Wednesday, January 30, 2013

Ang Patagong Pagmamahalan 10

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 10"
By Iam Kenth

Lagi lang akong nasa kwarto, wala rin naman kasi akong ibang pupuntahan. Paulit-ulit kong binabasa ang mga sulat sa akin ni Ryan na nagpapangiti sa akin. Mga bagay na pinapaalala niya sa akin sa sulat noong magkasama pa kaming dalawa.

Nakakalungkot isipin na parang bula na nawala nalang ang lahat ng iyon ng bigla.

Humiga ako sa kama habang nakakalat pa sa paligid ko ang lahat ng naipon kong sulat na galing sa kaniya. At isang litrato na magkasama kaming dalawa ang aking hawak hawak at pinagmamasdan ko iyon.

Para akong baliw na ngingiti at maya-maya ay malulungkot, maluluha.

Mula sa mga sandaling iyon sinabi ko sa sarili hinding hindi na ako magmamahal pa ng iba, tama na siguro na si Ryan lang. Kahit na alam kong malabong magkasama pa kaming dalawa.


Nauna ako sa Maynila. Sila Mama at Papa ay nasa probinsiya pa. Kaya wala akong kasama pa sa bahay na tinutuluyan namin sa Maynila.


Matutulog ako ng nagiisa, kakain ng nag-iisa. Halos natatapos lang ang buong araw ko sa loob ng bahay, lalabas lang ako sa tuwing may bibilhin ako. Kagaya ng makakain o ng kung ano-ano pa.

Ang Patagong Pagmamahalan 09

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 9"
By Iam Kenth

Sa araw ng kasal ni Ryan at Herminia, parang ayaw ko noong bumangon sa kinahihigaan ko, pero kasi ako ang best man ni Ryan.

"Anak? gumising kana diyan, maligo ka na at pupunta na tayo sa simbahan." Sabi ng Mama. at sa tuwing nadidinig ko ang tungkol sa kasal, parang unti unti akong pinapatay.

Pero, itinindig ko ang sarili ko. Kailangan ko silang harapin.

Naligo ako at nagbihis, inisip ko na sa oras na mabasbasan na si Ryan at Herminia, ako na ang magiging saling pusa.

Pinanghahawakan ko parin kasi ang sinabi sa akin ni Ryan na kahit na maging kasal sila ni Herminia, ako parin ang mahal niya. Alam kong mali, pero inisip ko din, sino ba ang mali?

Ako na alam ni Herminia na minamahal ng asawa niya? o siya na alam niyang hindi siya mahal ni Ryan at patuloy niya kaming pinaghihiwalay?


Kung hindi lang sana nagbunga ang kanilang ginawa, pero kung hindi man nagbunga iyon, malamang maghahabol padin si Herminia sa kaniya.

Hindi ko alam kung dati ng may gusto si Herminia kay Ryan, pero kasi si Ryan naging crush niya iyon. Pero sabi niya sa akin na crush lang daw talaga.

Ang Patagong Pagmamahalan 08

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.8"
By Iam Kenth

Hinatid nila ako hanggang sa bahay.

Bumaba na ako ng sasakyan. Ngumiti sa akin si Ryan. At ganun din sa akin ang mapapangasawa niya.


Nagpaalam na sila sa akin. Pinagmasdan ko ang sasakyang papalayo sa akin.

Hindi ko maunawaan pero, nakadama akong muli noong ng sobrang pighati. Iyong pakiramdam na, kasama mo ang mahal mo habang kasama niya ang kaniyang Pamilya.

Ayaw kong isipin na wala ng pagtingin o nararamdaman pa sa akin si Ryan, dahil kilala ko siya mula pa noong pagkabata namin.

Ang iniisip ko ay kung bakit siya huminga ng pasensya. Dahil ba alam niyang nasasaktan ako?

Nakita ko nalang ang sarili ko sa loob ng aking kwarto, tahimik, tulala, nag-iisip kong ano bang nagawa kong mali at bakit kailangan kong pagdaanan ang ganitong uri ng pakiramdam.

Alam kong mahal pa ako ni Ryan, nararamdaman ko iyon, lalo na noong nakita ko siya kanina.

Ang Patagong Pagmamahalan 07

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 7"
By Iam Kenth

"Bakit kailangan mangyari sa atin ito?" Tanong ko kay Ryan, kasalukyan kaming nakahiga sa aking kama. Magkayakap.

"Hindi ko alam. Pero hindi mo naman ako basta basta isusuko diba?" Pagbalik niya ng tanong sa akin. Hinihimas niya ang aking buhok gamit ang knaiyang daliri.

"Oo. Kahit na alam kong mali, patuloy kitang mamahalin Ryan." Sabi ko.

"Walang mali sa ginagawa natin, ang tanging pagkakamali ay ang nagawa ko." Sabi naman niya.

"Huwag sisihin ang sarili mo, basta magsasama tayo. At walang makakaalam nito." Sabi ko. Humalik siya sa aking noo.

Pero sandali lang siyang mamamlagi sa aking kwarto dahil kailangan na niyang bumalik sa kaniyang mapapangasawa. Mula noon nalaman buntis si Herminia ay pinagsama na silang dalawa, para narin hindi mabahiran ng kung ano mang katanungan ang pagbubuntis ng anak ng isang Mayor sa aming lugar.

Masakit para sa parte ko na aalis ang mahal ko at alam ko kong saan siya pupunta.

Minsan tinanong ko siya kung napapamahal na siya kay Herminia, hindi malabong mangyari iyon dahil parate na silang nagkikita at nagkakasama. Pero ang parate niyang sinsagot sa akin ay.

Ang Patagong Pagmamahalan 06

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com
Blog: hipogi.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 6"
By Iam Kenth


Ayaw ko na gusto kong umuwi. Nalilito ako, ayaw ko dahil alam kong masasaktan lang ako lalo, gusto ko dahil sa kabila ng nalaman ko nais ko paring makita si Ryan.

Nakakainis!

Pero, kailangan kong tanggapin ang mga nalaman ko kahit na gaano pa iyon kasakit. Sabi ko nga sa sarili ko, mali-maling iyong pagkakataon na sinabi ko sa kaniyang mahal ko siya. Dahil lalayo ako sa kaniya.

Iniisip ko, kung hindi ko rin naman sinabi sa kaniya, malamang maiinis din ako sa sarili ko kung malalaman kong magiging ama na siya, magkakaroon parin ako ng pagsisisi.

Kung alam ko lang noon pa na hindi niya ako iiwasan sa oras na sabihin ko sa kaniyang gusto ko siya, sana noon ko pa sinabi. Sana nabago ang sitwasyon, wala sana ako ngayon dito sa Maynila, malamang ay mas pipilitin ko ang aking mga magulang na doon nalang mag-aral kasama siya.

Pero huli na ang lahat. Siguro nga nakasulat na ang tadhana ko. Binabaybay ko nalang. Hindi ko alam kung hanggang saan ako makakarating, kung paano matatapos ang tinatahak kong istorya ng aking buhay.


Nagdesisyon akong umuwi sa amin.

Open Relationship 04

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/joemar.ancheta


--------------------------------------
Jinx Point of View
--------------------------------------

 Nagtransfer na din si James noon sa pinapasukan kong campus para may kasabay daw ako sabi ni tatay kaya nagkapareho kami ng pinapasukan. Nasa highschool siya at ako naman sa college kaya alam kong madalas niya akong makita na kasama si Ronald at ang mga katulad ko ding paminta. Iyon nga lang karamihan sa mga kasama ko ay mga durog o kaya ay pinulbos nang paminta o sabihin na nating mga halatang bakla. Dahil doon ay naramdaman kong iniiwasan na ako ni James na kausapin sa campus namin at kung sa bahay naman kami ay lagi naming pinagtatalunan ang hindi ko pagsunod sa mga bilin ni tatay sa amin.
Pagkatapos ng klase naming iyon at pumasok kami sa susunod naming subject ay parang nagugulat pa din ako. Naaasiwa? Siguro. Inspired? Pwede. Kilig much? Sigurado. Hindi ko kasalubong ang kaniyang mga titig sa akin. Tuloy walang pumapasok sa utak ko sa mga sinasabi ng mga instructor namin.
“Bakit ba ayaw mong tumingin sa akin kapag tinitignan kita?” bulong niya sa akin sabay siko habang hinihintay namin ang instructor namin sa huling subject namin sa araw na iyon.
“Basta. Nahihiya ako.”
“Bakit kailangan mong mahiya. Dapat nga ako ang mahiya sa’yo kasi mas guwapo ka pa sa akin. Tignan mo ako, ta’s ngumiti ka.”

Against All Odds Book 2: 22

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


Kahit mag-iisang oras ng nakahiga si Ryan sa kaniyang kama at kahit medyo napagod siya sa paglabas nila ni Dan nung gabing iyon ay hindi parin magawa ng kaniyang mga mata na sumara at mahimbing ng makatulog. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa kaniyang isip ang magandang ngiti ni Dan, ang malalambot na kamay nito, ang boses nitong musika sa kaniyang pandinig at ang ugali nitong hindi papadaig sa kaniya sa tuwing sinisinghalan niya ito.

Hindi rin maalis sa kaniyang isip ang halos pagdampi ng mga labi nila at ang tila ba pag-aalinlangan ni Dan na lubos niyang ipinagtataka. Ito ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip nang makarinig siya ng marahang pag-katok sa kaniyang pinto. Hindi niya ito sinagot, iniisip na baka ang kapatid niya lamang ang nasa labas at mangungulit lamang ito kapag pinagbuksan niya kaya naman laking gulat niya nang marinig niya ang marahang pagtawag sa kaniyang pangalan ni Dan.

“Ryan?” nagaalangang tawag ni Dan na ikinabalikwas ni Ryan sa pagkakahiga sa kama.

“I-I'm sorry to w-wake you up. I'll c-come back tomorrow--- I'm sorry.” nauutal na saad ni Dan sabay tatalikod na sana nang pigilan siya ni Ryan.

“It's OK, Dan. Di rin naman ako makatulog---uhmm--- tuloy ka---” saad ni Ryan na nagtulak kay Dan na pumasok sa loob ng kwarto ng huli.

Ang Patagong Pagmamahalan 05

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 5"
By. Iam Kenth

Mabilis akong bumaba ng barko, at sinalubong ko ng yakap si Ryan. Mahigpit ang pagkakayakap ko noon sa kaniya, tila wala akong pakialam sa mga nasa paligid. kahit pa na kasama ko noon sila Mama at Papa.

Alam naman kasi nilang matalik ko na kaibigan si Ryan noon pa. Kaya wala lang sa kanila ang mga yakap ko na iyon kay Ryan, pero para sa akin at sa kaniya at binuno ng mga yakap naming iyon ang ilang araw at buwan naming hindi pagkikita.

Sa sasakyang aming sinakyan, nagtitinginan kaming dalawa. nagkakangitian sa isa't isa.

Magkatapat kami sa sinasakyan naming jeep at pasimple naming pinagdidikit ang aming mga daliri. sabik na sabik na ako sa kaniyang mga halik at haplos ng mga sandaling iyon.

Pagdating namin sa bahay. Ay agad akong umakyat sa kwarto ko, nagpalit ng damit at dumungaw sa bintana. Naghihintay sa akin si Ryan sa baba. Mabilis akng tumakbo papalabas.

"Oy, oy, Makyo saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni Mama.

Ang Patagong Pagmamahalan 04

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 4"
By. Iam Kenth

Ang unang araw ng pagkawalay ko kay Ryan ay hindi naging ganoon kadali, habang nasa barko ako ay tinatanaw ko ang napakalawak na karagatan, iniisip ko na ano na kayang ginagawa ni Ryan sa mga sandaling ito.

Kumain na ba siya? Nasaan siya ngayon? Anong tumatakbo sa kaniyang isipan sa mga sandaling ito? at kagaya ko, iniisip nia rin ba ako?

Sobrang layo ko na sa kaniya pero kahit gaano man kalayo namin sa isa't isa, pinanghahawakan ko iyong sinabi niya sa akin.

"Mahal kita Myk." Iyon ang patuloy na nagpapaulit ulit sa aking isipan na nagbibigay dahilan upang mapangiti ako kahit wala siya sa tabi ko.

Ang Patagong Pagmamahalan 03

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt. 3"
By. Iam Kenth


Dapat ko pa nga bang pagsisihan ang pagtatapat ko kay Ryan?

Hindi ko na dapat intindihin iyon.

Masaya pa naman ako dahil tinanggap niya ako at taliwas sa aking iniisip na lalayuan niya ako. Sa mga pagkakataon ito, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kaniyang isipan.

Pero isa lang ang alam ko.

Masaya ako dahil magkasama kaming kaming dalawa ngayon at walang alinlangan.


"Yan inukit ko pangalan mo at pangalan ko dito sa puno, para naman maalala ko na kasama kita noong inukit ko iyan." Sabi niya sa akin. At sabay nakaw halik sa aking pisnge.

"Grabe ka naman, baka mamaya may makakita sa atin, halik ka ng halik."

Ang Patagong Pagmamahalan 02

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.2"
By. Iam Kenth


Kinakabahan parin ako sa maari niyang sabihin sa akin, kaya na sabihin niyang wag ko ng isipin iyong ginawa kong pagnakaw ng halik ay 'di parin mawawala sa aking isipan na nakagawa ako ng isang bagay na maaring ikasimula ng pagkasira ng aming pagkakaibigan, ng aming samahan.

Ang tanga, tanga ko!

Sinubukan kong pigilan ang aking nararamdaman, ngunit ang hiraphirap. Siguro, tama na din iyon. Sinakripisyo ko ang samahan namin para sa aking sariling kagustuhang ipaalam sa kaniya iyong nais kong iparating mula sa isang simpleng halik na iyon.

Pero matatawag ko bang simple iyon? Hindi pala simple, mapangahas na halik.


CRACKSSS!

Napatingin ako sa bintana dahil may nambato.

Sino naman kaya iyon?

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at sinilip.

Ang Patagong Pagmamahalan 01

By: Iam Kenth
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


"Ang Patagong Pagmamahalan pt.1"
By. Iam Kenth


Paminsan hindi natin alam kung paano nating panghahawakan ang isang bagay na pilit nating ikinunubli, hindi natin alam kung hanggang kailan natin magagawang itago.

Alam nating mali sa paningin ng iba, pero masasabihan ba nila ang ididikta ng sigaw ng ating puso?

ano ang mas mahalaga? ang sasabihin nila o ang nararamdaman ninyo para sa isa't isa?

*********

Huling Linggo ng bakasayon na pala. Sa susunod na Linggo aalis na kami at pupunta na kami ng Maynila at doon ako mag-aaral.

"Myk!!!" Si Ryan, tinaas niya ang kamay niya. Malayo pa siya sa kinauupuan ko, nasa bandang tulay pa siya. Mga 100 steps pa siguro bago makarating siya dito sa akin. Tinaas ko ang kamay ko.

Desert Diary 14: Ang Pabango

Desert Diary – Story 14 Ang Pabango
Ni Desert Delicacy [desertdelicacy@yahoo.com]
Blog: desert-diaries.blogspot.com


Gustong gusto kong dumaan sa likod ng opisina namin dahil napakaraming poging tumatambay doon. Doon sila nagkukwentuhan at nagyoyosi. Mga ilang buwan din bago ko nalaman na distribution company pala sila ng mga pabango. Mahigit sampu ang mga salesman doon na wala kang itulak kabigin sa kagwapohan. Ang babango nila at naka uniform sila ng puting long sleeves, tie, black slacks at black shoes. Sa tantya ko mga Lebanese or Syrian ang mga iyon. Alangan naman akong magpakilala sa kanila kaya hanggang masid lang ako tuwing dumadaan ako o nagyoyosi sa likod ng opisina namin.

Sa tagal ng pagpapa tweetums ko ay nakakuha din ako ng pagkakataon upang makilala ang dalawa sa kanila. Alas dos ng hapon noon at papunta pa ako ng opisina. Ako lang mag isa sa opisina noon dahil ang lahat ng staff pati na ang teaboy namin ay dinala sa Jubail upang dumalo sa isang exhibition. Magyoyosi ako sa likod ng office namin at nagkataon namang dalawa sa mga salesman ay nagyoyosi din.

“Oh shit, I forgot my lighter” nagkunyari akong walang dalang lighter, yan usually ang mga pick up lines ko. Tumingin kunyari ako sa kinaroroonan ng dalawang gwapong lalaki at ngumiti. “Do you have a light?”

Ngumiti din si pogi no.1 at binigyan ako ng lighter.

“Thanks” sabay abot ko sa kanya nang matapos na akong magsindi.

“If I want to buy perfume would you give me a discount?” tanong ko sa kanilang dalawa.

Huling Gabi Bago Ang Palabas (Complete)

Huling Gabi Bago Ang Palabas
Part 1 at Part 2 (Last Part)


[Part 01]
"I love you."

Pati ako nagulat n'ung lumabas ang mga salitang ‘yun sa bibig ko. Hindi ko na lang pinahalata.

Natigilan din si Kiko, saka umubo-ubo. Nahirinan yata.

Lahat ng mga kaklase namin eh natigilan din. Tumahimik bigla 'yung hilera ng table na kina-uupuan namin sa canteen.

"Huwag ka ngang ganyan," ang sabi ni Ella, sabay subo ng kinakain niyang adobo. "Baka mamaya may ibang makarinig sa 'yo, kung ano pa ang isipin," ang dagdag pa n'ya.

Natawa ng kaunti si Kiko, sabay inom ng tubig. "Buti na lang sanay na ako sa iyo. Kung hindi baka atakihin ako sa puso."

Tumahimik na lang ako at walang ekspresyon ang mukha na bumalik sa pagmememorya ko ng script.

"ANTIGONE" by Jean Annouilh. Ito ang produksyon nang aming University Theater group sa taong ito.

Hiram na Pagmamahal (Complete)

Hiram na Pagmamahal
Part 1, Part 2, Part 3, Part 4, Part 5 at Part 6 (Last Part)


Dumating si Junard sa buhay ni Rex sa panahong lugmok na lugmok siya at pakiwari niya'y wala nang gustong umunawa at magmalasakit sa kanya.

Di nga ba't masaya siyang nag-aaral dito sa Maynila nang magkaroon ng isang malaking problema ang kaniyang pamilya at kinailangan niyang bumalik sa kanilang probinsya upang duon na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Isang matinding alitan ang namagitan sa kanyang ama at sa mga magulang nito na naging sanhi ng pagkakagulo sa kanilang pamilya. Pati siyang dati-rati'y kinagigiliwang apo ay nadamay sa sigalot at muntik-muntikan nang hindi makapag-aral dahil sa naputol na sustento ng kanyang lola. Sa awa't tulong na rin ng kanyang magulang ay nakapasok siyang muli sa isang unibersidad sa kanilang lugar. Mas gusto pa niyang magtagal sa loob ng paaralan kaysa naman umuwi sa kanilang tahanan na lagi na lamang may bangayang nangyayari.

Dahil sa pangyayaring ito ay natutong magrebelde si Rex. Pumapasok man ay hindi inintindi ang pag-aaral. Kung papasa eh di papasa ang naging panuntunan niya sa buhay. Alam niyang kayang-kaya niyang ipasa ang kanyang mga subjects, matalino naman siya. Pero talagang ang gulo sa pamilya ang humihila sa kanya upang gawin ang mga bagay na di naman niya talagang gustong gawin.

Joy (Complete)

Joy
Chapter 1: Mr. Perfect
Chapter 2: Pretty Weird
Chapter 3: Attack of the 6-Foot Tall Ex-Boyfriend


[Chapter 01: Mr. Perfect]
I met this lowly 23 year old guy I hang around for work. Dorky-looking, yet suave, there was something about this guy that projected masculinity but in a sense he could get it on with someone. As in a relationship.

What the hell were you thinking?

As I was saying, the 25 year old guy, let's call him Rockwilder, young, very dorky, with those baseball caps, hip-hugging shorts and more caps. He was capable of making realtionships with the opposite sex and stuff heterosexuals do. He couldn't believe at this time of the world he's now having a hard time looking for a relationship.

What is about 23 year old young, single bachelors that keeps them 23 year old young, single bachelors and dateless?



"I'm making a decent living out of this work, and all of the potential girls don't go for young guys anymore," he said, lounging around with his trademark blue Yankees caps, and a slighty chewed off tip of a pen.

Maybe he wasn't serious enough for a relationship. I just thought he was just looking for that single day or I mean night to get laid.

Ang Sakristan (Complete)

Ang Sakristan
Part 1, Part 2, Part 3, Part 4 at Part 5


[Part 01]
Matagal ko ng gustong magpost ng kwento ko dito kaya lang ay medyo sensitive tong story ko kaya matagal kong pinag-isipang kung dapat ba o hindi, pero alam kong matitino ang isip ng readers dito kaya alam kong maiintindihan nila ito dahil personal ko tong karanasan.

Gustung-gusto ko mag sakristan bata pa lang ako pero si Mommy ang talagang tutol dito. Although si Daddy ay nasa Canada at wala akong matandaang pagtatalo namin dito alam kong di niya kayang kontrahin si Mommy kaya wala din siyang magawa.

"Dalawa lang kayo ng ate mo, pag naging nurse yan susundan na niya Daddy nyo sa Canada, ikaw lang ang inaasahan kong makakasama ko dito at magmamangae ng business natin kaya ayokong mag pari ka. Nagsosolong anak ang Daddy mo, wala na kaming aasahan na magkakalat ng apelyido nila kundi ikaw lang," yun ang madalas na dahilan ni Mommy kaya ayaw niya akong mag sakristan.


"Ma, sakristan lang ang gusto ko hindi mag pari, sige na Ma, grade V na ako sa pasukan, pag grade six mahihirapan na ako makapasok. Sige na Ma, pakiusap ko kay Mama habang nagbabakasyon kami."