Showing posts with label If I Let You Go. Show all posts
Showing posts with label If I Let You Go. Show all posts

Thursday, December 27, 2012

If I Let You Go (21-Finale)

by: Dylan Kyle

At nagsimula na ang pakulo namin. Hahahha. Sinabi ko sa kanila na mag handa na sila. Isang sigaw ang babagabag sa kanya at mag dudulot nito na pumasok siya sa bahay. Kaya 1, 2, 3 and 4... sigaw...

“ aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”

at narinig ko ang pagmamadali niya sa pagpasok ng gate at ng pinto. At pagbukas niya ng pinto. Biglang buhay ng ilaw at.... “

SURPRISE”

sigaw naming lahat. Nakita naman ang pagkagulat ni Ryan. Nakita ko rin ang pagkamangha niya.

“Happy Birthday!” yan ang sabay sabay naming sinabi sa kaniya.

 “Woah... grabe... kinabahan ako dun sa sigaw tapos ganito. Kakaiba.... Salamat ng marami... sinong nakaisip nito?” tanong niya. Punong-puno pa rin siya ng shock

If I Let You Go (16-20)

by: Dylan Kyle

“Hindi kita maintindihan? Bakit naman mamamtay si Kuya?” tanong ni Anthony sa akin.

“Basta.....”

“Sumagot ka nga.....” galit na sabi niya.

"Ayokong mag salita... mas mabuting ako lang ang makakaalam nito..."

"Bakit ba kasi? Magsalita ka..."

Nanahimik ako sandali. Dahil sa kapipilit niya ay nagsalita na ako.

 “Mapapahamak lang siya kapag ipinagpatuloy namin ang relasyon namin... papatayin siya ng mga kumidnap sa akin... baka saktan pa siya.... matapos nila akong....” bigla akong napatigil hindi dapat makalabas ito

. “Matapos kang?”

If I Let You Go (11-15)

by: Dylan Kyle

Lutang ang isip ko habang papunta kami sa lugar na pupuntahan namin ni Ryan para mag dinner. Hindi ko malaman kung itutuloy ko ba na sabihin sa kanya o reresolbahin ko ito ng mag isa. Di ko alam kung ano ang magiging reaction niya pag nakita niya ang mga litratong ito. mga litrato na kitang-kita na magkayakap kami at magkalapat ang mga labi.

Ayaw ko namang pag isipan ng masama si Anthony kung pakana ba niya ito eh, pero isa lang ang pinag hihinalaan ko, si Rona. Alam kong gagawin niya ang lahat para lang hindi maging magulo ang buhay nila ni Anthony. Pero, hindi ko lang maintindihan, wala na kami ni Anthony at sana naman na maisip niya na kung sakali man na siya ang may gawa niyon eh annahimik na ako. gusto ko nga ipa-trace yung e-mail sa akin na iyon eh.

Malalim talaga ang bawat buga ng aking hininga at pag iisip ng aking utak. Definitely, hindi ko muna sasabihin ngayon sa kanya yung tungkol sa picture kasi ayokong sirain ang masayang gabi niya. Ililihim ko muna sa kanya panandalian at hahanap ako ng tiyempo kung kailan ko sasabihin.

If I Let You Go (06-10)

by: Dylan Kyle

“Nicko...” pagtawag sa akin ni Anthony sa akin.

“Bakit” tanong ko.

 “Ahm...pwede ba na mag usap tayo?” tanong niya.

“Yup.. nag uusap na tayo ngayon...” sabi ko.

 “I mean in private.” Pag didiin niya.

“Anthony, madami akong gagawin eh. Pati..” naputol ang pagsasalita ko.

 “Please...” pagputol niya sa akin.

“Ok... sige...” di ko mapigilan ang di tumanggi sa kanya.

Nakita ko sa kanyang mga mata na para bang nangungusap ito.

“May klase ka pa ba ngayon?” tanong niya.

If I Let You Go (01-05)

by: Dylan Kyle

“Bilisan mo jan... babagal bagal ka jan eh.... anong tingin mo sa sarili mo ha? Kala mo... sampid ka lang dito....”

Isang sigaw na nakakabulahaw. Nakapagtataka kung kanino nanggagaling ang mga tinig na ito. Galing ito sa isang taong marami raming naranasang kalungkutan, kapighatian at kung anu-anong pag hihirap. Kung susumahin ba eh maniniwala ba kayong nanggagaling ito sa aking mga boses.

Oo ako nga. Ako ang bida sa storyang ito pero di lang yan. Ako din ang tumatayong kontrabida sa pinsan kong malandi at haliparot. Oo yan ang tingin ko sa pinsan ko matapos niyang agawin ang lahat lahat sa akin.

Ako si Nicko. Pierre Nicko Mercado, 24 taong gulang. Isang owner ng isang natatanging shop. Masaya ako, maayos at maaliwalas ang buhay kasama ang best friend kong si Annie, yan eh before pa umeksena ang kontrabida at bida-bidahan kong pinsan, si Rona.