Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 2 (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Naka-kunot noong tinignan ni Kyle ang papalapit na si Kevin mula sa kaniyang kinauupuan sa den, kasa-kasama ang gadambuhalang aso na si Joey. Hindi niya parin maintindihan kung bakit napapadalas ang pagbisita sa kanila ni Kevin, sa sobrang dalas ay araw-araw na ito sa loob ng buong linggo na iyon tumatambay sa bahay nila Kyle na siya naman lalong ikinapagtataka ni Kyle. Habang naka-kunot noo ay sumulyap siya sa kinauupuan ni Pat at nakitang lumiwanag ang mukha nito nang makita rin na papalapit na si Kevin. Katulad ng naisip nung nakaraang araw ay muli niya ngayong napansin na tila ba naging mas masiyahin si Pat sa tuwing magpapakita si Kevin sa kaniyang bahay.


Nanonood ulit sila Pat, Kyle at Nina ng CSI at nang makita ni Pat na muling bumalik ang magagandang ngiti sa mukha ng kaibigan na si Kevin na noon ay padating palang ay hindi mapigilan ni Pat na magliwanag ang kaniyang mukha. Alam niyang excited na ang kaniyang kaibigan sa pagbalik ng boyfriend nito at masaya siya para dito.


Pero nang makapasok na si Kevin sa loob ng den ay agad na nabura ang masayang mood na iyon ng dalawa.


“Hi guys!” bati ni Kevin sabay tabi kay Pat.


“Andito ka nanaman?!” bati naman dito ni Kyle na ikinagulat ng tatlo at ikinatahimik ng paligid.


Naisip ni Pat na marahil ay hindi lang naging maganda ang araw nito sa ospital kaya ganito na lang ang mood nito at ayon din sa kaniyang personal na experience sa pagiging taga tanggap ng masamang mood na iyon ni Kyle ay alam niyang hindi ito ikatutuwa ni Kevin kaya't sinubukan niyang pagaangin ang mood ng paligid bago pa ito pagmulan ng away.


“That's because the last episode was such a cliff hanger!” nakangiting sabi ni Pat pero ang totoo ay kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung mapapagaang niya nga ba ang mood ng bawat isa. Napansin ni Pat ang pag-irap ng mga mata ni Kyle na lalo niyang ikinakaba. Saglit namang tumingin si Kevin kay Pat, nang makatanggap Kevin ng isang nagsusumamong tingin mula dito ay naisip na lang niya na sakyan ito at huwag na lang pansinin ang sinabi ng bayaw.


“Yup. There's something about what Horatio said last night that got me coming back for more---” nakangiting sabi ni Kevin saka tumingin kay Kyle at sumeryoso saglit. “---I hope I'm not intruding or something.”


“Of course you're not---” simula ni Nina habang tinitignan ng masama si Kyle pero agad din siyang pinutol nito sa pagsasalita.


“Oh sure you can watch CSI with us--- anytime. You're not intruding or something.” sarkastikong sabi ni Kyle sabay tayo at lumapit kay Joey.


“Come boy!” aya ni Kyle sa aso at nagtungo na sa labas papunta sa tree house kung saan andun si Liam na muling pinupuno ng drawing ang sketchpad.


Natameme ang tatlo sa sinabi ni Kyle habang pinapanood ng mga ito ang huli palabas sa bakuran. Makailang saglit pa ay naiwang may malalim na iniisip si Kevin sa tabi ni Pat. Napansin ito ni Pat at Nina pero si Pat ang siyang unang umalo dito.


“Sigurado ako hindi lang naging maganda ang araw ni Kyle, huwag mong masyadong dibdibin iyon, mamya, tignan mo, lalapit yan sayo at magso-sorry.” tumango na lang si Kevin sa sinabi na ito ni Pat na ikinahagok naman ni Nina na tila ba nagsasabi na 'yeah right! Si Kyle magso-sorry?!' tinignan ni Pat ng masama si Nina, imbis kasi na tumulong ito sa pagpapagaang ng loob ni Kevin ay ginagatungan pa nito ang pagaalala ng kapatid.


0000ooo0000


“What do you think is his problem?” tanong ni Nina kay Pat nang mahuli ulit niya itong nakatingin sa may bintana sa gawi ng tree house kung saan masayang naglalaro si Kyle at Liam.


“I don't know. Ganyan ba siya ka-moody dati?” pabulong na tanong naman ni Pat kay Nina sabay sulyap sa gawi ni Kevin na masaya namang nakikipag-usap kay Drei sa telepono nito.


“He was never moody, Pat. I don't think the word 'moody' is in Kyle's vocabulary before now--- Oh shit!” halos mapaiktad si Nina nang biglang may sumagi sa kaniyang isip.


“What?” gulat at nagaalalang tanong ni Pat.


“I think alam ko na kung anong problema niya.” makahulugang sabi ni Nina sabay bato ng nagaalalang tingin kay Pat. Agad namang nakaramdam ng kaba si Pat pero unti unting napalitan iyon ng pagkalinaw, dismaya at kapiranggot na galit at sakit habang ikinukuwento ni Nina ang tungkol sa napagusapan nila ni Kyle noong nakaraang araw, dahil pakiramdam niya ay hinusgahan nanaman siya ni Kyle pero nalinawan din siya na maaaring may kasalanan nga siya, tutal naglalandian naman talaga sila ni Kevin pero naisip niya rin na sana ay kinausap siya ng kaniyang kaibigan bago pa man ito magalit katulad ng ipinakitang pagkainis kanina kay Kevin.


“Nagaalala lang siya kay Liam, Nina.” alo ni Pat nang muling magalburoto si Nina pagkatapos niyang sariwain ang napagusapan nila ni Kyle.


“It's just that he's too afraid about what his son might ask or might think. It wouldn't be a big deal if it was a straight couple who's flirting in front of the kid. Natatakot siyang ipaalam sa kaniyang anak na may mga taong bakla at tomboy at iyon ang kinaiinisan ko.” mahabang paliwanag ni Nina.


“Kung yan ang rason mo para magalburoto edi sa mga nagpauso ng homophobia at nagpakalap ng pagiging makitid ang utak patungkol sa ating mga kasali sa third sex ka nagagalit at hindi sa katulad nila Kyle na ang tanging kasalanan lang ay lumaking ganyan ang paniniwala at literal na naniwala sa mga pangaral na iyan.” balik naman ni Pat na ikinaisip maigi ni Nina.


Saglit silang binalot ng katahimikan.


“Alam mo, may point ka.” amin ni Nina matapos ang mahaba-habang pag-iisip.


“Lagi naman eh.” mayabang na balik ni Pat na ikinairap ni Nina.


“Alam mo, ikaw lang talaga ang isa pang tao na nakakapagpatameme sakin.” wala sa sariling sabi ni Nina, hindi mapigilan ni Pat na tanungin kung sino pa yung isa kahit pa may ideya na siya kung sino ito.


“Who's the other one that can make you shut up?” tanong ni Pat sabay ngisi.


“Karen. My twin sister.” malungkot na sagot ni Nina. Muli silang binalot ng katahimikan, tanging ang kinikilig na si Kevin lang na kausap parin si Drei sa telepono ang pinagmumulan ng ingay sa pagitan nila.

0000ooo0000


“Nina said the pizza will be here soon and she said that I have to make you guys stop playing and wash your hands before the pizza arrives.” bungad ni Pat nang makaapak na siya sa loob ng tree house matapos niya itong akyatin.


“PATWICK! It's toooooo early for dinner! Daddy and me still wants to play!” sabi naman ni Liam sabay nguso.


“It's supposed to be Daddy and I not me, Liam.” pagtatama naman ni Kyle sa sinabi ng anak na ikinapaling ng ulo ni Liam sa kaliwa.


“That's what I said.” sabi ni Liam sabay yakap kay Pat. “I'm tired.” sabi nito nang lumapat ang kaniyang maliit na katawan kay Pat. Ang tagpong ito ay ikinangiti naman ni Kyle, hindi mapigilang maisip na hindi lang siya ang natutuwa kay Pat, pati rin ang kaniyang apat na taong gulang na anak ay nawiwili kasama ito. Natigilan saglit si Kyle.


“Wala naman atang may ayaw kay Pat.” sabi ni Kyle sa sarili habang pinapanood si Pat na inaalo si Liam at kinukumbinsi na maghapunan muna bago matulog.



Sa sinabing ito ni Kyle sa sarili ay naisip niya rin na ang problema lang ay hindi lang siya at si Liam ang natutuwa kay Pat sa oras na andun ito sa kanilang bahay. Kasama niya at ng anak si Kevin at Nina na para sa kaniya ay kahati nila sa atensyon ni Pat, lalong lalo na kapag nagsimula ng landiin ito ni Kevin.



“How the heck did Joey got up here?” tanong ni Pat na gumising mula sa pag-iisip ni Kyle. Si Joey naman ay hindi mapakali sa isinuot na boots sa kaniya ni Liam para maging makatotohanan ang kanilang paglalaro.


“He climbed the tree, Pat.” umiirap na sagot ni Kyle na tila ba nagsasabi na 'obvious ba?' nang ibalik niya ang tingin kay Pat ay nakita niya itong naniningkit.


“Liam, what are we going to do with smart as--- butts like your daddy?” naniningkit parin na tanong ni Pat sa bata na agad namang nakuwa ang kaniyang ibig sabihin dahil agad na nagliwanag ang mukha nito at ngumiting nakakaloko.


“We should give him the tickle punishment so he wouldn't be a smart butt anymore!” sigaw ni Liam sabay talon padagan sa kaniyang ama at kiniliti ito sa tagiliran. Nagsimula ng gumulong-gulong si Kyle sa kahoy na sahig ng tree house katatawa, nakisali na si Pat sa pangingiliti habang si Joey naman ay paikot ikot sa naguumpukang katawan ni Liam, Kyle at Pat atsaka tumatahol ng malakas.


“I give! I give!” sigaw ni Kyle nang hindi na niya makayanan ang pangingiliti. Nangingilid na ang kaniyang luha at halos mapaihi na siya sa kakatawa.


“OK.” agad na pagsangayon ni Liam sa gustong mangyari ng ama saka umalis sa pagkakadagan dito at inaya na si Joey na bumalik sa loob ng bahay. Naiwan namang Nakadagan si Pat kay Kyle at saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Agad na tumayo si Pat at umiwas na lalong malunod sa pakikipagtitigan kay Kyle, iniisip na baka may magawa nanaman siya na kaniyang pagsisisihan sa huli. Sa biglaang pagtayo na iyon ni Pat ay tumama muli ang kaniyang ulo sa bubungan ng tree house.


Agad na napupo si Pat at sinapo ang kaniyang bunbunan dahil sa sakit. Nagaalalang lumapit si Kyle at tinignan ang bunbunan ni Pat. Iniangat ni Kyle ang mukha ni Pat para matignan itong maigi, inalis ang pagkakasapo ng kamay at matamang tinignan ang magagandang mata ni Pat at inilagay ang magkabilang kamay sa mga balikat nito. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mga mukha.


“Are you OK?” tanong ni Kyle, tunay ang pagaalala na narinig ni Pat sa sinabi nito pero agad niya ring ginising ang sarili. Iniisip na nagaalala sa kaniya si Kyle dahil magkaibigan sila at wala ng iba. Hanggang sa pagiging magkaibigan lang ang pagaalala na iyon. Tumago si Pat at hinawi ang mga kamay ni Kyle sa kaniyang mga balikat.


“We should go. Dinner should be ready by now.” malamig na sabi ni Pat dahil pinipigilan niya ang umaapaw na emosyon na lumabas sa kaniyang boses para hindi ito mahalata ni Kyle.


Tila naman sinipa si Kyle sa ginawang ito ni Pat. Alam niyang kasalanan niya kung bakit ilag sa kaniya si Pat sa tuwing nagiging masyadong malapit ang kanilang mga katawan. Pinagbintangan niya itong nangmomolestya ng bata at pinagsamantalahan ang kaniyang kahinaan at kalasingan nung gabing iyon.


0000ooo0000


Tahimik na nagsimlua ang hapunan ng grupo. Si Nina kasi ay hindi parin kinikibo si Kyle, si Pat naman sinasariwa ang nangyari sa loob ng tree house, si Kevin ay hindi magawang kumibo dahil natatakot siya na muli siyang singhalan ni Kyle, si Liam naman at Joey ay nagpapabilisang kumain. Nang igala ni Kevin ang kaniyang tingin ay nakita niya na balisa si Pat.



“What's wrong?” bulong ni Kevin kay Pat na ikinagising nito mula sa pag-iisip sa mga nangyari sa tree house.


“Oh. Uhmmm Nag-iisip ako ng bagong design para sa bago kong project sa opisina.” pabulong din na sagot ni Pat gayong hindi niya alam kung bakit kailangang bumulong.


“You know what, I know a couple of architects, you should try talking to them sometimes. You know to exchange ideas, designs and stuff.” pabulong na suhestyon ni Kevin, itatanong na sana ni Pat kung ano ang pangalan ng mga arkitektong kilala ni Kevin nang biglang nagsalita si Kyle.


“Yung totoo, Pat? Kevin? Nakakapika na ang palagi niyong pagbubulungan! What? Nina and I are not good enough to know what you guys are talking about?” singhal muli ni Kyle na ikinayuko ni Kevin, ikinagulat ni Pat at ikinairap naman ni Nina.


“We were just talking about---” simula ni Pat pero agad din siyang pinutol ni Kyle.


“Save it!” singhal muli ni Kyle sabay tayo at muling lumabas ng bahay, ni hindi nagalaw ang kinuwang pizza.


“Seriously! What the heck is wrong with him?!” tanong ni Kevin kay Nina.


“Oh. He thought you and Pat are fucking each other and that you are setting a bad example for Liam.” kaswal na sagot ni Nina na ikinagulat ni Kevin, Pat, Liam at pati narin ng aso na nagsimula ng tumahol.


“Uh-oh. Aunt Nina said the 'f' word.” singit ni Liam sabay paling sa kaliwa ng ulo.



Tinignan ng nakakalokong tingin ni Pat si Nina na ikinairap ng huli habang si Kevin naman ay nagtataka sa kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Liam. Ipinaliwanag ni Pat kung ano ang ibig sabihin nito, pagkatapos magpaliwanag ni Pat ay agad na naisip ni Kevin na maganda iyong ice breaker sa pagiging gloomy ng mood ng bahay gayong hindi niya alam kung magiging maganda ito para sa kaniyang kapatid na si Nina.



“We should clean Aunt Nina's mouth now.” mungkahi ni Liam pagkatapos na pagkatapos nilang kumain pare-pareho. Tinignan ng masama ni Nina si Pat at Kevin na may mga nakakalokong ngiti na nakaplaster sa mukha.


0000ooo0000


“Patrick, stop it or I'm going to cut your balls off!” singhal ni Nina. Mahigpit kasi ang pagkakahawak dito ni Pat at Kevin papuntang kusina para linisin ng sabon ang bibig nito sa harapan ng kusina. Narinig ni Liam ang pag-singhal na iyon ni Nina kaya't agad nitong tinakpan ang kaniyang pundyo sa takot na gawin din sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang banta nito kay Pat.



Sa ginawang ito ni Liam ay hindi mapigilan ni Nina ang mapangiti. Ngayon na lang ulit siya naging ganito kasaya. Nagyon na lang ulit siya nag-enjoy na parang bata. Kinuwa na ni Kevin ang sabon at pinabula ito sa kaniyang mga palad.


“No! Please.” humahagikgik na pagmamakaawa ni Nina pero hindi siya pinakinggan ni Pat at Nina na nagsisimula naring humagikgik. Tila ang mga matatanda ay naging kasing edad na lang ni Liam, nagkakasiyahan na miya mo magkakalaro na naggagaguahan. Pero ang kasiyahan na iyon ay hindi nagtagal dahil narinig ni Kyle ang kaguluhan na iyon habang nakaupo ito sa may den.

Nang maabutan na nagkakasiyahan si Pat, Kevin at Nina at pati narin si Liam na humahagikgik habang yakap-yakap si Joey ay hindi maiwasang magalit ni Kyle lalo pa nang makita nito ang pagtitinginan ni Pat at Kevin na tila ba nageenjoy sa pagpaparusa kay Nina. Ang tingin na sila lang dapat ni Pat ang nagsasalo sa tuwing may binabalak silang pangaasar na gagawin kay Liam.


“Wow. This is real mature of you guys!” singhal ni Kyle sa may pinto na ikinahinto ng lahat. Si Pat ay napatayo ng deretso at nagtaka sa kung ano naman ang ikinagagalit nito ngayon gayung ginawa rin naman ito ni Kyle sa kaniya noong nagmura siya sa harap ni Liam noon. Si Kevin ay hind mapigilang sisihin ang sarili dahil pakiramdam niya ay simula nung tumambay siya doon kila Kyle ay nagismula na itong maging moody kahit pa alam naman niyang wala siyang ginagawang masama. Si Nina naman kahit may bula pa ang bibig dahil sa pagsabon dito ni Kevin ay hindi rin mapigilang magalit sa brother in law.


“Daddy, Aunt Nina said the 'f' word.” seryosong sabi ni Liam na ipinalangin ni Pat na makapagpapakalma sa kaniyang ama. Pero hindi sinagot ang dasal niyang ito.


“The 'f' word is just one of your Aunt Nina's favorite swear words, Liam. You shouldn't be surprised anymore. That is how foul your aunt Nina's mouth is.” balik naman ni Kyle na agad ikinatalikod ni Nina at hinugasan ang kaniyang bibig. Magsasalita na sana si Nina nang muling nagsalita si Kyle.


“You might also think about listening to your Uncle Kevin. Slut-y words tend to get out of his mouth every now and then.” insulto ulit ni Kyle, kitang kita ni Pat kung pano gumapang ang pagkalito sa mukha ni Liam at nang ma-realize siguro nito na inaaway ng kaniyang ama ang mga kapatid ng kaniyang ina ay nagsimula ng mangilid ang mga luha nito.


“Daddy?” pagkuwa ng atensyon ni Liam kay Kyle pero hindi ito pinansin ng huli dahil abala ito sa panonood sa mga mukha ni Nina at Kyle, pinanood niya kung pano maglaro ang galit, pagkadismaya at sakit ng kaniyang sinabi sa mga mukha nito. Pinaghandaan na niya ang isang mainit na pakikipagsagutan kay Kevin at Nina pero nagulat siya ng magkasunod itong lumabas ng pinto palabas sa bakuran. Matapos sumara ng pinto sa likuran ni Kevin ay nagsimula nang makaramdam ng galit sa sarili at pagkahiya sa kaniyang mga ginawa sa mga kapatid ng kaniyang namayapang asawa.


“Liam, buddy, why don't you and Joey play in your room for a while? Your daddy and I are just going to talk.” nagising si Kyle sa sinabing ito ni Pat, nakita niyang nakatingin sa kaniya ang anak, may lungkot sa mga mata nito at nagsisimula narin itong humikbi, gusto niya itong yakapin at gusto niya sanang magpaliwanag pero ipinako parin siya ng hiya mula sa kaniyang kinatatayuan. Tumango ang bata sa mungkahi ni Pat at inaya na nito ang gadambuhalang aso papunta sa kaniyang kuwarto.


“What the hell is your problem?!” singhal ni Pat, sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagalit si Pat at hindi nagbalak na magpatalo si Kyle.


“You and Kevin are my problem! Flirting in front of Liam, whispering like we're no good to know what you guys are talking about--- What? I turned you down and you jumped the bones of the first guy you became close with?!” muling nakaramdam ng tila ba tinatadyakan si Pat sa panibagong bintang o insulto na ito ni Kyle.


“Wait. Let me get this straight. You already called me a rapist and a child molester, and now you are calling me a slut?! I mean, Kyle, seriously?!” mahinahon pero puno ng galit na tanong ni Pat kay Kyle. Hindi na nakapagsalita pa si Kyle, nagsimula na siyang kabahan sa nagiging takbo ng pagtatalo na iyon. Dahan dahang lumapit si Pat kay Kyle na ikinaatras ng huli dahil sa takot na nakikita mula sa mga mata ni Pat. “You pushed me away. You made me feel bad because according to you I took advantage of you that night and now when you saw me innocently flirting with someone, you automatically assumed that I'm desperate enough to fuck the first guy I met?! Ganoon na ba kalalim ang pagkakakilala mo sakin to judge me that easily?!” inintay ni Pat na sumagot si Kyle at nang hindi ito nagsalita ay ipinagpatuloy niya ang paglalabas ng galit dito.


“Nina and I thought that you have a problem with me and Kevin flirting in front of Liam but after you said your last piece, you know what I think now, Kyle? I think that you felt betrayed, I think that your ego got bruised because when you saw me flirting with another guy you realized that you're replaceable, that you are not the only guy I can like, that you're just another guy whom I can have feelings with and there are still millions out there who I can run to once you turn me down. What, Kyle? Did I stepped on your ego that hard?!” sa lagay na ito ay napasandal na si Kyle sa pader ng kusina at halos tatlong pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha mula sa mukha ni Pat.


“And you know what else I think, Kyle? I think you're pathetic, a narrow minded asshole, a selfish son of a bitch and the king of homophobe-landia---” ang mga pangiinsulto na ito ni Pat kay Kyle ay nagdulot ng ilang matitinding emosyon na hindi niya kailan man naramdaman pa.


Hindi na natapos pa ni Pat ang kaniyang paglilitanya dahil may isang pares na ng mga labi ang lumapat sa kaniyang mga labi at hindi nagtagal ay marahan na siyang napapikit dahil sa sarap sa pakiramdam ng halikan na iyon---



Itutuloy...


[12]
Naramdaman ni Pat ang unti-unting pagbuka ng mga labi ni Kyle at ang paglalaro ng dila nito sa kaniyang ibabang labi, wala sa sariling ibinuka narin ni Pat ang kaniyang mga labi at hinayaan ang dila ni Kyle na laruin ang kaniyang dila, naramdaman narin ni Pat ang paghawak ng kamay ni Kyle sa kaniyang batok, tila ba lalo pang itinutulak ang kaniyang mukha sa mukha nito. Nagsisimula ng uminit ang kanilang halikan, wala na silang pakielam sa mga nangyayari sa kanilang paligid, walang ibang naririnig, naaamoy at nararamdaman kundi ang isa't isa.



Nang maramdaman na ni Pat ang paghiwalay ng kaniyang mga labi sa labi ni Kyle ay dahan dahan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata---

---at naabutan niyang nakatalikod nang naglalakad palayo si Kyle. Wala ni isang salita ang nasabi bago ito umalis, hindi alam ni Pat kung ano ang nararamdaman nito matapos ang halikan na iyon, hindi niya nakita ang reaksyon ng mukha nito, hindi niya alam kung galit ba ito, naguguluhan o natuwa matapos ang kanilang halikan.



Muli, katulad nung huling gabi ng pagtira niya sa bahay na iyon ni Kyle ay hindi niya ulit alam ang dapat maramdaman at kung ano ang dapat isipin at gawin. Tila ang halikan na iyon ay katumbas ng paglangoy sa malawig na karagatan at talaga namang naubos ang lakas ng buong katawan ni Pat kaya't sumandal ito sa pader kung saan unang nakasandal si Kyle at padausdos siyang napaupo sa sahig. Sinapo ang kaniyang ulo at hinayaan ang sarili na lamunin ng pagkalito.



0000ooo0000


Umakayat si Pat matapos ang isang oras sa kwarto ni Liam. Naabutan niya itong nagda-drawing sa kaniyang sketchpad, pu-pungay-pungay at nakatabi parin kay Joey na labas dilang natutulog sa sahig. Napangiti siya pero agad nabura ang ngiti na iyon nang maisip niya na katulad noong gabing may nangyari sa kanila ni Kyle ay baka pagbawalan ulit siya ni Kyle na lumapit kay Liam.



Alam niyang walang basehan ang takot na ito pero wala rin namang naging basehan ang dahilan ni Kyle noon upang pagbawalan siya na lumapit kay Liam. Si Kyle ang may gusto na may mangyari sa kanila ni Pat noong gabing iyon dahil sa kalasingan at libog na dala nito at si Kyle din ang nagpasinaya ng halikan kanina sa kusina, pero hindi parin nun naiaalis ang pagiging over protective ni Kyle sa anak. Alam ni Pat na para kay Kyle ay problema ang pinagsaluhan nilang halik dahil hindi nila pare-pareho maipapaliwanag ito kay Liam.


Isang paraan lang ang naisip ni Pat para hindi na muling maranasan ang walang pusong pagtutulak sa kaniya palayo ni Kyle, katulad nuong araw matapos ang gabi ng may nangyari sa kanila. Tama na ang sakit na naranasan niya noon nung nawala si Eric at Jake sa kaniya at nung araw na pinandirian siya ni Kyle.



“Patwick, are you OK?” mahina at inaantok na tanong ni Liam na gumising naman sa malalim na pagiisip ni Pat. Nagplaster ito ng isang ngiti.


“I'm OK, buddy.” marahang sagot ni Pat sabay lapit kay Liam.


“Is daddy, OK?” tanong ulit ng bata sabay hikab, hindi alam ni Pat kung ano ang isasagot sa bata kaya naman agad niyang iniba ang usapan.


“Have you brushed your teeth yet?” tanong ni Pat tumango lang ang bata at iniyakap ang sarili kay Pat at inihilig ang ulo nito sa balikat ni Pat.


“Then why are you not sleeping yet?”


“Because nobody has come in to tuck me to bed yet.” mahinang sagot ng bata, palatandaan na nakakatulog na ito sa balikat ni Pat.


“OK, I'll tuck you to bed.” pagsang-ayon ni Pat at marahang tumango ang bata. Binuhat ni Pat ang bata papunta sa kama, napansin ito ni Joey at tumayo din ito mula sa sahig at ipinuwesto ang sarili sa kama at doon itinuloy ang pagtulog.


“Good night, Liam.” malungkot na sabi ni Pat.


“Don't be sad, Patwick. We'll see each other tomorrow, I promise. I'll just go to bed.” pahina ng pahina na bulalas ng bata atsaka nagpakawala ng isang malaking hikab at pagkatapos niyon ay tuluyan na itong nilamon ng pagtulog. Halos mapaiyak si Pat sa sinabi ng bata, alam niyang magtataka ito kinabukasan kapag hindi niya nakita si Pat pero walang ibang paraan na maisip si Pat upang maiwasan ang alam niyang sakit na nagiintay sa kaniya sa oras na magkaharap ulit sila ni Kyle.


Dahan-dahan na tumayo si Pat mula sa kama ni Liam. Saglit na nagtaas ng ulo si Joey at umingit nang makitang papaalis na si Pat. Marahil ay nararadaman nito ang pighati ni Pat. Itinapat ni Pat ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig at sumenyas kay Joey na huwag maingay. Nagpakawala ito ng isang tahol na ikinaupo ni Liam mula sa kama, dumilat saglit at nang makita kung ano ang naging dahilan ng kaniyang paggising ay iniyakap niya ang sarili sa aso at hinila ito pahiga muli sa kama. Napangiti si Pat pero lalo ring nalungkot. Alam niyang mamimiss niya ang bata lalo na ang mga nakatatawang ugali nito.


Naglakad na si Pat pagawi ng hagdan ng bahay na iyon upang bumaba nang mapatapat siya sa kwarto ni Kyle. Malungkot niya itong tinignan saglit bago siya tuluyang bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

1 week later


Abala si Pat sa pagtapos ng panibagong project nang biglang sumulpot ang kaniyang boss sa kaniyang tagiliran, kahit pa alam ni Pat kung bakit iyon nandun ay nagkunwari lang siya na hindi niya ito napapansin.


“You don't have to finish that, Pat. It's friday, we should be partying in some random bar right now.” excited na sabi ng kaniyang boss. Umiling na lang si Pat at matipid na ngumiti dito.


“Hindi na po kasi ako pala-party ngayon. I think I out grew it, nagsawa nung college.” humahagikgik na sabi ni Pat atsaka nagtuloy sa pagguhit ng panibagong disenyo.


“Sige, ikaw bahala. Pero kung nagbago ang isip mo puntahan mo lang kami sa bar na'to.” sabi ulit ng boss niya sabay abot sa kaniya ng isang flyer. Unti-unti nang naubos ang mga tao sa opisina ni Pat at wala lang ito sa kaniya. Gusto niyang pag-butihin ang kaniyang trabaho para makalipat na siya sa sarili niyang lugar.



Hirap na hirap siya sa pag-iwas kay Liam at hirap na hirap din siyang tiisin ito pero ginagawa niya ito at pinipilit ang sarili para narin sa kapakanan nito at ni Kyle at pati narin para makaiwas siya sa mga maaaring masasakit na salita na sasabihin sa kaniya ni Kyle patungkol sa halik na nangyari sa pagitan nila may isang linggo na ang nakaraan.


0000ooo0000


Nang umuwi si Pat ay mabilis nitong ipinarada sa garahe ang kaniyang kotse at mabilis ding pumasok ng bahay. Hindi na binigyan ng pagkakataon si Liam o kung sino man na gustong kumausap sa kaniya. Nang makapasok sa bahay ay saka tinamaan ng matinding pagod at lagkit si Pat, iniisip na maliligo muna siya saka bababain ang mga magulang para ipaalam na andun na siya.


“Can I talk to you for a while, Pat?” bulaga ni Nina sa bungad ng hagdan na halos ikatalon ni Pat sa gulat.


“Nina? What are you doing here? Is everything OK? Liam? Kyle?” sunod sunod na tanong ni Pat, magsisimula ng tumakbo kung kailangan. Napansin niya na naka-puti pa ito tanda na galing o papasok pa lang ito sa ospital at ang ideya na maaaring nandun ito para magdala ng masamang balita galing ospital ay agad na pumasok sa isip ni Pat.


“They're fine. Liam's fine and Kyle's fine, physically, at least.” makahulugang sabi ni Nina.


“You guys talked already?” tanong ni Pat, nung huli kasi silang nagkita-kita ay tigiisang insulto ang natanggap nila kay Kyle kaya naman nagtaka siya na ganun-ganun na lang ito pinagbigyang kausapin ni Nina.


“Believe me I didn't want to. It was Liam who called me and literally said that his asshole-ish dad is so miserable. You know I couldn't say no to that kid. Anyway, the asshole apologized and he is in fact been miserable the whole week, Kevin still wouldn't talk to him even after he picked up Joey the other night and after they practically walked on each other and then you, according to Kyle, has been avoiding him and Liam like a plague.”


“Yeah, I wonder why? Hmmm maybe because being called a rapist, child molester and a slut in just a month really hurts---” saglit na natigilan si Pat at hinayaan sabihin sa sarili ang kaniyang iniisip na kadugtong ng sinabi niya kay Nina. “---and the fact that he kissed and might blame me for it after sounds really comforting to not avoid him like a plague.” pero hindi na sinabi ni Pat ang huling naisip na iyon. Pakiwari niya kasi na hindi magandang ideya na sabihin kay Nina ang halikan na nangyari.


“Just please talk to him? I'm staying at his house again but I'm on a graveyard shift this week and I forgot to call someone to look after Liam tonight---”


“What's Kyle doing? I think it's his job to look after his son.” sarkastikong balik ni Pat.


“Well he might do it if he's not acting like some depressed fool. Just please be there tonight until Liam get's to sleep. Please.” balik naman ni Nina una ay nagdadalawang isip si Pat pero ang maisip na mag-isa lang si Liam kasama ang depress-depressang si Kyle ay agad narin siyang pumayag.



0000ooo0000


“Liam?” tawag ni Pat sabay katok sa malaking puno ng sampaloc. Narinig niya ang pagkaluskos sa loob ng tree house at miya miya pa ay sumilip na pababa si Liam. Gulo-gulo ang buhok nito at madungis dahil siguro sa kakalaro.


“PATWICK!” sigaw nito at halos tumalon mula sa taas ng tree house pasalubong kay Pat.


“Hey buddy.” bati ni Pat sa bata sabay yakap dito. Mahigpit siyang niyakap nito pero agad ding humiwalay at sumimangot.


“Galit ako sayo.” sabi nito nang makahiwalay na kay Pat atsaka itiniklop ang kaniyang mga kamay sa dibdib at tumingin sa kanan, iwas kay Pat. Pinigilan ni Pat mapangiti.


“I figured you'd be mad that's why I bought you something.” sabi ni Pat sabay inilahad ang iniuwing water color. Saglit na nagmatigas si Liam pero napansin ni Pat na sumisilip ito at tinitignan kung ano ang uwi sa kaniya ni Pat.


“You don't like it?” arte ni Pat nang makita niyang tuluyan ng natunaw ang pagmamatigas ng bata at minamata ng maigi ang water color sa kaniyang kamay.


“Then I'll just give it to Pauline. I think she will like it.” arte pa ulit ni Pat. Alam niyang hindi papayag si Liam na ibigay niya ang water color sa batang tila ba ay ayaw na ayaw ni Liam. Nakatira ang Pauline na ito may ilang bahay lang ang layo kila Liam pero hindi sila naging close nito kahit pa magkasing edad lang sila.


“Give me that! Pauline doesn't know how to use this!” sabi ni Liam at sinubukang agawin ang water color kay Pat na itinaas naman ng huli upang hindi maabot ng bata.


“Hep. Hep. Hep. Say that you forgive me first---” simula ni Pat habang si Liam ay tumatalon talon upang maabot ang water color na pilit na itinataas ni Pat upang hindi niya maabot.


“I forgive you, Patwick!” may pagmamadaling sabi ni Liam na ikinahagikgik ni Pat.


“---and that you promise to share it with Pauline tomorrow when she ask you to come and play and draw with her at their house.” subok ni Pat, natigilan si Liam.


“No fair! I don't like her! She's too--- girly!” sabi ng bata at tumigil na sa kakatalon at itiniklop muli ang mga kamay nito sa dibdib.


“That's because Pauline's a girl, Liam and that's not very nice of you. She only wantsto be friends with you and to have someone to play with.” balik naman ni Pat pero umiling lang si Liam.


“OK then I'll just give this to her.” sabi ulit ni Pat, saglit na tinignan ni Pat ang magiging reaksyon ng bata at muntik na siyang mapangiti nang makita niyang nanginglid na ang luha ng bata at matamang tinitignan ang hawak-hawak niyang water color.


“Fine! I'll share it with Pauline tomorrow.” naka pout nang sabi ni Liam agad naman ngumiti si Pat at ibinigay na ang pinagdedebatehang water color.


Habang abala si Liam sa pagtitig at nanlalaking matang sinusuri ang bagong water color ay hindi naman maiwasan ni Pat ibaling ang tingin sa bintana ng kwarto ni Kyle. Hanggang ngayon ay iniisip niya parin kung pano ito kakausapin. Sa sobrang abala ni Pat sa pagtitig sa bintana at sa pagiisip ng malalim ay hindi niya napansin na nasa kaniya na nakabaling ang tingin ng bata at nakapaling na sa kaliwa ang ulo nito.


“Daddy is always looking for you. I think he misses you too.” sabi ni Liam na ikinakuwa ng atensyon ni Pat. Agad niyang ibinaling ang tingin sa bata at nakita itong mataman siyang tinitignan habang nakapaling parin ang ulo sa kaliwa. Binigyan lang ni Pat ng isang malungkot na ngiti ang bata at ibinalik na ang tingin sa gawi ng bintana ni Kyle.


“Go! Talk to daddy! He will be happy to see you! Go! Go! Go!” nakangiting sabi ni Liam sabay tulak kay Pat papasok ng kanilang bahay.



0000ooo0000



Napansin ni Pat na nakaawang ang pinto ng kuwarto ni Kyle. Muli siyang nagalanagan, inisip kung tama ba ang gagawin niya pero ang pagaalangan na iyon ay agad na nawala nang marinig niya ang mahinang paghikbi mula sa loob ng kwarto nito, papasok na sana si Pat para tignan kung ayos lang ba si Kyle nang makarinig din siya ng marahan at malungkot na pagsasalita. Saglit siyang natigilan at nakinig.


“I don't know what else to do, Karen.” sabi ni Kyle sa isang litrato kung saan tampok ang kaniyang namayapang asawa.



Bago maglapat ang kanilang mga labi ni Pat nung nakaraang linggo ay walang ibang naisip na dahilan kung bakit masama ang kaniyang mood sa tuwing nakikita ito na mas pinagtutuunan ng pansin si Kevin o kaya naman si Nina kesa sa kanila ni Liam. Akala niya ay naiinis o hindi lang siya kumportable sa ipinapakitang paglalandian nila Pat at Kevin pero ang totoo pala noon ay gusto niyang siya ang kalandian ni Pat, at nung nakaraang linggo ay nagsimula na siyang matakot dahil naisip niya na wala na sa kaniya ang pag-tingin ni Pat at nabaling na ito kay Kevin at ito din ang naisip na dahilan ni Kyle kaya't iniiwasan na siya ngayon ni Pat. Hindi naman niya mgawang sisihin si Pat matapos niya itong tawaging rapist, child molester at slut.



“I messed up. I've been an asshole to him, pushed him and called him some horrible names. He's the first person after you who gave me a chance to be me and I messed it all up. At first I was just confused, I thought I just don't like the fact that he's been flirting with Kevin but when he started calling me an asshole, a homophobe and an egotist and a narcissistic prick I just felt this strong urge to kiss him and during our lips are pressed together this realization struck me. I like him, Karen, I like Pat but I realized it a little too late. He's with Kevin now and he's been avoiding me like the plague.” mahabang salaysay ni Kyle.



Narinig ni Pat lahat ng ito kaya naman tila piniga lahat ng hangin sa kaniyang baga, lalong bumilis ang pag-kabog ng kaniyang bibig at tila hinigop lahat ng lakas sa kaniyang mga tuhod pero sa kabila non, nang maabsorb ni Pat ang mga sinabi ni Kyle ay may kakaibang lakas na nagtulak sa kaniya upang harapin ito. Hindi napansin ni Kyle ang pagpasok ni Pat kaya't gulat na gulat siya nang bigla itong magsalita.



“Can we talk?” napa-iktad si Kyle at halos mabitawan na niya ang litrato ng kaniyang namayapang asawa nang sabihin ito ni Pat.


“P-Pat. How long have you been standing there?” kinakabahang tanong ni Kyle at lumakas ang kabog ng dibdib nito nang makita niyang unti-unti ng lumalapit sa kaniya si Pat.


“Long enough to hear what you really feel about me.” pabulong na sabi ni Pat nang maglapit ang kanilang mga katawan at nang may isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha. Saglit silang nagtitigan ni Kyle, walang ibang mababasa sa kanialang mga mukha kundi ang pagtangis at kakaibang emosyon. Hindi na napigilan pa ni Pat ang sarili at inilapat na niya ang kaniyang mga labi sa labi ni Kyle.



Isa muling mainit na halikan ang kanilang pinagsaluhan. At nang maghiwalay ang kanilang mga labi para sa panandaliang pag-hinga nila ay tahimik na idinagdag ni Pat ang isa pang bagay na nararapat linawin.



“Kevin is not my type. You are.” sa sinabing iyto ni Pat ay pareho na silang nagpakawala ng isang matipid na ngiti bago muling nagsalubong ang kanilang mga labi.



0000ooo0000


“Liam is already in bed.” nakangiting sabi ni Kyle sa nakahigang si Pat. Naisip nila na bago pa man nila ipagpatuloy ang pag-uusap ay mas magandang nasiguro na muna nila na nasa kama na si Liam at natutulog. Lumapit na si Kyle kay Pat at muli itong siniil ng halik pero agad din iyong pinutol ni Pat.


“We should talk about some things first if we are serious about this, Kyle.”


“Aren't we done talking? Isn't it time for more kissing?” parang batang sabi ni Kyle na muling nagpaalala kay Pat ng batang si Liam. Napangiti si Pat at napailing.


“No. We should talk about some things first. Like, who are we going to tell or are we serious about this or is this just some phase to you.” may pagaaalalang tanong ni Pat. Ang huli niyang gustong mangyari ay ang pagiiba ng isip ni Kyle sa hinaharap.


“This is definitely not a phase, Pat---” simula ni Kyle.


“Are you sure you want to be gay?”


“Let's not start with the labels, Pat. I can be gay but I'm not attracted in other guys. I can be bisexual but no beautiful girl can attract me whenever you're there and that defeats the idea of me being straight as well---”


“Fine, I'll drop the labels but what are we going to tell Kevin? Nina? Liam and your Dad?” tanong ni Pat.


“We'll tell them when we are both ready.” sagot ni Kyle sabay halik sa labi ni Pat, wala ng nagawa pa si Pat kundi ang tumango habang hinahalikan siya ni Kyle, iniisip na may punto si Kyle pero hindi parin nito inalis kay Pat na isipin na nagsisimula pa lang sila at marami pa silang pagdadaanan dalawa.



Itutuloy...


[13]
Naranasan mo na ba yung meron kang isang bagay na gustong-gusto mong ipagmalaki kaso hindi mo magawa dahil may isang tao ka pang kahati sa bagay na iyon at hindi mo alam kung nais niya rin iyong ipagmalaki? Ito ang nararamdaman ni Pat pero hindi niya ito hinahayaang sirain kung ano mang magandang relasyon meron sila ni Kyle. Isang buwan na matapos ang gabing nagkaaminan silang dalawa ni Kyle at nasa 'honeymoon stage' parin sila. Lahat tama. Lahat sweet. Lahat perpekto at pareho nilang hinihiling na manatiling asa ganong estado ang kanilang relasyon.



Wala paring nakakaalam ng tungkol sa kanilang relasyon at ayos lang para sa kanila ito. Napagusapan nilang ipapaalam nila ito sa oras na handa na sila. At kung pagtatago ng sikreto ang tatanungin ay si Kyle na at Pat ang pinaka-magaling dito.


“What the bloody hell got into you?! You're smiling like a lunatic out to kill.” tanong ni Louie habang nagjo-jogging sila ni Pat isang umaga.


“What? I'm just happy because things are starting to look up---” simula ni Pat pero ang totoo ay hindi lang dahil sa nakakabawi na siya mula sa mga nangyari sa kaniya noon kundi dahil masaya na siya talaga ngayon dahil sa tagong relasyon nila ni Kyle.


“Yeah.” matipid na sagot ng ama niya na nagsasabing hindi kinakagat ng kaniyang ama ang palusot niyang sinabi pero hindi na niya hinayaan pang tumagal at lumaki ang usapan na iyon.


“Sooo, where here.” singit ni Pat nang mapatapat na sila sa kanilang bahay, kahit papano kasi ay tila wala sa sarili si Louie dahil hindi parin ito tumigil sa pagku-cool down.


“Oh yeah.” matipid ulit na sabi ni Louie, alam ni Pat na kating kati na ang kaniyang ama na alamin ang dahilan ng kaniyang pagiging masaya nitong nakaraang buwan at alam niya narin na may hinala na ang kaniyang ama pero hindi niya lang alam kung pano ito sasabihin kay Pat, simula kasi nung ipinagtulakan ni Kyle si Pat noong unang pagkakataon na may nangyari sa mga ito ay tila hindi na napatawad pa ni Louie si Kyle kahit pa sinasabi na ni Pat na ayos na ang lahat.


“Tata Louie! Patwick!” sigaw ni Liam sa may pinto ng bahay nila Pat, kasama nito ang ama na masuyong nakikipag kuwentuhan kay Lita, may hawak itong plato na puno ng waffles. Natunaw na ang pagkabahala sa mukha ni Louie nang makita ang bata na masayang nagpapakarga sa kaniya at may ngiting pagkalaki-laki na nakaplaster sa mukha nito.


“We cooked daffles!” nagmamalaking sigaw ng bata na ikinahagikgik ni Louie habang buhat-buhat ito papunta sa front door.


“It's waffles, buddy.” pagtatama ni Pat, pumaling naman sa kaliwa ang ulo ni Liam at denepensahan ang sarili.


“Oo nga. Daffles!” sigaw ulit ng bata na ikinahagikgik na lang ng lahat.


“Liam, do you want me to cook some hotdogs to go with your waffles?” tanong ni Lita na lalong ikinalaki ng ngiti sa mukha ni Liam.


“Yes please!”

0000ooo0000


“Liam, why don't you take the seat next to Pat?” utos ni Louie sa bata nang makita nitong tatabi nanaman si Kyle sa kaniyang anak. Hindi niya parin alam ang nangyayari pero tila ba may natutunugan na siya at sa naisip din na ito ay tila lalong nakakapagpagulo sa kaniya.


“Why?” tanong ni Liam sabay paling sa kaliwa ng ulo tanda ng pagtataka, katulad ng bata ay nagtataka rin si Lita na nakakunot ang noo, si Kyle ay nakapaling din sa kaliwa ang ulo habang hindi parin alam kung saan uupo at si Pat naman ay masuyong nakatingin kay Louie at lahat sila ay naghihintay din na malinawan.


“Well uhmmm---” hindi matapos na sasabihin ni Louie, naramdaman ni Lita na hindi na kumportable ang kaniyang kabiyak kaya naman agad na siyang sumingit upang maisalba ito sa napipintong kahihiyan.


“I think what your Tata Louie would like to happen is for you to switch places with your Dad so he can talk with him about the proposed fence line---? Right, Louie?” pagpapalusot ni Lita para sa kaniyang asawa, tumango na lang si Louie.


“But I want to sit next to you, Nana Lita. The hotdogs are closer there.” pagpupumilit ni Liam na lihim na ikinagalak ni Kyle, alam niya kasing hindi naman talaga gusto ni Louie na makatabi siya para pagusapan ang perimeter fence sa pagitan ng kanilang mga lupa kundi dahil hindi parin ito kumportable sa pagiging malapit nilang magkaibigan ulit ni Pat.


“Then you can sit beside me.” nakangiting pag-payag ni Lita sa gusto ng bata.


“Aww! Lita you're spoiling him. I can sit next to you and Louie---”


“No!” medyo may malakas na pagkakasabi ni Louie na ikinatahimik ng lahat. “If the kid wants to sit next to my wife then it's OK. The perimeter fence can wait.” medyo mahinahon nang pagtatapos ni Louie. Muling pumaling sa kaliwa ang ulo nila Liam at Kyle, si Pat naman ay tumingin sa kaniyang ina para alamin ang dahilan ng kakaibang asal ng kaniyang ama pero binigyan lang din siya nito ng nagtatanong na tingin.

Nagaalangan na umupo si Kyle sa tabi ni Pat at si Liam naman sa tabi ni Lita habang nakapaling parin sa kaliwa ang ulo at nakatingin kay Louie. Si Louie naman ay nakayuko at tila ba sinasaulo muna ang itsura ng kaniyang agahan bago ito kainin. Masuyo parin na nakatingin si Pat sa ama kaya't hindi nito napansin ang pag-hawak ng kamay ni Kyle sa kaniyang kamay sa ilalim ng lamesa, ibinaling ni Pat ang kaniyang tingin kay Kyle at ang huli naman ay tila ba walang nangyayari at kaswal lang na inabot ang baso gamit ang libreng kamay saka uminom. Agad na namula ang mga pisngi ni Pat, ngumiti na parang dalaginding at tinignan ang mga pagkain na nakaahin sa kaniyang harapan. Sa sobrang abala ni Kyle at Pat sa paghahawakan ng kanilang mga kamay at sa pag-arte na parang walang nangyayari ay hindi nila napansin ang mapagmatyag na tingin ni Lita.


Matapos mamula ng dalawa at magngitian ay nagsimula na ang mga ito kumain, doon napansin ni Lita kung ano ang nangyayari sa ilalim ng lamesa dahil sabay na nagtaas ng kamay si Kyle at Pat atsaka muling nagngitian. Hindi na kailangan maging henyo ni Lita para maisip niya na magkahawak ang mga kamay nito kani-kanina lang sa ilalim ng lamesa.


Ngayon, alam na ni Lita kung ano ang marahil na bumabagabag sa kaniyang asawa. Simula noong ipagtabuyan ni Kyle na parang may nakakahawang sakit ang kanilang anak na si Pat ay nawala na ang kakapiranggot na pakikipagkapwa tao ni Louie kay Kyle at ngayong malapit ulit ang dalawa na parang mas higit pa sa magkaibigan ang turingan ay muling nababahala si Louie. Gusto rin sanang mabahala ni Lita pero alam niya ang tinginan na ibinabato ng dalawa sa isa't isa. Tingin iyon ng purong pagmamahal ng dalawa sa isa't isa at walang balak si Lita na putulin ang pagmamahalan na iyon kaya naman naisipan niyang huwag nang sabihin pa kay Louie kung ano man ang kaniyang naobserbahan kani-kanina lang.


Tahimik na tinapos ng lahat ang kani-kanilang agahan.



0000ooo0000



Abala si Kyle at Pat sa paghahalikan. Pagkatapos ng agahan ay napagpasyahan na ng dalawa na kila Kyle na muna sila tumambay para sa weekend na iyon dahil mukhang hindi pa huhupa ang mapangit na mood ni Louie. Sinimulan nilang mag-usap matapos masiguro na nasa labas si Liam at abala sa pag-guhit, nagpalitan ng haka-haka tungkol sa maaaring dahilan ng pagka-bad trip ni louie pero nauwi lang iyon sa pagtititigan ng dalawa, pag-isod para makatabi ang isa't isa at ang pagsasalubong ng kanilang mga labi.



Puno ng emosyon. Hindi pa man nila nasasabi sa isa't isa na maaaring mahal na nila ang isa't isa ay wala naman silang tinag sa pagpapakita ng kanilang tunay na nararamdaman sa tuwing magsasalubong ang kanilang mga labi at sa tuwing magdadampi ang kanilang mga katawan. Asa ganitong tagpo ang dalawa nang marinig nilang biglang bumukas ang front door. Agad-agad nilang inayos ang kanilang mga sarili.


“Shit!” mura ni Kyle nang maistorbo ang kanilang paghahalikan at nang makita ang malaking aso na si Joey na nagmamadaling pumunta sa kanila at pinagdidilaan ang kanilang mga mukha. Maya-maya pa ay sumulpot na si Nina, Kevin at Drei na kakikilala lang ni Kyle may ilang linggo na ang nakakaraan nang humingi siya ng tawad kay Kevin para sa kaniyang mga masasakit na salitang nasabi.


“What happened to your lips?!” bati ni Nina sa dalawa nang mapansing namumula pareho ang labi ng dalawa. Nakaputi pa ito, tanda na kagagaling lang ng ospital at nagpasundo sa kaniyang kapatid. Agad na namula si Pat at si Kyle naman ay nag-isip ng ilulusot sa bati na iyon ni Nina.


“Well, Joey here kissed us like shit! You should find him a lady dog friend.” nakangiting sabi ni Kyle, ipinapanalangin na sana ay kagatin ni Nina ang kaniyang inimbentong dahilan.


“Nah, Joey's gay.” bati naman ni Kevin sabay suntok sa braso ni Pat bilang pagbati habang si Drei naman ay saglit na kumunot ang noo at tumingin sa magkaternong labi ni Pat at Kyle at nag-kibit balikat pagkatapos ay humagikgik dahil sa biro ni Kevin atsaka sinuntok din ang braso ni Pat bilang pag-bati dito.


“How'd you know?” tanong ni Kyle sabay paling ng ulo sa kaliwa na ikinatawa ng lahat.


“I'm just joking---” balik ni Kevin pagkabawing pagkabawi sa malakas na pag-tawa. “---Where's my uber cute nephew? LIAM!!!” sigaw ni Kevin na ikinarindi nig lahat.


“UNC KEVIN!!!!!” sigaw naman ni Liam sa hindi kalayuan.


“Geesh! Minsan talaga iniisip ko na hindi parin tayo nalalayo sa mga cave men.” umiiling na pahayag ni Nina sabay kamot sa kaniyang tenga.


“Why are you guys here, by the way?” tanong ni Kyle sabay ayos ng kaniyang damit na ginulo ni Joey. Sa tanong na ito ay agad namang bumaheng si Nina tanda na nagsisimula na ang allergies nito. Agad itong tumakbo papunta sa kaniyang kwarto, marahil ay para kumuwa ng gamot.


“It's poker weekend! Nakalimutan mo na?” balik ni Drei habang si Liam naman ay tumatalbog na nagpakita sa mga bagong dating. Niyakap muna nito si Kevin pagkatapos ay si Drei atsaka si Joey. Inginudngod nito ang kaniyang mukha sa dibdib ng aso na mukhang gustong-gusto naman ang atensyon.


“AND TO PLAN LIAM'S BIRTHDAY PARTY!” sigaw ni Nina mula sa kuwarto nito sabay baheng.


“Kung cave men kami, ikaw naman ang reyna namin.” pahayag ni Kevin matapos ang pasigaw na sagot ni Nina.


“I HEARD THAT!” sigaw ulit ni Nina na nakapagpahagikgik sa lahat.


0000ooo0000


“I want big balloons, fifty thousand of 'em!” sigaw ni Liam sabay hindi mapakali sa kinauupuan nito sa may dining room habang nagpapalano ang mga matatanda ng birthday party nito.


“Fifty thousand?” humahagikgik na paglilinaw ni Kyle sa kaniyang anak.


“Yes! And I want my guests to have 20 hotdogs each to eat and I will have fifty thousand hotdogs because it's my birthday!” mungkahi ulit ng bata na ikinahagikgik ng lahat.


“Tell you what, Liam, what if we order 5 balloons for every guest invited, since it's your fifth birthday, then all the food be served with hotdogs? We wouldn't want your guests poking each others eyeball with all those hotdog sticks right?” mungkahi ni Pat dahil mukhang seryoso ang bata sa hinihiling nito. Saglit siyang tinignan ni Liam na nakapaling ang ulo sa kaliwa.


“OK, Patwick.” simpleng sagot ng bata sabay muling tumalbog talbog ang puwet sa susunod na paguusapan tungkol sa handaang magaganap. Masuyong tinignan ni Kyle si Pat dahil sa paghanga sa kaswal na pagtrato nito sa kaniyang anak, kung paano nito kuntrolin ang mga kakaibang gusto ng bata at palabasin na tila ba pareho lang sila ng bata ng iminumungkahi. Kung siya lang kasi o kaya si Nina ang nandoon ay malamang nagiiiyak na ngayon si Liam dahil sa paghindi nila sa mga kagustuhan nito.


Hindi na mapigilan ni Kyle ang kaniyang naguumapaw na paghanga kay Pat kaya't pasimple nitong inabot ang hita ni Pat sa ilalim ng lamesa at pinisil ito bilang pagpapakita na humahanga siya kung pano nito kuntrolin ang mga bagay na malamang ay ikinabaliw na nila ni Nina. Namumulang pisngi na napangiti si Pat nang maramdaman niya ang pagpisil ni Kyle sa kaniyang hita, pasimple niyang ibinababa ang kaniyang kamay at pinisil din ang kamay ni Kyle. Napangiti rin si Kyle at namula ang pisngi habang kunwaring abala sa panunood sa nagdedebateng si Kevin at Nina tungkol sa pagrenta sa isang clown para sa entertainment ng mga batang bisita.


Kahit gaano namang kasimple ng mga kilos na iyon ni Kyle at Pat ay hindi ito nakaligtas kay Drei. Napansin nito ang ternong pamumula ng mga labi ni Pat at Kyle nang dumating sila kanikanina lang, ngayon naman ang ternong pamumula ng mga pisngi ng mga ito at ang mga sulyap na alternate na ibinibigay ng dalawa sa isa't isa at ang mga ngiti na tanging dalawang taong nagiibigan lang ang tanging nagpapakawala.


Matibay man ang kaniyang mga ebidensya sa kaniyang mga haka-haka ay pinigilan niya parin ang sarili na ipa-pansin ito kay Kevin at Nina dahil sa katotohanang maaaring mali din siya.


0000ooo0000


“Sa tingin mo may namamagitan na sa dalawang iyon?” tanong ni Drei sabay nguso sa gawi ni Pat at Kyle na nakikipagharutan kay Joey at Liam sa may damuhan sa bakuran kung saan kitang-kita sila sa bintanang asa harapan nila Drei at Kevin habang magkatabi na naghuhugas ng pinagkainan nila nung tanghalian. Saglit na natigilan si Kevin at tumingin kay Drei, tinitignan kung seryoso ba ito at saka ngumiti nang mapansing seryoso nga ito.


“Why, Mr. Adreian Chua, malisyoso ka na ngayon?” nakangising tanong ni Kevin sa kaniyang nobyo.


“Hindi ah! May mga napansin lang kasi ako---”


“Gaya ng?” singit naman ni Kevin.


At inisa-isa ni Drei ang kaniyang mga na-obserbahan kila Pat at Kyle. Bawat isang obserbasyon na nilalahad ni Drei ay siya namang laki ng mga mata ni Kevin, hindi dahil sa hindi siya naniniwala, kundi dahil napansin niya rin ito pero pinili niyang ikibit balikat na lang ito at sinabi sa sarili na imposibleng mangyari ito, pero ngayong dalawa na silang nakapansin ay muling inisip ni Kevin kung imposible nga bang ang kaniyang bayaw na may bahid ng pagiging homophobe at kilala niyang straight ay may nararamdaman din kay Pat na maski hindi niya tanungin ay alam niyang may nararamdaman para sa kaniyang bayaw.


0000ooo0000


“Hey. Relax.” saway ni Kyle kay Pat nang makita ito na abala sa pagaasikaso ng pagkain at mga bagay-bagay sa kusina habang ang lahat ay nagkakasayahan sa bakuran.


“I just want everything to be perfect for Liam.” nakangiting sagot ni Pat habang abala parin sa paghahanda ng mga makakain at maiinom ng mga bata na abala namang nanonood sa clown.


“Everything is perfect already, Pat.” balik ni Kyle sabay yakap kay Pat mula sa likod at hinalikan ang batok nito.


“No. Not Yet---” simula ni Pat sabay harap kay Kyle at iniyakap ang sarili kay Kyle atsaka inabot ang mga labi nito gamit ang sariling labi. “---Now everything is perfect.” pagtatapos ni Pat nang maghiwalay ang kanilang mga labi.


“I Love You.” wala sa sariling bulalas ni Kyle na ikinagulat nila pareho ni Pat.


Humiwalay si Pat sa kanilang pagyayakapan na iyon ni Kyle at tinignan ito ng daretso sa mga mata. Wala siyang ibang nakita doon kundi siseridad. Napamaang si Pat, hindi niya alam kung asa parehong lebel na ba ang nararamdaman nila ni Kyle. Oo, malalim na at malakas na na atraksyon ang nararamdaman niya kay Kyle pero masasabi na nga bang pagmamahal na iyon?


“I-I--” simula ni Pat pero agad naputol iyon nang biglang umalingawngaw ang tunog ng doorbell. Nginitian ni Kyle si Pat at tumalikod na upang pagbuksan ang kung sino man ang nasa pinto.


Hindi na itinuloy pa ni Pat ang kanyang ginagawa. Huminga siya ng malalim at paulit ulit na tinanong kung mahal na rin nga ba niya si Kyle at kung handa na siya na ibigay ulit ang kaniyang puso.


“What am I talking about?! Of course I love him too!” singhal ni Pat sa sarili, hindi makapaniwalang tinanong niya pa ang sarili tungkol sa kaniyang nararamdaman kay Kyle. Hindi na nagdalawang isip pa si Pat na sundan si Kyle para tignan kung sino ang nasa pinto.


“Daddy! Daddy! Mewon bagong bisita?!” sigaw ni Liam na masayang pumasok muli sa bahay para katulad ni Pat ay tignan din kung sino ang nag-doorbell.


“Hi Liam! Happy birthday!” bati ng batang babae na may kasamang nanay na kausap naman ni Kyle sa may pinto. Kilala ni Pat ang batang iyon pati narin ang ina nito, ang ina nito ay isa sa mga kalaro ni Pat nung siya'y bata pa at nakatira kasama si Lita at Louie sa village na iyon na kinabibilangan na ngayon nila Kyle at Liam, ang batang babae ay si Pauline na tila ba kinaiinisan ng batang si Liam.


“What are you doing he---?!” simulang singhal ni Liam sa batang babae, nakita ni Pat na minasama ni Pauline ang simulang pagbati na iyon ni Liam sa kaniya kaya't agad itong nag-pout na nagtulak naman kay Pat na pigilan ang pagtatapos ng sasabihin ni Liam para narin hindi tuluyang umiyak si Pauline sa pamamagitan ng pagbusal ng bibig nito gamit ang sariling kamay.


“Look, Liam, Pauline brought a gift! Anong sasabihin kapag may nagbigay sayo ng gift?” singit ni Pat sabay pakawala ng pagkakabusal ng kaniyang kamay kay Liam na ikinangiti naman ng batang babae.


“Thank you.” walang emosyon na sabi ni Liam sabay pakawala kay Pat ng isang masamang tingin na idinaan na lang sa ngiti ni Pat.


“There you go. Liam, bakit hindi mo samahan si Pauline sa mga pagkain? I'm sure she'll like those hotdog barbeque your tito Drei cooked.” nakangiting mungkahi ni Pat na ikinairap lang ng bata. Marahas nitong hinila si Pauline na hindi naman alintana ang halos pagkaladkad sa kaniya ni Liam dahil abala ito sa pagtingin sa kamay ni Liam na nakahawak sa kaniyang braso. Napangisi na lang si Pat atsaka humarap kay Kyle at Mona na naguusap parin sa may gawi ng pinto O mas magandang sabihin na kinakausap ni Kyle pero malanding kinakausap ni Mona pabalik. Lihim na umirap si Pat at kinuwa ang atensyon ni Kyle at pasimpleng pinagtulakan si Mona papunta sa bakuran upang makisali sa handaan.

Nang masigurong nakalayo na si Mona at hindi na ito babalik para muling landiin si Kyle ay pasimple ulit na nagbuntong hininga si Pat. Pumaling sa kaliwa ang ulo ni Kyle nang marinig ang pag-buntong hininga na iyon ni Pat at nang ma-realize kung ano ang nagtulak kay Pat na magbuntong hininga ay simpleng ngumisi si Kyle na ikinairap naman ni Pat.


“Haha! You're jealous, aren't yah?” nakangisi paring sabi ni Kyle. Nang hindi sumagot si Pat ay muli ng tumalikod si Kyle para bumalik sa bakuran at maki party. May gustong sabihin si Pat kay Kyle kaya niya ito sinundan nang marinig ang doorbell kanina at nang makita niya na nagsisimula ng maglakad palayo si Kyle at maisip na mawawalan siya ng pagkakataon na sabihin ang gusto niyang sabihin dito ay agad siyang nakaramdam ng panic kaya wala na lang niya sa sariling nasabi ang dapat sanay taimtim niyang sasabihin dito.


“I love you too.” bulong ni Pat na ikinatigil sa palalakad ni Kyle. Agad itong humarap kay Pat at tinignan ng daretso sa mga mata, nang makita na walang pagaalinlangan sa mga mata nito ay lihim na natuwa si Kyle. Nakaramdam kasi siya ng takot kanina nang wala sa sarili niyang naibulalas ang kaniyang nararamdaman dito nung asa kusina pa sila at lalong natakot si Kyle nang makitang mukhang hindi alam ni Pat ang isasagot nito sa sinabi niya, akala niya kasi ay hindi sila pareho ng nararamdaman kaya't nakahinga siya ng maluwag nang bigla ding naibulalas ni Pat ang sagot sa sinabi niya kanina. Naisipan ni Kyle na gumanti kay Pat sa naramdaman niya kanina nung hindi ito agad sumagot nung asa kusina pa sila kaya naman ang sagot niya dito ngayon ay...


“Yeah?” nangingising tanong ni Kyle kay Pat, agad na namula ang pisngi ni Pat at yumuko sabay tango bilang sagot.


“I Love You too, Kyle.” ulit ni Pat na lalong lihim na ikinatuwa ni Kyle.


“OK.” parang si Liam na sagot ni Kyle sabay talikod ulit, nung hindi na nakikita ni Pat ang kaniyang mukha ay ngumiting nakakaloko si Kyle bilang tanda na binibiro niya lamang si Pat.


“What?! That's all you're going to say?!” naeskandalong tanong ni Pat na ikinahagikgik naman Kyle. Hindi nakaligtas kay Pat ang paghagikgik na iyon ni Kyle kaya naman na-realize niya agad na niloloko lamang siya nito.


“Oh you are sooo paying for that!” humahagikgik narin na sabi ni Pat sa namumulang pisngi na si Kyle.



Itutuloy...


[14]
Nagsisimula nang mapuno ng iba't ibang kulay na bumbilya ang mga bahay sa village na iyon na kinatitirikan ng bahay nila Kyle at Pat, bilang tanda ng kapaskuhan. Meron mang nakakapansin ng relasyon ni Pat at Kyle ay wala namang kumukumpronta sa kanila patungkol dito. Dalawang linggo matapos ang birthday ni Liam ay tahimik lang na pinagmamasdan nila Lita, Drei at Kevin ang kilos ng dalawa. Bawat araw ng pagmamasid ay dumadagdag tibay sa kanilang hakahaka patungkol sa lihim relasyon ng dalawa.


“Unc Kevin, Tito Drei, what are you guys staring at?!” bulaga ng bata sa mag-nobyo na abala na nanonood kila Pat at Kyle na isang pulgada lang ang layo sa isa't isa na naka-upo sa damuhan at taimtim na pinapanood ang mga bituin at buwan nung gabi bago ang araw ng pasko.


Halos mapatalon ang dalawa dahil sa gulat at nang harapin nila ang bata ay laking pasasalamat nila na masyado pa itong maliit upang makita kung ano man ang kanilang pinapanood sa labas ng bintana. Nakapaling sa kaliwa ang ulo ni Liam habang hinihimas ang tenga ni Joey na malapit ng makatulog sa paghimas na iyon ni Liam.



“Yeah, what are you guys staring at?” tanong ni Nina sabay baheng at pahid sa luha dahil sa allergies sa malaking aso na si Joey sabay tingin sa labas ng bintana kung saan doon nakatingin kanina ang mag-nobyo. Dahil sa hindi naman sigurado si Drei at Kevin ay hindi nila pinalaki pa ang issue tungkol sa kanilang haka-haka sa totoong relasyon nila Pat ay Kyle at wala silang nabanggit kay Nina tungkol dito.


Nang hindi palampasin ni Kevin at Drei si Nina upang makasilip din sa bintana ay lalo itong nagpumilit na makasilip na ikinahagikgik naman ni Liam dahil sa nakakatawang tagpo sa kaniyang harapan.



“Hey what are you guys playing? Can we join?” tanong ni Pat at Kyle na ikinabugha naman ng hangin ni Kevin at Drei, masaya na walang nakita si Nina sa labas ng bintana.


“Nah! We're just yanking Nina's chain.” palusot ni Kevin at pagsangayon na tango naman ni Drei. Nang iwan na ng lahat si Nina upang manood ng CSI ay hindi mapigilan ni Nina ang mapa-isip.


0000ooo0000


“PATWICK?! It's Christmas!!!” sigaw ni Liam sabay tumalon-talon sa kamang tinutulugan ni Pat. Agad na nagbukas ng mga mata si Pat at tinignan ang bata.


“Huh?” naguguluhang bulalas ni Pat. Pagkakaalala niya kasi ay sa sariling kwarto siya natulog kaya naman ang pag-gising sa kaniya ni Liam na iyon ay talaga naman nagpa-confuse sa umaga niya, isama pa ang pagtalong-talon ng bata sa kaniyang kama.


“Ughhh!” sigaw ni Pat nang mahilo na siya sa pagtalbog-talbog ng bata sa kaniyang kama.


“Merry Christmas too, Patwick!” humahagikgik na sabi ng bata sabay halik sa pisngi ni Pat at inabutan ng isang regalo. Tinignan ni Pat ang may kalakihang kahon at napangiti, magpapasalamat na sana siya nang biglang tumakbo ang bata palabas ng kaniyang kwarto na nagsisisigaw at kumakanta ng 'Merry Christmas' nakangiting ibinaon ulit ni Pat ang kaniyang mukha sa unan at nagisip na muling matutulog.


“PATWICKKKKKK!” sigaw nanaman ni Liam mula sa unang palapag ng bahay.


“Arggghhh!” naiiritang sabi ni Pat sa sarili habang pinipilit ang sarili na bumangon ng kama walang ibang iniisip kundi ang unang pahayag dati ni Nina na 'cave men'.


0000ooo0000


Tahimik na nakatayo si Louie at Kyle sa may sala. Walang imikan maliban sa pagsasabi ng 'Merry Christmas'. Ang totoo niyan hindi na umasa pa si Kyle na magiging maayos pa ang pakikitungo sa kaniya ni Louie pero hindi parin niya mapigilan isipin kung pano kapag nalaman pa nito ang tungol sa relasyon nila ni Pat. Nasa ganito siyang pagiisip nang muling magsalita si Louie.


“I know it's Christmas and all but I don't like you. I don't know why Pat still wanted you as a friend but you don't fool me. Hurt him again and I'll castrate you! Do you hear me?” puno ng pananakot na boses ni Louie na ikinakaba naman ni Kyle.


Naabutan ni Pat ang kaniyang ama at boyfriend na masuyong naguusap sa may sala. Seryoso ang pinaguusapan ng mga ito pero kahit na ganun ay hindi mapigilan ni Pat ang matuwa dahil at least ay naguusap na ang mga ito at para sa kaniya ay simula na iyon ng posibleng panunumbalik ng naudlot na pagkakaibigan ng mga ito. Ibinaling ni Pat ang kaniyang tingin kay Kyle, hindi niya maiwasang lalong humanga dito, alam niyang andun ito para makita siya, titiisin ang kaniyang ama na mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa kaniya. Nang maramdaman ni Kyle na para bang may nakatitig sa kaniya ay agad niyang sinipat ang gawi ng hagdan at nakita niya doon ang pababang ng hagdan na si Pat.



Nang mapansin ni Louie na wala na sa kaniya ang pansin ni Kyle ay sinundan niya ang tingin nito. Nakita niya kung pano lumiwanag ang mukha ni Kyle nang tumama ang tingin nito sa kaniyang anak na si Pat at hindi rin nakaligtas sa kaniya ang palitan ng mga ngiti ng dalawa, ngiti iyon ng dalawang taong nagmamahalan, ang ngiting iyon ang lalong nakapagpatibay ng kaniyang haka-haka, gusto na niyang tapusin ang mga haka-hakang iyon kaya naman napagpasyahan niyang kausapin na ang anak.


“Pat, son, can I talk to you?” bati ni Louie sa anak nang maka-apak na ito sa unang palapag ng kanilang bahay.


“Merry Christmas too, Dad.” sarkastikong balik ni Pat sabay yakap sa ama na muntik nang ikahagikgik ni Kyle.


“Yeah, uhmm can I talk to you ALONE?” tanong naman ni Louie sabay tingin kay Kyle.


“PATWICKKKK! You're awake! Where's my gift?” tanong naman ni Liam kasunod si Lita galing ng kusina. Nakapaling sa kaliwa ang ulo nito at naka extend ang kaliwang kamay bilang tanda na nage-expect ito ng regalo.


“Dad, We'll talk later, Yeah? I'll just give Liam's gift.” nagmamadaling sabi ni Pat sa ama, inabot ang may kalakihang kahon na regalo sa kaniya ni Liam kay Kyle atsaka tumalikod at tumungo sa Christmas tree.


“But---” simula ni Louie pero huli na siya para makuwa pa ag atensyon ng anak dahil nakita na niya itong humalik sa ina at nagsabi ng 'Merry Christmas' Tahimik naman na sumunod si Kyle kay Pat at Liam upang makatakas nadin kay Louie at sa mga pagbabanta nito.


Nang maiabot ni Pat ang regalo kay Liam Ay iminungkahi ni Kyle na sa bahay na nila buksan ang regalo ng isa't isa, isinama rin niya ang mga magulang ni Pat sa paanyaya na iyon, nung una ay tumanggi ang dalawa pero dahil narin sa pangungulit ni Liam at sa kagustuhan ni Louie na makausap ang anak patungkol sa kaniyang mga obserbasyon at haka-haka at ang pagbawalan ito kung mangyaring may relasyon na nga ang dalawa maliban sa pagiging magkaibigan.


“OK. OK. I'll just have the food be foiled and brought to your house.” pagtanggap ni Lita sa paanyaya ni Kyle na ikinatuwa ng lahat maliban kay Louie na nagsisimula ng isipin ang kaniyang mga sasabihin sa anak.


0000ooo0000


“Lolo?! Dad?!” sigaw ni Kyle sabay yakap sa dalawang matandang lalaki na bumati sa kanila pagkabukas na pagkabukas ng front door nila Kyle.


““Merry Christmas!”” sabay na bati ng dalawang matanda nang marinig ito ni Liam ay agad itong nagtatatalon.


“Granddad! Granddad-dad!” sigaw ng bata na ikinatawa ng malakas ng dalawang matanda lalo na ang mas matanda sa dalawa.


“Granddad-dad parin ang tawag mo sakin, squirt?” baling ng mas matanda sa dalawa kay Liam sabay yakap dito.


“I didn't know you'll be having guest. Baka nakakaistorbo kami.” bulalas ng mas bata sa dalawang lalaki, tila naman sinampal si Kyle nang maalala na asa likod nga pala niya si Pat at hindi pa ipinapakilala sa kaniyang ama at lolo, mabuti na lamang at si Pat pa lang ang andun at naiwan pa si Louie at Lita upang ayusin ang mga pagkain na dadalihin kila Kyle.


“Oh uhmm yeah! Dad, Lo, I would like you to meet Pat, our neighbor.”


Matapos ipakilala ni Kyle si Pat sa dalawang matandang lalaki ay walang pakundangan siyang kinilatis ng mga ito.


0000ooo0000


“Lolo is a war veteran and Dad is a U.S. Army reserve.” pagmamayabang ni Kyle sa kaniyang ama at Lolo kay Louie at Lita na masuyo namang kinamayan ang dalawa habang si Pat naman ay tahimik lang na nakatayo sa isang tabi, may ngiting nakaplaster sa mukha kahit pa plastik na ngiti iyon, napipilitan siyang ngumiti dahil sa madalas na pagsulyap sa kaniya ng ama ni Kyle.


Napansin ni Pat na asa kaniya muli ang tingin ni Richard, ama ni Kyle nang matapos ang maikling kuwentuhan nila ni Lita at Louie at nang tumuloy na ang mga ito kay Richmond na lolo naman ni Kyle upang magpakilala at makipagkuwentuhan. Saglit niyang isinalubong ang tingin ni Richard at kinakabahang ngumiti dito na ikinakunot naman ng noo ng matanda. Laking pasalamat ni Pat nang tumunog ang doorbell, paraan niya kasi ito para makatakas sa mapagmatyag at makapangilatis na mga mata ni Richard.



“I'll get it!” medyo excited na sabi ni Pat. Excited na makaiwas sa tingin ni Richard.


0000ooo0000


“THANK GOD!” may pagka-exxagerated na na sabi ni Pat sabay yakap kay Kevin, Drei at Nina na ikinagulat at ikinataka ng tatlo at ikinatahol naman ng malakas ni Joey.


““Merry Christmas to you too!”” sabay sabay na sabi ng tatlo. Nang mapansin ni Drei na may bumabagabag kay Pat ay agad niya itong tinanong, walang preno namang nagkuwento si Pat tungkol sa mga nangyayari sa loob ng bahay. Nagkatinginan si Nina at Kevin na ikinakaba ni Pat kaya't tumingin ito kay Drei upang magtanong bero nagkibit balikat ito, bilang sabi na wala siyang alam.


“Relax, Pat. Nina and I only met them once and that was Karen and Kyle's wedding. They seem nice. They're based abroad, when Kyle's parents got divorced, his mom got hold of his custody and brought him here in the Philippines.” kibit balikat na sabi ni Kevin na para bang nagsasabi na hindi naman 'big deal' ang pinagdadaanan ni Pat sa puntong iyon sabay pasok sa loob ng bahay kasunod sina Drei, Nina at Joey.


0000ooo0000


Patuloy parin sa pagsulyap si Richard kay Pat na tila ba may gusto itong malaman sa pamamagitan ng pag-titig sa mukha nito kaya naman nagkunwari na lang siyang abala sa pag-aasikaso ng kanilang pag-kain makaligtas lang sa mga tingin na iyon ni Richard.


“Hey, Pat, what are you doing in here?” nagaalalang tanong ni Louie sa anak habang ang lahat ay masayang nagkukuwentuhan sa labas kasama na ang mag-amang si Richard at Kyle.


“Oh uhmmm I was fixing the food, Dad. What are you doing here, Dad?” sagot ni Pat sabay naniningkit ding naghabol ng tanong.


“Oh I was actually looking for you because I want to talk to you about---”


“Louie, dear, are you here?” tanong ni Lita sabay lingon lingon pagkapasok ng kusina nang matamaan ng mga mata niya ang mag-ama ay agad itong ngumiti.


“Richmond says he knows someone form Little Whinging---” simula ni Lita sabay hila sa mister, tuluyan ng nakalimutan na andun si Pat. Hindi naman ito minasama ni Pat, sa katunayan ay ikinatuwa niya pa ito, pakiramdam niya kasi ay hindi maganda ang paguusapan nila ng ama kaya naman laking pasalamat niya ng sumingit ang kaniyang ina.



Muling inilibot ni Pat ang kaniyang tingin sa buong kusina, naghanap ng mga bagay na maaari niyang pagkaabalahan pero nang wala na siyang makita pang pwedeng ayusin o guluhin tapos ayusin ulit ay napilitan na siyang muling lumabas, iniisip na hindi puwedeng hindi siya magpakita ng matagal kundi iisipin ng iba pang tao na nandun sa pagtitipon na iyon na hindi siya interesado na makausap ang mga ito.


Pagkalabas na pagkalabas ni Pat sa pinto ng kusina at madaanan ang den ay hindi niya napigilan ang sarili na makinig sa paguusap nila Kyle at ng ama nito na si Richard lalo pa't narinig niya ang kaniyang pangalan na nabanggit ni Richard.


“So this Patrick dude---? He's a friend huh?” may lamang tanong ni Richard kay Kyle na siyang dahilan upang mapatigil sa paglalakad si Pat at pasimpleng makinig.


“Yeah, he helped me for two months when both my hands are on splints and when manang bailed out.” kaswal na sagot ni Kyle, hindi pinapahalata sa kaniyang ama na may mas malalim pang namamagitan sa kanilang dalawa ni Pat.


“OK. Like Kevin and Nina I believe Pat too is gay? And by the way he looks at you that he's infatuated with you?” sunod sunod na tanong ni Richard habang nakataas pa ang kilay sabay inom sa kaniyang iniinom na wine. Kinabahan naman si Kyle sa gustong mangyari ni Richard kaya muli niya itong pinaniwala sa pamamagitan ng pagsasabi ng...


“C'mon, Dad, what is this all about? He's a good friend and about this 'infatuated looks' that you say Pat's throwing at me can be at my advantage, Imagine, because of that infatuation I get a nanny for free. It's like having my own personal assistant.” kaswal na balik ni Kyle kay Richard, ipinapanalangin na kagatin nito ang kaniyang palusot na karaniwang sinasabi ng mga straight na lalake sa tuwing nanggagamit sila ng mga bading para tigilan na siya ng ama. Ang totoo niyan ay kapanipaniwala nga ang sinabi na iyon ni Kyle sa sobrang kapani-paniwala ay pati si Pat ay napaniwala nito.

Alam ni Pat na hindi pa handa si Kyle na ipaalam sa kaniyang ama ang tungkol sa kanila pero hindi parin niya maiwasanag masaktan sa sinabi nito. Pinilit niyang intindihin pero isang bahagi ng kaniyang utak ang nagsasabi na hindi imposible na totoo ang sinabi na iyon ni Kyle. Mababaw. Alam ni Pat na mababaw ang dahilan na iyon kung pipiliin niyang magalit at gawing issue iyon sa relasyon nilang dalawa ni Kyle.


Kaya't nagsimula ng iwasan at hindi kausapin ni Pat si Kyle habang nagtatanghalian upang kahit papano ay mabawasan ang kaniyang pagkairita at galit dito upang hindi na lumaki pa ang issue, hindi naman ito nakaligtas kay Kyle kaya nang bumalik si Pat para kumuwa ng gravy para sa pabo na inihanda ni Lita sa may kusina ay agad niya itong sinundan.


“Pat, is everything OK?” saad ni Kyle nang masiguro niya na hindi na siya maiiwasan ni Pat at masigurong walang nakakarinig at nakakakita sa kanilang paguusap.


“Oh uh, yeah. I'm fine.” iwas ulit ni Pat.


“Are you sure?” tanong muli ni Kyle, tumango na lang si Pat at dinala ang dalawang mangkok ng gravy.


“Here, let me help you with that.” alok ni Kyle, agad namang iniwas ni Pat ang kaniyang mga hawak na mangkok kay Kyle na ikinataka ng huli, hindi maiwasan na ilabas ang pagkairita sa huli.


“I can handle it. This is what we personal assistants do.” kaswal na sagot ni Pat na ikinagulat ni Kyle. Naglalakad na pabalik si Pat nang bigla itong pigilan ni Kyle.


“You heard that?” malungkot na tanong ni Kyle pero hindi na sumagot pa si Pat. “I just said that so that Dad would stop with the questions. I'm not ready to come out yet, Pat and I got scared that if I don't do anything and dad continues to ask question I might blurt the truth out and--- and you know I'm not ready for that yet. We're not ready for that yet.” paliwanag ni Kyle sabay hawak sa mga mangkok na hawak ni Pat at inilapag iyon sa counter, matapos non ay iniyakap niya ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Pat at hinila ito palapit sa kaniyang katawan. Halos isang pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha kay Pat nang bumulong siya dito.


“I love you. You know that, right?” tanong ni Kyle habang masuyong nakatingin kay Pat tumango na lang si Pat at bumulong din pasagot.


“I love you too.”


Wala sa sariling idinampi ng dalawa ang kanilang labi sa isa't isa. Sa punto ring iyon ay biglang bumukas ang pinto ng kusina na nagdulot para makita ng mga tao sa dining room ang paghahalikan ng dalawa. Napalala pa iyon nang sumigaw si Liam.


“PATWICK! WHERE'S THE GRAVY?!” na ikinagulat ni Pat at Kyle na agad na naghiwalay, pero huli na ang biglaan nilang aksyon na iyon dahil nakita na ng laht sa dining room ang kanilang paghahalikan.


“Uh Oh.”

0000ooo0000


Hindi mapakaling bumalik si Pat at Kyle sa kani-kanilang upuan. Tahimik ang buong lamesa, maski si Joey ay pumirmi. Pasimpleng nagbabatuhan si Nina, Drei at Kevin, Lita at Louie, Richard at Richmond ng malaman na tingin.


“Ahem. Uhmm Kyle is the guest room available? You're grandpa and I decided to say here instead to cut some expenses.” istorbo ni Richard sa nakakakilabot na katahimikan at pasimpleng pagbabato ng mga malalamang tingin pero bigo siya na makakuwa ng sagot mula sa bibig ni Kyle dahil tanging pagtango lang ang ginawa nito.


Nauwi ulit sa katahimikan ang buong hapag kainan.


“Well uhmm the pudding was delicious Nina but I'm afraid we still have to go to my Mom's house.” paalam ni Lita nang matapos na ang lahat sa pagkain at nang makaligpit na.


“It was nice meeting you, Richard. Richmond.” saad naman ni Louie sa dalawang matanda na magiliw namang tumungo at ngumiti.


“We need to get going also.” paalam naman ni Nina na sinabayan ng tango ni Kevin at Drei at tahol naman ni Joey.


“Alweady?! But we haven't opened the gifts yet.” naka-pout na singit ni Liam, wala nang pumansin pa sa bata dahil mukhang gustong gusto ng umalis ng lahat. Nakalabas na sila Drei, Kevin, Nina at Joey ganon din si Louie at Lita nang matigilan ang dalawa nang mapansing wala sa kanilang likod si Pat.


“Pat, aren't you going with us?” kunot noong tanong ni Louie sa anak, saglit na umiling si Pat at tumingin kay Kyle. Nakuwa naman ni Louie at Lita ang ibig sabihin ni Pat at marahan ang mga ito na tumango. Hindi na kailangan pang kausapin ni louie ang anak dahil nasagot na ng kaniyang nasaksihang halikan kanina ang sagot sa kaniyang mga haka-haka at tanong. Ibinaling ni Pat ang kaniyang tingin kila Nina, Kevin, Drei at Joey at ang tatlo ay may pareparehong kinakabahang tingin sa kanilang mga mata at masuyo ding tumango na tila ba nagsasabi ng 'googluck'.

Nang makaalis na ang mga ito at umakyat na muna sa kanikanilang kwarto si Richard, Liam at Richmond ay agad na nilapitan ni Pat si Kyle para sana kausapin ito. Nang i-abot ni Pat ang kamay niya para sana idampi ito sa balikat ni Kyle ay agad itong hinawi ng huli na miya mo diring-diri na mahawakan siya ni Pat.


Nagsalubong ang kanilang tingin. Ang mga mata ni Pat ay puno ng lungkot at kay Kyle ay puno naman ng galit.



Itutuloy...


[15]
“A great relationship is about two things, first, find out the similarities, second, respect the differences.”


Mababaw at mabilis ang paghinga ni Kyle, tanda ng hindi nito pagiging kumportable sa mga nangyayari. Nakikita ni Pat ang takot at galit sa mga mata ni Kyle, gusto niyang pawiin ang mga emosyon na iyon pero hindi niya alam kung ano ang kaniyang dapat gawin. Nang hawiin ni Kyle ang kaniyang kamay ay tila may sumaksak sa kaniya at rumehistro iyon sa kaniyang mukha pero hindi na niya alintana iyon, ang gusto niya lang mangyari ay aluhin si Kyle. Sabihin na ang lahat ay magiging maayos din sa mga susunod na araw pero walang lumabas na boses at salita sa kaniyang bibig.


“This is all your fault.” pabulong pero puno ng galit na sabi ni Kyle. Muli, katulad noong araw na ipinagtabuyan siya ni Kyle ay muling naramdaman ni Pat na tila ba iniipit ang kaniyang puso sa pagitan ng dalawang naguupugang bato, pero hindi katulad noong unang pagkakataon na ipinagtulakan siya ni Kyle ay hindi hahayaan pa ni Pat na sa kaniya ulit ibaling ni Kyle lahat ng sisi.


“How was this all my fault, Kyle?” pabulong din na tanong ni Pat pero hindi rin alintana sa boses nito ang pinaghalo-halong galit, sakit at pagkadismaya. Hindi makasagot si Kyle, kahit naman kasi may isasagot ito ay hindi naman ito hahayaan ni Pat na magdahilan.


“Because from what I remember you told me that you're OK with all of this shit! You told me that we will tell them when we're both ready! What? Do you honestly think that I'm having the best time of my life now? That I wanted you to be outed like that, that I want everybody we know to find out about us this way, huh? I may not like it when you're treating my like your dirty little secret but I never wanted you to be outed like this!” halos pasigaw ng sabi ni Pat sabay iling.


“I can't believe that you're going to dump all this shit to me--- again!” umiiling paring pahabol ni Pat, may ilang luha na na umaagos mula sa mga mata nito.


“You don't know how much that hurts, do you? When you blamed me for that blow job? You know what I felt, Kyle? I felt like trash, I felt dirty, I felt like some bastard who wouldn't care about his partner as long as he get laid, but that is only after I feel like that my heart was being crushed between two boulders. Then after getting over that pain, I never thought I'd be good enough for anybody so I shut myself inside this imaginary shell where no one can touch me---!” sigaw at galit parin na pagpapatuloy ni Pat habang marahas na pinapahiran ang mga luha na wala paring tigil sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata. “---And now this kiss? If I have known that being with you also means being blamed for things that I have no control over, then I should've stopped falling in love with you from the start. And for the record, Kyle. I was never anybody's dirty little secret until I met you! I don't know why I let you treat me like that but I know damn well for sure that I'm not going to let you treat me like that. EVER AGAIN.”



Pagkatapos na pagkatapos ng sinabi na iyon ni Pat ay agad itong tumalikod kay Kyle at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay. Si Kyle naman ay napasandal sa pader ng dining room at itinakip ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Sa sobrang abala ni Pat at Kyle sa pagpapalitan nilang iyon ay hindi nila napansin ang maliit na bata na humihikbing nanood sa palitan nilang iyon. Hindi ito napansin ni Pat maski nadaanan niya na ito kaya naman nagulat siya ng biglang may yumapos sa kaniyang mga binti.



“Patwick. Don't go. Please don't cwy, Patwick--- we'll play later, I promise we'll play later just please don't be mad with daddy, he doesn't mean all the bad things he said. Please stay, Patwick. Please stay.” sabi ni Liam habang nakangudngud ang mukha sa kaliwang hita ni Pat. Dahil sa nababalot parin ng sakit at galit ang puso ni Pat ay nawala sa isip niya na ang taong nakayapos sa kaniyang mga binti ay isang tao na limang taong gulang pa lamang, kaya't hindi niya naisip na masasaktan ito nang sigawan niya ito.


“Stop calling me Patwick!” sigaw ni Pat sa bata na matiyaga paring nakayakap sa kaniyag binti.


“But you said I can call you Patwick. You promised that you will be my best friend like Patwick the star is best friends with spongebob! You pwomised! You pwomised!” sigaw ni Liam habang humahagulgol na nakangudngud parin sa kaliwang hita ni Pat. Pinilit ni Pat na pigilan ang sarili sa pagsigaw pero natalo ang resolba niyang iyon ng sakit ng ginawa ni Kyle sa kaniya.


“Well you should start thinking that not all promises are meant to be kept! That the world is not made of rainbows and butterflies where everyone is sweet and happy! You should start thinking that the world is also full of people who hate other people, that the world is full of selfish people who doesn't do anything but blame other people for their own mistakes!” sigaw ulit ni Pat na lalong ikinahagulgol ni Liam, nang maramdaman ni Pat na medyo lumuwag na ang pagkakahawak ni Liam sa kaniyang mga binti ay pinuwersa niya ang sarili na maglakad palabas ng bahay. Hindi na nagawa pang higpitan ulit ni Liam ang pagkakahawak sa mga binti ni Pat kaya't hindi na niya ito napigilan sa pagalis at ang tangi na lang niyang nagawa ay umiyak at isigaw ang pangalan ng kaibigan habang pinapanood na sumara ang front door ng kanilang bahay.


“PATWICK! PATWICK!”



Sa dining room ay wala narin nagawa pa si Kyle kundi ang mapadausdos pababa ng pader at mapaupo sa sahig matapos niyang marinig ang palitan nila Liam at Pat. Kasabay ng panaghoy ni Liam ay ang pagtulo ng ilang matatabang luha mula sa mga mata ni Kyle. Nababatid ang mabigat na pagsisisi na kaniyang gagawin matapos ang muling pananakit kay Pat.



000ooo000



“I'll bring the contract tomorrow so you can sign it.” sabi ng kausap ni Pat para sa bagong apartment na uupahan niya.


“Great. I'll see you tomorrow.” matipid na sagot ni Pat, wala siya sa wisyong makipag kaibigan sa kaniyang land lord. Wala na sa wisyong makipag kaibigan pa si Pat sa kahit na sino dahil sa nadala na siya dahil sa mga nangyari sa kanya. Nadala na siya sa nangyari sa kanila ni Eric, sa nangyari sa kanila ni Jake at ang huli may isang linggo na ang nakakaraan ay ang nangyari naman sa pagitan nila ni Kyle.



Hindi parin naaalis ang kagustuhan ni Pat na lumigaya pero naniniwala siya na wala sa pakikipagkaibigan sa kung sino sinong tao siya liligaya. Naisip niya na kung panahon na talaga para sa kaniyang kaligayahan ay dadating ito sa kaniya ng kusa at hindi na niya ito kailangan pang hanapin at habulin. Naisip niya din na kung ipagpipilitan niya naman ang sarili kay Kyle dahil lamang sa kaniyang iilang pinangha-hawakan na mga masasayang alaala kasama ito ay alam niyang hindi iyon sapat lalo pa na ang katumbas naman ng iilang masayang alaala at sandali sa pagitan nila ay pang matagalang sakit.



000ooo000



“Mom, please don't cry. It's bad enough that dad isn't speaking to me because of this move.” simula ni Pat nang makita niyang tahimik na pinapahiran ng kaniyang ina ang mga luha nito habang tinutulungan siyang i-maleta lahat ng kaniyang damit.


“Ngayon na lang ulit tayo nagiging pamilya, Pat.” humihikbing sabi ni Lita.


“Everything is Ok between us, Mom. I no longer have a reason not to call and visit you guys anymore.” nakangiting sabi ni Pat habang ibinuka ang kaniyang mga kamay bilang anyaya sa kaniyang ina sa isang mahigpit na yakap na magiliw naman na pinaunlakan ng matandang babae.



Nang lumabas ang matandang babae ay siya namang pasok ni Louie. Nakasimangot ito katulad nung unang beses na nagpaalam si Pat na siya ay aalis na sa bahay na iyon. Hindi ito pumapayag na muling umalis si Pat ngunit mapilit ang Pat.



“You can't keep running away, Pat. Sooner or later you have to face them. Sooner or later you will regret not closing this part of your life properly.” makahulugang sabi ni Louie habang pumapasok sa loob ng kuwarto at tumanaw sa labas ng bintana ni Pat. Ang bintana na siyang nakaharap s \a tree house sa bakuran nila Kyle.


“Wha--?”


“If you want to end everything between you and Kyle you have to end it properly or else you will forever be miserable.” pagkatapos na pagkatapos ni Louie magsalita ay agad itong tumalikod at naglakad palayo. Alam ni Pat na kaya agad itong umalis ay lubos na masama ang loob nito. Gusto sana niya itong habulin at yakapin at magpaliwanag na hindi niya ginustong iwan ang mga ito at ginagawa niya lang iyon para makaiwas sa sakit.


“You can't keep running away, Pat---”



Alam ni Pat na ito ang ibig sabihin ng kaniyang ama. Ang pag-iwas niya sa sakit pero wala siyang ibang maisip na paraan para maalis ang sakit na iyon. Lumapit siya sa bintanang nakaharap sa bakuran nila Kyle at tumanaw din doon. Nakita niya si Kyle na bagsak balikat na nagsasalita sa paanan ng puno ng sampaloc, marahil kinakausap si Liam na asa loob ng tree house. Nalungkot siya nang maalala ang kaniyang mga huling sinabi sa bata. Nagsisisi siya na nagbuhos siya dito ng galit gayong wala naman itong kinalaman sa mga nangyari sa kanila ni Kyle. Habang mataman niyang tinitignan ang tree house ni Liam ay bigla ding pumasok sa isip niya na pareho lang din pala. Takbuhan man niya ang sakit o harapin ito ay habang buhay parin itong tatatak sa kaniya ag kaibahan lang ay kapag hinarap niya ito ay hindi na niya muli itong babalikan pa.



Lumuluhang tumalikod si Pat mula sa bintana at humiga na sa kaniyang kama.



000ooo000


Sa sobrang abala ni Pat sa pagtitig sa tree house kung saan andun si Liam ay hindi niya napansin ang isa namang pares ng mga mata na mataman naman siyang tinatanaw mula sa likod ng bahay nila Kyle. Kitang-kita ni Richard ang lungkot sa mga mata ni Pat habang nakatanaw ito at nakatingin sa tree house kung saan andun si Liam, iniiwasan ang amang si Kyle at hindi ito kinakausap dahil ito ang sinisisi ng bata sa pagkawala ng isa sa pinakamalapit niyang kaibigan na si Pat. Pinanood niya rin ang sakit na lumalatay sa mukha ni Pat bago pa ito tumalikod at naglakad palayo sa bintana.


Wala sa sariling ibinaling ni Richard ang kaniyang pansin sa anak na bagsak balikat at naluluhang nakatingala parin sa tree house. Kinukumbinsi ang batang si Liam na bumababa na mula doon at umuwi na upang makatulog na sila sa kaniya-kaniyang kama. Nang hindi parin ito pinansin ng anak ay bagsak balikat na sumuko na si Kyle, nangingilid ang luha at tahimik na naglakad papasok ng bahay pero nangangalahati pa lang ito ng bigla itong natigilan at tumingala at taimtim na tinignan ang bintana ng kuwarto ni Pat kung saan nakasindi parin ang ilaw. Kitang kita rin ni Richard ang hindi lang sakit at lungkot mula sa mukha ng kaniyang anak dahil sa hindi pagpansin sa kaniya ni Liam kundi pati ang pagsisisi at pananabik sa taong asa likod ng bintana na tinatanaw nito ngayon. Hindi na natiis pa ni Richard na nakikitang nasasaktan ang anak kaya wala sa sarili niya itong nilapitan at tumayo sa tabi nito at tinignan din ang bintana ni Pat na nuong puntong iyon ay nagpatay naman ng ilaw. Narinig pa ni Richard ang buntong hininga ng anak bago siya magsalita.


“Son, do you remember the story of the guy you were named after?” simula ni Richard, marahang tumango si Kyle, pano nga ba niya makakalimutan ang taong madalas ikuwento sa kaniya ng ama noong panahong hindi pa ito nakikipaghiwalay sa kaniyang ina.


“The one that saved your ass in Vietnam?” balik naman ni Kyle at malungkot na ngumiti.


“Yes, he saved my ass---” umiiling at nangingilid luhang simula ulit ni Richard. Hindi na nagtaka pa si Kyle sa ikinikilos ng ama, noong bata pa siya sa tuwing ikinukuwento ito ng kaniyang ama sa kaniya ay di rin nito mapigilan ang mapaluha. “---he jumped in front of me right before a grenade---” dugtong ni Louie pero agad din siyang pinutol ni Kyle dahil napansin nitong nahihirapan na ang ama sa pagtutuloy ng kuwento.


“He jumped in front of you right before a grenade exploded. It could've been you who was killed.” pagtatapos ni Kyle habang pareho parin silang nakatingala at nakatingin sa bintana ni Pat ang kaibahan lang ay may tumutulong luha sa mga mata ni Richard.


“You remember---” nakangiting sabi ni Richard sabay buntong hininga. “---but I'm afraid I didn't tell you all of it. It all started when we moved to the states, you see when your lolo and lola emigrated from here to the states, US is still shrouded with racial discrimination, Asians are part of the minority along with the blacks and Latinos. At first I had a tough time going to school there but it became OK after they saw how good I was in sports but racism is still there especially when white jocks comes second from me in the rosters of good players, I was frustrated and angry whenever they make fun of me. I planned on getting even with them but they're so powerful in school and I can't do anything against them without making a fool out of myself so I settled with just fitting in and be like the assholes they are. I thought that if I can't get through them then I can be at the next level with them and like them I can make hell for everyone who's level is below me---” umiiling na pagpapatuloy ni Richard sa kaniyang kwento. “---You see, those days I thought that those who belong to the third sex is way below us so I made their lives hell and I brought that attitude even after I graduated high school and to the army. When I first saw Kyle I knew then and there that he's gay, he doesn't look girlish or anything, that dude can even be a body builder with his muscles all over the place--” humahagikgik na sabi ni Richard atsaka nagpatuloy. “---but there is just something in the way he talks that sounds gay and I hated him for that. I was captain of the unit and he's first lieutenant, I always give him a bad time and he just takes all my asshole-ness like it was nothing. Earlier that day when the grenade rolled in front of me, I punched his face for smirking at me when I called him a cocksucker. He's three years younger than me and he died just because I didn't see a gadamn grenade because I was busy thinking about how to make his life hell!” tuluyan nang kumawala ang marami pang luha mula sa mga mata ni Richard. Nung una ay hindi parin makuwa ni Kyle kung bakit ito kinukuwento sa kaniya ng ama pero nakuwa niya rin ito ng muling magsalita ang ama.


“I'm telling you this because I want you to know that there's nothing wrong with gay people and there is certainly nothing wrong in loving one. Kyle is gay and he's the bravest person I know. Kyle is gay and he saved my life even after I punched his face for smirking at me after I called him a cocksucker. Kyle is gay and he is certainly proud of being one even if he knew he's going to have a tough life. I could've badly reacted when Liam opened the kitchen door during that Christmas lunch, but I didn't, that is because I have nothing against gay people anymore, it's sad that a young person must die first for me to realize how wrong I was, but I'm so thankful I got there, Kyle, I'm so thankful that I learned to respect them. Yes, what I experienced and what you're experiencing right now is different but there are also different similarities. I wouldn't accept gay people because I thought that they are way below me while you couldn't accept your love for someone who is gay because you're afraid that you will be below everybody else.” naliliwanagan na si Kyle matapos itong sabihin ng kaniyang ama pero meron parin siyang ilang tanong.


“I'm not even sure if I'm gay dad. I'm not sure if I can love Pat the way I love Karen---” simula ni Kyle pero agad ulit siyang pinutol ni Richard.


“Gay. Bisexual. Straight. They are just labels, Kyle. Love doesn't really acknowledge those labels. Love is for everybody. It doesn't matter if that love is shared between two guys, a girl and a boy and between two girls. It's love, it's shouldn't be complicated, some people just make it complicated because that is what narrow minded people tend to do, Love doesn't have anything to do with sex or gender it's supposed to be shared with two people regardless of gender---” taimtim na ngayong nakatingin si Richard sa anak na mataman paring nakatitig sa bintana ni Pat na tila ba sa ginagawa niyang iyon ay himalang lalabas doon si Pat at yayakapin siya. “---and you're love for Karen would of course be different for your love with Pat. They are two different people who only have one similarity and that is their love for you and Liam. During our Christmas lunch, I haven't told you this and I wished that I told you sooner, the reason why I asked you those things about Pat is because after I first laid my eyes on him, I just couldn't stop looking at him, you wanna know why? Because it amazes me how much love he has for you and Liam, I can tell by simply lookin in his eyes, it's like he was sent by Karen from heaven just to look after you guys. It's like his only job is to look after you guys and he's damn serious about it.” nangingiting sabi ni Richard nang maalala ang tingin na iyon sa mga mata ni Pat.



Wala paring masabi si Kyle. Tahimik parin siyang nakatingin sa bintana ni Pat at iniisip ang mga sinabi ng ama. Ilang saglit ay naramdaman niya ang pagtapik ng kaniyang ama sa kaniyang balikat. Saglit niya itong tinignan at muli itong nagbigay ng isang payo, payo na narinig niya narin noon kay Nina.


“You still have time to fix everything.”


0000ooo0000


Malalim parin ang iniisip ay wala sa sariling umakyat si Kyle sa tree house. Naabutan niyang nakahiga sa banig si Liam, sinusupsop ang hinlalaki at natutulog na miya mo sanggol. Wala parin sa sariling humiga patabi sa anak si Kyle sabay abot sa lumang lamp shade na ginagamit ni Liam pang-ilaw sa buong tree house at pinatay ito. Iniyakap niya ang sarili sa anak na natutulog na iniyakap din ang sarili sa ama.


0000ooo0000



“Huh?” nasabi ni Kyle sa sarili nang makramdam siya ng marahang pagtusok sa kaniyang pisngi.


“Daddy! You're alive!” sigaw ni Liam sabay yakap ng mahigpit sa anak.


“Oofff!” nasabi ulit ni Kyle nang halos matanggal lahat ng hangin sa kaniyang baga nang talunan siya ni Liam.


“What, you think I'm dead?!” nangingiting tanong ni Kyle sa anak.


“But you were not moving.” sabi ulit ni Liam sabay paling ng ulo sa kaliwa na lalong ikinangiti ni Kyle. Wala sa sariling niyakap ni Kyle si Liam ng mahigpit at bumulong dito.


“I'm sorry, buddy. OK?” hindi agad sumagot si Liam pero naramdman ni Kyle na tumango ang bata.


“I'm sowee to, daddy. I love you.”


“I love you too, buddy---.” sagot ni Kyle sabay tingin sa kaniyang relo.


“---C'mon buddy, we have to go somewhere.” nakangiting sabi ni Kyle sa anak na agad lumiwanag ang mukha.


“Yey! Wait. Where are we going, daddy?” hindi na sumagot si Kyle, ngumiti na lang ito at binuhat si Liam pababa ng tree house.


0000ooo0000


“I'm sorry sir but I can't give you the keys to this apartment. Someone already rented it.” simula ng landlord ni Pat matapos niyang hingin dito ang susi ng apartment.


“What are you talking about! Is this even legal? I mean I gave you the rent for this month and next and now you're going to say you gave the unit to someone else?!” sigaw naman ni Pat. Inabot na ulit ng landlord ang paunang bayad ni Pat pero hindi niya ito tinanggap.


“No! I need this place!” sigaw ni Pat sabay hawi ng kamay ng landlord na may lamang pera. Agad siyang nagmartsa papunta sa apartment na dapat sana ay rerentahan niya. Pagdating niya sa harapan nito ay agad niyang sinipa ang front door at tinignan ang buong paligid.



Narinig ni Pat ang pag-sigaw ng isang bata sa loob ng apartment sa gulat mula sa kaniyang ginawang pagsipa na iyon sa kaniyang pinto at hinanap ang umagaw sa kaniyang uupahang bahay. Pero nang makita niya ito ay agad natunaw ang kaniyang resolba. Nanlamig ang buo niyang katawan at agad na pinagpawisan.



“What are you doing here?!” singhal ni Pat.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment