na sabi ni Dom habang inaalalayan ang kaniyang kasinatahan paupo.



“Chloe, I told you I know him! Ha! You owe me two hundred bucks!” baling ni Dom sa kaniyang kasintahan.



“Matagal ka ng crush neto, bilib na bilib siya sa mga results ng photo shoot na dinidirek mo, actually dahil sayo kaya kami nagkakilala three years ago, she's at this magazine stand reading our magazine, when I looked at her she's at awe with the shots, I told her that I know the shoot director and she just literally begged me to introduce her to you.” humahagikgik na kwento ni Dom, si Chloe naman ay sinuntok ang braso ng kaniyang kasintahan.



“I never thought that this prick actually know you! Whenever I ask him to prove it and introduce me to you he will just say that you're uber busy!” excited na sabi ni Chloe, nun pa lang alam na ni Chino na magiging malapit silang magkaibigan ni Chloe.



“I was totally crushin on you for a while now.” bulong ni Chloe pero sapat ang lakas nun para marinig ni Dom sabay kindat.



“Hey!” saway ni Dom, kunwari nagseselos pero hindi rin maitago ang ngiti sa mukha nito.



“Wow. I'm totally speechless. For a minute there I thought that Dominic here is hitting on me and wants me naked on his bed! Yun pala para masingil niya ang two hundred bucks na pusta niya?!” natatawang sabi ni Chino sabay iling, tumawa ng malakas si Chloe at napatawa narin si Chino nang makita niya ang reaksyon ni Dominic. Gulat na gulat ito sa sinabi ni Chino, nakanga-nga ito pero di rin maikakaila ang tuwa sa mga mata nito.



“OMG! That's totally classic!” sigaw ni Chloe na ikinatingin ng ibang tao sa loob ng restaurant habang inaabot ang kamay ni Chino para sa nabiting high five.



“I though you're my bestfriend?” natatawa at iiling iling na tanong ni Dom kay Chino.



“Well that's before you placed a bet on my head! Now I'm Chloe's best friend. Oh and Chloe---?” sabi ni Chino kay Dom sabay baling kay Chloe.



“Yes?” pagpupursigi ni Chloe na ituloy ni Chino ang sasabihin nito.


“I'm gay.” amin ni Chino, tumingin naman si Chloe kay Dom para kumpirmahin ang sinabi ni Chino, marahang tumango si Dom.


“OMG! I think I'm not just crushing on you now, I think I'm in love with you na, Chino!” humahagalpak paring sabi ni Chloe. Naguluhan saglit si Chino pero agad ding nawala iyon ng tumayo si Chloe at yakapin siya.


“I don't care if you're gay or what! You're an amazing person and you have the guts to throw witty comebacks to Dom, that my friend deserves my friendship and respect.” sabi ni Chloe, napangiti naman si Chino.


“Great! Nagkaroon pa ng kakampi si Chloe!” natatawang sabi ni Dom.



Natahimik saglit si Chino, pinapanood niya kung pano mag-asaran ang mag-nobyo, nagkamali man siya sa intensyon ni Dom sa kaniya at kahit na napahiya pa siya dito ay di niya naman mapigilang matuwa dahil sa kabila noon ay nagkaroon naman siya ng dalawang bagong kaibigan.



0000ooo0000



“You are not going to believe what happened earlier!” sabi ni Chino kay Francis habang inaayos ang kumot nito at habang pinupunasan ang kamay nito. Alam niyang di sasagot si Francis pero tulad nang dti nung hindi pa ito naaksidente at hindi pa sila nagaaway ay gustong gusto niyang magkukuwento dito. Gumagaang ang loob niya sa tuwing magsasabi siya dito.




“Well, I though that dude is hitting on me--- I know, I know, he's straight---- I almost had the most embarrassing moment of my life when he introduced his girlfriend, Chloe. Anyways, they're good people, I actually like them, I can see myself opening to them just like I open up to you---”



Napatigil saglit si Chino, naisip niya na nami-miss na niya si Francis, kahit na andyan na si Dom at Chloe nilang kaniyang mga bagong kaibigan ay di niya parin maiwasang ma-miss si Francis, tutal mas matagal na silang magkakilala at alam na ni Francis lahat ng pasikot sikot pagdating kay Chino and vise versa.



“I miss you, Francis.” umiiling na bulong ni Chino, pinilit niyang pigilan ang sarili na umiyak.



“Please wake up, Francis.” bulong ulit ni Chino.



0000ooo0000



“I'm going to what?!” sigaw ni Chino sa kaniyang boss, agad niya itong pinagsisihan dahil malamig na tingin ang ibinalik sa kaniya ng kaniyang boss.



“You don't need to shout, Chino.” umiiling na sabi ng kaniyang boss.



“I'm sorry.” nahihiyang sabi ni Chino.



“We have no other choice, Chino---” saglit na tumigil si Mr. Custodio, umiling at nagbuntong hininga.



“---we will be releasing our next issue in two weeks time, the shoot director for male models filed for an emergency leave, his mother died, we have no time to look and hire another shoot director, just this once, Chino, I swear, this will be the last time that I'm going to ask you to direct a shoot for male models.”



Napabuntong hininga si Chino, alam niyang wala na siyang magagawa pa kundi sundin ang kaniyang boss.



0000ooo0000



Tahimik na nakaupo si Chris sa pinaka-likod ng van na maghahatid sa kanila sa isang amusement park, nakasalpak ang kaniyang earphones at malakas ang volume ng kaniyang iPod kaya't di niya naririnig ang usapan ng iba pang kapwa modelo kaya naman laking gulat niya ng makita si Chino na kinakabahang nakikipagusap kay Dominic.



“I don't know if I can do this, Dom. I mean, I can't even look Chris in the face without feeling sooo mad!” nanggagalaiting sabi ni Chino kay Dom.



“It's going to be OK, Chino.” paniniguro ni Dom para mapagaang ang kalooban ng kaibigan.



“Sana nga.” bulong ni Chino, walang sabi sabi ay niyakap ni Dom si Chino na ikinagulat naman nito.



“You're too touchy.” sabi ni Chino sabay pabirong tinulak ang kaibigan, di naman mapigilan ni Dom na mapahagalpak sa tawa.



“That's why Chloe loves me.” sabi ni Dom sabay taas baba ng kilay, kahit papano ay napagaang ni Dom ang loob niya kaya naman di na niya mapigilang mapatawa.



Sa di kalayuan ay naglabas ng isang malalim na hininga si Chris.



0000ooo0000



“Damn! Those are nice shots!” puri ni Chino sa kanilang photographer, kuwang kuwa nito ang kaniyang instructions kaya naman maganda ang naging labas ng shot, naputol ang kaniyang papuri sa photographer nang sumigaw si Dom.



“OK guys, have a two hour break!”



Agad na nagbuntong hininga si Chino, ang totoo niyan gutom na gutom na siya at kailangang kailangan niya ang break na ito para kumain ng late lunch at magliwaliw, natatandaan niya ang unang beses na sumakay siya sa ferris wheel sa amusement park na iyon, manghang mangha siya sa taas nito at sa lawak ng kaniyang nakikita sa tuwing nasa pinakatuktok siya nito at gusto na niyang ulitin ang experience na iyon.



Lumapit siya kay Dom para ayain itong kumain at sumakay sa ferris wheel pero nang makalapit siya dito ay narinig niya itong may kausap sa phone, narinig niya na medyo mataas ang boses ni Dominic, indikasyon na nasa mainit silang argumento ng kausap nito.



“No, Chloe, that's not what I meant---!” singhal nito, sa kabilang linya.


Di na nagdalawang isip si Chino, ayaw na niyang abalahin pa si Dominic kaya't naisipan niyang kumain at sumakay sa ferris wheel na lang ng magisa. Bumili lang siya ng ilang makakain at maiinom at napagpasyahan niya na na sumakay sa ferris wheel. Nakasakay na siya sa ferris wheel nang may nagtext.



Tinignan niya ang kaniyang telepono at nakita niyang si Dominic ang nagtext.



“Where are you? I'm sorry, alam kong nag-promise ako sayo na sabay tayo kakain at sasamahan kitang maglibot, but something came up, Chino. I'm sorry. Talk to you later, OK?”



Saglit na natigilan si Chino, sa saglit na panahon niyang kilala si Dom at Chloe ay napalapit na ang mga ito sa kaniya, ayaw niyang magaway ang dalawa pero ganun paman, di parin matagal ang pagkakakilala niya sa mga ito kaya't di niya alam kung gano kadalas at ka normal sa mga ito magaway, isa lang naman ang ayaw niyang mangyari. Ang maghiwalay ang mag ito, sa kaniyang palagay kasi, bagay na bagay ang dalawa. Habang abala si Chino sa pagreply kay Dom ay hindi niya napansin na may ibang tao nang sumakay sa caoch na sinasakyan niya.



Pinapanood ni Chris si Chino na abalang nagtetext. Di niya mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan si Chino, kagat dila si Chino habang nagte-text, tila ba kailangan niyang magconcentrate sa pagrereply, nakasingkit din ang mga mata nito at magkadikit ang kilay, paminsan minsan nitong igingalaw ang kaniyang ilong. Di rin mapigilan ni Chris na tignan ang makinis nitong mukha at light brown na kulay ng mata na nagtatago sa isang horn rimmed glasses na nagbibigay dito ng ere ng pagiging nerd.



Di parin nagsalita si Chris, si Chino naman ay oblivious parin sa nangyayari sa kaniyang paligid at oblivious na ang kaniyang pinakamatalik na kaaway ay katabi na niya. Itinaas ni Chris ang kaniyang SLR at itinapat ito kay Chino, humanap siya saglit ng magandang anggulo at ng makita ito ay pinindot na niya ang shutter.



Ni hindi narinig ni Chino ang isang mahinang 'click' at patuloy lang ito sa pagtap sa kaniyang iPhone.



“Lover's quarrel?” tanong ni Chris sa abala paring pagtetext na si Chino.



“Wha--” lumingon si Chino, halatang nagulat sa biglaang pagsasalita ni Chris. Napailing naman si Chris sa reaksyon ni Chino, nanlaki ang mga mata nito, masakit na di sinasadyang nakagat ang sariling dila at halos mapatalon sa pagkakaupo.



“What the hell are you doing here?!” singhal ni Chino kay Chris at lumingon lingon, tila ba nais nitong umalis sa maliit na espasyong iyon na pinagsasaluhan nila ni Chris sa isang coaster ng ferris wheel na iyon pero huli na dahil nasa ere na ang coaster.



“What the---?” naibulalas ni Chino nang makitang nasa ere na ang kaniyang sinasakyan.



“Masyado ka kasing abala sa pakikipagtext sa boyfriend mo di mo na napansin na umalis na sa lapag yung coaster.” umiiling na sabi ni Chris, talagang binigyang diin ang salitang 'boyfriend'. Natigilan si Chino sa sinabing iyon ni Chris, lalo na ang sinabing 'boyfriend'



“Boyfriend?” naguguluhang tanong ni Chino.



“Si Dominic yung ka-text mo diba?” tanong ni Chris, di sumagot si Chino, iniisip niya na kaya siguro siya sinundan ni Chris dun sa ferris wheel ay para awayin siya at sabihing layuan sila.



“Dom is not my boyfriend, even if he is, it's non of your business.” singhal ni Chino, agad namang napansin ni Chris na iba ang naging dating ng sinabi niyang iyon kay Chino, di niya ito masisisi dahil inasal niya dito noon.



Saglit na tumahimik ang dalawa, nagtitigan, tila ba kinikilatis ang bawat isa.



“Chino, I'd like to apologize, di ko alam kung anong nangyayari sakin, I don't have problem with the third sex---”



“Well you could have fooled me!” sarkastikong sigaw ni Chino, napapikit naman si Chris.



“Ok I deserved that.” sabi ni Chris sabay buntong hininga. Tinignan maigi ni Chino si Chris, nakita nito ang sinseridad sa paghingi ng tawad nito. Saglit ulit silang nagtitigan at natahimik, iniwas na ni Chino ang kaniyang tingin at ibinaling ito sa magandang view na nakalatag sa harapan nila pero si Chris ay kay Chino lang nakatitig, sa kaniyang palagay ay mas magandang view si Chino kesa sa view na nakikita sa paligid ng mataas na ferris wheel.


Muli niyang inabot ang kaniyang SLR at itinapat ulit sa ngayo'y nakapaling sa kanan na mukha ni Chino at muling pinindot ang shutter, tinignan niya ang maliit na screen sa kaniyang magarang camera, di niya mapigilang mapangiti.



“The kid looks great in profile.” bulong ni Chris sa kaniyang sarili.



“Why?” wala sa sariling tanong ni Chino kay Chris na siya namang bumasag ng kaniyang iniisip.



“I'm sorry?” tanong ulit ni Chino.



“Why did you do and say all those things to me?” sa puntong ito ay humarap na ulit si Chino kay Chris, si Chris naman ay tila nakalulon ng bato at dumaretso ito sa kanyang baga.



Di makahinga ng maayos si Chris, di niya inaasahan ito, ang plano niya ay ang humingi ng tawad kay Chino, hindi niya inaasahan na tatanungin ni Chino ang mga dahilan sa likod ng kaniyang mga kinikilos. Siyempre, ngayon, alam na niya kung bakit ganun nalang niya tratuhin si Chino, nung una, hindi niya ito maintindihan pero nung maglaon ay luminaw na sa kaniya ang lahat.



Malinaw na sinagot kanina ni Chino na wala silang relasyon ni Dom at nung isang aaraw nung umamin si Chino tungkol sa sekswalidad niya ay sinabi niyang wala rin silang relasyon ni Francis, naisip ni Chris na kuwanin na ang oportunidad na iyon para sabihin kay Chino ang totoo niyang nararamdaman para dito.



“Chino, uhmmm--- I--- I think---”


Pero agad din naputol ang dapat sanang magandang pag-amin na iyon nang biglang umalog ang kanilang sinasakyan na coaster at tumigil sa marahan na pag-ikot ang ferris wheel, agad na binalot ng takot si Chino, wala sa sarili siyang napakapit kay Chris.



Itutuloy...


[07]
“What the heck!”

Sabay na usal ni Chino at Chris nang muling bayolenteng umalog ang kanilang coach, lalong napakapit sa takot si Chino, nang mapansin ito ni Chris ay wala sa sarili siyang napangiti, may kakaibang sensasyon siyang nararamdaman sa mga hawak na iyon ni Chino, miya miya pa ay naramdaman niyang nanginginig na si Chino.



“Hey, wag ka ng matakot, I'm sure everything is going to be OK.” bulong ni Chris kay Chino, tila naman binuhusan ng malamig na tubig si Chino at agad niyang binitiwan ang braso ni Chris.



“What the hell are you thinking, Chino?! It's Chris, the enemy, the jerk, the asshole, the guy who made your life these past few weeks miserable!” sigaw ng utak ni Chino sa kaniyang sarili, inayos niya ang sarili sa katapat na upuan ni Chris, nalungkot naman si Chris sa ginawang iyon ni Chino, tila ba tinanggalan siya ng karapatang huminga nung bumitiw sa kaniya si ito.



“Sabagay, di ko siya masisisi, I literally made his life these past few weeks miserable.” bulong ni Chris sa sarili niya.



“Di ako natatakot!” pasinghal na tanggi ni Chino na ikinangiti naman ni Chris.



“You could've fooled me.” balik dito ni Chris, binigyan siya ng masamang tingin ni Chino.



“God, please let them fix this damn thing! I don't want to be stuck with this asshole forever!” bulong ni Chino sa sarili niya na hindi naman nakaligtas kay Chris na ikinairita naman nito.



“Sinong asshole?! What the hell! I'm trying to be nice here!” balik ni Chris kay Chino pero hindi ito pinansin ni Chino, tinalikuran lamang siya nito.



“Fine! Be that way! Five minutes from now may stiff neck ka na!” dugtong pa ni Chris.



“At least I'm not facing you!” balik ni Chino, napanganga naman sa gulat si Chris sa sinabing iyon ni Chino.



“Un-fucking believable---!” simula ni Chris pero agad itong pinutol ni Chino.



“What the hell are you playing at, Chris?! I'm mean, you've been nothing but a fucking major asshole this past few weeks, why change now?”



“I just apologized, didn't I?!”



“I can't remember accepting your apology!” balik ni Chino, saglit na natigilan si Chris.



“You know what?!--- fuck you! Nagpapakababa na nga ako para sayo, Chino, inamin ko na lahat ng pagkakamali ko---!”



“You know why I don't believe you even just for a fucking second?! Kasi natatakot ako na baka kapag pinatawad kita at naisipan mo nanaman na i-bully ako mas masasakit pa ang gawin mo, so why bother forgiving you now when I know that you're going to be the pain in my ass for the rest my life?!”



“You're a fucking paranoid then.” balik ni Chino.



“Well, I think I have the right to be one, want to know why?--- let's see, I'm nothing but kind to you and what? Naisipan mong sigawan ako and make me feel that I'm an epic fail in what I do which is by the way the only thing I know I'm good at, pero ano? What did you do? You say that I'm incompetent, unprofessional and a fucking retard! And you didn't just say it, you rubbed it in my friggin face! And then just when I'm trying to ignore you, you have the decency to spread rumors about me! I ignored you again and tried to have the little self esteem back and then what did you do?! You elbowed my fucking nose! And now you have the fucking ass to call me paranoid?!” sigaw ni Chino na walang ideya na naririnig na ng buong amusement park ang kaniyang mga sinasabi.



Sa unang pagkakataon ay nawalan ng sasabihin si Chris sa mga sinabing iyon ni Chino, aminado siyang hindi maganda ang mga ginawa niya kay Chino pero hindi niya alam na sobrang naapektuhan si Chino sa mga iyon. Tila naman nagiinaty ng isasagot ni Chris si Chino dahil hindi niya inalis ang tingin niya dito. Matapos ang ilang saglit na pananahimik ay wala ng iba pang nasabi si Chris kundi ang...



“I'm sorry, Chino.”



Hindi inaasahan ni Chris ang reaksyon ni Chino sa paghingi niya ng tawad na iyon. Tumawa si Chino, pero wala ni isang kurot ng humor sa tawa na iyon, ito yung tipo ng tawa na ginagawa ng mga kontrabida sa pelikula. Muling binalot ng pagkainis si Chris.



“Fuck you! Fuck you and your self pity oh-I-have-a-low-esteem personality! I'm being sincere here and if you have a problem accepting my sorry, then I don't care anymore! At least I apologized! At hindi lang yun, until you get that self pity and paranoia out of your system, lalo kang di magkakaroon ng kaibigan and you might lose those few you have!” singhal ni Chris, si Chino naman ngayon ang natameme. Si Chris naman ngayon ang tumalikod sa kaniya at sumimangot.



“The nerve!” naiinis na sigaw ng utak ni Chino pero di niya rin maalis sa sarili niya na amining may punto si Chris.



0000ooo0000



Matapos ang isang oras ay binabalot na ulit ng takot si Chino, katumbas ng sampung palapag na building ang taas ng ferris wheel na iyon at nasa pinakatuktok ang coach nila, paminsan minsan niyang sinusulyapan si Chris, tila ba balewala dito ang mga nangyayari, nakalagay ang dalawang kamay nito sa likod ng kaniyang ulo at naka stretch pa ang mga paa, tila ba walang mali na nangyayari sa paligid nito at nakuwa pang mag relax.



Alam ni Chris na sumusulyap sulyap sa kaniya si Chino pero hindi niya ito pinapansin, minsan kapag di nakatingin si Chino at alam niyang di siya nito nakikita ay pinapanood niya itong balisang nagta-type sa kaniyang telepono o kaya naman tinatawagan ang mga staff sa baba para humingi ng tulong.



Nakikita ni Chris kung pano kabahan si Chino, kinakagat nito ang lower lip niya at pababa ang turo ng magkabilang sulok ng mga mata nito. Di niya mapigilang mapangiti sa sarili dahil kahit matapos ang kanilang sigawan kanina na sigurado niyang narinig ng buong amusement park ay di niya parin maiwasang ma-cute-an dito, gusto sana niya itong aluhin at sabihan na magiging OK ang lahat, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili, alam niyang mainit ang dugo sa kaniya ni Chino at hindi ito magpapaalo sa kaniya.



Kinuwa niya ang kaniyang SLR at kinalikot ito, kumuwa ng ilang shots ng magandang view pati narin ng kabuuan ng amusement park.



0000ooo0000



Iminulat ni Chris ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang nagpa-panic na boses ni Chino, tinignan niya ang kaniyang relos at nakita niyang magtatatlong oras na silang nakatigil sa coach na iyon at alam niyang hindi natutuwa si Chino sa mga nangyayari.



“I know, Dom, but I'm stuck here.” bulong ni Chino, ngayon lang napansin ni Chris na nakikipagusap pala ito kay Dom sa kabilang linya ng kaniyang telepono. Nakatalikod si Chino kaya naman hindi niya alam na gising na si Chris at pinagmamasdan na siya nito.



“I told you, I'm with Chris--- I don't know how he ended up sharing the coach with me--- of course not! ---well I think we had some shouting match earlier---”



Naniningkit ang mga mata ni Chris nang biglang tumingin sa kaniya si Chino, natigilan si Chino nang makita niyang gising na si Chris at mataman siya nitong pinapanood.



“Listen, Dom, I need to go, OK? Please, please, please talk to the management and tell them that I'm stuck here---” di na maiaalis ang pagmamakaawa ni Chino sa kaniyang boses, tumalikod saglit si Chino at bumulong.



“Yes the monster is awake.” pabulong na sinabi ni Chino ang mga huling kataga pero hindi iyon nakaligtas kay Chris. Napailing na lang ang huli sa pangiinis na iyon ni Chino.



Ibinalik na lang niya ang kaniyang tuon sa SLR at tinignan ang iba't ibang litrato na kinunan niya at nanahimik na lang kesa magsalita pa at inisin ulit si Chino. Napangiti siya nang makita ang kinunan niyang litrato ni Chino kanina, kahit sa litrato ay kitang kita ang magandang hugis ng mukha ni Chino, tamang tama ang bawat kanto nito at walang masabing hindi maganda dito si Chris, ibinaling niya ulit ang kaniyang tingin sa mukha ni Chino upang pagkumparahin ang nasa litrato at ang personal. Napangiwi si Chris nang makitang nanginginig si Chino, manipis na t-shirt lang kasi ang suot nito.



“Chino, are you OK?” tanong ni Chris, alam niyang nilalamig na ito dahil sa may isang oras narin ang nakakaraan nang lumubog ang araw at malamig na ang dinadala ng hangin sa coach nila, pero kailangan paring tanungin ni Chris dahil di siya nakakasiguro na dahil lamang sa lamig kaya ito nanginginig, pwede rin kasing dahil sa takot.



Naaalala niya kung pano kumapit sa kaniya kanina si Chino nang bayolenteng umalog ang coach nila kanina nang magka-problema ang ferris wheel. Binigyan ni Chino si Chris ng nanunukat na tingin.



“Kanina I'm a paranoid-self pitying prick, tapos ngayon concern ka?!” sasabihin sana ni Chino pero pinigilan niya ang sarili niya at sa halip ay sinagot niya ito ng maayos.



“I'm OK, I'm just cold.” may pagaalinlangang sagot ni Chino, di parin kasi ito makapaniwala na chummy chummy na sila ngayon ni Chris.



“Here take this.” alok ni Chris sabay hubad ng light blue na long sleeves niya at natira ang isang puting wife beater na hapit na hapit sa katawang modelo ni Chris.



Napatulala si Chino, alam niyang maganda ang katawan ni Chris, after all ito ang puhunan niya sa trabaho niya, pero ngayon niya lang ito nakita ng malapitan, yung tipong isang dipa lang ang layo, bakat sa putting wife beater ang magandang hubog ng pectorals at abs nito, hindi rin papahuli ang namumutok na biceps at triceps, bago pa man dilaan ni Chino ang kaniyang mga labi bilang indikasyon na nagugustuhan niya ang kaniyang nakikita ay pinigilan niya ito.



“It's Chris the asshole for pete's sake!” banat ng utak ni Chino sa sarili niya kaya naman agad niyang iniwas niya ang kaniyang tingin sa magandang katawan ni Chris pero bago iyon ay nakita niyang nahuli na siya ni Chris na tinititigan ang modelong katawan nito.



“No, I'm OK, s-saka p-pano ikaw, ikaw naman ang g-giginawin.” nauutal na sagot ni Chino at sa puntong iyon ay nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Tinignan niya si Chris. Nakangiting aso ito na tila ba nagsasabing 'nahuli kita! Aminin mo, pinagpapatasyahan mo ako no?' na ikinairap naman ni Chino.



“What's with the smirk?!” singhal ni Chino kay Chris, agad namang lumaki ang ngiti ni Chris at umiling.



“If you find my body hot, you can say so, I will not be mad or something.” pangiinis ni Chris.



“Self assured prick!” singhal ni Chino sabay hablot ng long sleeves ni Chris at walang patumangga itong isinuot sa sarili, narinig niyang humagikgik si Chris pero di nalang niya ito pinansin, ang totoo nun ay pinipigilan niya ang sarili na ngumiti. Inaamin ni Chino na may kakaiba silang kuneksyon ni Chris, hindi niya maisip kung ano ito kaya naman ikinibit balikat niya na lang muna ito.


Muling ibinalik ni Chino ang kaniyang pansin sa kaniyang telepono pero ang totoo nun ay palusot niya lang yun para may matignan siyang iba pwera lang kay Chris na hindi parin naaalis ang ngiting aso sa mukha, kunwari ay naglalaro siya ng apps sa kaniyang iPhone nang maamoy niya ang pabango sa long sleeves ni Chris, lalaking lalaki ang amoy nito, napangiti si Chino at inilapit niya ang kaniyang mukha sa isa sa mga sleeves ng damit ni Chris, pasimple niya itong inamoy at lalong napangiti, nasa ganito siyang tagpo ng makarinig siya ng isang mahinang click at makakita ng nakakasilaw na flash.


Nangunot ang noo niya at ibinaling niya ang tingin niya kay Chris, tinitignan ni Chris ang maliit na screen sa kaniyang SLR, di na niya ito pinagtuunan ng pansin, iniisip niya na may nakita si Chris na magandang view at kinunan niya ito.



“My after shave smells good, doesn't it?” tanong ni Chris na ikinabigla ni Chino, agad itong nagisip ng palusot.



“What the hell are you tal---?!”



“Hey, nakuwanan kita, wag ka ng magpalusot, inaamoy mo ang shirt ko tapos ngumiti ka na para kang nakaraos---” pangiinis ulit ni Chris, agad namang namula si Chino.



“---Awww! You're blushing, you look cute---”



“Let me see that!” sigaw ni Chino sabay punta sa tabi ni Chris at inagaw ang camera, tama si Chris, huling huli sa camera ang ginagawa niyang pagsinghot sa shirt nito at ang ngiti na talaga namang mapapaisip ka kung ano ang ibig sabihin.



“Busted?!” sigaw ni Chris sabay tawa, agad na binura ni Chino ang litratong iyon.



“Hey! What'd you do that for?!” reklamo ni Chris, aagawin na sana niya ang camera ulit nang matigilan si Chino at biglang nanahimik. Tinitignan ni Chino ang litratong kinunan kanina ni Chris, siya ang tampok sa litrato na iyon, nakatagilid siya at nakatingin sa kawalan, maganda ang pagkakakuwa noon.



“Gusto ko yang picture mo na yan. You look so sad and vulnerable, a far cry from what you let other people see.” bulong ni Chris kay Chino, nun lang nila pareho napansin na masyadong magkalapit ang mga katawan nila, halos nakasandal na si Chino sa malaking braso ni Chris pero wala ni isa sa kanila ang gustong gumalaw o lumayo sa katabi. Pareho nilang nararamdaman ang kakaibang kuneksyon sa pagkakadikit nilang iyon at ayaw nilang tumigil ito.



“I don't know what you're talking about.” bulong ni Chino sabay abot ng camera kay Chris, napabuntong hininga si Chris.



“Tama nga sila, pictures don't lie. I wish I could take a picture of your heart, para sa ganon malaman ko if you're lying or not." bulong ni Chris na ikinagulat ni Chino, lilipat na sana ulit si Chino nang pigilan ito ni Chris.



“Please, stay, it's getting really cold, Chino.” pakiusap ni Chris, saglit na natigilan si Chino, tinignan nito si Chris, wala siyang nakita sa mga mata nito kundi ang pakikiusap, walang halong panloloko o pangiinis. Muling sumandal si Chino, pero ngayon hindi lang siya sa braso ni Chris nakasandal kundi hanggang sa malapad na dibdib na ni Chris, sa parte kung saan andun ang puso nito.



Aayos na sana ng upo si Chino at uusod ng kaunti palayo kay Chris ng pigilan siya ng huli. Muli niyang tinignan ang mukha ni Chris, ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.



“Please?” bulong ni Chris, puno ng pagtangis ang mga mata nito na sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Chino ay hindi niya mahindi-an, tumango siya bilang sagot at muling sumandal kay Chris.



Ramdam na ramdam ni Chino ang mabilis na pagtibok ng puso ni Chris, kapareho at halos kasabay iyon ng sariling pagtibok ng kaniyang puso, di niya mapigilang lalong isiksik ang sarili sa mainit na katawan ni Chris, sa parte naman ni Chris ay nagugustuhan niya ang paglalapat ng katawan nilang yun ni Chino kaya naman wala sa sarili niyang iniakbay ang kaniyang kaliwang kamay sa balikat ni Chino.



Sabay silang napabuntong hininga, tila ba ang ginagawa nilang iyon ang matagal na nilang iniintay na gawin sa isa't isa. Ilang minuto pa ay naramdaman na ni Chris ang mabagal na paghinga ni Chino, sa unang pagkakataon simula nung tumigil ang ferris wheel ay kumalma si Chino, sinulyapan niya ito, mahimbing na itong natutulog, dahan dahang itinaas ni Chris ang kaniyang SLR gamit ang kaniyang kanang kamay at kinuwanan niya silang dalawa ni Chino sa ganoong pusisyon ng litrato, tinignan niya ang maliit na screen at napangiti nang ma-amin sa sarili na ito ang kaniyang pinakaiinatay.



Marahang umalog ang coach, bumalik ang kuryente sa buong ferris wheel at banayad na muli itong umikot pero hindi umalis sa ganoong pusisyon si Chino na masuyo paring nakasandal kay Chris habang natutulog at si Chris naman ay sinusulit ang paglalapit ng mga katawan nilang iyon habang pinapanood matulog ang lalaking may ilang linggo na rin niyang gusto.




Itutuloy...


[08]
Dahan-dahang iminulat ni Chino ang kaniyang mga mata, hinayaan niyang masanay ang mga iyon pati narin ang kaniyang isip sa paligid, nang makabawi ay agad napagtanto ni Chino na nakayakap na ang dalawang malalaking braso ni Chris sa kaniya at nakasandal na siya sa katawan ni Chris, pinakiramdaman niya ang pagtibok ng puso ni Chris, tila ito marahang kumakatok sa kaniyang likuran.



Naisip niya na ang sarap sa pakiramdam ng pagkakasandal niya kay Chris, kung paano nila pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga katawan sa kabila ng malamig na hangin na sumasampal sa kanila, kung paanong pakiramdam niya ay secure na secure siya sa mga brasong iyon ni Chris at ang huli at pinaka importante sa lahat ay ang pakiramdam na ang ginagawa nilang ito ay tama, na ito ang kailang matagal nang hinahanap sa isa't isa. Gumuhit sa mukha ni Chino ang isang ngiti.



Ilang segundo lang lumagi ang ngiting iyon nang may mapansing kakaiba si Chino. Agad siyang kumawala sa mga bisig ni Chris na ikinagising naman ng huli.



“What the---?!” usal ni Chris pero agad din niya iyong pinutol nang makita niya si Chino at nang maalala niya ang kanilang magkadikit na katawan kani-kanina lang. Ito ang matagal nang hinihiling ni Chris ang mapalapit kay Chino at ang naisip na iyon ni Chris ay naghatid ng ngiti sa kaniyang mukha.


“Kailan pa umandar ulit yung ferris wheel?!” nagpa-panic na tanong ni Chino, nangunot ang noo ni Chris at tinignan ang orasan niya na pumutol sa kaniyang pagmumunimuni.



“Half an hour ago.” sagot ni Chris agad na bumakas sa mukha ni Chino ang gulat pagkatapos ay galit.



“You douche bag! Kanina pa pala umaandar 'to, hindi mo pa ako ginising! Sana kanina pa tayo bumaba, ngayon iikot nanaman 'tong ride na'to tapos di nanaman tayo makakababa for another fifteen minutes!” sigaw ni Chino sabay hampas sa braso ni Chris.



“Chill!” di makapaniwala si Chris na kanikanina lang ay masuyong magkadikit ang katawan at tila lahat ng bagay ay tama, walang maaaring maging mali, tapos ngayon ay nagaaway nanaman sila.




“I can't! May photo shoot sa baba! Kanina pa dapat tayo nag pack-up! Anong shots ang ipapasa ko for the magazine?!” nagpapanic na ulit na pahayag ni Chino. Umiling naman si Chris, pinipigilan ang sarili na tumawa.



“You're cute when you go into hysterics like that.” natatawang sabi ni Chris sabay ON ng kaniyang SLR at itinapat ito sa nagpapanic parin na si Chino.



“How can you say that--- wait, what?” naguguluhang baling ni Chino kay Chris, iniisip na nagkamali siya ng rinig.



“Did he just call me CUTE?!” naiirita at naguguluhang tanong ni Chino sa sarili niya.



“I said you're cute---” simula ni Chris habang itinatapat ulit kay Chino ang lente ng camera na lalong ikinainis ni Chino.



“Stop taking candid pictures of me, you asshole!” singhal ni Chino, lalo namang napatawa si Chris.



“I can't believe this, I've been stuck in this coach together with an asshole for more than five hours now! What the hell is wrong with this day?! Arggghhh!” naiinis nang bulong ni Chino, lumayo siya kay Chris na patuloy parin sa pagtawa.



“Hey, I know Dom will take care of everything.” alo ni Chris na agad sumeryoso nang makita na papaiyak na si Chino, tila naman naisip ni Chino ang sinabing iyon ni Chris, tama ito, kahit anong mangyari ay hindi pababayaan ng kaniyang kaibigan na si Dom ang shoot.



Habang abala si Chino sa pagiisip ay di niya napansin na tumabi na sa kaniya si Chris. Nang maramdaman ni Chino ang pagtabing yun ni Chris sa kaniya ay agad niya itong nilingon at tinignan ng masama.



“What?!” nangingiting tanong ni Chris patungkol sa masamang tingin na iyon ni Chino.



“Do you really have sit that close?” tanong ni Chino sabay paniningkit pa lalo ng mga mata.



“I'm getting cold!” sagot naman ni Chris, pinipigilan parin ang mapangiti, alam niyang pinipigilan lang ni Chino ang totoo nitong nararamdaman sa kaniya dahil naramdaman niya ang kakaibang koneksyon sa pagitan nilang dalawa.



“Here!” sigaw ni Chino sabay hubad at ibinato pabalik kay Chris ang ipinahiram nitong long sleeves kanina.



“And besides kung nakababa lang sana tayo sa ride na'to kanina edi sana hindi ka na lalamigin!” singhal ulit ni Chino, umiling nanaman si Chris at inabot ulit kay Chino ang long sleeves.



“Why are you being difficult? I mean, we both know we felt something--- I mean--- I know I felt something---” natigilan si Chino sa sinabing iyon ni Chris, nilingon niya ito, kakaibang Chris ang bumungad sa kaniya, nakakunot ang noo nito na tila ba iniisip maigi ang gusto niyang iparating, nagiingat sa mga salitang binibitawan, maski siya ay naguluhan sa ikinikilos ni Chris.



“What exactly did you feel, Chris?”



“I- I- I l-like you, Chino---” nang bitawan ni Chris ang mga salitang iyon ay agad niyang nalaman na may nasabi siyang mali dahil agad na bumakas sa mukha ni Chino ang pagkalito at galit. Itinaas ni Chino ang kaniyang kanang kamay at dinuro si Chris, itinapat nito ang kaniyang hintuturo sa matipunong dibdib ni Chris saka naglitanya kasabay ng paglilitanya ang pagdut-dot ng hintuturo ni Chino sa dibdib ni Chris.



“Wait, let me get this straight. Nitong mga nakalipas na linggo wala kang ginawa kundi gawing miserable ang buhay ko, sigawan ako, laitin ako, paduguin at halos ilamapaso ako sa basketball court tapos ngayon sasabihin mo sakin na gusto mo ako na parang isang pitik lang ng mga daliri mo eh nangyari na agad?!” singhal ni Chino habang tinutusok parin ng kaniyang hintuturo ang dibdib ni Chris na ikinatakot at ikinagulat naman nang huli.



Saglit na pumikit si Chris at inayos ang kaniyang mga sasabihin sa kaniyang utak, nagbuntong hininga at nang masigurong ayos na lahat ng kaniyang dapat sabihin ay muli na niyang idinilat ang kaniyang mga mata at humarap sa kay Chino.




“I know, nung una rin litong-lito ako kung bakit ba ako ganun sayo, ang tagal kong inisip kung bakit, maniwala ka kapag sinabi ko sayong kada patutsada ko sayo, kada panlalait at pambabalya ay lagi kong pinagsisisihan may ilang segundo lang matapos kong gawin ang mga iyon---” umpisa ni Chris, hindi nito inaalis ang kaniyang tingin kay Chino na masuyo naman siyang pinapanood at pinakikinggan. “---nito ko na lang naisip kung bakit, Chino, gusto ko lagi mo akong pinapansin, gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo, call me attention hog or whatever you want pero hindi nun mababago yung katotohanan na sa tuwing kausap mo si Dom, naiinis ako, na kada minuto sakin ka lang nakatingin, na kada may sasabihin ka ay lagi mo sakin sasabihin---” hindi parin pinuputol ni Chris ang pakikipagtitigan kay Chino nang putulin nito ang kaniyang sasabihin.



“Pwede mo naman ako kaibiganin eh---”



“Don't you get it, Chino? I don't want to be just your friend as selfish as it may sound, Chino, I want you all to myself.” halos pabulong ng tapos ni Chris sa kaniyang pagpapaliwanag, hindi niya mawari kung bakit ngayon pa siya nahiya pero sa kabila ng nararamdaman na hiya ay hindi parin niya pinutol ang pakikipagtitigan kay Chino.



Biglang sumakit ang ulo ni Chino, hindi niya ma-absorb lahat ng sinabi ni Chris.



“This asshole?! This prick likes me? ME?! Sa dinami dami ng nagwagwapuhan at nag-gagandahang modelo sa paligid niya araw araw sakin pa siya magkakagusto?!” di makapaniwalang sabi ni Chino sa kaniyang sarili, di na niya nakayanan pa at pinutol na niya ang pakikipagtitigan kay Chris.



Ibinaling ni Chino ang kaniyang tingin sa nagkikislapang ilaw ng mga building sa di kalayuan, pinagiisipan lahat ng sinabi ni Chris, alam niyang natatakot siya na paniwalaan si Chris dahil malaki ang posibilidad na katulad ng kaniyang naunang relasyon kay Francis ay masaktan ulit siya. Inisip niyang muli ang sinseridad na nakita niya kanina sa mga mata ni Chris, alam niyang nagsasabi ito ng totoo, pero hindi lang takot ang pumipigil kay Chino, andyan si Francis.



“You and Francis are through---” masakit na pagpapaalala ng isip ni Chino sa kaniya. Napapikit siya, naisip niya na siguro ito na ang pagkakataon para makalimutan niya si Francis bilang isang kasintahan at makuntento na lang siya sa pakikipag-kaibigan nito, hindi niya kayang sikmurain na masira ang relasyon ni Francis at Laura at kung hindi man magtagal ang kung anong magiging meron sa kanila ni Chris ay at least binigyan niya ang sarili ng pagkakataong sumaya at umibig.




“Don't be afraid to take some chances---” isang boses ag tumakbo sa kaniyang isip, ito ang mga katagang sinasabi sa kaniya madalas ni Francis at naisip ni Chino na sundin muli ang payong ito. Muli siyang humarap kay Chris, nakita niya ang pagaalala sa mga mata nito, tila isang bata na kinakabahan matapos malaman ng magulang niya na may ginawa siyang kalokohan.



“Chris” tawag ni Chino, agad na nagtaas ng tingin si Chris, umaasa. Inabot ni Chino ang long sleeves pabalik kay Chris, nang hindi ito tanggapin ng huli ay inabot ni Chino ang kamay nito at marahang isinuot dito ang damit.



Naguguluhan si Chris sa ginagawang ito ni Chino, bigla itong tumahimik matapos niyang sabihin na may gusto siya dito tapos ngayon dinadamitan siya nito, naisip na Chris na ito ang paraan ni Chino ng pagsasabing hindi nito tinatanggap ang kaniyang nararamdaman, pakiramdam ni Chris ay may elepanteng umupo sa kaniyang dibdib ng maisip niya ito.



Nang maisuot na ni Chino ang long sleeves kay Chris ay dahan-dahan siyang tumayo at umupo sa pagitan ng mga paa ni Chris tapos ay inabot niya ang magkabilang kamay nito at ibinalot sa kaniya. Naguluhan bigla si Chris sa ginawang ito ni Chino pero hindi niya maikakaila na gusto niya ang puwesto nilang ito.



“Chris?”



“hmmm?” bulong ni Chris sabay ipinatong ang kaniyang baba sa kanang balikat ni Chino habang si Chino naman ay isinisiksik pa ang sarili sa mala-batong katawan ni Chris.



“I'm not ready for a relationship yet, but I'm willing to take it slow and see if this is going to work.” nahihiyang bulong ni Chino.



“We will take it slow, babe, I promise.”



0000oooo000



“Where the hell were you?!” sigaw ni Dom sabay yakap kay Chino nang sa wakas matapos ang ilang oras ay sumulpot na ito. Niyakap ito ni Dom na tila ba limampung taon silang di nagkita.



“I told you we got stuck in the ferris wheel.” napapagod ng sagot ni Chino. Nagbuntong hininga naman si Dom pero di nito binitiwan si Chino mula sa pagkakayakap na hindi naman nakaligtas kay Chris. Muling naginit ang dugo ni Chris.



“Chill, Dom, Chino is not a baby anymore, although I must say he almost cried when the coach stopped---”



“What the hell? No I did not!” sagot ni Chino habang pinipigilan ang sarili na ngumiti mula sa birong iyon ni Chris, ngayon tila ba nabawasan ng lebel ng pangiinsulto ang mga biro nito at nakukuwa na ngayon ni Chino na matawa sa mga banat nito. Binitwan na ni Dom si Chino nang magpaalam ito na magupunta lang saglit ng C.R. at tinignan ng masama si Chris.



“What?! Why are you looking at me like that?!” baling ni Chris kay Dom.



“Kapag nagsumbong sakin si Chino na may sinabi o ginawa ka sa kaniyang masama habang nandun kayo sa ferris wheel humanda ka sakin.” banta ni Dom kay Chris.



“Chill! We just talked, OK? Geesh!” awat ni Chris sa pagbibintang sa kaniya ni Dom.



000oooo000



“Sakin na sasabay si Chino.” sabi ni Chris sabay buhat sa mga gamit ni Chino nang matapos na sila sa photo shoot.



“What?!” sabay na sabi ni Dom at Chino, di makapaniwala si Dom sa kaniyang narinig.



“Along the way ang bahay niya---” simula ni Chris.



“No.” umiiling na sabi ni Chino sabay agaw ng kaniyang mga gamit mula sa kamay ni Chris na ikinataka naman ni Chris, nagsisimula na siyang mainis.



“You'd rather sit in that van full of who-knows-what than in in my car. Comfortably. With me?” nanggagalaiting tanong ni Chris kay Chino, nagsisimula ng magtaka si Dom sa ikinikilos ng dalawa.



“Eh baka mamya kung ano ano nanaman ang sabihin mo katulad nung huling beses na nakisakay ako sa kotse mo.”



“What the hell?! Didn't I just said I was sorry for that?” balik ni Chris sabay agaw ng mga gamit ni Chino.



“How can I be sure that you're being sincere?!” balik ni Chino sabay agaw ulit ng kaniyang mga gamit.



“What the hell?! That's it!” balik ni Chris, kitang kita na naiirita na ito sa kinikilos ni Chino sabay buhat kay Chino na miya mo isang sako ng bigas na nakasampa sa balikat ni Chris, tututol na sana si Dom nang magsimula nang maglakad palayo si Chris papunta sa kotse nito at nang makita niyang nagsisisipa na si Chino na parang batang nagtatantrum at pinupukpok ang likod ni Chris, pero pinigilan ni Dom ang kaniyang sarili dahil naunahan siya ng pagtawa.



“Put me down you big oaf!” sigaw ni Chino habang patuloy parin sa pagsisipa.



“No! I told you I'm sorry, didn't I? And I told you I meant it! So what the hell is your problem being alone in a car with me, huh?! And I thought we're giving 'us' a shot?”



“I said we're going to take it slow, and you agreed!” singhal ni Chino habang ibinababa siya ni Chris sa tapat ng passenger seat ng kotse nito.



“And we are taking it slow, I mean, isasabay at ihahatid lang kita for Pete's sake! We're not going to have sex in the back seat!” balik ni Chris.



Sa di kalauyan ay di man naririnig ni Dom ang pinaguusapan ng dalawa ay mataman niya parin itong pinapanood, aliw na aliw sa pagpapalitan ng dalawa ng mga salitang hindi man niya naririnig ay alam niyang ikinaiinis ng dalawa, kung siya ang tatanungin ay masasabi niyang parang matandang mag-asawa ang dalawa kung magbangayan. Naguguluhan man siya ay di na niya pinansin ang mga ito at sumakay na ng van at tinapik na ang driver bilang senyas na pwede na silang umuwi.




000oooo000



“Why are you being a bitch lately?! Kanina you're being sweet tapos ngayon para kang babaeng nireregla!” balik ni Chris.



“Did you just compare me to a---”



“Yes I did.” nangingiti ngiting sagot ni Chris, tila naman napikon si Chino kaya napalakas ang tulak nito kay Chris, dinampot na ni Chino ang kaniyang gamit at nagsimula ng maglakad pabalik ng van pero laking gulat niya ng makitang wala na doon ang van.



Nagising na lang siya sa pagtitig sa bakanteng lote na kinalalagyan kanina ng van nang tumigil ang sasakyan ni Chris sa tapat niya.



“Need a ride?” nakakalokong tanong ni Chris, napairap naman si Chino pero wala na siyang magagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Chris. Nakangiting aso namang nagmaneho pauwi si Chris.



Itutuloy...


[09]
Isang buwan na ang lumpias matapos ang eksena sa ferris wheel at lalong nahuhulog ang loob ni Chris kay Chino at wala ring duda na unti-unti naring nahuhulog ang loob ni Chino sa modelo, andyan parin ang paminsan minsang bangayan na kung tatanungin ang mga nakakapanood nito ay pawang away bata lang naman. Madalas si Dom at ang iba pang modelo ang nakakpanood ng mga bangayan na ito at para sa kanila ay hindi ito dapat seryosohin dahil halata namang masyadong gusto ng dalawa ang isa't isa at walang maliit man o malaking pagtatalo ang makakabago nun.


“Tigilan mo nga ang kakadala ng gamit ko!” singhal ni Chino nang mapansing dinadala nanaman ni Chris ang gamit niya palabas ng opisina.


“Di ka ba nasei-sweet-an?” tanong ni Chris habang tumataas baba ang kilay.


“Hindi, ginagawa mo akong babae!” singhal uli ni Chino, naningkit naman ang mata ni Chris, di alintana ng dalawa na pinapanood sila ni Dom na nung panahong iyon ay palabas narin ng opisina.


“Hindi lang kita dyan gagawing babae.” bulong ni Chris na hindi masyadong narinig ni Chino dahil abala ito sa pagaayos ng natitira pa niyang gamit na kailangan niyang i-uwi, pero hindi nakaligtas ang bulong na iyon na pawang may iba pang kahulgan kay Dom na humagalpak naman sa tawa dahil nakuwa nito ang may kabastusang kahuligan ng sinabing iyon ni Chris.


“What?!” singhal ulit ni Chino na ipinababalik-balik ang tingin kay Chris at Dom habang si Chris naman ay nagta-thumbs-up kay Dom. Nang hindi sumagot si Chris sa tanong na iyon ni Chino ay nagwalk out na ito at iniwan si Chris na umiiling at si Dom na humahagalpak parin sa tawa.


Habang bumababa ang elevator na sinasakyan ni Chino ay di naman niya mapaigilang mapa-isip, sa ngayon ay sanay na siya sa pangiinis ni Chris, normal na sa araw niya ang makakarinig ng biro dito pero ang ikinatataka niya ay kung bakit di na siya ganong naiinis kay Chris, kung maiinis man siya dito ay saglit lang, katulad ngayon, sigurado siya na kapag tumuntong na sa lobby ang lift na iyon ay malamang hahanapin na niya si Chris at hindi na ulit aalis sa tabi nito hanggang makauwi sila ng bahay niya.


Sa kabila ng inis ay napapansin din ni Chino na palihim na natutuwa narin siya sa mga pangiinis nito. Tulad ng nangyari nung isang araw, hindi makapag concentrate si Chino sa ginagawang photo shoot para sa mga female model dahil paulit ulit siyang sinisiko ni Chris ang kaniyang tagiliran.



“Chris, stop it! I'm working here.” saway ni Chino dito, nakita ni Chino na umayos ng upo si Chris at nag-pout, halata rin nitong hindi ito nag-e-enjoy at tila ba naboboryo na sa kakaintay sa kaniya. Palihim na napangiti si Chino, inisip niyang seryoso si Chris sa sinabi nitong susunduin siya at ihahatid nito. Nang ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa mga modelong babae ay naramdaman nanaman niya ang paniniko ni Chris, napuno na siya at tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumipat sa tabi ni Dom.


“Nangiinis nanaman?” tanong ni Dom.


“Daig ko pa may inaalagaang anak.” umiiling na sagot ni Chino na ikinatawa naman ni Dom nang sulyapan ng dalawa si Chris ay nakita nilang nakasimangot ito at tinitignan sila ng masama. Bumalik sa pagtra-trabaho si Chino at Dom at hindi na pinansin pa si Chris pero imposible yun nang may tumamang isang ini-rolyong papel sa bunbunan Chino, tinignan niya ng masama si Chris. Nasimula ng humagikgik si Dom.


“That immature sonovabitch!” singhal ni Chino, nakita niyang nakangiti na si Chris at tila ba proud na proud sa kaniyang accomplishment sa pangiinis. Di na niya ito pinansin ulit at itinuon na ang pansin sa kaniyang ginagawa.



Lumpias ang isang oras at malapit ng matapos ang kanilang shoot, nakalimampung nirolyong papel na ata ang tumama sa bunbunan ni Chino at natutunan na niya itong hindi pansinin nung magtagal, pero nang may tumamang papel sa bunbunan ni Dom ay patayo na sana siya para pagsasapakin si Chris nang pigilan siya ni Dom.


“What? I've had enough of that moron!” singhal ni Chino at sinubukang hawiin ang kamay ni Dom na pumipigil sa kaniya. Napansin niyang ibinubuka ni Dom ang naka-rolyong papel at pinabasa sa kaniya ang nakasulat doon.



“Dom, Leave MY Chino alone! Hmpft!” pinigilan ni Chino ang mapangiti nang mabasa iyong note na iyon, agad agad ay nabura lahat ng kaniyang pagkainis sa simpleng mga salitang iyon, yumuko si Dom at ibinuka rin sa pagkakarolyo ang iba pang papel na ibinato ni Chris kay Chino at nang mabasa nila yun ay pareho na silang napangiti ni Dom.




“Chris hearts Chino”



Yun ang paulit ulit na nakasulat sa may sampung nakarolyong papael na ibinato ni Chris kay Chino, tinignan ni Chino si Chris at nakita niya itong namumula at nakayuko at seryosong seryoso sa pagpapanggap na hindi siya ang bumato ng mga papel na iyon.



“Bet you're already falling for the moron slash immature sonovabicth now, huh?” tanong ni Dom sabay taas baba ng kilay. Agad na itinago ni Chino ang malaking ngiti sa kaniyang mukha.



“What are you talking about, Dom? Chris is not even my type!” pagtanggi ni Chino kahit na alam niyang huling huli naman siya ni Dom.



“Whatever.”



0000ooo0000



Nang matapos ang photo shoot ay agad na sumunod si Chris kay Chino at inagaw dito ang mga malalaking bag nito. Tinignan siya ng masama ni Chino, agad siyang nagtaka kung bakit mainit nanaman ang dugo sa kaniya ni Chino. Oo, alam iyang may pagka-immature ang ginawa niya kanina pero gustong gusto niyang asa kaniya lang ang atensyon ni Chino at gusto niya ring maiparating dito ang nararamdaman niya at wala siyang alam na ibang paraan para iparating iyon at makuwa ang atensyon ni Chino kundi sa pangiinis.



“Di maganda yung ginawa mo kanina, Chris.” sabi ni Chino sabay tiklop ng mga kamay sa kaniyang dibdib upang maiparating kay Chris na hindi siya natutuwa sa ginawa nito kahit pa sa loob niya ay kinikilig siya.



“But you were ignoring me the whole time!” parang batang palusot ni Chris, itinago ni Chino ang kaniyang ngiti.



“Did you just whine?!” naiiling na sabi ni Chino at hindi na napigilan ang pagngiti, nang makita ni Chris ang ngiting iyon ay nalaman niyang hindi talaga galit si Chino sa kaniya.



“Besides, Chris, I'm working, kung alam ko lang na ganyan ka sana hindi na kita pinayagang sumama sa mga photo shoot.”



“Chiiiinnnnoooo! I was bored to death and besides that's the only way to keep my eyes away from those bikini clad models.” nangingiting sagot ni Chris, tinitignan niya kung kakagatin ni Chino ang pangiinis niyang ito. Saglit na natigilan si Chino, alam niyang attracted parin si Chris sa mga babae, kundi siya nagkakamali ay bisexual ang tamang termino sa mga katulad nito. Agad siyang di napalagay nang maisip na kaya lamang inililihis na pilit ni Chris ang kaniyang pansin kay Chino ay para hindi nito mapagtuunan ang pansin ang mga naggagandagan at negseseksihang babaeng modelo. Pinagmasdan ni Chris si Chino, alam nitong nakuwa niya ang gusto niyang epekto sa pangiinis na iyon kay Chino.



“Yun naman pala eh, kung nase-seksihan ka at nagagandahan ka sa kanila sana hindi mo na sinayang ang oras mo sa pagsusulat ng 'chris hearts chino' baka nakaswerte ka pa.” naiinis pero kinakabahang sabi ni Chino. Kinakabahan dahi baka konting tulak niya lang kay Chris ay bumigay ito at talikuran na siya ng tuluyan.



Noon sumagi sa isip ni Chino na gusto narin niya si Chris at maaaring nahuhulog na nga ang loob niya dito. Ngayon, di na lang siya kinabahan, nagsimula narin siyang matakot, matakot dahil ayaw na niyang masaktan ulit.



“...don't be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino na ume-echo sa madalas ipaalala sa kaniya noon ni Francis.



“But I don't like them, I hate superficial bitches, I'd rather be involved with someone who's simple, sweet, humble but feisty.” biglang bawi ni Chris nang mapansin nitong nagsisimula ng magiba ang reaksyon ni Chino sa kaniyang biro.



“Well then look for some girl who is simple, sweet, humble but feisty.” singhal ni Chino, hindi niya sinasadyang suminghal pero hindi niya ito mapigilan.



“What the hell are you doing Chino?! You're pushing him away again. Papa Lord, sana po hindi seryososhin ni Chris ang sinabi ko.” dikta ng isip ni Chino. Ipinagdadasal na sana makuwa ni Chris na biro lang ang sinabi niyang iyon.




“I think I don't have to look somewhere else, I think I already found HIM.” sagot ni Chris sabay ngiti kay Chino, naramdaman ni Chino na namula ang kanyang mga pisngi at ang pamilyar na sensasyon ng kilig sa kaniyang sistema. Napangiti si Chris sa nakitang pamumula ni Chino at agad niya itong inakbayan.




“I'm hungry, babe. Let's eat and leave those superficial bitches behind.” nakangiting aya ni Chris kay Chino habang naka-akbay paring naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan.



“You didn't just call me babe!” singhal ni Chino, agad nanaman siyang ibinalot ng inis.



“I think babe is cute.” nakangiting asong balik ni Chris.



“Babe is a pig's name.” balik ni Chino na ikinahagalpak ni Chris.



“Doesn't matter babe—-” tumatawa paring balik ni Chris.



“Stop calling me 'babe' you immature sonovabitch!”



Hindi na nakalimutan ni Chris ang tawagin siyang babe simula nung araw na iyon nang magtagal naiinis man si Chino sa tawag na iyon sa kaniya ni Chris ay wala narin siyang nagawa, may kakaibang paraan ng pagpapakita si Chris kung gano niya kagusto ang isang tao at para kay Chino ay effective ito. Tulad ng kakaibang pagpapakita ng pagkagusto, may kakaiba ring paraan ng paga-angat ng self esteem ni Chino si Chris...



Matapos bisitahin ni Chino si Francis sa ospital isang gabi ay naisipan niyang bumili ng kape para naman kahit papano ay mabawasan ang stress na kaniyang nararamdaman. May photo shoot si Chris at napagusapan nilang sa ospital na lang sila magkikita, itinext niya ito at sinabing asa coffee shop siya at bumibili ng kape at doon na lang sila magkita, pumayag naman si Chris at sinabing malapit na siya doon.



Abala si Chino sa pagiintay ng kaniyang kape ng makita siya ng isang lalaki na malapit din ang loob sa kaniya.



“Chino?” tawag sa kaniya ng lalaki na namukhaan naman agad ni Chino.



“Jed?!” sigaw ni Chino sabay yakap dito.



“Kamusta na Chino?” nakangiting tanong ng nakatatandang kapatid ni Francis na nakabase sa ibang bansa. Katulad ni Francis ay may maamong mukha si Jed or Gerard sa kaniyang mga magulang, matikas din ang pangangatawan nito at may katangkaran kumpara kay Francis at Chino.



“OK lang, eto iniintay parin siyang magising. Ikaw kamusta? Kailan ka pa umuwi! Sana tinawagan mo ako.”



“Kanina lang ako umuwi.” sagot ni Jed sabay kusot ng kaniyang mga mata.



“Ganun ba? Kumain ka na ba? San ka tutuloy niyan?” nagaalalang tanong ni Chino, alam niya kasing hindi nito kasundo ang mg magulang nila ni Francis, pinalayas siya ng mga ito nang malamang hindi babae ang karelasyon niya.


“Sa hotel malapit dito sa hospital, yup, kakakain ko lang, gusto ko lang mag-coffee para hanggang matapos yung visiting hours makasama ako ni Francis.” naluluhang sagot ni Jed.



“Everything's going to be OK, I'm sure he'll get out of it.” muling niyakap ni Chino si Jed matapos niyang sabihin iyon. Tinawag na ng barista ang kanilang mga order kaya't saglit silang natahimik.



“Hey, why don't you stay with me while you're still here? Mahal din ang hotel ah.” alok ni Chino. Umiling naman si Jed pero agad na niyakap ni Chino si Jed upang ipaalam dito na OK lang talaga sa kaniya.



“Thank you, Chino.” sagot ni Jed sabay sinuklian ng mahigpit na yakap ang mga yakap ni Chino.




Sa ganitong tagpo sila naabutan ni Chris.



“Ehem.” bungad ni Chris, tila naman hindi siya napansin ng dalawang lalaki na mahigpit paring nagyayakapan, nakaangkla ang mga ulo sa balikat ng bawat isa at nakapikit na tila ba sinusulit ang pagyayakapan na iyon.



“EHEM!” ulit ni Chris, dun na naghiwalay ang mga katawan nila Jed at Chino.



“Chris, andito ka na pala---”



“Obviously.” bulong ni Chris sabay simangot.



“Chris I would like you to meet Jed, Francis' older brother, Jed, Chris my fr---”



“I'm Chris, his boyfriend.” singit ni Chris na ikinagulat ni Chino, agad na nagdikit ang mga kilay ni Jed, lalong kumunot ang noo ni Jed nang magsimulang magpanic si Chino at malakas na sinuntok si Chris sa braso nito.



“You douche! He's just kidding, Jed, Chris here and I are just friends.” paglilinaw ni Chino, lalong napasimangot si Chris.



“Hi Chris, nice to meet you.” singit ni Jed sabay abot ng kamay kay Chris. Tinignan lang ni Chris ang inaalok nitong kamay. Agad namang nahiya si Chino sa kinikilos ni Chris.



“Chris, can we talk for a second? Excuse us.” tanong ni Chris sabay excuse kay Jed.



Nang makalabas si Chino at Chris ay agad na sininghalan ni Chino ang modelo.




“What the hell is your problem?!”


“Friends?! JUST FRIENDS?!” balik singhal ni Chris, namula naman si Chino.


“We're not exactly boyfriends yet.” nahihiyang paliwanag ni Chino.


“Well I would like to be introduced as your boyfriend to that guy.” turo ni Chris sa loob ng coffee shop.


“What?! Why?!”


“Well, he's totally into you.” natitiyak na sagot ni Chris sabay tiklop ng mga kamay sa dibdib.


“No he's not! We're just—- we're just close.” sagot ni Chino na ikinairap naman ni Chris.


“When will you realize when people are after you?! You're cute dammit! You have a body to die for, a smile that can kill and you're the sweetest person I know! Believe me, Chino, he's into you, I can say by the way he look at you.” sabi ni Chris. Hindi maipaliwanag ni Chino ang kaniyang nararamdaman, alam niyang nagseselos si Chris kay Jed, ang di niya alam ay ang posibilidad na magkagusto si Jed sa kaniya, o kaya naman ang posibilidad na may magkagusto sa kaniya, hindi niya inaasahan ang mga papuring sinabi sa kaniya ni Chris.



“T-that's impossible---”


“It IS possible. Chino, you may not know how special you are but everyone around you knows, heck, even Ron told me he has a crush on you.” sabi ulit ni Chris na ikinagulat naman ni Chino, si Ron, kapwa modelo ni Chris ang taong kaliwa't kanan ang karelasyong babae, imposibleng magkagusto sa kaniya. Napaisip si Chino.


“Look, I'm tired, we will talk about this tomorrow, OK? C'mon, I'll drive you home.” aya ni Chris, agad na kinabahan at natigilan si Chino, naalala niya ang alok kay Jed.


“Uhmmm, Chris, I kinda---”


Sa loob ng coffee shop ay malalim ang iniisip ni Jed, di siya makapaniwalang pareho sila ng sexual orientation ng kaibigan ng kaniyang nakababatang kapatid, dati pa siya may gusto dito, ngayon napaisip narin tuloy siya kung ano nga ba ang naging relasyon ni Chino at ng kaniyang kapatid. Iniisip niya ngayon ang maaaring sexual orientation ng kaniyang kapatid ng marinig niya ang isang malakas na sigaw sa labas ng coffee shop na ikinagulat ng lahat ng tao na nandun.



“YOU WHAT?!”



Itutuloy...


[10]
Bumibingi parin sa tenga ni Chino ang pagsigaw na iyon ni Chris, di niya alam kung maiinis siya o matatawa sa ikinikilos nito. Nababahala si Chris sa posibilidad na maiiwan si Chino, ang kaniyang Chino mag-isa kasama si Jed, kitang kita ni Chris sa mukha ni Jed ang pagkagusto nito kay Chino at hindi siya nagtitiwala dito, literal na hinuhubaran ni Jed sa tingin si Chino, alam niyang hindi ito pansin ni Chino dahil aminin man niya o hindi ay may pagka-inosente parin si Chino.



“He doesn't even see himself as cute.” umiiling na sabi ni Chris sa sarili niya.



“C'mon, Chris, matagal ko ng kaibigan si Jed, malamangang tingin sakin ni Jed ay isa ring nakababatang kapatid tulad ng pagtingin niya kay Francis. I mean, Jed is a demi god in my standards, imposible na ganun ang tingin niya sakin.” pambabale-walang sabi ni Chino sa nagaalalang si Chris.



“I'm not letting him stay with you.” matigas na sabi ni Chris, ngayon nagsisimula ng maginit ang ulo ni Chino.



“It's my house, I can invite anyone---”



“That guy is literally eye-fucking you!” singhal ulit ni Chris, pilit pinapakalma ang sarili upang hindi na sila makakuha pa ng pansin ng mga nagdadaang tao.



“What the hell?! Seriously?! Chris, drop it, OK?”



“Fine. You want him in your house, it's fine with me but I'll stay in your house too.” yun na lang ang naisip na paraan ni Chris, hindi naman sa hindi niya pinagkakatiwalaan si Chino, sobra ang pagtitiwala niya dito, kaso minsan sa sobrang kainosentihan nito at baba ng kumpiayansa sa sarili ay hindi na nito nakikita na may mga taong naghahabol sa kaniya para gawan siya ng kahalayan, at alam niyang yun mismo ang balak ni Jed. Oo, hindi niya pinagkakatiwalaan si Jed.



“What?! This is going way too far, Chris!” singhal ni Chino pero huli na ng sabihin niy ito dahil papasok na si Chris ng coffee shop.



0000ooo0000



“Sorry, buddy, but I don't trust you, I don't want to leave my boyfriend---” simula ni Chris habang tinitignan si Jed sa rearview mirror.



“Friend.” pagtatama sa kaniya ni Chino.



“I don't want to leave my BOYFRIEND alone with you, so I decided to stay there also and keep an eye on you.” sabi ni Chris habang nakikipagtitigan kay Jed sa rear view mirror.



“errr, Jed, sorry sa kaibigan ko ah, may pagka-baliw kasi yan, wag kang magalala, hindi yan magste-stay sa bahay, nag-jo-joke lang yan. Diba, Chris, nagjo-joke ka lang diba?!” sabi ni Chino sabay siko sa tagiliran ni Chris.



“Aw! No, I'm not joking, I will stay there and keep an eye on that friend of yours.”



Sa likurang bahagi naman ng sasakyan ay hindi malaman ni Jed kung matutuwa siya o maiinis sa kaibigan ni Chino, pero hindi niya rin ito masisisi.



“Yep, Chino is definitely a catch. And if I was in his place I'd be protective of Chino also.” bulong ni Jed sa sarili habang nakatingin kay Chino na nakikipagtalo parin kay Chris.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa bahay ni Chino ay hindi parin tumitigil ang dalawa sa kanilang mumunting bangayan, minabuti na lamang ni Jed na wag pansinin ang dalawa, natanggap na niya kanina sa kotse na malabong makuwa pa niya ang loob ni Chino dahil halata namang mahal na ng dalawa ang isa't isa kahit pa nagbabangayan ito.



Binuksan ni Chino ang front door ng kaniyang bahay, maliit lang ito, may dalawang kwarto, sala, kusina, dalawang banyo, dining room at office area, tamang tama para sa isang bachelor na katulad ni Chino, maayos ang paligid, napangiti sa sarili si Jed, lagi niyang naiisip noon pa na tipo ni Chino ang maging isang neat freak, tama siya sa kaniyang naisip.



“Yep, Chino is definitely a neat freak.” bulong ni Jed sa sarili niya sa kabila ng nagbabangayan parin mga boses ni Chino at Chris.



Wala ni isang gamit ang wala sa lugar, lahat maayos, lahat may silbi at lahat malinis, obserba ni Jed, pagkatpos ng kaniyang masusi pero saglit na obserbasyon ay nakaramdam ng pagod si Jed.



“uhmmm excuse me---” istorbo ni Jed sa pagbabangayan ni Chino at Chris.



“Chino, napapagod na ako, kung OK lang sana na magpahinga na---” simula ni Jed, di na siya pinatapos ni Chino, nginitian siya nito at umiling.



“Sure, nakaayos na yung spare room, it's the door to your left, may CR narin diyan kung gusto mong mag shower muna or something. I'm sorry kung iniistorbo ka nitong asshole na ito.” pagtatapos ni Chino sabay bitaw ng masamang tingin kay Chris.



“It's OK, Chino.” tumalikod na si Jed at papasok na sana sa kwarto nang maisipan niyang ipalagay ang loob ng kanina pang nagse-selos na si Chris.



“oh and Chris, don't worry, di ko aagawin si Chino sayo, kanina sana may plano akong agawin siya sayo o kung kanino man pero nung marinig ko kayong magsagutan sa loob ng isa't kalahating oras, nun ko na-realize na wala na akong pag-asa, clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa. Goodnight guys!” nakangiting paniniguro I Jed kay Chris, pumasok na si Jed sa kwarto at nang malapit na niyang mailapat ang pinto ay agad niyang narinig na sumigaw si Chris.



“See! I told you he's eye fucking you! Ha! Akala mo ah---!” sigaw ni Chris na ikinahagikgik naman ni Jed bago niya sarhan ang pinto.




0000ooo0000



Matamang kinukuskos ni Chino ang kaniyang katawan habang pumapailalim sa malakas na buhos ng tubig mula sa shower head, halos di siya makapaligo ng maayos dahil sinusukat niya ang mga nalaman niya ngayong gabi. Hindi kaila sa kaniya ang baba ng kaniyang self-esteem, kahit anong tingin niya sa sarili sa harapan ng salamin ay wala siyang makitang tama at ikaiinteres ng ibang tao sa kaniya kaya naman naging bulag siya sa mga magandang kumento sa kaniya ng ibang tao sa paligid niya. Iniisip na niloloko lang siya o pinagtri-trip-an.



Isang tao lang sa buong buhay niya ang nagsubok na i-tama ang lahat ng akala niya. Si Francis, pero kasabay nun ay nahulog ang loob nila sa isa't isa kaya naman ikinunsidera na niya na ang papuring natatanggap niya kay Francis ay ayon lamang sa nararamdaman nito para sa kaniya, kaya naman ng malaman niya ang tungkol sa kasal nito kay Laura ay agad nabasag ang imahe na unti-unting ipinipinta ni Francis.



Ngayong napapalapit na ang loob niya kay Chris, sa loob ng isang buwan ay napansin niya ang mga pagbabago sa kaniyang sarili, bihira siyang makipagsagutan, ang totoo niyan wala sa ugali niya ang makipagsagutan pero nang makilala niya si Chris ay nagbago lahat ng iyon, ipinakita sa kaniya ni Chris ang mga ipinakita rin sa kaniya noon ni Francis, ang kaibahan lang ay ang mga papuring nanggagaling kay Chris ay hindi base sa pagmamahal katulad ng kay Francis, Oo, alam niyang may gusto sa kaniya si Chris at maaring dahil doon kaya siya nito pinupuri, pero iba ang paraan ni Chris.



Hindi ba't nagkasagutan sila kanina nang makahalata si Chris na may gusto sa kaniya ang kapatid ng kaniyang dating kasintahan at best friend na para sa kaniya ay ni hindi siya pagaaksahan ng panahon dahil sa angking kagwapuhan nito, pero nakita yun ni Chris, at sinabi nga sakaniya na may gusto sa kaniya si Jed.



“That guy is literally eye-fucking you!” Napailing siya nang maalala ang sinabing iyon kanina ni Chris, kung sasabihin mong may gusto sa kaniya si Jed nung isang buwan na nakalipas ay malamang tinawanan lang ito ni Chino.



Tama, sa bawat sagutan nila ni Chris ay unti-unti ring binubuo ni Chris ang kaniyang self esteem. Hindi siya makapaniwala na ngayon niya lang ito na-realize.



“Maybe I'm worth it after all.” bulong ni Chino sa sarili, muli niyang ibinaling ang kaniyang pagiisip sa iba pang sinabi ni Jed bago pumasok ng kuwarto.



“---clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa” napailing siya nang maalala ito, isang buwan pa lang simula nung magkalapit sila ni Chris, imposibleng mahal na nila ang isa't isa, ni hindi nga sila magkasundo paminsan-minsan, Oo, panatag ang loob niya kay Chris kahit nagbabangayan sila, Oo, palaging andyan si Chris pagkailangan niya ito nitong mga nakalipas na linggo at hindi niya maitatanggi na kahit papano ay gumagaang ang loob niya kay Chris dahil kahit papano nanamn ay may sweet bone din ang mokong, may sense of humor at hindi rin maitatanggi na attracted siya dito...



“Pero MAHAL? Hindi naman siguro--- hindi nga ba? Wow.” bulong ulit ni Chino sa kaniyang sarili habang nagbabanlaw.



0000ooo0000



Naabutan ni Chino na tumatawa ng malakas si Chris dahil sa pinapanood nito sa TV, pinagmasdan niya ito, akala niya ay umuwi na ito at nagbago ang isip na sa kaniyang bahay ito magste-stay habang andun si Jed, pero ayun ang damuho sa kaniyang harapan, tumatawa habang prenteng prente na nakaupo sa kaniyang sofa. Pinanood niya ito saglit at naisip ulit ang napagtanto niya kanina habang naliligo.



Si Chris ang tipo ng tao na masayahin, tila walang problema sa buhay, laid back kung baga, pero hindi rin ito papatalo sa paglalambing at pagpapapansin na kahit ikinaiinis man ni Chino ay siya rin nitong palihim na ikinatutuwa.



“So what's wrong if you have feelings for him? What are you afraid for? Isn't this what Francis want, to take your chances?” bulong ng kaniyang kunsensya habang mataman paring pinapanood, napansin niyang tumigil na sa pagtawa si Chris at nakatingin na sa kaniya, nakangiti itong nakatingin sa kaniya at kumaway, sumenyas na lumapit sa kaniya at tumabi sa kaniya sa sofa.



“Are you watching me?” taas babang kilay na tanong ni Chris, namula saglit si Chino sa pagkakahuli sa kaniyang iyon ni Chris.



“No, I just went out of trance for a minute there.” sagot ni Chino, ilang segundo siyang tinignan ni Chris na tila ba sinusuri kung nagsasabi siyang ng totoo, sa wakas ay nagkibit balikat ito at humarap ulit sa TV.



“For a minute there, I thought that you were eye fucking me.” nangingiting sabi ni Chris, namula si Chino, di makapaniwalang nabasa ni Chris ang kaniyang iniisip, tinignan muli siya ni Chris para sa kaniyang rekasyon, pinagbigyan niya ito.



“Asshole!” sigaw ni Chino sabay dampot ng pinakamalapit na throw pillow at inihampas sa mukha ni Chris, nang bumagsak ang throw pillow ay nakita niya si Chris na humahagikgik na parang batang kinikilig.



“Are you going to sleep on those?” tanong ni Chino, pilit na iniiba ang usapan. Tumingin si Chris sa kaniyang suot at nagkibit balikat.



“I don't have a change of clothes.”



“Well, maybe you should go home, then.” subok ni Chino, tinignan siya ng masama ni Chris



“And leave you with that guy who has the hots for you? No way, buddy.” sagot ni Chino habang nakaturo parin sa pinto ng kwarto na tinutulugan ni Jed. Nagbuntong hininga si Chino, pumasok sa kaniyang kwarto at kumuwa ng damit pamalit ni Chris. Nang makabalik siya sa sala ay naabutan niyang tumatawa ulit si Chris.



“Babaw naman ng kaligayahan nito.” bulong ni Chino sa sarili niya. Ibinato niya ang mga damit kay Chris.



“Can I use the shower?” tanong ni Chris, tumango lang bilang sagot si Chino, bago pa man tumayo si Chris ay nakita ni Chino ang malaking ngiti na nakaplaster sa pagmumukha nito, pinilit niyang itinago ang ngiti na unti-unting kumakawala sa kaniyang mukha.



0000ooo0000


Halos gumulong na sa kakatawa si Chino sa sofa dahil sa pinapanood niyang sitcom sa TV. Hindi alintana ang kaninang panlalait sa kababawan ni Chris, lumabas ng CR si Chris at nakita si Chino na humahagalpak sa tawa, napangiti siya, bagay na bagay kay Chino ang nakatawa, tila ba bumata ito ng ilang taon kesa sa nakikita niyang laging nakasimangot sa kaniyang si Chris tuwing iniinis niya ito, hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pangiinis parin dito, hindi niya alam kung bakit siya tuwang tuwa kapag naiinis ito.



“---clearly, kahit di niyo pa nahahalata, mahal niyo ang isa't isa”



Naalala ni Chris ang sinabing iyon ni Jed bago pumasok ng kwarto kanina. Di niya mapigilang mapangiti.



“Yup, I'm in love with Chino.” sabi ni Chris sa sarili niya, hindi niya alam kung bakit ganun na lang kabilis niyang na-realize ito gayung sa mga nakalipas niyang ka-relasyon, babae man o lalaki ay hirap na hirap siyang makaramdam ng ganito sa kanila.



Saglit na tumingin sa kaniya si Chino at nagtama ang kanilang mga tingin. Bumakas sa mukha ni Chino ang ngiti, nun niya lang nakitang ngumiti ng ganun sa kaniya si Chino, dun pa lang alam na niya na espesyal ang ngiting iyon, na tila ba para lang sa kaniya ang ngiting iyon.



Lumapit siya kay Chino, umupo sa kabilang sulok ng sofa, nagtatakang tumingin sa kaniya si Chino, inaya niya itong umupo sa pagitan ng kaniyang mga paa at sumandal sa kaniyang dibdib katulad ng puwesto nila noon sa ferris wheel nung pareho silang lamigin.



Muling lumatay sa mukha ni Chino ang ngiti, tumango ito, bilang pagpayag sa gustong mangyari ni Chris, di nagtagal ay nasa pagitan na ng mga malalaking hita ni Chris si Chino at nakasandal na sa matipunong dibdib nito. Nang maglapat ang kanilang mga katawan ay sabay silang nagbuntong hininga.



“This is where I belong, this is where my place is.” bulong ni Chris sa sarili at itinuon na ang pansin sa TV at muling humagikgik sa mga biro sa sitcom na kanila na ngayong pinapanood ni Chino.



“If this is being in love feels like then yes, I might be in-love with Chris.” bulong ni Chino habang nararamdaman niya ang paghagikgik ni Chris sa kaniyang likod, napangiti siya at sumabay narin sa paghagikgik ni Chris dahil sa kanilang pinapanood.



Sa unang pagkakataon ay hinayaan ni Chino ang sarili, inialis ang pagaalinlangan at sa unang pagkakataon ay naging masaya siya sa kabila ng napagdaanan niya kay Francis ay naging masaya ulit siya at ito ay nanggaling sa isang taong hindi niya naisip na maaaring makapagdulot sa kaniya ng saya.



Ilang oras pa ay pinatay na ni Chris ang TV, tinignan niya si Chino, nakita niyang mapayapa na itong natutulog sa kaniyang mga bisig. Napangiti siya.



“I'm willing to take my chances with you, Chino, I hope you do the same for me.”



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment