The Jaguar Adventures of Jorge: Alas-sais ng
Umaga
Masaya ang naging
inuman ni Jorge at ng mga ka-opisina niya sa gabi ng summer outing nila sa
isang resort sa Batangas. Wala yata ni isa man sa kanila ang hindi nalasing.
Pati ang pinaka-boss nila ay nalasing din. Kaya naman ng maalimpungatan si
Jorge kinaumgahan ay pawang mga tulog pa ang mga kasamahan niya sa silid.
Matapos siyang makapagbanyo ay hindi na rin siya bumalik na matulog. Medyo may
liwanag na rin kasi siyang naaaninag sa may bintana na natatabingan ng makapal
ng kurtina.
Lumabas siya ng
kanilang silid upang alamin kung may nagising na rin na kasamahan niya. Subalit
napakatahimik sa labas. Pawang mga tulog pa sigurado ang kaniyang mga
kasamahan. Sila lamang kasi ang laman ng maliit na resort na iyon kaya naman
wala pa siyang nakikitang ibang tao maliban sa ilang tagapagsilbi sa resort na
iyon.
Naglakadlakad si
Jorge papalapit sa dagat. Nasarapan siya sa simoy ng hangin kaya naisipan
niyang maupo sa isang bangko sa loob ng isang maliit na paupahang cottage sa
malapit sa dalampasigan. Paglapit niya sa cottage ay biglang napansin na may
isang lalaking nakahiga. Naka-uniporme ito ng pang-security guard. Malamang ay
security guard iyon ng resort na iyon na nakaidlip lamang sa sarap ng simoy ng
hangin.