By: Menalipo Ultramar
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: condenadoka123@yahoo.com
“Pagka-ikot mo,
lalayo ka sa akin, pero magkahawak pa rin ang kamay natin...”
Madiin naming
hinawakan ang kamay ng bawat isa.
“Ihawak mo sa kanan
kong balikat ‘yang kaliwa mong kamay!”
Gusto ko na siyang
tuluyang yakapin, hagkan ang buo niyang katawan ng may pagmamahal at pagnanasa.
“Ikot papunta sa
akin...”
At sa huli, nagdikit
ang aming mga katawan, nagdikit ang aming mga kaluluwang nais makapiling ang
isa’t...
KABLAG!!!!
“ARAY!!!”
“Fonse...” Tinawag
ako ni mama, pagtawag na may pigil na panggagalaiti.
FUCK!!!! Kanina pa
ako wala sa sarili!!!
“Kanina ka pa
tinatanong ng tatay mo kung anong nangyari sa practice mo kanina?”
“Ah....ah? Ahhhhh,
‘yung practice ko kanina, oh, ah. Ah, perfect. Naituro naman sa akin ‘yung
sayaw...” ang aligaga pero masaya kong sagot. Dinampot ko ang kutsilyo’t
tinidor na kanina ko pa binitawan at saka hiniwa ang steak. Haaayyy, kung pwede
ko lang talagang sabihin kung gaano kaganda ang mga nangyari kanina.
“Perfect. What an
adjective? Parang description ng kasal...” ang sabi ni Papa sabay subo ng
steak.
Unti-unting nawala
ang ngiti ko. Habang si Fonse naman ay nangingiting hinihiwa ang steak niya.
“Bakit sabi ni manang kanina, tumatakbo daw na
umalis ‘yung nagturo sa’yo? Ni hindi man lang daw nagpaalam...” sabay subo ng
caesar salad.
Bwisit.